Followers

Friday, April 8, 2011

EXCHANGE OF HEART pt7

By: Gelo

“andy..” sabi ni louie ng malumanay. May kaba akong naramdaman sa pag tawag nya ng pangalan kong iyon parang kinilabutan ako.. parang may mga laman pag tawag nya sa pangalan kong iyon.

“hmm?” un lang ang naisagot ko kunwari natutulog na ako. pero malakas parin ang kabog ng dibdib ko. Patuloy parin sya sa ginagawa nya na pag ikot nya ng bawat hibla ng buhok ko gamit ang daliri nya habang ako nakayakap parin sa bandang tiyan nya.

“ahmm” tinignan ko naman sya sa muka para hintayin ang sasabihin nya. Napalunok sya bago mag salita.

“naguguluhan kasi ako eh.”

“san?”tanong ko.

“ewan! May gusto kasi ako ngayon ligawan kaso hindi ko alam pano ko sisimulan?hindi ko alam gusto ko lang ba o mahal ko na ang gulo eh, parang napaka imposible kasi naming dalawa”

“ah! Kala ko naman ano!” dahan dahan kong inalis ang kamay ko sa pag kayakap ko sa kanya. Parang nadismaya kasi ako ewan kala ko kasi THIS IS IT! Ahahaha! Palya!

“eh pano yan? Gusto ko sana sya seryosohin eh kaso my girlfriends nga ako ngayon diba?” pag tatanong nya.

“yan kasi dadalawa dalawa ka pa ng gf! Edi ganto gawin mo kung gusto mong mag seryoso mag simula ka sa una.” Pag suggest ko.

“simula sa una? Panong mag simulas a una?” tanong nya.

“start! As in back to zero! I break mo na yang mga gf mo kung gusto mo talaga yung babae na yun! Then seryosohin mo ganun tapos!” dalawa kasi gf nya pero lahat kalokohan lang hindi seryoso.

“eh pano ako nyan pag hindi ako sinagot?edi wala na ako gf?”

“edi wala thats what you call SACRIFICE!hindi mo alam kung mag tatagumpay ka or not pero pag nagtagumpay ka naman worth it you’ll be happy of what you have lost.” Pag papaliwanag ko.

“ah sabagay.. pero ok lang kahit hindi nya ako sagutin anjan ka naman diba?” hindi ko alam kung biro lang ba nya un o totoo seryoso kasi muka nya eh.

“gagu! Sino ba yan?” sabay batok ko sa kanya.

“hehehe.. ahmm secret! Ahahaha!”

“secret ka pa ha!tulog na nga ako tabe!” pag hawi ko sa kanya. Tumalikod ako ng higa sa kanya, ewan ko parang my kirot akong naramdaman sa mga tanong nyang iyon sakin dati dati naman ako pa nag aadvice sa kanya tungkol sa mga gf nya pero wala lang sakin yun minsan nga ako pa pumipili ng regalo sa gf nya pag monthsary nila pero wala naman akong kirot na nararadaman! ngayon lang. It feels so strange! Hindi ko nalang inisip at natulog nalang baka sakaling mawala.

Kinabukasan, nauna na naman akong nagising, bago ako bumangon pinag masdan ko muna si louie habang tulog naka white sando lang sya at white boxers short, nakatagilid ang posisyon nakaharap sakin. Humarap din ako sa kanya. Tinitigan ko lang sya ng matagal pinagmamasdan ko ang bawat detalye at angolo ng muka nya na-eenjoy naman ako sa ginagawa ko. Parang ang sarap hawakan ang muka nya. Naakit ako at dinampi ko ng dahan dahan kamay ko sa bandang pisngi ng muka nya. Ang sarap ng pakiramdam! Di ko alam bakit ko nararamdaman ang gantong feeling gusto ko ba sya? At ginagalaw galaw ko ng konti ang aking hinlalaki hindi naman sya nag rereact sa ginagawa ko. Maya maya napag desisyonan ko ng bumangon para mag simba dahil lingo non at pag nag sisismba ako talagang kasama sya kame talaga lagi mag kasama sa simba kaya ginising ko na din sya. Sinimulan ko ng kurutin ang ilong nya.

“bayag.. bayag.. gising na simba tayo.” Pag gising ko sa kanya ng malumanay.

“hmm?”

“gising na kasi simba tayo tara tayo na” ngayon hindi ko na kinukurot ang ilong nya.

“yoko! Maya nalang tayo hapon simba maaga pa inaantok pa ako.” sabay yakap sakin at lumapit naman sya ng higa sakin. Napunta ang muka nya sa bandang leeg ko ramdam ko nakadikit ang ilong nya sa leeg ko habang magkadikit ang mga katawan namin.

“hala sya!!” un lang nasabi kasi nagugustuhan ko rin ang posisyon naming dalawa. Imbes na tangalin ko ang pagkayap nya sakin hinayaan ko nalang at napangiti at ginantihan ko nalang din ng yakap. Ang sarap! Ahahaha! Ewan ko sa sarili ko naadik na ako sa bayag na to! Nakatulog naman sya sa posisyon naming dalawa at ako parang gusto ko nalang din matulog tutal 6am pa naman nun eh maaga pa at pwede naman kasi mag simba ng 6pm ang huling oras ng misa dito samin. Piling ko mag jowa o mag asawa kame sa posisyon naming iyon parang ang tagal naming nag away at hindi nagpansinan at ganto nalang ang pagkasabik ko sa kanya.maya maya nakatulog na din ako sa posisyon naming dalawang yun. Nagising nalang ako sa katok mula sa pinto ng kwarto pag silip ko sa orasan alas 10 na. maya maya nawala na ang katok alam ko si ninang yun. Ganun parin nakayakap sakin si louie naka tanday pa! Inalis ko ng dahan dahan ang mga kamay at paa nito sakin. Tumayo na ako hindi ko na ginsing si bayag. Pag baba ko si ninang nag luluto na ng pang pananghalian.

“oh buti naman nagising ka sa katok ko kung si aweng kasi hindi nagigisng sa ganung simple ingay lang.”

“ano pa ninang! Yun nakabuka pa nga ang bibeg! Sarap na sarap sa pag tulog. Hindi ko na din ginising nakakapagod lang” sabi ko.

“hehehe.. dito ka na mag tanghalian ha?”pag aalok ni ninang.

“ah hindi na po ninang sa bahay na po ako kasi andun na lola ko at pinsan ang paalam ko dito lang ako matulog eh.”pag papaliwanang ko.

“ah ganu ba?ahmm sige sige. Buti naman at may kasama ka na sa bahay nyo.”

“oo nga po eh nakakabaliw ang ganung mag-isa ka lang sa isang malaking bahay. Parang hunted house ang dating pag ganun, oh sige po mauna na po ako ninang salamat po”pag papaalam ko.

Nakarating na ako ng bahay. Nasa baba si nanay nag lilinis ng sala.

“oh andito ka na pala, nag tanghalian ka na ba? Umakyat ka nalang sa taas nag luto na ako ng kakainin.”

“ah sige nay salamat.”aakyat na sana ako ng hagdanan ng naisipan kong sumabay nalang ng kain sila ng nanay at pinsan ko para naman makapag buo kame ng bonding relatainship.

“ah nay pagkatapos nyo po jan sabayan nyo ako ng kain sa taas ha?” pag yaya ko kay nanay.

“hmm.. sige, malapit na din akong matapos dito hintayin mo nalnag ako sa taas.”binigyan ko nalang ng isnag ngiti si nanay.

Nasa hapag kainnan na kameng tatlo at kumakain ako na ang nag lead ng prayer, medyo nailang ata sila sa ginawa ko siguro hindi nag dadasal mga to bago kumain eh nasanay kasi ako mag dasal bago kumain dahil sa impluwensya nila ninang sakin actually ni pag punta nga sa simbahan kada lingo hindi ko magawa pero ngayon hindi ako mapakali pag hindi nag sisimba dahil yan kila ninang. Nag simula na kameng kumain sinigang na baboy ang ulam paborito ko rin basta sinigang paborito ko rin talaga! Kaya napa dami ako ng kain. Habang kumakain naman kame nag kwekwento tong lola ko tungkol sa papa ko.

“para ka talagang tatay mo! Nung araw pag sinigang ang ulam halos isang kaldero kaya nyang ubusin ang lakas lumamon non hindi naman nataba!”umiiling-iling pa sya habang kinukuwa ang ulam.

“ganun ba nay? Oo nga eh ewan ko ba lakas ko naman kumain pero hindi naman ako nataba ewan ba bakit pinanganak ata ako para maging seksi talaga” sabay tawa.. tawa naman din sila.

“kuya sabi nga pala ni tito anthony(papa ko) tatawag daw sya mamayang gabi sayo kausapin ka daw nya.” Sabi ng pisnan kong si SV.

“bakit daw” simula kasi nung umalis step mom ko sa sa bahay hindi ko pa sya nakakausap at ayaw ko syang kausapin dahil nga galit ako sa kanya.

“hindi ko po alam yun lang po ang sabi nya sakin”

“ah ok!”

Dumating na ang hapon mga 5:30pm nun, pinuntahan ko muna si louie sa bahay nila upang ipaalala sa kanya na mag sisimba kame. Bago ako makarating sa bahay nila nakita ko na sya agad sa basketball court nag babasketball! Napakamot naman ako ng ulo dahil kinalimutan na naman nya! Napaka-iresponsable talaga ng gagong to! Tinawag ko sya sa paraang unique pag narinig nya yung tawag na yun alam nyang ako yun. Yung pang tawag sa aso ba, yung iipitin mo ang mga labi mo parasumikip ang daanan ng hangin at sabay higop ng hangin papasok ng labi mo upang bumuo ang isang tunog. Yun ang paraan ng tawag ko sa kanya at lilingon agad yan para hanapin kung san nanggaling ang tunog. Nakita naman nya ako agad at lumapit.

“oh?bakit?!” habang hinihingal pa sya at pawisan.

“anong bakit? Kakainis ka talaga!”

“bakit nga?bilisan mo nag lalaro pa kame!” medyo iritado na sya.

“oh sige mag laro ka nalang at ako na bahala sa kaluluwa mo ng hindi ka mapunta sa impyerno!” pag mamaldita ko.

“ay! Oo nga pala mag sisimba tayo! Teka teka papaalam lang ako.” sabay takbo sa court. Nag paalam na ang mokong sa mga kasamahan nya pero bago sya umalis humawak muna ng bola para mag shoot pero bago sya mag shoot tumingin muna sakin ang mokong at kumindat parang pinapahiwatig nya na para sakin ang shoot na yun. Napalingon naman ako sa ligod ko baka kako hindi ako pero wala namang ibang andun kaya napa ngiwi nalang ako ng labi ko kunwari hindi ako natutuwa sa ginagawa nya pero deep inside kinikilig ako ahahahaha!na shoot naman ang bola sa ring t tumingin ulit sakin ang mokong at kumindat at lumapit sakin.

“galing ko noh? Para sayo yun eh!”pag yayabang nya.

“ok ka na? siguro naman pwede ka ng umuwi ngayon para mag bihis?” pag susungit ko kunwari hindi ako apektado sa pag offer nya ng shoot na yun sakin! Pero kinikilig talaga ako PROMISE! Ahahahaha!

“sige tol una na ako simba pa ako eh!” pag papaalam ni louie sa mga kasamahan nya.

“wooo! Sige na sinusundo ka na ng jowa mo eh!ahahahahha” pangungutsa ng isa nyang kasamahan.

“ulol! Cra!”sabi ni louie habang naglalakad kame palayo sa court.

Mga 6pm pumunta na ako kila louie pag dating ko dun mag bibihis palang ang bayag kaya inis na inis na naman ako!

“ano ba yan mag bibihis ka palang? Kakainis naman!” halos mapasigaw na ako sa galit kahit anjan si ninang.

“sige inaanak pagalitan mo yan nag laro pa yan ng PSP pag dating galing sa basketbulan!” pag-uudyok ni ninang.

“syempre nag pa hinga pa ako alangan maligo ako agad galing sa pawisan!gusto mo ba akong patayin sa pasma ma!” pag papaliwanang ni louie.

“oh sya sya bilisan mo na baka wala na tayo maabutan sa simba!” sabi ko. Actually may punto din naman sya. Bumaba na sya galing kwarto nya ng bihis na.. parang nawala naman ang galit ko ng makita ko sya, naadik na naman ako! ahahaha naka black kasi sya at pag nag black sya talagang lumalabas ang kagwapuhan nya tapos sabayan mo pa ng pamatay nyang pabango na talagang nahihipnotismo ako sa bango, napatungatunga lang ako sa kanya habang lumalapit sya.

“huy! Tara na!” pag basag nya ng guni guni ko.

“ang tagal mo naman! Tignan mo 6:10 na! kanina pa yun nag sisimula,kasi!!!” galit kong sabi.

“oh! Nagagalit ka naman! Pumapangit ka oh!” sabay hawak nya sa baba ko. Napatingin naman ako sa kanya, bigla akong naantig sa muka nya, sabay sampal nya sakin ng mahina.

“oh! Naiinlove ka nya nyan sa kagwapuhan ko ha?pwet naman walang talo talo!” pangangasar nya!

“please! Ayaw kong mag salita o gumawa ng masama mag sisimba tayo so please tara na?” pag mamakaawa ko sa kanya.

“ahahahaha tara na nga! Namumula ka na naman jan eh!” sabay kurot sa pisngi ko at lakad, naiwan naman akong nakatayo at hinawakan ang pisngi ko dahil sa sinabi nyang namumula na naman ako! nakakainis talaga! Ang dali kong mag blush lalo na pag kinikilig napagkakahalataan tuloy!

Nakarating na kame ng simbahan, hindi pa naman kame masyadong late dahil dinadala palang ang holy bible sa altar kakasimula lang ng misa buti nalang. Sa misa tahimik kame hindi kame nag-uusap dahil nakikinig kame ng maigi lalo na si louie hindi mo makausap kahit mag text nga lang ako magagalit yan pag sasabihan ka at pag hindi ka nakinig at inulit mo ulit na mag cellphone kukunin nya ang cp mo para nga siyang tatay kung umasta hindi lang sa ganung sitwasyon. Ama namin na ang kinakanta at talagang naapreciate ko na hinahawakan mismo ni louie ang kamay ko sya mismo ang nag aabot nito sa iba ko kasing friends hindi naman nagagawang hawakan ko pag ama namin na ang kinanta sya hindi nahihiya kahit dalawa lang kameng mag kasama mag simba o ano man isipin ng mga tao. Kuwaan na ng ostya at pumila na kame, pag kukuwa kame ng ostya ang gusto nya sa pari talga kame pipila at kukuwa ng ostya para mas blessed daw ang tatangapin namin sabi ko naman kahit san ka pa pumili pari man o hindi laman parin ng Diyos yan! Eh ayaw maniwala eh may paninindigan gusto nya kay father talaga. Natapos na ang misa mga around 7:30pm na nun at madilim na sa labas. Bago umuwi kakainin muna kame sa paborito naming mamihan kung san 20 pesos lang talagang busog at satisfied kana ang sarap talaga kasi at mabigat sa tiyan. Ngayon linggo ako ang taya dahil last week sya ang taya ganun kame salitan ang mag babayad kada lingo.

“oh taya ka ngayon ha! Ako taya last week.” Sabi ni louie.

“opo alam ko.”

“wow ang bait naman ng angel ngayon hindi na makikipag talo sakin na sya ang gumastos last week” pangangasar nya ganun kasi kahit alam kong sya gumastos last week pag pipilitan ko na ako gumastos last week baka sakaling makalusot ahahahaha!

“nakakapagod kasi makipag talo sayo!” pag papaliwanang ko.

“buti naman! Tara! Order na tayo!”

“oh! Adnito na pala kayo kanina ko pa kayo inaantay eh!” sabi ni manong na nag bebenta ng mami.

“eh huling misa kame kuya eh kaya nagyon lang kame nakalabas.” Paliwanang ni louie.

“ah kaya pala eh, oh ito” inabot na nya ang dalawang mami na umuusok pa sa init hindi na kame nag order dahil alam na nya ano inoorder namin.

“wow! Ang sarap!!!!!!kuya dalawang itlog pa nga at dalawang order ng siomai!” sbi ni louie.

“hoy! Kapal naman ng muka mo parang ikaw mag babayad ha??!!”bulyaw ko!

“ops!ops!ops! ang bunganga kagagaling lang natin sa simbahan”

“hays!” napabuntong hininga nalang ako dahil hindi ako makahirit. Kuya isang itlog lang at isang order lang din ng siomai!”sabi ko kay kuya “mag mamami nalang ako ok lang sakin”sabi ko kay louie. Hindi kasi ako nag dala ng sapat na pera dahil alam kong taya ako ahahahaha kuripot kasi ako sa totoo lang.

“oh sige bahala ka!” sabi ni louie. Biniyak na nya ang itlog at nung nilagay nya sa mami nya hinati nya sa gitna at nilagay sa mangkok ko ang kalahati nito ganun din sa siomai nilagay nya sa gitnan namin tapos ipinaghiwalay nya ang apat na siomai sa dalawa so tig dalawa kame nun.

“hati nalang tayo nakakahiya naman sayo eh ikaw magbabayd ako lang kakain ng marami” sabi nya napatingin nalnag ako sa kanya at napangiti! Minsan pala pwedeng maging mabait ang demoñito hehehe.

“kayo talaga! Ang sweet sweet! Ahahaha! Kung nagiing babae lang to si andeng pagkakamalan ko talga kayong mag syota!” sabi ni kuya albert na nag titinda ng mami.

“oo nga po eh dapat naging babae nalang tong si andeng edi sana hindi na ako nag hahanap ng iba!” pag sang-ayon naman nitong bayagra!

“as if naman pag naging babae ako sasagutin kita?may taste buds ata to noh! Hindi mga katulad mo ang type ko! Mahiya ka nga bayag!” bulyaw ko habang humihigop ng sabaw.

“aba! Choosy ka pa nyan? As if naman pag naging babae ka maganda ka?eh ngayon ngang lalake ka ang panget mo pag naging babae ka pa?tapos liligawan ka ng gantong kagwapo? Putcha! Para kang naka jackpot sa lotto!”tawanan sila ni kuya albert!

“ah panget pala? Pasalamat ka at naging bakla ako alam mo bakit? Dahil pag naging tunay na lalake ako di hamak na mas gwapo akong lalake sayo at imbes na sayo lalapit ang chix sakin lalapit!” pag ganti ko lakas ng tawa ni kuya albert!

“heh!kung hindi lang kita tinuruan pumorma gwagwapo ka ba ng ganyan ha?pasalamat ka parin sa master noh!”

“edi salamat ok ka na?salamat ha? Gusto kiss pa kita?”habang umaamba-amba na ikikiss ko sya.

“wag na wag na! ok na yung salamat eh! Nakakawala naman ng gana yang ginagawa mo eh!”

“yun naman pala.” Biglang napansin ko na sobrang pawisan na sya dahil sa kinakain naming mainit na mami at maanghang pa.

“wala ka bang panyo?punasan mo nga yang muka mo!” sabi ko sa kanya.

“wala nga eh kaw kasi nag mamadali nakalimutan ko nalnag tuloy!” paninisi nyas akin. Kinuwa ko naman panyo ko sa bulsa ko at inabot ko sa kanya.

“oh punasan mo yang muka mo para ka tuloy naligo jan sa kinakain mo!” pag aalok ko.

“kaw na mag punas please!” panunuyo nya.

“hays!” tinignan ko muna sya saglit at nag buntong hininga.. habang pinupunasan ko muka nya hindi ko napansin tinitignan nya ako sa muka, ang gago nag eenjoy sa ginagawa ko, nung napansin kong nag eenjoy ang loko at pumipikit pikit pa, nadapo ang mga mata ko sa labi nya, sa buong parte ng muka nya ang labi nya talaga ang nakaka-attract dahil papuso ang hugis at mapula ang kulay, ang sarap halikan!mapapansin mo agad ito sa unang tingin mo palang sa kanya! Biglang lumakas ang kabog ng dibdib ko!kaya sinampal ko nalang sa muka nya ang panyo. Napadilat naman siya agad.

“to naman!” reklamo nya!

“masyado ka ng nag eenoy!may mga kamay ka naman ako pa pinapanunas mo!” sabi ko habang kumakain pero malakas parin ang kabog ng dibdib ko. Natapos na kame kumain at binayaran ko na ang kinain namin naka 60 pesos din kameng dalawa kasama softdrinks! Sulit na sulit at busog na busog na kameng dalawa. Nag simula na kameng maglakad pauwi. Habang nag lalakad naalala ko yung kinuwento nya sakin kagabe nago matulog kaya tinannong ko sya.

“o kamusta yung sinasabi mong gusto mong ligawan?” tanong ko.

“ahmm ok naman siguro sya? Pero kame wala pa eh!”

“ah ganun ba?taga san ba yun ha? Taga school din?”

“hmm hindi!”

“eh sna mo nakilala yun?”pag tataka ko.

“hmmm sa ano!”hindi nya alam anong sasabihin nya.

“san?”

“basta! Texting kame! Mag memeet kame one of this days” paliwanang nya.

“ah ganun ba?eh pano yung dalawa mong gf?”

“eh wala na nag break na kame kanina”

“ha? Ang bilis naman! Ganun kadali yun? Talagang sinunod mo agad sinabi ko?pano mo naman binereyk?”pag-uusisa ko pa.

“yung isa diba taga san lang banda? Nag kita kame kaninang tanghali tapos yung isa tinext ko lang yun wala naman sila magawa kahit ayaw nila eh ayaw ko na eh bakit ba?”

“ganun?ang tindi mo naman! Grabeh ka! Kaya ayaw ko maging lalake eh! Ayaw ko mag pa-iyak ng babae kasi nanay ko babae din katulad ng ginawa ng tatay ko sa mama ko pina-iyak nya ng husto”

“pero ibang level naman yung sa mama at papa mo kasal sila noh eh yun mga gf at bf palang hindi pa seryosohan syempre pag asawa na hindi ko na gagawin yun noh!” pag tatangol nya sa sarili nya.

“hindi rin! Pare parehas lang kayong mga lalake! Kahit hndi pa kayo mag asawa noh! Gf man o ano! Pero nakakasakit parin kayo ng damdamin ng iba o puso ng iba at hindi mabuti yun!” galit kong sabi.

“oh easy lang! Ano ba pinuputok ng butsi mo ha??bakit naloko ka na ba ng lalake ha?hahahahaha!” tawa sya.

“hindi! Mama ko lang naman ang naloko ng lalake at nakita ko pano sya umiyak at nag dusa and thats hatest part of my life to see my mom crying!!!!” sigaw ko dahil sa galit ganun nalang para sa kanya kadaling tumawa kahit na alam nyang may nasaktan syang tao, namuo ang luha sa mga mata ko dahil bigla pumasok sa isip ko ang mga nakaraan.

“oh easy! Sorry na.. ito naman nag kakabiruan lang eh!” sabay akbay nya sakin para mapawi ang galit ko.

“kaw kasi eh! Di mo kasi alam pinag daanan namin ng mama ko para mabuhay dati kaya naiinis namumuwi talaga ko sa mga lalake na nangloloko ng babae dahil hindi nila alam kung an ang nasisira nila!” pag papaliwanag ko habang pinupunasan ang namuong luha sa mata ko.

“ano ba kasing nangyari?pagkatapos kayong iwan ng papa mo?”pag tatanong nya.

“Halos mabaliw kasi ang mama ko nung iwan kame ng papa ko dahil tatlo kameng magkakatapid at mag-isa lang syang naghihikapos para mabuhay kame!napasok na lahat ni mama! Waitres!janitres!teller! and even pusher ng pinagbabawal na gamot at the worst thing pag pupulot ng basura! Kahit matagal na sariwa parin ang bawat eksena nung bata palang ako i think around 6 years old, namumulot ng basura sila mama at kuya at pag dating ng gabi isasama ako ni mama sa isang madilim na lugar tapos nilalagy nya sa brief ko ung drugs kasi daw hindi chinecheck up ang mga bata kaya sakin nya nilalagay binubutas nya yung bulsahan ng brief ko tapos dun ilalagay. The best thing about my mom is never syang gumamit dahil alam nyang pag gumamit sya mapapabayaan nya kame. Sa murang edad ko palang namulat na ako sa mundo ng katotohanan na masalimuot ang mundong ito mamatay ang lahat ng mahina at maiiwan ang mga malalakas yun ang itinuro samin ng mama ko. At sa awa ng Diyos nakaraos kame sa tulong ng lola ko kinuwa nya kame sa manila at dinala sa probinsya upang duon ipagpatuloy ang buhay. At ngayon andito ako bumalik upang mag-aral at maningil ng utang sa papa ko! Alam mo bang ikaw lang ang unang taong sinabihan ko ng buhay ko dahil nag titiwala ako sayo at sana maitago mo ang sekreto ko.” Pag kwento ko sa kanya ng tuloy tuloy, napatulala naman si bayag ng saglit at nakatitig lang sakin.

“huy!ano nangyari sayo?” pag bugaw ko ng kamay ko sa muka nya.

“ah eh!kasi hindi ako mapakaniwala na ganyan ang buhay na tinahak mo hindi kasi halata sayo na may pinag daanan kang trahedya sa buhay na ganyan.” Pag papaliwanang nya.

“oo nga eh! Ayaw ko kasi ipakita na mahina ako sa iba gusto ko ako lagi ang nagunguna dahil yan ang tinuro ni mama mamatay ang mahina at maiiwan ang malalakas!”

“pang MMK yang buhay mo ha! Bilib naman ako sa mama mo! At grabe naman ang papa mo at natiis kayo na ganun na nalang.”

“kaya nga eh! Kahit sya ngayon nag papa-aral sakin hindi parin maalis ang puot ko sa puso, kaya ikaw wag kang manloloko ng babae lalo na sa magiging asawa mo dahil pwede nyang masapit ng iiwan mong pamilya ang nasapit namin!” bulyaw ko sa kanya.

“oo!oo! hindi na!”

“hays!bilisan na natin mag lakad! Sumasakit ulo ko eh at nahihilo ako!” sabay kapit sa braso nya dahil nahihilo talaga ako.

“o?nahihilo ka na naman? Kakakain lang natin ha!gutom ka ulit?anong sikmura ka ba meron ha?”pag bibiro nya.

“gagu!busog na busog nga ako eh! Basta bilisan na natin nahihilo na talaga ako sobra!”pag rereklamo ko.

“ilang buwan ka ng nag rerklamo na nasakit yang ulo mo ha? Nahihilo! Minsan nahihirapan huminga! Mag pa check up ka na kaya!” pag suggest nya.

“yoko nga! Ano pa madiskobre ko noh masira pa konsentrasyon ko sa pag-aaral!”

“sige bahala ka sa buhay mo malay mo may cancer ka na pala sa utak? O kaya aids? Ay hindi pala virgin ka pala since birth! Hehehe o kaya sakit sa puso? Pwede ding dengue? O kaya pangangate?rashes?” nag dadadaldal si louie ng ano ano nun pero hindi ko na iniintindi ang sinasabi nya bagkus humawak nalang ako ng maaigi sa braso nya dahil sobrang nahihilo na ako at dumidilim na ang paligid ko at nagsisimula na akong hingalin! Maya maya napatigil si louie sa pag sasalita dahil sa narinig nyang.

BUUNG!!

Bumaksak ako sa sahig!

“ANDYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYYY!!!!!!!!!!!”

ITUTULOY..

5 comments:

  1. grabeh ang ganda, may sakit ba c pwet hehe wag nmn sana

    ReplyDelete
  2. ayaw ko ng basahin......mukhang tragic eh....grrrrrr.....masyado na ako nasasanay sa tragic ending....ayaw ko na....ahahaha...bumagsak lang si andy tragic na agad?????ahahhahaha.....bata siguraduhin mo lang na maganda ang next kundi....papatayin kita....uunahin kita kay andy....JOKES....eheheeh





    -Jhe Ehm

    ReplyDelete
  3. ui BAKA tinuloy mu ang pagpatay sa kanila ah ..hehehe..sana ala lng un ,,,,,,,


    gustu ko kc happy ending cla! :D!

    next na !! GO! go! GO!!^_^

    ReplyDelete
  4. ahahahah
    @ EOG - hahaha kaloka binibiro lang kita hindi ko naman papatayin si andy eh ahahaha!
    @jhe ehm - nice nice! ahahaha! sure3x gagandahan ko lagi ang every chapter!

    ReplyDelete
  5. galing ,, ano kaya ang sakit ni andy ?/

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails