Followers

Friday, March 6, 2015

Love Is... Chapter 32



AUTHOR’S NOTE: Heto na! Heto na! Heto na! Ha! Ha! Lol!

Magandang buhay! Nagbabalik ulit ako for an update. So… what’s up, guys?

Unang-una sa lahat ang aking pagpapasalamat sa mga nagtatiyaga pa ring nagbabasa nitong akda ko. Probably, this story will only have 3 to 5 Chapters na lang. So be ready. :)

Maraming salamat pa rin kila SIR MIKE at SIR PONSE, na abala na naman ulit para sa susunod na libro na ipapublish nila under MSOB. Congrats sa mapipiling cover ng book na ‘yon! :)

Sa aking mga RYESTERS at mga KA-BLUE’s diyan. Kaway-kaway!

Sa aking mga Co-RA’s: BLUE, VIENNE, APPLE GREEN, PRINCE JUSTIN, SEYREN, ROGUE, AXEL, CRAYONBOX, GIO, and COOKIE CUTTER. Hello! Sana makapagbasa ulit ako ng mga kwento niyo. Matatapos na rin naman ang pinagkakabusyhan ko e.

Sa mga KAIBIGAN ko sa FACEBOOK, REAL or DUMMY man ‘yan, maraming salamat sa pagtityaga sa akin. Lol!

Sa mga walang sawang nag-iiwan ng kanilang comments sa bawat posts ko. Maraming salamat! READERS (Silent or Active), COMMENTATORS, and CRITICS. Maraming salamat! – Kuya ALFRED of T.O., 44, MARC ABELLARA, ANONYMOUS1, BRIX, SICHEM, GREY USON, ANONYMOUS2, at YEAHITSJM.

So there! :)

PS: Mahabang Chapter po ito. Baka kasi hindi ako makapagpost next week. Ipagpray niyo ako sa gagawin kong Teaching Demo. :)

‘Til the next posting, guys! :)

Enjoy reading! :)



DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author’s imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental. All images, videos and other materials used in this story are for illustrative purposes only; photo credits should be given to its rightful owner.


LOVE IS…
Rye Evangelista
theryeevangelista@gmail.com


PREVIOUS CHAPTERS

I | II | III | IV | V
VI | VII | VIII | IX | X
XI | XII | XIII | XIV | XV
XVI | XVII | XVIII | XIX | XX
XXI | XXII | XXIII | XXIV | XXV


ADD US TO YOUR BLOGGER APP
(Reading List)



ADD ME UP!



KINDLY READ THESE STORIES TOO!

Crayonbox’s Starfish (On-going)
Gio Yu’s Final Requirement (On-going)
Axel De Los Reyes’ Love Game (Upcoming)
Seyren Windor’s Loving You… Again (On-going)
Bluerose Claveria’s Just For A Moment (On-going)
Prince Justin Dizon’s Me And My Rules (On-going)
Rogue Mercado’s Way Back Into Love 2 (On-going)
Vienne Chase’s Strings From The Heart (On-going)
Apple Green’s (Jace Page) The John Lloyd Diary (Ongoing)
Apple Green’s (Jace Page) The One That Got Away (Upcoming)
Cookie Cutter’s Gapangin Mo Ako, Saktan Mo Ako. 2 (On-going)


CHAPTER XXXII


Red’s POV

Wala sa huwisyong lumapit ako sa kanilang dalawa.

This isn’t happening right?

“Red?” Pagpansin sa akin ni Zeke nang makalapit ako.

“What’s the meaning of this?” Agad na tanong ko sa kanila.

Nagpalipat-lipat ako ng tingin sa kanila ni Riel. Pati na rin sa kamay nilang magkahawak. Nakatingin lamang sa akin ng diretso si Riel, seryoso. Samantalang si Zeke naman ay nakangiti sa akin.

‘Di tulad noong nasa bar nila kami ay hindi niya makuha ang pagtitig ko.

I want you to get off of my property, Yamson!

“Kami na ni Riel.” Diretsong sagot ni Zeke sa akin. Inakbayan niya na rin ito. “Di ba, Babe?”

Natigilan na lang ako.

Babe? What the fuck? Hindi pa kami naghihiwalay! Paano naging kayo?!

Pero… hindi naman iyon lumabas sa aking bibig.

Namuo ang luha sa gilid ng aking mga mata.

Has the tables turned on me now?

“To-Totoo ba a-ang si-sinasabi niya, Riel?” Hopeless kong tanong sa minamahal ko.

“Ano naman ‘yon sa’yo, Ariola? ‘Di ba may Dave ka na naman? Ikaw pwedeng magkaroon ng lovelife, tapos ako hindi? You’re through with me, I’m through with you too. Tama na ang pag-iyak ko sa’yo for almost a year. I guess, it’s time for me to move on. And I’m moving on with Zeke.” Aniya tsaka inilingkis ang braso nito kay Zeke.

Ariola?

“I’m sorry, Bro.” Ani Zeke. Hinawakan pa nito ang balikat ko.

“Finders keepers, losers’ weepers.” Dagdag pa niya.

Nag-igting sa pandinig ko ang sinabi niya. It’s like hell is telling me, that it’s my fucking fault why this is happening. I don’t deserve to be pitied.

Pero… God damn it! Sinabi ko sa kanyang back off, noon pa! Bakit niya ba ako tinatalo?

Hindi ko na napigilan ang sarili kong suntukin siya. Isang tama lang sa pisngi niya’y napaupo na siya sa buhanginan. Nakarinig naman ako sa malapit ng mga hiyawan. Nakita ko na rin sina Eli sa malayo.

“Anong ginawa mo?!” Sigaw sa akin ni Riel.

Agad nitong dinaluhan si Zeke.

“I told you to fucking back off, Zeke! Bakit mo pa rin itinuloy?!” Asik ko sa kanya.

“Kasi mahal ko siya! Hindi kagaya ng pagmamahal mo na kayang saktan siya for over a year now.” Aniya.

Naitayo na siya ni Riel.

“I’ve been stalking him since the day you left him. Ramdam ko ang sakit. Ramdam ko lahat ng dinadala niya. I want to free him from all of those shit you brought him! He doesn’t deserve to be in the situation you put him in. He doesn’t deserve YOU!” Dagdag pa niya.

“What’s happen—.” Ani Eli.

Natigilan lamang siya nang makitang si Riel pala ang kausap ko. Nasa paligid na rin namin ang mga kasama namin kanina.

“Riel…” Dagdag pa niya.

I need to tell the truth.

“Hindi totoong kami ni Dave. Nagpapanggap lang kami.” Diretsong saad ko mata sa mata kay Riel. May pagkadesperedo na rin doon.

“What do you mean? Nagpapanggap? If you’re saying that, just to get me again, hinding hindi na mangyayari ‘yon, Ariola! I’m over you! Hindi pa ba ‘yon malinaw sa’yo?” Diretsong sagot naman nito sa akin.

Hindi ako naniniwala! Fuck! Pero… bakit ako nasasaktan? Argh!

“Anong?” Nagtatakang tanong ni Eli.

“Anong nangyayari rito? Paki-explain nga? We’re glad you’re okay Riel, but what the hell is happening? Pinagtitinginan na kayo ng mga tao rito!” Ani Yuki.

“Kami na ni Zeke, at hindi iyon matanggap ni Ariola. Nagkita kami sa byahe. He helped me get through from all of the pain I have. All thanks to him, I have finally moved on! Tapos! Period!” Sagot niya sa matang nagtatanong sa paligid.

Hindi ko na siya matignan ng mabuti.

I’m about to cry, pero pinipigilan ko itong tumulo. I can’t. I just can’t cry right now. This isn’t happening! This is only one of my nightmares.

“Di ba ito naman ang gusto niyo? Ang magmove-on ako? Finally! I have loosened up from crying every night just for one freaking asshole na hindi naman ako kayang panindigan. Na wala nang ginawa kung hindi ang saktan ako.”

“Riri… I’m sorry.” Ani Ericka.

“Bakit ka nagsosorry, Eri? May kasalanan ka ba saakin?” Agad na tugon nito.

Napalingon ako kay Eri para sabihin sa kanyang ‘wag na, na ako na ang aako ng lahat ng bintang. Kasi ako naman lahat ang may kasalanan nito. If I didn’t dragged her, hindi siya madadamay dito.

“Eri, stop! Let Red handle this.” Buti na lamang at naintindihan ni Eli ang gusto kong mangyari. Kaya’t naitikom na lang ni Eri ang kanyang bibig at tumango sa akin.

“What?” Tanong ni Riel.

“Hear him out, Riel. Si Red lang ang makakapagpaliwanag sa’yo ng lahat.” Ani Eli.

“Hindi ko na kailangan ng paliwanag. It has no use now. Let’s go, Zeke?” Aniya saka hinawakan ang kamay ni Zeke.

“By the way, see you na lang sa assembly. Gustuhin ko man na ‘wag na lang pumunta sana for the immersion, nakakahiya naman kay Ms. Salveda. Bye!” Huling salita niya saka kami tinalikuran lahat.

Pero hindi ako pumayag na sumama siya kay Zeke. He’s mine. Definitely mine! Possessive na kung possessive. Hindi pa naman kami naghihiwalay ‘di ba?

Hinawakan ko na lang ang isa pa niyang kamay.

“Please hear me out, Riel. Please… ako na lang ulit.”


Riel’s POV

Fudge! Ano bang pinagsasasabi ko!

Paalis na sana kami ni Zeke nang may humawak sa isang kamay ko. Pagtingin ko ay si Red iyon. Magpigil ka Riel! Mamaya ka na bumigay! Fudge!

“Please hear me out, Riel. Please… ako na lang ulit.” Aniya.

Dahil sa sinabi niyang ‘yon, nagdadalawang isip na tuloy akong ituloy pa ‘tong plano. Argh!

“Sorry, Bro! Pero, akin na siya.” Agad na inundayan ni Zeke ng suntok si Red sa pisngi.

Naestatwa na lang ako sa kinatatayuan ko. I feel sorry for Zeke, kasi nasuntok siya ni Red. He deserves to get a shot too, pero… fuck!

“Tama na!” Sigaw ko.

Nagsasagutan na kasi ng suntok ang dalawa.

Pero, instead na tumigil ay hindi pa rin sila natitinag. Panay na ang awat sa kanila ng mga kaibigan namin pero hindi sila napipigilan.

Ako na ang aawat. Fuck! Hindi dapat umabot sa ganito e! Aish! Pero… gusto ko ang nangyayari. Lol!

Pero… ayoko ring nagkakasakitan ang magkaibigan dahil sa akin. Sayang ng mga mukha nila kung mapupuno ng pasa ang mga iyon!

What the fuck! Nagagawa ko pang magdaydream! Hayst!

Lumapit ako pero nahagip ng kamao ni Zeke ang pisngi ko. Kaya tumilapon ako.

Argh! Ang sakit! Comedic na ata ‘to! Pero! Ang sakit talaga! Ang shaket shaket! Lakas naman ng gagong ‘to! Lagot ka sa akin mamaya!

“Anong ginawa mo?!” Gigil na sigaw ni Red. Nakita niya siguro ang nangyari sa akin.

Parang nagkaroon siya ng lakas dahil sa nangyari sa akin, kaya siya naman ang pumaibabaw kay Zeke at mabilis na inundayan ito ng suntok.

May mga pumipito nang mga tanod para awatin sila. Kaya ako na ulit ang gumawa ng paraan.

“TAMA NA!” Sigaw ko tsaka agad na lang tumakbo papuntang gubat.

“Riel!” Sigaw nilang lahat pero hindi ko iyon inintindi.

Bahala na! Alam na ni Zeke ang gagawin. Mamaya pa sana ‘to e. Pero, ito na lang ang magagawa ko para tumigil sila. Baka makarating pa ‘to kay Mama, may pingot ako sa kanya. Hahaha!

Sorry, guys! Nasa plano ito e. We’ll catch up, later.


Zeke’s POV

Nakahiga pa rin ako sa buhangin. Ganoon din si Red. Natapos ang brawling namin nang umalis si Riel. That’s my cue. Wala na rin siguro siyang choice kasi, wala naman ito sa plano.

Gusto ko lang talagang basagin ang pagmumukha ng gagong ‘to!

Kaibigan na ang turing ko kay Riel. Being with him for the past 7 days, hindi ka talaga magdadalawang isip na hindi siya pansinin. Sabi ko nga, he’s one in a million.

Panay ang salita ng mga nakapaligid sa aming mga tao. Si Martinez naman ang nagpapaliwanag sa mga tanod na nagsilapitan kanina pagkatapos makaalis ni Riel.

“You might want to follow Riel. Sundan mo na habang hindi pa ako nakakatayo rito.” Utos ko.

Napatingin naman ito sa akin. Nagtatanong kung bakit. Nagkibit balikat na lamang ako sa kanya.

Find out for yourself, Ariola!

Agad itong tumayo at tumakbo.

“Red!”

“Red! Saan ka pupunta?!”

Tanong ng kanyang mga kasama.

Ako? Wala naman akong ka-close sa kanila e. Dito na muna siguro ako, maghihintay hanggang sa makarecover.

Gagong Red na ‘yon! Putok ang labi ko ro’n ah! Buti na lang nakaganti ako.

“Okay ka lang ba?” Tanong no’ng isang kasama nina Martinez.

Nakalahad na rin ang kamay nito para tulungan ako. Magdadalawang isip pa sana ako e. Kaso, hindi na naman ako gaya no’ng dati.

Suplado. Bully. I’ve changed for the better.

Kinuha ko naman ito saka buong lakas na pinilit na tumayo. I’m really drained. Buti na lang at tinulungan niya akong makatayo.

“Yeah. I’m fine. Thank you.” Pagpapasalamat ko nang makatayo ako.

“Jasper! Tara na!” Pagtawag sa kanya no’ng madaldal na haponesa sa B Section dati. Lagi kaming nabibigyan ng punishment slips no’n e. Tss.

Wait? Jasper? Siya ‘yon?

“Teka lang!” Tugon niya.

“Magiging okay ka na ba? Balik na kami sa resthouse e.” Aniya.

Napatango na lang ako sa kanya.

Hindi na masama. But what the hell?! Siya pala ‘yong karibal ko kay Alvin!

“Sige!” Aniya saka tumakbo papunta kila Martinez.


Riel’s POV

Hiningal ako kakatakbo papunta rito sa gubat. My Gawd! Bakit dito ko naisipan dalhin si Red?

Kasi nga you love nature!

Tse!

Para na akong timang sa kakakausap sa sarili ko. Mabuti na lang at mayroong abandonadong kubo rito. Kaya roon na lang ako nagpahinga.

Magsosorry na lang ako kay Zeke mamaya. Baka napuruhan siya e.

Si Red kaya?

Naalala ko tuloy ‘yong may manghohold-up sana sa akin. Kahit may kutsilyong dala ‘yong lalaki, nagawa niya pa rin itong mapatumba.

Naalala ko ring sa sobrang pasasalamat ko sa kanya ay nagawa kong yakapin siya kahit magkaaway pa kami no’n.

Napangiti na lang ako.

“Hi!”

Napatalon naman ako bigla sa gulat! Fudge! May multo ba rito? Napatingin ako sa paligid. Wala naman.

Nakita ko ang imahe ni Red sa harap ko. Fudge! Sabog ang labi niya, pati ang kilay niya. Argh!

Nakagat ko tuloy ang labi ko para mapigilan ang pagtakbo’t yakapin siya.

Not yet!

Papagpaliwanagin mo pa siya. Lagot sa akin si Zeke sa akin mamaya. Gagong ‘yon! Sisirain pa ang gwapong mukha ng mahal ko!

“Ba’t ka andito? Nasaan si Zeke?!” Nilagyan ko ng iritasyon ang pagkakasabi ko noon.

Pwede na akong maging artista ngayon. Hubog na hubog na ako sa pag-iinarte. Ayt! Pag-aarte pala. Lol!

“Can we talk?” Mahinahon niyang tanong.

“We’re already talking.” Sagot ko. Pilosopo! Tss.

