Followers

Monday, August 31, 2015

Just Because... I Do


Just Because... (I Do)
James Silver
Fiction

Tik! Tak! Tik! Tak! Rinig na rinig ko ang tunog ng orasan sa sobrang katahimikan. Hindi na kasi ako makatulog nang magising ako mula sa isang masamang panaginip. Palagi na lang ganito ang nangyayari kaya madalas akong puyat. Hindi ko alam kung bakit pabalik-balik ang panaginip na iyon. Naguguluhan ang isip ko sa tuwing mangyayari ito. Maya maya pa ay narinig ko na ang tilaok ng mga manok sa labas. Kailangan ko nang tumayo at maghanda sa pagpasok ko sa bago kong trabaho.

Paglabas ko ay nakita ko na naman yung isang lalake na madalas na nakatambay sa harap ng bahay namin. Hindi ko alam kung bakit sya palaging nakatingin sa akin. Hindi naman sya mukhang magnanakaw. Maayos naman sya magdamit at mukhang may pinag-aralan. Natatakot lang ako dahil hindi ko sya kilala. Tok! Tok! Tok! Nang katukin nya ang gate namin. Lumingon ako at tiningnan ko sya ng masama. Bigla naman syang naglakad papalayo. Isa pa yang pagkatok nya sa gate namin. Lagi nya yang ginagawa sa tuwing lalabas ako. Gusto ko na nga sya ipabarangay eh, pero wala naman syang ginagawang masama sa akin. Ganun lang sya.

"Magandang umaga sir Ian!" bati sa akin ng isang Janitress na kahit hindi ko kilala ay palagi akong binabati. Ngingitian ko na lang sya at binabati din ng "good morning".

"Sir kailangan daw po ng quotation ng supervisor ng G.A. para daw maaprove yung request nila. Pakifax na lang daw before 10 a.m." sabi ni Mariz na kasamahan ko rin sa trabaho.

Kahit na medyo pagod na ako sa trabaho ay pinilit kong tapusin lahat ng ipinapagawa sa akin. Baguhan lang ako kaya hindi ako dapat magpakita ng katamaran. Wala pa talaga akong ka-close sa kanila kahit isa dahil hindi naman ako ganoong ka-friendly. Si Mariz lang ang madalas ko makausap dahil magkatabi kami ng pwesto. Pareho lang kami ng posisyon sa kompanya pero sir ang tawag nya sa akin dahil siguro mas matanda ako sa kanya.

Uwian na. Nakakaramdam na naman ako ng pagkahilo. Marahil siguro sa pagod at maghapong nakaharap sa computer. Nagtaxi na lang ako para mapabilis ang byahe ko. Sandali lang ang naging byahe kaya mabilis akong nakarating sa bahay. Pagkababa ko naman ng taxi ay nandun na naman yung lalake. Tok! Tok! Tok! Pagkatok nya na naman sa gate nang makita nya ako. Sabay agad syang umalis. Dahil sa madalas nya namang gawin ay hindi ko na sya pinansin pa. Basta wag lang syang gagawa ng masama sa akin at sa mga magulang ko. Dahil siguradong sa kulungan ang bagsak nya.

Pagkapasok ko ng bahay ay dumiretso ako sa kwarto ko para makaidlip kahit sandali bago ako kumain. Talagang nahihilo na naman ako eh. Maya maya pa ay kumatok na ang mommy ko para yayain akong kumain.

"Anak kain na!" sabi ni mommy.

"Opo! Nandyan na po!"

Pagpunta ko sa dining area ay nandun na si mommy, daddy at si ate. Mukhang masarap ang ulam kaya parang ginanahan akong kumain.

"Halika na bunso kain na!" sabi ni daddy.

Yan ang isang bagay na gustong gusto ko pag nasa bahay ako. Kahit na 25 years old na ako ay ako pa rin ang baby sa loob ng bahay na 'to.

Nang makaupo na ako ay agad na tumayo si ate para ikuha ako ng pinggan at ipaghanda ng pagkain. Minsan medyo OA sila sa pag-aasikaso sakin pero ok lang dahil medyo may pagkaisip bata talaga ako. Madalas din ako maglambing sa mommy at daddy ko. Kung minsan pa nga ay tumatabi pa rin ako sa pagtulog sa kanila. Si ate naman ay hindi nakakalimot na bumili ng pasalubong sa tuwing uuwi sya sa bahay. Flight stewardess kasi sya kaya hindi sya madalas na nandito.

"Bunso binilhan kita ng sapatos!" sabi ni ate.

Hindi pa man ako nakakapag-umpisa kumain ay agad kong hinanap ang sapatos na binili nya at sinukat iyon.

"Wow! Ate ang ganda. May imported na naman akong sapatos hahaha." tuwang tuwa ako sa magandang sapatos na binili nya. Sabay lumapit ako sa kanya at niyakap ko sya.

"Haynaku, damulag ka na. Tsk! Ambilis mo kasi lumaki eh dapat kasi nagslow-down ka naman kahit konte. Tignan mo oh, mas malaki ka pa kesa kay ate." sambit ni ate habang ginugulo ang buhok ko. 

"Sinong damulag?" sabay gulo ko rin ng buhok nya. Sabay bigla nya akong binatukan.

"Itigil nyo na nga yang harutan nyo at nasa harap tayo ng pagkain." si mommy.

Umupo na ako at kumain na kaming lahat. Pagkatapos naming kumain ay nagkwentuhan muna kami bago namin iniligpit ang hapag kainan. 

"Rizza may balak ka bang magboyfriend aba! Tumatanda ka na wala ka pa ring asawa ah!" Tanong ni daddy.

"Eh kasi naman daddy madami akong manliligaw dati eh. Pero tinakot nyo lahat kaya ayan wala na tuloy may lakas ng loob." sagot ni ate.

"Dati pa 'yon ah, nung hindi ka pa tapos ng college. Pero ngayon iba na, dapat magboyfriend ka na para makapag-asawa ka. Bahala ka ikaw rin tatanda kang dalaga." si daddy.

"Basta bahala na. Nandito naman ang crush ko eh. Si bunso." Sabi ni ate.

"Maghanap ka na ng boyfriend para hindi ako ang palaging pinagtitripan mo." ako.

"Magkaka-boyfriend din ako noh. Wala ba kayong tiwala sa ganda ko?" Pagmamayabang nya.

Mahaba pa ang naging kwentuhan namin at nang matapos kami ay agad kaming nagsiakyat sa kanya kanya naming kwarto. Pagpasok ko sa kwarto ko ay tumambay muna ako banda sa may bintana. Malamig ang simoy ng hangin. Ber months na naman kasi. Gustong gusto ko ang ganitong pakiramdam. Nakakaginhawa sa pakiramdam ang hanging amihan. Pagkatapos ko magmunimuni ay agad kong pinatay ang ilaw at humiga sa kama. Ipinikit ko na ang aking mga mata.

Nakakasilaw na liwanag. Papalapit ng papalapit. Nakakabulag na liwanag. At matinding ingay na nakakabingi.

Muli akong nagising sa parehong panaginip na laging dumadaan sa aking pagtulog. Pero hindi katulad ng dati ay tanghali ako nagising ngayon. Pagkatingin ko ng orasan ay bigla akong napabalikwas nang makita kong alas syete pasado na. "shit!" sabi ko. Halos magkandarapa ako sa pagbaba ko ng hagdan habang sumisigaw.

"MA! MA! Tulungan mo ako, malelate na ako!" pagtawag ko kay mommy.

At agad na naglabasan sa kwarto si mommy at si ate. Pumasok si mommy sa kwarto ko at kinuha ang mga susuotin ko para plantsahin. Si ate naman ay nagmamadaling maipaghanda ako ng pagkain. Ganon sila pag nagsisisigaw na ako dahil alam nilang pag nalate ako sa trabaho ay hindi na ako tutuloy sa pagpasok. Ewan ko ba, ayaw na ayaw kong nalelate. Para kasing nakakaramdam ako ng matinding kahihiyan pag nahuhuli ako sa kahit anong lakad ko. Para rin akong nakakaramdam ng bigat sa dibdib ko. Pumasok na ako sa banyo para maligo. At paglabas ko ay agad akong kumain at nag-tooth brush.  Nagbihis at para akong tipaklong na patalon talon habang inaayos ko ang necktie ko. Pagkatapos ko ay mabilis akong tumakbo palabas ng gate.

"WOOoh shit!" nabigla ako nang makita ko yung lalake na palaging nasa tapat ng gate namin. Pinilit ko syang iwasan pero huli na at nagkabanggaan na nga kami. Napaupo ako sa lupa at ganon din sya. Naramdaman kong napaupo ako sa malambot na ewan.

"Ay! Tae!" inis kong sinabi. Nakakahiya. Tinitigan ko ng masama yung lalake. 

"Bakit ba kasi lagi kang nandyan, bwiset naman eh." gusto ko syang murahin ng murahin sa sobrang inis ko.

"Sorry!" sabi nya na may baritonong boses.

Ngayon ko lang napansin ng husto ang itsura nya. Matangos ang ilong. Malamlam ang mata. Ang kilay nya na para bang inahit dahil maayos at hindi masyadong nakakalat, hindi katulad ng sa akin na may kakapalan. Manipis ang labi nya na may kapulahan. Gwapo. Moreno. Nakaramdam ako ng kaba habang kinikilatis kong mabuti ang mukha nya.

Tumayo ako at agad na bumalik sa bahay. Pagpasok ko ng gate ay narinig ko na naman yung pagkatok nya. Inis na inis na ako kaya naligo ulit ako pero hindi na ako pumasok. Nagtext na lang ako kay Mariz na hindi ako makakapasok dahil may sakit ako. Mago-overtime na lang ako sa Lunes.

Nagmukmok na lang ako sa kwarto ko. Ganito talaga ako pag naiinis ako. Wala namang nangistorbo sa akin. Tiningnan ko ang cellphone ko at nakita ko ang reply ni Mariz na nagsasabing "Ok po sir!" Nakakainis din yung babae na 'yon. Tsk! Nararamdaman ko kasi ang edad ko pag tinatawag nya akong sir.

Nakahiga lang ako sa kama. Naiisip ko yung mukha nung lalake. Bigla na namang pumintig ang puso ko. Madalas itong nangyayari sa tuwing makikita ko sya. Pero iba ngayon dahil naiimagine ko na ng malinaw ang mukha nya. Ano ba 'to. Pero nakakainis talaga sya. Makakahabol pa sana ako sa opisina kung hindi sya pahara-hara sa daan. Bwiset sya madapa sana sya.

Hindi ko napansin ang oras. Hapon na pala, nakaidlip ako. Lumabas ako ng kwarto at pagbaba ko ay nakita ako ni mommy na nakasimangot.

"Oh! Bakit nakabusangot ka dyan?" tanong nya.

"Nakakainis kasi eh hindi ako nakapasok dahil dun sa lalakeng laging nandyan sa tapat." inis kong sagot kay mommy.

"Ah, yun ba? Hayaan mo na, wala naman syang ginagawang masama diba. Baka naman gusto nya makipagkaibigan sayo, hindi mo lang pinapansin." 

"Ewan ko sa kanya. Eh kung gusto nya makipagkaibigan sa akin dapat ina-approach nya ako diba? Eh hindi naman eh. Ang wirdo nun noh? Hindi kaya member yun ng akyat bahay?" sabi ko kay mommy.

 "Hindi naman siguro. Eh kung akyat bahay sya dapat matagal nya na tayong ninakawan diba? At tsaka wag ka ngang nanghuhusga ng tao. Hindi natin alam, baka mamaya may napakahalagang papel pala sila sa buhay natin sa hinaharap tapos pinag-isipan mo ng masama." 

"Ah, ewan. Basta naiinis ako." sabay busangot ko ulit.

"Hmm! Bunso naman eh. Napakasungit mo, kumain ka na nga." biglang sabat ni ate.

Habang kumakain ako ay naiisip ko parin 'yong mukha nung lalakeng 'yon. Hindi ko sya maialis sa utak ko simula nung mapagmasdan kong ,mabuti 'yong mukha nya. Lintek! Nahipnotismo yata ako nun ah, hindi kaya budol-budol 'yon?

Pagkatapos kong kumain ay pumunta ako ng sala. Nakita ko si ate na nanonood ng tv. Kinuha ko ang remote sa kanya dahil manonood ako ng anime. Pagkakuha ko ay pinalo nya ako ng throw pillow.

"Tsk! Ano ba yan bunso bulbulin ka na nanonood ka pa rin nyan?" sabay palo ulit ng unan.

'Wakapaks!" sabi ko sa kanya. Sabay bigla syang lumapit sa akin at hinatak ang tenga ko. Pagkatapos 'non ay umakyat na sya sa kwarto nya.

Alas kwatro na dapat pinapalabas na 'yon eh. Nadismaya ako sa panonood dahil hindi ko nakita 'yong paborito kong anime "bwiset".

Kagaya ng paulit ulit na nangyayari ay nagigising ako sa parehong panaginip. Dahil sa matagal na ring pabalik balik kaya nasanay na rin ako. Mabuti nga at parang alarm sya ng katawan ko na gumugising sa akin. Mantika kasi ako matulog eh, hindi ako kayang gisingin kahit sampung alarm pa itapat mo sa tenga ko.

Walang pasok kaya kahit gising na ako ay nanatili lang ako sa higaan. Naiisip ko na naman yung lalake. Hindi katulad kahapon na naiinis ako. Ngayon ay hindi, nararamdaman ko na naman ang pagbilis ng kabog ng dibdib ko. Pero alam kong walang kasamang takot ang kabang nararamdaman ko. Ang totoo, parang natutuwa ako sa nararamdaman ko. 

Lumabas ako ng gate. Umaasa akong makikita ko 'yong lalake. Para kasing napakasarap tingnan ng mukha nya. Pero titingnan ko lang sya sandali tapos papasok na ako agad. Kunyari naiinis akong makita sya. Kaso paglabas ko wala sya. "sayang" sabi ko sa sarili ko. Naghintay pa ako ng kaunti baka nalate lang sya, sabado kasi kaya baka wala rin syang pasok at tinanghali ng gising. Inilinga-linga ko ang paningin ko. Tumingin pa ako doon sa likod ng puno na nasa harap ng bahay namin baka nagtatago lang sya. Pero wala talaga sya.

"Hmp! Bwiset!" sabi ko.

Lumipas ang ilang linggo at hindi pa rin nagpakita yung lecheng lalake na 'yon na nanggulo ng isip ko. Sa mga nakalipas na linggo kasi ay hindi ko na mialis sa isipan ko ang mukha nya. Sana hindi ko na lang sya tinitigan ng husto nung araw na 'yon para hindi ko sya hinahanap. Pakiramdam ko ay in-love ako sa kanya. Alam ko naman kasi sa sarili kong posibleng mangyari sa akin 'yon dahil hindi lang naman sa babae ako nagkakagusto eh. Nakakainis lang kung kelan kasi gusto ko na sya makita eh, dun naman sya nawala.

Isang araw habang papalabas ako ng gate para pumasok na sa trabaho ay narinig ko yung Tok! Tok! Tok! Sa gate namin. Natuwa ako dahil nandyan sya. Putek! Lumakas ng husto 'yong kabong ng dibdib ko. At anlaki laki ng ngiti ko. Bubuksan ko na ang gate para lumabas. Inayos ko ang sarili ko at medyo sumimangot ng kaunti, para naman hindi masyadong halata na excited ako. Paglabas ko ng gate ay wala na naman akong naabutan. Nadismaya talaga ako. At para akong lantang talong na pumasok sa trabaho.

"Ano bang problema mo?" sabi ko sa isip ko. Dahil wala akong ganang kumain. Wala na ako palagi sa mood. Pati si mommy ay napapansin na ang kakaibang ikinikilos ko. Palagi na akong nasa gate namin dahil may hinihintay ako. 

"Bwiset! Bwiset!" gigil na gigil kong sigaw sa utak ko nang bigla kong marinig ang Tok! Tok! Tok! napashet ako. Wala na akong panahon para mag-inarte pa kaya mabilis kong binuksan ang gate para maabutan ko yung gumawa noon. Paglabas ko ay nakita ko yung lalake na tumatakbo papalayo. Hinabol ko sya pero mabilis talaga sya. Pero kahit na hindi ko sya naabutan ay medyo nakaramdam ako ng tuwa dahil lumingon pa sya hanggang sa makalayo. Bumalik ako ng bahay na may ngiti sa mukha. 

Naging madalas na naman ang pagkatok nya sa gate namin. Hindi katulad ng dati na naaabutan ko sya sa labas, ngayon ay parang wala na syang balak na magpang-abot kami dahil tumatakbo syang matulin pagkatapos nya kumatok. "Siraulo!" lagi ko na lang nasasabi sa utak ko sabay ngiti. 

Paglabas ko ng gate, ay nakakita ako ng isang rose sa lupa. Pinulot ko iyon at may nakasabit na note dito. "Hi! I'm Raven Hortizuella" yun lang ang nakalagay. Inilabas ko ang ballpen ko at nagsulat din ako dun sa note. "Ian Paolo Sison (smiley)" ang isinulat ko. Inilapag ko ulit ang rose sa lupa at tsaka ako tuluyang pumasok sa trabaho. 

Nagpunta kami ni mommy sa mall, dahil bibili daw sya ng panghanda sa birthday ko. Nakakainis hindi man lang kasi ako sinurprise. Pinagod pa akong magbuhat ng mga ihahanda sa sarili kong birthday. Pagbalik namin ng bahay ay nakita ko si Raven na sumisilip doon sa gate. Napangiti ako dahil sa wakas ay wala na syang kawala sa akin. May dala syang isang bungkos ng rose. Malamang hindi nya kami napansin kaya kumatok pa rin sya sa gate. Nang lumingon sya ay nabigla sya dahil nasa likuran nya na kami. Napangiti naman si mommy at ngumiti rin si Raven. Nagtaka ako sa kanilang dalawa. Kinuha na ni mommy ang mga pinamili namin at sya na lang ang nagpasok sa loob ng bahay.

"Oh! Pano maiwan ko na kayo ah." habang nakangiting pumasok sa loob si mommy.

"Hoy! Bakit lagi kang kumakatok sa gate namin ah?" tanong ko kay Raven.

"Huh! Ah, eh. Wala lang hehehe." nahihiya nyang sagot.

