Athr'sNote-
Oops, napatagal ang update. Sorry. Busy. Haha. Mahaba naman ang chapter na 'to :)
BubblesC, haha. Haring Manok!
Anatiara, salamat sa bagong commentator. At pasensya kasi napabagal ang update. Haha
Tope, yeah salamat :)
LarryM, sobrang nakakatuwa nga po yung dalawa, partida mga inosente pa sila. Hahaha
AlfredTO, sir welcome back! Long time no comment ah. Haha, isa ka sa mga matatandang follower, kina Kash at Seven palang nandyan na kayo, tama po ba? :)
Francis, hwag kana sad :/ ang cute pa naman ng pangalan mo :)
DennisA, salamat kung stress-reliever sina Chan at Kobe :) salamat po new commentator!
And sa mga anonymous at silent readers, salamat sa patuloy na pagbabasa at suporta :) kapag nakikita ko ratings ng posts ko ay sobrang nagagalak ako sa tuwa. More powers sa atin guys, God Bless us all.
Pasensya na talaga sa late update. Babawi nalangs ako.
And guys, maraming salamat sa mga nagcomment at nagbasa sa short story na ginawa ko. Sa mga hindi pa ito nababasa, nasa MSOB blog lang po.. ang title ay "I Love myFRIEND". Basahin niyo po, mai-inspire kayo :)
At heto na nga ang chapter 08!
Happy reading.. :)
--
Point Of View
- C h a n -
Nang mapamulat ako ay maliwanag na yung nakikita ko.
"Umaga na." ang naisaisip ko at napangiti nalang ako.
"Goooooood morning....." sabi ko habang ini-stretch stretch ko pa yung mga binti ko.
Sunod ay yung buong katawan ko na kasama yung dalawang kamay ko, napahikab pa ako. Sarap talagang mag-unat kapag bagong gising.
Hanggang sa..
"AAAAAHHHHHHHH!!!!"
Napatigil nalang ako..
N-nahulog ako?
Aww!!! Wala nga pala ako sa higaan ko!! Nasa sofa nga pala ako!!
T-teka.. may sumigaw?
Napatingin na lang ako sa nabagsakan ko.
Ngiwi yung ekspresyon nito na halatang may iniinda.
"Kobe?"
Hanggang sa napalunok nalang ako. Nang mapansing nakapatong pala ako sakanya.
Isama pa na konti nalang at magdidikit na ang aming mukha.
Nakuha ko pang pagmasdan ang mukha ni Kobe, ang ekspresyon nito na halatang namimilipit.
Ang magkabilang kamay niya na nakakapit sa may baywang ko.
"Chan naman eh.. a-a-aaaarrraaaaaay... Chan.. yung, y-yung ano ko.."
Sabi niya habang namimilipit pa, isabay pa ang paghigpit ng kapit niya sa may baywang ko.
Hindi ko alam pero may nararamdaman ako, parteng ibaba ko.
Nako po. Umagang tapat pa naman din, sa oras na ito ay mukhang hindi lang kaming dalawa ang gising, may dalawa pa.
Napa-iling nalang ako sa naisip. Erase erase.
"Y-yung ano?" ngiwing tanong ko.
Napasabay ako sa ekspresyon niya na halatang may dinaramdam na masakit.
"Eh kung tumayo kana lang? Kailangan itanong pa talaga?" inis niya.
Agad naman akong napatayo.
Nakakainis yung tono niya, nag-aalala na nga ako eh.
Ewan pero parang nawalang gana bigla ako. Panira eh, ang aga-aga.
Pagkatayo ko, nakaramdam naman ako ng hiya nang makita kung saan siya nakahawak, tapos yung ekspresyon niya ay halatang sakit na sakit.
Nilahad ko naman yung kanang kamay ko tanda na nais ko siyang tulungang makatayo.
Kita ko na napatingin naman siya sa kamay kong nakalahad.
Mukhang nagdadalawang isip pa ata, paarte pa eh.
Napangiti naman ako nang makitang unti unti na niyang itinataas yung isa niyang kamay.
At nang konti na lang at maabot na niya yung nakalahad kong kamay ay saka ko naman ito binawi.
"Asa. Bilisan mo, may klase pa tayo." tonong nang-iinsulto ko at malademonyong ngiti ko pa.
Agad ko lang siyang nilampasan at dumeretso sa may banyo.
Asar talo, nyahahahaha
Nagmumog saglit at naghilamos ng mukha at agad ring lumabas.
Nandun parin siya, pero nakaupo na. Mukhang nasaktan talaga siya, hayaan niyo.. deserve niya yan. Haha
"Bibili lang ako ng pagkain para almusal, ipaghahanda ko po kayo ng makakain mahal na hari." maganang tono ko at dumeretso sa may sofa.
Kinuha ko yung pera pati phone ko.
"OA naman masyado.." bulong ko pa nang madaanan ko siya, agad na nga akong lumabas.
...
"Apat na pancit canton po, tapos itlog apat rin po, tsaka..."
Agad na sabi ko pagkalapit ko sa may tindahan..
"Pandesal po, sampung piraso po." pagngiti ko.
Ewan pero gutom ako eh, si Kobe mukhang malakas ring kumain kaya sige.. pakakadami ko na yung almusal namin.
"Sir two minutes lang po para sa pandesal." sabi nung tindera, tumango lang ako.
Habang naghihintay ay narinig ko nalang na tumunog yung phone ko.
Agad kong kinuha sa bulsa tsaka ito tinignan.
Text, galing kay Jaydon.
Message: Goodmorning :) Pst Chan? Hindi kana nagtext ah? Wala tuloy akong kakulitan kagabi -.-
Napangiti naman ako sa nabasa, napabayaan yung poste, haha
Message: Good morning din! Oops pasensya na :) ge bawi nalang ako mamaya, kain tayo ulit sa stickzoned :]
Reply ko.
Stickzoned, tawag namin sa tusok tusok. Haha
Muli akong napatingin sa may tindahan.. nang may mapansin ay mas lalo akong napangiti.
"Ate, p-pabili po nung ganun oh.. yung sachet po ng cheese." masayang sabi ko dun sa isa pang tindera. "Tatlo po." pahabol ko pa.
Paborito ni Jaydon yan eh, ginagawa niyang ice candy haha.. pinapapak kasi niya.
Namiss ko tuloy yung posteng yun.
.....
"Kobs... kain na tayo!"
Sigaw ko habang inaayos yung hapag.
Nakapagluto na ako, siya naman nasa kwarto niya.
Sa totoo lang, kinarir ko na yung pagsigaw.
Ang tahimik kasi ng bahay ni Kobe, kaya ayan at ako ang gumagawa ng ingay.
Habang nagluluto rin ako, nagpapatugtog ako sa phone ko. Para naman magkaingay yung bahay niya, haha
Nang makitang papalapit na siya'y naupo na ako.
"Ano yan?"
Napatingin ako sakanya nang magsalita siya.
"Almusal, pagkain." simpleng sabi ko at sinimulan ko na nga ang pagkain.
"Kumain kana diyan. Wag kang maarte." dagdag ko pa pagkakagat ko sa pandesal.
Naupo naman siya, pandesal rin ang inuna niya.
"Salamat." rinig kong sabi niya, ang sarap sa pandinig nung sinabi niya.. iba kasi yung dating lalo pa't parang may laman yung tono niya.
Ewan pero mas lalo akong ginanahan tuloy.
Pero yung pagganti ko? Hindi ko palalampasin yun, sinabihan niya ba namang hindi masarap yung niluto ko kagabi? Edi mamaya, makikita niya hinahanap niya.
(ngiting pangdemonyo, haha)
"Salamat din." sabi ko.
Unang almusal na pinagsaluhan naming dalawa. Nakakatuwa dahil nangyari ulit ito makalipas ng hundred billion years. Haha
Nang makita na kinuha niya yung cheese na binili ko ay agad ko lang itong inagaw.
"B-bakit?" kunot niya.
"Hindi ito, wag 'to." simangot ko at agad ko naman itong itinabi.
"Bakit nga?" tanong ulit niya.
"Hindi nga kasama sa almusal yun. Sa akin yun, pwede ba Kobs kain kana lang?" inis ko.
Parang gusto niya pang kunin eh.
Kay Jaydon yun, sa simpleng ganun lang matutuwa na yung posteng yun eh.
Nakatingin parin siya sa akin, tinitignan niya rin yung cheese na nasa may tabi ko.
"Ang kulit lang? Ayan oh ipalaman mo yung pancit canton o kaya yang itlog." inis ko, nakuha ko pang ituro yung mga nasa hapag.
"Ewan. Ang arte." sabi niya at umiling pa talaga.
Napailing narin ako. Umaga palang nakakasira na siya ng araw!
Ilang sandaling namayani ang katahimikan, puro kain lang. Mas pokus ako sa pagkain, gutom talaga ako eh.
"Kamusta na?"
Napatingin naman ako sakanya nang magsalita siya.
Parang napaka-sarap sa pakiramdam ng tanong niya.
"I-ikaw.. kamusta?"
Ang nasabi ko, kagabi ko pa kaya siya gustong kamustahin, ay mali.. dati pa.
"Nagtanong ako tapos tanong rin ang isasagot mo?"
Napapikit nalang ako.
Nakakainis talaga kapag feeling boss yung tono pati yung tingin niya.
"Alam mo ang labo mo rin noh? Ewan ko nga sa'yo, kakain na lang ako." inis ko saka muling nagpokus sa pagkain.
"Pwede naman kasing isagot nalang na.. 'eto matakaw parin', nahiya ka pa."
Nakapanggigigil talaga siya, kunwari nalang hindi ko narinig yung bulong niya na talaga namang obvious na pinaparinig niya.
Nakakapanira ng umaga.
"Bakit pala dun ka natulog sa lapag?" sabi ko na lang habang sa pagkain lang ang atensyon.
"A-ako?" rinig kong balik niya.
"Ay hindi.. ako ako, nakakahiya naman sa'yo.... Chan, bakit sa lapag ka natulog?" parang tanga ko lang na sabi habang sa pagkain parin ang atensyon.
Ang slow niya talaga.
"Ang ingay mo kasi matulog Chan.. alam mo yun? Humihilik ka.. kahit nakasara yung pinto ko, naririnig parin kita. Edi tumabi na ako sa'yo.. so kapag humilik ka, edi mababatuhan kita ng unan kaagad.."
"So kailangan madami talaga sinasabi? Isang tanong, singkwentang sagot talaga?" agad na pagsabat ko at pagharap ko na sakanya.
Bawal magpatalo! Kung sa asaran lang, kayang-kaya ko siya.
Kita ko naman na napatigil siya, umiling na lang siya at muling ipinagpatuloy ang pagkain.
"Asar talo." bulong ko.
Natawa nalang ako, haha
Pero ba't nga kaya siya sa lapag natulog?
T-teka.. baka nga humihilik talaga ako?
NOOOOOOOOOOOO!!!
Ewan pero nakaramdam ako bigla ng hiya.
At sa katahimikan na nga ang namayani.
Ilang sandali pa at tumayo na nga siya.
"Salamat, nabusog ako. Maliligo nako, kaw na bahala diyan." rinig kong sabi niya, tumango lang ako nang hindi siya tinitignan, baka kasi mabwisit lang ako.
.....
"Goood morning!" masayang bati ko pagkapasok ko sa banyo.
Haha, pati talaga banyo binabati ko.. goooood vibes :)
Naptingin ako sa dalawang toothbrush.
Napangiti ako, magkasama na nga kami ulit ni Kobe. Though mala impyerno naman ang dating -.-
Napakunot naman ako nang may makitang note sa may salamin.
"
Chan,
Bilisan mo, sabay tayong papasok. Ayokong naghihintay, bilisan mo.
"
Matapos basahin ay agad na nga akong nagmadali.
Bakit ba ganito kahigpit 'tong manok na 'to? ARRRGGHHHH!!!
....
"Chan kamusta? H-hindi kaba naa-alibadbaran sa ugali niya?"
"Oo nga, hindi kaba nahahayupan sakanya?"
Agad na tanong ni Az at Dennis, natawa naman ako.
Malapit na kami sa school, papasok palang. Si Kobe kasi nagyosi pa.
Sigarilyo. Paborito na ata niya ang sumindi ng sigarilyo.
Kung hindi ako nagkakamali, si kuya Kash at si kuya Seven ay hindi naninigarilyo.
"Yang hayop nayan?" turo ko pa kay Kobe na nakatayo sa may tindahan at abala sa yosi niya.
Saka naman tumawa yung dalawa. Nakitawa narin ako.
Kung anu-ano pang klasing pang-iinsulto ang sinabi naming tatlo.
Mabait naman pala 'tong mga 'to eh.. kapag talaga hindi mo kakaibiganin ang isang tao ay hindi mo talaga 'to makikilala.
Sila, kaninang umaga ko lang silang nakilala ng maayos.. ilang minuto palang ang gaan na kagad ng loob ko sakanila.
"Pakatawa niyo ah?"
Pare-pareho naman kaming napatigil nang may magsalita.
Si Kobe na pala.
"Ano kasi ano.. may pinag-uusapan lang kami. Tungkol sa iba't-ibang klase ng mga hayop." pilit na ngiti ko sakanya.
"Tara na?" pahabol ko pa at nauna na nga akong naglakad.. nakakahiya.
Nahuli kaming nagtatawanan.
-----
Point Of View
- J a y d o n -
Kanina pa ako patingin-tingin sa phone ko, chinecheck ko kasi yung oras.
Ang tagal ni Chan eh.
"Pst Jaydon.. absent ata yung bestfriend mo?"
Napatingin ako sa nagtanong, yung maiingay na classmate namin sa may likod pala.
"Hindi yun, papunta na siguro yun." nakangiting sabi ko at pagharap pa sakanila.
Sa totoo lang, kakwentuhan na namin ni Chan 'tong mga 'to eh.
"Uy ano Jaydon.. single ba yung bestfriend mo?" tanong nung isa saka naman sila nagsitiliang magkakasama.
Natawa naman ako. Hindi ko pa naman tine-taken si Chan so single pa nga siya talaga. Nyahaha
"Bakit sino ba sa inyo ang may gusto sakanya?" ngiti ko pa.
"Kaming lahat sana eh.. kaso kawawa naman si Christian kasi bigatin kaming lahat.."
At saka nanaman sila nagsitawanan, nakisali narin ako.
"Jaydon.."
Nakuha ko namang magulat nang may tumawag sa akin mula sa likod.
"Chan.." nasabi ko at napangiti na nga ako kaagad, pag siya talaga nakikita ko, ang sarap sa pakiramdam
"Hi papa Christian.."
Napatingin naman siya sa mga tumawag, nginitian naman niya ang mga ito saka nanaman sila nagsitilian.
Agaw eksena talaga kaming mga nasa harap. Haha
Naupo si Chan saka dumikit pa sa akin, pinakadikit-dikit ko narin sakanya.
"Kasi nga kay papa Jaydon mukhang wala kaming pag-asa kaya kay papa Christian na lang.." sabi pa nung mga nasa likod namin.
Napapa-iling iling nalang ako, mga loko-loko talaga, haha
"Yan kasi Chan eh, ang ingay nila dahil sa'yo.." natatawang sabi ko.
"Maliit na bagay.." tonong nagmamalaki naman niya, natawa pa siya sa sinabi niya.
Nagulat naman ako nang biglang tumahimik yung mga babaeng bigatin na maiingay sa likuran namin.
Napa-angat ako ng tingin..
Nandyan na pala sila Kobe.
Ang sama pa talaga ng tingin niya sa akin.
Hinayaan ko nalang, sabi ni Chan dati na huwag ko na lang daw patulan.
"Ano nga pala yung surprise mo?" biglang sabi ko nang maalala yung sinabi niya kanina sa tawag.
Kanina tinawagan niya ako eh, tapos yun nga para sabihin na may surprise daw siya.
"Hulaan mo?" ngiti niya.
"Hm...." posturang nag-iisip ko pa. "Pakakagat mo na yang lower lip mo?" nakangiting pagbulong ko.
Natawa naman siya saka ako muling sinampal ng pabiro.
"Edi ano nga?"
"Hulaan mo nga."
Pumikit ako saka nagposturang nag-iisip ulit.
Mga ilang sandali ay iminulat ko na yung mga mata ko at nagposturang may "Bright Idea" haha
"Ahhh.. may gusto ka sa akin?"
Pagbibiro ko, hindi ko kasi talaga mahulaan eh.
"Paano kung oo?" agad naman na sabi niya.
Napatigil naman ako dahil sa nagulat ako sa sagot niya.. h-hindi ko dapat seryosohin yung biro.. h-hindi..
"Chan naman eh, bata pa ako?" kunwari'y napapangiwi kong sabi.
Saka naman kami nagtawanan.
Ang sarap niya talagang kasama.
Kahit na minsan.. gustong-gusto ko lang siyang yakapin.. pero hindi ko magawa -.- nakakahiya sakanya eh.
"Eto oh.."
Napatingin naman ako sa kamay niya na nakalahad.
Agad naman akong napangiti nang makita ang tinutukoy niyang surprise niya.
"Cheeeeeeeese." mangha ko, agad ko namang kinuha.
"S-salamat." pagngiti ko.
Oo kayang-kaya kong bumili nito, kahit sino naman pero yung bang galing kay Chan?
Heaven and Earth! Nyahaha
Agad ko lang 'tong binuksan at sinimulang papakin, ginagawa ko talaga 'tong ice candy. Haha
"Nung kumain tayo nung minsan, naka-ilan ka nga uli?" kunot niya habang nakangiti.
"Twelve.." nahihiyang sabi ko.
Ang sarap kasi talaga eh.
-----
Point Of View
- K o b e -
Mataman ko lang pinagmamasdan yung dalawang tao sa harap.
Umaapoy ata yung dalawang paningin ko ngayon..
Kaya pala ah?
Yun yung cheese na pinagdadamot sa akin ni Chan kanina eh!
Para sa "BESTFRIEND" niya pala ah?!
Puro tawanan sa harap, may kinikilig-kilig pa, ang ingay rin ng classroom.
Ewan pero nabibwisit talaga ako.
Agad ko lang kinuha yung bag ko saka ito pinatong sa may arm chair ng upuan ko.
"Tutulugan ko nalang kayo." simangot ko.
......
Break, oras na para kumain.
Paglabas ng teacher namin ay agad na akong tumayo at naglakad papunta sa pwesto ni Chan.
Kahit sa ganito makaganti man lang sa kanya.
Nang nasa harap na niya ay agad kong ipinatong yung magkabilang kamay ko sa sandalan ng inuupuan niya, bali parang nasa gitna siya at alam niyo na.. kinikilig ako, haha
Pero syempre, walang ekspresyon kunwari.
"Chan, tara sa labas." seryosong sabi ko.
Mula sa gilid ng aking paningin, kita ko yung mukhang paa na si Jaydon na nakatingin lang kay Chan.
"Bakit?" balik ni Chan, halatang naiilang siya, magkalapit kasi mukha namin eh.
Dahil sa presensya ko? Haha
"Basta." sabi ko nalang at naglakad na nga ako palabas.
"Jaydon saglit lang ah?" rinig kong sabi pa ni Chan.
Bakit ba sa Jaydon na yun ay ang bait niya?
Sabagay.. Bestfriends.. 'daw.
Nang nasa labas na ako ng room ay tumigil na ako sa paglalakad, nababadtrip nanaman talaga ako!
"Oh bakit?"
Napatingin ako, si Chan nakasimangot.
"Aba? Naiirita ka?" inis ko.
Agad naman siyang ngumiti.
"Hindi po mahal na hari." tonong paglalambing niya.
Nagtaas lang ako ng kilay.
"Mamaya palang gabi baka late na ako makauwi ng bahay, kaya hwag kanang magluto. Kain kana lang sa labas bago ka umuwi sa bahay, yung 'rules ah? Gusto ko malinis ang bahay. May lakad kaming magbabarkada, papa-inom lang yung isa naming kaibigan, don't worry.. hindi ako uuwi ng lasing, hindi ako basta-basta umiinom ng alak, depende lang." mahabang sabi ko at saka ko na nga siya nilampasan.
Papasok na sana ako ng room nang may maalala. Nilingon ko siya..
"Oo nga pala, sa lapag, sa sofa o kahit sa kwarto ko.. bahala ka kung saan mo gusto matulog. Basta late na ako makakauwi." sabi ko at papasok na sana ako ng room nang..
"Very good Koko, mabuti at alam mo ang rule number 'Chan." sabi niya.
Inirapan ko lang siya at pumasok na nga ako.
Nang makapasok na ako ay saglit kong tinapunan ng tingin si Jaydon, poker face ang ginawa ko at pasimpleng irap.
May araw din sa akin 'tong mukhang paang ito.
------
Point Of View
- C h a n -
"Salamat ah? Ingat sa pag-uwi, wag tanga." paalam ni Jaydon.
Tumango-tango lang ako.
"Jaydon ah? Yung chocolate ko, bukas umaga ah? Kapag yun wala, bahala ka." tonong pagbabanta ko pa.
Ngumiti lang rin siya saka kumaway.
"Salamat din, ingat... mas tanga ka kaya ingat.." pagtawa ko pa at nakuha pa naming magkawayan.
Agad lang akong sumakay ng tricycle.
Mag-aalas kwatro palang kaya naman uuwi na muna ako kay tita, magpapaalam narin ako na kay Kobe na muna ako titira.
Tutal late rin daw uuwi si Kobe, edi maghahakot na ako ng gamit sa bahay ni tita.
.....
"Ayos na kami tita. Bumabawi nalang kami sa isa't-isa kaya ayun, sakanya na muna ako titira. Alam mo naman, bestfriends." pilit na ngiti ko.
Syempre kailangan kong magsinungaling, hindi ko pwedeng sabihin na hindi pa talaga kami ayos ni Kobe.
Dala ko na ang mga gamit ko.
"Ganun ba? Oh yan wala na nyan po-problemahin kuya Seven mo, osya.. sige mag-iingat ha? kapag may kailangan kayo paalam niyo kagad sa akin."
Tumango lang ako at sumakay na nga ako ng tricycle.
Salamat at hindi matanong si tita. Haha
-----
Point Of View
- K o b e -
"Guys mauna na ako ah? Mabigat pakiramdam ko eh."
Pagsisinungaling ko.
Alas-syete na ng gabi, ayoko naman na mag-isa lang si Chan sa bahay. Tsaka.. gusto ko na talagang umuwi para makasama ko siya.
"Tae naman 'to.. minsan na nga lang ako manlibre eh.. dito ka muna?" inis kagad ni Jason.
Kasama ko mga ka-team ko sa basketball.
"Tol mabigat talaga pakiramdam ko, nakakainis nga eh.. gusto ko pa nga sanang magtagal." posturang nahihirapan ko pa kunwari.
Kita ko naman na nakumbinsi na sila, lihim akong natuwa.
"Osya bumawi kana lang ah?"
Agad nalang akong tumango.
"Bye.. salamat guys. Az Dennis.. una na ako." paalam ko.
Gusto pa nila akong ihatid pero hindi na ako pumayag.
....
"Salamat po.." sabi ko sa tricycle driver at pag-abot na sa bayad ko.
Agad ko nang binuksan yung gate, gusto ko na makita si Chan.
Paniguradong hindi siya nagluto kaya naman dumaan na muna ako sa isang fastfood at bumili ng makakain namin.
Sabay kami kakain. Gusto ko lagi na kaming sabay.
"Pinapatawa mo akong pinatawa ah? Dinadaan mo ako sa kakornihan mo."
Papasok na ako ng pintuan ng bahay nang mapatigil ako.. may kausap si Chan?
"Osya sige salamat sa pagpapatawa sa akin, sira ulo ka talaga.. ge text text nalang mamaya.. kain ng maayos.. gutom lang yan."
Sa naririnig ko, alam kong tuwang-tuwa si Chan. Hindi paba sila kontento sa eskwela? Hanggang sa phone nagkukulitan pa?
Panigurado, si Jaydon kausap niya.
"Ge ge, text mo ako pagkatapos mo.. byeeee.."
Mas lalo akong nainis, ganyan ba talaga sila kaclose? Bestfriends?
Nagseselos ba ako??
Padabog lang akong kumatok. Alam ko hindi nakalock, basta gusto ko idaan sa pagkatok yung inis ko.
"Pakibilisan!" medyo malakas at iritang sabi ko.
"Bukas yan, buksan mo."
Mas lalo naman akong nanggigil sa narinig.
Binuksan ko nalang, kita ko naman na sa phone niya lang siya nakapokus.. hindi man lang ako sinalubong ng tingin.
"Akala ko ba late ka makakauwi?" tanong niya habang sa phone parin niya ang pokus.
Padabog ko lang nilagay sa may lamesa yung pagkain.
"Kumain kana." walang ganang sabi ko at agad na nga ako dumeretso sa kwarto.
Nakakainis.
Umuwi ako ng maaga para sakanya, ganado rin akong makauwi kasi bumili ako ng makakain naming dalawa para sabay kami tapos ganyan lang?
.....
Mag-aalas onse na ng gabi pero hindi parin ako makatulog.
Kanina pa kasi kumakalam ang sikmura ko, nagugutom na ako.. kanina pa.
Ayaw ko kasing lumabas, naiinis ako kay Chan.. ay ewan basta!
Pero ngayon, mukhang nakatulog na yung kinikilig na yun.
Dahan-dahan akong sumilip, katulad nga ng inaasahan.. nakapatay na ang ilaw.
Lumabas ako at sa sofa nga siya natutulog.
Napatingin naman ako sa may lamesang maliit na nasa tabi ng hinihigaan niya.
"
Kobe,
Ang tagal mong lumabas.. sabay tayong kakain palagi diba?
Yung binili mo hindi ko pa nagagalaw, tapos nagluto rin ako kaninang kauwi ko.. para sana sabay tayong kakain. Kahit late ka hihintayin kita.
Tapos ngayon maaga ka nga hindi ka naman lumabas.
Gisingin mo nalang ako kapag kakain na tayo :)
- Chan
"
Ewan pero napangiti ako, kahit na nahiya ako sa nangyari ay napangiti parin ako :)
"Chan, salamat." nakangiting sabi ko nang pagmasdan ko na siya.
Katulad ng dati, naupo na muna ako paharap sakanya, nakahiga patagilid at paharap ulit siya mula sa pwesto ko.
"Nakatulog ka ng gutom.. pasensya na." sabi ko pa.
Parang may kung anong naramdaman ako nang mapunta yung tingin ko sa labi niya.
Ewan pero muli akong napangiti.
"Chan.." bulong ko.
(
flashback
Point Of View
- Third Person's -
"Chan.. Chan..."
Nagmamadaling sabi ng isang bata, si Tenten.
"Nandito ako.. b-bakit?" agad na sabi ni Chan, nasa may harap ito ng lalagyan ng damit niya.. nag-aayos.
"Nakita ko nanaman sila kuya ko, nandun sila sa may damuhan.. nagkiss nanaman sila ni kuya mo." hindi makapaniwalang sabi kaagad ni Tenten nang makadapa siya sa may higaan.. paharap kay Chan.
"Ulit?" agad na balik ni Chan. "Sila kuya no? Napano kaya sila?" dagdag pa niya.
"Pero tayo kaya Chan pwede ring magkiss?" posturang napapa-isip na sabi ni Tenten.
Agad naman siyang tinignan ni Chan, nakakunot ito.
"Hindi no. Bawal kaya yun." simangot ni Chan.
"Ba't sila kuya?" kontra kagad ng isa.
"Tenten matulog kana nga, bawal yun sa atin.. bawal." agad ring sabi ng isa.
Padabog narin lang nag-ayos ng higa yung isa at tinalikuran ito.
end
)
-----
Point Of View
- Third Person's -
Lalong napangiti sa naalala si Kobe. Natawa pa ito habang pinagmamasdan niya ang napaka-inosenteng mukha ng natutulog na si Chan.
"Chan naaalala mo nun nung pagka-akyat mo sa higaan? Diba sabi mo pwede na yun kapag.. kapag malaki na tayo katulad nila kuya?" tonong natatawa pa ni Kobe.
"Mabuti na ang sigurado. Ang galing ng memorya ko!" pagmamalaki pa niya sa sarili.
Pinagmasdan niya lang ang kaibigan, seryoso.. mataman.
Hanggang sa tila wala sa sariling namayani ang seryoso at napakatahimik na atmospera sa loob ng bahay, sa pagitan ni Kobe at ng natutulog na si Chan.
Ngayon, nakatingin lang si Kobe sa labi ni Chan.. masama man kung titignan ang bagay na naiisip niya pero para sakanya.. isang napaka-gandang bagay ito.
At sa unti-unti..
Dahan-dahan niyang inilapit ang mukha niya sa mukha nito..
Ang mga paningin niya na sa labi lang nito ang tingin..
Hanggang sa siya'y pumikit..
Itutuloy
Grave ang tagal talaga nito.hahai
ReplyDeleteSi author talaga nang bibitin.hhhmmmmp
next chapter pls! more chan and kobe moments! HAHA
ReplyDeletepangalan ko lang ba ang cute? HAHAHA!
-francis
love triangle between chan,ten at jaydon pero sa takbo ng story ramdam ko ung pagkakaiba nilang 2 ni jaydon at ten. mahal ni jaydon si chan napapasaya/napapatawa nya ito pero para kay chan parang friend lang turing nya rito samantalang kay ten naman nagagawa rin naman netong pangitiin si chan sa ibang paraan nga lang at maganda rito ay minsan natutulala si chan sa kanya so alam na.ehehe
ReplyDeleted pa rin ako masyado makamove on sa nangyare between seven at kash wala pa nga spg patay agad ansaklap.hahaha
may wattpad ka po ba author?
-rave
Whoah!!!! Kinikilig parin ako .. pamis!!!!
ReplyDelete----tope
Akala q p nmn mhaba tlga ang chapter na to. Pero gnun pman slamat..nExt chapter plssss
ReplyDeleteNice kuya ang ganda nanaman haha sana may update agad haha di ko mahintay ang susunod na pangyayari sana magkiss sila sa isat isa then para naman kay chan kay kobe ka labg wag sa posteng hilaw
ReplyDelete-vienne
author pahingi fb mo para makulit kita sa pag uupdate HAHAHA!
ReplyDelete-francis
Kakakilig kaso author bitin eh..andun na sana pakisa ba ehh binitin mo pa huhuhi
ReplyDeleteBaka luma-lovelife si Author kaya busy? Di na ma-asikaso tong blog niya.hahahhaha
ReplyDeleteGood luck kay author#
Wala pa din update.....hayyyyy pls po update ka na.....juss21
ReplyDeleteKala ko pa naman mabilis na update, dati pa ako nagaabang ng kasunod nito. #hopia
ReplyDelete- RD