Followers

Sunday, April 10, 2011

Love at its Best (Book4 Part6)

Maraming Salamat po ulit ka kuya Mike! ^_^

Pasensya na po sa late na post. ^_^v


__________________________
Love at its Best (Book4 Part6)
by: Migs




“POLLLLLLLLL!!!!”



Naibagsak ko ang kurbyertos na aking ginagamit, dahil sa sigaw na iyon. Katatapos lang namin mag jogging ni Kiko. Nauna na siyang maligo. Napatakbo ako papuntang CR dahil sa sigaw ni Kiko na yun.



Naabutan ko si Kiko na nakaupo sa isang sulok, hubo't hubad pa ito at may tinuturo sa may kisame malapit sa shower head.



Bb...butiki!” sigaw ulit nito habang turo turo ang walang kamuwang muwang na butiki.



Bahala ka nga diyan, bilisan mo ng maligo at male-late ka na.”



Pol naman eh!!!” sigaw ulit nito at napapapikit nadin dahil yung bula ng shampoo na dapat atang aanlawan na niya eh napunta na sa mata niya.



Eto na!” sigaw ko pabalik, kumuwa ako ng walis tambo para paalisin ang kawawang butiki doon. Hinawi ko ang butiki mula sa kinaroroonan nito nang makarinig ako ng sigaw ulit kay Kiko.



ARRRRRRGGGGGGHHHHHHH!!!!” napatingin ako kay kolokoy at nakitang sa ulo pala nito tumalsik ang butiki. Biglang tumaob si kolokoy at nawalan ng malay.



0000oooo0000


Di ko mapigilan ang sarili ko sa katatawa habang palabas kami ni Kiko ng bahay. Naningkit ang mata nito habang hinihimas parin ang bukol sa kaniyang noo.



So I'm scared of lizards?! Ano naman ngayon?! Geesh!” naiinis nang turan ni Kiko sakin nang makitang tawa parin ako ng tawa.



You're scared of everything.” biro ko sa kaniya. Nagkamot ito ng ulo saka ibinato sakin ang helmet na hawak hawak nito.



Ayan! Isuot mo, para pag hinampas kita nitong motor sa ulo, di mo maramdaman.” naiinis ng sabi nito sakin.



Awww! How sweet!” at ininguso ko ang aking mga labi, aktong hahalikan siya nang supalpalin ako ng palad nito. Pero di nakaligtas sakin ang pasimple niyang pagngiti. Napangiti narin ako.




0000oooo0000



Ganun parin si Kolokoy habang nakaangkas sa motor. Palinga linga parin ito at may nakaplaster na ngiti sa kaniyang mga mukha. Habang tumatagal nahuhulog lalo ang loob ko kay Kiko. Alam kong pinangako ko na sa sarili ko na pipigilan ko na ito. Nabasag ng pagmumunimuni ko ang sumunod na ginawa ni mokong. Yumakap ito sakin at isinandal ang kaniyang ulo sa aking likod. Hindi ko naman siya makabig at baka mahulog si mokong. Nagsimula na akong makaramdam ng vibrations sa aking likod.



Naghihilik?!” gulat kong tanong sa sarili ko at pinakiramdaman siya ulit.



Nakatulog pa nga ang kumag.” bulong ko sa sarili ko at umiling. Mayamaya ng malapit na kami sa skwelahan ko kung saan ako baba at ipapasa na kay Kiko ang motor para gamitin niya papunta sa coffee shop ay biglang...



WTF?!” sigaw ko nang may maramdamang parang nababasa ang aking likod.



Nampucha Kiko! Wag mong lawayan yung uniporme ko!”





0000oooo0000


Nagsimula na ang bagong Sem sa school, panibagong adjustments nanaman. Ngayon baliktad na ang nakasanayan ko nung huling semester, pagkatapos sa skwelahan sa coffee shop naman ako. Medyo nahirapan dito si Kiko, dahil gusto niya kasama niya parin ako papasok at kasama pauwi. Nagtataka man ang karamihan ng tao sa paligid namin kung bakit ganito dapat ang set up, di naman namin masagot. Parang di na kami sanay na magkalayo.



Pano na lang kung bigla siyang mawala, Pol? Makakaya mo ba?” tanong sakin ni kuya nung minsang bumisita siya sakin. Alam kong pati siya ay nagtataka na sa masyado naming pagiging close ni Kiko. Ikinibit balikat ko lang ang tanong niyang yun, pero ang totoo at inamin ko na rin sa sarili ko na baka hindi ko rin kayanin. Natakot ako sa naisip na yun, pero di ko pinahalata kay kuya.



0000oooo0000


Magiliw akong binati ni Panfi pagpasok ko sa coffee shop. Bigla namang naningkit ang mata ni Kiko at tumakbo papunta sa pagitan ulit namin ni Panfi.



Easy.” taas kamay na bulalas ni Panfi kay Kiko.



Bakit di ka pa umuuwi?” tanong ko kay Kiko.



wag mo akong simulan.” naiiritang sagot sakin ni Kiko. Sa tuwing pinapauna ko kasi itong umuwi ay nagagalit ito sakin, magstestay yang si kumag hanggang matapos ang shift namin ni Panfi sa coffee shop. Maski ang tatay nito na may ari ng coffee shop ay nagtataka narin sa kinikilos ng anak niya. Dati rati kasi pala layas ang kumag at walang balak na magstay sa coffee shop ng matagal. Ngayon halos gabi gabi na siyang nagsasara nito. Ikinibit balikat ko na lang ulit ang pangiismid na yun ni Kiko.


0000oooo0000



Aray!” sigaw ni kumag ng haklitin ko ang batok nito kinabukasan. Panong hindi ko mahahaklit ang batok ni kumag eh nakalimutan niyang patayin ang apoy sa kalan. Sa sobrang antok siguro, nakita ko pa itong nakapikit pagkalabas ko ng banyo, iniintay kasi ako nitong matapos maligo para makapagagahan na.


Sabi ko kasi sayo kagabi umuwi ka na, tignan mo yan. Susunugin mo pa ang bahay sa kakapuyat mo!” di naman ako pinansin ni kumag at tinuloy tuloy na lang ang paglantak sa pagkain na niluto niya.



Pol?”



Hmmm?”



May binigay bang sulat sayo si P..pan...Pan...” nauutal na sabi ni Kiko at parang wala sa sarili.



Oo.” matipid kong sagot habang binubuklat ang dyaryo sa harapan ko.



Ahhh, nakita ko kasi siya na nagsusulat, nakita ko nga na para sayo yung...”



ahhhhh.”



Tungkol saan yung sulat?” mahinang tanong sakin ni Kiko sabay inom sa tasa ng kape.



Nagtatanong kung pwedeng manligaw.” sabi ko at iniharang ko na ang dyaryo sa mukha ko dahil alam ko na ang susunod na mangyayari. Naibuga na nga ni Kiko ang kaniyang ininom na kape.



A..an..anong sabi mo?” tanong ni Kiko sakin.



Punasan mo muna yang ginawa mong kalat.” sabay tayo ko at balik sa kwarto para kuwanin ang gamit ko para sa skwelahan.


Pagbaba ko ay napansin kong nalinis na ni Kiko ang kusina at matamlay na pinupunasan ang lamesa. Inaya ko na siyang umalis at matamlay itong sumunod sakin. Bago ko pa man patakbuhin ang motor ay yumakap na sakin si Kiko at isinandal na ang ulo niya sa likod ko.



Ok lang na matulog ka, wag ka lang bibitaw saka wag mo lang lalawayan yang likod ko.” naramdaman kong tahimik na tumango si kumag, napangiti naman ako.



Medyo mabagal ang patakbo ko kasi baka masyadong mapalalim ang tulog ni kumag at mapabitaw. Naramdaman kong medyo lumuluwag nga ang kapit niya kayat inihawak ko ang aking kaliwang kamay sa kaniyang kamay at isang kamay kong minaneho ang motor. Naramdaman kong lalong siniksik ni Kiko ang sarili niya sakin nang maramdaman niya ang paghawak kong iyon. Nagbuntong hininga tapos hinigpitan ang kaniyang yakap. Tinapik ko na ang kamay ni Kiko at agad naman itong kumilos nang makarating na kami sa skwelahan ko. Wala parin itong gana.



Ingat ka...” mahina kong sabi at tumango lang ito, nakasimangot nanaman si mokong, akala mo toddler na hindi napagbiyan ang gusto at katatapos lang ng tantrums. Pinaandar na nito ang motor.



...saka hindi ako pumayag.” sabi ko. Naningkit naman ang mata ni Kiko at bahagyang kumunot ang noo, halatang di naintindihan ang ibig kong sabihin. Di kami masyadong magkarinigan dahil sa ingay ng motor. Lumapit ako sa kaniya at bumulong.



Sabi ko hindi ako pumayag sa tanong ni Panfi. Di ako pumayag na manligaw siya.” nangingiti kong sabi kay Kiko, biglang lumiwanag ang mukha ni kumag. Kinindatan ako nito.



Ano?!” tanong ko dito, di sigurado sa gusto ni kulokoy. Nagets ko na lang ng ngumuso ito at nagloloko na hahalikan ako. Inikom ko naman ang kamao ko at sumenyas ng suntok sa kaniya.



Ahehe wag na lang.” sabi ni kumag sakin saka nagmaneho palayo. Napangiti naman ako sa sarili ko at pumasok na sa skwelahan.



0000oooo0000



Ano ba't palipat kayo ng palipat ng shift?! Hayaan mo na si Pol, marunong na siya. Di na niya kailangan ng gabay mo.” paliwanag ng Boss namin kay Kiko, nang maabutan ko silang naguusap ng tatay niya sa opisina nito.



Maya maya lang aalugin nanaman niyan ni Kiko ang lamesa ni Boss.” sabi ni Panfi sa likod ko. napatahimik ako dahil sa bagong dating.



nga pala Panfi, tungkol dun sa sulat mo...” simula ko.



Mamya na natin pagusapan.” sabi ni Panfi sabay ngiti na ikinkaba ko naman.



Ano nanaman kaya ang binabalak nito?” isip isip ko.



Sige na kassiiiii!!!” sigaw ni Kiko sa loob ng opisina ng tatay niya sabay alog sa lamesa nito. Napangiwi naman ako sa nakita kong yun.



Walang pinagbago.” sabi ko sa sarili ko sabay iling.



0000oooo0000



Bwisit na yan! Ayaw akong payagan ni taba na sumabay ulit sa shift mo!” kwento sakin ni Kiko habang nasa labas kami at sinasamantala ang break ko.



Ano ka ba?! Tatay mo kaya yan!” sabi ko sa kaniya.



Oh get over it! Ok lang yun sa kaniya.” sagot ni Kiko na kala mo walang pakielam sa kabastusang sinabi niya.



Nga pala, layuan mo muna si Panfi ah? May iba akong nararamdaman dun eh, iba ang kinikilos niya ngayon, parang hindi normal sa taong kababasted lang.” mahabang sabi ni Kiko. Itinuloy ko na lang ang pagkain sa sandwich na binigay ni Kiko at di na pinansin ang kaniyang sinabi.




0000oooo0000


Inaayos ko na ang counter kasi malapit ng magsara ang coffee shop, wala naring napasok sa shop kaya magandang magayos ayos na ako. Napatingin ako sa kinauupuan ni Kiko, bigla akong nakaramdam ng awa ng makita ko itong nakatulog na sa isang upuan.



bakit kasi kailangan pang intayin ako eh?” tanong ko sa sarili ko. Nilapitan ko si Kiko at pinatong ang kaniyang ulo sa isang throwpillow, nagulat ako ng biglang hilahin ni Kiko ang kamay ko at napaupo na sa tabi niya.



Magsara ka na. Antok na antok na ako.” matamlay at pahikab hikab pang sabi ni Kiko.



Sige, ayusin ko lang yung gamit ko para makauwi na tayo.” mahina kong sabi dito, agad namang pumikit si Kiko.



Antukin talaga.” sabi ko sa sarili ko.



0000oooo0000


Habang inaayos ko ang aking mga gamit ay biglang sumulpot sa likod ko si Panfi. Nakangiti ito at halatang halatang may binabalak si kumag. Dahan dahan itong lumapit sakin. Kinabahan naman ako, napaatras nadin ako at napasandal na sa pader.



Alam ko namang hindi si Kiko ang tipo mo, alam kong yung may natapos, pino kumilos, magaling magsalita, sweet, caring, gentleman...” umpisa ni Panfi.



Ano bang pinupunto mo Panfi?” tanong ko sa kaniya.



Na asa akin ang lahat ng hinahanap mo.” mapreskong sabi ni Panfi.



Tama ka, gusto ko yung pino kumilos, gentleman, sweet basta lahat ng sinabi mo...” umpisa ko pero di na ako pinatapos ni Panfi at hinalikan na niya ako sa labi. Naramdaman kong parang may nakatingin samin kaya idinako ko ang paningin ko sa pinto, nakita ko dun si Kiko saka biglang tumalikod.



si Kiko.” nasabi ko sa sarili ko. Kumalas na si Panfi sa pagkakahalik sa aking labi.



Pero si Kiko ang mahal mo?” natigilan ako sa tanong na yun ni Panfi.



Oo.” matipid kong sagot. Aalis na ako para sundan si Kiko, pero bago ako makalabas ay nagsalita ulit si Panfi.



Wala ka talagang naramdaman dun sa kiss na yun?” tanong nito sakin. Humarap ako saglit.



I'm sorry, Panfi.” nalungkot ito sa aking sinabi at tuloy tuloy na akong lumabas para sundan si Kiko.




Itutuloy...

1 comment:

  1. haist panfi sa akin ka n lng hehehe jowk...

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails