Followers

Friday, December 31, 2010

Poll-Silip Para Sa SUAACK 23

Happy New Year Po Sa Lahat!!!

Goodbye 2010, Welcome 2011!!

Nasimulan ko na po ang part 23 ngunit hindi pa ako nakakalahati kaya naisipan kong i-post na langmuna itong poll-silip para sa part 23.

Sa SUAACK 23 ay tuluyan nang isiwalat ni Kuya Erwin kay Zach ang hangarin nitong hiwalayan na siya at sa mismong kuwarto uli ni Erwin. Heto ngayon ang mga tanong:

Tanong 1: Ano ang magiging reaksyon ni Zach dito?
a. Bayolente, magsisigaw, magwala, hindi matanggap ang lahat at sisirain ang pagkatao ni Erwin
b. Mahinahon, kalmante, ngunit may malalim na balak upang makaganti at bumalik si WErwin sa piling niya
c. Iiyak, magpakumbaba at tatanggapin ang lahat.
d. None of the above

Tanong 2: Syempre, masaksihan pa rin ni Enzo ang drama ng hiwalayan nila. Ano ang magiging reaksyon ni enzo?
a. Maglupasay sa tuwa
b. Dedma, walang paki, walang maramdaman
c. Malungkot, iiyak, at maawa kay Zach
d. None of the above

Maaaring magkomento lamang po sa mga sagot kung saan kayo nag-iinit, este, kung saan sa palagay ninyo ang magiging reaksyon ng mga mga nabanggit na karakter.

At ihahabol ko na rin itong isang poll na walang kinalaman sa SUAACK 23 ngunit nagbibigay ng karagdagang salimuot sa aking buhay.

Heto po ang background: Kung natandaan ninyo sa torrid part ng SUAACK 22 sa msob extrension blogspot, may pinost akong numero sa isang batang 16 yo na naghahanap ng temporary bf hanggang pasko (at new year na ngayon) at kapag hindi, ay may gagawin daw siyang isang malaking bagay sa kanyang buhay na magpabago sa takbo nito - hayyy naku ano ba iyan!). Ang problema ay hindi niya napili ang magiging temporary bf na ito sa kabila nang mga nagtitext sa kanya!

Ang siste, AKO na ngayon ang kanyang hinikayat na magiging temporary bf niya!!! OO! tama po ang inyong nabasa, AKO! :-)

Grabe, biglang humaba at tumubo uli ang mga buhok sa napanot ko nang ulo sa narinig in indecent proposal!!!

Pero 19 yo na ang panganay kong anak na siga pa naman at mukhang basagyulero. At kapag nalaman nitong may magtetemporary bf sa akin na 16 yo lang ay baka bugbugin ng aking binatang anak ito! Lol!

Anyway, napakalaki talaga ng mga problema naming dalawa nitong batang ito lol!

Kaya heto ang tanong ko, pampadagdag sa kilig ninyo (Oist kayong mga may edad na jan, huwag mawalan ng pag-asa, nakita niyo naman, may pumatol pa sa akin. Talo ko si madam auring! May bagsik pa ang asim ko!! Lol!)

Kaya tanong ko, ang isasagot ko ba ay:

1) OO (na malaki)

2) oo (na maliit)

3) Oo (isang maliit at isang malaki)

4) All of the above na!!!

Lol!

Biro po lamang ang huling poll ngunit totoo po ang sinasabi kong sa akin ibinaling ang temporary bf proposal na iyan. At sinabi ko rin sa kanya na magpa poll na lang ako dahil mahirap sagutin ang proposal niya! Hehehe. Pumayag naman yung bata.

Hayyyy naku, ang kabataan talaga. Maliit na problema pinapalaki na parang pasan na ang buong mundo. Para bagang naghahanap lang ng isang bagong model ng cp na hindi pa lumalabas sa outlet. Eh, habang hindi pa nalabas iyon, naghahanap muna ng lumang model as temporary cp.

Di ko tuloy alam kung maiinis o matutuwa.

Maiinis dahil ginawa ba akong lumang model na temporary cp, hmpt!

Matuwa dahil, wow!!!! pede pa pala ako sa isang 16 years old - lol!

Anyway, tatlo na ngayon ang anak ko. Isang lalaking 19 yo na siga, isang 16 yo na nag-aaply ngayon, at isang dalaginding na 12 yo na mataray.

O sya, happy new year na lang s lahat!!! At tandaan lagi, ang pag-ibig ay minsan pede rin palang ikumpara sa cp. Habang naghihintay ng bagong model, pedeng gamitin muna ang luma... lol!

TC!!!

Thursday, December 30, 2010

Sana Ay Ikaw Na...

By: Mikejuha
email: getmybox@hotmail.com
fb: getmybox@yahoo.com

Author's Note:

Straight po ang kuwento na ito, at nagawa ko ito may 2 taon na ang nakalipas. Actually, nalimutan ko na ang kwentong ito na naipost ko sa isang straight na site...

Anyway, heto pinost ko pa rin. Sana ay mag-enjoy pa rin kayo kahit papaano.

-Mikejuha-

----------------------------------

Sana Ikaw Na… [1]

Lumaki ako sa mahirap na pamilya. Ang tatay ko ay isang magsasaka at ang nanay ko naman ay isang housewife. Panganay ako sa pamilyang may 2 lalaki at 2 babae. Dahil sa kahirapan, hindi na magawang makatapus pa ng college ang mga nakakatandang kapatid. Nung magkaroon na rin sila ng mga sariling pamilya, nasaksihan ko ang kahirapan din nila. Kaya nung makapag-college at makakuha ng academic scholarship, ipinangako ko sa sarili na tapusin ang pag-aaral. At ito nga ang ginawa ko – aral, aral, at aral pa. Ganyan ako kadeterminadong makatapus.

Mahiyain, may inferiority complex. Yan naman ang personalidad ko. Ang tingin ko sa sarili ay isang hamak, mahirap, at mababa lang ang kalagayan. Walang bisyo, ni hindi tumitikim ng sigarilyo o alak. Hindi din ako sumasali kahit sa mga fraternity at halos walang barkada. Kung may grupo man akong sinasalihan, iyon ay mga clubs na accredited ng schools lang at kung may mga kaibigan man, yun din yung mga tipong walang bisyo, kagaya kong mahirap lang din, ang mga utak ay nakatutuk sa pag-aaral. Ang regular hangout ko lang ay library, classroom, o ang botanical garden, paborito kong pahanginan.

Pero may positive din naman akong ugali. Likas na matulungin. Gentleman kumbaga. Halimbawa, kahit maliliit na bagay kagaya ng paglinis ng blackboard, hindi ko na hintayin pang linisin mismo ni maam o sir ito, kusa kong linisin na ang board bago pa ito magamit. Kapag may mga activities naman ang school na kailangan ng volunteers, nanjan kaagad ako.

Siguro masasabi ng iba na napakaboring ng buhay ko. Pero feeling ko, happy na ako sa ganung sitwasyon.

Sa pag-aaral naman, kahit mejo disadvantaged ako kumpara sa mga ka-klaseng may mga kaya na may mga sariling high-tech gadgets kagaya ng laptops o computer ngunit lumalaban naman. Kahit nga calculator ay hinihiram ko pa. Minsan kung hindi siniswerte at walang mahiraman, ay talagang manual calculations na lang. Pero, lalo lang akong nacha-challenge sa kalagayan ko. Ansarap kasi ng pakiramdam kapag inaannounce na ang mga pangalan ng topnotchers at isa ako dun kung di man topmost, at magsilingunan ang mga ka-klase sa direksyon ko, ang ibay pumapalakpak.

Kaya hindi nabigo ang pagsisikap ko. Palaging nasa honor’s list ang pangalan, pinagkakatiwalaan ng mga pofessors at mga madre na syang may-ari ng school.

Yan ang buhay ko from first year hanggang sa magti-third year college ako. Walang social life, walang love life, kahit alam kong may mga humahanga din naman. Di naman sa pagmamayabang, may hitsura din naman ako – tall, dark, and handsome, ika nga. Matangos ang ilong, may porma ang katawan dahil sabak sa mabibigat na trabaho sa bukid simula nung maliit pa lang, at kahit di ako palangiti, kissable naman daw ang mga lips.

Oo, ang sapatos ko ay pabalik-balik kong sinusuot araw-araw at ang mga damit ay halos puro hand-me-downs galing sa mga kuya. Pero hayup naman sa porma. Ika nga, “wala sa sinusuot yan; nasa nagdadala” hehe.

May isang beses ngang napadaan ako sa isang classroom na may mga nakatambay, mga babaeng estuyanteng nag-antay ng guro nila. Nagtaka na lang ako nung bigla silang ng magtilian. Dahil sa curious ako kung ano ang nangyari, binalikan ko ang kwarto at sinilip. Aba, bigla ba namang nagsitahimikan ang lahat. At nung umalis na ulet ako, lalong naghiyawan na akala mo ay nagpangabaliw sa kilig.

“Pare nagwawala ang mga chikas sa iyo!” sambit ng isa kong ka-klaseng nakasaksi sa eksena.

Ngumiti na lang ako, di sineryoso ang insedente.

May isa ding beses na napadaan sa bahay namin ang byudang kaibigan ng nanay na may ari ng isang boarding house. Nandun naman ako sa di kalayuan, nakahiga sa duyan sa ilalim ng malaking puno ng kaimito. Nung makita nya ang nanay na nagwawalis sa bakuran, napatigil sya. “Ay Ason!” tawag nya sa nanay ko. “Mabuti’t nanjan ka pala.”

“Ay… Isyang. O, ano ba ang atin?”

“Ang talino pala nyang anak mong si Michael, ano? Palagi daw nasa top three ng honors’ list, at ng buong college pa kamo!”

Napangiti lang ang nanay; ako naman ay patay-malisya. “A, oo. Masipag mag-aral kasi…”

“Kaya yung mga boarders kong mga babae, kapag nagkaumpukan na, sya palagi ang pinagkukuwentuhan. Mabait daw, matalino, gwapo… May girlfriend na ba yan?” sabay bitiw ng mistulang kinikilig na halakhak. “Pinapatanong nila kasi... sabi ko naman na kapag nakita kita, itatanong ko talaga.”

“A. E… Hindi ko alam kung may babae yan, wala naman kasi akong nakita. Puro aral at trabaho lang ang inaatupag nyan. Kung di mag-aral, nandun yan sa sakahan kasama ang tatay nya. Pero… mabuti na rin iyong walang girlfriend. Istorbo lang yan. Saka na.” ang narinig kong sagot ng nanay.

“Sabagay. O sya, alis na ako, yun lang naman ang pakay ko sa iyo. Napadaan lang.”

Kahit may mga nagparamdam nga at sa narinig ko na ring ganun, hindi pa rin pumapasok sa isip ko ang pagkakaroon ng girlfriend. Hindi naman ako bakla. Ang totoo nga nyan, may crush ako sa campus, si Geraldine. Nasa third year college ito, matalino, palagi ding nangunguna sa honor’s list, at syempre, maganda. Ang kaibahan lang namin ay mayaman sya, de-kotse, outgoing at sobrang sosyal. Alam ko, di ko maaabut ang ganung klaseng babae, at sa personalidad at lifestyle pa lang, sigurado akong hindi kami magkasundo. Atsaka, may boyfriend na rin sya, isa ring mayaman, si Harry.

Anyway, masaya naman ako sa mundo ko. Ang buong akala ko, tuloy-tuloy na iyon hanggang sa pag-graduate ko. Ngunit nung last year ko na sana sa kursong Liberal Arts, nag-iba ang ihip ng hangin.

Umpisa na ng klase iyon at nagsimula na namang pumustura ang mga aktibista at politikong estudyante sa college upang tumakbo sa Supreme Student Council. Hindi naman ako pulitiko kayat hindi ako apektado. Pero yun ang akala ko.

Two-party system ang student political set-up ng college namin. At ang dalawang partido na to ang sya lamang maglaban para sa mga positions – ang Students’ Congress Party (SCP) at ang Democratic Students’ Party (DSP).

Kandidato sa pagkapresidente si Harry, under ng SCP party at ang bise naman nya ay si Geraldine. Magsoyata ang tandem. Kaso, ang comment ng marami ay sobrang yabang daw ni Harry, sobrang bilib sa sarili, at may pagka-adik pa. Yung kandidato naman sa kabilang partidong DSP ay halos sampung taon na sa college, kumukuha lang ito ng isa o dalawang subjects at taon-taong tatakbo sa pagka president ng student council. Kapag natalo, i-drop ang subject at sa susunod na naman na taon mag-eenrol upang tatakbo ulet. Kumbaga, kina-career nya na ang pagtakbo. Nung may time na nanalo daw ito, wala ng ginawa kundi ang kontrahin ang mga policies ng school at mag insitigate ng rallies at demonstration na nakakaapekto sa mga klase.

Kaya, maraming estudyanteng na-disappoint sa dalawang mgakatunggaling kandidato. Pero ako, patay-malisya lang. “Kahit sino pa ang presidente jan, ok lang sa akin, wala akong problema” sabi ko sa sarili.

Ngunit laking gulat ko na lang nung hapon ng araw din na idiniklara na ang mga kandidato, patakbong humihingal papunta sa akin ang kaibigan at ka-batch na si Mark.

“Pareng Michael, may balita ako sa iyo! Ang mga taga first at second year students ay nag-initiate ng signature campaign upang patakbuhin ka sa pagka presidente! Ayun pati mga ka-klase natin, naki sali na rin!”

Sa rules kasi ng election, pwedeng payagang tumakbo o ma-endorso ang isang independent candidate kung makalikom sya o ang mga taga-suporta nya ng at least 10% na signatures ng mga estudyante sa buong voting population ng college.

“Ano?!!!” Ang naisigaw ko sa sobrang pagkabigla. “Bakit naman ako!!! Putsang buhay naman o… wala akong hilig jan dre, alam mo naman ako! Gawin nyo nalang akong taga-linis ng campus, o taga-dilig ng mga halaman, o water boy, wag lang yan, please… Atsaka, academic scholar ako. Panu ko mamaintain ang grades ko kung sasabak ako jan!”

“Eto naman o, wag ka sa akin magalit. Tsaka, wag ka ngang OA! Hindi pa nga natin alam kung makaabut sila, este kami pala, ng 10% eh. Aba, sa 3,000 na population, 300 signatures din yun.”

“Gagu ka pala eh!” sabay batok sa kanya. “Ikaw pala ang promotor nyan!”

“Hindi pare, naki-kijoin lang ako. Pramis, yung mga taga first year at second year students ang nagpasimuno nyan! Lalu na yung mga babae! Syempre, kaklase ka namin kaya suportahan ka rin namin.” Ang pag explain ni Mark. “Tsaka… hayaan mo na sila, hindi ka naman mananalo nyan eh.” Ang pabiro nya ring bawi.

“E, panu kung manalo, tanga!”

“E, hayaan mo na muna... saka ka na magworry kung makaabot na sila ng 300 signatures.”

“Ewan ko sa inyo, mga pahamak kayo!” at umalis na akong nagmamaktol patungo ng library.

Nung pumasok naman ako ng library, ramdam kong nagtitinginan sa akin ang ibang mga estudyante. Alam ko, nakaikot na yung mga pinapirmahan nila. Patay-malisya nalang ako at diretso na sa counter, nanghiram ng libro at naghanap ng bakanteng mesa.

Mag-aalas-onse na kinabukasan nung magkita ulet kami ni Mark at ibinalita nya sa akin ang update sa signature campaign. “Pare, kaninang may alas nuweve nakaabot na ng mahigit sa 290 ang signatures na nakalap nila and still counting. At balita ko pa ay isa-submit ne nila ito ngayong umaga din sa office ng student affairs.”

“Shiitttttt!” Ang sigaw ko, di malaman kung ano ang gagawin.

“Paanu ba yan, pareng Mike, e di mapilitan ka na talagang harapin ang hamon?”

“Hindi ah! Uunahan ko na sila!”

“Hey san ka pupunta?!” sigaw ni Mark nung tinalikuran at iniwanan ko.

“Sa impyerno!”

At nagpunta nga ako sa impyerno, este, Director of student affairs upang i-reklamo na labag sa kagustuhan ko ang signature campaign at wala akong balak na tumakbo.

“Yes, the endorsement is already with me. It has more than 350 signatures, so it is accepted.” Ang nakangiting sagot ng director na madre nung tinanong ko sya, iniisip siguro na may consent ako dun.

“A… e… Sister, I just would like to inform you that the signature campaign was against my will, it was done without my knowledge, and I have no intention of running for office.” Ang seryoso ko namang pag explain.

Namangha ang director sa narinig. “Ow… and I thought they asked for your permission.”

“No Sister. And please disregard it.”

Nag-isip sandali ang director. “Well, why don’t you try it, Mr. Alandi. It is hard to just disregard the clamor of more than 10% of students. You know, not many people are as lucky as you are. People trust you, people believe in you. Can you just turn your back on that?”

“E, Sister… I am an academic scholar. How I can I maintain my grades…”

“Then forget the academic scholarship. As president of the council, you can have another scholarship.” Ang pag butt-in niya.

Napakamot na ako sa ulo. Tila matigas ang paninidigan ng director na tanggapin ang endorsement. “But, sister, I just can’t… it’s not what I want, I don’t think I can do it, I just don’t like it.”

Tiningnan ako ng madre. “Why are you here in school, Mr. Alandi?”

“E.. to finish a degree, Sister.”

“That’s it? If I will give you a diploma right now, will you accept it?”

Hindi ako nakasagot agad. “E… no, Sister.”

“Why?”

“Because I want to work hard for it.

“Exactly! And working hard means doing something. And this is now your chance. Learning is not just about grades, Michael, or for diplomas. You have to work hard, exert effort to get it; to deserve it. You have to learn, to explore, to open doors of possibilities, to experience facets of life. How can you say you don’t like it if you have not even tried it? This is an opportunity for you to expand your horizon, deepen your knowledge, and experience the challenge. As I said, not many people are as lucky as you are. Many students apparently idolize you, emulate you, and pin their hopes on you. Don’t you get the message? This is your chance to prove to yourself that you can do – even surpass – what others can; to show to those who believe in you that you can rise above the challenge, meet their expectations, and be a bigger person than yourself. Will you just fold your arms there and look at them with indifference?”

Tila nabilaukan ako sa sinabi ni sister, walang maisip na isasagot sa binitiwan nyang salita. “A, e…” at napakamot na lang ako sa ulo.

“Go, Michael. Experiment, explore, do something nice and different and make the best of yourself.”

Wala na akong magawa kungdi ang lumabas ng office, napailing-iling.

(Itutuloy)
******************************************

Sana Ikaw Na… [2]

Tuliro pa rin ang utak ko nung makalabas na ng office ng student affairs, di makapaniwalang papanigan pa ng direktor ang unauthorized signature campaign nila. At ang sumagi na lang sa isip ko ay wag sumali sa mga pangagampanya, mga debate, at i-dededma ang mga gawain ng kung sino man ang mga pasimuno ng kandidatura ko. “Tama, madali lang lusutan yan. Tingnan na lang natin kung hindi matu-turn off ang mga estudyante sa akin pag ganyan…” bulong ko sa sarili.

“O ano, pareng Michael, tuloy ba tayo? Mangangampanya na ba tayo?” ang tanong kaagad ni Mark na nag-antay sa holding area ng opisina. Sinundan pala nya ako sa student affairs office at nalamang kinausap ko ang direktor.

“Kayo lang ang mangangampanya!” pagmamaktol ko habang naglalakad kami patungong student center.

“Pare naman… paano nalang ang nasimulan ng mga taga-suporta mo?”

“Bahala kayo eh! You’re making a mess, clean it up.”

“Ok, sige… kala mo di ko alam ha. Pare koy, dinig na dinig kong hindi pumayag si Sister na i-basura ang signature campaign namin. At dahil dito, ipagpatuloy namin ang pangangampanya sa kandidatura mo, susuportahan mo man kami o hindi.”

Napakamot na naman ako sa ulo. “Hindi nga pwede tol eh. Ayoko ng gulo, ayokong ma-involve sa mga issues, decision-making, ayaw kong makipag-argumento, makipag-debate, ayaw ko ng responsibility. Simple lang ang mundong gusto ko, ang mag-aral, makatapos, at manahimik. I-respeto nyo naman yan, plis…?”

“Parang gusto na kitang bugbugin eh. Buksan mo nga ang mga mata mo? Bat ka ba nagluluklok jan sa mundo mo? Malawak ang mundo, pareng Michael, and whether you like it or not, you are a part of that big world. Sa labas ng mundo mo nandun ang challenges; nandun ang tamis ng pagkamit sa tagumpay, nandun ang totoong hamon ng buhay. At heto ngayon, you are called upon to face that challenge... Maaatim mo ba na ang sunod na maging president ng student council ay isang adik, durugista, mayabang? O isang militante na walang ginawa kungdi ang mag rally at sirain ang harmony ng campus at i-brainwash ang utak ng mga mag-aaral sa mga radikal na paniniwala nya?”

