Followers

Sunday, February 28, 2016

Enchanted (Book 2): Child of the Light -- Chapter 18-22

Be updated. Join me on WattPad.




















Chapter 18

Hindi alam ni Errol kung ano ang gagawin o ano ang mararamdaman. Umiwas siya ng tingin kay Ivan at umatras ng ilang hakbang.

“Errol...” saad ng matangkad na lalaki na tila nag-aatubili.

Sumasagi sa isipan ni Errol ang mga naganap noong huli nilang pagkikita. Bumalik ang sikip sa dibdib na kanyang naramdaman. Pilit siyang nagpakatatag. Ayaw niyang umiyak. Ayaw niyang makita siya ni Ivan na umiiyak. Hindi na. Naninikip ang kanyang lalamunan ngunit pinilit niyang magsalita na parang wala lang. “Ang ganda ng suot mo. Ang ganda ng mga flowers. Para sa nobya mo?”

Hindi nakasagot si Ivan. Inabot niya ang mga bulaklak kay Errol. “Sorry.”

Pinilit ni Errol na ngumiti. “Kalimutan mo na yon.” Hindi tinanggap ni Errol ang mga bulaklak.

“Errol...”

“Ah, sige ha. Uuwi na ako.” Tumalikod na si Errol at mabilis na naglakad.

Ilang segundong natulala si Ivan sa pagkakatayo. Ilang sandali pa ay humakbang siya at mabilis na naglakad at tumakbo papunta kay Errol. Agad niya itong niyakap. “Errol, sorry, sorry. Nabigla lang ako nun. Nabigla lang ako.” Hinigpitan ni Ivan ang pagyakap.

Nagtatalo ang diwa ni Errol. Gusto niyang kumawala mula sa pagkakayakap ni Ivan, ngunit gusto niya rin itong maramdaman. Pumikit siya. Naghahalo ang galit, tampo, at ang pananabik niya kay Ivan. Hindi niya alam kung ano ang magiging reaksiyon, kung ano ang dapat na reaksiyon. “Ivan, hindi ako makahinga.” Naramdaman niyang niluwagan ni Ivan ang yakap, marahil dahil sa pilit na pagkalas niya. Ilang sandali pa ay inalis na ng lalaki ang mga bisig sa likod niya, pagkatapos ay inabot sa kanya ang mga bulaklak.

Ngumiti si Errol. Pilit niyang kinukubli ang kirot sa dibdib. Pilit niyang tinatagan ang sarili. Gusto niyang umiyak. Sumisigaw ang kanyang damdamin. Gusto niyang ibulalas lahat ng nararamdaman, ngunit -- “I don’t deserve the flowers.” Marahang tinulak ni Errol ang kamay ni Ivan na nakahawak sa bouquet.

“Errol... Bakit?” Nangingilid ang luha sa mata ni Ivan. “Hindi mo ba ako mapapatawad?”

“Hindi sa ganun.” Humarap si Errol sa dagat at dinama ang mahinang hangin na nagmumula rito. “Hindi ko alam... Ang sakit grabe.” Pumeke si Errol ng tawa, ngunit hindi rin niya napigilan ang pagbagsak ng kanyang luha. Umiling ito. Naglakad ito palapit sa dalampasigan, tanaw ang noo’y madilim nang look. Narinig niya ang mga yapak papalapit sa kanya.

“Errol, sorry na.” Mahina at malambing ang boses ng binata.

“Tama ka naman.” Naninikip ang lalamunan ni Errol. Parang may kung anong bagay na bumabara sa loob. Maanghang ang kanyang mga mata. Masikip ang dibdib. “Tama ka. Bakla ako.” Ang impit sa boses ni Errol, indikasyon ng paninikip ng lalamunan. “Gusto kita. Pinagnasaan kita. Tama ka. Sana mapatawad mo ako. Bakla lang ako eh.” Hindi siya humarap sa kausap. Nakatuon lang ang atensiyon sa dagat, pinakikinggan ang hampas ng alon sa dalampasigan.

“Errol, hindi... Hindi ganun. Galit lang ako nun.”

Dinig ni Errol ang pagkabasag ng boses ng katabi. “Sana, Ivan, naalala mo na kahit ganito ako, hindi naman kita pinagsamantalahan.” Lumunok si Errol upang mawala ang bara sa kanyang lalamunan. Tumingala siya upang pigilan ang mga luha. “Alam mo naman na hindi ako ganon.” Yumuko ulit ang binata.

“Errol, ‘wag ka na magalit, o. ‘Wag ka na umiyak. Nasasaktan ako, eh.”

Humarap na siya kay Ivan. “Ivan, salamat!” Ngumiti siya. “Sa maikling panahon na nakilala kita naging makulay ang buhay ko kahit papaano. Salamat dahil kahit papaano ay napasaya mo rin ako.” Hinayaan niya lang na dumaloy ang mga luha.

“Errol...”

“Alam ko napapalapit ka sa akin at gusto mo ako protektahan dahil naaalala mo si Jed sa akin. Hindi ako si Jed, Ivan. Hindi ako ang kapatid mo. Magkaiba kami.”

Umiba ng tingin si Ivan. Yumuko ito at tapos ay binalik din ang tingin sa kanya.

“Hindi na kita makakalimutan. May puwang ka na dito.” Hinawakan ni Errol ang kanyang dibdib. “Pero sa tingin ko hanggang dito na lang ang ating pagkakaibigan. Pinapalaya na kita sa anumang responsibilidad mo sa akin bilang iyong kaibigan, bilang tinuturing mong kapatid.” Habang binibigkas ni Errol ang mga salitang iyon ay tila pinupunit ang kanyang puso, ngunit pinilit niyang bigkasin ang bawat salita na buo at hindi gumagaralgal ang boses.

“Errol, ‘wag ganyan...” Hinawakan ni Ivan ang kamay ni Errol, ngunit naramdaman niya na tinanggal ni Errol ang pagkakahawak niya.

“I hope you find your happiness, Ivan. Di ba gusto mo ako sumaya?”

Tumango si Ivan.

“Di ba gusto mo ako makitang ngumiti noon?”

Tumango ulit si Ivan.

“Ngumiti ka naman.” Kumunot ang noo ni Errol bunga ng pag-iyak. “Ngingiti ako pag ngumiti ka.”

Namumula ang mata ni Ivan, ngunit ngumiti din siya.

Ngumiti rin si Errol. “Salamat, Ivan.” Biglang niyakap ni Errol si Ivan at kumalas kaagad. “Salamat. Ingat ka lagi ha.” Tumalikod si Errol at mabilis na naglakad papalayo. Pinahid niya ang mga pisngi.


Chapter 19

Nakatayo si Errol sa isang madilim na silid. Tanaw niya ang kumikinang na bagay na iyon na dahan-dahang lumutang sa ere at dahan-dahang dumapo sa katawan ng isang nilalang na hindi niya mamukhaan. Unti-unting pumasok ang makinang na bagay na iyon sa katawan ng nakakulob na binata hanggang sa mawala ito sa kanyang paningin.

Nagising siya sa lakas ng hilik ni Nathan, iniisip ang ibig sabihin ng panaginip. Ngunit dahil sa antok ay nakatulog siya ulit. Kinabukasan ay pumasok siya sa trabaho na hindi man lamang sumasagi sa isipan niya ang kakatwang panaginip. Naging abala na rin siya.

Natapos ang Hunyo. Dumaan ang Hulyo at Agosto na nagpatuloy sa kanyang buhay si Errol na pinag-igihan ang kanyang trabaho. Si Ivan naman ay tumatambay minsan sa shop ni Diana. Minsan ay dumadalaw sa bahay ni Liz. Si Cindy at Marie ay laging nag-uusap tungkol sa kalagayan ng kompanya. Gaya ng kanilang kinatatakutan ay mukhang papalugi na nga ang kompanya. Ilang beses na rin nag-aklas ang mga manggagawa.

Kahit may agam-agam si Errol sa lagay ng kanilang kompanya at sa mga naririnig na tsismis ng iilang empleyado ay pinagbutihan lang nito ang kanyang trabaho. Ganoon pa rin ang pakikitungo nilang dalawa ni Nathan sa isa’t isa. Kapag nadadatnan niyang nasa room nila ang nobya nito ay tumatambay si Errol sa malapit na karinderia at nakikinood ng TV.

Nagkakaroon pa rin ng mga pangitain si Errol na pinagsasawalang bahala na niya dahil tila wala namang nangyayari. Minsan ay biglang bumubulaga si Melchor. Minsan habang umiihi siya ay biglang lumilitaw ang matanda na ikinasisindak ng binata. Madalas silang nag-uusap tungkol sa nagbabadyang lagim sa hinaharap, mga bantang ikinauumay na rin ni Errol.

“Ano ba yan, lo? Hanggang ngayon ayaw niyo pa ituro ang pagteteleport!”

“Apo, wala sa mga palad mo ang kakayahang iyon.”

“Sige na, lo. May trabaho pa ako.”


* * *


Dumating ang buwan ng Setyembre. Lihim na nagkikita sina Cindy at si Mr. Imperial.

“Sir, pinatawag ninyo ako,” saad ni Cindy.

“Isa ka sa mga pinagkakatiwalaan ko sa kompanya.”

“Actually, sir, I’m thinking of quitting soon. Hindi na ho talaga maganda ang lagay ng kompanya, and Miss Sandy isn’t doing anything about it.”

“I know. Kaya nga sinet ko ang meeting na ito. Pero ‘wag ka muna umalis. I want you to feed me inside info.”

“As you wish, sir. Alam ninyo namang kahit papaano ay may utang na loob din ako sa inyo.”


* * *


Isang umaga ay nagising si Cindy na basang basa ang kanyang kama. Nagtataka ito. Tinawag na lang niya ang kapatid na lalaki upang tulungan siyang buhatin ito papalabas.

“Ate, nakaihi ka?” Humagalpak ang kapatid ni Cindy sa kakatawa.

“Wag ka na ngang nang-aasar! Tulungan mo na lang ako.” Binilad nila ang kama sa labas. Ngunit dahil hindi ito tuluyang natuyo ay inamag ito. Kaya naman bumili na lang si Cindy ng bagong kutson.


* * *


Madalas pa rin magkita sina Cassandra at Lucio, mga pagkikitang nauuwi sa mga plano at sa pagtatalik. Nitong huling pagkikita ay masigla ang mukha ni Cassandra.

“Lucio, darling, maghanda ka na. Kikilos tayo pagkatapos ng buwang ito.”

“As you wish, my lady!” saad ni Lucio

“But first I need a few of your men to do something for me.”



----------------------

Note: Sa pagsapit ng equinox sa Setyembre ay matatapos na ang waiting period ng ating dark sorceress. Uunti-untiin na natin sila. Ang epekto ng mga ekinoks at solstisyo sa kapangyarihan nina Melchor at Cassandra ay ipapaliwanag ni Magda sa Chapter 39. Kaya kalmaaaaaa. Magiging malinaw ang lahat sa tamang panahooooon...























Bueno, magpatuloy tayo. 



Chapter 20

Mainit ang ulo ni Bryan na nagmamaneho isang gabi. Kakagaling niya lang sa away nila ni Cindy. Nagagalit siya sa nobya dahil puro trabaho na lang ang inaatupag nito. Madalang na silang lumabas nitong mga huling buwan. Bago sila maghiwalay ni Cindy ay nasigawan niya ito.

Sa gitna ng init ng ulo niya ay may itim na kotseng sumingit sa lane niya, bagay na lalong nagpabwisit sa kanya. Binilisan niya ang takbo ng sasakyan at binangga ang puwitan ng kotseng nasa harap na huminto. Nakita niyang lumabas ng kotse ang matabang lalaking nagmamaneho. Lumabas na rin siya.

“Ano’ng problema mo!” Dinuro siya ng matabang mama.

“Ikaw, ano’ng problema mo?” bulalas ni Bryan.

“Tingnan mo nga yang likod ng kotse ko!”

“Eh, tarantado ka eh! Sisingit singit ka.” Nanlilisik ang mga mata ni Bryan sa kausap.

“Bakit, iyo ba ‘tong kalsada? Bayaran mo yang nasira!”

“Magkano ba pagpapaayos niyan? Limang libo?” Kumuha si Bryan ng pera sa kanyang pitaka at tinapon sa mukha ng lalaki. “Ayan! Paayos mo yang bulok mong kotse!”

“Gago ka pala eh!” Tinulak ng lalaki si Bryan.

Hinimas ni Bryan ang balikat at agad sinipa ang matabang lalaki na ikinatumba nito. Lumapit siya dito at akmang hihilahin ito sa kwelyo nang sipain din siya nito. Nagngingitngit si Bryan. Hindi niya alintana ang mga bumubusinang kotse sa likod. Inundayan niya ng suntok ang mukha ng lalaki.

Biglang yumanig ang paligid. Natumbang muli ang matabang lalaki at napahawak sa lupang yumyanig. Ilang banggaan ang naganap. Ang mga nakahintong kotse ay kusang gumalaw dahil sa malakas na pag-uga ng lupa. Ilang poste ang bumagsak. Dinig ni Bryan ang mga sigawan. Hindi niya alintana ang lindol at nakalakad pa ito papunta sa lalaki. “Gago! Pulutin mo ang mga perang pambayad mo sa pagpapaayos ng kotseng singbulok ng mukha mo! Tarantado!”

Pumasok si Bryan sa kotse niya at hinintay na humupa ang lindol.


Chapter 21

Napabuntong-hininga na lang si Errol habang naglalakad pauwi mula sa babaan. Hindi niya kasabay si Nathan pauwi dahil may dinaanan ito. At mas gusto niyang hindi ito kasabay. Habang nasa daan ay sumagi sa isip niya ang kalagayan ng pinagtatrabahuan. Ilang beses nang natigil ng naantala ang kanilang trabaho dahil sa pagrarally ng unyon. Wala rin naman siyang magawa kundi pagbutihin ang kanyang trabaho kahit na minsan ay nahahawa na siya sa pagiging bugnutin ni Nathan na ilang beses na ring nagbantang magreresign.

Sa isang karinderia ay umupo siya at kumuha ng basong nilagyan niya ng tubig. Tiningnan niya ang pitakang hindi na lalagpas sa limang daan ang laman. Oo nga pala. Isang linggo ng delayed ang kanilang sweldo, isang bagay na nagpapainit sa ulo ng mga katrabaho niya. Huminga siya nang malalim at inangat ang tingin sa tinderang nakangiti. “Aling Ruth, isang pinakbet nga at kanin.”

Habang kumakain ay nakaramdam siya ng pagyanig. Natabig ang basong puno ng tubig at nabasa ang kanyang pantalon. “Leche naman, o.” Napahawak siya sa mesa habang minamasdan ang ugoy ng bombilyang nakasabit sa kisame at ang paghinto sa pagkain ng ibang naroon. Unti-unti ring humina ang paggalaw ng lupa

“Psst.”

Nilingon niya ang pinanggalingan ng sutsot. Nakita niya ang lolo niya sa tapat ng isang poste. “Lo, kumain ka na ba?”

“Hindi na mahalaga.”

“Hindi, mahalaga ang pagkain. Tingnan niyo lalo kayong pumayat.”

Umiling ang matanda at nagsalita. “Sumanib na ang mga bato sa mga nakatakda!” bulalas nito kay Errol.

“Tapos, lo? O, wala naman. Tahimik ang paligid,” pamimilosopong sagot ni Errol. “Nako, lo, niloloko niyo yata ako.”

“Ang pagyanig ng lupa...”

“Natural lang yun kasi nasa Pacific Ring of Fire ang Pilipinas.” Tinitigan lang siya ng matanda.

“Kailangang mahanap natin sila bago tayo maunahan ni Cassandra.”

“Teka, lo, akala ko ba konektado kayo sa mga bato? Bakit kailangan pa hanapin?”

“Sa totoo lang, Errol, maraming bagay na ngayon ko lamang natutuklasan. Maaaring hindi lubos ang ating koneksiyon sa mga bato.”

“Bakit kasi walang user guide yang mga batong yan?”

“Ngunit mararamdaman natin ang enerhiya ng mga ito kapag ginamit ng humawahawak sa mga ito ang kapangyarihan.”

“Sure ka diyan, lo? Nako, diskumpyado na talaga ako sa inyo. Baka niloloko niyo lang ako. Kagaya niyan, di niyo pala talaga alam ang tungkol sa mga bato. Pa’no ngayon yan?”

“Kaya nga kailangan nating magmasid at makiramdam.”

“Nako, lo, hindi niyo ako maasahan diyan. Busy ako sa work. Tingnan niyo nga, o, lagi na akong ginagabi sa pag-uwi. GPS-enabled ba ‘yung mga bato, lo?” Isang hampas sa kanyang batok. “Aray, lo!”

“Hindi ito biruan. Seryosong bagay ito!”

Hinimas ni Errol ang ulo. “Pa’no kita tutulungan eh maski ikaw di mo naman talaga kabisado ang mga hiyas?”

“Naiintindihan ko ang iyong agam-agam. Minsan iniisip ko kung dapat pa ba kitang isali sa gulong ito.” Yumuko si Melchor at umiba ng tingin.

“Lo...”

“Tama ka. Ako man ay maraming di alam tungkol sa alamat ng mga hiyas. Bueno...” Inikutan si Melchor ng mga orbe.

“Lo, sandali!”

“Bakit?” Nalusaw ang mga orbe sa paligid ni Melchor.

“Teka, lo, medyo natatae ako.” Hinimas niya ang sikmura.

Sumimangot si Melchor kasabay ng paglitaw muli ng mga orbeng inikutan siya.

“Sandali, lo!”

“Bakit?”

“Hindi ako sigurado pero parang nakita ko ang... Ang asul na hiyas parang nagliliwanag.”

Sandaling tiningnan ni Melchor ang apo at maya-maya pa ay tumingin ito sa paligid at pumikit.

“Pero baka imagination ko lang.” Nagtaka siya dahil hindi siya pinansin ng matanda noong sandaling iyon na nanatili lang na nakapikit. “Lo?”

Dumilat si Melchor. “Sa tingin ko alam ko na kung nasaan ito. Hawakan mo ang kamay ko.”

“Lo, pwede ba ituloy ko muna ang pagkain ko? Nagugutom pa ako.” Hinawakan ng lolo niya ang kamay niya at wala na siyang nagawa nang makitang umiba na ang paligid niya.


Chapter 22

Mag-isang umuwi si Cindy. Bumuntong-hininga ito habang inaalala ang alitan nila ng nobyo. Naging mas abala kasi ito dahil sa mga dagdag na gawaing iniatas sa kanya ni Mr. Imperial, bagay na hindi naunawaan ni Bryan. Hindi niya mahindian ang matandang lumpo. Masama na ang lagay ng kompanya. Iilan sa mga empleyado ay nagresign na rin dahil sa mga problema. Si Miss Sandy naman ay palaging wala. May mga linggong hindi ito nagrereport.
Nasa gitna ng malalim na pag-iisip si Cindy nang makaramdam ito ng mahinang pagyanig ng lupa. Agad itong napakapit sa malapit na puno. Tumigil din sa pagyanig ang lupa. Nagpatuloy siya sa paglalakad hanggang may mapansin siyang dalawang lalaking sumusunod sa kanya. Nilingon niya ang mga ito. Binilisan niya ang paglalakad. Ngunit maya-maya pa ay nasa gilid na niya ang mga ito.
“Sino kayo?” Magkabilang nilingon ni Cindy ang mga ito. “Ano’ng kailangan ninyo?”

“Sorry, miss ganda, napag-utusan lang,” saad ng lalaking nasa kaliwa.

“Wag kang papalag kundi bubutasan ko ang tagiliran mo,” saad ng nasa kanan.

Kinakabahan si Cindy. “Sino nag-utos sa inyo?”

“Tumahimik ka!” pagaralgal na bulalas ng isang lalaki.

Maya-maya pa ay may pumaradang van. Hinila ng dalawang lalaki si Cindy papasok.

Nagpumiglas si Cindy. “Bitiwan niyo ako!” Hinila niya ang mga kamay na hawak ng dalawang lalaki sa magkabilang gilid. Nang ipapasok na siya ng mga ito ay inapak niya ang mga paa sa apakan ng sasakyan at nagpumiglas.

Sinuntok ng isang lalaki si Cindy sa sikmura at nawalan ito ng malay dahil sa sobrang sakit.


Nagising si Cindy sa maliit na kama sa isang bodega. Nagkalat ang mga karton at sirang mwebles sa sulok ng amoy usok at amag na silid na naiilawan ng iisang bombilyang nagbigay ng mapusyaw na maladilaw na liwanag dito. Maliban sa sikmura ay wala namang sumasakit sa kanya. Natatakot ang dalaga. Sa pakiwari niya ay hindi naman siya namolestiya. Tumayo siya mula sa kama, ngunit lumapit ang isa sa tatlong lalaking nakabantay sa kanya.

“Gising na pala si miss byutipul,” saad ng lalaking mukhang manyak kay Cindy. Lumapit ito sa kanya.

Naramdaman ni Cindy ang kamay ng lalaki sa kanyang pisngi. Nanginginig siya sa takot. “Ano’ng gagawin ninyo sa akin?” Nanginginig ang mga labi ng dalaga.

“Wag ka mag-alala. Hindi kita sasaktan. Paliligayahin lang kita,” saad ng lalaki habang ngumunguya ng bubble gum. Nilapit nito ang mukha sa leeg ni Cindy. “Ang bango mo. Nakakalibog. Tinitigasan ako sa’yo.” Ngumisi ito.


---------------------

Ano'ng gagawin ninyo kay Cindy!!!





















Friday, February 26, 2016

Enchanted (Book 2): Child of the Light -- Chapter 11-17

Follow me on WattPad. Look for PeterJDC. I usually post updates on Watty first.










Chapter 11

Nadatnan ni Errol na nasa silid si Nathan kasama ang nobya nito. Dahil tila ay naglalampungan sila, napagpasyahan niyang iiwan muna sila. Hindi siya masyadong pamilyar sa Taguig kaya naman ay naglakad-lakad ito hanggang makarating sa isang parke na hindi naman kalayuan sa inuupahan. Doon ay umupo ito at tiningnan ang mga tao sa paligid. Maya-maya ay may tumabi kay Errol. Hindi niya naman ito nilingon hanggang sa magsalita ito.

“Nag-iisa ka yata.”

Napalingon si Errol. Nakita niya ang nakasombrerong lalaking matipuno na may suot na hapit na t-shirt. Sumagi sa isip niya si Ivan noong una niya itong nakita. “Nagpapahangin lang.”

“Ako rin nagpapahangin,” saad ng lalaki na ngumiti sa kanya.

Napangiti na rin si Errol dito.

“Mike.” Iniabot nito ang kanyang kamay.

“Errol,” sagot ni Errol at nakipagkamay sa estranghero kahit may agam-agam. Nagulat na lang siya nang biglang ipatong ng lalaki ang kamay sa kanyang hita at tiningnan siya nito nang malagkit. Ginalaw ni Errol ang hita at umiba nang tingin, ngunit hindi inalis ng lalaki ang kanyang kamay. Tumayo si Errol.

“Sa’n ka pupunta?” tanong ng lalaki.

Natakot si Errol. “Ah, eh... Uuwi na. Gabi na kasi.”

“Wala pa ngang alas nwebe, o,” masuyong saad ng lalakig inakbayan si Errol.

Inalis ni Errol ang pagkakaakbay, ngunit inakbayan ulit siya nito.

“Ayaw mo ba?” tanong nito.

“Ha?” tanong din ni Errol na napangiwi.

“Pampalipas libog lang. Sige na,”

Dinig ni Errol ang tila nagsusumamong boses ng lalaki.

“Pangit ba ako?”

“Hindi naman sa ganon pero di kasi kita kilala.”

“Di rin naman kita kilala eh,” bulong ng lalaki. “Sige na.”

Nakikiliti si Errol ngunit ayaw niyang magpadala sa panunukso ng lalaki. “Wala kasi akong pera.”

“Hindi naman ako nagpapabayad, eh.”

“Wala rin akong pangmotel.” Pilit na inaalis ni Errol ang pagkakaakbay ng lalaki sa kanya.

“Kahit diyan lang sa tabi, tol. Sige na. Di ka magsisisi, malaki ‘tong akin.”

“Ah, eh... Sige, alis na ako.”

Hinila siya ng lalaki. “Hawakan mo pa, o.” Tinaas ng lalaki ang laylayan ng kanyang t-shirt.

Nakita ni Errol ang mapula nitong mga utong at ang flat nitong tiyan na may kaunting buhok na na kumapal papunta sa ibabang bahagi. Kahit na humihindi siya ay nakakadama siya ng init sa katawan. Agad na kinuha ng lalaki ang kanyang kamay at dinala ito sa kanyang harapan. Ramdam ni Errol ang bukol.

“Sabi ko na nga ba, gusto mo rin, eh.” Malagkit pa rin ang tingin ng lalaki kay Errol.

Giniya pa ng lalaki ang kamay ni Errol sa kanyang harapan, ngunit nagpumiglas na si Errol. “Ah, sige, uuwi na talaga ako.” Nasa tabi na sila ng daan. Nahihiya si Errol dahil may mga dumadaan.

“Wag muna! Libog na libog na ako, eh.” Nagmatigas na ang lalaki. Hinigpitan nito ang akbay kay Errol at mas diniin ang kamay niya sa pundilyo nito.

Pilit na kumalas si Errol sa pagkakaakbay ng lalaki, ngunit hindi siya makakalas. Napangiwi na siya dahil sa pilit na pagkawala at sa hiyang nararamdaman sa ginagawa ng lalaki. Natatakot siya sa maaaring mangyari.

Walang anu-ano’y may biglang pumaradang sasakyan sa tapat nila. Biglang bumaba ang sakay nito at agad na inundayan ng suntok ang lalaking nakaakbay kay Errol. Nagulat si Errol sa bilis ng mga pangyayari.

“Putang ina!” sigaw ng lalaking kanina’y nagpakilalang si Mike at inundayan din ng suntok ang lalaking galing sa sasakyan, ngunit nakailag ito.

“Manyak kang puta ka!” Sinikmuraan niya ang lalaki. Pagkatapos ay sinipa ito sa tuhod na ikinatumba nito. Pagkatapos ay tinadyakan niya ito sa dibdib.

Doon lang napagtanto ni Errol kung sino ang bagong dating na lalaki. “I-Ivan?” Agad niya itong inawat. “Ivan, tama na ‘yan! Tama na! Huminahon ka!”

Ngunit tila hindi napansin ni Ivan si Errol. “Hoy, pucha kang hayop ka! Wag mong minamanyak ‘tong kaibigan ko!”

Nakita ni Errol na tatayo pa ang lalaki. Nanlilisik ang mga mata nito kay Ivan habang nakahawak sa dibdib nito.

“Ano? Lalaban ka pa?” Pinandilatan ni Ivan ang lalaki na agad itinaas ang dalawang kamay habang pilit na tumayo.

Nakita ni Errol ang matalim na tingin nito sa kanila ni Ivan bago maglakad papalayo. Lumingon sa kanya si Ivan. Noon niya lamang nakita ang ganoong galit na ekspresyon sa mukha ng lalaki.

“Pumasok ka sa kotse!”

“I-Ivan?”

“Pasok sabi!”

Parang maamong bata si Errol na sinunod ang utos ng amo. Pumasok ito sa loob. Nanlalamig siya, at hindi dahil sa air conditioning ng sasakyan ni Ivan. Nakita niyang pumasok ito at padabog na kinabig ang pinto. Ngayon lang nakita ni Errol na ganoon kagalit si Ivan. “Ivan?”

Hindi nagsalita si Ivan. Mabilis niyang pinaharurot ang kanyang kotse. Tumigil sila sa isang lugar na walang katao-tao.

Katahimikan.

Dinig ni Errol ang mabilis at malalim na mga paghinga ni Ivan.

“Ilang beses kitang hinanap-hanap dito tapos ganito lang pala madadatnan ko.”

Natigilan si Errol sa sinabi ni Ivan. “Hinahanap mo ako?” Ngunit hindi siya sinagot ng lalaki. Matagal itong tumahimik habang mahigpit na nakahawak sa manibela. Kita ni Errol ang tila galit na ekspresyon nito sa mukha, ang tensiyon sa kanyang panga. Natatakot siya. Narinig niya itong nagsalita muli.

“Malaki ba?” tanong ni Ivan. Buo ang boses nito. Malumanay ngunit nagbababala. Nakatingin ito sa malayo.

“Ivan?” Kinakabahan si Errol.

“Malaki ba ang kanya?”

“Ano?”

“Nagmamaang-maangan ka pa. Kaya ka pala umalis sa inyo para malaya ka nang makalandi.”

Nagulat si Errol sa inasal ni Ivan. “Ulitin mo nga ‘yung sinabi mo?” kunot-noong tanong ni Errol na lumingon na kay Ivan.

Lumingon si Ivan sa kanya. Galit ang mga nakadilat nitong mata sa kausap. “Bakla ka, di ba? Bibigay ka rin pala.”

“Ivan, ano ba ‘yang pinagsasasabi mo? Hindi ko kilala ‘yon! Bigla na lang lumapit.”

“Ah, ganon. Biglang lumapit tapos pinahipo ang harapan sa’yo tapos ikaw naman humipo rin. Kunyari pakipot ka pero bibigay ka rin pala.”

“Ano!” bulalas ni Errol dahil sa pagkabigla sa mga nasambit ni Ivan. “Kung alam mo lang kanina pa ako nagpupumiglas. Gusto kong kumawala sa pagkakaakbay niya pero malakas siya.”

“Ang sabihin mo, gusto mo ‘yung ginagawa niya. Sorry, Errol, ha, basag-trip yata ako.”

“Ivan, bakit ganyan ka magsalita ngayon? Kilala mo naman ako, di ba?”

“Kilala nga ba kita? Marahil katulad ka lang din ng ibang kabaro mo.”

Nanliit ang tingin ni Errol sa sarili sa mga narinig mula kay Ivan. “Ang sakit mong magsalita.” Nangingilig ang luha sa mata ni Errol. “Bababa na ako.”

“Bakit, totoo naman, di ba?” Biglang tinanggal ni Ivan ang butones ng kanyang polo.

“Ano’ng ginagawa mo?”

“Di ba, gusto mo ito?” Niluwagan ni Ivan ang kanyang sinturon at binuksan ang kanyang pantalon at binaba ito kasama ang kanyang salawal.

Tumambad kay Errol ang ari ni Ivan. “Ivan...” Umiling ito.

“Di ba ito ang gusto mo? Ano, patitigasin ko ba para sa’yo?” Nilaro ni Ivan ang alaga hanggang sa tumigas ito. “Malaki, di ba? Oh, sige na sunggaban mo na!”

“Ivan, ano’ng ginagawa mo?”

“Di ba... Di ba sabi ko sa’yo noon willing ako, pag ready ka na willing ako? Di ba ito ang gusto mo?” bulalas ni Ivan.

Umiling si Errol. Tumulo na ang mga luha nito.

“Sige na! Wag ka ng pakipot. Kung hindi pa kita nakita malamang nilalapa mo na ‘yung hayop na ‘yun.” Hinila ni Ivan ang damit ni Errol upang lumapit ito sa kanya. Kinuha niya ang kamay nito at dinala ito sa kanyang dibdib. “Himasin mo ang katawan ko, Errol.” Giniya niya ang ulo ni Errol at pilit na inilapit ito sa kanyang ari. “Ano pa’ng hinihintay mo? Chupain mo na! Matagal mo nang gusto ‘yan, di ba?”

Nagpumiglas si Errol. Dahil sa pagkatuliro ay nasuntok niya si Ivan sa panga. “Gago ka! Gago ka! Gago ka!” Sinuntok niya pa ito sa braso. Nakita niyang aambahan siya ng suntok ni Ivan. “Sige, sige. Suntukin mo ako! Sige, ituloy mo! Sige, dito.” Nilapit ni Errol ang pisngi. “Sige, kung luluwag ang pakiramdam mo, sige!” Hindi na niya napigilan ang paghagulhol.

Binagsak ni Ivan ang mga bisig sa manibela ng kotse. Agad niyang sinara ang pantalon.

“Ito ang pinakamasakit na ginawa mo sa akin! Ito ang pinakamasakit na ginawa ng kahit kanino sa akin. Ito! Ganyan pala kababa ang tingin mo sa akin. Para sabihin ko sa iyo, hindi ako ganyang klaseng tao. At alam mo ‘yan, Ivan. Alam mo ‘yan!”

“Errol...”

Ngunit hindi na narinig ni Errol na tinawag siya ni Ivan. Binuksan na niya ang pinto at tumakbo papalayo. Nang makalayo ay hindi kinaya ni Errol ang namumuong emosyon sa sa loob niya. Napasigaw siya habang humahagulgol. Ang sikip ng kanyang dibdib. Ang sakit ng kanyang nararamdaman. Hindi niya aakalain na babastusin siya ng lalaking... Oo, ng lalaking mahal niya. Pinunit ng hindi inaasang tagpong iyon ang durog na puso ng binata. Ganoon lang pala kababa ang tingin niya sa kanya. Sa kalagitnaan ng kanyang paghagulgol ay biglang umihip nang malakas ang hangin.

“Apo, andito ang lolo.”

Napalingon si Errol sa pinanggalingan ng boses. “Lo!” Tumakbo si Errol sa kinaroroonan nito. Mas lalo pang lumakas ang hangin.

“Halika.”

Niyakap ni Errol ang taong sa gitna ng sakit na kanyang nadarama ay nandirito para damayan siya. Bigla silang naglaho sa mga umiikot na ilaw.


Chapter 12

Biglang nahimasmasan si Ivan. “Errol...” Ngunit nakita niyang mabilis nitong binuksan ang kotse at tumakbo papalayo. Sinapo nito ang mukha. Pagkatapos ay malakas na itinama ang kanang bisig sa manibela. Hindi niya alam ang gagawin, kung mananatili sa kinauupuan o hahabulin si Errol.

Ito ang pinakamasakit na ginawa mo sa akin! Ito ang pinakamasakit na ginawa ng kahit kanino sa akin. Ito! Ganyan pala kababa ang tingin mo sa akin. Para sabihin ko sa iyo, hindi ako ganyang klaseng tao. At alam mo ‘yan, Ivan. Alam mo ‘yan!

Nagpaulit-ulit ang mga huling sinabi ni Errol sa diwa ni Ivan. “Errol, di ko sinasadya...” ang namutawi sa tulirong binata. Hindi niya maintindihan kung bakit ganoon na lang ang naging reaksiyon niya nang makita si Errol na tila nakikipaglampungan sa ibang lalaki. Nang makita niya itong akbay ng lalaking iyon ay may tila masidhing inggit o selos at galit siyang naramdaman.

Ang gusto lang naman niya ay ipabatid kay Errol na nandito siya kung may pangangailangan siyang pisikal. Kaya naman niyang ibigay. Kaya niyang ialay ang kanyang pagkatao para sa binatang iyon na napamah... Na mahalaga sa kanya. Ngunit sa baliktanaw ay nagsisisi siya sa nagawa.

Mabilis ang tibok ng puso ni Ivan. Mabilis rin ang kanyang paghinga. Galit siya sa kanyang sarili. Bigla niyang napagtanto na kasalanan din naman niya lahat ng ito. Marahil hindi ito mangyayari kung hindi niya biglang inabandona ang kaibigan. Kung hindi siya naging duwag ay malamang masaya sila ngayon, siguro nagkukwentuhan, nagkukulitan, nagkikilitian gaya nang dati. Ngunit naging alipin lang siya ng takot niya sa sasabihin ng mga tao.

Batid ni Ivan na hindi pangkaraniwan ang pagkakaibigan nila ni Errol. At hindi niya maikakailang espesyal ito sa kanya, at noo’y espesyal ang turing niya dito. Kinain lang siya ng kanyang takot at agam-agam sa sariling pagkatao. Ngunit ngayon ay lubusan na nga niyang nasaktan ang binata. Ano ang gagawin niya? Ano ang sasabihin niya kay Erik? Natatakot siyang malaman ni Erik ang ginawa niya kay Errol ngayong gabi.

Sa gitna ng pagkatuliro ay sinabunutan ni Ivan ang sariling buhok. Lumabas ito ng kotse at pinagsisisipa ang gulong nito. Biglang lumakas ang ihip ng hangin. Ngunit hindi ito napansin ni Ivan. Maya-maya pa ay pumasok siya sa kanyang kotse at binagtas ang daang tinahak ng kaibigan sa pagtakbo. Unti-unting humina ang hangin sa labas. Halos dalawampung minuto na niyang binagtas ang kalsada, ngunit hindi niya natagpuan si Errol. “Errol, asan ka ba?”


Chapter 13

“Lo, hindi niyo ho maiintindihan kapag sinabi ko. Hayaan niyo na lang akong umiyak,” saad ni Errol na nakaupo sa isang batong upuan sa labas ng kubo ni Melchor.

“Apo, subukan mo lang na ikwento sa akin. Baka makatulong ako,” saad ni Melchor. “Noong natagpuan kita sa parke ay noon ay umiiyak ka rin. Ano ang problema?”

Hindi umimik si Errol. Tahimik lang itong nakatutok sa apoy na labas ng kubo, sinisipat ang ningas nito.

“Baka makatulong ako,” dugtong ni Melchor.

“Wala po kayong maitutulong, lo.”

“Tungkol ba sa pag-ibig ‘yan?”

Tumahimik muli si Errol, nagdadalawang-isip kung magsasalita o mananatiling tahimik. Ngunit tumango din si Errol. “Mahal ko kasi siya, lo. Pero ganun pala kababa ang tingin niya sa akin.”

“Iyan ba iyong lalaking kasama mo sa restawran noong nahilo ka?”

“Pa’no... Pa’no ninyo alam, lo?” Lumingon si Errol sa matanda na nakatayo lang at nakayuko sa kanya.

Ngumiti si Melchor sa apo at nilagay ang mga kamay nitong magkahawak sa likuran niya. “Matagal na kitang sinusubaybayan. Noon ko pa kayo sinusubaybayan ni Celia sa malayo. Nitong huli ko nga lang nalaman ang pangalan mo. Subalit alam ko kung ano ka, Errol, apo.”

“Okay lang ba sa iyo na ... bakla ako?”

“Hindi importante ang kasarian. Ang importante ang naririto.” Tinuro ni Melchor ang dibdib ni Errol.

“Salamat, lo. Mabuti naman at hindi ka homophobic,” kaswal na saad ni Errol.

“Ano, apo? Anong homo... Ano iyon?” Nakakunot ang noo ni Melchor.

“Sabi ko mabuti naman at hindi ka galit o naasiwa sa mga bakla.”

“Bakit naman? Ganoon talaga,” saad ni Melchor sa namamaos nitong boses. “Kahit noong kapanahunan ko ay may mga binabae na. Ngunit hindi na iyan importante. Ano nga pala ang pangalan ng lalaking iyon?”

“Ivan, lo.”

“Matikas ang binatang iyon. Iniibig mo ba siya?”

Sandaling tumahimik si Errol. Bakit ba kahit masakit ang ginawa ni Ivan sa kanya kanina ay ganoon pa rin ang nararamdaman niya dito?

“Hindi mo kailangang magkaila, apo.”

“Lo, naman. Alam niyo naman pala, nagtatanong pa kayo.” Pinahiran ni Errol ang pisngi.

“Makapangyarihan ang pag-ibig, apo.” Tumingala si Melchor. “Ito ang pinakamakapangyarihang pwersa sa kalawakan.”

“Ang korni niyo, lo.”

“Galit ka ba sa kanya?”

“Magsisinungaling ako kung sasabihin kong hindi.” Kumuha si Errol ng piraso ng kahoy at sinundot-sundot ang nagniningas na kumpol ng mga kahoy sa harapan.

“Subalit mahal mo rin siya, tama?”

“Magsisinungaling din ako, lo, kung sasabihin kong hindi.”

“Bantayan mo ang puso mo, Errol. ‘Wag mong hayaang kainin ito ng galit at puot.”

“Bakit, lo?” Lumingon ang binata sa matanda.

“Masayahing bata si Cassandra noon.”

“Yan ba ‘yung evil witch?”

Tumango si Melchor at ngumisi. “Ngunit kinain siya ng puot kaya kinain na rin ng kadiliman ang kanyang budhi.”

“Kaya pala naging evil siya, lo.”

“Ang ating kapangyarihan ay nakatali sa ating emosyon, Errol. Kaya bantayan mo ang iyong emosyon.”

“Wala naman, lo, eh.” Umirap ang binata. “Kanina nga sumisigaw ako sa daan, humahagulgol, wala namang nangyari. Hindi ko nga magawa ‘yang tricks ninyo, eh.”

“Iyong hangin kanina. Hindi iyon pangkaraniwan.”

“Ano’ng ibig ninyong sabihin?”

“Kung sinuman ang may hawak sa hiyas ng hangin ay malapit siya kanina.”

“Nakakapagtaka naman kasi mukhang wala namang ibang tao doon sa lugar.”

“Nakakapagtaka.” Palakad-lakad ang matanda.

“Lo, ano’ng gagawin ko?”

“Gaya ng sabi ko noon, masasalin sa iyo ang kapangyarihang kontrolin ang liwanag kapag wala na ako.”

“Di yan, lo. Yung tinutukoy ko yung love life ko.”

Tumingala lang ang matanda at pagkatapos ay ginala ang tingin sa kagubatan.

“Pero sige na nga. Ano ba ang magiging papel ko diyan sa quest against the bad witch na yan?” Walang nakuhang sagot si Errol sa lolo niya. Sa iilang pagkakataong nagkakausap sila ay nakasanayan na nito ang tila lutang at wala sa sariling matanda. Kanya hindi na siya nagtaka na iba ang sagot nito sa tanong niya.

“Sa tingin ko ay matagal nang nasa sa iyo ang taglay mong kakayahang makita ang hinaharap. Isa itong pambihirang kakayahan sa ating angkan.”

“Yung mga weird na panaginip, lo? Ayoko nun. Gusto ko ng katulad ng sa inyo na nakakateleport. Walang kwenta naman ang mga panaginip.” Pinatong na ni Errol ang pinaglalaruang piraso ng kahoy sa apoy.

“Ang bawat kakayahan ay may kanya-kanyang kahalagahan. Maaaring hindi mo pa batid ang kahalagahan ng mga panaginip mo, pero lilinaw din ang lahat sa tamang panahon.”

“Lo, kamag-anak niyo ba si Lola Nidora?”

Umirap si Melchor. “Sino ‘yan?”

“Ah, ‘yung karakter ni Wally Bayola sa Eat Bulaga, lo.”

“Sinong Wally? Ano’ng Eat... Ano ba ang mga iyan, apo?”

“Wala nga pala kayong TV. Di bale na lang. Pero, lo, ang gusto kong malaman ay ano ang gagawin ko sa usaping pag-ibig ko?” Napangiti si Errol kahit basa ang mga bata.

“Simple lang. Sundin mo ang sinasabi ng iyong puso.”

“Pero, lo. Lalaki po siya. Babae po ang gusto niya.”

“Kung ganon ay bakit nasa Taguig siya kanina?” Ngumiti si Melchor.

“Oo nga, ‘no? Hindi ko natanong.”

Ngumiti si Melchor kay Errol. “Gaya ng sinabi ko, ang pag-ibig ang pinakamakapangyarihang pwersa sa kalawakan.”

“Ang senti niyo, lo.”

“Pero sino ba sa atin ngayon ang umiiyak?”

Natigilan si Errol. Tumahimik ito. Nasupalpal siya ng matanda nang hindi niya inaasahan.

“Nararamdaman kong malapit nang sumanib ang mga bato sa mga nakatakda.”

“Teka, lo, kamag-anak ba ni Emily Rose yung mga sasaniban?”

“Ano?”

“Ah, wala.” Umiwas ng tingin si Errol, umismid, at bumulong. “Hay, nako si lolo may cognitive impairment na.”

“Ano’ng binubulong mo riyan?”

“Ah, eh... Hindi pa ba sumasanib sa kanila? Di ba wala na sa inyo ang mga bato?”

“Hindi pa. Pinakikiramdaman muna ng mga bato ang mga nakatakda.”

“May ganon, lo? May getting to know each other stage pala yan?”

“Parang ganoon na nga.”

“Paano niyo naman mararamdaman, lo, na sumanib na nga ang mga bato? May pagka psychic ba kayo?”

“Naririnig kong nagsasalita ang mga bato.”

“Baka kung ano na ‘yang sinisinghot ninyong bato, lo, ha.”

“Kapag sumanib na ang mga bato sa mga nakatakda ay mas lalakas ang kapangyarihang taglay ng mga ito. Mas makokontrol na rin ng mga nakatakda ang taglay na mahika ng mga bato.”

“Pa’no natin malalaman na sumanib na sa kanila ang mga bato?”

“Mararamdaman natin iyon.”

“Ganun lang? Paano?”

“Basta makakaramdam ka ng kakaiba.”

“Ano ba ‘yan? Wala bang instructions manual?”

“Nandito pa naman ako.”

“Hindi naman tukoy ang mga pinagsasasabi ninyo, lo. Minsan pakiramdam ko pinagtitripan niyo lang ako.”

“Magtiwala ka lang.”

“So ano’ng gagawin natin kapag dumating ang araw na iyon?”

“Kailangan nila ng gabay sa paggamit ng kapangyarihan. Hindi pwedeng abusuhin ang kapangyarihan. Hindi pwedeng gamitin sa pansariling kapakanan.”

“Teka, lo. Bakit pa ba kailangang sumanib ng mga bato sa tao? Hindi ba pwedeng manatili na lang silang mga bato?”

“Ayon sa alamat, nangyayari ang pagsanib ng mga hiyas sa mga taong nakatakda kapag may paparating na lagim. Nararamdaman ng kalikasan ang nagbabadyang kapahamakan dito. At ang mga bato ay likha mula sa kalikasan.”

“Pa’no ninyo nalaman ang mga ‘yan, lo? Meron ba kayong parang kurso niyan?”

“Ang dami mong tanong!”

“Aba, dapat lang, lo.” Kumunot ang noo ni Errol. “Sinali-sali ninyo ako dito. Nanahimik ako eh.”

“Dahil nakatakda kang maging tagaingat ng mga hiyas.”

“Wala nga akong special powers maliban sa wild dreams na feeling ko hindi naman powers.”

Ngumiti si Melchor. “Sa tingin ko may kinalaman si Cassandra sa pagkabuhay ng mga hiyas. Malamang nararamdaman ng mga bato ang itim na enerhiya niyang nagbabadya ng panganib.”

“Sino nga ulit yang Cassandra, lo?”

“Siya ay iyong tiya.”

“Kapatid siya ni nanay?”

“Pinsan.”

“Bakit hindi ko pa siya nakikita?”

“Makikilala mo rin siya. Ngunit sa araw na iyon kailangang malakas ka na. Mapanganib siya, Errol.”

“Mukha nga, eh. Ano ba’ng nangyari sa kanya? Ano’ng ikinagagalit niya?”

Kinuwento ni Melchor ang nangyari sa pagitan nila ni Damian at ang pagtutunggali nila ni Cassandra apat na buwan na ang nakakalipas.

“Ibig sabihin si Cassandra ang dahilan noong blackout noong Pebrero?”

Tumango si Melchor.

“Wow, ganon pala katindi ang kaya niyang gawin. Bakit niya ginawa ‘yun?”

“Gusto niyang maangkin ang mga bato.”

“Bakit daw?”

“Malamang ay katulad na rin siya ng kanyang ama, sakim sa kapangyarihan. Kinain na ng kadiliman ang budhi ni Cassandra. Kaya, Errol,” saad ni Melchor na naglakad-lakad, “kailangan mo siyang paghandaan.”

“Nakakatakot naman ‘yan, lo. Pa’no pag di natin siya kaya?”

Hindi nakasagot si Melchor. Nakatingin lang ito sa kawalan.

“Lo, bakit bumalik pa kayo dito? Di ba kayo natatakot na baka bumalik ‘yung mga naghahanap sa inyo? Di ba gusto kang patayin ng mga ‘yun?”

“Apo, kapag panahon mo na, panahon mo na. Kahit saan ka magtago, matatagpuan ka ng kamatayan. Nararamdaman kong malapit na.”

“Lo, ‘wag kayong magsalita ng ganyan. Hindi pa nga kayo nagkikita ni nanay. Ayaw niyo ba siyang makita uli?”

“May mga bagay na mainam na hayaan na lamang sa ganoong estado. Mapanganib na rin sa pagkakataong ito. Marahil ito ang nakakabuti para sa iyong ina, para sa anak ko.”

“Natatakot ako, lo.” Seryoso ang mukha ni Errol habang nakatitig sa apoy.

“Maganda ‘yan. Ibig sabihin nag-iisip ka.”

“Lo, pwede ba dito ako matulog?”

Pumasok na si Melchor sa kubo. Naglatag ito ng tela sa lupa sa tabi ng higaan nito. Tinawag nito ang apo na nahahabag sa itsura ng tinuturing na bahay ng kanyang lolo. “Lo, ayaw niyo ba tumira kasama ko? Para naman komportable ka kahit paano.”

Umiling ang matanda. “Matanda na ako. Nasanay na rin ako dito.”

Dinig ni Errol ang lagitik ng papag habang humihiga dito ang kanyang lolo. Amoy din niya ang mabahong telang nilatag ng matanda sa lupa. Ngunit hindi na niya ito alintana. Naguguluhan ang binata sa maraming bagay na tumatakbo sa kanyang utak -- si Ivan at ang pagtrato nito sa kanya, ang mga bato, ang hinaharap, ang mga agam-agam. Nakatulog si Errol na malungkot ang mukha. Ginawa niyang unan ang kanyang mga kamay.


Chapter 14

“Namimiss ko na ang manang na ‘yun,” saad ni Manny na naghihimutok habang nakasandal ang braso at ulo sa mesa sa cafeteria.

“Namimiss ko na nga rin ‘yun eh,” saad din ni Erik.

“Sa’n ba siya ngayon?” tanong ni Shanice umiba ng tingin matapos sulyapan ni Erik.

“Ang sabi niya lang sa akin nasa Taguig na daw siya nagwowork,” saad ni Manny. “Ayaw naman niyang sabihin kung saan.”

“Hindi nga rin sinabi ni Tita Celia sa akin nung huli kong punta sa kanila. Basta sa isang pharma company daw,” saad ni Erik.

“May galit ba siya sa atin?” tanong ni Shanice habang tinitingnan ang mukha niya sa maliit na salamin.

“Wala naman siguro,” sagot ni Manny. “Madalas naman kaming magtext at magtawagan nun. ‘Yun nga lang. Ayaw pa niyang maging active sa FB. Ayaw rin niyang sabihin kung sa’n siya nakatira.”

“Okay na ‘yun si Errol. Masaya na ‘yun,” saad ni Erik.

“Talaga lang ha? Tumawag kaya ‘yun nung Sabado. Mukang malungkot na naman nga ‘yung manang na ‘yun.”

“Ha? Pa’no?”

“Ah, wala, wala. Feeling ko lang naman.” Biglang ngumiti ng hilaw si Manny.

“Malamang lagi nung kasama si Ivan,” saad ni Erik.

Umirap si Manny. Maya-maya ay kinamusta nito ang magkasintahan. “Kayo, Sir Erik at Ma’am Shan, kamusta na kayo?”

“Okay lang kami, getting stronger. Di ba, bhe, este Sir Erik?”

Ngumiti si Erik at tumango.

“Oy, sige. Una na ako. Klase ko na,” saad ni Manny na pagkatapos ay umalis na sa cafeteria.

“Bhe, bakit matamlay ka?” Hinawakan ni Shanice ang balikat ng kasintahan.

“Wala lang.” Sinulyapan ni Erik ang nobya at umiba kaagad ng tingin. “Stress lang siguro.”

“Nagsisisi ka ba na hindi ka tumuloy sa orientation mo for Dubai?”

“Hindi naman sa ganun.”

“May problema ka ba?”

“Wala, bhe. Baka pagod lang ako.”

“Kakaumpisa lang ng first sem pagod ka na?”

“Basta.”

“Iniisip mo na naman ba ang best friend mo?”

Bumuntong-hininga lang si Erik.

“Mahal mo talaga siya, ‘no?”

“Parang kapatid ko na kasi ‘yun.”

“Siya ba lagi iniisip mo kapag wala ka sa sarili?”

“Ha?”

“Kagaya niyan, parang wala ka na naman sa wisyo.”

“Hindi.”

“Bhe, pwede mong sabihin ang kahit na ano sa akin. Girlfriend mo ako. Pwede mo rin naman akong ituring na best friend, di ba?”

“Oo naman. Thank you, bhe.”

Hinawakan ni Shanice ang kamay ni Erik. “I’m always here. Kung kailangan mo ng makakausap. Ano ba ‘yang bumabagabag sa iyo?”

“Namimiss ko lang siguro si Errol.”

“Kahit ako, kahit kami ni Manny namimiss din namin siya. ‘Yung mga students niya nga namimiss siya.”

“Hindi na kasi kami nag-uusap.”

“Di ba choice mo naman ‘yun?”

“Oo pero parang nagsisisi ako.”

“Nagsisisi ka ba na hinayaan mo siya kay Ivan?”

“Hindi naman sa ganon. Pero parang may mali eh.”

“Kung may problema siya siguro naman magsasabi ‘yun sa iyo o kay Manny. At malalaman natin kahit papano.”

“Sana nga.”

“Hindi na ba siya bumalik sa bahay ninyo? Di ba sabi mo pumunta siya sa inyo?”

“Oo. Kinabukasan non pinuntahan ko siya sa bahay nila pero wala raw siya, umalis.”

“Miss mo talaga ang best friend mo, ‘no?”

“Syempre, matagal ko ng kaibigan yun. Parang kapatid ko na yun. Gusto ko lang naman siyang kamustahin.”

“Ako ba mamimiss mo kung di mo na ako makita?”

“Oo naman.”

“Talaga?”

“Oo nga.” Ngumiti si Erik sa nobya at pinisil ang kamay nito. “Salamat.”

“Bhe, andito lang ako lagi para sa iyo ha.” Banayad na hinaplos ni Shanice ang pisngi ng nobyo.

Lingid sa kaalaman ni Shanice ay malalim ang iniisip ni Erik. May duda siyang may hindi magandang nangyayari sa pagitan nila ni Ivan. Gusto niyang makausap si Ivan o si Errol, ngunit hindi niya mahagilap ang dalawa. Pinaubaya na niya si Errol kay Ivan noon. Ginawa niya ito dahil alam niyang matapos niyang hindi sinasadyang masaktan ang matalik na kaibigan ay nais niyang sumaya ito sa piling ng bagong kaibigan, sa piling ni Ivan na alam niyang gusto ni Errol.

Noong nag-usap silang dalawa ni Ivan ay ibinilin na niya si Errol dito. Nangako si Ivan na pasasayahin niya ito sa abot ng kanyang makakaya at hindi niya ito pababayaan. Ngunit nitong huli ay tila nagsisisi siya. Hindi niya alam kung bakit pumunta si Errol sa bahay nila dalawang buwan na ang nakakalipas. Isa pang pinagtatakhan niya ang ay pagkawala nito sa Facebook.

Sa kabilang banda ay naisip din ni Erik na labas na rin naman siya sa kung ano’ng problemang meron si Errol. Pero namimiss niya ito.


Chapter 15

“Ate, parang walang pinagkaiba ang studio mo sa bahay mo. Parehong magulo.” Tumawa si Ivan habang pinagpagan ang isang bilog na upuan at umupo dito.

“Pag ako inasar kita, siguradong iiyak ka,” sagot ni Liz na nakatuon sa ini-edit ng isang larawan sa kanyang laptop.

“Ate, nasaktan ko siya nang husto.”

“I feel sorry for that poor guy.” Umiling si Liz at ngumisi nang bahagya. “Malas niya. Bakit mo naman kasi siya pinagsalitaan nang ganon?”

“Galit na galit kasi ako, Ate Liz. Hindi ko napreno ang bibig ko.”

“Bakit ka nga ulit nagalit sa kanya?” Kumunot ang noo ng babaeng nakaharap lang sa laptop niya.

“Kasi nakita ko siyang nakikipaglandian sa isang lalaking mukhang call boy.”

“Saan?”

“Sa Taguig.” Tumayo si Ivan at lumapit sa mesa kung saan abala ang pinsan.

“Sa Taguig?” Sandaling sinulyapan ni Liz si Ivan at kumunot na naman ang kanyang noo. “Di ba taga Sampaloc siya?”

“Dalawang buwan na siya dun.”

“Ano’ng ginagawa niya dun?”

“Nagtatrabaho.” Kinuha ni Ivan ang camera sa tabi ng laptop ni Liz.

“Pa’no mo naman nalaman ‘yan?” Galaw dito, galaw doon ang kamay ni Liz na nakapatong sa mouse na nakakabit sa laptop. “Di ba di ka niya kinakausap?”

“Nadulas kasi si Tita Celia, ‘yung nanay niya.” Pinindot ni Ivan ang power button ng camera. “Pero di naman niya sinabi kung sa’n sa Taguig namamalagi si Errol,” saad niya habang tinitingnan ang mga larawan sa kanyang camera.

“Bakit nasa Taguig ka that time?”

Hindi kaagad nakasagot si Ivan. Nagpatuloy lang ito sa pagtingin sa mga larawang nakunan ng pinsan.

“Let me guess. Hinanap mo siya?” Ngumiti si Liz na pinaikot pa ang mga mata at pinatong ang baba sa kaliwang kamay.

Tumango si Ivan. Binaba na niya ang camera at bumalik sa inupuan kanina.

“Uuuuy.” Lumawak ang ngisi ni Liz. “Tinamaan ka na talaga yata kay Errol ha.”

“Hindi ko na nga maintindihan ang sarili ko.”

“Gaya ng sabi ko noong cliche, love knows no gender. Kung love na ‘yan wag mong pigilan. Pero, oo nga pala, inaway mo na nga pala. So pa’no na ‘yan?”

“Yan nga ang problema. Inaway ko siya na hindi ko man lang nalaman kung sa’n siya nakatira.”

“Ogag ka kasi.”

“Yan din sabi niya sa akin.”

“Mukhang matindi ang awayan ninyo ha.”

“Muntik ko siyang masuntok, ate.”

“Gago!” Ang kaninang ngisi ay napalitan ng simangot. “‘Wag mong gagawin ‘yon. Kapag nalaman kong may sinuntok kang bakla, ipapapresinto talaga kita.” Inalis ni Liz ang tingin sa kanyang laptop at nilipat ito sa pinsang nakaupo sa maliit na silya sa gitna ng studio. “Wala akong pakialam kahit magpinsan tayo.”

“Ate naman eh.” Nakayuko lang ito at nakakunot ang noo, tila malalim ang iniisip.

“Oy! Isa sa ‘yan sa mga pinaglalaban namin, ang anti-LGBT violence.”

“Galit na galit kasi ako nung makita siya na inaakbayan ng lalaki tapos mukhang naglalandian pa sila.”

“Teka, pa’no mo naman nalamang naglalandian sila?”

Sandaling nag-isip si Ivan. Ang totoo ay hindi siya sigurado sa nakita niya noon. Nadala lang siya ng bugso ng kanyang damdamin. “Kasi mahigpit ang pagkakaakbay sa kanya ng lalaki.” Umiba siya ng tingin.

“Baka hinoholdap lang.” Umismid si Liz.

“Ang sabi ni Errol pinipilit daw siya nung lalaki na magsex sila pero pumalag daw siya.”

“Yun naman pala eh. Dapat dun ka nagalit sa lalaki.”

“Binugbog ko nga eh.”

“Buti di ka pinapulis.”

“Gago siya! Binabastos niya si Errol. Si Errol naman hindi pumalag.”

“Hindi pumalag o hindi makapalag? Di ba sabi mo medyo maliit ‘yung Errol? Eh di kung mas malaki sa kanya ‘yung lalaki, pa’no siya makakapalag?”

“Yan din nga ang sabi niya. Di daw siya makapalag. Buti na rin nakita ko. Baka ano pa ginawa nung hayop na yun kay Errol kung di ako dumating. Pero ‘yun nga mainit na ang ulo ko, kung anu-ano na nasabi ko sa kanya.”

“Ano’ng ginawa niya?”

“Sinuntok ako sa panga.”

Natawa si Liz. Tumigil ito sa ginagawa. Binitiwan ang mouse at tiniklop ang mga bisig sa harap niya. “Talaga? Bravo. Alam mo, gusto ko ng mameet ‘yang Errol na ‘yan ha.”

“Hindi ko nga mahanap.”

“So babalik ka ulit ng Taguig?”

Tumango si Ivan.

“Kausapin mo na lang kaya ang nanay niya. Pilitin mo. Magsorry ka kasi!”

“Natatakot na akong bumalik sa bahay nila. Tiyak nakwento na ni Errol ‘yung nangyari last week. Baka kalbuhin ako ni Tita Celia o sapakin ni Tito Gary.”

“Aba, dapat lang. Kung ako nanay ni Errol, kakalbuhin talaga kita. Uuwi ka ng bahay ninyo na walang buhok sa katawan.”

Bahagyang natawa si Ivan na nakayuko pa rin. Ngunit unti-unti ring nawala ang ngiti sa mukha niya at naging seryoso. “Namimiss ko siya, ate.”

“Tinamaan ka na talaga.”

“Hindi pa ako sigurado sa nararamdaman ko sa kanya. Pero gusto ko siyang makita. Gusto ko magsorry. Gusto ko manumbalik ‘yung dati. ‘Yung masaya kami.”

“Pa’no na ‘yan? Inaway mo na. I’m sure masakit ‘yun para sa kanya lalo pa’t sa iyo nanggaling. Mahal ka nun, di ba?”

Bumuntong-hininga si Ivan. “Gago kasi ako eh.” Mahinang sinuntok ni Ivan ang sariling pisngi.

“Don’t do that! Not here!” bulalas ni Liz.

“Sorry, ate. Ang gago ko kasi.” Ginulo ni Ivan ang buhok at tumayo. Sinapo nito ang mukha. Di mapakali itong palakad-lakad sa loob ng studio.

“It’s good that you feel guilty. At least inaamin mong may mali ka. The next thing to do is ask for forgiveness. Kung mahal ka nga nun, mapapatawad ka niya.”

“Baka mas lalo siyang lumayo sa akin.”

“Well, if that’s the case, wala tayong magagawa.” Nagkibitbalikat si Liz, tinaas ang dalawang kilay na ang mga mata ay nakatuon sa laptop, at bumalik sa ginagawa. “Ganun talaga. Minsan we’ll just have to accept the consequences of our actions no matter how hard it is.”

“Ate, nagsisisi na talaga ako.” Naglakad si Ivan sa harap ni Liz at nilagay ang mga kamay sa baywang niya. “Nagsisisi ako na sinantabi ko ang pagkakaibigan namin noon. Nagsisisi ako sa ginawa ko sa kanya that night.”

“I know. How about you call Erik? Find out if he knows where Errol is.”

“Di pwede. Pag nalaman niyang hindi ko alam kung nasaan si Errol, magtataka ‘yun. Ang alam niya close na close na kami ni Errol.”

“Oo nga pala, ano? May agreement nga pala kayo.”

“Hahanapin ko na lang ulit si Errol.”


At iyon nga ang ginawa ni Ivan. Ilang beses siyang bumalik sa Taguig upang mahanap si Errol. Kung sana ay alam lang niya ang numero nito. Ngunit alam niyang hindi rin sasagot ang binata sa mga tawag niya kung sakali.

Isang gabi nagdadrive ito papuntang Taguig nang magring ang kanyang telepono na agad niyang sinagot.

“Hey, nasa’n ka?”

“Hi, Diana, nasa daan pa ako. Bakit?” Nakahawak ang isang kamay ni Ivan sa manibela habang ang isa ay nakadiin sa kanyang telepono sa kanyang tenga.

“I need your help.”

“Saan?”

“Nag-aayos kasi ako ng shop ko.”

“Malapit ka ba dito sa Alabang?”

“Siguro mga 30 minutes away?”

“Ay! Baka maabala ka pa.”

“No, it’s okay. Itext mo ang address ha. I’ll be there.”

Alas syete na ng gabi ng makarating si Ivan sa inaayos na shop ni Diana.

“I’m sorry, medyo natraffic,” saad ni Ivan. Nakita niyang nagkalat ang mga sculptures at paintings sa silid na iyon. Ang iba ay nakabalot pa.

“Hi! Salamat sa pagpunta.”

“Hindi ko alam mahilig ka pala sa mga ganito,” manghang saad ni Ivan.

“’Yung iba collections ko. ‘Yung iba gawa ng mga kilala kong artists. I’m planning to put up this shop for art lovers kasi.”

“Bakit mag-isa ka lang?”

“Maaga kasing umuwi ang isa kong kasama dito. Okay lang ba? Baka naabala kita.”

“No, no. It’s okay.”

“Sorry ha.”

“Okay nga lang.”

Inayos na nila ang mga pyesa at nilagay sa mga estante o mesa. Ang mga paintings ay maingat na sinabit sa dingding. Hindi mahilig si Ivan sa mga art pieces pero nagagandahan naman siya sa iilan sa likhang nakita. Halos dalawang oras din silang nag-ayos. Pawisan silang pareho nang matapos. Pagkatapos ay nilinis nila ang lugar. Malaki ang ikinaganda ng malawak na shop. Maayos na nakalayout ang mga pyesa.

“Nice!” nakapamewang na saad ni Diana habang ginala ang tingin sa buong lugar. “Thanks, Ivan.”

“No problem.” Ngumiti si Ivan. Kahit napagod ay sulit din naman nang makita niya ang itsura ng art shop ng kaibigan. Sandaling sinulyapan ni Ivan ang dalaga. Hindi niya maipagkakailang maganda ito kahit na pawisan. Nagkakagusto nga ba siya dito?

“Hungry?” tanong ni Diana sa kanya.

“Kinda?” Ngumiti si Ivan.

“Let’s eat! My treat.”

“You sure?”

“Yup!”

“My car or your car?”

“Di na ako babalik dito.”

“So we drive separately?”

“Parang ganun na nga.”

“Okay,” maikling tugon ni Ivan. Napansin niyang nakatitig sa kanya si Diana kaya tinanong niya ito. “Bakit?”

“Are you okay?”

“Oo naman.”

“Parang hindi.”

“Baka napagod lang ako.”

“Parang hindi physical exhaustion eh.”

“Ha?” nagtatakang tanong ni Ivan. “Hindi kita maintindihan.”

Lumapit si Diana kay Ivan. Sumisingkit ang kanyang mga mata habang tinitingnan ang mukha ni Ivan. “Alam ko na.”

“May dumi ako sa mukha?”

“Hindi. Malungkot ka.”

“Ha?” Naintriga si Ivan, ngunit tama nga naman si Diana. “Hindi ah.” Ngumisi si Ivan.

“Your eyes are betraying you.”

“Talaga?”

“Bakit ka malungkot?”

“Kasi... Kelangan talaga sabihin?”

“You can trust me.”

“Kasi may importanteng tao akong nasaktan nang husto.” Yumuko si Ivan at umiba ng tingin.

“Why don’t you say sorry?”

“Hindi ko siya mahanap na eh.”

“Tawagan mo. O kaya iPM mo sa Facebook.”

“Di ko na alam number niya. Nagpalit kasi ako ng SIM. Mukhang nagpalit din siya. Tas nagdeactivate din siya sa Facebook,” seryosong saad ni Ivan.

“Wow! What a difficult situation. But hold my hands.” Inangat ni Diana ang kanyang mga kamay.

“Bakit?” inosenteng tanong ni Ivan.

“Basta!

Pinatong ni Ivan ang kanyang mga palad sa palad ni Diana. Tiningnan niya ang dalaga. Humahanga talaga siya sa ganda niya. Unti-unti ay nararamdaman ng binata ang init mula sa palad ng dalaga, init na dumaloy sa buong katawan niya. Unti-unting gumaan ang kanyang pakiramdam at nanumbalik ang kanyang sigla. Hindi alam ni Ivan kung papaano ngunit biglang sumaya ang kanyang pakiramdam. Habang nakatingin siya sa magandang mukha ng binibini ay nanunumbalik ang mga masasayang alaala nila ni Errol na nagpangiti sa kanya at tila ay nagpahiwatig sa kanya na magiging okay ang lahat.

Maya-maya pa ay tumunog ang cellphone niya. Nang tingnan ito ni Diana ay napadako din ang tingin ni Ivan dito. Napansin niya ang picture ng isang babaeng maiksi ang buhok sa display ng kanyang telepono.


Chapter 16

Sa pagdaan ng mga araw ay naging matamlay si Errol. Maraming mga bagay ang bumabagabag sa kanya, gaya ng mga sinabi ng kanyang lolo, ngunit ang higit na nagpabagabag sa kanya ay ang masakit na pagtrato sa kanya ni Ivan. Isang linggo na ang lumipas matapos ang insidenteng iyon sa pagitan nila. Hindi niya lubos maisip na ganoon lang pala kababa ang pagtingin ng binatang lihim niyang iniibig. Pilit nagpapakatatag si Errol.

Nang matapos ang isang ordinaryong linggo sa laboratoryo ay naisipan niyang umuwi sa kanila dahil nabuburyong siya sa pananatili sa kwarto kasama si Nathan na minsan ay hindi niya maintindihan ang timpla.

Natigilan siya nang madatnang bakante ang lote. Palingun-lingon siya habang nagkakamot ng ulo. “Ano na namang pangitain ba ‘to?” bulong niya sa sarili nang biglang may kumalabit sa kanya.

“Anak, ba’t di ka man lang nagtext na uuwi ka pala?”

Gulat si Errol nang makita bigla ang ina na bitbit ang mga pinamalengke.

“Ah, kasi...” Mas nagulat siya nang makita ulit ang bahay nang lingunin niya ito. “Ah, eh...”

“Ay, nako, pasok na at matutuwa ang tatay mo na umuwi ka.”

“Oo nga po eh.” Napakamot na lang si Errol.

Sa kanilang bahay sa Sampaloc ay naging abala siya sa pagbabasa, ngunit natapos niya ulit ang isang aklat at napansin niyang wala na naman siyang bagong librong mababasa. Kaya naman umalis siyang muli at pumunta sa mga bilihan ng libro.

Nang makabili ng mga libro ay umupo si Errol sa isang silya at doo’y naglaho ang kapaligiran nang buklatin niya ang unang librong babasahin. Iilang kabanata rin ang natapos niya matapos ang isang oras. Nasa kalagitnaan siya ng pagbabasa nang marinig ang pagsalita ng nasa tabi niya.

“Favorite mo ba si Dean Koontz?”

Napalingon siya sa gulat. Hindi niya namalayang may tumabi pala sa kanya dahil sa nakatuon ang buong atensiyon niya sa binabasa. “Ah, eh, medyo,” saad niya na medyo nailang sa lalaking tila ay kaedad niya lang. Nakasalamin ito na may makapal na frames. Malinis ang kanyang buhok na mas mataas ng konti sa skinhead ang gupit. Nakajacket ito ng itim, puting t-shirt, maong na pantalon na semifit, at sneakers. Ngumiti ito sa kanya.

“Mahilig din kasi ako magbasa ng novels,” saad ng nakasalamin.

“Ah, eh, pastime ko lang.”

“Kaninong novels usually binabasa mo?”

“Wala kasi akong specific na authors. Pero genre ko ang horror, thriller, at supernatural. Mga ganoong kwento gusto ko.”

“Ah, pareho pala tayo. Romance ayaw mo?”

“Hindi ko trip,” saad ni Errol. “Maiinggit lang ako, eh.”

Natawa naman ang kausap. “Hindi ko rin trip ang romance. Ano pinakafavorite mong horror novel so far?”

“Hmmm. Teka, marami kasi. Hmmm. Siguro The Exorcist ni William Blatty.” Natawa si Errol. “Lumang luma.”

“I love that book.”

“Talaga?”

“Mas nakakatakot siya kesa sa movie.”

“Oo nga. Mas masarap siya basahin sa gabi kasi mas nararamdaman mo ang thrill at chill. Ikaw ano favorite book mo so far?”

“Maka Stephen King ako. Any Stephen King novel siguro. Pero siyempre hindi ko pa nabasa lahat ng novels niya.”

“I love Stephen King.”

“Nabasa mo ‘yung Desperation?”

“Ang weird nun.”

“Weird naman talaga halos lahat yata ng gawa niya, at ang weirdness na ‘yon ang nagpapaganda sa novels niya.”

“Sabagay,” saad ni Errol. “Hindi kasi ako makapili ng authors sa book sale kasi kung ano lang ‘yung mura.” Tumawa si Errol. “Kuripot kasi.”

“Marami namang good old books na mura. Bumibili rin ako ng lumang libro.” Ngumiti ang binatang kausap ni Errol. “Wait, if you like horror novels, ibig sabihin you like horror movies, too?”

Tumango si Errol. “Gusto ko kasi ‘yung nagugulat ako” -- natawa si Errol.

“Ayaw mo ng romance films?”

“Hindi ko trip ‘yung romance, mapaTagalog o English.”

“Ikaw ba?”

“Basta maganda ‘yong movie, okay na ako.”

“Ano’ng favorite movie mo?” tanong ni Errol.

“Titanic?” nagdadalawang-isip na saad ng kausap ni Errol. “Luma, ‘no? Di na natin generation. Tsaka hindi siya horror. Weird. Pero fave ko eh.”

“Oo nga. Pero di ba nirelease ‘yun 3 years ago in 3D?”

“Yup! Dalawang beses kong pinanood. Ang ganda kasi ng pagkakagawa ng pelikula.”

“Basta si James Cameron, masterpiece talaga.”

“Oo. Minsan lang siya gumawa ng pelikula pero pinag-isipan at pinag-ukulan talaga ng panahon. Karamihan kasi sa Hollywood films parang paulit-ulit na futuristic techno/sci-fi films na lang. Nakakaumay din.”

Walang maisip na isagot si Errol. Ang sarap kausap ng lalaking katabi niya. Upang may maidagdag sa kanilang usapan ay pilit niyang inalala ang iilang eksena sa pelikulang Titanic. Naalala niyang kasama niya nga pala si Erik nang panoorin ang pelikulang iyon. Iyon ang isa sa kaunting pelikulang napanood nila. Mahal kasi ang sinehan para sa mga ordinaryong mamayan sa Maynila. “Grabe ‘yong sinking scene sa Titanic. Nakakaiyak.”

“May DVD ako ng movie na ‘yan at ilang beses ko na napanood. Hindi pirated ha!” Tumawa ang kausap ni Errol.

“Favorite mo talaga siya, ‘no? Minsan ko lang kasi siya napanood.”

“Memorized ko na nga ang ibang linya.”

“Talaga?”

“It’s been eighty-four years, and I can still smell the fresh paint. The china had never been used. The sheets had never been slept in. Titanic was called the ship of dreams, and it was. It really was,” saad ng binatang nakasalamin na animo’y pinatanda ang boses.

Namangha si Errol. “Linya ‘yan ng...”

“Ng matandang Rose Calvert!”

“Wow!” saad ni Errol na nanlalaki ang mata.

“Pero ang pinakaastig sa akin sa movie ay si Molly Brown.”

“Molly Brown?” Pilit na inalala ni Errol ang karakter ngunit hindi niya ito maalala.

“Yung matabang babae na astig. The Unsinkable Molly!”

“Hindi ko maalala.”

“Come on, girls. Grab an oar!” Tiningnan ng nakasalamin si Errol upang ipahiwatig kung naaalala na ba niya. “Ito pa,” saad niya, “I don’t understand anyone of you! What’s the matter with you? It’s your men out there!”

“Ah,” nanlalaking matang saad ni Errol, “yung babae sa lifeboat na gustong mailigtas ang mga naiwang pasahero.”

Ngumiti ang binatang nakasalamin. “Minsan pag-bored ako, pinapanood ko ‘yang movie na ‘yan.”

“Sayang, no? Ang ganda pa naman ng ship na ‘yon.”

“Maiden voyage niya ‘yun pero ayon masaklap.” Inayos ng binata ang kanyang salamin.

“Dapat kasi hininaan lang ng kapitan yung barko noong gabing ‘yun.”

“Kasi sabi nung may-ari na si Bruce Ismay dapat they should make headlines by arriving at New York early.”

“Yun nga naheadline talaga sila kasi lumubog ang barko.”

“Aksidente talaga.”

“Yung mga nagbabantay kasi panay ang tingin kina Jack and Rose na naglalampungan kaya hindi nabantayan ang iceberg.”

“Fiction lang ‘yung part na ‘yun. Ang totoo, hindi talaga maaninag ang iceberg sa kalayuan noong gabing yon kasi walang buwan at clear yung sea surface.”

Namamangha si Errol sa kausap. Parang ang dami niyang alam. Parang ang talino niya. At napapangiti siya sa indayog at galaw ng mga kamay ng kausap habang nagsasalita ito. Ang sigla ng mga mata niya na nasa likod ng mga salaming iyon na makapal ang frames.

“May hinihintay ka ba?” tanong ng lalaking nakasalamin.

“Ah, wala. Naisip ko lang na tumambay dito at magbasa. Nakakaburyong kasi sa bahay.”

“Samahan mo naman ako.” Ngumiti ang nakasalamin.

“Saan?” Kahit hindi niya ito kilala ay parang may tiwala naman siya dito. Kung ngingiti ba naman siya nang ganoon ay paano siya tatanggi?

“Malapit lang naman dito ang Rizal Park...”

“Okay, sige,” masiglang sagot ni Errol. Gusto niya ring pumunta doon. Magpahangin. Maglakad-lakad.

“Great!”

Nang tumayo sila ay napansin ni Errol na hindi magkalayo ang kanilang tangkad. Mas matangkad lang ang lalaking nakasalamin ng isa o dalawang pulgada sa kanya. Medyo malaki ang pangangatawan nito, o marahil dahil sa jacket niyang suot.

“Lagi ka bang gumagala?” tanong ng nakasalamin habang nakapamulsa ito.

“Actually, nitong huli lang.”

“Bakit nitong huli lang?”

“Hindi kasi talaga ako palagala.”

“Bakit biglang gumagala ka na?”

Natigilan si Errol sa mga tanong ng lalaki. “Ah, eh... Para maaliw kahit papaano.”


Chapter 17

Nang makarating sila ng Rizal Park ay mababa na ang sikat ng araw at halos papalubog na ito. Ang ganda tingnan ng paligid na nabibilad sa naninilaw na liwanag na nanggagaling sa papalubog na araw. Biglang may napansing pamilyar na babae ang kasama ni Errol.

“Ate Elizabeth!” sigaw ng nakasalamin sa babaeng naka-gray na chaleco at maikling shorts.

Biglang napalingon kina Errol ang babaeng may hawak na camerang may mahabang lenteng nakatutok sa monumento ng pambansang bayani. “Hi!” masiglang sigaw nito na napalaki pa ang mga mata. “Pero please just call me Ate Liz.”

Lumapit ang dalawa sa babae, at nagsalita ang nakasalamin. “Photo excursion again, ate?”

“Boring kasi sa bahay. Introduce me to your friend naman,” saad ng babae na ngumiti kay Errol.

Ngumiti na rin si Errol dito.

“This is,” saad ng nakasalamin na nakaturo ang kamay kay Errol. Ngunit tumigil ito, kumunot ang noo, at ngumiti. “Wait, hindi ko pa nga pala nahihingi ang pangalan mo.”

“What?” nakairap na tanong ng babae sa nakasalamin habang nakapamewang ang isang kamay at nakahawak sa camera ang isang kamay.

Biglang tinanong ng lalaki si Errol. “Ano nga pala ang name mo?” Natatawa ito. “Grabe! Kanina pa tayo nag-uusap pero hindi pa pala natin alam ang pangalan ng isa’t-isa.”

“Errol,” natatawang saad ni Errol. “Ikaw, pangalan mo?”

“Errol?” singit na tanong ni Liz, ngunit hindi yata siya napansin ng dalawa.

“Jansen,” masiglang sagot ng nakasalamin.

“So you got yourself a new friend,” saad ng babae kay Jansen.

“Ganon talaga. We meet interesting people unexpectedly,” sagot ni Jansen sa babae at pagkatapos ay lumingon kay Errol. “Errol, ito si Ate Liz, a blogger, a photographer, an entrepreneur, and an LGBT advocate.”

“Nice to meet you po,” saad ni Errol na nakipagkamay dito.

“Po? Please! I’m only 28.”

“Ah, sorry, sorry,” saad ni Errol.

“Wait,” saad ni Liz na lumapit kay Errol. “You look familiar.”

Nagtaka naman si Errol.

“Wait a minute.” Naniningkit ang mata ni Liz na nakatingin kay Errol.

“Bakit, Ate Liz?” tanong ni Jansen na nagpalit-palit ang sulyap kina Errol at Liz.

“Never mind,” kaswal na saad ng babae.

“So ano’ng kinukunan mo ng larawan, ate?” tanong ni Jansen.

“Obvious ba?” sagot ng babae.

“Panira talaga ng view ‘yang building sa likod niya,” saad ni Jansen.

“Well, it’s a challenge for us photographers. Kapag halimbawa ganitong kukunan mo siya ng larawan gamit ang telephoto lens, nahahagip ‘yung building sa likod sa field of view mo. So nakakabwisit siya. Kung kukunan mo siya in wide angle” -- pinalitan ni Liz ang lente ng hawak na camera -- “mahahagip pa rin ang building pero mas maliit. Pero kahit na panira pa rin siya sa view.”

“Oo nga eh. Dapat hindi na pinayagang ipatayo ‘yan, eh!” saad ni Jansen.

“Kailangang kunan siya sa ibang angulo para di masali ‘yung building sa larawan,” saad ni Liz habang kinukunan ng larawan ang lugar.

“This is what she does,” saad ni Jansen kay Errol. “Minsan gumagala ‘yan to take pictures. Forte niya ang street at portrait photography.”

“Ganun ba?” inosenteng tanong ni Errol. “Ang galing!”

“Magaling talaga! You should see her portfolio,” saad ni Jansen na nakapamulsa habang nakatingin sa abalang babae.

“Bakit hapon na siya pumunta dito? Pagabi na.” Nakatingin si Errol kay Liz.

“Ate Liz!” sigaw ni Jansen.

“What?” tanong ni Liz habang nakatuon sa kanyang camera.

“Bakit daw hapon ka na pumarito?” inulit ni Jansen ang tanong ni Errol.

Humarap si Liz kina Errol. “Sinadya ko talaga ‘to. This is one of the best times to take cityscape pictures.”

“Bakit, ate?” inosenteng tanong ni Errol.

“Kasi mababa na ang araw kaya hindi na masyadong matindi ang sikat nito. Sa photography, we call it the Golden Hour.”

Namangha si Errol sa narinig.

“Sabi ko sa’yo magaling ‘yan. Matalino rin ‘yan,” saad ni Jansen na nakangiti.

“I have an idea!” Biglang lumingon si Liz sa kanila.

Ngumiti si Jansen. Si Errol naman ay nagtataka.

“Hurry! Let’s get in my car!” saad ni Liz.

“Sa’n tayo pupunta?” tanong ni Errol.

“Malapit lang. Quickly before the sun sets!” masiglang saad ni Liz.

“Trust her,” nakangiting singit ni Jansen.

“Okay.”

Mabilis nilang nilakad ang parking area at pumasok sa sasakyan ni Liz.

“Luma na itong kotse. Don’t worry. Di naman ito nakakatetano.” Tumawa si Liz. Natawa na rin ang dalawang binata.

Maya-maya pa ay nasa Roxas Boulevard na sila. Nakita ni Errol ang pamilyar na lugar.

“When was the last time you went here?”

“Last year,” sagot ni Jansen.

Naalala ni Errol si Ivan.

“How about you, Errol?” tanong ni Liz.

“4 months ago.” Ngumiti si Errol.

Nagmamadaling pinalitan ni Liz ang lente ng camera at bumaba sa kotse. “Hurry, guys! We only have a few minutes left before the sun sets.”

“Ano’ng gagawin natin dito?” tanong ni Errol habang ginagala ang tingin sa Baywalk.

“You will be my models.”

“Interesting.” Ngumisi si Jansen.

“Ano po’ng gagawin namin?” tanong ni Errol.

“Stand there!” bulalas ni Liz.

Pumunta sina Errol at Jansen sa parteng tinuro ni Liz na malapit sa gilid ng kongreto. Tiningnan nila ang dalampasigan.

“Oily yata ang mukha ko,” saad ni Errol.

“Doesn’t matter. I’ll fix it in post-processing. Sisiguraduhin kong gwapo kayo pareho.” Kumindat si Liz kay Errol. “All right, Jansen, akbayan mo si Errol. Act like matagal na kayong magkaibigan.”

“Sure.” Biglang umakbay ang nakasalaming binata kay Errol.

“Errol,” saad ni Liz, “Move closer to Jansen.”

“Okay.” Nilapit ni Errol ang katawan sa kay Jansen na lumingon sa kanya at ngumiti. Hindi niya napansin na kinukunan na sila ng larawan ni Liz.

“Great! A few more snaps,” saad ni Liz habang nakatutok ang camera kina Errol. “I have an idea.”

Naramdaman ni Errol na tinanggal na ni Jansen ang pagkakaakbay sa kanya.

“Can you face the sunset and hold each other’s hands?” tanong ni Liz.

“Ah, eh...” Ngunit naramdaman ni Errol na tinapik siya ng nakasalamin.

“Don’t worry,” saad ni Jansen. “It’s just a picture.”

“Sige na please.” Nagsusumamo si Liz.

“Okay sige.” Humarap na nga si Errol sa lumulubog na araw. Naramdaman niyang hinawakan ni Jansen ang kanyang kamay. May kakaiba mang nararamdaman ang binata ay pinagsawalang bahala niya na lang ito.

“Can you move closer to each other?” tanong ni Liz.

Giniya naman ni Errol ang katawan papalapit sa kasama. Naramdaman niyang nilapit din nito ang katawan sa kanya.

“Great, great! Pwede niyo bang itama ang inyong mga ulo sa isa’t isa?”

Agad na sumunod sina Jansen at Errol. Dinig ni Errol ang tunog ng camera ni Liz.

“Oh my God!” saad ni Liz habang nakatingin sa screen ng kanyang camera. “May isa pa akong request.”

“Ate Liz, baka ginu-good time mo na kami,” reklamo ni Jansen.

“Sige na please. It’s so beautiful.” Nakangiti si Liz habang tinitingnan sina Errol at Jansen. “Can you face each other while holding each other’s hands?”

“Okay.” Agad na humarap si Jansen kay Errol.

Naramdaman ni Errol na pinisil ng kaharap ang kanyang kamay.

“Okay ka lang?” tanong ni Jansen.

“Oo naman.” Kahit kakakilala lang kay Jansen ay komportable si Errol dito. Naririnig niya ang tunog ng shutter ng camera ni Liz.

“Oh my God!” bulalas ni Liz na nasasabik.

“Maganda ba?” tanong ni Jansen. Lumapit si Jansen sa babaeng retratista.

Lumapit na rin si Errol sa dalawa.

“Cool!” saad ni Jansen.

“Ganda!” bulalas ni Errol habang nakatingin sa mga silweta nila ni Jansen.

“Mag-groufie tayo,” suhestiyon ni Liz. Nilabas niya ang kanyang smartphone mula sa kanyang bulsa. “Lapit kayo!” Pagkatapos kunin ang larawan nilang tatlo ay -- “Tag kita Jansen. Errol, ano’ng Facebook mo? Add kita.”

“Ah, ate, kasi dineactivate ko,” sagot ni Errol.

“Ha? Bakit?” tanong ni Liz.

Bago pa man siya makasagot ay nagsalitang muli ang retratistang may tinitingnan at pinipindot sa kanyang telepono.

“Guys, we’ll have company in a while,” saad ni Liz.

“Sino, ate?” tanong ni Jansen.

“Somebody who saw our picture. Ito chinachat ako sa Facebook. Antayin daw natin dito.”

Nagtataka si Errol kung bakit nakangiting nakatingin sa kanya si Liz.

Umupo sila sa gilid ng Baywalk at nag-usap tungkol sa mga bagay-bagay, trabaho, mga hobbies. Kalahating oras na ang nakakalipas at maliwanag na ang mga ilaw sa Roxas Boulevard. Maya-maya pa ay --

“Hey,” saad ni Liz na may kinakawayan sa di kalayuan.

Napalingon sina Errol at Jansen sa lalaking may dalang kumpol ng bulaklak.

“Boyfriend mo, ate?” tanong ni Jansen kay Liz.

“Pinsan ko,” saad ni Liz kay Jansen pagkatapos ay tumingin kay Errol at kumindat.

Sadyang maliit ang mundo. Kinabahan si Errol sa nakita. Lumapit sa kanila ang matangkad na binata at nakipagbeso kay Liz. Nakipagkamay din ito kay Jansen at lumapit sa kanya.

“Looks like you have some catching up to do,” saad ni Liz na nakatingin kina Errol at Ivan. Bumaling ito kay Jansen at nagsalita. “Alis na tayo.” Bumalik sina Liz at Jansen sa kotse, ngunit bumalik muli si Liz upang ibigay kay Errol ang supot na may mga lamang libro at nagmamadaling umalis.


----------------

Chapter 22 Snippet

Nagising si Cindy sa maliit na kama sa isang bodega. Nagkalat ang mga karton at sirang mwebles sa sulok ng amoy usok at amag na silid na naiilawan ng iisang bombilyang nagbigay ng mapusyaw na maladilaw na liwanag dito. Maliban sa sikmura ay wala namang sumasakit sa kanya. Natatakot ang dalaga. Sa pakiwari niya ay hindi naman siya namolestiya. Tumayo siya mula sa kama, ngunit lumapit ang isa sa tatlong lalaking nakabantay sa kanya.

“Gising na pala si miss byutipul,” saad ng lalaking mukhang manyak kay Cindy. Lumapit ito sa kanya.

Naramdaman ni Cindy ang kamay ng lalaki sa kanyang pisngi. Nanginginig siya sa takot. “Ano’ng gagawin ninyo sa akin?” Nanginginig ang mga labi ng dalaga. 

“Wag ka mag-alala. Hindi kita sasaktan. Paliligayahin lang kita,” saad ng lalaki habang ngumunguya ng bubble gum. Nilapit nito ang mukha sa leeg ni Cindy. “Ang bango mo. Nakakalibog. Tinitigasan ako sa’yo.” Ngumisi ito.

---------------

Nauuna akong magpost ng updates sa WattPad kaya ano pang hinihintay ninyo? Ifollow niyo na ako. Maghihintay kami ng mga Rogelio.


Tuesday, February 23, 2016

Dear Stranger (Chapter 15) - Love, Stranger Book 2

AUTHOR'S NOTE
Credits to Roj Sawada para sa ilang details dito and the Japan Citizenship thingy (May story siya sa WATTPAD). Siya po nag-edit sa scene ni Ray and Mr. Kyou at nagdagdag ng ilang information para mabuo ang scene na iyon. 
Salamat sa kaibigan kong si Kim Yu (siya si Kim sa story) na walang sawang nagchecheck ng ilang scenes para sabihin kung ano ang kulang or dapat bawasan. Hahaha! 
Sorry po sa delay. Marami lang inasikaso these past few weeks. 

MARAMING SALAMAT PO!

MAY MGA TYPO'S AND PROBABLY GRAMMAR ERROR ITO. 'DI KO PA NA-EEDIT DAHIL MEDYO BUSY PO AKO. SA BOOK VERSION (SOON IN BUQO), NANDOON PO ANG EDITED VERSION AND BETTER VERSION. (May mga bonus clip and scenes din po akong balak idagdag doon so kung gusto niyo pong mabasa, I suggest you get a copy po once na available na.)
======================================================

======================================================





DEAR STRANGER

(Book 2 of "Love, Stranger")




CHAPTER FIFTEEN
ROME:
"I'm sorry... Hindi ito pwede." Paulit-ulit na umeecho sa aking tenga ang mga katagang iyon. Pumasok ito sa utak ko, diretso sa puso ko. Ang sakit, napakasakit. Para akong nabingi. Hindi ako makagalaw. Pakiramdam ko'y tumigil ang paghinga ko. Ilang saglit pa'y mabilis kang tumakbo palayo sa akin, pababa sa burol na sana'y altar ng ating kasal-kasalan.
"Ray!" tawag ko sa iyo. Ngunit bingi ka na at dire-diretsong tumakbo. Hinabol kita. Ramdam ko ang mabilis at marahas na halik ng napakalamig na hangin, para itong karayom na bumabaon sa aking balat; masakit pero wala ito sa sakit na nararamdaman ng katawan ko ngayon. Napakabigat ng dibdib ko.
Nang maabutan kita ay mabilis kong hinawakan ang iyong balikat, malakas mong hinawi ang kamay ko at tumalsik ito. Ang sakit, pero mas masakit ang paulit-ulit na emosyong dumudurog sa puso kong nagmamahal sa iyo. Mas bumilis ang iyong pagtakbo, hinabol kita.
"Ray, mag-usap tayo."
"Wala tayong dapat pag-usapan."
"Ano bang dapat kong gawin? Ray naman!" bumigay na ang boses ko, kasabay nito ay bumalot ang luha sa aking mga mata.
Patuloy ka pa ring naglakad, dinaanan ang mga hilera ng puno na puno ng dilaw na ilaw.
"Ray kausapin mo naman ako!" sigaw ko sa iyo sabay muling hawak sa braso mo.
"Rome tama na!" kasabay ng sigaw mo ay isang malakas at malutong na sampal ang bumagsak sa mukha ko. Napakasakit, hindi ko akalaing magagawa mo ito. Unti-unti kong naramdaman ang pagpatak ng mainit na luha mula sa aking mata. Tumingin ako sa mga mata mo, hindi ko matukoy ang emosyon sa loob nito.
"Anong tama na? Sabihin mo naman sa akin Ray! Ipaliwanag mo naman!" bumilis ang tibok ng napakasakit kong puso.
"Anong ipapaliwanag ko?"
"Bakit tayo ganito?"
"Hindi ko alam, itanong mo sa sarili mo!" sigaw mo. Nag-umpisang mag-crack ang boses mo. Nakita ko ang pagpatak ng luha mula sa iyong mata.
"Alam kong malaki ang kasalanan ko sa iyo, kaya nga bumabawi ako."
"Hindi enough ang pagbawing ginagawa mo!"
"Ano pa bang gusto mo? Ginagawa ko naman lahat ng makakaya ko!"
"Hindi ko alam! Kasi kahit anong gawin mo, paulit-ulit kong naaalala ang mga nangyari sa atin noon. Ang pag-iwas mo sa akin ng walang dahilan, ang pag-deny mo sa pagkakaibigan natin na naging sanhi ng pag-apak ng GF mo sa pagkatao ko, at ang muli mong pagpatay mo sa akin sa Tokyo! Sobrang sakit Rome! Sobrang sakit! At hanggang ngayon ang sakit-sakit pa rin!" sabay hawak mo sa dibdib mo at paulit-ulit itong pinupukpok.
"Kaya nga tinatama ko ang mga pagkakamali ko." Basang-basa na ng luha ang mukha ko. Patuloy pa rin ang paghampas mo sa dibdib mo, pinigilan ko ito ngunit magkasunod na bumagsak ang palad mo sa magkabilang pisngi ko, napakasakit. Naramdaman ko ang lasang dugo na tumulo sa aking labi, pumutok ang itaas na labi ko sa lakas ng sampal mo.
"Tama na! Tama na!" sigaw mo habang nakatakip ang dalawang kamay sa magkabilang tenga. Unti-unti kang humagulgol.
"Ray..." Akmang lalapitan kita para akapin ka ay malakas mo akong tinulak.
"Tama na Rome! Hindi ko na kayang marinig pa ang mga sasabihin mo kaya tumigil ka na!"
"Ray naman please..." sumikip ang dibdib ko, inaatake na naman ata ako ng asthma. Pero wala akong pakielam.
"Utang na loob tama na! Maawa ka naman sa akin! Ano pa ba gusto mo Rome?" sigaw mong halos wala ng boses dahil sa pinapakawalan mong hagulgol.
"Sabihin mo sa akin na mahal mo ako! Na mahal mo pa rin ako! Na this time pwede na tayo! Kasi ngayon Ray handa na kitang ipaglaban!" sigaw ko. Ramdam ko ang pagbigat ng panga at leeg ko, halos hindi na ako makapagsalita.
There was silence. Nakatingin pa rin ang mga mata natin sa isa't-isa. Parang hinahalukay natin ang kaluluwa ng bawat isa. Wala akong makita sa iyo kundi puro galit at sakit.
"Hindi ko na kaya..." Bulong mo sabay iling. "It's too late Rome." sabay talikod at takbo palayo sa akin. Hinabol kita.
"Ray..." Yinakap kita ng mahigpit. "Ray wag naman ganito please." Nag-umpisa na akong magpakawala ng hagulgol.
"Let me go Rome." Mahina at plain mong sabi habang pilit kumakawala sa yakap ko. Bawat salita na lumalabas sa labi mo ay parang double-edged sword na tumatagos sa kaluluwa ko.
"Ayoko Ray... Ayoko!" Pautal-utal kong sigaw habang patuloy akong humahagulgol.
"Please let me go... Huwag mo na akong pahirapan pa..." lumalim ang iyong paghinga.
"Ayoko Ray! Ayokong mawala ka ulit sa akin..." lalo kong hinigpitan ang pagyakap ko sa iyo. I don't want to lose you.
"I'm sorry Rome... Pero matagal na akong nawala sa iyo."
Gumuho ang mundo ko sa narinig. Nagdilim ang paningin ko. Nanghina ang katawan ko. Unti-unti kang nakakalas sa akin at naglakad palayo. Durog na durog kong pinagmasdan ang paglayo mo. Hindi ko kinaya ang sakit, napaluhod ako.
Linabas ko ang lahat ng sama ng loob na nararamdaman ko. Kahit anong iyak ang gawin ko'y tila walang katapusan at tuloy-tuloy ang sakit, buong katawan ko ay parang napakasakit. Tanging malamig na hangin at mahina kong pag-iyak ang aking naririnig. Narinig ko ang mahinahong lawa, para itong nakikiisa sa sa aking pag-iyak.
Unti-unti kang nawala sa aking paningin, kasabay ng pagkain sa iyo ng kadiliman ay gumuho ang fairytale ending na sana'y nangyari sa lugar na ito. Heto ako, isang lalaki na iniiyakan ang isa ring lalaki na mahal na mahal ko. Ngayon alam ko na ang naramdaman mo noon – para akong namatay.

***

RAY:
"Napaaga po uwi niyo." bakas sa boses ko ang pagtataka..
"Tama lang. Kayo ang napaaga, dapat next week pa kayo ah." sabi ni Chichi. Alam kong napansin niya ang namumugto kong mga mata.
"Babalik kaming Kyoto after after he finished his presentation. May mga aasikasuhin po kasi ako eh." Pagsisinungaling ko.
"About?"
"My family." Another lie.
"Okay. Speaking of family, I want you to open that." Tukoy niya sa envelop sa harap namin. Binuksan ko ito. Nakita ko ang result ng proficiency exams ko, I passed. Isa ito sa mga requirement for Change of Status of Residence dito Japan.
"Congratulations!" masayang bati sa akin ni Mr. Kyou. Gustuhin kong magtatatalon sa saya ay hindi ko magawa, wala akong maramdamang kahit na anong emosyon ngayon. "Hindi ka ba masaya anak?"
"Masaya. Nag-aalala lang ako sa magiging reaction ng mga tao sa bahay." Pagsisinungaling ko ulit.
"Hmmm... I know how you feel right now son. You are one of the very few people that has been granted citizenship even though you've only been here for a mere 5 years. You know Ray that not just in Japan but also in other countries it will take you 10 to 20 years give or take to be approved for Citizenship. But you... You're one of a kind that is why I believe in you. And that is why I agreed to be your sponsor and for you to use my Family name as your Japanese Identity. So if there is no problem can I celebrate with my son."
Tama ang lahat ng sinabi sa akin ni Chichi kaya hindi ko dapat sayangin ang chance na ito. Di na ako umiik pa, agad akong lumapit sa kanya at niyakap ng mahigpit saby sabi "Hai, Chichi arigatou guzaimasu!"
"Welcome my son, Rei Kyou."

***

ROME:
Dalawang araw na ang nakaraan simula nang huli kitang makita. Kamusta ka na? Damn, why do I even think about you? Eh hindi ko nga alam kung dapat pa ba kitang isipin eh. Totoo lang mahal kita Ray, mahal na mahal. But I want to move on with my life at bumalik ako sa totoong purpose ko dito sa Japan, para sa negosyo ng pamilya ko.
"Kamusta daw si Boss?" tanong ni Lyn kay Jess at Kim. Kahit abala ako pag-aayos ng presentation ko'y malinaw kong naririnig ang pag-uusap nila gawa ng bahagyang naka-awang ang pinto ng opisina ko.
"Not good. Kilala ko yang si Pareng Rome. Ano ba kasing nangyari sa Kyoto? May nakwento na ba sa iyo si Ray?"
"Wala pa. Pero pansin niyo yung sugat sa labi niya?" si Lyn.
"Oo naman." Sagot ni Jess.
"Naku naman. Eh sa iyo teh nagparamdam na ba si Bakla? China-chat ko pero hindi nagpaparamdam." tanong niya siguro kay Kim.
"Chinat ko rin pero walang reply." Boses ni Kim.
Ilang segundo ang lumipas at narinig kong bumukas ang entrance ng pinto ng opisina namin. Tinaas ko ang ulo ko, nakita ko sa salamin na linuwa ka ng pinto. Kapansin-pansin ang maaliwalas mong mukha at ang makintab at itim na itim at naka-ayos mong buhok. Nagtama ang ating mga mata, binaba ko ang tingin pabalik sa inaasikaso ko kanina.
"Wow! Bagong hairstyle, at glowing ang face. Kaya pala hindi ka indyanero ka na ngayon." Bakas sa boses ni Lyn ang pagkairita.
Hinihintay kong marinig ang boses mo, pero katahimikan ang binigay mo. Nagbitiw ako ng malalim na hinga, ang bigat ng dibdib ko. Ayoko na muna kitang isipin, pero paano ko ito gagawin kung kailangan kitang makasama araw-araw?
"Kore wa Ray San wa Kyōryoku kabushiki gaisha no Bucho desu. Mata Rome no Sensei desu." Pakilala ni Lyn sa iyo sa mga bagong empleyado namin. Pasimple akong tumingin sa iyo, nakita kong kumaway ka at nagbitiw ng isang pilit na ngiti. Napakaseryoso ng mukha mo. Yumuko ako at binalik ang atensyon sa presentation ko. Putcha wala akong mailagay!
Narinig kong muling bumukas ang pinto ng opisina.
"Ay! May bisita tayo at ang gwapo!" sigaw ni Lyn. Muli kong tinaas ang ulo ko, nakita kong linuwa ng pinto ang lalaking ka-date mo noon sa double date natin, si Bae.
"Guys this is Bae." Pakilala mo kila Lyn, Jess, at Kim.
"Bae talaga tawag mo ah. Sweet. Jowa mo? Paano na si Boss?" walang prenong tanong ni Lyn. "Joke lang." Sabay tawa.
"Malisyosa." Sabi mo sabay iling at cross-arm.
Biglang sumikip ang dibdib ko sa narinig. Hindi ko alam kung ano ba talaga kayo ng lalaking iyan, pero ang sakit sa akin na makitang na-lilink ka sa iba. Tangina. Tumayo ako sa inuupuan kong itim na office chair at agad na lumabas ng kwarto ko. Tumingin ang lahat sa akin. Nagtama ang mata namin ng lalaking kasama mo.
"Hi good morning, do you have any business here? How can we help you?" bakas sa boses ko ang pagkairita.
"Hinatid ko lang si Ray." Sabi niya. Tumingin siya sa iyo, tumingin ka sa kanya. Tumango ka. "Sige man, I have to go." Sabi ng kupal na yun.
Tango lang ang sagot ko. Alam kong nakasimangot ang mukha ko pero wala akong pakielam. Tumalikod si Bae, hindi ko pa rin inaalis ang matulis na tingin sa kanya hanggang sa lumabas siya ng opisina.
Tumingin ako sa iyo. Wala akong makitang kahit na anong emosyon sa mga mata mo. Ewan ko kung nainis ka sa ginawa ko, pero kahit ikaw ang anak-anakan ni Mr. Kyou ay wala akong pakielam. Opisina ko ito! Napaka-sensitive mo para ipangalandakan o ibalandra ang lalaking iyon dito gayung alam mong mahal na mahal kita. Para kang nananadya eh.
Tumalikod ako at dumiretso sa comfort room. Malakas kong binagsak ang pinto. Hinilig ko ang likod ko sa pinto. Nagbitiw ako ng malalim na hinga, umecho ito sa buong banyo. Nagpunta ako sa lababo at naghilamos, rinig ko ang malutong na bagsak ng tubig. Tumingala ako, nakita ko ang sarili ko sa salamin.
Hindi ko maiwasang ikumpara ang sarili ko kay Bae. Fil-Am siya, ako ay isang Pinoy na may kaunting Japanese and Spanish Blood, as in kaunti na para bang pinatakan lang ako. Sa pagkakaalam ko ay type ni Ray ang mapuputi kagaya ni Bae, samantalang ako ay moreno.. Putangina! Na-iinsecure ba ako?
"You look so wasted. Shit." Bulong ko sa lalaki sa salamin.

***

RAY:
Narinig kong bumagsak ang pinto ng banyo. Galit ba siya? Binastos na nga niya ang bisita ko, siya pa ang galit!
"Taob si Boss. Gwapo ni Bae parang hollywood actor!" mahinang sabi ni Lyn kila Kim at Jess na parang kinikilig-kilig pa. Tiningnan ko siya. Tinapik siya ni Kim habang sinenyasan siya ni Jess, tumingin sa akin si Lyn. Napatakip siya ng bibig.
"Anong taob sinasabi mo?" sabay pamewang. Lumingon si Lyn, tumaob ang kulay pink na pencil case sa desk niya.
"Ah... Taob... eto tumaob parang si Rome. Ay parang ikaw... Ay!" sabay takip ng bibig. Mahinang tumawa si Jess at Kim. Tiningnan ko sila ng masama sabay taas ng kilay.
Wala pang dalawang segundo ay bumukas ang pinto ng opisina. Lumingon kaming lahat. Nakakita ako ng demonyo, nakaitim siyang blouse at naka-maong pants. Aba! Himala! Nag-dress down ata ang impakta!
Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. Kapal! Nagtama ang aming mata. Tumaas ang kilay niya, mas tinaasan ko ang kilay ko.
"Yes how can I help you? Gel!" pagdiin ni Lyn sa pangalan nito. Tiningnan niya si Lyn mula ulo hanggang paa. Ang plastic ni bruha, alam kong sukang-suka na siya dahil alam ko namang imbyerna siya sa demonyong nasa harap namin.
"Where's Rome?" mataray nitong tanong.
"This is our room. Then there's our comfort room." Turo niya. "Bakit? Mag-CR ka? Ay sure sige, pero ingat teh, baka kainin ka ng kubeta namin. Hindi lang tanga kinakain niyan kundi pati impakta rin." Sabay ikot ng mata ni Lyn.
"What did you say? Bastos ka ah!" pigil na sigaw nito. Pansin ng ibang empleyado ang mahinang pagsigaw ni Gel. "Hindi ba trabaho mong mag-welcome ng guest dito? Hindi ba dapat pinapakilala mo ako?" sabay pamewang. "Ako na boyfriend ng amo mo?" sabay tingin sa akin at ngisi.
"Ay! Sorry po Ma'am Gel." Pagdiin niya sa salitang Ma'am.
"It's Miss." Pagdiin niya habang nanlilisik mga mata.
"Okay. Miss Gel." Si Lyn sabay ngiwi. "Everyone! Ipapakilala ko kayo." Sabay clap ng kamay. "Mina san korewa Geru san ano ne Geru san no Manko de itsumo kayui date... Mina no Dansei o kyotsukete kudasai" nakangiting pagpapakilala ni Lyn kay Gel.
Nagulat ang lahat. Nanlaki ang mata ng mga lalaking hapon sa narinig. Ang ilan ay nagtawanan, kilala kasi nila si Lyn na mapagbiro, pero alam kong yun talaga ang umiikot sa utak ng kaibigan ko.
"Bakit ganyan itsura nila? Paki-translate nga sa tagalog ang sinabi mo. Gusto ko marinig." Ikot matang sabi ni Gel. Tumingin si Lyn kay Gel. Tumaas ang kilay ng demonyo. Ngumiti si Lyn.
"Ito po si Gel. May allergy po si Gel. Tuwing nakakakita ng lalaki si Gel, nangangati si Gel." Si Lyn sabay kagat labi at kamot sa harapan niya. "Kaya boys, mag-ingat po kay Gel. Kasi mahilig magpakantot este magpakamot si Gel. Huwag tularan si Gel." Sabay ikot mata ni bruhitang Lyn.
Nanlaki mata ko sa narinig. Kitang-kita ko rin ang gulat sa mukha ng mga pinoy na empleyado doon.
"Hayup ka!" sabay sampal ni Gel kay Lyn. Gumanti si Lyn, pinukpok niya sa mukha si Gel at pagkatapos ay hinablot ang buhok nito at agad na sinubsob ang mukha nito sa pinto sa likod niya. Paulit-ulit na inumpog-umpog ni Lyn ang walang kalaban-laban na si Gel, kulang na lang ay bumakat ang mukha nito sa pinto. Nagsisisigaw si Gel, humingi ng saklolo. Agad lumapit si Jess at Kim para hatakin palayo si Lyn. Akmang susugod pa sana si Gel nang harangin ito ni Rome.
"Tao akong nagpunta rito tapos babastusin mo ako!" sigaw ni Gel.
"Taong kung umasta ay reyna, reyna ng mga puta! Hoy babae tigilan mo ako ng kaplastikan mong yan at alam ko habol mo! Palibhasa kulang ka lang sa kantot kaya ka nag hahabol ngayon kay Rome!" walang prenong sigaw ni Lyn.
"Bastos ka! Halika rito dudukutin ko mata mo!" namumulang sigaw ni Gel habang pilit siyang hinatak palabas ni Rome.
"Halika! Dali! Game! Ako mismo magtatahi sa puke mo para tumigil na sa pangangati at hindi na magamit. Dali!" sigaw ni Lyn.
Kasabay ng pagsara ng pinto ay unti-unting humupa ang tensyon. Pinaupo namin si Lyn at binigyan ng tubig.
"Anong ginawa mo teh?" si Kim na nakapamewang.
"Aba bakit? Kasalanan ko ba?"
"Bisita pa rin yun teh."
"Wala akong pakielam. Ilang taon ko ng gustong gawin iyon sa kanya, kulang pa nga eh. Naalala niyo yung ginawa niya kay Ray noon? Wala pa iyon teh!" diretsong sabi ni Lyn.
Muling nagbalik sa ala-ala ko ang pamamahiya at pambubugbog na ginawa ni Gel at ng mga kaibigan niya sa akin. Oo manhid na ako simula noong isang gabi, pero bigla akong nakaramdam ng bigat at kirot sa puso ko.
Bumukas ang pinto. Nakita namin si Rome, bakas sa mukha niya ang galit.
"Go to my office. Now!" Sabi niya kay Lyn habang dire-diretsong pumasok sa opisina niya. Nagkatinginan si Kim ay Jess, bakas sa mata nila ang pag-aalala. Sumunod si Lyn. Inakbayan ko siya at pumasok sa opisina ni Rome. Sinarado ko ang pinto.
"Anong ginawa mo?" si Rome habang nakatukod ang kamay sa desk niya, nakatalikod siya sa direksyon namin.
"Sir sinampal niya ako."
"Pero binastos mo siya."
"Oo trabaho ko ang humarap sa mga business related guest. Pero hindi ko trabahong makihalubilo sa mga personal na tao sa buhay mo Sir, lalo na kung ang taong ito ay binabastos na ako." Diretsong sabi ni Lyn. Humarap si Rome, bakas sa mukha niya ang gulat nang makita niya ako.
"What are you doing here?"
"Ako nagpasok kay Lyn. So dapat marinig ko if you will fire her or not. At kung reasonable ba ang dahilan mo kung sakaling sisisantihin mo siya."
"This is between me and my employee."
"This is not between you and your employee. This is between her and that slut!" sigaw ko. Bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung bakit ko nasabi iyon.
Nagulat si Rome sa sinabi ko.
"Lyn, iwan mo muna kami." Dahan-dahang lumabas si Lyn ng kwarto. Narinig ko ang pagsara nito.
"Hindi ko sisisantihin si Lyn. Pagsasabihan ko lang siya."
"Well I think dapat mas pagsabihan mo ang malandi mong girlfriend." Diin ko sa huling salita. Bumilis ang tibok ng puso ko.
"Pinagsabihan ko na rin siya."
"But don't ever blame Lyn or anyone, kasi kung tutuusin wala namang gulo kung hindi bumalik ang babaeng iyan. Alam mo kung ano ginawa niya, you of all people should know that Rome!"
"This is not about the past Ray."
"Yes this is about the past. Kaya siya nandito naghahabol siya."
"Eh ano bang pakielam mo? Ikaw ba pinakielaman ko kanina noong dinala mo ang boyfriend mo dito?" tukoy niya kay Bae. Tumawa ako.
"So nagseselos ka."
"Hindi."
"Admit it. Mas mabait, mas maputi, mas mayaman, at mas gwapo si Bae kaysa sa iyo. All the qualities that I want ay nasa kanya." Nakangiti kong pang-iinis kay Rome.
"Baka ikaw ang nagseselos. Kasi babae si Gel. At kaya niya akong bigyan ng anak!" sigaw niya.
Para akong hinampas ng malaking bagay sa narinig ko. Parang piniga ang puso ko at pagkatapos ay dinurog ito. Nakakapanghina. Bakas sa mukha ni Rome ang gulat sa sinabi niya na parang natauhan ito.
"Thank you ha. Pinamukha mo sa akin ang hindi ko kayang ibigay sa iyo." Napansin kong nag-umpisang manginig ang boses ko. "Oo nga naman, dapat dati ko pa alam iyan. Kaya nga hindi mo ako pinili noon eh. At hanggang ngayon, siya pa rin ang pinipili mo." Nabalot ng luha ang mata ko.
"I'm sorry. Hindi yun ang ibig kong sabihin. Nadala lang ako sa galit ko." Lumapit siya sa akin at hinawakan ako sa magkabilang braso. Malakas ko siyang tinulak. Agad kong tinumbok ang pinto, binuksan ito ng malakas at nagtatatakbong lumabas. Nakita kong nakatingin sa akin ang mga kaibigan ko pero hindi ko na ito pinansin lumabas ako ng opisina.
Napansin ko na lang na nasa may hagdan na ako. Napaluhod ako. Hindi naman kami, wala naman siyang parte sa buhay ko because he's a stranger, pero napakasakit na marinig iyon mula sa kanya. Siguro ay dahil ito ang realidad, isang bagay na kailanman ay hindi ko maibibigay sa kanya. Hindi ko na napigilang humagulgol. Umupo ako in fetal position. Nanginginig ang buong katawan ko. Halos hindi ako makahinga sa pinaghalong iyak, sakit, at sama ng loob.
Ilang saglit pa'y biglang tumunog ang cellphone ko. I'm expecting an email from Chichi kaya masama man ang loob ko'y kinuha ko ito. Nakita ko ang pangalan ng nag-email, hindi ito si Chichi. Ito yung lalaking ilang araw ng nangungulit sa akin.
"Ray. Please... I need your help. Para sa anak ko."
Dahil sa galit ko sa demonyong Ex niya ay rineplyan ko ang lalaki.
"How can I help you? Tell me everything."
Halos kalahating minuto ang lumipas nang makatanggap ako ng reply mula sa lalaki. Parang sumabog ang utak ko sa nabasa. Hindi ko akalaing kayang gawin ng demonyong iyon ang ginawa niya dalawang taon na ang nakaraan. Nanlamig ang kamay ko. Bakit niya ginawa iyon? Oo alam kong salbahe siya, pero hindi ko lubos maisip na kaya niyang gawin ang bagay na iyon. Hindi ko maiwasang hindi isipin na may koneksyon ito sa pagbabalik niya sa buhay ni Rome.





FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails