Disclaimer: Hindi ko po original characters sila Joseph, Paul, Blue, at kung sino man po ang mga character sa story ni Kuya Bluerose. Siyempre, ang credit pa rin ay sa gumawa nila.
Heto na po ang Chapter 83.
Zafe's POV
Unang araw ng pagdukot...
Nang nagkaroon ako ng malay, medyo masakit ang ulo ko. Kasunod nito ay napagtanto ko na wala akong makita, may busal ang aking bibig, at nakatali ang aking mga paa at kamay. Nag-panic ako dahil dinukot ako ng kung sino. At hindi ito maganda.
Siyempre, kagaya ng mga dinukot na tao ay sinubukan kong makawala. Pero mahigpit ang mga taling pumipigil sa mga kamay ko.
“Mmmm! Mmmm! Mmmm!” (“Sino ba kayo?! Bakit niyo ako dinukot?!”)
Nakahiga ako. Alam ko na nasa magkabilang dulo ang aking mga kamay. At ang mga paa ko ay ayos lang. Pero nararamdaman ko na wala akong damit. Nakahubad ako. Kung sino man ang taong dumukot sa akin, hindi maganda ang gusto niyang gawin sa akin. Gagawin ba niya akong target practice sa isang perya, na paiikutin para exciting kung paano ako mamatay?
“Mmmm! Mmmm! Mmmm! Mmmm! (“Ano ba?! Pakawalan niyo ako!”)
Alam kong hindi ito magandang ideya na gumagawa ako ng ingay para mapansin. Pero gusto ko ng mag-progress ito sa hindi magandang paraan, kung ano man ang balak ng masamang taong ito. Magsalita na siya kung ano ba ang gusto niya?
Pero biglang gumalaw ang kinahihigaan ko. Biglang nagbago ang sentro ng gravity at pakiramdam ko ay nakatayo ako. Humugot ako ng malalim na hininga. Ihinahanda ko na ang sarili sa mga posibleng mangyayari sa kalagayan ko.
Sa unang dampi ng kamay, bigla akong kinilabutan. Sinubukan kong hindi patigasin ang aking kargada. Pero habang gumagalaw ang kamay, hindi ko mapigilan ang pagtigas. Para bang eksperto sa katawan ko ang taong gumagawa nito. Kaya nagpumiglas ako.
“Mmmm! Mmmm! Mmmmm! Mmmmm! (“Tumigil ka! Tumigil ka! Tumigil ka!”)
Ang isang kamay ay biglang naging dalawa. Magkasabay na gumalaw ang mga ito sa katawan ko. Bigla akong nakaramdam ng pandidiri sa aking sarili. Hindi ko akalain na darating ang isang araw na ito, na may mananamantala sa aking katawan habang wala akong lakas na labanan ito.
Sa ginagawa niya, naramdaman kong tumatayo na ang kargada ko. Iginalaw nga ng taong ito ang kamay niya dito, pero sa malapit lang. Parang sinasadyan niya itong iwasan.
Hindi ko na mapigilan ang gusto ng katawan. Kaya ginalaw ko kahit papaano ang aking gitnang katawan para pansinin niya ito. Alam kong may iba pang kailangan ang taong ito maliban sa katawan ko. Pero ibibigay ko kahit papaano ang sarili ko, matapos lang ang bangungot na ito. At sa wakas, ipinulupot ng taong ito ang kamay niya. Napakainit ng kamay niya. Pero biglang nawala ang mga ito.
Bigla ko naman naramdaman na nakahiga na ako. At may naramdaman akong bagay ang tumakip sa pang-ibaba ko. Nakarinig ako ng pagbukas ng pinto. Nang narinig kong nag-sara ito, naramdaman ko na umalis din sa harapan ko ang tao na dinudumihan ang katawan ko.
Sinubukan kong kumalas sa mga tali. Pero para hindi tumakas kung hindi para ituloy niya ang kaniyang ginagawa. Pero nang narinig ko ang pagbukas at pagsara ng pintuan, alam kong tapos na ito. Sumigaw ako sa inis dahil nabitin ako.
Caleb's POV
Unang araw ng pagdukot nang umagang iyun...
Kasama si Isaac at Sharina ay nakarating na kami sa birthday party ng kamag-anak ni Isaac. Iyung kamag-anak kasi ni Isaac ay naging kaibigan ko ang kaniyang kapatid kaya imbitado din ako sa party. Hindi naman ito malaki dahil isang bata ang nagse-celebrate ng party.
Nauna akong bumaba sa kotse ni Isaac. Tapos si Isaac ay pinagbuksan lang ng pintuan si Sharina. Hindi ako komportable sa nakikita ko. Hindi dahil kay Sharina dahil, alam niyo na. Pero kasi, alam niyo iyun, sana all. May nakilala ako sa social media app, pero hindi kami nagtagal.
“Anong problema?” tanong sa akin ni Isaac matapos makalabas ni Sharina.
“Sana all,” nasabi ko na lang.
“Huwag ka kasi puro Tinder. Alam mo naman na saglit lang na, kantutan ang gusto nila,” komento ni Sharina habang ipinulupot niya ang kaniyang bisig kay Isaac. Iyung isang kamay naman niya ay may hawak na bag dala ang regalo namin.
Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. “Aba, pasensya na kung umaasa ako.”
“Tama na iyan at pumasok na tayo,” singit ni Isaac na naglalakad na papunta sa party. “Baka mag-away pa kayo rito.”
“Babe, gusto ko lang ‘patayin’ si Caleb sa inggit,” tugon ni Sharina na dinidiin pa ang salitang ‘patayin’.
Sumunod lang ako sa kanila. “Sharina, hindi pa ako ganoon ka komportable sa iyo kaya huwag kang magsalita tungkol sa kamatayan.”
Dumila sa akin si Sharina.
“Parang mga bata ba. Behave na,” saway sa amin ni Isaac.
Marami-rami ding tao ang dumalo sa party. Karamihan ay hindi ko kakilala. May ilang babae naman akong nakita na naka-hookup ko pero hindi ako pinapansin. Ang hindi inaasahan ko lang na makita ay si Nestor.
Ilang taon na rin nang huli kong nakita si Nestor. May ginawa si Aulric noon para pakawalan niya ako. Pero ano kaya iyun? Hanggang sa ngayon, hindi ko pa rin alam, o hindi ko maalala. Basta ang alam ko lang, ayokong magkaroon ng koneksyon kay Nestor.
Nakita ko siya na kausap ang isa sa mga kaibigan ng isa sa mga kaibigan ko, hindi ako sure. Kaibigan siya ng isang kaibigan, ewan ko ba. Baka ganoon. Kilala kaya ng mga taong ito ang tunay na Nestor? Kahit napaka-ayos ng suot niya sa party na ito, hindi pa rin maalis sa utak ko kung anong klaseng tao siya.
Binati naming tatlo ang birthday celebrant. May mixed feelings naman ang mga matatanda nang nakita nila si Sharina at Isaac. Mukhang alam ng mga matatanda ang nangyari noon kay Sharina. Pero wala silang alam kay Nestor? Class-restricted ba ang mga impormasyon ngayon?
Pero kahit ganoon, naging cool naman ang lahat. Siguro, out of courtesy. At least, hindi malamig ang pagtrato nila kay Sharina. Maganda iyun para sa kanila ni Isaac.
Habang kumakain kami sa isang mesa ay bigla akong nagtanong.
“Kailan kayo magpapakasal?” bigla kong naitanong sa dalawa.
Biglang nasamid si Isaac at uminom ng tubig. Si Sharina naman ay tumigil at naghintay ata sa isasagot ng kaniyang boyfriend. Itinuloy ko lang ang pagkain habang hinihintay sila na sumagot, o hindi.
“Caleb, pwede bang mainggit ka na lang sa aming dalawa,” sabi ni Isaac matapos maka-recover. Tumigil muna siya pagkain.
“Come on, Sharina. I'm sure na gusto mong magpakasal kayo,” sulsol ko dito. “Ang sweet niyo kaya sa isa't isa. At isa pa, ayoko ng isa pang Camilla at Knoll. Baka hindi ko na kayanin kapag nag-break kayo.”
Gulat ang naging ekspresyon ni Sharina. “Wow. Invested much. Magulang ka ba niya para masabing botong-boto ka sa akin?” Nagpatuloy naman siya sa pagkain.
