blogger: seniorito agua
contact no.: 09339123734
blog site: http://senioritoaguas.blogspot.com
_______________________________________________
nang makapag handa, hindi na nagaksaya pa ng oras ang tatlo
agad na umalis sa kumbento at pinuntahan ang unang barangay
ang san arinto
bihis pangalis ang tatlo
naka-asul na shirt at navy blue na pantalon si abraham
berdeng luntian naman ang v-neck shirt ni wanson at maong na dark blue
casual na damit panlakad naman ang kay michael
hindi maaaring makakuha ng marameng mata ang tatlo, kailangang maging simple lamang ang kanilang kilos at pagmamatyag
isang matagal na naglilingkod na si michael sa simbahang kinalalagkan ngayon nila abraham at wanson
bata palang raw ito ay ito na agad ang kinamulatan ng kanyang batang isip
mga tamang asal at tamang pagsamba , mga pagsunod at paggawa ng gawain
yan ang mga unang natutunan nito ng seryosohin na ang pagiging sakristan, at ngayon nga ay isa na raw ito sa mga pinagkakatiwalaan ng mga padre
"naririto na tayo sa san arinto"mahinang sambit ni michael ng marating nila ang san arinto
hindi ito kalakihang barangay, normal lang rin ito sa paningin nila abraham at wanson
pwera lang sa mga ilang kababaihan na nakasuot ng damit na itim mula ulo hanggang paa , na minsan kung kanilang madadaanan may matatalim ang mga tingin nito
"kung nakamamatay lang ang pagtingin , malamang patay na tayo"pabulong na sambit ni abraham
pinansin rin nila ang mga batang imbis na naglalaro at nagtatakbuhan ay nagkukumpulan at ang ibay nagsasakitan
"weird ng konte"bulong ni abraham kay wanson ng makita ang mga bagay bagay sa paligid
hindi na pinansin ni wanson ang mga sinasabi ni abraham nakatuon ang isipan nito sa iisang pakay, ang makita ang lalakeng nais niyang iahon mula sa impyerno
nagalugad nila ang maliit na barangay ng san arinto.. pero hindi nasilayan ni wanson ang lalakeng nais niyang makita
sunod na barangay
ang san huwaquin
baliktad mula sa barangay ng san arinto.. para itong ghost town
"asan ang mga tao?"pabulong na pagtatanung ni abraham
"hindi lumalabas ang mga taong nakatira rito sa san huwaquin sa oras na nakataas ang araw, sa oras na bumagsak at nawala ang sinag ng araw, dun sila nagsisilabasan"ang paliwanag at sagot ni michael sa katanungan ni abraham
'paano ko siyang makikita rito kung nasa loob siya ng kanyang bahay' ang nasambit na salita ni wanson sa kaniyang isipan
"may lugar ho rito sa san huwaquin kung saan tinatambayan ng mga satanista kahit mataas at tirik ang araw"ang nasambit ni michael na tila nabasa ang nasa isip ni wanson
"saan?"mabilis na katanungan ni wanson
nagsimula na muling maglakad ang grupo patungo sa lugar na sinasabi ni michael
nangmakarating rito, agad na nagmatyag si wanson.. hinahanap ang lalakeng nais niyang tulungan
pero wala,wala ni anino man lang ng lalakeng ito
"wanson tol? bakit ba kanina kapa hindi mapakali sa kakalinga jan? may hinahanap kaba?"pagtatanung ni abraham
"wala tol"maikling sagot nito
"anung susunod na barangay ang pupuntahan naten?"pagbaling na tanong ni wanson kay michael
"ang san tyermo ho"sagot ni michael sa katanungan ni wanson
tumungo tungo si wanson,
'ito na ang huling barangay, kailangan na kitang makita, tutulungan kita pangako yan' matigas na sambit ni wanson sa kanyang isipan
(to be continued)
Followers
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
FOLLOW US
Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook
Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com
Disclaimer
All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.
No comments:
Post a Comment