Followers

Monday, April 25, 2011

Love Me Like I Am (Book 1 Part 5)

By: White_Pal
Blog: http://gabbysjourneyofheart.blogspot.com
FB: whitepal888@yahoo.com

Gusto ko po magpasalamat sa lahat ng taong binabasa at pinagtyatyagaan ang munti kong kwento! (Ang drama!! LOL XD)
Kahit na hindi kayo nag-cocomment ay nagpapasalamat pa rin ako..
(Part 1 - 80 views, Part 2 - 60 views in one day!!) O_O
Muli, nagpapasalamat ako!!

Gusto ko lang batiin ang mga sumusunod:
- Kuya Mike!! Salamat po sa Support!! Hehehe..
- Ryan, ang kaisa-isang masipag na nag-cocomment!! Ahahaha!!
- Eban, Tol! Ipost mo na kasi yung kwento mo!! At pumayag ka ng maging Prize Boy!!! Ahahaha!!
- Snabero, na number 1 reader ko!! Wui ha!! Sshhh ka lang!!! Hehehe..
- Enso, Hoy bata ka!! Suportahan mo naman ako!! LOL XD kasali ka dito sa story na ito!!! (To be followed ang character niya.)
- Agua, ang numero unong nangungulit na ipost ang story ko.. Hindi lang basta isang POST ANG GUSTO KUNDI LAHAT NA DAW HANGGANG SA ENDING!! LOL XD!! Pero di pwede yan!! Ahahahaha!!
- At sa iba pang hindi ko nabati gawa ng ang dami niyo!! Hello naman dyan!! hehehe..

---------------------------------------------------
"Love Me Like I Am"
BOOK 1: Faces Of Heart
Part 5: "Best FriendS with S!"


Kahit Nag-init ang tenga ko sa nadinig kong iyon, di pa rin ako nagsalita pero si Ely..

ELY: “Wow!! Ano ito?? BASTUSAN!?!?” ang biglang pagsigaw ni Ely..

ELLA: “ELY!!” ang pagsita niya.

AKO: “Ely Please..”

At biglang sumagot si Kuya Jared..
KUYA JARED: “No thank you, maybe some other time na lang.” ang sagot niya sa imbitasyon ni Steph.

STEPH: “Ok.. Nice meeting you (sabay tingin sa akin, kay Ely, at kay Ella.)… Jared..” at ngumiti na parang may maitim na balak.

After nun umupo na siya sa table nila ng mga alipores niya. Tahimik kaming bumili ng pagkain ni Kuya Jared at naupo sa table nila Ely at Ella. Ramdam ko ang tensyon sa pananahimik ni Ely.. Para siyang isang bombang sasabog ano mang oras dahil sa sobrang pagka-inis. Tahimik kaming kumakain ng biglang..

ELY: “Grabe!!! Ang ganda niya nuh??” ang pasigaw at sarcastic na pagpaparinig ni Ely kay Steph sa di kalayuang upuan.

AKO: “Ely, Please.. ayoko ng gulo..” napatingin naman ako kay Kuya Jared na tahimik na kumakain din.

ELY: “Pero di HAMAK na mas maganda naman ako nuh!!” ang pagpaparinig niya habang umarte na parang nagmomodel ng buhok wahehehe..

ELY (ulit): “Pero kung may mas gaganda sa akin, yun ay walang iba kundi si Ella.. Di ba Gab??” sabay kindat sa akin.

AKO: “Ha?? Ahh Oo..” ang naisagot ko na lang.

Sa totoo lang, maganda naman kasi si Ely ehh. Pero agree ako sa sinabi niya, maganda si Angela parang anghel ang mukha. Idagdag pa ang height na 5’6 din kagaya ni Ely. Ngunit napansin ko, sa kabila ng taglay na kagandahan ay may parang matinding kalungkutan na makikita mo sa kanyang mga mata.

