Paguwi ko sa bahay ng gabing yun.. Naabutan ko lang si aldred at si mommy sa sala.. Parehas silang nakapangalumbaba kaya natawa ko.
" may problema.?" natatawa kong saad.
" anak ano bang gift ang gusto mo.?" saad lang ni mommy.
" oo nga blue. Nahihirapan kami ni tita magisip kung ano ba magandang iregalo sayo..?"
" pinapagod niyo lang sarili niyo.. Ok lang sakin kahit ano.. Its the thoughts that counts nga di ba..?" ngiti ko lang saka tumabi kay aldred. " kamusta ang mahal ko..?" kurot ko sa pisngi niya.
" ok lang naman." saad lang ni aldred saka humalik sa pisngi ko.
" anak.. Yung family outing ..hindi pwede daddy mo eh.. ?"
" ganun ba mommy.. Ok lang dito nalang tayo sa house.. Para hindi nakakapagod.. May project din kasi akong gagawin mommy saka nalang yung outing."
" ok lang sayo anak.. Daddy mo naman kasi eh."
" ok lang mommy." ngiti ko.
" so aldred dapot ang gift kay blue ay effort dapat huh.. Walang party wala ring outing so sa gift tayo babawi understand aldred.?" ngiti ni mommy.
" ok tita.. Magiisip ako ng todo.."
" kayo talaga." ngiti ko lang.
" bihis ka na anak magdidinner na tayo.. Teka san ka nga pala galing.?"
" uhm bumili lang ng book.."
" sa bookstore.?" tanong ni aldred.
" no sa hardware... ? Malamang po sa bookstore.. Kasama ko si chris.. Sumabay sya sakin."
" si chris yung nag-iisa mong friend.?" ngiti ni mommy. " na kaagaw ni aldred sayo.?"
" no tita.. Sumuko na yun.." ngiti ni aldred. " bakit hindi mo sinabi sa text mo na kasama mo sya?"
" eh kasi natext na kita nung nagsabi syang sasabay sya eh.. Kaya hindi ko na nasabi."
" selos ka aldred noh.?" asar lang ni mommy..
" hindi po ako nagseselos.?"
" ows kilala na kita aldred.. Super seloso mo.." natatwang saad ni mommy.
" eh tita kasi naman si blue eh.. Hindi niya sinabi na kasama nya nanaman yung chris na yun.?"
" para kang baliw aldred.. Wala na yun.. Bibihis na nga ako.. Mommy kasi inaasar eh." ngiti ko lang saka naglakad papuntang hagdan.
" bilisan mo anak.. Gutom na ko." saad lang ni mommy saka tumayo si aldred naman sumunod lang sakin paakyat ng hagdan natawa lang ako ng makitang nakasimanagot sya.
" aldred para ka talagang baliw.. Di ba ok na tayo tungkol kay chris.?" wika ko lang sa kanya pagpasok sa kwarto.
" ok na nga sakin.. Pero ewan ko nagseselos parin ako.. Sorry huh.."
" wag ka ng magselos... Sabi naman ni chris ok na daw sa kanya.. Tanggap na daw niya kaya nga lang daw niya kinakausap dahil sa exam eh.. Kaya wag kang magaalala."
" gagamitin ka pa niya sa exam huh.?" saad ni aldred skaa umupo sa kama.
" papatulong lang sya. Wag mo na syang pagselosan.. Alam mo bakit hindi mo itry syang ifriend.. Alam mo mabait yun si chris." ngiti ko sa kanya habang nagbibihis.
" bakit ko naman sya kakaibiganin.?"
" wala lang.. Di ba ok lang naman na maging friend ko sya.. Para hindi ka na magselos.. Kaibiganin mo na rin.. Para makilala mo kung gaano kaunderstanding si chris.?"
" ayoko?"
" sige na aldred.. Naging kaibigan ko na rin kasi yun.. Panget naman kung iiwasan ko na sya di ba.?"
" basta ayoko.?"
" please..?" saad ko saka tumabi sa kanya. " subukan mo lang.. Im sure magiging ok naman kayo ni chris eh.. Sabi nga niya magdate daw tayo dun sa tinutugtugan niya eh."
" date.,?"
" oo kaya kaibiganin mo na sya huh.. " ilang sandali syang hindi nagsalita tumingin lang sya sa mukha ko. " wag mo na syang pagselosan huh."