Napangiti na lang ito nang sabihin ko iyon. Kinakagat ko na lang ang labi ko para maiwasang mapangiti na rin.

Fudge! Ang hirap magpanggap, ha? Lalo na’t siya ang kaharap ko.

Kailangan ko pa pala ng supporting actor para matagumpay na makapagpanggap! Argh!

Nag-iwas na lang ako ng tingin sa kanya para hindi niya mahalatang nagsisinungaling ako.

“Suplado ka na ulit. I like that.” Aniya.

Napalingon naman ako sa kanya. Napailing lang ito sa akin na nakangiti.

You want me resentful, huh?

That smile, though! Argh!

Umupo na lang ito sa tabi ko ng walang pasintabi.

“What is it? Magsalita ka na. Baka hinahanap na ako ng boyfriend ko!” Halos mautal-utal kong sambit.

“Sa pagkakaalam ko, ako naman talaga ang boyfriend mo, ‘di ba?” Aniya.

“Tapos na tayo, ‘di ba? Nauna kang maghanap ng iba, kaya naghanap rin ako ng akin. ‘Yong alam kong hindi ako sasaktan.” Tugon ko.

Fudge! Heto na naman! Nakaupo na nga ako’t lahat-lahat, nangangatog parin ang tuhod ko. Seriously?!

“Mahal na mahal kita.”

Isang kalabit pa Red, bibigay na talaga ako! Argh!

“I’ve heard that a million times, pero hindi naman ‘yan totoo. If you really love me that much, hindi ka aalis, hindi mo ako ipagpapalit!” Fudge!

Pinapatunayan mo lang na gusto mo pa rin siya! Argh!

Aba! Totoo naman e! Siya lang naman talaga ang gusto ko. Ang mahal ko! Kingina naman! Ang hirap magpanggap, ha?

“Nagseselos ka?” Makakatunugan mo ng saya ang pagsabi niya noon.

“Hell, no! Ba’t naman ako magseselos, e may Zeke na kaya ako! Masaya ako sa piling niya!” Another lie.

Push ko pa ‘to! Sayang din naman ‘yong pinagplanuhan namin e!

Pero… konting kalabit na lang bibigay na talaga ako. Ang hirap! Gusto ko na siyang halikan! Hagkan and more! Argh!

“Weh?” Aniya saka ngumiti. Takte!

Look away, Riel! Just look away! Para makapagpigil ka pa.

Tumayo na lang ako saka lumabas doon sa kubo. Nakita ko na nagbabadya ang ulan sa kalangitan. Rain forest ba ‘to? Ang taas kaya ng sikat ng araw kanina!

“I’m not pushing you to believe me. Iyon naman talaga ang totoo e. Hmp.” Saad ko na lang.

“Pwede bang umupo ka lang dito sa tabi ko.” Utos niya.

Ay! Napaka naman nito! Tinaasan ko na lang siya ng kilay.

“Please?” Pakiusap niya. Pinagpagan niya na rin ‘yong dating kinauupuan ko.

Argh! Ayoko! Baka bumigay ako!

“Grrr! Foine!”

“Good.” Aniya saka ngumiti ulit.

“I’m sorry, okay?” Dagdag niya.

“Kung mapapawi lang ng sorry mo ang isang taong iniyak ko sa’yo, okay na sana ako ngayon. Pero hindi. I’ve moved on dahil sa tulong ng ibang tao.” Tugon ko.

Iniwas ko na lang ang aking paningin sa kanya. Kahit papaano pala’y may hinanakit talaga ako sa kanya. Kung wala, hindi ko naman maihuhugot lahat ng mga pinagsasabi ko ngayon.

Natanggap ko lang ng mabilis kasi ayokong mawala siya sa akin. I want to fight for that love, na kahit sana hindi na kailanman masusuklian ay malaman ko man lamang ang halaga.

Walang pasintabing bumuhos ang ulan doon sa gubat.

“What the?!” Reklamo ko.

Nagsisituluan na rin kasi ang tubig ulan sa mga butas ng bubong sa abandonadong kubo na ito.

“Guess we’ll have to wait ‘til the rain stops.” Aniya.

Gusto ko ‘yon, para makapag-usap tayo.

“Tss.” Tugon ko na lang.

Konting katahimikan ang dumaan doon sa amin. Tanging patak ng ulan ang naririnig doon. I want to keep the conversation going, pero, galit-galitan pa ako e.

“I’m really sorry. I’m sorry for being a jerk. I’m sorry for leaving you. I’m sorry for causing you pain…” Sunod sunod niyang saad.

“I’m just scared that one day, marerealize mong hindi ako karapatdapat sa’yo. What I did was a mistake. I’m really sorry. I just don’t want to lose you. To see you with someone else…”

Gago! Ikaw lang naman ang mahal ko! You should’ve ask me, then! Hinintay mo sana muna akong magising noon bago ka nagdesisyon na umalis. Isang buwan pa lang nga tayo, nagdesisyon ka na ng ganyan!

Pero… ayoko siyang sumbatan.

Nagulat na lang ako nang hawakan niya ang baba ko para maiharap sa kanya. Natigilan ako nang makita ko roon ang malulusog na luhang dumadaloy mula sa kanyang mata pababa sa kanyang pisngi.

I know he’s sincere. Umaarte lang naman akong galit sa kanya, for him to understand na mali lahat ng ginawa niya. Na hindi lang siya ang magdidesisyon sa relasyon namin. Isa kami, kaya ang disesyon ay dapat magmula sa aming dalawa.

“Can you please forgive me?” Kakatunugan mo ang pagmamakawa sa kanya.

Just kiss me and you’re forgiven.

Nagkatitigan lang kami mata sa mata. Patuloy pa rin ang pagdaloy ng mga luha mula sa kanya. Hindi ko na napigilan ang sarili kong punasan iyon.

“Tahan na.” Saad ko.

Ipinatong niya lang ang noo niya sa noo ko tsaka pumikit.

“Am I forgiven?” Tanong niya.

Mariin lang akong pumikit tsaka marahan na tumango.

Tama na nga ang pag-iinarte! Este, pag-arte! Gusto ko ng hagkan at yakapin ang mokong na ‘to e.

Bago ko pa man gawin iyon ay naramdaman ko ng dumampi ang labi niya sa labi ko. napamulat tuloy ako. Nakita ko lamang siyang nakapikit at banayad ng gumagalaw sa paghalik sa akin.

Nalasahan ko na rin ang dugo mula sa pumutok na parte ng kanyang labi.

It is my drug. The taste of his lips always sends shivers down to my spine. ‘Yong feeling na kapag naaalala mo ay may kakaibang sensasyong dumadaloy sa katawan mo.

“Can we do it here?” Aniya.

“What do you mean?” Naguguluhan kong tanong.

“You know exactly what I mean.” Aniya. Ang dating luhaang mukha niya’y napalitan na ng saya.

What? Just what? Dito talaga?

“We’ll make love…” Dagdag niya pa.

Hindi na ako nakasagot pa. Agaran niya na lang hinubad ang kanyang damit. May mga pasa siya doon.

“I miss you…” Aniya saka hinalikan akong muli.

“Ginawa pa lang natin ‘yon last week ‘di ba?” Ngumiwi ako.

Hindi naman sa ayaw ko, pero! Argh! Oo na! Oo na! Nasa plano nga ito e! Hayst! Baka lang may makakita sa amin dito! Nagawa ko pa ngang luminga-linga.

“1 year tayong malayo sa isa’t isa. We need to catch up. And don’t worry. Umuulan. Walang mapapadpad dito.” Aniya saka tumawa.

“Gago! Kung hindi ka umalis, edi sana madalas natin ‘yong nagagawa!” Asik ko sa kanya.

“Kaya nga sorry na ‘di ba?” Malambing niyang tugon.

“Ewan ko sa’yo ha—.”

Hindi ko na natapos pa ang gusto kong sabihin sa kanya. Gusto ko sanang pagalitan siya and all, pero nanghina na ako nang halikan niya akong muli. Mas mapusok kesa sa nauna. Nalasahan ko na rin ang dugo mula sa aking labi.

“Our blood is one now.” Aniya nang kumalas siya sa pagkakahalik sa akin.

“Kahit noon pa. You’re just an asshole!” Dadagan ko pa sana ang sasabihin ko nang maglapat ulit ang mga labi namin.

Naramdaman ko na lang na wala na pala akong saplot na pang-ibaba. Nakita ko na ring kinakalas na niya ang pagkakabutones ng kanyang maong shorts. Seriously? Nakamaong siya? Nasa beach kaya kami! Nakaboard shorts nga lang ako e!

“Let me help you. Ang bagal e.” Sabi ko saka siya nginitian. Tumawa naman siya sa sinabi ko.

Habang ginagawa ko iyon ay marahan kong hinalikan ang bawat piraso ng abs na nasa harap ko. Walo pa rin iyon. At ang v-line! Gawd! Mas lalo iyong nadipena nang tuluyan ko nang maibaba ang maong shorts niya.

Tumambad sa akin ang matayog na nakatayo niyang alaga. I miss you, Junjun! Hahahaha!

“Naggi-gym ka ba sa Amerika? Sports or anything? You’re so hot!” Panggigil ko. “Alam mo bang galit na galit si Coach sa’yo nang nawala ka?”

“Dati na naman akong hot, ‘di ba?” Tugon niya sabay kindat.

“Yabang!”

“About Coach. Umabot ata ng tatlong buwan bago niya natanggap na umalis ako. Takot niya lang kay Mom, kung makalabas iyon sa school.”

“Tss. The perks!” Napakibit-balikat lang naman siya.

“Ah!” Rinig kong ungol niya. “Kung hindi sana ako umalis, you might not be the Salutatorian of our batch.”

Natigilan na lang ako sa paghalik sa may bandang puson niya.
                                   
“Pwede akong maging Salutatorian no’n kahit hindi ka umalis. Remember, hindi nagkakalayuan ang grades natin.” Tugon ko saka hinigpitan ang paghawak kay Junjun.

Naramdaman ko na lang na hinawakan niya ang ulo ko.

“Riel…” Aniya.

“Hmmm.” Tugon ko.

“I love you!”

Hinila niya ako’t hinalikan sa labi.

“I love you too, Jared Isaiah Ariola. No doubt about that.” Sagot ko.

From the lips, to the neck, to his chest, to his abs trailing down to his Junjun. Napuno ang ungol kubo habang ako ay kumakanta, mala-Whitney Huston. Pahabaan ng nota. Lol!

No’ng nangawit ang aking panga. Tumalikod ako sa kanya. “Let’s get this on.” Dagdag ko.

“Wala akong dala.”

“It doesn’t matter.”

“Are you sure?”

Marahan na lang akong tumango.

2 rounds. Marami pa namang pagkakataon.

Pinagkakasya na lang namin ang bawat isa sa pawid na wala masyadong butas para daluyan ng tubig ulan.

“So… kayo ni Zeke?” Out of the blue’ng tanong niya. Napangiti na lang ako sa tanong niya.

“Paano kung sabihing kong oo. Anong gagawin mo?” Umiiling kong tugon sa kanya.

“Aagawin kita sa kanya.” Matapang niyang sagot.

“Paano kung hindi ako magpapaagaw?” Tanong kong muli.

“Well, I’ll do it, by hook or by crook. Kung kailangang kidnapin kita, dalhin sa hindi kilalang lugar, isla o dalhin sa ibang bansa basta makuha lang kita, gagawin ko.”

Napailing na lang ako sa paraang sinabi niya.

“I am in love with you since time immemorial. You don’t have to prove anything or improve something about you. Tinanggap kita noon kahit ano pa ang nakaraan natin. It doesn’t matter. Kasi, lahat ng iyon ay wala ng silbi dahil matatabunan na iyon ng panibago. Mahal na mahal kita. Wala ng kung ano pa. ‘Wag mo nang uulitin ‘yon, ha?”

Tumango naman ‘to sa akin.

“I will never ever do that again.” Tugon niya.

Hinalikan ko na lang siyang muli pagkatapos kong sabihin iyon.

Pagdating sa pag-ibig. Wala naman tayong kailangan patunayan. As long as you love each other. Open kayo sa bawat isa. Okay na iyon. Trust is important.

“How’s the food I’ve prepared? Masarap ba?” Dagdag ko na lang.

“Sabi ko na nga ba! Lahat kaya kami may hinalang luto mo iyon. Iniinsist lang ni Mom na luto iyon ni Seb. Teka? Nagkita na kayo nina Mom and Dad? Dave and Seb?” Tumango lang ako sa tanong niya ng nakangiti.

“Ha? Bakit ‘di nila sinabi sa akin?”

“It’s part of the plan.” Tugon ko. “Tara na. Baka hinahanap na tayo nila Mama. May assembly pa tayong dadaluhan.”

Kita mo sa kanya na naguguluhan pa rin siya sa mga sinabi ko.

“Pag-usapan na lang natin mamaya ro’n sa resthouse.” Huling salita ko tsaka siya hinila palabas doon sa kubo at sinuong ang malakas na ulan.

Nang makarating kami sa may buhanginan, ay matayog pa rin ang sikat ng araw. What the hell? Sa gubat umuulan, tapos dito sa may dalampasigan, hindi? Ano ‘yon? Para magkausap talaga kami?

Oh well, papel! Okay na ang lahat! Bakit ko pa iyon poproblemahin.

“Ba’t basang-basa kayong dalawa?” Tanong agad ni Eli nang namataan nila kami sa bukana ng resthouse. “Tita Helena! Andito na po sina Red at Riel.” Sigaw niya, na sa loob ng resthouse ang pakay. “Okay na kayo?” Dagdag pa niya.

Nakita niya sigurong magkahawak kami ng kamay.

Tumango lang ako habang magkatinginan kami ni Red. Ang mokong naman ay napakamot na naman sa kanyang batok. I miss that! Ngumiti na lang ako sa kanya.

“What happened to you?” Nag-aalalang tanong ni Mama.

Nagkibit-balikat lang sa kanya si Red, kaya ako na lang ang nagsalita.

“Ma. Okay na po kami.”


Red’s POV

Tinawagan lang ni Riel si Zeke para sabihing okay na ang lahat. I still don’t get it. Sina Mom naman ay wala pa ring sinasabi sa akin.

“Wear these.” Abot ko sa kanya ng mga damit ko para isuot niya muna. Na kila Nanay Mel daw kasi ‘yong mga gamit nila.

“Thanks! Pagkabihis ko, kunin ko lang ‘yong gamit ko kila Nanay, ha? Inaantay ako ro’n ni Zeke.” Aniya.

“Samahan na kita.” Pagpresenta ko.

“Wag na, ano ka ba! Magpahinga ka na muna, 30 minutes pa before ang assembly. I’m sure, pagod ka pa sa byahe.”

“Naenergize na ako kanina.” Pumito ako nang makita ang katawan niya. “Sexy talaga ng boyfriend ko!” Saka tumawa ng malakas.

Napailing na lang ito. Sa harapan ko lang kasi siya nagbihis. We’ve seen each other naked a million times. What’s the use? Lol!

“I know!” Tugon niya.

“Samahan na kita, ha? Nag-aalala ako.” Niyakap ko na siya sa likuran.

“Wushu! Kila Nanay lang naman ako, ah? Kukunin ko lang po ‘yong mga gamit ko. Kasama ko naman si Zeke e.”

“Kaya nga ako nag-aalala.” Paglalambing ko. “Aray! Para saan ‘yon?!” Pinitik niya kasi ako sa noo. Ang shaket!

“Tss. Nothing to worry about, Mr. Ariola. Me and Zeke are just friends. I’m all yours since day one. Walang pumalit ng posisyon mo sa puso ko.”

Napangiti na lang ako sa sinabi niya. Ang swerte ko talaga sa kanya.

“Lahat ng sinabi at ginawa namin kanina ay nasa plano ‘yon. Tanong mo na lang kay Mama habang kinukuha ko ‘yong gamit ko kila Nanay. Baka matagalan din kami kasi hindi kami nagkakwentuhan kahapon.”

Tumango na lang ako sa kanya.

Hinatid ko na lang siya sa labasan ng resthouse.

“Ingat ka Mr. Gabriel Dela Rama Ariola.” Masaya kong bilin sa kanya.

“Wushu! Magpropose ka muna, bago mo idagdag ang apelyido mo sa pangalan ko.” Tugon niya.

“I know!” Sigaw ko.

-----

“What?! Andito si Pars? Nasaan siya?” Ani Iris.

Kararating lang nila kasabay ng mga estudyante’t ilang guro ng Arneyo para sa immersion.

“Hon, relax! Magkikita rin kayo ni Riel.” Ani Brett.

“Bakit hindi ka ba excited makita ang best friend mo? Gawd! 1 week din ‘yon ah? Namiss ko kaya siya!” Sagot ni Iris.

“Namiss ko rin naman siya. Just relax, okay? Baka magising si Beegee.” Tugon ulit ni Brett sa asawa.

“Nasaan na nga ba si Riel?” Tanong sa akin ni Eli. “May bagong number ka na ba niya? Tawagan mo na kaya? Magsisimula na rin ang assembly.”

“Wala e. Hindi ko pa nahingi kanina. Teka! Si Zeke na lang ang tatawagan ko.” Pero hindi ko na iyon nagawa dahil rumehistro na sa screen ko ang pangalan niya. Siya ang tumatawag.

“Hello?” Sagot ko sa kabilang linya. Natahimik naman ang mga kasama ko.

“Ano?! Nasaan kayo?!” Napatayo na ako sa kinauupuan ko. “Hintayin mo ako riyan. Papunta na ako.” Sagot ko tsaka pinutol ang linya.

“Anong problema?” Tanong ni Eli.

“Nawalan daw ng malay si Riel. Na kila Nanay Mel sila.”

“What?!”

“Ano?!”

“Bakit daw?!”

Sabay sabay nilang tanong.

Pero hindi ko na sila sinagot pa. I need to get there as fast as I could. Naramdaman ko na lang na sumunod sila sa akin.

-----

“Anong nangyari?” Tanong ko agad kay Zeke.

Lumapit ako agad doon sa upuan kung saan si Riel nakahiga. Panay ang paypay sa kanya ni Zeke.

“I don’t know. Nag-uusap lang kami rito nila Nanay Mel nang mawalan siya ng malay.”

“Nasaan sila Nanay Mel?”

“Nasa kusina.” Tumango na lang ako sa sinabi niya.

“Baka konektado ‘to sa pagkakahilo niya this past few days.” Ani Zeke.

“Madalas mangyari? He needs to see a doctor, then.” Ani Brett.

“My gawd! Kailangan talaga niyang magpatingin sa doktor! Baka kung ano na ‘yan!” Ani naman ni Iris. Lahat sila’y nag-aalala sa kalagayan ng nag-iisa naming Riel.

Kinuha ko kay Zeke ang pamaypay para ako na ang gumawa noon. Hindi naman siya nagdalawang isip na ibigay ‘yon sa akin.

-----

“Nasaan ako?” Ani Riel. Nagkamalay na siya.

Napunasan na rin kasi siya ng maligamgam na tubig ni Nanay Mel.

“Hala! Nagkaamnesia si Riel! My gawd! This is not happening!” Nagpapanic na saad ni Yuki. Siniko naman ito ni Ate Xynthia.

“Tss. Ang ingay mo talaga, Yuki!” Ani Riel.

Napabuntong hininga naman ito ng malakas.

“Phew! Akala ko nagkaamnesia ka na e!” Ani Yuki.

“Nahimatay lang, nagkaamnesia na agad?” Ani Ate Xynthia sa best friend.

“Bakit ang harsh mo na naman sa akin, best friend?” Nagdadramang tugon ni Yuki.

Natawa na lang si Riel sa eksenang nangyayari. Sinubukan niyang tumayo pero naout-balance siya. Buti na lang at nahawakan ko ang kanyang balikat.

“Thank you.” Aniya saka ngumiti sa akin.

Ipinatong niya ang kanyang ulo sa balikat ko.

“Ano bang nangyari?” Tanong ko.

Nagkibit balikat lamang ito sa akin.

“Madalas ka raw mahilo? Can you tell me what’s wrong? May masakit ba o ano? Nag-aalala ako e!”

Umiling lang ito sa akin.

“Hala! Buntis ka ‘no?” Hirit na naman ni Yuki.

“Kung pupwede lang, Yuki. Masaya kung gano’n.” Aniya saka tumawa sa kaibigan. Yeah. Masaya nga iyon.

“Puro ka kalokohan! Magseryoso ka nga!” Pinagalitan tuloy siya ni Ate Xynth.

“Aba! Malay niyo naman ‘di ba?” Sagot naman niya.

Napailing na lang kami pareho ni Riel. Hindi niya pa siguro napapansin ‘yong best friend niya saka ang asawa nito.

“Best. Are you sure you’re okay?” Ani Brett.

Napaangat naman ng tingin sa kanila si Riel.

“Best! Mars! Andito na pala kayo!” Aniya saka tumayo para yakapin ang dalawa. “Si Beegee, kasama niyo ba? Miss ko na ang cute kong inaanak e.” Dagdag pa niya.

Tumango naman sa kanya si Iris, samantalang si Brett ay nanatiling seryoso ang tingin sa matalik na kaibigan.

“Ano?” Natatawang reaksiyon ni Riel kay Brett.

“May sakit ka ba?” Diretsong tanong sa kanya nito.

Lahat kami nag-aantay ng kasagutan. Maging si Zeke at sila Nanay na kalalabas lang mula sa kusina.

“Nako! Wala! Dahil lang siguro ‘to sa puyat. Over fatigue, gano’n.” Aniya. Tumingin ito sa orasan na nasa haligi ng bahay nila Nanay Mel. “Hala! Oras na! Tara na’t baka hinahanap na tayo nila Ms. Salveda!”

Kaya’t wala na kaming nagawa pa kundi ang magpaalam na lang kila Nanay Mel. Mamaya siguro ay mapag-uusapan namin iyon. Kailangan pa kasi naming ihatid ang bawat grupo ng Seniors sa kani-kanilang host families.

Nag-aalala ako syempre. If that was caused by his sleepless nights, it’s my fault. Kasi, sinaktan ko siya ng sobra dahil sa walang kwentang plano ko.

I’ll just make sure, I will always be there for him.


Riel’s POV

Second day na ng immersion. Kapag walang activity ang mga Seniors, ay nagpapractice kami ng banda, kasama sina Liz at Leer. May napili na kaming kanta para bukas ng gabi. Ginawa na kasing 4 days and 3 nights ang immersion dahil hindi na nila kailangan magstay sa Manila.

Nagkausap na rin kami nina Eli, at ng iba pa. Umiyak pa nga sa harap ko si Ericka dahil sa kasalanan niya raw sa akin. Alam ko na naman ‘yon e. It’s all Red’s fault, kaya hindi ko siya susumbatan.

Ang may kasalanan nga ng lahat pinatawad ko na, siya pa kayang kasabwat lang.

This time, this place
Misused, mistakes
Too long, too late
Who was I to make you wait?
Just one chance
Just one breath
Just in case there’s just one left
‘Cause you know
You know, you know

That I love you
I have loved you all along
And I miss you
Been far away for far too long
I keep dreaming you’ll be with me
And you’ll never go
Stop breathing if
I don’t see you anymore

Kanta ko sa unang stanza at chorus nito. Namiss ko ‘to. Dalawang session din akong wala sa bar dahil sa pag-alis ko. Oh well! Scratch that thought! Okay na ang lahat. May ibinunga naman ‘yon. Just forget the sad part.

Pagkamulat ko ng aking mga mata matapos iyon ay nakita ko si Red sa harap na nakangiti. Napangiti na rin ako. Nakakainis! Hindi ako makaconcentrate!

Kaya ipinikit ko na lang ulit ang mga ito.

Just listen to this song, my love. Napangiti na lang ako sa aking naisip.

On my knees, I’ll ask
Last chance for one last dance
‘Cause with you, I’d withstand
All of hell to hold your hand
I’d give it all
I’d give for us
Give anything but I won’t give up
‘Cause you know
You know, you know

Sa dalawang araw na lumipas, hindi kami napaghiwalay ni Red. Just like the old times. Inaagaw nga ako sa kanya ng mga kaibigan namin para naman makapagbond, pero hindi niya iyon pinapayagan. Ultimo kapartner niya sa pagpafacilitate ay ako.

Pinagalitan ko nga e. Possessive masyado. Gusto ko naman ‘yon, pero, kailangan ko ring makihalubilo sa iba pa.

Ang rason niya, dapat daw talaga kami ang partner para realistic. Mangyayari naman daw iyon soon. Ewan ko ba sa kanya. ‘Yon na kaagad ang iniisip niya, e hindi pa naman siya nagpopropose! Hahaha!

Sigurado na rin naman ako na siya ang gusto kong makasama sa buhay. For a lifetime. Kasi wala naman talagang forever. Lol!

He always makes my day. Wala siyang pinapalampas na oras na pasayahin ako. Bumabawi e ‘no? Alam niyang malaki ang kasalanan niya kaya ‘yon ang ginagawa niya.

Nang iminulat kong muli ang mga mata ko, siya pa rin ‘yong nakita ko sa harap. Nakaupo na siya at nakapahalumbabang nakangiti sa akin.

Napailing ako nang magtama ang aming mga mata. Kainis ‘to!

I love you.

He mouthed.

“I love you too!” Saad ko habang gamit ang mic na hawak ko. Nagngitian lamang kaming dalawa.

“Wooh! Landi pa more!” Sigaw ni Yuki.

“Si Kuya Ryou ba ‘yon?” Umakto pa akong may inaaninag sa madilim.

“Tse!” Tugon niya. Kunwari pang ayaw, hinahanap naman. Lol!

Nagpapahinga na kasi sina Josh at Riley, kakarating lang kasi nila kanina. Kaya wala siyang makita ngayon kung hindi kami. Isa pa ‘yong dalawang ‘yon, sweet masyado sa isa’t isa.

Sinenyasan ko na lang si Red na manahimik muna. Kailangan na munang matapos ‘tong iniensayo naming kanta.

So far away
Been far away for far too long
So far away
Been far away for far too long
But you know, you know, you know

I wanted
I wanted you to say
‘Cause I needed
I need to hear you say
That I love you
I have loved you all along
And I forgive you
For being away for far too long
So keep breathing
‘Cause I’m not leaving you anymore
Believe it
Hold on to me and let me go
Keep breathing
‘Cause I’m not leaving you anymore
Believe it
Hold on to me and, never let me go
Keep breathing
Hold on to me and, never let me go
Keep breathing
Hold on to me and, never let me go

“So… uhm… I expect you won’t let me leave again.” Aniya nang makalapit siya sa akin.

“Kahit no’ng nagdesisyon kang umalis no’n, kung may malay lang ako, kung kailangan kong ikulong ka, igapos, o kung ano pa man, para lang hindi ka umalis, gagawin ko ‘yon. You don’t have the right to do that.” Tugon ko.

Napangiti ito sa aking sinabi tsaka ako ginawaran ng mabilis na halik.

“Landi pa more!” Sigaw pa ni Yuki.

Tinawanan lang namin iyon ni Red.

“Let’s sleep?” Bulong niya.

Tumango naman ako sa kanya bilang sagot.


Red’s POV

This is the day.

Maaga akong sumama kila Mom, papuntang Amanpulo para makapagensayo sa kakantahin ko mamaya. I may not be a good singer, but I’m pretty sure, nasa tono naman ako. Lol!

Tulog pa nang iwan namin si Riel. Mamayang alas nueve pa naman ang susunod na activity nang mga Seniors. Kasama rin namin ngayon si Eli at Eri pati na rin sina Dave at Seb.

Nagbilin na lamang ako kay Josh o kaya nama’y kay Zeke na kapag gising na si Riel ay tawagan na lamang ako.

“Ready ka na ba mamaya anak?” Tanong ni Mom.

Tumango lamang ako sa kanya.

Nasa proposal kasing ginawa ng wedding coordinator ang atensyon ko. Approved na naman ito ni Mom, gusto ko lang talagang makita.

“So… okay na ba ‘yang mga napili ko para sa kasal?” Tanong niyang muli.

“Yup. Wala naman akong angal kapag ikaw ang namimili para sa mga ganito e.” Tugon ko.

Napangiti na lang ako nang makita ang set up ng mangyayaring kasal. Kailangan ko na lang siguraduhin na sasagot si Riel sa tanong ko mamaya.

Pagdating ng hapon ay inasikaso na ng mga facilatators, mga leader ng bawat grupo ng mga Seniors, mga teachers na naroroon, organizers, at mga officials ng isla ang paggaganapan ng gathering mamaya para sa huling gabi ng mga estudyante rito sa isla.

Halos abot-abot ang kaba ko nang dumating na ang oras. Aish! Sana tanggapin niya ang pag-alok ko ng kasal!

Ang nangyari kasi ay picnic style na pagtitipon, bahala ang bawat pamilyang maglatag ng kani-kanilang pwesto sa harapan ng stage. Kaya para kaming nasa parke lamang.

Magkakaroon din kasi ng fireworks display. Ang alam ng lahat ay para ‘yon sa finale. Pero… para talaga ‘yong sa proposal. Kapag sumagot ng ‘oo’ si Riel, saka lang iyon sisindihin. If not… which I’m not prepared to hear, ay sa finale na lang.

Pero ayokong isipin na ganoon ang mangyayari. Wala namang rason para isipin ko iyon e. Ilang beses na rin naman nang sinabi ni Riel na magpropose muna raw ko. Then, if I am not mistaken, he wants to be an Ariola too.

The usual last night sa immersion. Ang sharing ng experiences ng bawat grupo sa immersion’g ito at ang pagbibigay ng mga iiwan nilang alaala sa kani-kanilang host families.

Kumpara sa nakaraang taon na immersion, which is ‘yong amin, ay mas konti ang Seniors ng Arneyo ngayon. Kung kami’y sampong section, ngayon ay pito lamang. 25 students pa rin ang capacity sa bawat section na iyon.

At syempre ‘di mawawala ro’n ang Promotion at Demotion. Naging tradition na ‘yon nang school simula pa noong Grade 1 ako. Zeke knows about that also.

“Magandang gabi po!” Bungad ni Riel sa mga taong nasa harap ng stage ngayon.

Nagsihiyawan naman ang mga Seniors.

“Woooooh!”

“The Fleet!”

“Go Lizbeth!”

“Go Leer!”

“Go Riel!”

“Go Eli!”

“Go Jasper!”

Bawat isa sa kanila’y may isinisigaw na pangalan sa banda. Pati nga si Yuki, Ate Xynth, Josh, Riley, Eri, Iris, Brett, at Zeke ay nakisigaw na rin.

Hindi ata sila pumupunta sa gig nila Riel sa Synthesia Bar. Well, si Zeke kasi may sariling bar din naman. Sina Josh at Riley naman ay kararating lamang noon galing Amerika at pinagbabawalan pa si Josh ni Riley na ‘wag munang kausapin si Riel until this day. Sina Yuki naman at Ate Xynth ay hindi pa pinapayagang pumunta sa mga gano’n.

“Ito ‘yong nakakalungkot na parte ng immersion, ano?” Tanong niya sa mga tao.

Nagsisagutan naman ang mga ito.

“Pero… ayaw naman nating magdrama tungkol doon…”

Nagsitahimikan na ang lahat dahil doon sa sinabi ni Riel.

“Siguro nga’y kailangan nating maghiwa-hiwalay, kasi nga, ganoon naman talaga sa buhay… may aalis… at may maiiwan… pero hindi naman lahat nagtatapos ‘yon doon, ‘di ba?”

Naglakbay ang paningin niya sa dagat ng tao.

Hinahanap niya kaya ako?

“Hinahanap ka ata ni Riel, anak.”

Napalingon na lang ako kay Mom. Kasama niya si Dad, Dave at Seb.

“Saka na lang po ako magpapakita sa kanya Mom. Alam niyo na. Andito lang naman ako e. Kailangan ko lang magpamiss ng konti.” Tugon ko.

Nagsitawanan naman ang mga ito.

Tumango naman ito sa akin tsaka ipinulupot ang kanyang kamay sa aking braso. Nasa tabi niya na rin si Dad at ang dalawa kong kaibigan.

“Riel deserves to be happy now.” Aniya.

“Yes, Mom. I will never cause any pain to him ever again. I’ll kill myself if I did.” Tugon kong muli.

Nakinig na lang ulit ako sa sinasabi ni Riel.

“Hindi na naman kasi maaalis ‘yong mga alaala. We should all cherish every piece of the memories made, kasi kahit minsan lang ‘yong nangyari sa buhay natin, malaki naman ang epekto noon.”

“Tama na nga ang drama!” Dagdag niya saka tumawa. “This is not goodbye.”

Sumenyas na lamang siya kay Leer para sa pagsisimula nila.

“1… 2… 3!” Ani Leer kasabay no’ng pagbeat niya gamit ang kanyang mga drum sticks.

Pagkatapos noon ay ang isa-isang pagpasok ng mga instrumentong gamit nina Eli, Lizbeth at Jasper. Gano’n na rin ang ginawa ni Riel sa hawak niyang gitara.


Riel’s POV

Kakantahin ko na ang unang kanta na napili namin pero hindi ko pa rin makita si Red. Nasaan kaya ang mokong na ‘yon?

Kaninang umaga paggising ko wala siya. Nakasama ko lang noong tanghalian. Tapos naman dito sa closing, wala na naman siya. Argh! Kakaayos lang namin, pero… ewan! Naiinis ako! Ano bang pinagkakaabalahan niya?!

I keep my cool.

Baka masira ang closing dahil lang sa pagbabago ng mood ko. Kainis kasi ‘yon!

Pumikit na lang ako para pakalmahin ang sarili ko.

A soft sound
To the way that she wears her hair down
Covering up her face
And oh what a let down
And I don't seem to be having any effect now
Falling all over the place.

But you're losing your words
We're speaking in bodies
Avoiding me and talking 'bout you
But you're losing your turn
I guess I'll never learn
'Cause I stay another hour or two

For crying out loud, settle down!
You know I can't be found with you
We get back to my house
Your hands, my mouth
Now I just stop myself around you

Hiyawan ng mga estudyante ang naririnig ko roon. Somewhat, natabunan ang iniisip ko kanina. Namiss ko ang hiyawan sa bar. Ganitong-ganito rin ‘yon. Although, alam kong mas maingay doon kasi, halos lasing na ang mga naroroon.

A small town
Dictating all the people we get around
What a familiar face
Do you get what I mean now?
I'm so fixated on the girl with the soft sound
And hair all over the place

And you're sure that I'd learn
I'm pushing through bodies
Avoiding me and walking 'round you
And you're cold and I burn
I guess I'll never learn
'Cause I stay another hour or two

For crying out loud, settle down!
You know I can't be found with you
We get back to my house
Your hands, my mouth
Now I just stop myself around you

For crying out loud!


Josh’s POV

Hindi na ako mapakali dito sa kinatatayuan namin. Although masyadong loud sa tabi ko si Yuki. Nababalewala ko iyon dahil sa gagawin ni Red.

“Relax.” Bulong sa akin ng asawa ko.

“Paano ako magrerelax! Hindi ko makita si Red. Inaalala ko pa ang magiging reaksyon doon ni Riel sa gagawin niya.”

“Babe. Mas kabado ka pa kaysa kay Riel e. Relax, okay?” Aniya.

“Syempre naman! Hindi niya alam ‘yon e.”

Napatigil na lang ako nang ipulupot niya ang kanyang mga kamay sa bewang ko. Putek na’to! Alam kong alam ng lahat na gano’n kami, pero hindi pa rin maiaalis ‘yong may mga matang parang tagos hanggang buto ang titig.

Ganito kami sa Amerika, pero iba ang kultura doon.

Pero… Argh! Wala akong pakealam! Naglalambing na naman ‘to! Kaya susulitin ko na.

Kaya sumayaw na lang kaming dalawa sa saliw nang musika at kinakanta ni Riel.


Zeke’s POV

Naglakad ng kusa ang mga paa ko nang makita ko si Alvin.

My world turns into a slow motion the moment I saw him.

“Hi…” Pagkuha ko sa atensyon niya.

Napalingon naman ito sa akin.

‘Di gaya noong bago siya umalis ay parang hindi man lamang siya ngumi-ngiti sa akin, ‘yong parang, ang presensya ko ay ayaw niyang makita. Ngayon, gaya noong gabing pinagsaluhan namin ay iyon na ang nakikita ko mula sa kanya.

Nakangiti lamang itong tumango sa akin saka bumalik sa banda nina Riel. Tumabi na lamang ako sa kanya.

Wala na akong pakealam sa relasyon na mayron sila ni Jasper.

Whatever it is, I will make him mine.


Red’s POV

Kakatapos lang ng pangatlo at huling kanta nina Riel. That’s my cue. Aantayin ko na lang na tumugtog sina Eli.

“More!”

“We want more!”

Sigaw ng mga tao ro’n.

I’m sorry guys. Kailangan na muna natin ‘tong gawin. Kailangan nating habulin ang oras.

“Good luck, son!” Masayang bilin sa akin ni Mom.

“Thanks, Mom!” Sagot ko saka ngumiti.

“Siguraduhin mong ‘wag kang pipiyok! Nako! Napakaepic no’n pag nagkataon!” Ani Dave.

“Thanks, ha? Kaibigan nga kita!” Sarkastikong tugon ko.

“Of course!” Aniya saka tumawa.

Si Dad naman ay nitap na lamang ang aking balikat.

“Ano man ang magiging sagot ni Riel sa itatanong mo. We’re always here to support you.” Ani Mom.

Tumango naman ako. Either way, may tatakbuhan pa rin ako. Napailing na lang ako sa aking naisip. Iiyak talaga ako sa harap ng mga tao kapag hindi niya sinagot ng ‘oo’ ang itatanong ko.

“Isa pa?” Anunsyo ni Riel sa mic.

“Yes!”

“More!”

Tugon naman ng mga tao. Namumukod tangi ro’n ang boses ni Yuki. Lol!

Nakita ko naman na sinenyasan niya ang mga kabanda niya.

Nagtatanong ang kanyang mga mata nang ibinaba ni Eli ang kanyang bass guitar. Ang ginawa naman sunod nito ay ang kunin sa kanya ang kanyang acoustic guitar. Hindi naman ito sinagot nang nauna kaya’t nanatili siyang nagtataka.

Pagkatapos no’n ay agad nang nagsimula si Eli.

This is it! Huminga na lang ako ng malalim para maalis ang kaba sa aking dibdib.

When your legs don't work like they used to before

Halos magkasabay namin kanta ni Riel. Pati pala boses namin match na match. Lol! Wala sa huwisyo itong kumanta dahil hindi niya naman expected na ‘yon ‘yong itutugtog ni Eli.

Nakita ko na lang ang pagtataka niya. Panay ang libot niya ng paningin sa dagat ng tao para hanapin kung sino ang kasabay niyang kumakanta.

Hindi ba madaling madistinguish ang boses ko kapag may mic? Ewan! Sa banyo lang kasi ako kumakanta e. Lol!

And I can't sweep you off of your feet

Nagkasabay ulit kami. Napangiti na lang ako.

Naghiyawan ang mga taong nakakakilala sa amin at sa nakakaalam ng lahat ng tungkol sa amin. Nakita ko rin sina Nanay Mel, Tatay Fred at ang mga anak nila, sina Tatay Roy din ay naroroon.

Tumango lamang ito sa akin ng nakangiti.

Will your mouth still remember the taste of my love?
Will your eyes still smile from your cheeks?

Nakita ko ang laglag panga niyang titig patungo sa akin.

Iningunguso niya pa kung ano raw ang ginagawa ko. Pero patuloy lamang ako sa pagkanta. Relax, Blueberry. This will be our best midnight ever. Well, depende pala sa isasagot mo.

Nagawa ko pang magkibit-balikat kahit kumakanta ako.

And, darling, I will be loving you 'til we're 70
And, baby, my heart could still fall as hard at 23
And I'm thinking 'bout how people fall in love in mysterious ways
Maybe just the touch of a hand
Well, me—I fall in love with you every single day
And I just wanna tell you I am

So honey now
Take me into your loving arms
Kiss me under the light of a thousand stars
Place your head on my beating heart
I'm thinking out loud
That maybe we found love right where we are


Riel’s POV

Literal talagang laglag ang panga ko nang makita ko siyang may hawak na mic at kumakanta. Anong pakulo ‘to, Ariola?!

Pagtingin ko sa mga kabanda ko ay lahat na sila sumasabay sa saliw ng musika. Wala naman akong instrumento kasi kinuha iyon ni Eli. Mga kasabwat ba sila ng mokong na ‘to?

Showing off, huh?

‘Di pa man halata sa mukha ko ang saya. Sa loob ko’y abot langit na ang talon nito. Bumabawi talaga ang mokong na ‘to.

Okay! May premyo siya mamaya! Lol!

Nasa gitna siya ngayon. Nasa baba ngunit kaharap ko.

Panay lamang ang ngiti nito sa akin kapag may pagkakataon.

When my hair's all but gone and my memory fades
And the crowds don't remember my name
When my hands don't play the strings the same way
I know you will still love me the same

'Cause honey your soul could never grow old, it's evergreen
And, baby, your smile's forever in my mind and memory
I'm thinking 'bout how people fall in love in mysterious ways
Maybe it's all part of a plan
Well, I'll just keep on making the same mistakes
Hoping that you'll understand

Nakita ko na lang sina Mama, Papa, Dave, at Seb. Saya rin ang gusto nilang iparating sa akin. Maging ang barkada ay gano’n din.

Alam ba nila ‘to? Argh!


Red’s POV

But, baby, now
Take me into your loving arms
Kiss me under the light of a thousand stars
Place your head on my beating heart
Thinking out loud
That maybe we found love right where we are

So, baby, now
Take me into your loving arms
Kiss me under the light of a thousand stars
Oh, darling, place your head on my beating heart
I'm thinking out loud
That maybe we found love right where we are
Oh, baby, we found love right where we are
And we found love right where we are

Pagtapos ko sa kanta.

Rinig ko ang hiyawan ng mga tao sa paligid. Kaya’t nakiusap ako sa kanilang pananahimik. I need Riel to hear this crystal clear.

“Riel…” Saad ko.

Naroroon pa rin ang ekspresyon ng pagtataka sa kanyang mukha.

“Dito… sa islang ito… tayo naging isa…” Pangunang pananalita ko.

Gano’n pa rin ang kanyang reaksyon. Nag-aantay lamang sa sasabihin ko.

“Alam ko na nasaktan kita… alam ko na umiyak ka gabi-gabi dahil sa pag-alis ko ng basta-basta… baka nga isinumpa mo rin ako, dahil sa ginawa kong ‘yon sa’yo…”

Umiling lamang ito bilang tugon sa akin. Ang swerte ko talaga!

“I know I’ve been a jerk by causing you pain for over a year… and I want to pay for it…”

Inilabas ko ang isang maliit na kahon na naglalaman no’ng engagement ring na personal kong pinili.

Rinig ko ang hiwayan mula sa aming mga kaibigan. Gano’n rin ang mga tao sa paligid. I know it is very unusual to see a man, proposing to another man. But, that’s love. Kahit sino ay may karapatan magmahal kung sino talaga ang tinitibok ng kanilang puso.

Nilingon ko ang pwesto nina Mom. And God knows, how I’m thankful to have them. They’re supporting me all the way. Gano’n din ang mga kaibigan ko. Kahit kasi nasaktan ko ang pinakamamahal nilang kaibigan, ay nariyan pa rin sila.

Bumalik ako sa pagtitig sa minamahal kong nasa taas pa ngayon ng stage. Makikita mo sa kanya ang galak. Alam na niya siguro ang ginagawa ko.

“Ito ang alam kong kabayaran sa lahat ng kasalanang ginawa ko sa’yo.”

Lumuhod ako sa kanyang harap kahit nasa taas pa rin siya. Nagsitutok sa akin ang spotlight, mayroon din sa kanya.

“Gabriel Dela Rama. Alam kong hindi pa tayo tapos mag-aral. But, hell! I want you to be an Ariola.”

Rinig ko ang tawanan ng mga tao.

Dahan-dahan siyang bumababa ro’n sa stage at hinarap ako.

“Blueberry?” Tanong ko.

“Yes, Cheesecake?” Tugon niya.

Namiss ko ‘yang tawagan namin na ‘yan.

“Will you marry me?”

Nakabibinging katahimikan ang bumalot doon. Lahat ng taong naroroon ay naghihintay sa kanyang isasagot. Maskin ako’y gano’n rin. Namumuo na nga ang pawis sa aking noo sa sobrang kabang nadarama.

“Gago!” Tumatawa siya habang umiiyak.

Pinatayo niya ako. Pinunasan ko naman ang mga luhang tumakas sa kanyang mga mata. Niyakap ko na lang siya.

“Ang bilis mo namang umiyak.”

“E Gago ka kasi! Gago! Gago! Gago!” Aniya. Hinahampas na nito ang dibdib ko.

Napangiti na lang ako. Namiss ko ang childish side niya.

“So?” Tanong ko.

“Atat?” Aniya.

“Kinda.” Napakibit balikat pa ako. Natawa pa siya sa sagot ko.

“Tss. Ask me again.” Aniya.

Kaya lumuhod ulit ako tsaka pinakita sa kanya ang singsing.

“Blueberry… will you… marry me?” Tanong kong muli sa kanya.

“Yes, Cheesecake… I will marry you.” Tugon niya nang nakangiti.

Nagsipalakpakan ang lahat at natunghayan nila ang fireworks display na inihanda ko para sa magandang balitang ito.



Itutuloy…

10 comments:

  1. Grabe yung kilig factor nito!!!!! I'm so happy for Riel and Red finally ikakasal na sila mas wild na dapat ang bed scenes hahaha fave part ko dito yung ginawa nila sa kubo haha joke syempre yung proposal ni Red kahit maikli lang nakakakilig paden.

    Pero nag woworry ako sa health ni Riel feeling ko may sakit sya pero wag naman sana gusto ko pang mag kaanak sila ni Red hahaha!!

    Sana maging ok na densila Zeke at Alvin hahaha!!

    Thanks mr.author sa napaka gandang update!!

    -44

    ReplyDelete
  2. Naku, kilig na may luha. Pero anong sakit ni Gabby? Thanks sa update Mr Author. Tzke care.

    ReplyDelete
  3. Best wishes.... No words to says....basta ang ganda.. .thanks for the song Mr. rye.... I love faraway.... T. C.


    Jess

    ReplyDelete
  4. Ang bilis ngb update ang saya. Haha. Natatawa ako sa namiss nya si junjun. Hahahaha. Nakakakilig kasp feeling ko mamamatay si Riel. Feeling ko lang tapos cancer yung sakit. Haha. Ang ganda in fairness di nakakabitin ha kasi tapos talaga yung nangyare sa chapter na to. Haha. Keep up the good work Kuyang Author. Ay may pasweldo naman pala. Haha.

    -yeahitsjm

    ReplyDelete
  5. 1st comment. Part 33 na.

    BRENT ARANETA

    ReplyDelete
  6. 1st c0mment

    Cant wait to read part 33.

    ReplyDelete
  7. Ang swerte mo Red, yung 1 taon na paghihirap ni Riel 1 araw mo lang nalasap.

    I hope author for a happy ending :-) Nawa hindi naman grabe yung sakit ni Riel.

    Brix

    ReplyDelete
  8. Naka kilig ung proposal ni riel pero ang nakakatakot ung health ni riel.anu silbi ng kasiyahan nila kung sahuli mmatay din siya

    Jharz

    ReplyDelete
  9. Kung totoo man na may ganito sa totoong buhay! Shit na shit! Sobrang saya.. Im happy for you riel and red.. 😊😊😀😀 thanks author.. Kudos! 👏👏👏👏

    ReplyDelete
  10. Nasaan na po yung katuloy? huhu

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails