Followers

Friday, April 1, 2011

EXCHANGE OF HEART pt5

By: Gelo

HANGANG SA..

“kala mo ha! Hindi kita uurang pwet!lumapit ka dito! Bading ka pala eh!” nagsasalita ng tulog si louie nagulat naman ako dahil akmang ididikit ko na ang labi ko sa labi nya biglang nagsalita kala ko nagising ang mokong!

“gagu! Bading nga ano akala mo sakin barako? Halos mag kadikit na nga muka natin palapitin mo pa ako?”sagot ko naman sa kanya ng pabulong sabay batok ko sa ulo nya!pati ba naman sa panaginip kinukulit parin ako ng gagong to sabi ko sa isip ko. Tinignan ko lang muka nya habang tulog sya, Naaninag ko naman ito. Napag isip-isip ko ko hindi naman cute itong si louie eh GWAPO maaliwalas ang muka nya sarap tignan. May nabubuong kung anong pakiramdam sa loob loob ko(hindi init ha!) ewan ko kung ano hindi ko maexplain. Hindi ko na tinuloy ang pag halik sa labi nya instead hinalikan ko nalang sya sa nuo habang hinahalikan ko sya nakapatong naman ang isang ko kamay sa likod ng ulo nya upang itulak ang ulo nya sa labi ko narinig ko medyo napa“hmmm” sya,pinunasan ko naman agad ang nuo ng kamay ko gawa ng nabasa sa halik ko at tumalikod nalang ako sa kanya ng nakadik parin ang mga katawan namin at yakap yakap parin nya ako. ilang minuto lang nakatulog na din ako agad.

Kinabukasan, mas nauna akong magising kay bayag. As usual lagi naman! mga 6am ako nagising,pag gising na pag gising ko muka agad ni louie nakita ko nagulat ako dahil kala ko nasa kwarto ko ako natutulog bigla kong naalala nakitulog lang pala ako kila ninang. Natuwa naman ako sa nakita ko dahil nakabuka ang bibig ni louie habang natutulog(hindi naman tulo laway) sa tuwa ko pinicturan ko ang loko tawa ako ng tawa ng palihim, nakayakap parin sya sakin at tinanggal ko nalang ang pagkayap nito upang makabangon na hindi ko na din ginising masyado pa namang maaga eh. Umuwi na din ako agad at nag paalam kay ninang upang mag bihis papuntang school. Pag dating ko ng bahay bigla ko namang naalala ang huling eksena namin ng step mom ko nag simula na namang mamuo ang luha ang mata ko pero pinigil ko ito dahil nangako ako sa step mom ko na magiging matatag ako at malakas kaya umakyat na ako sa taas upang maligo at mag-ayos. Natapos ako ng bandang 7:00am dumeretso na ako sa bahay nila louie upang sabay na kame pumasok. Pag dating ko dun nag luluto si ninang ng almusal at ang mga kapatid nya ay nasa mesa na at kumakain ng almusal. Nag bless naman ako agad kay ninang.

“good morning ninang, si bayag tapos na mag bihis?” tanong ko.

“ay nako andeng akyatin mo nga kanina ko pa ginisgising yun ayaw pa bumangon alam mo naman yun!” sabi ni ninang ng may halong inis.

“ah ganun po ba? Punyeta talaga yang bayagra na yan!teka nga!” sabay akyat ko sa taas ng kwarto nya.

“hoy bayag! Bumangon ka na jan alas 7 na!”habang inuuyog uyog ko sya.

“hmm.. hmm..” dumilat saglit at pumikit ulit at bigla akong sinunggaban ng yakap sa leeg!

“ay punyeta! Nakabihis na ako magugusot ang damit ko ano ba!” sigaw ko sa kanya habang nakayakap sa leeg ko ng makapit napahiga tuloy ako sa kama.

“maaga pa” sabi nya habang pikit pa ako mata.

“anong maaga pa? Alas 7 na nga maliligo ka pa! Magbibihis ka pa! Mag –aalmusal ka pa! Bitawan mo ako please lang! Baka hindi mo gustuhin ang gagawin ko!” paarng nanay ako na binubulyawan ang isang anak.

“sige nga ano yun?”sabi nya at nag simulang sumilat ang mata nya.

“gagu ka ha!” dinakot ang bayag nya at napatayo naman sya agad sa ginawa ko.

“ano? Hindi ka pa gigising ha? Wag mo akong subukan! Hmpt!” sabi ko ng may pag mamalaki.

“gagu to! Manyak!” tayo naman agad sya at kinuwa ang tuwalya at bumaba para maligo. Bumaba na din ako kasunod nya at sinundan ng tingin ni ninang si louie habang papasok ng cr.

“ow?bat nakasimangot yun? Pano mo ginising”tanong ni ninang na may pag tataka sa muka.

“simple lang naman ninang.. takot lang nyan pag di bumangon yan pag ako ang nanggising.” Pagmamayabang ko sabay ngiting demonyo.

“kayo talaga!sige2x mag-almusal ka na dito alam ko hindi ka pa nag-almusal sa inyo.”pag yaya ni ninang.

“oo nga ninang eh wala kasing mag luluto.” Umupo na din ako agad at sumabay sa mga kaptid ni louie habang nanonood ng t.v.

Matapos akong mag-almusal sakto namang natapos tong si louie maligo, nag bihis na din agad sya. Mga 7:50 nagpaalam na kame kay ninang upang pumunta ng school. Saktong 8am nakadating na kame ng school. Wala pa naman ang prof namin kaya nakaligtas sa panganib itong si louie sakin kasi sabi ko sa kanya pag nalate kame dahil sa kanya my premyo sya sakin.

Lunch break non ng masira ang araw ko dahil sa isang MALANDUTAY NA BAKLANG PALAKA na lumalandi kay louie. Mag kakasama kame nila faye,ako,aldrin at louie. Nag lunch kame sa karindirya kung san kame lagi kumakain. Habang pumipili kame ng ulam ni faye at nakaupo naman tong dalawang mag bestfriend my pumasok na isang bakla at umeksena.

“hi kuya carlo anong ulam natin ngayon?” bungad nya sa my ari ng karindirya. Ang lakas ng boses nya na nagawang mapalingon lahat ng tao sa karindirya. Hindi ko naman pinansin masyado dahil ganun nman talaga mga bakla maingay eh. Nagtinginan nalang kame ni faye at namili ulit ng ulam.

“ah! madami para sayo” sagot naman ni kuya carlo ng may ngiti.

“ay wow ang ganda ko naman!hiya naman ako sayo kuya! Dahil jan dalawang ulam ang oorderin ko” puri nya sa sarili nya at pumili na nga ng ulam at umupo sa tabi ng mesa namin.nakapili na din kame ni faye ng ulam. Adobong manok ang pinili nya para sa kanila ni aldrin at ako naman chicken curry at kaldereta naman ang kay louie yun kasi ang pinahabilin nya. Paupo na kame ni faye ng nag salita tong bakla.

“kuya carlo pa order na din ng isang softdrinks ha” sabi nya habang nag tetetxt. Eh malapit lang ang mesa namin sa ref kung nasan ang mga soft drinks kaya itong si louie nag kawang gawa at sya na kumuwa ng softdrinks at inabot sa bakla.

“ay salamat kuya” sabay ngiti ng bongang bonga ang bakla kinilig ang gaga!

“welcome”sabi ni louie bumalik naman agad tong si louie sa mesa namin. Pansin ko titig ng titig tong bakla kay louie at parang di mapakali, siniko ko naman si faye ng mahina.

“teh tignan mo yung bakla tingin ng tingin kay louie” sabi ko habang nakatingin sa kinakain ko para hindi mahalata ng sya ang pinag uusapan namin. Napatingin naman tong si faye.

“oo nga teh! Tinamaan ata kay louie” pag sangyaon ni faye.

“pigilan mo ako uupakan ko yan” sabi ko ng pabulong habang sumusubo.

“ay nako teh hindi kita pipigilan GO lang sa SAGO!” pang dedemonyo ni faye.

Bigla naman tong nagsalita si bakla!

“huy kuya!” pag tawag nya sa atensyon ni louie habang kumakain at kausap si aldrin.

“po?” tugon ni louie na parang nagulat at nasira ang pag uusap nila ni aldrin.

“ano nga pangalan mo?”pag-uusia ng bakla. Kame naman ni faye ay napatigil ng kain.

“louie po”sagot naman nitong louie.

“ah, louie salamat sa pag abot ng softdrinks ha? Naappreciate ko talaga yung ginawa mo. Thank you talaga!” pag ulit nya ng nakangiti ng abot tenga!

“ah ok” tugon naman ni louie at bumaling ulit kay aldrin upang ituloy usapan nila. Napahawak naman ko sa kamay ni faye ng mahigpit.

“upakan mo na kasi”pang dedemonyo na naman sakin ni faye ng my halong tawa!

“maya maya pag naubos ko tong pag kain ko!” sagot ko habang sumusubo na nang gigil.

“pwet tikman mo tong ulam ko ang sarap dapat ito nalang din inorder mo eh” sabay pag subo nya sakin ng ulam nya gamit ang tinidor nya. Sinubo ko naman ang ulam at tinagalan ko ang pag subo habang tumingin ako sa bakla na may halong pangangasar.

“oo nga ang sarap” nakatingin pa rin ako sa bakla. Kita ko na medyo nainiins ang bakla at biglang tumayo upang mag bayad.

“kuya carlo ito na yung bayad ko, ay shit! Kulang na pera ko kuya carlo? Pano ba to? Hindi ko mababayaran yung softdrinks?” eksena ng bakla.

“ay sige balikan mo nalang” pag suggest ni kuya carlo.

“louie ikaw nalang mag bayad ng softdrinks ko?ok lang ba? Tutal ikaw naman kumuwa eh” pag baling nya kay louie.

napatingil naman itong louie sa pag kain at hindi alam ang sasabihin.

“ah eh!” hindi alam ni louie ang sasabihin nagulat sa sinabi ng bakla. Hindi naman ako nakapag tiis at tumayo at tipong kukuwa ng softdrinks at sinabing.

“ang ganda ha!”sabi ko ng may kalakasan para marinig nya sabay kuwa ng softdrinks at umupo at ininom ang softdrinks gamit ang staw.

“ oh sige kuya carlo salamat ha punta na ako, louie salamat ha? Next time ulit ha?” sabay labas ng karindirya. Wala naman nasabi itong louie dahil gulat sa mga pangyayari. Tumayo na din kame agad upang mag bayad.

“wag mong bayaran yan louie ha!kapal ng muka ng bakla yun!” nang gigil kong sabi.

“ganun talaga yun, ok lang wag mo na bayaran louie babalik naman yun eh.” Sabi ni kuya carlo.

“ito naman pinatulan mo pa yun” sabi ni louie.

“kakainis kasi PILENGARA!” urat kong sabi.

“sabi ko sayo teh upakan mo na eh!”sabi ni faye. Lumabas na kame ng karindirya na dala ko parin ang init ng ulo ko ng makita ko ang bakla sa harap ng karindirya nag yoyosi! Ng bigla lumapit samin.

“hoy! Bakla! Anong problema mo ha? Bakit mo ako pinaparingan ha?”pang dadarag sakin ng bakla!

“pinaparingan? Bakit ano pinaringan ko sayo?” sagot ko ng my tapang at taas noo.

“yung sabi mo na “ang ganda ha!” pag papaalala nya sa sinabi ko.

“sigurado ka bang ikaw yun? Bakit MAGANDA ka ba?” pag emphasize ko sa salitang MAGANDA KA BA?

“hindi! Bakit ikaw maganda ka ba para mag salita ng gayan?” pag susuplada nya.

“hindi rin! PERO HINDI NAMAN AKO PANGET!” pag lapit ko ng konti sa kanya at nag yaya ng umalis dahil my class pa kame.

“tara na! sayanag oras may klase pa tayu” pag hawak ko sa braso ni louie habang naglalakad palayo sa bakla habang nakatingin patalikod sa kanya wala naman sya nasabe at natameme sa sinabi ko sa kanya.

“teh!BILIB na ako sa POWERS mo!” pag hanga sakin ni faye habang nahawak sa braso ni aldrin habang itong aldrin hindi magkanda mayaw sa tawa! Si louie naman nakasimangot.

“naman!” confident kong sagot.

“dapat hindi mo na pinatulan!” galit na sabi ni louie.

“nakakainis kasi! Papansin!” pag papaliwanag ko.

“oh dapat hindi mo na pinansin tutal hindi naman sayo nag papansin!” bulyaw sakin ni louie.

“so ganun? Kinakampihan mo yung baklang yun? Oh sige puntahan mo dun samahan mo sa pag hithit ng sigarilyo!” sabay walk out at naunang mag lakad. Napakamot nalang ng ulo si bayag.

Hangang pag dating sa klase hindi ko parin pinapansin si louie. Nakakainis kasi! sya na nga tong pinagtangol ko sya pa tong nagalit sakin? Kapal! Tinabihan nya ko ng upo nag palit sila ni faye para makatabi ni faye si aldrin ng upo ako naman lumipat din ng upo ng makitang tumabi ng upo sakin si louie, lumipat ako sa bandang likod nya kita ko naman napakamot sya ng leeg sa ginawa kong pag-iwas. Mag ququiz kame nung oras na yun at sakin lang lagi nanghihinge sila ng papel dahil ayaw ko na ako ay nanghihinge kaya bumibili talaga ko huminge sila faye at aldrin sakin ng papel binigyan ko naman agad. Samanatalang itong si louie hindi alam kung hihinge ba o hindi baka kasi mapahiya sya na hindi ko sya bigyan.

“tol hinge mo naman ako kay andy ng papel.” Sabi nya kay aldrin.

“andy, hinge naman papel.” Hinge naman tong aldrin sakin.

“oh? Diba binigyan na kita?” pag tataray ko.

“si louie kasi wala pa” pag papaliwanag nya sakin.

“eh bat hindi sya ang manghinge ipapautos nya pa sayo?” pagpaparinig ko sa kanya habang nakatalikod naman tong louie.

“tol ikaw daw manghinge” bulong ni aldrin kay louie.

“ahmm.. deng penge naman papel oh” pag mamakaawa ni louie. Gusto kong tumawa ng malakas nung oras na yun dahil mukang tutang nagmamakaawa si louie ng mga oras na yun. Binigyan ko naman agad ng walang imik.

“salamat pwet!” sabi nya na tuwang tuwa kala nya siguro hindi na ako galit.

“andy dito ka upo sa gitna namin oh!” pag yaya ni aldrin dahil yun talaga CHEATING arrangement namin. Umupo na din ako agad napatingin ako kay louie ngumisi lang sakin ang loko binigyan ko lang ng isang snob na tingin.

Hangang uwian hindi ko pinansin si bayag, hangang sa jeep sumasabay sya sakin pero hindi ko parin pinapansin(ewan ko ba bakit ganun nalang ako mag-inarte ahahaha! Babae? Basta naiinis kasi ako piling ko napahiya ako kasi yung bakla ang kinampihan nya imbes na ako). sumakay ako ng pedicab nakisiksik din sya sakin sa loob hangang makauwi na kame. Dumaan muna ako kay ninang upang mag bless at nagpaalam na din para umuwi agad.

“sige ninang uwi na po ako” pag papaalam ko.

“oh? Maaga pa ha dito ka na muna. Dito ka na din mag hapunan.” Pag pigil sakin ni ninang.

“ok lang po ninang madami pa namang grocery sa bahay at canned goods, marunong naman ako mag luto” sabi ko.

“sigurado ka? Sige ikaw bahala pag may kailanagn ka tumawag ka lang ha?samahan ka na nito ni aweng sa pag-uwi” pag alok ni ninang.

“ay di na po kaya ko na po, parang napakalayo naman para samahan ako maaga pa naman eh. Sige po” pag tangi ko at umalis na din ako agad ng hindi nag papaalam kay louie habang nasa sala sya nanonood ng t.v.

Pag dating ko ng bahay nag bihis ako agad, matapos nag saing na din ako at nag luto ng corned beef at hinaluan ko ng itlog para sa hapunan ko. Ang lungkot talaga ng gantong sitwasyon ang laki laki nga ng bahay ako lang ang mag-isa mas gugustuhin ko pa yung bahay namin sa probinsya na maliit nga at kulang sa gamit masaya naman kame. Kumain na ako mag-isa ang lungot talaga. Habang kumakain nag-iisip ako kung san ako matutulog dito ba? O kila ninang? Pag dito ok lang din para masanay na ako sa sitwasyon ko na mag-isa kaso natatakot talaga ako pag mag-isa eh kung kila ninang katabi ko naman dun si bayag baka isipin non hindi na ako galit sa kanya? Hangang sa napag desisyonan ko ng dito nalang sa bahay matulog. Matapos kumain, nanuod ako saglit ng t.v tapos naligo na din para matulog. Mga 9pm nagsimula na akong humiga at ng tinignan ko cp ko my nag text 8 messages lahat nakapangalan kay BAYAG.

“ui pwet sorry na oh!please!” text ni louie. Binasa ko yung isang message.

“hindi naman sa kinakampihan ko yung baklang yun. Ayaw ko lang mapaaway ka sa school alam mo ng uso ang prat sa school natin baka lang may kabrod yun dun at ipahunting ka, un lang naman iniisp ko sorry na oh” napangiti naman ako sa sinabi ni bayag medyo nakukumbinsi na ako pero hindi ko parin nireplyan. Ang ibang messages puro “ui” nalang. Hindi ko parin nireplyan hangang sa tumawag hindi ko sinagot hangang sa maputol ang pag tunog sa ringtone ng phone ko, nag mamatigas parin ako. nilagay ko na ang phone ko sa ilalim ng unan ko upang matulog na ng biglang may bumaksak na bagay mula sa tukador ko, picture frame ko at nabasag! Kinabahan naman ako agad matatakutin kasi ako sa mga gantong pangyayari. Kaya yun no choice kila bayag ang laglag ko nito. Mga 10:30 nun nag text ako kay bayag.

“hoy bumaba ka antayin mo ako sa baba jan ako matulog!” text ko kay louie. Nag simula na ako mag lakad. May nakasalubong akong lalakeng lasing halata kasi sa pag lalakad pa gewang gewang, kinabahan ako baka mapag tripan ako kaya umiwas ako ng lakad sa kabilang side ng kalye. Hindi pa rin nag rereply ang bayag nakatulog na ata, pano ako nito? Narating ko na bahay nila louie ng ligtas. Sinimulan ko ng kumatok.

TOK!TOK! nadalawang katok palang ako na mahina bumukas agad ang pinto, si bayag! Nagulat naman ako. naka boxer short na puti lang ang loko.

“nakakagulat naman to!” sabi ko na my halong inis.

“hehe pasok ka!”pag yaya nya sakin sa loob. Patay na ang mga ilaw malamang tulog na ang lahat.

“sila ninang?” tanong ko.

“tulog na sila”sagot naman nya.

“ah! Sige pakuwa nalang ako ng unan dito na ako sa sala matulog tutal my electric fan naman dito ok na ako dito” pag-iinarte ko.

“parang tanga naman to eh” sabay kamot sa ulo. “hindi ka pwede dito madaming lamok dito at pag nakita ka ni mama dito papagalitan ko non, please naman andeng oh” pag mamakaawa nya. Bigla nyang hinawakan kamay ko at hinila pataas patungo sa kwarto nya. “tara na..” pag yaya nya ng malumanay. Wala na din akong nagawa kundi sumunod naakit ako sa lambot ng kamay eh ahahaha! Nakarating na kame ng kwarto nya hawak hawak pa rin nya kamay ko. Tinignan ko nalang ang kamay ko at kamay nya ng nakataas ang kilay nagpapahiwatig na pwede na nyang bitawan ang kamay ko.

“ay sorry, teka saglit lang ha?” binitawan naman nya agd kamay ko at nag latag sya ng banig sa sahig at unan. “geh tulog ka na sa kama dito nalang ako alam ko naman ayaw mo akong katabi eh” sabay higa tumalikod sakin. Tinignan ko lang sya, naawa tuloy ako feeling ko ang sama sama ko. Nahiga na din ako sa kama at sobrang naguiguilty gusto kong sabihin na tumabi nalang sya sakin ok lang hindi na ako galit nakikita ko namang sincere sya sa pag hinge nya ng sorry. Hangang sa hindi ko na tiis.

“huy bayag!bayag!”pag tawag ko sa kanya at inuuga ko gamit ang dulo ng paa ko.

“hmm?” tugon nya.

“tayo ka na jan tabihan mo na ako dito” sabi ko ng may halong lambing.

“hindi ok na ako dito tulog ka na jan”pagtangi nya habang nakapikit.

“arte naman! Sipain kita jan!” naiinis naman ako agad sa sinabi nya alam ko nag iinarte lang to!

“eto na nga eh tatayo na! nagsususngit ka naman! Mahirap na masipa ako ng kabayo!” sabay kuwa ng unan nya at tumabi sakin samantalang nakaupo naman ako sa kama pinag mamasdan lang sya.

“iinarte ka pa ha!” ewan ko bakit ganun nalang ako katapang kasi alam ko may kasalanan sya sakin ganun talaga sya pag may kasalanan gagawin lahat ang gusto ko hindi aangal yan.humiga na din ako pero nakatalikod sa kanya sya naman nakaharap sakin likod ko. Ng biglang yumakap ng bahagya at pinatong ang kamay sa tagiliran ng pwet ko. Hindi ako umimik hinayaan ko lang ang susunod nyang gagawin. Maya maya bumababa papuntang tiyan ko.

“pwet” bulong nya. Hindi naman ako umimik kunwari tulog na ako.

“huy pwet!” Pag-ulit nya.

“hmm?” simpleng tugon ko.

“sorry na ha? Wag kana magalit.” Bulong nya malapit sa likod ng ulo ko. Hindi naman na ako sumagot, hinawakan ko nalang ang kamay nya na nakayakap sa tiyan ko upang sagutin sya ng simpleng pahiwatig na hindi na ako galit. Napahigpit naman sya ng yakap nya at nakuwa naman agad ang ibig kong iparating. Ang sarap ng feeling na ganun feeling ko mag jowa kame na sinusuyosuyo nya ako para sa kapatawaran ko. Yan talaga ang gusto ko sa kanya pag alam nyang galit ako nag mimistulang anghel ang gago pero pag sya naman ang nagalit hindi ko magawang suyuin dahil sa lahat ng kilala kong tao sa mundo si louie ang may pinakamataas na pride lalo na pag alam nyang tama sya mas ok ng wag mo sya kausapin pag galit dahil mapapahiya ka lang. Natulog na kame ng mahimbing nung gabing yun wala ng ibang nangyari ayaw ko ding pag samantalahan sya dahil at first malaki tiwala nya sakin at second marunong akong rumespeto ng kaibigan.

Umaga na at nauna na naman ako ng gising mga around 6:30am. Ginsing ko na din ang bayag. Actually hindi mo sya magigisng ng ganun ganun lang. Sila ninang ang technique para gisingin sya gumagamit ng titing ng walis tapos kikilitiin ang paa nya ako naman simple lang kukurutin ang ilong or the worst BABAYAGAN ko hehehe. At yun nga kinurut kurot ko na ilong nya at nagising naman agad.

“bangon ka na jan bayag..” sabi ko ng may malumanay na pag bigkas. Ginantihan naman nya ako ng isang ngiti habang mag kaharap ang mga muka namin. Para kameng mag-asawa na ginigisng ko sya upang mag-ayos na papuntang trabaho ahihihi. Tumayo na ako at ganun din sya konting unat sa katawan at kinuwa na nya ang tuwalya nya.

“dadating ako dito ng 7:30 ha? Pag hindi ka pa tapos mauna na ako” sabi ko.

“yes bozz!” naka salute pa ang loko.

Dumating ako ng exact 7:30 sa bahay nila at nadatnan ko sya na nakabihis na at ready to go na paupo upo nalang s sala.

“ang tagal mo naman malalate tayo nito eh!” bulyaw nya sakin.

“ang yabang mo naman kahapon nga hindi ako nag reklamo!” bawi ko naman.

“oh deng mag almusal ka muna bago umalis.” Pag yaya ni ninang.

“hindi na ninang my natira pa akong ulam kagabe yun nalang inalmusal ko.” Sagot ko naman.

“ah ganun ba? Dito ka pala natulog kagabe ha tulog na kasi kame non eh.”pag tatanong ni ninang.

“ah opo tulog na nga po kayo non kaya hindi na ako nakapag paalam.”pag papaliwanag ko.

Nag paalam na din kame para umalis papuntang school. Balik sa dati hindi na ako galit hehehe kawawa naman kung mag-iinarte pa ako eh may kasalanan naman dina ko diba? Ahahaha. Wala lang nagmamaganda lang! Nasa school na kame, maaga ata masyado ang pasok namin lima palang kame sa room. Maya maya din dumating na ang iba.

“ui bati na sila” pangangasar ni faye.

“cheh! Hindi ah! Bati ba tayo ha? Bati tayo?” sabay tingin kay louie si louie naman ngiti lang.

“nag-iinarte ka pa kahapon ha” sabi ni faye. “ano bang ginawa mo louie at pinatawad ka nito?”pag-uusisa ni faye.

“wala naman! Niromansa ko lang ng konti yun bumigay din.” Sagot ni louie ng nakatingin sakin at naka ngiting demonyo ang loko.

“ULUL!”sabi ko sabay batok sa nuo nya.

Lunch time na at dun ulit kame kumain. Andun na naman ang bakla nag papansin pero this time iba na naman nilalandi natakot ata sa ganda ko ahahaha! Pero humirit parin kay louie ng palabas ng karindirya.

“bye louie” sabi ng bakla. Ngumiti naman si louie at tumingin sakin parang sumesenyas na hayaan ko nalang. Hindi naman ako umimik na dahil baka pag awayan na naman namin. Natapos na kame kumain ng nag tanong tong si louie.

“pwet bili tayo cornetto(ice cream)” pag yaya nya sakin, na sakin kasi ang pera nya ako pinapahawak nya magastos nga kasi sya.

“nako! Wag na! mauubos pera natin nyan!diba bumili ka ng pabango mo nung sang araw 300+ din yun! May isang lingo pa baka ma short tayo!” pag susungit ko.

“sige na kahit hati nalnag tayo sa isa!” pag mamakaawa nya.

“hindi nga pwede gusto mo ikaw nalnag humawak ng pera mo kung nangungulit ka lang din!” medyo inis na ako.

“bente lang naman yun ah! Bakit mag kano nalang ba pera jan?” pag ngungulit nya.

“ahmm kulang kulang 1000! Imagine mo my isang lingo pa! Kaya tipid todo tayo!” pero actually my dalawang libo pa akong tinatago ayaw ko lang sabihin sa kanya kasi pag nalaman nya ano ano na naman ipabibili nya pag alam nyang madami pa kameng pera.

“ah ganun ba?sige na nga titiisin ko nalang pag kasabik ko sa ice cream!” malungkot nyang sabi. Medyo na guilty at naawa naman ako kasi pag katapos namin kumain talgang my naka handang ice cream yan. Para din kasi matuto sunod sa layaw kasi!

Dahil sa pag tatago ko ng pera sa kanya ito ang naging dahilan upang sya naman ang magalit sakin dahil nalaman nya nag tatago ako ng pera sa kanya. Nasa bahay kame noong oras na yun upang gawin ang case analysis namin nang nakita nya ang pera kong nakatago sa maliit na bulsa ng bag ko. Kumuwa kasi sya ng ballpen sa bag ko at hindi inaasang nabuksan nya ang maliit na bulsa duon at nakita lahat ng pera binilang nya ata nasa mahigit dalawang libo yun.

“andy! Ilan pa nga ang pera nating natira?” pag tatanong nya ng seryoso habang nag susulata ako.

“ha? Eh! Diba sanabi ko na sayo kanina? Pulit ulit?” napatingin naman ako sa bag ko at nakita kong bukas. “shit tang ina nakita nya ata yung mga pera!”medyo kinabahan ako.

“mag kano nga!” nag simula ng tumaas ang tono nya!

“bakit ba? Mahigit kumulang isang libo!” ok na?” medyo kinabahan ako.

“talaga? Isang libo? Eh ano to?” sabay pakita nya ng mga pera galing sa bag ko. Hindi naman ako nakapag salita at natulala at hindi alam ang sasabihin.

“bakit mo ako tinataguan ng pera? Tang ina sayo ko nga pinapahawak pero ko kasi malaki tiwala ko sayo tapos ikaw nag tatago ka ng pera sakin? Tang ina naman andy! Ano to gaguhan? Ang ayos ayos ng tanong ko sayo ha!” galit nyan sabi.

“eh kasi ano! Kaw kasi magastos ka pag alam mong madami pa tayong pera kung ano ano pinabibili mo concern lang naman ako for the following days baka wala na tayong pera. Eh satin ko din naman igagastos yan eh” pag papaliwanag ko.

“kahit na andy! Kahit na! bobo ba ako para hindi ko maintindihan yan pag pinaliwanag mo sakin ha? Diba kanina napigilan mo naman akong bumili ng cornetto? Bad trip naman oh!” galit na galit nyang sabi at biglang tumayo kinuwa ang mga gamit nya at lumabas ng pinto ng kwarto ko. Wala na akong nagawa hindi ko na sya pinigilan dahil alam kong walang mangyayari kung gagawin ko yun baka mapahiya lang ako. nakatulala nalang ako sa pinto kung san sya lumabas. Lakas ng kabog ng dibdib ko! Parang gusto ko ng umiyak..

ITUTULOY!

2 comments:

  1. ahm dapasila piro my awayan ng nagaganap...

    ReplyDelete
  2. ahm dapasila piro my awayan ng nagaganap...

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails