Followers

Saturday, April 30, 2011

Mga Kaganapan Sa Royal Wedding Base Sa Nasaksihan Ni Echoserang Palaka 1/2

By: Mikejuha
email: getmybox@hotmail.com
fb: getmybox@yahoo.com


----------------------------------

Author's Note:


Ang kwento na ito ay sadyang hango lamang sa personal na karanasan ng may akda, sa kanyang paglalakbay sa lugar ng mga pantasya.

Kung sakaling hindi mo masikmura ang mga linya sa kuwentong ito, huwag mag-alala dahil ito ay dahil tigang ka, o hindi nadidiligan ang iyong sex life.

Sige lang. Kaya mo iyan.

-Echoserang Palaka-

------------------------------------------------

Hayyy mga fwenshep!!! Nandito na naman ang inyong echoserang byuti na magrereport sa inyo sa mga kaganapan na nangyari sa wedding of a lifetime nina Kate Middleton at Prince William. Nandoon talaga ako mga kakosa. And of course, dahil isa akong reyna, isa ako sa mga 1,900 ka taong inimbitahan sa makasaysayang okasyon mga fwen. At dito ko ikukwento ang mga kaganapang nag-unfold mismo sa harap ng aking mga naggagandahang mga mata, upang kahit papaano, ang mga echoserang byuti na hindi pang-reyna na katulad ng sa inyo ay mabiyayaan naman ng kaalaman tungkol sa mga ginagawa ng mga taong may dugong bughaw na katulad ng sa akin. Uhum… walang kokontra.

Eniwey, syempre bago ako pumunta doon, pina refresh ko muna ang aking byuti, sa sikat nating parlorista na sino pa nga ba kundi si Belo. Aktwali, ayaw niya sanang gawin ang pagpapaganda pa sa napakaganda ko nang mukha dahil hindi na daw kaya ng syensya na gawing teen ager pa ito. Pero if I know, nainggit lang siya dahil una, mas sariwa at mas maganda ako kaysa kanya at pangalawa, hindi siya inimbitahan ni Queen Elizabeth sa kasal ni Prince William! Kung hindi ko siya tinakot na agawin ko sa kanya Hayden saka pa siya kumilos. At kinanta ko pa talag ang “Careless Whisper”! Sobrang takot ng mahadera! Nanginginig! At hayun, napilitan siyang gawin ang pagpaganda pa sa sobrang ganda ko nang pagmumukha.

At noong matapos na niya akong pagandahin, wawwww! Sobrang kumukutikutitap talaga ang aking skin! Feeling ko, abot-langit na ang haba ng aking hair at pilikmata!

So, ready na ako. At dahil isa akong reyna, kabayo talaga ang sinakyan ko papuntang Inglatera. Iyan ang pinakamahirap kong sakripisyo. Grabe pala ang layo niyan mga fwen! Hindi ko na matandaan kung nakailang ikot ang buwan sa langit sa sobrang layo. At mabuti na lang at convertible naman ang aking sex, hinugot ko pa talaga ang kahuli-huilihang hibla ng pagkalalaking nanalaytay sa aking kaugatan sa pagsasakay ko sa kabayo na halos ililipad na lang ako sa bilis ng pagtakbo. Actually, hindi talaga sya kabayo kundi sigbin ang tawag nyan sa amin sa Leyte. Iyon bang nocturnal na alaga ng mga aswang na kapag lumipad, nakatuwad sya at doon ka talaga uupo sa kanyang pwet. At kaya gustong-gusto ko talaga ang alaga na iyan kasi weakness ko ang mga nakatuwad. Walang biro. Nakatuwad talaga ang sigbin kapag lumipad. Itanong nyo pa sa mga aswang. Woi, aminin… Alam ko, may mga sigbin din kayo. Hmpt. Marami kayang aswang sa Solid Msobians! At umaatake sila araw at gabi! At ang gustong-gusto nilang lapain ay mga lalaki, at lalo na mga wafung lalaki! At syempre, may mga sigbin din yan sila. Syempre, ako ang reyna kaya manang-mana sila sa akin. Ahihihihi!

Pero, wag na nating pag-usapan iyan. Ibang issue na yan.

Aniwey, noong makarating na ako sa Inglatyera, ikinonvert ko na naman ang aking sex. Parang reverse mode lang sa pagdrive iyan. At dahil mas komportable naman ako sa aking katauhang pagkababae, madali kong naisagawa iyon. Ikinovert ko na rin sa kabayo ang aking alagang sigbin. Nilagyan ko ng mga dekorasyon atsaka, hinugot ko sa dala-dala kong baul ang aking mga damit at gown na talagang compliments ng mga sikat na fashion designer sa Pinas na hindi ko mapangalann dahil hindi man lang nila ako binigyan ng discount. At pagkatapos, iniluwa ko ang aking tyarra na baun-baon ko pa sa aking balunbalunan, pinunasan ko ito sa dulo ng aking gown atsaka inilagay sa aking ulo at umarangkada na.

“Waaaaaawwwwww!!!!” ang ganda pala nitong kanilang lugar! Andaming tao! At matatalino silang lahat kasi ang galing-galing nilang mag-English! Kahit mga bata pa, sobrang galing na talaga! Mga genius sila! At ampuputi pa nila! Ang tatangos ng ilong! Grabeh!

So, habang nasa daan na ako malapit na sa Cathedral, hindi ko matandaan ang name, napakaraming tao ang nasa gilid ng kalsada! Lahat sila naghihiyawan at nagpalakpakan at ang sigaw sa akin ay “Princess Fiona! Princess Fiona!”

Syempre, tuwang-tuwa naman ako. Ang laki kaya ng aking ngiti. Kaway dito, kaway doon... Flattered ako sobra. Imagine imbes na reyna na ako, prinsesa pa rin ang tingin nila sa aking face! Ipektib si Belo!

Nilapitan ko at tinanong ang isang guwardiya yata iyon na nakasakay din ng puting kabayo (i-tagalog ko na lang mga fwen ang tanong ko sa kanya ha dahil mahina ang translator ng aking brain eh) sabi ko, “Sino ba si Princess Fiona?”

Sagot naman niya, “Iyong napangasawa ni Shreik!”

“Ay ganoon ba?” Sagot ko na lang. Actually, hindi ko naman alam kung sino si Shreik at Princess Fiona. Pero hindi na ako nagtanong pa kasi baka mahalata niya na wala akong kaalam-alam sa mga prinsesa at prinsepe at pagdudahan pa akong gate crasher! Kaya dedma na lang ako, todo smile pa rin. Pero in fairness naman, kung sino man si Princess Fiona, I’m sure super ganda rin siya na katulad ko dahil cute ng name niya! Kaya happy talaga ako. Sobra!

Nasa altar na sina Kate at Prince William noong dumating ako sa cathedral. Ipinasok ko pa talaga ang aking kabayo at lahat sila ay napalingon! Medyo tinablan ako ng kaunting hiya kaya tumalon na lang ako sa kabayo. At ang ganda ng aking pagkatalon huh! Mala-Zorro talaga. Kulang na lang sa akin ay maskara at espada. Pero syempre, dahil reyna naman ako, namangha talaga sila sa liksi at galing nag aking pag-talon galing sa kabayo. At dahil sa mga tingin ng paghanga nila sa akin, hindi ko namalayang tumalsik na pala sa malayo ang aking glass shoe na bigay pa sa akin ng aking aswang god-mother na ang name ay newbie. Pero dedma na lang ako. Feeling ko kumpleto pa rin ang aking suot na glass shoes.

Pati ang pari na nagkasal kina Prince William ay napatunganga sa aking byuti. Parang gusto na niyang iwanan na lang ang dalawa sa harap ng altar sunggaban na ako. Mukhang may pagka-manyak kasi ang pari. At dahil sa pagkatulala ng pari sa byuti ko, doon na umeksena ang aming eyes-to-eyes ni Prince William noong lumingon siya sa kinaroroonanan ko at pati siya ay napatunganga na rin sa pagtitig sa akin. “Wahhhh! May pagka manyak din sya!” sigaw ng isip ko.

Kaya pinakawalan ko kaagad ang pamatay kong byutipowl eyes... iyong pinong-pinong kurap-kurap-kurap-kurap-kurap.

At hala! Grabe talaga ang epekto ng byutipowl eyes ko kay Prince William. Jows ko! Ang mga tingin niya sa akin ay nakalulusaw! At para bang nababasa ko ang laman ng kanyang isip. Nagsisisi siya kung bakit si Kate pa ang pinakasalan niya! Kung bakit huli na noong makita niya ang mala-dyosang taglay kong ganda!

Ngunit wala na siyang magagawa pa dahil nakapag “I do” na silang dalawa sa isa’t-isa. Kaya, feeling ko, masama ang kanyang loob sa pagpapatuloy sa kasal at iyong mga ngiti niya ay pang-play girl magasin na lang.

Noong matapos na ang kasal at nasa carriage na silang dalawa, hinanap pa talga ako ni Prince William. Inikot niya ang kanyang mga mata sa paligid at noong matamaan ang aking malasutlang pisngi sa mala-laser beam niyang tingin, bigla siyang tumalon dito at nilapitan talaga ako!!!

“Mey Gadddddddd!!!!” sigaw ng utak ko.

At noong makalapit na siya sa akin, laking gulat ko pa kasi bigla niyang hinawi ang dulo ng nakalaylay niyang coat na nakatakip sa kanyang harapan at binuksan ang kanyang zipper! Yes mga fwen, ang kanyang Zipper!

Itinakip ko ang hintuturong daliri ko sa aking mga mata ipinahayag na hindi ko kakayanin ang kanyang gagawin ngunit kung ipagpilitan niya ay matutuwa ako. (Sa kultura kasi ng mga taga Inglatyera, kapag ayaw mo sa isang bagay ngunit papayag ka kapag ipagpilitan, itakip mo ang hintuturo mong daliri sa iyong mata).

Kaya iyon nga ang ginawa ko. Ngunit laking gulat ko uli noong mula sa loob ng kayang harapan ay ay hinugot niya ang.... U mey Gaddddd!!!! – aking isang sapatos! Sabay sabing, “Sa iyo ba ito?”

Grabe, kinabahan talaga ako. Salahat ng parte ng kanyang katawan, sa parte ng kanyang bayag pa talaga itinago ang aking glass shoe. Pwede namang sa kanyang bulsa, sa ilalim ng kanyang sando, sa kanyang tadyang, o baga, o di kaya, pede ring pahawakan muna niya ito kay Kate. Bakit sa parte pa ng kanyang bayag? Talaga sigurong umaagos na sa kasabikan ang kanyang sandata sa lakas ng tama niya sa aking taglay na kagandahan.

Eniwey, dahil akin naman talaga ang glass shoe na iyon at wala naman sa tabi ko ang aking mga kontrabidang step sisters na sina chackskie at nicholskie, alangan namang magpakyeme pa ako. Kaya “Oo” ang sagot ko.

At bigla na lang siyang lumuhod sa aking harapan!!!

(Itutuloy, at hintayin lang sandali ang kasunod. Hmpt!)

No comments:

Post a Comment

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails