Followers

Sunday, April 10, 2011

Breakeven

Maraming Salamat po sa lahat ng sumuporta sa LAIB, ngayon naman po ay inihahandog ko sainyo ang bagong series na ginawa ko, kasunod parin po ito ng LAIB kaya po inirerekomenda ko lalo na po sa lahat ng mga bagong mambabasa (kung meron man) na basahin muna ang LAIB. Nasa contents po ng blog ni kuya Mike o kaya naman ay pumunta na lang kayo dito:

http://miguelsshortbisexualstories.blogspot.com/

Maraming Salamat po ulit kay Kuya Mike. ^_^

Enjoy reading! ^_^v



_________________________________________
BREAKEVEN (Book1 Part1)
by: Migs




Di parin ako makapaniwala na ang kumpanya ng magazine na aking pinagtatarbahuhan for three months already ay binibigyan ako ng isang malaking break.




A break that could actually break my neck.” kinakabahan kong sabi sa sarili habang nakaupo magisa sa isang restaurant at iniintay ang bestfriend ko.




Aray ko!” nasabi ko ng maramdaman ko ang isang palad na humampas sa batok ko.




Ano naman ang nginanganganganga mo diyan?!” nangiinsulotng sabi sakin ni Edison.




I'll be writing my debut article for next month's issue.” matamlay kong sabi. Sabay lagay ng waiter sa lagi naming kinakainan na restaurant ang lagi din naming iniinom na, green mango shake.




Congratulations!” sigaw ni mokong. Naglingunan naman ang ilan sa mga tao dun. Lalo naman akong nagulat ng bigla itong tumayo at tinuktok ng kutsarita ang baso niya ng green mango shake na nakapukaw ng atensyon ng lahat ng tao sa restaurant.




I would like to propose a toast. See my bestbud here, Martin dela Rosa will be writing an article on one of the best read magazines here in the Philippines...” di na naabsorb pa ng utak ko ang kahihiyan na ginagawa na yun ni Edison, parang lahat na lang ng dugo ko ay umakyat sa ulo ko at lalo pang nagpalala ang mga titig ng tao sa aking paligid.



Pagkatapos na pagkatapos ng toast na iyon ay minumura ko na lahat ng nakalagay sa lamesa namin, ang walang kamuwang muwang na table cloth, ang mga bulaklak, ang mga baso, kutsara't tinidor ang mga plato. Nagulat na lang ako ng makita ko ang bestfriend ko na magiliw na nangiti sa kabilang banda ng table at kumakawaykaway pa.




Humanda ka sakin paglabas natin sa impyernong ito.” bulong ko pero narinig din ata ni kumag dahil bigla itong humagikgik, binigyan ko na lang ito ng naniningkit na tingin.



0000oooo0000



Bakit ba?!” sigaw sakin ni Edison, habang naglalakad kami papuntang parking lot. Marahil napansin niya ang pagiging iritable ko at ang paminsan minsang matalim na tingin kong binibigay sa kaniya.




Eh pano kasi kailangan mo pang magpropose ng toast?! Eh hindi ko nga alam kung magagawa ko iyon eh! Tas sinabi mo pa yung pangalan ko saka yung pangalan nung magazine! Malamang! Aabangan na nila yun! What if I fail?! What if... Edison?” di pa man ako tapos sa paglilitanya ko ay nawala na ang kumag sa paligid.



Hinanap ko ang kotse niya, at ng makita ito ay naabutan ko si kumag na nagsa-soundtrip sa loob ng sasakyan niya. Napailing na lang ako. Kahit noon pang mga bata kami ganyan na si kumag, walang intindihin sa mundo, kahit ano pang ibato mong problema diyan bukas kamay niyang sasaluhin yun ng may magiliw na ngiti na nakaplaster sa mukha niya.




He's the complete opposite of me.” sabi ko sa sarili ko, ambilis ko kasing maapektuhan ng mga bagaybagay, may ilang beses naring sinasabi sakin ni Edison na may mga bagay namang di kailangan problemahin eh. Sa tingin ko ang pagiging optimistic niya ang gustong gusto niyang itatak sa isip ko at yun ang gustong gusto niyang ma-adopt ko.




Pssst!” tawag sakin ni kumag sabay kaway at ngiti na kala mo wala akong sinasabing problema sa kaniya kanina.




At yun din ang dahilan kung bakit ako in love sa kaniya for the past ten years na magkakilala kami.” bulong ko sa sarili ko at nagbuntong hininga.




0000oooo0000



Kahit kailan ka talaga!” pagmamaktol ko sabay upo sa passenger seat.




Kasi naman eh, di mo pa nasisimulan, iniisip mo na agad papalpak ka.” sabi nito sakin sabay ngiti nanaman.



I'm just being realistic. Thanks to you andami ng magiintay ng debut article ko at madami na ding makakabasa ng kapalpakan ko.” naniningkit kong sabi kay kumag. Napakamot lang ito sa ulo.




Tungkol san ba kasi yang article mo?” binuksan ni kumag ang bintana ko, ugali na namin yun, ugali na naming tumambay sa kotse niya, usap usap lang konting kulitan tas pagnagkaayaan na saka palang kami uuwi.




I need to make someone fall in love with me.” nahihiya kong sabi. Matagal na di umimik si kumag at ng humarap ako dito ay napansin ko itong nagpipigil ng tawa. Hinapit ko ang braso nito.




Bakit nanaman?!” sigaw nito sakin at patuloy parin ito sa paghagikgik.



Eh kasi nakakaloko nanaman ang paghagikgik mo dyan eh!” sigaw ko sa kaniya at napapangiti nadin.



Di naman mahirap na may main-love sayo eh.” sabi niya.





Di ko alam kung kikiligin ako.




I mean, you're intelligent, handsome, a fine gentleman, a man oozing with sex appeal... ARAY!” di ko na siya pinatapos at hinaklit ko na ang batok niya.




Pero, I'm sure there's a catch...” pahabol ni Edison.



Meron nga.” sabi ko at napabuntong hininga ako.



Ano?” nakangiti nanamang sabi sakin ni Edison.



Kailangan, boss ko ang mai-inlove sakin.” sabi ko.



0000oooo0000



Matagal kaming natahimik.


Sabi ko naman kasi sayo di basta basta itong article na ito eh. Kailangan kong akitin ang boss ko then pretend to fall in love and then I have to write every detail of the affair in the article.” Napabuntong hininga nanaman ako. Napansin kong ang tagal bago sumagot ni kumag at ng tapunan ko ito ng tingin ay pinaglalaruan pala nito ang maliit na stuffed toy na lagi lagi niyang daladala.



Di pala nakikinig si kumag.” bulong ko sa sarili ko.



Uwi na tayo.” iritable kong sabi kay Edison.




Huh? Ambilis naman? Akala ko nagkwekwento ka pa?” sabi nito sabay hagikgik.



Tado! Di ka naman nakikinig!” sabi ko sa kaniya!



Nakikinig ako!” sabi nito sakin.



So ano ngayon ang problema ko?” sinusubukan kong tanong kay kumag.



Kailangan mo ng boss na mai-inlove sayo...” sagot nito na ikinagulat ko naman.



0000oooo0000



Ako? Di ba pwedeng ako?!” nangaakit na tanong nito sakin.



Hindeeee!” sigaw ko at naglungkot lungkutan naman si kumag, di ko mapigilang kiligin. Di naman lingid sa kaalaman ni Edison na bi ako, straight siya, Oo, pero di naman naging hadlang yun sa pagkakaibigan namin, madalas pa nga siyang magbiro tungkol dito.



Alam ko namang naging Bi ka dahil sakin, sino ba naman ang di magiging bi sa aking angking kagwapuhan at sex appeal!” madalas sabihin ni Edison sabay tatawa ng nakakaloko.




Huy! Nananaginip ka nanaman diyan?!” sigaw sakin ni Edison na siya namang bumasag sa pagfla-flashback ng utak kong hyperactive na iyon.



Eh sinong magiging boss mo? Hala! Sige, mag-apply ka as secretary tapos mangakit ka ng boss mo. Goodluck na lang sayo kung may tatanggap sayo as secretary.” litanya ni Edison sakin.




Yun na nga ang problema ko eh, baka naman may mairerekomenda ka sakin.” sabi ko.



ASA! Lahat ng friends ko Straight no!” sigaw nito.



Even better, biruin mo magandang article yun. Straight guy falls in love with his fag**t secretary.” pagbibiro ko, at isang haklit lang ang ginawad sakin ni Edison.



0000oooo0000



How about Mac from greenland enterprises?” tanong ko kay Edison habang nagdadrive ito pauwi sa village namin.




