Bago po ang lahat, gusto ko pong magpasalamat talaga sa lahat ng taong nagbabasa sa gawa ko. Pagpasensyahan niyo na po kung marami pong flaws ang gawa ko dahil alam niyo naman po, hehehe.. First story ko po ito.. So ayan!! Basta! Salamat po talaga sa lahat!!! Eto na po ang Part 6!! Post ko na rin ang Part 7 in few minutes.. ;)
Enjoy po!!
----------------------------------------------------------------------
By: White_Pal
Blog: http://gabbysjourneyofheart.blogspot.com
FB: whitepal888@yahoo.com
"Love Me Like I Am"
BOOK 1: Faces Of Heart
Part 6: "That’s What Friends Are For.."
Sobra akong namimilipit sa sakit ng suntok na iyon.
LALAKI 1: “Sorry Gab!! Napag-utusan lang kami ni Steph.. Kaya TIISIN MO NA LANG!!”
LALAKI 2 & 3: “Hahaahahahaa!!”
Habang kinakaladkad nila ako, merong isang lalaki na pamilyar ang boses na sumigaw ng...
“Hoy!! BITIWAN NIYO SIYA!!”
Si KUYA JARED!! Sigaw ng isip ko!!
LALAKI 2: “Aba’t sino itong lalaking ito??”
LALAKI 3: “Ahh!! Yan yung lalaking Transferee..”
LALAKI 1: “Ahh!! Oo nga nuh!! Tara upakan na rin natin!! Kailangan maturuan din ng leksyon ang gagong ito!! Baka maging karibal pa natin ito sa mga babae sa campus ehh..”
Nasabi iyon ng isang lalaki gawa na rin siguro ng insecurites. Kasi ba naman, sa kagwapuhang taglay at tindi ng appeal ni Kuya Jared, siguradong mahuhumaling ang lahat ng mga kababaihan at maiisecure ang mga ibang lalaki. Nyahaha..
At ayun.. lumapit ang isang lalaki upang upakan si Kuya Jared ngunit nakailag ito at pinilipit ang kamay. Pagkatapos ay inihagis niya ito kung saan nandoon ang mabahong kanal.. Waahaha.. Pagakatpos nun, biglang umarangkada ng sipa si Kuya at tinamaan ang isa pang lalaki sa mukha at bumagsak. Pagkatapos noon, akmang susuntok ang ikatlong lalaki kay Kuya, nakailag ito at tinuhuran ni kuya sa sikmura at sinapak. Tumilapon sa lakas ng sapak ni Kuya ang gago.
Sa nakita nila kay Kuya Jared, nagsitakbuhan ang tatlong lalaki. Biglang lumapit si Kuya sa akin at hinugot ang panyo sa kanyang bulsa at pinunasan ang mukha kong punung-puno ng dumi.
KUYA JARED: “Tol.. Ok ka lang ba??” ang mahinang tanong niya.
Sa tanong niyang iyon gusto kong sabihin ok lang ngunit sumisigaw ang puso ko na nagsasabing HINDI!!. Parang sinaksak ang puso ko sa sobrang tindi ng sama ng loob.
AKO: “Kuya, Wala naman akong ginawang masama sa kanila ehh.. Wala akong kasalanan kuya.. Pero bakit nila ako ginaganito??” ang sagot kong humahagulgol..
Kitang kita ko naman sa mga mata ni Kuya Jared ang sobrang pagkaawa sa akin. At sa pagkadinig niyang iyon, bigla niya akong yinakap.. SOBRANG HIGPIT NG KANYANG MGA YAKAP.. RAMDAM KO na sincere siya at naiintindihan ang aking pinagdaraanan. Sa yakap na iyon ko rin naramdaman o napuna ang kanyang mala-hunk niyang katawan, Malaki ang braso at ang six packs na abs na ramdaman ko sa aking dibdib. Hindi alintana sa kanya kung may makakita man sa amin sa ganoong posisyon basta ma-comfort lang ako.
Sa mga oras na iyon, naiinis ako at nalulungkot dahil sa ginawa sa akin ni Steph.. Pero sobra-sobra ang saya na nadarama ko sapagkat, merong isang tao na nagtanggol sa akin. Merong isang taong yumakap at nagpakita ng care sa akin sa oras na iyon. At merong isang taong TOTOONG KAIBIGAN na alam ko at nararamdaman kong hinding-hindi niya ako iiwan kahit ano man ang mangyari.
AKO: “Kuya, Salamat ahh.. Salamat talaga.. Sa pagtatanggol mo sa akin..” Ang humahagulgol ko pa ring sabi..
KUYA JARED: “Wag ka ng umiyak tol.. Nasasaktan ako.. Sobra. Wag ka ng umiyak please.. tahanan na Gab.. tahan na..” sabay himas niya sa likuran ko.
Lalo akong napahagulgol sa mga katagang binitiwan niya, kasi ba naman sinabi niya na NASASAKTAN daw siya ng SOBRA kapag umiiyak ako!! OMG!! Heheheh. Maya-maya naramdaman kong may pumatak na luha sa aking likuran. Alam ko kay Kuya Jared yun at alam kong nararamdaman niya ang paghihirap ng kalooban ko..
Maya-maya hinarap niya ang maamong niyang mukha sa mukha ko at sinabing..
KUYA JARED: “Tahan na.. Wag ka ng umiyak.. Nandito ako.. Hinding-hindi kita iiwan..”
AKO: “Salamat.. Salamat dahil nandyan ka..” ang naisagot ko na lang..
KUYA JARED: “Wag ka ng umiyak please.. Pati ako naiiyak na rin ohh.. Tingnan mo.. Papangit tayo niyan..” ang pabiro niyang sabi..
AKO: “Hehehehe…”
KUYA JARED: “Hahahaha!! ayan.. ngiti ka na ahh.. Wag ka ng umiyak..” sabay pahid ng mga luha ko sa pisngi..
Pinahid ko rin ang luha niya sa pisngi at maya-maya ay pinakita niya ang isang napakagandang ngiti. Kaya ginantihan ko rin ang ngiti niyang iyon..
Pagkatapos noon, sinamahan niya ako papunta sa aking bahay na di kalayuan sa kinatatayuan namin. Pagkarating ko sa may gate ng bahay..
KUYA JARED: “WOW Tol!!! Ang Laki-laki ng bahay niyo!! Parang higit pa sa Mansion ang laki nito ahh..” ang pagkamangha niyang sabi sa bahay namin..
Binuksan ng guard ang gate at sinagot ko ang pagkamangha niya..
AKO: “Hehehe… Kung gusto mo, punta ka dito lagi.. Welcome ka..”
KUYA JARED: “Naku!! Nakakahiya naman sa iyo at sa parents mo tol.. at tsaka, ok lang kaya sa kanila?”
AKO: “Ok lang yan.. Lalo na kapag nalaman nila na SOBRANG BAIT mong tao..” sabay ngiti..
At gumanti naman siya ng ngiti.. ang kanyang KILLER SMILE!! Nyahaha!
Pagkapasok namin ng bahay, nalaman ko na wala sila mama’t papa at ang 3 katulong lang ang nandoon.
YAYA: “Gabriel! Naku itong batang ito ohh!! Bakit ang dungis-dungis mo?? San ka ba nagsusuot at nagkaganyan yang itsura mo??” ang sunod-sunod na tanong ni yaya sa akin.
AKO: “Yah, wala ito.. Natapunan lang po ako at tsaka nadapa sa putikan.” Ang sagot ko sabay ngiti..
AKO (ulit): “Ahh Yaya, ngapala si Kuya Jared po..
KUYA JARED: “Magandang hapon po sa inyo..” ngumiti naman siya.. hehe.
YAYA: “Jared ba kamo?” ang tanong ni yaya na parang nagulat.
AKO: “Opo yaya, bakit po?” ang tanong ko na punung-puno ng pagtataka.
YAYA: “Ahh wala naman. Magandang hapon sa iyo anak.” ang bati niya kay kuya.
Umakyat muna ako ng kwarto para magpalit at bumaba ako para kumain ng inihanda ni Yaya at pagkatapos noon ay umakyat kami sa 2nd floor kung saan nandoon ang kwarto ko. Pagkapasok ko sa kwarto ko, binuksan ko ang PC at nagpatugtog ng mga kanta. Ngunit wala akong nadinig kay Kuya kundi..
KUYA JARED: “Wow tol!! Ang laki talaga ng bahay niyo!! At itong kwarto mo parang triple ang laki kesa sa bahay namin..”
AKO: “OA naman yan!!”
KUYA JARED: “Di nga tol.. Promise.. Di mo pwedeng sabihing may kaya kami kasi maliit lang ang bahay namin at tsaka ginagapang pa ang tuition ko..”
AKO: “Talaga??”
Tumango naman siya.
Hindi ako makapaniwala sa natuklasan ko. Kulang pala sa material na bagay si Kuya Jared. Hindi kasi halata sa pananamit niya at sa dating niya eh. Kaya bigla kong nasabi na..
AKO: “Basta kuya, kung kailangan ng pamilya mo ng matutuluyan, bukas ang bahay ko para sa inyo.” Sabay ngiti..
KUYA JARED: “Grabe naman yan tol!! Hindi mo kailangan gawin yan. Kaya naman ng Nanay ko eh."
AKO: “Nanay?? Umm nanay lang?? Ehh.. ang tatay mo? Nasaan na siya??”
Natahimik siya ng ilang Segundo at..
KUYA JARED: “Nagkahiwalay sila ng nanay noong bata pa ako. Mga 9 lang ata ako nun at ang masakit pa ay sinama ng tatay ang nakababata kong kapatid na babae. Kaya ayun, kami lang ni nanay ang naiwan.”
Sobra akong naawa sa kwento ng buhay niya. Kung ako ang problema ko ay paghahanap ng mga taong makakatanggap sa akin, siya naman ay pamilya at material na bagay.
AKO: “Ahhh.. sorry kung natanong ko pa..”
KUYA JARED: “Ok lang tol.. Masaya nga ako na nasabi ko sa iyo ehh kasi, wala akong masabihan ng problema ko. At tsaka gusto ko ding magpasalamat sa pag-welcome mo sa akin dito sa bahay niyo.”
Nginitian ko siya at sinundan ng..
AKO: “Alam mo kuya, masaya ako..”
KUYA JARED: “Bakit?”
AKO: “Kasi sinagot ng diyos ang hiling ko.. Nandyan si Ely, si Ella, at ikaw.” at biglang may tumulong luha sa mata ko.
KUYA JARED: “Oh.. wag kang umiyak!! Ano ka ba!”
AKO: “Alam mo ba pinaramdam niyo sa akin na hindi ako nag-iisa, na may nakakaintidi at tumanggap sa isang panget, clown, katawa-tawa, at weirdong taong gaya ko.” ang naluluha kong sabi sa kanya.
KUYA JARED: “Hoy, wag mong sasabihin yan. Hindi ka katawa-tawa, hindi ka weird, hindi ka naman panget ehh ang cute mo kaya! Wag ka ngang makikinig sa sinasabi ng iba tungkol sa iyo.”
Ginantihan ko ng ngiti ang sinabing iyon at.
AKO: “Isa pa is.. Alam mo ba, before tayo magkita may nakita akong bulalakaw, yung wishing star daw na sinasabi nila. Humiling ako na sana magbago ang buhay ko, na sana merong isang taong darating sa akin na alam mo na, tatanggapin ako kung sino ako. At natupad din yun ilang minuto ang nakaraan, dahil dumating ka.”
Napahinto naman si Kuya at tinitigan ang buong mukha ko. Nakita ko ang namumuong butil ng luha sa mga mata niya.
KUYA JARED: “Halika nga dito..”
Yinakap niya ako ng sobrang higpit... Ang yakap na hindi ko maipaliwanag, ang yakap na iyon ng isang kaibigan.. A Real Friend sabi nga. Maya-maya, ako ang kumalas sa pagkakayakap na iyon at bigla niyang nabanggit na..
KUYA JARED: “Ang drama-drama naman natin!! Hehe..”
Sa oras na iyon, masyado kaming nagiging close sa isa’t-isa. Lalo na yung physical aspect kaya, nag change ako ng topic! Nako naman kasi, hindi ko alam bakit kahit nag-dadrama ako ay kinikilig din ako sa actions niya! Haayyy..
AKO: “Uumm, Kuya minsan ba hindi ka ba nagtatanong sa diyos kung bakit ganun yung nangyari sa buhay mo? Sa pamilya mo?”
KUYA JARED: “Alam mo.. kahit ganoon ang nangyari sa pamilya ko, kahit kalian hindi ko sinisi ang diyos. Kasi alam ko na may dahilan ang lahat ng nangyayari.”
Ngumiti naman ako..
KUYA JARED: “Kaya ikaw, kahit anong mangyari wag mong sisihin ang nasa itaas. At palagi mong tatandaan na lahat ng bagay ay may dahilan. Sabi nga nila di ba? Everything has a reason.” Ngumiti siya ulit na labas ang dimple.”
Pagkatapos noon ay tinumbok niya ang PC ko na tila may hinahanap habang ako ay umupo sa may sala ng kwarto ko. Maya-maya, biglang nawala ang music na tumutugtog at napalitan ng isang pamilyar na kanta.
Bumalik siya sa kama ko kung saan siya kanina naka-upo. Tahimik.. bawat salita ng kanta ay dinadamdam naming, alam ko, dedicate niya yun sa aming dalawa.
“Do you wonder why you have to
Feel the things that hurt you
If there’s a God who loves you where is He now
Maybe there are things you can’t see
And all those things are happening
To bring a better ending
Someday somehow you’ll see you’ll see
Would you dare would you dare to believe
That you still have a reason to sing
Cause the pain that you’ve been feeling
It can’t compare to the joy that’s coming
So hold on you gotta wait for the light
Press on and just fight the good fight
Cause the pain that you’ve been feeling
It’s just the dark before the morning
My friend you know how this all ends
You know where you’re going
You just don’t know how you’ll get there
So say a prayer
And hold on cause there’s good for those who love God
But life is not a snapshot
It might take a little time but you’ll see the bigger picture
Would you dare would you dare to believe
That you still have a reason to sing
Cause the pain that you’ve been feeling
It can’t compare to the joy that’s coming
So hold on you gotta wait for the light
Press on and just fight the good fight
Cause the pain that you’ve been feeling
It’s just the dark before the morning
Once you feel the weight of glory
All your pain will fade to memory
Would you dare would you dare to believe
That you still have a reason to sing
Cause the pain that you’ve been feeling
It can’t compare to the joy that’s coming
Would you dare would you dare to believe
That you still have a reason to sing
Cause the pain that you’ve been feeling
It can’t compare to the joy that’s coming
So c'mon on you gotta wait for the light
Press on and just fight the good fight
Cause the pain that you’ve been feeling
It’s just the hurt before the healing
Oh the pain that you’ve been feeling
It’s just the dark before the morning”
AKO: “Woi! Kanta ko yan ahh!!” ang banat ko lang.
KUYA JARED: “Oo nga!! Kanta ko rin yan sa sarili ko nuh! Hehe..”
AKO: “Sus! Sa akin mo lang nalaman yang kanta na yan eh..”
KUYA JARED: “I know, ang ganda kaya. Very inspiring.”
Maya-maya naitanong ko sa kanya ang tungkol sa nakababata niyang kapatid na babae.
AKO: “Kuya, nasabi mo na meron kang little sister right? At nasabi mo rin na kinuha siya ng tatay mo..”
KUYA JARED: “Oo.. Bakit?”
AKO: “Uhmm.. Nagkikita pa ba kayo ng kapatid mong iyon?”
KUYA JARED: “Hindi.. kasi.. hindi ko na rin alam kung nasaan ang tatay ehh..”
Tahimik sandali..
KUYA JARED: “Pero sinusubukan ko pa ring hanapin ang kapatid ko.. Isa rin yun sa reason ko kaya nagpalipat-lipat ako ng school, kasi hinahanap ko siya.. At isang araw, umaasa ako na makikita ko siya, makikita ko ang kapatid ko.”
Sobra talaga akong naawa sa kanya kaya naman nabitiwan ko ang isang pangako..
AKO: “Kuya, promise na tutulungan kitang hanapin siya. Mahahanap mo ang kapatid mo.. I promise.”
KUYA JARED: “Salamat Tol..” sabay yakap sa akin.
Sa araw na iyon, first day ng 3rd year high school ko, naging sobrang memorable para sa akin. Sobrang daming nagyari from the time na pumasok siya sa room, hanggang sa time na ngayon magkatabi kami sa kwarto ko. Alam ko sa mga susunod na araw, mas magiging malalim pa ang naumpisahan naming pagkakaibigan.
Kinabukasan, maaga akong pumasok sa school at wala pa masyadong tao. Nang magdatingan na ang mga kaklase ko, dumating na rin si Ely, Ella, at pati na rin si kuya Jared. Ngunti wala pang isang minuto ng dumating si Steph at ang mga ALipores nito na si Mika, Iza, at ang tatlong lalaki na nagpahirap sa akin kahapon. At anong nangyari??
ELY: “Makakatikim sa akin itong mga ito mamaya..”
AKO: “Huh?? Sino?”
ELY: “Sino pa ba Bebe Gab?” Sabay taas ng kilay.
At nakuha ko ang ibig sabihin niya.
AKO: “P-paano mo nalaman?? Ely, Utang na loob ayoko ng gulo.”
KUYA JARED: “Gab, hayaan mo na kami ang rumesbak para sa iyo..” sabay smile na nakaka-gago.
AKO: “Ano ang gagawin niyo? Gaganti kayo? Makikipagrambulan ba tayo? Ano? Sagutin niyo ako???” ang pangungulit ko sa kanila.
ELY: “Hinayhinay lang sa pagtatanong bebe Gab. Basta, watch ka na lang..”
ELLA: “Gab, support lang ako dito ahh.. SI Ely at Jared ang Front liners hehehehe..”
AKO: “Frontliners? Support? Ano ito? GERA? Saabak ba tayo sa Gera?!?!” ang natataranta kong tanong.
ELY: “Easy ka lang bebe Gab, well regarding sa gera na sinasabi mo.. Parang ganon na nga.”
AKO: “Please lang, PLEASE!! It’s the second day of class at ayokong magkaroon ng gulo. Ayokong madamay pa kayo.”
ELY: “Dapat makatikim sa akin itong mga ito ehh.. Pero don’t worry we’ll do it IN A NICE WAY.”
AKO: “Teka nga!! Ehh anim sila, apat lang tayo.. ok lang ba kayo?”
ELY: “Sus, di problema yan!! Ehh si Papa Jared pa lang tatlo or lima ang katumbas niyan ehh. Nyahahaha..” ang tawa niya na nakakaloko.
KUYA JARED: “Hahaha!! Loko!!”
AKO: “Hahaha!! Kuya, totoo naman yun, pero ayoko ng gulo please..” ang pangungulit ko sa kanila.
ELY: “Kanina ka pa PLEASE ng PLEASE diyan bebe Gab! Anu beh?? Watch ka na lang kasi.. You will see the OTHERSIDE of Ely. Nyahahaha!!” sabay tawa ng malutong.
Hindi ko alam kung ano ang pinaplano nila.. Pero I feel something will happen..
After ng mag-hapong klase, lumabas kami ng campus at tumambay sa isang kainan na medyo malayo sa school. Nakita ko si Steph at ang mga alipores nito na papasok sa loob ng nasabing kainan at naupo sa di kalayuan sa amin. Maya-maya, laking gulat niya ng Makita kami doon ngunit hindi siya makapalag dahil sa kasama ko si Ely at syempre si Kuya Jared. Maya-maya habang kumakain kami at sila na rin..
ELY: “Oh My GOD!! Ang kapal ng face!! Akala mo kung sinong diyos kung umasta!!! Nakakadire!!! Ewww!!! Nakaka-suka sa KASAMAAN NG UGALI!!” ang pagpaparinig ni Ely kay Steph at sa mga alipores nito.
Ngunit mainit ang ulo ng isang lalaki na kasama ni Steph gawa na rin siguro ng pagkakabalibag ni Kuya Jared sa kanya kahapon sa kanal na mabaho. Wahahaha..
LALAKI 1: “Hoy, babaeng bakla! (turo kay Ely..) pinaparingan mo ba kami?”
ELY: “At bakit??!! May binanggit ba akong pangalan? Guilty ka teh!?! Guilty?? Guilty??” ang pang-iinis pa ni Ely.
AKO: “Ely, please tama na.. ayoko ng gulo.”
ELY: “No Bebe Gab!! Kelangan talagang makatikim na sa akin ang ISA DIYAN!” ang gigil na gigil niyang sabi.
STEPH: “AKo ba ang pinariringgan mo? (sabay pagdadabog ng lamesa) Hoy Jologs, wala akong kinalaman sa nangyari diyan sa clown na iyan! Aba! Kasalanan ko ba kung tatanga-tanga siya, maraming atraso, at MANG-AAGAW??” ang mataray niyang pagsasalita.
ELY: “So.. inamin mo na na IKAW ang may kasalanan sa nangyari kay Gab?? TAMA BA? HA!?!!” ang bulyaw niya.
Ngunit biglang bumanat si Mika, ang alipores ni Steph na mukhang kabayo at merong malaking nunal sa ilong.
MIKA: “Hoy babaita, gust---“ hindi siya natapos sa pagsasalita.
ELY: “Hoy KABAYO na may BANGAW sa ilong! Hindi kita kinakausap kaya manahimik ka diyan!! Bakit niyo yun ginawa kay Gab!?!?”
Sumunod naman sa pagbanat si Iza na baluga.
IZA: “Aba! Di lang pala lampa yang Clown na iyan, SUMBUNGERO PA!!”
ELY: “Hoy Baluga! Manahimik ka dyan ha!! Di ko gusto yang tabas ng dila mo!!” sabay duro ni Ely sa kanya.
LALAKI 3: “Hoy, mag-ingat ka sa pagsasalita mo ahh..” ang pagduro niya sa mukha ni Ely.
ELY: “Hoy, MANYAK!! Gusto mong tadyakan kita Ha?? Wag mo akong maduro-duro Ha!!!” ang bulyaw niya.
LALAKI 2: “Pare, gago itong babaeng ito ahh.. Nakaka-lalaki na ahh.”
KUYA JARED: “Pre, wag mong ganyanin yung babae.”
LALAKI 1: “NICE!! Nandito ang SUPER HERO!!.. Ayos ka rin ehh nuh!” ang sarcastic niyang sabi.
Para naman matigil na ang gulo..
AKO: “Guys, alis na tayo please.. kung ayaw niyo ako na lang ang aalis.”
ELY: “Hindi Bebe Gab.. HINDI KA AALIS..” sabay hawak niya sa braso ko ngunit bumitiw ako.
Nag-uumpisa ko nang ayusin ang gamit ko ng..
STEPH: “Wow!! Drama king!! Ang galing mo magdrama!! Palakpakan!! Bwahahaha!!!”
At nagpalakpakan naman ang mga gago niyang alipores. Nang akmang papaalis na ako biglang..
LALAKI 1: “Wow Miss.. ang ganda mo naman, gusto mo sama ka sa akin?” sabay hawak sa kamay ni Ella.
ELY: “Hoy!! Layuan niyo ang kaibigan ko!”
LALAKI 2: “Bakit sino gusto mong ayain namin? IKAW? Bwahahaha!! Ang Jologs mo Gago! Bungangera pa!!”
LALAKI 1: “Isasama na namin ang babaeng ito..” sabay hatak kay Ella.
ELLA: “Ano ba!! Bitiwan niyo ako nasasaktan ako!!!”
KUYA JARED: “Pare, bitiwan mo yung babae.. Nasakatan na oh di mo ba nadidinig?” sabay pigil sa braso ng lalaki.
LALAKI 1: “Gago ka talaga ehh nuh? Ano ba gusto mo?” ang pagduro niya kay Kuya..
Ngunit..
AKO: “Hoy!!” ang pagtawag ko sa lalaking dumuro kay kuya at humawak kay Ella.
LALAKI 1: “Ano???” ang bulyaw niya.
Bigla kong sinapak ang lalaking iyon at pagkatapos ay tumilansik siya sa kabilang lamesa. Nang sasapakin na ako ng isa pang lalaki, sinangga ni kuya ang lalaking iyon at sinuntok sa sikmura at binalibag sa isa pang lalaki na kasami din nila. Habang si Ella naman ay biglang napayakap sa akin.
Habang nagkakaroon ng bugbugan si Kuya Jared at ang tatlong lalaki..
ELY: “Hoy Steph!!” sabay kuha sa mainit na sopas na in-order ni Ely at binuhos dito.
STEPH: “Aaaaaahhh!!!! Hayup ka!!”
ELY: “Bagay lang yan sa iyo!!! Eto pa ohh..” Sabay hablot sa buhok niya at nginudngod siya sa may lamesa na punong-puno ng ulam.
Agad namang hinablot ni Iza at Mika ang buhok ni Ely, ngunit sadyang sanay makipag-away ang kaibigan ko! Kinuha niya ang kalderong nasa lamesa na nasa tabi lang niya at hinampas sa mukha ni Iza at pagkatapos kinuha naman niya ang takip ng kaldero na nandoon lang din at hinampas naman kay Mika.
Bumagsak ang tatlong babae kay Ely, samantalang ang tatlong lalaki naman ay tinumba ni Kuya Jared..
STEPH: “Guys!! Alis na tayo, HALIKA NA!!!!” bulyaw niya..
At bago siya umalis,
STEPH: “Makakaganti din ako sa iyo (turo kay Ely), lalo na sa iyo(turo naman sa akin)!”
At umalis na rin sila Steph at ang alipores nito..
ELY: “Hoy Steph.. Halika dito, hindi pa tayo tapos!!!” ang pagsigaw ni Ely habang inaawat siya ni Kuya Jared.
ELY (ulit): “Takot naman pala!!”
ELLA: “Gab, dapat di mo na sinuntok yun.. Ok lang naman ako ehh.”
AKO: “Hindi ok yun.. Ok lang kung ako ang ganunin nila pero wag lang ang mga kaibigan ko..”
Bigla siyang ngumiti..
ELY: “Awww… ang sweet!! Ella, Bebe Gab.. BAGAY KAYO!!”
Kumalas ako sa pagkakayakap at..
AKO: “Malisyosa kang babae ka!! Friendly Hug yun!! Wag kang mag-isip ng kung anu-ano!!”
ELLA: “Hay naku Elyana, ang kitid ng utak mo!!”
KUYA JARED: “Hahaha!! Di nga tol, bagay kayo..” ang sagot niya na natutuwa pero parang.. sumimangot?? Ay Ewan!!
AKO: “DI RIN!! Change topic please.. Hehehe..” ang natatawa kong sabi.
ELY: “Naku Bebe Gab, wag mong baguhin ang topic, NAKAKAKILIG!! nyahaha..”
AKO: “Hahaha.. Pero seriously gusto kong magpasalamat sa ginawa niyo.. Kahit na di ko rin gusto kasi, pati kayo nadadamay ehh..”
KUYA JARED: “Wala yun tol, at tsaka ano ka ba? Sabi nga nila di ba, That’s What Friends Are For..” sabay killer smile na labas ang dimples.
ELY: “Isang Malaking Tammmaaaaa!!!!”
AKO: “Hehehe..”
(Itutuloy..)
Followers
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
FOLLOW US
Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook
Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com
Disclaimer
All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.
Wow galing nga mga superfriends ni Gab ^^. Ganda talaga ng song weeeeeee
ReplyDeletemag rambulan ba :))
ReplyDeleteNICE mga super friends!
ReplyDeleteGo Ely! FIGHT! FIGHT! FIGHT!
In fairness, tumapang c gab, pinagtanggol c Ella . .
bagay cla . . kahit gusto ko rin ang tandem ni gab at ni Kuya Jared (wink*)
haha Ü
wow i never expect na kikiligin ako..hahah very nyc..
ReplyDelete