“Alam kong hindi boto ang mga magulang niya sa iyo. Pero ako, despite sa mga nangyari, I will look past that. Kaya botong-boto ako sa iyo. Lahat naman ng tao, may karapatang maging masaya.”
“Can we not talk about this right now?” singit ni Isaac.
“Gusto ko din naman na yayain niya ako,” sagot ni Sharina. “Dream ko din kaya na yayain ako ni Zafe magpakasal noon.” Ngumiti lang siya sa kinakain. “Pero sa tingin ko, wala akong karapatan na mag-demand ng kasal. I am nothing. I have nothing.” Tumingin siya kay Isaac. “Except Isaac. Maghihintay ako kung kailan niya ako pakakasalan. At hindi naman ako nagmamadali.” Tumingin naman siya sa akin. “It's a big step na matali ka sa isang tao for the rest of your life.”
Bigla akong naapektuhan sa sinabi ni Sharina. “Alam mo, pwedeng ako na lang? Ngayon din, yayayain kita na magpakasal.”
“Caleb, nandito pa ako,” galit na pagpapaalala ni Isaac.
“Hindi kita type, Caleb,” pagtanggi ni Sharina kaagad.
Para naman nadurog ang puso ko sa sinabi niya. Hindi ako type ni Sharina.
”Salamat sa iyo, Sharina. Depress na ako.” Tumayo ako sa kinauupuan ko. “Now, excuse me dahil kukuha pa ako ng lumpia nila. Ang sarap kasi.”
“Oo nga, ang sarap. Ikuha mo rin kami,” pakiusap ni Sharina na para bang hindi niya ako tinanggihan.
“Kumuha ka mag-isa mo.” Inirapan ko lang kunyari ang dalawa.
Sa dami ng mga pagkain na nakahain, hindi ko naman alam na kasabay kong kumuha ng pagkain si Nestor. Putang ina naman, bakit?!
“Caleb, long time no see,” sabi ni Nestor habang kinakamay lang ang isang lumpia.
Bahagya lang akong ngumiti pero hindi ko siya pinansin. Bakit mo kinakamay ang lumpia?
“Kumusta ka na? Matagal-tagal na rin nang huli tayong nagkita. Nag-enjoy ka ba sa kalayaan mo?” sabay kain sa hawak na lumpia.
Bahagyang kinabahan ako sa sinabi niya. “W-Wow. Parang pag-aari mo ako.”
“Sabi ng bata na sumusunod sa akin na parang aso,” sabi niya habang ngumingiti ng nakakaloko at kumuha pa siya ng isang lumpia saka kumain.
Kumuha pa ako ng ilang lumpia matapos tumigil na si Nestor sa pagkuha. Pinili ko iyung lumpia na malayo sa hinahawakan ng kaniyang kamay. “Hindi ako aso, Nestor. Isang misguided na bata lang iyun. Inosente at walang alam sa kung ano talaga ang ginagawa mo.”
“Oo, alam ko.” Kumuha siya ng isang lumpia sa hawak kong plato. “Nauto nga kitang sumama sa grupo ko noon.” Para tuloy madumi na ang mga lumpia sa plato ko.
Tumingin si Nestor sa mga batang nagkakasiyahan at mukhang malayo ang kaniyang tingin. “Parang kahapon lang,” sabay kain ulit sa lumpia.
Napatingin din ako sa mga batang naglalaro. Para sa isang bata, masaya na sila kapag nagkaroon na sila ng kaibigan. Pakiramdam ko pa noon na forever ang pagkakaibigan namin ni Nestor. Hanggang sa ang lahat ng iyun ay nabasag ng katotohanan na hindi siya magandang impluwensya sa akin.
Hindi na ako magpapa-alam sa kaniya nang paalis na ako pero pinigilan niya ako sa aking paglalakad.
“Sandali lang. Nagmamadali ka ba?” tanong niya sa akin habang ngumiti ng nakakaloko.
“Nagmamadali akong lumayo sa iyo,” sagot ko. “Ayokong makipag-throwback sa iyo ng mga alaala.”
“Huwag kang mag-alala, walang mangyayaring ganoon dahil bigla akong may naisip.” Kumuha ulit siya ng lumpia sa plato ko ng walang paalam. God! Okay lang. Kung masarap para sa kaniya iyung lumpia na nasa plato ko, ubusin na niya lahat. Siya kasi ang kumuha.
“Nalaman ko kasi na kaibigan mo pala si Zafe. At napanood ko iyung vlog niyo sa YouTube. Hindi ko maintindihan iyung mga nangyayari pero magkaibigan kayo, tama?” tanong niya.
“At ikaw iyung nakakainis na Nestor na laging humahamon kay Zafe ng basketball para sa pag-aari ng court,” balik ko. “Seriously, Nestor, public property iyung basketball court.”
Kinain niya ang hawak na lumpia habang nakikinig sa akin saka nilunok ito. “Magkaibigan nga kayo kung alam mo iyun. Makinig ka. Napuno ako at kinidnap siya?”
Natigil ako sa sinabi niya. “Ano?” tanong ko na para bang hindi ko siya narinig. Narinig ko siya. Kinidnap niya si Zafe.
“Para masaya ang laro na nilalaro namin, gusto kong malaman mo na kinidnap ko si Zafe. Kinausap ko na rin ang mga magulang niya na maging tahimik sa bagay na ito. Dahil kapag may ibang nakakaalam na may dumukot sa kaniya, papatayin ko si Zafe. Ikaw hindi ka counted. Pero iyung mga kaibigan mo, counted. Sa susunod niyong vlog sa YouTube, gusto kong mapanood ka habang hindi ka komportable sa kinauupuan mo na alam ang tunay na dahilan kaya wala si Zafe. Para mas lalo kang hindi komportable, pinapahirapan ko siya ngayon.”
Parang biglang naging demonyo ang mukha ni Nestor nang para siyang tumawa. “Isipin mo. Si Zafe, sa isang madilim na lugar. Nagsisisigaw sa sakit dahil sa ginawa ko. At ikaw lang sa mga kaibigan niya ang may alam. Kung ako sa iyo magsumbong ka na sa pulis para pwede ko na siyang patayin.”
Biglang bumalik sa akin ang mga alaala na kasama ko si Nestor. Pati iyung moment na binugbog namin si Ethan Zarate. Tapos si Zafe sa isang madilim na lugar. Kilala ko si Nestor kahit papaano. Seryoso siya sa kaniyang mga sinasabi.
Jin's POV
Unang araw ng pagdukot nang gabing iyun...
Sa Resorts World Manila, dito gaganapin ang show ng Huling El Bimbo. Hindi iyung Eraserheads ang kakanta para kantahin lang ang isang kanta. Isa itong palabas kung saan, hindi ko alam. Ngayon ko pa lang ito mapapanood, kasama si Jonathan.
Kasalukuyang hinahanap naming dalawa ang naka-reserbang upuan na para sa amin. Pero...
“Jonathan?” tawag ng isang pamilyar na boses.
Nagulat ako matapos makita si Joseph ng Pulsar, ang pinanggalingan ng boses na iyun. Nakaupo siya at katabi niya si Chris, ang kaniyang boyfriend. Si Chris naman ay parang nagulat din nang tiningnan ko.
“I mean, (pekeng) Aulric,” pagtatama niya. “Nagulat naman ako at nakita kita dito.”
“Joseph, long time no see,” ngiti ni Jonathan habang umupo kami sa aming mga upuan. “I'll appreciate it kung mananahimik tayong lahat hanggang sa matapos ang musical.”
Magsasalita na sana ako pero tumingin sa akin si Jonathan ng medyo masama.
“Pati ikaw, Jin.”
Hindi ako komportable na nanood, pati ata sila Joseph at Chris, pero na-enjoy namin ang musical dahil tahimik kami.
Nang natapos na ang musical, niyaya kami ni Joseph na kumain sa place nila. O-order sila ng takeout mula sa isang fast food restaurant. Magkita daw kami ni few minutes. Kasi paglabas pa lang nila, nahuli sila ng mga fans.
Sa condo unit nila Joseph at Chris, habang kumakain ng hamburger ay napag-usapan namin ang musical kanina. May iba't iba kaming opinyon tungkol sa musical pero sa huli, nag-agree kami na maganda iyun.
“So paano ninyo nakilala si Jonathan?” bigla kong naitanong habang kumakain ng fries.
Parang nasira iyung atmosphere sa tinanong ko. Para bang hindi ko narinig iyung sinabi ni Joseph na Jonathan ang tawag niya sa kaniya?
“Don't worry, Joseph. Alam niya,” ngiti ni Jonathan habang hawak ang isang burger na isang kagat na lang.
“Ako,” singit ni Chris habang hawak ang isang inumin. “sa school namin siya nag-aaral. At ngayon ko lang naalala ang bagay na iyun.” Kumumpas siya ng isang beses na para bang ang isinagot niya ay isang sagot sa tanong na hindi niya nasagot.
“I'm surprised,” komento ni Jonathan. Tumingin siya sa akin. “Alam mo bang iyung Music Club lang ang sikat sa school namin? Iyung basketball namin-” sabay kumunot ang noo niya saka tumingin sa akin. “mga loko-loko. Kung tama ako nakipag-away pa sa team ng school niyo ang mga iyun?”
“Hindi naman sa kami lang iyung sikat. Kilala din iyung club niyo dahil...” Hindi itinuloy ni Chris ang kaniyang sinasabi dahil bahagyang lumungkot ang mukha niya.
“It's okay, Chris.” Kinain ni Jonathan ang kanyang burger. “At least, sikat ako sa iyo. I outlived my friends,” mapait na ngiti niya. Kung biro iyun, hindi iyun maganda.
Matapos uminom si Joseph ay nagsalita siya. “Ako naman, ano.” Tinuro niya si Jonathan at inalala ang nakaraan. “Naalala ko dati sa Schoneberg, ikaw iyung nagtanong sa akin kung saan iyung theater ng school kasi doon gaganapin iyung competition.”
Bigla akong may naalala. “Naalala ko din iyun.”
“By the way, kailan ang kasal?” naitanong bigla ni Jonathan.
Nagkatinginan ang magkasintahan. Kapwa hindi sila magkasundo kung sino ang sasagot. Kaya nag jack-en-poy sila sa harapan namin. Unang match pa lang, panalo si Chris gamit ang papel.
“Ugh! Talo na naman ako!” naiinis na sabi ni Joseph.
Inikutan siya ng tingin ni Chris. “Lagi kasing bato ang first choice mo.” Humugot muna siya ng malalim na hininga. “Anyway, hinihintay namin si Ren na ayusin ang buhay niya. Then, mag-sabay-sabay na kaming lahat, ni Blue at Aldred, Nicko at Jonas, Franz at Daryll, Geo at Paul, Thomas at Stephan, Kent at Jasper, Ethan at Mark.” Ang dami naman nila na sabay-sabay magpakasal.
“Ikaw Jonathan? Gusto mong humabol?” tanong ni Chris. “Aantayin ka namin ng apat na taon.”
“Dalawa,” singit ni Joseph.
“Tatlo?” Bakit nagtatawaran ng taon silang dalawa?
“Dalawa,” seryosong giit ni Joseph. “Seriously, kapag hindi inayos ni Ren ang buhay niya, magpapakasal tayo kahit wala siya. Alam kong masakit sa kaniya ang mga nangyari sa buhay niya, pero ayokong hindi matuloy ang forever natin. Namin.”
“Joseph, napag-usapan natin ito.” Hinawakan ng dalawang kamay ni Chris ang kamay ni Joseph. “Para sa papel lang ang kasal.” At nilapat niya ito sa kaniyang dibdib. “Ang forever, nasa atin na iyun.”
Medyo lumambot si Joseph sa narinig niya kay Chris. Napainom na lang ako sa baso ng takeout namin. Ang awkward. Nag-away sila sa harapan namin. At naglapat ang labi ng dalawa. Ngayon, inggit na ako.
Tiningnan ko si Jonathan na naka-titig lang sa kanila habang kinakain ang bagong burger.
“Alam ko. Nasa atin na ang forever,” sabi ni Joseph bago dampian pa ng labi ang labi ni Chris. “Pero dalawang taon.” Hindi effective iyung speech ni Chris.
Hindi makapaniwala na tiningnan siya ni Chris. Pero ibinaling na niya ang tingin kay Jonathan. “Anyway, baka gusto mong sumabay. Dalawang taon lang naman mula ngayon.” Bakit nadamay kami?
Biglang nasamid si Jonathan. Kaagad kong tinapik ang kaniyang likuran para mawala ang bara sa kanyang lalamunan.
“T-Thanks Jin,” sabi ni Jonathan. “Ikaw naman Chris. Ginulat mo ako sa tanong mo. Alam niyo bang pangalawang araw pa lang namin ngayon?”
Tumingin ang dalawa sa akin.
“Totoo iyun. Kahapon lang niya ako sinagot,” paliwanag ko.
Gulat na tumingin sa akin si Jonathan. “Ako ang sumagot sa iyo?”
Hindi ko maibalik ang sinasabi ni Jonathan. Sino nga ba ang nanligaw sa aming dalawa? Pag-aawayan ba namin ito?
“Anyway, kulang ang two years para sa akin,” paliwanag ni Jonathan na hindi na ako hinintay magpaliwanag. “Alam niyo iyung teenager pa tayo? Iyung parte na gumagawa tayo ng plano sa buhay, na pagdating natin ng 23 ay dapat kasal na tayo sa ating minamahal?”
Tumikhim lang ako. “Si Sharina lang siguro ang gumagawa ng bagay na iyun.”
“Ako, meron,” sabi ni Joseph. “Pero, i-kwento mo, Jonathan.” Mukhang ayaw ni Joseph pag-usapan ang sa kaniya.
“Sa panliligaw, pinaglaanan ko iyun ng isang taon,” patuloy na kwento ni Jonathan. “Pagkatapos ng isang taon na iyun, kasal. Pero alam naman natin na palaging hindi nasusunod ang mga planong ganoon. Bata pa lang tayo kaya hindi natin naisip paano gawin ang mga bagay na iyun. Maraming aspeto pa sa buhay ang dapat natin pag-isipan. Kaya para sa akin, kulang ang dalawang taon. Mas gusto ko na paglaanan ko ang bagay na ito ng mas mahabang panahon. Hindi lang kasal ang nasa isip ko. Pati iyung option ng divorce sa bansa kung saan kayo magpapakasal.” Tumingin sa akin si Jonathan. “Ayokong isipin na option ng papakasalan ko ang divorce, kahit kailan.” Ibinalik niya ang tingin kay Chris at Joseph. “Breakup, hindi mabigat na salita iyun. Divorce, iyun, sobrang bigat. Alam niyo iyung mag-asawang si Song Hye Kyo at Song Joong-Ki? 2 years silang kasal, nag-divorce. Jennifer Anniston at Brad Pitt, 5 years silang kasal, nag-divorce. Anong ginawa nila sa 5 years na iyun para mapunta sa ganoong sitwasyon? Alam kong may mga problema sila noon, pero sinubukan ba talaga nilang i-solve ang mga problema na iyun? Divorce ba talaga ang option nila para ma-solve iyun lahat? Gumising ba sila isang araw at nasabi nila sa sarili nila na hindi na nila mahal ang pinakasalan nila? Ayokong marinig ang mga dahilang ganoon sa papakasalan ko. Gusto ko, kung may problema kami, kami ang magso-solve nun. Dahil mahal namin ang isa't isa.”
“I-I agree,” komento ko.
“Ako din,” komento ni Chris. “Alam ko kapag pinakasalan ko itong si Joseph, may mga panibago akong mga problema na haharapin.”
Masama na tiningnan siya ni Joseph.
“Kaya hindi ako makakasabay sa kasalan na mangyayari,” patuloy ni Jonathan. “Sasalain ko itong si Jin hanggang sa maging sigurado ako na siya na talaga.”
Gusto ko sana i-kwento ang tungkol kay Dexter, na isang taon lang sila ni Natasha ay gusto na niya itong pakasalan. Pero naisip ko na hindi magandang kwento iyun dahil biglang nagtatago ngayon si Natasha.
Habang hinahatid ko si Jonathan pauwi ay tinatago niya ang kaniyang mukha mula sa akin.
“Anong problema mo?” tanong ko.
“Tinamaan ako ng hiya,” sagot niya habang tinatago ang dalawang mata. “Kung may tenga ka, sigurado ako na narinig mo iyung mga sinabi ko. At ako na walang hiya, para bang wala ka doon habang sinasabi ko ang mga bagay na iyun.”
“Wala namang masama sa mga sinabi mo,” ngiti ko. “Kung tutuusin nga, parehas tayo ng gusto. Ayoko din ng divorce. Sa tingin ko kasi, bumaba ang kalidad ng marriage dahil sa divorce. Magsa-site pa sana ako ng mga examples kaya lang, sa Pilipinas, ang daming toxic na relationship. Yes, may kilala akong mag-asawa na 30 years na sila. Kaya lang, alam mo iyun, mga 10 years din na binubugbog siya ng asawa niya.”
Ibinaba na rin ni Jonathan ang kamay niya. “Alam mo, I hate the fact na nasa pangalawang araw pa lang tayo. May mga salita akong gustong sabihin na hindi pa dapat sa second day sinasabi.”
“Gaya ng ‘mahal kita’?”
Natigil si Jonathan at tinitigan lang ako. “Buti na lang at hindi ako baliw na baliw sa iyo. Baka maniwala ako sa sinasabi mo.”
Gusto kong seryosohin ko ang sinasabi ko. Pero alam ko na hindi pa ito ang tamang panahon. Hindi naman sa may masama akong balak kaya nasabi ko iyun. Sasabihin ko din iyun sa kaniya balang araw.
Alexander's POV
Unang araw ng pagdukot nang gabing iyun...
“Nestor, anong kalokohan iyun?” galit na bulong ni Larson. “Bakit may dalawang bangkay sa bahay na iyun?! Wala iyun sa plano!”
“Relax, Larson. Nagtapon lang ako ng basura na mga pinahirapan niya,” tugon ng boses sa kabilang linya.
“Pinahirapan niya?! Mga ka-kompetisyon mo iyun! Hindi naman kasama ang mga taong iyun sa plano.”
“Pero ngayon, kasama na sila. Hindi ako seseryosohin ng mga tao dahil may ibang tao na kayang gawin ang trabaho ko. At para mas interesante, saan namin itatapon ang mga bangkay na iyun?”
“Mayabang,” sabi ni Larson na hindi gaanong maririnig kung hindi ako nakikinig ng mabuti. “Siguraduhin mo lang na makakatulong ang mga bangkay na iyun sa gusto ‘niya’.”
“Maniwala ka. Makakatulong talaga. Kaya Larson, huwag ka ng maawa sa kanila. Masasamang tao sila katulad ko,” proud na sabi niya.
“Alam ko. Pero may ‘buhay’ pa rin sila, Nestor,” saka ibinaba ni Larson ang tawag.
Sinong ‘niya’ ang tinutukoy ng mga taong ito?
Pinakinggan ko naman ang susunod niyang tawag.
“Geoffrey, kasama daw sa plano niya ang mga bangkay,” report ni Larson sa kaibigan. Magkasabwat silang tatlo?
Saglit na hindi sumagot si Geoffrey. “Okay. Isa na namang hindi inaasahang plano. Great!” sarkastikong tugon niya.
“Anong gagawin natin ngayon?” nag-aalalang tanong ni Larson. “Susunod pa ba tayo sa kaniya? Geoffrey, delikadong tao na para sa akin si Nestor. Masyado na tayong nagagamit para sa kanyang mga pansariling interes. Kapag kumanta siya, mayayari tayong dalawa.”
“Alam ko. Pero sinabi ‘niya’ na huwag natin siya galawin.”
“Ay nako! Siguraduhin ‘niya’ lang na may gagawin siya sa taong iyan. Dahil, para sa akin, hindi dapat mabuhay si Nestor. Dahil sa kaniya, nagiging mas delikado ang buhay natin. At, gusto ko ng lumagay sa tahimik pagkatapos nito. Geoffrey, ilang buwan na lang mula ngayon, magiging Tatay na ako.”
Natahimik saglit si Geoffrey. Sa sobrang tahimik, hindi ko maririnig ang paghinga ni Geoffrey. Dahil ako din ay napigil ang hininga sa narinig.
“Congratulations?” hindi siguradong sabi ko sa aking sarili, at ganoon na rin si Geoffrey.
“Salamat,” tugon ni Larson.
“Pero paano?” tanong ni Geoffrey. “Nag-adopt ba kayo ni Kurt?”
“It's complicated,” sagot ni Larson.
“Nakabuntis ka?!” gulat na tanong ni Geoffrey.
“No, hindi. Hindi ganoon.”
“Nag-donate ka ba ng semilya at inilagay sa tiyan ng isang babae?” hula pa niya.
“Hindi. Sa totoo lang, wala nga akong ginawa.”
Nagtaka naman ako sa sagot ni Larson, at pati na rin ata si Geoffrey.
“Wala kang ginawa?” naguguluhan na tanong ni Geoffrey.
“Well, paano ko ba sasabihin.” Humugot muna si Larson ng malalim na hininga. “Napaka-komplikado kasi. Actually, sa kapatid ko ang bata. At dahil hindi pa maayos ang kalagayan niya ngayon, at sa opinyon ko na wala siya sa tamang panahon para mag-alaga ng bata. Pansamantala, ako ang mag-aalaga ng anak niya.”
“I see,” singit ni Geoffrey.
“At dahil magiging Tatay ako, gusto na lumagay sa tahimik. Gusto ko na ito ang huling trabaho na gagawin ko. Iyun iyung pangako ko sa aking pamangkin matapos ko siyang mahawakan sa unang pagkakataon.”
“Larson, pwede ka naman umatras na. Ako na ang bahala. Tutal, sa simula pa lang, ako ang humingi ng tulong sa iyo. Maiintindihan naman kita kung hindi ka na tutuloy. Mag-iisip ako ng paraan para-”
“Mukha ba akong masamang kaibigan sa iyo?” singit ni Larson. “Geoffrey, we are in this together. Magkasama natin sinimulan ito, magkasama din natin itong tatapusin. Walang iwanan, okay.”
“Okay. Gagawin nating apat ito ng magkasama. Ako, ikaw, si-”
Bigla akong may narinig na nakakabinging tunog mula sa ear piece ko. Kaagad kong inalis ang mga ito sa tenga ko. Shit! Mukhang alam na ni Larson na may bug ang phone niya. Hindi maganda ito. Nasa juicy part na ako ng sikreto nila tapos saka naman naputol. Sino kaya ang dalawa pa nilang kasabwat?
Zafe's POV
Pangalawang araw ng pagdukot...
Nakapagtataka na hindi pa ako minamaltrato ng ‘mga’ taong ito. Siguro ay para sa kanila, ang kalagayan ko ngayon ang pinakamalalang pagmamaltrato sa akin.
Habang nakahiga, kumakalam na ang aking sikmura. Mukhang hindi nila ako pakakainin katulad ng ginawa nila kahapon.
Nang pumasok ang tao na dumukot sa akin, naramdaman kong ginalaw ulit niya ang aking hinihigaan at ngayo'y bumalik ako sa pusisyon na parang nakatayo. Inaasahan ko na momolestyahin na naman ako ng taong ito.
Tinanggal ng taong ito ang busal sa aking bibig. Pero pagkatanggal niya ay pinalitan niya ito ng isang daliri. Hindi naman niya ipinasok sa bibig ko ang daliri. Pero nadadampian ng ilong ang labi ko ng kaniyang daliri. Kahit walang sinasabi ang taong ito ay tumango lang ako. Hindi ako gumawa ng ingay. Ano ba ang magagawa ng pag-iingay ko? Sa mga pelikulang napanood ko, palagi nilang dinadala ang mga biktima sa lugar na kung saan walang makakarinig sa taong dinukot kahit pa magsisisigaw ang taong ito. Kaya bakit pa ako magsisisigaw? Mas gusto kong magtanong na lang sa kanila kung ano ang kailangan niya.
Anyway, nang nag-comply ako, naramdaman kong may kung anong likido ang ibinuhos sa katawan ko. Sinubukan kong amuyin ang likido kung may kakaiba ba rito. Pero wala akong naamoy na kung ano. Isa lang itong malamig na tubig. Dahan-dahan na ibinuhos niya ito sa aking dibdib.
Simula nang isinilang si Felric, at nagkatrabaho sa kompanya namin, madalang na lang akong pumunta sa gym. Kung pagbabasehan ko ang mga gabing nagse-sex kami ni Colette, gusto niya pa rin itong kagatin. Hindi ko lang maisip kung bakit naisip ko ang bagay na iyun. May significance ba ang ginagamit na tubig sa akin? Kasi parang ginagamit ito sa mga modelo na nagpapasarap.
Habang nararamdaman ko na pababa ang tubig sa katawan ko, naramdaman kung may bagay na dumampi sa aking labi. No choice ako kung hindi ibuka ang bibig ko.
Wala namang masamang nangyari sa akin. Ipinainom lang sa akin ng taong ito ang isang malamig na tubig. Ngayong araw lang nila ako pina-inom simula nang dinukot ako. At napakasarap ng tubig sa aking pakiramdam dahil napawi ang aking uhaw. Pero ang uhaw ng taong gumagawa sa akin nito ay kakaiba.
May bahid pa rin ng kasamaan ang aking iniisip habang pinapainom ako ng tubig. Baka balak ng taong ito na lunurin ako sa pag-inom lang ng malamig na tubig. Pero biglang tumigil ang pagbuhos ng tubig sa aking bibig at napunta ang mga ito sa aking dibdib. Habang tumutulo ang tubig, bigla ko na lang naramdaman ang labi ng taong ito sa aking tiyan. Huling tingin ko sa salamin, may abs pa ako roon. Pagkatapos ay dinilaan niya ang aking katawan paitaas hanggang sa napunta ito sa utong ko.
“Ahh!”
Sa ginawa niya, napa-ungol ako at tumigas ang kargada ko. Pumasok naman sa isip ko na baka may taong kumukuha ng video sa pangyayaring ito. Baka pakakawalan ako ng mga taong ito at gagamitin sa blackmailing ang mga nangyayari dito. Pero kahit ganoon, kung gusto nila ng show, bibigyan ko sila.
Nang nawala na ang labi sa isang utong ko, naramdaman ko naman na may ipinahid sa katawan ko. Palagay ko'y twalya. At ang tarantadong ito, dinadaanan lang ang aking ari na nakatayo. Gusto kong magpumiglas. Pero para saan pa?
Mukhang tuyong-tuyo na ang aking katawan sa pagpupunas pa lang niya. Nang natapos na ang pagpunas niya, inaasahan ko na magpapatuloy ang ginagawa niyang paggamit sa katawan ko. Bahagya na naman gumalaw ang aking higaan. Ngayon naman, nasa pagitan ako ng posisyong nakatayo at nakahiga. Parang katulad sa mga pasyente ng isang dentista.
Bigla naman may naamoy akong parang mainit sa ilong ko. Alam kong kanin iyun pero hindi ako sigurado. Ang hirap talaga na hindi ko nakikita ang mga nangyayari.
Bigla itong nawala sa ilong ko at narinig ko ang pag-ihip ng taong ito, marahil sa mainit na kanin. Nang nasiguro na niya ata na kaya ko, isinubo niya ito sa aking bibig. May nalasahan naman ako na masebong bagay sa kanin. Baka sabaw ng ulam? At mukhang lasang, chicken curry?
Hindi na ako nagreklamo sa ginagawa ng taong ito. Kung ito ang reward sa pagsunod ko, kukunin ko ito. Papatayin din niya kaya ako sa ganitong paraan? Iyung punuin ang tiyan ko hanggang sa hindi ko na kaya?
Pero syempre, iyung masamang iniisip ko ay hindi nangyari. Kaya lang, iyung sabaw ng chicken curry, ibinuhos sa katawan ko. Medyo nakakapaso pero kaya kong tiisin. Ang hindi ko lang matiis ay ang pagdila na naman niya nito mula sa aking katawan. Nakakaramdam na ako ng sama ng loob sa ginagawa ng taong ito. Masarap lang ba ako kapag may ulam at tubig na kasama?
“Ahh! Shit!” ungol ko.
Muling tumigas na naman ang aking kargada. Pero binalewala pa rin ng taong ito ang nakatayo kong sandata. Papatayin ako ng taong ito sa pamamagitan ng hindi pagpaparaos sa aking nararamdaman.
May ibinalik naman na kung ano sa aking bibig. Kung dati ay busal ito, ngayon ay medyo mabilog ito at parang pumasok ito sa bibig ko. May nakapulupot naman na kung ano sa mukha ko.
Naramdaman ko naman ang haplos ng kamay ng taong ito at ang paghalik pa niya sa dibdib ko. Pagkatapos ay binasa na naman niya ako ng tubig, pero para linisin ang katawan ko at hindi para palibugin.
Isaac's POV
Pangatlong araw ng pagdukot, papunta sa pang-apat na araw...
Hindi ko alam kung ano ang nangyari, pero hindi nagkikibuan si Andrew at si Knoll. Habang bumibyahe kasi kami ay hindi nagsasalita ang dalawa tungkol sa mga bagay under the sun. Hindi lang iyun. Sa kotse ni Knoll, kung dati ay si Andrew ang nasa harapan, ako na ang nasa pwesto niya ngayon. Si Andrew o si Knoll, kasi ay ang unang magbo-broach ng topic at iyung iba ay makikisakay lang, kung makakasakay. Kaya ngayon, tahimik ang lahat.
“Guys,” pagtawag ni Caleb sa mga atensyon namin na nasa likod. “A-Alam niyo ba na absent si Zafe ngayon? Hindi siya makaka-attend sa session natin ngayon.”
“Pwede pala um-absent?” tanong ni Andrew.
“Technically, pwede naman,” sagot ni Knoll habang nagda-drive. “Kaya lang, hindi maganda iyun para sa vlog. Unless may emergency siya. Nagkasakit, ganoon.”
Inilapat ni Andrew ang kamay niya sa ulo. “Hmm, feeling ko ay masama ang pakiramdam ko ngayon. Um-absent kaya ako ngayon?”
“Kanino mo nalaman na a-absent si Zafe ngayon?” tanong ko para maiba ko ang usapan.
“Umm, sa kaniya,” mabagal at parang hindi siguradong sagot ni Caleb.
“Sayo?” nagtatakang sabi ni Andrew. “May pribado ba kayong koneksyon sa isa't isa na hindi namin alan? Alam mo namang may group chat tayo.”
“Bakit? Kailangan ba lahat, alam natin? Pwede naman ipaalam sa isang tao lang hindi ba?” kontra ni Knoll.
Biglang tumaas ang tensyon sa loob ng kotse. Kita ko sa itaas na salamin ng kotse ang inis sa mukha ni Andrew. Pero tumingin na lang siya sa labas ng sasakyan. Tumahimik na lang kami hanggang sa nakarating na kami sa building ni Kurt.
Nang dumating na kami, kinausap ako ni Andrew na makipagpalit ng pwesto. Katabi kasi niya si Knoll. At ang katabi ko na ngayon ay si Knoll at Caleb.
Nagsimula na ang taping namin, nagpakilala at...
“Unfortunately, hindi natin makakasama ngayon si Zafe dahil...”
“May sakit siya,” sabay na singit ni pekeng Aulric at Caleb sa sinasabi ni Kurt.
Tumingin lang si Kurt sa dalawa. “Wow. Akala ko si (pekeng) Aulric lang ang magpapaliwanag. Pati pala si Caleb,” natatawang sabi ni Kurt.
“Well,” panimula ni Caleb habang nakatingin sa magkatabing Jin at pekeng Aulric. “baka kasi mag-selos si Jin kapag si (pekeng) Aulric ang magre-report sa pagiging absent ni Zafe ngayon,” biro pa niya. Hindi magandang biro iyun.
“Ay! Ano ka ba Caleb?” natatawang tugon ni pekeng Aulric. “Hindi ko-” Natigil siya bigla nang tumingin kay Kurt. “trip si Zafe.” Tumingin siya kay Jin. “At hindi naman seloso si Jin. Hindi ba?”
“Y-Yes, hindi ako seloso,” tugon ni Jin. Medyo namula pa ang mukha niya.
Para namang may kinukuha si Kurt sa ilalim ng mesa niya. “Anyway, may pinadala sa atin ang YouTube at kanina lang namin natanggap at...”
Pinakita sa amin ni Kurt ang Silver Creator Award na galing sa YouTube. Nagpalakpakan naman ang lahat at nagbatian. Sa saglit na segundo na iyun, masaya ang lahat. Pero...
Nagsimula na ang palabas namin. Sa totoo lang, sa larong ito, walang sinusunod na script. Si Kurt lang ang taga-kwento at kami ang mga manlalaro na gusto lang iligtas ang mundo. At ang lahat ng ginagawa namin, ang dice ang nagdedesisyon. Parang buhay.
Long story short, sumasama na ang takbo ng laro. Sabi pa naman ni Kurt, kapag namatay kaming lahat ay game over na. Ewan ko lang kung mangyayari iyun, pero hindi ko pa iniisip ang bagay na iyun. Hindi nagko-cooperate si Andrew at Knoll. Si Caleb naman ay mababa ang bilang ng dice na lumalabas. Mabuti na lang at naililigtas pa namin ni Jin at (pekeng) Aulric, pati na rin si Zafe in spirit, ang tatlo.
Nag-break na kaming lahat. Kasama si Caleb ay sabay kaming nag-CR.
Humugot ng malalim na hininga si Caleb. “Ano ba namang laro iyun? Napakababa palagi ang number na binibigay ng dice.” Binuksan nya ang gripo para maghugas ng kamay.
“Lahat ata ng kamalasan, nasa iyo na,” biro ko saka binuksan ang gripo sa tapat ko para maghugas din.
Napansin ko na naman ang malalim na paghinga niya. May problema ba siya?
“Isaac, can you keep a secret?” biglang naitanong niya at nakatingin siya sa akin sa repleksyon ng salamin. Seryoso pa ang mukha niya habang nakatingin.
Bigla akong kinilabutan sa narinig. “Dude, alam mo ba na may napanood akong horror movie kasama si Sharina? At iyan ang isa sa mga nakakatakot na catchphrase.”
Lumunok muna siya bago magsalita. “Naalala mo iyung isang kwento ko noon sa picnic natin habang inaalala ang buhay ni Aulric?”
“Naalala ko nga na umiyak ka pa,” biro ko.
Sinamaan ako ng tingin ni Caleb sa salamin. “Si Nestor, taga-URS, madayang maglaro.”
Sumama bigla ang timpla ko kapag naririnig ang pangalan niya. “Alam mo kapag naaalala ko ang team ng taong iyun, gusto ko siyang suntukin. Alam ko na nakita ko siya sa party ng kamag-anak ko, pero hindi ko na lang pinansin dahil baka hindi ako makapagpigil. Naikwento pa naman sa akin ni Zafe na lagi niyang kalaban ang taong iyun sa basketball court malapit sa tinitirhan ni Aulric. Para sa possession ng court. As if pag-aari niya ang court.”
“NapunosiyaatkinidnapniyasiZafe. Atkapagsinabikosaibangtaoaypapatayinniyaito,” mabilis na sabi niya. Nakuha ko ang sinabi niya kahit mabilis dahil pinapasok ko lang ang mga mahahalagang detalye.
Nagulat ako sa sinabi niya. “Ano?! Paano nangyari iyun?!”
“Fake news!” sigaw ng boses ni pekeng Aulric.
Biglang namutla si Caleb at tumingin sa mga cubicles na nasa likuran namin. Lumabas si pekeng Aulric mula sa pinakadulo at pumunta sa sink na nasa tapat lang din ng cubicle na ginamit niya.
“F-Fake news? A-As in hindi iyun totoo?” tanong ni Caleb.
Tumango si pekeng Aulric habang binabasa ang kaniyang kamay. “Alam niyo naman ang nangyari noong isang araw. Nakakasama kaya sa katawan ang sama ng loob.”
“Make sense,” komento ko. “Kahit naman siguro ako.” Nalulungkot ako para kay Zafe.
“Kaya bigyan niyo siya ng time na i-sort out ang lahat.” Kumuha si pekeng Aulric ng panyo sa bulsa niya at pinunasan ang kaniyang kamay saka humarap sa amin. “At please, Caleb. Huwag kang magkalat ng mga fake news tungkol kay Zafe. Alam mo naman iyang Nestor na iyan. Loko-loko.” Mukhang kahit si pekeng Aulric ay kilala din si Nestor.
“Ohh!” Nakahinga ng maluwag si Caleb. “Wow! I feel bad for myself. Siguro dahil hindi ko pa naranasan na mamatayan ng mahal sa buhay. Then out of nowhere, pagbibintangan ka pa na ikaw ang pumatay.”
Matapos umiling ay nauna nang lumabas si Caleb. Susunod na sana ako nang tinawag ako ni pekeng Aulric.
“Isaac, bakit, parang hindi ata magkasundo si Andrew at Knoll?” Lumapit si pekeng Aulric sa kintatayuan ko. Bakit siya concerned?
“Baka may away ang dalawa,” hula ko. “Saan nanggagaling ang pagiging concern mo sa mga kaibigan ko? Hindi ka naman namin ganoon ka-kaibigan.” Iyung parang kailangan pakisamahan dahil magkaklase kayo.
Umiling siya. “Wala. Naiingit lang.”
Nauna nang lumabas si pekeng Aulric. Habang ako naman ay naiwan at nag-iisip kung bakit naiinggit siya.
Bigla ko naman naisip kung sino ba talaga siya. Obviously, hindi naman iyan ang totoo niyang pangalan. Gusto ko tuloy malaman ang backstory niya. Sino ba talaga siya? Ano ba ang nakaraan niya?
Tuwing naglalakad ako sa mga pasilyo ng kompanya nila Jin, hindi ko maiwasan na makita si pekeng Aulric. Palaging kasama si Jin kapag may meeting sa mga investors, kinakausap si Isabela, at kung minsan naman ay inuutusan si Randolf. Iyun lang iyung mga nakikita kong pattern sa araw-araw na buhay ni pekeng Aulric. May buhay kaya siya beyond sa tatlong iyun sa at sa pamilya niya?
Matapos ang shooting ay pumunta kami sa aming tambayan. Sinabi ko iyung mga naiisip ko sa kanila.
“Last time I checked, namatay na lahat ng mga kaibigan niya,” komento ni Caleb matapos uminom ng softdrinks.
“Paano mo alam iyun?” nagtataka kong tanong.
Inikutan kami ni Caleb ng paningin. “Nasa drama club siya ng URS, ngayon ko lang naalala.” Bigla naman siyang nahirapan magsalita. “At, well, nakikibalita ako sa mga naka-compete namin doon. Patay na iyung mga taga-URS na miyembro ng club na iyun.”
“Hoy Caleb, wala pang Nobyembre,” saway ni Andrew na katabi ko. Bigla ata siyang kinilabutan.
“Totoo ito,” giit pa niya. “Oo, nakakakilabot pakinggan. Pero totoo iyung mga sinasabi ko. Si Jonathan, totoong pangalan ni pekeng Aulric, ang natitira sa drama club ng URS, noong year niya.”
“Ay, salamat naman!” sabi ni Knoll na nakahinga ng maluwag pero inirapan si Caleb na nasa tabi niya. “Akala ko ay habang buhay ko siyang tatawagin na pekeng Aulric. May nakakaalam naman pala ng tunay niyang pangalan.”
“Ano naman ang pinagkaiba?” kontra ni Andrew. “(Pekeng) Aulric na ang pangalan niya ngayon. Pangalan dapat ni Aulric kung buhay pa siya ngayon. Kaya okay lang na pekeng Aulric ang itawag natin sa kaniya.” Umm, misyon ba ni Andrew na salungatin ang mga sinasabi ni Knoll?
“I kind of agree,” dagdag ni Caleb. “Hindi naman tayo close sa kaniya kaya, pekeng Aulric it is then.”
“Basta huwag niyong iparinig sa kaniya na siya ang peke,” sabi ko. “Alam naman niya iyun.”
Tumingin sa relo si Knoll. “By the way guys, I'm tired. May trabaho pa ako mamaya,” sabi niya sabay tayo.
“Pagod o natalo sa argumento?” ismid ni Andrew na mukhang may pinariringgan.
Gusto kong sikuhin si Andrew dahil baka mag-away na naman ang dalawa. Pero hindi naman ata narinig ni Knoll ang sinabi niya. Hinabol ko naman si Knoll para kausapin. Naabutan ko siya bago pa siya pumasok sa sasakyan.
“By the way, pupunta pala ako sa opisina mo bukas,” sabi ko sa kaniya.
Kumunot ang noo ni Knoll nang binuksan na niya ang pintuan ng driver. “Huh? May tatanggalin ba kayo sa mga tauhan ko?”
Nagtaka ako kung bakit wala siyang ideya. “Hindi mo ba alam?” tanong ko.
Nagkibit-balikat lang siya.
“Sabi daw ni Dexter, namamatayan daw tayo ng mga driver sa iba't ibang branch ng kompanya. Kailangan daw namin malaman kung konektado ba ito sa isang bagay or coincidence lang iyung mga nangyari.”
Hindi makapaniwala si Knoll. “Talaga? As in, may namatay na driver sa ibang branch?” Huminga muna siya ng malalim. “I'm sure that it's just a coincidence. May maitutulong ba ako sa iyo?”
“Siguro, huwag ipaalam sa iba?”
“Hoy! Tara na!” sigaw ni Andrew sa loob ng kotse.
Sumama na naman ang timpla ng mukha ni Knoll. Pumasok na lang kaming dalawa at nahahalata ko na medyo malakas ang pagkakasara ni Knoll sa pintuan niya. Kung napansin ng iba, hindi na sila nagkomento. Kahit ako.
Colette's POV
Pang-apat na araw ng pagdukot...
Wala na akong ginawa nitong mga nakaraang araw kung hindi maghintay. Pinilit ko ang sarili ko na gawin ang mga trabaho sa business ko pero hindi maalis sa isip ko ang asawa ko. Hanggang kailan ko maiaalis sa isip ng anak ko ang nawawala niyang Papa? Hanggang kailan ako makakapaghintay at maghintay?
Tumunog ang phone sa kwarto namin ni Zafe at walang pag-aalangan na sinagot ito.
“Hello?”
“Colette, hello. Good news.” Pagkarinig pa lang sa sinabi ni Isabela, nakahinga ako ng maluwag.
“That's good, that's good,” excited na tugon ko saka tumayo para tumingin sa bintana ng kwarto ni Zafe.
“Maibabalik na namin si Zafe sa mga susunod na araw. Ilang tulog na lang at makikita mo na siya,” paliwanag niya. Hindi sinabi ni Isabela kung kailan pero natutuwa ako na mababawi namin ang asawa ko.
“So alam niyo kung sino ang gumawa nito. Sinong hampas-lupa ang gumawa nito sa kaniya?” pagalit kong tanong.
“Colette, just calm down,” mahinahon niyang sabi pero hindi umubra iyun sa akin.
Naikuyom ko lang ang aking mga kamao at pumikit. “I will kill them. Ipapatay ko ang mga tampalasan na iyan kung may ginawa silang masama sa kaniya.” Na-i-imagine ko si Zafe at isang madilim na lugar at pinapahirapan. Sumasakit ang puso ko sa tuwing naiisip iyun.
“Of course Colette, we will,” pag-a-assure niya. “But first, kailangan natin masiguro na ayos lang siya. Don't worry. I will handle things personally.”
“Siguraduhin mo lang na buhay pa sila kapag nahuli mo! Para kung sakali, sa kamay ko sila mamamatay.” Nanggagalaiti talaga ako sa taong nag-isip na kidnapin ang asawa ko.
“Mama?”
Napatingin lang ako sa pintuan at nakita si Felric na nakatayo. Sa sandaling oras na iyun, nag-alala ako kung nakita ba niya at narinig ang mga sinabi ko habang nag-uusap kami ni Isabela. Kaya pinakawalan ko ang galit ko.
“Okay, now, kailangan mo talagang kumalma. I just heard Felric,” pagpapa-alala ni Isabela. “I can't assure you that you will get your revenge. But I promise you na kung mangyari ang masamang iniisip mo, we will do this together, okay?”
Hindi man lang nagpaalam si Isabela sa akin nang ibinaba na niya ang telepono. Kaagad ko naman nilagay ang phone sa kama at niyakap ang anak ko at kinarga. Nitong mga nakaraang araw, malungkot si Felric.
“Was that daddy?” inosenteng tanong ng anak ko.
“Yes,” pagsisinungaling ko habang inaalo siya dahil parang iiyak na naman siya dahil hindi niya nakita si Zafe.
“Kailan siya babalik? I miss him now. I miss Papa, I miss my friends, and I miss my favorite teacher.”
Ang naiintindihan ni Felric, dahil wala ngayon si Zafe ay kailangan namin bumalik dito sa Rizal. Hindi ko maipaliwanag sa kaniya ang tunay na dahilan na nawawala ang Papa niya. Lalo na't ang kondisyon ay wala dapat makaalam nito sa labas.
“Very soon, baby. Very soon,” sagot ko habang dahan-dahan akong umikot habang karga-karga siya. “Konting tiis na lang. Pagbalik ng Papa mo, babalik din tayo sa Maynila. Makikita mo ulit ang mga friends at teachers mo.”
“But why we can't stay there? Do we really need to stay here when he is away?” tanong ni Felric sa balikat ko. “How about your business?” Mukhang medyo aware na ang anak ko dahil tinatanong niya ang bagay na iyun.
“Shh, Felric,” bulong ko. “Just be quiet and listen to me. Huwag mong alalahanin ang mga bagay na iyun. Enjoy this early vacation, baby.”
Zafe's POV
Pang-apat na araw ng pagdukot...
Napaka-alaga ng mga dumukot sa akin. Bukod sa nililinis nila ang katawan ko, inaalagaan din nila ang aking buong katawan. Nakapagtataka ang pag-aalaga nilang ganito dahil bakit pa nila ako dinukot kung ganito lang ang gagawin nila sa akin? Bakit hindi na lang kami maging magkaibigan?
Sa kasalukuyan, may sumisipsip sa utong ko. May parang nilagay itong likido sa dibdib ko at kinalat-kalat. Noong una, dila ang naramdaman kong dumadampi sa bibig ko. Nang naamoy ko ang honey, magkahalong takot at excitement ang nararamdaman ko. Takot dahil honey ang nilagay sa katawan ko. Mamamatay ba ako sa kagat ng mga langgam o bubuyog? O mabubuhay ako sa sarap habang sinasamba ng taong ito ang aking katawan?
Habang nakahiga ay naramdaman kong nakaupo siya malapit sa aking kargada. Kung sinasadya ba niyang tamaan ng kaniyang pwet ay siguradong sadya nga ito. Gising na gising ang aking kargada sa kaniyang ginagawa. Mas nagising pa ito nang pinahintulutan pa ako nito na tikman ang honey na nilagay niya sa katawan ko.
Naramdaman kong hinawakan ng taong ito ang kargada ko at parang pinalo-palo pa niya sa kaniyang puwitan. Pagkatapos ay dahan-dahan nitong ipinasok sa loob niya. Medyo masikip. Bigla kong naaalala si Aulric. Iyung unang beses kaming nagtalik. Saan ba iyun? Sa Boracay? Excited ako noon na kainin siya kaya nasaktan ko siya ng bahagya. Hindi ko pa alam kung paano ko gagawin ang bagay na iyun. Pero tiniis niya iyun para sa akin.
Nilagay ng taong ito ang dalawa niyang kamay sa mga utong ko at pinisil-pisil iyun habang nagtataas-baba. Gusto ko din gumalaw pa-itaas para maramdaman niya ang galit na kargada ko. Pero...
“Aulric,” ungol ko.
“Pak!”
Nagulat ako nang dumampi ang palad ng kung sinong taong ito sa pisngi ko. Mukhang hindi niya nagugustuhan ang ginawa ko.
“Mas masasarapan ka kapag iniisip ko iyung taong iyun,” ngisi ko. “Palaging galit ang titi ko sa kaniya kapag nagse-sex kami.”
Kung magagantihan ko ang mga taong ito sa ginawa nila sa akin, hindi ko alam. Pero bakit hindi ko sila gantihan ng kahit kaunti? Hindi ko talaga alam kung ano ang kailangan nila. Kailangan bang maging compliant ako palagi? Bakit hindi ko subukan maging defiant?
Muling nagulat ako sa ginawa ng taong ito. Hinawakan naman niya ngayon ang leeg ko ng mahigpit. Kasabay nito ay gumalaw siya sa aking kargada. Hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari dahil wala ng hangin na pumasok sa utak ko. Nawalan ako ng malay sa kalagitnaan ng pang-aabuso na ginawa nila sa akin.
Madilim ba sa langit? Hindi ko alam pero alam kong wala pa ako sa langit. Nakatali pa rin kasi ako sa hinihigaan ko.
“Pak! Pak! Pak!” palakpak ng kung sino.
“Gising na Zafe! Umaga na! Ito na iyung pang-lima mong araw dito!”
Pang-limang araw ng pagdukot...
Ano ba ang tamang salita para masabing nagulat ako at hindi? Pagkarinig pa lang ng boses ni Nestor, natawa lang ako.
“Nestor, magandang umaga sa iyo!” sarkastikong bati ko.
“Magandang umaga din sa iyo, Zafe!” bati niya. Parang may ginalaw siyang bagay at pumirmi sa gilid ko.
“Sabi ko na nga ba at mapupuno ka din. Hinihintay ko nga kung kailan mo ito gagawin. Sa pamilya ko, sa anak ko. Hindi ko akalain na dideretso ka sa akin.” Sinubukan ko ulit ang mga tali kung makakawala ako sa sitwasyon ko. Pero mukhang hindi ako makawala. Nakakainis. Kahit masapak ko lang siya, okay na ako.
“Huh? Iyun ba ang tingin mo sa akin? Zafe, ikaw lang naman ang may kasalanan sa akin. Baka kapag iyung anak mo at ang asawa mo ang dukutin ko, gagawin mo ang lahat para maipakulong ako, o baka ipapatay mo ako sa mga pulis.”
Kinuyom ko ang aking kamao at buong lakas kong sinubukan kong makawala. “Iyun talaga ang gagawin ko! Kaya mabuti pa na huwag mo akong pakawalan!” Pero napahiga lang ako ulit.
Hindi nagsalita si Nestor. Alam kong nandyan pa siya. Hindi ko alam ang ginagawa niya dahil hindi ko siya makita.
“Gusto mong makasama ng maaga si Aulric. Kaya pala game na game ka sa mga pinaggagagawa sa iyo,” sabi ni Nestor.
Natigil ako sa sinabi niya.
Bigla naman siyang natawa. “Oh! Tama ako! Gusto mo ng mamatay!” Pumalakpak pa siya sa tuwa. “Zafe, Zafe, Zafe, dapat matagal mo ng sinabi iyan sa akin. Dahil ako talaga mismo ang papatay sa iyo.”
Humugot ako ng malalim na hininga. Malapit na ang oras ko. Papatayin na niya ako.
“Pero malas mo lang. Hindi mo oras ngayon.” Parang na-disappoint pa siya sa sinasabi niya.
“Talaga? Hindi mo ba ito pag-iisipan ng mabuti? Kung hindi mo ako papatayin ngayon, ikaw naman ang malalagot!”
“Aulric,” rinig kong ungol ko, pero hindi sa akin mismo. May video nga siya sa mga pinaggagagawa niya sa akin.
“Mas masasarapan ka kapag iniisip ko iyung taong iyun. Palaging galit ang titi ko sa kaniya kapag nagse-sex kami,” sabi ko pa sa video.
“Ugh! Nandidiri talaga ako habang pinapanood ko ito.” Bakas sa boses ni Nestor ang pandidiri.
Nandidiri daw siya. Pero naririnig ko na patuloy pa rin siyang nanonood. Rinig-rinig ko pa rin kasi ang tunog ng pagbangga ng aming mga balat sa isa't isa. Ito ata iyung parte na sinasakal ako. Hindi ko alam kung anong anggulo ang tinitignan niya.
“Masarap ba talaga ang ginagawa niya?” natatawang tanong ni Nestor. “Biruin mo, sinasakal ka niya habang gumagalaw siya. Tapos sabay pa kayong nagtamuran.” Good. Nakaraos ako pero hindi naman ako gising habang nangyayari iyun.
“Aulric,” rinig ko ulit na ungol ko sa video. “Mas masasarapan ka kapag iniisip ko iyung taong iyun. Palaging galit ang titi ko sa kaniya kapag nagse-sex kami.”
“Pustahan tayo. Kahit ipakita ko ang apat na tape ng sex video mo sa lahat, bale wala iyun sa iyo,” wika ni Nestor. “Alam naman ng lahat iyun. Tinira mo si Aulric kaya hindi malayong titira ka ng ibang lalaki. Kahit makita pa ito ni Colette, maiintindihan ka niya. Dinukot kasi kita at ‘pinapahirapan’.”
Pinaulit-ulit niyang pakinggan ang sinabi ko tungkol kay Aulric.
“Pero ano kaya ang masasabi ni Colette na hindi ka ganoon ka-intense sa kama kapag hindi mo tinatawag ang pangalan ni Aulric?”
Nanigas ako sa sinasabi niya. “Huwag,” kinakabahang sabi ko.
“Hindi ko ito inaasahan,” nang-aasar na sabi niya. “Bakit huwag? Hindi mo naman ganoon ka-mahal si Colette? Ipakita na lang natin sa kaniya ang video na ito.”
Sinubukan ko ulit na makawala sa pagkakatali pero gaya ng dati ay hindi ko magawa. “Please, huwag!” sigaw ko. “Nakikiusap ako Nestor. Hindi kita babalikan kung hindi mo iyan ipapakita kay Colette!”
“Ano iyung e-mail address ng asawa mo? Gusto kong malaman. Ay, oo nga pala! Sa business e-mail na lang siguro ng asawa mo.”
Sinubukan ko ulit kumawala. “Putang ina, Nestor! Sabing huwag!”
“Zafe, huwag mo na akong pigilan. Mas maganda na malaman ito ng asawa mo.”
“Kaya ayokong malaman niya ang bagay na iyan dahil ayoko malayo sa anak ko!” Nagsimulang tumulo ang luha sa mga mata ko at gumaralgal ang boses ko. “Hindi ko nga ganoon ka-mahal si Colette. Pero ayoko na maging miserable ang buhay niya. Ayokong tumingin siya sa mga mata ko araw-araw at naaalala ang mga bagay na iyan. Ayokong maisip niya na maghiwalay na lang kami. Naisip mo ba kung anong mangyayari kapag naghiwalay kami? Sa kaniya mapupunta ang anak ko. Wala akong laban dahil hindi ako ang ina. Kaya, please! Nestor, susunod ako sa gusto mo. Huwag mo lang ipakita kay Colette iyan, please! Gagawin ko ang lahat. Huwag mo lang ipakita iyan kay Colette.”
Habang umiiyak ako, humahagikhik naman siya ng tawa. Nakahanap si Nestor ng bagay na kokontrol sa akin. Hindi ito maganda.
“Kahit iyung ‘basketball court’?” tanong ni Nestor.
“Oo, Nestor. Basta, huwag,” mangiyak-ngiyak na pagmamakaawa ko.
Pinag-isipan pa niya ang sinabi ko. “Kahit huwag na. Tsaka may ibang basketball court naman akong sinisigaan. Hindi lang naman iyun ang nag-iisang basketball court na gusto ko.”
Sa wakas, pinatay na rin ni Nestor ang video na naka-loop sa kung saang device siya nanonood. Mukhang tumayo na siya sa kaniyang kinauupuan dahil nararamdaman kong naglalakad siya palapit sa akin.
“So, malinaw ba tayo, Zafe? Papakawalan kita at hindi mo ako isusumbong. Dahil kung hindi...”
Muling pinarinig sa akin ni Nestor ang mga sinabi ko sa sex video ko.
“Nagkakaintindihan ba tayo?” tanong niya.
Tumango lang ako sa hiya. Matapos tumango ay ginulo niya ang buhok ko.
“Good boy.”
Matapos niya akong batiin na parang aso, may naramdaman akong tumusok sa bisig ko.
“Hindi ko talaga naisip na mapapasunod natin siya na parang aso,” sabi ni Nestor sa kung sinong kausap niya.
Narinig kong may sumagot sa sinabi niya. Pero hindi ko ito marinig ng mabuti dahil parang lumulubog ang mundo ko sa tubig.
Narinig ko siyang tumawa. Kahit ang tawa din ni Nestor ay hindi malinaw. “Oka- ... hindi siya- ... mo siya.”
Hanggang sa wala na akong marinig at tuluyan na akong lumubog.
ITUTULOY...