“Bakit ako? Bakit di na lang… ikaw?”

“Nalintikan na… Gusto mo talagang malaman kung bakit ikaw?” ang napipikon na sagot ni Mark. “May kabobohan ka rin pala ano. Heto, ganito yun pare, kasi… ang mga estudyante ay humahanga sa kabaitan mo, sa talino mo, tumitingala sa iyo, naga-gwapuhan sa iyo – tangina ka – at gusto nila ikaw, hindi ako. Ok ba, naintindihan mo na? Gusto mo i-explain ko pa uli? Gusto mo isulat ko pa ang explanations ko, in essay type, ha? Kung meron nga lang ako ng ganyang talino at appeal sa iyo eh, di tagal ko ng tumakbo. Pare, kailangan ng bagong mukha ang student politics, bagong estilo ng pagdala, bagong ideas, hindi yung gasgas na mga pamamalakad at pamamaraan. At ikaw ang kailangan nila.”

“Ayoko nga tol. Ayoko…”

“Shit! Kakabadtrip ka naman. Hirap talagang painumin ng kalabaw kahit nasa gitna na ito ng lawa. Kahirap gisingin ng taong nagtutulog-tulugan. O, heto na lang: marami ang sumusuporta sa iyo at marami pang mga silent majority ang boboto sa iyo, nakikinita ko. At kahit ngayong tumanggi ka pa rin, aaminin ko, I’m 100% into this now. Kung kahapon ay nakisakay lang ako dito, marami na kami ngayong full-blooded supporter mo dahil na-encourage kami sa nakita naming init ng suporta ng mga estudyante sa endorsement mo. Sana mabaguk ang ulo mo at matauhan ka. Wag kang maging manhid at selfish, pare. Manindigan ka. Don’t let those students down…” ang pagka-pikon na ni Mark sabay lihis ng daan patakbo sa isang sulok ng student center kung saan may mga estudyanteng nag-uumpukan habang ako naman ay dire-diretso patungo na sa silid-aralan.

Hindi pa ako nakalayo nung narinig ko si Mark na nagproklama sa mga nakatambay na estudyante, nag-antay pala ng go signal sa kanya. “Tuloy tayo guys! Pumayag na ang director na ituloy ang kamapanya!”

“Yeheeeyyyyy! Michael1 Michael! Michael!” ang sigaw naman ng grupo ng mga estudyante.

Nilingon ko sila at pagkatapus, dali-daling tumakbong palayo.

Napag-alaman kong binigyan ng one week na pangangampanya ang lahat ng mga kandidato. Sa isang linggo na iyon, nakita ko naman ang masigasig na pangangampanya ng grupo nina Mark para sa akin. Sa student center kung saan may mga booths ang dalawang magkatunggaling party, makikitang pinaghandaan, ginastusan ng malaki, at pinagplanuhang maigi ang booths ng mga ito. Naka-display ang mga palatporma sa mga malalaking at magagarang posters, may mga volunteers pa, at kumpleto sa gamit.

May inilagay ding booth para sa akin, nasa gitna. Ngunit kung gaano kamamahalin at elegante ang mga booths ng dalawang partido, kabaligtaran naman ang sa akin. Simple lang sya, ang tema ay kalikasan. Mga tuyong dahon na pinagtagpi-tagpi ang background, hinaluhan ng gamit na at kinulayang mga newsprints, may mga tuyong sanga ding ginawang palamuti o braces, may mga tin cans at old newspapers na ang silbing mga add-ins. Halatang pinagpaguran ang pag-ayos nito. Simple lang ang dating pero nakakaengganyong tingnan. At ang slogan na nakalagay sa gitna ay “Simplicity, harmony, and environment”

“Waahhhh! Natumbok ng mga ungas ang gusto ko” ang nasabi ko sa sarili nung napadaan ako saglit doon. Aaminin ko, may sundot iyon sa puso kong di maintindihan. Paghanga sa katatagan nilang pumursige sa kabila ng pag-aayaw ko; pag-appreciate sa mga ginagawa nila at sa mga sakripisyo at paghihirap sa kabila ng hindi naman nila talaga ako masyadong kakilala. Kumbaga, touched ako. Pero, hindi pa rin ako kumbinsido.

“O pareng Michael, nakita mo ba ang booth natin! Galeng ano? Yung sa kanila, mamahaling gamit pero wala, panis. Puro pera lang ang katapat. Pero sa atin… original talaga, at pinaghirapan. Ako ang in-charge nyan katulong si Helen” sabay turo sa kasama nya. ”Sinabihan ko ang mga first year at second year students na iyang klase ang gusto mo. Ok ba?” tanong ni Mark nung magkita kami sa labas ng klase.

“Ewan, di ko sya nakita, tol! Sorry.” ang maiksi kong sagot.

“Woi! Suplado naman… Hayup sa drama.” pagbibiro nya. “Wag kang mag-deny dahil nakita ka namin ni Helen na pinagmasdan ang booth natin kahapon. Atsaka, wag mong saktan ang damdamin ni Helen ah!” sabay naman turo sa kasama nya.

“Hi!” Ang nasabi ko lang kay Helen. Kumaway din sya, tila di mapakali sa sobrang hiya.

“A, eto palang si Helen ang isa sa mga supporters mo sa second year at syang nangunguna sa pag-ayos ng booth natin. Idea nya yan lahat.” Pag interrupt ni Mark.

“Girlfriend mo?” Tanung ko.

“Hindi ah! Sobrang gwapo ko kaya para maging girlfriend nyan!” sabay tawa, si Helen ay nakangiti lang, naintindihan ang pagkapalabiro ni Mark.

“Mukhang baligtad yata ang sinasabi mo. Sobrang napakaganda ni Helen para maging girlfriend mo” ang biro ko naman.

Tawa nalang ang isinagot nila.

Sa totoo lang, maganda din si Helen. Mahaba ang buhok, matangkad, makinis ang kutis, may tila nangungusap na mga mata, magandang magdamit, sexy. Hanga din ako sa kanya. Pero, mas type ko pa rin si Geraldine.

“Hoy!” Ang sambit ni Mark nung magkatitigan kami ni Helen.

“A, eh… baka magalit ang boyfriend ni Helen ha? Dinadamay mo dito sa kalokohan mo.” sabi ko.

“Wala pang boyfriend yan. Crush, meron at alam ko kung sino pero hindi ko sasabihin!” ang pag interrupt ni Mark sabay bitiw ng isang nakakalokong ngiti.

Natawa na lang ako. Gusto ko sanang itanong kung sino pero nahiya na ako.

“Gusto mong malaman ang crush neto?” pangungulet ni Mark, pansin ko naman ang pasikretong pangungurot ni Helen sa tagiliran nya. “Ang crusn ni Helen ay si Mmmm--“ at biglang itinakip ni Helen ang mga kamay niya sa bibig ni Mark.

Napangiti nalang ako. “O sya, punta muna akong library ha? May gagawin pa ako dun.” Sabay talikod hindi na pinatulan pa ang pagladlad sana kung sino ang crush ni Helen.

“Hey pare! Di mo pa sinagut ang tanong ko! OK ba ang booth naten?”

“Oo na… maganda sya, naapreciate ko. Ano, OK kana?”

“OK na ako pare. Solved, hehehe. Alam ko na bago matapus ang linggong ito, ikaw na ang mag lead sa kampanya natin.”

Tiningnan ko sya sabay sigaw ng, “After 48 years!”

Dumaan pa ang isa, dalawa, tatlong araw at lalo kong nasaksihan ang sakripisyo at pagpursige ng mga estudyanteng sumusuporta sa akin. Hindi sila nagsasawa, hindi nawalan ng pag-asa. Nanjan pa rin ang enthusiasm at tibay ng loob nila sa pangangampanya, ang init ng mithiin na isulong ang kandidatura ko, ang pagbo-volunteer na magbantay sa booth. Lahat ay walang kapalit. Tila dinapuan na ako ng hiya sa sarili at pagkaawa sa kanila. At tila unti-unti ko ng naapreciate at naintindihan ang kahulugan ng lahat ng ginagawa nila.

Habang palapit ng palapit ang eleksyon, umiinit ng umiinit naman ang tirahan at banatan ng mga kandidato. Ang masaklap ay mistulang pinagkaisahan ang kandidatura ko. At lalo kong nadama ang awa sa mga tagga-suporta ko na kahit alam nilang hindi ko sila halos pinansin, buo pa rin ang loob na ipaglaban ako, idepensa ang mga paninira ng ibang partido.

“A, si Michael? Tuta yan ng mga madre. Kaya nga inaprobahan ng student affairs ang kandidatura nyan eh. Walang alam yan sa student politics, walang experience, hindi marunong makisama, suplado… magaling lang yan sa klase pero walang leadership. Narinig nyo ba kung sinabi nya na willing syang mag-serbisyo sa student council? Wala. At wala kang maririnig sa kanya tungkol sa kung ano man ang plata-porma nya dahil sa wala ngang alam! E, kung hindi lang matalino yan, masasabi mong autistic, yun bang may sariling mundo. Kaya, wag nyo syang iboto; sayang lang ang mga boto nyo dahil hindi rin tatanggapin nyan ang pwesto. Nananaginip lang ang kung sino man ang mga loko-lokong promotor sa kandidatura nyan.” Ang mga narinig kong banat sa akin.

May epekto sa akin ang mga salita nila, pride ko siguro at pagka-awa na rin sa mga supporters. Ngunit, hindi ko pa rin kayang panindigan ang kandidatura.

Naka-set ang final campaign at debate na rin sa harap ng buong student body kinabukasan. Dahil sa wala ngang naririnig ang mga estudyante galing mismo sa akin kung talaga bang kandidato ako, o isang nuisance candidate lang na pakawala ng mga madre, napansin kong tila nawalan na rin ito ng momentum. Bulung-bulongan na nagback-out na ako, at may ibang naiinis dahil ginugulo at binababoy lang daw ng mga supporters ko ang election.

“Pareng Michael, bukas na ang final campaign at debate ng mga candidate.” Ang malungkot na sabi ni mark. “Ginawa na namin ang lahat… at siguro naman ay nakita mo ang pagod, hirap, at sakripisyo namin. Wala kaming hinintay na kapalit nito. Pinagtatawanan kami, nilalait, tiniis ang pagod at hirap at minsan masasakit na salita, ngunit pinapanindigan pa rin namin ang adhikaing isang bago at malinis na student administration ang mailuklok sa student government. Ngayon, kung talagang ayaw mong tumakbo, wala na kaming magagawa. Hindi na kita eenganyuhin pa. Matalino ka, sana nakuha mo ang mensaheng ipinaparating ng marami sa iyo.” sabay talikod at lumabas na ng silid aralan, kitang-kita sa mukha ang pagkadismayado at panghinayang.

Di ko maintindihan ang tunay na naramdaman. Sobrang nalungkot ako.

Maya-maya, bumalik sya. “Oo nga pala, ang general rally ay magaganap sa student center sa harap ng mga party booths. Kung sakaling magbago ang isip mo, isuot mo ito. Yan ang uniporme naming mga supporters mo.” Sabay hagis sa akin ng isang green and yellow na shirt at isang program and invitation card kung saan nakasulat ang sequence ng speeches, at mga pangalan ng kandidato. “Kaming lahat ay full-force pa rin na sisispot bukas, sa booth natin.” Pahabol nya.

Hindi na ako sumagot. Hindi ko rin alam ang gagawin, nalilito, at di lubusang maintindihan ang saloobin.

Buong magdamag na hindi ako makatulog. Bumabalik-balik sa isip ang mga sinasabi ni Mark, ng mga taga-suporta, at lalong-lalu na ng director. “Many students apparently idolize you, emulate you, and pin their hopes on you. Don’t you get the message? This is your chance to prove to yourself that you can do – even surpass – what others can; to show to those who believe in you that you can rise above the challenge, meet their expectations, and be a bigger person than yourself. Will you just fold your arms there and look at them with indifference?”

Alas tres ang schedule ng debate. Alas dos y medya, nandun na ako nagmukmok sa isang bakanteng classroom, sa kabilang building, overlooking the stage. Dinig na dinig ko na ang pagpapatugtug ng sound system, naghihintay na lang sa tamang oras. Tinitingnan ko ang mga booths at sa estimation ko, mas marami ang mga estudyanteng naka green-and-yellow na kulay. Full-force nga silang mga supporters ko. Pati si Mark, kitang-kita kong tila balisa, umiikot ang paningin sa paligid. Pero, kampante lang ako, kinuha ang isang libro at nagbasa, walang paki-alam.

Mga kandidato lang sa pagka president ang magsasalita. Nung tinawag na ang unang kandidato, si Harry, parang wala pa rin akong aksyon. Subalit nung nasa kalagitnaan na ng speech ang pangalawang kandidato, napansin kung unti-unting nagsi-alisan ang mga naka green-and-yellow na mga estudyante. Bigla ko nalang naramdamang kumabog ng kumabog na ang dibdib ko. “Shit!” ang nasambit ko nalang.” Dali-daling isinara ang libro at ibinalik sa bag.

At narinig ko ang emcee, “… and our next speaker is an independent candidate, please welcome, Mr. Michael Alandi!”

Narattle at di na alam ang gagawin, naalimpungatan ko nalang na hinugot ko ang cp at dinayal ang number ni Mark. “Mark…!” habang di naman magkamayaw ang mga kamay sa pagsuot ng t-shirt at singbilis ng kidlat na tinahak ng mga paa ang hagdanan.

“Pareng Michael? Nasaan ka? Ikaw na!”

“Alam ko. Dito lang ako nagtatakbo na papunta jan. Punta ka sa stage.”

“A-anong gagawin ko sa stage?”

“Bahala ka… sumayaw ka, tumula! Najan na ako, antay lang!”

“Tangina! Nalintikan na! Bakit ako?”

“Magdusa ka, kaw ang pasimuno nito. Jan na ako! Malapit na!”

Habang tumatakbo na ako palapit ng stage, nag-aatubili namang umakyat ng stage si Mark. Nung nasa taas na, namangha ang mga estudyante, may sumisigaw, “Nasaan na si Michael! Panggulo lang kayo!”

Nung makita na ako ni Mark na nagtatakbo, tila ginanahang kunin ang micropono at nagsalita, “Ladies and gentlemen, it is a great honor to intoduce to you the next president of the Supreme College Student Council. Please welcome, Mr. Michaelllllllllllllllllll Alandi!” ang pag-announce ni Mark na mistulang announcer sa laban ni Manny Pacquiao.

Hiyawan at palakpakan ang mga estudyante lalo na yung mga naka suot ng yellow-and-green, ang ibang nagsilikasan na sana ay bumalik, nabuhayan ng loob. Wala namang tigil ang mga supporters ko sa pag-tatalon sa harap ng booth namin.

Tamang-tama naman ang pag-akyat ko ng stage. Habol-habol ang hininga, kinuha ko ang mikroponong inabot sa akin ni Mark. At kahit walang pini-prepare na speech, feeling ko buong-buo ang loob kong magsalita at humarap sa audience. “Thank you there, Mark for the introduction.” Ang una kong nasambit, dama ang kumpyansa sa sarili, sabay lingon ko sa kinaroroonan ni Mark at bitiw ng malalim na paghinga. “First of all, I would like to extend my heartfelt gratitude to every single one who signed the endorsement for my candidacy. I have to admit that it was not easy for me to come up with a decision. All I wanted was to live a simple life in the confines of my own simple little world. As everyone knows, I grew up to a poor family, I am shy, I am inferior, and I have only simple dreams. I did not want to hold any responsibility. Responsibility for me was something I thought only for the well-to-do, the confident, the experienced. That endorsement did not move me. I was adamant, and my resolve was as tough as a mountain. But when I saw the determination, the courage, the strong will, and the sacrifice of those who supported me to continue with the fight in spite of my indifference, in spite of the odds, in spite of the below-the-belt tirades of our detractors, my heart melted. I thought that they did it for me; that it was all about me. I was wrong. And I realized I was too selfish…

(Itutuloy)

******************************************

Sana Ikaw Na… [3]

“…As the days went by and the campaign heated up, I gradually learned to understand that all they did was something for a bigger cause; something greater than themselves – the entire studentry, that is. Their courage, strong determination and perseverance served as an example of how different groups of people can come together to work for a common good. Their sacrifice humbled me. Their obliviousness to the hardships of their cause moved me. And they opened up my eyes to the fact that in order to achieve our goals we must stand together as one.

I have learned my lessons. Those who endorsed my candidacy have spoken and stood by what they believed in – up to the last straw of the campaign. They invested so much effort, time, shed tears and perspiration, faced intimidation and harassment, yet they stood their ground, without asking for any favor, or something in return. It was not all for me; it was for their desire for a change; for a better student government – through me. Who can refuse such an ennobling aspiration? So today, I have made up my mind…”

Huminto ako ng sandali, kumuha ng bwelo. “…I am accepting that challenge. I am running for the position of president of the supreme college sudent council!”

At naalimpungatan ko nalang ang nakakabinging hiyawan at palakpakan ang mga estudyante.

Itinaas ko ang aking mga kamay upang matahimik ang lahat at muling nagsalita, sumigaw. “I am asking you all to vote for me and let us together bring change, inject new impetus, and with my leadership, bring back the dignity of the supreme college student council! Thank you very much!”

At muling nagpalakpakan at naghiyawan ang mga estudyante hanggang sa nakakabingi na ang mga ito at ang sigaw ay, “Michael! Michael! Michael! Michael!”

Natapos din ang kampanya at pakiwari ko ay nabunutan ng tinik ang lahat na nagpalakad sa kampanya ko. Nagpasalamat ako sa kanila, kinamayan isa-isa. Napakasaya naming lahat.

Tiningnan ko ang mga katunggali ko sa pagka-presidente. Ramdam kong kinakabahan na sila at dismayado sa narinig at nasaksihan sa rally. Kung bago ang kampanya ay may mga nagpatutsada na para daw akong isang ostrich na itinatago ang ulo sa ilalim ng butas upang di makakakita ng tao, sila naman ngayon ay parang mga basing sisiw na di magkamayaw kung ano ang gagawin.

At nanalo nga ako sa eleksyon. Si Harry nakakuha ng halos 15% ng boto, ang kandidato sa kabilang partido naman any nakakuha ng kulang-kulang sa 10%, at ang sa akin ay lampas konti ng 75%; landslide kumbaga. Dahil wala akong lineup, ang nanalo sa pagkabise ay si Geraldine, ang crush ko na girlfriend naman ni Harry. Halos 70% ng mga kandidato sa line-up ng partido nila ang pumasok kasali na dun ang mga section representatives. Masasabi kong malakas ang partido nila ni Geraldine, well-funded, at well-oranized, dahil nga sa mapera si Harry.

Kaya alam ko, nagpupuyos sa galit sa akin si Harry; kung hindi dahil sa akin, sigurado na sanang masungkit niya ang pwesto sa pagka-presidente.

Sa kabilang panig, may tuwa din akong nadarama sa nangyari sa pagkapanalo ni Geraldine. Ibig sabihin noon ay may mga pagkakataon na kaming magkasama at mag-usap.

Sa gabi nung matapos ang election day ay buong magdamag na hindi ako nakatulog, pumapasok sa isipan ang mga scenario na maaring mangyari. Una, wala akong experience sa pag-lead, ni hindi ko nga alam ang pagconduct ng meeting sa parliamentary procedure. Pangalawa, wala akong partido at hindi ko kapartido ang mga kasama sa executive, pati na ang mga nasa house of representatives. At pangatlo, kailangan ko pang pag-aralan ang mga priorities ko at paano ito mai-implement kung sakaling di mag-cooperate sa akin ang mga officials. Kaya, talagang delikado pa rin ang kalagayan ko. Kailangang ibalanse ang pakikitungo sa dalawang partido para suportahan nila ako, dahil kung hindi, baka uunahan na nila akong i-impeach. Sa rules kasi, pwedeng ma-impeach ang presidente base sa 2/3 majority na boto ng mga myembro ng house. Kapag pumasa na sa house, i-bato naman ito sa mga estudyante sa buong college sa pamamagitan ng isang referendum na “Yes” or “No” na kailangan namang makalikom ng 50%+1 votes. Sa partido pa lang ni Harry ay kayang-kaya na nilang i-impeach ako. Pero, hindi madali para sa kanila yon dahil malaki ang tsansang matatalo ito sa referendum. At malamang, laglag ang partido nila sa sunod na election dahil magagalit na ang mga botante sa partido nila.

