Followers

Monday, April 4, 2011

demon loves angel (5)

blogger: seniorito agua
contact no.: 09339123734
blog site: http://senioritoaguas.blogspot.com
_______________________________

sa umagang iyon

"wanson, wanson gising na tol"pag gising ni abraham kay wanson

agad namang napatayo si wanson sa kanyang hinihigaan

"magandang umaga ho"pagbati naman ng isa pang binatang seminarista

"magandang umaga rin oh, pagpasensyahan na ho sana ninyo ang aking paggising"pagbati at paghingi ng paumanhin ni wanson

isang matamis na ngiti lang ang ginawad na sagot ng binata at tumalikod ito

agad namang naghilamos si wanson at nagpalit ito ng damit

nangmakalabas na si wanson galing sa banyo nagpakilala naman ang binatang seminarista

"ako nga pala si michael, pinadala ako dito ni father upang ipaliwanag pa sa inyo ang ilang mga lugar at mga bagay bagay dito sa ating lugar"

"pwde bang magtanong?"sambit ni abraham

"cge ho ano ho ba ang nais ninyong malaman?"pabalik na sambit ng binata

"seryoso ba talaga si father nung nagpapaliwanag siya?, kase parang napaka hirap paniwalaan nito, isang kumbento , simabahan ng panginoong jesus, pinalilibutan ng ibat ibang barangay na sumasamba kay satanas?, parang ang hirap paniwalaan nito ah" ang sambit na opinion ni abraham

"totoo nga hong hindi kapanipaniwala ang mga bagay na nangyayare, pero tunay hong nangyayare ito, kaya narin ho siguro pinatayo ang simbahang ito sa gitna ng mga barangay na katulad ng nasa labas.. upang imulat sila mula sa kahibangan at maling paniniwala"pagpapaliwanag naman ng binatang si michael

"at inaasahan nyo kameng mga baguhang seminarista na tumulong lahat sa inyo?"ang tanong na nasambit ni wanson

"kayo ho ay naririto dahil kayo ang mga napiling tumulong samen, may kanya kanya kayong mga kakayahan upang tulungan ang mga taong nasasadlak sa maling paniniwala"
sambit muli ni michael

katahimikan ang sunod na namutawi sa buong paligid

"kung wala na ho kayong tanong pa , maghanda na dapat tayo dahil ipapaliwanag at ililibot ko po kayo sa ibat ibang barangay dito sa ating lugar"ang sambit ni michael at sabay ng paglabas ng kwarto

"sandali!"si wanson

"ilang barangay mayroon ang lugar na ito?"ang pahabol na tanung niya rito

"tatlo ho, sa maikling oras ho ay lilibutin naten ang san arinto, san huwaquin,at san tyermo"pagsagot nito sa katanungan ni wanson

"sige, salamat"sambit ni wanson

nang makalabas na ng kwarto si michael

"tol sigurado ka? sasama tayo sa pagpunta sa ibat ibang barangay?"pagtatanung ni abraham

"oo"maikling sagot nito

hindi na nagsalita pa si abraham at naghanda na rin ito

'oo dahil may lalake akong kailangang iligtas mula sa kamay ni satanas' sa isip na sambit ni wanson

(to be continued)

No comments:

Post a Comment

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails