This is an Alternative Chapter of Paraffle Na Pag-ibig in the PoV ni Aljun Lachica. ginawa ko po ito to show my gratitude and to give thanks to out one and only Kuya Mike Juha...
Thanks for the Trust kuya mike..
Thanks for the Trust kuya mike..
-3rd-
__________________________________________________________________________
Ako si Aljun Lachica, sabi nila ay ako daw ang campus crush dahil sa aking kong kagwpuhan, pero kung ako ang tatanuning ninyo ay masgugustuhin kong iturin akong isa sa mga regular na studyante dito sa aming paaralan.Hindi ako mayaman pero ramdam ko ang pag mamahal ng mga kapwa ko studyante dahil sa ako ang kanilang ibinoto upang maging elected student council president, masaya akong pag silbihan ang aking mga kapwa studyante. Sa edad na 19 ay nasa 6’2” ang height ko, mahilig din naman ako sa Sports tulad ng Basketball at Lawn Tennis pero mas focused ako sa Lawn Tennnis. Di naman sa pag mamayabang ay ako ang tinanghal na Regional Lawn Tennis champion noong nakaraang palaro. Dahil na rin sa hitsura ay naka-ilang beses na akong subukang kumbinsihin ng isa sa pinaka sikat na grupo sa aming paaralan ang CGI or Cool Guys Inc. Alam ko ang kanilang patakaran sa grupo at alam ko din naman ang intensyon ng kanilang grupo subalit tinatanggihan ko ang kanilang alok sa kadahilanang busy ako sa mga duties ko bilang Student Council Presedent, sa Lawn Tennis at sa Pag-aaral ko.
Dahil sa grupong ito ay nagkakaroon ng isang masayang palaro sa aming paaralan taon-taon at iyon ay ang pag paparaffle ng bawat isa sa kanila para gawing slave sa loob ng 365 hours, at ang perang nakukuha sa event na ito ay ginagamit para supportahan ang scholarship foundation ng grupo.
Sa loob ng ilang taon ko sa aming paaralan ay halos parepareho na lang ang nagigigng reaksyon ng mga tao sa tuwing makikita ako, medyo nagugulat ako noong una pero kinalaunan ay nasanay na lang ako sa kanilang mga tilian, dahil sa kanilang pinapakitang pag hanga ay mas lalo ko pang inalagaan ang aking sarili at ipinakita sa kanila na kahit na hindi ako anak ng mayaman ay ipapakita ko parin na hindi mo kailang maging mayaman para ikaw ay tingalain at hangaan. Alam ko na sa aking panunungkulan sa Student council ay marami pa rin ang kumukwestion sa aking kakayahan pero sa halip na magalit ako sa kanila ay ipinapakita ko na lang sa kanila na alam kong tama at wala akong maling ginawa.
Sa taong ito ay sinubukan ulit akong kumbinsihin ng CGI pero hindi para maging miyambero ng kanilang grupo kungdi para maging grand prize sa kanilang ginagawang annual raffle. Maging ako ay nabigla kasi alam ko naman mas marami pa ang mas deserving na maging grand prize kaysa sa akin hanggang sa pakinggan ko ang eksplenasyon ng lider ng grupo ng CGI na si Troy De Mesa.
“look Aljun, alam kong ilang beses mo na kaming tinangihan sa pagsali sa aming grupo dahil nga sa iyong mga prioridad dito sa paraalan at sa iyong pag aaral. Pero please kahit ngayong taon lang eh sana naman eh pag bigyan mo kami.” Ang pagmamaka-awa ni Troy sa akin.
“troy alam kong mabuti ang inyong adhikain sa event na ito pero sa ngayon eh ganun parin ang aking isasagot sa inyo.. alam nanaman pa aninyo ang mga priopridad ko sa paraaralan diba kaya sana naman ay intindihin ninyo naman ako” ang sagot ko kay Troy. Pero sa halip na umalis na sila ay muling nag salita si troy.
“ this might be too much too ask but we promised that this year ay gagawin namign proze boy ang pinaka-sikat na studyante dito sa ating paaalan, and if you ask around the school kung sino yun they will all answer unanimously and that is you aljun, look this is just for fun kaya sana ay i reconsider mo ang aming offer sayo”
Dahil sa mga sinabi ni tryo sa akin ay natahimik ako ng halos na 10 minuto bago ako muling nag salita.
“ok troy pero just this once ha.. count me in. Pero one favor just like in the past years huwag ninyo munang irereveal na ako ang inyong proze boy ok?”
“ok sure no problem basata ikaw”
Pumayag ako sa kanilang nagin alok sa akin tutal eh alam kong katuwaan lang naman ang ito na may magandang dulot dahil lalo na nang mabasa ko ang kanilang “magpapasin sa pagtulong” nakakatawa mang sa unang tingin pero kung iinitindihin mo ng mabuti ay tagalang gumagawa sila ng mga kakaibang paraan para lang mapansin ng lahat ang kanilang adhikaing makatulong sa kapwa. dalawang bwan matapos ang aming naging pag uusap ni troy ay ginanap na ang pinaka-hihintay ng lahat ang pag paparaffle sa amin.
Mula sa likod ng stage ay doon ko nakita at nakilala ang iba pang mga prize boys na miyembro ng grupo andito si alvin, si sammy, si adrian at iba pa na pawang mga studyante ng din sa paraalang ito. Habang nagkakasiyahan ang lahat sa labas ng ay sinubukan kong sumilip para makita kung gaano karami ang taong dumalo at laking gulat ko ng makita ko na halos lahat ng studyante,faculty at may mga taga ibang skuwelhan pa at lugar na nakita kong dumayo para lang dito. Dahil sa aking nkita ay parang inabutan ako ng kaba pero hindi ko ito kailangang ipakita sa aking mga kasama ngayon lalo na sa mga taong nasa labas at naghihintay at umaasa. Ialng minuto pa ay nag simula na ang program at isa-isang lumabas lahat ng mga papremyong miyembro ng CGI maliban sa akin. Sa kanilang pag labas ay narinig ko ang mga hiyawang napakalas. Mula sa likod ng stage ay pinagmasdan ko ang ginawa ng aking mga kasama sa entablado. Rumampa sila sa cat walk at agad din naman bumalik sa likod ng stage.
Ilang minuto lang ang lumipas ay lumabas si Alvin ang isa sa mga prize boys, sa tantiya ko ay mga 5’9” ang tangkad niya at maganda rin ang hubog ng kanyang katawan, maputi, makinis ang balat, naka clean cut ang buhok at may hitsura din. Lumabas siya sa entablado at agad na tumayo sa harap ng entablado at nag salita.
“Ako po ay si Alvin, 19 years old, at nasa third year ng kursong Information Technology. Ang expertise ko po ay ang tumugtog ng gitara. Kung sino man po ang makakuha sa akin, maari po niya akong paggitrarahin, haranahan siya, o kung sino mang iuutos niyang puwedeng haranahin ko.”
Hiyawan ang naging sigaw ng mga tao sa labas habang nag hihintay na ianaunsiyo kung sino ang nanalo sa kanya ay kinalabit ako ni Troy at kinausap niya ako. sabi niya ay may konting pagbabago sa napagkasunduan dahil ito sa naging last minute meeting nila ng kanilang grupo.
“Aljun! May sasabihin ako sa iyo.”
“anu yun?”
“nag usap-usap kami ngayon lang at napag kasunduan naming bigyan ng twist ngayon ang grand prize”
“ha? Bakit naman biglaan?”
“alam daw kasi nilang baka di ka pumayag noon kaya ngayon lang nila sinabi sa maging sa akin ang detalye”
“may magagawa pa ba ako? tutal nandidito na ito sige anu ba yang sinasabi mong twist?”
“ i-o-auction ka muna namin at mag sisilbi ka sa taong makakabili sa iyo ng 24 na oras lang naman at 4 na araw simula ngayon saka palang magisismula ang iyong pag sisilbi sa makakakuha sa yo sa raffle.”
Wala na akong mawaga sa at pumayag na lang din ako sa gianawa nilang pag babago sa aming nagpakasunduan. Kung iisipin minsan nga lang naman ito manyayari. Nang malaman na kung sino na nakapanalo kay alvin ay sumunod naman si sammy. Higit na mas mataas si sammy kay alvin sa height na 5’10” tulad ni alvin ay wala ding pangtaas na damit itong si sammy na rumampa sa taas ng entablado. Kastulad ng kanina ay hiyawan at palakpakan ang sumalubong sa kanya habang siya nag naglalakad papunta sa harap ng stage, natigil lang nag mga ito ng magsimula siyang mag salita.
“Ako po si Sammy, 20 years old at nasa 4th year ng kursong mechanical engineering. Ang expertise ko po ay ang pagkanta. Hindi po ako propesyonal na singer at ang totoo, sa banyo lang po ako kumakanta. Ngunit maswerte pa rin ang makakuha sa akin dahil sa kanyang paliligo, sasabayan ko siya sa banyo kakantahan habang marahang hihilurin gamit ang aking mga palad ang mga libag sa kanyang likod...”
Hiayawan ulit at sipulan ang isinagot ng mga tao sa ginawa ni sammy at tulad ni alvin ay tumaayo din siya ng naka tikas habang naghihintay na i-announce ang taong naka bunot sa kanya. Sa pagkakataong ito ay isang grupo ng mga kababaihan ang narinig kong nag hiyawan.
Kaming dalawa na lang ni Adrian ang naiwan, mayamaya pa ay lumabas na in si adrian at ginawa rin niya ang tulad ng ginawa ng dalawang nauna na sila sammya t alvin. Dahil doon ay nag isip ako kung appaano ko sila sosopresahin sa aking pag labas. Nagrinig ko rin nag salita si adrian sa harap ng entablado.
“My name is Adrian, 18 years old lang po, at nasa second year ng kursong kumersyo. May paalala lang po ako sa sinu mang makakuha sa akin, please handle me with care. Baka po kasi mabasag ninyo ako. Nakita naman po ninyo sa aking pagmumukha na tunay na wala po akong kamuwang-muwang sa mundo. Ako po ay never been touched, never been kissed and never been damaged. Noong sumali po ako sa cool guys, inc., wala po akong talent. Ngunit dahil kailangan daw magkaroon nito kaya pinilit kong matutong magluto. Hindi nga lang ako sigurado kung masarap. Ngunit wala pong problema dahil kapag hindi po siya masarapan sa niluto ko, pwede pong ako na lang ang kanyang papakin. D’yan po... nakakasiguro po ako, na masarap po ang templada ko...”
Grabe iba parang wala lang talga sa kanila ang ganitong katuwaan parand di sila kiankabahan, alam kong ilang segundo na lang ay ako na ang lalabas kay isang malakas na buntong hininhga na lang ang aking inilabas para kahit papa-ano ay mabawasan ang kaba na nararamdaman ko sa aking dibdib.
Maya-maya pa ay narining ko nang tinawag ang aking pangalan kasunod ng isang malakas na hiyawan. Nakakabingi ang kanilang mga hiyawan at talagang nakakabingi, ngunit dahil doon na naramdaman ko ulit ang kanilang pamamahal at suporta sa akin kaya sa halip na mahiya ako ay lumakas tuloy ang aking pakiramdam na gawin ito, dahil din sa mga hiyawan ay napag desisyonan kong isang mapangakit at bagong aljun ang iapapkita ko ngayon sa kanila.
(Itutuloy)
Sir Mike,
ReplyDeleteSana may 3rd part to, yung POV din ni Aljun sa kanila ni Jun.
-K