Kaya kinabukasan subsob kaagaad ako sa pagresearch at pagsi-self-study kung panu mag-conduct ng meeting gamit ang parliamentary procedure, at kung paanong approach ang gagamitin upang ma-implement ang mga action plans. May narinig kasi ako na haharangan daw ng mga mga die-hard supporters ni Harry ang mga action plans ko, at guguluhin ang mga meetings.

Ayway, dumating ang gabi ng induction ceremony namin kasabay na sa victory party ng buong college. Maaga pa lang nandun na ako. Sa gym ginanap ang okasyon at nandun lahat ang mga administrators, faculty, at mga elected officials. Syempre, ang pinakamaangas na grupo na nandun ay ang partido nina Harry. Tuwang-tuwa kasi sila dahil sa nakuha nilang halos ¾ majority sa house of representatives.

As usual, kinakabahan pa rin ako, di mapakali. Hindi kasi ako sanay sa mga ganung sosyalan. Pero dahil sa bagong position ko, napilitan na at may parte din naman sa akin na tila nagtulak sa akin upang ipakita ang pangunguna sa pag-welcome ang mga guests at estudyanteng papasok sa venue. Kamay dito, kaway doon, syempre, maraming nag-congratulate, maraming taga-suporta. “Salamat! Welcome po! Pasok na po kayo! We will be starting the program in a few minutes...” ang di magkamayaw na sabi ko.

Kahit nga sa pananamit, wala pa rin akong ipinagbago. Yung iba, naka coat and tie, tuxedo pa kamo, mga bagong-biling damit at sapatos. Simple lang ang sa akin. Faded maong, at ordinaryong body-fit na plain red t-shirt, ang laylayan sa harap ay naka-dantay naman sa buckle, tila hinawi upang maemphasize ang umbok ng harapan ko; ang belt ay pang military, nakausli ang dulo. Sa ibabaw naman ng t-shirt ay ang itim na semi-formal overcoat, hiram ng nanay ko sa kapitbahay naming nag-eemcee sa mga pa-contest ng baranggay.

“Pare, hanep ang dating natin ah! Shiiit! Kahit simpleng-simple ang attire mo, wala pa rin sa iyo ang porma ng mga anak-mayaman jan na bago, mamahalin at magaganda ang mga outfit. Hayup ang dating mo, pare. Talo mo pa ang mga tunay na modelo! Parang gusto ko na tuloy bumigay sa iyo ah! Kaka-in-love ka grabe! Pa-kiss nga pare!“ biro ng best friend kong si Mark, sabay kamay sa akin at yakap, pabirong ini-ungos ang mga labi sa pisngi ko.

“Tadu!” ang sagot ko nalang, sabay pakawala ng mahinang batok sa ulo nya.

Maya-maya nakita kong padating naman si Harry at si Geraldine, hawak kamay ang dalawa. “Wow! ang ganda-ganda talaga ng crush ko!” sigaw ng utak ko. “Tila isa syang dyosa sa ganda. At sa gown nyang pula, lalong kumikinang nag ganda nya.”

Tulala. Yan naman ang reaction ko.

Nung nasa harap ko na sila, kakamayan ko na sana si Harry ngunit hindi nya ako pinansin. Kinamayan ko nalang diretso si Geraldine. “Hi! Welcome sa loob!” Ang sabi ko.

Ngumiti si Geraldine sa akin, “Conratulations Michael!”

“Thanks, congratulations din sa iyo!” ang sagot ko. Nagkasalubong ang mga tingin namin.

“Tara na!” ang may halong inis na sabi ni Harry, sabay hatak sa mga kamay ni Geraldine at bitiw ng nanggagalaiting titig sa akin.

Habang hatak-hatak sya ni Harry ang mga mata ni Geraldine ay nakatutok pa rin sa akin. Nagtinginan pa rin kami, ang isip ko ay tila lumipad, naalala ang unang tagpo namin sa school.

Enrollment iyon ng college, third year ako nun at katatapos ko lang makapag-enroll. Nasa akin na yung mga class cards at uuwi na sana nung mapadaan ako sa library at nagbasa saglit ng mga current events. Regular na ritwal ko na kasing magbasa ng newspapers kapag napadaan sa library. Patapos na ako at uuwi na sana gawa ng tutulungan ko pa ang tatay na maghakot ng mga nyog at bibiyakin na rin namin ang mga iyon upang i-kopra.

Nung palabas na ako ng library, ay sya namang pagdating ni Geraldine. Yun ang unang pagkakita ko sa kanya. Sa pagkakataong iyon pa lang, sobrang nagandahan na ako sa kanya. Dahil doon, di maiwasang di ako mapalingon at sundan ng mga tingin ko ang pagpasok nya ng library. Sa pagdadala pa lang nya ng damit at ganda ng kutis ay masasabi kong anak mayaman sya. Ilang kasi ako sa mga ganung klaseng tao, gawa ng may inferiority complex nga ako.

Napansin kong nalaglag ang wallet nya ngunit di ko na pinag-isipang pulutin pa ito. Tumuloy ako sa paglalakad upang umuwi na. Nung nilingon ko ulet, kusa na nyang pinulot ang wallet.

Nasa may kalayuan na ako nung di ko akalaing may tatawag. “Hoy!”

Lumingon ako.” Yung babaeng pumasok sa library!” sabi ng utak ko. “Ako ba?” tanong ko.

“Oo ikaw. Pede bang magpaturo kung paano mag-enroll dito?” First year college lang ako eh at baguhan sa school na ito.” Dali-dali pala syang lumabas ng library at hinabol na ako.

“Punta ka nalang kaya dun sa Dean mo, jan sa may kanto, right side, at itanong mo ang procedure.”

“Pwede bang samahan mo nalang ako, please…?”

“Uuwi na kasi ako eh. May gagawin pa sa bahay”

“Please naman… ako nga pala si Geraldine, ikaw?”

“Michael.”

“Sige na Michael please…”

Ewan ko ba, pero parang sobrang lakas ng personalidad nya na di ko sya kayang i-turn down. “S-sige…” ang sagot ko nalang.

“Yeheeyyy! Wag kang mag-alala, kain tayo mamaya sa canteen, ako ang taya.” sabi nya.

“E… sige, ikaw ang bahala.”

At sinamahan ko nga sya sa iba’t-ibang departamento kung saan sya pumunta, nalimutan na sa isip na hinihintay na pala ako ng tatay sa trabaho namin.

Para akong isang body guard nya na kung saan sya pumupunta, nandoon naman ako, naka-buntot. Nung ininterview sya ng dean, nandun ako sa labas ng office, naghintay. Nung nag-take sya ng test sa guidance, nandun din ako, nakaantabay sa paglabas nya. Para akong tanga, pakiwari ko sa sarili. Pero kahit ganun, sa totoo lang, may naramdaman din akong saya kahit papano. Siguro dahil humanga ako sa ganda nya.

“Ang ganda ng girlfriend mo ah!” sabi ng mga kakilalang nakapansin sa amin. Pati nga mga madre nakikiusyoso na rin, “Girlfriend mo ba iyon, Michael?”

“Hindi po. Tinulungan ko lang po sa pag e-enroll nya. Di kasi taga-rito…” ang sagot ko sa isang madre na nagtanong. “Sana nga sya…” sa loob-loob ko naman.

Masarap din naman si Gerladine na kausap. Madaldal nga lang. Dahil di naman ako pala-kibo, tango nalang ako ng tango pag may ikini-kwento sya, o kayay sasagutin na lang ng “Oo” o “Ganun ba?” o “Pwede…” ang mga sinasabi nya. Sunod-sunuran nalang ako sa kung ano man ang gusto nya, kung saan nya ako hahatakin. “Samahan mo ako dun, Michael! Dito…! Jan…! Upo muna tayo , napapagod na ako.” Ako naman, parang isang maamong tupa na hulog ng langit, o kaya’y isang tanga na hindi man lang makapagreklamo.

Nung matapos, kumain nga kami sa canteen nung maibigay na sa kanya ang mga classcards, taya nya. Aba, e wala akong perang panggastos. Tsaka, yun din naman ang sabi nya. Nahhihiya man, pakapalan nalang ng mukha.

Habang kumakain kami, tanong sya ng tanong tungkol sa school, sa mga madre kung di ba masusungit, sa mga propesor, sa mga subjects. Tila walang katapusan ang mga tanong nya at halos mabibingi na ako sa kadaldalan nya. Nung mapansin nyang hindi ako nagku-kwento, “Micheal, ganyan ka ba talaga? Hindi palkibo, hindi pala-kwento?”

Tumango lang ako. Di ko kasi alam kung ano ang iki-kwento, at baka ma-turn off sya sa mga iki-kwento ko. “Ano ba ang iki-kwento ko? Mga kalabaw, mga saging at nyog, kung paano mag-araru, kung paano ang mag-copra o magtanin ng mais at palay?” sabi ko nalang sa sarili.

“A, ok… sabi naman nya.” Sabay bitiw ng nakakalokong titig.

“Bakit?” ang tanong ko nung mapansin ang mga titig nya.

“Sobrang cute mo pala…”

Ramdam ko kaagad ang pamumula ng pisngi ko sa narinig, pakiwari koy may malaking bagay na bumara sa lalamunan, binitawan ang pilit na ngiti.

“Hahahaha! Nag-blush ka!”

Yumuko nalang ako sa hiya, pilit na nilabanan ang di maintindihang naramdaman. Maya-maya, tinitigan ko na rin sya.

“Bakit?” sya naman ang nagtanong.

“Wala…” ang nasambit ko lang. Feeling ko hindi ko kayang sabihin na maganda sya, na cute sya, at na crush na crush ko sya.

“Siguro may dumi ang mukha ko… May muta ba ako?” Patawa nya.

Natawa na rin ako. “Wala ah!” ang sagot ko. “Ganda ganda mo nga eh” bulong ko naman sa sarili.

Natahimik ng sandali.

Maya-maya, “Alam mo naiinis ako sa iyo.” Ang may konting pagmamaktol na sabi nya.

“Ha? Bakit?” tanong ko, naguguluhan sa sinabi nya.

“E, nalaglag ang wallet ko kanina, di mo man lang kinuha. Hindi ka gentleman. Sinadya ko pa naman iyon.”

“Ha? Talaga? Sinadya mo iyon?”

“Oo, para mapansin mo lang. E, hindi tumalab kaya ako nalang ang pumulot atsaka hinabol na kita.”

Napatawa ako ng malakas sa sinabi nya. Tumawa din sya. Sabay kaming nagtatawanan. “You’re kidding, right?” sabi ko, hindi inaakala na seryoso sya sa sinasabi.

“Nope!” ang mabilis nyang tugon.

Tila naglulukso naman ang puso ko sa tuwa. “E, di kung ganun, sorry… nagmamadali kasi ako eh. Sayang, romantic sana ang dating.” Ang sabi ko.

“Oo nga, e… di ba kunyari, yuyuko ka upang abutin ang wallet tas yuyuko din ako at magkasalubong ang mga mata natin at aamuyin ko ang pabango mo, tas sabihin ko sa iyong… ‘ambaho kaya ng amoy mo, maligo ka nga muna!’”

“Hahahaha!” pareho kaming nagtatawanan ulet. “Palabiro ka talaga!” sabi ko. “Kala ko sasabihin mo na, ‘what happens next, is up to you…’”

“Yun na nga yun eh, kaso, maligo ka muna. Di kasi axe ang pabango mo.”

Di pa rin mahinto-hinto ang pagtatawa ko. Noon lang ako tumawa ng ganun kalakas, ganun ka saya.

“Pero inilaglag mo talga ang wallet mo para sa akin, ha?” tanong ko ulet, paninigurong para sa akin talaga yung ginawa nya.

“Kulet ka pala eh. Oo nga!”

“E, kung ganun, babawi nalang ako sa susunod. Kapag may inilaglag ka ulet, siguraduhin kong kukunin ko talaga iyon para sa iyo.”

“Talaga?” sabi nya.

“Promise!”

“At mag axe ka ha?” patawa nya ulet.

Sabay na naman kaming nagtatawanan.

Tahimik.

“Eh, Geraldine, uwi na ako ha, hihintay na ako ng tatay ko eh, may gagawin pa kasi kami… Sensya kana.” Ang nasabi ko nalang.

“Saan ba ang bahay nyo?” Tanong nya.

“Nasa baranggay kami, sasakay pa ako ng motorsiklo.”

“Kung ganun, ihahatid ka na namin!’

“Bakit? Marami ba kayo?” tanong kong halatang naguluhan.

“May driver ako, ayun o, nakaparada ang kotse na iyon. sixteen pa kasi ako kaya di pa pedeng magmaneho”

Napakamot ako sa ulo. “Wag na, nakakahiya naman.”

“Di nga, ihahatid ka namin.”

“Wag, wag… ok na ako.” Ang paniniguro ko.

“Kakainis ka naman, Michael. Para tayong di magkaibigan nyan eh. O sige, magkita tayo ulet ha? Nice meeting you.”

“Yes. Magkikita pa tayo. Nice meeting you Geraldine!” Ang sabi ko nalang at dali-dali ng umalis patungong gate upang pumara ng masasakyan.

Yun ang tagpong di ko malilimutan kay Geraldine.

Ngunit din a nasundan pa iyon. Nung magsimula na kasi ang klase, umaali-aligid na sa kanya si Harry, at kapag may napansing pumuporma kay Geraldine, sikreto itong hina-harass, tinatakot. Palibhasa makapangyarihan ang mga magulang, mayaman, kaya siguro bad boy at spoiled brat sya.

Simula noon, gabi-gabi na ding kusang pumapasok sa isip ko si Geraldine. Ngunit nilalabanan ko ito. At ito pa ang naging sanhi ng lalo ko pang pagsisipag sa pag-aaral. Yun bang tanggap ko na kung hhindi man ako susuwertehin sa pag-ibig, dapat na magsucceed naman ako sa pag-aaral o sa ibang area ng buhay ko. Kaya, todo-sikap ako sa pag-aaral.

“Hoy! Bat anlalim ng iniisip mo!” sigaw ni Mark nung mapansing nakatulala na ako sa nakitang si Geraldine.

Pakiramdam ko, binuhusan ako ng malamig tubig sa gulat at nahimasmasan. Nasa entrance pa pala kami ng gym, wini-welcome ang mga guests at students sa induction at victory party namin na iyon.

(Itutuloy)

******************************************

Sana Ikaw Na… [4]

“A… anong sabi mo pare? Pakiulit nga” tanong ko kay Mark nung di masyadong marining ang sinabi nya.

“Eto naman, o. Wag ka ng mag-ilusyon kay Geraldine. May syota na iyong tao, mapahamak ka lang dun.”

“Ano bang pinagsasabi mo jan? Tanggap ko na di kami bagay, pare. At di ako nanligaw dun, noh!” ang paliwanag ko.

“Ok, ok. Nagpaalala lang po.”

Bago ko ibinaling uli ang attention sa mga nagdatingang mga guests at estudyante sa main door ng gym, nilingon ko muli si Geraldine. At napansin kong may inilaglag syang isang puting panyo. Bigla kong naalala ang ginawa nya nung una palang kaming nagkita na nilaglag niya ang wallet at ang pangako kong kapag may malaglag muli sa kanya, pupulutin ko iyon para sa kanya.

Dali-dali kong tinakbo ang nahulog na panyo at pinulot. Habang nakayuko ako, humiwalay si Geraldine sa pagkakahawak ni Harry at yumuko din sa harap ko. Nagkasalubong ang aming mga mata saka iniabot ko sa kanya ang panyo. Halos nakakabingi naman ang kabog ng dibdib ko.

Ngumiti sya. “Salamat!” ang maiksing sabi. Pakiwaring may kahulugan ang mga ngiti.

“Walang anuman.” Ang sagot ko, ang mga mata’y nakatitig pa rin sa kanya. “Sinadya mo?”

Ngumiti sya, sabay ngiwi at kagat ng labi, tila nahiya “Oo” sagot nya. “G-gusto ko lang malaman kung natatandaan mo pa ang promise mo”

Ngumiti lang ako. “Promise ko iyon sa iyo. Kaya hinding-hindi ko malilimutan. At katulad ng panyo na iyan, kung ikaw ay nasa pinakababa ng parte ng buhay mo, pupulutin din kita, at pilit na itayo muli.”

Pakiwari koy may mga namuong mga luha sa mga mata nya sa narinig. “T-touched naman ako… grabe” ang nasabi nalang nya.

“Para sa iyo, gagawin ko lahat.”

Lumungkot ang mukha nya.

Nung mapansin ko iyon, nagbiro nalang ako, “Hindi mo ba aamuyin ang pabango ko?”

Bumalik ulet sa mukha nya ang ngiti. “Mas mabango pa kesa axe! Atsaka…”

“Atsaka ano…? Ang tanong ko, gusto ko sanang ipagpatuloy nya ang sasabihin.

Ngunit biglang sumingit si Harry, nakaturo ang daliri sa mukha ko. “Hoy! Wag na wag kang aaligid sa girlfriend ko kung di ka malintikan ha?” Ang pananakot niya.

Nag-init ang tenga ko sa narinig. Ngunit pinigilan ko pa rin ang sariling magsalita. Tumayo ako, sumunod na ding tumayo si Geraldine.

Ngunit sadyang nanggaggalaiti sa galit at selos si Harry at inilapit pa nya ang mukha nya sa mukha ko sabay sabi ng mejo pabulong, halatang kinikimkim ang galit, “Kahit presidente ka pa ng student council ng kahit saang impyerno, wala sa akin yun. Kayang-kaya kitang patumbahin!” At agad tumalikod, hila-hila si Geraldine na nakatingin naman sa akin, bakas sa mukha ang pag-alala.

Feeling ko umakyat ang lahat ng dugo ko sa ulo. Sinundan ng matatalim kong titig si Harry, ang mga bagang ay mistulang madudurog sa pagpapangalit ng mga ngipin.

Nilapitan ako ni Mark, “Ang yabang talaga ng taong yun! Ano bang sinabi sa iyo?”

“Wala pareng Mark, wag na nating pansinin yun. Bad trip lang siguro yung tao…”

At pinalampas nalang namin ang insedente na iyon.

Natuloy din ang induction ceremony. Nagbigay ako ng maiksing speech, pasalamat dun sa mga sumuporta at bomoto, ini-highlight ko din ang program of action and targets ko for my term.

Pagkatapos naman ng program at sayawan na, nilapitan naman ako ni Mark, kasama si Helen. “Pareng Michael, alam kong wala kang kapartner kaya heto si Helen, wala ding partner. Kayo muna magsama ha? Dito lang ako sa tabi-tabi maghanap ng chick, sabi ni Mark.

“A.. e, sige.” Ang sagot ko. “Hi!” pag greet ko naman kay Helen. “Wala kang kapareha?” dugtung ko.

Binitiwan lang nya ang isang ngiti, tila nahihiya. “W-wala eh. Pero may mga kasama ako, hayun o?” Sabay turo naman nya sa isang kanto kung saan nag-uumpukan ang mga babae, ang iba ay tingin ng tingin sa amin, tila binibiro si Helen sa akin.

Alam ko, may crush sa akin si Helen. Nung magbiro si Mark isang beses at pinaparinig sa akin na alam nya kung sino ang crush ni Helen, alam kong ako yun.

Dahil sa pareho kaming hindi pala-kibo, pakiwari ko’y inaantok ako. Hindi ko talaga alam kung paano magkwento pag kasama ko ay babae lalo na kapag maganda. Tila nalulusaw ako, o kaya’y di makahinga, di alam kung ano ang topic na buksan. “A… e… maingay no?” ang nasambit ko nalang.

Sagot naman nya, “Oo”

Tahimik.

“Ano ba to… ang igsi-igsi naman ng sagut di ako maka-connect” sa isip ko lang. “A… mainit no?” tanong ko ulet.

“Oo.”

“Grrrrr!” Sabi ko sa sarili. “A, ganito nalang…” Tanong ko, “Helen, gusto mo ba ng drinks? Ikukuha kita?”

“Eh… Wag na, salamat.”

Ganyan lang ang takbo ng usapan namin. Isang tanong, isang sagot, hehe. Kaya di maiwasang mai-kumpara ko si Helen kay Geraldine. Halos pareho lang ang ganda nila pero iba pa rin si Gerladine. Masarap kasama, palakwento, palabiro, walang dull moments kumbaga. Kay Geraldine, napapawi lahat ang pagkamahiyain ko. Kaya kahit kasama ko si Helen, lalo lang akong nasasaktan sa nakikitang iba ang kasama ni Geraldine.

Nung matapos na ang party, nagsi-uwian na kami. Dahil ang mga barkada ni Helen ay inihatid na rin ng mga kani-kanyang mga kaibigan yung iba’y manliligaw, at si Mark naman ay may inihatid ding chick, inihatid ko na rin si Helen sa bahay nila dahil sa wala siyang kasama pauwi, mejo umuulan pa naman.

Nasa may interior ang bahay nila ni Helen at ang pathway ay hindi lang masikip kungdi wala pang ilaw dahil brownout. At dahil sa hindi ito sementado at maulan-ulan nga sa gabing iyon, madulas at maputik. Kaya maingat kaming naglakad, nangangapa sa daanan. Malapit na kami sa harap ng bahay nina Helen nung bigla syang ma-slide. Dali-dali kong sinalo ang katawan nya. Napayakap kami sa isa’t-is. Sobrang nadikit ang mga mukha namin na naririnig ko at naaamoy ang hininga nya. At ewan, di ko lubos maunawaan ang naramdaman ko sa eksenang iyon. Naglalaro sa isip si Geraldine at tila may init na mabilis gumapang sa buo kong katawan.

Sa bilis ng pangyayari, naalimpungatan ko na lang na nagdikit na ang mga labi namin. Sobrang lakas na kabog ng dibdib, at pakiwari koy nagbabaga ang bugso ng init na nag-umapaw sa katawan ko. Niyakap ko ng mahigpit si Helen at putuloy syang hinalikan habang ramdam ko namang ginantihan din nya ang mga halik at yakap ko. Yun pa ang unang halik ko, at baka yun din ang kay Helen.

“Uhhhhhmmmppppppt!” dinig kong napaungol sya.

Ngunit kung gaano man kabilis ang pangyayari ay sya ding bilis nung mahimasmasan ako. Kumalas ako sa yakapan at halikan namin. “S-sorry.”

“Michael… wag mo akong saktan.” Ang nasabi nalang nya.

At nagpatuloy na kami ulet sa paglalakad. “A… sige dito na pala tayo.” Ang sabi nya nung makarating na kami sa harap ng bahay nila. “Sige, good night, ingat ka!” sabay kaway.

“A, sige good night! Sleep well Helen!” ang sabi ko at pabiro, walang malisyang binigyan sya ng flying kiss.

Yuna ang nangyari sa amin ni Helen sa gabing iyon.

Ngunit kinabukasan ng hapon sa school, pagpasok ko pa lang ng gate, tinapik kaagad ako ni Mark. “Pareng Michael, balitaan mo nga ako tungkol sa inyo ni Helen? Kaw ha, may pasikreto-sikreto ka pa jan!”

Nabigla sa klase ng tanong nya, “Anong sa amin ni Helen? Anong pasikre-sikreto? Wala, hinatid ko sya kagabi, yun lang.”

“Yun lang?” sabay bitiw ng nakakalokong tingin. “Hmmmpt! Bulong-bulongan pare, sa mga ka-tropa ni Helen, na magsyota na raw kayo. Naghalikan pa nga daw kayo eh! O ano, magdeny ka?”

Napakamot ako sa ulo. “Putsa naman o!” Sigaw ko sa sarili. “E, paano ko maging syota si Helen, e hindi ko naman iyan niligawan. Tadu ka, kakahiya ka.”

“Hoy, di lahat ng magsyota nagsimula sa ligawan. At… promise pare, yan talaga ang umiikot na tsismis.”

“Ewan ko sa iyo. Maniwala ka ba kaagad sa mga tsismis? Si Helen, tinanong mo ba?”

“Oo! Ako pah!”

“At anong sabi nya?”

“Confirmed!”

Hindi ko malaman kung matawa o mainis sa narinig.

“Hoy, ano ba? Magsyota na ba kayo?”

“E, di, Oo. Tinanong mo na pala sa kanila eh.” Ang sabi ko nalang. Alam kung pag i-dedeny ko yun at totoo palang sinabi ni Helen, ay masasaktan ang kalooban niya pag ideny ko sa mga barkada nya.

Dali-dali kong hinanap si Helen upang i-klaro kung panung nag-leak yung nangyari sa amin. Sa pag-uusap namin, napag-alaman kong sinabi pala nya ang nangyari sa amin ng gabing iyon sa best friend nya at di namalayang may nakinig palang iba din nilang mga kaibigan. At iyon, kumalat na. At di ko rin alam kung bakit sa pagkakataon ng pag-uusap naming iyon, tila gumaan ang loob ko sa kanya, at di na ako naiilang na magsalita.

“Alam mo bang magsyota daw tayo – sa tsismis nila?” tanong ko.

“O-oo.” Sagot nyang kitang-kita ko ang pag-blush, sabay yuko. “Sorry, kasi… kinukulet ako ng tanong kanina ni Mark eh. Ayaw nyang maniwala na wala nga tayo. Sinabi ko nalang na oo para mahinto sya.”

Pinagmasdan ko syang maigi, tila sinuring mabuti sa mukha nya ang tunay nyang naramdaman. Kitang-kita ko ang pamumula nito, ang pagkagat nya ng labi sa hiyang naramdaman. At napagtanto ko na gusto din nya iyon, ang kumakalat na tsismis na kami na nga. “Bakit, ayaw mo bang maging boyfriend ako?” ang naitanong ko.

Hindi sya umimik. Hindi ko pa rin inalis ang mga mata sa maganda nyang mukha. At, ewan ko ba, pero sa nakita ko sa kanya, may naramdaman akong awa, pagkahabag. Parang gusto ko syang yakapin, pagaanin ang damdamin. At tumagus sa puso ko ang mga ito. Ramdam ko ang sobrang kabaitan nya na tila di ko kayang saktan ang damdamin nya.

Umusog ako sa kinauupuan upang lalong maglapit kami. Inakbayan ko sya, “So, officially mag-on na tayo?”

Itinaas nya ang ulo nya at tiningnan ako, pinakawalan ang isang kiming ngiti. “Anong isasagot ko?”

“Ano bang isinagot mo kay Mark oanina?”

“Oo”

“So, tayo na nga. Yeheeyy!” ang nasambit ko nalang.

Natawa na rin sya sabay kurot sa tagiliran ko. Nawala na sa aming dalawa ang hiyaan.

Nasa ganung ayus kami nung dumaan si Geraldine, hindi kasama ang boyfriend na si Harry. Nakita nya kami ni Helen. Napansin ko kaagad ang paglungkot ng mukha nya at pagmamadali.

“A, e… Helen, sandali lang ha?” ang pagpapaalam ko at hinahabol na si Geraldine.

“Geraldine! Gerladine!”

Lumingon sya at nung makita ako ay tila binilisan pa nya ang paglakad. Ngunit mas mabilis ang takbo ko kaya hinarang ko na sya. “Hey, kumusta?”

“Hi!” ang maiksi nyang sagot, patuloy pa rin ang paglakad ng mabilis.

“G-galit ka ba sa akin?” ang sabi ko, habol-habol sya.

“Hindi, may problema lang ako.”

“Kung ganun, ba’t di mo sabihin sakin? Malay mo makatulong ako?”

“Wala kang maitulong, Michael.”

“Try me!” Nung hindi pa rin tumugon, “Please…?” ang sabi ko.

Tila nahimasmasan, dinala ko sya sa botanical garden. Naupo kami sa damuhan, sa ilalim ng malaking puno.

“Ok, anong problema mo?” tanong ko kaagad.

Napabuntong hininga sya ng malalim. “Alam mo, Michael, magsyota kami ni Harry pero hindi ko naman talaga sya mahal eh. Mayaman ang pamilya niya, at ang pamilya ko ay may malaking utang na loob sa pamilya nya. Mahal ako ni Harry, alam ng mga pamilya namin yan. At nung niligawan nya ako, pinuwersa ako ng mga magulang ko na sagutin sya… At kanina lang, sinabi ng mommy na nag-usap na daw sila ng mga magulang ni Harry sa planong ipakasal kami pagkatapus na pagkatapus kaagad ng pag-aaral namin.” Ang sabi nyang tumulo na ang luha.

“Ano ang problema mo ngayon? Gwapo si Harry, mayaman…”

“Hindi ko sya mahal, Michael! Naintindihan mo ba? Hindi ko sya mahal.” At humagulgol nang tuluyan. “May iba akong mahal!” dugtung nya.

Kinabahan kaagad ako sa narinig na may iba syang mahal. “Sino mahal mo?” ang tanong ko kaagad.

Tahimik. Tila nahirapan syang iladlad kung sino ang lalaking mahal nya.

Kinumpas ko ang mga kamay, ang mga mata’y nangungulet na bigkasin nya ang pangalan.

Mistulang naninisi ang mga mata, ang nabigkas nya lang ay, “Ikaw…”

Parang gusto kong mawalang-malay sa narinig. “Paki-ulit nga?” tanong ko, hinawakan ko ang balikat nya.

“Ikaw Michael, ikaw ang mahal ko!” Ako, mahal mo rin ba…?”

(Itutuloy)

******************************************

Sana Ikaw Na… [5]

Tila namanhid naman ang buong katawan ko sa tanong na iyon. Kahit ganung inaasam-asam ko sya, hindi ko pa rin inaasahan ang bilis ng mga pangyayari.

“Michael, tinanong kita, mahal mo ba ako?“

Tila binatukan ako sa muling pagsasalita ni Gerladine, mistulang nagising sa isang napakalalim na panaginip. “O-oo. Mahal na mahal kita, Geraldine. Simula nung una palang kitang nakita sa library, tinamaan na kaagad ako sa iyo.”

“Kaya mo bang panindigan ang sinabi mo?” ang sabi nyang napakaseryoso pa rin ng mukha.

Tumango lang ako, umusog sa kinauupuan at niyakap sya, hinihimas ang buhok, ang likod, pinapagaan ang damdamin.

“Salamat, Michael… di ko talaga alam ang gagawin.”

“Wag kang mag-alala, nandito lang ako.”

Nasa ganun kaming ayos nung biglang may kumuwelyo sa akin at pwershan akong hinila patayo. Nung nakatayo na, naalimpungatan ko na lang ang mga barkada ni Harry na nakapaligid sa akin.

“Tangina ka, pati ba naman girlfriend ko ay aagawin mo!? Inagaw mo na sa akin ang pwesto sa student council at ngayon, pati girlfriend ko’y agawin mo na rin! Gahaman ka rin ano?” ang narinig kong nanggagalaiting sigaw ni Harry na sya palang kumuwelyo sa akin.

“Harry, wag! Wag! Wala syang kasalanan!” Ang sigaw naman ni Gerladine.

“Wag ka ngang makialam dito!” Ang sigaw naman ni Harry kay Geraldine nung tangkang lapitan nya ako.

Tinangka kong pumalag at manlaban ngunit inundayan na ako ng suntok ng limang mga kasama ni Harry, ang isa ay may metal pang nakakabit sa kamao. Dahil dun at sa dami nilang nagpakawala ng suntok, walang binatbat ang pagsisikap kong gumanti. Duguan ang mukha, ilong at napalublob na sa damuhan. Hindi ko na nagawang tumayo pa ulet dahil sa hilo.

Hinawakan ng mga kasamahan ni Harry ang dalawa kong kamay at pinatayo paharap kay sa kanya. “Ngayon, tingnan natin kung hindi ka matutu nitong gagawin ko.” Sabay dampot ng isang malaking kahoy.

“Blag! Blag! Blag!” ang malalakas na mga palo ni Harry sa paa, sa tiyan, at sa dibdib ko. Doon pa lang halos mawalan na ako ng malay. Hindi pa sya nakuntento, sipa at malalakas na suntok naman ang pinakawalan sa buong katawan ko.

“Arrrggggg! Arrrgggg! Arrrrrgggg!” ang nasambit ko nalang.

“Harry! Tama na! Tama na pleasseeeeeee!” ang sigaw ni Gerladine ang boses ay halos mabibiyak na.

Nung mapansin ng iba pang mga estudyante ang insidente at nagtakbuhan ng palapit ang mga ito sa kinaroroonan namin, bigla din akong binitawan ng grupo, si Geraldine ay hinablot ni Harry at isinama sa mabilisang paglisan.

Naiwanan akong ma-isa, lugmok sa damuhan, duguan ang mukha, bibig, ilong, at hilong-hilo. Ang huli ko nalang narinig bago tuluyang nawalan ng malay ay si Helen. “Michel! Ano bang nangyari?! Bakit ka nila binugbog?!!”

Sa hospital, si Helen ang nandun sa tabi ng kama nung manumbalik na ang malay ko, naupo sa isang silya ngunit ang ulo ay nakadantay sa mismong kama na hinigaan ko, mahimbing na nakatulog. Nung gumalaw ako at umungol sa sakit ng buong katawan, nagising sya at ngumiti. “Musta ka na?”

Iniikot ko ang paningin sa buong kwarto. Nandun din ang nanay ko sa may uluhan, malungkot ang mukha, umiiyak.

“Bakit ako nandito?”

“Binugbog ka nila ni Harry, di ba?” Sagot ni Helen. “Mabuti naman at nagising ka na” dugtong nya.

“Ah… Oo nga pala. Ouccchhh!” ang daing ko nung gumalaw ng bahagy. “Matagal na ba ako dito?” tanong ko sa kanila.

“Halos 20 hours na. Grabe ang pagkabugbog nila sa iyo, Michael. Kala namin di ka na magising.” Sagot ni Helen.

“Ganun ba? Ang natatandaan ko pinalo pa ako ng parang dos por dos na kahoy yata yun eh. S-salamat ha. Kakahiya naman sa iyo, hindi ka nakapasok ngayon. Si pareng Mark hindi nagpunta?”

“Sila naghatid sa iyo dito. Baka mamaya dito na rin yun. Nasa school pa… Ok lang itong pag-absent ko, minor subject lang naman sya”

“Oo nga pala…” nung mapansin ko ang nanay na nakatingin lang sa amin, “nagkakilala na kayo ng nanay ko?”

Tumango lang si Helen.

“Oo, nagkausap na kami, anak.” Sabi ng nanay tiningnan naman si Helen at nginitian ito, tila alam nya na ang tungkol sa amin.

Yumuko lang si Helen.

“Ikaw? Ok ka na?” Ang baling naman sa akin. “Bakit ka ba binugbog nila? Sinabi ko na sa iyo na wag kang sumali-sali jan sa student politics eh, may matatapakan ka. Mahirap lang tayo, anak… ang importante lang naman ay ang makatapos ka eh, masaya na kami ng tatay mo dun. At kung may honors ka man, bonus na yun. Di na namin pinangarap na papasok ka pa jan.”

“Ok lang po ako nay… wag kang mag-alala, wala ito at maayos din ang lahat ng ito. E… Nasan po pala si Tatay?”

“Umuwi na. May gagawin pa. At ako’y uuwi na din muna, may gagawin pa ako. Tutal nandito naman si Helen. Babalik nalang ako ako mamaya ha? Bukas ka pa daw makauwi.”

“O sige po Nay. Ingat po kayo!”

At umalis na ang nanay, naiwan kami ni Helen. Nung makalabas na sya ng kwarto at isinara na ang pinto, “Ano ba talaga ang dahilan at nabugbug ka, Michael?” ang tanong kaagad ni Helen.

Nabigla naman ako sa tanong nya, iniisip na baka alam nya ng selos ang puno’t dulo sa pambubugbog sakin ng grupo ni Harry.

“A… e… Alam mo namang kung hindi sa akin ay presidente na sana yan ng student council, di ba? Matindi ang galit nyan sa akin. Ang mayamang katulad nya, di tumatanggap basta-basta ng pagkatalo. Ikaw kasi, sinusulong-sulong pa ninyo ang pag-endorso sa akin. May kasalanan ka din” Ang palusot ko.

“Hmmm! Nangononsyensya pa to. Ikaw naman kasi ang karapat-dapat maging presidente eh.” Sabay namang yakap nya sa akin, hinahaplos-haplos ang buhok at ang mukha ko.

“Ganda talaga ng first lady ng campus!” biro ko naman, sabay abot ng kamay ko sa mukha nya at hinipo iyon, hinaplos… habang marahan naman nya itong ginagalaw na tila inenjoy ang kiliti ng bawat pagdampi ng mga daliri ko sa balat nya. Tinitigan ko ang reaksyon ng mukha nya. Nakapikit ang mga mata.

Para akong na-trance sa tagpong iyon. Marahan kong hinila palapit sa akin ang mukha ni Helen at akma n asana syang halikan nung biglang bumukas ang pinto at pumasok ang mga officials ng student council, si Geraldine ang nangununa. Nasaksihan nya ang paghahaplos ko sa mukha ni Helen, at ang paglalapit ng mga mukha namin akmang maghahalikan.

Lumaki ang mga mata ko sa pagkabigla. Bigla namang napatayo si Helen at agad ko ding hinablot ang mga kamay ko. Kitang-kita ko ang pamumula ng mukha ni Geraldine, ang mga mata ay tila nagbabaga sa galit.

“Ehem!” Biro ng mga officials ko, si Geraldine naman ay halatang napikon at halatang itinago lang ang matinding galit.

“Wow!” How rrrrrrrrromanticccc!” sigaw naman ni Mark.

“Taranado to!” sigaw ng isip kong naturete, sabay bitiw ng pananakot na titig kay Mark.

Bigla namang na-kuha ni mark ang mensahe ko at tinakpan ang bibig nya.

Habang may mga nagdala ng pagkain at prutas, ang iba naman ay nagdala ng bulaklak. Isa si Geraldine sa mga ngadala ng bulaklak. Isa-isa nilang inilagay iyon sa vase ang mga ito ngunit ang kay Geraldine ay iniabot pa nya talaga sa akin. Abot-tenga naman ang ngiti ko sa nakitang pulang-pula at malalaking mga rosas na dala niya habang marahan itong naglakad palapit sa gilid ng kama ko.

“Wowwwww! Love pala talaga ako ni Gerladine ko!” Sigaw ng utak ko, di magkamayaw sa sayang naramdaman.

Ngunit nung iabot na ni Geraldine sa mga kamay ko ang mga ito, pasimple namang inilagapak nya ito, pahambalos sa ulo kong naka-bendahe pa.

“Awwwwtttttsssss!” ang pigil na pag-aray ko, ngiwi ang mga labi sa pagkabigla ngunit nakuha din ang ibig nyang iparating na tinitimping galit.

“Ay sorry po, hindi ko sinadya. Masakit ba?” tanong naman ni Geraldine, paghingi ng dispensa. Kitang-kita ko ang palihim na pagbitiw nya ng matatalim na tingin sa akin.

Wala na akong nagawa kungdi haplusin ang lalong sumakit kong ulo, ang mga mata’y tila mga mata ng tutang kabubugbug pa lamana, yumuyukyok, at nag-iiyak-tahol. Habang nakikipagkwentuhan naman sa akin ang mga officers ng council at supporters ko, halata ko namang nagpupuyos sa inis si Geraldine na nakamukmuk lang sa isang kanto, ibinabaling ang paningin sa paligid, sa pintura ng dingding, sa semento, etc…

Nung nginitian ko ulet si Geraldine, ismid lang ang tugon nya. “Ganda pa rin talaga ni Geraldine ko kahit nakasimangot pa. Sheeettt!” bulong ko sa sarili.

Nakalabas din ako ng ospital kinabukasan, naka-arm sling pa. Dahil sa pambubugbog nila sa akin, na-suspend ang grupo nila ni Harry sa school ng ilang araw. Hindi ko na pinalaki pa ang problema. Sinunod ko ang payo ng mga magulang na ipakita sa mga kapwa estudyante na ganun ako kamapagkumbaba, at hindi klase ng naggugulong tao.

At sa tingin ko ay may positibo din namang epekto iyon dahil lalong humanga ang mga estudyante sa papakumbaba ko. Syempre, lalo naman silang nagalit kay Harry at sa mga ka-tropa niya.

Unang meeting ng student council at dun na ako napasubo. Maganda naman ang opening namin, ang pagpapakilala sa isa’t-isa, ang paglatag ng mga general policies at action plans/target activities ko para sa term of office. Inilatag ko ang mga planong mag-put up ng student emergency support fund na kung saan pweding umutang ang mga estudyanteng mahihirap habang na-delay o di pa nagkaroon ng pera sa panahon ng kagipitan, ang planong pagput-up ng mga suggestion boxes sa selected places sa campus, outreach activities na tree-planting sa mga nakakalbong paligid, “adopt-a-baranggay” program kung saan magbibigay kami ng mga hand-me-downs na damit, gamit, libro, gamit sa school, etc sa mga batang underprivileged, ang pagpromote ng recycling with the coordination ng mga local officials upang madesiplina at maengganyo ang mga estudyante at mga local residents na rin sa kahalagahan ng environment, kalikasan, at kalinisan, na i-segregate ang mga basurang kung saan ang mga organic ay madispose ng maayus at nakakatulong pa itong pataba ng lupa, at ang mga recyclables naman kagaya ng plastic, bote, at lata ay mapagkakaperahan. At marami pang iba…

At totoo nga ang mga narinig kong feedback na guguluhin ng mga cronies ni Harry ang meeting. Nanjan yung pinipresent pa lang ang motion ay sinusupalpal na ito. Kung makalusot man sa deliberations at nabotohan na, may kokontra pa rin, “I move that we amend the original motion…” May magse-second the motion din. At kapag na-carried ang motion to amend, may magmo-move naman ng motion to amend further the proposed amendment to the original motion. At kung napagbotohan na ito, may magmo-move naman to reconsider the already carried item. At kung wala ng magagawa pa, mag move ng adjournment, ng recess, mag raise ng point of order, point of privilege, or point of clarification.

Kung tutuusin, magulo na sa mga maneubra palang nilang pagsasabotahe ng meeting. Halatang pinagplanuhan, pinag-aaralan ang mga moves.

“Mr. President, I move that we amend the original motion to read…”

“I am sorry Mr. Morales, the original motion needs to be deliberated upon and voted. If the motion is carried, then that’s the time we have to amend it, unless the objections are greater than those who want the motion to proceed.”

“I want ot register my objection, Mr. President” ang isang Harry-loyalist ang biglang magsasalita.

“I want to register my objections too, Mr. President” ang isa pang harry-loyalist.

“Okay, those who are in favor to proceed with the original motion say ‘aye””

“AYE!” sagot ng mga representatives na pabor.

Those who are not in favor say ‘nay’”

“NAY” sagot ng mga Harry die-hards.

Dahil sa kokonti lang naman talaga ang mga radical na die-hards, “OK, so the ayes have it” ang declaration ko.

“But Mr. President, the motion is too ambigous, it needs to be specified…”

“The representatives have spoken and your objections have been heavily defeated.”

“Then I move to reconsider the decision, Mr. President!”

“Sorry, the rules in parliamentary procedure say that you can only move to reconsider a taken decision if you were on the winnng side of the motion. Were you?”

“Point of clarification, Mr. President?”

“What is your point of clarification, Mr. San Diego?”

“Which part of the rules of parliamentary procedure are you referring to?”

“It’s that part where an annotation is enclosed saying that you don’t ask this question if you are smart.” Ang patawa ko nalang kapag mejo napipikon na.

“Do you mean to say I am stupid?” sagot naman ni Mr. San Diego.

“You just said that; I did not.”

Tawanan naman ang mga respresentatives.

At kapag mejo wala nang mahanap na motion ang mga kumukontra, o di nakakalusot ang plano nila, bigalang “Mr. President, I move to declare a recess of 30 minutes.”

“Sorry, we have to continue with the proceeding and then adjourn outright.”

“I move to put that into a vote”

“I second the motion!”

“I have to remind you that only the presiding officer can decide for a recess if he sees that there is an urgent need for it. Can you give me any urgent reason to have it, Mr. San Diego?”

At dahil nasusupalpal ko din naman ang mga plano nila, umuusad pa rin naman ang proseso.

Ganyan ang takbo ng meeting namin. Lalong tumatagal dahil sa pinapatagal at ginugulo ng mga alipores ni Harry. At lalong naiinis naman ang ibang mga officers. At dahil dito, unti-unting pumapanig na sa akin ang karamihan ng mga kapartido ni Harry sampu ng kabilang partido, at ang sintemento nila ay maka-Michael na.

Sa meeting na iyon, in-appoint ko si Geraldine na chairperson ng action plan and target ko. Tinatawag ko syang APT Chairperson. Role nya ang mag plano, administer, at coordinate, at implement sa iba’t-ibang pet projects ko. Sinadya ko talaga ito upang magkalapit kami.

Nagmamaktol man ang mukha dahil sa inis pa rin nya sa akin, wala ng magawa ito dahil bilang bise presidente, sya ang mas karapat-dapat.

Pagkatapus ng meeting, “Miss Sandoval,” ang family name ni Geraldine “please stay behind. I need to discuss with you something about the APT.”

Nakasimangot pa rin sya at nagmamaktol na bumalik sa kwarto, naupo sa pinakadulong upuan malayo sa akin.

Ako na ang mismong lumapit, umupo sa tabi nya. Seryoso ang mukha, yumuko, hindi nagsalita.

Tahimik, ramdam ko ang nagpupuyos pa ring galit nyang tila puputok anu mang oras.

“Sorry…” ang nasabi ko na lang.

Tiningnan nya ako. “Trabaho sa student council ang reason why you asked me to stay. Will you please go direct to the point?”

“I said I’m sorry…” sabi ko.

“This has nothing to do with the student council, right?” ang napipikon nyang boses. “If this has nothing to do with my position, then excuse me, I have to leave now.” At akma na sanang tumayo ni Geraldine.

“Wait, wait…” ang sabi ko, hinawakan ang mga kamay nya, binitawan ang nagmamakaawang tingin. “Mahal na mahal kit Geraldine, totoo ang sinabi ko.”

Binitawan din nya ang isang titig na puno ng galit. “Sinungaling! Naghahalikan na kayo, di ba? Alam kong naghahalikan kayo! Ganyan ka ba? Tapos ngayon, sasabihin mo sa akin na mahal mo ako? Sinungaling ka!”

“Sorry na please… Ako din naman nasasaktan kapag nakita kayo ni Harry eh. Ano ba kayo ni Harry?”

“At least kami, di naghahalikan!”

“Di kayo naghahalikan… pero ang sweet sweet nyo nung victory party natin, at abot tenga ngiti mo sa pagsasayaw nyo! Alam mo bang parang dinurog ang puso ko sa bawat tingin kong naghoholding hands kayo?”

“At bakit, ikaw ba hindi abot ngalal-ngala ang ngiti mo nung magsama kayo ni Helen sa party na iyon? Ha? Kala mo di ko kayo tinitingnan? Sobrang saya mo yata.”

“Pero hindi kami nagsasayaw”

“Hindi nga, naghahalikan naman!”

Tahimik. Hindi ako nakaimik sa sinabi nya.

Ngunit doon na nag-init ang mga tenga ko nung sinabi nyang, “Siguro yang buo mong katawan ay puro na kissmark nya ano!”

Ramdam ko ang pamumula ng mukha ko, marahil ay dala na rin nga pagka touched ang pride sa akusasyon nya. At pinatulan ko ito. “Tangina, kung anu-ano ang sinasabi neto…” ang galit na galit kong pagmamaktol ko sa sarili.

Hinubad ko ang t-shirt at itinapon iyon sa isang bakanteng upuan sa gilid ko at dali-dali na ring hinila pababa ang pantalon…

“Heto, tingnan mo ang katawan ko. May ni isang kissmark ka bang nakikita? Ha?”

(Itutuloy)

******************************************

Sana Ikaw Na… [6]

“O ano? May kissmark ba ang katawan ko ha?” Tanong ko ulet habang iginigiling-giling ko ang katawan na tila macho dancer sabay bitiw ng nakakalokong tawa.

Kitang-kita ko naman sa mukha ni Geraldine ang pagkabigla. Dali-dali syang tumalikod at tinakpan ang mga mata. “Ba’t ka naghubad jan, bastos!”

Huminto din ako sa pagsasayaw. “Di ba sabi mo may mga kissmarks ang katawan ko? Tas ngayon, kunyari tatalikod ka, may patakip-takip ka pa sa mata.”

“Sinabi ko nga iyon. Pero di ko sinabing maghubad ka! Eeeeeeeew!”

“Eeeew? Eeeew lang ba ang sasabihin mo? Anlaki-laki ng biceps ko, 6-packs pa ang abs, tas ganyan lang? Nagustuhan mo ang katawan ko no? Kunyari ka pa jan.” pangiinis ko

Ngunit tumakbo si Geraldine papuntang pintuan upang layasan ako.

“Oppppps! Walang ganyanan!” Sigaw ko naman. “Kapag binuksan mo ang pinto na yan, hubarin ko pa itong brief ko at sisigaw upang mapansin ng mga tao sa labas. Sasabihin ko pa sa kanila na may nangyari sa atin dito sa loob!”

Natulala sa narinig, bigla syang huminto at nanatiling nakatayo na lang sa harap ng pintuan, mistulang estatwang idinikit dun.

“O ano? Takot ka? Balik ka nga dito! Kungdi tuluyan ko nang hubarin tong brief ko!”

Sa takot, bumalik din si Geraldine sa pagkaupo paharap sa akin. Di na sya nagtakip ng mga mata, ang mga tingin ay nanggagalaiti. “Akala ko ba napakamahiyain mong tao. Akala ko ba, napakabait mo. Nung una pa kitang Nakita, oo o hindi lang ang alam mong salita. Kala ko nga pipi ka eh. Yun pala, napaka-salbahe mo!” sigaw nya.

“Wow! Haba ng dialogue mo, pang award. Hoy, miss APT chairperson, maraming namatay dahil sa maling akala. At, bakit, mahiyain pa rin naman ako ah! Heto nga o, may brief pa akong suot, nahihiya akong ipakita sa iyo si dyunyor ko!” sagot kong pasigaw din. “At syempre, mabait pa rin ako, super bait pa nga sabi nila eh.”

“Super bait pa nga sabi nila eh!” ang narinig kong bulong nya, mini-mimic ang pagkabigkas ko.”

“Smile naman jan…” pang-iinis ko pa.

“Smile mong mukha mo! Kapal!”

“Sige, kapag di ka nag-smile, huhubarin ko na talaga ang brief ko!” ang pananakot ko habang ipinasok ang mga daliri sa ilalim ng garter ng brief, akmang hilahin iyon pababa.

Alam ko, napatingin sya sa aking harapan dahil nung gumalaw ang mga kamay ko papuntang bewang, napansin ko ang mga mata niyang itinuon dun. “Michael, wag ka ngang ganyan! Kakainis ka na talaga”

“Smile lang naman ang hiningi ko eh. Mahirap ba yun?”

“O heto na nga…” sabay bitiw ng ngiting pilit, tila sa asong galit.

“Ay, peke naman yan. Yung natural, yung galing sa puso.”

Tila bata naman syang nagdadabog. “Michael naman…”

“Please?”

“O, heto” at bitiw ulet ng ngiti na mejo may konting feeling na.

“Ganyan… lakihan mo naman”

“Michael naman eh!”

“Please?”

“Arrgggghhhhh!” Sigaw nya. “O sige, heto na” at sabay bitiw ulet ng isang ngiti, na mas may feeling na kesa huli.

“Yan… yan ang gusto ko. Ganda mo kasi lalo na pag nakangiti eh.”

Hindi na sya nakakibo. Alam kong naiinis pa rin sya. Inilipaat ko ang mukha ko upang halikan sana ang pisngi nya. Ngunit sinampal nya ito.

“Arekup!” ang nasambit ko sabay hawak sa pisngi kong nasampal.

“Bakit! May reklamo?”

“Wala…” sabi ko nalang sabay pag-aarte ng masakit na masakit sobra ang sampal nya.

Nung makita nyang nakayuko lang ako, haplos-haplos ng isang kamay ang nasampal na pisngi, nangiwi ang mukha, tila natuhan naman sya at lumapit, sinuyo ako, hinawakan ang kamay kong nakahaplos sa pisnging natamaan nya. “Michael! Masakit ba? Sorry… di ko sinasadya.”

“Tinignan ko sya. “Para di ako magalit na sinampal mo ko, pa-kiss nalang”

Nabigla at napahinto, sumungit ulet ang mukha nya. “Ano ka? Siniswerte?”

“Bakit ganyan na lang ba yun? Pagkatapos mo akong sampalin ganun na lang basta? Ganyan ba ang ugali ng mga mayayaman? Atsaka sabi mo ako ang mahal mo. E, di nagsisinungaling ka nyan!” at hinaplos ko ulet ang pisngi, paramdam na nasaktan talaga ako. “Ansakit-sakit kaya…”

Natahimik sandali si Geraldine, nag-isip. “Sige na nga…” sabay lapit sa isang pisngi nya sa akin.

“Ipinikit mo mga mata mo” hirit ko pa.

“Dami namang kaek-ekan nyan!” reklamo nya sabay naman pikit sa mata.

Ngunit imbis na sa pisngi ko sya halikan, idinikit ko ang mga labi ko sa labi nya.

Nakita ko namang lumaki ang mga mata ni Geraldine sa pagkagulat nung sa di nya inaasahan, sa bibig nya dumantay ang mga labi ko. Pumiglas sya ng pumiglas, pilit isinara ang mga labi upang ko mahalikan. “Ummmmpppptttttt! Ummmppppptttt!”

Ngunit ini-lock ko ang mga braso ko sa katawan nya at pilit pa ring nilalaro ng mga labi ko ang mga labi nya. Hindi na sya nakapalag. Hanggang sa maramdaman ko nalang na kusa nyang ibinuka ang bibig nya. Nagsipsipan ang mga labi namin; nakilaro na rin ang dila nya sa dila ko. At sabay kaming umuungol, “Uhmmmmm! Uhhmmmmmm!”

Nung matapos ang halikan, kitang-kita ko sa mukha ni Geraldine ang kaligayahan, binitiwan muli ang mga ngiting lagi kong nakikita sa kanya. Tinitigan nya ang mukha ko at maya-maya, hinahaplos-haplos ng mga kamay nya ang ang pisngi ko.

Matamis na ngiti din ang iginanti ko, hinaplos-haplos din ang mukha nya. Nagtitigan kami, ramdam ko ang init na dumaloy sa buong katawan ko, tila may gustong kumawala. Mapupungay ang mga mata na mistulang nakikiusap, ang nasabi ko nalang sa kanya ay, “Alam mo, ikaw ang unang halik ko…” iniisip na susunggaban sya ng isa pang halik.

Akala ko ay tuluy-tuloy na iyon, bibigay na rin si Geraldine sa akin, at tuluyan na kaming maalipin ng kamunduhan.

Ngunit bad trip yata yung nasabi ko. Kitang-kita ko ang pagsimangot at pag laki ng mga mata ni Geraldine, nanggagalaiti, sabay bitiw ng isang malutong na sampal sa kabila kong pisngi. “Splak!”

“Araykopo! Bakit na naman!” ang nasambit ko ulet, biglang natauhan. “Sampal ka ng sampal sa akin… Nakadalawa ka na ah!”

“E, sinungaling ka pala eh. Sabi mo first kiss mo ako. E di ba nauna na si Helen?”

“E…” napakamot ako sa ulo, nawala bigla ang sakit ng sampal nya. “Hindi mo naintindihan e. Ganito yun…”

“Sige, magpaliwanag ka!” ang pag interrupt nya.

“Heto na nga... Exaggerated lahat ng iyon. Pinalaki lang ng mga kaibigan ni Helen at supporters ko iyon. Ang totoo nyan, nadulas si Helen nung gabing iyon kaya napayakap sya sa akin…”

“At sinunggaban mo naman kaagad ng halik, ganun?” Ang pag interrupt nya ulet.

“Hindi nga eh! Kulet mo. Nadikit lang ang mga mukha namin.”

“Wow! At tsamba din sigurong nagdikit ang mga labi nyo at napasok ang dila mo sa bibig nya?”

Hindi ko malaman kung matawa sa sinabi nya o mainis. “Ano bang pinagsasabi mo?” ang tanong ko nalang.

“Wag ka ng magsisinungaling Mr. Michael Alandi! Alam ko na ang estorya. Kalat na kalat eh. Kulang na nga lang video para full-blooded scandal e.”

“Aksidente lang talaga yun Geraldine, at di kami naghalikan na gaya ng ginawa naten kanina. Promise. Si Helen ay kilala mo, diba? Mabait, at loyal na leader ng mga supporters ko. Utang ko sa kanila ang pagkaluk-luk ko sa student council. Kaya, nakiki-ride on nalang ako sa mga biru-biruan nila. Alam ko namang si Harry pa rin ang lider ng partido nyo at alam kong kayang-kaya ninyong i-impeach ako eh. Kaya, importante pa rin ang suporta ng mga estudyante sa akin…”

Tila naniwala naman si Geraldine sa explanation ko at napa “Talaga? Totoo yan?” sya.

“Totoo pow yan… miss sungit” sagot ko naman na pabiro na, may pa pow-pow pa. “Kaw talaga ang first kiss ko.”

Natahimik sya sandali, nag-isip. Maya-maya, “O sige, maniwala ako sa ngayon. Pero conditional lang iyan ha. Kapag may narinig pa ulet akong isang aksidenteng uli na halikan ninyo, magre-resign na talaga ako sa pwesto na to”

“S-sige pow” ang sabi kong mistulang isang kordero ang bait sabay haplos ng pisnging nasampal at bulong, “Mas masakit yun ha, dapat may kiss na naman!”

“Ano? Ki-kiss ka ulet? E, kung sasampalin nalang kaya kita ulet?”

“Wag na pow, tama na yun!” ang biglang kabig ko naman, iniisip na baka magbago pa ang isip at haharangin ulet yung palusot ko.

Tiningnan nya ako. “Isuot mo nga yang pantalon at t-shirt mo! Kakahiya ka!”

“Ay! Oo nga pala, hehe.” Ang tugon ko nalang at dali-dali akong nagdamit.

So, nakalusot nga ako kay Geraldine – at naka- kiss pa (may sampal nga lang). Ganyan lang kadali ang explanation ko sa kanya; na hindi nya kailangang mag-worry dahil sa lider nga si Helen ng mga supporters ko at nakiki-ride on lang ako sa mga biru-biruan nila.

Sa parte naman ni Helen, nung isang beses na nakarating sa kanya ang balita na na-involved si Geraldine sa pambubug ng mga barkada ni Harry sa akin at iyon ay dahil sa selos, ang palusot ko naman ay ganito: “Ah, si Geraldine? Wala yun. Syempre, vice president yan ng student council at charperson pa ng APT kaya may mga time talaga na mag-uusap kami, mag-discuss ng kung anu-anong tungkol sa problema sa projects namin. Yan ang dahilan kung bakit nagseselos sa akin si Harry. Si Harry pah! Hindi tumatanggap ng pagkatalo yun, lalo na sa isang katulad kong na mahirap lang. Sa iyo lang ako. Tandaan mo palagi, ikaw ang first kiss ko.” At dahil sa likas na mabait si Helen, madali itong naniniwala.

At sa tingin ko namay umuubra ang style ko. At ewan ko rin ba, kung nung bago ako naging presidente ng student council ay napakamahiyain kong tao, napaka-demure kumbaga at halos hindi marunong magsalita, nung maranasan ko na ang position at ma experience maki-debate sa mga mayayabang at matatalinong mga estudyante, tila may nagbago na rin sa pagkatao ko. Hindi naman totally pero sa nakita kong suporta ng mga estudyante sa akin ay mejo naging confident ako sa sarili. At dahil na din siguro sa napasukang sitwasyon sa gitna nina Geraldine at Helen, natutu na rin akong gumawa ng mga palusot, pambobola, at pag-aalibi. Ayoko din naman kasing masaktan silang dalawa. Alam ko, it was evil. But, sa tingin ko naman, it was a necessary evil. Kumbaga, ang pagkatao kong dati ay totally maginoo, na-converted na ito sa pagiging maginoo pa rin pero mejo pasaway na nga lang.

Dahil dito, naging madali na sa akin ang lahat. Kapag nakita ni Helen na nagsama kami ni Geraldine, iisipin nyang “Ah… dahil yan sa mga projects nila sa student council” at kapag naikta naman ni Geraldine na nagsama kami ni Helen, sasabihin naman ni Geraldine na, “Ah, nakiki-ride on lang si Michael jan sa kanila…” kaya, epektib ang palusot ko.

Akala ko, tapus na ang problema ko sa kanila at mapayapa na ako sa mga gawain sa school at sa student council. Ngunit may mas malaki pa pala akong problema.

Isang araw nung papasok na ako sa gate ng school, nabigla na lang ako nung may tumapik sa balikat ko, “Pareng Michael! Buti’t nakita kita kaagad. May bad news ako sa iyo!” ang balisang sabi ni Mark.

“Bakit? Ano yun, pareng Mark…?”

“May alam ka naba sa kumakalat ngayon na video clip campus scandal?”

“O, e, anu naman ang kinalaman ko dun, wala akong panahon pareng Mark upang gumawa pa ng kung anu-anong kabulastugan.” Ang simpleng sagot ko sa kanya.

“Sigurado ka ba?”

“Oo naman. Bakit, ano ba ang laman ng video clip na yan?”

“E… wag kang mabigla.”

“Tangina, sabihin mo na, ano?”

“I-ikaw, pareng Michael.”

Tila bigla akong binagsakan ng isang malaking bato sa ulo. “Ha??!!!”

(Itutuloy)

******************************************

Sana Ikaw Na… [7]

“Panung ako, pareng Mark?”

“Teka, teka. May time ba na nagsasayaw ka sa loob ng isa sa mga kwarto dito sa campus?”

Nag-isip ako sandali. “E… loko ko lang yun eh! Napikon kasi ako nun kaya ko ginawa” Ang pangangatwiran ko. “Sandali… meron ka bang kopya nyan?” tanong ko.

“Meron. Halika, tingnan natin!” sabi ni Mark at sabay kaming nagpunta sa likod ng campus, naupo sa ilalim ng isang malaking puno. Dali-daling binuksan ang cp nya.

Nung iplay na ni Mark ang clip, nandun nga ako, nagsayaw-sayaw at sa harap ko ay isang babae na naka-pixelized, sinadyang hindi iyon ma-identify. At ang sobrang ikinagugulat ko ay sa clip na iyon, wala akong brief at kitang-kita ang harapan at ang ari ay tirik na tirik.

“Shit! Panu nangyari yan, pareng Mark! Ako nga yang lalaki pero naka-brief ako nun!”

“E, di ang ibig sabihin nyan ay tinatamper nila yan para magmukha kang manyakis.”

“Shitttt! At… sino naman kayang tanginang kumuha nyan?”

“E, malay ko ba. Pero bakit ka nga ba nagsasayaw?”

“Mahabang estorya eh, pero loko ko lang talaga yan”

“At sino naman ang babaeng kasama mo jan na niloloko mo?”

“E… wag na natin syang idamay.” Ang pagdepensa ko nalang kay Geraldine.

“Ok, irespeto ko yan. Pero saganang akin lang, pareng Mike, baka may kinalaman ito sa pulitika.”

Natahimik ako sandal, nagisip. “Wala akong ibang mapagbentangan pareng Mark e. Talagang hindi ako lulubayan ng Harry na iyan ah!”

“Panu yan pareng Mike kung iimbistigahan ka o gawing basehan yan para i-impeach ka sa partido nina Harry?”

“Bahala na… haharapin ko. Sa tingin ko naman ay susuportahan pa rin ako ni Geraldine kung sakaling may imbistigasyon. Aaminin ko na sumasayaw-sayaw nga ako. Pero hindi ko hinubad ang underwear ko. At ang insidenteng iyon ay lokohan lang nain nung babaeng kasama ko jan. Kumbaga, personal na iyon dahil wala naman talagang nangyayari.”

“Tsk! Tsk! Kala ko pa naman napaka-kagalang-galang mong tao, iyon pala, may kulo ka ring itinatago.”

“Minsan nga lang akong gumawa ng ganun eh. Syempre naman, para maiba. Yun pala, minamanmanan nila ang bawat galaw ko.”

“E, nanjan nay an eh. Wala na tayong magawa. Basta kung kailangan mo ang tulong ko, anjan lang ako, pareng Michael, susupurtahan kita. Walang iwanan”

“Thanks pareng Mark. Maaasahan ka talaga.”

“Basta ikaw, pareng Michael!”

Syempre, kinabahan din ako sa nangyari. Di mapakali, di makatulog. Pero nagbabakasakali rin ako na nasa akin ang suporta ni Geraldine. Nasa kanya ang susi ng pagka-exonerate ko sa problemang iyon.

Ngunit dumaan ang isa, dalawa, tatlo, apat na araw, di nagpaparamdam sa akin ni Geraldine. Hindi dumadalaw sa office ng student council, at kapag nakita ako sa isang lugar ay kusa syang umiiwas.

Lalo akong naguguluhan sa mga pangyayari. Pumasok sa isip na baka may sabwatan sila ni Harry at plano talaga nilang i-impeach ako at sirain ang reputasyon sa mata ng mga estudyante at school administration.

Hindi ko alam kung ano rin ang plano ng school administration at hindi inimbistigahan kaagad ang kaso ko. Ngunit habang tumatagal ito, torture naman ang dulot nito sa akin.

Naging hati na rin ang simpatiya ng mga estudyante. Marami na ang mga bumabatikos, although meron pa rin namang loyalista. Ngunit kahit sa grupo ng mga supporters ko na pinangunahan ni Helen, ang iba ay nagagalit na din dahil dun sa babaeng kasama ko sa clip.

Alam ko, ang clip na iyon ang pinag-uusapan ng mga estudyante sa buong campus. Minsan, may napapansin akong mga nagpaparinig, may bigla na lang tumatawa na may kakaibang kahulugan, may mga tumitingin na tila nananadya.

Minsan nung mapatambay ako ng student center kasama ang kaibigang si Mark, may narinig akong mga estudyanteng nag-uusap, akala wala ako dun, “Totoo kaya yung nasa video clip na pagsasayaw ni Michael?” tanong nung isang estudyante.

“Syempre naman, mukha nya yun eh.”

“Parang di ako makapaniwala eh, nagawa niya yun, eh… sobrang desente nga nung tao, mabait, napakalinis ng imahe, kagalang-galang.”

“Anong kinalaman ng pagkamabait sa pagkamanyakis?” sagot naman ng isa, sabay tawanan ang buong grupo.

“Oo nga! Tsaka, all the way yung sayaw eh, nakatirik pa yung ari nya – eeeewwww!”

“May pa-eeeewww ka pa jan. Alam namin pinagpapantasyahan mo iyon!

Tawanan na naman sila.

“At sino naman kaya ang babaeng nasa clip din?”

“Malay natin? Kung sino man ang nagrecord nun, sya ang may alam kung sino ang babaeng iyon.” sagot naman ng isa.

“Ang swerte-swerte naman ng babaeng iyon, nakita nya talaga ng personal yung kay Michael, ano? Nahipo nya din kaya yun?”

Tawanan ulet.

“Tila gusto mo yatang maki-bahagi sa scandal ah.”

“Ang gwapo-gwapo kaya ni Michael. Kahit buntisin nya ako, type!” sabi naman ng isang bakla sabay halakhak.

Sa mga naririnig ko, hindi nalang ako kumikibo. Iniisip kong pag-aralan ang bawat galaw at reaction na sasabihin o gagawin upang hindi lalong lalaki ang issue at hindi ako magmukhang kaawa-awa, o magmukhang talunan. Ang isinasagot ko nalang kapag may nagtanong kung totoo yun ay, “Tampered”.

“Pareng Michael, wala ka bang gagawin? Wala ka bang dapat i-explain? Mukhang kapag wala kang ginawa ay iisipin ng mga estudyanteng totoo nga yung video. Maraming naghihintay na magsalita ka. Yung iba ang pag-deny mo nalang ang hinihintay nila at maniniwala na sila sa iyo. Kung babagalbagal ka, baka tuluyan ka ng mawawalang ng mga supporters.”

“May plano ako, pareng Mark…”

“Pwes, dalian mo ang plano mong yan at marami na ang naiinip.”

Agad pinuntahan ko ang director of student affairs na madre at nakipag-usap. “Sister, have you heard of the video clip scandal involving me?”

“Yeah, and we saw it.” Ang kalmanteng sagot ni Sister.

“What? And you did not even bother to call me up, talk to me, or ask for my side?”

“At the moment, there is no need Mr. Alandi. We are first conducting our own investigation if the clip is authentic.”

“And…?”

“And we will let you know the results within this week.”

“Won’t you even ask me if it was true?”

“OK, you can tell me what’s your side of truth, Mr. Alandi.”

“It’s tampered Sister, just to make it appear that I was doing it all the way.”

“So it’s true.”

“It’s brazen lie, Sister.”

Tiningnan lang ako ni sister, tila nagtatanong ang kanyang mga titig.

“You don’t believe me, Sister, do you?”

Binitawan ni sister ang isang malalim na buntong hininga. “You understand my situation, Michael. I won’t say anything for or against something if there is nothing to support my statements. But… if your conscience is clear, then you have nothing to fear. The truth will come out…”

“I told you before Sister. I don’t want this responsibility, I hate being in student politics. I know that this is the handiwork of my political opponent – to ruin me, to assassinate my character.” ang paninisi ko sa kanya dahil sya ang nag-encourage sa akin na tanggapin ang responsibility.

“Are you blaming me now?”

Hindi ako kumibo. Yumuko nalang, pagpapahiwatig na sya nga ang dahilan.“

“O, Michael… you didn’t understand. Responsible people stand by the decisions they make. You cannot just make decisions because someone tells you to do something. Friendly people are there to help you, to give you advice, to let you see situations from their vantage points. That’s your friends’ role. But the final decision is yours. And once you make that decision, it comes with your personal responsibility; not your friends’ anymore.”

Hindi pa rin ako kumibo.

“If a friend tells you to jump off a cliff, will you do that? Of course not, if you are in your right mind. It is because you know it could kill you. But when your friend tells you to buy something to eat and you do it, will you blame him if you have bought the wrong food? Yes, I advised you to accept the challenge; but I did not tell you to be stupid.”

Pakiramdam koy tutulo na ang luha sa narinig. Mejo sumama din ang loob ko. Alam kong may halong paninisi ang salita nya. “I think I have no option but to resign from my post as president of the student council.” Ang nasambit ko nalang.

“See? You still don’t get the point. You know what’s your problem? You refuse to listen. We don’t quit in the middle of a game, Michael, much less surrender in the middle of a fight. Don’t be a quitter; a quitter never wins and a winner never quits. Life is full of challenges. After this one, I’m sure you will be faced with another, even a lot bigger. So face this one now. Take this positively as an opportunity to prove your self-worth. When you have successfully risen above this mess now, you’ll understand how capable you are. So that when the next challenge comes, you are more than ready to face it. We don’t evade from challenges, Michael; coz the more we run away from it, the more it will haunt us. We have to face it; that’s the only option. By facing it we can either succeed or fail. But whether success or failure, the good thing about it is that we learn our lessons and we become better, wiser, and stronger persons.”

Wala na akong nagawa kungdi ang lumabas sa office nya, tulirong-tuliro pa rin kung ano ang gagawain.

Habang tumatakbo ang araw, sobrang nagugulo naman ang isip ko, di lang dahil sa problemang nasangkutan kungdi pati na rin sa ipinakitang pagbabago nio Gerladine sa akin. Oo,, nandun si Helen, nakiramay sa akin, naaawa sa akin kahit alam kong nagdurugo ang puso nya dahil sa babae dun sa clip. Kahit hindi ko sinabi sa kanya kung sino iyon, hindi nya na ako pinilit at nirespeto nya pa rin ang desisyon kong wag sabihin sa kanya. Dun ko nakita ang sobrang kabaitan ni Helen. At nasabi ko sa kanya na siguro, talagang si Helen ang para sa akin. Hindi sya katulad ni Geraldine na kung kelan ko sana kailangang-kailangan ang tulong nya, ay saka pa sya hindi nagparamdam. Kahit papano, dun ko na-measure ang pagmamahal ni Helen sa akin. Hindi sya peke, hindi katulad ng kay Geraldine.

Ngunit si Geraldine pa rin ang mas matimbang sa akin. Sya pa rin ang hinahanap-hanap ng puso ko, ang mas mahal ko. Hindi ko alam kung bakit kailangang sya pa, samantalang nanjan naman si Helen na handang tumulong, sumuporta, dumamay at tumanggap sa mga kamalian ko.

Marahil ay dahil sa hindi ko pagpalabas ng official statement tungkol sa video clip na kumakalat, nagpatawag na ng emergency session ang student council na pinagunahan ng mga kapartido ni Harry, at ang main agendum ay ang issue tungkol sa akin at ang hakbang na dapat mapagdesisyonan nila kung impeachable ba ito o hindi at kung impeachable man, ay simulan nila ang proceeding. Dahil sa mahigit 2/3 majority ang mga representatives ng partido nila sa council, mabilis itong nakalikum ng signatures upang ituloy ang emergency session atitinakda ito kinabukasan kaagad.

Umattend ako sa meeting at ako ang nagbukas nito. “Since the issue involves me, I hereby inform the body that I am inhibiting myself as presideing officer of this proceeding and in my place, the vice president shall take charge.”

“Point of information, Mr. President. The vice president is absent”

Kitang-kita sa mukha ko ang pagka-disappoint sa narinig na confirmation. Pakiramdam ko ay talagang ibibitin ako ni Geraldine sa ere. “Ok, then. If there is no objection, may I call on the secretary to handle the proceeding?”

At dahil wala namang nag-object, tumayo kaagad ang secretary at nagpunta sa harapan habang ako naman ay umupo sa isang bakanteng upuan sa may harapan. Mejo kampante rin ako ng konti dahil ang secretary ay isang oppositionist na alam kong ang simpatiya ay nasa side ko.

“Ok, the agendum at hand is about an issue involving the president of the student council. May I ask for your suggestions on how to proceed with any action to take?”

Tumaas ako ng kamay at tinawag naman ng secretary.

“Yes, Mr. President?” tanong ng secretary.

Ngunit hindi pa man ako nakapagsalita ay may nagsalita. “Point of clarification, Miss presiding officer!” ang pag-interrup naman ng isang Harry loyalist.

“Yes, what is your point to clarify, Mr. San Diego?”

“This is an issue that involves the president so I suggest that he be barred from this room.”

“Point of order!” Sigaw ko kaagad. “If the issue is about me, then I should be here to defend myself. What kind of proceeding will that be if the accused is not allowed in, if he can’t present his side? Please take note that unless otherwise proven beyond reasonable doubt, I remain to be innocent. I already inhibited myself from the chair. Therefore, there is no way that I can manipulate the proceeding to my side, if that is your fear. Also, please take note that there is no rule prohibiting a member of this council from attending any council session.”

“Ok, is there any arguments against what has been pointed out? If none, I will decide to allow the President to stay.” Ang desisiyon ng presiding officer. At baling sa akin, “Please proceed with your suggestion, Mr. President?”

“I move that this agendum be referred to an impartial, bi-partisan committee which functions are to investigate and make recommendations to the council.”

“I second the motion!” pagsegunda naman ng isang anti-Harry sa akin.

So dinebatehan ang motion. Mainit ang debatehan. Ngunit na-carried pa din ito na isang committee na lang ang mag-handle ng investigation at mag-report sila ng results and recommendation within one week. At ang una nilang pagtuonan ng pansin ay ang video clip, aalamin kung tunay o hindi at saka pa sila mag-iimbistiga kung may katotohanan iyon.

Nakahinga ako ng maluwag. Ibig sabihin ay may isang lingo pa akong gumawa ng mga hakbang upang bumalik ang tiwala ng mga estudyante sa akin.

Pumasok naman sa isip kong mag convene ng general assembly upang ipaliwanag ang side ko. Ngunit bago ko gagawin iyon, ay kakausapin ko muna si Geraldine, titiyaking nasa akin ang suporta nya.

Dahil hindi na nga nagpapakita sa akin si Geraldine, gumawa nalang ako ng sulat at ipinadala iyon sa isa nyang kaibigan.

“Dear Geraldine: Hindi ko alam kung bakit tila bigya ka yatang nagbago sa mga nakaraang araw. Nandito ako sa isang mahirap na sitwasyon na kailangang-kailangan ang suporta mo ngunit hindi kita mahagilap. Hinahanap-hanap kita. Hinahanap-hanap ko ang dating Geraldine na nagpapasaya sa akin, nagbibigay ng encouragement sa lahat ng ginagawa ko; ang Geraldine na nanjan lang palagi, sumusuporta sa akin… Masakit. Masakit na masakit. Feeling ko dinudurog ang puso ko. Ngunit kung iyan ang desisyon mo, ang kaligayahan mo, wala na akong magagawa pa. Pinalaya na kita. Ngunit sana ay pagbigyan mo ako sa kahilingan kong ito – ang mag-usap tayo. Bukas, sa may botanical garden, alas 5 ng hapon. Sana sisipot ka. Maghihintay ako -Michael-“

Kinabukasan, alas 4:00 palang ay nandun na ako sa Botanical Garden, nakaupo sa may malaking puno ng narra, hinihintay ang pagdating ni Geraldine…

(Itutuloy)

******************************************

Sana Ikaw Na… [8]

Hindi ako mapakali nung palapit ng palapit na ang oras. Kinakabahan, natatakot na baka hindi ako sisiputin ni Geraldine.

Nung dumating na ang alas 5 ng hapon, sobrang kabog na ng dibdib ko. Ngunit dumating na lang ang alas 5:30, alas 6, alas 6:30 hanggang sa mag alas syete nalang, wala pa ring Geraldine ang sumipot. Umuwi akong luhaan at mabigat ang saloobin kay Geraldine. Labis akong nagdamdam, at nawalan na ng pag-asang maibalik muli ang dati naming pagtitinginan.

Kinabukasan, general assembly na. Ang agendum ay ang pag explain ko sa katotohanan sa likod ng kumakalat na video clip at pagkatapus nun ay magpaunlak ako ng mga katanungan tungkol sa kaso ko o sa iba pang mga bagay-bagay tungkol sa student government.

“First and foremost, I would like to apologize for the inconvenience of having this assembly. I know that this has personal undertones already but since I hold a position of public interest, I have no recourse but to explain to you what really happened. And since I came to this office with your endorsement and votes, I keep it in mind that I am in no way accountable to anyone except you, the college studentry of this university.” Ang pauna kong salita sa general assembly.

“I have to go direct to the point: I have never – ever danced naked before someone else. If I would do that, I should make sure that I drop all my subjects first and be in a bar jampacked with screaming audience.” Narinig ko namang nagtawanan ang mga estudyante, ang iba’y naghiyawan, nagpalakpakan. “That video clip has been tampered, manipulated, and circulated with the malicious intent of pinning me down, of humiliating me, of politically silencing me. In fact, just his morning, I learned that my opponents are busy with their nasty plan to impeach me based on that tape.” Pagpatuloy ko. “When the next session of the student council is convened, they will submit their resolution and deliberate on it. With no political party to back me up there, I know that it’s gonna be an uphill battle. But I will fight it out. I am positive that the truth will come out; that the good will prevail over evil; and that justice will be served. So I appeal to your knd hearts to not to be swayed by the machinations of my opponents; that you take the issue in all prudence and impartiality; that in spite of it all, you will still continue to support me. That’s all I can say and thank you for your time.”

Nagpalakpakan ang mga audience at narinig kong may mga grupo sa likod na sumusigaw pa ng “Michael! Michael! Michael!”

“I will entertain relevant questions to the issue at hand, and or issues which pertain to the student government.” Dugtung ko.

May nakita kaagad akong mga estudyanteng nagtaas ng kamay.

“Yes, that lady in red please.” Pag acknowledge ko sa isa sa mga nagtaas ng kamay.

“Mr. President, how can you prove that the video clip was tampered?” tanong nya.

“Why did they pixelize the other person in the clip? Isn’t that enough proof to show that whoever did that to me, the intention was merely to present something that suits to their intention – which is to ruin me?” ang sagot ko naman.

“At sino naman yung babae dun na naka-pixelized?” tanong ng isa pang estudyante.

“Sorry… sila lang ang nakakaalam nyan. Itinago nila e!” sagot ko. Natawa naman ang ibang mga estudyante.

“Have you made any move to find out kung sino ang may pakana nyan?

“Hindi. Para sa akin, hindi na importante pa iyon. The issue will just become more heated up at makagulo. What will I gain if I find out kung sino sya? As you all know, hindi ako vindictive na tao, hindi ako yung naghahanap ng gulo at ayoko ng gulo. All I want is peace of mind, harmony with everyone, and to be able to concentrate with my studies and with the student council works. Wala na po akong time para sa ibang bagay pa. Alam nyo po na galing ako sa isang mahirap na pamilya. Para sa amin, makatapus lang po ako ng pag-aaral ay napakalaking achievement nap o sa amin. At yan lang po ang gusto ng mga magulang ko. Kung napasabak man ako sa pulitika, yan ay dahil sa pag-indorso ninyo sa akin, at ang totoo, napilitan lang po ako. Ngunit nandito na to kaya’t kahit pagod na ang katawan at isip, I still try to hang on, keep my focus sa dapat kong uunahin sa buhay. Kaya sana, supurtahan pa rin ninyo ako, at wag maniwala sa mga paninira… Ang nais ko lang pong mangyari sa term ko ay ang magkaisa ang mga estudyante, magtulungan, at ng sa ganun, madali ng maipatupad ang mga proyektong kailangang-kailangan ng mga estudyante.”

“Totoo bang may relasyon kayo ni Geraldine?”

“Feeling ko nabanat ang balat ng pisngi ko nung marinig ang tanong. “E… hindi po totoo yan. Sa katunayan ay hindi na kami nagkita o nag-usap, mga halos dalawang linggo na.”

“Hindi ba si Geraldine ang babaeng nasa clip?”

“I think I answered that question already”

Yan ang mga itinatanong ng mga estudyante. May mga nagtanung din tungkol sa mga projects ng council at nasiyahan naman sila lahat sa plano ko, lalo na iyong pagtatag ng pondo para may mautang ang mga estudyanteng kinakapos tuwing bayaran, yung nadedelay o hindi pa nadating ang mga pera, o yung walang mahanap na pambayad pagdating ng tests.

Natapos ang general assembly na hindi pa rin sumipot si Geraldine. Lalo kong dinamdam ang hindi na nya pagpakita sa akin.

Kinabukasan, sa klase, “Pareng Michael, alam mo na ba ang nangyari kay Geraldine?” ang tanong ni Mark.

“Hindi, pareng Mark. Bakit?” ang tanong kong biglang kumabog ng malakas ang dibdib.

“Nasa ospital pala eh, nung isang araw pa! Nabangga ang kotse nya at hanggang ngayon ay unconscious pa rin. At ang kwento-kwento pa, may nagtanggal daw ng brake sa minamaneho nyang sasakyan. At alam mo kung sino ang pinaghihinalaang may pakana?”

“S-sino?”

“Si Harry. Haka-haka at bulung-bulungan lang naman. Kasi, kaduda-duda daw ang mga kilos ni Harry.”

“Ha? Shiit! Napakasalbahe talaga ng Harry na yan.”

“E… pinaghihinalaan din lang naman eh, baka hindi din naman.”

“Sabagay… baka talagang sira na yung brake ng kotse. Mahal nya yung tao tas gagawan pa nya ng masama, sobrang kahayupan na talaga kung sya man ang may kagagawan.”

“O ano, bibisitahin ba natin si Geraldine?” tanong ni Mark.

“Wag muna siguro, pareng Mark. Mainit sa akin si Harry. Baka mag-eskandalo pa kami dun, lalong gugulo ang sitwasyon” ang pag-aalibi ko. Sa totoo lang, gusto kong makita sya at tingnan ang kalagayan nya. Ngunit masakit pa rin sa kalooban ko ang ginawa nyang pag-abandona sa akin sa kagipitan ko. “A… siguro naman ay hindi nya na ako hinahanap-hanap pa. Atsaka, problema na nilang mag-boyfriend yun, labas na ako dun.” ang sabi ko nalang sa sarili.

Dumating ang araw ng pagreport ng committee sa findings nila tungkol sa video clip na kumalat. Timing din na natanggap ko ang kopya ng report sa imbistigasyong ginawa ng student affairs office at pareho ang resulta ng dalawang magkahiwalay na imbistigasyon: tampered nga ang tape at hindi credible ang source. Ang recommendation ng report ng student affairs office investigation ay i-close na ang issue.

Sa kabila ng report ng committee ng student council na fabricated ang clip, iginigiit pa rin ng mga kaalyado ni ilang ipagpatuloy ang impeachment sa akin. Ngunit sa kabila ng mainit na debatehan, hindi pa rin sila nagwagi. Alam ko, lalong nagpupuyos sa galit sa akin si Harry.

Masayang-masaya ako sa naging resulta. Sa wakas, na vindicated din ako. Subalit, kung gaano ako kasaya sa naging resulta ng student council, nandun naman ang lungkot sa nangyari kay Geraldine.

“Pareng Michael, ok na sana si Geraldine kahit naka-confine pa, kaso… nabulag ang dalawang mata niya sa tindi ng impact ng pagkabannga nya!”

Halos matulala naman ako sa narinig. Hindi ko lubos maintindihan ang tunay na naramdaman. Naawa, at sa kabila ng sakit na naramdaman sa di nya pagpapakita sa akin sa panahon ng kagipitan ko, sobrang guilty naman ang naramdaman sa hindi ko pagdalaw sa kanya.

“Pareng Mark, bukas dadalawin natin si Geraldine!” ang nasambit ko nalang.

At binisita nga namin ni Mark si Geraldine sa hospital. Nung makapasok na kami ng kwarto ni Geraldine, nandoon ang mama nya. Akala ko ay galit ang mama sa akin ngunit nung makita nya kami ay pinapasok naman.

“O sige, iwanan ko muna kayo at uuwi muna ako ng bahay ha? Mabuti naman at napadalaw kayo”

“S-sige po, kami na ang bahala dito” ang sagot ko. “Mabait naman pala ang mama ni Geraldine” sa isip ko lang.

Ibinaling ko ang mga mata sa nakahigang si Geraldine. May bendahe pa ang ulo nya pati na rin ang mga mata, tila natutulog.

Nangingibabaw pa rin ang pagkaawa sa kanya. Pakiwari koy gusto kong umiyak. Ngunit pinigilan ko ang sarili. Lumapit ako at umupo sa isang silyang nasa gilid ng higaan.

“Mom?” tanong nya.
Tiningnan ko si Mark at naintindihan nyang gusto kong mapag-isa kasama si Gerladine.

Hindi kaagad ako sumagot. Hinawakan ko ang mga kamay nya at idinampi sa mga labi ko.

“M-michael?” Ang nasambit kaagad nya.

“Oo, ako nga. Di kita matiis eh… Kumusta ka na?” ang sabi kong tumulo na ang mga luha.

“Heto… sabi ng duktor ay mabubulag daw. Pero hahanapan naman daw nila ng paraan.” Natahimik sya ng sandal. “Sana di ka na nagpunta dito”

Tila dinurog naman sa puso ko sa narinig. “Bakit, ganyan na ba ang pagkamuhi mo sa akin? Ayaw mo na ba sa akin?”

Kitang-kita ko ang mga luhang dumaloy naman sa mga pisngi nya. “Hindi mo naiintindihan Michael. Mahal na mahal kita”

“Bakit hindi ka na nagpapakita sa akin? Bakit hinayaan mong pagtawanan ako sa video clip na kumakalat? Bakit nung mga panahon na sana ay kailangang-kailangan kita, wala ka sa tabi ko?”

“Patawarin mo ako Michael pero, ginawa ko iyon dahil may banta sa buhay mo! Ipapasalvage ka ni Harry sa mga tauhan nya kung makikipagkita o makikipag-usap ako sa iyo. Ayaw kong may mangyari sa iyo. Ayaw kong mawala ka kaya ko ang di pagpakita sa iyo kahit na masakit sa kalooban ko. Lahat ng paghihirap mo at paghihirap ko ay kagagawan ni Harry. Nung sumulat ka sa akin na makipagkita ako sa iyo, nagdesisyon na akong suwayin ang gusto niya. Ngunit nung papunta na ako sa takdang usapang lugar ay nangyari ang aksidente. Kaya hindi na ako nakarating. Patawarin mo ako Michael!” at humagulgol na sya.

Para akong isang kandilang unti-unting natunaw sa hindi inaasahang narinig, mistulang napako sa kinauupuan. Napansin ko na lang na tumulo ang mga luha ko, ramdam ang matinding pagkaawa kay Geraldine. Ang buong akala ko ay tinalikuran na nya ako. Kabaligtaran pala ang lahat dahil sinakripisyo nya ang sarili upang maprotektahan lang ako. “Napaka-selfish ko!” Paninisi ko sa sarili.

Hinahaplos-haplos ko ang ulo nya at kinapa nya ang mukha ko. Pareho kaming nag-iiyakan. “Patawarin mo ako Geraldine! Ang buong akala ko’y kinalimutan mo na ako, na ayaw mo na sa akin. Sorry.”

“Psensya ka na rin sa akin, Michael… Kaya ayaw kong lumapit ka sa akin dahil nannganganib ang buhay mo. Kapag nalaman ni Harry na nandito ka, sigurado ako, may gagawin syang masama sa iyo. Mag ingat ka.”

“Hindi ako natatakot, Geraldine. Hindi nya pweding hadlangan ang pagmamahalan natin.”

“Alam na ng mommy ko ang lahat at ipina-blotter na rin nya sa pulis na ang banta. Kaya kapag may nangyari sa akin o sa iyo, si Harry ang number one na suspect.”

Nasa ganung ayos kami nung may mga pumasok na mga estudyanteng dumalaw din kay Geraldine. At laking gulat ko nung makitang kasama nila. “Si Helen!” sigaw kaagad ng utak ko.

Habang tumuloy sa loob ang ibang mga estudyante, biglang tumalikod naman si Helen at nagtatakbo palabas ng hospital.

“A, e… Geraldine, sandali lang ha, may titingnan lang ako sa labas.” Ang pagpaalam ko.

Sinundan ko si Helen sa lobby hanggang sa labas ng hospital. Nandun din pala si Mark at humabol din sa amin. “Helen, hintay!” sigaw ko.

Ngunit nagpatuloy sya sa pagtakbo habang nag-iiyak.

Naabutan ko rin si Helen sa may gilid ng kalsada. Hinawakan ko ang braso nya. Tamang-tama din namang dumaring si Mark.

“Ano ba ang problema mo?” tanong ko.

“Nasa akin nga ang problema, Michael…”

Iyon lang ang nasabi nya at ang sunod na naalimpungatan ko ay ang isang puting van na huminto, bumukas ang ang pinto at kinaladkad si Helen papasok. Ngunit di pa tuluyang nasara ang pinto, agad-agad din kaming umakyat ni Mark papasok sa van.

Pinaarangkada kaagad ang van at tuluyang isinara ang pinto.

“Hahaha!” Tawa ng may 5 kalalakihan sa loob ng van, mga mukhang hired killer at may mga hawak na baril, nakatutuk sa aming tatlo.

“Ang swerte nga naman! Di lang isa kungdi tatlo ang nabingwit nating isda!” sigaw ng isang lalaki sa nakaupong nasa unahang katabi ng driver.

Lumingon ang taong nakaupo sa harap ng van at tumingin sa amin, binitawan ang mala-demonyong ngiti. “Kumusta ka na Michael!”

“S-si Harry!” sigaw ng utak ko.

(Itutuloy)

******************************************

Sana Ikaw Na… [9]

“Ano, Michael, ok ba tayo jan?” ang tanong ni Harry, binitiwan ang isang mala-demonyong ngiti, puno ng pang-iinis. “Talian ninyo yang tatlong yan!” sigaw nya sa mga kasama.

Habang tuloy sa pagtutuk ng baril sa amin ang tatlong kasamahan ni Harry, ang dalawa naman ang tumali sa mga kamay namin, pati na rin mga paa paniguradong di kami makatakas.

“Pakawalan mo kami Harry. Ano bang kasalanan namin sa iyo?” sigaw ni Helen.

“Ikaw… baka wala. Kaya kong kalimutan ang pangangalap mo ng signature upang i-endorso ang kandidatura nitong si lover boy mo sa pagka-preisente ng student council. Pero itong lover boy mo na sobrang ambisyoso… di ko pedeng palalampasin pa ito.” Nagsindi ng sigarilyo si Harry it ibinuga ang usok nito sa direksyon ni Helen. “At wag kang masyadong magtiwala jan sa boyfriend mo. Sino-syota din nyan ang girlfriend ko! Alam mo ba iyan?”

Hindi na nakakibo pa ni Helen. Ibinaling ang mga mata sa akin, ang mga tingin ay may bahid ng paninisi.

“At ikaw naman kasi, bossing Michael, ewan ko ba, sobrang patay na patay si Geraldine ko sa kapogihan mo eh. Ano bang meron ka na wala ako? Pogi naman ako, matalino, mayaman… Kahit ilang beses ko ng binalaan yang girlfriend nating dalawa,” sabay bitiw ng halakhak “…na oras na makipagkita sya sa iyo ay may mangyaring masama, wala pa rin. Ikaw pa rin ang hinahanap-hanap. Kaya tama lang ang nangyari sa kanyang mabulag. Ngayong bulag na sya, siguro naman, di na nyan makikita ang kapogihan mo” at humalakhak ulet.

Pakiramdam ko nag-init ang tenga ko sa narinig. “Tama nga ang sinabi nila na ikaw ang may kagagawan kung bakit naaksidente ang kotse ni Geraldine. Ikaw ang dahilan sa muntik na nyang pagkamatay!” sigaw ko.

“Hahahaha! Dahil papatayin din naman namin kayo… Oo, sinira ko ang brake sa kotse nya nung malaman kong makipagkita sya sa iyo. Ang galing-galing mo kasing mambola eh. Alam mo ba Helen” sabay lingon kay Helen, “ang sabi nito sa sulat nya kay Geraldine, na sabik na sabik na daw nya itong makita, at nagsasawa na daw sya sa iyo? At nakalagay pa dun, na oras na magkita muli sila ni Geraldine, promise nyang hiwalayan ka na nya!”

Tiningnan ulet ako ni Helen. Yumuko ito at nakita ko ang mga luhang tumulo sa mga pisngi nya.

“Wag kang maniwala sa kanya, Helen. Hindi totoo ang mga sinasabi nyan!” Sigaw ko kay Helen.

“Hahahahaha!” Ang halakhak naman ni Harry at ng mga kasama nya.

Ngunit tuluyan ng humagolgol ni Helen.

Wala na akong nagawa kungdi ang hayaan nalang syang umiyak.

“Helen, tingnan mo ako… Wag kang maniwala sa kanya. Gawa-gawa lang nya ang lahat.”

Tumingin nga sa akin si Helen, ang mga mata ay namamaga na sa kakaiyak. Tila nawala na ang dating ningning nito, ang dating mga nangungusap na mga titig. Biglang nagflashback sa alaala ko nung ipinakilala pa lang sya sa akin ni Mark na sya daw ang nag-initiate sa signature campaign para patakbuhin ako sa pagka-presidente ng student council. Ang napansin ko kaagad sa kanya ay ang kanyang mga mata. Maganda si Helen, ngunit ang lalong nagpapaganda sa kanya ay ang mga ito. Nangungusap, nang-eenganyo. Para akong hini-hypnotize ng mga mata nya.

“Alam mo kung ano ang pinakagusto ko sa iyo?” Ang tanong ko sa kanya nung maging kami na.

Ngumiti sya sabay sabing, “ang mga mata ko?”

“Ha? Panu mo nalaman?” ang tanong kung nabigla.

“Yan naman kasi ang sabi nila sa akin eh…”

Hinaplos ko nag mga mata nya, hinagkan iyon. “Kung may pera lang sana ako, ipapa-ensure ko yang mga mata mo upang siguradong palaging nanjan ang mga kinang nya, ang mga titig na tila nangungusap, na nakakahypnotize…”

Hinaplos nya ang pisngi ko. “Promise… para sa iyo lang ang mga matang iyan.” Ang sabi nya sa akin.

Yan ang hindi ko malimutang promise nya.

“Hala, umiyak na ang ex-girlfriend mo, bossing Michael. Kaw kasi, masyado kang playboy. Ang lupit mo pala sa babae… sobra. Daig mo pa ang mga lalaking may pera. Ano kaya ang nakita nila sa iyo, ano?” Baling kay Helen, “Wag ka ng umiyak, Helen-baby, maya-maya lang patay na yang lalaking iyan.”

Tawanan ulet sila.

“Hayup ka talaga Harry! Pakawalan mo ang mga kasamahan ko at tayong dalawa ang magtutuus!” paghahamon ko.

“Ano ako, sira? Nandito na kayo sa poder ko tapus, pakawalan ko? Upang magsumbong naman sila? Ha? Style mo, bossing Michael…”

“Duwag ka! Hindi ka lalaki!”

“Hindi pala lalaki ha…” sinenyasan nya ang isang kasamahan nya na itulak ako palapit sa kanya. Nung malapit na ako, ipinokpok ni Harry ang baril nya sa ulo ko. “Blagggg!” Pakiwari koy mawalan na ako ng ulirat. “O, ano, hindi ba ako lalaki? Ha! Mahina ba ang pagkapokpok ko sa ulo mo? Gusto mo pa ng isa?” ang galit na galit na sigaw ni Harry.

Pansin ko agad ang pagdaloy ng mainit-init na likido galling sa parting ulo kung saan ako pinalo ni Harry. Alam ko, dugo iyon. Hindi na ako kumibo. Iniisip ko na kapag pinaiinit ko pa ang ulo nya, saktan pa nya ako ng sakatan at tuluyan akong mawalan ng ulirat, o kayay tuluyan nya ng patayin. Sumiksik sa isip ko sina Helen at Mark

“Pareng Mark, ok ka lang jan?” bulong ko kay Mark.

“Ok lang pareng Michael… Wag ka nalang magsalita para di ka saktan nila. Hayan, dumugo tuloy ang ulo mo. Hayaan mo silang magsalita ng magsalita. Wag mong sayangin ang lakas mo.” Bulong din ni Mark

“Ok, pareng Mark. Yun din ang iniisip ko. Kapag nakatyempo nalang ako saka ako gagawa ng hakbang.”

“Tama, pareng Michael. Wag patulan ang mga sinasabi nila. Psywar ang ginamit nilang yan upang lalo kang mainis, magalit, at pag-awayin kayo ni Helen.” Huminto sandali si Mark. “Maluwang pagkakatali nila sa akin… nagkukunyari lang akong nakatali pa rin. May plano ako, wag mo lang din akong pansinin upang magawa ko ang diskarte ko na hindi nila mapansin.” Dugtong niya, lalong hininaan ang pagbulong.

“G-ganun ba? Ok…” sabi ko.

“At anong pinagbubulungan nyo jan ha!? Kala nyo makakatakas kayo? Pwes, hindi!! Mejo malayo-layo na tayo sa bayan. Wala ng makakahanap sa mga bangkay ninyo kapag napatay na namin kayo dito, hehehe.”

Hindi na ako kumibo. Hinayaan ko nalang si Harry na magsalita.

Maya-maya, huminto na ang takbo ng sinasakyan namin. “O, nandito na pala tayo!” sigaw ni Harry.

Nung binuksan na ng mga tauhan ni Harry ang van saka naman biglang kumaripas ng takbo ni Mark, di kaagad namalayan nina Harry, inakalang secure ang pagkagapos nila sa amin.

Nung mapansin ng mga tauhan ni Harry ang papalayong si Mark ay agad nagsigawan sila. “Boss Harry! Yung isa nakatakas!”

“Putsa, habulin nyo!!!” ang sigaw kaagad ni Harry.

Agad ko namang hinarang ang katawan sa may pintuan ng van upang hindi kaagad sila makalabas at makalayo-layo pa ng takbo si Mark.

“Tangina! Umalis ka jan!” sigaw ng mga tauhan ni Harry sa akin. At dahil sa hindi ko pagbigay-daan, itinulak nalang nila ako. Laglag ako sa gilid ng kalsada.

“Michael! Michael! Michaellllll!!!!” ang narinig kong sigaw ni Helen.

Nung makalabas na ng van ang mga tauhan ni Harry, agad nilang hinabol si Mark na malayong-malayo na. Ang ginawa nila ay nagpaputok sa mga dala nilang armalite. “Ratatatatatat! Ratatatat!”

Ngunit, sobrang layo na ni Mark sa bilis nitong pagkaripas.

“Ahhhhhhhhh! Ahhhhhhhhhhh!” ang sigaw ni Helen na takot na takot sa mga putok.

“P*****ina! Wag kayong magpaputok! Mga Gago! Maririnig tayo. P*****ina!” pagmumura ni Harry sa galit. Halatang na-rattle na sa di inaasahang pag-eskapo ni Mark.

Bumalik ang mga tauhan ni Harry sa van. “Bosing sobrang layo na niya, di na namin nahabol, e may mga tao na sa banda roon baka mapansin kami. May sa palos yata ang taong iyon!”

“Hahaha!” sa loob-loob ko lang. “Nagamit din ni pareng Mark ang pagka-champion nya sa 100-meter dash.”

“Mga tarantado kayo! Bakit hindi nyo inayos ang pagkagapos sa kanya?! Mga walang silbi!” sigaw ni Harry sa mga tauhan nya sabay batok naman neto sa kanila.

“E… boss, mahigpit naman po ang pagkakatali ko sa kanya!”

“Kung mahigpit yan, bakit nakawala! Tarantado!” At bakit kayo nagpaputok! Alam nyo palang may mga tao... e di mapansin na tayo nyan! Di nyo ba ginamit ang mga kokote ninyo!?”

“E… sorry boss!”

“Mga honghang...! Ok, yang dalawang yan, dalhin dito sa labas todasin na natin!” sabay turo sa amin ni Helen.

Hinila naman kaagad kami ng mga tauhan ni Harry.

Pinaligiran ng mga malalaking kahoy ang lugar at mga mahahabang damo. Sa gilid nito ay isang batis kung saan dinig na dinig ang agos ng tubig. Kahit may mga alas-kwatro pa lang siguro ng hapon iyon, malamig ang kapaligiran, at mejo madilim gawa ng natatakpan ng mga malalaking sanga ang sikat ng araw. Walang katao-tao, ngunit pakiramdam ko sa di kalayuan ay may mga nakatira na, base sa sigawan na rin ng mga tauhan ni Harry. Iniisip ko na pag makatyempo, gagawin ko rin ang ginawa ni Mark na pag-eskapo. Pilit kong tinatanggal ang mga tali sa kamay ngunit sobrang mahigpit ang pagkakagapos nito. At pumapasok din sa isip si Helen. Nangangambang mapahamak siya kapag ginawa ko ang pag-eskapo. Sa tingin ko, totohanin nilang patayin kami.

“Talagang ginagalit nyo ako ha… sige matikman nyo ang galit ko ngayon!”

Dahil hindi ko maigalaw ang katawan gawa ng pagtali rin nila sa mga paa ko, hinatak ako ng dalawang tauhan ni Harry at pinatayo, ipinwesto sa harap ng isang malaking puno.

Si Helen naman ay tinanggalan ng tali. “Wag kang umeskapo dahil kapag ginawa mo iyan, mapapadali ang pagpatay namin sa sweet lover mo, naintindihan mo?” ang sabi ni Harry kay Helen.

Tumango naman si Helen, pinatayo sa tabi ko.

“Wow… romantic! Wala ba kayong sabihin sa isa’t-isa bago kayo pumanaw? O gusto nyo bang maghalikan muna?”

Tawanan ang grupo nina Harry.

Hindi ako kumibo, si Helen naman ay patuloy sa pag-hikbi.

“Ok, kung walang magsasalita, heto nalang. Ano ba ang huling kahilingan mo bossing Michael, bago kita patayin?”

Saka ko naman naisip na baka nga pagbigyan ako sa sasabihin. “P-pakawalan mo si Helen, Harry. Wala syang kinalaman dito. Ako na lang ang patayin ninyo.”

Tiningnan ako ni Helen. Ang mga mata’y naaawa sa akin. Marahil dahil sa ipinakita kong kahandaan na tanggapin ang kamatayan at paghingi ko na rin sa kalayaan nya.

“Hahahaha! Hanggang sa huli, mambobola ka pa rin Michael. Pinabilib mo na naman si Helen ah! Di ba si Geraldine ang mahal mo? Hahahaha!”

Binitiwan ko ang isang titig kay Helen. Nagsusumamo. Tinitigan din ako ni Helen, ang mga mata nya’y puno ng kalungkutan.

“Patayin mo na ako kung gusto mo, Harry. Handa na ako! Pakawalan mo si Helen.” sigaw ko ulet kay Harry.

“Kung ito nalang kaya ang gagawin ko” sabay tutuk ng baril nya kay Helen.

“Huwaaaggggggggg!” Sigaw ko. Ang buong akala ko ay ipuputok na ang baril. Tumalon-talon ako patungo sa harap ni Helen tangka sanang harangin ang mga bala. Ngunit hindi nya pala itinuloy ang pagpapaputok at natumba ako, bumagsak sa paanan ni Helen.

Yumuko si Helen. “Pakawalan nyo na kami Harry, please… Hindi ka namin kayang kalabanin. Mahihirap lang kami. Maawa kayo sa mga magulang namin na umaasang matapos namin ang pag-aaral at maiahon sila sa kahirapan.” pagmamakaawa ni Helen.

Naantig naman ang puso ko sa mga salitang binitawan ni Helen. Alam kong naawa din si Helen sa akin dahil alam nya ang matinding kahirapan namin sa buhay. May ilang beses nga din akong pumapasok sa panghapon kong klase na hindi nakapagpananghalian at pansin iyon ni Helen. “Mag-snack tayo, taya ko!” sabi nya nung may isang beses na napansin ni Helen ang pamumutla ko.

“S-sige ba…” Nahihiya man, tinanggap ko rin ang alok nya. Alam kasi ni Helen na may mga panahon na hindi ako makakain ng maayos. Alam ni Helen ang antas ng kahirapan namin. Alam ni Helen na iyon ang dahilan kung bakit ako nagsikap sa pag-aaral. Alam ni Helen ang munti kong mga pangarap. At alam din ni nya na ako lang ang inaasahan ng mga magulang upang maiahon ko ang kahirapan namin sa buhay. Sobrang mabait si Helen, sobrang maunawain, sobrang malawak ang pag-iintindi sa kalagayan ko. Nanjan sya palagi sa panahon ng kagipitan at kahirapan ko. Kaya ang isang tawag ko sa kanya, “bayani ng buhay ko”.

“Wala akong pakialam sa mga pangarap ninyo! May natatapakan kayong tao kaya dapat lang na magdusa kayo!” sagot ni Harry kay Helen. “Hahahahahahaha!” sarap palang pagmasdan ng mga honghang! Ba’t di ko ginawa to noon pa?” dugtong nya.

Hinatak na naman ulet ako at pinatayo sa harap ng puno kung saan ako unang ipinwesto, katabi ni Helen.

“Patayin mo na nga lang ako, duwag! Hinahamon kita!” ang sigaw ko.

“Aba’t hinahamon ako ng tangina!” Sigaw nya sabay angat ng kanyang baril at tutuk nun sa akin. “Kung ganun, heto ang tikman mo!”

Tiningnan ko si Helen, na pakiramdam ko ay iyon na ang huling sandaling makita sya. Ngunit ang mga mata ni Helen ay nakatutuk sa baril ni Harry. Kitang-kita niya ang pag-angat ni Harry sa baril at ang pagtutuk nito sa akin…

“Bang! Bang! Bang!” Tatlong putok ang pinakawalan ni Harry.

(Itutuloy)

******************************************

Sana Ikaw Na… [10: Last Part]

“Heleeeeeennnnnnn!” Sigaw ko nung makitang bumagsak si Helen. Bago naiputok ni Harry ang baril ay yumakap sa akin si Helen, sinangga ng katawan nya ang tatlong bala.

Yumuko ako at pumiglas sa pagkakatali upang damayan si Helen. Ngunit natumba ako, bumagsak din sa tabi ni nya.

Na-rattle naman si Harry sa di inaasahang si Helen ang tinamaan. “Shiiit!” ang nasambit nya habang palakad-lakad, bakas ang takot sa mukha, di malaman kung ano ang gagawin.

Habang di ako magkamayaw sa kung anong gagawing pagtulong sa naghihingalong si Helen, awang-awa sa kalagayan nya, biglang may sumigaw, “Ilaglag nyo ang mga baril ninyo at itaas ang mga kamay!”

“Mga pulis!” sigaw ko sa sarili. At nakita ko si Mark na kasama nila.

Ngunit imbes na ilaglag ang baril, dali-daling itinutuk ni Harry ang baril nya sa akin. “Patayin muna kita Michaellllll!” sigaw niya.

“Bang! Bang! Bang!” tatlong putok ang kumawala. Bagsak si Harry na tinamaan sa likod at ulo. Inunahan sya ng mga pulis bago pa nya maiputok ang dalang baril. Sa nakita, inilaglag naman kaagad ng mga tauhan ni Harry ang mga baril nila, itinaas ang mga kamay at sumuko.

Dali-daling sumaklolo si Mark, tinanggalan nya ako ng tali. Kaagad ko namang niyakap si Helen at isinandal sa mga hita ko. “Helennnnnnn! Lumaban ka! Lumaban ka Helen!” ang sigaw ko. Kitang-kita ang paghihirap niya, ang mga mata’y halos matiklop na, ngunit pilit pa rin nyang ibinuka ito, nakatingin sa akin, ang habol-habol ang paghinga, tila mapuputol na.

“M-michael…” ang sambit nya.

“Wag ka munang magsalita Helen, makaka-sira yan sa iyo. Maya-maya lang nandito na ang mga paramedics. Wag kang bumitiw.”

“H-hindi M-michael… g-gustoh k-kong malaman mo na… m-mahal na m-mahal kita… a-alam kong ang m-mahal moh ay si Geraldine, p-peroo, tanggap ko iyon…”

“Bakit mo naman nasabi iyan? Wag ka nga munang magsalita eh…”

“N-nakita k-ko s-sa… n-notebook mo, n-nakasulat d-doon na si G-geraldine lang ang nag-iisa m-mong m-mahal...”

Di ko malaman kung mapaiyak sa awa o sa hiya. Yung sulat na iyon na gawa ko ay nung hindi pa kami magkakilala ni Helen at bago pa kaming magkakilala ni Geraldine. Dahil sa crush na crush ko na nga si Geraldine noong una pa at alam kong di kami bagay, walang chance na maging kami, idinaan ko nalang sa pasulat-sulat sa notebook ang naramdaman ko, nangangarap ng gising kumbaga.

“Wag ka kasi munang magsalita… please. May explanation ako jan.” Ang nasabi ko nalang.

Ngunit patuloy pa rin sya sa pagsasalita. “W-wag khang mag-alala, M-michael. N-naintindihan k-kita. M-may iha… habilin akoh sa i-iyo k-kapag n-nawala ako…”

“Wag ka kasi magsalita ng magsalita eh…” pangungulit ko.

Ngunit sinabi pa rin ni Helen sa akin ang habilin nya.

“Oo, oo, gagawin ko. Basta, wag ka nang magsalita pa.” ang naisagot ko na lang.

Tumango naman sya.

Maya-maya, dumating ang mga paramedics at ikinarga na si Helen sa ambulansya. Sumakay din kami ni Mark. Ngunit, hindi na magawa pang makaabot ng hospital ni Helen. Diniklara nila syang dead on arrival.

Nagkagulo kaming lahat sa nalamang nalagutan ng hininga si Helen. Tinext agad ni Mark ang mga kaibigan namin pati na ang mommy ni Helen na agad ding nagsipuntahan sa ospital.

Hindi naman ako magkamayaw sa kung ano ang agawin at ang tinimping emosyon sa nakitang paghihingalo pa lang ni Helen ay tuluyan ng kumawala at humagulgol na lamang ako sa isang sulok.

“Heleeeennnnnnnn!” ang sigaw ng mommy ni Helen nung dumating ito sa ospital at makita ang labi ng anak. “Ambata-bata mo pa, bakit nangyari sa iyo ito? Bakit?!!!”

“Si Harry po ang bumaril sa kanya. Ako po sana ang target na patayin ni Harry ngunit humarang po sya kaya sa kanya tumama ang bala… Isinalba nya po ang buhay ko. Ako po dapat ang namatay.” Ang paninisi ko sa sarili.

Malakas na hagulgul lang ang itinugon ng mama ni Helen.

Dinala ang mga labi ni Helen sa punerarya at pagkatapos ay idineretso na sa bahay nila para sa lamay. Pakiwari koy gumuho ang mundo ko. Hindi lang dahil sa hindi inaasahang pagkamatay ni Helen kungdi sa dahilang isinakripisyo pa niya ang buhay nya para sa akin. Pakiwari koy may isang parte ng buhay ko ang nawala. Naghalong hiya, panghihinayang, at matinding sakit ang naramdaman. Wala na akong ginawa kungdi ang umiyak ng umiyak sa mga oras na iyon.

Pangatlong araw iyon simula nang mamatay si Helen. Napagaalaman naming inoperahan na ang mga mata ni Geraldine upang muli itong makakita. Sa gabi ng araw na iyon sa burol ni Helen, bumisita naman ang papa ni Geraldine. Nandun kaming lahat na mga kaibigan at kaklase ni Helen.

Pagkapasok na pagkapasok nito sa sala ay kaagad tinungo ang kabaong, nag-antada at pinagmasdang maigi ang mukha ni Helen, may ibinubulong, o nagdasal. Tila alam ko na ang dahilan ng pagpunta nya doon at pagbisita sa mga labi ni Helen. Yun ay dahil sa inihabilin ni Helen para kay Geraldine.

Dahil sa nakatalikod ito, nilapitan sya ng mama ni Helen at tinabihan. Nung magkasalubong ang mga tingin nila ay di naman namin inaasahan ang sumunod na tagpo.

“Dennis?” tanong ng mama ni Helen sa papa ni Geraldine.

“Agnes?” tanong ng papa ni Geraldine sa mama ni Helen.

At bigla na lang umaalingawngaw ang hagulgol ng mama ni Helen. “Bakit ngayon ka lang… bakit ngayon ka lang dumating… ngayong patay na ang anak mo!” ang may halong paninising tanong ng mama niHelen.

“S-si Helen ay anak ko?”

“Oo. Nung iniwanan mo kami at dinala mo ang bunso nating kapatid ni Helen, isinumpa kong palakihin syang mag-isa, kahit wala ka! Huhuhuhu.”

Sa pagkarinig noon, agad umalingawngaw ang malakas ng hinagpis ng ama, sabay baling naman ang tingin sa loob ng kabaong, pinagmasdang maigi ang mukha ni Helen na tila iniukit sa isip na iyon sana ang unang tagpo nila ng anak nyang iniwanan sa loob ng mahigit labinlimang taon, ngunit iyon na rin ang huling sulyap nya sa kanya. Niyakap nya ang kabaong. “Heleeeennnnnn! Anaaaakkkk! Patawad… patawad anak! Arrrgggghhhhhh!” ang sigaw nya. “Hindi ko mapatawad ang sarili ko! Diyos ko…!”

Umalingawngaw din ang iyak ng mama ni Geraldine.

“K-kung ganun, si Helen at Geraldine ay magkapatid?” tanong ng ama ni Geraldine.

“Si Geraldine ba ang anak mong nabulag?”

“Oo, di kami nagkaanak ng asawa kong si Martha at si Geraldine ang nagsilbi naming kaisa-isang anak. At anak mo rin sya, Agnes, anak natin! ”

“At bakit ka pala napadayo dito?” tanong ng mama ni Helen.

“Dahil gusto kong pasalamatan ang taong nag-donate ng mga mata nya kay Gerldine… na ate pala nya! Napakabait ni Helen… hanggang sa huli ay kapakanan pa rin ng iba ang iniisip”

Di maisalarawan ang tunay naming naramdaman lahat sa tagpong iyon. Ironic. Masaya sana dahil sa wakas, nagkakilala ang magkapatid ngunit mas malungkot dahil sa hindi man lang nalaman ni Helen na si Geraldine ay kapatid nya.

Ngunit naisip ko rin na siguro, yan ang tinatawag nilang divine providence. Yun bang kadalasan, wala tayong ka-alam alam sa mga nangyayari sa atin at pilit nating hinahanapan ito ng kasagutan, minsan tinatanong pa natin kung tunay nga bang may Dyos dahil sa pinahihintulutan nya ang pagkamatay ng isang tao o na mangyari ang di kanais-nais na pangyayari sa buhay. Ngunit sa huli, malalaman na lang natin ang katuturan nito, kahit na kadalasan, ang mga ito ay mananatiling katanungan na lamang. Ngunit sabi nga nila, ang lahat ng mga pangyayari sa buhay ay may dahilan. At ang importante ay hindi upang malaman natin ang dahilan ng bawat pangyayari sa buhay kungdi, na may tiwala tayo sa maykapal.

Marahil din sa kaso ni Helen, ay kung hindi sya namatay, hindi rin makilala ng mama nya si Geraldine, at maaaring hindi na rin ito makakakita pa. At sa akin? Sigurado, ako ang nilalamayan…

“Sana, kung saan ka man naroroon Helen, ay masaya ka, panatag, dahil nahanap na ng mama mo ang kapatid mo, at natulungan mo rin sya… sa pamamagitan ng pagbigay mo sa kanya ng chance na makakita muli, na ma-enjoy pa ang buhay at kagandahan ng mundo. At ako… utang ko sa iyo ang buhay kong ito.” ang bulong ko sa harap ng bangkay ni Helen.

Nung inihatid na si Helen sa kanyang huling hantungan, buong pwersa ng student council officers ang nakiramay. Marami ring mga estudyante ang sumama sa paghatid. Ngunit ang isang taong hinahanap-hanap ko – si Geraldine, ay wala. Napag-alaman kong hindi pa raw tinanggal ang mga bendahe sa mga mata nya.

Alas sais na ng gabi nung ako na lang ang naiwan sa puntod ni Helen. Kinuha ko sa bulsa ang dalawang pendant na binili ko para sa aming dalawa nung araw mismo na kinidnap kami ni Harry. Dapat sana ay ibibigay ko iyon sa kanya kung hindi nangyarai ang insidente. Kapag idinikit ang dalawang pendant ay mabubuo ang katagang “Love”. Ang isa ay “Lo” at ang isa naman ay “ve”. Ang dalawang pendants ay nakabalot naman sa isang sulat ko para sa kanya.

Binuklat ko luet ang sulat. Pansin naman ang mga natutuyong mga luha ko na pumapatak dun habang ginawa ko ito –

“Dear Helen, salamat sa lahat-lahat. Hindi ko alam kung paano simulan ito pero ang totoo nyan, utang ko sa iyo ang lahat. Itong pagka-presidente ko sa student council, ikaw ang nagpursige sa akin upang tumakbo. Ikaw ang nanguna sa mga kampanya at hanggang sa manalo ako. At ngayon, itong buhay ko, utang ko rin sa iyo… Kahit sa huling sandali, pinatunayan mo na ikaw talaga ang bayani ng buhay ko… Sayang nga lang at kailangang ibuwis mo pa ang buhay mo para sa akin. Napakaswerte ko sa iyo. Pangako, pagsisikapan ko pang mas maging mabuting tao. Nung panahon na lumabas ang video scandal at iniisip ko na katapusan na ng pagkapresidente ko, ikaw ang nandun. Sa mga panahon na kailangan ko ng karamay, ikaw ang nandun… Dun ko na-feel ang tunay mong pagmamahala sa akin. At dahil dito, sobrang napamahal ka na sa akin. Hindi ko kayang mawala ka… alam mo ba iyon? Hindi na ako makatulog ng maayos, hindi makakain, hindi makapag-concentrate. Hinahanap-hanap kita, ang dating karamay ko, ang dating nanjan lang sa tabi, sumusuporta, gumagabay, tumutulong ng walang kapalit… ang bayani ng buhay ko. Di ko alam kung paano kita pasasalamatan, kung paano makabawi… Salamat sa pagdating ng isang Helen sa buhay ko. Salamat at nakilala kita, kahit sa panandalian lang na panahon. Palagi kang buhay dito sa puso ko, promise ko iyan sa iyo.”

Pagkatapos kong basahin ang sulat, muli kong ibinalot ito sa dalawang pendant at inilatag iyon sa ginawa kong hukay sa paanan ng puntod nya. Tinakpan ko ito. “Kasama sa pendant na inilibing ko, ay ang pag-ibig ko, Helen…” bulong ko.

Isang lingo ulet ang nakaraan at napagalaman kong balik eskwela na naman si Geraldine. Dahil sa phobia na rin sa nangyari, nagresign sya sa pagiging bise-presidente ng student council. Sa panig ko naman, bilang respeto ko sa pagpanaw ni Helen, minabuting hindi muna ako nagpapakita sa kanya. Ibinuhos ko ang oras at panahon sa pag-aaral at sa responsibility ko bilang presidente ng student council.

At hindi din naman ako nabigo sa ginawang mga pagsisikap. Naging successful ang palakad ko sa student council at maraming nagkagusto sa mga pamamalakad at projects. Higit sa lahat, naging summa cum laude pa ako at maraming natanggap na awards, kasama na syempre ang leadership award.

Tapos na ang graduation ceremony noon at nakatayo nalang ako sa labas ng graduation hall, suot-suot pa ang toga at ang mga ribbons, medals, at garlands hinihintay ang nanay at tatay na makalabas upang sabay-sabay na kaming maglakad pauwi ng bahay.

Nalingat ako ng sandali nung biglang mapansin ang isang wallet na bumagsak. Tiningnan ko kung kanino galing ang wallet na iyon. Nagkasalubong ang mga tingin namin. Sobrang na-mesmerize ako sa mga mata nya, nangungusap, tila na-hypnotize ako. Kilala ko ang mga matang iyon. Biglang bumalik sa alaala ko ang tagpong iyon sa amin ni Helen. “Alam mo kung ano ang pinakagusto ko sa iyo?” Ang tanong ko sa kanya nung maging kami na.

Ngumiti sya sabay sabing, “ang mga mata ko?”

“Ha? Panu mo nalaman?” ang tanong kong nabigla.

“Yan naman kasi ang sabi nila sa akin eh…”

Hinaplos ko nag mga mata nya, hinagkan iyon. “Kung may pera lang sana ako, ipapa-ensure ko yang mga mata mo upang siguradong palaging nanjan ang mga kinang nya, ang mga titig na tila nangungusap, na nakakahypnotize…”

Hinaplos nya ang pisngi ko. “Promise… para sa iyo lang ang mga matang iyan.” Ang sabi nya sa akin.

Yan ang hindi ko malimutang promise nya. Sa bawat titig ko sa kanya, agad sumasagi sa isip ko ang mga katagang, “Sana Ikaw Na… Sana Ikaw na…” dahil ang tunay ko pa ring mahal ay si Geraldine.

Tila bumalik ang katinuan ko nung, “Hoy! Hindi mo ba pupulutin ang wallet ko?”

Natawa ako at yumuko upang pulutin ang wallet nya. Natawa din sya, yumuko din. Nabigla nalang ako nung inilapit nya ang mukha sa dibdib ko, tila inamoy-amoy ang pabango ko sabay sabing, “Ambaho kaya ng amoy mo, maligo ka nga muna!” biro nya.

“Axe kaya ang pabango ko!” biro ko rin.

“G-ganun ba? Ok… what happens next, is up to you!”

Sabay kaming nagtawanan.

(End)

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails