Followers

Tuesday, April 5, 2011

EXCHANGE OF HEART pt6

By: Gelo


Authors note:

pasyensya na po kung medyo natagalan ang next chapter mga readers medyo naging busy kasi ako lately.. ito na po hope you like it.. leave some comments :)

_______________________________________________________________________________

Natulala nalang ako sa pinto kung san lumabas si louie at nag simulang mamuo ang luha sa tagiliran ng mga mata ko! Ang bilis ng tibok ng puso ko grabeh! Hindi ko mawari bakit, halong kaba at takot ang nararamdaman ko, takot na baka mag bago ang lahat samin dahil lang sa pag tatago ko ng pera sa kanya. Mga limang minuto ata akong tulala sa pinto habang hawak ko ang ballpen ko nang hindi ko kinaya at binitawan ko ang ballpen at lumundag sa kama na ang harapan ay ang pinansalubong sa kama. Hanggang sa hindi ko napigilan ang emosyon na kanina pa gustong bumuhos, naiyak ako! hindi ko mawari bakit ganto nalang ang pag-iyak ko samantalang dati-rati naman pag nag-aaway kame hindi ko masyadong iniisip dahil kinabuksan nag papansinan din kame agad ng walang sorry sorry pero iba ngayon eh ang bigat sa pakiramdam feeling ko sobrang laki ng kasalanan ko at katapusan na ng pagkakaibigan namin. Mga 30 minutes ata ako nag-iiniyak ng naisipan kong tumayo at pinagpatuloy ang dapat gawin dahil ipapapasa na ito bukas. Kahit gumagawa na ako hindi parin maalis sa isip ko ang huling eksena na nagalit sakin si louie hindi tuloy ako maka concentrate sa ginagawa ko sa sobrang inis ko hindi ko na tinuloy ang ginagawa ko, napag desisiyonan ko na sa school ko nalang tatapusin anyway hapon pa naman ang subject namin na iyon kaya pwede pang mahabol. Naligo na ako para mag handa sa pag tulog. Pinatay ko na ang ilaw para humiga pero hindi agad ako nakatulog dahil sa kakaisip pano ang gagawin para mapatawad ni louie. Tinext ko sya.

“ahmm bayag, sorry na talaga!hindi ko talaga intensyon ang mag tago ng pera sayo iniisip ko lang naman yung makakabuti sating dalawa sa dadaan na susunod na mga araw! Basta sorry na ha? Bati na tayo.. J mawh! Nyti bayagers!”nag anatay ako ng mga isang oras kaso walang nag reply kaya natulog na din ako ng may pag ka dismaya.

Medyo napawi naman ang kaba at takot na nararamadaman ko dahil sa text ko feeling ko magiging ok din ang lahat kinabukasan just like before mag papansinan din kame kahit walang sorry.

Kinabukasan..

tapos na ako mag handa para pumasok. Naglakad na ako papunta kila louie ng my dalang sobrang kaba as in grabeh! Habang palapit ako ng palapit parang gustong pumutok ang dibdib ko sa sobrang lakas ng pintig ng puso ko sa kaba. Mga 7:40am nun ng makarating ako ng bahay nila. Bago ako pumasok humugot muna ako ng malakas na buntong hininga bago buksan ang pinto.

“good morning!!” pag bati ng masaya pag pasok ko ng pinto inikot ko ang mga mata ngunit hindi ko nakita si louie.

“good morning deng!” sagot naman sakin ni ninang lumapit naman ako agad upang mag bless. Hindi ko makita ang tatlong mag kakapatid tinanong ko nalang si ninang.

“ninang pumasok na sila?” pagtatanong ko.

“ah oo! Nag sabay na silang tatlo sa pag pasok hindi ka na ata nahintay ni aweng kasi nag mamadali eh may tatapusin pa daw sya sa school” pag papaliwag ni ninang.

“ah ganun ba? Ah sige po mauna na din ako”pag papaalam ko ng may malaking pagkadismaya.

“ah sige anak mag ingat ka”

Lalo tuloy lumakas ang kabog sa dibdib ko dahil hindi ako inantay ni louie dati-rati naman kahit 8am na ako makarating sa bahay nila aantayin ako nyan pero ngayon wala! Inisip ko nalang na kailangan nyang maagang makarating sa school para matapos ang case analysis hindi rin nya siguro natapos kagabe.

Nakarating na ako sa school. Sya agad ang hinanap ko sa loob ng room nakita ko naman agad sya. Tinabihan ko naman agad ng upo.

“uy! Bat hindi mo ako inantay dumaan ako sa inyo sabi ni ninang nauna ka na daw.”pag iistorbo ko habang nag susulat sya.

“kailanagn kasing tapusin to” tipid nyang sagot hindi man lang tumingin sakin.

“ah ganun ba! Ako nga din eh hindi ko natapos. Ahmm huy bayag sorry na oh” hindi naman sya sumagot na parang walang narinig.

“huy! Sorry na wag ka na magalit.” Pag ulit ko. “huy!” siniko ko na ang siko nya kung san yun ang ginagamit nyang pansulat.”

“ano ba?tignan mo nasira tuloy sinusulat ko! Badtrip naman to oh!” bigla nyang sagot at lumipat ng upo sa likod.

“ay sorry ulit” malungkot kong sabi sabay labas ng case analysis ko at nag sulat nalang din. Hindi ko pansin nakatitig lang pala samin si faye at aldrin. Si faye lumapit sakin si aldrin naman lumapit kay louie, parehas sigurong tapos na sa mga case analysis nila dahil parelax relax nalang sila.

“teh ano na naman tong drama nyo? Kayo talaga daig nyo pa mag asawa ha!” pang iintriga nitong si faye.

“eh kasi! Basta sabihin ko sayo maya tapusin ko nalang muna to.” Sabay tingin ng palihim kay louie para ipahiwatig kay faye na wag dito baka marinig ni louie.

“oh sige sige gets ko na teh!” nakuwa naman agad ni faye ang ibig kong sabihin.

Nag simula na ang klase, nasa likod pa rin si louie nakaupo imbes na naka tabi sakin kahit anong pilit ni aldrin ayaw pumayag. Sa lunch sumabay sya samin pero kay aldrin lang naka dikit, pina-una na namin ng lakad ang dalawa para maikwento ko kay faye ang nangyari last night. Si faye naman kesa ako kampihan si louie ang kinamapihan sabagay ako naman talaga ang may mali kaya hindi ko na din pinag laban. Hangang makarating kame sa karindirya kung san kame kumakain talagang si louie ang tumayo at nag order ng kakainin nya di tulad ng dati na uupo nalang silang dalawa at kame ng bahala mga babae ay este ni faye ang mag order. Ramdam na ramdam ng bawat isa ang tensyon sa mesa habang kumain kame dahil tahimik walang nag sasalita. Nang hindi maka tiis itong si aldrin.

“hoy! Para kayong mga tanga away nalang kayo ng away!daig nyo pa mag asawa ha! Mag syota ba kayo ha?!!” bulyaw ni aldrin.

“hindi ah!!” sabay naming salita ni louie. Biglang dumating na naman tong ingeterang baklang frog.

“ay wala na ako upuan kuya carlo??” sabi ng bakla habang nag hahanap ng mauupuan.

“ay louie pwede bang tumabi nalang sayo? Malaki pa naman ang space jan sa mesa nyo eh.” Pagtatanong nya kay louie.

“oh sige dito ka nalang sa tabi ko” pag alok ni louie. Hindi ko alam kung bakit nya ginawa yun. Sinadya ba nyang sabihin sa tabi nya ito umupo para asarin ako o wala naman syang intensyon sa mga sinabi nya. Napahawak sa kamay ko si faye medyo mahigpit signal na pigilan ko sarili ko at wag paapekto. Nakuwa ko naman agad at pinag patuloy ko lang ang pag kain ko.

“salamat talaga louie ha? Ang bait bait mo talaga ang cute cute pa! Hindi tulad ng isang kaibigan mo jan!”Sabay tingin sakin ng may pangangasar. Sa isip-isip ko “tang ina pasalamat ka my atraso pa ako kay louie at ayaw ko lang mas lalong lumaki ang galit nya sakin kundi kanina pa nakasubsub yang muka mo sa kinakain mo!” tinignan ko nalang sya ng isang sarcastic na ngiti upang gumanti sa sinabi nya. Natapos na kame kumain at mag babayaran na alam kong walang pera si louie kaya ako na nag alok mag bayad dahil nga na sakin ang pera nya.

“ahmm louie ako nalang mag babayd sayo diba nga andito pera mo?” pag aalok ko.

“hindi ok na! si aldrin an mag babayad sakin ITAGO mo nalnag yang PERA MO! Nakakahiya naman sayo baka sabihin mo maubos ko!” pag emphasized nya sa salitang ITAGO para naman akong sinampal ng tabla sa muka sa sinabi nya sa harap pa ng bakla! HIYANG HIYA AKO SOBRA! Kunwari nalang hindi ako apektado at nag bayad na agad sabay umalis hindi ko na inantay silang matapos mag bayad unless kumaripas ako ng lakad papasok sa loob ng campus ng school upang mag hanap ng lugar kung san ko ibubuhos ang iyak ko dahil hindi ko na mapigilan . ayaw ko namang makita nya akong umiiyak dahil ayaw kong sabihin nyang mahina at talunan ako. nakarating ako sa bandang likod ng school resort ang tawag namin dito dahil madaming puno at may dalawang swimming pool at may mga mesa kung san pwede kang tumamby, walang masyadong tao dito dahil medyo may kalayuan kung lalakarin. Duon ko ibinuhos ang emosyon ko halong hiya at sakit ang naramdaman ko. Hiya dahil hindi ko akalin na sa harap pa nung baklang yung nasabi sakin ni louie at sakit dahil hindi ko akalain na kayang sabihin ang mga salitang iyon sakin!iyak ako ng iyak walang pakelam sa iilang nakatamby sa lugar na iyon ang iba napapatingin sakin at pinag uusapan ako.tinatakpan ko ang mata ko dahil sa pag iyak may naramdaman akong umupo sa harap ko alam kong si faye yun kaya hinidi ko na nagawang buksan ang mga mata ko para tignan sya sa halip sinabi ko nalang.

“teh iwan mo muna ako, maya maya magiging ok na din ako” sabi ko. at laking taka ko hindi sumagot ang gaga hindi ko naman naramdaman na umalis sya kaya inalis ko ang kamay ko sa pagkapiring nito sa mga mata ko at laking gulat ko ng iba makita ko! Si JONER! Ang classmate kong LONER! Kasi wala kasi akong nakikita nyang kasama nya lagi kaya nasabi kong loner sya. Ewan! Siguro my mga friends din sya pero yung laging kasama? Wala ata! Sobrang tahimik kasi although may itsura actually gwapo nga eh macho pa! Ahahahaha! Moreno at matangad yun nga lang sobrang tahimik parang hindi makabasag plato.

“ok ka lang ba? Bakit ka umiiyak?” pag uusisa nya. Pinunasan ko naman agad ang luha ko gamit lang ang kamay ko.

“ah wala! Gusto ko kasing sumali sa isang search for a new star s isang television channel nag prapractice ako”pag bibiro ko. Habang pinupunasan ko parin ang luha ko. Nawawala kasi panyo ko eh ewan ko san ko na naman nalapag.

“kaw talaga palabiro ka! Ito oh panyo gamitin mo muna.”pag alok nya ng may malumay at maaliwalas na ngiti. Naantig naman ako sa muka nyang iyon para bang naakit akong hawakan ang muka nya dahil sobrnag kinis nito kahit hindi maputi.

“ah salamat actually kanina pa ako nag hahanap ng panyo nawala ko na naman ata panyo ko eh” pag-abot ko sa panyo at sabay punas sa luha ko at hindi na ako nahiya siningahan ko na rin kasi punong puno na ilong ko non. “lalabhan ko nalnag ha tapos ibabalik ko sayo”

“ahahahaha! Nakakatawa ka talaga!” tuwang tuwa sya ewan ko bakit baliw ata to!

“ha? Anong nakakatuwa dun?” pag tataka ko.

“eh kasi pinahiram ko lang naman sayo yan eh kung ibang tao yun marahil ipapahid lang sa luha nila eh ikaw nakuwa mo pang mag singa ng sipon mo eh hindi naman sayo yan ahahahaha!” tuwang tuwa talaga sya na kinainis ko naman!

“ah ganun ba? Pasyensya na ha? Sige papalitan ko nalang at isang dosena pa!” pag susungit ko piling ko kasi sinasabi nya gamol ako!

“no!no! don’t get me wrong! I don’t mean anything about what i have said. Actually i like you kasi totoong kang tao!at tuwang tuwa ako sayo during class hours lalo na pag ikaw ang nag sasalita o nag rereport may sense of humor hindi nakakaboring pakingan”pag papaliwang nya.

“weh? Tigilan mo nga ako sa mga english mo baka mapasubo ka sakin sa english!(oh gusto mo ikaw nalang isubo ko?ahahahaha pilyo kong pag-iisip)

“so i guess? Were friends?” sabay alok nya ng kamay nya para makipag shake hands. Tinitigan ko naman muna ito at pinag masdan ko ang mga mata nya kung sincere sya sa mga sinasabi nya.

“hmm ok FRIEND!” sabay tugon ng isang ngiti at pag abot sa kamay nya.(IMPERNEZ ANG LAMBOT NG KAMAY NITO HINDI TULAD NG KAMAY NI BAYAGRA KUBAL KUBAL!)

Napawi naman ni joner ang hiya at sakit na nararamdaman ko kahit papano nakalimutan ko saglit ang huling eksena kung san napahiya ako sa karindirya.

Sabay kameng pumasok ng next subject namin ni joner. Pag pasok palang namin ni joner sa pinto umentra naman agad tong si faye!

“ang taray! Ang ganda mo talaga teh!”malakas nyang sigaw na pumukaw sa atensyon ng lahat tawanan naman ang lahat ang iba na ngungutsa pa! may mga “ui!”. Napa mura naman agad ako kay faye ng patago yung tipong mura na walang lumalabas na salita sa bibig ko (LIPSING BAGA) na may pang gigil ng hindi marinig ni joner kasi i think his a person na hindi marunong mag mura laki kasi sa mayamang pamilya sa itsura palang halata na.

Dahil lima ang bangko sa isang row at apat lang naman kame sa row inanyayahan ko naman si joner na umupo nalang sa row namin nakakaawa naman kasi lagi syang nasa dulo mag-isa, pumayag din naman sya.

“teh bilib talaga akong sa POWERS mo! Imagine nakagawa ka agad ng RESBAK kuno? Ahahaha!” pangangasar nya ng pabulong. Katabi ko kasi sya at that time at si louie nasa kabilang dulo same with joner na nasa dulo din ng row na katabi ko naman.

“gago!anong resbak pinag sasasabi mo jan? Inalok nya kasi ako ng pansyo kanina nung nag eemote ako SAMANTALANG IKAW WALA!” sagot ko naman na pabulong din.

“eh gago ka pala eh ikaw ba naman para kang kabayo sa bilis ng lakad mo hindi na kita nasundan alanagn libutin ko pa tong buong school mahanap ka lang?” pag papaliwanag ni faye.

“aba why not? Kung kailangan mong libutin ang buong school!manila man o buong pilinas much worst buong MUNDO makita lang ako gawin mo! Thats a true friend na tinatawag!” pag bibiro ko.

“hmpt! Gago!” sabay batok sakin!bigla naman tong umentra si joner.

“hi faye” sabi ni joner

“hello joner”malanding sagot si faye.

“hi aldrin” sabi ni joner.

“hi din tol” tugon naman ni aldrin

“hi louie” sabi ni joner. Hindi naman sumagot tong louie kunwari busy sa pag susulat nakatingin naman kameng apat sa kanya upang hintayin ang sagot nya. Tinapik nalang sya ni aldrin sa batok.

“hoy tol hi daw!” sabi ni aldrin.

“ah! Hello” pagbaling naman nya kay joner na parang napilitan lang.

“pasyensya kana tol ha busy kasi eh hindi pa tapos sa analysis nya.” Pag papaliwanag ni aldrin kay joner.

“ow its ok nothing to worry i understand, anyway ok lang ba sa inyo maki upo ako dito sa row nyo?” tanong ni joner.

“ah oo naman sure na sure” sagot ni faye.

“oo tol ok lang samin mas maganda nga yun eh para mas maraming utak na gumagana sa row na to ahahahaha!” pilyong sagot ni aldrin sabay tawa!

“i’m glad to hear it. Salamat guys!” galak na sabi ni joner.

“glad2x!” pabulong na sabi ni louie habang nag susulat.

“ha? What he said?” tanong ni joner sa sabi ni louie.

“ah wala hehe glad din daw sya hehehe” sabay siko nito ni aldrin kay louie.

“ah ok ok” sabi ni joner. Tinignan ko nalang ng masama si louie “gagu talag to kahit kelan” sa isip isip ko lang.

Natapos na ang araw ng klase at uwian na. sabay na kameng limang lumabas natpos din naman ni louie ang case analysis nya gayun din ako at naipasa na namin. Nasa labas na kame ng kalsada ng mag desisyon ng mag uwian. si joner,faye at aldrin iisang way ang punta kaya nauna na silang sumakay ng jeep.

“oh tol una na kame! Wag mo na awayin yang si andy! Baka mag pakamatay yan!” biro ni aldrin.

“gagu!”sabi ko naman samantalang si louie napangiti lang.

“we’ll go ahead andy. Thanks again. Take care on your way home.” Pag papaalam ni joner.

“ha? Thanks? San?” pag tataka sabay sakay naman agad nila sa jeep.

“basta! Bye!” pahabol nitong joner. Pag tingin ko sa tabi ko wala na si bayag! Tumawid na pala hindi man lang ako inantay? Nyeta! Napupuno na ako pero pinipigilan ko lang dahil ako naman ang may kasalanan.

Sabay kameng sumakay ng jeep. Masikip ang loob dahil madaming sakay magkatabi kame at sobrang mag kadikit ang mga katawan namin at ito naman ang lecheng pabango nya inaakit na naman ako! nahihirapan akong ipasok ang kamay ko sa loob ng bulsa ng pants ko dahil nga sobrang sikip naramdaman naman nyang nahihirapan ako kaya medyo itinaas nya ang pwetan nya upang lumuwag at makuwa ko ang pera ko. Ng maabot ko pera ko ipinaabot ko sa kanya dahil sya ang nasa unahan malapit sa driver. Inabot naman nya agad to.

“kuya dalawa pong estudyante yang sa bente.” Bungad ko agad para hindi na sya mag bayad sahil alam kong wala syang pera. Hindi naman din sya naka imik at inabot din sakin ang sukli.natuwa naman ako dahil pumayag sya na ako na mag bayad ng pamasahe nya.

Sabay din kameng sumakay ng pedicab ganun din ako din ang nag bayad. Nag lalakad kame papuntang bahay nila walang imikan nauuna kasi syang mag lakad. Hangang makarating na kame ng bahay nila wala parang nag sasalita hindi ko namang magawang manguna sa pag sasalita baka mapahiya na naman ko kaya mas pinili ko nalang ang manahimik. Nag bless naman ako agad kay ninang ganun din sya sabay akyat agad ng kwarto nya ng walang salisalita.

“oh? Anong nangyari dun?” pag tatanong ni ninang.

“ewan ko po dun! Pagod ata kasi buong araw yang nag sulat eh.” Pag papaliwanag ko.

“ah ganun ba?oh dito ka na kumain ha? Nag handa ko ng paborito mong ulam na gulay na toge” pag aanyaya ni ninang.

“talaga po ? sige sige! Gusto ko yan dito ako mag hahapunan. Uuwi muna ako para mag bihis ninang ha?” masaya kong sabi parang nakalimutan ko tuloy about samin ni louie.

“oh sige sige alam kong matutuwa ka kaya yan ang niluto ko” sabi ni ninang.

Umuwi naman ako agad. Ng makarating ako ng bahay laking gulat ko bukas ang ilaw ng bahay! Naiwan ko bang bukas? O may tao sa loob? Medyo kinabahan naman ako. hawak ko ng door nob nabigla ako ng nabuksan ko ng walang susi! May tao nga sa loob! Shit! Baka nalolooban kame! Dahan dahan akong umakayat. Kumuwa ako ng isang bote sa gilid ng bahay namin. Habang umaakyat ako narirnig ko may nag sasalita mula sa third floor, sinilip ko muna sa hagdanan kung sino ng sisimulan ko ng umakyat ng nakaakmang papalo ang itsura my kumalabit sa likod ko.

“waaaaaaaah! Tang ina mo!” napa mura ako sa gulat! Malapit ko na syang mahampas ng bote. Pinsan ko pala si SV.

“grabeh ka naman kuya nakakagulat ka my hawak ka pang bote sino bang papaluin mo?” tanong nya.

“ikaw gusto mo? Bat andito kayo sino kasama mo at pano kayo naka pasok sa loob ha?” pagtataka kong tanong.

“kasama ko si nanay(lola namin) sya nag bukas ng pinto my susi kasi sya diba? dito muna daw kame titira kasama ka para may kasama ka dito sa bahay habilin ni papa mo” pag papaliwanang nya.

“ah ganun ba? Oh asan si nanay?” pag tatanong ko.

“andun sa taas nag luluto.” Sabi ni SV.

“ah sige mabuti yun ng may kasama ako dito.” Medyo napawi na ang kaba ko. Nagbihis na ako at saka umakyat sa taas at nag paalam na kila ninang ako kakain at matutulog huling araw ko na yun na dun ako matutulog tutal may kasama na ako sa bahay. Pumayag naman si nanay at lumarga na ako.

Kumakain na kame ng sabay nila ninang at mga kapatid ni louie. Itong bayag naman nasa taas pa ayaw pang bumaba kaya nauna na kame. Maya maya bumaba na si louie.

“anong ulam ma?” tanong nya.

“toge anak!” sagot ni ninang.

“toge?ano ba yan!” pag rereklamo nya. Hindi kasi kumakin ng kulang tong si louie.

“eh kung gusto mo mag bukas ka nalang ng delata jan!” suggest ni ninang.

“ayaw ko! Mag bubukas pa ako tapos lulutuin pa hindi nga ako marunong mag luto! Bakit kasi nag luto ka ng gulay alam mong hindi ako nakain ng gulay!” bulyaw ni louie na parang hindi kausap nanay nya.

“eh kasi nga tong si andeng diba paborito to at diba kumakain ka na din nito dati simula nung andito na tong si andeng?” sabi ng mamag nya.

“dati yun!” sabay akyat sa taas.

“hayaan nyo na ninang kabuwanan ata ni bayag kaya mainit ang ulo” pagbiro ko kay ninang upang hindi matuloy ang nagsisismulang galit kay ninang sa mga sagot ni louie.

“ako nalang mag bubukas at mag luto ng corned beef ninang para kay bayag.” Pag volunteer ko.

“oh sige kaw na bahala baka malagyan ko pa ng lason pagkain nun.” Medyo inis na sabi ni ninang na umiiling iling pa.

Matapos ko kumain nag bukas agad ako ng delata at niluto din agad ang corned beef paborito nya kasi to. Matapos maluto nilatagan ko na din ng plato at kutsari ang bayag kompleto rekado na kulang nalang subuan ko. Tinawag ko na sya sa taas para kumain.

“louie baba ka na daw sa baba para kumain pinag luto ka ni ninang ng corned beef.” Hindi ko na sinabi na ako nag luto baka hindi nya kasi kainin alam mo na ang pride! Bumababa naman agad ang bayag parang walang narinig. Habang kumakian sya nanood naman ako ng t.v nakikita ko naman syang kumakian habang naonood ako. natutuwa naman ko sa nakikita ko kasi mukang nasasarapan ang mokong!(hindi nya alam ako nag luto ahahaha!)” matapos kumain nilagay nalang ang plato sa lababo at umakyat para matulog sa isip isip ko “ang sarap talaga ng buhay ng bayagra na to!” ako na din nag offer ng help kay ninang para mag hugas ng plato mag plaplantsa pa kasi sya eh pumayag naman sya. Mga around 9:30pm tapos na kame sa lahat ng gawain at tulugan na. naiisp ko sa sahig nalang ng kwarto ni louie ako matulog nakakahiya naman sa kanya baka sipain ako pababa nun! Hindi naman ako pwede sa sala kasi malalaman ni ninang na magkagalit kame at ayaw kong mangyari un. Umakyat na ako sa taas at pumasok sa kwarto ni louie. Nakahiga na sya nag tetext pa ng makita akong pumasok nilagay ang cellphone nya sa ilalim ng unan nya at umarke na matutulog na kuno at tumalikod sakin. Dumaretso na ako sa cr upang magpunas ng katawan matapos naglatag na ako ng banig sa sahig at unan.

Nakahiga na ako at medyo hindi komportable ang higa ko dahil matigas ang hinahigaan ko palipat lipat ako ng posisyon. Gising pa si bayag alam ko kasi nakikita ko liwanag galing sa cellphone nya nagtetext ata. Gusto ko syang kausapin dahil huling tulog ko na nga to sa kanila at gusto ko sana liwanagin ang lahat.hangang Hindi ako makatiis at tumayo ako at umupo sa tabi nya.

“ahmm louie?louie?” inuga uga ko sya hindi naman sumasagot.

“sorry na kasi oh! Ilang beses ba akong mag sosorry sayo para mapatawad mo ako?” pag mamakaawa ko.

“ui! Louie! Bayagra! Ano?” pag-uga ko parin sa kanya. Ng biglang.

“ano bang? Tang ina naman natutulog na ang tao!” bulyaw nya sabay tingin sakin ng masama! Nagulat naman ako. may naisip akong pwedeng magpalambot dito. Ewan ko lang kung hindi to tumalab!

“sorry na kasi! Sorry na nga eh! Nag sorry na na nga eh! Sorry! Sorry! Huhuhuhu!” nag simula na akong humagulgul na parang batang umiiyak! As in bongga ang iyak ko nadala na din ako sa emosyon ko.

“huhuhu kasi! Sorry na nga eh ano ba gusto mo? Huhuhu” napalingon paharap sakin si louie at umupo NATARANTA ang gago! Ito talaga kahinaan ni louie pag umiiyak ang isang ato lumalambot sya lalo na pag ako talaga matataranta ka matatawa ka sa itsura nya.

“huy! Ano ba! Wag ka nga umiyak maririnig tayo ni mama sabihin nun pinapa-iyak kita huy tigil na!yari ako sayo nito eh” pag pigil nya sa pag hagulgul ko!

“kasi nag sosorry na nga yung tao ayaw mo pang tangapin! Huhuhu” mas nilakasan ko pa ang iyak ko.

“oo sige na sige na pwede na wag na umiyak please! Please wag na tahan na ssshhhh!” pag tahan nya sakin.

“talaga? Hindi ka na galit?” habang nahagulgul parin.tumingin lang sya sakin parang hindi alam ang sasabihin.

“ano? Sabi ko na nga ba galit ka pa waaaah! Huhuhu!”pag iingay ko ulit. Nagulat naman ako sa ginawa nya niyakap nya ang ulo ko ng braso nya ako nilagay satiyan nya pero patuloy pa din ang iyak ko.

“oo na hindi na ako galit, tahan na” malumanay nyang sabi habang kinukuskos ang kamay nya sa buhok ko. Napatahan naman ako unti-unti.

“sorry na ha? Bate na tayo ha?wag mo na ako awayin!” sabi ko na parang bata.

“oo na! pwede na yan tulog na tayo” pinunasan naman nya ng gumot ang muka ko na basang basa sa luha ko sabay hinila nya ako pahiga sumisinok sinok naman ako sa sobrang pag-iiyak.

“kaw ha! Nag-away lang tayo humanap ka naman agad ng kapalit ko” sabi nya na naka patong ang ulo ko sa braso nya.

“kapalit? Hindi ah! Kasalanan ko bang maganda ako at lumapit sya sakin? At di hamak mas gwapo ka naman kay joner noh! Mas matangkad nga lang sya sayo!” pag papaliwanag ko.

“maganda! Kapal ng muka mo!” Sabay pagdami ng kamay nya sa muka ko at ipinahid ito mula taas pababa.

“ano ba yan! Totoo naman eh” pag tangal ko ng kamay nya sa muka ko.

“matulog na tayo! Anong oras na oh!” pag yaya nya. Hindi naman din ako nag salita na at napangiti nalang sa saya dahil bati na kame. Samantalang nakahiga parin ang ulo ko sa nakabuka nyang braso.

Hindi parin ako makatulog sa saya. Tinignan ko nalang si louie sa muka tulog na ako mokong pero hindi ako sure kasi hindi pa nakabuka ang bibig eh baka gising pa nag mumuni muni lang. Lumapit naman ako konti sa katawan nya. At dahan dahan kong ipinatong ang paa ko sa binti nya wala naman syang reklamo. Maya maya naramdaman ko dumampi ang mga kamay nya sa bandang uluhan ko at tipong inikot ikot nya ang bawat hibla ng buhok ko at unti unti ko namang inikot ang katawan ko upang humarap sa kanya para ipatong ng dahan dahan ang kamay ko sa tiyan nya upang yumakap. Hindi ko alam anong pwersa ang nag udyok sakin pata gawin yun. Maya maya narinig kong nag salita si louie.

“andy..” malumanay nyang sabi.

ITUTULOY!

4 comments:

  1. nice...

    sana maging bf muna ni andeng si joner...para magselos si louie..hehehe

    ReplyDelete
  2. excited much... naka habol agad ako....

    sana maging updated parin ako sa mga darating an araw... hays....

    ReplyDelete
  3. sana my part 7 na...

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails