Followers

Sunday, April 3, 2011

Unexpected Love Chapter 7 (Paul)

Andito na po ang susunod na chapter ng Unexpected Love. sana patuloy ninyong magustuhan ang aking mga sinulat.

Thanks nga pala sa mga taong laging sumusuporta sa akin (di ko na i-mention ang name baka kasi may makalimutan ako may, mag tampo pa) pero bukod tangi sa lahat si Enso dahil siya ang gumawa ng poster ng UeL, maraming-maraming-maraming-maraming buhangin ang nasa disyerto. joke
seryoso na, samalat enso sa poster..

-3rd-
____________________________________________________

10:30 na ng gabi nang dumating kami sa aking suite, kahit pagod ay di ako an anyaya ng aking pakiramdam para agad matulog, gusto ko kasi makasama si Jom ngayong gabi, alam ko di na niya ako mahal.

Pag pasok namin sa aking suite ay agad ko siyang niyaya na maupo sa isang upuan.

Ako: Jom halika pasok ka na, upo ka muna dito. Pag pasensyahan mo na kung medyo magulo pa ang kwarto ko ha, kakarating ko lang kasi kanina, saka may pinuntahan ako kaya di ako nakapag ayos dito.

Jom: ok lang yun, wag kang mag alala

Ako: teka lang ha maliligo lang ako

Jom: sige manunuod na lang muna ako ng TV

Agad akong pumasok sa loob ng banyo para maligo, sa likod ng aking isip eh gusto ko may mangyar i ulit sa amin ni Jom, matagal na rin kasi simula ng may huling nangyari sa aming dalawa pero nag dadalawang isip parin ako baka kasi magalit siya sa akin alam ko na kasi na di na niya ako pag bibigyan ngayon. Pero sa isip ko madyo malaki ang mawawala sa akin pag pinilit ko siya sa gusto ko, baka kasi iwasan na niya ako at mawalan ng saysay ang dahilan ko sa pag uwi dito sa Pilipinas. Pero sa kabila ng agam agam na yun ay sinubukan ko parin ang balak ko. Pag labas ko ay tinawagan ko agad ang reception ng Hotel at nag pahatid ako ng isang Bote ng alak.

Ako: Hello i would like to order one bottle of Jack Daniel Whisky on suite 5, ok thank you...

Jom: Anu yun?

Ako: Alak, inuman tayo para naman masulit natin ang ating pagsasama ngayon

Jom: Ganun ba? Naku mapapasubo ata ako nito eh, Hard ba yun?

Ako: Oo hard siya, pero masarap

Jom: Lagot di pa namna ako sanay sa hard, pero sige try natin...

Wala pa ngang 3 minuto ay dumating na ang alak na aking inorder.

Ako: Naks, andito na (sabay pakita kay Jom ng Bote ng alak na hawak ko)

Jom: Whoa, patay na bakit whisky?

Ako: eh masarap naman to ah

Jom: oo nga pero kasi (madali akong malasing sa whisky..)

Ako: pero anu?

Jom: di ako masyado hiyang sa whisky eh.

Ako: anu ibig mong sabihin?

Jom: ya wala, sige huwag mo na intindihin yun, tara na sige inum na tayo.

Kinuha ko ang dalawang whisky glass at ibinigay ko sa kanya ang isa na may lamang whisky na aabot sa kalahati ng baso.

Jom: whoa, ang dami!!

Ako: bakit, eh ganun din naman saking ah (sabay pakita ng baso na may laman ding whisky) wag kang mag alala masarap yan...

Inabot na kami ng ilang oras ako halos naka 3 baso na ng alak ay di parin nauubos ni Jom ang unang baso, halata talagang di siya sanay uminom ng hard lalo na whisky. Halos kalahating oras pa bago niya naubos ang kanyang alak sa baso, ngayon ay pansin ko nang may tama na siya ng alak, iniabot niya ang kanyang baso sa akin na mistulang nag hihingi pa kaya nilagyan ko rin na parang may pag aalinlangan, kasi kahit na alam kong dito matutulog si Jom eh minsan ko nang makita siyang lasing na lasing at ayaw ko nang mangyari pa yun ulit dahil sa talgang nag wawala siya at di niya makontrol ang kanyang emosyon at mga galaw pero base sa naobserbahan ko eh may naaalala siya sa mga nangyari kinabukasan pero di malinaw sa kanya na parang isang panaginip lang.

Kumpara sa naunang baso e mabilis niyang naubos ang bagong lagay ko, halatang lasing na talaga si Jom nang bigla siyang tumayo at naghubad ng kanyang pangtaas at bumalik sa pagkakaupo. Napadilat na lang ako sa kanyang ginawa pero pinilit kong di pansinin ang isang adonis na nakaupo sa aking tabi na lasing, walang pag taas na damit at sigurado akong walang malinaw na ala-ala bukas dahil sa tama ng alak. Ala 1 na ng madaling araw ng magpasya akong alalayang na lang siya sa kama ng aking kwartong kinuha para ihiga, pagkalatag ko sa kanya sa kama ay sinubukan ko pa siyang kausapin.

Ako: Jom! Psst Jom!

Jom: Hmmm...

Ako: dito ka na matulog ha. Doon na lang ako sa Sofa matutulog.

Jom: Huwag......dito....ka........lang........Jam.....

Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa aking narinig. Akmang aalis na sana ako ng hinawakan niya ang aking kamay at nagsalita ulit

Jom: Jam.....huwag.....mo......akong......i....iwan.....

Ako: Jom pare lasing ka na dito ka lang, at may kuku-hmmmmpppp..

(torrid scene: if you wnat to read this part you can email me at ako_si_3rd@yahoo.com.ph)


Halos tanghali na nang magising ako, at siya ang una kong nakita pagmulat ko ng aking mata. Ngayon ko lang naman napagmasdan ng maigi ang kanyang mukha, napaka-amo niya talaga kaya di na ako magtataka kung kahit sino man ang kanyang girlfriend ay sigurado akong di siya basta-basta pakakawalan. Sa isip ko magiging napakaswerte ng babaeng papakasan ni Jom, di lang kasi sa gwapo, matalino, magaling sa sports at higit sa lahat mapagmahal. Kahit na anung pag iisip ang gawin ko ay sadyang talo ako sa ganitong sitwasyon lalo na kung babae ang aking makakalaban para sa puso niya.

Dahan dahan akong bumangon para di siya magising. Pagkabangon ko ay agad kong tinawagan ang reception kahit na wala pa akong saplot sa aking katawan, total kaming dalawa lang naman ni Jom ang andito sa loob ng aking suite.

Ako: hello good morning, i would like to order a any breakfast for two please.

Reception: ok sir. Sir are you coming down or are we going to deliver the food to your room?

Ako: diliver it here please, suite 5

Reception: ok sir, it will be there in about 30 minutes.

Ako: ok thank you.

Pagkatawag ko ay agad kong tinungo ang banyo para maligo. Habang naliligo ay di ko namalayang bumangon na pala si Jom sa kama at saka nag bihis na. Pag labas ko ng banyo nakita ko siyang nakaupo sa kama na parang walang nangyari kagabi. Nilapitan ko siya at saka kinausap tinanong ko siya kung anu naaalala niya kagabi. Pero sa halip na sumagot ay isang malungkot na mga mata ang sumalubong sa akin.

Ako: Jom, anu problema mo?

Jom: di ko alam paul

Ako: sabihin mo kung may nagawa akong mali.

Jom: wala paul ako ang may mali.

Ako: anung pinag sasabi mo?

Jom: alam ko lahat paul, nagkunwari lang akong lasing kagabi. Alam ko lahat ng nangyari sa ating dalawa.

Di ko alam kung anu ang isasagot ko sa kanyang mga sinabi, di ko alam kung magagalit ako or matutuwa sa narinig ko. Napayuko na lang ako ng bilga kong naalala na habang kaming dalawa ay nag tatalik ay may pangalan siyang sinasabi pero di ko lang pinansin. Pinilit kong alalahanin kung sino yun. Halos nag flashback lahat ng nangari kagabi sa isip ko at doon ko lang napag tanto, ang akala kong pangalan ng babae ang kanyang binubulong kagabi ay si Jam pala. pumatak lang ang aking mga luha at di ko alam ang aking sasabihin. Natulala ako at di makapag salita, na siya namang binasag ni Jom.

Jom: paul, patawarin mo ako. alam kong maling gamitin ka dahil lang sa nangungulila ako sa kanya.

Ako: pero Jom bakit?

Ang tanging naisagot ko sa kanyang paliwanag, tumutulo parin ang aking mga luha habang nag hihintay ng kanyang sagot.

Jom: di ko alam paul, di ko talaga alam.

Isang malakas na suntok sa mukha ang aking ibinigay sa kanya, sabay tayo at turo sa pinto, sinyales na gusto ko na siyang umalis, di siya nag aling langang tumayo kinuha ang kanyang gamit at saka lumabas ng pinto. Bago pa siya lumisan ay lumingon siya sa aking kinatatayuan at, doon ko naaninag ang pag-patak ng kanyang mga luha. Gusto ko siyang pigilan sa pag alis pero nanaig parin ang aking pride at hinayaan na lang siya. Pagka-alis niya ay siya namang pag dating ng pagkain na inorder ko na dapat ay para sa aming dalawa.

Ipinapasok ko na lang ang pagkain, pagka serve ng order ko sa isang maliit na mesa ay agad nang umalis ang bell boy. Wala akong ganang kumain, at pinagmasdan ko lamang ang mga pagkain na nasa harap ko. Nag iisip kung tama ang aking ginawa, kung may karapatan pa ba akong magalit sa kanya dahil sa nalaman ko. Tumulo na lang ang aking luha, tumayo lang ako at saka tinungo ang banyo. Sa loob ng banyo ay pinaandar ko ang shower kahit na may damit wala akong paki-alam basta gusto ko lang umiyak sa mga oras na iyon.

Itutuloy...



4 comments:

  1. nice, good chapter mr writer, keep it up

    ReplyDelete
  2. bakit walang nakasolat d2 nasan na.

    ReplyDelete
  3. huhuhu bakit ganon diko mabasa cp lang po ang gamit ko=(

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails