Followers

Tuesday, April 5, 2011

Unexpected Love Chapter 8 (Jom)

Andito na po ang hinihintay nyu pong Next chapter ng UeL. sana po patuloy ninyo akong suportahan..

again maraming salamat kay Enso for the Poster, eto pahabol kay Snob din for the additional poster..

-3rd-
_____________________________________________________



Nagising ako nang walang saplot sa sa katawan, nakahiga sa kama, pinilit kong isipin kung anu ang nangyari kagabi. Biglang nag flash back lahat sa akin. Hinanap ko si Paul kung asan siya pero di ko alam, narinig ko na lang na bumukas ang pinto ng banyo at lumabas dito si Paul na wala ring saplot sa katawan bagong ligo, doon ko lang naman napagmasdan ng maiigi ang buong katawan ni Paul, mas gumanda ang hubog ng kanyang katawan.

Noon pa man talaga ay maganda ang katawan ni Paul dahil nga sa kanyang pagiging gifted sa sports. Kung ibang tao ang makakakita kay Paul ng aakalain talaga nilang straight siya kasi kahit ang mga badin ay nahuhumaling sa kanya noong high school pa lang kami, tanging kaming barkada niya lang ang may alam kung anu talaga ang tunay na pag katao niya.

Sa stado ko ngayon kung di ako matatanggap ni Jam, malaki pa ang pag-asang magkabalikan kami ni Paul. Masama mang tingnan na gagawin ko siyang panakip butas pero may posibilidad parin naman, magkaganun pa man ay di ko parin kayang gawin na talikuran na lang si Jam ng basta basta. Oo aaminin ko kasintahan ko ang pinsan niya pero kunwari lang yun at alam kong alam ni Joana na di ko siya sineseryoso kahit na ilang beses na kaming nag sex ay ipinakita ko yun sa kanya na its just plain sex ang no string attached yun.

Pinakiramdaman ko lang si Paul kung anu ang susunod niyang gagawin, nag hintay ako hanggang sa siya ay nag suot ng bathrobe at lumapit sa akin. Kinausap niya ako pero isang malungkot na titig lang ang isinagot ko sa kanya. Kinausap niya parin ako at pinit na sumagot sa kanyang mga katanungan kung bakit ako ganun.

Paul: Jom, anu problema mo?

Ako: di ko alam paul

Paul: sabihin mo kung may nagawa akong mali.

Ako: wala paul ako ang may mali.

Paul: anung pinag sasabi mo?

Ako: alam ko lahat paul, nagkunwari lang akong lasing kagabi. Alam ko lahat ng nangyari sa ating dalawa.

Napansin kong biglang natahimik si Paul sa sinabi ko sa kanya, ni di ko alam kung napansin ba niyang pangalan ni Jam ang sinasabi ko habang kaming dalawa ay nag tatalik. Naghintay at pinakiramdaman ko siya kung anu ang susunod niyang galaw, halos umabot na ata sa 20 minuto kami na walang imikan at nag titigan, nagpapakiramdaman kung anu ang mga susunod na gagawin hanggang sa nakita ko na lang ang pagbasak ng kanyang mga luha na di parin makapag salita at di kumikibo. Nilapitan ko siya at sinubukan kong mag paliwanag.

Ako: paul, patawarin mo ako. alam kong maling gamitin ka dahil lang sa nangungulila ako sa kanya.

Paul: pero Jom bakit?

Naging matipid ang tanong ni Paul sa akin pero malalim ang pinakukunan nito, nakatitig na siya sa akin na parang nagmamaka-awa at patuloy parin ang pag patak ng kanyang mga luha. Di ko alam kung anu na ang isasagot dahil sa di ko talaga alam kung bakit ko yun nagawa sa kanya, kahit anu pilit kong pag iisip ng paliwanag ay wala aklo maiispi, kahit nga ako sa sarili ko ay naguguluhan din ako, kaya sinabi ko na lang sa kanya ang totoo.

Ako: di ko alam Paul, di ko alam.

Dahil sa aking sinabi ay isang malakas na suntok ang biglang dumapo sa aking mukha, di na ako pumalag pa sa kanyang ginawa dahil alam ko sa sarili ko na dapat lang yun sa akin dahil ginamit ko siya para sa sarili kong kapakanan. Tiningnan ko na lang ulit siya pero yumuko na lang isya at na umiik pa, nakatayo lang siya at nakaturo sa may pinto, na ibig sabihin ay gusto na niya akong umalis na. Dali dali kong tinumbok ang pinto para umalis, pero bago ako lumisan ay sinubukan kong lumingon sa kanya nag babasakali ako na baka pigilan niya ako ngunit isang statwa lang ang nakita kong nakatayo na nakatitig sa may pinto na parang wala ako doon, iyon ang nagn dahilan ng biglang pag patak ng aking mga luha dahil sa galit sa aking sarili, di ko kasi alam ang aking naging motibi kung bakit ko iyon nagawa sa isang kaibigan. Dali dali akong umalis at tinungo ko ang hagdan sa halip na ang elevator. Doon ako dumaan nagbabakasali parin ako na baka habulin ako pababa ni Paul kaya sa hagdan na lang ako dumaan para kung sakaling sa elevator man siya dumaan ay madadatnan ko siya sa baba, ngunit bigo ako dahil walang Paul akong naabutan sa baba, naghintay pa ako ng ilang minuto sa waiting area pero wala paring Paul kaya nag pasya na lang akong umalis na lang.

Balisa akong umalis ng hotel na tinutuluayn ni Paul at wala sa sariling naglalakad ni di ko ng alalam kung saan ako pupunta ayaw ko namang umuwi, gustuhin ko mang puntahan si Jom natatakot ako na baka bulyawan niya rin ako at paalisin. Patuloy parin ako sa pag lalakad nang biglang makasalubong ko si Jam na naglalakad-lakad din na tila rin balisa at may malalim ding iniisip. Di ko alam kung lalapit ako o kaya ay iiwas ako, nag tatalo ang isip ko nag sasabing lapitan ko siya at kausapin wala naman kasing masama sa ginawa ko sa kanya at nag pakatotoo lang naman ako samantalang sa kabilang dako ng isip ko sinasabihan akong iwasan muna siya at bigyan ng panahon na mag isip.

Nag tago ako sa isang kanto para di niya ako makita at palihim ko siyang pinag masdan at palihim na sinundan kung saan siya pupunta. Nakita ko na lang siyang tumigil sa isang park at doon naupo sa isang kanto na parang nag iisip parin, alam ko ang lugar na ito dito kasi kami unang nagkakilala noong bata pa kami at dito kami lumalagi pag hinahanap namin ang isat isa para mag laro o may sasabihin. Dahil sa nakita ko kung saan siya pumunta alam ko na ang gusto niya, gusto niyang makita ako kaya dito siya pumunta, napag pasyahan ko na lang na lapitan siya pero mag aasta na lang ako na di ko alam na nandito siya.

Ako: Jam?!

Jam: Jom!! (Sabay ngiti)

Ako: anu ginagawa mo dito?

Jam: ah eh kasi...

Ako: kasi anu?

Jam: kasi may sasabihin sana ko sa iyo, kaso wala ka naman sa inyo may pinuntahan ka daw.

Ako: ganun ba? Anu ba yun?

Jam: Jom, gusto ko sanang.....sabihin sayo......na.......

Ako: na anu?

Jam: shit!! Di ko alam kung papanu ko sasabihin eh

Ako: anu ba sabihin mo na (sabay hawak sa kanyang balikat, senyales na ok lang sa akinang sasabihin niya)

Dahil sa inasta niya eh nagkaroon na ako ng kauting ideya kung anu yun pero di ako umimik, ayaw ko naman kasing mag asume na yun nga ang gusto niyang sabihin sa akin.

Jam: Jom kasi tungkol ito dun sa pinag tapat mo sa akin...

Ako: anu naman yun..

Jam: gusto ko itanong sa iyo kung bakit?

Ako: tinatanong pa ba yan?

Jam: Oo, Jom tinatanong pa ang ganun.

Ako: kasi....

Jam: Kasi anu? Kasi pati ako naguguluhan na eh..

Ako: Di ko inaasahan na aabot sa ganito ang nararamdaman ko para sayo

Jam: anu ibig mong sabihin Jom, kasi talagang naguguluhan ako, gulong gulo na ang utak ko kaka-isip tungkol sa iyo, tungkol sa sarili ko at sa ating dalawa.

Ako: yun nga eh, Jam mahal kita!! Yun-yun wala nang kailangang paliwanag kasi sa nararamdaman ko para sa iyo nagkasundo ito (turo sa Utak) at ito (turo sa puso) kaya alam kong totoo ang nararamdaman ko at di ito basta-basta.

Jam: ako mejo magulo pa eh, pero dahil sa mga kaganapang nagnyari eh, pero Di ko rin inaasahan na aabot din sa ganito ang nararamdaman ko para sayo.

Ako: Jam, sinabi ko yun sa iyo para sa mabawasan na ang bigat na dinaramdam ko.

Jam: kaya nga ikaw nabawasan ang bigat. eh ako, anu satingin mo? mas bumigat ang nararamdaman ko, noon ko pa napapansin ang ibang claseng pag tingin mo sa akin pero di ko ito pinuna dahil sa iniisip ko na kaibigan kita at di ko dapat bigyan ng masamang kahulugan ang pagiging maasikaso mo sa akin.

Ako: ngayon alam mo na, na totoo ang hinala mo! anu ngayon ang gusto mo?

Jam: di ko alam Jom, pero....

Ako: pero anu?

Jam: sinasabi kasi nito (utak) di tayo pwede pero ito (puso) nag sisigaw na mahal na rin kita ng higit pa sa pagkakaibigan. Kaya nga naguguluhan ko di ko alam kung anu ang susundin ko (sabay patak ng mga luha)

Ako: Jam...Jam....shhhhh... wag ka nang umiyak please..... andito ako Jam, mahal kita pero handa akong mag hintay.

Jam: papanu kung di ko kayanin?

Ako: andito nga ako, sabihin mo lang kung di mo na kaya..

Jam: pwes Jom, di ko na talaga kaya ito, kaya mali man siguro pero sa pagkakataong ito siguro ay susundin ko ang sinasabi ng....

???: Oi mga pare anung ginagawa nyu dito?

Lumingon kami pareho para tingnan kung sino ang tumawag sa amin at sumira ng aming pribadong pag uusap.

Itutuloy...


5 comments:

  1. yuang poang chap 7 dikopo mabasa ipos yuran po sana sa ducs yuang chap 7 & 8 plzss.

    ReplyDelete
  2. bitin :( aw. pero maganda.

    ReplyDelete
  3. cool story po. - athann19

    ReplyDelete
  4. Ei nkakabitin . d i bale my next chapter nman na..hehe ganda ng story.

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails