Followers

Saturday, March 16, 2013

Ang Tutor 9




************Sunday 6:00am************


Maagang gumising si Matthew para mag-init na ng water. Nakaupo lang siya sa kitchen table at nakatunganga sa harap ng Electric Water Pot. Labis ang kaniyang pagtataka kagabi. Hindi niya alam kung masyado lang maraming nangyari because of Jenny's Birthday Party and ang pakikipag-usap niya ng masinsinan kay  Arthur. Thankful si Matthew at hindi minasama ni Arthur ang kaniyang pagpapanggap at pagpeFake ng kaniyang identity para makapasok at maging Tutor ni Jenny.

Hindi talaga maipaliwanang ni Matthew kung bakit ganoon ang slight na pagChange ng mood ni Arthur last Night. Kinagat ni Matthew ang lower lip niya nang maalala niya ang ginawa nila ni Arthur inside the car at biglang pumasok sa isipan ni Matthew ang phone call na naReceive ni Arthur in the middle of their 'Coffee' Session. NagSigh si Matthew at baka ang naReceive na tawag ni Arthur ay ang dahilan ng pagiging matamlay nito. At first ay hindi pinansin ni Matthew ang nakita niyang reaction ni Arthur kagabi habang may kausap ito sa phone.

Nagtataka din si Matthew nang hindi pumasok si Arthur sa kaniyang room last night. NapaSmile si Matthew nang mapag-isip-isip niya ang ginawa niya last evening nang makapasok na sila ni Arthur sa bahay. After nilang magGood Night Kiss sa bawat isa'y nagkaroon sila ng ilang seconds of silence at tila hindi nila alam ang sasabihin sa bawat isa. Pumasok silang dalawa sa kanilang respective rooms at nang makapasok na si Matthew sa kaniyang room ay nagmamadali siyang kumuha ng towel at pamalit na damit and then naligo siya't naghanda na.

Lalong nangiti si Matthew dahil now lang niya naRealized ang ginawa niya kagabi. NagAssume kasi sitong si Matthew na papasok si Arthur sa kaniyang room at itutuloy nila ang kanilang naudlot na 'Coffee' session all the way. NagPromise kasi si Matthew kay Arthur na kapag nagWorkOut ang kanilang One Week Trial Period ay more than just a 'Coffee' lang ang ibibigay niya kay Arthur pero nakatulog si Matthew kagabi sa kakahintay kay Arthur.

Ang akala ni Matthew ay ganoon ang susunod na mangyayari dahil talagang clear na clear na sa kaniya ang Mutual Understanding nilang dalawa ni Arthur at naging Official na iyon kagabi. Nagbuntong hininga ulit si Matthew habang nakaharap siya sa kitchen counter at tahimik siyang nagtitimpla ng kaniyang Coffee.

"Hey!" Ang masayang sambit ni Matthew nang may maramdaman siyang pumasok sa kitchen. Bigla siyang humarap at laking dismaya niya nang makita niyang si Deborah lang pala.

"Anyare?" Ang clueless na tanong ni Deborah kay Matthew nang mapansin niya na biglang napasimangot si Matthew nang makita siya nito.

"Wala." Ang tinatamad na sagot naman ni Matthew. Nagkibit balikat na lang si Deborah at nagtimpla na rin ito ng kape habang si Matthew ay tahimik na naupong muli sa kitchen table.
"Aalis ka ba?" Ang matamlay niyang tanong kay Deborah.

"Nope." Ang walang emotion na reply ni Deborah kay Matthew.

"Sunday ngayon." Ang sunod na sinabi ni Matthew dito. Matthew's hoping na umalis at mamasyal itong si Deborah dahil Linggo naman at gusto niyang makasama si Arthur ngayong araw at parang akward si Matthew pag-alam niyang nasa bahay si Deborah.

"Hindi ka ba gagala?" Ang dagdag pa ni Matthew.

"Dito na lang ako. Napagod ako kahapon. Eh kayo Sir, Hindi ba kayo gagala?" Ang explain and question ni Deborah sa kaniyang amo. Nakaupo na din ito sa kitchen table with Matthew.

Umiling lang si Matthew kay Deborah. Hopeful pa din siyang mag-iba ang isipan ni Deborah at mapagTripan nitong gumala. Naubos na ni Matthew ang kaniyang Coffee ay hindi pa din lumalabas si Arthur sa room nito at ganun din naman din si Jennifer. Walang inintindi si Matthew sa mga ikinukuwento sa kaniya ni Deborah tungkol sa kung gaano kasaya ang Party Yesterday dahil ang talagang gusto ni Matthew ay makita nga itong si Arthur lalo na't nagkaunawaan na silang dalawa. Nahihiya naman siyang pasukin ito sa room.

"Pagod siguro." Ang isip-isip ni Matthew kaya nagDecide na lamang siya na pumasok sa room at iwanan na lang si Deborah sa kitchen.

"Saan kayo pupunta Sir?" Ang tanong ni Deborah nang nakita niyang papalabas ng Kitchen si Matthew. Gusto pa kasing kuwentuhan ni Deborah si Matthew.

"Sa kwarto ko." Ang sagot naman ni Matthew.

"Matutulog ulit kayo Sir?" Ang sunod na tanong ulit ni Deborah. Natigilan naman si Matthew dahil naRealized niyang hindi niya alam ang gagawin pagnakapasok na siya sa kaniyang room.

"Upload ko yung mga pictures kahapon sa FB." Ang biglang sinabi ni Matthew kay Deborah nang maalala niya na nagPicture taking pala sila kahapon gamit ang kaniyang DigiCam. Kasama din sa mga inimpakeng gamit ni Matthew ang kaniyang laptop dahil naisipan niya itong dalhin at nakaWifi naman sina Arthur. Yun lang ang naisipan ni Matthew na gawin kahit gustuhin man niyang katukin si Arthur sa Room nito kaya lang ay alam niyang hindi pa dapat niyang gawin iyon.

"Sige Sir. Tag mo na lang po ako." Ang masayang sambit ni Deborah. MagkaFB kasi silang dalawa. Nginitian na lamang ni Matthew si Deborah sabay labas niya sa Kitchen.


**************9:00am*************


Hindi na namalayan ni Matthew ang pagtakbo nang oras dahil after na maiUpload niya ang pictures from Yesterday sa kaniyang Dummy Account sa FB ay naCurious siya na tignan kung may FB si Arthur at hindi naman siya nadismaya dahil madali lang naman niyang nakita ito at nakaPublic ang settings nito.

Nawili si Matthew sa kakatingin sa mga Photo Albums ni Arthur sa FB. Nandoon ang mga pictures noong Wedding nila ni Liz, Noong ipinanganak si Jenny. Lalong napaSmile si Matthew sa mga wacky pictures ng mag-asawa na kasama si Jenny.

Natahimik bigla si Matthew nang makita niya ang kaisa-isang uploaded photo ni Liz na nasa hospital. Kitang-kita ni Matthew ang buto't-balat na pangangatawan ni Liz and ang obvious na pamumutla nito pero although na nasa ganoong kalagayan si Liz ay kitang-kita ni Matthew ang matamis nitong pagSmile at ang pagTwinkle ng dalawa nitong mga eyes. Tumagal ng ilang minutes na nakatingin si Matthew sa picture na iyon nang biglang may malakas na kumatok sa door ng kaniyang room. Biglang nataranta si Matthew at nagmamadali niyang inAdd Si Arthur sa Dummy FB account niya and then saka siya nagLogOut sa FB. NapaSmile si Matthew nang buksan niya ang Door at makita niya si Arthur pero hindi tumagal ng ilang seconds ang smile ni Matthew nang makita niyang nangangalumata si Arthur.

"Are you okay?" Ang concern na tanong ni Matthew kay Arthur. Malalim na nagbuntong hiningang lang si Arthur habang nakatingin ito  Matthew. Agad namang nakaramdam ng kakiba si Matthew. May hunch na kasi si Matthew about sa behaviour ni Arthur.

"What's wrong?" Ang tanong ulit ni Matthew.

"I'm just happy." Ang mahinang answer ni Arthur kay Matthew.

Pinilit na magSmile si Arthur. Although totoo naman ang sinabi ni Arthur kay Matthew na happy siya pero deep inside ay worried siya dahil sa sinabi sa kaniya ni Katrina. Magdamag na inisip iyon ni Arthur kaya hindi siya masyadong nakatulog kagabi.

"Gusto mong magBreakfast?" Ang sambit naman ni Matthew. Sa hindi maipaliwanang na dahilan ay parang naging Akward silang dalawa sa isa't-isa. Nagkaroon ulit ng ilang seconds ng silence between the two of them.

"Sige." Ang mahinang sagot ni Arthur kay Matthew. Naging tahimik ulit sa pagitan nilang dalawa and after ilang seconds ulit ay si Matthew naman ang nagsalita.

"Puntahan ko lang si Jenny sa room niya." Ang paalam ni Matthew kay Arthur sabay lakad niya papunta sa room ni Jenny. Tinignan lang ng tahimik ni Arthur si Matthew then after that ay tinignan ni Arthur ang loob nang room ni Matthew. NapaSigh ulit si Arthur nang makita niya ang Apple LapTop ni Matthew sa ibabaw ng bed. Hindi talaga makapaniwala si Arthur na makakatagpo niya ng landas si Matthew sa isang Weird na way.

Tahimik lang na tinignan ni Arthur ang buong room ni Matthew mula sa labas ng pintuan and after ilang seconds lang ay kaniya ng isinara na ang Door at tumungo na ng Kitchen. Kung Yesterday ay curious na curious si Arthur about kay Matthew ay kabaligtaran naman ang pakiramdam niya right now. Happy siya at nalaman niya ang tunay na pagkatao ng bigatin na si Matthew pero mas malakas ang pag-aalalang nararamdaman naman niya ngayon.

NaGets ni Arthur ang nais ipahiwatig ng kanilang Company President sa kaniya at hindi naman niya masisisi ito dahil may kasalanan din naman siya. Clueless na clueless ang kanilang Company President na nakikiRide lang siya sa Trip ng daughter nitong si Katrina. Hindi naman kasi pumasok sa isipan ni Arthur na ganoon ang iisipin at seseryosohin ito ng kanilang President. Inisip nito na serious siya kay Katrina. Ang talaga namang Goal ni Arthur ay mapunta siya sa good side ng kanilang Company President by playing sweet with Katrina, Isa na sa pinakagasgas na tactic sa Industry ni Arthur.

Kung iisipin ni Arthur ay nananahimik siya sa Company at ito namang si Katrina ang nagApproach sa kaniya at ang naisip lang namang paraan ni Arthur ay maging kind to Katrina hanggang sa hindi niya namalayang medyo naging out of line na siya sa ginagawa niyang pagiging Kind kay Katrina hanggang sa maRealized na lamang ni Arthur na para na silang mag-On. Hindi na pwedeng magBack-Out si Arthur kaya nama'y pinangatawanan na lang niya at inAccept ang pagiging Sweet ni Katrina sa kaniya at itinuloy na lang niya ang pagiging kind and gentleman naman niya sa One and only daughter ng kanilang Company President.

"Hay Buhay!" Ang nasambit na lang ni Arthur habang papunta na siya ng Kitchen. Pinilit talaga niyang maiba ang kaniyang iniisip dahil everytime na maiImagine ni Arthur ang mga pupuwedeng mangyari after ng pag-aAnnounce ng kanilang Company President sa pagreRetire nito ay talaga namang bumibigat ang kaniyang pakiramdam.

"Huwag kang Paranoid." Ang sunod na ipinaalala ni Arthur sa kaniyang sarili. Lalo pang nagLevel-Up ang mga iniisip ni Arthur nang wala siyang nadatnang tao sa Kitchen. Saktong pagkapuwesto ni Arthur sa Kitchen Table ay siya namang pasok din nina Jenny and Matthew.

"Good Moning Daddy!" Ang masayang greet ni Jenny kay Arthur sabay takbo nito't yakap sa kaniyang Daddy.

"Good Morning Baby!" Ang malambing naman na sinabi ni Arthur kay Jenny habang mahigpit niyang niyakap din ito. NagSmile lang sa isa't-isa sina Matthew and Arthur nang magtama ang kanilang paningin. Lalong gumulo ang isipan ni Arthur habang pinagmamasdan niya si Matthew na naghahain and si Jenny nama'y para nitong assistant na pag-aayos ng mesa. Naiinit na ni Deborah ang mga left overs from the party.

"Where's Yaya Debbie?" Ang biglang tinanong ni Jenny kina Mathew at sa kaniyang Daddy nang maalala niya ang kanilang maid. Sabay na humagikhik sina Arthur and Matthew nang marinig nila ang sosyal na nickname ni Deborah from Jenny.

"Baka nasa tabi-tabi lang." Ang natatawang sagot naman ni Matthew. Mas happy si Matthew na siya ang maghain for Arthur and Jenny. Tahimik lamang na nakangiti naman si Arthur.

Habang kumakain silang tatlo ng breakfast ay si Jenny and Matthew lang ang masayang nag-uusap about sa Party Yesterday at si Arthur nama'y nananatiling quiet habang pinapanood ang dalawa na masayang nag-uusap. Hindi pinapakinggan ni Arthur ang usapan ng dalawa dahil iba ang iniisip ni Arthur at that moment.

Hindi na talaga naiwasan ni Arthur na pumasok sa kaniyang isipan kung tama nga ba ang naging decision niyang makipagRelationship kay Matthew. Now lang pumasok sa mind niya ang ganoong idea nang makita niyang masaya si Jenny. Just like Matthew ay naisip na din ni Arthur kung ano ang situation na pupuwedeng kaharapin ng kaniyang daughter at ang consequences ng relationship niya kay Matthew.

Hindi namalayan ni Arthur na nagReflect sa kaniyang facial expression ang malalim niyang iniisip which Matthew noticed pero hinintay na lang ni Matthew na matapos ang kanilang pagbreBreakfast bago niya kausapin si Arthur dahil kahit siya'y nabaBother na din sa hitsura't ikinikilos ni Arthur at nang matapos na silang tatlong magBreakfast ay tamang-tama namang pumasok si Deborah sa Kitchen.

"San ka galing?" Ang tanong ni Matthew habang nagliligpit na siya ng pinagkainan.

"Namasyal lang ako sa buong Village." Ang cool na sagot lang ni Deborah.

"Hindi ka ba talaga gagala?" Ang tanong ulit ni Matthew dito.

"Hindi nga po Sir Matt." Ang reply ulit ni Deborah.

"Can we go to the Playground tito Matt?" Ang pagInterupt naman ni Jenny.

"Maghuhugas pa ang tito Matt ng mga plate kasi. How about si Yaya Debbie na lang." ang suggestion ni Matthew kay Jenny dahil naisip niyang yun lamang ang paraan para makasigurado siyang hindi maririnig nina Jenny and Deborah ang pag-uusapan nila ni Arthur.

"Hmmm." Ang narinig lamang ni Matthew from Jenny habang nakaCross ang kaniyang fingers and hoping na pumayag si Jenny sa kaniyang idea.

"Sure! Let's go Yaya Debbie!" Ang masaya namang sambit ni Jenny na ikinatuwa naman ni Matthew. Kaagad na nilapitan ni Jenny si Deborah and saka hinila niyang palabas sa Kitchen.

"MagBreakfast ka muna." Ang pahabol ni Arthur kay Deborah.

"Coffee lang ako Sir sa umaga." Ang sagot naman ni Deborah kay Arthur habang papalabas sila ni Jenny sa Kitchen. Iiling-iling na lang si Arhur at wala talaga siyang masabi sa kanilang maid.

After ilang minutes lang na makalabas sina Jenny sa Kitchen ay magsasalita  na sana si Matthew para tanungin ulit kung okay lang si Arthur nang magRing ang kaniyang phone at agad namang kinuha iyon ni Matthew sa kaniyang pocket and then sinagot niya agad-agad nang makita niyang ang kaniyang Mom ang tumatawag.

"Hello Mommy." Ang bungad ni Matthew sa phone. Tinignan lang ni Matthew si Arthur at binigyan niya lamang ng isang smile ito at kaniya nang ipinagpatuloy ang pakikipag-usap niya sa kaniyang Mommy.

"Sige po. Take Care. Love you too." Ang narinig lang ni Arthur from Matthew habang nasa phone ito.

"Si Mommy. Dinner daw later sa house at may importanteng sasabihin." Ang nakaSmile na sambit ni Matthew kay Arthur.

"Alam mo bang nagApply ako sa Company ninyo pero hindi ako natanggap." Ang sabi naman ni Arthur para maiba ang usapan at maSegway ang kaniyang isipan.

"Mataas kasi ang standards namin." Ang pilyong sagot naman ni Matthew.

"Ganon?" Ang nakaSmile namang reply ni Arthur at hindi na nito inaksaya ang chance at kaagad siyang tumayo from the kitchen table at niyakap ng mahigpit si Matthew. Tahimik lang na nagHug ang dalawa habang nakatanday ang cheeks ni Arthur sa well built chest ni arthur. Mas matangkad kasi si Arthur kaysa kay Matthew. Ninamnam ni Matthew ang ilang seconds ng mahigpit na pagHug ni Arthur sa kaniya bago siya nagsalita.

"Is there something bothering you?" Ang mahinang sambit ni Matthew kay Arthur. Hindi nagReply si Arthur ng ilang seconds. NagInhale muna si Arthur bago niya sinagot ang question ni Matthew.

"I received a news last night. MagreRetire na ang President namin." Ang malumanay na sabi ni Arthur na kaagad namang ikinagulat ni Matthew sabay kalas nito from the Hug of Arthur.

"And then?" ang curious na tanong ni Matthew kay Arthur.

Alam ni Matthew kung ano ang pwedeng mangyari sa Career ni Arthur. Gustuin mang sabihin ni Matthew ang pumasok sa kaniyang idea about the retirement of Arthur's President pero hindi niya pinangunahan ito kaya hinintay na lamang niya ang sasabihin ni Arthur. Hindi nagsalita si Arthur at nagSmile lang ito kay Matthew. Mahigpit na niyakap ni Matthew ulit si Arthur. NapaSigh si Arthur at lalo pa niyang niyakap si Matthew.

"Wala pa akong sinasabi." Ang natatawang sambit naman ni Arthur kay Matthew.

"Yeah I know. Baka malasin." Ang masayang sambit naman ni Matthew.

Lalong napaisip si Arthur habang hinihimas-himas niya ang likod ni Matthew. Kaya naman siya ang napili ng kanilang Company President ay dahil sa fake na relationship na ipinapakita niya kay Katrina. Lalo pang naBother si Arthur nang maalala niya ang sinabi sa kaniya ng kanilang President na wish nitong makitang Settle down na si Katrina with Him. Napalunok ng laway si Arthur at napaNgiti dahil naRealized niyang napakaParanoid niya.

Alam ni Arthur na mabait ang kanilang President at mauunawaan naman siya nito sakaling hindi matupad ang Wish nito para sa one and only daughter nitong si Katrina but ang isa pang problema ni Arthur ay napakabait ng kanilang President kaya nama'y nakakahiyang tanggihan ang pakiusap nito sa kaniya. Nagdecide na lang si Arthur na huwag na munang isipin ang mga iyon at hihintayin nalang niya ang kinabukasan once na nasa Office na siya. As of this time ay iinterviewhin niyang muli si Matthew to get to know him. Back to Zero ulit silang dalawa ni Matthew.

Halos maubos ang oras nina Arthur sa pagtatanong niya kay Matthew and after that ay napunta ang kanilang usapan sa mga Parents nito. Impress na impress talaga si Arthur and hindi siya makapaniwalang talaga na kausap niya ngayon ang One and only Son of the Famous Business Tycoon Couple in the Country. NagSubside ang pangangamba ni Arthur that day dahil kasabay ng pagtakbo ng oras na kasama niya si Matthew ay nakalimutan niya ang Dilemma na kaniyang iniisip.


****************7:30pm**************


Masayang kumakain ng Dinner si Matthew with his Parents at talaga namang since na tumira si Matthew sa house nina Arthur ay now lang niyang nakasabay sa meal ang kaniyang napakaBusy na Parents.

"How are you Dear?" Ang nakaSmile na tanong ng Mom ni Matthew sa kaniya.

"I'm good. Kayo po?" Ang masayang reply naman ni Matthew sa kaniyang Mom.

Naalala niya kasi na hindi siya pinayagang umuwi sa kanila nina Jenny and Arthur hanggang hindi siya nagpraPromise na magSet ng Date para sa kanilang pagBisita sa kaniyang bahay. NagPromise naman si Matthew sa dalawa na as soon as possible ay makakapunta sila sa kanilang house na masaya namang tinanggap ng magDaddy. NagPromise din si Matthew na maaga na lang siyang babalik tomorrow kina Arthur.

"How's your work?" Ang sunod na tinanong ng Mom ni Matthew.

"Great. I'm so Happy there." Ang nakaSmile na sagot naman ni Matthew.

"You know what Matt, I think that you need to quit." Ang sunod na sinabi ng kaniyang Mom.

"Bakit naman po?"  Ang gulat na tanong naman ni Matthew. NapaSmile naman ang Mom and Dad ni Matthew.

"Actually Matt, In one month ay gagawin na naming Official ang operation ng Office branch natin sa Canada dahil lumaki ang percentage ng mga Canadian Investors natin." Ang explain ng Mom ni Matthew. Tahimik lang na nakikinig naman ang kanilang Son.

"Maraming magagandang University sa Canada na pwede mong kuhanan ng Masteral." Ang pagpapatuloy ng Mom ni Matthew. Biglang kinutuban kaagad si Matthew sa kung saan mapupunta ang kanilang usapan.

"Kailangan mo nang magStart sa Masteral mo ASAP. Habang nagmaMasteral ka eh I think you should be a part na sa operations ng ating Canada Office." Ang pagtatapos ng Mom ni Matthew. Nanatiling tahimik lang si Matthew habang unti-unting bumibigat ang kaniyang pakiramdam.

"Ayos ka lang ba Son?" Ang concern na tanong naman ng Daddy ni Matthew nang mapansin nito ang pagkabalisa ng mukha ng anak.

"So soon?" Ang hindi napigilang tanong ni Matthew sa kaniyang Parents.

"ASAP." Ang mahinahong sambit naman ng kaniyang Mom.

"Now palang po ako nagEenjoy sa Job ko Ma." Ang mahinang nasambit lang ni Matthew sabay tingin niya sa kaniyang Dad para humingi ng tulong and back-up. Ganun ang ginagawa ni Matthew since noong bata pa siya.

"In just one month Matthew. The company will be needing you. Hindi na kami pupuwede ng Dad mo doon at talaga namag kailangan kami dito." Ang explain ulit ng Mom ni Matthew sa kaniya. Lalong bumagsak ang mukha ni Matthew.

"Hindi ka na ba kaagad makapagQuit sa Job mo?" Ang tanong naman ng Dad ni Matthew. Walang maisagot naman itong si Matthew. nagSigh na lang ang Daddy ni Matthew and then tumingin ito sa kaniyang wife. NapaSigh din naman ang Mom ni Matthew.

"We'll give you a month. Siguro naman eh masusulit mo na ang time na yun sa work mo and makapagpaalam ka sa mga kaOfficemate mo." Ang sinabi ng Mom ni Matthew. Hindi pa din alam ng kaniyang Parents ang real Job ni Matthew. Kahit na ganoon na ang age ni Matthew ay hindi pa din naalis sa mga Parents nito ang pag-iiSpoil sa kaniya.

"What do you think?" Ang tanong muli ng Dad ni Matthew sa kaniya dahil tahimik pa din ito.

"That's reasonable Son. Close the deal with your mom at baka magbago pa ang isip niyan. Di ba Dear?" Ang masayang paalala ng Daddy ni Matthew sabay tingin ulit niya sa kaniyang wife. Nginitian naman si Arthur ng kaniyang Mom.

"Sige po." Ang mahinang naisagot na lamang ni Matthew sa kaniyang Parents. NapaSmile naman ang mga ito sa decision ng kanilang anak.

"I'm sure mas madali naman ang magiging work mo doon kaysa d'yan sa current job mo." Ang sinabi ng Mom ni Matthew without knowing na hindi na pumapasok sa tainga ng kaniyang anak ang kaniyang sinabi dahil malalim ang iniisip nito.

Alam ni Matthew na dapat siyang matuwa dahil isang good news na pabor sa kanilang Family ang sinabi ng kaniyang Parents pero hindi niya makuhang maging happy dahil ang nasa isipan niya ay sina Arthur and Jenny.


************11:30pm*************


Paikot-ikot na naman si Matthew sa kaniyang bed sa kakaisip about sa sinabi sa kaniya ng kaniyang Mom and Dad. Hindi malaman ni Matthew kung bakit magulo ang nararamdaman niya at kung bakit kabadong-kabado siya. Lalong nagLevel-up ang sadness ni Matthew kasabay ng pag-iisip niya sa magDaddy.

"Relax lang Matt." Ang sinabi ni Matthew sa kaniyang sarili habang sinimulan na niyang magRationalize ng kaniyang current situation.

Hindi maipagkakaila ni Matthew na napamahal na siya kay Jenny since the start nang makita niya ito and mas lalo pa niyang minahal ito nang makilala't makasama na niya ito. Just like Jenny ay ganoon din ang Daddy nito na si Arthur. At first ay naging attracted siya kay Arthur and when He gets to know him more ay lalo pa siyang humanga dito at hindi talaga niya inaasahan na magkakaroon sila ng MU sa bawat isa.

Naging positive naman ang result ng kanilang One week trial period pero ang nararamdam ni Matthew ay para bang hindi siya sure kung talagang magwoWork out ang kanilang relationship. Now lang napag-isip-isip ni Matthew na masyadong mabilis ang one week for them and masyadong mabilis ang kaniyang pagdeDecision without considering both of their current situation.

Hindi pa malaman ni Matthew kung sasabihin niya ang plan ng kaniyang mga Parents kay Arthur pero napag-isip-isip din niya na mas magandang malaman na din iyon ni Arthur hangga't nasa start pa lamang sila ng kanilang secret relationship. Ipinikit ni Matthew ang kaniyang mga eyes para piliting makatulog pero talagang hindi mawala sa isipan niya ang idea na baka hindi na dapat na ipagpatuloy ang relationship nila ni Arthur.

Ganoon din naman ngayon ang situation ni Arthur. NagDecide siyang huwag nang tawagan si Matthew dahil talaga namang Occupied ang kaniyang isipan sa kung ano ang mangyayari tomorrow sa kanilang office after ng announcement ng kanilang President. Iniisip din ni Arthur kung bakit gusto siyang kausapin muna ni Katrina. Napakagat ng lips si Arthur nang biglang pumasok sa isipan niya si Matthew.

Slight na napaSmile si Arthur dahil nagReflect siya ng kaniyang sarili. Now lang niya naisip na matagal pala ang kaniyang pagluluksa sa pagkamatay ng kaniyang wife na si Liz at nang dumating si Matthew sa kanilang life na magDaddy ay unti-unting parang nabuhayan siyang muli. Ang akala ni Arthur ay habang buhay na siyang magiging widower pero he didn't expect that his unforgotten bisexual self ang magbibigay ng sign na makakapagStart siyang muli. Happy siya spending his entire life with Jenny pero mas hapy siya ngayong kasama na niya si Matthew.

"Ang life nga naman." Ang nasambit ni Arthur sa sarili dahil hindi talaga niya inaakala na sa katauhan ni Matthew na mararamdaman muli niya ang kaniyang heartbeat.

Kinuha ni Arthur ang kaniyang phone from the sidetable dahil naisip niya na baka pagnarinig niya ang voice ni Matthew ay maging payapa ang kaniyang isipan. Very late na kasi at hindi pa din siya makatulog dahil sa kaniyang mga iniisip. MagdaDial na sana siya nang biglang nagRing ang hawak niyang phone. Nang makita niyang si Matthew ang tumatawag ay kaagad naman niyang sinagot iyon.

"Hey." Ang malambing na bati ni Arthur sa phone.

"Hey." Ang reply naman ni Matthew. Tumagal ng ilang seconds ang silence between them dahil hindi alam ng dalawa ang kanilang sasabihin sa isa't-isa.

"Kamusta?" Ang tanong ni Arthur after the long silence.

"I Can't sleep. Nagising ba kita?" Ang mahinang sambit ni Matthew.

"I'm just about to call you Matt."

"Ha? Bakit?" Ang pagtataka naman ni Matthew sa sinabi ni Arthur.

"Wala lang. Eh ikaw. Bakit ka tumawag?" Ang balik tanong ni Arthur kay Matthew.

"Wala lang din." Ang sambit ni naman ni Matthew. NapaSmile ang dalawa sa kanilang mga sinabi and again, nagkaroon na naman ng silence between them.

"Matt."

"Arthur." Ang magkasabay na sambit ng dalawa. Natahimik na naman ulit sila.

"Goodnight." Ang kaagad na sinabi ni Matthew. May gustong sabihin si Matthew kay Arthur pero hindi niya alam sa kaniyang sarili kung bakit hindi niya masabi ito sa kausap.

"Goodnight din." Ang reply naman ni Arthur. Natahimik na naman silang dalawa. Medyo tumagal ng more than a minute ang silence.

"May sasabihin ka pa ba?" Ang tanong ni Arthur kay Matthew dahil hindi pa nag-eEnd ng call si Matthew.

"Wala na." Ang mahinang sagot ni Matthew.

"Sige, ikaw na ang magEnd ng Call." Ang sambit ni Arthur. "Salamat sa call." Ang dagdag pa nito.

"Sige Goodnight ulit." Ang sinabing muli ni Matthew and this time ay nagEnd call na siya. Nagsmile lang si Arthur. May gusto din siyang sabihin kay Matthew kaya lang hindi din niya iyon masabi. Wala pang ilang seconds ay tumunog ang text alert message tone ni Arthur at kaagad na binasa ni Arthur ang message nang makita niyang it's from Matthew.

"I Love you." Ang nakalagay sa text message ni Matthew.

Naglakas ng loob si Matthew na sa text nalang niya sabihin ito kay Arthur pero laking gulat ni Matthew nang tumunog ang kaniyang phone at slight siyang nagPanic nang makita niyang si Arthur ang tumatawag. "Shit!" Ang naibulalas ni Matthew na parang teenager lang. NagInhale and exhale muna si Matthew saka niya sinagot ang call from Arthur.

"Hello." Ang mahina't shy na greet ni Matthew sa phone.

"NaDelete ko yung text mo. Anong nakalagay doon?" Ang sinabi naman ni Arthur kay Matthew. Pinipigilan nitong tumawa pero kung todo ang smile nito  dahil sa text message ni Mathew sa kaniya.

"Wala." Ang nahihiyang sambit ni Matthew. Medyo nagblaBlush na ito kahit nasa kabilang linya si Arthur.

"Anong wala. Meron kaya. Di ko lang nabasa. Ano ba ang nakalagay sa text mo?" Ang pangungulit ni Arthur. Kahit nabasa niya ang text ni Matthew ay mas gusto niyang marinig ito kay Matthew.

"Sabi ko, I love you." Ang mahinang sambit ni Matthew. Wala na talaga siyang nagawa at corner na naman ulit siya ni Arthur.

"Ha? Hindi ko narinig! Ano ulit?" Ang natatawang kulit ulit ni Arthur. Lalong nahiya si Matthew.

"Bakit ayaw mong sabihin ha? Ngayon ka pa ba nahiya?" Ang sunod na banat ulit ni Arthur. Napahigpit ang yakap ni Arthur sa kaniyang body pillow dahil nangGiGigil siya na sana'y katabi niya si Matthew right now.

"I love you." Ang ulit ni Matthew sa phone. Nilakasan na niya ito. Parehong hindi maipinta ang smile ng dalawa.

"I love you too." Ang reply naman ni Arthur na lalong ikinatuwa nilang dalawa because that was the first time na magsabi sila ng 'I love you' sa isa't-isa.

"I can't wait to see you tomorrow. Goodnight." Ang masayang isinunod ni Athur na sinabi kay Matthew and this time ay siya naman ang nagEnd ng call.

Sabay na nagSigh sina Matthew and Arthur at kahit papaano'y gumaan ang kanilang pakiramdam because of each other until they fall asleep na iniisip ang bawat isa.


*****************Monday 7:30am*******************


Akward and bothered itong si Arthur habang hinihintay niya si Katrina sa office nito tulad ng kanilang napag-usapan. Maagang umalis si Arthur para pumasok sa office at nagtext na lamang siya kay Matthew para ipaalam dito at tamang-tama din naman dahil naLate ng gising si Matthew dahil nga'y hindi ito nakatulog last night. Tumayo agad si Arthur nang marinig niyang pumihit ang doorknob nang office ni Katrina at laking gulat niya nang pumasok ang daughter ng kanilang President.

"Ae you okay?" Ang concern na tanong ni Arthur kay Katrina. Kahit na napakakapal ng make-up and kulot na kulot ang buhok ni Katrina'y hindi maitatago sa hitsura nito ang pagkaHaggard.

"Sit down Art." Ang bungad naman ni Katrina kay Arthur. Lalong nagulat si Arthur dahil now lang niyang marinig ang ganitong Tone of voice ni Katrina. Hindi na ito tulad ng dati na sa tuwing kakausapin or lalapitan siya nito'y napakaSweet nito sa kaniya.

"Art, Anong pinag-usapan ninyo ni Daddy noong Saturday?" Ang tanong agad ni Katrina kay Arthur nang umupo na ito sa kaniyang table. Ramdam na ramdam ni Arthur ang pagkaSuperior ng Aura ni Katrina.

"Ha? Ah eh." Ang naiusal na lang ni Arthur at hindi kaagad niya naOrganized ang sentence na kaniyang sasabihin sa daughter ng kanilang President. Kinabahang bigla si Arthur habang nakatitig siya sa serious na mukha ni Katrina.

"May kinalaman ba yun sa retirement ni Daddy?" Ang sunod na tanong ni Katrina kay Arthur nang hindi nakasagot si Arthur on her first question. Tumango na lamang si Arthur kay Katrina. NagSigh lang si Katrina habang si Arthur ay napalunok naman ng kaniyang laway.

"Yun lang ba ang pinag-usapan ninyo ni Daddy?" Ang next na question ni Katrina. Lalong hindi nakapagsalita si Arthur dahil kinutuban siya na nag-usap na siguro sina Katrina at ang kaniyang Daddy. Hindi na hinintay ni Katrina na sumagot si Arthur.

"Art. ALam ko na ang lahat-lahat." Ang talunang sinabi ni Katrina kay Arthur. Biglang tumaas ang dalawang kilay ni Arthur sa sinabi ni Katrina.

"Gusto kong malaman from you kung ikaw ang nagbigay ng idea kay Daddy about Us Settling down." Ang next na sinabi naman ni Katrina. Kapansin-pansin na ang tinatamad at medyo slight na lungkot sa tone ni Katrina. Parang batang umiling lang si Arthur. Now ay 100% sure na si Arthur sa kaniyang kutob about sa pahiwatig ng kanilang President sa kaniya last Saturday.

"Sinabi sa akin ni Daddy that you are the most qualified na pumalit sa Position niya as President dahil you will be a part of the family soon." Ang emotionless na pagpapatuloy ni Katrina.

"Let me explain Kat." Ang nasabi na lang ni Arthur dahil ayaw nang marinig ni Arthur ang susunod na sasabiin nito.

"Shhh." Ang pigil naman ni Katrina kay Arthur. "Let me speak." Ang sunod na sinabi ni Katrina. Tumahimik lang si Arthur.

"I don't want to settleDown Arthur. I'm happy being single. Happy ako na makipagDate sa'yo, makipagFlirt sa'yo. I can't blame Dad kung ganoon ang naging impression niya sa atin. Alam ko Arthur na napipilitan ka lamang na iDate ako." Ang sunod-sunod na sinabi ni Katrina na siya namang ikinanliit ni Arthur. Medyo naGuilty siya sa sinabi ni Katrina.

"Hindi ko kayang palitan si Liz sa buhay ninyo ng daughter mo. Dad will announce his Retirement today and He will also announce to the whole office ang magiging Son-in-law ka niya." Ang talunang pagtatapos ni Katrina. Hindi nakaimik si Arthur sa ibinalita sa kaniya ni Katrina.

"Gumawa ka nang paraan Arthur. I'm still happy being single." Ang matigas na sambit ni Katrina kay Arthur.

"Ha? Ba't ako?" Ang parang batang sinabi ni Arthur kay Katrina.

"Alangan namang ako! Kasi naman Arthur eh!" Ang naiinis na reply naman ni Katrina. Lumabas na ang pagkaBratinela nito.

"Bast ikaw ang gumawa ng paraan! Ayoko magSettle Down!" Ang sunod na sinabi ni Katrina.

"Teka. Kasalan nating dalawa ito." Ang banat naman ni Arthur. Para na silang mga batang naghahanap ng paraan para makalusot sa gusot na kanilang ginawa.
"I know Arthur! Pero ikaw ang lalaki!"

"Daddy mo naman yun eh! Mas maganda kung ikaw ang magsasabi."

"It's too late Arthur. Nasabi ko na kay Daddy na gusto ko nang magSettleDown." Ang sunod na sinabi ni Katrina. Lalong nagulat si Arthur.

"Ayokong maUpset si Daddy." Ang pagtatapos ni Katrina. Walang nasabi si Arthur sa pagtatapat ni Katrina. Alam ni Arthur ang nararamdaman nito dahil napakabait ng kanilang President at talaga namang walang makakatanggi kapag nanghingi ito ng favor.

"ARTHUR PLEASE!" Ang naiirita and nagpaPanic na sambit ni Katrina. Pakakalmahin na sana ni Arthur ito nang magRing ang phone sa desk ni Katrina. Inilagay kaagad ni Katrina sa speaker ang phone and kaagad niyang sinagot ito.

"Miss Katrina, Pinapatawag na po kayong dalawa ni Sir Arthur ng President sa main conference room." Ang sabi ng Secretary ni Katrina.

"We'll be there." Ang maikling sagot lang ni Katrina sabay pindot niya ng drop call button sa phone. Inirapan ni Katrina si Arthur habang tumayo na ito at tahimik lang na sinundan siya ni Arthur. Hindi sila nag-iimikan habang papunta sila sa Main Conference room.

"Inaayos ko na. Hay naku naman. I'll text you later. Balitaan kita. Take care." Ang narinig lang ni Arthur kay Katrina nang may tinawagan ito sa kaniyang mobile phone habang nasa loob sila sa Elevator. Hindi na pinansin ito ni Arthur dahil abala siya sa pag-iisip ng paraan para masabi sa kanilang President ang gustong iparating ni Katrina dito. Sinisisi ni Arthur ang kaniyang mga actions and tanggap naman niya ang naging consequence ng kanilang act ni Katrina.

Huminga nang malalim si Arthur bago niya binuksan ang pintuan ng Main conference room habang si Katrina nama'y tahimik lang na nasa likod niya. Humugot ulit nang hangin si Arthur sa kaniyang Lungs saka niya tuluyang binuksan ang door at laking gulat nilang dalawa ni Katrina nang sumalubong sa kanila ang malakas na pagpalakpakan at greetings ng 'Congratulations'.

Napansin ni Arthur na nandoon ang ibang board members ng kanilang Company at lahat ay nakaSmile sa kanilang direction. Kitang-kita din ni Arthur na ang kanilang President ay ang pinakamasaya sa lahat at ito din ang pinakamalakas ang pagClap. Hindi nakuhang pumasok nina Arthur and Katrina sa loob.

Nagmamadaling nilapitan sila ng kanilang Company President nang mapansin nitong hindi sila kumikilos. Hindi makapagReact si Arthur dahil sa gulat nang niyakap siya ng kanilang President then ganoon din si Katrina nang siya naman ang niyakap ng kaniyang Daddy.

"I can't wait for the two of you kaya nama'y nagAnnounce na ako." Ang sinabi ng kanilang President kina Arthur and Katrina at binigyan na lamang nila ito ng isang Fake Sweet smile dahil hindi talaga nila mabasag-basag ang pagkaHappy nito. Thankful and Grateful talaga ang kanilang Company President dahil hindi na tatandang dalaga ang kaniyang one and only daughter na si Katrina.

"Arthur, Son-in-Law, Pagplanuhan ninyo na ang kasal ninyo para makapagRetire na ako as soon as possible." Ang panunuksong ginawa ng kanilang President kay Arthur na nagpatawa sa lahat ng tao sa room.

Everybody was happy na si Arthur ang napili dahil bilib na bilib silang lahat na magagampanan nito ng maayos ang pagiging President ng Company. They are also happy at makakapag-Asawa na din sa wakas si Katrina. Nagtinginan lang sina Katrina and Arthur at tila ba nag-usap ang kanilang mga eyes at sabay nilang sinakyan ang trip ng mga tao sa loob ng conference room at nagThank You sila sa mga nagCongratulations sa kanila.

Behind sa fake happy face ni Arthur ay kabaligtaran naman ng kaniyang nararamdaman. NagMaximum level ang pagFunction ng utak ni Arthur para umisip ng paraan habang si Katrina namay kulang nalang ay ibaong tuluyan ang mga kuko nito sa kaniyang well built na Bicep nang humawak ito dito para ipakita sa lahat na talagang silang dalawa na.


*******************11:00pm*****************


Balisang-balisa si Arthur nang makauwi na siya from the office at talaga namang stress na stress siya sa day niya sa Office. Buong day na magkadikit sila ni Katrina at pakiramdam niya na parang mga hollowed blocks na nagpapabigat sa kaniyang feelings ang mga Greetings ng pagCongrats mga tao sa Office sa kanilang dalawa ni Katrina.

Lalo pang dinagdagan ni Katrina ang pagkaStress ni Arthur dahil everytime na magkakaroon ng chance na magTantrum ito ay talaga namang ginagawa nito at sumuko na talaga si Arthur kay Katrina at nagbitiw siya ng salita dito na gagawa siya ng paraan but until now ay wala pa siyang naiisip. Hindi alam ni Arthur kung natatakot siya sa kanilang President at baka maUpset lang nila ito or kaya nama'y huli na ang lahat para umatras pa sila sa gusot na napasukan nila ni Katrina.

Malaki din naman ang pinagtataka ni Arthur kung bakit ganoon ang reaction ni Katrina about sa kanilang situation. Ang dapat ngang unang-unang magSaya ay si Katrina pero talagang hindi maGets ni Arthur ang daughter ng kanilang President. Bago siya umalis sa office ay kinulit pa talaga siya ni Katrina na gumawa ng paraan.

Napansin din ni Arthur na matamlay na matamlay si Matthew at napakaGloomy nito nang nakauwi na siya. Sinabi naman nito na naging Okay ang buong day nila ni Jenny but may ibang nararamdaman si Arthur kay Matthew. Gustuhin man niyang kausapin ito pero hinayaan na lamang niya dahil occupied siya sa kaniyang sariling gusot.

Tumayo si Arthur from his bed at lumabas ng kuwarto para uminom ng cold water dahil yun lang ang naisip niyang magawa since hindi siya madalaw-dalaw ng antok. Laking gulat ni Arthur nang makita niyang bukas ang light sa kitchen. Hindi niya ineExpect nang pumasok siya sa kitchen na makikita niya si Matthew na nakaupo sa kitchen table at nagkoCoffee.

"Can't sleep?" Ang matamlay na sambit lamang ni Matthew kay Arthur. Hindi din makatulog si Matthew dahil pinag-iisipan niya kung sasabihin ba niya kay Arthur ang plan ng kaniyang mga parents. Alam ni Matthew ang magiging future status niya sa kanilang napakaSuccessful na Business Empire kaya nama'y wala siyang choice na hindian ang gusto ng kaniyang mga Parents.

"Ikaw din?" Ang tanong naman ni Arthur kay Matthew habang kumukuha ng cold water from the fridge.

"Tapos nagkakape ka pa." Ang sunod na sinabi ni Arthur kay Matthew nang maupo siya inFront of him sa kitchen table. Nagkaroon ulit ng moment of silence between the two of them and this time ay si Matthew ang unang nagsalita.

"I need to tell you something." Ang bungad ni Matthew kay Arthur. Nagdecide na ito na sabihin kay Arthur ang lahat ng pinag-usapan nila ng kaniyang parents dahil hindi magandang patagalin pa ito't itago kay Arthur.

NapaSigh si Arthur dahil sa hitsura pa lang kanina and ngayon ni Matthew ay kinukutuban na siyang bad news ang sasabihin nito. Nagpatuloy si Matthew sa pagsasalita at hindi siya nagpaligoy-ligoy at sinabi na niya kay Arthur ang lahat-lahat. Tahimik lang si Arthur na nakikinig kay Matthew.

"Alam kong maiintindihan mo yan. Ikaw pa." Ang last na sinabi ni Matthew kay Arthur na may isang bitter smile sa kaniyang lips. Hindi muna nagsalita si Arthur dahil nagdeDecide pa din siya kung sasabihin din ba niya kay Matthew ang situation niya sa Office.

"Oist! Nakinig ka ba?" Ang pagpukaw ni Matthew ng attention ni Arthur nang mapansin niyang malayo ang iniisip ni Arthur at nanatiling napakaQuiet nito. NagSigh si Arthur bago magsalita.

"I have to tell you something din." Ang bungad ni Arthur kay Matthew. Same lang din ang reaction ni Matthew dahil kapansin-pansin din ang mananamlay nitong si Arthur since nang umuwi nito.

Malumanay na sinabi ni Arthur at ipinaalam kay Matthew ang kaniyang situation at nang matapos siya ay isang nakakabinging katahimikan ang bumalot sa apat na sulok ng Kitchen.

Hindi nila alam ang sasabihin sa bawat isa't pareho nilang naiintindihan ang situation ng kanilang kaharap. Alam nila na nangyayari ang ganoong situation sa Business Industry kaya nama'y wala talagang maisip na masabi ang dalawa  sa situation nila. Hindi nila maExpress in Words ang kanilang nararamdam. NagSigh si Matthew at tinunga nito ang kaniyang Coffee para ubusin na at saka siya tumayo.

Agad namang tumayo si Arthur sa kaniyang kinauupuan at mabilis niyang nilapitan si Matthew at mahigpit niyang niyakap ito. Itinanday ulit ni Matthew ang kaniyang isang cheek sa chest ni Arthur at sinamantala ang moment.

Kahit na hindi magsalita ang dalawa ay nararamdaman nila kung ano ang gustong sabihin ng bawat isa. Ang kanilang mahigpit na pagHug to each other ay ang kanilang official statement sa kanilang mga sarili na thankful sila na muli nilang naramdaman kung paano muling maInlove.

That time ay NaRealized nina Matthew and Arthur na Sure na sure silang mahal na mahal nila ang bawat isa pero they're not sure if they're meant for each other because of their situation.











To Be Continued

50 comments:

  1. Embedded Music comes from Smokey Mountain's
    'Can Be This Love' Covered by Sarah Geronimo...

    Naaalala nyo pa ba ang feeling when you say for the first time kay Labs ang 'AYABYU' :)))

    Malapit na po itong matapos :) Ang CHILLIGZ (Cheesy+Kilig) Story ng Kuya Ponse :)))

    TAKE CARE EVERYONE :))) HAVE A WONDERFUL WEEKEND :))) REGARDS PO SENYONG FAMILY :)))

    ReplyDelete
  2. Ang ganda binasa ko agad after lumabas update :)
    Galing mo talaga kuya ponse

    ReplyDelete
    Replies
    1. Salamuch po sa pagbasa't pagComment Mr.Anon :))) Hindi po magaling si Ponse :))) ADIK po ang Kuya mo :))) Take Care po palage :))) HUGZ :)))

      Delete
    2. ako nga pala si izteepenmark nakalimutan ko magpakilala kanina :)

      Delete
    3. :))) Musta ang Day mo Mr.Izteepenmark :))) ?

      Delete
  3. ganda talaga........... tiis naman sa next UD hehehehe

    ReplyDelete
    Replies
    1. Promis Mr.PjBerdz :))) Less than seven Days :))) Hugz :)))

      Delete
  4. hay...ang ganda...cant wait for the next post...

    ReplyDelete
    Replies
    1. Namiss ka ni Ponse Mr.ZionMarth02 :))) Hahaha :))) Tenchu po sa pagsama kina Tito Matt and daddy Arthur :))) Ingatz palage :)))

      Delete
  5. Hayzzzz....the roller coaster ride led to a steep halt that made its passengers hanging

    ReplyDelete
  6. Parang di ka na nasanay pag malapit nang matapos ang Story ng Kuya mo Mr.LoveDoctor :)))

    ReplyDelete
  7. Nakaka depress. :(

    ReplyDelete
    Replies
    1. Mr.FrostKing naman :))) Di pa nga finish ang kwento eh :)))

      Delete
  8. so sad...sana magawan agad nila ng paraan, thanks kuya ponse, i like this chapter kasi conflict na talaga. XD

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ang Kuya Ponse ang Bahala Mr.Andy :))) Tenchu sa pagBasa't PagComment :))) Ingatz palage :)))

      Delete
  9. kinilig ako sa phone convo nila mat at art
    -frontier

    ReplyDelete
    Replies
    1. Siguro nakakarelate ka Mr.Frontier :))) Hahaha! TC palage :)))

      Delete
  10. naku. mag elope nalang silang dalawa. hahaha!

    pero teka. when problems pour, aba, mukhang maganda ang katapusan.

    ALPOnse, make sure na happy ending ito ha. hehehe.

    thanks again. looking forward to the next chapter.

    -walter

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hindi po maganda ang ENding nyaan Mr.Walter :))) maADIK na ending po yan katulad ng 'Ang iPhone' :))) Hahaha!

      Delete
  11. Ay labet!!!! ALPOnse, ikaw na!.

    Mukhang like ko na si Katrina. Hehehe. Napaka complicated pero please make this a happy ending ha. Ok na ko na walang bed scenes pero sana happy ending ;)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Mr.Stan :))) Parang hindi mo pa nabasa ang kwento nina 'Nakapulot' ah :))) HUGZ :))) ADIK na ending po ito :)))

      Delete
  12. Can't wait for the next part.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Salamuch po sa pagbasa't pagComment Mr.Anon :))) Gagawin ko na po and i'll post it not less tan seven days :)))

      Delete
  13. nalulungkot aq sa pwedeng mangyari :(

    ReplyDelete
    Replies
    1. Isa ka pa Mr.Lawfer :))) Sige na nga :))) Hulaan na naman ba ng Ending :))) Hahaha! :)))

      Delete
  14. Wow! sana mapaaga ang pag post ng next chapter... cant wait nah!! IDOL Kuya Ponse..

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hello Mr.JessircGallardo :))) NICE TO MEET YOU! :)))
      Tenchu po sa pagBasa't PagComment :))) i'll post the next installment less than 7 days po :))) di maPromise ng Kuya Ponse na madaliang update pero hinding-hindi ko po kayo iiwanan sa ere :))) PROMISE! :)))

      P.S. Ayoko po ni Kuya Ponse na tinatawag na Idol :))) Kuya Ponse na lang para Adik :))) TC palage and Regards seyong Pamili :)))

      Delete
  15. i really really love it kuya Ponse! Adik na ata ko..



    karmz ^_^

    ReplyDelete
    Replies
    1. Tenchu po sa pagbasa't pag-iwan ng Comment Mr.Karmz :))) Ingat ka po palage :)))

      Delete
  16. OMG nastress aq s s knila hehhehe

    ReplyDelete
    Replies
    1. Sorry naman po Mr.Vhin :))) Kasama po talaga yaan :))) Babawi ang Kuya Ponse :) Sa ending :))) Hahaha! TC palage :)

      Delete
  17. AY BITIN NAMAN GRABE! ..AKALA KO MAY MANGYAYARI NA SA KANILA(SANA IDETALYE NA YAN! HAHAHA XD) ! HAYST! NAMISS KO RIN MAGBASA AFTER 5 MONTHS SA PAGIGING BUSY! :)))..AT THANKS GOD DAHIL NAKABASA NANAMAN AKO NG ANOTHER GREAT STORY! .. :D.. SANA MAY NEXT NA! KUYA PONSE! TNX NGA PALA SA MAGANDANG STORY MO! MORE STORIES TO COME !:)))

    IAN

    ReplyDelete
  18. btw may ibang finished story k po ba bukod dito ? :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Mr.Ian... Salamuch po sa pagbasa't PagComment :) Bago lang po ako sa MSOB :) Thankful po talaga si Ponse kay Tito Mike :) May finish story na po ako pero hindi po dito nakapost. I'll post it po in Due time :))) Ingatz po palage :))) Salamuch po talaga Mr.Ian :)))

      Delete
  19. Kuya ponse you really blown me up on your story, can't wait for the next chapter as well as sa ending nito. I really felt inlove s mga characters on your story! Looking forward for your next post! More power to you!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Tenhcu po Ms.Nicole :) I'll update this po less than seven days po :) Take care po palage :)

      Delete
  20. Daya. T.T eto lagi kong hinihintay sa BOL, tapos mas updated dito.

    Bad, kuya Al, bad. =(

    ReplyDelete
    Replies
    1. Tinaggal po kaya kaming lahat sa BOL Mr.Coffee Prince :)

      Delete
    2. WHAT??!!

      OMG! Sorry kuya ponse. I'mreally really sorry. :(

      Delete
    3. No Worries Mr.CoffeePrince... i'm happy na nakita mo nga ang update eh. Para sa inyo talaga ito :) Hugz :)

      Delete
  21. update na po please. :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Not Less than Seven Days :) Baka Sabado po :) hahaha! :))) Pakilala naman po Kayo Mr.Anon para masaya sa Finale :) TC Palage :)

      Delete
  22. ALPOnse, may i know where are the other stories are headed?

    hayok for one...

    thanks...

    -walter

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hayok, Hindi ko na po itutuloy yuun Mr.Walter :) Ganito po ang nangyari sa Hayok...

      Although galit si Erome kay Bart pero dahil bestfriend nya iyon eh naawa siya nang sinadista ni Sir Dave ktapos bumalik unt-unti yung dati nilang samahan dahil pareho na silang naging masokista.

      Si Ma'am Minerva naman naDepress dahil kahit siya gusto ng magkaBaby kaya humingi ng tulong si Mike kina Erome and Bart and nang nagOrgy sila eh pinatigas muna nila si Sir Dave para maipasok kay Ma'am Minerva. Ayun, nung mabuntis si Ma'am Minerva eh sa loob ng 9 months eh nagbago ang trip nila at ang mag-asawang Dave and Minerva eh nagkasundo dahil sa baby at minahal ang isa't-isa. Si Bart eh pinag aral na din pati yung mga anak ni Mike.
      Naging matino ang lahat kaso pag nahaHayok ang mag-asawa... napunta sila ulit sa quarters :)

      Delete
    2. Ayos na din pero parang nabitin ako kay erome at mike. Hehehe. Saka sa kung anong naging karakter ni erome. Pero all the best. At least may ending. Mahirap ang walang closure. LOL!
      Thanks ALPOnse!

      Gawa ka ulet ng bago nating pagkukwentutan ha.

      Delete
    3. Promise Mr.Stan :) Tapusin po muna ni Ponse 'Ang Tutor' :) TULOY ANG LIGAYA! :) Hugz :))) Take Care palage :)

      Delete
    4. ponse,

      thanks for the ending. hahaha. pero mukhang tamed yata dito sa msob at walang kwentutan which is okay naman for me. but i'm sure you'd want to write the same old fashioned "bad stories" hahaha. hopefully you could write some again and post it somewhere. just let us know kung ano at saan para mahanap namin. good luck again!

      -walter

      Delete
    5. Sa FB ni Ponse ako maglalagay ng Link Mr.Walter :)

      Nandito yung mga 'Kwentutan' ni Ponse :) Tapusin ko po muna itong 'Ang Tutor' :)

      Click Here for Nasty Story: *****http://www.menonthenet.com/EroticStories/*****

      Delete
  23. Galing talaga ni kuya Ponse! Excited na ako sa Finale! You rock!

    ReplyDelete
    Replies
    1. as in 'Bato' Mr.SimonuSimon... Bato na tinitira ng mga Adik :))) Hahaha :)

      Delete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails