Followers

Monday, December 10, 2012

Anino Ng Kahapon 15




Photo by: Justyn Shawn



Una po sa lahat ay gusto ko pong humingi  ulit ng paumanhin sa matagal na pag-aupdate ng kwento sa kadahilanang may mga bagay po na inaasikaso ako ngayon and gusto ko na rin pong kamustahin ang lahat ng sumusubaybay ng Anino Ng Kahapon?  Maraming salamat po sa patuloy na pagsubaybay sa kwentong aking isinulat, nawa po ay nagustuhan ninyo.


Pangalawa nagpapasalamat po ako sa taong mahalaga sa akin dahil sya po ang gumawa ng cover photo ng kwento at nagbigay ng some ideas sa chapter na to.  Maraming salamat Justyn Shawn. My one and only Labs. Less Than Three.


Hindi ko na po patatagalin pa, pero bago ang lahat ay magpapasalamat ako sa lahat ng nagcomment namely: raymond, ramy from qatar, riley delima, and artsteve, zenki of kuwait, kiero143, Lee, Mac, Lexin, robert_mendoza@yahoo.com, rascal, ALDRIN, Acnologia, Marshy, Pink 5ive, Roan, diumar, akosichristian, caranchou, sa asawa na first time na nagcomment at bumasa sa gawa ko Justyn Shawn at syempre sa mga anonymous silent readers.


Sa lahat ng gustong makipagkulitan sa akin you can follow/add me on the following social networks by simply clicking any of the links below:




_____

Disclaimer:


This story is based on true to life experience, names of the characters and some scenarios are intended to be changed to protect their privacy.


Comments and any kind of reactions are welcome. 


You have the freedom to express your feelings.


Read at your own risk!


Enjoy reading!





Tok... Tok... Tok...


"Christian... Christian... Hoy tanghali na di ka ba papasok ngayon?"  ang tawag ng isang pamilyar na boses mula sa labas ng kwarto.  Naalimpungtan ako sa aking narinig.  Agad kong ibinaling ang aking tingin kung may katabi ako sa kama.  Nalungkot ako ng makita kong mag-isa lang ako sa kwarto at ang kamang hinihigaan ko ngayon ay ang sarili kong kama.  It seemed so real.  Kahit yung mga simpleng detalye nung kasama ko si Ron, totoong totoo ang lahat sa aking alaala.


"Hoy Christian! Di ka ba papasok?" ang sigaw ng kasamahan ko sa bahay na kasama ko rin sa work.


"Papasok ako. Mauna na lang kayo. Magtataxi na lang ako." ang tugon ko.


Habang nag-aayos ako ng sarili ay hindi pa rin maalis sa aking isipan ang aking panaginip.  Ang kanyang ngiti, ang mga kislap sa kanyang mga mata ng magkabati kami, ang kanyang nakakahawang pagtawa, at lahat ng positibong bagay at katangian nya.  Lalong lumakas ang loob ko na makipagbati na kay Ron.  At ngayon yun.  Haharapin ko na kung ano man ang magiging resulta nito.


Nasa baba na ako ng building at naghihintay ng taxi na aking masasakyan papasok sa trabaho ng sa hindi inaasahang pagkakataon ay may nakita akong pamilyar na tao. Lumapit ito sa akin.


“Dito ka pala nakatira?” ang tanong nito sa akin.


“Oo, ikaw dito ka rin ba banda nakatira?” ang tanong ko dito.


“Oo, dyan ako nakatira sa Chili’s building.  Ahm, tol pwede ba kitang makausap mamaya kung may free time ka? “ 


“Para saan?”


“Para linawin ang lahat.  Lahat ng bagay na nangyari sa pagitan natin nila Ron.”


“Ok, Sige.”  Matapos akong sumang-ayon ay ibinigay ko agad ang number ko kay Lee.  At pumara na ng taxi na masasakyan ko papunta ng trabaho.


Habang nasa trabaho ako ay hindi ko pa rin maalis sa aking isipan ang mga bagay na posible naming pag-usapan.  Mga bagay na maaaring maging sanhi ng pagguho ng pag-asang pinanghahawakan ko sa balak kong pakikipagbalikan kay Ron.  Naging lutang ako sa aking trabaho.  Hindi ko magawang makapag trabaho ng ayos.  Madalas akong mapatawag ng amo ko at masabon sa office nito.  Pero hindi ko iniinda ang lahat ng mga pinagsasasabi nito sa akin dahil naka focus pa rin ang utak ko sa pakikipagkasundo kong muli kay Ron at sa pakikipag-usap ko kay Lee pagkatapos ng trabaho ko.  Ito lang ang tanging laman ng isip ko at wala ng iba.


Matapos ang trabaho ko ay agad kong tinawagan si Lee upang makipagkita sa kanya at tapusin na ang agam-agam sa aking isipan.  Tamang-tama dahil half-day lang din pala ang pasok nya ngayon sa trabaho.  Nagkasundo kami na magkita na lang sa isang fast food chain na malapit lang din sa lugar naming dalawa.  Nauna akong dumating sa lugar na aming napagkasunduan.  Matapos ang ilang minuto ay nakita ko na syang pumasok.  Kumaway ako upang makita nya ako agad.  Nang makalapit ito ay agad niyang nilahad ang kanyang kamay kaya naman tumayo ako at  agad ko naman kinuha ang kanyang palad upang makipag kamay.  Matapos ang pakikipag kamayan ay umorder muna kaming dalawa ng makakain upang hindi naman nakakahiya kahit mag-usap kami o kahit na magtagal kami dito.


“Kamusta ka naman?” ang bungad na tanong ni Lee sa akin.

“Sa totoo lang tol, hindi ako ayos.  Simula ng araw na nangyari yung nakita ko kayong magkasamang dumating ng bahay ni Ron.  Walang kasing hirap ang pinagdaanan ko.  Walang araw na hindi ko naisip si Ron.  Walang araw na hindi ko pinagsisihan na hindi ako nakinig sa kanya….”  Hindi pa man ako tapos sa aking sinasabi ay agad akong pinutol ni Lee.


“Ganon naman pala bakit hindi mo agad nilinaw ang lahat?  Bakit hinayaan mong masaktan ng lubusan si Ron?  Kung sinasabi mong nasaktan ka.  Ano pa kaya si Ron?  Alam mo bang kahit anong gawin kong paglapit sa kanya upang damayan sya hindi nya ako nakikita.  Wala syang ibang bukambibig kundi pangalan mo.  Wala syang ibang gustong makita kundi ikaw.  Kahit pa ako na ang nasa harapan nya.  Kung alam mo lang kung gaano ka kamahal ni Ron.  Ang dating pagmamahal nya para sa akin sa yo nya na naituon.  Ang dating pag-aalala na dati kong naranasan ay sa yo nya na gustong ibuhos.  Ngunit anong ginawa mo?  Hinayaan mong kainin ka ng selos mo at inuna mo ang pride mo.  Hindi mo sya binigyan ng pagkakataong ipaliwanag ang lahat.  Naging makasarili ka.”


“Pero…” at muli agad akong pinutol ni Lee.


“Pero nakita mo kaming magkasama kaya nagreact ka ng hindi tama.  Minsan nauuna sa atin ang magreact bago hingin ang paliwanag ng isang tao.  Nung araw na nakita mo kaming magkasama ni Ron galing sya ng Dubai dahil pinuntahan ka nya sa dati mong bahay ngunit lumipat ka na daw at walang nakakaalam sa dati mong roommates kung saan ka lumipat.  Nawalan sya ng pag-asa dahil tinatawagan ka nya ngunit hindi ka sumasagot.  Alam mo bang tinawagan ko sya nung araw na yun upang kamustahin lang sana sya pero napag-alaman kong nasa daan pa rin sya at balak nyang umuwi pa sana ng Abu Dhabi pero hindi ko na sya pinayagan dahil late na rin kaya pinapunta ko sya ng bahay upang don na lang sya magpalipas ng gabi.   Sobrang wasted sya that night.  Ni hindi nya na nagawa pang magpalit ng damit dahil sa sobrang pagod.  Kinabukasan inihatid ko sya dahil hindi ko hahayaang magbyahe syang mag-isa lalo pa sa kalagayan nyang wala sa sarili.  At ng makita ka nya sa loob ng kwarto nya sobrang saya nya.  Dahil nga nakita mo ako na kasama nya.  Iba na agad ang inisip mo.  Hinayaan mo ng kaiinin ka ng selos at ng pride mo.  Nung umalis ka ng oras na yun hindi mo na narinig ang sinabi nya. Alam mo bang iyon ang salitang gusto kong muling marinig na sabihin nya sa akin.  Na he still loves me.  Pero ikaw na ang mahal nya at wala na akong magagawa pa para mapa sa akin syang muli.” Ang mahabang pagsasaad ni Lee sa akin.  Napatulala lang ako sa aking narinig hindi ko magawang makapag react sa lahat ng narinig ko mula kay Lee.


“Lee, why are you doing this?” ang tanong ko sa kanya.


“Ang alin ang sabihin ang totoo?  To be honest, I am not doing this for you.  I am doing this for Ron dahil mahal na mahal ko pa rin pala sya at gagawin ko ang lahat upang mapasaya ko sya kahit pa kasiyahan ko ang nakataya.  I have hurt him once and this is the only way para makabawi ako sa pananakit na nagawa ko sa kanya ang ibalik ang taong makakapag pasaya sa kanya.  Kahit pa alam kong mawawala na sya ng tuluyan sa akin sa oras na sabihin ko sa yo ang lahat.  Tol, ilang beses ko na ring tinangka na I win back si Ron pero hindi na talaga ako ang laman ng puso nya.  Ikaw na.   Kahit pa anong pakikipag laban ang gawin ko kung iba na talaga ang minamahal hindi ko na maibabalik pa ang dating pagtingin nya sa akin.”


“Maraming salamat tol.  Gagawin ko ang lahat upang magkaayos kami.  Actually I am planning to go to Abu Dhabi para puntahan sya at makipag-ayos.”


“Good tol, sana magkaayos kayo.  At tol, sa oras na magkaayos kayo.  Lalayo na ako at hahayaan ko na si Ron sa buhay nya.  Hindi na ako magpapakita pa sa kanya.” Bakas sa muka ni Lee ang lungkot sa binitawan nitong salita.  Makikita mo sa kanyang mga mata na nangingilid ang luha nito.


“Maraming salamat talaga.  Hindi kita bibiguin.  Makikipag-ayos ako sa kanya.”


Matapos ang aming usapan ay agad akong umuwi ng bahay upang makapag ayos ng gamit.  Ngayon isa na lang ang iniisip ko.  Kung paano kong lalapitan si Ron, ano ang unang salitang aking bibitiwan, at ano ang unang gagawin ko kapag nakita ko na sya?  Ito ang mga tanong na tumatakbo sa isipan ko.  Talagang buo na ang aking loob kaya mangyari na ang mangyari.  Kahit ano pa man ang kahihinatnan nito tatanggapin ko ng buong buo sa aking puso. 


Nang makumpleto ko na ang mga bagay na dadalhin ko ay agad akong umalis ng bahay at tumungo ng bus station papuntang Abu Dhabi.  Habang nasa byahe pilit kong nirerelax ng sarili ko.  “Ito na to Christian wala ng atrasan to.  Ihanda mo na lang ang sarili mo sa maaring mangyari.” Ang bulong ko sa sarili ko.


Tila naging mahabang byahe ang aking nilakbay.  Dahil minu-minuto akong tumitingin sa aking relo.  At tuwing makikita ko ang oras wari kong kinakapos ako ng hininga.  Lalong lumalalim ang gabi lalong dumadagdag ang kaba sa aking dibdib.  Lalong lumalapit, lalong nauurong ang dila ko.  “Not now please.  Kailangan ko ng lakas ng loob.”  At huminga ako ng malalim upang kalmahin muli ang aking sarili.


Ilang minuto pa ang lumipas at nakita ko na lang ang sarili ko sa bus station.  Ngayon lalong bumilis ang tibok ng puso ko.  Gusto kong bumalik na lang ng Dubai dahil naduduwag na naman ako.  Naduduwag akong harapin ang katotohanang ako ang nagkamali.  Na ako ang dapat sisihin sa hirap na pinagdaanan naming ni Ron.  Na imbis na inuna kong pakinggan ang paliwanag nya.  Mas inuna ko pang pakinggan ang sarili ko.  “Hindi ka aatras dahil lang sa lintik na kaba!  Magpakatotoo ka ngayon Christian.  Kaya mo yan!” ang pagpapalakas ko ng loob sa sarili.


Agad akong pumara ng taxi papunta sa bahay nila Ron.  Hindi pa man kami nagkikita ay nanunuyo na ang aking lalamunan.  Umuurong na ang dila ko hindi pa man kami nakakapag-usap.  Pinagpapawisan na ako ng malapot wala pa man sya sa harapan ko.  Nanlalamig ang mga kamay ko.   Tila napaparalisa.  At ng makababa ako ng taxi at natanaw ko ang kanilang building hindi ko halos maihakbang ang aking mga paa.  Halos kaladkarin ko ito sa sobrang bigat.  Hindi ko hahayaang madaig ako ng kaba at hiya sa pagkakataong ito.  Kailangang magkausap na kami.


Nasa harap na ako ngayon ng kanilang kwarto.  Hindi ko magawang pindutin ang doorbell.  Natulala ako sa harap ng pinto.  I’m about to turn my back ng biglang bumukas ito.   Nagulat ako at agad na napaharap sa may pintuan.  Hindi ko alam ang magiging reaksyon ko ng makita ko si Ron may dalang bag at maleta.  Katulad ng kung paano ko sya nakita sa aking panaginip ganon ang Ron na kaharap ko ngayon.  Namayat sya at walang sigla ang mukha.  Ibang-iba sa Ron na nakilala ko noon.   Wala ang kislap sa kanyang mga mata.  At kahit ang masiglang ngiti sa kanyang mga labi ay wala.  Nadurog ang puso ko sa aking nakita.  Lalong nawalan ako ng lakas upang magsalita.


“Anong ginagawa mo dito?!” ang galit na tanong ni Jane.


“G-usto ko lang sanang makausap si Ron.” Ang nahihiya kong tugon.


“Para saan?  Diba hindi mo man lang sya pinakinggan noon.  Ngayon sabihin mo sa akin para saan pa ang pakikipag-usap mo sa kanya?”  parang naupos na kandila ako sa pagbibitaw ng salita ni Jane.


“Gusto ko lang sanang ayusin ang tungkol sa aming dalawa.”


“Hahahaha. Ayos ka rin no?  Matapos ang ilang buwan ngayon susulpot ka para sabihing gusto mong ayusin ang tungkol sa inyo.  Ano to?  Matapos mong maisip-isip ang pinaggagawa mo babalik ka na lang ng parang walang nangyari at lalapit ka para sabihing makikpag-ayos ka?  Lakas din naman ng loob mo!”  ang pang-iinsulto nito sa akin.


Sa totoo lang gusto ko ng tumalikod ng mga oras na yon dahil na rin sa hiya ko sa sarili ko.  Totoo naman lahat ng sinasabi ni Jane.  Tinignan ko si Ron.  Nakita kong nakayuko ito hindi kumikibo.  Dama ko ang bigat ng kanyang kalooban.  Nanatili akong nakatingin sa kanya.


PAK!


Isang mabilis na kamao ang naramdaman ko sa aking pisngi.


“Ang kapal din naman ng mukha mo!”  hindi ko napansin na lumabas pala ang boyfriend ni Jane na si Roger.  Nagulat naman si Jane at si Ron sa nakita.  Agad na niyakap ni Jane ang nobyo at si Ron naman ay nanatiling nakatulala sa nangyari.  Ngunit makikita mo ang mga luhang patuloy na dumadaloy sa kanyang pisngi.  Hindi ko na ininda ang latay ng kamao na aking natanggap.  Hindi ko na rin nagawang magsalita bumagsak na lang din ang mga patak luha sa aking mga mata. 


Alam kong patuloy na inaawat ni Jane ang kanyang boyfriend at wala na rin akong pakialam kung balikan pa ako nito upang bugbugin hindi ako aalis tutal kasalanan ko rin naman.  Isa pa sinabi ko na sa sarili ko na tatanggapin ko ang lahat ng maaaring mangyari.  Nanatili akong nakatayo at tulala.


“Ron baka malate ka na sa flight mo.  Ipapahatid na lang kita kay Virgie at hindi ko pwedeng pabayaan si Roger na makalabas pa dito.”  Tama ba ang narinig ko? Flight? Magbabakasyon ba sya o nagresign na sa trabaho?  Bigla akong kinabahan dahil baka ito na ang dahilan upang mawala na ng tuluyan sa piling ko si Ron.  Lalong hindi ko alam ang gagawin.  Lalong namanhid ang buo kong katawan.  Hindi makakilos, hindi makapagsalita.  Tanging patak lang ng luha ang naging galaw ko ng oras na iyon.  Hanggang nakita ko na lang si Ron at Virgie na dumaan sa harapan ko patungo sa elevator.  Sa tagpong ito hindi ko malaman ngunit biglang nagkaroon ng sariling buhay ang paa ko at tumakbo palapit kay Ron.


Nakatalikod si Ron ng abutan ko at walang pagdadalawang isip ay niyakap ko sya mula sa likuran.


“Ron, please don’t leave me.  Hindi ko kayang mawala ka sa akin.” Habang patuloy ang pagdaloy ng luha sa aking mata.


Nanatiling walang kibo si Ron.  Dama ko ang paggalaw ng kanyang balikat sanhi ng kanyang pag-iyak.


“Please Ron, give me second chance.” Ang pagmamakaawa ko sa kanya.


Si Virgie ay nanatiling tahimik at nakatingin lang sa amin.  Ngunit bakas din sa kanyang mukha ang galit.  Dahil na rin sa matatalim na tingin na aking tinamo mula rito.


“If you had just listened to me bago mo ibinintang ang mga bagay na hindi ko naman ginawa, hindi sana lumala ng ganito.  And now you are asking for a second chance.  I don’t think I can give it to you now.  Nakakatakot Christian.  Nakakatakot maiwan muli sa ere ng hindi ka pakikinggan man lang sa mga paliwanag…”  hindi pa man sya tapos ay pinutol ko agad ang kanyang sinasabi at iniharap sya sa akin.


“I know it is my fault that I have judged you.  I jumped into conclusion.  At pinagsisisihan ko ang lahat ng bagay na nagawa ko sa yo.  Ang lahat ng sakit na naidulot ko.  Plese Ron, I will do anything just to win you back.  I want you back in my life.” Ang pagsusumamo ko.


“Give me time.  As of now hindi ko kayang ibigay ang puso ko.  Konti na lang ang pagmamahal na natitira para sa sarili ko at hindi ko na hahayaang mawala pa ito sa akin.  I need to fix myself now.  I need to forget all the pain that I had gone through.  Masyado ng malalim ang sugat dito (sabay turo sa puso nya).  Kailangan ako ng sarili ko ngayon.”


“Ron, hayaan mong tulungan kitang muli.”


Isang pilit na ngiti lang ang ibinigay nito sa akin.


“Christian it’s time for me to face this situation alone.  Para bumalik ang self confidence ko.  Masyado ng bumaba ang self steem ko.  I need to gain it back.  Maybe someday, maibigay kong muli ang puso ko sa yo.  Dahil hindi ka pa rin naman nakakalimutan ng puso ko.”


“Hihintayin ko ang someday na yan.  At hindi ako magsasawang maghintay.”


“Sige na I need to go now baka malate na ako sa flight ko.  Till the time we see each other again.” At muli pumatak ang luha ni Ron.


Hindi na ako nakaalis pa sa aking kinatatayuan.  Tila napagkit ang aking mga paa.  Patuloy na lang akong umiyak hanggang sa tuluyan ng nawala sa paningin ko si Ron.  Lubos na pagsisi ang naramdaman ko at tanging pinanghahawakan ko ngayon ay ang salitang “Maybe someday…”  I know he will not give up on me.  


Alam kong mahihirapan ako sa mga susunod na araw, but I need to face this fear and I need to continue with my life without Ron. 


“Pansamantala lang ang lahat ng ito Christian, hintayin mo lang sya.  Babalik din ang normal na takbo ng buhay mo kasama si Ron.”  Ito ang araw-araw kong sinasabi sa sarili ko simula ng umalis siya upang hindi ako panghinaan ng loob sa paghihintay sa taong labis kong minamahal, si Ron. 


Pinilit kong ibalik ang dating Christian sa trabaho ng mga panahong hinahanap ni Ron ang sarili nya.  Dahil gusto ko pagbalik nya makita nyang muli ang taong minahal nya at mamahaling muli.  Papatunayan ko sa kanyang karapat-dapat pa rin ako sa pagmamahal nya.  Na ako pa rin ang taong minahal nya at walang nagbago sa akin. 


“Hihintayin kita Ron… Hihintayin kita....”








Itutuloy…

3 comments:

  1. sana po i release na the soomest ang part 16 :)

    nice stroy po :)

    ReplyDelete
  2. Bakit,,parang paulit ulit nlang,,at masiyado pong maarte ung mga gumaganap,,akakaumay tuloy sila,,sa subrang arte ng mga bida,,wala po tuloy kilig n ngaganap,,,,pero ok nmn,,un ngalang parang my kulang,,,love story po ito kaya dapat my kilig moment,,n ngaganap unbang parang sinisilihan ung pwet mo habang nag babasa,,,kasi un nmn po ang gusto ng mga bumabasa ng isang love story,,,ang m2wa at kiligin,,pero tunay nbuhay nga po pala to diba,,,hehe,,ang arte ko po ano eh nkikibasa lang nmn ako hehe,,salamat po

    ReplyDelete
  3. Bakit,,parang paulit ulit nlang,,at masiyado pong maarte ung mga gumaganap,,akakaumay tuloy sila,,sa subrang arte ng mga bida,,wala po tuloy kilig n ngaganap,,,,pero ok nmn,,un ngalang parang my kulang,,,love story po ito kaya dapat my kilig moment,,n ngaganap unbang parang sinisilihan ung pwet mo habang nag babasa,,,kasi un nmn po ang gusto ng mga bumabasa ng isang love story,,,ang m2wa at kiligin,,pero tunay nbuhay nga po pala to diba,,,hehe,,ang arte ko po ano eh nkikibasa lang nmn ako hehe,,salamat po

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails