Author's note:
Hello po! Ito na po ang latest chapter ng aking kwento. Sorry po at napaka-tagal ko mag-update. Maraming salamat din sa mga taong na walang sawa sa pagsuporta sa akin. Alam niyo na kung sino sino kayo diba? Thank you sa mga nagbabasa ng aking munting kwento at sa mga readers at kaibigan ko na pinupukpok ako na ipagpatuloy ko lang ang pag-sulat. Ito pong chapter ay handog ko po para sa inyo ngayon na magbubukas na ang bagong taon.
I wish you guys a Happy New Year!Lagi po kayo mag-iingat ha? Thank you po ulit!
-Chris Li
Strange Love 09
---Mikael
"Nasaan na tayo Kuya
Jaime?",tanong ko sakanya.
"Malapit na tayo sa daungan ng mga
barko. Naiinip ka na ba?"
"Medyo." Hindi kasi tayo
naguusap kanina pa, sa isip-isip ko lang.
Simula nung bumyahe kami at iwanan kami
ng lolo nya ay tahimik kaming dalawa. Tila hindi magkakakilala at kanya kanya
lang sa pagmamasid.
Kinailangan kaming iwan ng lolo niya
sapagkat mayroon urgent call ito mula sa kanyang mga kasosyo. Bago ito umalis
ay nagpasalamat ako sa oras na inilaan niya para samahan kami at ganito ang
kaniyang sinagot:
"No worries, Mikael. Gusto ko rin
kasi makilala at makasalamuha ang kaibigan na nagpabago sa apo ko. By the way,
I hope you can call me lolo as well, instead of Mr.President. Enjoy your
vacation!", sabay tapik nito sa aking balikat at nagbilin na ibigay na
lang sa katiwala nila ang susi, maghihintay daw ito bago kami umalis mula sa
daungan.
"Kuya, ang bait ng lolo mo ‘no?
Hindi ko akalain na ganoon siya ka-simple. Sana lahat ng mayayaman ganoon,
hindi matapobre o arogante. Pwede ko ba talaga siyang tawagin na lolo? Buhat
kasi nung nawala si Itay sa amin, wala nang tumayong parang ama para sakin, si
Inay lahat ng gumawa nun...", pambabasag ko sa aming katahimikan.
"Oo naman, Mikael. Yung si Lolo,
ang kakampi ko maliban kay Manang Ising. Tingin ko naman sincere siya nung
sinabi niya sayo na tawagin mo din siyang lolo. Nakikita niya rin siguro kung
gaano ka kabait, kayo ni Tita Jean kaya naman siguro panatag siya sa iyo."
"Nakakatuwa lang kasi isipin Kuya
Jaime, na parte na kami ni Inay ng pamilya niyo kahit papaano. K-kulang na lang
ay makilala din namin ang mga magulang mo...",pag-aalinlangan kong sambit
sa aking mga huling salita. Tinignan ko ang reaksyon niya, blangko ito at hindi
kaagad sumagot.
"My parents... I almost forgot
them. Para kasing kayo na ang nagpuno ng mga pagkukulang nila sa akin. I found
the unconditional love sa inyo ni Tita Jean…"
"Wala ka bang balak na balikan sila
at ayusin lahat ng gusot ninyo? Lalo na ngayon, nag-mature na ang pag-iisip mo.
Besides, magulang mo pa rin naman sila, pwede silang magbago para sayo. Naging
busy lang sila na ibigay sayo lahat kaso nakaligtaan nila ibigay sa iyo yung
atensyon at apeksyon na hinahanap mo. Kuya... Wag mo sana isipin pinapaalis
kita, I just want you to let go of your family burdens."
"Someday...",matipid niyang
sagot. Medyo napahiya ako at ganito lamang ang kanyang naging sagot, kaya naman
hindi na ako muling sumagot at tumingin na lang sa aming dinaraanan.
Magiging masaya kaya itong bakasyon na
ito? Ngayon pa nga lang tahimik na kami eh. Looking forward na lang ako kay
Jun. Siya na lang kukulitin ko, hindi itong tuod na ito. Kainis!
Ilang minuto pa at nakarating na kami sa
unang stop at tinawagan na nito si Ram, ang katiwala ni Mr. President.
Pagkababa namin ng kotse ay agad nitong
ibinaba ang mga gamit namin at isa-isang binuhat. Pinilit ko man siya na
dadalhin ko ang iba ay inaalis naman nito ang mga kamay ko mula sa mga bags
namin.
"Sir Jaime?", sabat ng isang lalaki habang
nagpupumilit akong tulungan siya.
"Kuya Ram! Heto po pala yung susi. Kamusta na po
kayo nila Manang Ising?"
"Mabuti naman kami, pinapa-abot
niya pala sayo na nasasabik na siyang makita kang muli. Si Sir Anthony na nga
lang po yung naga-assure sa magulang mo na nasa mabuti kang kalagayan eh.
Kailan po ba ang balik ninyo?", sagot nito sa apo ng amo niya.
"Kuya Ram... Hindi ko po alam. Sige
po alis na rin ho kami at para makarating kami kaagad sa isla. Salamat po ulit.
Mag-iingat po kayo ha.", at nakipagkamay na si Kuya Jaime sa anak ata ni
Manang Ising.
"Ingat din po kayo doon.", sabi
ni Kuya Ram at tinugon ito ni Kuya Jaime ng pagtango lamang.
Nagsimula na rin kami maglakad ng
mapansin kong wala namang mga barko o bangka sa paligid. Sa di kalayuan ay may
isang tila warehouse at iyon ang tinutumbok ni Kuya Jaime. nagmamadali ito
pumunta doon, siguro ay nabibigatan na sa kanyang mga dalahin. Ang arte kasi at
ayaw pang magpatulong magbuhat.
Pagkarating sa pinto ng warehouse ay
sinusian nya ito at paika-ikang pumasok. Kukulitin ko na sana ulit siyang
bitbitin ko ang ibang bagahe nung pagpasok ko ay napanganga na lang ako sa
nakita ko. Sa mga pelikula ko lang kasi iyon nakikita.
Isang yate ang nasa aking harapan. May
sarili itong daungan kaya naman kahit kelan mo ito puntahan ay handing-handa na
ito patakbuhin. Malaki ito at kasya siguro ang labing-limang katao. Nilibot ko
ang paligid nito at di ko mapigilan ang mapahanga.
"Nagustuhan mo ba
bunso?",sambit ng taong nasa aking likuran. Humarap ako sa kanya ng
nakangiti. Hindi ko alam kung tama ba ang iniisip ko pero masaya ako sa tila surpresa
na ito.Tumango ako sa kanya ng nakangiti pa rin.
"Ang yaman niyo talaga ‘no? Meron
kayong sariling ganito, kaya di niyo na kailangan makipag-siksikan sa mga barko
o bangka."
"Hindi naman sa amin ‘yan eh. Kay
lolo yan, nagpresenta siyang ipagamit ito noong malaman niyang magbabarko lang
tayo. Dati rin kasi, noong high school pa lang ako, tinuturuan niya na rin ako
gumamit nyan kaya siguro kampante na rin siyang ipahiram sa akin."
"Ahhh… Ang bait talaga ni Mr.
President!", sabi ko habang dinadama ang gilid ng sasakyan namin maya-maya.
"Lolo."
"Ha? Ako Lolo?"
"Tangeks! Itinama ko lang yung
tawag mo kay ‘Mr.President’, diba nga Lolo mo na rin siya???"
"Nakakailang kasi Kuya Jaime,
parang hindi bagay sa akin na tatawagin ko ng lolo ang may-ari ng school na
pinapasukan ko…", kamot-ulo kong sagot sa kanya.
"Naku, masanay ka na!", sabay
kindat nito sakin.
Heto na naman ako at muntik na mawalan
ng puso at puputok ata sa ginawa niya. Tumalikod nako sa kanya at hinanap ang
hagdan paakyat sa yate bago pa man ako mawalan ng malay.
"Hindi mo man lang ba ako
tutulungan sa mga gamit natin?!", pasigaw nyang sabi.
"Kaya mo na yan diba?! Hahahahahaha!",
pang-aasar ko sa kanya.
-----Jaime
Nagsimula na kaming baybayin ang dagat,
maaraw noon at maganda ang klima. Sa labas ay naroon ang aking mahal,
pinagmamasdan ang malawak na katubigan at baka daw makakita siya ng mga
dolphin.
Sila na ang pamilya ko…
‘Yan ang pinipilit kong isinisiksik sa
aking isipan ngunit patuloy ding lumulutang ang bagay na pilit kong
kinakalimutan.
Sina Mama at Papa.
Bakit ko pa sila kailangan balikan, kung
hindi man lang nila ako hinahanap o hinanap man lang?! Sa ilang buwan na nawala
ako sa puder nila ay ni minsan di ko nakita ni anino nila.
Isinantabi ko na muna ang galit ko sa
aking pamilya at sinet ang yate sa auto-pilot mode para na rin mapuntahan ko si
Mikael. Oras na para isa-isahin namin ang mga tanong namin para sa isa't isa.
Labdab. Labdab. Labdab.
Paglabas ko ay agad kong pinuntahan ang
harap ng yate ngunit wala na siya roon. Tinignan ko kung nasa galley o sa mga
cabins pero wala. Saan ba ang mokong na yun at mukhang pinaglalaruan ako?!
Kapag nakita ko talaga siya naku!kokotongan ko yun.
Hindi kaya nasa favorite part ng
sasakyan ko siya naroon. Doon ako palagi nagpapalipas ng oras kapag hinihinto
ni lolo ang yate sa gitna dagat.
Tinungo ko ang buntot ng yate at bumaba ako
ng isa pang deck.
Ayun nga siya at nakaupo sa dulo nito at
dinadama ang tubig sa kanyang mga paa. Kumakanta ito ngunit malungkot ang
himig. Himig ng isang nangungulila sa kanyang mahal. Hinintay kong matapos ang
kanyang pagkanta bago ako umupo sa kanyang tabi.
"Gawa mo?", tanong ko sa
kanya.
"Hindi, si Itay may gawa nun.
Nami-miss ko na kasi siya… Mabait yun, si Itay, at ayaw na ayaw nun na nakikita
akong umiiyak noong bata pa ako. Sana narito pa siya para masabi ko sa kanya
ang mga nararamdaman ko ngayon. Kung gaano ako kasaya at gaano din kalungkot
kung minsan.", unti-unting bumagsak ang mga luha nito sa kanyang mga
pisngi.
For a moment there, wala akong nasabi sa
kanya. Kasi naisip ko, ako kumpleto ang mga magulang ko, pero magkalayo kami at
hindi kami maayos at heto siya nararamdaman ko ang pagmamahal niya sa kanyang
ama.
Naiinggit ako at gusto ko tuloy tawagan sila
Papa, nasasabik na din pala ako makita sila. Kakaiba talaga si Mikael,
nailalabas niya sa akin yung mga bagay na kinukubli ko, kahit pa man hindi niya
ito sadya.
"Sige Mikael, pagbalik na pagbalik
natin. Uuwi ako sa amin at kakausapin ko ang mga magulang ko. I shouldn't
prolong this grudge of mind. You made me realize that, just now, na nagsasayang
ako ng panahon at baka magsisi lang ako ‘pag wala na rin sila." Inakbayan
ko siya at bahagyang pinisil ang kanyang balikat.
"Talaga kuya? Gagawin mo yun?"
"Opo, pangako ‘yan. Makikipag ayos
na ako sa kanila. At ikaw, ‘wag ka na malungkot, narito pa naman kami nila Tita
Jean eh, pati si Lolo at ang mga kaibigan natin. Hindi man namin mapapalitan o
mapapantayan ang Itay mo ay narito kami para sayo at ayaw din namin nakikita
kang umiiyak… Sino ba nang-away sayo at ipapalapa natin sa pating?!"
Natawa ito at akmang babatukan ako nito
nang marealize niyang hindi pala pwede. Kasi pwede kaming mahulog sa tubig.
Ngumisi ako sa kanya at dumila. Ito yung mga moments na we don’t need words to
express ourselves, pero alam ko na masaya siya. Silent moments but full of
meaning. Hay naku, I wish I could tell him my true feelings for him.
"Tara Mikael, kain na tayo.
Nagugutom na ko eh, ang BIGAT kasi ng mga bitbit ko kanina!",sabi ko
habang kunyari eh minamasahe ko ang aking mga balikat.
"Kasalanan mo ‘yan. Tinutulungan ka
na kanina ayaw mo pa. Ang arte mo! Hahahahaha!",at tumakbo na ito paakyat
mula sa stern at pumasok na sa loob. Tignan mo nga naman eh inunahan pa ako?
Hapon na rin noon nung makarating na
kami sa aming destinasyon. Kinakabahan ako kasi hindi ko alam kung magugustuhan
niya sa lugar na ito. Hindi ko na rin siya pinigilan bitbitin ang ibang mga
bags kasi sa totoo lang eh MABIGAT talaga sila. Nagpapaka-gentleman lang ako
kanina at ayoko siya mapagod.
Nauna siyang bumaba at lumakad sa kahoy
na pathway. Ilang hakbang pa namin ay tumigil ito at tila namatanda.
"Oh, bakit ka tumigil??",
takang tanong ko sa kanya.
"Kuya... Dyan tayo mag-stay?"
"Ayaw mo??"
Humarap ito sa akin at nanlalaki ang
mata nito.
"Kuya!Ang ganda! Huwag mong sabihin
sa lolo mo rin ito?"
"Huwag na puro tanong at pumasok na
tayo at gusto ko munang humilata." Kinabig ko na nga siya at bahagyang
tinutulak para maglakad.
The place is actually amazing. Ang mga
daanan ay gawa sa cobblestones at may mga lampshades na nakaayos sa mga damuhan
sa gilid nito. Ang reception area naman nila ay gawa sa kahoy pati na rin ang
mga upuan.
Pagkakuha ko ng susi sa attendant ay
tumuloy kaagad kami sa room na aming pina reserve.
Simula na...
"Mikael may hihingin sana akong
pabor... P-pwede mo bang ipikit ang mga mata mo bago tayo pumasok sa
kwarto."
"Anong kalokohan na naman yan ha, Kuya?"
"Please... Trust me."
Pinikit na nga nito ang kanyang mga mata
kaya naman nauna na akong pumasok sa kwarto namin. Inalalayan ko siya hanggang
makarating kami sa perfect spot. Tinanggal ko ang aming mga gamit at itinabi ito
sa gilid at humarap sa kanya. He really amazes me... But now is not the right
to be mesmerized.
"Pwede ka nang
dumilat.",bulong ko sa kanya.
Dumilat si Mikael ...ngunit hindi ang
inaasahan kong reaksyon ang nakita ko sa kanya. Ilang sandali din niya tinignan
ang tanawin sa labas ng aming kwarto. Sinadya ko kasing piliin ang kwartong ito
na kita ang karagatan pati ang buong kagandahan ng resort. Kaharap ito ng
higaan kaya naman kahit sa pag-gising mo ay mare-relax ka sa ganda ng tanawin.
"Hindi mo ba nagustuhan? Bakit ka
umiiyak bunso?May mali ba dito?Gusto mo lumipat ng kwarto?",hindi ko na
napigilan ang sarili ko at niyakap ko na siya. Hindi ko maintindihan kung bakit
siya lumuha ng ganoon sa nakita niya. Akala ko magugustuhan niya.
"Please tell me, anong problema?
Ayaw mo ba dito? Mikael naman eh. Please talk to me, nag-aalala na ako!",pagyugyog
ko sa kanyang mga balikat.
Mangilang beses din siyang tumingin sa
tanawin na papalubog na araw at may gustong siyang sabihin ngunit hindi
masambit. Nahihirapan akong makita siyang ganoon. He seems to be in so much
pain pero hindi ko alam kung ano iyon. The more na inaalo ko siya ay lalong
namumuo ang mga luha niya.
"May masakit ba sa iyo? Sabihin mo
naman please, Mikael. Tell me what's happening to you.", tinignan niya ako
sa mata. My God! Nakita ko na naman yung mga tingin niyang iyon. Sobrang
lungkot at sakit ang pinapahiwatig ng mga ito. He hugged me so tight after that
at ganoon din ang ginawa ko. I don't understand kung ano bang nangyari at
naging ganito siya.
Pinaupo ko siya sa kama at kinuhaan ng
tubig.
"Okay ka na ba?", humihikbi pa
rin ito at nangingilid ang mga luha. Bahagya itong tumango bilang tugon.
"Sorry Jaime, hindi ko
napigilan..."
"May dinaramdam ka ba? May mali ba
sa ginawa ko?"
"Wala, hindi mo rin naman maiintindihan
eh. Okay na ako. Huwag ka na mag-alala." Namumula pa ang mga mata nito at
ilong, that's my first time to see him cry so hard.
"Oh siya sige, hindi na kita
pipilitin kung ano man yang dahilan mo, basta kung kaya mo na sabihin handa ako
makinig sayo.",pag-aassure ko sa kanya.
"T-teka, nasaan na pala sila Jun at
ang Mama niya?"
"Ah eh, kwan kasi Mikael... Hindi
ngayon ang dating nila...",kamot ulo kong sagot sa kanya. nangunot ang noo
nito at muling nagtanong.
"Bakit?"
"Gusto ko kasi sana gawing special
itong bakasyon na ito para sating dalawa, kaya kinuntsaba ko si Jun na mauna
tayong magpunta rito at susunod din sila. Kahit si Tita Jean, alam niya itong
planong ito kaya naman hindi na siya masyadong matanong nung nagpaalam
"kuno" tayo. Sana huwag kang magalit... Gusto ko lang naman kita
surpresahin."
"Kaya pala kayo nagngingitian ni
Jun noon, dahil dito.", medyo naging maaliwalas na ang mukha niya. Tumayo
ito at pumunta sa balkonahe. Sinundan ko siya dahil na rin hindi ako mapakali
sa naging reaksyon nya kanina.
Bago pa man ako makalapit ng tuluyan sa
kanya ay nagsalita ito. Nagtanong. Hindi ko alam ang isasagot ko sa kanya. My
mouth went dry at tumibok ang puso ko ng mabilis.
Ibang-iba talaga kapag isinasakatuparan
mo na ang isang plano. May mga bagay na hindi mo inaasahan na mangyayari tulad
nito.
Huminga ako ng malalim habang paulit-ulit na
umaalingawngaw ang kanyang tanong sa aking isip, hindi ko sigurado kung ano ba
ang isasagot ko...bahala na…
"Bakit mo ba ito ginagawa Jaime...?"
Itutuloy....