Married.” sagot sakin ni Edison, habang ako naman ay magcro-cross out ng pangalan sa ginawa naming listahan na pwedeng maging boss ko.




Paul from coffee inc?” tanong ko ulit.



Single dad.” boryong sagot sakin ni Edison.



That'll be great! Ok na ok nga si Paul eh!” pagdidiskusyon ko sa kaniya.



And pano pag nalaman ng mga anak niya na na-inlove ang tatay nila sayo? Naisip mo ba kung ano epekto nun sa kanila?” boryo paring tanong ni Edison sa akin.




Oo nga ano, di ko naisip yun ah.” napaisip ako bigla.



Chace of Andrews and stocks?” simula ko ulit sa listahan.



Too conservative.”



Andy of Living inc.?”



Too old.”


Hanggang naka isangdaang lalaki na ata kami sa listahan at ni isa doon ay hindi aprobado ni Edison, madalas may mga rason tulad ng sa anak at asawa pero ang iba...


Too smug.” o di kaya naman ay...


Too ugly.”



Too uptight.”



Too Chinese.”



Na talaga anmang ikinaubos ng pasensya ko, pano ba naman, I have to start na as soon as possible about this article and even with Edison di ako makapili ng boss na pwede kong maging subject sa article.



Too Chinese?! Wth?! Racist ka na ngayon, tol?” biro kong tanong kay Edison, pero blank padin ang expression ng mukha niya, lalo kaming lumalalim sa listahan ng mga pwede kong maging subject lalong nagiging blangko at naboboryo si kumag.



Lalong sumungit ang mood ni kumag ng maka dalawang daan na kami sa aming common friends at nakukulitan na ito sakin at sinabayan pa ng traffic.



HUY!” sigaw ko dito, pero bumalik lang ito sa paglalaro niya sa maliit na stuffed toy.



At ng makarating kami sa tapat ng bahay namin ay napagisipan muna naming tumambay sa kotse. Ganoon parin ang mood ni kumag at di na ito nasagot sa mga tanong ko. daldal lang ako ng daldal.



How about Joey of the Leveriza lands inc? He's single, childless, not so stupid, not so conservative not so smug, not that ugly... I actually thinks he's kinda hot.” sabi ko kay Edison pero hindi ko naman ito inaabangan ng sagot, kaya naman nagulat ako ng bigla itong magsalita.




Ako na lang nga kasi.” mahinang sabi nito, pero napatigil ako at pinaulit lang ito sa kaniya.



Ha?” tanong ko. Hinampas niya ang dashboard ng sasakyan saka inabot ang isang lever sa inuupuan ko kaya naman napahiga ang upuan kasama ako.



Sabi ko ako na lang, I wouldn't mind about that damn article as long as you choose me.” seryosong sabi ni Edison habang nakatitig sa aking mga mata. Di ako nakasagot at inintay na lang ang susunod na mangyayari. Huli kong naaalala ang palapit na palapit na mukha ni Edison at pagpikit nito hanggang ako mismo ay napapikit nadin.



UUUUYYYYYY! Si kuya at si Martin naghahalikan sa loob ng kotse!” sigaw ng isang pamilyar na lalaki sa labas ng kotse. Magiliw itong nakangiti at niyayapos ang sarili sa sobrang kilig.



Ramon?” si Ramon o Ram ang nakababatang kapatid ng bestfriend kong si Edison Saavedra. Si Ramon Saavedra na ngayon ay Assistant Manager sa Hope lands corp. Si Ramon Saavedra, na bi din, si Ramon Saavedra na kakabreak lang sa kanyang boyfriend na si Drei.



Edison, I think I found the perfect boss.” maikli kong sabi sa bestfriend ko at nalungkot naman ang mukha nito at nagbuntong hininga ay nagsabi na lang ng...


Ikaw bahala.” sabay tayo mula sa kinauupuan at tuloy tuloy na pumasok sa bahay nila.


Itutuloy...

4 comments:

  1. hello po...parang maganda ah...bka pwede pong may kasunod agad...kinikilig ako a,,,some of my freinds here in japan called me up just to let your story be read,,,thanks ,,,maganda sa umpisa sana lalong itong gaganda,,,thanks again

    ReplyDelete
  2. next chapter na po.

    ReplyDelete
  3. Love umpisa palang nakaka-kilig na ang eksena mmmmm....

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails