AUTHOR'S NOTE (IMPORTANT PLEASE READ!)
Sorry sa delay. Biglang nag-start ang class namin at sobra akong naging busy. Anyway, 5 Chapters ito so sana sulit na ito sa inyo.
Maraming salamat sa pagbabasa!
P.S. I might edit Chapter 32 tomorrow. Parang may kulang sa ilang details. So kung gusto niyo hindi niyo muna basahin at balikan na lang sa Wednesday, okay lang din naman. Hehehe.
CHAPTER LINKS:
Maraming salamat sa pagbabasa!
P.S. I might edit Chapter 32 tomorrow. Parang may kulang sa ilang details. So kung gusto niyo hindi niyo muna basahin at balikan na lang sa Wednesday, okay lang din naman. Hehehe.
=====================================================
"LOVE, STRANGER" (BOOK 1)
"DEAR STRANGER" (BOOK 2)
======================================================
BY: WHITE PAL
DEAR STRANGER
(Book 2 of "Love, Stranger")
CHAPTER TWENTY-EIGHT
RAY
"Nagkiss kayo ano!? Aminin mo na!" kanina pang pangungulit sa akin ni Lyn.
"Hindi nga!" pagsisinungaling ko sabay irap sa kanila ni Kim na masama ang tingin.
Pasimple akong tumingin kay Rome. Nakikipagkwentuhan ito kay Jess. Kanina pa kami walang imikan ni loko after namin pagsaluhan ang halik na iyon sa langit. Oo literal at figurative na langit.
"Nakita namin! Don't deny!" si Kim.
"May binulong lang sa akin si Rome! Ang kulit niyo ah!" tumingin ako sa labas ng bar, nakita ko ang puting beach sand at madilim na dagat.
"Ang sabi niya ikaw ang may binulong sa kanya. Sinungaling kayo!"
"Vice-versa. Bawal ba?"
"Echusera. Che! Wag ako mga bakla!" sabay irap ni Lyn.
"Bahala kayo."
Pasimple akong tumingin kay Kazuki na alam kong nakikinig sa amin. Hindi ko mabilang kung naka-ilang bote ng beer na ang kanyang naubos. Kanina pa siya tulala at wala sa sarili. Napabuntong hininga ako. Kinuha ko ang isang triangular-sliced na pakwan at kinagat ito. Matamis ang prutas at tamang-tama ang texture.
"Sana ako na lang yung pakwan para kagat-kagat mo ako." Si Rome sabay lapit sa harap ko at kindat. Nanlaki ang mga mata ko sa narinig, na-gets ko ang gusto niyang ipahiwatig. Tinampal ko siya.
"Brutal nito!" habang hinihimas ang pisngi niya sabay sad face na halatang umaarte.
"Bastos mo ano?" sabay irap.
"Asawa ko, pwede pakwan?" sabat ni Kazuki sabay mwestra ng daliri na mala-rated SPG. Tangina.
"Sapak gusto mo?" sabay taas ng kamao sa kanya. "At hindi kita asawa!" sigaw ko. Tumawa siya. Iba rin topak nito eh, kanina hindi makausap ng matino ngayon bumabanat ng ganito, dahil kaya bumanat si Rome? Hay, umpisa na naman sila. Tsk!
"Excuse me everyone." sabi ng pamilyar na boses na rinig sa speaker ng bar. Lumingon ako, nakita ko si Bae hawak-hawak ang microphone at ang gitarang nakasabit sa kanya. Woah! Astig ng dating niya, parang isang rock-star! "I like to sing a song for someone special." Sabay tingin sa akin at ngumiti. "Ray this is for you." At inumpisahang pitikin ang gitara.
Para akong naging estatwa, my jaw dropped literaly. 'Di ko ito inaasahan! Napansin ko ang napakaraming mga matang nakatingin sa akin. Ang iba ay nakangiti at ang iba ay walang reaksyon. Shit!
Nag-umpisang kumanta si Bae, napakalamig ng husky niyang boses. "I'm With You" by Avril Lavigne ang kinanta niya. Bagay na bagay sa boses ni Bae ang kanta lalo na pag bumibirit ito na parang isang totoong rock-star. Natigilan ako nang dumating ang kanta sa chorus, muling nagbalik sa ala-ala ko kung paano kami nagkakilala. I was there when he need someone. Siya naman ang sumagip sa akin noong nasa bingit ako ng kamatayan. He was my savior. Pagdating sa last chorus ay hindi maalis ang tingin niya sa akin. Ngumiti ako, at ganoon din siya.
Napuno ng masigabong palakpakan ang buong bar. It's a flawless performance. Bumaba si Bae sa stage at naglakad palapit sa amin.
"Laban kayo? Rakistang-rakista pero sagad kaluluwa ang pagkanta!" yabang ni Kim sa manok niya.
Tumayo si Kazuki, nagkatinginan sila ni Bae. Ngumisi ang hapon.
"Nice song. Now it's my turn." Sabay lakad palapit sa stage.
"Wooohhh! Go Kazuki baby!" maka-basag tengang tili ni Lyn.
"Si Ray ba ang may birthday? Bakit siya na naman ang kinakantahan?" pagkontra ni Kim sabay ngiwi.
"Oo birthday mo teh, pero wag mong kontrahin ang manok ko! Bakit? Si Bae lang ba pwedeng humarana sa kanya?"
Napailing ako sa dalawa. Matulis kong tiningnan si Kazuki na noo'y kausap ang banda. Tumingin siya sa akin sabay ngiti. Pinandilatan ko siya ng mata, senyales na tigilan niya ako. Tumawa lang ito at pagkatapos ay hinawakan ang microphone.
"Good evening! I want to dedicate this song to my husband, Ray." Ngiting sabi ni Kazuki.
"Tarantado hindi kita asawa!" sigaw ko sa kanya. Tawanan. Muli akong tinunaw ng mga mata sa bar na iyon. Dumami ang mga taong nakangiti, siguro'y palagay nila ay pinagtitripan ako nung dalawang lalaki, kung alam lang nila na makukulit ito at gustong manligaw. Hmp!
Nag-umpisang tumugtog ang bass, sumunod ang gitara. Narinig ko ang light-textured at kalmadong boses ni Kazuki, his voice is so beautiful. Kinanta niya ang "Stay" by Tyler Ward. Bagay ang kantang ito sa nangyari sa amin noon. Bumigat ang dibdib ko, masakit sa akin ang hiwalayan namin noon, pero kinailangan kong makipaghiwalay kasi iyon ang makakabuti para sa aming dalawa.
Pagdating sa bridge ay dahan-dahan siyang tumingin sa akin, parang kinakausap ako ng kanyang mata at sinasabing manatili ako sa kanyang tabi ngayon at siya ang piliin ko despite everything.
Muling napuno ng palakpakan ang bar.
ROME
Pagkabalik ni Kazuki sa table namin ay nagpaalam ka papuntang comfort room. "Pare pagbalik ni Ray ikaw naman." Sabay tapik sa akin ni Jess.
"Di ako marunong kumanta." Pagdadahilan ko. Sa totoo lang ay ayoko nang makipagkumpetensiya kay Kazuki at Bae. It's pointless, In the end, ikaw pa rin naman ang mamimili. Isa pa, unti-unti kong nakilala si Bae sa bakasyong ito, he's a good man, at maaaring maging magkaibigan din kami.
"Okay lang iyan basta galing sa puso."
"Kinakantahan ko naman siya, pag kaming dalawa lang, at ayoko rito ang daming tao." Sabay iling.
"Ano na Jess? Nganga na ba manok mo?" pang-aalaska ni Lyn habang si Kim ay tawa ng tawa.
Matalim akong tumingin sa kanila. Hinahamon ako nitong mga ito ah.
"Hanggang halik ka lang pala eh." Sabat ni Kazuki. Sumarado ang kamao ko, kung si Bae ay pwede kong maging kaibigan, itong taong ito'y mukhang hindi. Masyadong kupal, makita ko pa lang ay gusto ko nang sapakin.
Kahit alam kong hindi ako maka-tono, parang lumakas ang loob at kumapal ang mukha ko sa panghahamon nila.
RAY
Lumabas ako ng comfort room. May tumawag sa akin, lumingon ako, nakita ko ang kaibigan ni Gel.
"What?" sabay taas ng kilay.
"Can I talk to you? Alone?"
"About?"
"Important."
"You can say it here." Pagdadahilan ko sabay ikot ng mata.
"It's about Gel and Rome."
Hindi ako nakakibo. Para akong hinampas ng kung anong bagay. Bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko maintindihan ang sarili ko, sobrang naiintriga ako sa sasabihin ng babaeng ito. Napansin ko na lang na sumunod ako sa kanya.
Lumabas kami ng bar, nakita ko si Gel na nakahilig sa poste.
"Iwan mo na kami." Sabi niya sa kaibigan niya at umalis. Napangisi ako.
"Sinungaling talaga kayo."
"Pwes hindi ngayon."
"You just did."
"Kailangan ko. Kasi gusto kitang makausap."
"For what?"
"About me and Rome."
"Kung sa iyo lang manggagaling, not interested." Sabay talikod at nag-umpisang maglakad palayo sa kanya.
"Buntis ako, at si Rome ang ama!" sigaw niya sa akin.
Para akong sinampal nang ubod ng lakas. Sandali akong nawala sa wisyo. Ano? Buntis siya? Hindi pwede. Hindi ako naniniwala. Dahan-dahan akong lumingon sa kanya.
"You expect me to believe you?" pigil kong sigaw. Nanggigigil ang panga ko sa inis.
"Why would I lie?" sabay ngiti. "Gusto mo ipa-DNA ko pa ang anak namin eh." Lumapit siya sa akin, ang mga kamay ay nasa bewang, ang mga tingin ay nanunuya.
I know it's a bullshit lie, pero may isang parte ng utak ko na tila gustong maniwalang tama siya. Dahan-dahan akong sinakluban ng panlulumo. Tumingin ako sa kanyang mga mata, diretso siyang nakatingin sa akin. Nakakuyom ang kamao ko. Hindi ko alam kung kaya ko bang pigilan na di siya masapak. Wala akong pakialam kung babae siya.
Seconds after, unti-unting tinanggap ng katawan ko ang katotohanan. Gumuho ang mundo. I was stunned. Tumigil ang paghinga ko, lumamig ang kalamnan ko. A sudden pang of pain hit every nerve of my body. Lumabas ang kadilimang nagtatago sa katawan ko.
"Sabihin na nating nagsasabi ka ng totoo, why are you saying this to me?" nag-umpisang mag-crack ang boses ko. Pilit kong pinapakalma ang sarili ko. Magkahalong galit at lungkot ang aking nararamdaman.
"Kung matino kang bakla, lalayuan mo ang boyfriend ko. Magkakapamilya na kami, isang bagay na kahit kailan ay hindi mo maibibigay sa kanya." Mataray niyang sabi. Unti-unting naging kalmado ang kanyang mukha. "Kung totoong mahal mo si Rome, lalayo ka dahil iyon ang makakabuti para sa kanya. Hindi ka naman siguro selfish para ipagdamot sa anak namin ni Rome ang isang buong pamilya." Pabulong niyang sabi na parang isang maamong tupa.
Halos tumulo ang luha ko sa narinig. Hindi pa rin ako makakilos sa aking kinatatayuan. Dahan-dahang lumapit sa akin si Gel. Isang malakas na sampal ang bumagsak sa mukha ko, napahawak ako sa pisngi ko.
"Ooopsss! Sorry! Para iyan sa ginawa mo sa akin sa party. Pasalamat ka at hindi ako nakunan, imagine mo na lang kung nangyari iyon, kamumuhian ka ni Rome dahil pinatay mo ang anak namin." Sabay ngiting nang-iinis. "Oh and by the way, hindi pa ito alam ni Rome, paano lagi kang nakabuntot sa kanya. Kung alam mo ang salitang respeto, hayaan mong ako ang magsabi sa asawa ko." Pahabol niya at naglakad palayo.
Naging bingi ako, wala na akong marinig, wala na rin akong pakialam kung ano pang putanginang sasabihin niya. Ang tanging naiisip ko lang ay ang lahat ng pinagsamahan namin ni Rome. Everything is a lie! All this time na sinusuyo niya ako ay may nangyayari pala sa kanila ni Gel! All this time ay linoloko niya ako! All this time si Gel pa rin ang mahal niya!
I found myself kneeling on the ground, naramdaman ng tuhod ko ang tumutusok na buhangin ng beach, parang sakit na tumutusok din sa puso ko ngayon. Umalingaw-ngaw sa aking tenga ang ihip ng hangin kasama ang mahina kong hagulgol. Yumuko ako at tinakpan ang mukha ng aking kamay. Nagdilim ang paningin ko. Nanginig ang buong kalamnan ko. Wala akong ibang maramdaman kundi sakit at sama ng loob. Para akong mababaliw.
"Ray?" tawag ng isang pamilyar na boses. Lumingon ako, si Bae. "What happened?" sabay lapit at akap sa akin.
"Wala. Let's get inside." Sabay punas sa luha sa mga mata ko.
"No you're not okay!"
"Bae, please... Hayaan mo na muna ako."
Huminga siya ng malalim at tumango. Inakbayan niya ako at pumasok sa loob ng bar.
Agad kong nakita si Rome, nakaupo siya sa stool na nasa stage. Ngumiti siya sa akin. Hindi ko alam ang mararadaman ko sa kanya.
"Gusto niyo bang marinig kumanta ang star of the night?" masiglang tanong ni Rome sa audience sabay turo sa akin.
"Yes!" sigaw ng karamihan ng tao sa loob ng bar.
"Ray, please join me here. Let's sing this song." Nakangiti niyang sabi. Nag-umpisang tumugog ang gitara. Umentrada rin ang violin. Parang alam ko ang kantang ito.
*!* Para kang asukalSintamis mong magmahalPara kang PinturaBuhay ko ikaw ang nagpintaPara kang unanPinapainit mo ang aking tiyanPara kang kumotNa yumayakap sa tuwing ako'y nalulungkot
Kaya't wag magtatakaKung bakit ayaw kitang mawala
Hindi siya kasing galing ni Bae at Kazuki, dahil wala siya sa tono, pero hindi ko napigilang mapangiti sa kabila ng sakit na nararamdaman ko.
*!* Kung hindi man tayo hanggang duloWag mong kalimutanNandito lang akoLaging umaalalayHindi ako lalayoDahil ang tanging panalangin ko ay ikaw
Kasabay ng pagpasok niya ng chorus ay ang pagpiga ng sakit sa durog na durog kong puso. Napansin ko na dahan-dahan akong naglalakad palapit sa stage. Tinatamaan ng pulang ilaw ang gwapo niyang mukha. Napangiti ako. Nasa harap ko siya, ang pangarap ko, alam kong mananatiling pangarap na lang siya.
Tumango siya sa akin, senyales na ako na ang kakanta. Kinuha ko ang isang mic sa staff ng bar at umakyat sa stage.
*!* Di baleng maghapon pang umulanBasta't ikaw ang sasandalanLiwanag ng lumulubog na arawKay sarap pagmasdanLalo na kapag nasisinagan ang iyong mukhaAyoko nang magsawaHinding hindi magsasawa sa iyo
Kaya't wag magtatakaKung bakit ayaw kitang mawalaKung hindi man tayo hanggang dulo
Wag mong kalimutanNandito lang akoLaging umaalalayHindi ako lalayoDahil ang tanging panalangin ko ay ikaw
Hindi ko pinahalata sa kanya ang sakit na kumakain sa akin. Nanatili akong nasa tono at malinis na pagkakakanta. Pumikit ako, inisip ko ang masasayang panahon na kasama ko siya, lalo na kanina habang nasa langit kaming dalawa. Pagpasok ko sa refrain ay biglang bumigat ang pakiramdam ko, sobrang bigat na nag-umpisang mag-crack ang boses ko at mabalot ng luha ang mga mata ko. Unti-unting pumatak ang luha ko pagpasok ko sa chorus, the song says it all. Dumilat ako, kitang-kita ang pag-aalala sa kanyang mukha. Tinaas niya ang kanyang mic at sinabayan ako sa bridge.
*!* Bahala na ayoko muna magsalitaHayaan na muna natinAng daloy ng tadhana
Pagpasok ng instrumental ay lumapit siya sa akin. Hinawakan niya ang braso ko.
"Bakit ka umiiyak?" bulong niya sa akin. Hindi ako makakibo. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Gusto ko siyang awayin, pero pinigilan ko ang sarili ko, masyadong nangingibabaw ang pagmamahal ko sa kanya para magalit pa ako. Gusto kong sabihin ang nalalaman ko, pero tama si Gel, dapat siya ang magsabi dahil siya ang nanay ng magiging anak nila.
"Wala." Sagot ko. Alam niyang nagsisinungaling ako.
I heard the que sa last chorus, sabay naming kinanta ito. He took the melody or lead vocals while I took the higher harmony. Pumikit ako at hinayaang puso ko ang kumanta para sa bumibigay kong katawan.
*!* Kung hindi man tayo hanggang duloWag mong kalimutanNandito lang akoLaging umaalalayHindi ako lalayoKung hindi man tayo hanggang duloWag mong kalimutanNandito lang akoLaging umaalalayHindi ako lalayo
Dahil ang tanging panalangin...Dahil ang tanging panalangin ay ikaw
------------------------------------------
*!*Kundiman. Silent Sanctuary
------------------------------------------
*!*Kundiman. Silent Sanctuary
------------------------------------------
Kinanta ko ang second to the last line, hindi siya sumabay, nanatiling nakatingin ang nangungusap niyang mga mata. Sinagot niya ang linya ko at hinaplos ang aking mukha.
"Rome, layuan mo na ako." Mabilis akong tumakbo palabas ng bar.
Kasabay ng pagbilis ng tibok ng puso ko ay siya ring pagbilis ng hakbang ko. Hindi ko napigilang humagulgol. Nadaanan ko ang ilang hilera ng puno ng buko na noo'y nagsasayaw gawa ng malakas na hangin. Isang kamay ang pumigil sa akin. Lumingon ako, nakita ko si Rome.
"Ray anong layuan!? Anong sinasabi mo? Bakit kita lalayuan!? Ray hindi pwede iyon!" nagbago ang kanyang mukha. Hindi ako kumibo. "Ray please... Huwag mong gawin ito." Unti-unting nabalot ng luha ang kanyang mga mata. Hindi ko napigilang humagulgol. Lumunok ako, pilit akong humanap ng lakas para sabihin ang mga salitang lalabas sa bibig ko.
"Kung gayon ako ang lalayo." Pautal-utal kong sabi.
"Hindi... Ray hindi... Huwag mo naman akong itaboy ulit please." Pag-iyak niya sabay akap sa akin. Napapikit ako. Gustong-gusto ko siyang akapin, gusto ko siyang halikan, pero hindi na pwede. Pilit ko siyang tinulak palayo.
"Rome, maraming tao ano ba nakakahiya." Bulong ko sa kanya.
"Wala akong pakialam! Ikaw ang mahal ko! Mahal na mahal kita Ray! Huwag mo akong itaboy ulit please!" unti-unti siyang napaluhod at inakap ang hita at bewang ko. Lalong lumakas ang paghagulgol ni Rome, parang tinutusok ng sibat ang puso ko sa bawat pagtangis niya.
"I'm sorry." Bulong ko sabay tulak sa kanya ng malakas. Iyon ang na siguro ang pinakamasakit na ginawa ko sa buong buhay ko, ang itulak palayo ang taong pinakamamahal ko.
Kasabay ng pagtalikod ko ay siya ring pagtalikod ko sa pagmamahal ko para sa kanya. Tumakbo ako palayo papunta sa kadiliman, sa kawalan.
(End of Chapter 28)
o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o
CHAPTER TWENTY-NINE
BAE
The sound of my footsteps echoed through the place. It's a cold-windy night, but I felt some sweat in my forehead, slowly it fell to my face. Mr. Kyou just called and told me a disturbing news full of lies. My heart is beating fast as I hold my chest while climbing the stairs.
"How's my son? He's not answering my calls." Said Mr. Kyou in the other line.
I gave a deep sigh. I cleared my throat. "Not good. Something happened." I said then I knocked the brown-door of your villa.
"What?"
"I don't know."
"If that is the case, then it's best to keep it with you. If I failed, I'll personally go to the Philippines and tell him the truth." He said. I agreed, this day is too much for you, and I don't want to make it worst.
The tycoon ended the call. I closed my eyes, I saw your beautiful face. I want to help you in everything, but I too feel helpless. They said that I'm Baelfire Evans and I can do everything, I'm unlimited, but when it comes to you, I became an ordinary useless boy.
For a long time the kid inside me is crying, he's slowly crumbling. I want to make you happy, but I've failed and I keep on failing everytime I try to make things work for you. I'm powerless. It's like everything I do for you is bound to fail.
RAY
Mabigat man ang katawan ay pinilit kong tumayo at tinumbok ang bintana. Pinunasan ko ang aking luha. Hinawi ko ang kurtina, nakita ko si Bae. Hinawakan ko ang doorknob at dahan-dahan itong binuksan.
Nagtama ang aming mga mata. Parang may gusto siyang sabihin sa akin na hindi niya mailabas. Tahimik, tanging malamig na hangin ng gabi lang ang aking naririnig. Mabilis niya akong kinulong sa kanyang bisig. Unti-unti akong natunaw, hindi ko na kinaya, linabas ko ang lahat ng sakit sa puso ko.
"Bae... Buntis si Gel... At si Rome ang ama." Ang bigat ng lalamunan ko at panga ko, masakit sa akin sabihin iyon, pero ginawa ko. Gusto kong mawala na ang lahat ng sakit, gusto ko ng matapos ito, to the point na gusto ko ng mawala na parang bula. Lalong humigpit ang pagkaka-akap sa akin ni Bae.
Bahagya akong kumalas, tumingin ako sa kanyang napaka-gwapong mukha, hinaplos niya ang mukha ko.
"Hindi ko na kaya Bae... Tulungan mo akong makalimot, please." Bulong ko sa kanya sabay haplos sa kanyang braso paakyat sa kanyang balikat.
Nagsalubong ang aming mga labi. Mainit, umaalab, unti-unting nabawasan ang sakit na nararamdaman ko. Nawala ako sa katinuan. Hinatak ko siya papasok ng kwarto, hindi pa rin naaalis ang labi namin sa isa't-isa. Sinipa ng kanan kong paa ang pinto, malakas itong sumara. Kinain kami ni Bae ng kadiliman.
***
KIM:
Palinga-linga ako at hindi mapirmi habang naglalakad kasama si Lyn. It's almost 9am at wala pa ring Ray na nagpapakita sa amin. Sariwa pa sa ala-ala ko ang nangyari kagabi sa kanila ni Rome. Umakyat kami sa hagdan ng villa niya.
"Ray!" dire-diretsong kalampag ni Lyn sa pinto na parang wala ng bukas.
"Dahan-dahan!"
"Nag-aalala ako bakla 'wag kang magulo." Pamewang nito. "Ray!" muli niyang yinanig ang brown na kahoy.
Bumukas ang pinto. Nanlaki ang mga mata ko sa nakita, isang mala-greek god na lalaki sa ganda ng mukha't perpektong katawan, si Bae! Wala siyang suot pang-itaas at naka-boxer lang ito. Anong ginagawa niya rito!? Bumagsak ang panga ni Lyn.
"He's in the shower." Sabay hikab.
"May ginawa kayong milagro ano!? Kawawa naman si Kazuki baby inagawan mo ng kaligayahan!" pagsisigaw ni Lyn.
Imbis na sumagot ay ngumiwi lang si Bae. "Ray is mine today. I asked him for a date, and he said yes." Sabay kindat sa akin. I get it! Ito yung kinuwento niya sa akin na plano niya. "You guys go ahead." Pahabol nito.
"Sure! Mamimili na lang kami ng pasalubong today! Text niyo sa akin mga ipapabili niyo ha. I won't let anyone disturb the RayFire day!" masaya kong sabi sabay tingin at irap kay Lyn. Sinara ni Bae ang pinto.
"What!? Bakla kang talipandas ka!" sigaw ni Lyn sabay tampal sa akin.
"Hindi ako si Gel. Tanga!" sabay tampal din sa kanya. Kapal nitong sabihan akong talipandas! "Tara na 'wag natin silang istorbohin." Sabay hatak kay Lyn. "Malamang sumunod si Bae sa shower." Sabay ngiting nakakaloko.
"Noooo! Hindi ako papayag!" pagpupumilit ni Lyn na bumalik sa kwarto ni Ray.
"Manahimik ka ang ingay mo!" pwersahan kong hinatak si Lyn pababa ng hagdan.
***
RAY
Nanlaki ang mga mata ko sa nakita. Hindi ko inaasahang ganito ang makikita ko. Ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso ko, this is my first time to ride this thing, dati ko lang itong pinapangarap pero ngayon ay nasa harap ko na. Nakangiti siyang tumingin sa akin. Hindi pa rin kami nagpapansinan dahil sa nangyari kagabi.
"Ready?" tanong niya. Tumango ako. Naglakad kami palapit sa napakaingay na helicopter, nakakabingi. Humampas sa balat ko ang napakalakas na hangin. Inalalayan akong umakyat ni Bae papasok.
Pinasuot kami ng headphones na may nagpe-play na music. Ilang saglit pa'y unti-unti kaming lumipad patungong langit. Inabala ko ang aking mata, kitang-kita ko in a panoramic view ang mga isla ng El Nido at ang bughaw na dagat, makintab ito dahil sa pagtama ng sinag ng araw. It's breathtakingly striking. Napangiti ako. Ilang saglit pa'y sumagi sa isip ko ang Parasailing namin ni Rome kahapon.
"Is there something wrong?" pasigaw niyang tanong, ang ingay ng helicopter.
"Nothing." Sagot kong pasigaw rin. I gave a deep sigh. "Sa inyo ba ito?" nalimutan kong itanong sa kanya ito kanina dahil sa pagkailang sa kanya.
"Yes."
Napalunok ako. Napakayaman naman ng lalaking ito. Kung sa bagay, isa sa pinakama-impluwensiya ang pamilya ni Bae sa Europe at America. They have an empire na feeling ko ay kayang-kayang bilhin ang lahat ng negosyo sa Pilipinas. Pakiramdam ko ngayon ay isang Prinsipe ang katabi ko at ako'y isang pangkaraniwang tao lamang na dadalhin niya sa kanyang palasyo. Hehe.
Pasimple akong tumingin sa kanya, biglang kong nakita si Rome. Napailing at napapikit ako. Pilit kong inaaliw ang sarili ko sa ibang bagay at ibang tao, pero hindi pa rin siya mawala sa isip ko. Bwisit!
***
RAY
Inupahan ni Bae ang isang buong isla para sa aming dalawa. Sa pinakamataas na parte ng isla kami nagpunta kung saan may isang malaking kubo na gawa sa kahoy ang nakatayo roon. Dito kami nagpicnic-lunch. May tinapay, salad, prutas, ilang mga ulam at wine na nakapatong sa puting tela.
"Do you like it?" alam kong naiilang pa rin siya. Tango lang ang sagot ko sabay nguya ng pinya. "Ray, about last night..." Alam ko na ang tinutukoy niya, yung nangyari sa kwarto ko.
"Ssshhh..." sabay takip sa mapula niyang labi. "Ginusto ko yun Bae. Totoo lang gusto kitang pasalamatan." Sabay bitiw ng ngiti. He gave me a quizzical look. "I know that kiss is a mistake, parehas tayong nagkamali, pero salamat kasi pinigilan mo ako at ang sarili mo na may mangyari. Rinespeto mo ako at hindi ka nag-take advantage sa sitwasyon ko, kaya maraming salamat Bae." Ngumiti siya at inakap ako. Hinilig ko ang ulo sa kanyang dibdib. I feel safe, secure, and respected.
Naging maganda ang date namin ni Bae, kwentuhan, tawanan, and some swimming. Wait mali! Hindi date ito, it's just a friendly outing. Gusto niya lang naman ako libangin. Hehe.
It's almost sunset. Nakatingin kami sa napakapulang araw. Muli kong naalala ang Parasailing kahapon with Rome, sunset din noon. Pumikit ako sabay hinga ng malalim. Naramdaman ko ang pagbalot ng kanyang braso sa aking likod. Hinilig ko ang ulo ko sa malapad niyang balikat.
"Bae."
"Hmmm?"
"I love you."
Bigla siyang kumalas at tumingin sa akin. Nagtama ang aming mga mata.
"Ray, please don't." Bakas sa ang lungkot sa kanyang mga mata.
"Totoo, mahal naman kita. Siguro kung mas nauna kitang nakilala, hindi ako masasaktan, at siguro masaya tayo ngayon."
"Pero hindi di ba?"
Hinaplos ko ang mukha niyang tinatamaan ng sinag ng araw. "If only I can love you as much as I love him, then I would say yes. But I can't. I don't want to be unfair."
"Hindi ko naman tinanong o hinihinging maging tayo."
"But I want you to know... Kahit anong mangyari... Mahal kita Bae."
Ngumiti siya, pagkatapos ay hinaplos ang pisngi ko papunta sa batok ko. Hinalikan niya ako sa noo.
"I love you more Ray."
***
RAY
Ramdam ko ang init ng bonfire na pinapalibutan namin. Rinig ko sa malayo ang tunog ng beach. Bago ito sa experience ko and I'm happy that I experience new things. Pasimple akong tumingin kay Rome. Nahuli ko siyang nakatingin sa akin, umiwas siya, pagkatapos ay kinalabit niya si Jess at nakipag-usap.
"Kamusta naman ang date niyo ni Bae?" Biglang tanong ni Kim. Napatingin ako kay Bae, ngumiti siya.
"Hindi yun date." Sagot ko sabay yuko at inabala ang daliri sa paglalaro ng beach sand. Pasimple akong tumingin kay Rome, seryoso siyang nakikipag-usap kay Jess na parang walang pakialam sa narinig.
Napansin kong nakatayo na pala sa harap ko si Kazuki. Napakunot ako ng noo. Ano na naman kayang pakulo ng hapon na ito?
"Rei, Ashita deitu suru?" pag-aya sa akin ni Kazuki na lumabas bukas. My jaw dropped literally, pagkatapos ni Bae ay heto naman si Kazuki. Anak ng tinapa oh!
"Ayyiieee! ReiZuki day naman!" kilig na kilig na sigaw ni Lyn.
"Sige, tapatan niya ang bonggang surprise date ni Bae." Pagyayabang ni Kim.
"Iba ang gagawin ni Kazuki baby. Kaya manahimik ka bakla!" rinig kong pagtatalo nila.
Pasimple akong tumingin kay Rome. Nagtama ang aming mga mata. Isang matulis na bagay ang parang tumutusok sa aking puso. Unti-unting bumigat ang pakiramdam ko.
"Excuse me." Sabay tayo at alis.
***
ROME
Mabilis kang naglakad palayo sa amin. Hindi kita maintindihan, bakit ka ganito sa akin? Bakit iniiwasan mo na naman ako? May nagawa na naman ba akong mali? Hindi na ako makatiis. Akmang tatayo na ako'y pinigilan ako ni Bae.
"Give him space." Maiksi niyang sabi.
"Inaantok na ako. Good night guys!" biglang paalam ni Kim, sumunod sa kanya si Jess, tinapik ako ng huli. Tumango ako.
"Tara Kazuki baby, samahan mo ako may bibilhin ako." Si Lyn sabay kalabit kay Kazuki. Umalis sila ng hapon.
Kami na lang ni Bae ang naiwan.
"Kamusta si Ray?" ewan ko kung bakit ko siya tinanong. Siguro ay dahil alam kong sa kanilang dalawa ni Kazuki, siya ang pwede kong makasundo, hindi siya maangas at competitive. Aaminin ko, naeepalan din ako sa kanya noon, pero nakita ko sa tour na ito na sincere si Bae sa nararamdaman niya sa iyo.
"Not good. His repression is still there." Sabay kuha ng barbeque at nginuya ito. Napakunot ako ng noo. Tumingin siya sa akin.
"Repression?"
"Yes... It started after you..." naiilang siyang ituloy. Tumango ako, gusto ko malaman ang sasabihin niya. "After you denied him and how Gel almost killed him."
"Killed!?" gulat kong tanong.
"Na-ospital siya noon after siya pinabugbog ni Gel. If hindi ko siya nasundan, baka natuluyan na siya."
Kinain kami ng katahimikan. Bumigat ang dibdib ko sa narinig. Para akong kinain ng hiya at galit, galit sa sarili ko. Paano ko nagawang pabayaan ka noong panahong iyon?
"Tell me about repression." Pabulong kong sabi. Nanghina ako sa narinig. Hindi matanggap ng kalooban ko ang nangyari sa iyo.
"I have a friend, he's a psychiatrist and he is Ray's doctor. He says that it's a defense mechanism. It's like his subconscious are forcing his painful thoughts, trauma or memories into the unconscious mind. This means that it will prevent Ray from feeling, thinking or in some cases remembering the things that hurt him so much."
Natigilan ako sa natuklasan ko. Alam kong napakataas ng pader na ginawa mo sa pagitan natin, alam ko ring hindi mo maalala ang mukha ko noong nagkita tayo last year sa Tokyo, alam ko nasaktan kita noon, pero hindi ko akalaing umabot sa puntong ganito ang epekto sa iyo ng nangyari.
"So ibig mong sabihin, hindi siya aware na ginagawa niya iyon? Kasi sabi mo subconscious eh."
"Yes. And it's his way, unconsciously of course, para hindi na masaktan pa." Medyo slang niyang sabi.
"May theraphy ba dito?"
"Yes. Ray took it with my friend, but when he saw you and Gel again..." hindi na tinuloy ni Bae, alam ko na ang gusto niyang sabihin.
Nakakapanlumo na ako ang rason kung bakit ka nagkaganyan. Mahal na mahal kita, pero hindi ko alam ang gagawin ko. Naisip ko, sa tuwing makikita mo ako, you will always feel the pain, yung trauma na ako rin mismo ang may gawa. Paano pa ako babawi Ray? Hirap na hirap na rin ako.
"Is it true? That Gel is pregnant and you're the father of her child?" pagbasag ni Bae ng katahimikan.
Parang sumabog ang isang malakas na bomba sa ulo ko. Buntis si Gel!? Magiging ama ako ng dinadala niya!? Paano!? Tangina saan nanggaling iyon!?
(End of Chapter 29)
o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o
CHAPTER THIRTY
GEL
Dahan-dahan akong naglakad palapit sa isang babae, nasa loob siya ng oblong na salamin. Ngumiti ako, ginaya niya ako. Naramdaman ng balat ko ang pagkahulog ng itim na bathrobe na kanina'y nakabalot sa akin. Napakaganda ng katawan niya, daig pa ang isang modelo sa kinis at perpektong hugis nito. Nakipagtitigan ako sa diyosa sa loob ng salamin.
"Maganda ka. Oo, maganda ka, ako, ikaw na nakatingin sa akin." Kinain kami ng katahimikan. May nakaabang na luha sa kanyang mga mata, ganoon din sa akin.
"Pero bakit ka malungkot? Bakit hindi mo siya makuha? Bakit hanggang ngayon nanlilimos ka pa rin ng atensiyon sa isang lalaking ang gusto ay..." Dumako ang mga kamay ko sa malaki kong dibdib. Pinisil ko ito. Ang lambot, ang kinis. "Wala ka nito Ray, isa ka lang bakla! Pero bakit nahuhumaling sa iyo si Rome!?" sigaw ko. Umikot ang mga mata ko. Pilit hinanap ng magulo kong utak ang dahilan ng pagkahumaling ni Rome sa salot na iyon.
"Siguro ginayuma mo siya ano!?" bigla kong sabi. "Tama! Tama yun! Ginayuma mo siya! Ginayuma mo si Rome! Hayop kang desperadang bakla ka!" pagsisigaw ko. Wala akong ibang maramdaman sa baklang yun kundi poot.
"Wala kang ganitong pisngi." Marahang kinurot ng babae ang kanyang pisngi. "Hinalikan mo na ba siya Rome? Singlambot ba ng mga labi ko ang mga labi ni Ray?" sabay haplos ng diyosa sa mapulang labi.
Biglang pumatak ang luhang kanina pa nakabalot sa aking mga mata.
"Ang mga luhang ito, pagbabayaran mo ito, Ray. Hayop kang bakla ka... Hayop ka! Hayooooppp!!!" sigaw kong sagad sa lalamunan na parang isang banshee na gustong pumatay ng isang tao, patayin ang putanginang baklang iyon! Narinig ko ang malutong na bagsak na piraso ng mga salamin.
Napaluhod ako. Humapdi ang aking mga palad, ngunit hindi ko ito pinansin. Isang triangulong piraso ng salamin ang tumawag ng aking atensyon, kinuha ko ito. Nakita ko si Rome.
"Mahal na mahal kita Rome. Ginayuma ka lang niya di ba? Ako pa rin ang gusto mo, ako pa rin ang mahal mo alam ko." Sabay halik dito, nakita kong kumalat ang mapulang likido sa aking mukha.
"Dugo!? May dugo ang mukha ko!?" napansin kong tumatagas ang dugo sa aking braso mula sa aking palad. "Bakit may dugo!? Rome where are you!?" naiiyak kong sigaw habang pumapadyak ng paulit-ulit.
Nakita ko sa isang piraso ng salamin si Ray. Gigil na gigil kong kinuha ito.
"Ikaw may kasalanan nito! Sinaktan mo ako! Sinugatan mo ako! Gusto mo ito di ba!? Gusto mong saktan ako di ba!? Gusto mong patayin ang anak namin ni Rome para makuha mo siya! Malandi kang puta ka!" sabay bato ko sa piraso ng salamin., nadurog iyon sa napakaraming piraso.
"Hindi! Ako lang ang mahal ni Rome. Ako ang mahal niya. Oo, ako ang mamahalin niya." Inakap ko ang salamin kung saan nandoon si Rome.
"Magkaanak na kami." Bulong ko sabay ngiti.
"Ikaw ang magiging dahilan para makuha ko siya." Sabay himas sa tyan ko. Pumikit ako. Nakita ko ang nakangiting mukha ng lalaking pinapangarap ko. Tumatawa siya, ganoon din ako. Tumatakbo kami sa isang paraiso, naghahabulan na parang amin ang mundo, mundong bibigyan ko ng katuparan sa anumang paraan.
"Ito ang tama, ito ang nararapat, ako, si Rome, ang baby namin. Iyon ang fairytale happy ending ko." Pinakawalan ko ang isang mahinang halakhak, umecho ito ng paulit-ulit sa apat na sulok ng aking kwarto. Halakhak para sa nalalapit kong tagumpay.
***
GEL
"Rome... Akin ka lang... Rome..." habol hinga kong sambit habang palinga-linga ang aking ulo. Halos marating ko ang langit sa ginagawa namin ni Rome.
"Gel! May bisita ka!" katok ni Bianca. Putanginang perwisyo!
Mabilis akong tumayo sabay pulot sa itim kong bathrobe at sinuot ito sa hubad kong katawan. Binuksan ko ang pinto.
"Sino ba yan!?" sigaw kong nakapamewang.
"Prince charming mo nasa baba" maarteng sabi ng bruha kong kaibigan.
Abot tenga ang ngiti ko. Tinulak ko siya sabay takbo papuntang hagdan. Nakita ko si Rome, nagtama ang aming mga mata. Bahagya kong binuklat ang robe ko, hinayaan kong halos makita niya ang malaki kong dibdib, wala akong pakialam! Wala si Ray nito!
"Rome!" sabay baba ng hagdan.
Inakap ko siya ng napakahigpit. Malakas niya akong hinawakan sa magkabilang braso at bahagyang tinulak palayo.
"Ano yung sinabi mo kay Ray?" seryoso ang tono ng kanyang boses.
"What do you mean?"
"Buntis ka? Ako ang tatay? Gel saan mo naman nakuha iyan?" pasigaw niyang sabi. Kilala ko siya, sa tono ng boses niya ay galit na ito.
"Totoo Rome! Anak mo ang dinadala ko!" sigaw ko.
"Paanong magiging akin iyan? Gel walang nangyari sa atin!"
"Meron! Three weeks ago nagkita tayo ulit di ba? Pagkatapos mo akong halikan hindi ba nagpunta tayo sa kwarto mo? Hindi ba nagtalik tayo? Rome ginusto natin iyon!" ngiting-ngiti kong sabi habang pilit siyang hinahalikan.
"Ano ba! Layuan mo nga ako!" sabay tulak sa akin. Napahawak ako sa barandilya ng hagdan. "Walang nangyari sa atin! Sinabi ko sa iyo di ba? Hindi tamang hinalikan kita dahil may mahal na akong iba!" nanlilisik ang mga mata niya.
"Pero noong sumunod na araw, after ng double date natin kasama si Bae at Ray, may nangyari sa atin sa kwarto mo!"
"Wala! Alam mong walang angyari! Kaya huwag mo akong lokohin Gel."
"No! May nangyari! Hindi pwedeng walang nangyari! May nangyari Rome! Anak mo ito!" sabay hampas sa mukha ko't tyan ko. Agad na lumapit si Bianca sa akin at inawat ako.
"I'm sorry Gel kung iyan ang pinaniniwalaan mo. Pero alam ko ang totoo, walang nangyari sa atin, at kahit kailan walang mangyayari dahil si Ray lang ang mahal ko, siya lang ang gusto ko, siya lang Gel." Tumalikod siya at nag-umpisang maglakad.
Hayup ka Ray! Sisirain kitang bakla ka! Sisirain kita kay Rome!
"Sinaktan ako ni Ray!" sigaw ko. Hindi ko alam kung saan nanggaling iyon, ang alam ko lang ay gusto kong masira ang baklang iyon sa kanya. Mabilis na lumingon sa akin si Rome. "Tingnan mo ginawa niya sa akin." Sabay angat ng palad ko na naka-benda.
"I don't believe you Gel. Mabuting tao si Ray, hindi niya kayang gawin ang sinasabi mo."
"Talaga? Masyado namang santo ang baklang iyon sa paningin mo Rome. I heard magkasama si Ray at Kazuki ngayon sa kabilang resort. Alam mo na siguro ang ginagawa nila ngayon, lalo na mamayang gabi." Biglang sumarado ng napakadiin ang kanyang kamao, nanggigigil ito na para bang handa nang manapak.
"Hindi ganoon si Ray." Naging dark ang boses niya.
"Bakla siya, mahilig siya sa lalaki at bumukaka!"
"Stop it Gel!" sigaw niya.
"Hayaan mo na si Ray kay Kazuki... Rome akin ka na lang... Tayo na lang ulit..." sabay lapit sa kanya. Mabilis niyang tinabig ang braso ko at naglakad palayo.
"Rome!" Umalingaw-ngaw ang boses ko sa buong lugar. "Rome!" tawag ko ulit, ngunit tila isa na siyang bingi. Napansin ko na lang na nakahiga ako sa lupa.
"Gel, enough! Makakasama iyan sa anak mo!" sigaw ni Bianca habang pinipigilan ako.
"Wala akong pakialam! Wala siyang silbi! Wala! Wala!" pagsisigaw ko habang paulit-ulit na hinahampas ang tyan ko.
Pinigilan ako ni Bianca. Napansin kong nandoon na rin si Andrea at pilit akong inaawat.
"Gel, bugbog na bugbog na ang anak mo sa byahe at sa mga ginawa mo kahapon, baka makunan ka!" sabat ni Andrea. Puno ng luha ang maganda kong mukha, halos wala na akong makita.
"Rome... Rome please... Rome..." patuloy ang walang hanggang pag-iyak ng isang diyosang kagaya ko. Sinubsob ko ang sarili ko sa lupa. Hayop ka Ray, kasalanan mo ito. Sisiguraduhin kong magbabayad kang bakla ka! Pagbalik mong Japan, sisiguraduhin kong wala ka nang mukhang ihaharap sa lahat!
.
(End of Chapter 30)
o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o
CHAPTER THIRTY-ONE
RAY
"またね!" text ni Kazuki.
(See you!)
(See you!)
Tinago ko ang cellphone ko sa bag. Tumingin ako sa salamin. Sinarado ko ang butones ng damit ko, I left the two upper buttons.
Naglakad ako palabas ng aking villa. Sinalubong ako ng presko at napakalinis na simoy ng hangin ng El Nido. Ramdam ko ang pagsayaw ng buhok ko sa bawat buga ng malakas na hangin galing direksyon ng dagat. Inikot ko ang aking mga mata, nagbigay kalma sa mabigat kong dibdib ang kulay green na dahon ng mga puno. Naunahan akong lumabas ni haring araw ngayon, paano ba naman eh halos hindi ako nakatulog kagabi. Muli ko siyang naalala, huminga ako ng malalim.
"Good morning." Bungad ng pamilyar na boses. Lumingon ako sa pinanggalingan, bigla kumirot ang puso ko. Umaakyat siya paakyat ng villa ko.
"Morning." Sagot ko sabay lakad palayo sa kanya. Mabilis niya akong hinarang.
"Bakit ganyan ang suot mo?" Pasigaw niyang tanong. "Makikipagdate ka lang kay Kazuki ngayong araw ay ganyan ka na manamit! Halos makita na ang lahat sa katawan mo! Tingnan mo nga yang makinis mong dibdib expose na expose na!" Gigil na gigil niyang sabi sabay sarado sa dalawang butones ng puti kong beach attire. Matulis ko siyang tiningnan.
"Hindi iyon date! Sasamahan niya lang ako mamili ng mga pasalubong." Sabay tabig sa kamay niya. "At tsaka ano bang pakialam mo kung nakikita ang dibdib ko?" Sigaw ko.
"Ayokong nasisilipan ka ng iba! Lalo na yung gurang na hapon yun at kasama mo pa! Baka kung ano gawin sa iyo ng manyakis na tigang na iyon!" Namumula ang mukha niya sa inis.
"Parang kang bata na nagmamaktol na wala sa lugar!"
"Pinag-iingat lang kita!"
"Kaya ko ang sarili ko! At isa pa, ikaw ang manyakis! Hinubaran mo ako noong may sakit ako, tapos naghubad ka rin at inakap ako habang nakadikit sa likod ko yang ahas mo!" Sabay turo sa ano niya. "Ngayon, kanino ako dapat mag-ingat?" sabay cross-arm.
Hindi siya nakaimik. Tumingin siya malayo, bakas pa rin sa mata niya ang inis. Inirapan ko siya. Pumasok ako sa loob ng villa at binalibag ang pinto. Hindi ko mapigilang sumigaw sa inis, bwisit talaga ang lalaking iyon!
ROME
"Tangina ikaw pa ang galit! Bakit ba? Eh sa ayaw kong may ibang taong nakakakita sa katawan mo! Tama nang ako lang! Kung ako nga na lalaking-lalaki ay natu-turn on sa iyo paano pa ang iba?" sigaw ko sa isip ko. Mga salitang gusto kong sabihin kanina sa iyo kung hindi mo lang ako sinupalpal.
Bumukas ang pinto. Nakita kitang nakasuot ng itim na jacket habang nakabusangot ang maganda mong mukha.
"Happy?" sabay cross-arm at hatak ng malakas sa pinto.
"Sinabi ko bang balutin mo ang sarili mo? Ang sinasabi ko, huwag mong ibalandra ang katawan mo!"
"May reklamo ka pa rin? Balot na balot na ako ah!" sigaw mo.
"Ang sinasabi ko lang ay yung sa butones mo."
"Puro ka reklamo!"
"Pinag-iingat lang kita! Sa ganda mong iyan baka ma-rape ka ng wala sa oras."
Natahimik ka. Unti-unting napawi ang inis sa mukha mo. Namumula ka na, kinilig ka dun mahal ko ano? Hehe.
"Ay! Saan ka pupunta?" sabat ng maarteng boses mula sa likod ko, sigurado akong kay Lyn iyon. Lumingon ako, nandoon nga siya kasama si Jess. "Hindi naman winter, hindi rin naman tag-ulan, nag-uumpisa na ngang tumirik ang araw oh. Bakla ka talaga ng taon!"
"Baka pupuntang bundok." Si Jess.
Inirapan mo sila. "Blame him!" sabay turo sa akin.
"Ayoko na nakikita ng ibang tao ang katawan mo!" sagot ko.
"Bakit? Hindi naman ibang tao si Kazuki baby ah? Hubarin mo iyan teh! Para malibugan siya sa iyo!" malanding sabi ni Lyn. Tiningnan ko siya ng matulis. Napatakip siya ng bibig, bakas sa mukha niya ang gulat.
"Bastos ng bunganga mo!" sabay batok ni Jess.
"Aray puta ka!" si Lyn sabay hampas sa braso ni Jess.
"Anong sadya niyo rito?" tanong mo sa kanila.
"Sinusundo ka. Naghihintay na si Kazuki baby sa villa namin ni Kim." Si Lyn.
"Tara na." Sabi mo.
Mahigpit kong hinawakan ang braso mo. Lumingon ka, nagtama ang ating mga mata.
"Can we talk?" Tanong ko.
"Wala na tayong dapat pag-usapan." Matigas mong sagot.
"Tama! Wala na kayong dapat pag-usapan." Sabat ni Lyn.
"Manahimik ka! Halika na muna." Sabay hatak ni Jess palayo kay Lyn. "Pareng Ray sunod ka na lang sa villa ni Lyn at Kim ha."
Napapikit ka sabay hinga ng malalim. Muling nagtama ang ating mga mata.
"Alam kong iniiwasan mo ako... Pero please Ray, tama na! Huwag mo akong iwasan ulit."
"Nakapag-usap na tayo Rome. Kaya please din, huwag mo na akong pahirapan pa."
"Huwag kang maniwala sa sinabi sa iyo ni Gel. Hindi natin alam kung buntis talaga siya, at kung totoong buntis siya ay siguradong hindi ako ang ama ng dinadala niya. Kilala mo si Gel, gagawin niya ang lahat para magkabalikan kami. Pero Ray matagal na kaming tapos."
"Hindi ba mahal mo siya? Hindi ba iniyakan mo siya noon? Alam kong gusto mong magkabalikan kayo. Ngayon na patay na ang anak niya sa ibang lalaki at hindi naman naging sila ay pwede na kayo lalo pa't anak mo ang dinadala niya." Unti-unting nag-crack ang boses mo. Alam kong masakit sa iyo sabihin iyon.
"Ray naman! Sinabi ko na sa iyo, walang nangyari sa amin!"
"Eh bakit nakita ko kayong naghahalikan sa labas ng hotel ni Mr. Kyou? Ano yun Rome? Ipaliwanag mo!" sigaw mo. Nabalot ng luha ang mata mo. Parang paulit-ulit na pinipiga ang puso ko sa nakikita ko.
Huminga ako ng malalim. Pilit kong inipon lahat ng lakas ko. Totoo lang ay hirap na hirap na akong magpaliwanag sa iyo sa tuwing may ganito tayong problema, hindi ka nagtitiwala sa pagmamahal ko sa iyo eh.
"Aamnin ko na-miss ko siya, may pinagsamahan kami eh at minahal ko siya ng limang taon. Nadala ako ng emosyon ko kaya nangyari iyon... Pero alam mo kung ano naramdaman ko? Wala! Blanko at walang katuturang halik. Kaya pagkatapos noon ay tinuldukan ko na ang lahat sa amin."
"Eh bakit noong lunch na kasama natin si Bae ay hinalikan mo siya sa pisngi?" Tumulo na ang luha mo.
Napayuko ako. Hindi ko kayang makita kang umiiyak.
"Pinagseselos kita." Pabulong kong sagot.
"Ah... So ginamit mo lang si Gel para pagselosin ako?" Tumigas ang boses mo. Tumango ako. Inamin ko ang pagkakamali ko, ang gamitin ang babaeng minahal ko noon. Gusto kong magselos ka. Alam kong mali iyon, pero mahal kita eh, at desperado na ako noon dahil gusto ko pansinin mo ako, gusto kong sa bawat pagtaboy at pag-iwas mo sa akin ay manaig pa rin sa puso mo yung pagmamahal mo sa akin, yung pakiramdam na gusto mo ako.
"Ibang klase ka!" Gumaralgal ang boses mo. Tumingin ako sa iyo. Bakas ang galit sa mga mata mo. Basang-basa ng luha ang mukha mo.
"The night before the lunch, sa park naalala mo? Gusto kitang kausapin nun, pero tinaboy mo ako. Hindi ko na alam ang gagawin ko, kaya ginamit ko siya para pagselosin ka. I'm sorry... I'm sorry kung nasaktan kita." Pag-amin ko.
"Ang galing mo!" sabay palakpak. "Ganyan ka ba magmahal Rome? Ginagamit at sinasaktan yung mga mahal mo? Kasi ganyan din ginawa mo sa akin eh."
"Kahit kailan hindi kita ginamit!"
"Pero sinaktan mo ako! At paulit-ulit mo akong sinasaktan hanggang ngayon!"
"Nasasaktan ka kasi ayaw mong makinig! Kasi ayaw mo akong pakinggan! Kasi ayaw mo akong papasukin dyan sa puso mo!" sabay turo sa dibdib mo. "Nagkamali ako noon, at humingi na ako ng tawad. Ginawa ko na ang lahat Ray, ano pa bang dapat kong gawin?"
Hindi ka nakakibo. Pinunasan mo ang luha sa mukha mo. Napaka-tulis ng tingin mo na parang hinahalukay ang buo kong pagkatao. Dahan-dahan kang naglakad palapit sa akin.
"How can I trust a man who is stranger to himself?"
Napakunot ako ng noo. Hindi kita maintindihan.
"Anong stranger?"
Tumawa ka, tawang sarcastic.
"Paano ka magmamahal Rome, kung hindi mo kilala ang sarili mo? Tingnan mo nga! Nakakasakit ka ng ibang tao, mga taong minahal mo. Alam mo kung bakit? Kasi hindi mo kilala ang sarili mo. You're doing bullshit things na hindi ka aware. Kahit iyang pagmamahal na sinasabi mo sa akin ay hindi ka sigurado!"
"Sigurado ako! Mahal kita Ray!"
"Eh ikaw? Mahal mo ba ang sarili mo? Hindi mo nga kilala kung sino ka eh."
Para kong nalunok ang dila ko. Hindi ko maintindihan ang sarili ko, hindi ako makaimik. Sigurado akong mahal kita, pero hindi ko alam kung bakit para akong sinapak sa sinabi mo.
Napansin ko na nag-umpisa kang maglakad at bumaba sa hagdan ng iyong villa. Sinundan kita at mahigpit na hinawakan ang braso mo.
"Anong sinasabi mo?" naging seryoso ang tono ng boses ko.
Lumingon ka. Nagtama ang ating mga mata.
"Naalala mo yung sinabi mo noon? Na lalaki ka? Na straight ka? Na pinagmamalaki mo pa ang pagkalalaki mo?" gigil na gigil at sarcastic mong sabi. "Guess what Rome? Hindi mo kilala ang sarili mo!"
Malakas mong tinabig ang kamay ko at nag-umpisa kang maglakad palayo. Hindi na kita magawang sundan pa, parang nanigas ang binti ko sa kinatatayuan ko. Tumigil ang paghinga ko. Tumigil ang galaw ng buo kong sistema na para bang nagising sa katotohanan at sumang-ayon sa sinabi mo. Hindi ko na alam! Nalilito na ako! Sino ba ako?
"Pare." Tapik ng isang lalaki na gumising sa tuliro kong utak. Lumingon ako, nakita ko si Jess. "Siguro dapat kausapin mo si Gel. Kailangang maging malinaw sa kanya ang lahat na wala na kayo at kahit anong gawin niya ay hindi na magiging kayo."
Kilala ko si Gel. Hindi siya titigil. Pero maaaring tama si Jess, baka sakaling may magbago kung kakausapin ko si Gel.
***
RAY
Paulit-ulit kong naalala ang nangyari kanina, lalo na ang pagmumukha ng lalaking iyon, si Mr. Denial.
"Sir?" tawag sa akin ng cashier na gumising sa lutang kong utak. Narealize kong pinagbabayad na niya ako ng mga binili kong souvenirs. Kinuha ko ang wallet ko. Akmang magbabayad na ako'y pinigilan ako ni Kazuki at nag-abot ng pera sa cashier.
Nanlaki ang mga mata ko. Matulis ko siyang tiningnan.
"Ako na!" sagot ko. Ngumiti siya sabay iling. "Sa akin ito. Pasalubong ko ito kilala mama kaya ako magbabayad."
"Boku wa omiyage wo haraitai." inisist niya sabay abot ng pera sa cashier, kinuha ng cashier ang pera. Inirapan ko ang hapon. Ayokong-ayoko kasi talagang linilibre ako ng ibang tao, lalo na pag lalaki.
(Gusto ko ako ang magbabayad sa mga pasalubong mo.)
(Gusto ko ako ang magbabayad sa mga pasalubong mo.)
"And I insist na samahan kita dito. Kaya gusto ko sagot ko ang lahat. Ako masusunod." Pahabol pa niya. Hindi na ako kumibo at mabilis kong kinuha ang supot at naglakad palayo. Pilit na kinukuha ni Kazuki ang mga pinamili ko ngunit hindi ko na siya hinayaan pa.
Lumabas kami ng tindahan. Naagaw ng atensyon ko ang isang babaeng nakasumbrero habang buhat-buhat ang isang batang lalaki. Ilang saglit pa'y lumapit ang isang lalaki sa kanya at binuhat ang bata. Naalala ko si Rome at Gel, ganito siguro ang pamilya nila kung makakasal silang dalawa, naramdaman ko ang kirot sa puso ko. Patuloy akong naglakad, hindi ko pa rin magawang alisin ang tingin ko sa pamilyang iyon, ilang saglit pa'y nakita ko ng kabuuan ang mukha ng nakangiting lalaki, isa siyang hapon. Parang nagdilim ang paningin ko at bumalik sa akin ang isang napakasakit na nakaraan. Namimili ako noon sa isang shopping district sa Tokyo nang makita ko ang isang babae na may karga-kargang bata, lumapit ang isang hapon sa kanila, at ang hapon na ito ay ang boyfriend ko nang panahon na iyon, si Kazuki.
"Ray?" tawag sa akin ni Kazuki. Nakita ko ang kanyang mukha. Muli kong naramdaman ang galit at pagtataksil niya sa akin.
"Umuwi na tayo." Matigas kong sabi. Mabilis akong naglakad.
"Ray? Anong problema Ray?" sabay hawak sa braso ko. Naramdaman ko ang palad niya, muling nagbalik sa akin kung papaano kami naghiwalay noon. Napakabigat sa dibdib. Ramdam ko ang pag-init ng katawan ko. Napakasakit. Iyon ang pangalawang beses na binigo ang ng pagmamahal.
"Ikaw! Ikaw ang problema! Bakit hindi mo sinabi sa akin na may asawa ka? Bakit hindi mo sinabi para hindi kita minahal noon!" sigaw ko sa kanya.
Hindi siya nakakibo. Unti-unting kumawala sa dibdib ko ang sakit na nararamdaman ko kanina, kasabay nito ang pagkalma ko.
"I'm sorry Kazuki... Nadala lang ako..." kasabay ng panginginig ng boses ko ay siya ring panginginig ng kalamnan ko. "Naalala ko lang... Kasi kanina may nakita akong pamilya tapos hapon din yung lalaki tapos..." hindi ko natapos dahil bigla niya akong inakap.
"Sorry sa pagkakamali ko noon. But I've already told you, hindi ko siya mahal. Ikaw ang mahal ko."
Inakap ko si Kazuki. Kung tutuusin ay malaya na kami ngayon. Her wife is dead, at may anak din sila kaya pwede kami maging masaya at maging isang buong pamilya. Pero alam ko na hindi ito maaari... Dahil may ibang taong tinitibok ang puso ko.
***
RAY
"Salamat sa dinner ha." Nakangiti kong sabi sa kanya. Tinreat ako ni Kazuki ng dinner sa kabilang resort na tinutuluyan namin. Tinanggihan ko ito, pero nag-insist siya. Ewan ko kung dahil nakikipag-kumpetensiya sa lunch namin kahapon ni Bae o bumabawi siya dahil sa nangyari kanina.
"Douitashimashite"
(You're welcome.)
(You're welcome.)
"Pwede huwag mo muna ako hapunin ngayon? Nagbabakasyon tayo eh." Napakamot ako ng ulo.
"Para mapractice ka pa rin."
"Kahit ngayong bakasyon lang please." Nagtama ang aming mata.
"Okay." Ngumiti siya. Napakagwapo ng nilalang na ito. Hindi halata ang totoo niyang edad, parang kaedad niya lang kami.
Nasa ganoon akong pagka-mesmerize sa kanya nang biglang bumuhos ang napakalakas na ulan. Pakiramdam ko'y bumabaon sa balat ko ang malamig at malalaking patak ng ulan. Tumakbo kami ni Kazuki, naghanap kami ng masisilungan, wala. Patuloy kaming tumakbo. Naramdaman kong hinawakan niya ang kamay ko, naiilang man ay hinayaan ko lang siya gawa nang mas gusto kong makahanap ng masisilungan. Unti-unti kong naramdaman ang lamig na tumutusok sa aking balat.
Ilang minuto ang lumipas ay nakakita si Kazuki ng isang puno, sapat na siguro iyon para masilungan namin. Tumakbo kami papunta roon.
"Buti na lang pinaabot natin kay Lyn at Jess yung mga omiyage mo kaninang hapon." Tukoy niya sa mga pasalubong ko. Tumango ako.
Madilim ang paligid at parang kami lang ang tao sa lugar na iyon. I feel uncomfortable. Kilala ko si Kazuki, marupok ang hapon na ito.
"Gusto mo takbuhin na natin? Malapit lang naman yung resort natin dito." Ewan ko kung bakit ko nasabi iyon.
"Baka magkasakit ka."
Napakamot ako ng ulo. Naisip niya na baka magkasakit ako samantalang hindi ko naisip na baka magkasakit siya. Ano ba yan Ray! Tsk.
"Oo tama... Dito na lang siguro muna tayo... Baka ikaw magkasakit niyan eh."
"Ayos lang ako."
Tahimik.
"Ray..." pagbasag niya sa katahimikan.
"Hmm?"
"Yung totoo, hanggang ngayon ba galit ka pa rin sa akin?"
"Hindi na. 'Wag mo na isipin yung nangyari kanina. Naalala ko lang yung nangyari dati." Sagot ko habang ginagalaw-galaw ng paa ko ang lupa gamit ang sapatos.
"But I chose you."
"Pero hindi tama. May asawa ka, at may anak na kayo."
"I love my son. But I never loved her."
Napabuntong hininga ako. Hindi ko alam ang mararamdaman ko. Hindi pa rin kasi matanggap ng kalooban ko na naging kabit ako nang hindi ko man lang nalalaman. Pagkatapos kasi ng una naming pagkikita noon sa Tokyo ay nasundan pa iyon nang maraming beses hanggang sa naging malapit kami, tinuruan ko siya ng English at di naglaon ay linigawan niya ako. Very unusual sa hapong lalaki ang manligaw kasi babae ang nanliligaw, pero iba ang naging sitwasyon sa amin ni Kazuki kahit pa ako ang babae sa aming dalawa. Hinayaan kong ligawan niya ako hanggang sa maging kami.
Naging masaya ang halos isang taong relasyon namin, hanggang natuklasan ko na may asawa't anak na pala siya, kitang-kita ko siyang kasama ang asawa at anak niya sa isa sa shopping district sa Tokyo. Nakatira ang pamilya niya sa Osaka, at noong nadistino si Kazuki sa Tokyo ay nagkakilala at naging malapit kami.
"Alam mo kung bakit nagpakamatay ang asawa ko?" malungkot ang boses niya. Tumingin ako sa kanya, nagtama ang aming mata. "Nagpakamatay siya dahil hindi niya matanggap na kahit kailan ay hindi ko siya magagawang mahalin."
"Nalaman ba niya ang tungkol sa atin?" Tanong ko. Hindi nakasagot si Kazuki. I think the answer is yes. "Bakit hindi mo sinabi sa akin ang katotohanan?"
"I already told you, I don't want to lose you... And I'm sorry if I caused you so much pain."
Napabuntong hininga ako.
"Lakarin na natin pabalik. Medyo humina na yung ulan." Sabi ko na lang kahit medyo malakas pa ang agos ng ulan. Gusto ko nang magpahinga mag-isa.
Sa aming paglalakad ay tanging ihip ng napakalamig na hangin lang ang aking narinig. Naramdaman ko ang ilang putik sa swelas ng aking sapatos, medyo mahirap ihakbang, ngunit binilisan ko pa rin gawa nang gusto ko na ngang magpahinga.
Pagkarating sa resort ay agad kaming dumiretso papunta sa aming mga villa. Natanaw ko sa malayo si Rome, nagtama ang aming mata. Madilim ang kanyang mukha, halos hindi ko ito mapinta. Kitang-kita ko ang mahigpit na pagkakasara ng kanyang kamao. Ano na naman kaya problema ng lalaking ito?
(End of Chapter 31)
o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o
CHAPTER THIRTY-TWO
RAY
Tumayo si Rome sa kinauupuan niya. Mabilis siyang naglakad palapit sa amin.
"Putangina mo!" sabay sapak kay Kazuki. Natumba ang hapon sa damuhan.
"Rome ano ba!" Sigaw ko sabay harang kay Rome at linayo siya kay Kazuki.
"Koneyaro!" Sabay sapak ni Kazuki kay Rome. Ang bilis! Nakatayo na pala siya! Napahawak si Rome sa pader na gawa sa kahoy.
(Putangina mo!)
(Putangina mo!)
"Kazuki ano ba!" Sigaw ko. Mabilis na sumugod si Rome kay Kazuki ngunit pinigilan siya ng hapon at patuloy na nagpangbuno ang dalawa. "Tumigil nga kayo! Ano ba!" pag-awat ko sa kanya. Nakita kong humahangos ang mga kaibigan namin, inawat ni Bae si Kazuki samantalang inawat ni Jess si Rome.
"Gago ka! Wala kang respeto!" sigaw at duro ni Rome kay Kazuki.
"Rome ano ba! Tumigil ka na!" sigaw ko sabay hampas sa braso niya.
"Bakit? Masarap ba? Malaki ba? Nag-enjoy ka sa ginawa niyo sa kabilang resort ano?" sigaw sa akin ni Rome. Nakuha ko ang ibig niyang sabihin, napakasakit, para akong sinaksak sa binitiwan niyang salita. Bumagsak ang kamao ko sa mukha niya. Inawat ako ni Jess.
"Huwag mong ibintang sa akin ang gawain mo!" sigaw ko. "I'm not cheap!"
Tumingin sa akin si Rome. Napakatulis ng tingin niya sa akin. "Iyan din ang akala ko! Pero ano itong ginawa niyo?"
"Wala kaming ginagawang masama! Kanino mo ba nakuha iyan?" sigaw ko. Unti-unting nawala ang dilim sa kanyang mukha. Parang bumalik ang kanyang katinuan.
"Kay Gel." Sabat ni Lyn. Napatingin ako sa kanya. Nakita ko si Kim na tinapik si Lyn. "Bakit? Totoo naman ah! Pinuntahan kanina ni Rome si Gel at kung anu-ano sinabing kahalayan at kasinungalingan na ginagawa niyo ni Kazuki sa kabilang resort." Bunyag ni Lyn sa kasinungalingan ng impakta.
Nagdilim ang paningin ko sa narinig. Lahat ng nakatagong galit sa loob ko'y unti-unting kumalat sa katawan ko, kasabay nito ang pagbigat ng dibdib kong parang kinukurot nang paulit-ulit. Nabalot ng luha ang aking mga mata, luha ng poot.
Tumingin ako kay Rome. Bahagya siyang napayuko. "Now I get it... Mas pinaniniwalaan mo ang puta na iyon kaysa sa akin? Siya pa rin Rome? Siya pa rin!" Pumatak ang luha sa mata ko.
"Ray... I'm sorry... Hindi ko sinasadya yung sinabi ko... Nagselos lang kasi ako... Alam ko namang..." hindi ko siya nagawang patapusin sa sinasabi dahil bumagsak ang palad ko sa mukha niya. Kitang-kita ko ang pagdugo ng kanyang labi. Gustuhin ko mang maawa ngunit hindi ko magawa, hinusgahan niya ako! Sinapak niya si Kazuki na wala namang masamang ginagawa. Mas pinaniwalaan niya pa ang Gel na iyon kaysa sa pagkakakilala niya sa akin!
"Fuck you!" sigaw ko sabay takbo palayo sa kanila.
"Ray!" tawag sa akin ni Kim ngunit naging bingi na ako. Narinig ko ang mabibilis na pagbagsak ng swelas ng tsinelas ng mga kaibigan ko, alam kong si Kim at Lyn iyon at alam ko sumusunod sila sa akin. Hindi ko alam kung nabasa nila ang galaw ng utak ko, kung nabasa man nila ay wala akong pakialam, gagawin ko kung ano ang nararapat sa hayop na si Gel.
Mabilis kong narating ang villa ng bruha, kinalampag ko ang pinto. Ngunit sumagot.
"Ray!" hingal na hingal na sigaw ni Kim. Hindi ko siya pinansin. "Ano bang ginagawa mo rito? Umuwi na tayo."
"Kailangan kong makausap ang putanginang iyon."
"Ray kumalma ka."
Tumingin ako sa kanya. "Paano ako kakalma Kim?" sigaw ko. "Sawang-sawa na ako sa mga ginagawa niya sa akin! Sawa na ako Kim!" sabay muling kalampag sa pinto ng villa nila.
"Anong gagawin mo? Sasaktan mo siya? Ray buntis yung tao!"
Matulis ko siyang tiningnan. Ramdam ko ang bigat at panginginig ng panga ko.
"I don't care." I said in a dark and whispery tone.
"Sa cafeteria teh baka nandoon yung demonyo." Sabat ni Lyn.
"Lyn naman!" sita ni Kim kay Lyn.
Walang pag-aatubili ay mabilis akong tumakbo papuntang cafeteria.
***
ROME
Humingi ako ng tawad kay Kazuki. Tumango ang hapon sa kabila ng galit na nakikita ko sa kanyang mga mukha.
"Nagtext si Kim. Papuntang cafeteria si Ray at susugurin si Gel." Si Jess.
Hindi ko maipaliwanag ang takot na nararamdaman ko ngayon. Tangina naloko na! Ang laki kong tanga! Nagpadala ako sa selos kaya nasaktan na naman kita. I'm sorry Ray.
"Let's go." Sabay tapik ni Bae sa amin ni Kazuki. Tumakbo kami papuntang cafeteria. Sana ay maabutan ka namin doon. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag napahamak ka o may nagawa kang pagkakamali dahil sa akin.
Napakabilis ng oras. Napansin ko na nasa cafeteria na kami. Inikot ko ang aking mga mata, ngunit hindi kita makita. Sa di kalayuan ay nakita kong nakaupo si Gel, kasama niya si Bianca at Andrea. Ilang saglit pa'y nakita kita sa kabilang entrance, bakas sa mukha mo ang matinding galit. Lumitaw sa likod mo si Kim at Lyn. Inikot ko ang mata mo, agad nahagip ng mata mo si Gel. Mabilis akong tumakbo palapit sa iyo, ngunit may humarang na tatlong waiter na may mga dalang pagkain. Tangina naman!
RAY
"Wow! Basang-basa! Tubig-ulan ba iyan? O tamod ni Kazuki?" entrada sa akin ni Gel. Tumiklop ang kamao ko. Napakahayop talaga ng babaeng ito.
"Talagang hindi ka titigil ano?"
"Talagang hindi. Hangga't nabubuhay ka, hinding-hindi ako titigil na gawing miserable ang buhay mo." Sabay ngiting demonyo.
Ngumisi ako. Sobrang desperada ng hayop na ito. Isang braso ang humawak sa akin. Lumingon ako, nakita ko si Rome. Inalis ko ang kamay niya sa braso ko. Binalik ko ang atensyon ko sa demonyo.
"Hangga't buhay ako, sisiguraduhin kong maghihirap ka. Alam mo kung paano ko gagawin? Simple lang, nasa akin ang lalaking gustong-gusto mo." Sagot ko sabay ngiting nang-iinis. Kitang-kita ko ang panginginig ng panga ni Gel.
"Hayop ka... Hindi ko alam kung anong gayuma pinainom mo sa asawa ko!" tumayo siya mula sa kinauupuan niya.
"Asawa? Bakit? Kasal ba kayo?" sagot ko sabay cross-arm.
"Ikakasal kami!" nanlilisik ang mga mata niya.
"Ikakasal? Bakit? Mahal ka pa ba niya? Hindi ba sinusuka ka na ni Rome? Diring-diri na nga siya sa iyo oh."
"Hayop ka talaga! Ang kapal ng mukha mo! Bakit? Sino ka ba? Isa ka lang bakla! Salot ka! Wala kang silbi!" sabay duro sa akin. Tinabig ko ito.
"Sino ako? Itanong mo kay Rome kung sino ako... Higit sa lahat itanong mo nang maliwanagan ka, kung bakit ako ang mahal niya at hindi na ikaw." Sabay ngisi.
Tahimik. Napansin ko ang mga matang nakatingin sa amin, ngunit wala akong pakialam. Malinis ang kunsensya ko. Kung may dapat mang mahiya dito ay siya yun.
"Masyado kang mayabang. Ano bang pinagmamalaki mo? Isa ka lang kire at lintik na baklang mang-aagaw ng asawa!" sigaw niya.
Narinig ko ang pagkagulat ng mga tao sa paligid namin. Ang iba'y nag-umpisang magbulungan. Alam ko, sigurado akong hinuhusgahan ako ng mga taong hindi naman ako kilala.
Isang eksena mula sa nakaraan ko ang bumalik sa aking alala, ang araw na tinanggalan ako ng kahihiyan ng babaeng ito, ang araw na pinahiya niya ako sa lahat at pinagbintangang inagaw ko si Rome sa kanya, ang pinakamatinding bangungot ng buhay ko, bangungot na nagdulot sa akin ng psychological repression.
Ramdam ko ang unti-unting pagkain sa akin ng galit, galit na kanina pa nakabalot sa akin.
ROME
Napanood ko na ito, nangyari na ito noon. Heto ako, hindi ko na naman alam ang gagawin ko para iligtas ka sa kahihiyan.
"Ano Ray? Gusto mo isiwalat ko sa lahat kung gaano ka kagahaman sa laman ang isang baklang kagaya mo?" naglakad siya palapit sa mga tao. "This faggot is the biggest slut! Pagkatapos agawin at pagsawaan ang boyfriend ko." Sabay hawak sa akin. Tinabig ko ang kamay niya. "Nang-agaw naman ng lalaking pamilyado na! Napaka-imoral di ba?" sabay turo kay Kazuki. Ngumiti siya, ngiting tagumpay na sirain ka, ikaw na pinakamamahal ko.
"Gel, tumigil ka na!" sigaw ko kay Gel.
"Shut up Rome!" sigaw niya sa akin habang nanlilisik ang mga mata. Lumingon siya sa iyo. "Malandi ka! Puta ka! Kire! Nakakadiri ka!" sabay tangkang sampal sa iyo. Mabilis mong hinawakan ang kamay niya at pagkatapos ay mahigpit na hinawakan ang kwelyo ng damit niya at hinila ito. Napasigaw ang mga tao.
"Ray!" sita ko. Kitang-kita ko ang panlilisik ng mga mata mo. Puno ng galit ang masayahin mong mata. Kailanman ay hindi ko naisip na makita ito sa isang mabuti at masayahing taong kagaya mo.
"Ikaw ang kire." Ngumisi ka habang hinahatak ng paulit-ulit ang kwelyo ng damit ni Gel. "Gusto mo malaman nila kung anong nangyari sa pinagbubuntis mo noon? Ang pinagbubuntis mo na dahilan ng paghihiwalay niyo ni Rome noon?"
Hindi ako makakibo. Hindi ko kita maintindihan.
"Yes, I am gay. Pero hindi ako mamamatay tao na kagaya mo!" gigil mong sigaw. Madiin mong hinawakan ang panga ni Gel at hinarap ito sa lahat ng tao. "Yes you heard it right. This heartless bitch killed her unborn child!" bulalas mo sa lahat. Para akong nabingi sa narinig. Pinatay niya ang sarili niyang anak? Rinig ko ang gulat sa mga tao, pati ang dalawang kaibigan ni Gel ay napasigaw. "Pinatay niya ang anak niya para balikan siya ng lalaking kinababaliwan at pinagnanasaan niya. And now, here she is, buntis na naman sa ibang lalaki and this time she plan to use her baby to get the same guy." Sabay tulak kay Gel. Nasubsob ito sa lamesa. "Ngayon, sino sa atin ang nakakadiri?"
Humarap si Gel sa iyo. Ngumisi ka.
"Sinungaling ka! Sinisiraan mo lang ako! Sinungaling ka!" sigaw ni Gel na parang nawawala sa katinuan.
"Gusto mo tawagin pa natin yung lalaking nakabuntis sa iyo noon eh. Sa kanya na nanggaling, pinatay mo ang anak niyo!"
Dinuraan ka ni Gel. "Hayop ka! Basura ka! Sinungaling ka! Sinisiraan mo lang ako!" Akmang susugod si Gel ay hinarang ko siya. "Bitawan mo ako!" sabay tulak sa akin.
Dahan-dahan kang tumingin sa kanya. Mabilis na bumagsak ang palad mo sa mukha ni Gel. Muling nasubsub ito sa lamesa. Humarap si Gel sa iyo, matulis ka niyang tiningnan.
"Masyadong mabantot ang bibig mo. Kasing bantot ng kaluluwa mo!" dumahak ka at pagkatapos ay dinuraan si Gel. Kitang-kita ko ang plema mo sa mukha niya. Hindi nakakilos si Gel. "Alam mo kung ano ka? Isa kang asong kalye na paanakan ng mga lalaking taglibog. In short you're a murderer and a cheap dirty whore!" sabay sapak sa mukha niya.
"Ang kapal ng mukha mo!" sigaw ni Gel sabay kuha ng vase mula sa mesa at binato sa iyo. Nakaiwas ka at tinamaan ang mga tao sa likod mo, rinig sa buong lugar ang malutong na pagkabasag nito. Lumapit ang dalawang kaibigan ni Gel at pinagsasampal ka. Lumapit naman si Lyn at Kim at hinablot ang buhok nung dalawa, kasabay noon ay ang pagtili nila.
"Huwag kang mangialam puta ka!" sigaw ni Lyn.
Sinugod ka ni Gel. Mabilis mong nahawakan ang magkabilang braso niya, pinilipit mo ito. Kitang-kita ko ang pamimilipit niya sa sakit.
"Tama na!" sigaw ko. Pilit ko kayong inaawat. Sinipa ni Gel ang tiyan ko. Napaluhod ako sa sakit. Inalalayan ako ni Jess. Si Bae naman ay kitang-kita ko ang pagtakbo, malamang ay tumawag ng security. Nag-umpisang magtayuan ang mga tao at lumabas ng cafeteria.
"Ano Gel? Suko ka na? Bakit hindi ka makakibo? Anong pakiramdam Gel na walang mukhang maiharap dahil sa kahihiyan? Sagot!" sigaw mo.
“Tangina ka! Putangina mong bakla ka! Tangina mooooo!” pagsisigaw ni Gel na halos maiyak na sa sakit at kahihiyan. Tinulak ka niya ngunit hinatak mo lang ang mga braso niya, halos mapahiga si Gel sa ginawa mo. Hinampas mo ang ulo niya at pagkatapos ay hinablot ang buhok niya. Paulit-ulit mong inuntog ang ulo niya sa sahig.
“Para iyan sa pambababoy mo sa akin! Para iyan sa pagsira mo sa buhay ko! Para iyan sa lahat ng ginawa mo!” Sigaw mo. Walang ginawa si Gel kundi murahin ka at magsisisigaw sa sakit.
Masakit pa man ang tiyan ay pinilit kong tumayo. Si Jess naman ay pilit inawat si Kim at Lyn na noo’y nakikipagsabunutan kay Andrea at Bianca, ang mga mukha nila ay nasa ibabaw ng kulay-brown na lamesa.
“Tama na Ray!” Binuhat kita at linayo kay Gel.
“Bitiwan mo ako!” Kinagat mo sa braso ko. Napapikit ako sa sakit, ramdam ko ang ngipin mong bumabaon sa balat ko, ngunit wala akong pakialam. Masyado nang masakit sa akin ang mga nakita ko, ayokong nasasaktan ka at ayokong nananakit ka ng ibang tao.
Narating natin ang entrance ng cafeteria, ilang hakbang na lang ay malapit na tayo sa hagdan, patuloy ka pa rin sa pagpalag sa akin. Ilang saglit pa’y naramdaman ko ang isang matigas na bagay na humampas sa ulo ko. Natumba ako. Nakita ko si Gel na dumaan sa gilid ko, sigurado akong siya ang may pakana noon. Sinugod ka niya
“Papatayin kitang bakla ka! Papatayin kita!” pagsisigaw niya habang paulit-ulit kang sinasampal.
Tinulak mo siya. Kitang-kita ko ang pagkadulas at pagulong nito sa hagdan.
Para akong tinamaan ng kidlat sa nangyari. Kitang-kita ko ang pagkabalisa mo, para kang naging estatwa sa kinatatayuan mo. Isang sigaw ang umalingaw-ngaw sa buong lugar. Kinilabutan ako. Gumapang ako palapit sa hagdan. Nanigas ang buong katawan ko sa nakita. Punung-puno ng dugo ang binti ni Gel.
“Rome... Ang baby ko... Roooomeeee!” sagad sa lalamunang pagtangis ni Gel.
***
GEL
Ang baby ko... Wala na... Wala na ang baby ko... Wala na ang isang bagay na maaaring maging dahilan para balikan ako ni Rome. Sa pangalawang pagkakataon ay namatayan ako ng anak. Patuloy pa rin ang aking pag-iyak. Sinubsob ko ang mukha ko sa unan.
"Gel..." Tawag sa akin. Tumingin ako, nakita ko si Bianca at Andrea.
"Get out! Leave me alone!" sigaw ko.
Agad na umalis ang dalawa.
"Hayop ka Ray... Pinatay mo ang anak ko!" humagulgol ang isang diyosang kagaya ko. Nawalan ako ng isang bagay na kailanman ay hindi na maaaring palitan. Walang kasing sakit ang ginawa sa akin ng hayop na Ray na iyon.
Muli kong naalala ang mga plano ko. Tama, hindi pa tapos ang lahat, pwede ko pang makuha si Rome. I will get him by hook or by crook. Inabot ko ang bag ko na nakapatong sa end-table ng clinic, kinuha ko ang cellphone sa loob. Hinanap ko ang number ng babaeng magbibigay katuparan sa mga plano ko, nang makita ko ito ay agad ko itong dinaial. Wala pang sampung segundo ay sinagot niya ito.
"Kumalat na ang unang pasabog natin." Masayang bungad niya.
"Si Ray... Pinatay ni Ray ang anak ko. Pinatay niya ulit ang anak ko!" pag-iyak ko.
"What?"
"Oo. Kaya ilabas mo na ang pinakamalaking eskandalo. Ngayon din!"
"I told you to wait."
"Hindi na ako makakapaghintay pa! Pinatay niya ang anak ko! At baka nalimutan mong pinatay niya rin ang anak mo!"
"Hindi ko nalilimutan iyon Gel." Bakas sa boses niya ang magkahalong galit at sakit.
"Alam ko. Kaya gawin mo na ang sinasabi ko! Sirain mo siya! Ibagsak mo si Ray!"
"Have patience my dear. I've been longing for that to happen too. Hinihintay ko na lang ang go signal ng kasama ko. Once I receive it, tapos ang Rei Kyou na iyan."
Napangiti ako. Pinunasan ko ang luha sa aking mukha. Mahina akong nagbitiw ng malutong na halakhak.
"Ako pa rin ang mananalo Ray... Masisira ka... At mapapasa-akin si Rome."
(End Of Chapter 32)
ITUTULOY