Maya-maya habang kumakain,

ELLA: “uhhm Gab, paano mo nakilala si Jared? Parang close na agad kayo nung dumating kayo dito kanina eh..”

AKO: “ahh yun ba?? Kasi—.” Hindi ko natapos ang pagpapaliwanag ko

KUYA JARED: “Nagkakilala kami last December 31 lang sa clubhouse na O-W-N-E-R ng daddy Ely.” ang paggaya ni Kuya Jared sa pagkakasabi ni Ely noong nasa kalagitnaan ng sagutan nila ni Steph sa clubhouse kung saan, pinahiya at pinagkaisahan ako nila Steph at ng mga alipores nito.

At natawa naman kaming 3 maliban kay Ely na parang nahihiya at nagatataka.
ELY: “What??!?! Nandoon ka Jared?? Bakit di kita nakita dun? At tsaka inupahan ng President ng batch namin ang apat na room ng clubhouse na iyun Exclusively para sa amin lang na mag-kakabatchmates.

KUYA JARED: “Nasa kabilang room ako noon at ng aakyat ako sa itaas para mag-ikot, napadaan ako sa area ninyo kung saan… (napatigil at napatingin siya sa akin) kung saan, nakita ko ang ginawa nila kay Gab.”

ELY: “Ahh… So kung nakita mo ang kahayupang ginawa ni Steph kay Bebe Gab? Hhmm so dun pa lang pala nakita mo na rin pala ang beauty ko? Nyahahaa!!”

KUYA JARED: “Yup.. Hehehe..” ang maikli niyang sagot..

ELLA: “Pero paano kayo nagkakilala ni Gab?”
KUYA JARED: “Noong nasa 3rd floor ako para tumambay at mag-ikot, mga 30 minutes din siguro ako doon ng may bigla akong nadinig na tumutugtog at kumakanta. Hinanap ko kung saan nanggagaling ang boses at ang music then.. ayun na!! Nakita ko si Gab na kumakanta at tumutugtog ng keyboard.” Ang pagkukwento niya.

ELLA: “Ahh now I see.. Wow Gab! Marunong ka palang tumugtog ng keyboards or piano.. Parehas pala tayo.” Sabay ngiti

Ngumiti naman ako at biglang bumanat na naman si Ely.

ELY: “Kung hindi niyo naitatanong, talent talaga ni Bebe Gabriel ang tumugtog ng Piano at kumanta nuh.. nyahaha!!!” ang pagmamalaki ni Ely sa kakayahan ko.

AKO: “Wui di naman masyado sa kanta..”

KUYA JARED: “Anong hindi, nadinig ko nga ehh.. Denial ka pa dyan..”

AKO: “DI RIN!!”

KUYA JARED: “Oo!!”

AKO: “Hindi!! Hindi!! Hindi!!”

KUYA JARED: “Oo!! Oo!! Oo!! KULIT!! KULIT!! KULIT!!”

ELY: “Waaahhh!! Bagay kayong dalawa!!!” ang malakas na pagsigaw ni Ely.
Para akong tinamaan ng kidlat sa nadinig kong iyon, hindi ko alam kung ano ang susunod na magiging reaksyon ko or kilos ko kasi para na akong malulusaw at di mapakali sa narinig ko.. Kami?? BAGAY?? Ohh LORD!! Grabe na po ito!!! Pero..

ELY: “Bagay kayong dalawa…. Bagay kayong BEST FRIEND!! Swear!!”

Para akong nakahinga ng malalim sa mga nadinig ko, syempre natahimik naman ako sa sinabing iyon ni Ely but at the same time, nangingiti at natutuwa rin naman. Habang nakita ko rin ang saya sa mukha ni Kuya Jared.

ELY: “Naku Jared, alam mo ba na ni-minsan hindi nagkaroon ng Best friend yang si Bebe Gab??”

KUYA JARED: “Talaga??” ang tanong niyang tila di makapaniwala..

ELY: “Oo Promise!! Cross My Heart, HOPE ME NOT TO DIE!! Hallerish, wag muna nuh kasi wala pa akong papa. Nyahahaha!!”

KUYA JARED: “Ehh kayo dib a kayo best friend?”

ELY: “Nako! Ganun na ang turing ko sa kanya nuh.. Pero siyempre iba pa rin yung lagi mong kasama, lagi mong kakulitan, kakwentuhan, mga ganung factor ba?? Charuussshhh!!”

Tawa naman kaming lahat..

ELLA: “Ano ka ba Ely, We can be Best Friends kay Gab..”

AKO: “We??” ang nasabi ko..

ELLA: “Yeah.. WE!!” sabay smile.

ELY: “TOMO!! With S ang Best friends na yan ha!!”

KUYA JARED: “We..” sabay akbay sa akin.

AKO: “Thanks Guys..”

After naming kumain, umakyat kami sa Room at nag-umpisa ang klase. Nang matapos na ang klase..

ELY: “Bebe Gab, pasensya ka na at di kita masasamahan ngayon sa pag-uwi. Sasamahan ko kasi si Angela ehh..” ang pagpapaliwanag ni Ely.

AKO: “Ok lang ako.. Ano ka ba? Malaki na ako nuh at kaya ko na ang sarili ko.”

KUYA JARED: “Gusto mo samahan na kita?”

AKO: “Ay naku!! Wag na!! Ok lang..” sabay smile..

KUYA JARED: “Sure ka ahh..”

AKO: “Yup!!” ang maikli kong sagot..

ELY: “ Ok sige na Bebe Gab, Bye Bye!! Kita-kits na lang bukas… (at bigla siyang tumingin kay kuya..) Bye Bye din Jared.” Sabay smile at kindat na parang nagfflirt hehehe..

KUYA JARED: “Bye Ely.”

ELLA: “Bye Gab, Jared.”

AKO and KUYA JARED: “Bye Ella..”

At umalis na nga ang dalawa..

KUYA JARED: “Ohh sige na tol, uwi ka na.. Text text na lang” sabay killer smile!! Waahh!

AKO: “Sige.. Bye din..”

Maya-maya paglabas ko ng school, akala ko ay magiging maganda ang pagtatapos ng araw ko.. Ngunit ng nasa kalagitnaan na ako ng paglalakad pauwi, may lalaking pwersang hinatak ako sa isang tagong lugar na may mga barrel, cariton, box, basura at kung anu-ano pa man. At sa lugar ding iyon nakita ko ang kontrabida sa buhay ko..

STEPH: “Well Well Well..Nakahanap siya ng bagong friend.. Awww.. that’s soo NICE!!” ang sarcastic niyang pagkakasabi..

STEPH (ulit): “Ang galing mo naman MANLIMOS ng kaibigan Gabriel. Unang araw pa lang, INAGAW MO NA SIYA sa AKIN, at ng BADUY MONG kaibigan na si Ely..”

AKO: “Steph, hindi ko siya linimos.. at hindi ko siya inagaw.. wala akong inaagaw sa iyo dahil hindi mo siya pag-aari.” Ang mahinahon kong sabi.
Hindi ko alam pero biglang lumabas sa bibig ko ang mga salitang iyon na alam ko namang tinamaan si Steph doon.. Siguro nasabi ko ang lahat ng iyon gawa na rin ng sobrang pagkainis sa kanya..

STEPH: “WOW!! Ang taray!! WINNER!! Palakpakan!!” at nagpalakpakan naman ang mga alipores niya..

May Lima ang mga alipores niyang nandoon at kabilang dito ang dalawang babae na masasabi mong “Alalay ni Steph” at Major Major na Alipores nito.. Hehehehe.

STEPH: “Mika!! Iza!!” ang pagtawag niya sa dalawang Major major na alalay at alipores niya..

MIKA: “Nandito ako!!”

IZA: “HERE!!!”

At pagkatapos noon ay tiningnan ako ni Steph mula ulo hanggang paa.

STEPH: “Alam mo ba Gab kung ano ang napapala ng mga taong sumasagot-sagot sa akin at HUMAHARANG SA INTERES KO?? HA!?!?!” Sabay pandidilat ng mata sa akin.

AKO: “……” tiningnan ko lang sila at hindi na umimik pa..

STEPH: “Ngayon, malalaman mo, kung ano ang nangyayari sa mga taong Umeepal sa akin!!”

At biglang lumapit si Mika at Iza para sabunutan, sampalin, tadyakan, at bugbugin ako. Hindi ko magawang ipagtanggol ang sarili ko gawa ng takot na maaari pa nilang gawin sa akin. Nakita ko rin ang tatlo pang mga lalaki na nakatingin at nakabantay.
Habang sinasampal-sampal at tinatadyakan nila ako, ako naman ay naka-higa na sa may basurahan at putikan doon.

Nang matapos ako pagtulungnan ni Mika at Iza, tumayo ako senyales na hindi ako natinag sa ginawa nila sa akin. Ngunit lumapit si Steph at bigla niya akong..

SPLAAAKK!!

At napahiga ako sa semento sa sobrang lakas ng sampal na iyon. Ang sumunod ay isang sabunot mula kay Steph at pag-umpog-umpog ng ulo ko sa semento. Idagdag pa ang muling pag-sabunot at hampas ng mga kamay mula kay Mika at Iza. Mangiyak-ngiyak na ako sa lahat ng pinaggagagawa nila sa akin. Ni-hindi ko man lang maipagtanggol ang sarili ko sa mga oras na iyon gawa ng takot na kapag pumalag ako, maaring masmalala pa ang gawin sa akin.

Pagkatapos ng ginawa nilang tatlo, tumayo sila at nadinig kong sinabi ni Steph sa tatlong lalaki na..

STEPH: “Boys, Alam niyo na ang gagawin niyo sa basurang yan.. Aalis na ako at baka may makakita pa sa akin dito.”

LALAKI 1: “Sure Steph!! Basta ikaw!!”

LALAKI 2: “Sure ba tayo na hindi magsasalita ang Gagong ito??”

LALAKI 3: “Oo naman!! Subukan niyang magsalita at di lang ito ang mararanasan niya..”

AKO: “Ano ang gagawin niyo sa akin??? Steph!! Itigil mo na ito!! Maawa ka!! Wala akong ginawang MASAMA!!” ang pagmamakaawa ko..

Ngunit sumagot siya ng..

STEPH: “MAGDUSA KA!!!”

At isang malakas na halakhak na parang demonyo ang nadinig ko kay Steph. Sumakay siya sa isang itim na van kasama sina Mika at Iza. Naiwan ang tatlong lalaking alipores ni Steph at binitbit ako. Hindi na ako pumapalag dahil sa takot at pangamba na maaari pa nilang gawin. Maya-maya bigla akong inupakan ng suntok sa may sikmura ng isang lalaki.

AKO: “Araaayyy!!! Tama na!! Wala akong ginagawang masama!!” ang pagmamakaawa ko.

(itutuloy..)

5 comments:

  1. AMF! palala ng palala mga kontrabida d2!! wagas! nxt chap po :D

    ReplyDelete
  2. Grabe naman yung ginawa kay Gab! nakakaawa :(
    next chapter po!

    ReplyDelete
  3. Mara Clara
    Gab Steph

    anyways comment ko lng too much bullying nman ang nagaganap dito nakakahurt ng feeling... mag emote ba?... hahay how sad... san na si prince Jared?... kailangan cya ni bebe Gab

    ReplyDelete
  4. Umpisa pa lang nakaka-bwiset na agad yung kontrabida (Steph)! Ang sarap ipa-salvage ang bruha!
    next part na po pls? :D

    ReplyDelete
  5. sobra naman makakontrabida ito si steph parang walang kamatayan.

    ram

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails