Chapter
5 – Sex Ed
Lumingot
ako kung saan nagmumula ang tinig na iyon. Ang nagsalita pala ay isang tao na
huli sa listahan ko na makikita ko ng araw na iyon.
“Huh?”
saad ko.
“Wala.
Nakita mo ba si Kuya Alvin?” tanong niya.
“Ah.
Yung Mr. CAH ba? Siya ba ang sadya mo dito Rey? Wala sila dito try mo kaya sa
may backstage dun sa gym baka nandoon siya kasi mas nauna sila umalis eh,”
sagot ko.
“Kasi
nanghihiram siya ng sapatos eh pinapadala niya dito. Nung nagtanong ako sabi
dito naman daw ako sa room na ito pumunta” turan niya at pinakita ang isang
paper bag na sakto lang laki para sa pares ng sapatos.
'Ganoon
ba? Actually sa kabilang room 'yung designated para sa kanila. Pero alam ko nauna
na sila sa amin doon kanina pa. Puntahan mo na lang kaya siya doon. Kilala ka
naman 'ata nung faculty coordinator papapasukin ka na doon,” sabi ko sa kanya.
“Hindi
ka pa ba babalik doon, Ignis? Samahan mo na lang ako para sigurado makakapasok
ako,” sabay ngiti.
Sa
isip ko, “Ano siya bata para samahan ko pa?”, pero sinabi ko na lang, “Mauna ka
na doon, nandoon naman si Evan nanonood. Tsaka hindi din naman ako pwede
pumasok sa loob, ongoing pa ang competition, itetext na lang daw kami kapag
awarding na para bumalik. Pahinga muna ako dito.”
“Nandoon
si Evan? Sabi niya uuwi siya sa probinsya nila ngayon kasi walang pasok. Loko
yun ah. Sigurado ka nandoon siya?” tanong niyang muli.
“Oo
nga. Nag-text kasi siya sa akin,” sagot ko naman.
“Ganun
ba? Sige punta na lang pala ako dun,” nawala ang ngiti niya sa labi at
tumalikod na.
Hinintay
ko lang ma-full charge yung battery ko at nag-meryenda muna. Bumili ako ng
spanish bread kasi alas-nueve naman na at saka Nescafe Ice Blast. Hindi ko na
hinintay ang text para bumalik ako. Pagkaubos ko ng pagkain at inumin bumalik
na ako sa lounge kung saan kami dapat nandodoon. Halos wala pa rin ang mga
ka-teammates ko kaya tumambay na lang ako sa lobby.
“Ui
tol! Hanep marunong ka palang sumayaw. Sira ka di ka man lang nagkwento,” si
Evan pala iyon at nasa likod lang si Rey.
“'Tado!
Hindi ka naman nagtatanong. Thanks nanood kayo,” saad ko.
“It
was worth it. Si Rey nga sabi niya hindi daw siya manonood at pumunta lang dito
para iabot yung black shoes na hinihiram ko pero nandun din pala kaso pagtapos
niyo umalis na,” sabay tawa ni Evan.
“Hehe.
Ay, teka! Rey, nabigay mo na kay Kuya Alvin, ba yun?, yung sapatos?” tanong ko
kay Rey.
“Ah...Eh...Oo.
Pinaabot ko na kay Sir Renier,” sagot niya.
“May
hinihiram din na sapatos si Kuya Alvin, Rey? Baka wala ka ng isuot niyan kasi
nasa akin na iyong isang pares,” si Evan nagbibiro.
“Oo.
Sus, ayos lang yun madami pa naman ako sa bahay. Tara na nga. Mocha Blends
tayo, treat ko,” pag-anyaya ni Rey na may halong inis.
“Pwede
ka pa bang sumama, Ignis? Saglit lang naman tayo dun eh tutal may dala naman
atang sasakyan itong mokong na 'to,” sabi ni Evan.
Nahawa
na 'ata sa akin si Evan sa salitang mokong.
“Hindi
na pwede tol. Baka kasi hanapin na ako maya-maya malapit na din naman ang awarding,
kayo na lang kakameryenda ko lang din naman,” pagtanggi ko.
“Sayang
naman, di ka pa namin nakasama gumala ng konti. Haha. Sige pala next time na
lang Ignis,” si Evan.
“Tingnan
natin,” tugon ko na lang.
Napalis
ang ngiti ni Evan. Si Rey naman ay dumiretso na kung saan naroon ang sasakyan
niya kasunod si Evan. Bigla kong naalala, yung paper bag na hawak ni Rey kanina
na may lamang sapatos eh hawak ni Evan.
“Weird.
Nagkasya doon ang dalawang pares ng sapatos?” sabi ko sa isip ko. Kung anu-ano
na naman ang napapansin ko.
Hindi
nga ako nagkamali. Wala pang sampung minuto ang lumipas ay nakareceive na kami
ng text na pinapabalik na kami sa lobby para sa awarding ceremony. Tapos na din
pala ang pageant. Makalipas ang limang minuto nandoon na ang buong team at
pumasok na kami sa loob ng gym. Pagkatapos ng ilang linggong paghihirap nalaman
din namin ang resulta ng aming ginawa. Mukhang hindi sapat ang pagsusumikap
namin ngayon. Mas magaling ang ipinakita ng ibang colleges kumpara sa amin.
Pati sa pageant hindi rin kami nakakuha ng kahit anong place. Nangilid ang luha
ng marami sa amin sapagkat kita ang hirap na pinagdaanan namin pero, ika nga
hindi lahat ng araw ay ginawa pa sa iyo.
Madali
kong natanggap ang pagkatalo tutal nag-eenjoy naman ako sa ginagawa ko at hindi
naman talaga iyon ang gusto ko. Masaya kasi yung bonding namin ng mga kasama
ko.
Lunes.
Balik sa normal lahat. Parang walang nangyari. Hirap akong humabol sa mga
lesson na na-miss ko ng buong linggo dahil sa practice pati na ang pag-schedule
ng 'special' quizzes ko na 'special' talaga sa hirap. Isang subject lang naman
ang hindi ako nagkaroon ng problema, sa Philo lang.
Pagpasok
ko sa loob ng classroom, binati kaagad ako ni Evan.
“Ignis!
Buti pumasok ka na,” sabi niya.
“Ayaw
ko pa sana eh kaso baka ma-miss na ako ng mga instructors natin” biro ko sa
kanya.
“Haha.
Hindi lang naman instructors nakakamiss sa iyo no,” sabi niya.
“Eh
sino pa pala?” tanong ko.
“Syempre,
ako.” Patlang. “Tsaka kaming mga kaklase mo, mga friends mo, mga chicks mo”
dire-diretsong sabi ni Evan.
“Tumahimik
na nga kayong dalawa diyan, nandito na si Sir Rodriguez,” biglang sabi ni Rey.
“I'm
proud to have a student who is participating in extra-curricular activities.
Mr. Dominguez, dapat ganyan lang ang mga 'exta'-curricular activities mo. Baka
kung anu-anong bedroom este home work ang iba mo pang ginagawa sa ibang bahay,”
kaagang pag-tripan ako ni Sir.
“
'Wag ganun, Sir. Bata pa ako,” sakay ko sa trip niya.
“Bata
ka diyan, pwede ka na nga gumawa ng bata eh. So, kapag tumanda ka ng konti gagawin
mo na?” balik biro niya sa akin.
“Pwede
din,” sagot ko sabay tawa.
“You
know what class, sex is sacred,” panimula niya sa bago naming topic. “It is
designed to express love for people bound in the sacrament of marriage. Pero sa
panahon ngayon di na uso ang rites of marriage o mismong pagpapakasal sa
simbahan dahil sa madaming kadahilanan. Ngayon, kung makikipag-sex ka man,
dapat sa taong mahal mo at mahal ka din. Yung tipong napatunayan niyo na sa
isa't isa na nagmamahalan kayo para hindi siya ituring na kasalanan. The
sacrament of marriage is different from the rites of marriage. When we say
rites, it is the ceremony. Nandoon lahat ng burloloy ng kasal isama mo pa yung
mga iyaking flower girls at ring bearer na imbis dumiretso sa harap ng altar
like they’re supposed to eh tatakbong iiyak papunta sa mommy nila. The
sacrament of marriage is attained through time. Kapag after a number of years
napatunayan ninyo na mahal niyo ang faithful love niyo sa isa’t-isa you are
considered married kahit wala na yung rite,” lecture na niya pala iyon.
“Eh
sir, paano kung dalawang lalaki, o dalawang babae ang nag-sesex? Kahit sa anong
paraan, kasalanan po iyon diba?” tanong ng isa naming kaklase.
“Hindi
ka nakikinig,” sagot ni Sir. “As long as you love that person and that person
loves you, there is no reason that it could be considered as a sin because it
is an act of expression of love. So kapag nagmamahalan kayo walang problema.
Ang masama ay iyong makikipag-sex ka dahil sa gusto mo lang and not because of
love. Sa tingin ninyo sino ang mas makasalanan? Yung parehong lalaki o babae na
nagse-sex pero mahal nila ang isa’t-isa and through time napatunayan na nila na
totoo ang pagmamahalan nila, o yung mga lalaki at babae ipinagkasundo ng
magulang para ikasal and they still do the act even without loving each other.
Sex was never an obligation. Kahit na may rite of marriage kayo hindi ibig
sabihin noon ay may karapatan na kayo to demand sex from your spouse. Kapag may
asawa na kayo huwag na huwag ninyo gagawin iyon. Hindi kasi yan human right sa
asawa mo. Alam nyo ba na hindi pareho ang lalaki at babae sa pananaw na
ganyan?”
“Paano
nagkakaiba, Sir?” si Rey na mukhang interested sa topic.
“Kasi,
Ice, grr maginaw, sa mga babae in general, lust is equated to love. Parang hindi
sila nakikipag-sex kapag hindi nila mahal yung partner nila. Kapag sa lalaki
kasi, iba ang lust sa love. Pwedeng may lust pero walang love. So ang mga
lalaki pwede makipag-sex kahit na hindi nila mahal yung partner nila. Kapag
inatake na ng libido, wala na laglag na ang brief nila,” sagot ni Sir. “Kung
feeling ninyo na sex is only sacred, then nagkakamali kayo.”
“Ngeks,
may iba pa pala?” tanong ko naman.
“OO,
Ignis. Wag kang bubuga ng apoy at baka nag-iinit ka na sa topic natin. Sex is
also a sport. Diba totoo naman?! May direksyon na dapat sundin. Sa kanan, sa
kaliwa, ipaikot-ikot mo. O diba?! Tapos accuracy at speed kailangan din. Dapat
kailangan mintis pa di ka makabuntis pero sasabihan ka na bilisan mo pa,
bilisan mo pa pero dapat mintis. Minsan pa lethal nga yan eh, sasabihin pa,
'sige itigil mo iyang ginagawa mo at papatayin kita' o di kaya sisigaw ng
mamamatay daw siya sa sarap pero ayaw ipatigil. Magulo diba?!” ang masayang
lecture namin sa araw na iyon.
Nang
matapos ang huling klase namin sa araw na iyon, maagang nagpaalam si Lyn at may
date pa daw siya. Papalabas na ako ng kausapin ako ni Rey.
“Oi
Ignis tara kape tayo. Kape ang iinumin mo pero chocolate lang ako hindi naman
ako nagkakape eh” anyaya niya sabay ngiti.
Pa-cute
ang mokong na ito.
“Baka
next time na lang Rey. Madami pa din kasi ako kailangang i-review may mga
na-miss kasi akong quizzes sa ibang subject eh. Pasensya ka na ah,” tanggi ko.
“Sige
na, i-tutor na lang kita habang nasa coffee shop tayo nila Evan,” giit niya.
Parang
biglang umakyat ang dugo sa ulo ko (sa itaas ah). Bumalik na naman ang
kahambugan ng mokong na ito. I-tutor daw ako eh professional subject yung
kailangan ko i-review magkaiba pa kami ng course. Pero bago pa man umusok ang
ilong at tenga ko, “Next time na lang talaga Rey, enjoy na lang kayo nila
Evan.”
“Sige
bahala ka. Parang ayaw mo naman ak-, kaming kasama,” tumalikod na siya at
mabilis na naglakad pahabol sa mga nauna niyang mga kaibigan.
“Anong
drama nun?” tanong ko sa sarili ko.
-------Itutuloy
Author's Note: The philosophy included in this chapter is my own opinion based on lectures and researches I conducted. I do not intend to impose this to anyone. I respect everybody's opinion so please respect mine.
Ano kayang ibig sabihin ng paulit-ulit na panaginip? Ano ba ang kahalagahan nito sa nakaraan ni Ignis (ko) at sa kanyang pag-uugali at pagkatao?