Followers

Sunday, April 24, 2011

Musmos - Part 06









Marami pong salamat sa pagsubaybay ng pinkaunang kwento kong ginawa sa aking talambuhay. Sana'y masugid pa rin niyo pa rin itong sundan hanggang sa katapusan.


Hindi po ako makapagsusulat ng ganitong kwento kung hindi dahil sa AKKCNB at SUAACK na naging inspirasion sa akin na ilathala ang kwentong ito. At di niyo mababasa ang kwentong ito kung hindi ni Kuya Mike pinahintulutan na ako'y maging miyembro ng kanyang napakagandang blogsite.

Si James Wood at Marqee from UAE: Salamat po sa inyong mga comments, lubha akong nachallenge para maplease ko kayo sa mga susunod na magaganap.

Kay 3rd: Excited na ako sa UeL 14. Nakakarelate ako kay Jam sobra. Salamat din sa pagsubabay mo sa aking kwento.

Hi po Mars! Salamat sa comment. Nice to know you are reading my story.

Hello Mhei & R3b3L^+ion!

Sa mga gusto pong kumontak sa akin maaaring padalyan niyo na lang po ako ng email.

ALVIN my friend: alam kong mababasa mo ang kuwentong to. Wag ka na lang maingay. Pahiram din muna ng bahay at motor mo sa kuwentong ito. Kuwento lang po :-p
--------------------------------------------------------
Sa aking kalasingan ay di ko naiwasang makatulog na rin. Hinayaan na lang ko na lang na nakayap ng mahigpit sa akin si Kevin. Nanatili ang mga katanungan sa isip ko ngunit may malakas akong kutob na si Kevin at si Dexter ay magkaibang tao dahil sinubukan kong tawagan si Dexter noong si Kevin ay naghihintay sa labasng bahay noon bibigyan ko siya ng chocolate na padala sa akin ni Dexter.

Kinabukasan nagising ako na walang katabing Kevin. Nang imulat at iikot ko ang paningin sa ligid ng silid ni Kevin, nakita ko na lang siyang nakaupo sa harap ng kanyang computer at may kausap sa kanyang cellphone.

“Oo nga eh.. hindi ko inaasahan na ...” naputol siya sa kanyang sinasabi na parang bigla na lang nakinig sa kausap sa kabilang linya. “ sa Alabang na lang tayo pumunta.. please?” bakas sa kanyang boses ang pagmamakaawa sa kanyang kausap. “Ron sige na po... dun na lang.. basta yun na ang plano ha?.. O sige.. bye!”

“May boyfriend na nga pala itong si Kevin. Buti na lang walang nanyari sa amin... Virgin pa rin ako!!” ang nasabi ko sa aking sarili. Sa pagkakataong iyon ay nangako ako sa sarili ko na hindi ako bibigay sa kahit sino maliban lang sa taong mahal ko.

Lumingon si Kevin sa aking direksyon at nang mapansin niya na mulat na ang aking mga mata ay...

Tol! Musta ang tulog mo? May hang-over ako ngayon.. sakit sa ulo!!” sabay kuskos sa ulo niya habang nakangiti.

Naramdaman ko na lang na parang tumitibok ang aking ulo at kumikirot ito. “Ako rin... ang sakit...” ang nasagot ko na lang sa kanya at di na makapagsalita pa sa sobrang sakit. Hindi ko maitago ang sakit na nararamdaman kaya bakas ito sa aking mukha. Tumawa lang si Kevin.

“Pano yan tol May lakad ako ngayon.. gusto mo sumama?” ang aya niyang nakangiti ng matamis sa akin.

“Date yon Kevin.. Date niyo ni Ron... ano gusto niyong gawin ko?.. Panoorin kayo hanggang sa mamatay sa inggit?” ang pagtangi kong sagot sa kanyang alok “Isa pa.. baka makaramdam lang ulit ako ng pangungulila” ang nasabi ko naman sa aking sarili.

“Wag kang mag-alala.. hindi ka maa-out of place sinigiguro ko sa iyo yan sa iyo.” sabay bitiw ng matamis na ngiti.

“Napakagandang umaga talaga naman! Isang gwapong lalaki ay napakabait sa akin. Sana tuloy-tuloy na ang ligaya” ang nasabi ko sa sarili habang ako ay nakatitig sa kanya at ngumingiti ng pabalik. Di ko naitago ang aking nararamdamang kilig sa pagkakataong iyon.

Sige na nga... sasama na ako... basta may isang kundisyon ako.. doon tayo sa amin mag-aalmusal ..” ang kondisyon ko sa pagpayag sa kanyang alok.

Nagbihis na kami at nagtungo kami sa aking bahay sakay niya ako sa kanyang motor. Mahigpit ang aking yakap sa kanya sa pagkakataong iyon dahil nagmamadali siya sa kanyang pagmamaneho. Wala itong halong malisya at ligaya lang na palagay ang loob ko sa kanyaang aking nadarama.

Dumaan muna kami sa tindahan sa village malapit naman sa bahay ko at namili ako ng dalawang kilong kamatis. Ipinaghanda ko siya ng italian style spaghetti. Hindi ako gumagamit ng timplatong tomato sauce dahil hindi nito kuha ang tunay na lasa ng italian style at hindi masarap kung hahaluan ito ng basil o oregano.

Nang makarating sa bahay ay ako naman ang nagluto. Di man sa pagmamalaki pero masarap din akong magluto at iyon ang unang pagkakataon na ipagluluto ko si Kevin. Bilang pasasalamat sa pagpukaw niya sa lungkot at pait na aking dinadala nitong huling mga araw. Kahit magkaibigan lang kami masaya na ako sa lagay na ganoon at hindi na ako umaasa pang lumago pa ang aming pagiging mabuting magkaibigan.

Matapos isang oras ng pagluluto ay kumain na kami. Mukhang tuwang-tuwa si Kevin na makakatikim siya ng italian style na spaghetti. Paborito rin niya kasi ang spaghetti pero laging spaghetti sa resaurant lang ang lagi niyang natitikman bukod sa luto ng mama niya na ginagamitan ng timpladong sauce at nilalagyan ng cream of mushroom.

Hiwalay lagi ang sauce sa pasta pag ako gumagawa ng spaghetti dahil gusto ko ang lasa nang hindi pa magkahalo ang sauce at pasta. Gusto kong nalalasahan pa rin ang plain na lasa ng pasta na walang sauce at naghahalo na lang ang sauce at pasta sa aking bibig. Parang best of both worlds ang dating sa panlasa.

Wow!! Patikim nga!!” nanlaki ang kanyang mga mata habang nakatitig sa inihanda ko nang almusal namin sa hapagkaininan. Inabot ko sa kanya ang isang tinidor na hawak ko na kasama ang dalawang plato at dalawa pang tinidor na kinuha ko na sa aming kusina para ihanda na muna sana.

Dali-dali niyang hinukay ng tinidor ang sauce at tinikman ito. Medyo nakaramdam ako ng konting kaba na hindi niya ito magustuhan kasi hindi ito matamis tulad ng mga lagi niyang nakakain. Nakapikit lang siya at ninanamnam ang lasa. Tumingin siya bigla sa akin at nakangiti na abot hanggang tenga.

Pare!! Tinaob mo timpla ni mama!!! Ito na ang paborito kong spaghetti!!!! Manamis-namis ang sauce na dala ng kamatis at maasim talaga siya gawa ng purong kamatis nilagay mo!! Ang galing mo kaibigan!!” at bigla niya akong niyakap ng mahigpit na parang walang bukas. Bigla naman tumatak ang kanyang sinabi sa aking isip.... “kaibigan”... magkaibigan lang kami at hanggang kaibigan lang. Wala nang iba. Bawal.

Teka teka teka” ang bigla kong pagpigil sa kanya. “Kumain na tayo!! May lakad pa tayo diba? Nagugutom na rin ako!! huy!!”

Pinakawalan niya ako ng dahan-dahan sa kanyang mga bisig habang nakatitig sa aking mga mata na niyang nakangiti.

Ibinaling ko ang aking titig sa hapagkainan at ibinaba na ang mga kubyertos. Umupo na lang si Kevin sa isang banda ng lamesa kung sa ko ipinatong ang plato at tinidor niya. Kumuha muna ako ng baso at isang pitsel na tubig at tumabi sa kanya sa pagkain.

Bakas ang saya sa mukha at ganadong ganado ang pagkain ni Kevin na para bang wala nang bukas at sunod-sunod ang kanyang pagsubo. Nangiti na lang ako habang pinapanood siya at nagpatuloy sa pagkain.

Nang matapos na ay pinauwi ko na si Kevin para makapaghanda na siya sa aming pag-alis. Noong umalis na si Kevin ay agad akong naligo at nagbihis. 9:00 AM na ng umaga noon. Nagsuot lang ako ng v-neck na shirt, faded jeans na slim-fit low rise, at nagpalit ng hikaw na suot sa kaliwa kong tenga. Dalawang bilog na parang turnilyo lang ang aking ginamit. Laging isang pares ng hikaw ang ginagamit ko sa kaliwa kong tenga dahil dalawang magkatabing butas ang pinagawa ko noon sa tipikal na lugar sa tenga kung san binubutasan ng mga naghihikaw. Naglagay naman ako sa aking buhok ng clay doh ng bench sa aking buhok para maayos itong magulo. Nagmamadali akong lumabas ng bahay matapos kong ikabit ang aking puting earphoes sa magkabilang tenga at naglakad na patungo sa aming gate habang pinatutugtog ang isang house music.

Nagulat ako nang buksan ko ang aming gate para lumabas. Bumulaga sa aking harap si Alex na naka fitted na polo pula at maong. Nagbalik lahat ng poot kong akala ko ay napawi na nang makita ko siya. Natulala ako at mabilis na bumulusok ang galit sa aking dibdib. Nginitian niya ako ngunit sinuklian ko ito ng singhal at masungit na tingin. Dali dali akong naglakad papunta kina Kevin at nagulat na lang siguro si Alex kung saan ako pupunta. Alam kong sinusundan ako ni Alex kaya binilisan ko lang ang aking lakad. Nagpatuloy lang ang aming mistulang habulang paglalakad habang tinatawag ako ni Alex at sinasabing “Jeremy, please let me explain... Jeremy I am sorry... Jeremy hintayin mo naman ako.. Jeremy san ka ba pupunta?..... Jeremy... Jeremy bakit di na kita makontak sa number mo?...”

Sa malayo ay kita ko nang naghihintay si Kevin sa labas ng kanilang bahay. Nakasuot ng black na muscle shirt na naglabas ng hubog ng kanyang matipunong katawan, slim fit low rise din na jeans, at kaparehas ng sneakers ko, magkaiba ang kulay pero parehas ang design.

Napansin ako ni Kevin na papalapit sa kanya. Kumaway sa aking direksyon at ngumiti. Biglang bumakas sa kanyang mukha ang pagtataka nang mapansin niyang may sumusunod sa akin at ang mukha ko ay bakas ang inis. nang kami ay magkalapit.

Tol, sino yung sumusunod sa iyo? Mukhang nagmamakaawa ang mukha hindi mo naman pinapansin... “ ang concerned na tanong ni Kevin sa akin tukoy ay si Alex.

A.. e... siya ba?.. “ bigla akong natigil.

“Siya ba si Dexter? Aba’y nagpakita na rin pala sa iyo sa wakas ang multong kumag na yan.” biglang kumuntot ang kanyang noo at nang makalapit si Alex ay...

“Hoy, alam mo ba mga pinaggagawa mo sa tropa ko ha?!?” ang biglang banat ni Kevin kay Alex.

Biglang nagtaka si Alex sa sinabi ni Kevin. “Anong sinabi niya sa iyo?” ang natanong na lang ni Alex sa kanyang pagtatakang malaman kung ano man yung nasabi ko kay Kevin.

“Ako nga pala si Alex... “ ang sabi na lang ni Alex kay Kevin sabay abot ng kamay upang makipagkilala.

Bigla naman napawi ang bakas na inis sa mukha ni Kevin at nakipagkamayan ito kay Alex. “Sorry.. akala ko ikaw si Dexter.. ako nga pala si Kevin..” ang sabi ni Kevin kay Alex.

Nang marinig ni Alex ang pangalan ni Dexter tila napaisip ito kung sino yung taong yun. Halata ang pagtataka sa mukha ni Alex dahil hindi ko pa nasabi sa kanya ang tungkol kay Dexter. Nakatitig lang siya sa akin na parang gusto nang magtanong. “Sinong Dexter? boyfriend ni Jeremy?” ang tanong ni Alex na nagbabakasakaling siya ang magbigay ng kasagutan dahil alam niyang di ko siya papansinin o sasagutin man lang.

“Mahabang storya... basta may kasalanan ka sa tropa ko... kung hindi dahil sa iyo hindi sana nasaktan ang tropa ko” ang tanging nasabi ni Kevin kay Alex na tila naalala niya ang kinuwento kong mga nanyari sa akin sa McDo dahil kay Alex.

Nagpaalam ng maayos si Kevin kay Alex pero hindi na kami umalis muna. Iniwan naming naka tayo lang sa labas ng bahay nila Kevin si Alex habang si Kevin naman ay agad na nagtext nang makapasok kami sa sala. Alam kong si Ron ang tinetext niya dahil may lakad nga kami at baka malate dahil sa pagsulpot ni Alex.

Balak yata ni Kevin na paunahin si Alex na umalis sa aming ginawa. Hinila ako ni Kevin papunta sa kanyang silid at pinaupo muna ako sa kanyang kama. Dala ko pa rin ang inis na bumalik dahil sa pagsulpot ni Alex.

Para di mabagot nagpatugtog si Kevin ng maindayog at nakakasiglang kanta ni Lady Gaga. Lumapit siya sa akin at ngumiti habang nakatitig sa akin.

Malungkot nanaman siya.. hay ang hirap mo kayang pasayahin ulit pag malungkot ka.. isipin mo na lang may lakad tayo mamaya..” bigla niyang inabot ang aking mga pisngi at kinurot-kurot ang mga ito.

Pasensya na ha?.. nga pala... may itatanong lang ako.. sana hindi mo ito pag-isipan ng masama..bakit Kevin ang lambing lambing mo sa akin?.. Hindi ka naman ganyan nung highschool tayo eh.. naninibago lang ako..” ang bigla kong nasabi kay Kevin dahil bumalik sa akin ang matamis na sandaling nakalipas kagabi.

“We share almost everything now kasi.. parehas tayo ng hilig.. may mga bagay na gustong gusto mo na ako lang ang nakakagawa.. at ikaw naman ay ganoon sa akin...” ang paliwanag sa akin ni Kevin ng malumanay.

“eh bakit ba ang sweet mo sa akin?... hindi naman tayo... “ hanggang doon na lang ang aking nasabi. Ayaw ko na maramdaman ni Kevin na baka conceited ako or pinagdududahan ko na siya.

“basta.. masaya din kasi akong kasama ka.” ang sabi ni Kevin.

“Pano si Ron?” ang tanong ko naman sa kanya na sinagot lang niya ng isang matamis at nakakaakit na mga ngiti.

Tumingin si Kevin sa bintana at inalam kung umalis na si Alex. Nang makumpirma na niya ay niyaya na niya akong umalis. Sumakay na kami ng jeep papuntang Alabang.

Nang makarating sa Festival Mall, tinungo namin ang Starbucks kung saan daw kami hinihintay ni Ron.

Sa Starbucks naghihintay na si Ron sa labas ng coffee shop. Ninanamnam ang ang blueberry cheesecake slice nang mapuna niyang palapit na kami sa kanya.

Napansin kong isang buong cake ang inorder niya. Nasabi kaya ni Kevin sa kanya na ikamamatay ko pag hindi ako nakatikim man lang ng makikita kong blueberry cheesecake? Baka nagkataon lang na gusto rin niya ito at alam niyang darating kami ni Kevin kaya ganon karami ang inorder niya.

“Uy! Jeremy!! Kevin!! Buti nakarating na kayo!” ang nakangiting bati niya sa amin ni Kevin. Parang pamilyar ang boses ni Ron ngunit hindi ko maalala kung saan at sino. Basta pamilyar lang ito.

Ang amo ng mukha ni Ron at ang ganda ng kanyang ilong. Halatang bakas sa kanya ang dugong kastila na minana niya sa kanyang mga magulang ngunit hindi niya nakuha ang kutis ng isang kastila. Mas mukha hisyang mehikano sa kanyang looks. Maganda rin ang kanyang mga labi lalo na pag ngumingiti.

Tumayo si Ron sa kanyang kinauupuan upang kami ay kanyang imbitahas sa table niya.

Doon ko lang napansin ang kakisigan niya sa kanyang magarang suot. Naka t-shirt siyang puti na body fit at bakat ang nakatayo niyang utong. Habang umiihip ang hangin sa kanyang bandang tiyan ay humuhubog ang kanyang abs. Nakawalking shorts lang siya na humuhubog sa kanyang magagandang hita at sneakers na dirty white.

Pinaupo niya ako sa kanina’y upuan niya. Square table na kahoy ang lamesa kaya magkakaharap kaming pumuwesto. Nakaharap ako kay Ron at si Kevin naman ay nasa bandang kaliwa ko.

Nakangiting nakatitig sa akin ang dalawa at ako naman ay nagtaka kung bakit.

Anong meron?... bakit kayo nakatitig sa akin ng ganyan?...” ang natanong kong palipat-lipat ang tingin sa dalawa.

Tumayo si Kevin sa kanyan upuan at nagpaalam sa amin ni Ron na oorder lang daw siya ng maiinom at madaling umalis patungong counter sa loob ng hindi man lang tinanong kung ano ang gusto naming inumin na para bang ganoon na ako kakilala ni Kevin kahit na kakaunti lang ang alam niya sa akin mula nang magcollege kami. Hindi pa niya alam kung ano na ang mga bagay na dati kong gusto ay hindi na at ang mga hindi ko akalain na magugustuhan ko ay naging paborito ko pa.

Nanatiling nakatitig sa akin si Ron. Nakatingin sa aking mukha na parang sinusuri ng kanyang magagandang mata ang bawat bahagi ng aking muha habang nakangiti. Sa ginagawa niyang iyon lalo akong napaisip. “Sino itong si Ron na kung makatitig sa akin ay ganito? Hindi namin kilala ang bawat isa ngunit bakit parang dama kong palagay ang loob niya sa akin na para bang matagal niya akong kilala?” ang mga namuong tanong sa aking sarili.


Nakataas na ang dalawa kong kilay at “May dumi ba sa mukha ko?... Bakit ka po nakatitig sa akin ng ganyan?” sabay ngisi.

“Ah.. wala lang... natutuwa lang ako na makita ka... lagi ka kasi naikukuwento sa akin ni Kevin noong magkakilala kami... ganoon siguro talaga pag may best friend..” ang masaya niyang paliwanag ngunit may bahid na pagkainggit sa aking katanungan.

“Highschool lang kaya kami nagkakilala ni Kevin.. bukod sa computer games, anime, at mga maliliit na bagay lang ang alam namin sa isa’t isa. Marami din siyang mga bagay na hindi alam tungkol sa akin at ganoon din ako sa kanya. Recently lang kami naging ganito ka-close dahil sa... “ bigla na lang ako napatingin sa lamesa at natigil sa aking sasabihin..”ah.. basta... yun na yun... twisted turn of events lang na isang araw naisip kong dumaan sa kanila upang may makausap tungkol sa mga bagay na hindi mo pwedeng ikuwento sa kapatid mo o nga magulang..” at nasabi ko na lang sa kanya nang di ko namamalayan na kinumpara ko na ang katayuan ko sa kanya at sa kanila ni Kevin na “Ako kaibigan lang... ikaw ang mahal niya.. ay... eh... ang ibig kong sabihin ay buti ka pa may jowa ako wala” at bumakas ang lungkot sa aking mukha.

Nakita kong binigyan niya ako ng matamis at maamong ngiti na para bang naaawa siya sa aking kalagayan at sinabing.. “Hayaan mo, nawala naman ang mahal mo dadating naman ang isang mas magmamahal sa iyo.” sabay hawak niya sa aking mga kamay na nakapatong lang sa lamesa at pinisil ang mga ito.

“Kung alam mo lang ang nangyari sa akin baka bigay mo na lang si Kevin sa akin. O kaya, ikaw na lang ang pumalit kay Dexter” ang bulong ko sa aking isip. “Isa pa hindi ko naman minahal si Camille ng tulad ng pagmamahal ko kay Dexter kaya kung yun ang tinutukoy mo okay lang ako actually hindi ko nga iiyakan ng more than a day yun.” at napangiti na lang ako.

Dumating si Kevin na may dalang itim na tray ay may tatlong magkakaibang drinks na venti, dalawang pares ng platitong puti na ceramic, tinidor, at bread knife ang nakapatong dito. At isa isa niyang pinatong sa harap namin ang kanyang mga inorder na inumin na para bang alam na alam niya kung kanino ang para kay sino.

Tinikman ko agad ang inabot niya sa akin at nagulat akong alam niya kung ano ang madalas kong inoorder sa Starbucks na wala pa akong pinagsasabihan o nakakaalam maliban kay Dexter.

Sobrang naguguluhan ako bigla. Nanlaki na lang ang mga mata ko dahil doon at ibinalik sa ibabaw ng lamesa ang aking inumin. Napatingin sa akin ang dalawa at..

O.. ano? may inom ka bang wrapper ng straw? Bakit ka natulala bigla diyan?” ang pabirong tanong sa akin ni Ron samantalang si Kevin naman ay nagsimula nang hatiin ang cake para kumuha ng para sa kanya. Matapos ay humiwa siya ng napakalaking bahagi ng cake at ipinatong sa platito at inilagay niya sa bahagi ng lamesa na pininaka malapit sa akin na parang sinasabi niyang iyon ang share ko sa cake.

Kinimkim ko na lang ang mga katanungang naglalabasan na parang kabute sa aking isip dahil sa nasa harap ko na ang blueberry cheesecake at tinatawag na ako nitong lantakan na siya.

“Ah... eh.. wala.. first time ko kasing makita kayong magka-date parang hindi ako sanay pero hindi naman ako naiilang..” ang aking palusot at sinabayan ko na lang ng pilit na ngitian silang dalawa. “kasi ang sweet niyo sa akin eh... yung cake alam niyo ba na sobrang paborito ko to?... pangalawa.. wala akong sinasabihan pa na kung ano ang gusto ko laging bilihing inumin dito sa Starbucks...”

Nagtinginan ang dalawa na para bang nag-uusap at nagkakaintindihan. Nakangiti ang bawat isa. Nakaramdam ako ng inggit sa aking nakita. Habang sila ay nasa ganoong lagay ay tumunog ang aking telepono. Tinignan ko at may mensahe akong nakuha mula kay mama.

“Anak andito si Alex sa bahay kanina. May sinabi siya sa akin. Humanda ka sa pagbalik mo dito. Kailangan mong magpaliwanag”. ang laman ng mensahe ni mama sa akin. Para akong nanlumo na nalugi sa negosyo at binuhusan ng malamig na tubig sa aking nabasa. Lagot ako kay mama. Lalo na sa pagbabalik ng ama kong marino na nakatakdang dumating bukas ng gabi. Sobrang strikto ng aking mga magulang at ang papa ko ay ayaw na ayaw sa mga bakla. Lagi niyang tinutuya ang mga bakla pag nakakakita siya ng mga ito kapag kami ay nasa labas.

Hindi ko na alam ang gagawin ko. Kanina lang masaya na ako ngunit heto nanaman ang tadhana. Sadyang mapaglaro. Wala akong balak itago ito sa aking mga magulang ngunit hindi ko inaasahang malalaman nila ito sa ganoong paraan.

(itutuloy)


Musmos - Part 07

13 comments:

  1. blessed are the few who had easy ways coming out... in this case, i can sense the heaviness... our protagonist's travails seem too much to bear to the ordinary person. adversities come and go. but in his case, without let up...

    pero ganun talaga ang life...parang biro. kaya kahit gaano kahirap, kailangan pa rin natin salubungin ang bawat araw na may ngiti sa labi at pananalig sa puso na there is always that "power in me and greater than i am, that loves me and cares for me"... :)

    good job here blue!!!

    R3b3L^+ion

    ReplyDelete
  2. ..its getting more exciting...suspense romance ba ang theme na ito???na nsa huli ng storya ung mga revelations???ang hirap kasi i reveal ung identity ni dexter..pwedeng c kevin, at nagpapakita na rin ng clues si ron and at the same time may mga pangyayaring nagsasabing ibang tao si Dexter...nkakahilo..pero nkkaexcite..ang hirap mag deduce...hahaha...nice work author :))

    ReplyDelete
  3. lahat ng karakter, physical attractive. nose bleed tuloy ako. hehehe!!! tma nkakaexcite nga kya inaabangan ko ang next post. hehehe!!! haiysss! may pasok n nman bukas bka next weekend ko n to mbasa. mamimiss ko c jeremy, aljun & gener. lhat ng cnusubaybayan ko sna may upd8 dis week.
    -mhei-

    ReplyDelete
  4. first time ko magcomment dito . but i am following you story from the start. nakakatuwa basahin. yung tipong akala mo yunj na pala pero mali pala nasa isip mo. keep it up..

    ReplyDelete
  5. To R3b3L^+ion: 

Thank you sa pagsubaybay! Dinugo ilong ko sa lalim ng mga sinabi mo pero tama ka dapat magpatuloy pa rin sa kabila ng matinding hirap. :D

To Xander:

Really nice to know you're reading my story po! Medyo mahirap na lalo ideduce kung sino talaga si Dexter sa part 7. Kahit ako nahilo na hiluhin ang dalow ng kuwento. May mga magaganap na nakakalito...


    Hope you guys enjoy my next story! Thanks again sa mga comments! I helps me and inspires me a lot to do more for you guys.

    ReplyDelete
  6. blue, pengeng recipe ng italian spag, gusto ko itry.
    hilig ko kasi magluto...

    email me please please please the recipe...
    james.wood86@yahoo.com

    thanks

    ReplyDelete
  7. everything is so unfair to jeff, i didn't raise this sentence because i was related again, no i'm not, but the reason is that jeff, once become straight guy, and a big scene happen that brought him to this unfair situation. wish dexter didn't came, for him to have peaceful life with camille.

    ReplyDelete
  8. hello, i love your story, supeh relate me heh in UK. just ask you one thing, This true to life story boy? or just a fiction??

    ReplyDelete
  9. hello boy,,, you have a good write ups, keep it up, just ask you one things, this is true to life story or just a fiction???

    Thank you...

    ReplyDelete
  10. James eto pero puro tatyahan yung timpl nito:

    bawang,sibuyas,crushed basil/oregano,ground beef,paminta,asin,kamatis na hinog,pasta, parmesan cheese,

    unahin mo yung sauce. depende sa dami ng kamatis yung dami ng tubig. isang kilong hinog na kamatis pwede na sa 1 - 1 1/2 kilong pasta. kuluin mo muna yung tubig tapos yung kamatis hiwaan mo yung balat para pag nababad madali mo na maaalis yung balat.pagkulo hihiwalay na yung balat salain mo yun. tapos haluin mo lang ng haluin. habang kinukulo mo yung sauce, maggisa ka na ng giniling na baka na lalagyan mo ng asin. pag luto na yung giniling yaan mo na lang siya muna. pag yung sauce red-orange na ang kulay tapos parang smoothie na ayun okay na spaghetti mo yung pasta na lang. lagay mo lang yung parmesan cheese pag kakainin na siya. :-D

    ReplyDelete
  11. MInsan talaga daming ups and down ng buhay....masaya k n sana bigla me dadating na problema ...mga taong sisira sa mga mgandang takbo ng buhay....pilit man nating umiwas pero kaakibat na ng bawat yugto ng buhay ang mga challenges...but the best thing is to be more patient in dealing such a matter like this...more strong in facing the realities that will make us free from whatever devastations to come...

    ReplyDelete
  12. naku, many thanks talaga blue, hindi mo ko binigo...

    i owe you this one. thanks.

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails