Sulat Sa Buhangin
BY
MICHAEL JUHA
email: getmybox@hotmail.com
fb: getmybox@yahoo.com
fb: getmybox@yahoo.com
Mahilig akong magtambay sa
dalampasigan. Nasa isang isla kasi ang aming tahanan. Simula nang ako ay
isinilang, ang lugar na iyon na ang aking mundo. Doon na ako namulat sa buhay. At
mahal na mahal ko ang lugar naming iyon. Para sa akin, ang baybayin at dagat nito
ay ang pinakamagandang tanawin ng kalikasan. Lalo na kapag ganyang malapit nang
magtakip-silim, nakasanayan kong magtambay sa baybayin, maupo sa dalampasigan
at pagmasdana ang paglubog ng araw. At kapag ganyang nasa ganoong oras na, ramdaman
ko na ang lamig ng simoy ng preskong hangin na humahampas sa aking balat. At sa
mapayapang dagat at puting buhangin, dagdagan pa sa mamumula-mulang kulay ng
langit sanhi ng paglubog ng araw, mistulang isang paraiso ang aming lugar.
Dahil
nasa harap lang ng aming bahay ang dagat, halos araw-araw rin akong naroon sa
dalampasigan. Kadalasan, pinapalipas ko lang ang oras. Minsan naman ay maliligong
mag-isa. At ang paborito kong ginagawa roon at nag-iisa ay ang pagsusulat sa
buhangin. Kapag ganyang wala akong kausap, ang mga bagay-bagay sa aking buhay ay
aking isinusulat, lalo na kapag nalulungkot ako. Sa pagsusulat ko sa buhangin
ay naiibsan ang bigat ng aking kalooban. At kapag masaya naman ako, mistula
akong isang paslit na tuwang-tuwa sa mga alon na mag-uunahang abutin ang
dalampasigan upang burahin ang mga isinusulat rito.
Ngunit
kung gaano kaganda ang aming lugar, tila kabaligtaran naman ang aking buhay;
isa ako sa mga tinaguriang babae na nakulong sa katawan ng isang lalaki. At sa
larangan ng pag-ibig, alam kong talo ako.
Si
Basti, ang pinakauna kong pag-ibig. Kapitbahay namin siya, at kababata ko. Nang
nag-aral kami sa elementarya, classmate kami niyan. Sa aming isla ay may maliit
na eskuwelahan. Bagamat hanggang grade six lang, natapos namin ang pag-aaral
doon at nang mag high school na kami, ipinagpatuloy namin ang pag-aaral sa
pinakamalapit na barangay ng karatig-lungsod, na natatawid nang may mahigit
isang oras sa bangka. Doon, nagpatuloy kami sa aming pag-aaral.
Matalik
kaming magkaibigan ni Basti. Siguro dahil wala siyang choice. Kasi ba naman,
kaming dalawa lang ang talagang interesadong magpatuloy sa pag-aaral hanggang
sa high school. Iyong iba naming mga ka-klase ay ayaw nang mag-aral. Gusto
nila, magtrabaho na lang sa laot, sa pagiging mangingisda. Ang iba ay nagpunta
sa syudad. Mahihirap lang kasi ang mga tao sa amin kaya ang mga anak nila ay
gusto nang magkaroon ng sariling kita na siyang itulong naman sa mga magulang
nila. Kaya dahil kami ni Basti ang nagsipag na makatapos ng high school, para
rin kaming magkapatid, kundi man ay mag-syota na halos oras-oras sa araw-araw
na pagpasok namin sa paaralan, kaming dalawa palagi ang magkasama. At sikat din
kami sa aming isla dahil kami rin ni Basti ang mga matatalino sa aming
paaralan. At proud sa amin ang aming mga barangay officials kasi raw, kami ang
magpapaunlad sa aming isla pagdating ng araw na makatapos kami ng pag-aaral.
Ako
naman, porket asal babae, ako ang taga-handa ng mga baon namin, taga-dala ng uniporme,
tuwalya. Kahit mga extrang t-shirt namin, ako rin ang tagadala lalo na kapag ganyang
mainit at pinapawisan kami, may kapalit kaming maisusuot. At lalo na si Basti
na naglalaro palagi ng basketball. Minsan pa nga, pati ang t-shirt niyang basa,
ako na rin ang magdadala noon sa bahay kasi, ako rin ang taga-laba, isasali ko
sa paglalaba ng mga labahin naming ang mga damit niya. Sa pagpasok naman
naming, si Basti ang tagadala ng mga aklat, notebooks, projects, pagkain at mga
baon, at kung anu-ano pang mabibigat na dadalhin.
Noon
pa man ay alam na ni Basti na may pusong-babae ako. Nakikita kasi ito sa aking
kilos at napapansin sa aking pananalita at paggalaw. Ngunit ang nagutushan ko
lang sa kanya ay wala siyang pakialam. Kahit na ang sarili naming mga
kapitbahay, mga kaibigan sa isla at pati na ang mga kaklase namin sa
eskuwelahan ay tinutukso kami, idinadaan lamang ni Basti ang lahat sa tawa. Hindi
siya naapektuhan, hindi siya nagkaroon ng kyeme sa pagiging malapit sa akin.
Kahit
nga ang inay ko ay nakikiloko rin kay Basti. Paano, nakikita niyang sweet na
sweet sa akin si Basti. Lagi akong dinadalaw, minsan iniimbitahang doon kakain
sa kanila kahit walang okasyon, at kapag may kung anu-anong bagay o pagkain na mayroon
siya o sila sa bahay nila, binibigyan ako niyan. At lalo na, nakikita ng inay
ang paglalaba ko sa mga damit ni Basti.
“Basti,
kung magkakatuluyan kayo ni Julie…” July kasi ang pangalan ko ngunit dahil
kilos babae nga, Julie ang tawag sa akin ng inay, “Ok lang sa akin. Matutuwa pa
ako.” Ang biro ng inay kay Basti isang beses na naglalaba kami at si Basti
naman ay naroon sa harap ko, hinintay akong matapos dahil magpatulong na gawin
ang project namin.
“Inay
naman eh! Nakakahiya kay Basti!” ang pagmamaktol ko pa. Syempre, naiinis ako
kasi wala naman sa isip ko ang ganoon. Atsaka ano ba iyan, “mayroon ba talagang
lalaki at bakla na nagkatuluyan?” sa isip ko lang. Pero, siguro sadyang totoo
ngang matinik ang instinct ng mga ina. Marahil ay nakikita ng inay na sa ka-sweetan
ni Basti sa akin ay hindi malayong hindi mahuhulog ang loob ko sa kanya.
Tiningnan
ko si Basti na ngingiti-ngiti lang, nakatingin sa akin at iginuri-guri ang
kamay sa hinahawakang kahoy. Hindi ko lang alam kung ano ang nasa isip niya.
“Hmmm.
Anak, kung si Basti, botong-boto ako. Kahit ang itay mo, walang tutol kapag si
Basti ang magkatuluyan mo. Ano ba ang problema kay Basti? May hitsura,
matangkad, mabait, matalino...” At baling kay Basti, “Di ba Basti?”
Tinangnan
ko si Basti na lalo pang lumaki ang ngiti at tila namumula na ang mukha.
“Inay
naman ehhhh! Arrgggghhh!” ang sigaw ko na sa sobrang pagkainis ang labada ko ay
halos ihambalos ko na lang sa palanggana. At tutulis na ang nguso ko niyan,
hindi na iimik sa sobrang inis.
Iyan
ang aking inay. Tanggap naman niya ang aking pagkatao at pati ang itay ko ay
kahit hindi nagsasalita, ramdam kong wala siyang tutol kung ano man ang gusto
kong gawin sa buhay. At hindi lang iyan, inamin talaga sa akin ng inay isang
beses na sinabi daw sa kanya ng inay ni Basti na kapag ako ang makatuluyan ni
ng anak nilang si Basti, wala rin daw silang tutol. At ang itay pa nito ang magtayo
ng kubo para sa amin ni Basti sa tabi ng bahay nila. Pero, hindi ko na ito
sineryoso. Ang alam ko, lokohan at biruan lamang ang mga salitang lumalabas sa
bibig ng mga tao kapag kami ni Basti ang pinag-uusapan.
Si
Basti naman, wala lang sa kanya ang mga ganoong biro. Tuloy naisip kong “Ano ba
‘to? Abnoy yata itong tao na to? Imbes siya na lalaki ang magalit na ini-rireto
sa bakla, ako itong nagagalit at siya ay nakikitawa pa na parang gago!
Baliktad!”
Minsan
sa eskuwelahan, may isang grupo ng kalalakihang nambully sa akin. Sinisigawan ako
ng bakla, bading, abnormal, at ginagaya ang paglalakad at pagsasalita ko.
Hanggang ang isa sa kanila ay lumapit sa akin at sinambunutan ako.
Nakita
ni Basti ang lahat. Galit na galit siyang nagtatakbo palapit sa kinaroroonan ko,
“Mga tol…magsuntukan na lang tayo. Ako ang harapin ninyo!” sigaw ni Basti sa
kanila.
Nagtawanan
silang lahat at ang sabi ng isa, iyong nanambunot sa akin, “Jowa mo ano?”
At
doon sinunggaban ni Basti ang kuwelyo ng estudyanteng nagsalita sabay bitiw ng
isang malakas na suntok sa mukha. At ang sunod na nangyari ay karambola. Isa,
laban sa apat. At nakita ko na ang dugong tumagos sa ilong ni Basti, ganoon din
ang mga kalaban niya at ang isa ay lugmok sa lupa sa lakas ng tadyak sa kanya
habang patuloy pa rin ang kanilang pagsusuntukan. Hanggang sa isa-isang
nagtatakbuhan ang mga kalaban ni Basti. “Mga duwag!” ang pahabol na sigaw ni
Basti.
Nang
humarap sa akin si Basti, kitang-kita ko ang dugo sa kanyang ilong, at putok
ang kanyang labi. Hindi ko alam ang gagawin. Natulala na lang ako samantalang
siya ay nanggalaiti pa rin sa galit.
Dinala
ko siya sa may gripo sa likod ng eskuwelahan kung saan naroon ang mga plot
namin na taniman ng mga petsay. Pinaupo ko siya sa bangkong kahoy sa lilim ng
punong mangga habang kinuha ko naman mula sa aking bag ang dala-dala kong hand
towel at binasa ko iyon.
“Arekoppppp!!!”
ang daing niya nang lumapat ang basang hand towel sa kanyang mukha sa
paglilinis ko sa dugo.
“Ikaw
kasi… pinatulan mo pa sila.” Ang paninisi ko pa sa kanya.
“Bakit
papayag ba akong apihin ka nila?”
“H-hindi
naman ako nasaktan eh.” Ang pangangatuwiran ko pa.
“Anong
hindi? Nakita ko kayang hinablot ang buhok mo!”
Hindi
na lang ako umimik. Totoo naman kasi.
“Sabi
ng iyong inay sa akin ay hindi raw kita pababayaan. Kaya hindi ako papayag na
saktan ka kahit ninuman. Kahit mabugbog man ako, kahit patayin man nila ako sa
suntok, gagawin ko iyan, huwag ka lang masaktan.”
Maluha-luha
ako sa sinabi na iyon ni Basti. First year high school kami noon, labing
dalawang taong gulang lang at walang kamuwang-muwang ang puso sa larangan ng
pag-ibig. Doon nagsimula ang lihim na paghanga ko sa kanya.
Ewan
kung in-love ba ako. Ang alam ko lang ay nalulungkot ako kapag hindi ko siya
nakikita, hindi nakakasama, lalo na kapag ganyang walang pasok. Pero kapag
kasama ko naman siya, sobrang saya ko. Iyon bang feeling na secured na secured
ka; na tila walang kahit sino man ang maaaring mang-api sa iyo dahil may isang
lalaking dedepensa sa iyo, at walang kahit anong malas na sisira sa iyong araw
dahil kahit masasadlak ka sa isang mahirap na sitwasyon, magiging maayos din ang
lahat dahil nandyan siya na gagawin ang makakaya upang hindi ka mapahamak.
Ngunit
inililihim ko ang naramdaman ko. Una, hindi ko naman kasi alam kung ano iyong nagpatuliro
sa aking isip, kung bakit ako kinikilig kapag ganyang kasama siya, kausap siya,
kapag inaakbayan ako, o iyong simpleng kunin niya sa kamay ko kapag may kung
anu-anong gamit na bitbit ako habang naglalakad kami. Sa sarili ko, baka
naghanap lamang ako ng pagmamahal ng isang kapatid na lalaki dahil nag-iisa
lang akong anak. Kaya siguro nasasabik ako palagi sa kanya.
Atsaka,
kung talagang pagmamahal nga ang naramdaman ko para kay Basti, alam ko ring
hindi maaaring mangyaring magiging kami dahil si Basti ay alam ko, isang lalaki.
At kung sakali mang darating ang puntong maghanap na siya ng katuwang sa buhay,
sigurado akong babae ang hahanapin niya, hindi isang bakla na katulad ko.
Iyan
ang nakakalitong naramdaman ko kay Basti. Ngunit tiniis ko pa rin ang lahat. Sa
loob-loob ko ko, kapag pilit kong iwinaglit ang naramdaman kong iyon para sa
kanya, mawawala rin ito. Mapapagod ang isip ko, magiging manhid, mauumay.
Hanggang
sa umabot kami sa third year high school. Ngunit taliwas sa inaakala ko, hindi
ako naumay sa kanya. Hindi nawawala ang naramdaman ko. Hindi nagiging manhid
ang puso ko. Bagkus patindi pa nang patindi ang naramdaman ko para sa kanya.
“Ang
ganda ni Rose no?” ang sambit niya sa akin isang araw nang nakasakay na kami sa
pumpboat pauwi sa isla. Si Rose kasi ay transferee ng eskuwelahan at sa araw na
iyon lang pumasok.
Mistulang
tinusok ang puso ko sa aking narinig. Iyon bang ang panakakinatatakutan mong
araw ay dumating nang bigla at hindi mo namalayan; na hindi ka handa. At tila
madudurog ang puso mo sa tindi ng sakit. “C-crush mo ba siya?” ang tanong ko,
hindi ipinahalatang nasaktan ako.
“Oo
eh…”
“E
di… ligawan mo siya. 15 years old ka na kaya, puwede na.” ang sambit ko pilit
na pinalakas ang sarili bagamat ang dibdib ko ay halos sasabog na sa sobrang hinanakit.
“Sana
papayag siya.”
At
sa sagot niyang iyon, hindi ko na napigilan ang mga luhang bumagsak sa aking
mga mata. Inilingon ko na lang ang aking paningin malayo sa kanya at lihim kong
pinahid nang patago ang aking mga luha sabay sagot ng “Malay natin…” at hindi
na ako nagsalita pa.
Doon
ko napagtanto na umibig nga ako kay Basti. Kasi, sa isip ko, kung kapatid lang
ang turing ko sa kanya, hindi naman siguro manggalaiti sa pagtutol ang aking
kalooban kung may napupusuan ang isang kapatid.
Sa
gabing iyon ay hindi ako dalawin ng antok. Nag-iiyak ako at nagagalit sa aking
sarili kung bakit ko pa naramdaman ang ganoon kay Basti.
Iyon
ang simula ng aking kalbaryo.
Kinabukasan,
tumungo ako sa dalampasigan. Dating gawi, iyong magmumuni-muni ako, nangangarap
na sana ay naging isang ganap na babae na lang ako at si Basti nga ang aking
mahal at liligawan niya ako. At sa ganoong sitwasyon na botong-boto ang inay at
itay ko sa kanya, wala na sanang problema ang lahat. Wala na akong nagawa kundi
ang umiyak nang umiyak.
Nang
napagod na ako sa kaiiyak, tumayo ako ay isinulat sa buhangin ang, “Malungkot
ako… Bakit naging ganito ang buhay ko? Bakit naging ganito ang pagkatao ko?
Sana naging buhangin na lang ako, o dalampasigan, o dagat…” At kapag nabubura
ng mga alon ang aking mga isinusulat, uulitin ko ito.
Tapos,
isinulat ko naman ang “I Love You, Basti!” at kagaya ng nauna, paulit-ulit ko
rin itong isinulat habang ang mga alon naman ay tila nag-uunahang burahin ang
isinulat ko.
Hanggang
sa napagod ako at naupo sa isang puno ng natumbang niyog at pinagmasdan ang unti-unting
pagbura ng mga alon sa huling isinulat ko sa buhangin.
Simula
noon, pilit kong iwinaksi sa aking isip si Basti. Kahit sa eskuwelahan, kapag
kainan na, hindi ko na siyan hinihintay pa. Mauna na akong kakain at kapag
dumating na siya, ibigay ko na lang sa kanya ang kanyang baon. Ako kasi ang
tagatago ng baon namin. Siya ang nagdadala nito habang naglalakbay kami patungo
sa eskuwelahan at kapag nasa school na, ako na ang magtatago. Ako rin ang
maghugas sa lagayan ng pagkain at ulam.
“Ay
hindi ka pa kumain Basti! Buti naman kasi hindi pa rin ako kumain eh!” ang biglang
pagdating naman ng Rose na tumabi pa talaga kay Basti, dala-dala ang masasarap
na pagkaing nabili sa canteen. Ang mga baon lang kasi naming ulam ni Basti ay kadalasan
piniritong isda o iyong pinaksiw kundi man ay tuyo at bagoong na nakabalot pa
sa dahon ng saging. At kamayan kami kapag kumain.
“Eh…
s-sige. S-sabay na tayo.” Ang sagot naman ni Basti.
“Share
tayo ng ulam ha?”
“Ay
nakakahiya… tuyo lang ang ulam namin ngayon.”
“Ayos
lang iyan. Masarap nga ang tuyo eh.” At nang mapansin ako ni Rose na walan
gimik sa isang tabi, “Si Julie kumain na ba?”
“Sige…
sige kayo na lang. Tapos na ako eh. Pupunta pa ako sa library.” Ang
pangangatuwiran ko na lang sabay tayo at umalis na mabigat ang kalooban.
Ang
sakit. Sobra. Parang sa punto pa lang na iyon ay nawalan na ako ng ganang
mag-aral.
“Ano
ba ang nangyari sa iyo, Julie! Kanina sa tanghalian, nauna kang kumain, at sa
laro ko naman, wala ka sa basketbolan” ang sambit ni Basti nang nahanap niya ako
sa likod ng eskuwelahan, sa may garden plots namin. Doon kasi ako
nagmumuni-muni dahil walang tao. Hindi rin kasi ako nanuod ng basketball gawa
ng naroon din si Rose at tila nagpapakitang gilas pa siya sa babae.
Nakahubad
siya pang-itaas gawa nang katatapos pa lamang nilang maglaro ng basketball.
Kapag ganoon kasi, dapat ay nasa gilid lang ako ng court, nakamasid sa laro
nila at kapag natapos, lalapitan na niya ako at itatanong sa akin kung maganda ba
ang laro niya, kung nagustuhan ko ang mga shoots at layout niya at ako naman ay
parang gago na pupuriin siya. At habang masaya kaming nagkukuwentuhan, kunin niya
ang t-shirt niya, o t-shirt ko na nasa bag upang iyon ang isuot niya habang
ibigay sa akin ang basa niyang suot at ilalagay ko naman ito sa plastik upang isali
sa mga labahan ko sa bahay. Minsan din, magpapapunas pa siya ng kanyang likod
bago magsuot ng damit. “Akin na nga ang t-shirt?!” ang padabog na sambit niya sabay
abot sa aking bag. Ibinigay rin niya sa akin ang kanyang basang t-shirt.
Wala
na rin akong imik. Ano ba ang sasabihin ko. Isinilid ko na lang sa plastic ang
kanyang basang t-shirt at hinawakan ko naman ang bag na inabot na niya matapos
makuha ang t-shirt na nandoon at isinuot niya.
At
kahit sa pagsakay na namin ng pumpboat nang umuwi na kami pabalik sa isla,
hindi na rin ako tumabi pa sa kanya. Gulong-gulo ang isip ko. Iyon bang sa
kaloob-looban mo ay sabik kang makatabi siya, makausap ngunit ang isip mo ay
tumututol at naiinis sa iyong sarili dahil nasaktan ka kung bakit iyan ang
naramdaman mo para sa kanya at lalo na, hayan… may crush pa siyang babae at
alam mong lalo ka lang masaktan dahil talo ka, hindi kayo maaaring
magkatuluyan.
Nang
dumaong na ang pumpboat sa isla, doon na niya ako tinanong. Dire-diretso na
sana ako sa bahay nang hinawakan niya ang aking kamay. “Puwede ba tayong
mag-usap?”
Nagulat
man, huminto ako. “A-ano ba ang pag-uusapan natin?”
“Ikaw.
Bakit ibang-iba ka na?”
“Ano
ba ang ipinagbago ko?”
“Hali
ka nga rito…” habang hinatak niya ako patungo sa isang lilim ng kahoy at
pinaupo niya ako sa isang bangko. “Ikaw… hindi ka naman ganyan dati eh. Bakit
ngayon ni ayaw mong makipag-usap sa akin? Bakit hindi ka na sumasabay sa akin
sa pagkain? Bakit hindi ka na nanunuod sa paglalaro ko ng basketball?”
“Iyan
lang ba ang pinoproblema mo?”
“Julie
naman… may nagawa ba akong kasalanan sa iyo? Magsalita ka naman o. Ayaw ko nang
ganito. Sabihin mo naman kung may nagawa akong kasalanan. Mag sorry ako.
Please.”
Tila
naantig din ang puso ko sa inasta niyang iyon. Mabait naman talaga si Basti.
Ngunit ano ba ang sasabihin ko? Hindi naman puwedeng sabihin kong dahil mahal
ko siya at nagseselos ako kung kaya ay hindi ko maintindihan ang aking sarili.
“W-wala. Ano ka ba. May problema lang ako.” Ang sagot ko na lang.
“May
problema ka? Bakit hindi ko alam? Di ba lahat ng problema mo sinasabi mo naman
sa akin. At ako, di ba sinasabi ko rin naman sa iyo ang mga problema ko? Di ba
sabi ko sa iyo, tayo ang magkakampi? Bakit hindi mo masabi iyan sa akin? Ano ba
iyan? At ano ba ang kaibahan ng problema mo dati sa problema mo ngayon?”
“Eh…”
ang nasambit ko lang. Totoo naman kasing sinabi niyang magkakampi kami at
magtulungan sa lahat ng mga problema. “S-sasabihin ko rin naman sa iyo eh.
P-pero hindi pa ngayon Basti.”
“O
sige… pero ayaw na ayaw kong iiwasan mo ako. Puwede ba? Kagaya pa rin tayo ng
dati. Palagi pa rin tayong nagsasama, sabay na kumain, sinasamahan sa
basketball court. Puwede ba?”
“B-baka
hindi na…”
Pansin
ko kaagad ang pagsimangot ng kanyang mukha. “Ang labo naman nito! Ano ba talaga
ang problema mo? Tangina magagalit na ako sa iyo nito eh!”
“E
di magalit ka.”
At
iyon, tumalikod na siyang nagdadabog. “Ang labo!”
Alam
ko, nagtampo sa akin si Basti. Simula kasi noon, hindi na rin niya ako inimik.
Kanya-kanya na kami ng dala ng aming mga gamit. At para kaming hindi
magkakilala. Kapag ganyang nagkasabay kami sa pagsakay sa pumpboat, iiwas siya
sa akin. At sa eskuwelahan naman, hindi na kami nagsasabay sa pagkain. Minsan
nag-iisa siya, minsan, si Rose ang kasama niya.
Ang
saklap. Iyong mga nakagawian namin ay hinahanap-hanap ko. Iyong kuwentuhan
namin, harutan, iyong pagpapahid ko sa likod niya kapag ganyang tapos na siyang
maglaro ng basketball, iyong paglalaba ko sa damit niya, iyong pagdadala niya
sa mga gamit namin, at iyong pagpoprotekta niya sa akin. At ang masaklap pa, ay
kapag nakikita kong nag-uusap sila ni Rose na tila ang saya-saya nilang dalawa.
Lalo na kapag ganyang humahagalpak talaga ang ingay ng mga tawa nila.
Nakakainggit. Hindi ko tuloy maiwasan na makapag-isip ng masama; na sana ay
hindi na lang ako isinilang o di kaya ay sana bulag at bingi na lang ako upang
hindi ko makita at marinig ang kasayahan nila. Parang feeling ko ay sinadya
nilang inggitin ako.
Hanggang
sa dumating ang araw ng graduation. Wala pa rin kaming batian ni Basti. Isang
napakalaki at napakahalagang pangyayari sa aming buhay ngunit ang aking best
friend ay hindi ako binati, hindi ko rin maaaring batiin dahil sa sakit na
dulot ng aking damdamin. Ewan, sadyang malalim lang siguro ang sugat na dulot
ng pagmamahal ko sa kanya. At imbes na sumali sa munting salo-salo ng inihanda
ng aking mga magulang, kumain lang ako sandali kasama sila atsaka nagpaalam na
pumunta ng dalampasigan upang doon ay maligo. Ngunit ang tunay na pakay ko
talaga ay ang magmuni-muni, umiyak, makalimot. Doon, halos ilunod ko na ang
aking sarili sa dagat sa matinding lungkot. At habang naliligo ako, dinig ko
naman ang ingay ng tawanan at kuwentuhan sa banda ng bahay nina Basti.
Siyempre, may selebrasyon din sila, may mga bisita. Valedictorian kaya si
Basti. Sa isip ko lang, siguro ang saya-saya ni Basti sa sandaling iyon.
Nakatapos na nga siya at nakuha ang pinakamataas na honors, may Rose pa siya sa
buhay niya.
Mitulang
sinaksak ng maraming beses ang aking puso. Napakasaklap talaga kung magbiro ang
tadhana. Ako na bakla na nga, ako pa itong talunan. Ang lahat ng tagumpay ay
naroon kay Basti. Panalo na nga siya sa top honors, panalo pa rin siya sa
pag-ibig.
Sa
gabing iyon, wala akong ginawa kundi ang umiyak nang umiyak.
Sa
pagdaan ng ilang araw, napag-alaman kong ipagpatuloy daw ni Basti ang pag-aaral
sa isang unibersidad sa karating na syudad. Mas malayo siya kaysa paaralan
namin noong high school at kung kaya ay magbo-boarding house daw siya roon at
paminsan-minsan na lang ang pag-uwi. Lalo naman akong nalungkot. Ako kasi ay
hindi makapagpatuloy ng pag-aaral gawa ng walang pera ang aking mga magulang
upang itustos sa aking pag-aaral. Bagamat ako ang first honorable mention sa
graduating class namin, one-fourth lang ang scholarship na matatanggap ko. At
hindi pa rin kaya ng aking mga magulang ang gastusin. Hindi kagaya ni Basti na
valedictorian, buo ang scholarship niya. Kaya lalo pa akong nalungkot. Bigo na
nga ako sa pag-ibig, hanggang high school din lang ang aking matatapos.
Ilang
araw na lang at aalis na si Basti upang mag-aral na sa College. Tumungo uli ako
sa dalampasigan. Lungkot na lungkot ako at kagaya ng dati, ipinapalabas ko ang
aking saloobin sa pag-iyak, pagmumuni-muni, at pagsusulat sa buhangin. Mga alas
tres na sa hapon iyon, walang katao-tao sa dalampasigan. Sinariwa ko ang mga
tagpong kapag naabutan ako ni Basti doon at nagsusulat, nakikisulat na rin
siya. Hanggang sa magiging sagutan na ang aming mga isinusulat sa buhangin.
“Ano
ang tawag sa taong walang mata?” ang minsan ay isinulat niya sa buhangin.
Sinagot
ko, “May ganoon ba?”
Siya,
“Mayroon!”
Ako,
“Ano?”
Siya,
“E, di abnoy! Abnormal.” Sabay tawa nang malakas.
Natawa
na rin ako. Hindi dahil sa biro niya kundi ang naalala kong minsan ay tinawag
ko siyang abnoy nang nagalit ako. At simula noon, abnoy na ang tawag ko sa
kanya kapag naiinis ako sa kanya. Inis na inis siya kapag ganoong ina-abnoy ko
siya. Pero hindi naman niya ako sinasaktan. Never ko pang naalala na sinaktan
ako ni Basti. Kahit sa pananalita, wala akong naalala na inaway niya ako o pinapagalitan.
Kahit nagagalit ako sa kanya, tahimik lang siya at kapag sa tingin niya ay
hindi na ako galit, saka lang siya magsasalita, at siya pa itong manghingi ng
sorry.
Ako
naman ang nagsulat. “Ano ang tawag sa gagambang nakatihaya sa lupa?”
“Ano?”
sagot niya sa sulat sa buhangin.
“E
di patay na gagamba! May gagamba bang nakatihaya?” ako naman ang tawa nang tawa
sa kanya
Tumingin
siya sa akin. Hindi ipinahalatang natawa siya sa biro ko. Siya naman ang nagsulat.
“Ano ang tawag sa taong sagot nang sagot sa tanong ko?”
Ako,
“Maganda!”
Napalingon
siya sa akin at tinitigan ako sabay bitiw ng nakakaloko at nang-iinis na ngiti.
“Bakit?
Mali ba ang sagot ko?” Sambit ko
“Hmm.
Pag-iisipan ko.” Sagot niya at nagsulat na naman. “Ano ang tawag sa taong
nagsulat ngayon?”
At
doon ko na siya sinagot ng pang-aasar, “Abnoy!” sabay tawa at karipas ng takbo.
Doon
na niya ako hinabol. Todo takbo ko upang hindi niya maabutan. Ngunit sadyang sanay
sa pisikal na gawain at mabilis siyang tumakbo kung kaya ay naabutan din niya
ako. At nang nahablot niya ang aking kamay, nagpagulong-gulong kami sa
dalamapasigan, tila dalawang magkasintahan na pag-aari ang mundo. Nang napagod
na, hindi na ako gumalaw, nakatihaya habang nakapatong naman siya sa aking
katawan. “Ano sinong abnoy? Sinong Abnoy?” ang tanong niya.
“Ikaw”
At
habang ila-lock niya ang katawan ko sa bibgat niya, walang humpay niya akong kikilitiin.
Alam niya kasing iyon ang weakness ko. Lalo na sa kilikili ko. Magsisigaw na
ako niyan, magtatawa nang malakas. Hanggang sa ang isasagot ko na ay, “Ayoko
na! Ayoko na Bastiiiii! Hahahahahahahaha!”
“Sino
ngayon ang abnoy?” tanong niya uli bago niya ako pakawalan.
“A-ako!
Ako na ang abnoy!!!”
At
iyon, tititigan niya ako na tila ba lalamunin niya ang buo kong pagkatao sa
kanyang pagtitig. Kung hindi nga lang nakakahiya at nakakatakot, parang gusto
ko nang hablutin ang ulo niya upang maglapat ang aming mga labi at sisiilin ko
siya ng halik. Ngunit hanggang doon na lang iyon. Magpi-freeze lang kami ng
ilang saglit magtitigan at pakawalan din niya ako.
Binitiwan
ko na lang ang isang malalim na buntong-hininga. Tila isang pelikula ang
pagflashback ng mga masasayang tagpong iyon ng aking alaala.
Tumayo
ako at naisipang magsulat sa buhangin, “Basti… mami-miss kita. I Love You very
very much!”
Paulit-ulit
ko itong sinusulat habang paulit-ulit din ang pagbura ng mga alon sa mga
isinusulat kong iyon. Nang napagod na ako, naisipang kong gumawa ng malaking
sulat sa buhangin, nilaliman ko pa ang pag-ukit nito. “BASTI… MAMI-MISS KITA. I
LOVE YOU VERY, VERY MUCH!”
At
dahil malaki siya, hinayaan ko na lang ito sa dalampasigan. Sa isip ko ay
mabubura rin naman ito ng mga alon. Umuwi na ako.
Kinagabihan,
laking gulat ko nang tinawag ako ng inay. “Julie! Lumabas ka d’yan! Narito si Basti!”
Nagulat
naman ako. Di ko kasi akalain na hanapin pa niya ako. Ramdam ko ang malakas na
pagkabog ng aking dibdib. Nang nasa bungad na ako ng aming bahay, nakita ko
kaagad si Basti na nakatayo roon nakaharap sa akin, ang mukha ay seryoso, tila
galit.
“Halika…”
ang sambit niya habang tinumbok ang dalampasigan.
Nag-atubili
man ang isip, binuntutan ko siya.
Nang
nakarating na kami sa baybayin, itunuro niya sa akin ang buhangin. “Ano iyan…?”
Laking
gulat ko naman sa aking nakita. Ang isinulat kong “Basti… mami-miss kita. I
Love you very, very much!” ay naroon pa rin. Nalimutan kong nagsimula na pala
ang low-tide ng sandaling sinulat ko ang mga iyon kung kaya ay hindi na nabura
ng mga alon.
“Eh…
A-ano ba iyan? Hindi ko mababasa?” ang pagkukunyari ko habang hindi naman
magkamayaw ang utak ko sa matinding kahihiyan.
“Hindi
mo nababasa? Pwes babasahin ko para sa iyo, ‘Basti… mami-miss kita. I Love you
very, very much’ Ano tama ba?”
“Ewan
ko sa iyo!” ang sigaw ko. “At iyan lang ba ang dahilan kung bakit mo ako dinala
rito? Upang basahin sa akin iyang mga nakasulat sa buhangin na iyan?”
“Di
ba ikaw lang naman ang mahilig magsulat sa buhangin dito?”
“Ay
malay ko ba kung mayroon na ring ibang natuto at nagkagustong magsulat!” ang
mataray kong sagot.
“Di
ba ikaw lang naman ang nagpupunta sa bahaging ito ng dalampasigan?”
“Aba’y
malay natin kung may mga nagkagusto na ring iba! Bakit, pag-aari ko ba ang
bahagi ng dalampasigang ito? Sa akin ba talaga nakapangalan iyan?”
Aalis
na sana ako nang bigla niyang hinawakan ang aking panga at inilapit iyon sa
mukha niya. Halos magdikit na ang aming mga mukha. “Sabihin mo nga ang totoo,
Julie. Mahal mo ba ako?”
“Ano
ba Basti! Nasasaktan ako!” ang sigaw ko sabay kalas sa pagkahawak niya sa aking
panga. At Tumalikod ako nagmamadaling umalis.
Nakailang
hakbang na ako mula sa kanya nang, “Hindi mo lang ba basahin ang sagot ko sa
sulat mo sa buhangin?”
Bigla
akong napatigil. Humarap muli ako sa kanya.
Hawak-hawak
ang isang sanga ng kahoy, nakayuko siya at nagsusulat sa buhangin.
Hinintay
kong matapos ang sinulat. Nang matapos na, saka ko binasa, “Kung aaminin mong ikaw
ang nagsulat sa buhangin, hindi na ako tutuloy pa sa pag-aaral.”
Napatitig
na lang ako sa kanya. Sobrang nagulat talaga ako sa aking nabasa, nagtanong ang
isip ng, “Bakit?”
“Ano…
aaminin mo ba?” ang tanong niya.
Malakas
ang udyok ng utak ko na aminin na lang ang lahat. Subalit bigla ring sumingit sa
aking utak si Rose at ang pagiging close nila sa isa’t-isa. Kaya ang ginawa ko
ay bigalang tumalikod na lamang sabay sabi, “Ang kulit mo! Hindi ako iyon!” at
tuloy-tuloy na nagtatakbo na ako palayo sa dalampasigan.
Araw
ng pag-alis ni Basti. Hindi na ako mapakali. Alam ko, kapag nakaalis na siya,
malamang na matagal pa siyang bumalik sa isla. Pakiwari ay sasabog ang aking
dibdib sa sobrang lungkot.
“Julie!
Nasa pumpboat na si Basti! Ipinakisuyong puntahn mo siya at aminin mo raw iyong
ginawa mo sa dalampasigan para huwag siyang umalis na masama ang loob sa iyo!”
ang sigaw ni inay na nasa labas ng bahay. At bigla ring ibinaba ang boses na
tila naintriga sa sinabi, umakyat sa hagdanan at nilapitan ako na nakaupo
lamang sa harap ng mesa, “Ano nga ba pala ang ginawa mo sa dalampasigan???”
“Wala
ah! Naligo lang ako doon, hindi niya ako nakita.”
“O
e… ganoon naman pala. Hala, puntahan mo at ilang minuto na lang, aalis na ang
pumpboat, hindi mo na siya maaabutan! Dali!”
Sa
totoo lang, hindi ko alam ang gagawin. May naghihilahan sa loob ng aking isip
kung pupunta pa ba, pagmasdan ang paglayo ng pumpboat habang damhin ang sakit
ng paglayo niya o hayaan na lang na lang siyang lumayo.
Ngunit
nanaig pa rin ang kasabikan kong makita siya at kahit sa huling sandali ay
masabi ko ang katotohanan.
Dali-dali
akong tumakbo patungo sa dalampasigan kung saan naroon ang pumpboat. Subalit
nakaalis na pala ito at malayo-layo na ito mula sa dalampasigan. Kumaway ako
nang kumaway.
Nakita
kong may kumaway din na pasahero ng pumpboat. Alam ko, si Basti iyon. “Basti!!!
Ako ang nagsulat sa buhangin!!!” ang malakas kong sigaw na halos puputok ang
aking baga at lalamunan sa lakas ng aking pagsigaw. At sinabayan ko pa iyon ng
pagturo ko sa sarili upang kahit hindi niya marinig, malaman niyang ako.
“Ano???”
ang tila may narinig kong sagot. Malayo na kasi sila at hindi ko na alam kung
tama ang narinig ko.
At
sumigaw pa rin ako. “Ako ang nagsulat sa buhangin!!!” Iyon na ang huling na
sigaw ko.
Akmang
tatalikod na sana ako upang bumalik sa bahay nang may narinig naman akong
nagsisigawan. Nilingon ko ang dagat. At doon ko nakitang ang nagsisigawan pala
ay ang mga pasahero nito, ang lahat ay nakatingin sa isang taong lumalangoy
patungo sa dalampasigan.
Tila
nakakabingi ang kalampag ng aking dibdin nang maaninag ko sa malayo kung sino
ang taong iyon. “S-si Basti!!!”
Para
akong maluha-luha sa ginawa na iyon ni Basti na halos hindi ako makagalaw sa
aking kinatatayuan habang pinagmasdan siyang lumangoy palapit sa akin. At nang
nakaahon na siya sa dagat at naglakad na patungo sa akin, basang-basa at
kitang-kita ko pa ang basa ring strap ng kanyang knapsack na nakalambitin sa
kanyang likod. Hindi ko na napigilan pa ang pagpatak ng aking mga luha.
“Hi…”
ang sambit niyang seryoso ang mukha.
“H-hi…”
sagot ko rin.
Yumuko
siya. Gumawa ng sulat sa buhangin gamit ang kanyang daliri. “Mahal din kita
Julie… hindi na ako tutuloy pa. Magsama na tayo rito sa isla.”
Napangiti
ako. Siguro, iyon na ang pinakamasarap na salitang nabasa ko. “P-paano si
Rose?” sambit ko.
“Si
Rose? Bakit si Rose?” ang sagot din niya.
“Di
ba girlfriend mo siya?”
“Sinong
may sabi?”
“Ako.
Di ba crush mo siya?”
“Oo.
Di ba maganda naman talaga siya? Ikaw ba hindi nagandahan sa kanya?”
“N-nagandahan...”
“O,
e di... crush mo rin siya. Niligawan mo ba siya?”
“H-hindi.”
E,
di pareho tayo. Hindi natin siya niligawan.”
Napatitig
na lang ako sa kanya.
“May
boyfriend si Rose, Julie at anak rin ng family friend nila. At arranged ang
relasyon nila pati ang pagpapakasal nila kapag nagtapos na sa pag-aaral. Pareho
kasing intsik ang mga magulang nila. Pero mahal niya ang boyfriend niya...”
Yumuko
ako at kinumpirma ang isinigaw ko sa kanya sa dalampasigan, “Ako nga ang
nagsulat sa buhangin. At ano naman ang drama mo? Bakit ka pa lumangoy, puwede
namang bumalik ang bangka at ihatid ka sa dalampasigan?” tapos nakangiting
tiningnan ko siya. Iyong ngiting may bahid na pang-aasar.
Natawa
siya. Yumuko at nagsulat muli sa buhangin, “Ano ang tawag mo sa taong sagot
nang sagot sa tanong ko?”
Sagot
ko, “Maganda.”
Sulat
uli niya, “Ano ang tawag mo sa taong nagsusulat ng tanong?”
“Abnoy!”
At
doon na kami naghahabulan… hanggang sa naabutan niya ako at nagpagulong-gulong
kami sa buhanginan. “Sino ang Abnoy?!”
“Ikaw!”
At
katakot-takot na kiliti ang pinakawalan niya sa akin hanggang sa ako na mismo
ang sumigaw ng “Ayoko na Bastiiii! Ayoko naaaa! Hahahahahahaha!”
“Hindi
iyan ang gusto kong marinig, Hindi iyan…” sambit niya habang patuloy pa rin ang
pagkilit sa akin.
“Sige…
Ako na ang Abnoy! Ako na ang Abnoyyyyy!”
At
doon na siya nahinto. Tinitigan niya ako.
Nagtitigan
kami. Sa isip ko inukit ang mga detalye at anyo ng kanyang mukha, makikinis na
balat, ang kanyang tila nangungusap ng mga mata, ang makakapal na kilay, ang
matangos na ilong, ang mga mapupulang labing tila nanunukso. Noon ko lang
napagmasdang maigi ang kanyang mukha. Pati ang maliit na peklat sa kanyang noo
na ayon sa kanyang kuwento ay sanhi ng pagkauntog niya sa bato habang duma-dive
sa isang malalim na bahagi ng dagat ay noon ka rin napansin.
“Kung
ikaw ang Abnoy, ano naman ako?” tanong niyang pagbasag sa katahimikan, ang
boses ay halos pabulong na habang nakapatong pa rin sa aking katawan, ang
kanyang mga mata ay tila nangungusap, dinig na dinig ko pa ang habol-habol
naming paghinga.
“G-guwapo…”
sagot ko ring pabulong.
At
pagkatapos kong banggitin iyon, naalimpungatan ko na lang ang paglapat ng aming
mga labi. Naghalikan kami. Mapusok, nag-aalab, sabik na sabik sa isa’t-isa na
tila wala nang bukas pang darating.
At
sa gitna ng dilim, una kong nalasap ang sarap ng pagmamahal ni Basti. Doon, sabay
naming pinakawalan ang nag-aalab at nag-uumapaw na pagnanasa namin sa
isa’t-isa.
Naging
kami ni Basti. Masaya ako na pinanindigan niya ang pagmamahal sa akin. Hindi ko
kasi akalain na sa kabila nang pagiging ako, mamahalin ako ni Basti nang
ganoon. Naisip ko naman na siguro dahil ako palagi ang kasama niya, ako na
halos ang nag-aalaga sa kanya sa mga lakad namin at pati na sa paglalaba ng
damit niya at ang mga kababaihan naman sa amin ay tila napakailap din at halos
takot sa lalaki at walang ni isa man sa kanila ang naging close talaga kay
Basti. Kaya iyon na lang ang naisip kong justification na kahit lalaki nga si
Basti, ako pa rin ang pinili niya. At umamin din naman si basti na napamahal na
ako sa kanya dahil nga raw sa kabaitan ko, sa pagiging concerned ko sa kanya,
na sobrang malalim ang pinagsamahan naming at alam na namin ang isa’t-isa.
Marami
siyang plano para sa amin. Magsama na lang daw kami. Inamin sa akin ni Basti na
wala raw tutol ang mga magulang niya sa akin dahil nakita raw nilang mabait
ako, masipag at higit sa lahat, nakikita nila kung gaano ko inaalagaan si
Basti. At kagaya ng mga itay namin, ang gusto niyang trabaho na lang daw ang
ang laot, bilang isang mangingisda.
Napakaganda
ng kanyang plano. Iyong sinasabi nilang too good to be true. Sa isip ko,
siguro, sadyang paraiso ang isla naming iyon para sa akin… sa amin ni Basti.
Ngunit
sa kabila ng ginawang paninindigan ni Basti, may isang bahagi ng utak ko ang nababagabag.
Parang lumabas na napakamakasarili ko, na sa kabila ng malaking oportunidad sa
buhay ni Basti na umunlad, at matulungan din niyang mapaunlad ang aming isla,
hayan, ikukulong ko siya sa isla at itatali sa aking pansariling kaligayahan.
Alam ko na kahit walang tutol ang mga magulang ni Basti sa kanyang desisyon,
tila kinitil ko na ang kanilang mga pangarap para sa kanilang nag-iisang anak
at ninakaw ko na sa kanila ang karapatang lumigayang makita ang tagumpay ng
kanilang anak.
At
hindi ko rin natiis ang hindi magsalita. Ilang araw pa lang ang lumipas simula
nang hindi siya tumuloy sa pag-aaral. Nasa dalampasigan kami noon, pinagmasdan
ang paglubog ng araw. “Basti… ang gusto ko ay ipagpatuloy mo ang iyong
pag-aaral.”
Napatingin
siya sa akin. “Bakit? Nagsawa ka na ba sa akin?”
“Hindi
naman sa ganoon… Gusto ko lang na makapagtapos ka sa pag-aaral. Valedictorian
ka, full scholar, at di ba, ang sabi ng kapitan ng ating isla, tutulungan ka
niya sa iba mo pang gastusin kapag nag-aral ka dahil ikaw pa lang ang magiging
kaisa-isang residente n gating isla na kung magkataon, ay makapagtapos ng
pag-aaral at matulungan mo ang ating isla. At tama naman siya. Bakit ko
hahadlangan ang pangarap ng mga residente ng isla. Kahit nga ang mga magulang
mo, alam kong nangarap din sila na makatapos ka ng kurso. Napakasarap kaya ng
pakiramdam ng isang magulang kapag nakitang nakapagtapos ng pag-aaral ang
kanyang anak. Ipagkait mo ba sa kanila ito?”
Napatingin
si Basti sa akin. Seryoso ang kanyang mukha. “Bakit? Ano pa ba ang kailangan
nating makamit? Masaya naman tayo dito di ba? Lahat ng tao rito ay masaya. Nasa
dagat at sa isla ang lahat ng mga kailangan natin, presko ang simoy ng hangin, simple
ang pamumuhay, walang pressure, hindi tayo nagmamadali kagaya ng sa mga tao sa
syudad, na palaging tila hinahabol. Tayo rito, kapag nakikita lang ang paglubog
ng araw, masaya na tayo.”
“Kuntento
ka na lang ba talaga sa ganyan? Hanggang high school lang ang natapos?”
Natahimik
siya sandali. Tila nag-isip. “Sa syudad, maraming tukso…”
“Di
umiwas ka. Kapag matatag ang iyong paninindigan, wala kang dapat na ikatakot.”
“Paano
ka?”
“Anong
paano ako? Syempre, narito lang ako sa isla. Maghintay sa iyo, sa pagkamit mo
sa iyong tagumpay.”
“Ang
ibig kong sabihin, wala kang kasama dito?”
“Ano
ka ba… may mga magulang ako, may mga kaibigan naman dito.”
“Papayag
akong mag-aaral basta kasama ka.”
“Ayoko…
Hindi ko alam ang pasikot-sikot doon sa suydad. At ayaw ko rin doon dahil maingay,
nagsisisiksikan ang mga tao, nagmamadali, marumi ang paligid at hangin. Magulo
roon. Dito na lang ako. Dito kita hihintayin. Promise.”
“Naipangako
kong hindi kita iiwan eh.”
“Pwes
ok lang sa akin Basti. Kasi di ba, ang tagumpay mo ay tagumpay ko rin naman? At
tagumpay rin ng mga magulang mo, at ng mga tao sa isla.”
“Handa
kang magsakripisyo?”
“Oo
naman. Lahat ng tagumpay ay pinaghihirapan. Lahat ng katuparan ng mga pangarap
ay pinagsisikapan. Minsan, may mga kaakibat din itong kundisyon, kagaya ng mga bagay
na dapat i-give up para lamang marating ang tuktok ng tagumpay. At kagaya mo,
kagaya ng mga magulang mo, handa rin akong magsakripisyo. Handa kong i-give up
ang pagkakataong makasama ka sa araw-araw… para makamit mo ang tagumpay, ang tagumpay
ng mga magulang mo, at ng mga residente ng ating isla.”
Niyakap
ako ni Basti. “Ang bait talaga ng Julie ko. Kung kaya mahal kita eh…”
Agad
naming kinausap ang mga magulang ni Basti at pagkatapos, nagpulong-pulong sila
kasama ang mga opisyales ng isla. At doon napagkasunduan na tutulungan nila si
Basti sa iba pang mga gastusin sa isang kundisyon na kapag nakapagtapos na ito
at may kakayahan na tulungan niyang umunlad ang isala at ang mga nanirahan
dito.
Pumayag
naman si Basti.
“Kapag
nakapagtapos ako at may magandang trabaho na, ikaw naman ang papag-aralin ko”
ang sabi ni Basti sa akin.
“Hmmm.
Huwag na. Masaya na ako na makapagtapos ka at ako, masaya na rin na narito sa
isla. Wala na akong mahihiling pa sa lugar. Narito na ang lahat na kailangan ng
isang tao upang mabuhay at may bonus pa – ang magandang tanawin, preskong
hangin at kapaligiran… at ikaw.”
Napangiti
siya sa aking sinabi sabay yakap sa akin. “Basta, mag-aaral ka kapag
nakapagtapos na ako at may trabaho na.”
Iyon
ang sabi ni Basti. At marami rin siyang plano para sa isla. Gusto raw niyang
gawing isang tourist attraction ang isla, upang magkaroon ng mga trabaho ang
mga taga-isla, samantalang ang kabilang bahagi ng isla kung saan ay malalalim
ng tubig, iyon ang i-develop para sa pangkabuhayang pangingisda ng mga tao.
Sa
gabing iyon, pareho kaming masaya ni basti. Syempre, may lungkot din kasi,
magkahiwalay rin kami kinabukasan noon. Pero iginiit ko na lang sa isip na
babalik diin naman kasi siya at kapag nagkataon, kahati niya ang lahat ng mga
tao sa isla ang kanyang tagumpay.
“Alam
mo ba ang kuwento kung bakit sa litrato ng last supper, si Judas escariote ay
nakatikwas kay Hesus?”
“Bakit?”
“Kasi,
ganito iyan… isang araw, nang lumuwas silang patungo sa malayo upang magpalaganap
ng pananampalataya, sabi ni Hesus sa kanyang mga desipolo, ‘magdala kayo ng
isang bato’. Gulat na gulat si Hudas. E, alam mo naman si Judas, kontrabida,
reklamador, topakin, pasaway, mahilig manlamang, traydor, nagreklamo siya. ‘Bakit
ba kailangan naming magdala ng bato? Ang init-init na nga, malayo pa ang ating
lalakbayin, tapos, magdadala pa kami ng pabigat sa katawan?’ Ngunit ang
isinagot lamang ni Hesus sa kanya ay, ‘Satanas… lumayo ka!’ Natahimik si Hudas.
Imagine, satanas pala siya. Kaya wala na siyang nagawa kundi ang pumili ng
napakaliit na bato. Habang ang iba pinili ang sinlaki ng ulo ng tao at ang iba
naman ay sinlaki ng bola ng bowling ngunit ang sa kanya ay sinalaki lamang ng
holen. Maya-maya, sabi ni Hesus, ‘Magpahinga muna tayo.’ At nanalangin siya
sabi, ‘Ama namin, gawin po ninyong tinapay ang mga dala-dalang bato ng aking
mga desipolo…’ Gulat na gulat naman si Hudas. Syempre, sino bang mag-aakalang
ang bato pala na iyon ang gagawin nilang pag-kain. Wala na siyang nagawa kundi
ang magkamot ng ulo. At iyon, sinliit lang ng holen ang tinapay niya, inggit na
inggit sa mga disipolong may kasing laki ng bowling na tinapay, sarap na sarap
pa sa pagnguya nito. Pero hindi na rin siya nanghingi. Syempre, mataas kaya ang
pride ni Hudas. Kaya nagkunyari na lamang siyang nabusog pa rin sa kasing laki
ng holen na tinapay niya.”
Tawa
naman ako nang tawa. “Ano ang kinalaman noon sa pagtikwas ni Hudas sa tabi ni Hesus
sa litrato nila sa Last Supper?”
“Heto
nga iyon. Nang natapos na silang kumain, e di, naglakad sila uli. Ang sabi uli
ni Hesus, ‘Magdala uli kayo ng isang bato’ At sa pagkakataong iyon, talagang
nilakihan na ni Hudas ang bato niya. Naghanap talaga siya ng sinlaki ng unan na
bato at iyon ang kanyang dinala. At nang napagod na siya, nagrereklamo na, ‘Jessie
baby’ tawag ni Hudas kay Hesus. May pagkahip-hop kasi itong si Hudas, ‘di pa ba
tayo kakain? Nagugutom na ako eh.’ Syempre, atat na atat na siyang makakain ng
tinapay na sinlaki ng unan. At sa bigat ba naman noon na pasan-pasan pa niya, mabilis
talaga siyang gugutumin. ‘Napapagod ka na ba?’ ang mahinahong tanong ni Hesus.’
‘Oo… ang laki-laki kaya nitong dala kong bato, di kagaya ng iba kong mga
kasamahan na mga tamad, ang liliit ng mga batong dala.’ At talagang siniraan pa
niya ang mga kasamang disipulo.”
“Anong
sagot ni Hesus?” tanong ko.
“Sinagot
siya ng, ‘Hindi mo na ba kaya?’ ‘To the max! Kaya now na tayong magpaingaaaa!’ sagot
din ni Hudas. Kaya nagpasya si Hesus na maupo sila sa lilim ng isang kahoy.
Nanalangin sila at hetong si Hudas nagreklamo uli. ‘Sandali Jessie Baby, hindi
mo ba muna gawing pagkain itong mga bato namin? Mamaya na iyang panalangin,
nagugutom na ako!’ ‘O sige, itapon nyo na lang muna ng buong lakas ang mga bato
ninyo. Pag naitapon na ninyo, saka ako manalangin.’ Nagmamaktol uli si Hudas.
‘Paano namin makakain iyan kung nasa lupa na? Labo naman nito oh...’ At ang
sagot ni Hesus, ‘Satanas, lumayo ka!’ Kaya natameme na naman si Hudas. At
itinapon ng mga disipulo ang mga bato nila. Ang iba ay napakalayo at si Hudas
dahil sa napakabigat na dala, ibinagsak na lang niya sa harap niya ang bato. At
syempre, atat na atat na si Hudas na makakain sa kanyang ga-unan na laking
tinapay. Sa isip niya, ‘Kala ninyo kayo lang ang marunong manlaman ha. Tingnan
natin kung hindi kayo maglalaway sa tinapay ko.’ Nanalangin si Hesus. ‘Ama
namin... ibigay ninyo po sa aking mga disipulo ang mga bunga ng prutas na
paborito nilang kainin upang mabusog sila at mapawi ang kanilang pagkauhaw... mula
sa kahabaan ng naabot na distansya ng bato nila at kanilang kinatatayuan.” At
agad nagsiusbungan ang iba’t-ibang mga puno ng prutas at biglang namunga ang
mga ito. At dahil sa harap lang ni Hudas nalaglag ang bato niya, isang maliit
na puno lamang ng santol ang tumubo sa kanyang harap na may tatlong maliliit na
bunga. At mahilig pala sa santol si Hudas! At si Hudas, sa matinding
pagkagulat, natameme, nag-alburuto, napakamot na naman ng ulo niya.”
Hindi
naman ako maaawat sa katatawa. “Iyon na iyong dahilan kung bakit nakatikwas si
Hudas sa litrato?” tanong ko.
“Hindi
pa rin... may karugtong pa.”
“Labo
naman… dalian mo.”
“Hayun…
pagkatapos nilang kumain, napansin na ni Jesus na may kakaiba talaga si Hudas
at alam na niya ang takbo ng isip nito. Kaya may naisip siya upang ang mga
disipulo ay magiging tapat sa kanya at sa kanilang mga misyon. ‘magdala uli
kayo ng bato. Ngunit sa pagkakataong ito, dalawa na. Malilit. Kaya ang mga disipulo
ay kumuha ng tigdadalawang maliliit na bato. Kasing laki lang ng holen o itlog
ng pugo ang laki. Ngunit si Hudas, dahil nga sa kawalang-tiwala at pagka
madudahin, ang piniling bato ay isang kasing laki ng unan at ang isa naman ay mas
maliit pa kaysa itlog ng pugo. At nang mapili na nila ang mga ito, ang sabi ni
Hesus, ‘Upang mas tumindi pa ang inyong katapatan at pagnanais na maipalaganap
natin an gating misyon, papalitan ko ang inyong mga bayag sa batong pinili
ninyo…’ at nanalangin si Hesus at presto, naging mga itlog kaagad nila ang mga
bato. At syempre, dahil magkaiba ang laki ng mga itlog ni Hudas, kaya siya
nakatikwas sa litrato nila sa Last Supper.”
Natawa
naman ako sa kanyang kuwento. Pero, “Corny naman niyan!” ang nasabi ko. “O… ako
naman ang magtanong?”
“Ano?”
“Di
ba sa last supper, nakabuka ang mga kamay ni Hesus at nagbubulungan ang ilang
mga disipulo?”
“Bakit?”
“Kasi
nagtuturuan sila kung sino sa kanila ang mag-hugas ng plato at magligpit sa mga
kubyertos.”
“Anong
kinalaman sa pagbuka ng mga kamay ni Hesus doon?”
“Narinig
pala niya ang mga bulong nila at ang sabi niya sa kanila, ‘E… alangan namang
ako ang maghugas?”
“Ah
ganoon? Heto naman ang sa akin. ‘Bakit wala si Mary sa last supper?”
“E,
hindi naman siya disipulo eh.”
“Hindi
ah! Nandoon kaya siya sa Last supper.”
“Bakit
wala sa litrato?”
“Iyon
lang, siya ang photographer eh…”
“Corny!”
Tahimik.
“Huling
gabi na natin…” ang sambit ko.
“Oo
nga, ma-miss kita.”
“Ma-miss
din kita.”
Sa
gabing iyon, pinagsaluhan naming muli ang init ng aming pagmamahal ni Basti.
Mainit, mapusok, nag-aalab. Tila iyon na ang huling pagniniig namin.
“Lagyan
kita ng kissmark sa dibdib upang may alaala ka sa akin.” Sambit niya.
Tumalima
naman ako. Nilagyan niya ako sa kaliwang dibdib ko. At ang hindi pa nakontento,
sa kanan naman at mayroon pang dalawa sa tiyan.
“Ikaw,
gusto mo lagyan din kita?”
“Gusto
ko, kagat. Iyong malakas, iyong nagdurugo o kahit matiklop pa ang balat para
palagi kitang naaalala.”
“Eww!”
“Sige
na.”
“Saan?”
“Sa
tiyan.”
Kaya
nagdadalwang-isip man, kinagat ko siya. Malakas. Napaungol siya, iyong ungol
sanhi ng pagpigil ng sakit.
Nang
tanggalin ko ang aking sa kanyang tiyan, kitang-kita ko ang bakat ng pagbaon ng
aking mga ngipin sa kanyang balat at ang dugong nagsimula nang magsidaluyan.
“S-sorry Basti. Sorry…”
“Awttsss…
Ok lang, ok lang.” ang sambit niya.
Agad
ko itong pinunasan. “Baka maimpeksyon iyan.”
“Dagat
lang ang katapat nito. Tara, sa dalampasigan tayo!”
At
doon sa dalampasigan, naligo kami, nagtampisaw. At nang mapagod na, nagsusulat
na naman ako sa buhangin. Na sinasagot din naman niya ng sulat din sa buhangin.
“I
Love You, Basti…”
“I
Love You too, Julie.”
“Huwag
mo akong saktan ha?”
“Pangako.”
“Huwag
mo akong kalimutan.”
“Pangako”
“Babalik
ka rito.”
“Pangako”
“Huwag
mo akong iwan”
“Pangako…”
“At
sa paggraduate mo, dapat ay mag-aattend ako.”
“Syempre
naman!”
“Paano
kung hindi mo ako imbitahin?”
“Tange!
Puwede ba iyon?”
Di
ko lang alam baka magbago ka na sa panahong iyon.”
“Hindi
mangyayari iyan. Ikaw kaya ang aking inspirasyon. At ikaw ang nag-udyok sa akin
kun gbakit kailangan kong mag-aral at tapusin ang kurso ko.”
“Promise?”
“Promise!
“Sabagay,
kahit magbago ka na sa panahong iyon… dadalo pa rin ako sa graduation mo kahit
hindi mo ako iimbitahin.”
“Ito
naman… hindi nga mangyayari iyan.”
“Promise?”
“Promise.
At ikaw naman, dapat ay ako lang ang mahalin mo. Wala nang iba.”
“Syempre
naman!” ang sagot ko.
“Promise?”
“Promise!”
Iyon
ang mga palitan namin ng sulat sa buhangin. Iyon ang palitan namin ng mga
pangako.
Hanggang
sa napagod kami at magkatabing humiga sa dalampasigan. Hawak-kamay. Sa aming
kinaroroonan, tanaw namin ang mga bituin sa langit, ang maliwanag na buwan. Wala
kaming ibang ingay na naririnig kundi ang mga alon na nag-uunahang humampas sa
mga buhangin sa dalampasigan. Napakaganda ng panahon. Napakaganda ng paligid.
At tila kaming dalawa lamang ang nag-mamay-ari sa mundong ito.
Kinabukasan,
hinatid ko pa si Basti sa bangkang siyang sasakyan niya patungo sa kabilang
lungsod. Kasama niya ang kanyang mga magulang at ang kapitan n gaming barangay.
Masakit
ang tanawing iyon. Pakiramdam ko ay sinaksak ang aking puso. Ngunit pilit kong
nilabanan ang aking damdamin, isiniksik sa isip na ang lahat ay para sa
tagumpay niya, ng mga magulang niya, at sa ikabubuti ng isal. Iyon na lang ang
naging pa-kunsuwelo ko sa aking sarili.
Hanggang
sa umandar na ang Bangka, hanggang sa paliit nang paliit na ito sa aking
paningnin. Nanatili pa rin ako sa dalamapasigan. Bagamat hindi ko maiwasang hindi
tumulo ang aking mga luha, pinilit ko pa ring magpakatatag, sinariwa ang mga
magagandang ala-ala namin ni Basti. Hinaplos-haplos ko pa ang kissmark na
ginawa niya sa aking dibdib at tyan.
At
tinupad naman ni Basti ang kanyang pangako na palaging susulat sa akin. Ang
isla kasi ay walang signal sa selpon, at walang internet, kaya hanggang sa
sulat na lang an gaming komunikasyon. Kapag nakatanggap ako ng sulat,
tuwang-tuwa ako. Kinikuwento niya ang kanilang mga subjects, mg aka-klase, mga
guro, pati na ang mga activities nila. Minsan din, kinikuwento niya sa akin ang
mga nadaanan na naming subjects at problem-solving sa high school, halos lahat
ng ginagawa niya oras-oras ay kinukuwento niya. Syempre, sinasagot ko kaagad
ang mga sulat niya sa mismong araw din na natanggap ko ito.
Sa
kanyang semestral break naman, umuuwi siya. At kapag ganoon, sobrang saya ko.
Sobrang saya namin. At palagi, ang dalampasigan at ang mga buhangin ang tanging
saksi kung gaano kamahal naming ni Basti ang isa’t-isa.
Hanggang
sa nagsecond year college na siya. Halos ganoon pa rin ang palitan naming ng
sulat. Ramdam kong walang nagbago sa kanyang pagmamahal sa akin. Ganoon din ang
pag-uwi niya kapag semestral o summer break.
Ngunit
naramdaman kong unti-unting nagbago ang lahat nang nasa third year college na
siya. Kung noon ay halos araw-araw ay may natatanggap akong sulat, sa
pagkakataong iyon ay madalang na lang. Maswerte na kapag may isang sulat sa
isang linggo.
“Dear
Julie, pasensya na, hindi na ako palaging nakakasulat. Nasa third year college
na kasi ako at nasa mga major na ang subjects. Mahirap na siya at kailangan
talaga ang focus dahil sa mga requirements at projects…”
Iyon
ang dahilan niya. Naintindihan ko naman. Tama nga naman siya. College na kaya
siya at sigurado, mas mahirap ang subjects at requirements, dagdagan pa na nasa
state university siya at scholar pa. Kaya naintindihan ko.
Hanggang
sa nag semestral break at umuwi siya. Masaya pa rin naman kami. Wala akong
napansing kaibahan sa kanya, maliban na lamang sa mga dala niyang mamahaling
gadgets na kagaya ng laptop, at iphone ba ang tawag doon? Med’yo nalungkot ako
nang kaunti dahil imbes na ang nakasanayan naming pamamasyal sa dalampasigan at
pag-uusap ay napalitan na sa kanyang pagkahumaling sa kanyang laptop. At lalao
na nang nagmamadali pa siyang bumalik ng syudad dahil nga raw may ihahanda pa
siyang requirements sa sunod na pasukan, parang lalo pa akong nalungkot.
Muli,
naintindihan ko. Hanggang sa isang beses na lang siyang magsulat sa isang
buwan. At nang nag-summerbreak na, dalawang araw na lang siyang nanatili sa
isla dahil may summer class daw siya.
“Alam
mo… nagpatahi na ako ng damit ko para isuot sa graduation mo. Kulay puti na
pantalon at long sleeves na kulay light na pink. Sabi ng mananahi, puwede rin
daw ako magsuot ng overcoat eh pero ang sabi ko, tama na ang long sleeves. At
bumili na rin ako ng sapatos na itim, mura lang naman. 250 pesos. At ang
sinturon ko ay bago rin, kulay itim.” ang sambit ko kay Basti sa summer break
niyang iyon.
“Ganoon
ba? Ang tagal pa noon ah!”
“Isang
taon na lang kaya iyon. Malapit na.” At hinugot ko pa talaga sa aking akbinet
ang aking mga bagong damit at ipinakita ang mga iyon sa kanya. “Maganda ba?”
ang tanogn ko.
“Maganda
naman. Bagay sa iyo…” ang sagot din niya.
At
tumungtong na nga si Basti sa fourth year. Ngunit tila nag-iba na ang takbo ng
lahat. Sa buong first semester ay wala na siyang sulat. Sa semestral break niya
ay hindi na siya umuwi. At nang magsimula na ang buwan ng Marso, ni wala man
lang siyang pasabi kung kailan ang graduation.
Nagtanong
ako sa kanyang mga magulang kung ano na ang nangyari kay Basti. Ang sabi naman
nila ay nag-aaral pa naman daw. Hindi rin daw nila alam ang araw ng graduation
at pati sa kanila ay halos hindi na rin siya sumusulat.
Doon
na ako nagsimulang makaramdam ng takot.
Isang
araw, lumuwas ng bayan ang mga magulang ni Basti. Nakita ko sila nang nakasakay
na sa pampasaherong bangka na nagsimula nang pumalaot. Posturang-postura ang
mag-asawa na animoy may dadaluhang kasal.
“Mang
Tonyo… saan po ba ang punta ng mga magulang ni Basti?” ang tanong ko sa isang mangingisda
na nasa dalampasigan na abalang nag-ayos sa kanyang lambat.
Nahinto
siya sa kanyang ginagawa, tiningnan ang lumalayong bangka atsaka tiningnan ako.
“Ah, di mo ba alam? Graduation yata ngayon ni Basti ah!”
Tila
may isang napakalakas na bombang sumabog sa aking harapan at hindi kaagad ako
nakasagot. Tila ba ang lahat ng dugo sa aking katawan ay nagsidaluyan patungo
sa aking puso at nalunod ito, huminto sa pagtibok samantalang ang aking mga
luha ay nagsi-unahang lumundag mula sa aking mga mata. “Ah… o-oo nga pala.” Ang
sagot ko na lang na tumalikod upanghuwag mahalata ang aking pag-iya. “S-sige po
Mang Tonyo. Salamat po.” dugtong ko.
Nagtatakbo
ako pabalik sa aming bahay at agad-agad na pumasok sa aking kuwarto. Doon,
ipinalabas ko ang lahat ng sama ng loob.
Tila
walang humpay ang pag-agos ng aking mga luha. Iyon bang pakiramdam na trinaydor
ka at pati ang kanyang mga magulang ay inilihim pa ang lahat sa akin. Halos
dalawang oras din akong nag-iiyak nang bigla kong naisip ang mga isinusulat
namin sa buhangin, iyong sinabi ko na kahit hindi niya ako imbitahin, pupunta
pa rin ako sa kanyang graduation.
Dali-dali
kong tinungo ang aking kabinet at kinuha ang aking inihandang damit pang
graduation. Naisip ko kasi na may susunod pang biyahe ng bangka kung kaya ay
pinilit ko ang sariling makahabol. Dinala ko rin ang huling sulat ni Basti.
Naroon kasi ang address.
Nagpaalam
ako sa aking mga magulang na bagamat nag-alala dahil iyon pa ang pinakaunang
pagkakataon na makapunta ako sa malaking syudad at nag-iisa pa, pumayag rin sa
aking lakad. Sinabi ko kasing inimbitahan ako ni basti na dadalo. Nagsisinungaling
ako. Sa kagustuhang makadalo sa kanyang graduation nagawa ko ang bagay na iyn
sa aking mga magulang.
At
alam kong masakit din iyong sisipot ka na lang basta sa isang event na hindi ka
inimbitahan. Ngunit dahil sa pagmamahal ko kay Basti, nilunok ko ang aking
pride. Ano man ang dahilan niya sa hindi niya pag-imbita sa akin, ay baka
maintindihan ko pa rin.
Nahirapan
ako sa pagtungo sa pagtungo ko sa siyudad. Iyon pa ang una kong pagtungtong sa
siyudad na iyon. At sa kagaya kong tubong isla at walang kaalam-alam sa
pasikot-sikot, sobrang nahirapan ako. Siguro may mga tumatawa sa aking postura
nan aka-long sleeves, at puti pa ang pantalon, may dala-dalang regalong sapatos
para sa kanya, preskong garland at nag-commute ng jeep at tricycle sa gitna ng
init ng panahon. Ngunit hindi ko alintan ang kakaibang tingin ng mga tao sa
aking postura. Tanging si Basti lamang ang nasa aking isip.
Nang
nakarating ako sa mismong unibersidad, sobrang tuwa ko. Nagsimula nang tawagin
isa-isa ang mga graduates. At nang narinig ko ang pangalan ni Basti na tinawag
at sinabi pang cum laude siya, nagtatalon ako sa tuwa. Habang ang mga tao ay
pumapalakpak, ako naman ay nagsisigaw ng “Basti! Basti!”
Nang
dumating na sa parte kung saan ay tatanggap na ang mga graduates sa greetings
ng mga kakilala at mahal sa buhay, nagtatakbo na akong lumapit sa kinaroroonan
ni Basti, tuwang-tuwa na sa wakas ma-greet ko na rin siya, at mayakap.
Ngunit
hindi pa man ako tuluyang nakaabot sa kinatatayuan niya, kitang-kita sa aking
mga mata ang isang babaeng buntis na yumakap at humalik pa sa kanyang bibig. At
sa gilid nila ay ang mga magulang ni Basti na nakangiti, nagpalakpakan.
Mistulang
umikot ang aking paligid nang makita ko ang eksenang iyon. Mistulang mawalan
ako ng malay. At hindi ko na rin namalayang nalaglag na pala ang aking regalo
at garland para sa kanya. At kung gaano ako ka excited na makalapit kay Basti,
kabaligtaran naman ito sa aking pagtatakbong papalayo sa kanila. Nang nakalabas
na ako sa campus ng unibersidad, tila nananadya naman ang panahon. Bumuhos ang
malakas na ulan. Sa aking basang damit naghalo ang aking mga luha at ang tubig
na nanggaling sa ulan.
Gabi
na nang nakauwi ako sa aming bahay. Mabuti na lang at may bangka pa akong
nasakyan pauwi ng isla. Madilim, malakas ang alon. At nakarating ako ng bahay
na basang-basa, tila wala sa sarili sa sobrang sakit ng damdamin. Ang aking
puting pantalon pa ay puno rin ng dumi, dagdagan pa sa aking sapatos na dahil
mumurahin lamang ay bumigay sa pagkabasa nito sa ulan.
“Diyos
ko anak! Anong nangyari sa iyo!” Ang sambit ng aking inay nang nakita niya akong
parating na ng bahay.
“M-malakas
kasi ang ulan, nay…” ang sagot ko na lang. At dahil basa ang aking mukha, hindi
ako nagpahalata na umiiyak.
“Nakadalo
ka ba sa graduation?”
“O-opo.
Opo.”
“Bakit
hindi mo kasama si Basti?”
“Eh,
m-may… m-may dinaanan pa sila nay. K-kasama ang mga magulang niya.” Sabay pasok
na sa kuwarto upang hindi mahalata ng inay ang lungkot sa aking mukha.
At
iyon, sinarili ko ang matinding sakit ng damdamin. Umiyak akong mag-isa sa
buong magdamag. Iyon ang pinakapunto sa buhay ko kung saan ay nahabag ako sa
aking sarili, nagtanong na ang kagaya ko ba ay wala nang karapatang magmahal?
Hindi
ko na inalam pa ang kuwento sa likod ng nakita kong eksena sa graduation ni Basti;
kung sino ang babaeng iyon, kung bakit hindi niya ako inimbita sa kanyang
graduation, kung bakit kinalimutan niya ang lahat. Para sa akin, sapat na ang
sakit na dulot ng ginawa niya sa aking puso. Ang pa kunsuwelo ko na lang sa aking
sarili ay ang katotohanang ang ipinagpalit niya sa akin ay isang babae na makapagbibigay
sa kanya ng katuparan sa kanyang mga pangarap. At kahit papaano, naging masaya rin
naman ako sa isang dako ng aking buhay kung saan ay nakapiling ko siya at
ipinadama niya kung paano mahalin ang isang katulad ko. Kaya tanggap ko na rin ang
lahat. Kailan man, ang isang baklang katulad ko ay walang tunay na lalaking siseryoso
sa pagmamahal.
Ang
hangad ko na lang para sa kanya ay ang lumigaya dahil alam kong hindi na siya
babalik pa sa isla. Katulad sa mga pangako niyang isinulat sa buhangin, nabura
na rin ang pag-ibig niya para sa akin; nalusaw, nawala, nalibing lahat sa limot…
Mistulang
isang panaginip an mga nangyari sa amin ni Basti. Masaya, na masaklap ang
hantungan. Sa isip ko ay isiniksik ko na lang na sa buhay ng isang bakla, ang
lahat ng kuwento ay nagtapos sa isang trahedya kundi man ay sa isang malungkot
na wakas. Walang choice. Kasi ang bakla,
lalaki ang hinahanap. Ang lalaki naman, babae ang hinahanap. Iyan ang problema.
Hindi rin naman puwede sa tomboy. Kasi, babae ang hinahanap nila, hindi bakla. Wala
talagang puwang ang mga bakla sa mundo. Kaya ang experience ko kay Basti ang
nagmulat sa aking isip sa masakit na katotohanang wala nang pag-ibig pang
darating pa sa isang katulad ko.
Kaya
ang ginawa ko ay pinilit ang sariling kalimutan ang mga masaklap na pangyayaring
iyon sa aking buhay.
Sa
una, mahirap ito. Kapag nakikita ko ang dalampasigan at ang dagat, di basti
kaagad ang naiisip ko. Kusa na lang babagsak ang aking mga luha. Kapag nas
ganoon akong sitwasyon, hayaan kong ipalabas ang aking saloobin. Hayaan kong
bumuhos ang aking mga luha hanggang sa mapagod ako sa kaiiyak. Paano naman
kasi, nasa harap lamang ng aming bahay ang dagat at ang dalampasigan. Ang mga
ito ang nagpaalala sa akin kay Basti. No choice kumbaga.
Ang
ginawa ko, ibinuhos ko ang lahat ng aking panahon sa pagiging busy. Ang pinagkaabalahan
ko ay ang pagpapaganda sa cottage sa dalampasigan na sakop ng aming lupain. Nagpagawa
rin ako ng hukay na may lapad na 10 square meters malapit lang sa dalampasigan
at ginawa ko itong pool gamit ang flowing water na nanggaling sa di kalayuan sa
likod ng aming bahay. Ako mismo ang naghanap ng mga bato at mga shells na
ginawang tiles sa swimming pool na siyang senimento naman ng aking itay.
Sa
paligid ng pool ay tinaniman ko rin ng mga bermuda, palm trees at mga
ornamental plants. Napahanga ang aming mga kapitbahay sa ganda ng aking pool.
Pagkatapos,
ang cottage naman sa dalampasigan mismo ang pinaganda ko. Natural na natural
tingnan gamit lamang ang mga kahoy na tinatapon na, at talahib sa paligid ang
atip.
Lahat
ng nakakita sa aking ginawa ay namangha at humanga sa ganda ng aking pagdisenyo
sa cottage at sa pool. Hanggang sa inimbitahan ako ng kapitan sa kanilang
meting at napag-alaman kong balak pala niyang gawin na namin ang paghikayat na
ng mga turista sa aming isla at sa ginawa ko, ako ang inatasan niyang magdisenyo
at mag handle sa project nang paggawa ng mga cottages at pools sa kahabaan ng
dalampasigan ng aming isla.
Syempre,
shocked ako dahil napakalaking proyekto ito. Ngunit naging proud din naman ako
dahil imagine, ako talaga ang magdisenyo. At babayaran ako. At lalo na kapag darating
na ang mga turista magkakaroon din daw ako ng royalty, kumbaga sa paggamit ng
mga pools at cottages na ako ang nagdisenyo.
Anim
na buwan ang lumipas, hindi pa man ganap na natapos ang proyekto, may
paunti-unti nang dumagsang dayuhang turista. At paglipas pa ng isang taon kung
saan 90% na ang natapos sa aking poyekto, mas lalo pang dumagsa sila. May mga
Pinoy din na gustong ma-experience ang ganda ng aming isla. At nang may nag-upload
pa ng mga litrato ng isala namin sa kanilang blogs at youtube dagdagan pa sa
mga turistang nagkuwento rin sa mga kaibigan nila at sa mga posts nila sa
internet, lalo pang sumikat ang aming isla. Nagkaroon ng hanap-buhay ang mga
tao, nagkaroon ng signal sa mga telepono, nagkaroon ng internet.
At
umangat ang aming pamumuhay. Kung dati ay sa isang maliit na kubo lang kami nakatira,
naging kungkreto na ang aming bahay at nakapagpundar na rin ng mga kasangkapan at
appliances.
Dahil
may mga turista na ang isla, sumigla na ito. May mga party na sa gabi, may mga
kasiyahan. At kung may kasiyahan, syempre, may inuman. At kung may inuman, may babae,
may lalaki... at may lalaking naghahanp ng kakaibang kaligayahan.
Ngunit
pinilit ko ang sariling huwag magpadala sa tukso ng lalaki. Natakot na ako sa
nangyari sa amin ni Basti. Bagamat nagkaroon ako ng fling at mga panandaliang
aliw, hanggang doon na lang. Ayaw ko nang masaktang muli ang aking puso. Alam
ko naman, walang patutunguhan ang pag-ibig ko. Alam kong walang lalaking tunay
na magmahal sa akin.
Hanggang
sa dumating sa buhay ko ang isang bente-anyos na Amerikano. Naging kaibigan kami. Niligawan niya ako at
pinangakuhan ng dadalhin sa Amerika at doon ay magsama kami.
Ngunit
hindi ako pumayag. Ipinaliwanag ko naman sa kanya ang dahilan. Sinabi kong
puwede naming gawin ang gusto ninyang gawin sa akin ngunit walang commitment.
Parang iyong tinatawag lang nilang fuck buddy. Kaibigan, nagyayarian, ngunit
hanggang doon na lang. Walang relasyon, walang selosan, walang pakialaman. Ok
kung nand’yan, ok din kung wala.
Pumayag
naman ang Amerikano. Marahil ay dahil ganyan ang kultura nila. Prangka,
practical, open-minded. “It’s fine with me. Who knows you’ll still change your
mind later...” ang sabi niya.
Isang
araw, inalok ng mga magulang ni Basti na ibenta sa sa amin ang kanilang bahay
at lupa dahil may paggagamitan daw sila sa pera at kailangang-kailangan na. Nagulat
ang aking mga magulang sa desisyon nila. Ngunit dahil buo na ang kanilang pasya,
walang nagawa ang aking mga magulang upang makumbinsi silang huwag nang ibenta,
kasi sayang. Ngunit sa isip ko sumiksik ang suspetsa na siguro, sa syudad na
sila manirahan, kasama ni Basti at kanyang asawa; na marahil ay masaya na sila
roon kung kaya ay tuluyan na nilang iiwanan ang isla; ang lugar kung saan sila
namulat.
Kaya
binili namin ang lupa at bahay nila. Nang araw din kung saan ay natanggap nila
ang bayad ay lumisan sila. Nagmamadali na para bang may takot na tumagal pa sa
isla. Kahit may nagbabadyang bagyo na parating, sumakay pa rin sila sa bangka,
makalayo lamang sa isla. Hindi namin alam talaga ang tunay na dahilan.
Kinaumagahan,
nalaman na lang namin na lumubog ang bangka na kanilang sinakyan kasama ang may
halos 40 ka tripolante. Hindi alam kung nasaan sila.
Kinabukasan,
nagkagulo ang mga tao nang natagpuan na ang karamihan sa mga sakay sa bangka.
Lahat sila ay nalunod. At kasama sa kanila ang mga magulang ni Basti.
Inimbalsamo
at pinag-isang nilamayan ng mga taga-isla ang mga natagpuang bangkay. Ang buong
akala ko ay darating si Basti. Ngunit ni anino niya ay hindi namin nakita.
Hanggang sa inilibing na lang ang mga namatay, hindi pa rin dumalaw si Basti.
Hindi
ko lubos maisalarawan ang aking naramdaman sa mga pangyayari. Kahit may tampo
ako sa mga magulang ni Basti dahil sa hindi nila pagsabi sa akin tungkol sa
babae ng anak nila, naintindihan ko sila, isiniksik na lang sa aking isip na
baka ayaw lang nila akong masaktan o kaya ay sinabihan sila ni Basti na ilihim
ang lahat sa akin. Ang ikinalulungkot ko lang ay ang hindi pagsulpot ni Basti
sa lamay at burol ng mismong sariling mga magulang.
Lumipas
ang isa pang taon at bigla na lang kaming nagulantang sa hindi inaasahang
pagkakataon. Nasa harap ng hapag kainan kami noon at mananaghalian na sana.
Masarap ang mga pagkaing inihanda ng inay. May inihaw na isda, may adobong
baboy, may tinolang manok at sinigang na baka. Tila nanunukso ang mga pagkain
sa ibabaw ng mesa. At pakiwari ko ay umaapaw sa aming bahay ang bango ng mga
umuusok pang masasarap na ulam.
Handa
na sana kaming kumain nang nang may nag- “Tao po” sa harap ng aming bahay.
Tumayo
ang aking inay at binuksan ang pinto. Dahil nasisilip mula sa aming
hapag-kainan ang pinto, laking gulat ko nang makita ang bisitang dumating.
Si
Basti, at hawak-hawak ang isang batang lalaki na nasa anim na taong gulang. Hindi
ako halos makapaniwala sa kaibahan ng Basti na nakilala ko dati kaysa Basti na bigla
na lang sumulpot sa araw na iyon. Payat siya, naka-crutches dahil sa putol na
isang paa, at ang pananamit ay tila sa isang pulubi.
“Ikaw
ba ito Basti?” Ang tanong ng aking inay.
“Opo...”
“Dyios
ko! Ano ba ang nangyari sa iyo??? H-halika pasok kayo...”
Pumasok
sila sa sala at naupo sa sofa.
Ngunit
tumayo ako mula sa hapag-kainan at nilapitan sila, “Hindi ka welcome sa bahay
na ito Basti...”
“I-kaw
pala Julie. Heto pala ang anak ko, si Junjun.”
Tiningnan
ko lang ang bata. Kamukhang-kamukha nga siya ni Basti. Carbon copy. Cloned na
cloned. Kuhang-kuha ang mga mata, ang matungis na ilong, ang magandang hugis ng
mukha. Guawapong bata. Ngunit hindi ko ito binati. Hindi ko sinuklian ang
pagngiti ng bata sa akin. Matulis ang ang aking tingin sa kanya at walang
emosyon ang aking mukha. At baling ko kay Basti, “Mas mabuti pang umalis ka na
kung ayaw mong masigawan kita.”
“P-puwede
ba kitang makausap Julie?”
“Hindi.
At kailanman ay ayaw na kitang makita pa at makausap. Wala na tayong dapat pang
pag-usapan pa. Kaya umalis na kayo.”
“Pakainin
muna natin sila Julie. Mukhang nagugutom ang bata o.” ang sambit ng inay.
“Hindi
na nay. Kung sino man ang mga magulang niyan, sila dapat ang magpakain sa
kanya.” At baling kay Basti. “Umalis ka na!”
Walang
nagawa si Basti kundi ang tahimik na abutin ang crutches niyang nakasandal sa
sofa, itinukod ang isang kamay sa upuan atsaka tumayo. Malungkot ang kanyang
mukha. Tumayo rin ang bata at tinitigan ako, iyong bang titig na parang
nagtatanong, “Bakit galit ka sa papa ko?”
Nang
nasa labas na sila ng pinto, nakita kong lumingon pa ang bata sa akin at sa
mesa kung saan nakapatong ang mga pagkain sa hapag-kainan. “Kain muna tayo
pa... nagugutom na po ako eh...” ang mahinang sambit niya sa ama.
“Shhhh!
Bili na lang tayo ng tinapay sa labas ha?’ ang bulong naman ni Basti.
Mistulang
piniga ang puso ko sa pagkaawa sa bata. Ngunit nagmatigas pa rin ako. Matinding
sakit ang naranasan ko kay Basti at sa pagsulpot niyang iyon, tila nanariwa ang
sugat na dulot ng kanyang pagtaksil niya sa akin.
Hindi
ko na alam kung saan sila nagtungo at hindi ko na rin inalam kung ano ang
kuwento niya. Para sa akin, kung naghirap man siya, iyon ay dahil sa kagagawan
niya; dahil sa karma. At tapos na ang lahat sa amin. Sarado na ang puso ko para
sa kanya. Kahit pakikipagkaibigan lang ay ayaw ko na.
Kinabukasan,
nagulat na naman ako nang mula sa aming likurang gripo ay may isang batang nag-igib.
Si Junjun. Hawak-hawak ang dilaw na baldeng nakasangga sa bumabagsak na tubig
mula sa gripo. Nakasando siya ng malaki na nakalaylay hanggang sa kanyang hita.
Nilapitan
ko ang bata. “Anong ginagawa mo dito?” ang tanong ko.
“Nag-igib
po, Tita Julie.” Sabay abot sa aking kamay at nagmano.
Nahinto
naman ako sa kanyang ginawang pagmano. At napatitig ako sa bata sa narinig
niyang pagtawag sa akin ng Tita. “Paano mo nalaman ang pangalan ko?”
“Sabi
po ni papa. Tita raw po kita eh.”
Nang
napuno ng tubig ang balde, isinara na niya ang gripo at tinangkang buhatin ang
balde na puno ng tubig. Nungit sa bigat ng balde, hindi niya halos mabuhat ito.
Ngunit pinilit pa rin niya ang sarili. Halos pahila na ang pagdala niya nito at
pahinto-hinto.
Nabalot
ng awa ang aking puso sa nakita. “Saan ba ang itay mo at hinayaan ka niyang mag-igib?”
“May
sakit po siya eh.” Ang sagot ng bata na pilit pa ring binuhat ang balde.
“O
siya, ako na ang magbuhat niyan. Saan ba ang bahay ninyo?”
“Hayun
po...” turo ng bata sa dating tirahan nila ni Basti na nabili na namin.
At
tuluyan ko nang binuhat ang balde ng tubig habang pilit naman akong tinulungan
ni Junjun sa kabilang hawakan.
Nang
nakarating na kami, ipinasok ko ang balde ng tubig at inilipat sa tapayan. Si
Junjun naman ay nakita kong kinuha ang takuri at nagsalok ng tubig mula sa
tapayan.
“Ano
ang gagawin mo?” ang tanong ko.
“Mag-init
po ng tubig. Kasi po, pupunasan ko ang papa ko.”
“O
siya, ako na...” at kinuha ko ang takuri at ako na ang nag-init.
Nasa
ganoon akong pag-init ng tubig habang si Junjun naman ay nakatingin sa akin
nang may nagsalita mula sa aking likuran. “Salamat.”
Gulat
na gulat naman ako. Nilingon ko ang aking likuran. Si Basti pala, nakasandal sa
gilid ng pintuan. Halatang may sakit. Putla ang kanyang mukha, giniginaw, at
nanghihina. Biglang nawala ang gana ko sa ginagawa ko sa pagkakaita ko sa mukha
niya. “Anong salamat! Hindi ko ginawa ito para sa iyo. Para kay Junjun ito!”
ang mataray kong sagot na hindi na lumingon sa kanya.
Kumulo
na ang tubig nang sumigaw naman si Junjun ng. “Papa! Papa!!!”
Nang
nilingon ko ang kinaroroonan ni Basti, natumba pala ito. Agad kong nilapitan at
pilit na pinatayo, inalalayan patungo sa kanyang higaan. Doon ko naramdaman ang
taas ng kanyang lagnat. Ramdam ko rin ang panginginig niya.
“S-salamat...”
ang sambit niya muli.
At
dahil sa kinikimkim ko pa ring inis sa kanya, padabog ko siyang inilatag sa
kama, isiningit ang unan sa ilalim ng kanyang ulo.
“Grabe
ka naman... nagkasakit na nga ang tao, pinagdadabugan mo pa.”
“Gusto
mo putulin ko pa iyang isang paa mo? Para pantay na sila?” ang mataray ko pa
ring pananalita.
Hindi
na sumagot si Basti. Tinitigan lang ako at binitiwan ang isang malalim na
buntong-hininga.
“Aalis
na ako” sambit ko.
Siya
namang pagpasok ni Junjun, dala-dala na ang bimpo na binasa sa mainit-init na
tubig, inilagay sa isang maliit na palanggana at ipinatong ito sa gilid ng kama
ng kanyang papa at pagkatapos, pilit na hinila ang t-shirt ng kanyang ama.
Namangha
ako sa ginawa na iyon ni Junjun. Sa kabila ng mura niyang edad, tila sanay na
siya sa gawain, alam na alam kung ano ang gagawin. Ngunit nahirapan siyang
tanggalin ang t-shirt ng ama na nakahiga.
Lumapit
ako at ako na ang nagtanggal. Nang
natanggal na ang t-shirt, dali-dali namang kinuha ni Junjun ang mainit-init na bimpo
at pinunasan ang dibdib ng ama. Ngunit dahil malilit ang mga bisig at kamay
nito, ramdam kong nahirapan siya. Muli kinuha ko ang pamunas at ako na ang
nagpunas kay Basti.
At
sa pagpunas ko, pinuwersahan ko talaga ang pagdiin-diin sa kanyang katawan na
halos ang buong bigat ko ay idinidiin ko na, dahil sa inis ko sa kanya. At pati
ang pamunas ay halos ihambalos ko na rin sa kanyang mukha.
“Araykopo...”
sambit niya.
“Tumahimik
ka! Ikaw na nga itong pinunasan ikaw pa itong maarte!”
“Nag-aaway
po ba kayo ni papa Tita?” ang bigla namang pagsiningit ni Junjun.
Nabigla
rin ako sa tanong ni Junjun na iyon. “H-hindi ah! B-bakit kami mag-aaway?” ang
naisagot ko.
“Galit
siya, Junjun. Tingnan mo, hindi ngumiti.” Ang pagsingit naman ni Basti.
Gulat
naman akong napalingon kay Basti na hindi lumingon sa akin. Alam ko kasing
sinulsulan niya ang bata. Nilingon ko uli si Junjun at, “Anong hindi nakangiti?
Nakangiti ah! Hayan oh...” sabay pakita ng ngiti.
Kitang-kita
ko naman ang pigil na pagngiti ni Basti. Ngunit lihim ko rin siyang kinurot.
At, “Junjun p-puwede bang kunin mo ang takuri at dalhin mo rito?” ang sambit ko
upang lumabas si Junjun.
Nang
nakalabas na, “Bakit mo pa ipadala ang takuri dito, may maliit na palanggana
namang may tubig na mainit-init pa d’yan?” ang tanong ni Basti.
“Upang
ang kumukulong tubig ang ibuhos ko sa mukha mo!” sagot ko sabay hablot sa buhok
niya at inuntog-untog ko ang ulo niya sa kanyang unan.
“Arekop!!!”
“Ang
kapal mo ha! Akala mo, basta-basta ko na lang malilimutan ang ginawa mo sa
akin?!”
“Sorry
na... nagmamakaawa ako sa iyo. Patawarin mo na ako, Julie.”
“Hindi!”
“Tita...
nandito na po ang takuri.” ang biglang pagpasok ni Junjun.
“Sige
Junjun, ilatag mo lang iyan d’yan at may paggagamitan ako niyan. Kumukulo pa ba
ang tubig?”
“Opo...”
“Mabuti!”
“Tita...
ang ibaba naman na katawan ni papa ang pupunasan natin. Hubarin po natin ang
pantalon niya...” sabay abot sa dulo ng pantalon ng ama niya at hinila ang mga
ito.
Tila
hinampas naman ang aking ulo ng isang matigas na bagay sa pagkarinig sa sinabi
ni Junjun. Napatingin ako kay Basti. Tinitigan lang niya ako. Hindi ko alam
kung para saan ang titig niyang iyon.
“Ah,
eh... tulungan na lang kitang hubarin
ang pantalon ng itay mo at pagkatapos, ikaw na lang ang magpatuloy na magpunas
sa kanya ha? May gagawin pa ako eh.” At tinanggal ko ang butones sa pantalon ni
Basti at pagkatapos hinila ko ito pababa. Wala pala siyang suot na brief kung
kaya ay lumantad ang kanyang pagkalalaki. At nang tuluyan nang matanggal ang
kanyang pantalon, kitang-kita ko naman ang isang paa nia na naputol mula sa
baba lang ng kanyang tuhod. Napatigi ako ng bahagya rito.
“Junjun...
ikaw na ang magpunas nito ha?” sambit ko.
“Opo
Tita...” at kinuha na ni Junjun ang bimpo at sinimulan ang pagpunas sa
pang-ibabang katawan ng kanyang ama.
“Hindi
ka ba naaawa sa bata?” ang sambit ni Basti.
Tiningnan
ko si Junjun at wala na akong nagawa kundi kunin uli sa kanya ang bimpo.
May
ilang akong nadarama habang sinimulan kong punasan ang kanyang tyan, pababa...
sa kanyang pagkalalaki. Habang pinunasan ko ito, tila isang talon naman ng mga
alaala ang aking isip na nagsilabasan lahat ang mga masasayang araw namin ni
Basti.
“Mahal
pa rin kita”
“Ang
kapal mo...”
“P-pasensya
ka na, hindi ko natupad ang mga pangako ko”
“Ang
mga pangako mo ay sa buhangin nakasulat. Nabubura, nalilimutan. Matagal nang
nabura ang lahat. Matagal ko nang nalilimutan. Hindi na ako umaasa pa.”
“Hindi
lahat ng pangakong nakasulat sa buhangin ay nabubura. Ang iba ay nanatiling
nakaukit sa puso. Natatandaan ko pa ang lahat. Nasa puso ko pa ang pagtupad sa
mga pangakong iyon.”
“Bakit
ka ba bumalik pa?”
“Dahil
naalala kong naiwan ko pala rito ang nagmamay-ari ng aking puso.”
“Hmmm.
Buti naman at naalala mo pa siya.” ang sarkastiko kong sagot. “Eh, paano naman
kung hindi ka na niya maalala?”
“Pilitin
kong ipaalala muli sa kanya ang lahat.”
“Dyos
ko. Patay na siya, wala nang alaala pang bumalik. Huwag ka nang umasa.”
“Pipilitin
kong buhayin siya”
At
talagang ayaw niyang magpaawat. Kaya, “Junjun, sa labas ka muna maglaro ha?”
ang sambit ko sa bata.
“Opo
Tita...” at agad namang tumalima si Junjun.
“Bakit
mo pinalabas ang bata?” Sambit niya nang nakalabas na si Junjun.
“Ayaw
kong makita ng anak mo na may papatayin akong tao.”
“Mahal
mo pa rin ako, alam ko.”
Nahinto
ako sa sinabi niyang iyon. Napatingin sa kanya. Ngunit nang sumingit na naman
sa aking isip ang kanyang ginawa, inihambalos ko ang bimpo sa kanyang
pagkalalaki. “Pagkatapos mo akong lokohin? Pagkatapos mong magpapasasa sa iba???”
“Araykopo!”
ang sambit niya habang itinakip sa kanyang karapan ang kanyang mga palad. “Pakinggan
mo kasi ang kuwento ko, Julie...”
“Huli
na ang lahat... m-may iba na akong mahal.” Ang sagot kong muling ipinagpatuloy
ang pagpunas sa katawan niya.
“Hindi
ako naniniwala.”
“Di
huwag. Hindi importante sa akin kung maniwala ka o hindi. Walang mawawala sa
akin.”
“Nagbago
ka na...”
“Oo
nagbago na ako. Kagaya sa pagbabago ng islang ito, nagbago na rin ako. Pati ang
mga tao rito, nagbago na rin.”
“Dahil
ba mayaman ka na ngayon kung kaya ay nagbago na ang pag-uugali mo?”
“Ababababa!
At ako pa ngayon itong masama? Kung mayaman ako ngayon, iyan ay dahil nagsikap
ako! Kung nagbago man ako, iyan ay dahil niloko ako ng isang tao! Kung hindi
ako nagbago, siguro ay miserable ang buhay ko ngayon! Siguro ay nagpakamatay na
ako dahil sa tindi ng sakit na naramdaman ko!”
“Ako...
hindi pa rin nagbabago.”
“Sinungaling!”
“Totoo...”
“E,
kung talagang hindi ka nagbago, bakit naputol iyang isa mong paa? Di ba dahil nagbago
ka? Dahil iniwan mo ako? At kaya naputol iyan ay dahil may ibang taong pumasok
d’yan sa puso mo na dahilan upang maputol ng paa mo?!”
Nahinto
siya sandali. Napabuntong-hininga. “Ikaw pa rin ang nagmamay-ari ng puso ko.”
“Puwes,
sa iyo na iyang puso at bayag mo!” sabay hampas uli ng bimpo sa kanyang
pagkalalaki. At baling sa pintuan, “Junjun! Tapos na ako, pasok ka na sa loob!”
“Opo
tita!” ang narinig kong sagot ng bata.
Ipinasuot
ko muli ang kanyang pantalon at naghanap ng malinis na t-shirt niya sa kabinet.
Ipnasuot ko ito.
“Ang
bait ng anak kong iyan. At matalino pa...”
Hindi
ko na sinagot ang sinabi niyang iyon. Nang maisuot na niya ang kanyang t-shirt
at pantalon, dumiretso na ako sa pinto upang umalis na. Nang nasa pinto na ako,
nilingon ko siyang muli, “Oo nga pala, ipa-demolish ko ang bahay na ito sa
sunod na buwan. Gagawin naming hotel para sa mga turista ng isla. Kaya maghanap
na kayo ng iba pang matutuluyan.” At tuloy-tuloy na akong umalis, hindi na
hinintay pa ang kanyang sagot. Siya namang pagpasok din ni Junjun at
nagkasalubong kami sa sa may hagdanan.
“Sana
huwag ka munang umuwi Tita...” ang malungkot na sabi ng bata.
At
ewan, sadyang napaka-cute na bata lang kasi ni Junjun at parang ang lakas ng
hatak nito sa akin. At ang nasagot ko na lang ay, “Alagaan mo ang papa mo ha?”
“Opo...”
ang sagot ng bata.
“Halika
nga pala, samahan mo ako sa bahay, may ibibigay ako”
“Opo
Tita... Magpaalam lang po muna ako sa papa ko.”
Dinala
ko si Junjun sa bahay. “Ang ganda po ng bahay ninyo Tita!”
Nginitian
ko lang si Junjun at dinala ko siya sa kusina. “Gusto mo bang kumain?” Nagsandok
ako ng pagkain at ulam, inilagay iyon sa plato sa ibabaw ng mesa. Naglagay din
ako ng softdrink sa isang baso at inilagay iyon sa gilid ng plato. Nasilip ko
kasi sa kanilang kusina ang kaldero na walang laman. At syempre, sariwa pa sa
isip ko ang unang tagpo namin na itinaboy ko sila sa kabila nang pagkarinign
kong nagugutom ang bata at gustong kumain.
Ngumiti
si Junjun. Iyong ngiti na nahihiya, ang kamay ay iginuri-guro sa dulo ng
kanyang t-shirt na parang ayaw niya dahil nahihiya ngunit gusto dahil nagugutom
siya.
“Huwag
ka nang mahiya. Mula ngayon, kapag nagugutom ka, punta ka lang sa akin ha?” At
inalalayan ko siya upang makaupo sa silya sa harap ng mesa. “Kumain ka lang
diyan at may kukunin lang ako sa kuwarto ha?”
Naubos
ni Junjun ang inihain kong pagkain para sa kanya. Binigyan ko pa siya ng chocolate
cake at isa pang baso ng softdrink.
“Masarap
ba Junjun?”
“Opo...
busog na busog nga po ako eh.”
Napangiti
lang ako.
“Tita...
p-puwede bang dalhan ko si papa ng pagkain? Sigurado, nagugutom na rin siya.
Hindi kasi kami kumain kagabi kasi walang pera si papa.”
Tila
tinusok naman ang aking puso sa narining. Ngunit nang sumingit uli ang galit ko
kay basti, parang binuhusan ako ng malamig na tubig at biglang natauhan. Ngunit
sa pagtitig sa akin ni Junjun, tila natunaw muli ang aking puso. “Sige... sige.”
Ang sagot ko. At kinuha ko ang topperware at pinuno iyon ng pagkain at ulam.
Pinadalhan ko na rin siya ng isang litro na softdrinks, gamot para sa papa niya
at naghanap rin ako ng damit na puwedng maisuot sa bata, at dalawang pantalon
na hindi ko isinusuot para ka Basti gawa nang dalawang pantalon lang ang nakita
ko sa cabinet niya. Dinagdagan ko na rin ng ilang brief dahil nga wala siya
noon.
At
iyon, bagamat nagkandahirap sa pagdala ng pagkain softdrinks at damit, bakas sa
mukha ni Junjun ang matinding kaligayahan. Hindi ko na siya tinulungan dahil
pakiwari ko ay umaakyat ang lahat ng dugo ko sa ulo kapag nakita ko ang
pagmumukha niya.
Simula
noon, tila nabulabog na naman ang aking mundo. Doon ko narealize na hindi
nawawala ang pagmamahal ko kay Basti. Ngunit matindi pa rin ang sakit na dulot
ng paglayo niya sa puso ko. Sa loob-loob ko ay gusto ko pa ring makapaghiganti sa
kanya. At gagawin ko ang lahat upang umalis sila sa isla.
Kinabukasan,
dumalaw saglit ang kaibigan kong kano. Paalis na siya noon at hinalikan niya
ako sa bibig bago tuluyang umalis. Ngunit siya namang pagsulpot ni Jun-jun sa
bukana ng aming bahay at nakita niya ang paghalik sa akin ni George.
“Tita!”
“Ay
Junjun ikaw pala iyan? Nag-igib ka na naman ba ng tubig?”
“Hindi
na po. Si papa na po ang nag-igib. Magaling na po siya eh. Salamat daw po sa
pagkain at brief niya.” At baling sa naglalakad palayo na Amerikano, “Sino po
iyon Tita?”
“Ah,
si George, kaibigan ko. Guwapo ba?” ang biro ko sa bata.
“Mas
guwapo po sa kanya si papa.”
Napangiti
naman ako ng hilaw. Paqang natameme. Totoo naman kasi ang sinabi ng bata
bagamat instinct lang iyong sa kanya na ang papa niya ang papanigan niya. Si
George kasi, bagamat guwapo, maputi, makinis, iba pa rin ang kapogian ng Pinoy
kaysa Amerikano. Para bang nakakaumay ang kanilang kapogian. Samantalang ang
pinoy, lalao na si Basti, iyong balat na brown bagamat makinis, rugged ang
postura, at may tinatawag na hayop ang dating.
“Bakit
po niya kayo hinalikan sa bibig?” ang dugtong ni Junjun.
Tila
hinataw naman ng matigas na bagay ang aking ulo sa narinig na tanong. “Eh... m-mas
higit pa kami sa mag-kaibigan eh.”
“A-ano
po iyon?”
“Eh...
iyong masyadong malapit sa isa’t-isa.”
“Gaya
ng magkasintahan?”
“Alam
mo na iyon?”
“Opo...
napanood ko sa TV”
“Hmmm.
Parang ganoon na nga.”
“Ah...
bakit po si papa. Ayaw niyo po ba sa kanya?” Ang tanong uli niya na lalo namang
ikinaturete ng utak ko.
“Bakit
gusto mo ba ako para sa kanya?” ang sagot ko na lang.
“Opo....”
“E,
bakit ang mama mo? Ayaw mo ba sa kanya?”
Kitang-kita
ko naman ang biglang paglungkot ng mukha ng bata, yumuko na tila iiyak. “Hindi
naman niya kami mahal ni papa eh.”
“Bakit?
Nasaan ba siya?”
“Hindi
ko po alam...”
At
sa awa ko ay naalimpungatan ko na lang na niyakap ang bata. “Ako at ang papa mo
ay magkaibigan dati. Pero matagal na iyon. At ngayon, Hmm... k-kap-pitbahay ko
na lang siya. Iyon lang.” Nahinto ako. “Pero... pero... puwede mo akong maging
Tita.”
“Tita
naman talaga kita eh. Sabi ni papa, ambait daw po ninyo. Lagi niyo raw pong inaalagaan
ang papa ko.”
“Sinabi
niya iyan?”
“Opo.
Atsaka sabi pa niya, miss na miss ka na raw niya.”
“O
siya, huwag na tayong magkuwentuhan tungkol d’yan. Ayaw ko nang marinig pa” ang
nasambit ko. Baka kasi kung saan-saan mapunta ang usapan at galit pa ako sa
kanya.
Ngunit
hindi pa rin naawat sa kakakuwento ni Junjun. “Tapos tinanong po ako ni papa
kung papayag ba raw ako na kayo na po ang maging mama ko.”
Doon
na naman ako nagulat. Hindi ko lubos maintindihan ang aking naramdaman. Para
bang kinikilig na naiinis kasi nga, matinding sakit pa ang naramdaman ng puso
ko.
Ngunit
dahil marahil ay may naramdaman pa ako, nanaig ang pagpatol ko sa sinabi ng
bata. “A-anong sagot mo?”
“Syempre
opo ang sagot ko. Kasi po, inaalagaan ninyo po si papa... atsaka ako.” Nahinto
siya sandali at tiningnan ako. “Puwede po ba iyon, Tita?”
“Ang
alin?”
“Na
kayo na po ang magiging mama ko?”
“Paano
kung ayaw ko?”
“Sabi
ni papa liligawan ka raw niya.”
“Paano
nga kung ayaw ko?”
“Malulungkot
po ako. At siguro po... aalis na lang po kami ni papa rito sa isla.”
Ang
sagot ni Junjun na iyon ang tumatak sa aking isip. “Ganoon pala. Pahirapan kita
upang umalis ka na sa isla” bulong ko sa sarili.
Kinabukasan,
pinuntahan ko si Basti sa bahay niya. Nagkataon naman na nasa bahay ko si
Junjun. Binigyan ko na lang ng mga babasahin at laruan. Mahilig kasing magbasa
ang bata. Kahit hindi pa ito nakapag-aral, magaling nang magbasa. At mas gusto
pa niyang magbasa kaysa manood ng palabas sa TV. Kaya nagkaroon ako ng
pagkakataon. “Junjun, dito ka lang muna ha? Magbasa ka lang muna. Basahin mo
ang kuwento at pagkatapos ay i-kuwento mo sa akin ha?”
“Opo”
ang sagot ng bata.
Dali-dali
kong tinungo ang bahay ni Basti, pumasok sa loob nang hindi man lang kumatok.
Nasa kusina siya at naglilinis.
“Hoy!”
ang sigaw ko.
Bigla
siyang napalingon sa akin, bakas sa mukha ang pagkagulat. “Ah, ikaw pala
Julie... Buti at napadalaw ka. Salamat pala sa pagpaalala mo kay Junjun na
alagaan ako.”
“Hindi
ko sinabi iyon dahil sa iyo.” Ang pagbara ko sa kanya. “Sinabi ko iyon dahil
gusto kong lumaki ang bata na may respeto sa magulang. Kung puwede nga lang
sanang utusan siyang sakalin ka kapag nakatulog o di kaya ay daganan ng unan
ang mukha mo upang hindi ka makahinga, matagal ko na sanang sinabi ko iyan sa kanya!”
Napangiti
naman siya ng hilaw.
“At
huwag na huwag mong gamitin ang bata sa kung ano man ang balak mo pa para sa
akin. Ang kapal naman ng mukha mo upang sabihin sa bata na ligawan mo ako???
Anong tingin mo sa akin? Utu-uto? Pagkatapos mo akong lokohin, ganoon na lang?”
“Inaamin
ko naman, Julie... nagkamali ako. Lahat naman ng tao ay nagkamali di ba?”
“Oo,
lahat ng tao ay nagkamali. Ngunit ang karamihan sa kanila, hindi sinadya.”
“Pinagsisihan
ko na ang lahat, Julie...”
“Puwes,
huli na ang pagsisisi mo! At puwede ba, maghanap ka na ng ibang matuluyan dahil
ipapademolish ko na itong bahay na ito!”
“D-di
ba ang sabi mo ay sa isang buwan pa?”
“Oo...
pero bago ang isang buwan, gusto kong umalis na kayo rito!” sabay talikod at
padabog na isinara ang pinto.
Iyon
ang ipinakita kong katarayan kay Basti. Nasasaktan pa kasi ako sa kanyang
ginawa. Hindi pa ito naghilom at gusto kong makaganti sa kanya. Kaya pinilit
kong maging sintigas ng bato ang aking puso.
Isang
araw, dumalaw si George. Nagkataon namang nasa labas ako ng bahay at natatanaw
kong nasa labas din ng kanilang bahay si Basti. At dahil gusto ko siyang
asarin, talagang nakikipaglampungan ako kay George. Niyayakap ko siya,
hinahalik-halikan. Nakiyakap at nakihalik na rin si George sa akin. Para kaming
magkasintahang makikita sa palabas sa sine. Alam ko, nagulat si george sa aking
inasta.
Habang
nasa ganoon kaming paglalampungan, napansin naman ni George si Basti. “Who’s
that guy?”
Napatingin
ako sa kinaroroonan ni Basti na nakaupo sa isang bangko sa harap ng kanyang
bahay. “That’s Basti.”
Tiningnan
ako ni George. Kinikuwento ko kasi sa kanya si Basti, na siyang taong una kong
minahal ngunit hindi na bumalik pa sa isla. At bagamat hindi ko sinasabi,
naramdaman kong naaamoy pa rin ni George na si Basti pa rin ang itinitibok ng
puso ko.
Nabigla
na lang ako nang kumalas sa akin si George at tinumbok ang kinaroroonan ni
Basti. Dahil hindi ko alam kung ano ang motibo niya, sumunod na rin ako.
“Hi
Basti! I’m George.” Ang pagbati niya kay Basti sabay abot ng kanyang kamay.
Kinuha
ni Basti ang kanyang crutches atsaka tumayo tinanggap ang pakikipagkamayan ni
George at sumagot ng, “Basti...”
“I
heard so much about you” dugtong ni George sabay lingon sa akin.
Napangiti
naman ng hilaw si Basti sa akin, hindi sinagot ang sinabing iyon ni George.
Ngunit
nagsalita uli si George. “You have” nothing to worry ‘coz Julie and I are jus—”
At
doon ko na siya hinarang sa sunod niyang sasabihin sana. Sadyang hinalikan ko
ang kanyang mga labi upang maputol ang kanyang sasabihin. Ayoko kasing ibunyag
niya kay Basti na wala kaming relasyon, na ang lahat sa amin ay walang emosyonal
na ugnayan, no strings attached, kumbaga.
“Let’s
come to my house love...” ang sambit ko kay George na kitang-kita sa mga mata
ang ibayong pagkagulat.
Lumingon
siya kay Basti, “Ok... see you later Basti!” ang pagpapalam ni George bagamat
halatang naguluhan ngunit sumunod pa rin sa akin.
Habang
naglalakad kami ni Geoge patungo sa bahay ko, lihim ko namang tinitigan ng
matulis si Basti. Hindi ko alam kung ano ang naramdaman niya. Pero iyon naman
talaga ang gusto ko, ang masaktan siya.
Nang
nakarating na kami ng bahay, doon na ako tinanong ni George kung anong nangyari
at biglang “Love” na ang tawag ko sa kanya. Nag-explain ako, nag-sorry at
nakiusap na makilaro na lang muna sa akin. Ibinunyag ko na rin kay George ang
pagtaksil ni Basti sa akin at ang sakit na naramdaman ko hanggang sa
pagkakataong iyon.
“Ok...
I’ll do that for you, as your friend. But I tell you, this won’t help to ease the
pain in your heart. Believe me.” Ang payo niya.
“Trust
me. I’ll be vindicated” ang sagot ko na lang.
Iyan
ang drama namin ni George. Ipinapakita kong may mahal na ako at masaya ako sa
kanya, kay George.
“Ano...
hindi ka pa rin ba aalis dito? Nakita mo naman, hindi ka na kailangan pa rito
sa isla. Wala ka nang silbi. Pagkatapos kang tulungan ng islang ito sa iyong
pag-aaral, tinalikuran mo sila. Pero at least umunlad pa rin ang isla kahit
wala ka. Tuloy pa rin ang paglago nito kahit ako lang mag-isa ang naghanap ng
paraan; ako na hindi na nga nabigyan ng tulong upang makapagtapos sa aking
pag-aaral ay niloko pa ng isang tao. Kung ako sa iyo, mahihiya na akong bumalik
dito. Kaya sana, lumayas ka na...”
“Ang
sakit mo namang magsalita.”
“Ngayon
masakit? Bakit ikaw noong nasa tuktok ka pa ng iyong kaligayahan, naalala mo ba
ako? Naramdamn mo ba ang sakit na naramdaman ko?”
“Tama
na Julie... nasasaktan ako.” Ang sagot niya habang pinahid ang mga luha na
nagsimula nang magsidaluyan sa kanyang pisngi.
“Masakit
pala talaga ano? Iyan ang sinasabing weather-weather lang. Karma? Ngayon,
naramdamn mo na!!!”
“Lahat
ng tao Julie ay nagkakamali.”
“Hindi
pagkakamali ang sa iyo, panloloko!”
“Pagkakamali
rin iyon, Julie... at nagkataon na ang pagkakamali ko ay may matinding dulot na
sugat sa iyong puso... at sa akin.”
“Ay...
nasugatan ka rin? Oo nga pala, naputol nga pala ang paa mo. Pero buti sa iyo
ang paammo lang. Ang sa akin, puso!”
“Kaya
nga... sana ay mapatawad mo man lang ako, Julie.”
“Hindi.
At wala kang aasahang pagpapatawad sa akin!”
“K-kahit
patawad na lang ang tanging hihilingin ko, Julie. Ngayong sinabi mong wala na
pala akong puwang sa puso mo, hindi na ako aasa. Kahit man lang bago kami
lilisan ni Junjun sa islang ito.”
“Ah,
iyan ang hindi maaari. Lumayas na lang kayo rito, baka makalimutan ko rin ang
lahat. At baka kapagn nangyari iyan, mapawi na ang sakit na naramdaman ko at
mapatawad na kita!” At umalis na ako.
Alas
6 ng hapon, sinadya ko talagang tanggalin ang koryente na naka-connect sa kanilang
bahay. Alam ko, masama ang ginawa ko. Ngunit dahil sa matinding hangaring
umalis na sila, talagang ayaw kong paawat.
Inobserbahan
ko kung ano ang mangyari. Tahimik naman sila sa loob. Kaya sa buong magdamag na
iyon, tanging ang bahay ni Basti lamang ang walang koryente sa buong isla.
“Tita
Julie...” Si Junjun. Maaga itong dumalaw sa bahay at sa pagkakataong iyon,
dala-dala niya ang isang kaldero.
“O
bakit?” ang sagot ko.
“Puwede
po bang dito ako magsaing? Wala po kasing koryente sa bahay namin eh. Madilim
po at hindi po ako marunong gumamit ng kalan.”
“Bakit?
Nasaan ba ang papa mo at ikaw ang inutusan niyang magsaing? Hindi ba siya
naaawa sa iyo?” ang sagot ko sabay abot sa kalderong dala-dala ng bata.
“Hindi
po siya makatayo, Tita eh. Masakit po ang katawan niya. Kagabi, hindi siya
nakapagsaing ng hapunan kasi biglang namatay ang ilaw at natisod po siya. Ang
sabi ko na lang kay papa na busog naman ako. Natulog na lang kami. Hindi na
lang kami naghapunan.”
Tila
may humataw naman ng isang matigas na bagay sa aking ulo at pakiwari ko ay
piniga ang aking puso sa pagkarinig sa sinabi ng bata. Syempre, sinadya kong
putulan sila ng koryente. “O sya... halika at kumain ka na rin...” ang naisagot
ko na lang, pilit iwinaksi sa isip ang matinding hiya na aking naramdaman sa
sarili. Binuksan ko ang kalderong dala-dala niya at nakita ang kakapiranggot na
bigas sa loob nito. “Kasya ba sa inyo ito?” Tanong ko.
“Kaunti
lang naman po ang kinakain ni papa. At ako rin...”
At
ewan. Gusto kong maawa ngunit pilit pa ring nagmamatigas ang aking puso.
Dinala
ko si Junjun sa kusina at dali-dali akong naghanda ng aming agahan upang
pakainin ko na lang si Junjun. Nagluto ako ng hotdog, itlog, at ham at pinirito
ang kanin na tira namin nang gabing nakaraan. “Ano ba ang sakit ng itay mo?”
ang tanong ko habang abala sa pagluluto at si Junjun naman ay nakaupo lang sa
harap ng dining table. Dinagdagan ko rin ng bigas ang kalderong dala niya at inilagay
na rin sa saingan.
“Hindi
ko po alam eh. Kaya nga po umalis ang mama ko kasi po, hindi raw niya kayang
alagaan ang itay. Wala na po kasing trabaho ang itay, at wala na ring pera.
Kaya iniwan niya kami ng papa ko...”
Napatingin
na lang ako sa bata, naawa. Parang gusto ko siyang yakapin at kargahin.
“Namiss
mo ba ang inay mo?”
“Hindi
ko po alam. Kasi po inaaway niya palagi ang itay atsaka sinasaktan din po niya
ako.”
Tahimik.
“Sana
po, kayo na lang ang inay ko...” ang dugtong ni Junjun.
Isang
pilit na ngiti lang ang isinukli ko kay Junjun. Alam ko naman kasing hindi na maaari.
Sarado na ang puso ko para kay Basti. At matindi pa rin ang galit ko sa kanya.
Nang
matapos na ang aking inihanda, kumain na kami ni Junjun. Sinamahan ko na rin siya
sa pagkain.
“Tita,
puwede po ba akong magdala nito...” turo niya sa hotdog na tira sa plato
“...atsaka nito?” turo naman sa ham. “Masarap po kasi siya. Sigurado po, gustong
kumain ni papa ng ganyan.”
“O
sya... dalhin mo lahat iyan.” Ang sagot ko naman. Kumuha ako ng topperware at
doon inilagay ang mga ulam.
Inihatid
ko si Junjun hanggang sa may bukana ng bahay. Pinagmasdan ko siya habang
naglalakad. Awang-awa ako sa kanya. Nakasuot ng malaki at lumang puting sandong
nakalaylay hanggang sa kanyang binti, bitbit ang kaldero ng sinaing at
topperware na pinaglagyan ng ulam. At bagamat halatang nahirapan sa dala, bakas
naman sa mukha ang tuwa na may maiuwing pagkain sa ama. Isang napaka-inosenteng
bata, bibo, matalino, at napakabait. Ngunit biktima ng makasariling ina, at sa
pagkakataong iyon ay napagitnaan naman ng dalawang nag-uupugang bato – ang itay
niya, at ako. Pakiwari ko ay natutunaw ang puso ko habang pinagmasdan siyang
naglalakad pauwi sa kanila. Binitiwan ko na lang ang isang malalim na
buntong-hininga.
Malapit
na ang deadline ko sa pagpapalis kay Basti sa bahay niya. Isang araw na napadayo
uli si Junjun sa bahay, ipinasagot ko sa kanya ang isang exercise book para sa
mga bata. Spelling iyon. Magaling na kasing magbasa at magsulat ang bata.
Matalino si Junjun kung kaya ay pang Grade 3 na exercise book na ang aking
pinasagutan. Ngunit nagkamali siya ng sagot. Ewan kung may bumabagabag sa isip
niya. Pansin ko kasi ang lungkot sa mukha niya. “Ay nagkamali ka Junjun!” ang
sambit ko nang mapansin ko ang mali.
Nahinto
siya. Napatingin sa akin. Hindi ko alam kung ang tanong niyang iyon ay ang siyqang
bumabagabag sa isip niya. “Tita, kapag nagkamali ba, masama?” ang puno ng
kainosentehang sambit niya.
“Hindi
naman. Bakit mo naitanong iyan?”
“Kasi
sabi ni papa, masama raw ang magkamali. Minsan nagagalit po si papa sa akin
kapag nagkakamali ako. Kayo po ba naggalit kapag nagkamali ako?”
“Ang
batang ito, oo... Hindi ako maggalit ah. At hindi totoo ang sinasabi ng papa mo
na masama ang magkamali. Normal lang ang magkamali. Kung hindi ka magkamali,
hindi ka na tao niyan. Superman ka na.”
“Ganoon
po ba?”
“Oo...
Sa pagkakamali, natututo ang tao... Kung nagkamali ka, sa susunod, alam mo na
ang iyong gagawin kasi naranasan mo na.”
“Bakit
si papa, nagkamali raw siya. Hindi na ba siya matuto?”
“Bakit
ano ba ang sabi niya?”
“Kasi
sabi ng papa sa akin, nagkamali raw siya. At at nasira ang buhay niya. Ako rin
ba masisira rin ang buhay ko?”
“Syempre
hindi, Junjun. Hindi masisira ang buhay ng tao sa isang pagkakamali lang. Mali
ang sabi ng papa mo!” ang giit ko na tumaas ang boses sa pagkairita sa maling
pinagsasabi ni Basti sa anak.
“Sabi
kasi ni papa, dahil sa pagkakamali niya, nawalan na siya ng pag-asa. Parang
ayaw na niyang mabuhay.”
Natameme
naman ako sa aking narinig. Tila may isang napakatulis na sibat na tumusok sa
aking puso. Napatitig na lang ako sa kanya.
“Bakit
po ganoon si papa?”
At
doon, niyakap ko na lang si Junjun. “Huwag na nating pag-usapan iyan Junjun.
Ganyan lang talaga ang papa mo. “Bawat tao, may kanya-kanyang paniniwala... At
siguro, masakit ang karanasan ng papa mo. Di ba, umalis ang mama mo? Kaya
nalungkot ang papa mo.” Ang naisagot ko na lang sa bata. At itinuloy ko na ang
pagtuturo sa kanya.
Nang
natapos na kami, nagpaalam na si Junjn na umalis. Nasa may pinto na siya nang
lumingon pa ito sa akin. Sobrang lungkot ang kanyang mukha. Noon ko lang nakita
ang ganoon kalungkot na mukha ng bata. “Tita, aalis na po kami dito sa isla bukas...”
ang sambit niya.
Hindi
ko lubos maipaliwanag ang aking naramdaman sa narinig na sinabing iyon ni
Junjun. Nalungkot na hindi ko na siya makita pa, at bagamat nandoon pa rin ang
matinding galit ko kay Basti, may lungkot din akong nadarama sa nalamang aalis
na sila. Tila nanumbalik muli ang sakit na naramdaman ko sa pagtataksil sa akin
ni Basti. “S-saan naman kayo pupunta?” ang tanong ko.
“Babalik
na raw kami sa syudad. Sa dati naming bahay.”
“Saan
iyon?”
“Hindi
ko po alam...” ang sagot ni Junjun at tuluyan na siyang umalis. Sinundan ko ng
tingin ang bata hanggang sa narating nito ang bukana ng kanilang bahay.
Pakiwari ko ay umiyak siya habang naglalakad sa buhanginang daanan. Nakita ko
kasi ang pagpunas niya sa kanyang mga mata gamit ang dulong bahagi ng sando
niyang nakalaylay.
Sa
gabing iyon, hindi ako mapakali. Hindi makatulog, pabaling-baling sa aking
higaan. Iyon bang pakiramdam na naiinis sa sarili kung bakit nagmahal pa rin
ako sa kanya ngunit hindi ko pa rin makalimutan ang sakit na dulot ng pagtaksil
niya sa akin. Tila may naghilahan sa akin isip. Ang isang bahagi nito ay na
patawarin ko na lang siya at ang isang bahagi naman ay may matinding pagmamatigas.
Kinabukasan,
tinungo ko ang bahay ni Basti. Hindi ko alam kung bakit. Marahil ay gusto ko
lang makasiguro na wala na talaga siya at si Junjun.
At
doon ko nakumpirmang wala na nga ang mag-ama. Hindi ko namalayang dumaloy na
pala sa aking pisngi ang mga luha. Hindi ko lang alam kung para saan iyon; kung
para ba kay Basti, para ba sa pag-ibig kong tuluyan nang mabubura sa kanyang
pag-alis, o para kay Junjun na napamahal na rin sa akin.
Tinungo
ko ang dalampasigan. Doon sa unang cottage kong ginawa, sa lugar mismo kung
saan una namin nilasap ni Basti ang sarap ng aming pagmamahalan. Naupo ako sa
isang bangko at itinutok ang paningin sa kawalan.
Nasa
ganoon akong pagmumuni-muni nang napansin ko ang mga buhangin sa dalampasigan.
May nakasulat. “Hindi lahat ng naisulat sa buhangin ay nabubura. Ang ang iba ay
nanatiling nakaukit sa puso. Nagkamali man ang isang tao, hindi ito nangangahulugang
nabura na rin ang lahat. Habang pumipintig pa ang puso, manatiling buhay sa
alaala ang mga isinulat niya sa buhangin...”
Binitiwan
ko na lang ang isang malalim na buntong-hininga. “Huli na ang lahat Basti...”
ang bulong ko na lang sa sarili.
Habang
pilit kong pinataas ang morale ko upang huwag maapektuhan sa lungkot, naaninag
ko naman sa dagat ang paparating na bangka. Pansin ko ang kumakaway na tao
dito. Lumingon ako sa aking likuran upang kung ako ba talaga ang kinakawayan
niya o may ibang tao. Ngunit ako lang ang tanging tao sa dalampasigan.
Nang
tuluyan nang nakadaong ang bangka, dali-daling nagtatakbo patungo sa
kinaroroonan ko ang tao. Si Boying pala, ang assistant sa pampasaherong
bangkang iyon. “Si George at Basti, nagsamang lumuwas!”
Tila
nasabugan naman ako ng bomba sa aking narinig.”Bakit sila nagsama?” ang tanong
ko.
“Tawagan
mo na lang si George.”
Nagtatakbo
akong umuwi ng bahay upang kunin ang aking selpon. Naiwanan ko kasi ito. At
doon nakita ko ang maraming misscall galing kay George.
Agad
ko siyang tinawagan. “George? Anong nangyari?”
“Come
here. Basti is in the hospital! I talked to him last night and he is in a
serious condition, that’s why I accompanied him to the hospital. He could die
anytime and his last wish is to see you! Hurry up before everything is too
late!”
At
doon na ako bumigay at nag-iiyak. Tila bumaligtad ang lahat sa aking isip. Doon
ko narealize ang sobrang kasamaan ko. Dali-dali akong sumakay sa bangka na
sumunod na biyahe.
Habang
naglalakbay ang bangka, hindi naman ako mapakali. Halos lahat na lang nag santo
ang nabanggit ko, nanghingi ng patawad sa masama kong inasal sa mag-ama.
Sobrang hiya ko sa aking sarili. At ang mga sumisingit na sa aking isip ay ang mga
ginawang kabutihan sa akin ni Basti. Bigla kong nalimutan ang kanyang pagtaksil
sa akin. Nanumbalik din sa aking isip ang payo sa akin ni George nang pinilit
ko siyang sakyan ako sa pagkunyaring magkasintahan kami sa harap ni Basti,
“This is not going to solve everything. Face the truth and tell him what you
really feel. Then everything will start to fall into places...” Pati ang payo
rin ng inay ay sumingit sa aking isip, “Hindi importante kung bakit nagkamali
ang tao, o kung ano ang dahilan ng kanyang pagkakamali. Ang mahalaga ay ang
pagpapatawad, lalo na kung ang taong nagkamali sa iyo ay humingi nito.
Napakasarap ng buhay, Julie akung wala kang kinikimkim na galit sa kapwa, kung
ang lahat ng taong nakakasalamuha mo ay walang kinikimkim na sama ng loob sa
iyo. Dapat nga ay maging masaya ka na sa buhay kasi, may pera ka, kahit ano ang
gusto mong bilhin ay nabibili mo. Iyon iba ay hindi pa sapat? Tapos, ikaw pa
ang nakapagpaunlad sa isla. Lahat ng tao sa isla ay tumitingala sa iyo,
humahanga, proud sa ginawa mo. At ang paghanga nilang iyan ay mas lalao pang
titindi kapag nakita nilang napakadakila ng iyong puso... Sa kabilang panig, tingnan
mo si Basti. Wala na ngang mga magulang, iniwanan pa ng asawa. At hayan,
naghirap, may karamdaman, at putol ang isang paa. Hindi pa ba sapat ang lahat
ng kaparusahang iyan sa kanya? Ano pa ba ang gusto mo? Kung ayaw mo nang
makipagbalikan sa kanya, kahit patawarin mo na lang siya. Kahit para na lang sa
ilang taon na pinagsamahan ninyo noong mga bata pa kaya, o kahit na lang sa mga
ginagawang kabutihan niya para sa iyo. Kung hindi man sapat, kahit man lang
para kay Junjun. Kalimutan mo na ang nagawa niyang pagkakamali sa iyo, anak...”
Sumingit
din ang pagmamakawa sa akin ni Basti, “Patawarin mo na ako, Julie. Alam kong
malaki ang pagkakasala ko, ngunit kahit patawarin mo lang ako, masaya na ako.
Lahat naman ng tao ay nagkakamali, di ba?”
Ngunit
ang pinakamabigat sa lahat ay ang tanong ni Junjun sa akin, “Masama po ba ang
magkamali Tita? Masisira po ba ang buhay ko kapag nagkamali rin ako katulad ni
papa?”
Dali-dali
akong nagtungo sa sinabi ni George na ospital. Sinalubong ako ni George at
Junjun na nag-iiyak. Nalaman kong sa banka pa lang ay nag-collapse na raw si
Basti at unconscious na.
Agad
akong pumasok sa kuwarto ni Basti. Nakahiga siya sa kama at may dextrose na
nakakabit sa kanyang kamay at may oxygen tubes ding nakakabit sa kanyang ilong.
Wala pa rin siyang malay. Hindi ko maisalarawan ang matinding takot at
pagsisisi na nadarama ko.
Agad
akong lumapit sa kanya at niyakap siya. Nag-iiyak, halos magsisigaw na...
“Basti!!! Patawad! Sobrang napakasama ng ginawa ko sa iyo. Nagsisi na ako
Basti! Huwag mo akong iwanan! Lumaban ka Basti! Pangako ko sa iyo na kapag
gumaling ka, papayag na akong makipagbalikan sa iyo. Mahal na mahal pa rin kita
Bastiiii!”
Habang
nasa ganoon akong pagsisigaw, nabigla naman ako nang biglang iminulat ni Basti
ang kanyang mga mata at nagsalita ng, “Totoo???” at nakangiti pa.
Sa
pagkagulat ko, nilingon ko kaagad si George, may kaunting pagka-inis ang mga
tingin. Para kasi akong nabigla at sa pagkakita sa kanyang nakangiti pa ay para
ring binatukan ako at naalala ang panloloko niya. “I thought you said he is
unconscious?” sambit kong tumaas ang boses.
“He
was unconscious but I did not say he is a state of coma!” Ang pilyong sagot ni
George.
“And
you said he is dying??? Is that the face of a dying person?”
“Err...
technically, yes, he is dying. But not until he is treated.”
“Huh!
Bakit? Ano po ba ang sakit niya?” ang tanong ko sa duktor nagkataong pumasok sa
kuwarto ni Basti.
“Ah...
isang hindi pangkaraniwang uri ng sakit o disorder sa buto na kung saan ay nawawalan
ito ng lakas, nagiging brittle. At kapag hindi naagapan at lalala pa, hindi na
ito magagamot pa. At nasa medyo critical na stage na siya. Dapat ay malunasan
na ito ng tamang gamot. Ang problema, wala tayong gamot dito sa Pilipinas para
sa ganitong klaseng karamdaman. Sa amerika at mga mayayamang bansa lamang
mayroon nito.”
Napatingin
ako kay George.
“Don’t
you worry Julie. Because I admired Basti’s love for you, and because you are a
really, really nice friend – remember that day when I almost drowned and you
saved my life? – I owe you my second life my dear friend. And I’ll do
everything for you. And I mean everything!”
Napangiti
naman ako. Naalala ko pa ang insidenteng iyon kung saan ay nanghingi siya ng
saklolo habang naglalangoy sa dagat at bigla siyang napulikat. Hindi ako
magkandaugaga noon kung anong gagawin dahil nakita kong lumubog na siya. Ngunit
sa kagustuhang magsagip siya, lumangoy ako, sinisid siya hanggang sa madala ko pa
sa dalampasigan at ako pa mismo ang nag mouth-to-mouth sa kanya. Iyon ang simula
ng panliligaw niya sa akin.
Nagpatuloy
siya. “My dad is a surgeon and I called him up already. He said he has a friend
who specializes in Basti’s case. He can help Basti, and now that he knew that
Basti’s love saved my live. According to my dad, we can all go there, all-expense
paid!”
“Wowwww!”
Sigaw ko naman. At nang tiningnan ko si Basti, mangiyak-ngiyak ito sa tuwa.
“So
everything is going fine! We just need to prepare the documentations, some
tests, and travel formalities” ang pagsingit pa ng duktor ni Basti.
Naalipungatan
ko naman ang kamay ni Basti na inilingkis sa aking beywang.
Nilingon
ko siya, “Heh! Galit ako sa iyo! Kakainis ka!” ang pabiro kong sambit.
“Bistado
na kita. Dinig na dinig ng lahat. Mahal mo pa rin ako. At nagpromise ka pa na
kapag gumaling ako, tayo na uli...”
“Ewan
ko sa iyo. Binabawi ko na.”
“Julie
naman... Sorry na please. Wala nang bawian.”
At
ano pa ba ang magagawa ng lola ninyo kundi ang bumigay. Lalo na nang pilit pa
rin niyang inilingkis ang kamay niya sa aking katawan, niyakap ko na rin siya
at hinalikan sa bibig.
“Yeheeeeyyy!”
Ang sigaw naman ni Junjun.
At
iyon. Nagkabalikan kami ni Basti. Doon ko na rin nalaman ang kuwento niya, kung
bakit napunta sa buhay niya ang classmate niya na siyang naging ina ni Junjun.
“Naging matalik kaming magkaibigan ni Nadia at isang araw ay nalasing siya at
doon nakatulog sa boarding house ko. Nabuntis ko siya at dahil nagbanta ang siyang
magpakamatay kapag hindi ko pananagutan, napilitan akong makipag live-in sa
kanya. Sa hiya ko sa nangyari, hindi na ako nagpakita pa sa isla. Hanggang sa
dinapuan ako ng matinding karamdaman. Iyon ang dahilan kung bakit iniwan kaming
mag-ama ni Nadia. Nalaman ko na lang na nagpakasal daw ito sa isang mayamang
negosyante sa La Union. Nang lumala pa ang aking karamdaman, sinulatan ko ang aking
mga magulang. Iyon ang dahilan kung bakit nila ibinenta ang lupa at bahay namin
sa isla, upang ipagamot sana ako. Ngunit...” ang paliwanag ni Basti na umiyak
habang ikinuwento ang lahat sa akin. “Nang naramdaman kong tila mamamatay na
ako dahil nga sa walang lunas kong sakit, kinapalan ko na ang mukha ko at umuwi
upang kahit sa huling sandali ng aking buhay ay mapatawad mo ako...” dugtong pa
niya.
Hinawakan
ko na lang ang kanyang kamay. “Ang sabi ng inay, kapag taos-puso ang pagbibigay
ng patawad, hindi na raw kailangan pang malaman ang detalye kung bakit at paano
ka nagkamali. Sapat nang nanghingi ka ng tawad at napatawad kita. At tama rin
siya sa sinabi niyang dapat akong magpasalamat sa buhay dahil sa pag-alis mo,
natuto akong tumayo, humarap sa mga unos ng buhay at magtagumpay. At si Junjun,
tama rin ang tanong niya. Hindi kailangang masira ang buhay ng isang tao dahil
lamang sa isang pagkakamali... Kaya heto, payag na akong sabay tayong magsimula
at buuin muli ang ating buhay at mga nasirang pangarap. At mas masaya pa ako ngayon
kasi, may Junjun na tayo... Sa kanya tayo huhugot ng inspirasyon at lakas upang
pagtibayin pa ang ating pagmamahalan.”
Tahimik.
“Naalala
ko mo ba isang araw na nasa kubo tayo, may sinabi ako sa iyong pangarap?”
Tanong ko.
Napangiti
si Basti. “Oo. Ang sabi mo, ‘Sana... kung magkaanak ka lang sana, kumpleto na
ang pagsasama natin. Buong-buo na tayo.”
“Tama.
At ikaw ang nagbigay niyan... si Junjun. At isang napakatalino at napakabait na
bata.”
“At
cute pa, manang-mana sa ama.”
Tawanan.
Paglipas
ng ilang araw, nakarating din kaming apat ni Junjun, Basti, at George sa
Amerika, kung saan siya ay ipinagamot. Nang lubusan nang gumaling si Basti,
pinagawan siya ng prosthetics upang normal ang kanyang paglakad.
At
dahil nagkataong nasa Amerika pa kami sa birthday ko, may salo-salong inihanda
si George at ama niya para sa amin. Napag-alaman kong die-hard LGBT supporter
pala ang ama ni George dahil nga kay George. Tanggap na tanggap pala ito ng
kanyang daddy at mommy.
Maraming
mga LGBT members ang dumalo. At ysympre, naka-coat and tie kaming tatlo ni
Basti at Junjun. Mistula kaming myembro ng banda dahil parehong-pareho ang mga
suot namin na kulay puti na may pulang rosas na nakasingit sa kanang bulsa sa
dibdib. Si Junjun naman ay hindi magkamayaw sa sobrang tuwa na nakapunta ng
Amerika, nakakita ng magagandang lugar at nakatikim ng mg apagkaing noon lang
niya natikman.
“Good
evening everyone! Thank you all for coming to Julie’s birthday party. And this
one, my a surprise for Julie – my way of thanking him for saving the life of my
beloved son, George.” Ang pambungad na salita ng daddy ni George sa birthday
party na ibinigay nila para sa akin.
Nahinto
siya sa pagsasalita, mistulang may hinihintay. Nilingon ko ang paligid, wala
pala si Junjun at Basti sa tabi ko. At nagulat na lang ako nang biglang may
spotlight na naka-focus sa isang bahagi ng hotel na naka-kurtina ng pula.
Unti-unti itong umangat.
At
namangha ako nang nakitang naroon pala si Basti sa likod ng kurtinang iyon.
Nang tumugtog ang isang musikang pangmartsa, naglakad si Basti patungo sa isang
sulok na may mesa na tinakpan ng puting table cloth. At sa likod naman ni Basti
ay nakabuntot si Junjun na karga-karga sa dalawang bisig ang tila maliit na
unan na may kung anong nakalagay sa ibabaw nito. Huminto ang mag-ama sa harap
ng mesang iyon at tila may hinihintay. Sa isip ko lang, “Ano kayang gagawin ng
mag-ama?” Naisip ko kasi na baka dahil magaling na si basti ay magsasayaw ito
at silang dalawa ni Junjun, at tatayo silang dalawa sa mesa, bale surprise
number nila sa akin.
Iyon
ang mga naglalaro sa akin gisip. Wala talaga akong kaalam-alam kung ano ang
drama ng mag-ama at kung bakit sila naroon. At nang nagsalita uli ang daddy ni
George, tila himatayin naman ako sa matinding pagkagulat. “Thank you all for coming
ad for being witness to the most memorable moment that would change Julie’s
life forever...”
At
nakita ko na lang ang isang pastor na sumulpot sa harap ng mesang iyon dala-dala
ang bibliya, nakaharap kina Basti at ang spotlight ay itinututok naman sa akin,
sabay naman sa pag-announce muli sa daddy ni George ng, “Welcome to Basti and
Julie’s Wedding!”
Nakakabingi
ang hiyawan at palakpakan ng mga guests. Sabayan pa ng pagpanglaglagan ng mga
confetti at bulaklak. Tila umikot ang paligid ko sa sobrang tuwa at pagkagulat.
Nilapitan
ako ni George, “May I do the honor to entrust my dear, dear friend to the one
person she truly loves?”
At
iyon, nagmartsa kami ni George habang hindi ko naman mapigilang huwag dumaloy ang
aking mga luha mula sa aking mga mata.
Pagkatapos
ng kasal ay may salo-salo. Hindi ko lubos maipaliwanag ang matinding saya na
naramdaman ko sa sandaling iyon. At si Junjun, hindi na rin humiwalay sa akin.
Ramdam ko ang kagalakan niya na sa wakas, may maituturing na rin siyang “mama”
sa buhay niya.
Nagkaroon
muna kami ng dalawang linggong honeymoon sa isang mamahaling resort, gastos pa
rin ng daddy ni George. At syempre, kasama rin namin si Junjun na masayang-masaya
at sobrang nag-enjoy.
Pagkatapos
ng honeymoon, bumalik kami sa isla at doon, tuluyan nang nagsama bilang tunay
na mag-asawa. At dahil may katulong na ako sa pagpaganda pa sa isla, lalo pang
lumago ito at lalo pang dumami ang mga turista. At syempre, lalo pang umangat
ang aming katayuan sa buhay.
Marahil
ay wala na akong mahihiling pa. Maliban sa isla na mahal na mahal ko, may Basti
na ako, at may Junjun pa.
Salamat
sa isang pagkakamali. Dahil dito, natuto akong magsikap, maging matatag
hanggang sa naabot ko ang tuktok ng tagumpay. Salamat din sa isang
pagpapatawad. Dahil dito, nabuo muli ang aking buhay, ang buhay ng mga taong
mahal ko, at ang mga nawasak naming pangarap.
Salamat
sa mga sulat sa buhangin. Dito nagsimula ang lahat...
Wakas.

grabehhh ang gsnda sir Mike...... wala me masabi.... ramdam na ramdam... ang lakas at ang bilis ng pagkabog ng dibdib ko habang binabasa to........ sus... alauna pa lng ng umaga dito....paano na me mkktulog..... hahaha.....
ReplyDeleteayos!
ReplyDeleteganda ng kwento!
di ko maipaliwanag nararamdaman ko, nakakainspire. dalang dala ako sa mga pangyayari.
ReplyDeletenice story kuya mike. by the way ako si taga_cebu. i hope you still remember me.
ReplyDeletesobra talaga sa ganda ng sulat mo kuya mike,,,, iyak ako ng iyak
ReplyDeletesugarspun214
Nabasa ko dati pero putol...now ko lang nabasa ng buong buo at grabe hindi ko alam kung anu sasabihin ko mejo naiyak ako sa last part...nakaka inspired at sarap basahin...Thank you so much !
ReplyDeleteGud job sir mike..npkganda ng story tagos s puso..at kakapulutan ng lesson..sobrang nkrelate q..
ReplyDeleteGud job sir mike..isa n nman maganda at inspiring n kwn2,sobrng tagos s puso,almost a year n hnd q nbsita ang msob,tpos ito ang bubungad skn..sarap ulit mgbasa..umasa at mangarap n sna isang araw mgkruon din me kwn2 ang buhay q..
ReplyDeleteI wish fairytales like this existed. :(
ReplyDeleteganda ng story. Worth it. :)
I wish fairytales like this existed. :(
ReplyDeleteganda ng story. Worth it. :)
edi IKAW na AUTHOR tlaga haha MORE INSPIRING STORIES plssss.... tnx
ReplyDeleteGrabe I really can't believe that a person like u has a very good mind
ReplyDeleteMore beautiful stories to come........,.........
Nice short story........Keep it up...
ReplyDeleteNice story sir mike I'm not expecting ur story is beri beyutipol hndi KO maiwasang lumuha grbe ..I'm Joshua Delacruz tnx keep it up..
ReplyDeleteNice story sir mike I'm not expecting yur story is beyutipol keep it up.I'm Joshua Delacruz ..
ReplyDelete