Followers

Saturday, April 30, 2011

Musmos - Part 13

by: blue42784

Nasa kasalukuyan po akong nasa Puerto Galera ngayon kasama ang barkada kaya nadedelay ang aking pagsusulat. Sa mga nagaganap dito ang sarap gawan ng story.. imagine.. 30 bi/gay guys.. one place.. one room... :-p
Salamat unang una kay kuya Mike Juha... fellow MSOB authors, members ng Solid MSOB at sa mga madalas magcomment:

Chack, James, R3b#L^+ion, Ako_Si_3rd, Raffy, Jojo Pabon, mhei,Mars, xander monteverde, brylle, Yuan, Justin James, Andrew Johnson, at ALMONDZ (ni Chestnutz :-D), Thor, less, at INARONAJ. and plenty of our Anonymous commenters po. 
Maraming salamat sa pagsubaybay ninyo sa Musmos!


-------------------------------------------------------------------



Isang katahimikan ang nanaig sa silid hangang sa nagpatuloy ako sa aking paglabas ng sama ng loob.

"Kevin... Ron... Pare-pareho tayong lasing pero wag niyong gamitin ito na dahilan upang may maganap sa atin... Sa tingin niyo ngayong binalahura niyo ko at sa harap pa ng kapwa mo pinsan ginawa mo yan sa akin?! Nag-uunahan ba kayo o desperado??... ano?!?" ang kumawala ng mabilis sa aking bibig sa inis. 

Nagsalita si Kevin... "Bago ako pumayag sa gusto mong kasunduan gusto namin na makasigurong di ka bibigay sa iyong salita... "

"Sang-ayon ako kay Kevin." ang pagalinsunod naman ni Ron kay Kevin.

"At ako pa ang sinubukan niyo ngayon?!! Ako pa ang hindi dapat pagkatiwalaan?!!!... Ako ba si Dexter Chua sa buhay ninyong dalawa?!!!..." ang nasabi kong paghamon at pagpapatunay sa aking sarili sa kanila. 

Pareho silang hindi nakasagot sa aking sinabi. Naiirita na ako sa kanila. "Kayong dalawa na lang ang magparaos ng sabay... Way niyo na akong asahang pipili pa nang mamahalin sa inyong dalawa... " at agad kong binuksan ang ilaw at di na nilingon pa ang dalawa. Kinuha ko ang aking bag at tumungo na pababa ng videoke room upang doon magpalipas ng gabi.

Narinig ko naman ang madabog at mabibilis na yabag ng mga paa ng magpinsan na bumangon marahil mula sa kama. Bigla na lang na hablot ni Ron ang aking braso at piniilan akong umalis.

"Jeremy... Patawad... Wag na please... Kalimutan mo na lang ang nangyari..." ang sabi ni Ron habang si Kevin naman ay napansin kong nasa likod lang niya nang lingunin ko si Ron.

"Bakit pa?! Unang kasunduan natin basag na at sabay niyo pang ginawa?" ang galit na sabi kong sagot kay Ron habang salubong na ang aking kilay na nakatitig sa kanyang mga matang humihingi ng awa.

Tinignan ko ang aking relo at napansing alas-kwatro na ng madaling araw. Pwede na akong bumyahe. Pilit kong inalis ang aking braso sa kamay ni Ron na mahigpit ang pagkakakapit at angmadaling lumabas ng resort. 

Saktong paglabas ko naman ay may dumaang tricycle na aking pinara upang tumungo sa high-way kung saan ako makakasakay ng pabalik sa Pala-Pala.

Hindi na ako lumingon pabalik pa. Sobrang galit na ang nararamdaman ko. Ayoko na muna. Sana totoo na pang si Dexter... Sana siya na lang ang kasama ko ngayon. 

Nagulat ako at nawala bigla ang aking isip sa aking sitwasyon nang biglang nagring ang aking telepono. 

Number ni Alex ang nakalagay sa caller ID. Nagdadalawang isip akong sagutin iyon pero wala na akong malalapitan pa kung hindi siya lang kahit malaki ang kasalanan niya sa akin.

"At least siya walang sabit... Wala na rin naman siguro sila ni Chris ngayon." ang nasabi ko sa aking sarili bilang pagkumbinsi na papasukin ko si Alex sa aking buhay.

"Hello?... Jeremy?... Nasaan ka ngayon?... Nalaman ko sa mama mo ang nangyari sa iyo pagkatapos niyo mag-usap... " ang masiglang boses ni Alex na umaalingawngaw sa kabilang linya. Bakas ang sabik na ako'y makasama.

"... Alam mo na pala Alex... Bakit naman kasi sinabi mo pa kay mama... Bakit naman kasi hindi mo qko muna binigyan ng panahon na magpalamig ng ulo sa mga naganap dahil sa mga ginawa mo?.. At kanino mo nakuha ang number kong ito?.." ang sagot ko namang naiinis at sinisisi siya.

"Sa mama mo... Sorry na wala na po akong ibang gagawin... Para makabawi sa iyo at makatulong sa pagpapakalayo mo pwede bang dumito ka na muna sa bahay?... Legal naman ako sa mga magulang ko... Licensed bisexual po ako at approved by PAMET kaya walang sabit." ang mayabang na sabi ni Alex.

No choice ako. Ayaw ko pa tapaga umuwi lalo nang gusto kong layuan muna ang magpinsan. "Sige na nga... Nasa Tagaytay ako ngayon pero paalis na ako dito ngayon... San ba tayo magkikita?" 

"hintayin kita sa SM Bacoor... Ingat ka ha?... Text mo ko kung nasa Dasmarinas ka na para pumunta na ako sa Bacoor." ang sabi ni Alex. Binaba ko na lang ang tawag niya at di na sumagot pa.

Nang ipapasok ko na ang aking telepono pabalik sa aking bulsa. Bigla nanamn itong nagring...

(itutuloy)


Musmos - Part 14

10 comments:

  1. next part po... the story is getting more ang more interesting Jeff...

    love it

    ReplyDelete
  2. Ang kulit naman talaga ni Alex oh...at mukhang pinagnanasaan pa rin nya si Jeremy, napakaswerte naman ng ating bida hehe tatlo ang nahuhumaling sa kanya tntntnt (sana ako din nyahaha, bad)!

    ReplyDelete
  3. ..hainako!!!eepal na naman c ALEX na KUPAL...hahaha...next please :))

    ReplyDelete
  4. kakalungkot naman. pero nakakaexcite din. haha

    ReplyDelete
  5. Kalandian yan....nd dapat bigyan ng pansin...
    nd maru nong mag-isip mtanda na YAN COLLEGE STUDENT NA ND NAMUSMOS...JEJEJE

    ReplyDelete
  6. bat kasi umiksina pa yan ang alex nah yan uh kabalan man sa nuh hehehehe next plssssss!!!!!

    ReplyDelete
  7. ai may ganun ang KABALAN YA UMIKSINA PAH?dapat sa kanya burahin sa eksina heheheh pero maganda nah ang story at lalong nasasabik aku sa sosunod nah mangyayari hehehhe

    ReplyDelete
  8. bat di ko makita ang deleted scene nito?....whaaaaa

    ganda pa naman...more power poh sa writer...


    -jojie

    ReplyDelete
  9. hi jojie! ito po yung link ng cut scenes: Salamat!

    http://jeffyskindofstory.blogspot.com/2011/05/musmos-part-13.html

    ReplyDelete
  10. *Paumanhin, wala ang blog na hinahanap mo. Subalit, ang pangalang jeffryskindofstory ay available para irehistro!*

    HALA?! bakit naman ganun? nakakabitin kapag hindi ko po nabasa yung deleted scene... please pahingi po ako ng link... TT3TT

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails