Followers

Monday, April 4, 2011

demon loves angel (4)

blogger: seniorito agua
contact no.: 09339123734
blog site: http://senioritoaguas.blogspot.com
_________________________________________

nang matapos sa pagpapaliwanag si father agad na umakyat ang lahat ng seminarista at iba pang tagapaglingkod ng simbahan

kasama na rito si wanson

tulalang nakahiga si wanson sa kanyang kama

"tol, ayos ka lang ba?! sumula nung nangyare kanina sa labas halos di kana nagsasalita ah?"pagbigay pansin sa kanya ni abraham

"ayos lang ako tol"pagsagot niya rito

wala nang tinanong pa si abraham at di narin ito nangulit pa

nakatulog si wanson ng pagiisip sa mga nangyare at sa kanyang nararamdaman..

"hindi ko hahayaang mangyare to"
sambit niya na paniniguradong hindi siya magiging isang BAKLA
--------------------

"tol!! jerson!" pagtawag ni kerwin sa kaibigan

"oh ano?! wag ka nang magalala tol pupunta ako sa meeting" pagsagot naman ni jerson sa kaibigan

"tol hindi yung meeting ang pinuntirya ko sayo dito eh, pumunta ka raw malapit sa kumbento, magkwento ka naman, ano nabang nangyare don?" paguusisa ni kerwin

"natural paren tol, patuloy paren ang serbisyo nila sa kinikilala nilang panginoon, pero mukang marame nang mga bago, ang pari nalang yata nila ang natitirang pinaglumaan na ng panahon"sambit ni jerson sabay ng isang matipid na ngiti

"tol anung ngiti yan?, ngayon nalang ule kita nakitang ngumiti ng ganyan ah?, may binabalak ka noh?.wag mong sabihing kakadyutin mo yung pari nila, tol grabe kana" sambit naman ni kerwin na naka-ani ng batok kay jerson

"gago!"mura ni jerson dito

"nak ng tinapa saket nun ah, pero tol seryoso, may binabalak ka noh?"ulit na tanung ni kerwin

"natural, may bago na akong mapagtitripan sa kumbento"sambit ni jerson, kasabay ng matalim na mga mata ang pagbuo ng mga plano laban kay wanson

"tama na yan tol, tinatawag na yata tayo sa head quarters!"sambit ni kerwin at sabay ng paghila kay jerson

wala nang nagawa pa ang binata kundi sumama at pumunta sa meeting ng satanistas

nang makarating rito, agad na naupo ang dalawa

maya maya pay dumating na ang tagapagsalita

"may mag bagong kautusan na nararapat na ipatupad sa lalong madaling panahon" ang sambit ng babaeng nasa harapan, nakasuot ito ng belong itim , at itim ng palda

"inang!"pagbigay ng pansin ni jerson

"hindi ho ba masyado nang marame ang kautusan sa ating samahan? baka naman ho masakal na ang ating mga kasapi ng dahil sa mga kautusan na iyan"ang pagbigay ng opinion ni jerson

"wag ho kayong mag-alala senior, hindi ganuon kabigat ang mga bagong kautusan na ibibigay"ang pagsagot ng babae rito

senior ang tawag kay jerson sa samahan dahil mayroon siyang position sa samahang ito, mataas na position na dapat respetohin ng iba pang satanista

wala nang nagawa pa si jerson kundi umupo

maya maya pay inihatid na ang mga bagong kautusan

'tingnan naten kung marame ang susunod jan' sambit ni jerson sa kanyang isipan

nang matapos na ang pagbigay ng mga kautusan

"kailangang sa lalong madaling panahon ay maipatupad na ang mga kautusang ito, magandang gabi sa lahat, ngayong naibigay na ang mga kautusan, maaari na kayong bumalik sa inyong mga lugar" sambit ng babaeng nagsasalita

isa isa namang tumalima ang lahat at nagsibalikan sa kanilang tuluyan

(to be continued)

No comments:

Post a Comment

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails