AUTHOR'S NOTE (IMPORTANT PLEASE READ!)
Sorry sa delay. I'll post Chapter 28 tonight. :-)
WARNING! Kumapit na kayo. Lubusin niyo na ang mangyayari sa chapter na ito. Tandaan nasa roller-coaster tayo guys! Wahahaha! Anyway, sorry sa delay. I'll try to finish Chapter 28 tonight.
WARNING! Kumapit na kayo. Lubusin niyo na ang mangyayari sa chapter na ito. Tandaan nasa roller-coaster tayo guys! Wahahaha! Anyway, sorry sa delay. I'll try to finish Chapter 28 tonight.
======================================================
CHAPTER LINKS:
"LOVE, STRANGER" (BOOK 1)
"DEAR STRANGER" (BOOK 2)
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
INTERLUDE! READ PLEASE!
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
INTERLUDE! READ PLEASE!
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
======================================================
DEAR STRANGER
(Book 2 of "Love, Stranger")
CHAPTER TWENTY-SIX
RAY:
"Rome... Please... Huwag." Sabay iwas sa labi niyang halos dumikit sa labi ko.
Tahimik.
"Hindi mo na ba ako mahal?" bulong niya.
Para akong tinamaan ng kidlat, hindi ako makakibo, hindi ko alam ang nararamdaman ko. Binaba niya ang dalawang kamay na nakatukod sa pader mula sa pagitan ng mukha ko. Napayuko siya at unti-unting umatras. Tumalikod siya at nag-umpisang tumbukin ang nakaawang na pinto. Palabas na siya nang bigla akong magsalita.
"Masaya akong nandito ka. Masaya akong magkaibigan tayo. Importante ka sa akin Rome."
Dahan-dahan siyang lumingon sa akin. Naaninag ko ang malungkot niyang mukha. Ngumiti siya. Palagay ko'y naintindihan niya ang gusto kong ipahiwatig. Tumalikod siya, akmang aalis na siya'y patakbo akong umakap sa kanya.
"Good night Rome." Bulong ko.
Humarap siya at inakap ako, napakahigpit. Napakabilis ng tibok ng puso ko. Hinilig ko ang ulo ko sa dibdib niya.
"Good night Ray." sabay halik sa ulo ko.
***
ROME:
Wala akong mapag lagyan ng kilig at tuwa dahil sa mga nangyari sa atin. Tuwang-tuwa ako na tila nagsasayaw habang naglalakad pabalik sa aking villa. Nakita ko si Jess sa labas ng pinto.
"Pare saan ka galing? Saya mo ngayon ah." bungad sa akin ni Jess na palabas ng villa namin.
"Kay Ray." Ngiti kong sagot.
"Ano ginawa niyo!? Bakit inumaga kayo!?" gulat niya.
"Wala! May binigay lang ako." Pagdadahilan ko.
"Alam na! Nagustuhan ba ni Pareng Ray? Magaling ba si Pareng Ray?" nakakalokong ngisi ni Jess.
Napakunot ang noo ko sa narinig. 'Di ko mapigilang mapangiti, iba naglaro sa isip ko. Hehe.
"Gago! Baka kayo nga ni Kim eh, kababalik mo lang tapos aalis ka na naman." Pang-aalaska ko sa kanya.
"Hindi ah! Walang ganun! At di ako kinakausap nun ngayon, kasi mas gusto niya si Bae para kay Pareng Ray, eh syempre ikaw manok ko."
Hindi ako nakaimik, pati ang mag-syota ay nag-aaway dahil sa kumpetisyong nangyayari. Tsk.
"Eh saan ka punta ngayon?" nasabi ko na lang.
"May kinuha lang ako, balik din ako kay Kim. Susuyuin ko."
Tumango ako at agad na napaalam kay Jess. Naisip ko, kasalanan ko rin naman kung bakit iba ang gusto ng mga kaibigan natin para sa iyo. Gayunpaman, ilalaban kita Ray.
***
ROME:
Kasabay ng pag-ring ng telepono ay sunud-sunod na kalampag ng pinto ang narinig ko. Napakasakit ng ulo ko. Kahit silaw na silaw sa sinag ng araw ay pilit kong dinilat ang mga mata. Inabot at sinagot ko ang napakaingay na telepono.
"Hoy bumangon ka na! Nakapag-almusal na kaming lahat ikaw tulog mantika pa rin!" sigaw ni Kim sa kabilang linya.
"Sorry napuyat ako." Walang gana kong sabi.
"Bakit ka napuyat? Ang aga nating nagpahinga ah!" tanong niya.
Hindi ko na sinagot ang tanong niya at agad kong binaba ang telepono. Muli kong narinig ang sunud-sunod na kalampag ng pinto. Mabigat man ang katawan ay bumangon ako, sinilip ko sa bintana kung sino ang makulit na kumakatok, nakita kita. Napangiti ako ng pagkatamis-tamis.
Binuksan ko ang pinto. Nagtama ang ating mga mata, bumaba ang tingin mo sa maselang parte ng katawan ko. Kasabay ng pamumula ng pisngi ay ang paglaki ng iyong mga mata. Agad mo itong binawi at tumingin sa mata ko.
"Bangon na at marami tayong activities ngayon!" Trying to maintain your composure.
Akmang aalis ka na'y hinatak kita papasok sabay sara ng pinto.
"Ano ba!?"
"Tulungan mo ako mag-ayos." Paglalambing ko sa iyo sabay akap. Wala akong pakialam kung tanging balat ko lang ang suot ko. Kumportable ako sa'yo kaya okay lang.
Tinulak mo ako at tumakbo sa isang sulok.
"'Dyan ka lang! Huwag kang lalapit!" nanginginig mong sabi. Lalo akong napangiti sa itsura mo.
"Ikuha mo ako ng damit tapos bihisan mo ako." Habang lumalapit.
"Gago! Magbihis ka na bilis! Or else babayagan kita!" sabay pikit at talikod.
Kamot ulo akong sumunod sa iyo.
RAY:
"Bihisan ko raw siya! Bakit? Asawa o Boyfriend ko ba siya!? Shit!" sigaw ko sa utak habang inaayos ang gamit niya. Tinulungan ko na siya dahil mahuhuli na kami sa schedule. Binuksan ko ang isang parte ng bag niyang itim sabay dukot at linabas ang isang bagay mula rito. Nanlaki ang mga mata ko sa nakita.
"Rooomeee!" sigaw ko.
"Ano!?" sigaw niya habang nagsisipilyo. Narinig ko ang pagdura niya sa lababo, sunod ay pagmumog ng tubig at dinura rin ito.
Lumabas siya sabay tingin sa akin, bahagya niyang inayos ang shorts na kasusuot pa lang.
"Gamit na ba ito?" tukoy ko sa underwear niyang nakalabas ang panloob.
"Ah eh, oo." Humalakhak siya. Hindi ako nakaimik. Ramdam ko ang pag-init at pamumula ng mukha ko. "Saktong-sakto ang parte na hawak mo ah, gusto mo yung totoo?" Sabay kindat.
"Tarantado!" sabay bato sa mukha niya, bumagsak ito sa malaki niyang dibdib sabay salo ng kamay. "Pinaayos mo gamit mo sa akin tapos hindi mo man lang linagay sa plastic iyan! Nahawakan ko pa yung ano!" sabay takbo sa CR.
"Arte nito nadikit na kaya iyan sa ano mo." Sabay ngisi.
"Sshhh! Wag mo ng ipaalala!" sabay bukas ng gripo at naghugas ng kamay.
Narinig kong may kumakatok. Binuksan ni Rome ang pinto.
"Ang tagal mo naman Boss!" sigaw ni Lyn. Pinunas ko ang basang kamay sa damit ko sabay lumabas. Nakita ko si Lyn kasama si Jess at Kim. "Ay! Julalay ka na niya ngayon?" sabay taas ng kilay ni Lyn. "Oh my nooo! Don't tell me sex slave ka na ni Boss!?"
"Tanga! Tinutulungan ko lang siya para mapadali tayo!" sigaw ko.
"'Yun naman pala. Boyfriend este asawa." Ngiting sabi ni Jess. Tiningnan siya ng masama ni Kim at Lyn.
"He's not my boyfriend at lalong hindi ko siya asawa!"
"Dapat lang!" si Kim at Lyn.
"Si Kazuki ang asawa ni Ray!" pahabol ni Lyn.
"Hindi rin! Wala akong asawa at tigilan niyo akong tatlo!" Inirapan ko sila. Tumingin ako kay Rome. Kinindatan ako ni gago. Dinilaan ko siya. Dahan-dahan niyang dinilaan ang labi niya na parang nang-aakit. Very naughty. Iba talaga topak nito! Lakas!
***
RAY:
Lumabas ako ng villa at naglakad papunta sa beach area. Sa aking paglalakad ay nakita ko si Bae, unti-unting umaahon mula sa dagat. Di ko alam kung anu ang gagawin ko sa aking nakita, tila isang diyos ng karagatan ang biglang umahon mula sa kanyang kaharian. He is so damn perfect from head to toe. He has the body to die for. Perfectly sculpted chest and abs along with the reflection of the sun sa tubig na tumutulo sa kanyang katawan. Tangina napalunok ako!
Ilang saglit pa ang nakalipas na tila ilang taon na dahil sa pagtitig ko kay Bae ay heto naman ngayon si Kazuki na kalalabas lang galing shower area. For his age he was still able to keep his body at a top shape. Hindi naman kasi image ng mga hapon ang super muscular kaya he still has the sexy and petit body type. Just like Bae kanina yung reflection ng sikat ng araw mula sa katawan ni Kazuki made him look like another god who descended from heaven. A single glance would not think of him to be as old as 31, still looks like 25.
"Si Pareng Rome ayaw magpatalo oh!" sigaw ni Jess.
Napalingon ako sa likod, kitang-kita ko ang makinis at katamtamang katawan niya. Dati na siyang naghuhubad sa harapan ko, pero ngayon ko lang napagmasdang maigi ito, tamang-tama ang hubog nito at napakalakas ng sex-appeal. Nakapaglalaway! Malagkit siyang tumingin sa akin sabay maangas na ngiti na labas ang dimples. Literal na tumulo ang laway ko, mabilis ko itong pinahid gamit ang kamay ko. Napalunok ako. Shocks, hindi ako mapakali.
KIM:
I looked at my boyfriend. Hindi nagpatalo ito at naghubad na rin. Kumindat siya sa akin, pigil ngiti ko siyang inirapan. Kagabi pa ito nagpapapansin sa akin eh, kundi ko lang mahal ito at hindi lang siya yummy, hmp!
"Ay ano ito!?" sabay baba ng shades ni Lyn. "Audition ba ito ng century tuna super bods?" sabay pamewang.
"Hindi! Beach wear attire Mr. Universe. Uuummpp!" sagot ko sabay tingin kay Jess.
"Ay teh! Lingon ka alas-dos... bitch where!" Sigaw ni Lyn. Sinunod ko siya, nanlaki ang mga mata ko sa nakita! What on earth is this bitch doing here!?
RAY:
Bumigat ang pakiramdam ko. Unti-unti kong naramdaman ang kadilimang nagtatago sa loob ko, nagsusumigaw at gustong kumawala! My first instict as I look this bitch, was to rip her eyes out! Tangina ng Gel na ito!
"What a coincidence. Masyado na talagang maliit ang mundo natin." Agad na pumulupot ng braso niya kay Rome, nagulat ang huli. Tumingin ako sa mukha niya, nagtama ang nagliliyab naming mga mata. Kapansin-pansin ang ngiti nitong impakta.
"I don't think so. Mayroon lang talaga dyang nananadya." Sagot ko. Tumingin sa kanya si Rome, dahan-dahan nitong inalis ang braso niya sa nakapulupot na braso ni Gel. Napangisi ako. Gel maintaned her composure. Taas kilay na tumingin ang demonyo sa akin.
"Ako nananadya? And who are you Ray para pag-aksayahan ko ng panahon? I'm here dahil birthday ng friend ko." Sabay turo sa isa niyang kaibigan. Doon ko napansin na may dalawa siyang kasamang bitchesa rin, alam kong bitch sila dahil dati namin itong kaklase, kasama sila sa pambababoy noon sa akin.
"Talagang kasabay pa ng birthday ni Kim ah, at iisang isla pa tayo. Wow." Sarcastic kong sabi.
Kinain kami ng katahimikan. Napansin kong nasa gilid ko na pala si Bae at Kazuki.
"Daddy ko ang may-ari ng isa sa resort dito." Mataray na sagot ng isa sa kaibigan ni Gel.
"Si Bae uupahan ang buong islang ito. Laban ka?" sabat ni Kim. Ewan ko kung saan nanggaling ang idea na iyon.
"Whatever... We're here for fun right? Then let's have fun." Sabay tanggal ni Gel ng damit niya at ang tinira lang ay ang kanyang black swimsuit na halos makita na ang lahat sa kanya.
ROME:
Marahang lumapit si Gel kay Ray na tila nag hahamon ng away. She still has a great body any man would kill for. Seconds after, biglang inalis ni Ray ang kanyang shades pagkatapos ay naghubad siya ng kanyang white polo.
At that moment everything froze as if all other things are no longer important. Wala na akong ibang nakita kundi ang kutis niyang sobrang kinis na paniguradong iiyak ang mga babae dahil sa inggit. Tinamaan ng sinag ng araw ang kanyang katawan, he is so hot and sexy. He has some muscles pero napaka-feminine ng aura ng mahal ko na lalong nagpagising sa katawan ko. Every inch is incomparable! He is the living personification of the word perfect.
Napalunok ako, naramdaman ko ang pag-init ng katawan ko, mas mainit pa sa sinag ng araw. Hindi ko na kaya pang pigilan ang sarili ko sa aking nakita.
"Oh shit..."
RAY:
"Pareng Ray, pinatigil mo ang mundo ni Rome. Buhay na buhay na oh." Bulong ni Jess sa akin. Napatingin ako kay Rome, pansin kong nakatakip ang kamay nito sa harapan niya. Alam na!
Tumingin ako kay Gel, pumitik ang kilay ko. Bakas ang inis sa mukha niya. Linagpasan ko siya at confident na dahan-dahang naglakad palapit kay Rome, hinaplos ko ang pisngi niya pababa sa leeg, gumapang ang kamay ko sa dibdib at abs. Hindi pa ako nakuntento at medyo binaba ko pa malapit sa kanyang pagkalalaki. Pasimple akong tumingin kay Gel na noo'y lumalaki ang ilong at mata sa galit. Ngumisi ako sabay irap.
Kitang-kita ko ang gulat sa mukha ng mga kasama ko, samantalang si Rome ay halos hindi na humihinga sa kinatatayuan niya. Napangiti ako, hindi ko alam kung dahil ba sa kalokohang pinakita ko o dahil sa nagustuhan ko ang ginawa ko kay Rome.
"Tara na naghihintay na ang guide natin." Nanginginig na sigaw ni Kim. Hinatak niya ako at mabilis na naglakad. Sumunod kami.
Napansin ko ang pag-akbay sa akin ni Kazuki samantalang si Bae naman ay tumabi sa kabilang gilid ko. Hinawi ko ang magulo kong buhok, parang umabot hanggang langit ang confidence ko. I never thought I can do that. Is this another stranger inside of me that I haven't met? Is he good or bad? Whatever he's side is on, I like him. Siguro kung ganito ako noon, hindi ko mararanasan ang masasakit na pinagdaanan ko.
***
ROME:
"Pare seryoso ba ito?" bulong sa akin ni Jess na nakaupo sa likod ko. Kasama kasi natin sa kambal na banana boat sila Gel. Pasimple akong tumingin sa iyo na katapat kong nakaupo sa katabing banana boat. Nakikipagkulitan ka kay Kazuki na nakaupo sa likod mo. Lumingon sa'yo si Bae sabay mwestra ng okay sign, tumango ka. Napabuntong hininga ako. Alam kong hindi ka okay dahil nandito si Gel, pero ano bang magagawa ko?
"Guys ready na." Sigaw ni Kim at pagkatapos ay umandar kami. Mahigpit akong humawak sa safety rubber-belt. Mabagal kaming umandar, ilang segundo ang lumipas at naramdaman ko ang pagbilis ng sinasakyan namin banana boat, lalong humigpit ang pagkakahawak ko.
Humampas ang malamig na hangin sa mainit kong mukhang tinatamaan ng sinag ng araw. It's like we're riding a motorcycle in the sea, napansin ko na lang na yinuyugyog kami na parang nangangabayo dahil sa sobrang bilis ng andar namin. Hindi ko mapaliwanag ang sayang nararamdaman, one of the most exciting and thrilling experience in my life. Tumingin ako sa iyo, kitang-kita ko ang matamis na ngiti sa iyong labi. God, I really love to see your smile.
"Shheeeeeettt!!!" sabay na sigaw ni Lyn at Kim.
Lalong bumilis ang sinasakyan nating banana boat, ilang saglit pa'y bumagsak ka sa pagitan ng dalawang banana boat. Napabitiw ka sa sobrang bilis.
"Kuya sandali lang!" sigaw ko sa nag-ooperate ng boat na humahatak sa amin. Agad kitang inalalayan gamit ang kaliwa kong kamay. Humawak din sa likod mo si Kazuki
"Hoy! Isa-isang saging lang gahaman ka!" sigaw ni Lyn na humahalakhak. Pilit kang bumalik sa pwesto mo. Napailing ako sa banat niyang iyon, hindi ko alam kung matatawa ba ako o hindi.
"Iyan kasi! Mahilig sa titi." Sabat ni Gel. Napatingin ako sa kanya gawa ng gulat, I didn't expect to hear it from her. Nakita kong inirapan ka niya.
"Nagsalita! Ikaw nga minimum lima sa isang araw! Martilyo ka kasi!" sabat ni Lyn.
"Anong martilyo?" tanong ni Gel.
"Pokpok kagaya mo!" sigaw mo. "Ito sampol." Sabay pukpok mo kay Gel na kinahulog nito sa dagat.
Natigilan ako sa ginawa mo. Tumingin ako sa iyo, kitang-kita ko ang pagtawa mo na parang isang kontrabida. Ibang Ray ang nakikita ko ngayon, hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko.
"Roooommeee!!! Rooommeeee tulungan mo akoooo!!!" pagsisigaw ni Gel na gumising sa nagulantang kong utak. Nagsisisigaw rin ang dalawang kaibigan niya habang pilit sinasagip sa dagat. Tutulungan ko sana si Gel kaso ay pinigilan ako ni Kim at Lyn. Napailing na lang ako.
"Hoy Ray! Maging eco-friendly ka naman, masamang magtapon ng plastic sa dagat! Hindi mo ba alam na matagal matunaw ang mga plastik na katulad niyan." Si Lyn. I gave her a sharp look.
"Sa Japan ko itatapon iyan, para sinusunog, healthy for the environment pa ang method." Sabay ngisi mo.
Tinulungan si Gel ng dalawa niyang kaibigan na makabalik sa pwesto niya. Tumingin sa akin si Gel, napayuko ako. I feel bad for her kasi bali-baliktarin man ang mundo ay naging parte siya ng pangarap ko noon. Tumingin ako sa iyo. Ngumiti ka sabay ikot ng mata.
"Kasalanan ko ito..."
***
RAY:
Unti-unting binababa ng parachute si Kim at Jess. Kapansin-pansin na nabawasan ang tampuhan nila dahil kitang-kita ang ngiti sa kanilang mga labi.
"Tangina! Bakit ikaw? Yuck!" Sigaw ni Lyn kay Gel. Nakita kong parehas sila ng nabunot na number, ibig sabihin nito ay sila ang magkasama sa Parasailing. Hindi ko napigilang humalakhak. Nagpalabunutan kasi kami dahil hindi magkasundo ang mga tao. Si Gel gusto makasama si Rome, samantalang si Bae, Kazuki, at Rome ay nagpupumilit na ako ang ka-partner.
Tuwang-tuwa ako dahil paniguradong hindi si Gel ang kasama ko, siguradong kasing magpapatayan kami ng demonyong ito. I might remove her fucking belt para malaglag siya 400 feet sa dagat, masaya akong gawin iyon if ever.
Muli akong tumingin sa tatlong lalaki, isa sa kanila ang kasama ko sa itaas. Hindi ko pa tinitingnan ang numerong nakuha ko, ewan ko ba pero kinakabahan talaga ako.
Pagkababa ni Jess at Kim ay agad na tinanggal at nakakabit sa kanila at inumpisahang ikabit ito kay Lyn at Gel, rinig na rinig ang maingay na pagtatalo ng dalawa.
"Dapat kasi sinama mo yung mga bitchesa mong kaibigan! Para isa sa kanila kasama mo!"
"Nahihilo raw sila. Isa pa, si Rome ang gusto kong kasama!" pagdadahilan nito. Palagay ko'y dinahilan niya lang ito dahil 8 passenger lang ang pwede sa speedboat na sinasakyan namin at syempre gusto niya kasama siya roon.
"You failed bitch! Dahil ako ang kasama mo!" sabay panlilisik ni Lyn.
"Shut up!" sigaw ni Gel sabay sapok sa mukha ni Lyn. Hinablot ni Lyn ang buhok ni Gel at binatak ito na para bang makakalbo ang bruha, gumanti si Gel ng sabunot. Inawat sila ni Bae, Jess, at Rome.
"Ako na lang sasama kay Gel." Pagpaparaya ni Bae. Pinakita ni Bae ang number niya, nakasimangot na pinakita ni Kazuki ang kanya, parehas sila ni Bae. Isa lang ibig sabihin nito.
Nagkatinginan kami ni Rome. Tumingin ako sa number na nakuha ko, number 1. Lumapit si Rome sa'kin sabay akbay. Pinakita niya na parehas kami ng numerong nakuha. Pasimple akong tumingin kay Kazuki na noo'y napangiwi, si Bae naman ay chill lang habang kinakabit sa kanya ang parachute.
Muli akong tumingin kay Rome, kapansin-pansin ang pamumutla sa kanyang mukha. Oo nga pala may aerophobia siya! Hindi ko maiwasang hindi mag-alala.
"Sigurado ka rito?"
"Oo naman." Nakuha niya ang ibig kong sabihin. "Kaysa naman si Kazuki pa ang makasama mo."
"Hey, it's just a ride."
"Hindi lang iyon eh. I want to overcome my fear once and for all."
"Baka naman himatayin ka na lang bigla!"
"Hindi ah, nagpa-practice kaya ako noon sa hotel ni Mr. Kyou, yung kwarto ko doon lagi akong tumitingin sa gilid ng bintana. Oo nakakatakot, pero pag naaalala kita nababawasan ang takot ko."
"Ikaw bahala." Sagot ko na lang. Hindi ako makaimik sa narinig ko. Hindi ko alam kung kikiligin ba ako o matatawa kasi self-torture ang gagawin niya. Hindi ko talaga maiwasang mag-alala. Ayokong may masamang mangyari sa kanya dahil lang sa kagustuhan niyang i-overcome ang takot niya.
(End of Chapter 26)
o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o0o
CHAPTER TWENTY-SEVEN
RAY
Hinawakan ko ang nanlalamig niyang braso. Hindi ako mapakali. Sobrang putla ng kanyang mukha, kapansin-pansin ang malalim niyang paghinga.
"Kumalma ka muna, baka himatayin ka niyan." Sabay ngiti at harap sa kanya, hinawakan ko ang magkabilang mukha niya. Nagbitiw siya ng pilit ngiti, yung ngiting Rome na labas ang dimples. Hay.
"Hoy sobra na iyan ah!" sigaw ni Lyn. Lumingon ako sa kanya.
"Manahimik ka nga Lyn! May phobia na nga yung tao eh!" irita kong sigaw sa kanya. "Be considerate!" kahapon pa kasi siya. Bwisit.
"Buti nga!" Si Jess. Inirapan siya ni Lyn.
"Opportunista talaga. Gusto lang humawak kay Rome." Sabat ni Gel. Nag-init ang tenga ko sa narinig, parang lahat ng dugo sa katawan ko'y umakyat sa ulo ko. Akmang sisipain ko siya sa mukha'y bigla akong hinawakan ng napakahigpit ni Rome. Tumingin ako sa kanya. Umiling siya, kahit pinipigilan ako'y bakas pa rin sa mukha niya ang takot. I gave a deep sigh, pilit pinakalma ang sarili.
"Sir ready na kayo?" tanong ni Manong na nag-ooperate. Tumingin ako kay Rome. Ngumiti siya sabay thumbs-up.
"Sige po kuya game na." Agad kaming umupo ni Rome.
Ilang segundo pa'y unti-unti kaming hinatak ng parachute palayo sa inuupuan namin hanggang sa naramdaman kong nakalutang na ang mga paa namin sa ere. Pataas ng pataas, kasabay nito'y lumundag ang adrenaline ko. Ang bilis ng tibok ng puso ko! Para akong isang ibong nag-umpisang lumipad. Naramdaman ko ang malamig na hampas ng hangin na siyang unti-unting nagdadala sa amin sa itaas. It's exhilarating.
Napatingin ako kay Rome, pikit na pikit siya at hindi maipinta ang mukha, kapansin-pansin din ang malalim niyang paghinga. Ang putla na niya at parang hihimatayin anumang oras. Kinilabutan ako sa nakita, natatakot sa maaaring mangyari sa kanya. Bigla kong hinawakan ang kanyang kamay. A spark of electricity hit me, napangiti ako.
"Nandito ako... Huwag kang matakot." Bulong ko sa kanya.
ROME
Halos malagutan na ako ng hininga nang marinig ko ang isang musika, unti-unti nitong pinakalma ang nagwawala kong sarili. Alam kong boses mo yun. Dahan-dahan kong dinilat ang aking mata, nakangiti ang maganda mong mukha. Ang higpit ng pagkakahawak mo sa akin.
"Look around Rome, slowly." Bulong mo sabay pisil sa kamay ko. Hinaplos ko ito paikot gamit ang aking thumb. Nagtama ang ating mga mata, nakita ko rito ang assurance na ligtas ako, dahil nandito ka sa piling ko.
Unti-unti kong napansin ang ganda ng kapaligiran. Naglalaban ang kulay asul at pulang dagat, tinatamaan ito ng papalubog na sinag ng araw, parang kumikinang na ginto. Napatingin ako sa ibaba, ang layo ng ating paa sa dagat at sa speedboat na parang langgam sa aking paningin. Nakakalula, para akong hihigupin ng dagat, pero sa tuwing naaalala kong hawak-hawak mo ang kamay ko'y napapawi ang anumang pag-aalala ko. Tumingin ako sa harap, nakita ko ang kulay green na mga isla, humalo ang kulay nito sa mapulang sinag ng araw. Everything is peaceful.
Tumingala ako, nakita ko ang pagsasayaw ng kulay asul, pula, at violet na ulap, parang abot kamay ko ang mga ito. Para akong isang batang nangangarap na abutin ang langit, ang pangarap ko, at ngayon ay abot kamay ko ito lalo na't kasama kita.
"Uy, nakangiti na siya." Sambit mo. Dito ko lang napansin na nag-eenjoy na pala ako. Even if it's 300-400 ft. below ay hindi ako nakaramdam ng takot.Tumingin ako sa iyo, kitang-kita ko ang pagkislap ng mata mo.
"Pagkauwi ko from Tokyo last year, I undergone a treatment. Gusto ko ma-overcome ang aerophobia ko. Minsan pa nga tumitingin ako sa bintana ng hotel ni Mr. Kyou para sanayin ang sarili ko. Unti-unting nawawala ang takot ko sa pagdaan ng panahon pero ngayon lang ako totoong kumalma. Siguro kasi kasama kita." Sabay ngiti.
"Weh."
"Oo nga." Sagot ko habang sinisipa-sipa ang paa na parang isang bata.
"Saan mo ba kasi nakuha ang aerophobia mo?" Natahimik ako. I don't want to remember that part of my life. "Okay lang kung ayaw mo sabihin." Nagbago ang tono ng boses mo.
"Nakuha ko ito noong nakasama kita sa Beijing, nahulog ako sa ganda mo eh." Sabay ngiting nakakaloko.
"Ha!?" windang mong sigaw.
"I got you." Humalakhak ako. Lalong humigpit ang pagkakahawak mo sa akin habang pinipisil-pisil ng paulit-ulit ang kamay ko sabay irap sa akin.
Narinig ko ang malakas na hampas ng hangin, nakakabingi. Ang tahimik natin, binasag ko ito.
"I've finally overcome my fear. Now it's your turn." Tukoy ko sa takot mo.
"How?" Tanong mo. Nakuha mo ang ibig kong sabihin.
"From this day, please let me enter your heart, let me hold your hand kagaya ng ginawa mo sa akin."
"I don't know how." Huminga ka ng malalim. Tinuon mo ang mata mo sa malayo.
Hindi ko na alam ang sasabihin ko. Muli tayong kinain ng katahimikan. Naiintindihan kita, kagaya ng dati'y hindi kita mamadaliin.
Tumingin ako sa malayo, nakita ko ang papalubog na araw, sa harap nito'y nakita ko ang lumulundag ng mga maliligalig na dolphins. Sa ibabaw ng araw ay nakita ko ang mga ibong patuloy na lumilipad, they're flying towards the sun, magkakasama at malaya.
"Buti pa ang mga ibon malaya, walang problema." Sambit mo sabay hinga ng malalim.
"Bakit kasi hindi mo palayain ang sarili mo?"
"Ikaw ba pinalaya mo na?"
"Pinalaya?" kunut-noo kong tanong.
"Naamin mo na ba sa sarili mo ang totoong Rome?" His eyes gave me clues.
"Anong sinasabi mo?"
"You're always saying na lalaki ka, na straight ka. Pero sabi mo mahal mo ako, and you want to be with me, to marry me. I'm not questioning your sexuality, wala naman akong pakialam sa label eh, pero gusto ko malinaw mo sa sarili mo kung sino ka."
Natameme ako. Ewan ko, ang alam ko ay lalaki ako, pero hindi ko ikakailang mahal kita.
"Ayokong mag-isip ng kahit na ano ngayon Ray. Gusto kong lubusin ang oras na ito, kasama ka."
RAY
Tama siya. Bakit ba ang dami kong iniisip? Siguro kasi ngayon lang kami nakapag-usap ng maayos. I must admit, the thick-wall that my inner self built is slowly melting, pero ramdam ko rin ang pagpupumilit nitong muling itayo ang nabubuwag na depensa, and pader na pumuprotekta sa akin sa mahabang panahon.
"Breathtaking." Pagbasag ni Rome sa katahimikan.
"I always love sunset, but this is the prettiest sunset I've ever seen." Sabay hinga ko ng malalim. Biglng sumagi sa isip ko ang meaning ng sunset para sa akin, it's the end of something, but it's also a new beginning.
"Pangarap mong makita ang ganda ng mundo di ba? Kasama ang taong mamahalin mo at mamahalin ka habang buhay. Tama?" nakangiti niyang tanong. Dahan-dahan akong tumango. Sinabi ko iyon sa kanya last year sa Mt. Fuji. Pumikit siya. "At ako pangarap kong makita ang ganda ng mundo kasama ang pinakamagandang tao, ang taong mamahalin ko habang buhay." Ngumiti siya, labas ang dimples. Dahan-dahan siyang dumilat, tinuon ang mga mata sa malayo at pagkatapos ay pinisil ang kamay ko. "Unti-unti nang natutupad iyon. Kasi ngayon pinagmamasdan ko ang mundo kasama ka."
Natutunaw ako sa kanyang tingin, parang hinahalukay ang lahat ng sa akin, sagad hanggang kaluluwa. Bumilis ang tibok ng puso ko. Unti-unting lumapit ang mukha niya sa akin.
ROME
Humalik ang malakas na hangin sa aking pisngi, ramdam ko ang init na sinag ng araw na tumatama rito. Kasabay ng pagbilis ng tibok ng puso ko'y siyang pagbagal ng paghinga ko, hindi ito gawa ng takot, kundi pagkasabik sa pagmamahal na nararamdaman ko sa iyo.
Tinitigan ko ang napakaganda mong mukha, maliwanag ito gawa ng tinatamaan ng papalubog na araw. Naramdaman kong dumikit ang noo nating dalawa, dahan-dahan kong hinalikan ang noo mo, pagkatapos ay ang pisngi mo. You gently rubbed your nose to mine, nagdulot ito ng kiliti sa akin. Naramdaman ko ang mainit mong hininga. Sa pagpikit ng aking mga mata ay unti-unting kinain ng kadiliman ang iyong mukha, senyales na nagdikit ang mainit nating balat kasama ang mapula at malambot nating labi.
Sumabog ang puso ko, tumigil ang ikot ng mundo ko, narinig ko ang pag-awit ng hangin sa aking tenga. Hinaplos ko ang iyong mukha, naramdaman ko ang kamay mo sa aking dibdib, bawat haplos mo ay nagdulot sa akin ng saya na hindi ko kailanman naramdaman sa iba. Hindi lang katawan ko ang lumilipad at nasa langit ngayon, pati kaluluwa at buong diwa ko. Unti-unting gumalaw ang labi ko, ganoon ka rin, para tayong magkasintahan na sabik na sabik sa isa't-isa. Kinain tayo ng sinag ng araw, ng hangin, ng langit. This one is different, it's incomparable. Everything is real, transparent, and magical. Tumulo ang mainit na luha mula sa aking mga mata, luha ng kaligayahan.
Kinain ng dagat ang araw, pero magkadikit pa rin ang mga labi natin. Lahat ng bagay natatapos, hindi man posible, pero ayokong matapos ito... Gusto kong manatili rito, manatili tayong ganito, forever.
ITUTULOY
CHAPTER 28 TONIGHT!
ReplyDeleteThanks for reading!
Yes. Sa wakas. Sila na
ReplyDeleteHahaha! Check the next chapter dude. Thanks for reading!
DeleteGreat masterpiece..inaabangan ko talaga to....:)
ReplyDeleteThanks for reading! Posted na po. ^_^
DeletePls author pkbilisan im sooo excited
ReplyDeletePls author pkbilisan im sooo excited
ReplyDeleteThanks for reading! Nakapost na po. :-)
DeleteNkakakilig grabe!
ReplyDeleteThanks for reading! Posted na po ang kasunod. :-)
Delete