Followers

Sunday, April 24, 2011

Love Me Like I Am (Book 1 Part 3)

By: White_Pal
Blog: http://gabbysjourneyofheart.blogspot.com
FB: whitepal888@yahoo.com

"Love Me Like I Am"
BOOK 1: Faces Of Heart
Part 3: “Beep!! Beep!! Of Jared and… New Friend: Angela Martinez”



BEEP!!! BEEP!!! May nag-text!

KUYA JARED: “Musta?”

Reply naman ako…

AKO: “Ok naman.. Masaya”

KUYA JARED: “Bakit ka Masaya?”

AKO: “Kasi, naging maganda ang New Year ko..”

KUYA JARED: “Bakit naging maganda ang New Year mo???”

AKO: “Kasi.. Masarap ang pagkain Hehehehe, masarap ang mga kwentuhan..”

KUYA JARED: “At??”

AKO: “Putek!! Anung At??”

KUYA JARED: “Sus kunwari pa ito!! Kasi nakilala mo ako! Nagkaroon ka ng kaibigan!! Yun yun kaya ka Masaya..”

Nabilaukan ako kahit wala naman akong kinakain sa oras na iyon. BULLSEYE!! Ang hirit ng loko!!

AKO: “Di Rin!!”

KUYA JARED: “Oo!! Denial ka!!”

AKO: “Oo na sige.. wahehehe…”

Siya ang ka-txt ko buong gabi. Dumaan ang mga araw, linggo, at buwan.. January, February, March.. Natapos ang 2nd year High school ko.. Dumating ang April and May, BAKASYON!! Hindi kami nawalan ng komunikasyon, araw-araw nag-uusap kami sa text at minsan, TUMATAWAG pa ang loko!! Hehehe..

Dumating ang June, 3rd year high school na ako..

Syempre, pasukan na naman at ano pa ba ang aasahan ko kundi isang taong pagtitiis at pangungutya na naman. Ako kasi willing akong gawin lahat eh matanggap lang nila ako at magkaroon ng kaibigan. Sabihin na nilang tanga-tanga ako, pero ganon talaga ako ka-desperado na magkaroon ng kaibigan pero… Pero parang nagbago ngayon yun dahil nandyan naman si Ely at nakilala ko si Jared.

Anyway, pagpasok ko sa room namin bumungad agad sa harapan ko si Steph.

STEPH: “Hoy! Clown!” pagtawag nya sa akin.

AKO: “S-Steph, ano yun?” maamong tanong ko.

STEPH: “Wala lang.. gusto ko lang naman na.. Dito ko sa may likod umupo.. sa Tabi ng Basurahan! Hahaha!!”

Sa pagkasabi nyang yun, nagtawanan ang iba sa mga kaklase ko. At…

ELY: “Gab! Dito ka na umupo sa tabi ko, wag mo ng pansinin yang Demonyong yan.” Pagpaparinig kay Steph.

STEPH: “Hoy!! At Sinong—“ Di natapos ang sinasabi niya dahil.

ELY: “TSE!! Ako bakit?? Angal ka ha??”

STEPH: “Aba!!”

ELY: “Anung Aba!?!? Baka gusto mo Basura naman ang sunod na ibuhos ko sa mukha’t katawan mo??” Turo niya sa basurang nasa may likuran ng classroom.

STEPH: “Try Me Ely.. TRYY ME!!” ang pananakot niya at pagkatapos nun, naglakad siya palabas na parang modelong rumarampa kasama ang mga Alipores niya.

ELY: “Wala ka naman Pala ehh..“ ang huli niyang banat kay Steph.
Maya-maya umupo kami sa upuan namin.

ELY: “Hhhmmpphh!! Anyway Highway, Alam mo ba, katabi natin yung best friend ko. Transferee siya from the other school of course.”

AKO: “Talaga? That’s nice..”

ELY: “Yeeesszzzz!!! She’s BERRY BERRY nice!!”

AKO: “Ely, VVVERY!! Hindi Berry na parang prutas.”

ELY: “Whatever Bebe Gab, anyway, I hope maging close friend mo rin siya.. I promise you, mabait siya SUPER!!”

After nun bumaba kami para sa Flag Ceremony at pagkatapos nun bumalik din kami agad sa room. Umupo ako sa tabi ni Ely sa kanan, at merong isang babaeng sobrang ganda na umupo naman sa tabi ni Ely sa kaliwa.

ELY: “Gab, siya yung sinasabi ko sa iyo na best friend ko. Si Angela.”

ANGELA: “Hi! Ella na lang” pag-abot niya sa kamay niya at sabay ngiti na nakakalusaw.

AKO: “Hi uhhmm.. I’m Gabriel.. umm Gab na lang” pag-abot ko rin ng kamay ko ng nakangiti.

Maya-maya, may pumasok na isang pamilyar na lalaki. Matangkad, may pagka-mestiso, matangos ang ilong, mapula ang labi, makinis ang balat at pisngi, ANG GANDA NG MATA PUTEK!!! Gwapo at masasabi mong HOT ang dating!! (hehehe..) Ang mga kababaihan sa room namin ay namangha sa kanya dahil sa tindi ng appeal!! Kahit si Steph nakita ko ang reaction, napatitig siya at tiningnan ang lalaki from head to toe.. I MEAN!! Head to Shoes pala.. Hahahaha..

Habang naglalakad siya, tinitigan ko mabuti ang lalaki.. Pamilyar pero di ko matandaan. Siguro dahil sa malayo siya sa kinauupuan ko.

Umupo naman siya sa may kabilang banda ng room malayo sa amin.

ELY: “Ang HOT!! Sheeet!! Grabe!!” ang namamanghang sabi ni Ely..

AKO: “So..Crush mo na yan Ely? Uuuuyyyy!!!!” ang pang-aalaska ko sa kanya habang natatawa.

ELY: “Naku!! Manahimik ka nga dyan Bebe Gab!! Sandali lang ha.. at mag-reretouch ako para makita niya ang kagandahan ko nuh!!” Sabay kuha ng make-up, lipstick, at kung anu-ano pa.

AKO: “Di rin.. Hahahahahaha!!”

ELY: “Hay naku Bebe Gab!! Hayaan mo na akong maghanap ng papa dito ha!! Minsan lang ito!!”

Nakita ko naman si Ella na natatawa kay Ely.

ELLA: “You two are good friends.”

AKO: “Yeah.. sanay na ako dito sa babaeng ito ehh..”

ELLA: “Sana maging close din tayo Gab.” sabay ngiti..

AKO: “I hope..” sabay ngiti din.

ELY: “Ayaaaannn!!! Ang ganda ko na ano??” ang pagpapakita niya ng kanyang finishing product na mukha.

AKO: “Ely!! Ano ba iyan!?!? Nipisan mo yang make-up mo ang kapal-kapal!!”

ELY: “Hay naku Bebe Gab, hayaan mo na.. Maganda na ako” sabay ikot ng ulo na para bang nagmomodelo ng buhok.

ELY (ulit): “Ikaw Ella, di mo ba type yun?? Hindi ka ba na-gagwapuhan?” ang turo niya sa lalaki.

ELLA: “Ako?? Ok naman.. Mukahng mabait...” Sabay smile.

ELY: “Hay nako ANGELA MARTINEZ!! A.k.a. Ella!!, Ang layo ng sagot mo sa tanong ko.. Ang tanong ko, na-gagwapuhan ka ba dun?? HINDI NABABAITAN!!”

ELLA: “Hahahaha!!! Hindi kasi ako madaling ma-attract sa tao ehh.. Mas nakikita ko kasi ang ugali at kabaitan ng isang tao..”

ELY: “Ano nga Angela?? Oo or Hindi?? Yun lang ang pwede mong isagot! Wala ng iba pa.. No more No Less..” ang pangungulit niya.

ELLA: “Oo na nga sige.. SIYEMPRE!! Hahaha!!” ang sagot niya habang tumatawa.

ELY: “Para ka namang napilitan sa sagot mo.. NEVERMIND, Akin na lang si pogi.”

ELLA at AKO: “Hahahaaha!!”

Habang nasa ganoon kaming pagkukwentuhan, napansin ko si Pogi na tingin ng tingin sa kinauupuan namin at para bang sumesenyas na kung ano.. Di ko na lang pinansin kasi baka iba ang sinesenyasan niya.

Nang matapos ang klase at dumating ang RECESS (hehehe..)

ELY: “Gab, pupunta lang kami ni Ella sa locker ko may kukunin lang.. Susunod na lang kami sa canteen ha..”

AKO: “Ok sige..”

Paglabas ko ng room, may biglang humawak ng kamay ko at nakita kong si Pogi pala iyon at...

(itutuloy..)

3 comments:

  1. "Part 4 biliiss!!!!!" naiinis na sabi ni ryan. halatang excited hehehehe

    ReplyDelete
  2. hahahaha natawa naman ako kay ryan... :)) ganda ng storya ang bibo ng narrator...

    ReplyDelete
  3. Ang ganda ng Kwento,pero bakit ganun wala yung book 1 part 4 hanggang end tapos may book 2 agad ang gulo..please tapusin nyo muna yung book to ng love me like iam thanks and more power..

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails