Followers

Thursday, April 28, 2011

Task Force Enigma : Cody Unabia (Chapter 1 and 2)

Task Force Enigma Cody Unabia


Hello there! Here is the next installment of The Task Force Enigma. Ito ay alay ko sa aking anak na si Cody Unabia. Namesake lang po siya dito. Pati na rin kay Kearse Allen Concepcion, namesake lang din kaya huwag pong seryosohin. Para rin ito kay Migs at kay Jaime. Wala lang naaaliw lang ako at kayo ang napagbuntunan ko ng kaaliwang iyon.

Sa mga sumubaybay sa Task Force Enigma: Rovi Yuno, Maraming Maraming Salamat po! I love you guys! Sana ma-enjoy ninyo ang ikalawang libro ng TFE. Handog sa inyo ng nag-iisang Dalisay! Bwahahaha...



CHAPTER 1

Kakamut-kamot na lumabas ng kanyang silid si Kearse Allen Concepcion mula sa maghapong pagtulog dahil sa gabi siya nagsusulat ng kanyang mga obrang nobela. Isa siyang writer sa LadLad Publishing na nagre-release ng mga M2M romance fictions. Napatingin siya sa orasan. Alas-sais na ng gabi. Karaniwan ng nanonood ng balita ang mga tao sa Pilipinas sa ganoong oras. Pero siguro, pamilya talaga sila ng abnoy dahil sa halip na ang problema ng bansa ag pinapanood nila ay pagbi-videoke at pag-iinuman ang inaatupag ng kanyang ama at dalawang nakababatang kapatid. Lasing na siguro ang kanyang ama dahil ayun at plastado na ito sa sofa at nag-aatungal na naman ng mga hinaing nito sa buhay.

“Wala na akong kwenta! Hindi niyo na ako iniintindi. Por que matanda na ako. Tandaan ninyo! Balang araw… Balang araw…”

Naiiling na tinungo niya ang kusina para magsepilyo at ipaghanda ang sarili ng makakain. Sabado naman ng gabi kaya okay lang na magtutungayaw ang mga kapatid at ama sa pagkanta.

“Alshado na ako! Hindi niyo na ako pinapahalagahan. Mga wala kayong kwenta! Por que nakapag-aral na kayo. Wala ng silbi ang tingin niyo sa akin.”

Huminto muna sa pagkanta si Migs na siyang bunso nila. Pansamantala rin muna nitong pinatay ang paborito nilang magic sing dahil may pagka-sensitive ang kanilang ama kapag naka-dramathon sa hapon mode ito.

“Hindi niyo na ako pinapahalagahan.”

“Itay… naiintindihan po namin kayo. Kaya please lang huwag na po kayong sumigaw. Nakakahiya sa mga kapitbahay.” Sabi ni Jaime sa ama. Ito ang sumunod sa kanya. Ito na rin ang tumatayong Kuya sa loob ng bahay kapag nagkakampo siya sa naipatayo niyang bahay mula sa ipon niya bilang manunulat sa loob ng pitong taon.

“Sinungaling! Wala tayong kapitbahay!” sagot ng kanyang ama na ikinatawa niya.

“Ay oo nga pala.” Natatawng sabi ni Jaime na pasimpleng pumili ng kanta sa songbook na inagaw nito sa kanilang bunso.

“Kahit kailan kayong mga bata kayo. Tumanda lang ako, tingin niyo sa akin ay walang silbi. Abah! Abah! Kaya ko pa kayong balian ng malulutong ninyong mga buto. Kaya ko pang mag-ala Ep-PJ sha edad kong ito. Kaya kong pa kayong kalushin mga hinayupak kayo.” Pagpapatuloy ng lasing na nilang ama.

Lumabas siya sa sala kung saan ito nag-iinuman. Nakita niyang tumingin ng may pagsaklolo ang ang kapatid na si Jaime. Senyales iyon na kailangan na niyang awatin ang ama na walang-awat sa mga sentimyentong pururot nito.

“Itay… makinig kayo kay Jaime. Baka may dumaan at marinig kayo. Isipin pa, minamaltrato namin kayo dito.” Pagpapayapa niya sa ama.

“Hindi ko na kaya ang ginagawa niyo sa akin. Ayoko na sa trato ninyo. Nawala na nga ang nanay ninyo. Pati ba naman kayo mawawala sa akin? Ako na nagpakahirap sa pagpapalaki sa inyo.”

“Oo nga Tay.” Segunda dito ni Migs na hinablot na ang songbook kay Jaime.

“Mabuti pa itong si Gino. Hindi sumasagot sa akin. Napakabait na bata.” Tukoy nito sa bunso nila na napatigil sa ginagawang pagpili ng kanta.

“Tay, Migs po.”

“Sige na Gino. Ipagtimpla mo nga ako ng kape.”

“Tay, ako po si Migs.” Naiirita na nitong sabi.

“Ikuha mo na ako ng kape Gino.” Utos ng lango nilang ama.

“Sino ba si Gino ‘Tay?” imberna nang sabi ni Migs.

“Oo nga Tay. Sino ba si Gino? Eh tatlo lang naman kaming anak mo.” Tanong din ng tumatawang si Jaime.

“Wa-wala akong anak na Gino. Ano bang shinashabi niyong mga bata kayo?”

“Eh pilit kayo ng pilit na ito si Gino eh. Baka may anak kayo sa labas ‘tay ha.” Biro ni Jaime.

Napatayo ang kanilang ama.

“Wala akong ibang anak. Kayo lang ang anak ko at ako lang ang ama ninyo. Tatlo lang kayo. Isa. Dalawa Tatlo.” Isa-isa nitong turom sa kanila.

“At huwag mo akong pagbibintangan Jaime. Sumusobra ka na. Sumosobra ka ng bata ka. Hindi ko kilala ang Gino na sinasabi mo. Wala akong anak na Gino. Wala! Wala!” humihingal pa nitong sabi sa ikalawang anak.

Nagtatakang nagtinginan silang magkakapatid. Mukhang nasobrahan ng drama mode ang kanilang ama. Feeling yata nito ito na si Ate Vi.

“OA na ‘tay.” Sabi na lang niya.

“Huh?”

“Sabi ko po, gusto niyo pa ba ng kape?”

“Ah.. hindi na. Sige na, matutulog na ako. Kayo ng bahala diyan.” Nagmamadali pa itong tumungo sa silid nito.

“’Tay?” habol niya.

“Bakit?”

“Maghilamos po kayo bago matulog.” Bilin niya rito.

“S-sige. Huwag ka na ring rarampa. Kapag lumabas ka, isama mo ang mga kapatid mo para may bodyguard ka.” Bilin nito sa kanya saka mabilis na pumasok sa silid.

“Hay nako. Huwag niyo na kasing yayayain sa tatay sa inuman. Iyan tuloy…” baling niya sa mga kapatid na nakangisi ng parang aso pagharap niya sa mga ito.

“Hep hep? Anong ngisi iyan ha?”

“Wala kaya Kuya.” Sagot ng dalawa.

“Wala? Mga echozero kayo. Kilala ko ang mga hasang ninyo.”

“Wala nga. Parang narinig lang namin na isasama mo kami sa lakad mo ngayong gabi eh.” Pambabalewala ni Migs sa sinabi niya.

“May sinabi ba si itay? Wala naman ah.” Pang-aasar niya.

“Akala mo lang wala! Pero merron! Meron! Meron!” sagot ni Jaime.

“Uy, dapat kanina mo iyan sinabi kay itay para nasikmuraan ka.” Tukso dito ni Migs.

“Wala kang galang Migs. Kakalbuhin kita diyan.” Asik dito ni Jaime.

“Walang ganyanan Kuya. Alam mo namang mas pogi ako sayo eh. Ikaw talaga.” Maktol ni Migs.

“Pogi? Hoy Michael Allen Concepcion. Huwag ako ang paandaran mo. Busy ako. Kakanta ako.” Sabay bukas nito ulit ng Magic Sing.

“Nahiya naman ako sa pangalan mo Kuya Jaime Allen Concepcion. Parang kasing-bango ng dalandan.”

“Heh! Mga abnormal. Buuin niyo pa ang mga pangalan ninyo. Isama na ang Diaz sa middle name.”

“Opo. Kuya Kearse Allen Diaz Concepcion.” Koro ng dalawa.

“Tse! Maka-alis na nga.”

“Sandali lang Kuya Kearse Allen Diaz Concepcion.” Habol sakanya ni Migs.

“Tigilan mo ako Michael at baka di kita matantiya, sukatin kita.”

“Yeboi!” Pang-aasar lang nito. “Saan ka pupunta? Bilin ni Tatay eh samahan ka namin.”

“Sa impiyerno. Join ka?”

“Weh di nga?” sagot ng talipandas nilang bunso.

“Sa Palawan ang punta niyan.” Sabi ni Jaime na kunwari ay busy sa paghahanap ng kanta.

“Weh? Sa Palawan? As in province of palawan?” tanong ni Migs.

“Hindi. Bar iyon, sa Cubao.”

“Eww… So Barriotic!” sagot ni Migs.

“Hoy! Umayos nga kayong dalawa. At ikaw Jaime? Bakit alam mo ang Palawan? Eh ngayon pa nga lang ako pupunta doon.” Tanong niya sa pinagdududahang kasarian ni Jaime.

“Oy, narinig lang kitang kausap si Earl ha? Di ko alam yung lugar na yun. Ano ako? Bakla?” mariing depensa nito.

“Whatever! Ako na ang straight.” Napa-roll eyes na lang niyang tugon.”

“Hindi ko nga alam iyon Kuya.” Defensive pa ring sagot nito.

“Eh paano mong maririnig si Earl eh, text lang iyong usapan namin, Aber?”

“Ah… Eh… nasabi niya sa akin.”

“Aysus! “ bira niya rito. Umamin ka nga Jaime. Are you one of us?” pang-iinis niya.

“Kuya? Welcome to the club.” Pagbibiro ni Migs.

“Isa ka pa!” Baling niya rito.

“O bakit na naman Kuya?” reklamo ng bunso nila.

“ Magsipag-out na nga kayo! Kayo lang nahihirapan.” Patutsada niya sa mga ito.

“Tama ng ikaw na lang muna Kuya. Baka matuluyan si Tatay… Aray!” nasasaktang sabi ni Migs ng batukan ito ni Jaime.

“Ayun! Nadulas na ang mga hitad. Basta walang hiraman ng blouse ha?” tukso niya sa mga ito. Pumunta siya saglit sa kusina.

“Sorry Kuya.” Apologetic na sabi ni Migs sa Kuya Jaime nito.

“Sorry. Ayan, nabuko na tayo. Ang daldal mo kasing kumag ka.”

“Eh paano naman si Kuya Kearse, parang NBI kung makapagtanong. Nagdududa na nga ako kung writer ba iyan o dating pulis eh. Ang galing manghuli. Pero infairness, kahit ganyan siya may bumibili pa rin ng mga nobela niya. Lagi pang best-seller kahit mukha siyang haggard na isda paggising.” Bulong kunwari ni Migs dito.

“Oo nga. Siyang tunay.”

“Hoy! Naririnig ko kayong mga hinayupak kayo.”

“Ay narinig tayo ni Braguda.” Tumatawang sabi ni Migs.

“Kayong mga wala kayong magawa. Kahit ano pang sabihin ninyo sa akin, ako at ang trabaho kong ito ang nakapagpatayo ng bahay na ito. Inutang ko lahat iyan sa SSS ko pati na sa PAG-IBIG! Kung walang PAG-IBIG wala tayong bahay ngayon. At ikaw…” duro niya kay Migs.

“Hindi ka makakapagtapos kung hindi dahil sa pagiging haggard kong isda paggising. Wala kang idea kung paanong tiniis kong huwag kumain ng ilang araw para lang may maipantustos ako sa mga bisyo mo! Sa mga luho mo! Tapos ganito lang. Ito lang ang igaganti niyo sa akin? Wala kayong utang na loob!”

Sabay na tumayo ang dalawa at pumalakpak pa habang inabot naman sa kanya ni Migs ang flower vase pagkatapos.

“Ikaw na nga, Ikaw na ang best actress!”

“Salamat!” aniya pagkaabot ng vase. “I would like to thank my sponsors. My Pamily. Yes my Pamily who’s always been there for me through the good and the bad and the ups and the down of my life.” Sabi niya sabay kaway.

“Ang galing mo Ate Vi! Haym so froud op yow! Hep hep Hurrah!” gatong ni Jaime sa kalokohan niya.

“Tse!” Ingos niya sa mga ito.

“Sige na. Umalis ka na Kuya bago pa tayo matuluyan dito.” Si Migs.

“Oo na. O di ka ba sasama Jaime?”

“Hindi na. Nanduon si Earl eh. Baka kulitin lang ako nun.” Nakangiwing sabi nito.

“Grabe ka naman. Mabait si Earl. You just don’t get along too well.”

“Whatever Kuya. Just go.”

“Okay.”

Nagtungo na siya sa silid para magbihis. Nang makapaghanda ay saka siya lumabas sa kusina para kumain saglit ng hinanda niya kanina. Dahil sa pagdadrama ng ama ay nakalimutan na niyang kumain. Nagpaalam na rin siya sa mga kapatid na busy na sa pagbirit sa Magic Sing nila.

Dala niya ang sariling sasakyan na segunda-mano lang pero matibay pa. Kasama iyon sa mga na-i-loan niya ng makapagtapos na ang dalawang kapatid. Sa ngayon, Senior Editor rin siya ng LadLad Publishing. Kailangan niyang kumayod pa ng ilang taon para naman makapag-retiro siya sa pagsusulat ng maaga. Gusto niyang magsulat na lamang sa bahay na walang iniintinding kunsumisyon.

Magkikita sila ni Earl na friend niya from Dubai. Avid reader niya ito na kalaunan ay naging matalik ng kaibigan. Frustrated brother (sister?)-in-law rin ang turing nito sa kanya dahil sa pagkahaling nito sa kapatid niyang sira-ulo na si Jaime.

Nang makalabas ng SLEX ay nagtuloy siya sa Cubao. Sa Palawan sila magkikita. Ewan niya kung paano nasabi ng kanyang kapatid na si Migs na barriotic ang lugar. Siguro nakapunta na rina ng pamintang buo na mga kapatid niya doon.

Kinawayan siya ni Earl ng makita siyang pumasok ng bar. Maingay at maharot ang musika. Nagkalat din ang mga pamintang buo at durog na ay kanya-kanyang eksena. Naloka pa nga siya ng makita ang mga kaganapan sa iba’t-ibang panig ng bar.

Dumiretso na siya sa lamesa ng kaibigan.

“Kamusta na?” aniya rito.

“Eto, malungkot.”

“Bakit?” usisa niya rito.

“Eh kasi iyong kapatid mo.”

“Anong tungkol kay Jaime?”

“Hindi siya pumayag sumama rito.” Nakalabing sabi nito.

“Hay nako friend. In despair ka ba sa kumag kong kapatid na iyon? Ano bang nakita mo doon?”

“Hay, hindi mo naman sinisiraan ang kapatid mo ng lagay na iyan Charity?”

“Loka. Huwag mo nga akong tawaging ganyan. Naririmarim ako.” Kinikilabutan niyang sabi.

“O sige. Ako na ang straight.”

“Tse!”

“Order na tayo.”

“Go.” Sabi niya rito.

Matuling lumipas ang oras at pareho na silang may tama ng kaibigan kaya nagpasya na silang umuwi. Nagkandatumba-tumba pa sila pareho dahil sa kalasingan ni Earl. Nagpasya tuloy siya na i-uwi na lang ito sa bahay dahil di na makausap ng matino. Siya naman ay kaya pang mag-drive.

Nasa kahabaan na sila ng highway na medyo may kadiliman patungo sa kanilang subdivision ng biglang may maaninag siyang pigura ng tao na kumakaway sa kanya. Papasalubong ito sa sasakyan nya kaya naman nalloka siya ng tamaan ito ng ilaw.

Hubo’t-hubad ang lalaki.

At sugatan ito.

Mabilis ang pagganan ng instinct niya na baka may mga humahabol dito.

Hindi niya sana ito hihintuan ng literal nitong iharang ang sarili sasakyan at natumba.

Agad siyang nagpreno. Ilang minuto rin siyang di nakakilos. Maya-maya, mas nanaig ang damdamin niyang makatulong.

Binaba niya ang lalaking nakahandusay sa daan at kinausap ito.

“Manong!”

“Manong gising! Sinong may gawa nito sa’yo?”

Ungol lang ang isinagot nito. Marumi ang mukha nito at puro dugo at putik. Maganda ang katawan nito ayon sa pagkakaaninag niya kanina kaya naman nag-aalala siya kung paano ito bubuhatin. Medyo di kasi siya sanay magbuhat.

Lahat ng mga pag-aalinlangan niya sa pagtulong ay nawala ng makarinig ng mga putok. Mabilis niya itong binuhat at ipinasok sa backseat.

Mabilis niyang pinaharurot ang sasakyan palayo sa lugar na iyon.

Itutuloy…


CHAPTER 2

Natatarantang pinunasan ni Kearse ang mukha ng lalaking natagpuan niyang nakahandusay sa daan. Salamat sa mga kapatid niyang nurse na sina Jaime at Migs ay nalapatan ng paunang-lunas ang lalaki. Napakagwapo pala nito kaya siya natataranta. Iyon ang unang beses sa buhay niya na naka-encounter siya ng napakagwapong nilalang na katulad nito. Para itong anghel na inihulog mula sa langit, bumagsak sa harapan niya in all his naked glory.

Sayang! Piping sabi niya sa isip.

Paano ba naman, ng ipasok kasi niya ito sa bahay nila ay hindi na niya napansin kung "dakota harrison" ba si kuyang walang-malay na natutulog ngayon sa kama niya.

Hindi na nagtanong ang mga kapatid at ama niya bagaman nagulat ang mga ito. Mabilisan ang naging paliwanag niya habang nagtutulong ang dalawang kapatid niyang nurse na nagkataong walang mga duty ng araw na iyon.

"Hay!!!" Nanghihinayang na sambit niya sa hangin.

Muli niya itong tinitigan. Nakadamit na ito ng maayos. Hindi katulad noong una na duguan ito. Napalabhan na rin nila ang lahat ng nadumihan ng dugo nito. Ang bumabagabag ngayon sa kanya ay ang napag-usapan nilang mag-aama.


"Anak, baka naman biktima ng sindikato iyan o di kaya ay salvage? Bakit dito mo dinala?" anang kanyang ama pagkatapos pagpalain ng mga kapatid niya ang nahihimbing na lalaki.

"Eh tay, kung doon ko dadalhin iyan, malamang katakot-takot na paliwanagan ang gawin ko. Eh ni wala ngang kadamit-damit ang tao di ba? Nakita niyo naman? Alangan naman na hulaan ko ang pangalan niyan?" pangangatwiran niya.

"John Doe." sabi ni Migs.

"Anong Jumbo? Sino si Jumbo?" takang tanong ng kanilang ama.

Impit na nagtawanan ang mga kapatid niya.

Napapalatak siya. "Hindi Jumbo 'Tay. John Doe."

"Ah, Janggo. Aba'y iyon ba ang pangalan niyang lalaking iyan? Paano niyo nalaman?" sagot ng tatay niya.

"Susmiyo! Tay, John Doe! J-o-h-n D---" naloloka na niyang sabi ng putulin nito ang pagsasalita niya.

"Ako nga'y huwag mong sigawan Kearse. Narinig na kita. John Doe, hindi ba? Aba'y bakit mo pa i-i-spell sa akin? Ano ba ako? Tanga?" Nagagalit na sabi ng tatay niya.

"Hay nako 'Tay. Wala akong sinabing ganyan. Ang mabuti pa po, magpahinga na muna tayo at bukas na natin pag-usapan lahat ng ito." pagpapahinuhod niya sa nabibingi na yatang ama. Kailangan na nila itong mapatingnan.

"Oo nga naman 'Tay." segunda ni Jaime.

"O siya. At sumasakit na ang likod ko sa lamig. Magsipagtulog na rin kayo. Dito ka na sa labas matulog Kearse." bilin ng kanyang ama.

"Opo. Kukuha lang ako ng gamit."

Tumuloy na ang ama sa silid nito. Ang mga kapatid naman niya ay mapanuksong tingin na ipinupukol sa kanya.

"O anong ibig sabihin ng mga tingin na iyan?" pagtataray niya sa mga kumag.

"Dito lang kami. Babantayan ka namin at baka gapangin mo iyong lalaki sa loob." sabi ni Jaime.

"Mga echozerang ito. Hindi kaya kayo ang mga bantay salakay dito?"

"Hoy hindi ah. Ni hindi nga namin napansin na malaki pala ang..." ani Migs na iglap niyang pinutol.

"Hep! Huwag mo ng ituloy at baka marinig ka ni Tatay." aniya ritong pinandilatan ng husto.

Sa inis niya ay ngumisi lang ang mga talipandas na kapatid niya.

"Malaki ang mga sugat niya. May mga marka na galing sa paghataw. Mayroong gunshot wound sa may hita pero daplis lang. Na-disinfect na namin ang mga sugat niya. Sana lang, di siya kailangang salinan ng dugo. Malakas naman ang vital signs niya eh. Saka mukhang sanay na siya sa ganoon." paglalahad ni Jaime.

Napakunot ang noo niya.

"Anong sanay na siya sa ganoon? Anong ibig mong sabihin? Hobby niya ang magpalatay at magpabaril ng ganun-ganon na lang?"

"OA ka Kuya Kearse. Ang ibig kong sabihin, may mga peklat siya na galing din sa tama ng baril. Marami na akong nakitang ganyan kaya naman alam ko." sabi ni Jaime sa kanya na para bang ang tanga-tanga niya. Binigyan pa siya nito ng hindi-makapaniwalang tingin na para bang nagpapaliwanag ito sa bata.

"Umayos ka ng tingin sa akin Jaime at baka dukutin ko iyang mata mo." aniya rito.

Ngumuso lang ito sa kanya. Babalik na sana siya ng kwarto ng makarinig sila ng malalakas na katok sa pinto. Nahintakutan agad siya. Naalala niyang may humahabol nga pala doon sa lalaking napulot niya.

Pero wala naman siyang narinig na dumating na sasakyan ah? Sino kaya iyon?

Mas lalong lumakas ang mga katok kaya naman inalerto na niya ang mga kapatid na kumuha ng kahit anong maipanghahampas. Dagling kinuha ni Jaime ang baseball bat na nasa likuranng kanilang estante sa sala. Pumwesto ito sa likod ng pinto at dahan-dahan iyong binuksan.

Ihahampas na sana ng ubod lakas ng kapatid niya ang baseball bat ng iluwa nun ang kaibigan niyang si Earl na diretsong bumagsak sa sahig. "Oh my God!" sambit niya. Nakalimutan niya ito sa sasakyan. Sa sobrang taranta niya ay hindi niya ito napansin. Nagtaka rin si Jaime na para bang ngayon lang nakita ang kaibigan niya.

"Earl!" tarantang sabi niya ng makitang gulapay na ito at luparay na luparay sa kalasingan.

"Friendship..." ungol nito.

"Sorry, friend, kasi naman. Nagtalukbong ka sa front-seat. Akala ko tuloy throw pillow ka lang."

"Sh-shuta ka! Mukha ba akong u-nan?" Lasing na lasing na sabi nito habang pinipilit na makatayo.

"Bakit ba nandito iyan?" sabat ni Jaime.

"Uy! Mukhang ako lang ang walang ka-loveteam." Singit naman ni Migs.

"Gusto mo sa'yo ko ihampas ito?" iritableng sabi ni Jaime.

"Ikaw talaga. Inggitero ka sa kagwapuhan ko. Diyan ka na nga! I hate you!" umaarteng sabi ni Migs sabay martsa patungo sa silid nito.

"Hoy Jaime. Tulungan mo ako. Dalihin natin ito sa silid mo." aniya rito.

"Ha? Bakit sa kwarto ko? Bakit hindi sa'yo?" reklamo nito sa kanya.

"Kasi sinabi ko. Hala dali! Tulungan mo ako."

"Eh Kuya naman eh." pagmamaktol pa rin nito.

"Masikip na sa kwarto ko. Saka sa sahig mo naman ito patutulugin."

"Eh paano kung maihi iyan? O magsuka?" pagpupumilit pa rin ng hudyo.

"Ang dami mong reklamo Jaime. Kung ayaw mo, sabihin mo lang. Sa kwarto mo lang kasi may espasyo pa. Sa kwarto namin ni Migs wala na. Alam mo naman na dito ako sa sala matutulog. Ayaw ni Tatay na magigisnang may lasing dito sa sala. Kung maagkalat ito, linisin mo. Kung ayaw mo, sabihin mo. Para matandaan ko ang araw na ito na hindi mo pinagbigyan ang hiling ko. Ilalagay ko sa kalendaryo. Ipapatatak ko sa t-shirt ko at iapapta-tattoo ko sa noo ko para everytime na magsasalamin ako eh maaalala ko ang araw na tinanggihan mo ako!" Mahabang litanya niya. 

Napagod lang siya sa ginawa pero worth it naman dahil isang pumapayag na Jaime na ang nagsalita. Effective talaga ang bunganga niya. Di lang pang-hada, pang-talak pa. He-he!

"Butangera ka talaga. Sige na nga." anito sabay martsa patungo sa kwarto.

"Hoy! Sabi ko sa'yo tulungan mo ako. Aba! Dead-weight na itong kaibigan ko dahil lasing na lasing na. Mabigat. Nangangawit ang aking perpektong bone structures."

"Yeah right." his brother snorted.

"Ayan." natutuwang sabi niya ng tulungan siya nitong akayin si Earl.

Sa panggigilalas niya at ni Jaime ay lumingkis ito sa katawan ng kapatid niya at isiniksik ang mukha sa leeg nito.

"Hmmm... My bebeh!" wika ni Earl na ng tsekin niya ay tulog na tulog pa rin. Mukhang nananaginip ito at napagdiskitahan ang kapatid niyang iniibig nito ng hindi rin masyadong lihim.

"Nampotek naman oh." reklamo ni Jaime na pilit inaayos o mas tamang sabihing binabaklas ang kamay ng kaibigan niya.

Napatawa siya ng malakas.

"Sige magtawa ka. Tandaan mo ang araw na ito Kuya." banta nito sa kanya.

"Natakot naman ako. Saka isa pa, bagay naman kayo ni Earl ah? Maputi siya. Ikaw negro ka. Para lang kayong kape't-gatas." aniya rito sabay kindat.

"Heh! Butangera ka talaga! Dinadaan mo ako sa rapido ng bunganga mo."

"FYI, hindi ako butangera. SI Marian Rivera iyon. At hindi ako Psychology. Wala akong alam sa pag-assess ng mga tao. Itsura nito! Diyan ka na nga." 

Mabilis niya itong iniwan bago pa makahirit ang mokong. Pagpasok niya ay kinuha niya ang isang malinis na blangket at unan para gamitin sa labas. Pinagmasdan niya muna ng ilang sandali ang lalaking natutulog na ang gwapo-gwapo pala. Nang makita niya itong gumalaw ay dagli siyang lumabas na para bang hinahabol siya ng malaking nota, este, pusa.


"I really don't like it when people look at me like I was some freak or something." sabi ng isang tinig na nagpabalikwas sa pag-mumuni-muni niya ng mga kaganapan kagabi.

Napalingon pa siya sa paligid to make sure na may nagsalita pero wala siyang nakita.

"Hey!" anang tinig na humawak na ngayon sa braso niya.

"Ay pekpek ng kalabaw na bumaba sa lupa iginisa ng matanda nahulugan ng kalabasa habang may lumalangoy na isdang bilasa." nagulantang na sabi niya.

Nahampas pa niya ang may-ari ng kamay.

"Aray!" sabi ng lalaking nakahiga sa kama niya.

"Ay dyaske kang lalaki ka! Ginulat mo ako." Napatutop pa siya sa dibdib sa sobrang kaba.

"Sorry. Sorry if I startled you" anitong hinihimas ang nasaktang braso.

"Huh?" litong sabi niya.

"Sabi ko sorry." ulit nito.

"Sorry rin." nakangiwi niyang sabi. Nakita niyang may maliit na agos ng dugo sa nahampas niyang parte ng braso nito kaya naman agad siyang lumapit.

"Ayan, nagdugo tuloy." nag-aalalang sabi niya.

"Hayaan mo lang iyan." anitong iniiwas ang braso sa kanya.

"Huwag kang malikot." sabi niya. Binawi ang braong nasaktan.

"Okay lang iyan."

"Hindi okay iyan."

"Okay lang iyan."

"Hindi nga okay iyan eh!"

"Eh di hindi." the man said then stretched his arms dahilan para direktang tamaan ng kamao nito ang mukha niya.

"Aray!" tutop niya sa naktang pisngi.

"AY sorry." hinging-paumahin nito.

Nanlilisik ang matang tiningnan niya ito. "Gumaganti ka yata eh?" asik niya rito.

"Hindi ah. Wala nga akong laban eh. Kita mo ang dami kong sugat. Paano kita magagantihan? Aksidente iyon." depensa nito.

"Tse!"

"Sorry na ha."

"Pasalamat ka. Gulpi-sarado ka na."

Natawa ito. Nabatu-balani na naman siya.

"Oo nga eh. Salamat sa pag-aasikaso sa akin. Saan mo nga pala ako natagpuan?"

Hindi namalayan ni Kearse na nakatitig na pala siya dito. Natatawa namang ipinitik nglalaki ang mga kamay sa harap niya.

"Hey! Are you okay?"

"Huh?" gulat na sabi niya. "Ah oo. Ano nga pala ulit iyong tanong mo?" napapahiyang sabi niya.

"Ang sabi ko, ano kamong masasabi mo sa economic situation ng bansa natin dulot ng worldwide crisis at sa ginagawang aksiyon ng gobyerno tungkol dito."

"Ibagsak ang presidente ninyo!" tumataginting na sabi niya.

Sukat humalakhak ang lalaki na naputol din dahil sa pag-sakit ng mga sugat nito. Nangingiwing pinigilan nito ang sariling matawa ng lubusan.

"O bakit ka natatawa?" nagtatakang tanong niya.

Nag-alis muna ito ng bara sa lalamunan bago nagsalita.

"Paano eh, hindi naman iyon ang totoong tanong ko."

Namula siya sa narinig.

"Ah ganoon ba?" Napahiyaw ito ng diininan niya ng pasimple ang tagiliran nito, hoping there's a wound on that particular area. And he hit home.

"Salbahe ka." sabi nito.

"Hindi kaya. Ang bait-bait ko nga eh." saka siya plastic na ngumiti.

"Oo nga." naiiling na sabi nito.

"Paano ka ba napunta doon sa kalsada? At sinong humahabol sa'yo?" pag-iiba niya ng usapan.

For a brief moment, Kearse thought he saw danger in this man's eyes but it was so fast he was made to believe it was only his imagination playing tricks on him.

Ngumiti ito. "Mahabang kwento eh." anito.

"Try me. Wala naman akong ginagawa." pangungumbinsi niya.

"Saka na. Marami pa namang araw."

"Kahit clue lang?"

"Pasensiya na." disimuladong pang-didismiss nito sa pinag-uusapan nila.

Napabugha siya ng hangin. Mukhang in-time ay magkukwento ang lalaking ito. Hindi lang siguro sa ngayon.

"All right. Since you're playing the mysterious-guy-found-lying-naked-in-the-woods-you-can't-make-me-say-anything, aasahan ko na sasabihin mo sa akin ang mga detalye ng kinasangkutan mo bilang pagtanaw ng utang-na-loob sa pagkakaligtas ko sa'yo. Kahit pa sa hospital or sa presinto ko dapat i-ne-report ang bagay na ito." pangongonsensiya dito.

Nakita niyang nagtalo ang kaloban nito. Pero saglit lang. Muling namutawi ang kislap sa mata nitoa t ang mapang-akit na ngiti. Ayun na naman ang nakakatunaw na tingin nito. Parang gusto siyang hilahin sa kama at gawin ang ipinagbabawal ng Lola Maria Clara niya.

"Oo naman. Scout's honor." nagtas pa ito ng kamay at ginawa ang simbolo ng boyscout. Napatawa siya.

"Anong pangalan mo?" aniya sa kawalan ng matanong.

Matagal bago ito nagsalita. Waring pinag-iisipan kung sasabihin ba sa kanya ang pangalan nito o hindi.

"Mukhang pati iyon aya--"

"Cody." sambit nito.

"Huh?"

"Cody. Iyon ang pangalan ko."

"True?"

"Oo naman."

"Bakit ang tagal bago mo sabihin?" hindi naniniwalang sabi niya rito.

"It's because I'm thinking if I deserve to be here alive at nagsasabi ng pangalan ko sa'yo habang ang mga kaibigan ko ay nasa panganib." mababa ang boses na sabi nito.

Natigilan siya.

This man, despite of his jolly personality, speaks danger. In capital D. Naiiling na nagsalita siya.

"Just tell me who you are." utos niya.

"I'm Cody. That's all you need to know. Aside from the fact that I mean no harm." nakangiti na nitong sabi kahit hindi umaabot ang ngiti sa mga mata.

"Trust me please. Wala akong gagawing masama. Pero kailangan kong magpagaling. Kahit dalawang araw lang. Pwede ba?" Pagpapatuloy nito.

Hindi alam ni Kearse ang isasagot. Nahahati siya sa pag-aalala kung gagawin ba niya ang sinabi nito o hindi. Hati kasi, nangangamba siya para sa kaligtasan nila, at sa kagustuhang makilala pa at tulungan ang lalaking ito.

Para-paraan!

"Okay." sa huli ay nasabi na lang niya.

"Salamat." Ginagap nito ang kamay niya. Para siayng nakuryente na di niya malaman. Hiling lang niya ay hindi nito naramdaman ang naramdaman niya.

"W-walang anuman."

"So, anong pangalan ng savior ko?" nanunukso ang ngiti sa mga labi nito. At walang magawa ang kawawang mata niya kungdi sundan ng tingin ang mapang-akit na labi na iyon.

"Ah... Kea-Kearse."

"As in curse? Sumpa?" kunog-noong sabi nito.

"Ah.. Oo... ewan ko sa nanay ko kung saan galing iyan. Pero tama ang pronunciation mo." pilit siyang ngumiti para itago ang discomfort sa ayaw nitong bitiwang kamay niya.

"Wow... Thanks! Thank you Kearse!" anito sabay halik sa likod ng palad niya.

Kearse can't help but gasp in disbelief!



ITUTULOY

No comments:

Post a Comment

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails