Followers

Sunday, April 24, 2011

Musmos - Part 07









Salamat po sa mga comment lalo akong ginaganahang ipagpatuloy ang aking pagsusulat. Sa mga nagtatanong po kung ito ba'y totoo. Ikinalulungkot kong hango lang ito sa isang bahagi ng aking buhay at mga tunay na lugar na hinaluan ng maraming bagay mula sa aking imahinasyon. 

Hope to finish this story soon.

Nagpapasalamat akong muli sa mga sumusunod na masugid na sumusubaybay sa aking kuwento:
  • James Wood (UAE) - para sa maganda niyang akda na APAM na pang famas 
  • Marqee (UAE)
  • Mars
  • ALMONDZ
  • brylle
  • mhei - salamat sa unang pabati sa aking kaarawan sa Wednesday!
  • Xander Monteverde
  • R3b3L^+ion
  • 3rd - author ng napakagandang "Unexpected Love" na humahatak ng kailangan kong damdamin bago ako makapagsulat.
  • Alvin V- sa pangakong magbabasa nito pag rest day niya at pagpayag na gamiting kong plot ang bahay nila :-D
  • Alex C - nagbabasa ka pala ng mga ganito loko ka. hindi ikaw ang Alex sa kuwentong it ha obviously.
  • Anonymous : marami man kayong nagcomment without your name naappreciate ko po yun. Sana indicate niyo name niyo para mabati ko kayo ng maayos bilang pasasalamat.
FB Solid MSOB group : Thank you for making me a part of the group! Salamat sa iyo Vin Cri at sa iyo Kuya Mike Juha sa iyo rin para sa blogsite mong napakaganda at sa AKKCNB & SUAACK na sobrang inspirasyon ko sa akin na magsulat. Naghihintay pa rin po ako kay Kuya Romwel... malapit na yata akong mamuhay sa panaginip bilang si Jayson Iglesias.. can't wait for the GEB to meet everyone from MSOB.

To my fellow contributors of this site. Thank you for your stories, binabasa ko rin sila at nakakatulong din sa akin ang inyong storya.

Sa mga sumusubaybay. Sa April 28th po maglalabas ako ng aking pangalawang akda. Sana ay magustuhan din niyo po ang kuwentong iyon.

--------------------------------------------------------------------

Bakas na sa aking mukha ang matinding takot sa isang malaking kaganapang magaganap sa aking buhay. Kung anu-anong mapapait na pwedeng mangyari sa akin ay isa-isang nagsisulputan sa aking guniguni. Nakalimutan kong magkakasama pala kami nila Kevin at Ron sa Starbucks.
Nagtatakang tumitig sa akin ang dalawang magnobyo. Palagay ko ay basa na nila sa aking mukha na may mabigat akong dalahin. Hindi na ako nagsalita pa at inabot ko kay Kevin ang aking telepono para kanilang basahin ang mensahe ni mama. Sabay nilang binasa ito at bumakas sa mukha nilang dalawa ang awa at sila ay nagkatinginan at napailing na lang.
"Tol, anong ibig sabihin ni mama mo sa text niya? Sino ba si Alex at bakit siya nagpunta sa inyo? Ano ba yung tinutukoy niya?" ang tanong ni Kevin sa akin. 
Maluhaluha kong sinabi sa kanilang dalawa ang tungkol kay Alex. Nainiiwasan ko ito at isang malaking pagkakamaling tumikim ako ng kanyang alok. Since katulad ko sila malaya kong naikwento sa kanilang dalawa ang mga nangyari sa amin ni Alex mula sa pagkakakita namin sa Lawton, ang pagsama ko sa kanya, ang aming nagawa, ang paggala namin kinabukasan sa lugar niya, at ang paghatid niya sa akin sa bahay sa Cavite.
Matapos ang background details sa amin ni Alex, kita sa mukha ng dalawa na unti-unti nilang naunawaan ang lahat. Para silang mga batang nakikinig sa storya. Nakapangalumbaba at nakapatong ang mga siko sa ibabaw ng lamesa. 
"Kaya siya sumusunod sa akin kanina noong papunta na ako sa inyo kanina Kevin ay nagpapaliwanag siya pero hindi kasi ako nakikinig sa kanya. Akala natin kanina umalis na siya pero pumunta pala sa amin at ang malala nagkwento siya kay mama.." ang huli kong sinabi at bumuhos nanaman ang aking luha kahit sa ibabaw ng blueberry cheesecake na hindi ko pa natitikman man lang.
"Jeremy, gusto ka nang taong iyon yun ang masasabi ko pero... hmm... ang hirap ng kalagayan mo.. buti na lang ako madaling natanggap ni mama yung sa akin.. si Alex... mukhang mahal ka niya pero bakit mo siya iniiwasan?" ang tanong ni Kevin na parang may binubuong puzzle sa kanyan isipan. "Hindi ba mas mabuti kung bibigyan mo siya ng pagkakataong mahalin ka at bibigyan mo sarili mong matutong mahalin din siya?".
Medyo nairita ako sa huling tanong ni Kevin pero hindi na ako sumagot at itinuloy na lang ang pag-iyak. Napansin kong tahimik lang si Ron at nakatitig sa akin. Lungkot at pakikiramay ay kitang kita sa kanyang mukha at lalong damang dama ko sa kanyang mga mata. Lumiyad siya ng kaunti at kinuha ang tinidor kong di ko pa ginagalaw. Kumuha siya sa slice ng cake ko at itinutok ito sa akin na parang gusto akong subuan. "Kumain ka niyan, makakatulong sa iyo yan ngayon kahit kaunti." sabay bitiw ng matamis na ngiti na siya namang nagpangiti sa akin. Sa loob ko, ngayon alam ko na kung bakit siya mahal ni Kevin. Ibang level ito grabe kahit ako... lost and totally out of words to describe the feeling sa ginawa niyang iyon.
Tinanggap ko ang isinusubo sa akin ni Ron na parang batang paslit na sinusubuan ng pagkain. Tumahan na ako sa pag-iyak at agad nawala ang aking hinanakit habang si Kevin naman ay malalim ang iniisip. Hindi ko na rin napigilan ang sarili, binawi ko ang tinidor kay Ron at binanatan ko na ang cake at di na alintana na basang basa pa rin ng luha ang aking mga pisngi. Tama si Ron, unti-untiang naupos ang lungkot ko habang kinakain ko yung cake. Sa ganong lagay ko ay di naiwasang tawanan ako ni Ron na okay lang din naman sa akin.
"Buti naman tumahan ka na..." sabay bitiw ng tawa. "... ang cute mo pala para kang inosenteng musmos!.. " sabay tawa ulit na parang natutuwa siya sa kanyang nakikita.
SIge lang ako sa aking pagkain at habang ninanamnam ko ang bawat pagsubo ko ng cake napansin kong natatawa na rin sa akin si Kevin ngunit kita sa kanyang mga mata ang pag-aalala.
Nang kami ay makatapos na, napagdesisyunan ko nang lasapin ang araw na kasama ko silang dalawa. Lahat ng kasiyahan ay aankinin ko na bagu humarap sa naghihintay sa aking pagharap sa aking mga magulang tungkol sa aking pagkatao.
Nagikot-ikot muna kami sa mall. Pareho pala kaming tatlo na mahihilig sa computers at gadgets kaya tumambay muna kami sa Power Mac Center sa 3rd floor at nagtitingin ng mga tinda doon. Nagpunta rin kami sa mga tindahan ng cellphones sa tabi ng Power Mac at nagtingin-tingin ng mga bagong tinda nilang cellphones. Window shopping lang kumbaga. Hindi ako nakaramdam na maout of place sa kanilang dalawa. Para lang silang magkapatid at kahit kaunting gesture na magjowa sila wala akong napansin... o siguro ganon lang talaga sila sumimple sa paligid ng lahat. 
Matapos naming ikutin ang mga computer at cellphone shops at pumunta kami sa Astrovision para tumingin ng mga bagong movies, music albums, at hindi pwedeng mawala ang bagong computer games. Bumili ako ng VCD ng movie na Le Fableux Destin d'Amelie Poulain, Dreams ni Akira Kurosawa, at Back To Me na album ng Cueshe. Si Kevin naman bumili ng album ng Moonstar 88 na Todo Combo kahit gusto rin niyang bumili ng Back To Me na album hindi na lang din dahil nauna na ako sa kanya at alam naman niyang pwede niya itong hiramin anytime.  Si Ron naman ay ang kopya ng Rhapsody in August rin ni Akira Kurosawa. 
Natuwa akong malaman na mahilig din pala si Ron sa independent films. Para kaming magkakapatid na nagsisitingin ng mga nakalagay sa rack. Habang kami ay magkakasama parehas silang nakaakbay sa akin at di ako hinahayaang lumayo o humiwalay sa kanilang nga bisig. Literal na naka balot ang braso ng isa sa akin at nagsasalitan sila sa pag-akbay. Parang kapatid nila akong bunso sa kanilang pagtrato sa akin. 
Napakasarap ng pakiramdam ko nang mga oras na iyon ngunit sumagi nanaman sa aking isip na pano kaya kung magkasama kami ni Dexter ngayon? Di sana ako nakakasagabal sa date nung dalawa. At kung hindi man ako nakakasagabal ay tatlo na ang kuya ko ngayon. Pero masyado na ang hiling kong iyon kaya nakuntento na akong mayroon akong dalawa. Habang tumitingin ako ng CD at iniisip iyon hindi ko namang mapigilang maiyak sa tuwa na aking nadarama. Napansin ni Kevin iyon at hinawakan ako sa pingi.
"Ron tingnan mo si Jemy o.. umiiyak nanaman.." habang ang kanyang boses at pananalita ay parang kumakausap lang at nilalambing ang three years old na bata. "bakit umiiyak si Jemy? ...wag mo na isipin yun Jemykoy... masa-sad din si Romy-kolokoy at Vinvin-pot, sige ka" at sabay ngiti sa akin habang si Ron naman ay nakakulot ang mukha na kunwari sad siya.
"Ay..... Sad nga siya kuya Ron-kolokoy... maya bili tayo ng... kotong candy, gusto mo Jemykoy ko?" halatang sinusubukan lang ako ni Kevin patawanin.
"... gusto mo sakay tayo sa choo-choo mamaya Jemykoy?"  dagdag pa ni Ron sa naunang sinabi ni Kevin.
Pinatulan ko naman ang mga alok nila at pati na rin ang role play na ginagawa nila at nagboses bata na sumagot ng.. "okay po... mga kuya.."  
Nakakatuwa at nakakakilig ang lagay naming tatlo noon. Sobrang saya ngunit napansin kong baka lumalampas na ako sa linya nilang dalawa. Ngunit sa aming pagsasama hindi talaga sweet ang dalawa sa isa't isa bagus parang mas sweet silang dalawa sa akin at si Ron naman ay parang nirereto ako kay Kevin. Ewan ko ba kung bakit ganoon o baka ako lang iyon dahil sa lubhang hindi ko maisantabi na sila magkasintahan at ako naman ay kasama lang nila dahil siguro sa awa.
Matapos sa Astrovision at tumungo kami sa People Are People at nagfit ng mga damit. Hang sinusubukan namin ang mga damit ay sige naman kami sa pagkuha ng picture mula sa camera na dala ni Ron. Magkahalinhinang katatawanan at paghanga sa mga nagiging itsura ng bawat isa sa mga damit na isinusukat ngunit.
Nang mapagod na kami sa aming mga kalokohang pinaggagawa at pag-iikot sa mall ay napagtripan na naming tumungo sa X-Site para magvideoke.  Ngunit seryoso pala ang dalawa sa alok nila kanina sa akin sa Astrovision kanina, natigil muna kami sa stall ng cotton candy sa harap ng X-Site at binilan nila ako ng malaking -malaking cotton candy na tatlo ang kulay at nakapaloob iyon sa plastic. Bukod pa don ay bumili din sila ng tatlong cotton candy na nasa stick. 
Habang kinakain namin ang cotton candy nasabi ko na lang ng pabiro na "Seryoso pala talaga kayo kanina ha. Okay lang ako wag kayo mag-alala. Natutuwa ako ngayon sobra... basta wag niyo lang ako dalin sa choo-choo mamaya ha? nakakahiya na yata yun kung makikita nila tayong tatlo dun na mukhang mga retarded.. " sabay ngiti at si Kevin at Ron naman ay nagtawanan na lang.
Nang matapos sa pagkain ng cottoon candy pumasok na kami sa X-Site..
"Mahirap yata kumukha ng mga kanta kasi nasa labas at nakadikit lang sa poste ng malapit yung song list nila..." ang dismayadong sabi ni Kevin. Wala kaming nagawa kundi ang tumayo muna sa labas sa harap ng poste na nakalagay yung song list at kumuha ng aming mga kakantahin habang nakikipagsabayan sa iba pang kumukha ng kaninang nais kantahin.
Nang matapos kami ay tumungo na kami sa cashier para bumili ng mga tokens. Weekday noon kaya medyo kakaunti lang ang gumagamit ng mga booths ng videoke. Maliliit ang mga iyon at kasya lang ay apat na tao. Kulay dilaw ang pintura ng lahat ng mga ito mula sa labas hanggang sa loob.
Hinayaan namin ni Ron na mauna na si Kevin sa pagkanta at "Pag-ibig ko Sa'yo" ng Moonstar88 ang kinanta niya.






Habang tumutugtog ang intro ay madali na itinayo niya ako sa aking pagkakaupo sa tabi ni Ron habang hawak ang aking kanang kamay. Inakbayan niya ako ng mahigpit ng kanyang kaliwang braso at pareho na kaming nakaharap sa aparato.
Bigla niya akong hinarap sa kanya at nagkatitigan kami. Nangungusap ang kanyang mga mata sa bawat linyang kanyang inaawit ngunit binago niya ang mga unang linya sa orihinal na kanta.
Bakit ganito ang pakiramdam
Ng isang umiibig sa’yo?
Bigla siyang lumingon at tumingin sa direksyon ni Ron na natitig sa amin at natatawa habang inaawit niya ang kasunod na mga linya na kumalabit sa aking isipan upang mapa-isip.
Kahit alam ko iba na ang mahal mo
Umaasa pa rin ako sa’yo
Bakit siya ganon? Ano gusto niya palabasin? Bakit parang tinutukoy niya na si Ron ang mahal ko ngayong alam naman naming tatlo na sila talaga ang nagmamahalan at ngayon ko lang nakabonding si Ron. Tanging magaang lang ang loob ko kay Ron wala nang iba. Ayaw ko na bigyang kahulugan pa ang mga nagaganap. Nagsisimula nang sumakit ang ulo ko sa pawang paghaharanang ginagawa ni Kevin sa akin. Tila ba bawat linya ng kanta niya ay patama sa akin.
'Di mo ba nakita ang mga ginagawa?
Lahat ito ay para lan sa'yo
'Di mo ba pansin ang aking damdamin
Mahirap ba itong intindihin
Sa pagtapos niya ng bawat linyang mga ito ay sabay niyang pinipisil ang aking balikat at hinihigpitan lalo ang yakap sa akin. Hindi ko na talaga maintindihan ang nagyayari nalilito na ako at kinakabahang baka bigla na lang ako sapakin ni Ron sa ginagawa ni Kevin sa akin ngunit nang lingunin ko siya ay parang balewala pa rin sa kanya ang lahat at humihiyaw pa ito paminsan-minsan. 
Habang nasa ganoon kaming lagay ni Kevin ay sinimulan niya akong isayaw sa saliw ng musika habang kumakanta
Humarap ulit sa akin si Kevin at tumitig sa akin ang mga nakakatunaw niyang paningin habang inaawit ang mga linyang...
Sa’yo ako’y maghihintay
Hinding-hindi magsasawa
Lagi akong magmamahal sa’yo
"Nananaginip lang ba ako? Bakit ganito ang nagaganap dito? Where's the stop button?!? " sa aking pagkalito ay nasabi ko sa aking sarili. Maling mali na itong mga nangyayari.
Nang matapos si Kevin ay sumunod sa kanya si Ron sa pag-awit dahil lumapit ito kay Kevin at kinuha nag mikropono. Nag-high five pa ang dalawa na parang pinagtitripan lang ako. Ewan ko ba.
 Ngunit nang pipindot na si Ron ng kanyang kakantahin biga siyang napatigil tila may pumigil sa kanya sa pagkanta. Hindi ko alam kung bakit . Sabay talikod siya sa aparato paharap sa amin at ngumiti. 

"Hindi ako marunong kumanta eh! Nahihiya ako sa iyo Jeremy at Kevin... Kayo na lang gumamit ng tokens ko lima lang naman itong kinuha ko.. hindi na ako kakanta makikinig lang ako..." ang paliwanag niya sa amin pero sa akin siya nakatingin habang nagkakamot ng ulo. Hindi ko alam kung bakit ngunit kanina naman habang nasa amin ni Kevin ang spotlight ay nakikikanta naman siya at naririnig ko pa rin ang boses niya gawa ng maliit lang naman kasi ang videoke room. Actually maganda ang boses niya pero di ko masyadong napakinggan ito dahil mas nakafocus ako kay Kevin ng mga oras na iyon at siya ang may hawak ng mic.
Bigla siyang tumingin kay Kevin at parang nagkaintindihan na sila sa ganong tinginan dahil biglang lumaki ang mata ni Ron sa kanya at tumango na lang si Kevin.
Nang matapos na kami sa aming pagkanta dahil sa nakaramdam na ng kirot at paginit ng aming mga lalamunan maliban kay Ron na hindi kumanta ay nakapagdecide na kaming umuwi na. Ngunit ako ay nagdadalawang isip pa na umuwi ng bahay dahil may nag-aabang sa akin na problema sa bahay.
Humiwalay na sa amin si Ron dahil may dala pala itong sariling sasakyan. Nagtataka naman akong hindi niya ito man lang hinalikan, niyakap, o kahit anong panlalambing na ipakita kay Ron ang pagmamahal. Sa halip ay bibigyan niya ito ng isang kindat at ngiti lang. Siguro yun lang ang senyasan nilang dalawa. Pero hindi ko na dapat pa alamin ang mga bagay na ito. Sila ang magjowa at di kami ni Kevin. 
Naglalakad na kami ni Kevin papunta sa sakayan pauwi ng Cavite pero nakaabay pa rin siya sa akin n mahigpit at kahit diretso ang aking tingin at pansin ko sa gilid ng aking mga mata na tumitingin siya sa akin. Bigla na lang akong napatigil sa aming paglalakad nang ako ay hindi na makatiis na tanungin siya sa mga gumugulo sa aking isipan kanina sa mga ipinakita niya sa akin sa harap ng kanyang si Ron.
"Tol... salamat ha... sobrang saya ko ngayong araw na ito... para kong kuya kayong dalawa ni Ron... pero hindi ko maiwagllit kanina sa aking isipan ang mga ipinakita mo sa akin kanina sa harapan ni Ron... bakit ganon? At ang isang gumagambala pa sa akin ngayon ay balewala lang sa kanya ang mga iyon..."  sabay yuko sa sahig. Hininitay ang sagot.
Pinisil ni Kevin ang aking balikat habang siya pa rin ay naakbay. Tumingin ako sa kanya at nagkatitigan ang aming mga mata. Nagbitiw siya ng isang matamis na ngiti at sinabi na "Jeremy... diba 24th ngayon?..." tumango lang ako "matapos ang dalawang araw mula ngayon... alam kong mainipin ka... pero sana hintayin mo hanggang sa araw na iyon..." bigla naman akong kinabahan sa kanyang sinabi at naalala ko na dalawang araw mula ngayon ay kaarawan ko na. Natanong ko na lang ang aking sarili habang iniisip ang mga pwedeng mangyari natanong ko na lang sa aking sarili  "Makikipagbreak ba siya kay Ron? ... Sa araw ng birthday ko?  ...Ano nanaman ba ang ginawa ko? ... bakit nagkakandasira ang mga relasyon ng mga taong nasa paligid ko? "

Tumahimik na lang akong nag-iisip habang nagpatuloy na kami sa aming paglalakad papuntang terminal. Sa paglalakad ay naisipan kong subukang umiwas na muna kay Kevin kahit nararamdaman kong masasaktan ako dahil lang sa pangungulila sa isang kaibigan at wala nang iba pa. Gagawin ko iyon para hindi na makasira pa. 
Aaminin kong mahal ko na si Kevin ngayon kesa sa naging pagmamahal ko kay Dexter sa mga oras na iyon ngunit alam ko rin na magkaibigan lang din kami ni Kevin at wala nang iba. Naging malambing lang siya siguro sa akin dahil sa matinding habag sa isang kaibigang halos nabibilang na ang oras na kahit ang sariling pamilya ay itakwil siya.
Mag-gagabi na nang makarating sa babaan ng pasahero sa amin. 
"Tol, hintayin mo ako dito kunin ko lang yung motor hatid na kita sa inyo.." ang maalagang sabi niya sa akin..
"Ha?.. bakit pa? Huwag na kaya kong maglakad mag-isa... Ito naman oh... salamat na lang sa abala ... malaking bagay na ang kasayahang dala ng pagsama ko sa date niyo ni Ron kanina..." sabay ngiti sa kanya.
Parang nalungkot naman si Kevin at di na nakapagpumilit pa.
"Ingat ka sa paglalakad ha?... " bigla siyang may naalala at biglang naging seryoso ang mukha niya. "... nga pala.. kung ano man ang mangyari sa bahay... punta ka lang dito ha?..."  sabay halik sa aking mga labi na aking ikinagulat. Malambing ang mga iyon.
Tumango lang ako at ngumiti ng pilit sa kanya. Naalala pala niya ang nakaabang na problema ko sa bahay. Kahit tumango ako sa kanyang tanong ay wala talaga akong balak muna magpakita sa kanya. Nakaramdam na lang ako ng kirot sa pag-iwas na gagawin ko kay Kevin. Agad na lang akong nagpaalam sa kanya at naglakad na tungo sa aming bahay bago pa niya makitang bumubuhos na ang luha ko. 
Sa aking paglalakad habang umiiyak na walang pakialam na punasan ang mga luha, kinabit ko sa aking tenga ang aking mga earphones at walang tingin sa aking player kung anong tugtog ang patutugtugin nito dahil nakashuffle mode naman siya. Hindi ko na rin pansin na tinodo ko ang volume nito. Sa lahat ng musika sa aking player ay di ko inaasahang ito pa ang tutugtog na siyang nagpabagal sa aking paglalakad at lalong nagpatindi ng pangungulila na aking nararamdaman para kay Kevin.






Madilim ang aming kalsada kahit may mga poste ng ilaw. Sadyang mahina ang liwanag na taglay ng mga bumbilyang nakakabit dito dahil siguro sa matagal nang hindi pinapalitan ang mga ito ang iba naman ay sadyang pundido na. Isa pa sa nagpapadilim lalo ay ang mga malalagong punong katabi nito na ang mga dahon ay pawang mga kamay na nagtatakip sa ilaw.
Hindi ko maiwasang maalala ang mga sandali namin ni Kevin mula noong kami ay highschool pa lang habang nakikinig sa aking musika at hindi ko napansing nakarepeat mode na pala ang player ko. Paminsan-minsang paghagulgol ang nagawa ko habang bumabalik ang aming masayang inuman. Ang kanyang paghalik sa akin, ang paggising ko sa kanyang mga bisig sa aking pagtulog na katabi niya, ang masayang mukha niya habang kumakain kaninag umaga ng luto ko, ang kanyang mala haranang awitin kanina sa X-Site. Sa kabila ng ito ang isip ko ay sinasabing tama ang ginagawa kong paglayo sa kanya para kay Ron na naging mainit ang pagtanggap sa akin. Ayaw ko na makasakit. Di na bale na ako lang ang masaktan.
Hindi ko napansing nasa harap na ako ng aming gate nang marinig ko ang ingay ng telebisyon namin na ang palabas ay ang nobelang laging sinusubaybayan ng mga tao sa bahay. Nagsimula na akong makaramdam ng matinding kaba. Ang mga kamay kong nanlalamig at nanginginig na ay dahan-dahang inabot ang nakakawit na lock ng gate at ito'y binuksan.
Lumalangitngit ang malaking bakal na gate namin pag binubuksan. Nang ito ay tumunog napansin kong biglang namatay ang ingay na nagmumula sa tv ay nawala. Eto na, malapit na ang supreme court na ang magiging upuan ko ay silya elektrika. Dahan-dahan akong tumungo sa aming pinto, binuksan ito upang pumasok at bigla na lang may tumama na matigas at makapal na bagay sa aking mukha at nagdilim ang aking paningin...
(itutuloy)


Musmos - Part 08

13 comments:

  1. what happen... bitin na nmn ako. dami pa rin naiwan tanong sa sisip ko haha. blue keep it up

    ReplyDelete
  2. ..nkakamigraine nga ang storyang eto..di ko na mahulaan ang identity ni dexter..tsk tsk tsk..salamat sa pagmention sa akin author :)) pero may kakaibang feeling ako d2 sa kwento na to, parang may kulang, hndi pa ganun ka intense ang mga pangyayari..sinu nga ba tlga si dexter??si ron ba o c kevin??may mga mhhalagang karakter pa ba na papasok sa mga susunod na kabanata???anu n mngyayari kay Jeremy sa susunod..???at yan ang aabangan ko...hahaha

    ReplyDelete
  3. unang unag salamat sa recipe. ehehhehehe...

    i think ron and kevin has no relationship. but ron is dexter but unfortunately, kevin fall to jeff.

    in the end kevin and jeff will be together.

    next chap please.

    james wood

    ReplyDelete
  4. first of all ,thanks for the recipe

    eheheh.

    i think ron and kev has no relationship. ron is dex and unfortunately kev falls to jeff. sana ending
    jevin- jeff and kevin...


    natawa ako sa vinvin pot. at romykolokoy.

    next chap please
    -jameswood

    ReplyDelete
  5. first of all ,thanks for the recipe

    eheheh.

    i think ron and kev has no relationship. ron is dex and unfortunately kev falls to jeff. sana ending
    jevin- jeff and kevin...


    natawa ako sa vinvin pot. at romykolokoy.

    next chap please

    ReplyDelete
  6. first of all ,thanks for the recipe

    eheheh.

    i think ron and kev has no relationship. ron is dex and unfortunately kev falls to jeff. sana ending
    jevin- jeff and kevin...


    natawa ako sa vinvin pot. at romykolokoy.

    next chap please

    ReplyDelete
  7. hayyyyyyyyy.........cant wait sa sunod,,,paki pls...

    ReplyDelete
  8. galinggggggggg...............cant wait sa next....paki pls....

    ReplyDelete
  9. mula umpisa, mapapa-isip ka talaga sa takbo ng kwento. maraming katanungan ang naiiwan sa mga mambabasa, at iyon ang nagiging dahilan upang abangan nila ang mga susunod na mangyayari.

    maganda
    keep it up!

    - ALMONDZ

    (hehe tamad mag log-in sa sariling account kaya Anonymous mode lang palagi)

    ReplyDelete
  10. possibility here is ron is dexter. ron and kevin are not together, since ron is straight (??? ... pero hwag sana straight si ron... sayang siya if straight siya hahahaha)...

    whatever it is, one thing is for certain: mr. blue has really got us thinking...this is one effective way of keeping your audience engaged... by having to keep 'em guessing... :)

    good job here blue!!!!

    R3b3L^+ion

    ReplyDelete
  11. oi! grabe ang ganda!!! may iba ka pa bang novels blue? sana mashare mo naman sa amin. If none, sana magsulat ka pa ng marami

    ReplyDelete
  12. ai nku ang hirap ng sitwasyon nah ganun d muh malalaman ang gagawin muh kung anu ang dapat tas my gumugulo pa sa isipan muh

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails