Blogsite: www.akosijamesw.blogspot.com
CHAPTER THREE...
Ayoko pang umalis dahil nawala ang gutom ko. Busog na ako sa nakikita ko kay Luis. Pero nakakahiya naman kung tatambay ako for the first time sa tindahan ni ate Mercy, hindi ko naman ginagawa yun. At saka me binili ako na talangang pang pananghalian, alangan namang sabihing kong para sa hapunan yung binili ko. Baka tawanan ako ni Luis at ang aga kong bumili ng pang hapunan. Kaya no choice kailangan ko syang iwan.
Hay ang saya ng paglalakad ko pauwi. Bagamat lalaking lalaki ako maglakad, pero sa isip ko kumekendeng ang buong sistema ko. Pati yata mga white and red blood cells ko ay nag paparty party sa loob ng ugat ko. Sumarap tuloy ang luto ko kasi sinamahan ko ng Kanta with LOVE... Buti nalang ma-oover come ko na si LEO.
Si LEO na sa loob ng 3 tatlong pagmamahalan namin ay laging saya ang dinulot sa akin hanggang sa makita ko nalang isang araw sa loob ng sinehan na may nagtatrabaho sa kanyang katawan. Isang gwapong lalaki ang tumitikim sa katawan ng boyfriend ko. Paanong hindi ko makikita sa dulo sila naupo at doon namin napag desisyunang umupo ni Papi. Ang ginawa ko ay nginudngod ko ang bunganga ng hayok at mang-aagaw na lalaki sa pagkalalaki ng manlolokong Leo na yon na hindi parin namamalayang nadun kami sa harapan nila. Buti nga sa kanya mabilaukan sya. Nabigla nalang si Leo sa nakita nya at takot na takot sa pagkakahuli sa kanya. Minura ko lang silang dalawa at saka dali-daling umalis ng sinehan. Kahit medyo dinig nang mga tao, wala akong pakialam, buti nga sa kanila maeskandalo sila sa panloloko nila. Sa sinehan pa nila nagawa. Ang cheap ha. Habang binabaybay ko ang lagusan palabas ng sinehan na yun ay sya ring umpisa ng pagdaloy ng luha ko. Si Papi ang umalalay sa akin sa mga oras na broken hearted ako. Halos 8 buwan na ang nakakalipas.
Sa loob ng 8 buwan na yun, 1 buwan kong pinagtabuyan palabas ng bahay si Leo, pero makulit ang manloloko kaya lumipat kami ni Papi ng bahay para hindi nya ako mapuntahan. Pagkatapos nun 2 buwan syang tawag ng tawag. Pero hindi ko sinasagot. Pag nakukulitan ako sinasagot ko pero hindi ko pinapakinggan ang sinasabi nya, pinapatong ko sa mesa at hinahayaan kong maubos ang load nya. Kasalanan nya. Sinaktan nya ako. Hindi ko naman pweding patayin ang cellphone ko kasi baka tumawag ang company. Hanggang sa mag sawa narin sya sa pangungulit nya.
Isa lang kasi ang pamantayan ko sa buhay. Pag nakipagbreak ako, hindi na ako nakikipagbalikan kahit anung mangyari. Laging sinasabi ni Papi na mali ang pamantayan ko kasi walang magtatagal na relasyon para sa akin. Sinasabi nyang everybody is worth for second chance. Pero pag binabalik ko sa kanya ang issue. Na bakit si ganito hindi mo mabigyan ng second chance ay sya namang biglang tatahimik at iibahin ang topic na halatang umiiwas na sumagot sa tanong. Wala syang maisip na dahilan kung bakit di rin sya makapagbigay ng second chance. At saka anung magagawa ko wala na akong maramdamang pamamahal sa taong nanakit sa akin. Kaya hinahayaan nalang nya ako. Kakampi ko si Papi. Dahil alam nyang hindi ako marunong manloko sa relasyon. At ganun din si Papi. Kaya proud kami sa isa’t isa.
Biglang tumunog ang cellphone ko. Pag nobody nobody but you ang ringing tone ng phone ko, si Papi yun. Gusto daw nya yung kantang yun kaya yun ang nakaset sa phone ko pag natawag sya.
Naku gising na ang Dragona.
“O ano gutom kana?.” Sagot ko sa phone.
“Good morning Papi”
“Haller, Tanghali na, buksan mo yang kurtina mo at makikita mo na tirik na tirik na ang araw. Adik toh.”
“Ay imbyerna. Anu cookie monster(nakaluto) ka na ba . Lafang(kain) na we? Fly(punta) na bako dyan?” Ginamit na naman nya ang gay lingo nya. Yung iba naiintindihan ko, yung iba, oo nalang akong oo.
“Luka-luka, Masaya ako no. Hindi mainit ang ulo ko. Iba ngayon. Bwahahaha. Oo. Luto na. Punta ka na nagugutom na ako.”
Magkapitbahay lang kami ni Papi at pag sabado ako nagluluto ng pagkain namin at mag oover the bakod lang ito at presto nakaupo na sya mesa.
“Papi Winnie santos(panalo) ang julam ah.” Sunod sunod nyang subo. Nanlalaki ang mata.
“Hmmm... I smell something fishey Papi, what it is? isang winner major major PAPA yun noh.” Sabay taas ng kilay sa akin.
Buti nalang dinamihan ko ang sinaing na kanin, mukhang mapapalaban ang kaldero ko sa manananggal na ito.
“He! Tumigil ka dyan. Basta. Secret walang clue” Sabay subo ng pagkain.
“Echosera(sinungaling), tigilan mo ko. Sasabunutan ko yang kilikili mo”
“Basta maloloka ka Papi”
At ang beki kinikilig, kahit walang clue alam nyang lalaki ang nasa isip ko kung bakit ako masaya. Ganyan kami. Kung sinong crush nya ay crush ko din at kung sinong crush ko ay crush nya rin. Pareho yata kami ng standards. Kung sinong unang nakakilala sa lalaki ay sa kanya, kahit patay na patay ang isa sa amin. Pero kung sinong natipuhan ng lalaki ay kanya. At pag naging bf na ng isa sa amin ang lalaki, hindi na namin tatangkaing makipagrelasyon kahit break na. Yun ay hindi rules para sa amin, kundi iyon ang gusto namin.
Sa daming nilalang sa mundo bakit ba kami mag-aagawan. Pinagsasaluhan lang namin ang kilig pero pag relasyon na ang usapan. Seryosohan na. Pag karelasyon na nya si “ganito”, tapos na ang kilig ko, minsan ako pa ang gumagawa ng paraan para lalong tumibay ang relasyon ni Papi at ng BF nya. Ako ang takbuhan nila pag nagaaway sila sa maliit na bagay. Pero pag niloloko nya ang Papi ko. Shut up kang lalaki ka. Baka masuntok lang kita.
Nagbibiruan nga kami, sinasabi namin, baka kami ang magkatuluyan sa bandang huli. Tapos sabay kaming mag Ya- YUCKKKKKKKKKKKKK!!!. Sabay tatawa...
Minsan nagseselos ang BF namin sa aming dalawa. Kaya pag nagseselos ang BF ko kay Papi, yayakapin ni Papi ang BF ko at sasabihan na “wag ka nang magselos, mahal na mahal naman kita.” At sabay akmang hahalikan sa lips pero biro lang yun. Papanoorin ko lang ang dalawa at sabay sabay kaming tatlo na tatawa. Ganun din ako sa BF nya.
Pero ngayon Single Ladies este single gentle –bi kami.
Matapos ang lunch namin ay nagyakag manood si Papi ng sine at mag lakad lakad sa mall. Pagdaan ng kotse namin ay pinahinto ko ito sa tapat ng tindahan ni ate Mercy at napamulaga naman si Papi sa nakita nya. Tinted ang labas ng sasakyan at hindi kami nakikita ni Luis na kasalukuyang tao sa tindahan. Nakatingin lang ito sa gawi namin. Hindi ko inaalis ang mata ko kay Luis ang sarap nyang pagnasaan sa lugar na hindi ka nya nakikita.
“Hala Papi, sya ba? Ay naku kaya naman pala. Kahit ako sasarap ang pritong itlog at pinakuluang tubig ko kapag sya ang inspirasyon ko. Feel ko syaaaaaaaaaa.” Maloka-loka at dilat ang matang nakatingin si Papi sa dereksyon ni Luis.
“O diba gwapo si Luis ko” Nakatitig parin ako kay Luis...
“Aneeeeeeeeeeeek?(Ano) kilala mo sya? Luis ba kamo? Ay naku bakit nandyan sya sa tindahan ni Ate Mercy, O-M-G. Oh my goddess beauty, kamaganak sya ni Ate Mercy? What? May lahi ba silang kanu-bells?(Amerikano)”
“Ang daming tanong. Baka nalahian lang.” Sagot ko
“Chosss.(bwisit)”
“Oy Papi , ang sama mo, bakit maganda naman si ate Mercy” Saway ko.
“O sige define BEAUTY. Abah Putsa, kung maganda si ate Mercy, ano na ako? FAIRY?”
“Hahahaha... Hala sama mo. Wag kang ngang ganyan sa ‘auntie- in-law soon to be’ ko”
“Ah nangarap, yun ganun , nangarap na, tirik pa ang sunshine dizon(araw) Papi” Biglang namang bumaba ang kanina lang na hyper pitch nyang boses. Tanda ng pagtanggi sa aking sinabi.
“Na hawakan ko na kaya ang kamay nya.” Pagmamalaki ko sa kanya.
“Weee. Chinochorva(niloloko) mo ko. Ewan ko sayo Papi”
Bigla kong binuksan ang bintana at tinawag si Luis.
“Hi Luis.”
Biglang nagulat si Luis na ang kanina pa nakatingin sa nakaparadang sasakyan namin. Nagulat siguro at nahinuhang ako pala ang nasa loob. Bigla itong ngumiti at tumayo. Kita ko ang imaginary saliva ni Papi tumutulo sa ngiti ng hunk na si Luis.
Napapangiti ako ng palihim, sa isip ko “ayaw mong maniwala na close kami, o heto ebidensya”
“Onic ikaw pala yan. Ang daya mo ngayon mo lang binaba ang car window.” Nakangiting paglapit ni luis.
Wala akong maisip na sagot kaya iniba ko usapan.
“Luis, nood kaming sine sama ka?”
“Ha, Naku pasensya na wala si tita. Walang tao sa bahay ngayon.”
“Ganun ba, sayang naman akala ko makakasama ka.”
Nakita kong umirap ang mata ni Papi. Sinasadya kong huwag muna syang ipakilala.
“Oo nga. Gusto ko sanang sumama pero... Pero wag kang mag-alala I’m sure sa susunod sasama na talaga ako.”
Bigla akong sinundot ng mariin sa tagiliran ni Papi tanda ng pansinin ko naman sya at ipakilala kay PAPA. Denedma ko talga sya kasi ayaw nyang maniwala. E ngayon tulo na laway nya bwahaha.
“Ay sorry, nawala ang manners ko, my bad. Ah Papi este Fred si Luis” Sabay siko sa tagiliran ko. Masakit pero tiniis ko. Nahihiya kasi sya sa iba pag tinatawag kong Papi. Lalo’t bagong kilala.
“Luis si Fred, best friend ko.”
Inabot ko ang kamay ni Luis na walang kahiyahiya at ipinasok sa kotse at binigay kay Papi na parang isang kilo lang ng karne. Nagulat naman si Papi at inabot ito at nakipagkamay dito. Ang bango ni Luis langhap ko ang singaw ng katawan nya. Amuy JUNSUN Beybi Pawder, Beybi kolown, Beybi oyl, Beybi corn ay anu bayun exagge na masyado... basta amuy Baby. Period.
Natawa si Luis sa akin sa ginawa ko. Pero nagulat si Papi. At nagtawanan nalang kaming tatlo. Pagkatapos magpaalam kay Luis at mangakong dadalhan nalang namin ng pasalubong ay umalis na kami.
“O Ano naniniwala kana?” Hindi pa rin makapagsalita. At nakangiting nag da-drive habang daan patungong Mall.
“Hoy Papi, ok ka lang?”
“Oo naman noh, ngayon pa nakita ko na ang ‘jowabells(boyfriend)-in -future’ ko” nangarap ang lola-conda.
“Hello excuse me Madam, ako unang nakakita sa kanya”
“At excuse me too Dragona, hindi pa natin alam kung sino ang feel nya” Sabay taas nya ng kilay
“Ako ang mamahalin ni Luis, dahil ako ang fresh at masarap.”
“Ay yan ang kaplang, wala kang binatbat sa galing ko sa pagpapaligaya. At tamis ng aking mwah mwah ... mga labi” Sabay hawak nya sa kanyang pisngi na parang nag momodel ng max factor.
Sabay busina ng nasa likuran namin na tanda ng ang tagal naming mag –fly dahil GO SIGNAL na ang Traffic Light... Sabay kaming tumawa sa kalokahan namin. Malay ba namin na green na. Ganyan kami,nag papalamangan. Natapos ang palabas sa sine, bagamat pansamantalang nawala sa isip ko si Luis habang nanonood ng pelikula, ngayon nasa isip ko na naman siya habang naglalakad sa kahabaan ng MOA. Iba talaga ang dating sa akin ni Luis. Ngayon kasi ako nakakita ng ganung ka gwapo. Sa sobrang gwapo nya hindi ko sya mailagay sa memory ko, kailangan ko pa yata ng picture nya para maalala ko mukha nya. Nagpasya kaming tumitingin-tingin ng damit sa mall. Pang pasok sa opisina at pang porma next time narin.
“Papi bagay to sa kanya diba?” Hindi ko sya napansin. “Hoy! Ay reminiscing ang acting, mamaya mo na nga isipin si Luis”
“Bakit Nangingialam? Hindi pwede?” Pagtataray ko.
“Tamo nag mumukha kang tanga, kabuya(mukhang tanga) ka “day”. Tulala ka, di mo ako naririnig”
“atrebida(kontabida) ka talaga, Anu ba kasing sinasabi mo?”
“Itooo... kung bagay tong maong kay Luis?”
“Ito?”
“Hindi. Yan! Yang suot mo! Nagtataka nga ako kung bakit suot mo eh! Bagay ba yan kay Luis? Syempre ito!”
“Hehehehe. wag kang magalit, sinisiguro lang. Patingin nga.
Toinks! Butas na malapit sa zipper.
“Anu, may pagnanasa? Butas malapit sa junior? May hidden agenda ka ba?”
“Wiz!(Hindi) Tumigil ka! Uso yan ngayon noh!” Taas pa ang kilay nya.
“Ok sige” Para pag sinuot ni Luis makita ko rin. hahaha “mukhang bagay nga sa kanya.”
“O pay mo na.”
“Bakit ako? ikaw pumili nyan!”
“Sino ba ang unang nakakita sa kanya diba ikaw, o ayan tinutulungan na kita. Hoy Papi pag yun pinakawalan mo pa. Nakuuuu... sinasabi ko sayo, sa AKIN yun babagsak! Maniwala ka.”
“Sure ka magugustuhan nya ko. Mukhang para lang sa babae ang Luis nayun”
“Ang hina ng fighting spiritbells. Basta ako bahala. Bayaran mo na to. Daliiiii!”
“As in now na? Nagmamadali! Excited?”
“Oo, magbabayad lang dami pang chikaness(sat-sat). Basahin mo limited edition. Mawala pa yan”
Punta sa counter, bayad ng mga pinamili pati maong ni Luis. Kain sa Cinabonn. Uwi sa bahay. Si Papi naman ang toka sa pagluluto ng hapunan. Basta halinhinan kami. Pagkatapos ng hapunan ay lumabas kami ng bahay at siguradong alam nyo na ang pupuntahan namin. Kinakabahan ako pag si Papi na ang kasama ko sa ganitong bagay, hindi ko kasi alam ang tumatakbo sa utak nya.
“Hi ate Mercy”
“O Fred, kumusta?”
“Mabuti naman po, pabiling pong chiz curls, dalawa at dalawang mirinda apple flavor”Sabay abot ng bayad “Te, kumusta kana balita ko dinalaw ka ng pamangkin mo.”
“Heto, maganda parin.” Nagkatinginan kami ni Papi ng hindi napapansin ni Ate Mercy.
“Oo si Luis yun, nakita na sya ni Onic kanina, yaan mo papakilala kita pag dumating. Nag grocery kasi yung mag tiyuhin, pandagdag ng paninda, alam mo naman bukas linggo na, mabenta”
“Ah ganun ba.” Matabang na sagot ni Papi.
“Ay ang sipag naman ni Mahal ko.” Bulong ko sa sarili.
“Linggo na pala bukas tapos, lunes, nakakainis tapos na agad ang day off ko pasok na ulit sa work. Nakakatamaaaaaaaaaad. Grrrrr!!!”
“Oo tama ka, ang bilis ng araw.” te Mercy.
“Nga pala ‘te napasok paba si Luis sa school?” Singit ko sa usapan.
“Kakagraduate lang nun last October, may hinabol na subject kaya di agad nakagraduate nung March.”
“Ah so naghahanap sya ng work dito o bakasyon lang sayo?”
“Gustong bigyan yan ng trabaho ng daddy nya, kaya lang gusto nyang tumayo sa sarili nyang mga paa kaya nagpatulong sa akin ang mommy nya na kung pwede dito muna sa akin tumuloy hanggang sa makakita ng trabaho. Kaya dinalaw nya ako dito, baka sakaling palarin na rin.”
“Bakit te may pakpak ba si Luis?” Tagline ni Papi.
“Adik?” Sagot ko
“Biro lang ‘te ha. Ang seryoso kasi natin.” Sagot ni Fred. Natatawa lang si ‘te Mercy.
Ang bilis ng utak ko. Process and process...Hmmm...Tama.
“May bakante sa amin”. “May bakante ba sa inyo?” Sabay pa kami ni Ate Mercy. Nagkatawanan kaming tatlo.
“Anu po bang natapos nya?” Tanong ni Papi.
“O may bisita pala tayo? Kumusta Fred, Onic.” Dumating na ang asawa ni ate mercy, si Kuya Gody at ang prinsipe ng buhay ko, alam nyo na yun. Galing sila sa pag-go-grocery.
(ITUTULOY)
No comments:
Post a Comment