" oo na sige na.. Susubukan ko.. Para may mata naman ako sa school niyo.."
" mata.?"
" tama nga noh.. Kakaibiganin ko si chris para sya yung magsasabi sakin kung nagtataksil ka na sakin."
" baliw ka." saad ko saka sya binatukan.
" aray naman bakit ka nangbabatok.?"
" bakit naman ako magtataksil sayo.. Kung may magtataksil satin baka nga ikaw yun eh.?"
" blue huh.. Faithfull ako.. Kahit kailan simula nung naging tayo wala na kong tiningnan.?"
" ano yun naging bulag ka nung naging tayo.?"
" to naman.. Yung mata ko kasi na sayo lang.. Kasi kaw lang naman yung mahal ko eh."
" ows.."
" oo nga promise.. Iniiba mo usapan huh.." saad lang ni aldred.
"wehh tara na nga baba na tayo nagugutom na ko eh." saad ko lang saka hinila si aldred patayo sa kama.
" blue.."
" ano.?"
" i love you.."
"oo na i love you too.. Gutom na ko hindi naman ako mabubusog sa i love you mo eh.. Tara na." ngiti ko sa kanya.
Friday ng hapon yun pasakay na sana ako ng tricycle ng pigilin ako ni chris.. Nakakunot ang noong tumingin ako sa kanya.
" uuwi ka na.?" ngiti sakin ni chris.
" obvious ba.?"
" birthday mo na bukas ah.. Anong plano.?"
" sa bahay lang.. Punta ka madaming lulutuin si mommy eh kami kami lang naman.?" saad ko lang. " and sabi ni aldred ok lang daw sa kanya na andun ka.. Pinaliwanag ko na.. Ok na tayo." ngiti ko lang.
" Im not sure kung makakapunta ako bukas eh.?"
" why naman. Ikaw na nga lang ang bisita ko eh hindi ka pa pupunta.?" simangot ko sa kanya.
" sus andun naman si aldred eh.. Moment niyo yun."
" kaw bahala.. Uwi na ko.?"
" hindi ka uuwi since hindi ako pupunta bukas... Ililibre kita ngayon." saad ni chris saka hinila yung kamay ko papunta kung san nakaparada yung motor niya,
" wait san tayo pupunta.?"
" basta ililibre kita.. Oo nga pala tinext ako ni aldred.. "
" anong sabi sayo.?"
" wag daw kitang agawin.. ?"
" ang baliw nun."
" ok lang.. Sabi ko sa kanya.. Ok na hindi kita aagawin friends nalang tayo.. Pero dahil birthday mo bukas sakay na." abot niya ng helmet sakin tiningnan ko lang sya. " kung iniisip mo si aldred.. Nagpaalam ako na ililibre kita.. Yang syota mo napakaseloso.?"
" hindi naman ata sya pumayag na sumama ako sayo eh.?"
" pumayag sya.. Birthday mo naman daw eh.. Saka mejo friends na kami nun."
" ows talaga.. Chris baka magalit sakin yun.?"
" so sinungaling ako.." ngiti niya saka kinuha yung cellphone sa bulsa at nagdial. " aldred ayaw maniwala ni blue na pumayag ka.?" saad nito.. Binigay naman sakin ni chris yung cellphone.
" ok lang na sumama ka sa kanya.. Ngayon lang naman.. Saka nangako yang lokong yan na ililibre ka lang." saad ni aldred sakin.
" sigurado ka.?"
" oo nga blue... Pahatid ka sa kanya huh.. Dito lang ako sa house niyo.. Tutulungan ko sa pagpeprepare mommy mo.?"
" ok thanks aldred.."
" i love you blue."
" i love you too." saad ko lang saka binigay kay chris yung cellphone.
" sakay ka na..?" ngiti nito..
" san ba kasi tayo pupunta.. Himala talaga pumayag si aldred na sumama ako sayo..?"
" friends na nga din kami nun. Sakay ka na. Dont worry ako naman ang nagdadrive so hindi kita aamuyin."
" baliw ka.." ngiti ko lang.
" sakay na." bumuntong hininga lang ako saka tiningnan si chris " sakay na.. Titingnan mo lang ba ko.?" ngiti pa niya sinuot ko naman yung helmet saka sumakay sa likod niya.." don't worry blue.. Ill make sure you'll be happy." lingon niya sakin.
" eh san mo ba ko ililibre..?"
" magmimilk tea lang tayo.."
' sus milk tea lang.. Birthday treat mo na sakin yun.. Cheap naman chris.?" natawa naman sya sa sinabi ko.
" eh san ba gusto mo.?"
" joke lang tara na... Si aldred kasi hindi mahilig sa ganun... Ngayon lang uli ako magmimilk tea.?" tapik ko sa balikat niya ngumiti lang sya sakin saka pinaandar yung motor..hanngang makarating kami sa isang building.. Bumaba lang ako saka hinubad yung helmet. " alam mo chris tatanda nanaman ako bukas kakainis noh.?"
" ganun talaga.. Tara na," hila niya sa kamay ko agad ko naman tong hinugot.
" oh wala ng hawak.. Pag nakita ni aldred na hinawakan mo yung kamay ko patay ako dun.?"
" grabe.?"
" oo nga.. Napakaseloso nun eh.."
" ok fine.. Alam mo blue hindi ako seloso." saad niya sinabayan ko naman yung paglalakad niya.
" ano naman.?"
" wala lang nabanggit ko lang.." ngiti niya hanggang makarating kami sa loob naghanap lang kami ng pangdalawahang mesa. " order lang ako huh." saad niya saka pumunta sa counter maya maya bumalik din sya agad napangiti lang ako ng mapagmasdan yung mukha ni chris. " bakit ka nakangiti.,?"
" wala lang.. Hindi ka na kasi mukhang broken hearted eh.?"
" eh ok na kasi ako.."
" ang bilis naman.. Kasi kung ako yan.. Siguro aabutin pa ko ng ilang buwan bago makangiti."
" well tinanggap ko lang na wala na talaga.. Saka ok na sakin yung friends na tayo.."
" edi ok.."
" ang faithfull mo kay aldred noh..?"
" syempre..mahal ko yun eh.. Ayoko bigyan sya ng reason para magselos.. Para walang away hindi ko kasi alam kung kakayanin ko kapag nawala pa sya sakin eh.."
" alam mo ang swerte ni aldred sayo... Kasi yung love mo sa kanya totoo.."
" swerte din naman ako sa kanya eh." maya maya dinala na sa mesa namin yung order ni chris.. " thanks sa libre chris huh."
" wala yun..buti ok na kayo sa parent mo..?"
" yeah.. Masaya nga eh.. Kasi wala kaming problema ni aldred.. Sa parents niya kasi mejo ok na din.."
" sana.. Someday maramdaman ko rin yung ganyan.."
" im sure.. Ikaw pa.. gwapo ka kaya... Daming magpapakamatay para mahalin mo.."
" papakamatay talaga.?" natatawang niyang saad.
" oo kaya.."
" blue oo nga pala.. Kahit isang beses lang punta kayo sa bar na tinutugtugan ko huh.. Para marinig mo naman akong kumanta.. Siguro kung narinig mo ko kumanta nuon bago mo nakilala si aldred baka ako ang mahal mo ngayon."
" wushhuu.. Ok na di ba.?"
" oo nga pala.. Basta mag date kayo minsan ni aldred dun im sure mageenjoy kayong dalawa pakinggan yung boses ko."
" sabihin ko kay aldred." ngiti ko lang.
" tingin mo ba blue.. Si aldred mahal ka talaga.?"
" yeah.. Oo naman... Bakit mo natanong.?"
" eh kasi baka paiyakin ka niya eh.. Wala din kwenta yung pagpaparaya ko sa kanya.. Masasapak ko yun kapag nakita kitang umiyak."
" adik.. Mahal ako nun sigurado ako.. Kala ko ba tanggap mo na.?"
" yeah oo naman.. Baka lang kasi may chance.?" ngiti niya lang sakin.. " joke lang."
" ang baliw mo.. Masarap kaya mainlove chris.. Bakit hindi simulan na manligaw na.. Ang dami nating magagadang classmates ah.?"
" masarap mainlove.. Eh nailove nga ako nasaktan lang ako.? Anong masarap dun.?"
" kasi magkagusto ka dun sa available pa.. Yung walang syota.?" ngiti ko lang.
" eh hindi ko naman alam na kayo pala ni aldred nung nagustuhan kita."
" sus.. " saad ko lang bigla naman nagring yung cellphone ni chris.. Napangiti lang sya ng makita kung sino tumatawag.
" si aldred.. Akala mo naman lage kang aagawin.. Hindi halatang mahal na mahal ka eh.?" ngiti lang niya saka sinagot yung tawag. " yeah hahatid ko na sya." saad lang ni chris saka muling nilagay sa bulsa yung cellphone..
" gabi na pala.. Hatid mo na nga ako."
" oo nga.. Ubusin mo na yan." saad lang niya.. Pagkaubos ng tea namin ay tumuloy na kami kung san nakaparada yung motor niya. " magsuot ka ng helmet baka mapatay ako ni aldred kapag may nangyare sayo."
" opo.." ngiti ko lang saka sumakay sa likod niya. " ang bango mo chris ah.?" natawa lang ako ng marinig ko yung mahina niyang tawa.
" wag mo ko amuyin.. Baka kung ano isipin ko nyan." saad niya lang saka pinaandar yung motor.
" hindi pa ko tapos.. Sabi ko ang bango mo.. Amoy usok ka."
" ang kapal huh.."
" oh joke lang.. Baka mabanga tayo.. Papatayin ka ni aldred sige ka."
" i love you blue." natigilan lang ako ng marinig ko yung sinabi niya.
" huh anong sabi mo..?"
" wala sabi ko hold on tight."
"hoy chris huh. Bakit may i love you.?"
" you love me.?"
" ang baliw mo.. Kala ko ba ok na.?"
" ang sabi ko i love u.. As in U.. Vowel.. Yun kaya favorite letter ko.?"
" wehh.."
" joke lang yun.. Saka masama ba mahalin kita as a friend..?" saad niya.
" chris naman eh.. ?"
" ok fine.. Joke lang.. Tanggap ko na nga di ba kaya nga naggawa ko ng magbiro.."
" eh kasi baka hindi pa naman talaga ok sayo.. Tapos nasasaktan na pala kita ng hindi sinasadya.?"
" ok na talaga.. "
" sure ka huh.?"
" oo nga .. Dadaanan nalang ako sa inyo tomorrow bago pumunta sa bar huh.. Para makatikim naman ako ng birthday mo.?"
" sige sige.. Antayin ka namin ni aldred."
" yung foods baka maubos huh.?"
" oa mo.. Madami lulutuin ni mommy.. Eh wala naman kaming bisita eh so kami kami lanng kakain." hanggang makarating kami sa tapat ng bahay namin bumaba naman ako sa motor niya saka inabot yung helmet dito.... " ok sige alis na ko.. Happy birthday." ngiti lang ni chris.
" chris di ba ok ka na.?"
" yeah super ok na ko.?"
" yung sinabi mo kanina..?"
" joke lang yun.. Sige na pasok ka na.." ngiti niya saka sumaludo sakin.. " alis na ko." saad pa niya saka pinaandar yung motor niya naiwan naman akong nakatingin lang sa dereksyon na tinahak niya.
" chris talaga oh." saad ko lang aktong bubuksan ko na yung gate ng mapansin na walang ilaw sa buong bahay. " napatulan kami ng kuryente.?" napapakamot kong saad saka pumasok sa gate. " mom?" sigaw ko lang. Bubuksan ko na yung pinto ng may marinig akong tutog. Dahan dahan ko naman binuksan yung pinto pero wala akong nakita dahil sa dillim. " mommy daddy.?"
When I first saw you I already knew
There was something inside of you.
Something I though that i would never find.
Angel of mine.
" aldred.?" bulong ko lang ng marinig yung boses niya... Napangiti lang ako saka pilit inanig yung loob ng bahay..
I look at you looking at me.
Now i know they say the best things are free
Blue i love you..boy you are so fine..
Angel of mine.
Hindi ko naman mapigilan maalala yung unang pagkikita namin ni aldred.. Yung simula ng lahat.. Yung unang tingin niya sakin.. Si aldred na bumago ng tingin ko sa mundo.. Yung taong nagbigay ng pagmamahal na higit pa sa inaasahan ko.
you came in to my world
Straight from above
Bumukas naman yung ilaw dun ko nakita si aldred habang nakatayo sa hagdan na nakasuit habang may hawak na mike.. Napakagwapo niya sa paningin ko ng mga oras na yun..
" angel of mine....
" aldred.?" saad ko lang
" happy birthday blue... Happy birthday to one and only angel of mine..." lumapit naman sya saka hinawakan yung pisngi ko.. " thank you kasi dumating ka sa buhay ko.. Thank you sa mga ngiti.. Sa pagpapasaya.. Sa pagmamahal.. Thank you kasi may isang katulad mong hindi lang basta dadaan sa buhay ko.. Kundi katulad mong kasama ko.. Hanggang sa huli.. I love you not just because you love me.. I love you because i love you.. I love you.. ." ngiti niya hindi ko naman mapigilan na tumulo yung luha sa mata ko.. " sorry kung minsan nagseselos ako..."
" oh wala ng sorry.. ok na sakin yung thank you.. After kasi ng sorry goodbye na di ba.?"
" basta i wanna say sorry.. sorry kung hindi ko hahayaang mawala ka sakin.. Sorry kung hindi ko hahayaang iwan mo ko.."
" aldred... I love you."
" i love you too.. I love you more..i love you today, I love you tomorrow i love you the day after tomorrow and i will love you forever.. And even after that" niyakap ko naman sya..
" ok tama na yan.."aktong hahalikan ako ni aldred sa labi, napalingon lang kami parehas ni aldred sa likod ko. " tama na yan.. Sobra na.." ngiti samin ni daddy nakita ko naman si mommy sa likod nito.
" daddy, mommy.." saad ko saka patakbong lumapit sa kanila..
" alded sabi ko walang kiss di ba.."
" eh kasi po tito..."
" yung boses ng syota mo anak mejo masakit sa tenga... Sabog.." saad pa ni daddy napalingon naman ako kay aldred na nagkakamot ng ulo.. Natigilan lang ako ng makita kung sino yung nasa likod ni aldred.
" blue ok na tayo kay mommy." ngiti ni aldred sakin saka yumakap sa mommy niya.
" happy birthday iho.." ngiti ng mommy ni aldred sakin lumapit naman ako dito saka yumakap..
" salamat po tita...." hindi ko naman mapigilang umiyak.
" wag ka ng umiyak.. Salamat sa daddy mo.. Kasi kung hindi dahil sa kanya hindi ko maiisip na bakit nga naman ako tutol sa ikaliligaya ng anak ko.. Basta promise me iho.. Kung mahal niyo talaga ang isat isa.. wag kayong susuko.. Madaming taong huhusga sa inyo.. Pero sabi nga ng daddy mo.. Ang importante ay yung masaya kayo."
" promise po.. Tita thank you." yumakap naman sakin si aldred.
" yung daddy ni aldred.. Nasa work happy birthday nalang daw.. Dont worry iho ok na din sa daddy niya.."
" bilib ka na ba sakin anak.?" saad ni daddy napalingon naman ako dito.
" salamat po tito... Pwede na ba kaming magpakasal.?" saad ni aldred kita ko naman yung pagsimangot ni daddy.. Binatukan naman si aldred ng mommy niya. " joke lang naman.. Bawal magjoke.?" natatawang saad ni aldred. " mommy naman makapabatok eh."
" joke joke.. Magaral kayong mabuti.. Para sa future niyo yun."
" aldred.. Yung napagusapan natin study muna bago kayo maganak ng anak ko." saad ni daddy nanlaki naman yung mata ko.
" daddyyy!"
" joke lang... Wag mo na uli pakantahin yang si aldred anak huh.. Kahit yun lang promise mo yun.?" saad ni daddy saka naglakad papunta sa dining area.. " kainan time nagutom ako sa boses nyang si aldred.
" kain na tayo balae. " ngiti ni mommy samin.
" last na pagkanta mo na yun huh... Yung singing voice mo.. Mejo masakit talaga sa tenga anak." natatawang saad ng mommy ni aldred saka sumunod kay mommy.
" maganda naman boses ko blue di ba.?" nguso sakin ni aldred.
" ang ganda ng bihis mo ngayon mukha kang prinsipe." ngiti ko lang.
" eh yung boses ko.?"
" ang gwapo mo nga ngayon."
" blue naman eh.. Umeffort nga ako sa pagkabisado ng kantang yun eh.. Tapos hindi mo nagustuhan.?"
" sinabi ko bang hindi ko gusto.. I love that song kaya.. When i first saw i already knew.. Oh di ba ganda ng lyrics." ngiti ko sa kanya saka hinawakan yung kamay niya.
" blue naman eh.. Panget talaga boses ko.?"
" wala akong sinabing ganun... Basta ako i love that song.. Wag ka ng magtanong ng iba pa.."
" yung song lang talaga.?"
" saka yung kumanta.. I love you kaya.?"
" eh yung boses..?"
" gutom na ko aldred tara kain na tayo.." ngiti ko saka hinila yung kamay niya.
" wait anak.. Picture muna kayong dalawa." saad ni mommy na hawak na camera.
" wait mom.. Wag.?" saad ko saka nagtakip ng kamay sa mukha.?"
" bakit.?" kunot ang noong tanong ni aldred.
" ang duga.. Mukha akong ewan.. Nakauniform pa tapos ikaw nakasuit.. Edi mukha akong alalay mo.?"
" ang gwapo mo kaya.?" ngiti lang ni aldred skain.. " tita go." saad pa nito saka yumakap sakin.
" mommy wag.. Magbibihis muna ako." saad ko hinawakan naman ni aldred yung dalawang kamay ko saka niyakap ng mahigpit. " aldred.. Ang panget ko ngayon.. Magbibihis muna ako." simangot ko pero hinalikan niya lang ako sa pisnge.
" tita game.." saad ni aldred nagflash naman yung hawak na camera ni mommy. " ok ba tita.?"
" ang panget ni blue.. Ulit." saad ni mommy sinimangutan ko naman si aldred.
" mommy kasi magbibihis pa ko.."
" isang smile lang anak.." saad ni mommy. " yung maayos huh tapos picturan uli kita after mo magbihis."
" sige na blue.. Ang gwapo mo kasi pag nakaunifor,m>" ngiti ni aldred sakin.
" wehh"
" sige na anak.. Ang arte."
" mommy.?"
" sige na.?" simangot ni mommy sakin kaya tumabi na ko kay aldred saka pilit na ngumiti. " ayusin mo yung ngiti mo."
" mommy naman kasi eh." sinimangutan ko lang si aldred ng makitang tumatawa tawa sya.
" ayusin mo bilis." inakbayan naman ako ni aldred. Ngumiti naman ako.. Saka nagflash yung camera. " yan maganda.." saad ni mommy.
" yan na huh.. Magbibihis na ko.. " simangot kon lang.
" samahan kita gusto mo.?" saad ni aldred sakin.
" wag na kain ka na lang parasuprise yung itsura ko.. Im sure walang walan yang suot mo." simangot ko kay aldred ska nagmamadaling umakyat sa hagdan.
Pagkatapos kong masiguradong maayos na yung suot ko agad naman akong bumaba.. Natigilan lang ako ng mapansin sa pinto yung mommy ni aldred agad naman akong lumapit dito.
" tita duon po tayo sa dining area." ngiti ko dito..
" you look good." saad nito pagkatapos tingnan yung suot ko natigilan lang ako ng hindi man lang to ngumiti sakin hindi katulad kanina.
" tita may problema ba..?"
" blue I know kinausap na kami ng daddy mo.. But still.. I dont like you for my son." saad nito.
" tita.?"
" but for now.. Hahayaan ko muna kayo.. But i assure you.. Gagawa ako ng paraan para maghiwalay kayo ng anak ko." wala naman akong nagawa kundi titigan sa mukha yung mommy ni aldred.. Nagulat lang ako ng bigla akong akbayan ni aldred.
" ang gwapo ng syota mo anak." ngiti ng mommy ni aldred saka naglakad papunta sa dining area.
" wow.. As in wow." saad ni aldred na lumayo para tingnan yung kabuuan ko. " grabe." pinilit ko naman ngumiti.
' tara na nga.. Kain na tayo aldred. Gutom na ko." pinilit ko naman lagyan ng sigla yung boses ko.. Para hindi mahalata ni aldred yung lungkot ko knowing na hindi parin pala ko gusto ng mommy niya.
" pero iba ka talaga.. Grabe. Papicture tayo mamaya huh. Para tayong naggwagwapuhang prinsipe."
" bola." saad ko lang.