Napakunot ang noo ko sa walang kakwentakwenta nyang sagot. Ibinigay nya sa akin 'yong isang bungkos ng rose. Hindi ko na tinanong kung para saan 'yon dahil baka bawiin nya pa. Sobra kaya ang kilig ko, baka maunsyame pa.

"Lakas rin ng trip mo eh noh." Nagsusungit na ako dahil naalala kong napraning ako sa kanya dahil matagal ko syang hindi nakita.

"Ako nga pala si Raven, pasensya ka na ah. Wag ka sana magagalit sakin"

"Ian ang pangalan ko."  

"Alam ko. Sige mauuna na ako. Sorry ulit dun sa nangyari dati ah." sabay katok ng tatlong beses sa gate namin.

"Bakit mo ba palaging ginagawa yan? Ang ingay kaya." tanong na may pagsusungit.

"Basta. Sige ingat ka palage" biglang nalungkot ang mukha nya habang papaalis.

Pumasok na ako sa loob ng bahay at dumiretso ako sa kwarto. Inilapag ko ang mga rosas sa maliit na lamesa sa kwarto ko. Bigla akong tumalon sa kama ko at ipinulupot ko sa akin ang kumot ko. Kinikilig ako na ewan. Sobrang saya ko dahil nakausap ko na sya ng matino sa wakas. Sa kakaikot ko sa kama hindi ko napansin na nasa pinakagilid na pala ako. 

"Aray ko puta!" Nang malag-lag ako sa kama.

Kinabukasan bago ako pumasok ulit ay narinig ko na naman yung katok ni Raven. Parang musika na sa tenga ko sa tuwing maririnig ko iyon. Hindi lang iyon ang ikinatutuwa ko. Ang tindi kasi ng effort na inilalaan nya para gawin iyon araw araw. Mukhang may matinding dedikasyon si gago. Eh kung may gusto sya sa akin, dapat kasi sabihin nya na. Hindi ko naman sya pahihirapan eh. Paglabas ko sa gate ay nadoon pa rin sya. Salamat naman at hindi sya tumakbo ngayon.

"Hi! Goodmorning!" bati nya.

"Good Morning din." medyo seryoso ang mukha ko.

"Ah papasok ka na ba? Gusto mo ihatid kita? Dala ko yung sasakyan ko ngayon eh." alok nya.

"Wag na. Magko-commute na lang ako." pagtanggi ko.

"Please! Para alam kong safe ka sa pagpasok mo."

"Hala ka! Hala ka!" Nagiinit ang mukha ko sa sinabi nya. "Shit! Baka nagba-blush ako. Lalakeng lalake pa man din ang dating ko tapos bigla akong magba-blush, damn. Ang ganda namang birthday gift neto."

Binuksan nya na ang pintuan ng kulay grey nyang sasakyan. Kinikilig ako sa ginagawa nya. Para lang akong may cerebral palsy sa imahinasyon ko sa sobrang kilig. Pagkasakay ko ay tahimik lang syang nagumpisang magmaneho. Ako man ay hindi rin makapagsalita. Wala kaming napag-usapan hanggang sa dumating na ako sa trabaho ko. Pagka baba ko ay agad akong nagpasalamat at umalis na sya.

Buong araw lang akong nakangiti sa trabaho. Napapansin nga iyon ng mga katrabaho kong nag-uumpisa ko nang maging ka-close. Nagtatanong sila pero wala naman akong maisagot. Masaya lang ako, ang palagi kong sinasabi sa kanila.

Paguwi ko ng bahay, akala ko ay maaabutan ko sya pero wala sya. Sabi ko sarili ko ay "ok lang, napakilig nya naman ako ng buong araw eh". Papasok na sana ako ng gate ng biglang 

"Hi Ian!" si Raven.

Napangiti ako kaagad dahil ansarap pakinggan ng napakalambing nyang boses.

"Hello Raven kumusta?" habang nakangiti ako.

Biglang bumukas ang gate at lumabas si mommy.

"Pasok muna kayo dito sa bahay. Bakit ba dyan kayo nag-uusap. Anak pakainin mo ng handa mo si... ah yang kasama mo." si mommy.

Napangiti ako kay mommy at niyaya ko na nga si Raven na pumasok na sa bahay. Pagpasok namin ay agad na naghanda si mommy ng makakain at maiinom. Panay ang ngiti ni mommy at ni daddy sa akin habang nag-uusap kami ni Raven. Ipinagtataka ko iyon sa kanila dahil kahit minsan ay hindi ko pa nabanggit sa kanila ang tungkol sa sexual preference ko. Pero ok na rin at least mukhang hindi ko na kailangang magtago pa sa kanila.

"Happy birthday." sabi ni Raven.

"Salamat."

Maga-alas syete na rin ng gabi umuwi si Raven. Inaaya ko nga sya na dito na lang kumain kaso tumaggi sya. Sa susunod na lang daw. Inihatid ko sya sa labas at bago sya maglakad papalayo ay kumatok muna sya sa gate kahit na nakikita ko. Ngayon ay nakikita ko ng personal ang ginagawa nyang pagkatok sa gate. Tok! Tok! Tok! Ngumiti sya sakin at tsaka tuluyang umalis.

Halos isang buwan din ang lumipas at patuloy sa pagdalaw sa akin si Raven. Nakakatuwa nga kasi parang nanliligaw na sya sa akin. Hahaha. At take note formal courting kasi sa loob ng bahay namin. Wala naman akong nakitang masamang reaksyon sa mga kasama ko sa bahay. Maliban kay ate na nagiinasim dahil sa inggit. 

"Ian, pwede bang maging tayo?" seryoso nyang tanong.

Sa loob ng utak ko ay halos magtatatambling na ako sa sobrang tuwa. "Shit, tama ba ang narinig ko? WWWWWWWWAaaaahh!" 

"huh?" parang gusto ko ipaulit sa kanya ang itinanong nya.

"Sabi ko, kung pwede bang maging tayo." pagulit nya sa tanong.

"Huh? Ah! Eh, Oo" halos mautal utal kong sagot.

Nakita ko ang labis na kaligayahan sa mukha nya. At syempre ramdam na ramdam ko iyon sa loob ko. Sa wakas kami na nga. Tsk! Ambagal dapat kasi matagal na kami kung medyo binilisan nya lang ng konte ang panliligaw. Nahihiya naman kasi ako mag-approach pag dating sa mga ganyang bagay. Niyakap ako ng mahigpit ni Raven. Shit ambango pala nya. 

Nagising na naman ako bigla sa panaginip ko. Medyo matagal ko ring hindi napanaginipan ito. Pero eto at bumabalik na naman. Ang akala ko ay umaga na pero pagkatingin ko sa cellphone ko ay alas dos pa lang ng madaling araw. Muli akong humiga at tsaka natulog.

Tanghali na ako nagising dahil napuyat ako. Kaya heto para na naman akong langaw na mabilis na paikot ikot sa bahay. Pagkatapos ko gawin ang lahat ay agad akong tumakbo sa gate. Paglabas ko ay akala ko nandun si Raven pero wala. Hindi ko na sya msyadong inisip dahil malelate na talaga ako. Pagdating ko sa opisina ay nakareceive ako ng text mula kay Raven. 

"Tart, sorry tinanghali ako ng gising kaya hindi na ako nakadaan dyan. Malelate na rin kasi ako sa trabaho eh."

"Ok lang tart, dito nako office."

Kinailangan kong mag-overtime sa trabaho. Itinext nga ako ulit ni Raven na nandoon daw sya sa bahay, pero pinauwi ko na lang sya dahil sabi ko gagabihin ako. Agad naman syang nagreply na ok lang daw.

Grabe sobrang sakit ng ulo ko. At nararamdaman ko na naman ang matinding hilo. Kaya ipinasya kong umuwi na at bukas na tapusin lahat ng trabaho ko. Dahil hindi ko na talaga kaya. Paglabas ko ay halos patay na lahat ng ilaw sa building. Yung elevator naman, nasa pinakataas pang floor kaya naghagdan na lang ako. Lalo akong nahihilo sa pagbaba ko sa hagdan. hanggang sa wakas ay nakalabas na ako ng building. Ah, shit hindi ko talaga siguro kayang magpagod ng husto, tsk! Nasa kalsada na ako at nag-aabang ng masasakyan. Ng biglang.

"Hold-up 'to. Ilabas mo ang wallet mo."

"Kuya please, wag po." hinang hina kong sagot nang bigla na lang naramdaman ko ang malakas na palo ng isang matigas na bagay sa ulo ko. Nawalan ako ng malay.

Pagkagising ko ay nasa ospital na ako. Wala nang masamang panaginip. Ayos na ang lahat. Nakita ko sila mommy na alalang alala sa akin. Panay naman ang tapik ni daddy sa balikat ni Raven. Nginitian ko silang lahat. At sinabing "Ok nako, nagbalik na ako". Sabay biglang iyak nila mommy.

"Sigurado ka? Wala bang masakit sayo?" Tanong ni Raven sa akin sabay abot ng kamay ko para haplusin. Nginitian ko sya ng pagkatamis tamis at tsaka ako tumango.

"Ok na Ok na ako tart. Ok na Ok." sabay bigla na lang tumulo ang masagana kong luha. Salamat at hindi sya napagod sa paghihintay. Salamat at hindi sya sumuko. Totoo ngang naaalala ng puso ang hindi kayang tandaan ng utak. Ang sarili kong emosyon ang tumulong sa akin para maiparamdam ko ang nakalimutang sabihin ng mga labi ko. Kinalas ko ang kamay ko mula sa pagkakahawak nya. At hinagilap ko ang lamesa sa gilid ko. At ginawa ko ang isang bagay na matagal ko nang inimbento para sa aming dalawa. At alam kong matagal nya nang gustong marinig mula sa akin. Kumatok ako ng tatlong beses sa ibabaw ng lamesa habang nakatingin sa mukha nya. Bigla na lang nakita ko ang pangangatal ng bibig nya at kasabay noon ay ang pag-agos ng luha sa mapupungay nyang mga mata.

"Hindi ako napagod antayin ka tart. I Love You Too." sabi nya. At niyakap nya ako ng mahigpit.

Wakas. . . .

(Iniisip ko kung ipa-publish ko ba 'yung YNL., Ano kaya????)



Love, Stranger (Chapter 10)

AUTHOR'S NOTE:
MAY MGA TYPO'S AND PROBABLY GRAMMAR ERROR ITO. 'DI KO PA NA-EEDIT DAHIL MEDYO BUSY PO AKO. SA BOOK VERSION (SOON IN BUQO), NANDOON PO ANG EDITED VERSION AND BETTER VERSION. (May mga bonus clip and scenes din po akong balak idagdag doon so kung gusto niyo pong mabasa, I suggest you get a copy po once na available na.)
Again. FRIDAY - SUNDAY po ako nag-uupdate ng story. Once or twice a week.
Batian portion. Next chapter na po. (namiss ko na ito! =D )

CHAPTER GUIDE:

=====================================================


BY: White_Pal

FB: https://www.facebook.com/gabriel.montenegro.35
BLOG: gabbysreroute.wordpress.com



silent sanctuary sayo

I got this player from this site


CHAPTER TEN

Napako ang mata ko sa kanyang mga mata. Hindi ako makakilos, hindi ako makagalaw. Para akong hindi humihinga. Ramdam ko ang bilis ng tibok ng aking puso. Nanginginig din ang aking kalamnan, hindi ito gawa ng basa kong damit, marahil ay gawa ito ng ‘di maipaliwanag na nararamdaman ko sa kanya.
Ilang saglit pa’y yumuko siya. Patuloy pa rin akong nakatitig sa maamo niyang mukha. Hindi ko alam kung gaano ako katagal sa posisyon na iyon, naramdaman ko na lang ang malakas niyang tinapik sa aking sapatos, senyales na tapos na niyang idikit ang nasirang swelas ito gamit ang glue.
“Ingat ah. Baka masira na naman ‘yan.” sabi niya sabay ngiti. Pasimple siyang tumingin sa akin. Umiwas ako ng tingin, naiilang ako na kinikilig.
“Hindi naman kasi masisira iyan kung hindi ka clumsy.” sabi ko sabay tingin sa kisame. Pasimple akong ngumiti.
“Sa susunod kasi ‘wag bumili ng pekeng sapatos.”
Tumingin ako sa kanya, nakita kong nakatingin siya habang nakangiti at labas ang dimples. Shit! Napansin ba niya ang smile ko kanina?
“Peke ka ‘dyan. Sipain kita eh gusto mo?” sabi ko sabay bahagyang usod ng paa ko na nakaharap sa kanyang mukha.
Tinukod niya ang dalawang kamay niya sa puting dingding sa pagitan ng balikat ko. Dahan-dahan niyang linapit ang mukha niya sa akin. Nanlaki ang aking mga mata. Tatlo o dalawang pulgada na lang ata ang layo ng kanyang mukha sa akin. Para akong natameme, hindi ako makagalaw, hindi ako makaimik. According to my standard, hindi naman kasi talaga siya gwapo pero ang lakas ng dating niya sa akin.
“Gawin mo, kung kaya mo.” mahina at malambing niyang sabi sabay kindat at smile. Naramdaman ng mukha ko ang mainit niyang hinga.
Napalunok ako. Bahagya kong tinaas ang aking ulo as a sign of confidence. Ngumisi ako.
“Don’t challenge me Rome. Hindi mo alam ang kaya kong gawin. ‘Wag mo akong sagarin.”
“Talaga? Halikan mo nga ako!” matigas niyang sabi.
Kinikilig man sa narinig ay sinubukan kong ‘wag ipahalata ang nararamdaman ko sa kanya. Dahan-dahan kong linapit ang mukha ko sa kanya, isang pulgada na lang ang layo ng aming mukha. Inangat ko ang kamay ko at hinaplos ng aking palad ang kanyang mukha pababa sa kanyang leeg. Napansin ko ang pagbabago sa kanyang mga mata, mapupungay na ito ngayon at may kung anong emosyon ang hindi ko mabasa. Tinukod ko ang noo ko sa kanyang noo. Muling naramdaman ng mukha ko ang malalim at mainit niyang hinga.
Ilang saglit pa’y pinitik ng isa kong kamay ang kanyang tenga sabay takbo.
“I got you there! Akala mo ha.” sabi ko sabay halakhak.
“Ulul. Sinakyan lang kita. Duwag ka pala eh, hindi mo kaya.”
“Ano? Gusto mo totohanin ko?”
“’Wag na, baka mainlove ka pa sa akin.”
“Ulul. Baka ikaw.”
Tawanan.

***

“Ay thank you Lord! Ang sarap kumain!” masaya kong sabi sabay subo ng huling tempura mula sa aking plato.
“Parang mas na-enjoy mo pa ang kumain kaysa sa mga rides ah. Tingnan mo oh, dami mong inorder na ulam tapos ubos lahat.” natatawa niyang sabi sabay kamot ng ulo.
“Same lang. Masarap kasi talagang kumain.” sabay lagok ng tubig.
Tumingin ako sa kanya, napansin kong inalis niya ang tingin niya sa akin. Inikot ko ang mga mata ko sa loob ng restaurant. Parang isang Japanese house ang restaurant na ito, may mga bintana itong puti na hugis square. May mga artworks o drawings din na nakadikit sa dingding. Ang ceiling ay gawa rin sa kahoy.
Binalik ko ang tingin sa kanya. Nahuli kong nakatingin siya sa akin. Kanina pa siya ah, ano kayang problema nito?
“Topak ka?”
“Ha?” gulat niyang sabi.
“Wala, sabi ko tara na.”
Tumayo kami. Kinuha at sinuot ko ang leather crossbody bag ko. Napansin kong nakabukas pala ang aking bag at nahulog ang isang black sachet mula rito. Nakita kong pinulot ito ni Rome at inabot sa akin.
“Bracelet laman niyan ano?” tanong niya. Nakapa niya siguro. Ito yung emerald bracelet na binili ko sa Asakusa Market, may naka-ukit ditong æ°¸ o ei na ang ibig sabihin ay eternity.
Tumango ako. Nag-umpisa akong maglakad.
“Patingin nga.” sabi niya sabay smile.
“’Wag na.”
“Bakit ayaw mo?”
“I’m giving this to someone special.”
“Ah... Kanino naman?” pansin kong nawala ang ngiti sa kanyang mukha.
“Hindi ko pa alam eh.”
Tumango siya. Nabalot kami ng katahimikan.
“Oo mahal na kita, at gusto kong ibigay ito sa iyo. Pero hindi pa ako sigurado kung kaya ko na ulit. Hindi ko rin sigurado kung matatanggap mo ba ang pagmamahal ng isang kagaya ko.”
Pasimple akong tumingin sa kanya. Nagbitiw ako ng isang buntong hininga.
Tinulak ko ang pinto palabas ng restaurant. Sinalubong kami ng madilim na kapaligiran, tanging ilaw mula sa mga bazaar shops lang ang liwanag sa lugar. Nakita ko sa malayo ang castle, may kapiranggot na ilaw ito.
“What’s happening?”
“Mag-uumpisa na ata ang fireworks... Tara.” sabi niya sabay ngiti. Tinulak niya ako papunta sa kadiliman habang nakahawak ang dalawa niyang kamay sa balikat ko.
Tumigil kami at tumayo sa isang lugar. Wala ako halos makita, tanging nakikita ko lang ay ang castle at mga nagninigning na ilaw na kumikutitap sa paligid ng palasyo. Heto ang pinakahihintay o major attraction ng disneyland. Malamig ang ihip ng hangin na humahaplos sa aking mukha. Napatingin ako kay rome, madilim man ay naaninag kong iba ang pinta ng kanyang mukha na parang may bumabagabag sa kanya.
Hinawakan ko ang kanyang braso. Linapit ko ang aking bibig sa kanyang tenga.
“Alam kong may bumabagabag ngayon sa iyo, pero huwag kang mag-alala. Kasama mo ako. Pangako, hinding-hindi kita iiwan.” Malambing kong bulong sa kanya.
Biglang malakas na tunog galing sa palasyo ang pumalibot sa amin. Nagumpisa na at heto, napakaganda, dati sa youtube ko lang ito napapanuod. Pero mas maganda pala kung actual mo itong nakikita. Lumipad ang mga bituin, sumabog ito sa langit, nagdulot ito ng liwanag sa kalangitan. Nakita ko ang nang maliwanag ang kanyang mukha. Bakas ang saya sa kanyang mga mata habang nakatingin sa maliwanag at masiglang langit.
Tumingala ako. Napakasarap ng pakiramdam ko. Hindi ko maipaliwanag.
“Hay... Sana nakikita to ng kapatid ko. Napakaganda.” Sambit ko.
Naramdaman ko ang dahan-dahang pagtingin niya sa akin. Para akong natutunaw sa kanyang mga titig. Naging irregular ang aking paghinga.
“Ray...” May lambing sa kanyang boses.
“Hmmm?”
“Alam kong masyadong maaga para sabihin ko ito, pero ang totoo’y hindi ko alam kung bakit napakagaan ng loob ko sa iyo... Ray, salamat dahil nandyan ka, nawala ang lahat ng takot at pangamba ko. Salamat dahil pinalitan mo ng magagandang ala-ala ang Disneyland sa akin. Salamat.” napansin kong nabalot ng luha ang kanyang mga mata, dahil dito’y nagulat ako.
‘Di ko napigilang ngumiti. Dahan-dahang umangat ang kanyang braso, naramdaman na lang ng palad ko ang mainit niyang palad. Tiniklop niya ang kanyang daliri.
“Walang anuman.” tugon ko.
Naisip ko, siguro ay ito na ang tamang panahon para magmahal ako ulit ng totoo, at dahil totoo itong pagmamahal ko sa kanya, dapat ay walang takot akong tumalon at sumugal. Dapat ay alisin ko ang lahat ng sakit, takot, at pangamba dito sa aking puso. Dapat ay kalimutan ko na ang aking nakaraan, para makausad na ako sa kasalukuyan at magmahal ng panibagong tao.
Pumikit ako at bumulong sa aking sarili.
“I love you Rome. Hindi ko alam kung ang salitang ito ang muling papatay sa akin, pero handa akong sumugal, handa akong buksan ang aking puso, handa akong mahalin ka ng walang hinihinging kapalit. Hindi na ako dapat matakot, dahil sapat na ang mahal kita para ilaban ko ang pagmamahal na nararamdaman ko sa iyo.”
Unti-unti ay naramdaman ko ang paglambot ng matigas at nakabuka kong kamay. Unti-unti itong tumiklop at buong pusong tinanggap ang kamay na nakaakap sa akin. Naging isa ang aming kamay.

***

RAY:
“Ang lamig grabe” sambit ko sabay cross-arm. Nandito kami ngayon sa labas ng Disneyland, hinihintay ang van na naghatid sa amin papunta rito. Malapit sa dagat ang location ng Disneyland kaya doble ang lamig dito.
Kinuskos ko ang aking kamay, pinainit ko ito at pagkatapos ay dinikit ito sa aking tenga at mukha. Hindi kaya ng jacket na suot ko ang lamig dito.
Ilang segundo ang lumipas ay naramdaman ko ang isang makapal na jacket na bumalot sa aking katawan. Napatingin ako sa taong nagbigay nito sa akin. Natulala ako. ‘Di ako makakilos.
“Salamat.”
“Nanginginig ka na ‘dyan. Para kang naiihi.” Sabi niya sabay cross-arm. Jacket niya pala ang binalot sa akin, inalis niya ito sa kanyang katawan. Napansin kong huminga siya ng malalim, may usok na lumabas sa kanyang bibig.
“Sobra lamig kasi talaga dude.” Sambit ko. “Teka nga, bakit mo binigay sa akin ito? Ang lamig-lamig ah.”
“Kaya ko. Ikaw hindi mo kaya.” sabi niya sabay tingin sa malayo.
“Aba! Tingnan mo nga, wala kang ka-fats-fats sa katawan, baka magyelo ka na sa lamig ‘dyan, sagutin pa kita.”
“Okay lang ako.”
Nasa ganoon kaming pagtatalo nang dumating ang van na hinihintay namin. Binuksan niya ito at pinauna akong pumasok, sumunod siya. Binati kami ng driver, sumagot ako. Nag-umpisa ng umandar ang aming sasakyan.
Tahimik.
Tinted ang van kaya sobrang dilim sa loob. Napahikab ako. Nakakaantok ang atmosphere ng van, dagdag pa na malayo ang byahe pabalik ng hotel. Pasimple akong tumingin sa kanya. Napansin kong nakapikit siya, tulog na siguro dahil sa pagod. Bahagya kong inunat ang jacket na binalot niya sa akin, binahagi ko ang ilang parte ng jacket sa kanyang katawan. Kung linalamig ako ay lalo na siya, sigurado iyon.
Muli ko siyang tinitigan. Dahil sa antok ay ‘di ko napigilang ihilig ang ulo ko sa upuan, dahan-dahan itong bumagsak sa kanyang balikat. Pumikit ako, pinakiramdaman ko siya.
“Ano kayang nasa isip niya kanina habang magkahawak ang aming mga kamay kanina? Ay ewan ko. Basta ang alam ko lang ay kinikilig ako. Hihihi.”
Nasa ganoon akong pag-iisip nang maramdaman kong hinawakan ng kanyang kamay ang aking kamay sa ilalim ng jacket. Ni-lock niya ito. Naramdaman ko rin ang paghilig ng kanyang ulo sa aking ulo. Napangiti ako. Tangina kinikilig ako!

ROME:
“Ano kaya tumatakbo sa utak niyang maligalig habang magkahawak kami ng kamay kanina? Tangina, ano ito!? Kinikilig ba ako sa isang lalaki? Tangina hindi ako bakla pero ibang klase itong si Ray, ibang klase ang dating niya sa akin. Dinaig niya ang mga ex ko, iba siya sa lahat. Hindi ko na talaga maintindihan ang sarili ko.”
Nakapikit ako, pinapakiramdaman ko siya. Nakahilig ang kanyang ulo sa aking balikat habang ang ulo ko ay nakahilig sa kanyang ulo. Marahan kong hinahaplos ang kanyang kamay. Ewan ko ba pero ang sarap sa pakiramdam na ganito ang ayos naming dalawa. Ang bilis ng tibok ng puso ko, parang sasabog na hindi ko maintindihan.

RAY:
Naramdaman ko ang mainit niyang hinga. Nagdulot ito ng kiliti sa akin. Naramdaman ko rin na marahang hinahaplos ng kanyang kamay ang aking kamay. Tulog na siguro si gago at nasa dreamland na. Muli kong naalala ang nangyari kagabi, ang labi niya sa labi ko. Shit!

ROME:
Pumasok ang isang eksena sa aking utak. Sa panaginip ko kagabi ay hinalikan ko ang isang lalaki sa loob ng isang taxi.
“Tangina! Pamilyar ito ah. Parang ganito ang napanaginipan ko kagabi.”
Unti-unting naging malinaw ang imahe ng lalaking ito sa aking isip. Para akong tinamaan ng kidlat.
“Tangina sabi na eh... I kissed him... Pero tangina bakit nagustuhan ko? Tangina Ray nababaliw na ako sa kaiisip sa iyooooo.”
Sa ‘di malamang dahilan ay inakbayan ko siya, parang may kung anong nilalang ang kumontrol sa aking gawin ko iyon. Walang pagtutol sa aking isip. Gusto ko itong gawin. Gustong-gusto. Shit.

RAY:
“Ayokong matapos ito.”

ROME:
“Sana hindi na matapos ito.”

***

Tumunog ang elevator. Bumukas ito. Sabay kaming pumasok. Sumarado ang elevator.
Tahimik. Kanina pa kami nababalot ng katahimikan. Tanging tunog ng elevator belt lang ang aming naririnig.
Pasimple akong tumingin sa kanya. Napansin kong nakatingin siya ngunit inalis niya ito. Hala! Anong nangyayari? Anong mayroon?
Dahan-dahan siyang tumingin, inalis ko ang tingin ko sa kanya. Ano ba ito para kaming tanga.
“Bukas sa Hakone, agahan mo ah. Tsaka sabay tayong magbreakfast.” Pautal-utal na sabi ni Rome. Nakakapanibago, hindi siya ganito.
“Sure. Mag-alarm ako ng 6am. Kita tayo sa baba.” Nahihiya kong sabi. Hindi ko maintindihan bakit ako naiilang sa kanya.
Tumingin ako sa kanya. Nagtama ang aming mga mata, kanina pa pala siya nakatingin sa akin. Namalayan ko na lang na unti-unti kaming lumapit sa isa’t-isa. Napahawak ako sa kanyang braso. Hinawakan niya ako sa aking likuran. Mapungay ang kanyang tingin. Puno ng emosyong hindi ko mabasa. Para akong nalulusaw. Para akong na-hypnotize. Ramdam ko ang napakabilis na tibok ng puso ko. Hindi ako makahinga.

Naramdaman ko ang mainit niyang hininga. Unti-unti siyang pumikit. Pumikit din ako.




ITUTULOY


SPECIAL NOTE: NEXT CHAPTER NA LANG PO YUNG ISANG SCENE NA SINABI KO SA TEASER SA WALL KO. I THINK MAS OKAY NA TAPUSIN ANG CHAPTER NA ITO DITO. :-)



Sunday, August 30, 2015

Loving You... Again Chapter 27 - My Brother Who Crushed Everything




  



Author's note...

Hello ulit guys. Andito na naman ako haha. Unang-una sa lahat po ulit, nagpapasalamat ulit ako sa mga may-ari ng blog, sir Michael at kay sir Ponse sa mga kaibigan kong CO-Author na sila kuya Carlos, kuya Rye, kuya Jace and... kuya Alvin!

For some reasons, sa tingin ko, kailangan kong sabihin ito. Ang storya ko ay hindi nang-aakit na gumawa ng mga bagay na nangyari sa storyang ito. Erghmm, baka kasi mabalitaan ko na lang na bad influence ako. Ayoko naman po ng ganoon. At tsaka gaya po ng last chapter, boring din po masyado ang part na ito. Pwede niyo pong i-skip iyung mga FLASHBACK ni Zafe.


Ang Kuya Kong Crush ng Bayan na akda ni Michael Juha. Isang one-person POV na ang makikita lang ay kay Jason Iglesias. Maganda ang flow ng love story nila Jason at Romwel lalo na iyung mga lihim ni Romwel kasi wala siyang POV. Pero mas natutuwa pa ako sa love story nila Shane at Julius.
 











Chapter 27:
My Brother Who Crushed Everything

















































Zafe's POV



          First year college ako noon. 19 years old lang noong mapasali ako sa basketball team ng college. Ang totoo, mahilig na mahilig akong mag-basketball. 5' 9" lang ang height ko kaya malaking-malaki ang chance ko na mapasali sa team ng school... at hindi lang naman iyun ang dahilan. Magaling din ako.



          Anyway, napagkatuwaan lang naman namin ni Ricky ang sumali sa basketball tryout. At dahil ang kailangan lang naman daw sa team ay isang magaling na basketball player, walang problema sa akin iyun. Ang intensyon ko lang naman kasi ay magpapawis lang naman at mag-enjoy sa tryout kaya go lang ako ng go at hindi ko na ine-expect na mapasali pa sa team lalo na noong makitang maraming magagaling at matatangkad din pa na sumali. Halos lahat kasi ng myembro ng team nasa third year at fourth year at ang pinakamababang height ay 5' 10".



          Ngunit noong matapos na ang tryout, laking gulat ko na ang pangalan ko ang isa sa mga tinawag. Nanlaki ang mga mata ko at di makapaniwala. Pero sa totoo lang, hindi na ako nagulat na mapipili ako. Paano naman kasi. Hinamon pa ako ng kasalukuyang kapitan ng Basketball Club. At ang ginawa namin ni Ricky ay tinalo sila.



          「7 months ago...



          4th quarter na at kalahating minuto na lang ang natitira. Parehas ang score namin na 80-80.



          “Bakit hindi mo ginagalingan?" bulong sa akin ni Ricky nang naipasok ng kalabang kupunan ang bola sa basket.



          “Huwag Ricky. Nakakawala ng gana kapag tinapos ko ito agad. Kahit sa mga practice game pa lang ay kalaban na natin ang mga ulupong na ito, ayoko naman na durugin sila sa harap ng coach nila," tugon ko.



          “Anong ayaw mo silang durugin sa harap ng coach nila? Matagal mo ng ginawa iyun!"



          Nagulat ako. “Huh? Ginawa ko na ba iyun? Kelan pa?"



          “Nung simula pa lang ng klase. Hindi mo ba nakita na pinapanood na tayo ng coach nila? Saan ba kasi nakatingin ang mga mata mo noon?"



          Nasapo ko na lang ang ulo ko! Hindi ko alam na nakita na pala nung coach kung paano ako maglaro. Kaya pala parang galit ang mga mukha ng kalaban ko. Baka iniisip nila na pinagbibigyan ko sila. Oo, pinagbibigyan ko nga sila. Siguro ay oras na para talunin sila.



          Nasa pag-aari na namin ang bola. Ipinasa agad ng isa naming kakampi ang bola sa akin. Habang dini-dribble ang bola papalapit sa kalaban, mabilis na muna akong nag-isip. Dahil sa kalahating minuto na lang ang natitira sa oras, balak kong ubusin ang oras sa pagdi-dribble lang at ipasok ang bola pagdating ng mga huling segundo. Pero mukhang hindi gagana ang stratehiyang iyun. Hindi naman kasi ako ipinanganak kahapon. Siguradong susugod agad sa akin si James.



          Ipinasa ko na agad kay Ricky ang bola. Nagtaka naman si Ricky sa ginawa ko. Dahil doon kaya nawala ang konsentrasyon niya at nanakaw ng kalaban namin ang bola. Mabilis na tumakbo si James papunta sa basket namin at ipinasa sa kaniya ang bola. Hahabol pa sana ako pero medyo mabilis ang mga nangyari at naipasok ni James ang basket.



          Ngayon, ang puntos namin ay 82-80 at may labinlimang segundo na lang ang natitira. Mabilis na hinigpitan ng kalaban namin ang pagbabantay sa basket nila. Hindi gagana ang mag-aala Rukawa ako dahil kailangan ay matalo na namin sila ngayon din. Nakakaramdam na kasi ako ng matinding pagod at hindi na kaya ng katawan ko ang maglaro ng overtime. Kahit mukhang hindi pa ako pagod dahil hindi ako hinihingal, ang totoo ay marunong lang akong itago ito sa iba. Tanging si Ricky lang ang nakakaalam. Hay nako! Lesson learned! Kung ginalingan ko siguro kanina pa ang paglalaro, marahil ay hindi aabot sa ganito. Siguro ay hindi ko na ito gagawin ulit. Ang pagbigyan ang kalaban ko.



          Lumingon naman ako sa mga manonood at hinahanap ang isang tao. Si Aulric. Nang nahanap ko, bigla akong naasar dahil sa nakangisi siya habang nanonood. Mukhang tuwang-tuwa siya na matatalo ako sa pagkakataong ito. Kahit na nakatakip ang kanyang bibig, parang sinasabi nito na buti nga at matatalo ako. Well, for the record ay hindi naman ito ang unang beses na matatalo ako. Pang-ilan na nga ito? Hindi ko na mabilang. Medyo marami-rami na rin iyun. Well kung matalo ako, ehh di talo.



          Tiningnan ko na lang ang mga kakampi ko na pagod na pagod na dahil sa laro. Wala kang makikitang bakas ng emosyon na magiging apektado sila kapag natalo sa tryout na ito. Iyung kapag matalo ay okay lang. Habang ang kabilang kupunan naman ay bakas sa mukha ang pagkatuwa. Para naman kasing nasa isang opisyal kami na laro.



          Ibinigay na sa akin ng isa kong kakampi ang bola. Nagsimula na namang magbilang ang orasan. Dahan-dahan na papalapit ko namang dini-dribble ang bola papunta sa court ng kabilang basket. Kailangan ay matapos na ang larong ito. Hindi ako aayaw kahit patalo na ako.



          Apat na segundo na lang ang natitira. Huminto ako sa bandang kalahati ng court. Iniisip na basta na lang i-shoot ang bola sa ring sa layong iyun. Pero iniisip ko na imposibleng papasok ang bola kapag tumira ako. Para naman kasing posible. Pero hindi bale na nga!



          Inayos ko ang porma ko. Biglang nanlaki ang mga matang nakatingin sa amin. Nang nakita ni Ricky ang gagawin ko, inutusan niya ang mga kakampi namin na harangan ang mga papalapit naming mga kalaban sa akin. Tumalima agad sila at humarang. Pero may isa na nakalampas. Si James. Ang kaso, huli na ang lahat. Naihagis ko na ang bola.



          Sinubukan ni James na abutin ito. Malas lang ay nahawakan niya ng konti ang bola. Biglang bumalik ang tuwa sa mga mukha ng kalaban ko dahil sa nagawa niyang iyun. Mukhang may ipagyayabang na naman sila na natalo nila ako. Pero wala naman sa akin iyun.



          Sa hindi inaasahang pagkakataon, pumasok ang bola. Saktong-sakto na pumasok ang bola. Wala man lang sabit. Muli ay napalitan na naman ang masayang mukha ng kalaban namin. Napalitan ito ng pagkabigla. Napalitan ito ng hindi makapaniwalang ekspresyon dahil sa nangyari. Biglang maririnig sa paligid ang ingay ng isang pito na hudyat na tapos na ang laro. 82-83 ang final score. Ang siste, kami ang nanalo sa laro!



          Natuwa ang mga kakampi ko at nagsisisigaw. Lumapit sila sa akin at pinuri ang ginawa ko. Maririnig mo na naman sa paligid ang palakpakan ng mga tao at ang mga boses naman na pinag-uusapan ang ginawa ko. Hindi sila makapaniwala sa napanood. Kahit naman ako. Hindi ako makapaniwala na papasok pa ang bola sa pagkakataong iyun.



          “Ang galing mo Zafe!" bati sa akin ni Ricky nang lumapit sa akin saka niyakap. Kumalas siya sa akin matapos ang ilang segundo. “Paano mo nagawa iyun? Plano mo ba iyun? Pare, hindi ako makapaniwala sa ginawa mong iyun!"



          “Ako nga din Ricky. Hindi ako makapaniwala na papasok pa ang bolang iyun," tugon ko.



          “Hue? Hindi nga? Hindi mo talaga plano iyun?" hindi naniniwalang tanong ni Ricky.



          “Swerte lang iyun," sagot ko.



          Maya-maya ay nakuha namin ang resulta ng tryout. Siyempre, pasado kami. Tiningnan ko naman ang mga starting players na nakalaban namin sa tryout na iyun. Masama ang mga ito kung makatingin sa akin. Wari'y masyado nilang sineseryoso ang laban kanina kahit na hindi naman dapat. Nainis naman na umalis ang mga ito sa court.



          Pagkatapos maligo sa shower, lumabas na kami ng basketball gym at nakiupo sa lamesa kung saan umupo si Aulric.



          Walang paalam na inakbayan ko si Aulric. “Paano ba iyan! Nanalo ako?"



          Hinawi agad ni Aulric ang kamay ko. “Oo. Nakita ko iyun. Panalo ka na kung panalo pero wala kang karapatan na akbayan ako!" naiinis niyang saad.



          “Pero Zafe, paano mo nga nagawa ang bagay na iyun?" tanong pa rin ni Ricky na umupo na sa tapat.



          Tumabi ako kay Ricky. “Baka siguro dahil sa lucky charm ko.



          Tinuro ni Aulric ang sarili. “Ako?"



          “May lucky charm bang nagtataboy sa binibigyan niya ng swerte? Sabihin mo nga?"



          “Okay! Hindi ako!" Itinuloy na ni Aulric ang pagkain.



          Naghalungkat ako sa bag at hinanap ang aking lucky charm. Isa itong Yu-Gi-Oh card na naka-laminate at ipinakita sa kanila. Ang Number 7, Lucky Strike.



          Itinigil ni Aulric ang pagkain at biglang kumunot ang noo. “So may joke ba ako na hindi nakukuha ngayon?" tanong ni Aulric.



          “Wow! Hindi nga?! Totoo kaya na swerte ang card na iyan? Hindi ba sa animé lang iyun?" tanong ni Ricky na nakuha kung bakit isang card ang aking lucky charm.



          “Swerte iyung card? Ano iyun at paano?"



          “Hindi mo ba napapanood ang Yu-Gi-Oh Zexal?" tanong ko kay Aulric.



          “Hindi. Masyado na akong matanda para manood ng animé."



          “Ipapaliwanag ko. Ang Number 7, Lucky Strike ay isang pampaswerteng card na kung sino ang may hawak ay magkakaroon ng walang hanggang swerte. Ewan ko sa totoong buhay kung totoo talaga. Sa animé, iyung taong may hawak ng card ay laging maswerte. Gumagamit siya ng deck na may kinalaman sa pagtatapon ng dice at kailangan ay 6 lagi ang makukuha niya. Dahil sa card kaya laging nakukuha nung may hawak ay 6," paliwanag ni Ricky.



          “Hindi ko pa rin makuha."



          “Hay nako! Sino ba ang mga magulang mo Aulric at pinagkait sa iyo ang panonood ng animé? Sino din kaya ang nagsabi sa iyo na pambata lang iyun?"



          “Pambata lang naman kasi ang animé," giit pa rin ni Aulric. “Pero may isang animé akong nagustuhan dahil medyo cathchy ang ginagamit na mga salita sa umpisa. Tubig, lupa, apoy, hangin. Noong unang panahon, payapa na namumuhay ang apat na nasyon. Pero bigla itong nagbago nang umatake ang fire nation. Tapos iyung isa naman na si Jimmy Neutron."



          “Avatar iyung nauna," saad ni Ricky.



          “Halika Aulric. Punta ka sa bahay ko at manood tayo ng animé. Tingnan natin kung sasabihin mo pa rin na pambata lang ang animé," paghahamon ko sa kaniya. “May oras ka ba mamaya?"



          “Sige ba. Mapanood nga iyang animé na iyan kung bakit kinababaliwan niyo iyang mga bata," pagpayag niya. Itinuloy na ulit ni Aulric ang kinakain.



          Natawa na lang ako ng bahagya dahil nahulog siya sa bitag ko. Sisiguraduhin ko talagang hindi mo masasabi na pambata lang ang animé.



           Naramdaman ko naman na sinisiko ako ni Ricky sa tagiliran ko.



          “Anong plano mo?" pabulong na tanong niya.



          “Anong plano? Wala akong plano," sagot ko.



          “Hue? Talaga lang ha? Ano bang animé ang ipapanood mo sa kaniya? Highschool DxD? Blood series? O Boku no Pico?"



          Tumikhim si Aulric nang natapos na niya ang kinakain. “Hoy! Anong pinagbubulungan niyo diyan? Mukhang may masama kayong binabalak ahh?"



          “Ahh! Wala naman kaming pinagbubulungan," pagtanggi ko.



          “Hindi ako pinanganak kahapon Zafe. May pinagbubulungan kayo ehh. Mukhang may masama kayong binabalak."



          “Paranoid ka ba Aulric? Ang pinag-uusapan kasi namin ni Zafe ay kung papayag ba siya sa alok ng coach namin sa Basketball Club na palitan si James Miranda bilang kapitan," pagsisinungaling ni Ricky. Pero totoo iyung nag-alok sa akin ang coach ng Basketball Club na maging kapitan.



          “Ahh! Iyun lang pala." Tumayo si Aulric at naglakad na paalis. “Tara na Zafe. May klase pa tayo."



          “Ahh! Ako nga din pala. Sige na Zafe. May huling klase pa ako. Una na ako," paalam ni Ricky sabay umalis na din papunta sa ibang direksyon.



          Natapos na ang klase namin ni Aulric. Sabay naman kaming lumabas ng eskwelahan kasama si Ricky. Papunta kami sa parking lot nang may nakita si Ricky.



          “Nako! Aulric, Zafe, mukhang hindi na muna ako makakasama sa inyo ngayon. May kailangan pa kasi akong puntahan," saad ni Ricky.



          “Well, okay lang. At ano naman iyang bagay na iyan na mas importante pa kesa sa akin?" tanong ko.



          “Basta. Diyan na kayo. Mag-ingat kayo," paalam ni Ricky at tumakbo na sa isang direksyon.



          Sinundan lang namin ni Aulric ng tingin si Ricky hanggang sa malaman namin na may babae itong kinikita.



          “Si Isabela pala ang kikitain ni Ricky?" saad ni Aulric na may tonong familiarity nang binanggit niya ang pangalan ng babae.



          “Kilala mo?" tanong ko.



          “Oo. Schoolmate ko dati. Siya ang valedictorian sa batch namin," sagot niya. Nagpatuloy naman kami sa paglalakad.



          “Wow! So nakikipagkita pala si Ricky sa isang nerd. Wala talagang taste itong si Ricky pagdating sa mga babae," pailing kong saad.



          “Malabo na ba iyang mata mo o judgemental ka lang talaga? Hindi naman siya nakasalamin. Maliban sa pagiging valedictorian, maganda din siya at sexy. Nanalo din siya sa mga ilang beauty at brainless na contest sa school."



          “Brainless na contest sa school? Akala ko ba matalino siya? Bakit mo naman nasabing brainless iyung contest?" naguguluhan kong tanong.



          “Ayoko magbintang dahil wala akong ebidensya. Nagsasalita lang ako base sa mga obserbasyon ko. Palagay ko kasi ay front lang niya ang pagiging isang matalino. Ang totoo ay wala siyang utak. Sa apat na taong naging schoolmate ko ang taong iyun, hindi ko pinapalampas ang bawat pageant na sinasalihan ng babaeng iyun. Kung naoobserbahan mo siya ng matagal, saka mo lang masasabi na wala talaga siyang utak. Hindi ba sa bawat pageant ay merong question and answer portion? Hindi siya nagbibigay ng intelehenteng sagot pero nananalo siya."



          “Talaga? Bigyan mo ako ng sample na tanong."



          “Hmm... sandali lang. Bibigyan kita ng isang remarkable niyang question and answer portion. Kung meron kang superpowers na gusto mong makuha, ano ito at bakit? Alam mo kung ano ang isinagot niya?"



          “Obvious naman na hindi ko alam."



          “Ehh, di wow!"



          Napahinto ako saglit. Hindi ko alam kung totoo ba itong kinekwento ni Aulric o hindi. Seryoso ba siya?



          “At nanalo na siya dahil sa sagot na iyun?" tanong ko.



          “Oo. Tuwang-tuwa ang mga tao nung sumagot siya. Nagpalakpakan pa nga sila at napatayo. Pero nanalo pa rin siya. Dahil siguro sa maganda siya."



          “Luto."



          “Sinabi mo pa."



          Nakarating na kami sa bahay. Ang una ko agad na hinanap ay ang kotse ng mga magulang ko. Dahil hindi ko mahanap o makita, wala sila. Marahil ay may inaasikaso na namang trabaho.



          Pinagbuksan naman ako ng isang katulong at binati kami. Nag-utos agad ako dito na paghandaan kami ng miryenda ni Aulric. Tumalima agad ito at umakyat na kami ni Aulric sa taas ng kwarto ko. Tahimik si Aulric habang naglalakad kami at habang nasa byahe kami kanina. Maliban lang doon sa nagpaalam siya sa magulang niya na hindi siya makakauwi agad ng maaga. Hindi counted iyun kasi hindi naman ako ang kausap. Kanina pa kasi siya hindi nagsasalita. Tinitingnan nito ang kabuuan ng bahay pero parang wala lang sa kaniya iyun. Pagkapasok mo kasi ng bahay at tumingala ka, mapapansin mo ang napakagandang chandelier namin na binili pa sa Europa. Ang mga imported na palayok na disenyo ng mga artisano sa Pransya. Ang mga imported na muwebles ng bahay na galing pa sa Inglatera. Mamamangha talaga ang sinong tao na tatapak sa bahay namin. Kahit pa si Ricky noon. Pero para kay Aulric, parang wala itong halaga sa kaniya. Tao nga ba talaga itong si Aulric?



          Pagdating naman sa mga bagay na pag-uusapan namin, wala naman akong maisip na topic na pag-uusapan namin. Hindi ko siya kilala. Hindi kagaya ni Ricky na mapag-uusapan ko ang halos lahat ng bagay. Alam niyo na. Kinakapa ko pa kung ano ang pwede naming pag-usapan maliban lang sa mga aralin namin sa eskwelahan. Boring kaya pag-usapan ang mga iyun.



          “Napapansin kong paikot-ikot lang tayo dito sa bahay mo," biglang nasabi ni Aulric. Nako! Nahalata na pala niya. Inikot ko kasi siya sa bahay imbes na dumiretso sa kwarto ko.



          “Dinaanan kasi natin ang scenery route papunta sa kwarto ko. Ganoon ang ginagawa namin kapag unang beses bumibisita ang isang bisita namin sa bahay," pagdadahilan ko.



          “Ganoon ba? Pasensya na. Hindi ko kasi alam na may ganoong ritwal pa pala ang bahay niyo." Halatang wala nga talaga siyang pakialam sa mga nakikita niya sa aming scenery route.



          “Kung ganoon, tara na sa kwarto ko."



          Nang makarating na kami sa kwarto, tiningnan lang niya ang kwarto ko at umupo lang. Wala lang din sa kaniya ang mga poster ng Avenged Sevenfold, My Chemical Romance, Franco at Urbandub na nakapaskil sa kwarto ko. Dagdag na naman ito sa ilang impormasyon na nalaman ko ngayon kay Aulric. Wala siyang gusto sa mga bandang ito.



          Humugot na lang ako ng buntong-hininga at ipinasok ang aking dalang USB sa flat screen TV. Bumukas naman ang pintuan ng kwarto at nandito na pala ang mga pinapahanda ko sa isa kong katulong. Ibinigay nito kay Aulric at umalis na.



          Nang makita ko na ang hinahanap na animé para panoorin namin, pinindot ko na ang play para simulan na ang saya. Tingnan natin kung sasabihin mo pang pambata ang animé na ito.



          “Boko ni Pico? Nako! Title pa lang, parang pambata na ang animé na iyan," saad ni Aulric nang binasa niya ang title ng file.



          “Manood ka na lang," wika ko nang umupo na ako sa tabi niya.



          Palihim akong natatawa nang matapos namin ni Aulric ang palabas. Ang mukha naman ni Aulric ay hindi maipinta dahil sa napanood. Bigla siyang namula at mukhang tinitigasan ang ibaba niya.



          “Ano? Pambata na ba ang mga animé?" natatawa kong tanong. “Gusto mo pa bang panoorin ang iba? May dalawa pa iyang parte."



          “Oo na. Sige na. Hindi na nga pambata ang animé," gigil na saad niya. “Hindi ako makapaniwala na nanonood ka ng mga ganitong palabas. Alis na nga lang ako! Salamat sa pagpapatunay na hindi pambata ang animé." Tumayo si Aulric.



          “Teka? Sandali lang? Dito ka muna!" Hinawakan ko ang kamay ni Aulric. Naramdaman ko namang nanginginig ang kanyang mga kamay. Ayaw niyang tumingin sa akin.



          “Ayoko na! Uwi na ako!"



          “Matanong ko lang Aulric. Ano nga ba talaga ang relasyon nating dalawa?" naitanong ko.



          Hindi ko alam pero gusto kong itanong ang bagay na iyun sa kaniya. Hindi kasi malinaw para sa akin kung ano ang relasyon namin. Alam niyo iyun. Naghahalikan tapos wala palang relasyon. Iyan kasi ang isa sa mga bagay na naguguluhan pa rin ako. Ano ba talaga ang relasyon ko sa bawat tao?」



          「2 years ago...



          Pauwi na ang lahat ng mga estudyante dahil tapos na ang klase. Pero ako, hindi pa rin makauwi.



          Nakalapat pa rin ang labi namin ni Colette. Maya-maya ay natapos ang halik na iyun at hinawakan niya ang aking kamay. Hindi ako nakapaniwala sa nakita ko na nanonood pala sa amin si Kurt.



          “Pasensya na Kurt pero ayoko na sa'yo. Si Zafe talaga ang gusto ko," saad ni Colette.



          Kapwa na hindi kami makapaniwala ni Kurt sa nangyari. Wala akong kaalam-alam sa nararamdaman sa akin ni Colette.



          “Totoo ba ito Zafe?" tanong sa akin ni Kurt.



          “Totoo-"



          “Huwag kang sumabat Colette!" pagputol ni Kurt sa sagot ni Colette. “Gusto ko na si Zafe mismo ang magsabi sa akin! Gusto ko na sa kaniya manggaling ang sagot! Gusto kong sa kaniya lang malaman ang totoo at siya lang ang nagsasalita sa kwartong ito!"



          Umalingawngaw ang sigaw ni Kurt sa buong kwarto. Napahinto ang mga estudyanteng dumaan na narinig ang mga sinabi niya at ipinagpatuloy ang paglalakad. Ako naman ay walang naisagot. Bigla akong napipi. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Hindi naman kasi totoo ang mga sinasabi ni Colette.



          Naramdaman ko naman na pinisil ni Colette ang aking kamay hudyat na kailangan ko ng sagutin ang tanong ni Kurt. Pero hindi ko talaga alam kung sasagot ako. Naglalaban pa rin ang aking puso at utak kung ano talaga ang sasabihin ko. Oo, totoo na may gusto ako kay Colette. Pero paano niya nalaman iyun? Naguguluhan ako dahil mas gusto naman niya si Kurt kesa sa akin. Wala naman kasi akong ginagawang espesyal para magustuhan niya. Naglalaro lang naman ako ng basketball para sa ikaliligaya ko. At tsaka kaibigan ko si Kurt. Kapag nagsinungaling ako ay masisira ang pagkakaibigan namin. Dahil lang kay Colette. Magsasabi nga ba ako ng totoo o magsinungaling?



          “Oo Kurt. Totoong may relasyon kami ni Colette," pagsisinungaling ko.



          Nasaktan si Kurt sa pagsisinungaling ko kahit na hindi ko siya hinahawakan. Pero nagpapakatotoo lang ako. Gusto ko si Colette. At kung may pagkakataon man ako, hindi ko aaksayahin ito at kukunin ko.



          Umalis si Kurt sa silid na iyun. Natulala lang ako sa ginawa ko. Naramdaman kong niyakap ako ni Colette. Nagising naman ako sa pagkaestatwa.



          “Salamat Zafe. Maasahan talaga kita," masayang saad ni Colette.



          “Umm... siyempre Colette. Para sa'yo," tugon ko.



          “Tara. Sabay tayong umuwi para magtigil na si Kurt. Gusto kong makita niya na tayo na talaga. Ipakilala mo na rin pala ako sa mga kaibigan mo para magmukhang makatotohanan." Pinagkukuha na ni Colette ang kanyang mga gamit.



          Hindi ako mapakali sa sinasabi ni Colette. Gusto niyang ipakita kay Kurt na kami na talaga. Gusto din niyang ipakilala ko siya sa mga kaibigan ko. Dapat ay ipakilala ko na din siya kila mama at papa.



          “Magpakilala na rin tayo sa mama at papa ko. Pati na rin sa mommy at daddy mo," pangungumbinsi ko.



          Umiling si Colette. “Zafe, hindi pa muna ngayon. Hindi pa ang tamang panahon para diyan. Darating din tayo diyan. Halika na at umuwi na tayo. Gusto ko ng umuwi ehh."



          Nalungkot ako sa pagtanggi ni Colette. “Sige. Tara na."



          Kinuha ko na rin ang gamit ko at sabay na kaming lumabas ng eskwelahan. Hinawakan pa ni Colette ang kamay ko ng mahigpit at proud na proud siya na ipakita iyun sa bawat kamag-aral na nakakakita sa amin. Tuwang-tuwa naman ako habang ginagawa niya iyun.



          Habang naglalakad ay nakita ko ang best friend ko na si Ricky. Tuwang-tuwa ito na lumapit sa amin.



          “Ayos ahh. Mukhang may pangarap na ang natupad, at may pangarap ding nasira?" Napatingin si Ricky sa isang direksyon na sinundan namin ni Colette. Si Kurt.



          Inirapan lang kami ni Kurt pagkakita niya sa amin. Isang parte ko ang nasaktan sa ginawa niya. Pero parte lang iyun.



          “Hayaan mo na siya Ricky. Tara na Zafe at ihatid mo ako," untag ni Colette.



          Tumango na lang ako saka hinatid na si Colette sa bahay niya gamit ang kotse ng pamilya namin. Si Ricky naman ay sumunod din sa amin. Habang nasa byahe ay hindi kami nag-iimikan. Marahil ay dahil lang ito sa biglaang naging kami ni Colette. Wala kasi akong maisip ng topic kaya wala kaming napag-usapan.



          Ilang araw na ang nakalipas sa sala ng bahay ko, naglalaro na kami ng Yu-Gi-Oh ni Ricky. Natapos ko na kasing ihatid si Colette sa bahay nila.



          “Direct attack," saad ko kay Ricky dahil talo na siya sa laro namin.



          Hindi na lang umimik si Ricky at bumuntong-hininga na lang. Walang buhay lang niya akong tiningnan ng mga ilang segundo habang ako ay nililigpit ko na ang aking mga baraha at binabalasa na ito.



          “Ang daya-daya naman kasi. Bakit may ganoong effect ang mga monster mo na manira ng card sa field ko? Dinadaya mo ata ako Zafe, ehh," reklamo ni Ricky. “Pasalamat ka at hindi ako nakakabasa ng kanji ng mga Hapon."



          “Bakit naman ako mandadaya? Katulad mo din, hindi ako marunong bumasa ng mga kanji ng Hapon. Swerte ko lang talaga sa aking deck," paliwanag ko.



          “Oo nga pala. Hindi ba bumili ka ng Japanese na card ng No. 7, Lucky Strike? Bakit hindi mo ginagamit? Asaan na iyun?" tanong ni Ricky habang sinisimulan na niyang kunin ang kanyang mga card at binabalasa niya ito. Mukhang makikipaglaro pa siya sa akin.



          “Ahh! Iyun ba? Nasa extra deck ko siya ngayon. Pero hindi ko naman magamit o ginagamit dahil sa format ng deck ko."



          “Ano ka ba? Para saan pa na binili mo ang card na iyun? Nagsayang ka lang ng pera. Kala mo kung sinong mayaman," naiinis niyang saad. “Ay! Teka nga pala. Mayaman ka pala."



          “Binili ko iyun para maging lucky charm. Alam mo naman na 7 ang aking lucky number. Sakto naman na ang katapat na number na iyun sa Yu-Gi-Oh Zexal ay may kinalaman sa swerte."



          Binigyan ako ni Ricky ng naghihinalang tingin. “Dahil kaya doon kaya lagi kang nananalo laban sa akin?"



          Napakamot na lang ako sa ulo. “Ang totoo niyan Ricky, marami kang maling galaw habang naglalaro tayo," pagtatapat ko.



          “M-Maling galaw? Kelan? Anong turn? Sabihin mo nga?"



          “Sa pangatlong tira mo."



          Napaisip si Ricky at nagbalik-tanaw sa laro namin. At dahil hindi ko pinapaliwanag o binabanggit kung anong nangyari sa tira niyang iyun, humihingi po ako mg paumanhin dahil hindi kayo makaka-relate. Pasensya na. Masyado kasing komplikado kapag pinaliwanag.



          Nanlaki na ang mata ni Ricky hudyat na nalaman na niya ang pinagsasasabi ko... o hindi. Hindi ko alam.



          “Maiba nga ako. Gumagana din kaya ang card mo sa buhay pag-ibig mo Zafe?" tanong ni Ricky.



          Tinigil ko ang pagbalasa sa deck ko nang iniba na niya ang usapan. “Gumagana sa buhay pag-ibig ko? Anong ibig mong sabihin? Dahil si card kaya naging kami na ni Colette? Masyadong malayo naman sa katotohanan iyang iniisip mo," sagot ko.



          “Pwede iyun. Malay mo. Basta maniwala ka lang. Hindi naman masama na maniwala. So ano? Iniskoran mo ma ba si Colette?"



          “Anong ibig mong sabihin?"



          “Siyempre! Sex, blowjob and likes."



          Napatigil ako. “Sex? Teka? 17 pa lang ako at ganoon din si Colette. Masyado pa kaming bata hindi ba? Pwede na ba kami doon?"



          “Anong sinasabi mo na masyadong bata pa kayo para sa ganoong bagay? Huwag kang maniwala sa mga ganyang kalokohan. Hindi mo ba alam na masarap ang sex kung kapwa bata din ang ka-sex mo? At tsaka gumamit ka kasi ng condom. Kaya lang naman sinasabi ng mga matatanda na masyadong bata pa tayo sa mga ganoong bagay dahil karaniwan sa mga bata ay hindi marunong mag-ingat. Hindi gumagamit ng condom. Kaya hayun! Nagiging batang ama ng wala sa oras. Sex is love. Sex is also life. Kaya nga doon nanggagaling ang mga katulad natin dahil mahal tayo ng mga magulang natin."



          Natawa na lang ako. “Talaga Ricky? Ipaliwanag mo nga sa akin kung bakit tatay mo lang ang bumubuhay sa'yo? Papa lang ang nagmamahal sa'yo? Asaan ang mama mo?"



          Hindi na lang sumagot si Ricky sa tanong ko at kinamot na lang ang kanyang ulo. Ewan ko kung bakit nasasabi niya na nabubuo tayong mga tao dahil sa pagmamahalan ng mga magulang natin. Pero iyung mama niya, wala. Hindi ko naman alam kung ano talaga ang nangyari sa mama niya. Kung buhay pa ba ito o matagal ng patay. Hindi naman sinasabi ni Ricky sa akin kung ano ba talaga ang nangyari sa mama niya. Ewan ko ba sa best friend kong ito.



          “Ipaliwanag mo nga din sa akin iyung mga bata sa lansangan na palaboy-laboy lang? Bakit ganoon sila? Hindi sila mahal ng mama nila?" dagdag ko.



          “Hay nako Zafe. Iba na nga lang ang pag-usapan natin. Wala tayong kinalaman sa mga batang palaboy na iyun. Pag-usapan na lang natin ang love life niyo ni Colette. Ano? Mukhang hindi ka pa nakaka-score sa kaniya base sa mga sinasabi mo sa akin. Kelan mo siya iiskoran?" Anong pinagkaiba nito sa pinag-uusapan namin kanina?



          “Wala akong balak."



          Bumuntong-hininga siya. “Napakahina mo naman Zafe. Anong klaseng relasyon iyan nang hindi man lang kayo nag-eenjoy makipag-sex? Iskoran mo na kasi. Marami akong stock ng condom sa bahay ko. Gusto mo bigyan kita?"



          “Bad influence ka."



          “Talaga? Bakit ako pa ang best friend mo?"



          “No choice kasi ako kaya ikaw ang naging best friend ko."



          “Tarantado ka Zafe!" asik niya.



          “Ikaw din! Gago!" ganti ko.



          “Ano? Isang laro pa? Puro ka kasi kalibugan sa katawan. Palibhasa kasi, natikman mo na ang halos sa mga kaklase natin. Wala ka pa bang AIDS?"



          “Siyempre Zafe. Laging may suot akong proteksyon." Sinimulan na niyang balasahin ang kanyang deck.



          “Tara! Isang game pa! Siguraduhin mo lang na lalampasuhin mo ako ngayon!"



          Medyo naging maganda naman ang relasyon namin ni Colette. Lumalabas kami para mag-date at binibigyan ko siya ng mga regalo kahit na hindi pa niya kaarawan. Hindi naman naulit ang kiss namin ni Colette. Hindi rin niya pinag-uusapan ang pagkakaibigan na relasyon niya kay Kurt. Basta, enjoy lang kami na kumain at mamasyal. Si Ricky naman ay kinukulit na makipag-sex na ako kay Colette. Ang rason naman niya ay dahil sa sigurado siya na nakipag-sex na ito kay Kurt kaya okay lang daw.



          Isang araw, niyaya ko si Colette sa bahay namin para manood ng isang pelikula. Dinala ko siya sa kwarto at nag-marathon kami ng mga movies. Malalim na ang gabi at natapos na namin ang huling pelikula na pinapanood namin. Ang mga pelikulang pinanood namin ay puro pinili ni Colette. Puro romance ito lahat.



          Nang natapos na ang pelikula, naisip kong gawin na iyung sinasabi ni Ricky. Nagkatinginan kami ni Colette. Napagtanto ko na kaya pala crush na crush ko siya ay dahil sa napakaganda niya. Napakaswerte ko nga at naging magkaibigan kami. Ang ganda ng mga mata niya, ang kinis ng balat niya na halatang inaalagaan ni Colette, ang kanyang ilong. At ang mapupulang labi niya. Pero bakit ganoon ang pakiramdam ko? Parang napakalayo ni Colette? Kahit na malapit lang kami sa isa't isa, pakiramdam ko talaga na napakalayo niya.



          Dahan-dahan na lumapit ako sa kaniya at hinalikan ang mapupulang labi niya. Hinayaan naman niya ako na humalik. Hindi ko naman tiningnan na inabot ang remote ng TV saka pinatay ito. Naramdaman ko na din na gumaganti na din si Colette sa mga halik ko at nagiging magalaw na din ang kanyang kamay. Ibinaba ko naman ang halik ko sa leeg niya saka inilagay ang aking kamay sa loob ng damit niya at dahan-dahan na hinubaran. Naririnig ko ang sensual na ungol niya na mas lalong nagpaalab sa aking matinding pagnanasa.



          Pinahiga ko na siya sa kama ko at hinalikan naman ang kanyang malulusog na suso. Pero bago pa mahawakan ng labi iyun, bigla niya akong itinulak at nahulog ako sa sariling kama. Napakasakit ng bagsak kong iyun. Napilay kaya ako?



          “A-Ayos ka lang ba Zafe?" nag-aalalang tanong ni Colette. Umalis siya sa kama at nilapitan ako.



          “Oo. Ayos lang naman ako," tugon ko habang hinahagod ang aking likod.



          “Nako! Pasensya na Zafe ha? Hindi ko sinasadya."



          “Pasensya na din. Mukhang kasalanan ko. Nabigla siguro kita kaya naitulak mo ako."



          Nagkaroong ng katahimikan sa pagitan namin. Hindi ko alam kung maniniwala ako sa sinasabi ni Colette. Ang sabi ng loob ko, sinasadya niya na itulak ako. Pero bakit naman niya gagawin iyun?



          “Zafe, may ipagtatapat ako sa iyo," saad ni Colette na bumasag sa katahimikan namin.



          “Ano iyun?" tanong ko.



          Palipat-lipat ng tingin si Colette sa akin at sa sahig. Mukhang nagdadalawang isip siya na sabihin ang kanyang gustong sabihin. Ano ba kasi iyun? Hindi ko alam. Gusto kong malaman.



          “Pasensya na Zafe," panimula niya sa paghingi sa akin ng tawad. Nagsimula ng tumulo ang luha ni Colette. "Pasensya na dahil sa simula pa lang, ginamit lang kita para makipaghiwalay kay Kurt! Ang totoo niyan, wala talaga akong gusto sa'yo! Pasensya na din kung ngayon ko lang ito sinabi sa iyo! Naiinis kasi ako sa sarili ko kung bakit kita hinahayaan kita na gawin ang gusto mo! Alam kong may gusto ka sa akin Zafe! Pero, pasensya na! Wala talaga akong gusto sa'yo!"



          Tumayo si Colette at umalis sa kwarto ko. Biglang tumahimik ang paligid ko. Hindi ako makapaniwala. Bakit? Bakit ginamit niya lang ako? Akala ko, kami na talaga ni Colette.



          Nagsimula ng tumulo ang luha ko. Ang sakit naman lalo nang nalaman ko na wala talaga siyang gusto sa akin. Ako lang pala talaga ang may gusto sa kaniya at hindi parehas ang aming nararamdaman. Iyung mga matamis niyang ngiti pala sa akin ay hindi totoo? Naguguluhan ako. Akala ko ba na kami na? Hindi ba nga, sabi niya na kami na? Bakit naging ganoon? Tapos ngayon ay bigla siyang magsasabi na ginagamit niya lang ako? Hindi ko maintindihan.



          Maraming araw ang lumipas, natapos na ang 3rd year high school. 4th year high school na kami. Wala pa akong pinagsabihan ng aking problema at sa nangyari sa amin ni Colette. Wala ni isa o kahit si Ricky. Hindi ko din ito sinasabi kahit sa pamilya ko at wala naman akong kapatid dahil solong anak lang ako.



          Nang nagsimula na ang klase namin, nabalitaan na lang namin ni Ricky na lumipat na ng ibang eskwelahan si Colette. Sa ibang bansa na siya nag-aaral. Nagtanong naman si Ricky sa akin kung ano ba ang nangyari sa amin. Sinabi ko na sa kaniya ang lahat. Nangako siya na hindi ipagkakalat ang sikretong iyun kahit kanino. Ha! Hindi na ako umaasa dahil kumalat ito sa ilang mga kaibigan ko.



          Kinalimutan ko na lang ang mga nangyari sa amin ni Colette at binaling ang atensyon ko sa ibang bagay. Ang pagba-basketball. Sinanay ko ang sarili ko para mas lalong gumaling ako sa paglalaro. Gusto kong hindi matalo ng kung sino man. Ayokong matalo. Gusto kong manalo. Natuwa naman si Ricky sa gusto ko at nagsanay din siya para gumaling.



          Sa ilang buwan ng pakikipagpustahan namin sa ibang school, hindi pa kami natatalo. Lagi kaming panalo. Pero naitanong niyo ba kung bakit hindi nagsasawa ang ibang school na makipaglaro sa amin? Dahil hindi namin iyun pinapahalata na ganoon na kami kagaling. Ang pangit kasi kapag dumating ang araw na hindi na makikipaglaro sa iyo ng basketball ang mga tao dahil sa magaling ka. Pinapartidahan namin sila para naman maganda ang laban. Pero kahit ganoon, may butas pa rin sa pagkatao ko na butas pa rin. Ni hindi ito napupuno kahit na maglaro ako ng maglaro ng basketball. Bakit? Bakit ganito? Dahil ba ito sa niloko ako ni Colette?



          Hanggang sa isang araw, napansin ko ang isa sa mga lalaki na nanunuod ng laban namin. Natapos na ang isang quarter ng paglalaro namin sa isang court at iginala ang aking paningin dahil sa may napansin ako sa isa mga nanonood sa amin. Nandito na naman siya. Mag-isa lang siyang nakaupo doon at walang ekspresyon ang mukha. Pero sa tuwing nagtatagpo ang mga paningin namin, kusa siyang huwihiwalay. Nahuli ko siya na namula ng saglit pero saglit lang iyun. Totoo ba iyung nakita ko? Namula siya pero saglit lang? O baka pagod na agad ako. Nako! Hindi pwede iyun. Hindi pa nga ako seryosong maglaro.



          Nang natapos na ang break namin, naglaro na ako ng seryoso. Okay na maglaro na ako ng... konting seryoso dahil sa lampas na sa kalahati ang score ng kalaban namin. Pumapalakpak ang mga tao sa tuwing may nakaka-shoot ng bola sa ring dahil masyadong mainit na ang laban. Kahit hindi naman kami ganoon ka pro maglaro.



          Sa tuwing ako ang makaka-shoot ng bola, napapansin ko na pumapalakpak lang siya ng bahagya pero parang wala lang. Nakakairita lang iyung tingin niya na parang walang kabuhay-buhay ang mundo para sa kaniya. Pero kahit ganoon, napapansin ko na ako lang ang pinapalakpakan niya. Wala siyang pinapalakpakan kung hindi ako lang. Hindi kaya may gusto ang taong ito sa akin? Hmm... kailangan kong alamin kung totoo nga iyung iniisip ko.



          Isang araw, kakatapos lang namin makipaglaro at nagpasyang uminom ng soft drinks sa isang tindahan. Nagbukas naman ng topic ang isa naming kasamahan at tungkol ito sa pag-ibig. Nanahimik na lang ako dahil sa hindi ako makaka-relate sa mga sinasabi nila. Nako naman! Sa dami ng magandang topic, pag-ibig pa talaga ang binuksan!



          Sa hindi kalayuan, napansin ko na papalapit sa tindahan ang taong nakita ko sa basketball court na ako lang ang pinapalakpakan. Hindi ko pa pala alam ang pangalan niya at dapat malaman ko iyun. Pero ano ang gagawin ko? Diretsahan ko siyang tatanungin?



          Hindi ko pinahalatang kilala ko na siya dahil hindi naman talaga kami magkakilala at nagkunyari na lang na nakikinig sa usapan ng mga kaibigan ko. Narinig kong bumili siya ng bigas sa tindahan pero kailangan niya munang maghintay ng ilang minuto dahil sa magre-restock pa ng bigas si manong.



          Diretso lang ito kung tumingin at hindi man lang umiimik. Pero ang mga mata niya ngayon, may buhay. Marahil ay dahil sa nakikinig siya sa pinag-uusapan ng mga kaibigan ko. Nakikinig kaya siya?



          “Ikaw Zafe. May babae ka na bang nagugustuhan?" biglang tanong ni Ricky sa akin. Whoah! Mukhang tamang-tama lang na tanungin ako ni Ricky ngayon.



          “Nako guys! Pasensya na sa pananahimik ko. Medyo kasi kumplikado kaya hindi ko masagot,” sagot ko.



          “Gaano naman kakumplikado?" tanong pa ni Ricky.



          “Basta guys. Kumplikado.”



          “Hindi ka pa siguro nakaka-move on kay Colette ano?" anang isa kong kasamahan.



          “Labas na si Colette dito guys. At tsaka iyung balak ko na bago, nakita niyo na siya. Dumaan pa nga siya dito para bumili ng bigas.”



          Nagulat ang mga kaibigan ko at tiningnan ang taong kasalukuyang bumibili ng bigas ngayon sa tindahan. Tiningnan ko din siya at mukhang kinakabahan na pinaparinggan ko siya. Sunod ay nagkatinginan naman ang mga kaibigan ko dahil baka hindi ito ang taong tinutukoy ko. Marami na kasing tao na bumili ng bigas sa tindahan na halos ka edaran lang namin. Kaya naubosan ng stock si manong dahil maraming bumili kanina.



          “Para malinaw Zafe. Lalake ba ito o babae?" tanong ng isa ko pang kasama.



          “Nako guys. Baka kapag sinagot ko ang tanong na iyan, maging issue sa atin,” sagot ko habang pinapaikot ko ang laman ng botelyang iniinom ko.



          “So lalaki nga?" tanong ni Ricky.



          “Kapag hindi ba muna ako magsasalita, iisipin niyo ba na lalake ngayon ang napupusuan ko?"



          Bumuntong-hininga si Ricky. “A-Ako ba iyun Zafe?"



          “Nagpapatawa ka ba Ricky? Ehh kung lalake nga, ano naman? At tsaka bumili siya ng bigas dito kanina. Bumili ka ba?"



          “Okay. So, kilala ba namin ito?" tanong ng isa pa.



          “Hindi,” mabilis kong sagot.



          “Dahil ba ito sa ang papa mo lang ang nagmamahal sa iyo kaya lalake ngayon ang napupusuan mo?" tanong ni Ricky.



          “Siguro. Iyung nangyari kay Colette, naging factor ata iyun kaya ayoko ng magmahal ng mga babae. Binigay ko sa kaniya ang lahat pero wala pa rin. Umalis pa rin siya papuntang ibang bansa. Kaya ngayon, paano kung lalaki naman?"



          “Teka, teka lang Zafe ha? Kung social experiment mo lang iyan, tigilan mo na. Hindi maganda iyan at baka mapasubo ka pa,” advice ni Ricky.



          “Ako? Susubo? Hindi. Iyung lalaking iyun ang susubo ng hotdog ko.” Hindi talaga.



          “Alam niyo guys, hindi ko na kaya ang usapang ito. Mas mabuti pa na basketball na lang ang pag-usapan natin sa susunod pwede ba? Kung saan-saan na kasi tayo napupunta. Zafe, gutom lang iyan. At hindi porke't dinurog ni Colette ang puso mo ay gawin mo na iyung dahilan para sa lalaki ka naman magmahal. Hindi maganda talaga iyan. Hindi sa homophobe ako o kung ano pa man, dahil mukhang biro na lang sa iyo ang pagmamahal,” mahabang salaysay ni Ricky.



          “Himala. Kelan ka pa naging seryoso sa usaping pag-ibig Ricky?"



          Natawa naman ng payak ang lahat ng kasamahan ko. Hindi naman kasi bagay si Ricky na magsalita ng ganoong bagay dahil kilala siya sa school namin na hanap, usap, torjack! Alam niyo na iyun.



          “Tara na guys! Magsiuwian na lang tayo,” yaya ng isa kong kasama na sinang-ayunan naming lahat.



          Nagsiuwian na kaming lahat.  Bigla ko naman naalala na may dapat pa akong gawin kaya nagpaalam ako kay Ricky na mauna na siyang umuwi.



          Sinundan ko ang daan na tinahak nung lalaki na tinatarget ko. Papunta ito sa squatters area. So mahirap pala siya.



          Bigla naman akong nakaramdam nang biglang lumingon ang target ko sa likod. Bigla akong nagtago sa isang eskinita para hindi mahalata. Grabe namang pakiramdam iyan! Ang dami-dami namang tao na nasa paligid, naramdaman pa niya na sinusundan ko siya?



          Nagpatuloy naman ako maglakad nang nagpatuloy na din siya. Sinundan ko siya hanggang sa bahay niya. Dito pala siya nakatira.



          Napagod naman ako dahil sa kasusunod. Nagpasya akong tumambay muna sa isang tindahan at bumili ng soft drinks saka nagpahinga sa isang upuan. Ang sakit na rin ng paa ko dahil kanina pa ako maglalakad at masyadong nagamit ang paa ko sa basketball match namin kanina.



          Hindi naman maiwasan ng mga tao na titigan ako. Ang mga taong ito. Ngayon lang ba sila nakakita ng tao? Dahil kaya sa maganda ang kulay ng kutis ko? Oo nga pala. Halatang mayaman ako sa kutis ko pa lang.



          “Hoy, anong ginagawa mo dito?" tanong sa akin ng isang taong nakakatakot ang boses. Pero hindi natural na nakakatakot ang boses. Iyung pinagpilitan lang na nakakatakot ang boses niya.



          Napalingon ako dito at isang grupo pala ito ng mga lalaki. Puro maiitim ang balat at malalaki ang katawan. Mga trabahador marahil na tagarito. Tamang-tama. Kailangan kong kaibiganin ang mga ito para naman hindi ako mabugbog ng mga tagarito.



          “Hoy, tinatanong kita. Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko," dagdag pa ng leader nila marahil.



          Nginitian ko ang mga ito. “Wala lang tol. Nagpapahinga lang at umiinom ng soft drinks," saad ko at itinaas ng bahagya ang bote na hawak ko. “Gusto niyo bang ilibre ko kayo ng inumin?"



          Lumiwanag ang mata ng mga taong ito at tumango. Binilhan ko sila ng tig-iisang soft drinks. Tuwang-tuwa naman na ininom ng mga taong ito ang handog ko.



          “Pare, salamat sa libre ha! Akala ko na isa kang masamang tao. Pasensya na kung tinakot ka namin," paghingi ng dispensa nung leader nila. “Hindi kasi ako sanay na may makitang mayaman na tao dito sa lugar namin."



          “Okay lang iyun. Sanay na ako doon," tugon ko.



          “Anong pangalan natin pare?" tanong niya.



          “Zafe pare. Zafe Neville," pagpapakilala ko.



          “Randolf pare. Randolf Tamaan."



          Lihim ako na natawa dahil sa apelyido ng kausap ko. Baka kasi kamag-anak siya ng taong iyun. Nakakatakot kasi sa pangangatawan pa lang na baka sanay na makipagsapakan tapos dadagdag pa ang pangalan niya. Totoo iyun.



          Pagkatapos niyang makipagkamay sa akin, ipinakilala naman ni Randolf ang mga kaibigan niya na mukhang goons. Buti na lang at matinong tao si Randolf kahit na ganito ang mga kaibigan niya.



          “Teka? Kilala kita? Hindi ba ikaw iyung nabalitaan kong magaling na basketball player?" tanong ng kasama ni Randolf.



          Napakamot ako sa ulo dahil sa hiya. “Nako! Baka po hindi ako ang taong iyun," pa-humble kong tugon.



          “Ay! Oo nga. Siya iyun. Napanood ko noong isang araw ang laro ng kasama nito. Magaling tong taong ito," dagdag pa ng kasama niya.



          “Talaga? Baka kamukha ko lang iyun. Hindi po ako iyun," tahasang pagtanggi ko kahit hindi ko na maitatanggi na ako talaga iyun.



          “Kung ganoon, ano pala ang ginagawa mo dito? Naliligaw ka ba?" tanong ni Randolf. “Delikado ka dito sa lugar namin. Baka pagtripan ka ng mga adik dito."



          “Ahh! Parang naliligaw nga ako. Pero tinawagan ko na ang kasamahan ko na sunduin ako. Kaya nga nandito ako at inaantay ko ang kasama kong iyun. Pagod na rin kasi ako na magpalakad-lakad at baka hindi na ako gumaling magbasketball. Alam niyo na. Para hindi magdahilan na natalo nila ako dahil sa hindi ko magamit ng husto ang paa ko," mahabang paliwanag ko.



          “Dekotse ba pre? Nako! Delikado iyan dito!"



          “Motor pre. Iyung luma lang."



          “Oo nga pala Randolf. Laro na natin. Tara na!" tawag sa kaniya ng kaibigan niya.



          “Ikaw Zafe? Ayos ka lang ba dito kung iwan ka namin? Baka pagtripan ka ng mga adik at wala kami para ipagtanggol ka," nag-aalalang tanong ni Randolf.



          “Ayos lang pre. Punta na kayo sa dapat niyong puntahan," tugon ko.



          “Okay. Sabi mo, ehh. Basta tawagin mo iyung iba naming katropa sa lugar kung may mangtrip sa'yo. Tutulungan ka nila."



          “Sige pre. Ingat kayo. Salamat."



          Umalis na ang mga bago kong kaibigan sa lugar na ito. Buti at hindi nagkagulo. At tropa ko na rin pala ang mga tagarito. Magaling.



          Ilang minuto ulit ang nakakaraan, hindi pa rin ubos ang iniinom ko. Kanina ko pa dinadahan-dahanan ang pag-inom sa soft drinks ko.



          Nakita ko na naman siya na naglalakad papunta sa tindahang ito. Bumili naman siya ngayon ng mga materyales para sa gagawin niyang report sa klase niya marahil.



          Habang nakaharap lang siya sa tindahan, hindi ko maiwasang tingnan ang puwitan niya. Bakit ganito? Ang mata ko, nakatuon sa puwitan niya. Parang may gusto akong gawin doon na ewan ko kung bakit.



          Hindi ko namalayan na hinawakan ko ito. Bigla namang lumingon si lalake sa akin na ikinagulat ko.



          “Ay! Pasensya na. Hindi kita napansin,” paghingi ko agad ng dispensa.



          Dali-dali kong nilagay ang hindi naubos kong soft drinks sa isang case at umalis na sa lugar na iyun habang minumura ko ang aking sarili. Ano ba itong ginagawa ko? Akala ko ba, aalamin ko ang pangalan niya? Bakit naging ganoon ang pagtingin ko sa kaniya? Gusto ko ba siya? Parang ganoon na nga ata. Pero ang loob ko, nagwawala. Ang kamay ko, hindi mapakali na mahawakan ulit ang taong iyun. Gusto nitong ariin ang taong iyun. Ang subconscious ko ba ang may gusto o ako mismo?



          Nakauwi na ako sa bahay gamit ang kotse ko. At gaya ng dati, hinahanap ko ang kotse nila mama at papa kung nandito sila. At dahil sa wala na naman ang kotse nila, wala sila.



          Nang pumasok ako sa bahay, katulong ang sumasalubong sa akin. Hindi ang mama ko, hindi ang papa ko. Sanay na ako.



          “Sir Zafe, handa na po ang pagkain niyo. Nandito nga rin po pala si sir Ricky. Nasa sala po siya," report sa akin ng katulong.



          Umalis agad ito matapos magsalita at bumalik marahil sa quarters niya. Tinungo ko agad ang sala at nakita si Ricky.



          “Bakit ka narito?" agad na tanong ko habang nilagay ang gamit sa sofa at saka umupo. Iniangat ko ang ulo ko dahil pagod na pagod ako.



          “Ako dapat ang magtanong niyan pero hindi iyan ang eksaktong tanong. Anong ginagawa mo doon sa lugar ng mga skwater?" patanong na sagot ni Ricky.



          Kumunot ang noo ko. “Paano mo nalaman?"



          “May tenga ang lupa. May pakpak ang balita. Iyun din kasi ang sinasabi ng mga baraha," paliwanag ni Ricky.



          Napabangon ako at napatingin sa sahig. Grabe! Ginamit niyang iyung deck niya sa panghuhula.



          “Ngayon ko lang alam na ang cards sa Yu-Gi-Oh ay pwede mong gamitin sa panghuhula," natatawang saad ko.



          “Bakit hindi mo na lang ikwento sa akin kung bakit naroon ka sa lugar ng mga skwater?" seryosong tanong ni Ricky.



          Tumayo na lang ako. “Ano? Kumain ka na ba? Sabayan mo ako," yaya ko para maiba ang usapan.



          Lumiwanag ang mukha ni Ricky. “Bakit? Ano ba ang ulam?"



          Tinungo ko na ang kusina at bumuntong-hininga para malaman kung ano ang ulam ko ngayon. Bulalo. Mukhang magiging effective ang pag-iiba ko nito ng usapan namin.



          “Bulalo ang ulam!" sigaw ko.



          Mabilis na tinungo ni Ricky ang hapag at umupo sa isa sa mga upuan. Favorite kasi ni Ricky ang bulalo.



          Ilang minuto ang nakalipas, tapos na kaming kumain ni Ricky. Nasa sala kami at nagpapahinga. Busog na busog siya. Wala kasing masabi na iba ang bibig niya kung hindi ang kinain niyang bulalo. Siguradong hindi na ito magtatanong sa akin.



          “Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko," biglang sinabi ni Ricky. Ay! Hindi pa pala.



          Nagkunyari ako na humikab. “Ricky, inaantok na ako at pagod na pagod. Gusto ko ng matulog."



          “Puwes, matulog ka pagkatapos mong sagutin ang tanong ko," kibit-balikat niya. “Ano ang ginagawa mo sa lugar ng mga skwater na iyun?"



          Humugot ako ng buntong-hininga at nag-isip kung sasabihin ko sa best friend ko. Nag-aalangan kasi ako dahil nadala na ako noong sinabi ko iyung nangyari sa amin ni Colette. Alam kong best friend ko siya pero hindi naman lahat ng sikreto ko ay sasabihin sa kaniya. Magtago din naman ako ng iba.



          “Dahil ba doon sa huling lalaking na bumili ng bigas kanina sa isang tindahan?" hula niya na parang hindi. Mukhang dine-deduct na niya ang sitwasyon.



          “Walang kinalaman iyung lalaking sinasabi mo," pagtanggi ko.



          “Talaga Zafe? Hindi lang ikaw ang marunong mag-imbestiga sa ating dalawa. Alam mo na kung saan siya nakatira hindi ba?"



          Napailing ako. “Bakit ba?"



          “Ano kasi ang gusto mo at ano ang pumasok sa isip mo bakit isang lalaki pa?"



          “Okay lang naman iyun hindi ba? Basta! Gusto ko lang. At walang makakapigil sa akin," sarkatikong saad ko. “Asaan na pala ang award ko?"



          “Pero Zafe, doon pa sa lugar na maraming adik? Bakit doon pa? Mamaya, umuwi ka dito sa bahay na maraming bugbog sa katawan. Tsaka marami namang bakla sa school natin. Sila na lang. Cute pa."



          “Tingnan mo nga ako? Buhay pa naman ako matapos manggaling doon. At tsaka iyung mga bakla sa atin? Huwag na. Hindi ko sila type."



          Nasapo ni Ricky ang ulo niya. “Pero bakit pa kailangan na manggaling doon sa lugar na iyun? Kung saan stranger pa ako sa lugar na iyun."



          “Masyado ka namang judgemental. Ang babait nga ng mga tao doon Ricky. Katropa ko na iyung mga tao doon."



          “Sa isang araw lang?" nagugulat niyang tanong.



          “Ganoon talaga. Baka may natatago akong kakayahan na maging malapit sa mga taong iyun. Teka? Okay lang ba sa iyo na lalake ang next target ko?"



          “Ano pa ba? Wala akong magagawa kung iyan ang trip ko. Ang magagawa ko lang ay gabayan ka. At hindi ko problema iyan kapag nalaman iyan ng mga magulang mo. Siguraduhin mo lang na walang mangyayaring masama sa iyo. At nako! Yari ako nito sa mga magulang mo kapag may nangyaring masama sa'yo."



          Natuwa ako sa narinig mula kay Ricky. Gusto ko siyang yakapin at okay lang sa kaniya. Pero mukhang hindi niya magugustuhan iyun kaya huwag na lang.



          “So okay na pala tayo. Pwede mo na ba akong patulugin?" natutuwa kong tanong.



          “Ay nako! Oo nga pala. May pasok pa tayo bukas. Matulog ka na nga!" nayayamot na saad ni Ricky at saka lumabas ng bahay.



          Kinabukasan, nang natapos na ang klase, nakipagpustahan na naman kami sa isang eskwelahan at naglaro sa court na pinaglalaruan namin kagaya ng dati. Naliligo ako nun sa pawis nang napansin ko si lalake na kinakausap naman ng isa pang lalake na may ekstrang mata. Nagulat ako nang hinatak siya nito paalis sa court na iyun. Kung hindi lang ako advance mag-isip, mag-iisip ako na may gusto ang taong iyun sa target ko. Pero bahala na. Baka kaibigan niya lang iyun. Hindi ko alam.



          Pagkatapos ng laro ay tumambay na naman ako doon sa tindahan kung saan ko nakita si lalaki. Nakita ko na naman si Randolf at ang mga kasama niya. Gaya ng dati, nilibre ko sila ng inumin.



          “Zafe, pwede bang turuan mo kami kung paano gumaling sa pagba-basketball?" tanong ng isang kaibigan ni Randolf.



          “Pwede naman. Pero hindi ko alam kung gagaling din kayo. Hindi ko maipapangako iyun," sagot ko.



          “Ganito na lang. Pakitaan mo kami kung paano ka maglaro," hiling naman ng isa.



          “Okay. Pwede. Pero paano?"



          “Ahh! Alam ko na! Kunin natin iyung malaking home court ni Nestor."



          “Hoy! Teka lang? Pwedeng huwag doon? Mamaya, mapasubo tayo. At tsaka madaya maglaro ng basketball ang taong iyun," saway ni Randolf.



          “Oo nga. Ang liit kaya ng court natin. Iyung kila Nestor, malaki," gatong ng isa pa.



          Nanlaki ang mata ko at natuwa sa naisip. “Madaya maglaro? Talaga? Gusto kong makalaban ang taong iyan."



          Nagulat sila at nag-usap-usap. Nag-aalala sila para sa akin dahil narinig ko na isang bayolenteng tao ang tinatawag nilang Nestor at baka bugbugin ako. Gusto kong talunin ang tinatawag nilang Nestor na madaya maglaro. Sa huli, napagkasunduan namin na tatalunin ko ang madayang taong iyun.



          Mga ilang minuto na ang lumipas, nakita ko na naman ang target kong lalaki at pumasok na sa bahay niya marahil. Oo nga pala. Kailangan ko na siyang makilala para hindi lang basta lalaki ang tawag ko sa kaniya. Siyempre, kakaibang lalaki siya kaya hindi dapat lalaki ang tawag ko sa kaniya.



          Lumabas ulit si lalaki mula sa bahay niya. Medyo matagal na nagkatitigan kami. Ang ganda ng mga mata niya kung makatingin. Sa tingin ko, ito na ang tamang pagkakataon. Handa man o hindi, magpapakilala na ako sa kaniya. At kailangan ay makilala ko din siya.



          Inilagay ko na ang bote sa isang case at tumayo papalapit sa kaniya.



          Ngumiti ko siya ng matamis. “Hi,” bati ko. “Pwede bang magtanong sa iyo ng ilang direksyon sa iyo? Nanliligaw kasi ako este- naliligaw ako at hindi ko mahanap ang daan paaalis sa lugar na ito.” Nanliligaw? Dahan-dahan lang Zafe.



          “Umm... kapapasok ko lang sa lugar na ito. So I assume na ang hinahanap mong daan palabas ay nasa likuran ko lang,” tugon niya.



          “Ahh! Salamat! Pwede ko bang malaman ang pangalan mo?" Okay! Chance taken!



          “Aulric Melville.”



          Lumawak ang ngiti ko. “Zafe Neville naman ang pangalan ko. Sige. Aalis na ako.”



          Nalampasan ko siya at marahang pinisil ang puwitan niya. Dire-diretso lang ako maglakad para isipin lang niya na wala lang iyun. Siguro, ayos na rin iyun na magpahiwatig na din ako ng konting motibo. So Aulric pala ang pangalan niya.



          Ilang araw na ang nakalipas, marami na ang nangyari. Unang-una sa lahat, si Ricky. As usual, nalaman ng mga ilang kaibigan ko ang pinaggagagawa ko sa buhay dahil sa kadaldalan niya, pero hindi naman issue iyun sa mga kaibigan ko. Pangalawa, nanalo kami noong nakalaban namin ang mga maduduming maglaro ng basketball na sila Nestor. Nako! Hirap talaga akong manalo dahil fair ako maglaro. Sila naman, hindi nahirapan pero nahirapan pa rin sila nevertheless dahil nanalo kami. Pangatlo, nakapagtapos na kami sa high school. Wala naman akong honors o ano pa man. Wala lang. Gusto ko lang malaman niyo.



          Isang gabi, pumunta ako sa isang restaurant kung saan nagtatrabaho si Aulric. Dito kasi sa trabaho niya pinapakita ang side na malimit mo lang makita. Nakangiti siya at napaka-polite niya sa mga costumer ng restaurant. Ang gwapo pa niya sa uniporme niyang pang-waiter.



          “Waiter!" tawag ko sa kaniya dahil siya lang ang waiter sa lugar.



          Lumapit siya sa akin at ibinigay ang menu. Ang galang ng pagkakabigay niya na parang pinagsisilbihan ni Aulric ay isang hari. Kaya siguro maraming kumakain sa restaurant na ito dahil hindi lang basta masarap ang pagkain. Magagalang pa ang mga waiter.



          Ilang minutong lumipas, hindi ko pa binibigay ang aking order. Nakatayo lang siya malapit sa lamesa at hinihintay ako. Siguro, tama na iyung pahirapan siya ng konti.



          “Pwede bang umorder ng waiter dito?" biglang tanong ko sa kaniya at tiningnan siya ng diretso sa mata.



          “I'm sorry sir. Ano po iyun?" pagbalik niya sa itinanong ko. Mukhang hindi niya narinig.



          “Wala." Tumingin ulit ako sa menu. “Gusto ko iyung specialty ng chef ninyo na spicy chicken adobo, chicken soup, at ikaw."



          “I'm sorry sir. I am currently unavailable if you want me to say that. And please sir. Please work with your sense of humor. I don't know what you are getting by talking to me like that." So akala pala niya, nagbibiro ako.



          “Neither am I. Don't worry. I'll work with my sense of humor next time. You work with my order right now please?" tugon ko.



          Umalis na siya at binigay na ang order ko. Bago pa siya tuluyang makaalis, marahan ko na namang hinawakan ang puwit niya. Inis siyang humarap sa akin pero nagkunyari naman ako na walang alam sa mga nangyayari. Maganda talaga ang mata niya kapag nagagalit siya. Sisigawan niya ba ako? Handa na ba siyang matanggal sa trabaho? Sa akin, okay lang na magtrabaho siya sa akin. Magtrabaho siyang mahulog ang loob niya sa akin.



          Umalis na lang siya para sa sumunod na segundo na nagdaan. Natapos na akong kumain nang bumalik si Aulric na may dalang ballpen at notebook. Hihingin niya kaya ang autograph ko? Teka? Baka Death Note iyung notebook na iyun.



          “Excuse me, can I get your autograph sir?" magalang na tanong ni Aulric na may medyo pagyuko pa. Magalang.



          “Autograph? Mula sa akin? Wow! Hindi ko pala alam na fan pala kita," tugon ko.



          “I'm sorry sir, pe- I'm sorry."



          “For what?"



          “Your attitude mostly," seryoso niyang saad.



          “Hmm... you know, masyado ka namang arogante. Ikaw na nga ang nanghihingi ng autograph, ikaw pa itong matapang."



          “I'm sorry again sir. It won't happen again I guess," magalang na naman niyang paghingi ng dispensa. Grace over pressure huh? Hindi siya madaling magalit.



          Nginitian ko siya ng matamis. “Nice. I like that attitude. Give me that."



          Binigay niya sa akin ang ballpen at ang notebook. Sinuri ko muna ang notebook at baka Death Note ito... at hindi ito Death Note. Pagkatapos isulat ang aking signature sa isang pahina, may isinulat akong mensahe sa isa pang pahina at pinunit iyun saka nilagay sa bulsa ng uniporme niya. Tumayo na ako nang tapos na ang lahat.



          “Meet me." Muling tinapik ko ulit ang kanyang puwitan at dire-diretso naman akong lumabas ng restaurant.



          Habang nasa labas, inaantay kong lumabas din si Aulric kapag natapos na ang shift niya. Nasa labas ako ng aking sasakyan. Sigurado naman akong nakuha niya ang mensahe na nilagay ko sa papel.



          Medyo matagal akong naghintay hanggang sa nakita siyang lumabas. Pero imbes na lumapit sa akin, dumiretso siyang maglakad sa isang direksyon. Hindi ko naman sinayang ang pagkakataon ko at hinabol siya. Agad ko siyang niyakap at tinikman ang labi niya. Sa gitna ng halikan, naramdaman kong gumanti din siya. Ang sarap niyang makahalik. Mas masarap pa kesa halikan namin ni Colette. At ilang segundo na ang lumipas, naghiwalay na ang labi namin.



          “Ang sarap mong humalik baby. Mukhang mapapadalas ako sa restaurant niyo. Bye," paalam ko. Sumakay agad ako sa kotse ko at umalis.



          Tuwang-tuwa ako dahil masaya ako nang nahalikan ko siya. Siya kaya, nasiyahan din? Ha! Sumagot siya sa halik ko kaya nasiyahan din iyun.



          Naulit pa iyung mga halik na iyun ng dalawang beses... pero hanggang dalawang beses lang. Naging savage na kasi siya sa ilang subok ko.



          Tuloy-tuloy naman ang swerte ko nang nalaman ko na sa Bourbon Brothers University din siya nag-aaral at katabi ko pa siya. Pero akala ko, okay na ang lahat sa pagitan namin.」



          「7 months ago...



          Huminto si Aulric sa paglalakad at ganoon din ako. “Sabihin mo sa akin. Magkaibigan ba tayo para umakbay ka sa akin habang naglalakad ako pauwi?!" mas seryoso pa niyang tanong at nakatingin sa akin ng diretso.



          Hindi ko siya matingnan ng diretso. “Hindi," naisagot ko na lang.



          “Kung ganoon, tigilan mo iyang ginagawa mo. Marahil ay nahalikan mo nga ako ng tatlong beses. Para sa akin, walang ibig sabihin ang mga halik na iyun. Nakikipaglokohan ka lang sa akin. At may gana ka pa talagang akbayan ako. Hindi iyun nakakatuwa Zafe sa totoo lang. Pinalaki ako ng nanay ko ng maayos. Pero lumalabas ang masamang ugali ko kapag hindi ko gusto ang isang tao. Kagaya ng ginagawa ko sa'yo sa resto, sinusuntok kita sa sikmura sa tuwing nagtatangka ka. Huwag mo akong subukan na hanggang sa eskwelahan, makikipaglokohan ka sa akin. Hindi ako magdadalawang-isip na gawin iyun kung kinakailangan. Dahil itong ginagawa mo sa akin, hindi na nakakatuwa. Binababoy mo ako. Ikaw naman, tuwang-tuwa sa ginagawa mo. Hindi mo iniisip kung ano ang magiging epekto nito sa akin. Isang piece of advice Zafe. Karamihan sa mga inaabusong tao, diyan pinapanganak ang mga mamamatay-tao. Kaya kung pinapahalagahan mo pa ang buhay mo, umayos ka Zafe. Hindi ako takot sa'yo. Mas takot pa ako sa sarili ko dahil hindi ko alam kung hanggang saan ang pwede kong gawing kasamaan sa ibang tao."



          Nagpatuloy naman siya sa paglalakad paalis. Nakatulala lang akong sinusundan ang pigura niya. Nawala sa isip ko ang katotohanang hindi pa pala kami.



          Tumalikod na lang ako para pumunta sa sasakyan ko pauwi nang napahinto ulit ako at may nakita akong isang babae na nagtatago.



          “Anong tinitingin-tingin mo diyan?" naiiritang tanong ko.



          Tinikom niya ang kanyang bibig at mabilis na umiling. Nagpatuloy na ako maglakad paalis. Hindi maganda ang araw na ito para sa akin. Bakit kasi hindi ko mapigilan ang sarili ko na gawin ang mga bagay na iyun sa kaniya? Kung hindi ba ako naging masyadong agresibo, hindi siya magagalit? Kasalanan ko ito! Kasalanan ko ito! Dapat, pag-isipan ko ito ng mabuti.



          Hindi ko na muna siya kinausap ng mga ilang araw nang sa ganoon ay hindi siya masyadong magalit sa akin. Nakalimutan kong galit pala sa mundo itong si Aulric. Hay! Ang mga titig niya, gustong-gusto ko iyun. Kaya lang, kinaaayawan na ako nang nagmamay-ari ng kanyang mga mata.



          Habang hindi siya pinapansin, nilalapitan siya ni Kurt. Nag-aalala na ako at baka kung ano ang sabihin ni Kurt kay Aulric. Maniniwala kaya siya sa sasabihin ng taong iyun?



          Hanggang sa isang araw, nilapitan kami ni Kurt at nakangiti lang siya pero galit ang kanyang mga mata.



          “Humanda ka at ang mga kaibigan mo," saad ni Kurt.



          Sa mga salitang binitiwan niya, mukhang alam na namin kung ano ang gagawin ni Kurt. May gagawin talaga itong masama gaya nang may ginawa itong masama noong high school kami. Dati, sinisiraan niya ang mga taong may atraso talaga sa kaniya. Kapani-paniwala siya kapag maninira ng tao. Perpekto at walang mintis. Kaya humingi ako ng tulong kay Ricky na tulungan niya akong resolbahin ang problemang ito.



          Sa kalagitnaan ng pag-iisip, bigla kong naisip si Aulric. Ano kaya ang sinabi ni Aulric para magalit ng ganoon sa amin si Kurt? Pero nag-aalala ako. Paano kung idamay ni Kurt si Aulric? Hindi pwede to. Hindi.



          On the bright side, natuwa ako nang tumulong si Aulric sa mga plano naming pagtigil sa mga plano ni Kurt na siraan kami. Tama nga ang hinala namin. Kaming tatlo ang punterya ni Kurt. Dahil siguro ito sa sinabi ni Aulric na malandi talaga si Colette. So para pala sa kaniya, ganoon si Colette? Parang ayokong maniwala sa sinasabi niya pero parang gusto ko din maniwala. Siguro, malandi talaga si Colette.



          Mas lalong naging malapit kami ni Aulric pero hindi ganoon kalapit. Sumasama siya sa amin ni Ricky pero wala lang. Para siyang multo. Marahil ay naging malapit lang siya sa amin dahil inaabangan niya kung may gagawin pang masama si Kurt.



          “Matanong ko lang Aulric. Ano nga ba talaga ang relasyon nating dalawa?" naitanong ko.



          Hindi ko alam pero gusto kong itanong ang bagay na iyun sa kaniya. Hindi kasi malinaw para sa akin kung ano ang relasyon namin. Alam niyo iyun. Naghahalikan tapos wala palang relasyon. Iyan kasi ang isa sa mga bagay na naguguluhan pa rin ako. Ano ba talaga ang relasyon ko sa bawat tao?



          Binitawan ko ang kamay niya. “Ang ibig kong sabihin, gusto ko lang malaman kung ano ba talaga ang relasyon nating dalawa. Naming tatlo ni Ricky to be exact. Sumasama ka sa amin at kung ano-ano pa. Ano nga ba talaga?"



          “Sabihin na lang nating acquaintance ko lang kayong dalawa," sagot ni Aulric nang hindi siya tumitingin sa akin.



          “So magkaibigan na pala tayo."



          “Hindi tayo magkaibigan. Tanga."



          “Pero alam mo naman na may gusto ako sa iyo hindi ba?" tanong ko.



          Humarap siya sa akin. “Hay nako Zafe! Pwede bang huwag na muna natin pag-usapan ang tungkol sa relasyon natin. Siguro maganda na ganito muna ito hanggang maging ayos ang lahat sa atin. Ikaw kasi. Hindi ka na lang naging malinaw sa simula pa lang. Ang dali lang naman sabihin na may gusto ka sa akin. Magiging napakadali lang sana ang lahat. Hindi na sana naging mahaba ang kwentong ito."



          “Wow! Ang dali mo lang sabihin na may gusto ako sa iyo."



          “Ang tanong naman ngayon, talaga bang may gusto ka sa akin?" tanong ni Aulric.



          Natameme ako sa itinanong niya. Napakadali lang sabihin ang salitang oo. Pero hindi ko magawa. Bakit ganito? Ito na ang pagkakataon Zafe. Magiging kayo pagkatapos ng scene na ito. Tapos BS na.



          “Hindi ka pa rin sigurado ano? May gusto ka pa din doon sa malandi mong si Colette?"



          Napailing na lang ako dahil hindi ko masabi. “Ewan. Hindi ko alam," naisagot ko na lang.



          “Alam mo ba Zafe, simula noong high school, wala talaga akong naging tunay na kaibigan. Dahil doon sa isang bagay na ewan ko ba kung alam mo. Kaya inaasahan ko, hindi na ako magkakaroon ng kaibigan kahit kailan. Tanggap ko na iyun. Siguro, ito talaga ang role ko sa mundo. Maging kaibigan pansamantala sa mga taong may kailangan sa akin. Ang kinakatakot ko lang, kung pati ang taong mamahalin ko, maging ganoon din. Makakaya ko kaya ang bagay na iyun? Sa totoo lang, kung normal na tao lang ako na may normal na pag-iisip, magpapakamatay na ako. Hindi ko kakayanin ang mga ganitong nangyayari sa buhay ko. Kaya nagpakatatag ako. Nakatingin lang ako sa harapan. Bahala na. Tanggap lang ako ng tanggap. Kung ganoon lang talaga ang role ko sa mundo, bahala na."



          Lihim na lang ako na napatawa sa aking sarili. Tao nga ba talaga ang taong ito? Masyado na pala siyang naghihirap sa mundong ito na hindi ko nalalaman. Ayoko. Ayokong maging dahilan ng paghihirap niya. Siguro, ayos na ganito lang ang setup ng relasyon namin ni Aulric. Baka may tamang pagkakataon sa aming dalawa. Hindi lang talaga ngayon. Pero kailan pa? Ayokong maghintay. Naiinip ako sa mahabang paghihintay.



          Paalis na siya ng kwartong iyun nang niyakap ko siya mula sa likuran.



          “Anong ginagawa mo?" walang amor niyang tanong.



          “Niyayakap kita?"



          “Tumigil ka nga." Sinusubukan niyang alisin ang mga kamay kong nakapulupot sa kaniya. Pero matibay ang mga kamay ko.



          “Brotherly hug. Walang malisya."



          “Walang ganoon Zafe lalo na't alam mong may gusto sa iyo iyung yumayakap."



          “Aba! Hindi ko na problema iyun. Problema mo na iyun kapag ganoon ang iniisip mo." Bibigay na iyan. Bibigay na iyan.



          “Bahala ka."



          Kahit nasa likod niya ako, nilagay ni Aulric ang dalawang kamay niya sa kwelyo ko at naramdaman ko ang isa niyang paa sa isang paa ko.



          “Meron ka na lang limang segundo ngayon." Mukhang masakit ang gagawin niya!



          Agad akong kumalas sa kaniya nang sinabi niya iyun. Gagong tao to ahh! Kahit na mas matangkad ako at mas malaki ang muscles ko, mukhang kaya pa naman niya akong pabagsakin. Hindi worth it iyun kung mababali ang mga buto sa gagawin niya.



          Sabay kaming bumaba ni Aulric nang makita namin si papa na nakaupo sa sofa. Nandito na pala siya.



          “Magandang gabi po papa," bati ko.



          “Magandang gabi po," magalang na bati ni Aulric.



          “Hmm... Zafe, magandang gabi din," bati din ni papa. “Sino ka? Kaibigan ng anak ko?" tanong ni papa kay Aulric.



          “Opo," naisagot ko. Habang...



          “Hindi po," ang sagot ni Aulric.



          Nagkatinginan kami ni Aulric saglit. Oo nga pala. Hindi kami magkaibigan.



          “Ano ba talaga?" naiiritang tanong ni papa.



          “Hindi po," sabay na naming sagot ni Aulric.



          “Hindi? Talaga? Ehh, bakit narito ka kung hindi ka kaibigan ng anak ko?"



          “May report po kaming dalawa na gagawin bukas. Kailangan po kasi na may magiging parte si Zafe sa gagawin naming report. Dahil kung wala talaga siyang parte, sasabihin ko sa prof namin na sa akin ibigay ang lahat ng credits para sa report," diretsong palusot ni Aulric. Hoy! Magpapalusot ka na nga lang, gusto mo na ring bang awayin ang papa ko?



          “Anong sabi mo?" pagalit na tanong ni papa. Nako po!



          “Huwag na po kayong mag-alala. Tapos na po kami ni Zafe doon."



          “Ganoon ba? Hmm... Ano pala ang pangalan mo?"



          “Aulric Melville po," magalang na pagpapakilala ni Aulric.



          “Kaninong pamilya ka galing?"



          Hindi nakasagot si Aulric ng ilang segundo. “Sa pamilya ng nanay ko?"



          “Aba't pilosopo kang bata-“



          “Pwede po bang pauwiin niyo na lang po ako? Medyo malalim na po ang gabi at delikado po sa isang taong katulad ko ang maglakad ng mag-isa sa daan," pagputol ni Aulric sa sasabihin ng nanggagalaiti kong papa.



          “Bakit? Wala ka bang driver?"



          “Ahh! Meron po." Tumingin si Aulric sa akin. “Oi! Driver, ipag-drive mo nga ako pauwi," pautos na saad niya.



          Biglang umusok sa galit si papa sa sinabi ni Aulric at napatayo. Lagot!



          “Nako naman Aulric! Huwag ka nga ganyan magbiro! Ihahatid naman talaga kita pauwi gaya ng sinabi ko sa iyo! Tara na! Uwi na tayo!" saad ko bago pa ibuka ni papa ang bibig niya. “Sige po pa. Hatid ko na po muna siya. Alis na po kami."



          Hinatak ko na lang palabas ng bahay si Aulric. Naha-high blood na kasi si papa at baka kung ano pa ang gawin niya.



          “Ano ba ang pinagsasasabi mo kila papa? Ginagalit mo talaga siya ano?" tanong ko sa kaniya nang nasa labas na kami ng bahay.



          “Zafe, gaano mo ako kilala?" naitanong ni Aulric sa akin.



          “Ano namang klaseng tanong iyan? Siyempre, alam ko."



          Napaisip ako kung ano ba ang alam ko kay Aulric. Ay! Walang kwenta! Ang estado lang pala ng buhay niya ang alam ko. Pero bakit pa ba magtatanong siya sa akin ng ganyan. Tatanggapin ko naman siya kung ano pa man siya. Pero pagdating sa mga magulang ko...



          “Wala kang maisagot? Sinasabi ko na nga ba. Nagsisinungaling ka nga. May gusto ka sa akin pero wala kang masyadong alam tungkol sa akin?"



          “Ikaw ba? Ano pa ba ang alam mo sa akin maliban doon sa mga bagay na alam mo na?" retort ko.



          “Wala din."



          “Wala rin pala, ehh!"



          “At least, hindi ako nagsisinungaling na kunyari, may alam ko."



          Nang nakarating na kami sa kotse, dumiretso naman siya sa gate. Hinabol ko naman siya.



          “Akala ko ba, magpapahatid ka sa akin?" tanong ko.



          “Bakit? Seryoso kang maging driver ko? Akala ata ng papa mo, mayaman ako," sagot ni Aulric.



          “Ehh, paano ka nga pala nakapasok sa school? Hindi sa minamaliit kita dahil alam ko ang tunay na estado ng buhay mo. Scholarship? May part-time job ka?"



          “Special invitation? Teka nga. Huwag na nga natin ito pag-usapan ngayon. Pwedeng pauwiin mo na ako? Madilim na sa labas."



          “Ihahatid naman kita."



          “Huwag na. Kaya ko ng umuwi mag-isa," pagtanggi ni Aulric. “At hindi tayo magkaibigan Zafe. Pwede ba?" Ay nako! Talagang pinanindigan ang hindi kami magkaibigan.



          Hinatid ko na lang siya sa gate. Pagkalabas ay dire-diretso naman siyang umalis nang hindi nagpapaalam sa akin. Ay! Oo nga pala. Hindi kami magkaibigan. May hindi ba magkaibigan na nagpapaalam? Well, sa tingin ko ay hayaan ko na lang siya sa gusto niya. Sa ngayon.



          “O? Bakit nandito ka pa?" tanong ni papa sa akin nang nakapasok na ako sa bahay.



          “Sinundo na po siya ng kanyang tunay na driver," pagsisinungaling ko.



          “Ahh! Ganoon ba? Mabuti naman. Iyang Aulric na iyan anak, hindi ko gusto ang ugali." Yari tayo diyan kapag nalaman niyo na siya ang gusto ko.



          “Sige po pa. Akyat na muna ako. May tatapusin lang ako."



          “Bueno, bumaba ka pagkatapos niyan at nang makapaghapunan na tayong dalawa."



          Umakyat na lang ako ng kwarto ko at niligpit ang dapat iligpit. Habang nagliligpit ay nakakita ako ng tatlong dice. Kinuha ko ito at nag-isip. Kapag lahat ay six ang lumabas, isusumpa ko na magiging kami ni Aulric hanggang wakas. Kahit anong mangyari, iibigin ko siya. At kung may pagkakataon na ipapapili ako at kasama doon si Aulric, siya ang pipiliin ko. Wala ng iba.



          Napailing na lang ako dahil napakaimposible ng mga iniisip ko. Tatlong six nga na lalabas sa tatlong rolyo ng dice, napakaimposible na nga ehh. Ang tsansa lang ay 1 is to 216. Unless kung nasa akin ang Number 7, Lucky Strike na card ko. Iyun ay kung totoo ang swerte ng card. Pero sa animé lang iyun at hindi mangyayari sa totoong buhay. Pero wala namang masama kung maniniwala ka.



          Pagkatapos magligpit, hinagis ko na ang tatlong dice sa sahig. Biglang nagkalat ang mga dice nang nahalikan ng mga ito ang sahig. Hinanap ko naman ang mga dice sa kwarto ko at nakita ko na ang dalawa sa kanila ay 6 ang resulta. Wow! Mukhang swerte nga. Pero asaan na ba iyung isang dice?



          Hahanapin ko sana ito nang narinig kong sumigaw si papa mula sa baba na kakain na daw. Ay! Wala na akong magagawa kung hindi bumaba na. Siguradong magagalit sa akin si mama kapag hindi pa ako bumaba. Saka ko na lang hahanapin ang pangatlong dice.」



Aulric's POV



          「7 months ago...



          Kahit na wala akong reaksyon sa mga nakakakilig na sinabi ni Zafe kanina, saka lang iyun umepekto sa akin. Confirmed nga. May gusto din siya sa akin. Dapat talaga na magsaya ako. Pero bago kasi ako magsaya, iniisip ko na ang magiging hadlang sa relasyon naming dalawa. Siyempre, magiging numerong unong hadlang ay ang mga magulang niya.



          Dahil si Zafe ay ang tanging anak ng pamilya nila na lalaki, siyempre, papayag ba ang mga iyun na ang kaisa-isa nilang anak ay magkakagusto sa isang lalaki na katulad ko? Hindi iyan panigurado. Baka kapag nalaman nila na lalaki din ang gusto ni Zafe, isipin ng mga magulang niya na bigyan na muna sila ng apo galing sa mga babae. Nako! Hindi pwede sa akin iyan. Ano sila? Sineswerte? Ipapalaglag ko ang bata kahit alam kong kasalanan iyun. Hindi ako papayag siyempre. Gusto ko na kapag magkaanak kami ni Zafe, galing sa laman naming dalawa. Pero iyun ay kung ganoon ang maging pasya ni Zafe sa mga bagay-bagay.



          Hay nako! Bakit ba ang advance ko mag-isip ng mga bagay-bagay ehh hindi pa nga kami. Ni hindi nga kami magkaibigan. Echos? Hindi.



Dare me to jump off this Jersey bridge?
I bet you never had a Friday night like this.
Keep it up, keep it up, let's raise our hands.
I take a look up at the sky and I see red.
Red for the cancer, red for the wealthy.
Red for the drink that's mixed with suicide.
Everything red.

Please won't you push me for the last time.
Let's scream until there's nothing left.
So sick of playing, I don't want this anymore.
The thought of you is no fucking fun.
You want a martyr, I'll be one.
Because enough's enough, we're done.

You told me to think about it well I did.
Now I don't wanna feel a thing anymore.
I'm tired of begging things that I want.
I'm over sleeping like a dog on the floor.





          Sakto pa naman ang kanta sa gagawin ko. Ahh! Habang naglalakad ako, hindi ko napansin na nasa isang madilim na ako na eskinita. At hindi lang iyun ang hindi ko napansin. Well actually, hindi ko napansin dahil sa pinakikinggan ko talaga ang kanta na nakalagay sa phone ko. Salamat sa earphones na binigay sa akin ni Ricky. Pwede na ako ngayon makapakinig ng kanta sa phone ko.



          Balik sa talagang nangyari, may baril lang naman na nakatutok sa aking likod. Hindi ko alam na baril pero base sa naramdaman ng likod ko, baril nga iyun.



          Agad lang akong huminto at humarap sa nantutok sa akin. Kahit na madilim ang eskinita, nahuhulaan ko kung sino ang taong ito. Ito lang naman iyung tinutugis na holdaper sa lugar namin.



          Agad ko lang itinaas ang kamay ko. Dahil sa pagbuka ng bibig ng taong ito, may sinasabi ito sa akin. Hindi ko alam kung anong sinasabi ng taong ito. Pasensya na dahil sa mas maganda ang mensahe ng music na pinapakinggan ko kesa sa sasabihin ng holdaper na ito.



          “Huwag niyo po akong patayin. Maawa po kayo sa akin. Ibibigay ko po ang pera ko," nasabi ko na lang kahit hindi ko alam kung ano ba talaga ang sinasabi ng lalaki. Ang ibig kong sabihin, ito ang gustong marinig ng mga holdaper hindi ba?



          Hindi ko pa rin tinatanggal ang earphones sa tenga ko. May sinasabi pa ito sa akin at mukhang gusto niyang makuha ang lahat sa akin. Bakit? Iyun naman talaga ang gusto ng mga holdaper hindi ba?



          Pero kasabay ng lyrics ng kanta na pinapakinggan ko, may mangyayaring kahindink-hindik. Iyun ay kung magkakamali ang taong ito sa akin. Hay nako Aulric! Huwag mo na lang kaya ituloy? Paano kung hindi magkamali ang holdaper na ito? Nakatutok pa naman sa iyo ang baril. Kapag nakalabit niya ang gatilyo, tiyak na utas ka agad. Na parang hahayaan ko naman.



          Dahan-dahan na may konting bilis kong hinuhubad ang earphones na tiyak na gusto niyang makuha dahil nakakonekta ito sa phone ko. Medyo pinapanginig ko pa ang aking katawan para naman mapaniwala ko ang holdaper na natatakot ako sa kaniya. Hindi ako takot? Oo. Gusto ko kasing maramdaman ng holdaper na lamang na lamang siya. Gusto kong maging kampante siya.



Hail Mary, forgive me.
Blood for blood, hearts beating.
Come at me, now this is war!

Fuck with this new beat.
Oh!



          “Hoy! Ano iyan?!" sigaw ng isang tao sa kabilang dulo ng eskinita.



          Sa puntong iyun naging mas kahindik-hindik ang nangyari. Lumingon si holdaper sa taong sumigaw. Dahil doon kaya nawalan siya ng focus sa akin.



          Agad kong pinatid ang lalaki sa pamamagitan ng pagsipa sa paanan niya. Nawalan siya ng balanse at bumagsak. Ihiwalay ko sa holdaper ang kanyang baril para wala siyang magawa. Swerte naman na nahagip ng mga mata ko ang isang parte ng dos por dos na kahoy na medyo malaki.



Now terror begins inside a bloodless vein.
I was just a product of the street youth rage.
Born in this world without a voice or say.
Caught in the spokes with an abandoned brain.
I know you well but this ain't a game.
Blow the smoke in diamond shape.
Dying is a gift so close your eyes and rest in peace.



          Agad ko itong kinuha at pinaghahampas ang holdaper. Isa, dalawa, tatlo, hindi ko alam kung ilang beses ko ng hinampas ang holdaper. Basta hampas lang ako ng hampas. Nagmamakaawa pa ito sa akin pero parang wala lang ito sa akin. Buhay pa kaya siya? Pero gumagalaw pa rin siya habang hinahampas ko. Tama lang siguro ang ginagawa ko. Hampas lang ng hampas!



          “Aulric, tama na!" pagpapatigil ng taong sumigaw kanina. Nalaman kong si Randolf pala ang naging dahilan ng swerte ko.



          Bumalik ako sa aking uliran at tinigil ang paghampas. “Randolf, ikaw pala." Hinabol ko ang aking hininga. “Salamat pala sa pagsigaw kanina. Kung hindi dahil sa iyo, baka nakuha na niya iyung mga importanteng gamit ko. Kahit wala naman."



          “Walang anuman," tugon ni Randolf. Tiningnan niya ang kawawang holdaper. “Buhay pa kaya ang taong ito? Matingnan nga ang pulso."



          “Huwag mong gagawin iyan," pagpigil ko. Hahawakan niya sana ito pero alam ko na patay na ang taong ito dahil base sa galaw ng tiyan nito, hindi na humihinga. Basta. Alam ko lang.



          “Bakit? Baka buhay pa siya at nang maisugod natin sa ospital."



          “Patay na iyan. Huwag mo ng pag-aksayahin oras ang taong iyan. At saka kapag patay na, huwag mo ng hahawakan ang bangkay. Baka pagbintangan ka pa na ikaw ang pumatay," paliwanag ko.



          “Pinatay mo siya?" nagulat na tanong ni Randolf.



          “Alam mo Randolf, ikaw kaya ang walang humpay kong hampasin diyan. Tingnan natin kung mabubuhay ka pa. Gusto mo bang gamitan kita ng scientific method?" saad ko habang inaambahan ko siya.



          “Paano iyan?! Napatay mo siya! Anong gagawin natin?! Tumawag ng pulis?!" natatarantang saad ni Randolf.



          “Hayaan mo na lang siya na mabulok sa lupa. Dapat lang sa kaniya iyan," walang amor kong sagot.



          “Pero Aulric, pinatay mo siya!"



          “Ano pa ba ang magagawin natin? Patay na siya. At tsaka dapat lang iyan sa kaniya. Hindi mo ba siya namumukhaan?" Tinuro ko ang bangkay. “Iyan iyung holdaper na pinaghahanap ng mga pulis sa lugar natin. At dapat lang sa kaniya ang mamatay. At kung buhay pa siya, sino bang nakakaalam kung sino ang susunod niyang biktimahin. Isipin mo nga. Paano kung si nanay ang susunod niyang biktimahin? Paano kung ikaw o ang pamilya mo? Paano kung the instant na hinoldap ka ng taong ito ay isipin na lang na pumatay na lang ng tao? Sige nga Randolf. Ano ang gagawin mo kung iyung mga sakali na iyun ay mangyari talaga? Hindi mo ba nakikita iyung mata niya? Kulay pula. Halatang adik sa shabu iyang taong iyan. At hindi ko hahayaan na mabiktima pa niya ang nanay ko kung sakali."



          Nasapo ni Randolf ang ulo niya at dahan-dahan na umikot. “Hindi Aulric. Ang punto ko dito, nakapatay ka. Pinatay mo siya."



          “So what if I kill him? Ano ba ang pinaglalaban mo Randolf? Ang pinatay ko lang naman ay ang isang buhay na miserable. Pabor nga sa taong ito ang ginawa ko dahil magiging mapayapa na ang buhay niya. At sa iba pang tao na nabiktima niya."



          Napailing na lang si Randolf. “Okay. Okay. Okay. Panalo ka na? Ngayon, ano ang gagawin natin?"



          Binigay ko sa kaniya ang kahoy na hawak ko. “Unang-una, dahil sa krimen pa rin ang ginawa natin, sunugin mo ang kahoy na ito para wala silang mahanap na murder weapon."



          “Ano? Krimen pa rin ang ginawa mo?" nagulat niyang tanong.



          “Natural. Pinatay ko ang tao. At tsaka ayokong magpakabayani at sasabihin ko sa lahat ng tao na ako ang pumatay sa holdaper. Makakadagdag lang iyun sa masamang imahe ko na matagal ng masama. Kahit na isang masama na holdaper ang pinatay ko, ang masamang gawain ay masama pa rin. Kaya heto ang kahoy. Umuwi ka sa inyo at sunugin mo ito."



          Kinuha ni Randolf ang kahoy. “Pero paano kung madamay ako sa krimen mo? Ayokong magkaroon ng criminal record."



          “Pwede bang sundin mo na lang ang gusto ko? At tsaka damay ka na dito. Kapag nahuli ako at nahanap nila ang kahoy, madadamay ka dahil hawak mo na ito. Sasabihin ko sa mga pulis na nakihampas ka din para mapatay ang taong ito. Siyempre, may mga ebedensya sa mga sinasabi ko. Gusto mo ba iyun?" composed na pagpapaliwanag ko dahil kanina pa ako naiirita kay Randolf.



          Napalunok siya. “Okay. Susundin ko ang mga sinasabi ko."



          Napangiti ako. “Good. Sumunod ka sa akin para maging ayos lang ang lahat. Baka may mga CCTV dito sa lugar. Kailangan ay doon tayo dumaan sa walang CCTV."



          Tumango-tango lang si Randolf sa sinasabi ko. Tumuro ako ng isang direksyon at pinauna ko siya at binilinan na hintayin ako. Tumingin na muna ako sa krimen na ginawa ko at baka may mga ebidensya na makapagtuturo na ako ang gumawa. Ginamit ko ang flashlight ng phone ko para makita ang mga bagay-bagay sa dilim. Okay. Walang ebidensya na makakapagturo na ako ang may sala. Okay na ang lahat.



          Narinig kong umungol pa ang holdaper. Hindi pa pala siya patay. Mukhang may buhay pa siya.



          Gamit ang aking mga paa, tinapak-tapakan ko ang kanyang kawawang katawan. Nakakainis naman kasi. Buhay pa pala siya sa mga hampas na iyun?



          Ilang segundo ang nakalipas, tinigilan ko ang aking pagtapak. Kumuha ako ng panyo sa aking bulsa at tinabunan ang isa kong palad. Gamit ito ay tiningnan ko ang pulso ng tao. Wala ng itong pulso. Kumpirmadong patay na siya.



          Ibinalik ko na ulit ang aking panyo at sinigurado ulit na walang bagay na magiging dahilan na makakapagturo sa krimen na ginawa ko at sumunod na kay Randolf. Ang ganda ng gabi tapos binulabog ako ng isang pinaghahanap na holdaper. Malas lang niya. Ako pa naman ang klase ng tao na ayaw sa mga taong ubod ng sama. Gusto ko kasi na ako lang ang masama. Pero in a good way. Hay nako! Ito ang pagkatao ko. Ano pa ba ang magagawa ko kung hindi ang tanggapin? Saan ko kaya namana ang ugaling ito? Sa tatay ko? Nagiging katulad na ba ako ng tatay ko? Ewan!



Imagine living like a king someday.
A single night without a ghosts in the walls.
We are the shadows screaming take us now.
We'd rather die than live to rust on the ground!
Shit!



ITUTULOY…

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails