Followers

Wednesday, May 20, 2015

Loving You... Again Chapter 18 - Chase




  



Author's note...

Hello ulit guys. Ren... Seyren... here again... whatever haha. Unang-una sa lahat, nagpapasalamat ulit ako sa mga may-ari ng blog, sir Michael at kay sir Allan, sa mga kaibigan kong CO-Author na sila kuya Carlos, kuya Rye, kuya Jace and... kuya Alvin!

Pasensya na pala sa haba ng chapter na ito. Naghahabol ako sa JFAM at sobrang malayo pa iyung part ng PULSAR. Grabe. Pressure ka kuya Carlos. Iyung mga nagtataka kung bakit may officer Christian at officer Geoffrey sa story na ito, umm... haha. Solid fan kasi ako ng CHREO... at dati pa iyun. Past is past. Move on. Magandang araw sa inyo. :D











Chapter 18:
Chase 









































Allan's POV



          Kasalukuyang nagpapatuloy kami ni Ren na mag-aral para sa special practical exam ko bukas. Buti naman at tumutulong talaga siya dahil parehas kaming yari nito sa matandang si Gerard.



          "How come na hindi mo talaga kaya ang practical exams kahit perfect mo talaga ang written exams. Hindi mo talaga pinag-aaralan iyung kurso natin ano?" reklamo ni Ren sa likod ko habang pinapanood niya akong gumawa ng codes para sa isang simpleng application.



          "Gaya nga ng sabi ko, pwede naman na hindi ko na lang ipakita sa ibang tao kung paano ko siya i-apply dahil gusto ko na ako lang ang may alam. Privacy."



          "Talaga lang ha? Haixt! Sana nga, gumana palagi iyang palusot mo."



          Narinig ko na lang na umalis si Ren sa likod ko at mukhang may pinuntahan. Siguro naiinis siya kasi mukhang isa sa mga hindi gusto at kinaiinisan niyang gawin ay ang magturo ng mga bagay-bagay sa ibang tao. Napakakumplikado pala ng mga codes ang nalalaman ni Ren. Paano ito nagkasya sa utak niya?



          Maya-maya ay nakarinig na lang ako ng mga yabag papalapit sa akin. Marahil ay si Ren iyan dahil kami lang naman ang tao sa bahay niya. O meron pa ba?



          "M-Magpahinga na muna tayo mister- umm... Allan. Kain ka na muna dito ng chocolate cake. Siguradong makakapag-isip ka ng maayos kapag nakakain ka nito."



          Inikot ko ang upuan para humarap sa kaniya at napangiwi ako sa pananalita ni Ren. "Anong mister mister iyang pinagsasasabi mo? Mister Yoso? Tigilan mo nga iyan at umayos ka sa pananalita mo. Pati iyang mata mo, ayusin mo. Kapag hindi ako nakapagpigil, lalapit ako sa iyo ng sobra-sobra at makikipaglaro ako sa iyo ng titigan."



          "T-Tumigil ka na nga lang Allan. Huwag mo na lang pansinin kung ano ang mali sa akin ngayon. Hindi ako sanay," wika niya... pero hindi nakatingin sa akin.



          "Ren, tumingin ka sa mga mata ko ngayon," utos ko sa kaniya.



          "At bakit ko gagawin iyun?"



          "Basta. O baka naman may tinatago ka sa akin? Anong tinatago mo? Lihim na pagtingin? Hindi ka ata faithful sa Kei mo ahh?"



          "A-Ano ka ba?! Faithful ako kay Kei."



          "Talaga lang ha. Kung wala, tumingin ka sa mga mata ko."



          "Sige ba," matapang niyang saad.



          Nagkatinginan kami ng diretso ni Ren subalit limang segundo pa lang ang nakakalipas, ay nag-iwas na agad ito ng tingin.



          Napa-iling ako habang kinukuha ang isang maliit na plato na may chocolate cake sa mesa. "Talo ka. May gusto ka nga sa akin." Saka sumubo ng cake.



          Nainis si Ren sa sinabi ko at hindi na lang ito nagsalita. Kinuha din nito ang chocolate cake na para sa kaniya at inis niya itong kinain. Ang sarap naman ng chocolate cake na hinanda sa akin ni Ren. Lasang mamahalin ang cake.



          "Sabi mo kanina, siguradong makakapag-isip ako ng maayos kapag nakakain ako nitong chocolate cake. Gaano ka totoo iyun?" tanong ko.



          "Ewan ko. Hindi na ako naniniwala sa sinabi kong iyun kanina. Paniniwala ko dati iyun. Pero ngayon, hindi na. Ewan ko kung bakit pinaniniwalaan ko ang ganoong paniniwala. Hindi naman totoo."



          "Dapat hindi mo na lang sinabi. Malay mo ehh magkaroon ng placebo effect sa akin at makakapag-isip talaga ako ng mabuti nang sa gayon, makakapasa ako sa special practical exam ng walang kahirap-hirap... O baka gusto mo na lagi-lagi at araw-araw mo akong turuan?" pagbibiro ko.



          Hindi na lang siya nagsalita at kinagat na lang niya ang sariling labi dahil sa inis. Mmm... Ang sarap din nitong chocolate cake huh?



          Naubos na ni Ren ang kanyang chocolate cake at humikab. Inaantok na siya ehh wala pa ngang 3 o' clock?



          "Nakakapagod kang turuan. Parang gusto kong matulog." Saka binagsak ni Ren ang katawan sa sofa.



          "Napapansin ko lately. Nagiging antukin ka na. Kaya siguro tayo nahuli ni tanda ehh hindi mo napapansin na nakatingin siya sa iyo palagi. Nakakatulog ka pa ba ng maayos dito sa bahay mo?"



          "N-Naging concern ka?" pagsusungit niya.



          "Masama? Akala mo lang ba na ikaw ang lang ang hindi naagrabyado sa pinaggagawa natin? Ako din hoy!"



          "Bakit patuloy mo pa ring ginagawa ng pangongopya mo sa akin? Mag-aral ka kasi ng mabuti."



          "Walang mangongopya kung walang magpapakopya. Nahihiya na nga ako doon sa kaibigang ko si Alexis ehh. Nagmamakaawa na pakopyahin ko siya. Pero dahil mabait akong tao, nag-advice ako na mag-aral siya ng mabuti."



          "Bakit kasi hindi mo ipakita ang iyung tunay na sarili?" diretsong tingin niya sa akin.



          Ngumiti ako. "Anong sabi mo? Anong tunay na sarili? Ito talaga ang aking tunay na sarili hindi ba Ren?"



          Bigla siyang umiwas ng tingin. Naiilang talaga siya sa akin I see. Dahil kaya ito sa sulat na pinabigay sa akin ni Larson? Ano kaya ang laman nun? Gusto kong malaman. Ang bilin naman ni Larson, huwag ko ng tanungin. Paano kung si Ren ang tatanungin ko? Sasagutin niya kaya ako?



          "Oo nga pala Ren. Ano ang laman ng sobre na binigay ko sa iyo?" tanong ko.



          "I-Ikaw ang nagbigay tapos magtatanong ka sa akin kung ano ang laman ng sobre? Niloloko mo ba ako?"



          "Aixt! Di bale na lang."



          Natapos na akong kumain ng chocolate cake at inikot ko ulit ang upuan niya paharap sa PC. Kailangan matutunan ko na itong pagtatanggal at pagre-replace ng mga codes ngayon din. Bukas na ang special practical exam at kailangan hindi ako pumalpak. Hindi ni isang palpak. Dahil kapag pumalpak ako, yari kami nito.



          Makalipas ang ilang oras, nagawa ko na ng maayos... sana ang pagsasaulo ng mga codes at ng mga gamit nito. Siguro naman ehh ayos na to... sana. Kinakabahan ako. Mukhang yari na kami nito.



          "Hmmmm... hmmm... hmmm... hmm... hmm... hmmmm..." haginit na naririnig Ren.



          Ahh! Ang ganda ng haginit na iyun ahh! Pinagpatuloy ni Ren ang paghaginit. Pumikit ako ng ilang saglit para mapakiramdaman ang ganda ng hinahaginit niya. Bigla na lang akong napadilat nang may maalala.



          Pinaikot ko ulit ang upuan at humarap sa kaniya. "Ren, anong title ng hinahaginit mong kanta? Pwede ko bang malaman?"



          "Umm... sa totoo lang, hindi ko alam."



          "Bakit mo hinahaginit kung hindi mo pala alam ang kanta?"



          "Bakit ba? Gusto ko lang," pagsusungit na naman niya.



          "Okay. Saan mo na lang narinig ang kantang iyan?"



          "Umm... hmm... sa panaginip ko." Whoah! Sandali nga lang. Parang may mali dito.



          "Teka? Anong panaginip? Sandali lang ha. Para bang naglalakad ka sa labas nang umulan ng niyebe at nakakita ka ng mahal mo sa buhay na gustong-gusto mong makita, tapos magpapahabol sila sa iyo at sa panaginip ding iyun, may babaeng mahaba ang buhok at mukhang itim ang balat dahil sa mga tattoo nito?"



          Lumaki bigla ang mga mata niya at napabangon. "Paano mo nalaman?" Bingo!



          "Wala. Parang pamilyar lang ang mga ganoon sa akin."



          Mas lalo pang lumakas ang paghikab niya. "Inaantok talaga ako. Allan, matutulog na muna ako ng isang oras pwede ba?"



          "Bago ka matulog, pwede bang ibigay mo sa akin ang numero ni Kei?"



          "Bakit naman? Para saan? Para asarin siya?" tanong niya habang pinipindot ang screen ng phone niya.



          "Wala. Basta. May itatanong lang ako tungkol sa mga gamot since Medicine ang kinukuha niyang kurso," pagsisinungaling ko kasi hindi naman talaga dahil doon kaya gusto kong tawagan si Kei.



          Ibinigay sa akin ni Ren ang numero ni Kei. "Kung wala ka ng kailangan, magsi-siesta na muna ako ng mga isang oras. Inaantok talaga ako."



          "Okay na. Pag-aaralan ko na lang ang ilang execution ng mga codes. Matulog ka na ng mahimbing Ren."



          Pinikit na ni Ren ang mga mata niya. Tumayo naman ako mula sa upuan at lumapit sa kaniya at tinitigan ang mukha niya habang natutulog. Mukhang himbing na himbing agad siya ahh. Wala pang isang minuto, tulog na agad.



          Napaupo na lang ako sa tabi niya sa sahig at tinatawagan si Kei. Kailangan masabihan ko ang boyfriend mo sa mga nangyayari sa iyo na mukhang hindi niya alam... sa tingin ko.



          "Hello?" agad na tugon nito.



          "Ahh! Ikaw pala iyan Kei."



          "Saan mo nakuha ang number ko?"



          Dahil sa bored ako, bibigyan kita ng palaisipan. "Huminto muna tayo saglit at mag-isip. Kanino ako kukuha ng number mo aside sa iyo kasi ayaw mo sa akin?" nakakalokong tanong ko.



          "Kay Keith? Katya? Arielle? Alexa? Martin?" naiinis na sagot ni Kei.



          "Wow. Wala man lang tamang sagot. Okay lang. Try it again."



          Tumahimik ulit siya at mukhang nag-isip. Medyo matagal siyang sumagot ahh.



          "Alam kong nag-iisip ka pero pwede bang sagutin mo na ang sarili mong tanong?" naiinip na saad ko.



          "Ren," hula niya. Haixt! Sa wakas. Alam na rin niya ang sagot.



          "Bingo!" natutuwa ko saad.        



          "Ngayon, ano ang kailangan mo?"



          "Ngayon, gusto kong ipaalam sa iyo na nasa bahay ako ngayon ni Ren at kami lang ang mga tao na nasa bahay."



          "Bakit mo naman sinasabi sa akin iyan ngayon?"



          "Umm... kasi kaila-"



          Bigla naman niyang binaba ang telepono niya. Huh? WTF?! Sasabihin ko lang naman na kailangan siya ng boyfriend niyang si Ren?



          "Hoy! Bakit mo tinawagan si Kei?" biglang tanong ni Ren sa likod ko. Bakas sa boses nito na nanghihina at pagod na pagod siya... kahit wala namang halos ginagawa.



          "Bakit? Masama? Tinawagan ko lang naman ang boyfriend mo para sa iyo. Kailangan mo ng seryosong tulong. Gaya ng NGAYON NA?!"



          "Hindi ko kailangan ng tulong," saad niya habang bumabangon saka kinukuskos ang mata at umupo ng maayos.



          "Hindi ako naniniwala diyan Ren. Kailangan mo."



          "Ikaw ang mas kailangan ng tulong. Kaya kung ako sa iyo, mag-aral ka na," turo pa niya sa PC.



          Humugot na lang ako ng buntong-hininga. "Seryoso, kailangan mo ng tulong."



          "Ano namang klaseng tulong maliban sa hindi mo pag-aaral dahil kumokopya ka lang sa akin?" pagsusungit na naman ni Ren.



          "Hindi iyan ang mga tinutukoy ko. Ang concern ko, ikaw," ngiti ko.



          "A-Ano naman at concern ka sa akin?"



          "Iyang panaginip mo. Pamilyar talaga sa akin. Kaso laging nasa dulo ng mga daliri ko."



          "May alam ka kayang interpritasyon sa panaginip ko?"



          "Ahh! I perfectly know. Meron ka bang PlayStation 2 dito sa Game Room mo?"



          "Meron. Ano naman ang kinalaman ng panaginip ko sa PlayStation 2?"



          "Basta." Tumayo ako at pumunta sa gameroom. "So I assume na ang mga bala mo sa PlayStation 2 ay nandito sa aparador."



          "Yeah."



          Naghalungkat ako sa mga bala niya sa aparador. Madami-dami din ito.



          "Anong ginagawa mo diyan?" tanong niya na nasa likuran ko lang.



          "Hinahanap ang kasagutan sa panaginip mo. Wow. Ang daming bala ha? Tinapos mo ba ito lahat?"



          "Yeah. Madami-dami din iyan kaso hindi ko na matandaan lahat ang mga kwento ng mga bala na iyan."



          "Wow. Obviously. Sa dami ng mga alam mo sa ating course, may space pa kaya ang mga ito sa utak mo? Malamang wala." Nahanap ko din ang hinahanap ko. "Aha! Ito."



          Binigay ko sa kaniya ang bala at tiningnan. "Fatal Frame III, The Tormented."



          "Mukhang nanggaling diyan sa larong iyan ang panaginip mo. Oh the wonders sa mga taong sobrang talino na may sapak sa utak."



          "Umm... ano ang kwento ng... larong ito?"



          "Iyung protag ng laro, namatayan ng boyfriend. Para klaro, babae ang protagonist. Ikakasal na sana sila. Ang kaso nga namatay si boyfriend. Ilang buwan lang ang nakalipas, habang busy ang protagonist sa pagta-trabaho, nagpapakita sa kaniya ang multo ng boyfriend niya. Siyempre, sinundan niya ito at napunta siya sa isang malaking bahay. Pero panaginip lang pala iyun. So going to skip ang mga hindi importanteng bagay, pati iyung itim na babae na hinahabol ka, nalaman niya na miss na miss niya ang nobyo niya kaya ganoon. Sa panaginip mo, nakita mo ang kuya mo, ang nanay at tatay mo, ibig sabihin lang nun ehh, na-miss mo lang sila."



          "Umm... okay. How about this Allan? Nakita ko na may lumabas na paro-paro mula kay kuya."



          "Talaga? Ano naman ang kulay ng paro-paro?"



          Napa-isip siya saglit. "Parang pula."



          Grabeng panaginip to ni Ren ahh. Buti na lang at hindi sinasabe ng mga tao sa panaginip niya na may kakambal ang nakakatandang kapatid niya na si Larson. Napatingin ulit ako sa mga bala ng PlayStation 2 niya. Nandito ang pangalawang installment ng Fatal Frame. Crimson Butterflies. Tungkol naman ito sa isang pares ng kambal na gagawin sana ang isang ritwal na maging pulang paro-paro para maging isa sila. At lahat ng mga ito ay pure fictional ng iba't ibang Japanese lore. Hmm... ano kaya ang magandang palusot?



          Sinimulan ko ng niligpit ang mga bala ng PlayStation 2 niya. "Baka spirit animal ng kapatid mo. Pulang paro-paro," pagsisinungaling ko. "Alam mo, tama na ito. Babalik na ako sa pag-aaral. Marami na tayong sinasayang na oras sa panaginip mong iyan. Alam mo, may naisip akong paraan para maalis iyang mga ganyang panaginip mo."



          "Ano naman?"



          "Mamaya na. Sa ngayon, kailangan sulitin ko ang oras na ito na mag-aral. Baka kapag hindi ako pumasa dito ehh hindi na tayo magkaibigan," saad ko pagkatapos iligpit ang mga bala ng PlayStation 2 niya.



          "H-Hindi naman tayo magkaibigan to begin with. Mag-aral ka na," wika niya na parang nag-uutos.



          "Opo boss," nasabi ko na lang habang naglalakad pabalik sa sala.



Ren's POV



          Malapit ng mag-alas diyes ng gabi nang humikab si Allan. Nandito lang ako sa sofa at tinitingnan ang ginagawa niyang pag-aaral. Seriously, hindi ko maiwasan na mailang sa kaniya. Siya kasi si Mr. Lion at nagkukunyari lang na hindi matalino at nagbobobo-bobohan lang. Itong Allan na ito. Kaya naman niya iyan tapos nangangailangan pa ng tulong ko. Harap-harapan ko kaya na sabihin ko na alam ko na siya si Mr. Lion?



          Biglang inikot ni Allan ang upuan at humarap sa akin habang inuunat nito ang kanyang katawan. "Okay. Gets ko na. Kaya ko ng harapin ang bukas."



          "G-Good luck sa iyo bukas then." Shit! Hindi ko mapigilan na kabahan kapag kinakausap siya.



          "Yeah. So sa ibang bagay naman, hindi ba sabi ko sa iyo na tutulungan kita na maalis iyung parang mga bangungot mo?"



          "Yeah. Oo nga pala, ano ang solusyon doon?"



          "Kailangan may gumulo ng utak mo at siguradong ako lang ang makakagawa nun." Yeah right Mr. Lion. Kung saang bagay ka kamo magaling.



          "L-Lagi mo naman iyun ginagawa ehh. At saka halatang-halata naman na magaling ka doon."



          "Talaga?" ngiti niya. Agad na nag-iwas ako ng tingin. "Oi, laro tayo ng iwasan ng tingin. Mukhang magandang laro iyun. Anong premyo? Infidelity mo?"



          "I-Infidelity? Anong akala mo- WAH!" Nag-angat ako ng tingin. Hindi ko namalayan na nasa harapan ko na siya.



          Tinulak niya ako at kinabig pakaliwa para mapahiga ako sa sofa. Nakapatong siya sa akin at nagkatinginan kaming dalawa at ngumiti lang siya ng nakakaloko. Bakit bumilis ang tibok ng puso ko? Kaba lang ito hindi ba?



          "Itulak mo ako," utos niya.



          Dahan-dahan kong nilagay ang dalawa kong kamay sa dibdib niya at itutulak sana. Pero pinansin ko pa ang bilis ng tibok ng puso niya. Mabilis din ito gaya ng sa akin.



          "Malas ko lang talaga na naunahan ako ni Kei. Gustong-gusto pa naman kita. Kung hindi lang siguro ganito, ganyan, hindi ako aabot sa ganito. Pero titiisin ko. Payag ako na maging 3rd party sa relasyon ninyo. Pumayag ka. Hindi naman malalaman ni Kei dahil wala siya dito. Hindi ba Ren?"



          Kaya ba ayaw ni Mr. Lion na makatuluyan ko si Kei dahil may gusto din siya sa akin? Kaya ba ganoon? Dahan-dahan na lumapit ang labi niya sa akin. Napapikit na lang ako.



          "KRIIIIING!"



          Nagising ako sa katotohanan at nagkaroon ng lakas na itulak siya. Napa-upo na lang siya sa sofa at ako naman ay mabilis na bumangon saka tiningnan kung anong meron sa phone. Si Kei.



          "Umm... hello. Ren?"



          "K-Kei? I-Ikaw pala? B-Bakit?" natataranta kong tugon.



          "Bakit natataranta ka? Anong meron?"



          "Umm... wala naman. Buti at napatawag ka," natutuwa kong saad.



          "Ganoon ba? Ano nga pala iyung tinatawag ni Allan na problema? Okay ka na ba or hindi pa? Kumusta ka na?" sunod-sunod na tanong ni Kei.



          "Ang totoo, okay na," pagsisinungaling ko. Tiningnan ko naman si Allan na nakatingin lang sa akin. "Salamat sa pagtawag Kei. I love you."



          "Ako din Ren. Mahal na mahal kita."



          Lumawak lang ang ngiti ni Allan sa pagpapalitan namin ng 'I love you' ni Kei. Tumayo si Allan at pumunta sa kusina. Nagkaroon ng saglit na katahimikan sa pagitan namin ni Kei. May problema kaya siya ngayon na hindi na naman niya masabi-sabi?



          "Hey Kei. Andyan ka pa ba?" untag ko.



          "Ahh! Yeah. Andito pa ako."



          "Sa tingin ko, pagod na pagod ka na. Mahirap ba ang exam ninyo kanina?"



          "Ohh... hindi mo pala alam. May pinuntahan kaming dalawa ni Harry kanina na isang importanteng bagay."



          "Ganoon ba? At ano namang bagay iyan?"



          "Umm... hindi ko pwedeng sabihin?"



          "Ahh. Okay. Gaya nga ng sinabi ko kanina, mukhang pagod na pagod ka na. Magpahinga ka na kaya?"



          "Oo. Magpapahinga na ako Ren. Magandang gabi at I love you."



          "I love you too."



          Binaba ko na ang phone. Nakarinig ako ng palakpak mula sa kusina.



          "I love you too," paggaya ni Allan sa paraan ng pagsasalita ko saka tumawa. "Wow! Really?" Saka umiling.



          "Allan, I'm really sorry. Hindi ko pagtataksilan si Kei. Hinding-hindi."



          Kumunot ang noo niya. "Anong pinagsasabi mo? Oh wait, iyung act ko ba kanina? Kapani-paniwala ba? Wow! May future pala akong maging artista."



          "Huwag na tayong magsinungaling sa isa't isa Allan. At first, hindi ako makapaniwala. Pero ngayon, alam ko na kung bakit. Siguro, iyung maging tayo is not of this time. Sinasabi ko sa iyo Allan. Hangga't mahal ako ni Kei, hindi ko siya kahit kailan mapapalitan sa puso ko. Hinding-hindi," seryoso kong saad.



          Ngumiti ng mapakla si Allan habang kinikuha nito ang bag niya at inilagay sa likod. "You know what, effective ata ang ginawa ko sa iyo. Siguradong ako na ang tumatakbo sa isipan mo. And kapag sinasabi kong arte ko lang iyun, arte ko lang talaga. Siguro alam mo naman Ren. Hindi lahat sa mundong ito ay totoo."



          Hindi ko siya masagot. Nakagat ko na lang ang labi ko dahil sa inis. Bwisit! So lahat pala iyun ay pagpapanggap lang? Sa bagay. Doon naman siya magaling. Bakit ba hindi ako magaling makipag-argumento?



          Bumuntong-hininga si Allan. "Tara na! Ihatid mo na ako. Gusto ko ng umuwi at magpahinga para naman may lakas ako bukas para ipagpatuloy ang pagtatago natin ng sikreto. Dali!"



          Nauna na siyang lumabas sa bahay habang ako naman ay kinuha ang mga dapat kunin. Sumunod na rin ako sa labas at inilabas ang motor. Nang sumakay ako sa motor, sumakay na din si Allan pero hindi sa balikat ko kumapit kung hindi sa bewang ko at nakayakap.



          "Hoy! Huwag diyan! Kung isa ito sa mga kalokohan mo, tigilan mo na pwede?" reklamo ko saka sinusubukan kong alisin ang kamay niya.



          "Bakit? Naaapektuhan ka?" saka nilipat na niya sa balikat ko ang kamay niya.



          "Hindi ako komportable. At kung idadahilan mo na dahil sa mabilis akong magpatakbo ng motor, itong motor ko ay hindi kasingbilis gaya ng motor mo. Tigilan mo na nga ako."



          "Okay. Titigil na. Ngayon, tama na ang dada at paandarin mo na ang motor."



          Wala na akong sinayang na oras at hinatid agad siya sa bahay niya.



          "Magandang gabi Ren. Sweet dreams," paalam ni Allan sa akin.



          Pagkababa niya ay pinaharurot ko agad pauwi ng bahay. Umakyat agad ako sa kwarto para matulog. Buti naman at habang hinahatid siya, hindi siya sumisimple. Bakit ba ganito ang naramdaman ko kapag niyayakap nila Harry at Allan? At bakit parehas ang pakiramdam kapag si Harry at Allan? Ang ibig kong sabihin, alam ko naman na nanloloko lang si Allan. Hindi kagaya kay Harry na may halong pagkasabik sa kababata niya. Aixt! Bakit ko ba binabalikan ang mga araw na iyun. Itulog ko na nga lang ito at pagod na pagod ako ngayong araw na ito.



          Kinabukasan, hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko ngayon pero ang ganda ng panaginip ko. Hindi ko maipaliwanag ng maayos pero masayang-masaya ako. Nanaginip ako na natupad ang ilang mga pangarap ko sa buhay kasama ang isang... banda. Pulsar daw ang pangalan ng banda. Miyembro nito sila Joseph, Paul... at si Chris ng 'The Gravity'? Anong klaseng panaginip iyun? May isa pang miyembro pa na si... Justin Bieber. Huh? Si Justin Bieber, kasama sa banda namin? Ay basta! Maganda ang panaginip kong iyun. Pero wala doon si Kei. May ibig sabihin din ba kaya iyun? Hindi bale na.



          Isang bagong umaga na naman ang dumating. Tama yata ang mga sinabi sa akin ni Allan tungkol sa mga panaginip ko. Siguro itong utak ko, kailangan ng ayusin. At sana naman, nakuha ni Allan ang mga pinag-aralan namin para hindi kami mapahamak... o baka gagawin niya iyun on purpose dahil siya si Mr. Lion. Hay nako!



          Naglalakad ako papunta sa una kong klase kung saan magaganap ang aming major exam sa araw na ito.



          "Ren! Kumusta?" untag ni Harry sa akin at nakangiti. May maganda bang nangyari sa taong ito.



          "Harry. Mukhang maganda ang gising natin ngayon ahh," nakangiti ko ding tugon.



          "Oo naman. May maganda kasing nangyari kahapon," saad pa niya habang inuunat ang katawan.



          "Oo nga pala? Saan ka pumunta kahapon? Wala ka sa unang araw ng major exam natin."



          "Sa kung saan nanggaling ang ngiting ito." Tinuro niya ang sarili na nakangiti pa rin. "Well, nagpaalam na ako sa mga prof natin at bibigyan nila ako ng special exam. Mahirap ba ang exam natin?" Sisiw lang para sa akin.



          "Medyo mahirap nga Harry ehh," pagsisinungaling ko. "Nakapag-aral ka na ba?"



          "Yeah. Enough para makakuha ng passing grade." Natawa kami ng payak saglit.



          Nakarating na kami ni Harry sa classroom kung saan gaganapin ang isa sa mga major exams. Naghiwalay na kami ni Harry at umupo sa aming mga upuan. Nakangiti naman kung makatitig sa akin si Allan. Bakit ganoon talaga? Hindi ako makatingin ng maayos sa kaniya. Nakakaramdam ako ng pagka-ilang sa kaniya. Nakatanim pa rin kasi sa isipan ko na siya si Mr. Lion.



          Ilang oras din ang lumipas, natapos na din ang ilang mga exams namin. Naging mas maingat na ako sa paraan ng pagbibigay ng mga sagot kay Allan dahil nakikita kong minamanmanan talaga ako ng mabuti nung Gerard. Ito pa naman ang gustong lalaki ni Edmund. Paano kung kunin kong household member si Edmund at dadalhin niya sa bahay si Gerard para doon sila manirahan? Iyun kasi ang maaaring gawin ni Edmund para naman daw medyo masaya sa bahay kesa kami lang na dalawa ang nakatira. Magkakasundo kaya kami? Teka, ako ang magiging amo nila kaya gagawa ako ng mga patakaran sa bagay ko... balang araw! Hay nako! Bakit ba ako nag-iisip ng mga bagay na mangyayari pa lang 2 to 3 years later? Sa bagay. Okay din iyun pero hindi sa oras na ito.



          Susunod na ang major naming exam at iyun ay ang practical exam sa computer laboratory.



          Pumasok sa loob ng classroom ang professor namin para sa practical exam nila. "Mr. Gerard Faustiano, Mr. Allan Mercer, pumunta na kayo sa Computer Room ngayon din."



          "Good luck Allan. Kaya mo iyan," saad ni Alexis.



          Tumayo silang dalawa at si Allan naman ay nginitian si Alexis at kinindatan pa ako. Nag-iwas ako ng tingin. Naglakad naman paalis ang mga pinatawag sa Computer Room. Hindi ako nag-aalala kung babagsak si Allan dahil siya si Mr. Lion. Alam ko iyun na siya si Mr. Lion.



          Maya-maya ay kami naman ang pinatawag professor para sa aming practical exam. Ano na naman kayang klase ng exam? Lagi naman kasing madali para sa akin. Kung hindi lang sinabi ni ninong na mahalaga ang diploma ng isang college graduate, hindi ako mag-aaral. At kung hindi nga ako nag-aaral, marahil ay hindi mangyayari ang mga... ganitong school life ko na pangyayari sa buhay ko... or worst, si Kei.



          "Ren, aalis na tayo," untag ni Harry sa akin.



          Nagising ako bigla sa aking pagde-daydream. Wait, humangin pala kanina.



          "Nako Harry! Pasensya na." Tumayo agad ako at naglakad.



          "Mukhang wrong timing nung tinawag tayo ng professor natin ah. Humangin," ngiti ni Harry na sumasabay sa akin papunta sa computer laboratory.



          Namangha ako sa sinabi niya. "Wow. Alam mo pala iyung... habit ko."



          "Yeah. Alam mo kanina, inipon ko ang lakas ng loob ko para lang... istorbohin kita."



          "Inipon ang lakas ng loob? Bakit naman?" kunot noong tanong ko.



          "Hindi mo ba natatandaan? Noong unang beses na inistorbo kita habang nagmumuni noon? Nung hindi pa tayo magkaibigan. Nagalit ka ng sobra sa akin. Sinabihan mo ako na huwag kang kausapin magpakailanman. Simula noon at hanggang ngayon na magkaibigan na tayo, natatakot ako na istorbohin kita kapag nagmumuni habang humahangin. Ehh kanina, paano kung saka lang natapos umihip ang hangin kung kailan tapos na ang practical exam? Ay sandali lang! Nangyari na pala iyun," mahabang paliwanag niya.



          Nahiya ako. "Nako! Pasensya na talaga Harry. Base sa kwento mo, mukhang matagal mo na akong inoobserbahan."



          "Oo naman. Siya nga pala Ren. Sa susunod na semester, pwede bang magkatabi tayo ng upuan?" tanong ni Harry.



          "Umm... sure ba," hindi ko siguradong sagot. Papayag kaya si Allan? Kung tutuusin, matalino naman siya talaga at tatabi-tabi pa talaga itong si Mr. Lion.



          Nakarating naman kami sa computer laboratory. Nasa labas pa ang mga estudyante dahil mukhang hindi pa tapos sila Gerard at Allan sa kanilang special practical exam. Pero mula dito sa kinatatayuan ko, nakikita ko si Allan na naka-upo lang na parang walang ginagawa habang si Gerard naman ay patuloy pa ring nagta-type sa kompyuter.



          "Matanong ko lang Ren. Anong meron ngayon dito?" tanong ni Harry.



          "Ahh! Noong wala ka kasi, naghinala si Gerard na baka nandadaya daw si Allan sa mga written exams natin. Tapos narinig ng professor natin ang pag-aaway nila at binigyan silang dalawa ng isang special practical exam. Kapag daw perfect si Allan ay walang mapapatunayan si Gerard. Kapag hindi naman ay mapapatunayan ni Gerard ang mga akusasyon niya kay Allan," paliwanag ko.



          "Ahh. Ganoon ba? Pero ewan ko lang. Baka mananalo dito si Gerard para sa akin. Ano ba iyung ang mga akusasyon na sinabi ni Gerard kay Allan?"



          "Wala pa namang sinasabi si Gerard. Sasabihin lang niya kapag natalo niya si Allan... at sa tingin ko sa mga nangyayaring ito, mukhang tapos na si Allan. Siya nga pala. Bakit ka naman sigurado na si Gerard ang mananalo dito? Magkaibigan ba kayo o magkakilala?"



          "Magkakilala lang. Sort of."



          "Hands up!" rinig na saad ng professor namin.



          "Mukhang tapos na ata."



          Nakangisi na nakatingin si Allan kay Gerard habang itinaas nito ang kanyang mga kamay. Samantalang si Gerard ay nakatingin kay Allan sa karaniwan niyang poker face na ekspresyon. Una namang lumapit ang professor kay Gerard upang ma-check ang ginagawa nitong program. Maya-maya ay tumango ang prof namin at mababasa mo sa labi nito ang salitang 'Very Good'. Lumipat naman ang professor kay Allan at inusisa ang ginawa nitong program. Ganoon din ang nakita kong reaksyon sa prof namin at nagsabi din ng 'Very Good'. Nakahinga ako ng maluwag dahil mukhang hindi kami nahuhuli ni Mr. Lio- este Allan.



Allan's POV



          Lumawak ang ngiti ko matapos makita ang reaksyon ng prof namin habang inuusisa ang program na ginagawa namin ni Gerard. Ang special practical exam namin ay tungkol nga sa paghahanap ng mga mali sa program at i-edit ito para tumama. Medyo madali lang dahil napag-aralan ko na talaga ito. Si Gerard naman ay palihim na kinikiskis ang kanyang mga ngipin sa galit dahil ang usapan lang naman ay kung hindi ko magawa o ma-perfect ang aming special practical exam, papatunayan niya ang nga akusasyon niya na nandadaya ako.



          "Paano ba iyan. Nagawa ko ng maayos ang ating special practical exam. Hindi ka ba kuntento sa resulta at gusto mo bang ulitin natin ito ngayon?" wika ko na may mapang-asar na tono. "Kung hindi mo tanggap dahil kailangan may matalo sa ating dalawa at sasabihin na idaan ito sa pabilisan, talo pa rin kita dahil mas nauna akong natapos kesa sa iyo Gerard."



          Kinuyom ni Gerard ang mga kamao niya at yumuko. "Tanggap ko ang pagkatalo ko. Ina-acknowledge ko ang katalinuhan mo Allan."



          "Kung ganoon, ayos na ang lahat. Ngayong ina-acknowledge mo na ang katalinuhan ko, I hope na hindi mo na kwestyunin ang katalinuhan ko. Sa totoo lang Gerard, tanggap ko naman na may dalawang tao na nasa top 1... sa mga written exams. Alam mo kung bakit hinahayaan na lang kita sa mga practical exam, dahil ayoko ng makipag-away sa pwesto. Dapat matuwa ka dahil kapag pinagsama-sama ang mga grades mo, ikaw ang lalabas na top 1. Hindi ako."



          Humugot si Gerard ng buntong-hininga at mukhang ginagawa niya ito para mai-compose ang sarili. Pagkatapos ay nagsimulang maglakad palabas ng computer room. Kung magwawala dito si tanda, okay lang sa akin.



          Ako naman ay nakahinga din na maluwag at lumabas din ng silid para salubungin si Alexis na naghihintay sa akin. Mukhang ayos na ang lahat dito.



          "Ang galing mo Allan. Turuan mo naman ako?" salubong sa akin ni Alexis.



Ren's POV



          "Uso ba iyung mga speech na ganoon?" naitanong sa akin ni Harry habang tinitingnan namin si Allan na nagbubunyi kasama ang ilang mga kaibigan.



          Nakahinga din ako ng maluwag sa nangyari. "Hindi na natin iyan concern Harry. Ang isipin na lang natin ay ang sarili nating practical exam."



          Tumuloy na kaming mga natirang estudyante na kukuha ng practical exam. Maya-maya ay natapos na kami at okay na ang lahat. Paalis na kami ng computer lab.



          "Tara Ren. Labas tayo bukas para  gumala," yaya sa akin ni Harry.



          "Saan naman tayo pupunta?"



          "Kahit saan. Kain tayo sa labas, lakeside, kahit saan. Gusto ko lang kasi lumabas."



          Natawa ako sa inaasta niya. "Sige ba," pagpayag ko.



Edmund's POV



          Naghahanda na akong lumabas ng mansyon dahil magkikita na kami ni Gerard sa wakas... nang tumunog ang phone ko. Tiningnan ko kung sino ang tumatawag at si sir Simon pala.



          "Hello sir Simon?"



          "Edmund! Ahh! Mabuti at sinagot mo ang phone mo," natutuwang saad ni sir Simon.



          "Bakit po kayo napatawag sir Simon?"



          "Siguro narinig mo na ang insidente na nangyari sa eskwelahan ko na kinasasangkutan nila Ren, Blue at ng isa ko pang estudyante."



          "Opo. Narinig ko po iyun."



          "Binigay ko ang phone number mo sa mga pulis na nagsasagawa ng imbestigasyon na iyun. Gusto kong magreport ka din sa akin tungkol sa mga nangyayari at kung sino ang salarin. Wala kasi akong panahon sa mga susunod na araw kaya inaasahan ko na gagawin mo ang trabahong ito ng tama," paliwanag ni sir Simon.



          "Sige po sir Simon. Maaasahan niyo po ako," pagpayag ko.



          "Aasahan ko iyan." Saka binaba na ni sir Simon ang phone niya.



          Isa na namang trabaho ang pinagkatiwala sa akin. Well, hindi naman siguro ito makakaapekto sa lakad ko...



          "KRIIIIING!"



          ... ngayon hindi ba? Tiningnan ko ang phone at isang unregistered number ang lumabas. Ito... na kaya iyung sinasabi ni sir Simon?



          Bumuntong-hininga na lang ako at sinagot ang phone. "Hello."



          "Hello? Ito po ba si Edmund Miles sa mansyon ni Simon Schoneberg?" tanong nito.



          "Oo. Ako nga. Sino to?"



          "Ako nga pala si Geoffrey Alden. Isa sa mga pulis na nag-iimbestiga sa nangyaring insidente malapit sa eskwelahan ng Schoneberg Academe. Pinapa-forward po ni Mr. Schoneberg ang mga update ng imbestigasyon sa inyo. Nais lang po namin ipaalam na may lead na po kami sa aming imbestigasyon dahil mukhang natagpuan na namin ang sasakyan na bumangga sa kanila. Gusto po namin na personal na pumunta si Mr. Severin dito para po i-verify kung ito ba talaga ang sasakyan."



          "Ahh! Talaga? Pwede po bang i-text niyo na lang sa akin ang address at pupunta po ako diyan."



          "Sige po."



          Binaba ko na ang telepono. Humugot ako ng buntong-hininga at tinatawagan si Gerard. Mukhang kanselado na naman o kanselado na naman ang lakad namin ni Gerard ngayon. Bakit ba ganito? Baka may puwersa na hindi ko nakikita na ayaw akong payagan na lumabas kasama si Gerard?



          "Hello," saad ni Gerard.



          "Gerard, pasensya na at hindi tayo matutuloy ngayon. May mas importanteng lakad akong pupuntahan ngayon."



          "Work related?"



          "Oo."



          "Turns me on."



          "Huh? Nakakaturn-on ba sa iyo ang mga taong nagtatrabaho palagi?"



          "Oo naman. Kasi kapag umuwi ka sa bahay ko at pagod na pagod, aatake ako at sigurado namang hindi ka na makakapalag. Well that is, assuming na nakatira na nga tayo sa iisang bahay at gagawin mo akong full-time bitch," diretsong sabi niya.



          Nagulat ako sa sinabi niya. "Wala akong sinasabi na gagawin kitang full-time bitch kapag nakatira na tayo sa iisang bahay. At himala. Nag-iisip ka pa na titira tayo sa iisang bahay?"



          "Hindi ba ganoon iyun? Mag-boyfriend na tayo kaya baka sooner or later, titira na tayo sa iisang bahay. That is nga kung magtatagal ang relasyon natin at magsasawa ka sa akin." Ang negative ng taong ito masyado.



          "Ikaw ang nagsabi niyan at hindi ako. At tsaka pwede bang tigilan mo nga iyang bibig mo na magsalita ng ganyan?"



          "Hindi ko pwedeng sundin ang sinasabi mo," walang emosyon niyang saad.



          "Hay nako! Sige na. Talk all you want like that. Makukunsumi lang ako kapag nakinig pa ako sa mga sinasabi mo. Sige na. Bye. I love you."



          "Bye." Pagkatapos ay tinapos na niya ang tawag.



          At least hindi siya nag-reply ng 'I love you too' kahit alam ko naman na hindi ganoon ang nararamdaman niya. Hindi gaya ng iba. 'I love you' ng 'I love you' kahit hindi naman nila talaga mahal.



          Nainis lang akong umalis sa quarters ko at nagbihis ulit. Argh! Nakakaasar talaga. Wrong timing na tumawag ang mga pulis para sa imbestigasyon.



          Nakarating na ako sa bahay ni Ren at napansin ko na may nauna nang sasakyan na nakapasok sa bahay niya. Mukhang sasakyan ito ni rapist.



          Pinaalis ko na ang naghatid sa akin at tumuloy sa bahay ni Ren. Naabutan ko naman ito na nakikipag-usap kay rapist.



          "Planning to rape him again?" bungad ko na ikinagulat ng dalawa.



          "Edmund. Nandito ka pala. Anong ginagawa mo dito? May lakad kami ni Harry. At saka huwag mong tawagin si Harry na rapist," simangot ni Ren.



          "Hayaan mo na siya Ren. Kung iyun talaga ang iniisip niya," saad ni rapist.



          "Edmund, respetuhun mo naman iyung mga bisita ko dito sa bahay."



          "Fine. Pero itong mata ko, babantayan kita." Sabay turo pa sa mga mata ko saka tinuro ang mata ni rapist. "So saan pala kayo pupunta? Pasensya na pero hindi matutuloy iyan dahil may mas importanteng lakad tayong pupuntahan. Natagpuan na kasi iyung sasakyan na bumangga... sana kay Ren. Kaya pinapapunta tayo ng mga pulis para ipa-beripika ni Ren."



          "Ohh. May lead na pala?"



          "Mukhang hindi natin maitutuloy ang lakad natin ahh," malungkot na saad ni Harry.



          "Kung ganoon, tara na't umalis na tayo. Gamitin natin iyung sasakyan ni Harry."



          Ilang minuto naman ang lumipas at napunta kami sa isang abandonadong bahay. Naka-park din sa tapat nito ang mobile ng police.



          "Mukhang nandito na tayo," saad ko saka lumabas.



          Lumabas din ang dalawa sa sasakyan at tiningnan ang kabuuan ng abandonadong bahay.



          "Nandito na pala kayo," saad ng isang boses mula sa loob ng building. Mukhang ito ang nakausap ko sa telepono na si Geoffrey.



          Naka-suot ito ng uniporme ng mga pulis. Maganda ang mata at ilong ng taong ito. Mukhang banat na banat din ang masel ng pulis at mga kasing-edad ko lang ito. Medyo matangkad at halatang-halata sa tindig ng taong ito na matigas at lalaking-lalaki. Kaya lang ay kung makatingin sa akin ay masama at seryoso ang ekspresyon ng mukhang ito. Napansin ko din na mukhang bukas ang zipper ng pants niya at pinagpapawisan. Bakit kaya? At kung makatingin naman ito sa akin. May ginawa ba akong masama?



          "Officer Geoffrey," tawag dito ni Ren.



          "Pasok na tayo sa loob," walang emosyon nitong tugon habang nakatingin sa akin.



          Pumasok kami sa abandonadong bahay at pumunta sa parang garahe. Sa loob ay may isa pang lalaki na nakaupo sa isang bench at isang kotse na mukhang karaniwang model na Mitsubishi Lancer LX ang modelo nito. Hindi naman ako sigurado sa kulay ng kotse dahil parang blue ito... at hindi ako sigurado kung purong asul ang kulay. Ano ba ang pakialam ko doon? Habang ang lalaki naman ay mukhang pagod na pagod dahil bakas sa uniporme niya na basang-basa ito dahil sa pawis marahil. Umiinom ito ng tubig. Mukhang sa sitting height pa lang ng taong ito ay medyo maliit sa naunang pulis. Hindi din kalakihan ang pangangatawan... at hindi ata napapansin ng taong ito na bukas ang zipper niya? Teka?



          Tumingin ako sa ibaba ng lalake at may parang makakapal na patak ng... kung... ano.



          "Ganoon ba talaga iyun kasarap?" bigla ko na lang nasabi at napatingin ang mga tao sa akin.



          "Anong sinasabi mo?" tanong sa akin ni Ren.



          "Huwag mo akong intindihin."



          Sinuri ni Ren ang kotse ng ilang minuto. Si rapist- este Harry naman ay parang natulala habang tinitingnan ang kotse.



          "May problema ba Harry?"



          "Wala naman," iling niya.



          "Oo. Ito nga iyun," pagkumpirma ni Ren. "May nahanap ba kayong mga fingerprints, footprints o kahit anong ebidensya para malaman kung sino ang nagmamaneho ng kotseng ito?"



          "Unfortunately, wala kaming nahanap o nakuhang mga kung ano sa kotse. Malinis ang kotse kaya... dead end na tayo," paliwanag ni officer Geoffrey.



          "Kung mga CCTV footage kaya?"



          "Imposible din. Hindi naman ganoon kasikat ang mga CCTV ngayon kaya madalang lang na makakahanap tayo sa lugar natin."



          "Mukhang magaling ata ang suspek natin ahh. Nagbabasa kaya siya ng 'How to Get Away with Murder'?" singit ko. "Assuming na murder talaga ang gagawin niya talaga."



          "Wala ba kayong... mga posibleng hula kung sino ang may galit na gagawa sa inyo nito?" tanong pa ni officer Geoffrey. "Dapat may mga suspetya kayo para magpatuloy ang kasong ito."



          "Imposible namang may kung sinong tao na galit dito sa kaibigan ko. Ni hindi nga siya napapansin ng tao tapos may magagalit sa kaniya," kumento ni Harry.



          "Sa iba kaya? Iyung mag-syota na si Keith Bernardo at Marcaux Pascual?" patuloy na pagtanong ni officer Geoffrey.



          "Sandali lang officer. Anong sinabi ninyo? Keith Bernardo at Marcaux Pascual? Marcaux as in M-A-R-C-A-U-X?" gulat ko.



          "Kilala mo ba sila Marcaux?" tanong ni Ren.



          "Pinsan ko siya."



          "Oo nga pala? Paano ninyo nabuksan ang kotse?" tanong ni Harry.



          "Magandang tanong iyan. Nabuksan namin ang kotse dahil nakita namin ang susi malapit dito." sagot ni officer Geoffrey. "Hoy Christian! Nasa sa iyo ang susi hindi ba?"



          Tumayo ang isang lalaki na nakaupo sa bench habang may bitbit na plastik na lumapit sa amin. Sa loob nito ay nakalagay ang isang susi.



          "Sa kasamaang palad, wala rin kaming nakuhang fingerprints sa susi," saad ni... officer Christian.



          "Alam niyo, pwede bang isara na lang natin ang kasong ito?" nasabi ni Ren.



          "Bakit naman?"



          "Mukhang wala namang patutunguhan ang imbestigasyon na ito dahil dito pa lang, dead end na tayo. Wala ng mga clues. So paano natin mahahanap ang salarin kung wala naman siyang iniwang bakas?" paliwanag ni Ren.



          "May punto ka. Pero wala ba talaga kayong naiisip na posibleng gagawa nito sa inyo ng masama? I mean, hindi naman siguro porke't mabait kayo sa lahat ng tao ay wala ng nagagalit sa inyo? Sa mga kaibigan niyong sila Blue, Keith at Marcaux, wala?" tanong ni officer Geoffrey.



          "Hindi ko alam," iling ni Ren.



          "Dapat tanungin na muna natin sila para makasigurado."



          "Ang mabuti pa maghiwalay tayo," suhestyon ni Harry. "Kami ni Ren at officer Christian ang pupunta sa bahay ni Blue at kayo na lang ang pumunta sa... Marco ba iyun?"



          "Marcaux iyun Harry," pagko-correct ni Ren.



          "Hoy teka? Bakit kayong tatlo lang ha?" reklamo ko. "Alam mo Ren, tamang-tama. Kasuhan mo na nga iyang si Harry ng attempted rape?"



          "Ang gwapo naman niya at ginagahasa siya ng kaibigan niya," rinig kong bulong ni officer Christian.



          "Edmund, pwede ba? Tapos na kami doon," ngiwi ni Ren.



          "Pero okay naman na maghiwalay tayo para magtanong. Wala naman tayo sa isang sitwasyon na kailangan ehh stick together at baka may mamatay na isa sa atin," pagsang-ayon ni officer Geoffrey kay Harry. "Pero Christian, sasama ka sa akin."



          "Ha? Bakit?" reklamo pa ni officer Christian.



          "Wala ng tanong-tanong." Hinawakan nito ang kamay ng kapareha.



          "Harry, siguraduhin mo lang na wala kang gagawing masama diyan kay Ren ha. Humanda ka sa akin kapag may nangyaring masama sa kaniya," banta ko.



          "Ano ka ba Edmund? Itigil mo nga iyan," pananaway pa ni Ren.



          Nagpasya naman kaming maghiwalay. Sasama ako sa dalawang pulis habang si Harry ay solong-solo si Ren. Binigay ko naman sa mga kasama kong pulis ang direksyon ng bahay ni Marcaux... sa huling pagka-alala ko. Maya-maya naman ay huminto ang sasakyan at nasa tapat na pala kami ng bahay ni Marcaux.



          Lumabas kami ng sasakyan at pinatunog ang doorbell. Binuksan naman ito ng isang katulong. Matapos malaman na may kasama akong pulis para mag-imbestiga, pinapasok kami ng katulong. Habang naghihintay sa sala, bumaba sila Marcaux at Keith... habang binubuhat ang kapareha, at nilapag sa sofa.



          "Aray!" mahinang saad ni Keith dahil sa iniindang sakit.



          "You are really taking care of him now. What kind of care?" sarkastikong kong tanong.



          "Maximum care to be exact pinsan," sagot ni Marcaux habang umuupo sa sofa. "So? May maitutulong po ba ako? May kailangan po ba kayo sa akin officer Geoffrey at officer Christian?"



          "Naparito po pala kami para magtanong ng ilang katanungan at sana po, may maisagot kayo. Meron po ba kayong taong naisip na posibleng may gagawa sa inyo doon sa nangyaring aksidente noong isang araw?" saad ni officer Geoffrey.



          "Hindi ba sinabi ko na dati na wala na akong pakialam kung sino man ang may gawa nito kay Keith dahil hindi nga ako interesado," seryosong wika ni Marcaux.



          "Umm... Ferdinand. Sumunod ka na lang," mahinang saad ni Keith. Wow! Ganda ng tawagan ahh. Ferdinand.



          "Pero..."



          "Sige na," pag-uudyok ni Keith.



          "Okay."



          Nag-isip naman ang dalawa ng mabuti.



          "Sa totoo lang, wala akong naiisip na taong gagawa sa akin ng ganitong bagay. Mga taong may matinding galit sa akin, wala. Ikaw Keith?" pagpasa ni Marcaux.



          "Ako din. Wala rin akong naiisip na tao na may gagawa sa akin nito."



          "Mababait kaming tao kaya walang gagawa sa amin ng ganitong kasamang bagay. Aksidente lang iyun."



          "Talaga? Don't be naive Marcaux. Once, may isang pinakamabait na tao sa kasaysayan ang gumawa ng maraming mabubuting bagay sa maraming tao. Still, pinagbalakan pa rin siya ng masama ng ilang tao at nagtagumpay naman sila. Guess who kung sino?" sarkastiko kong saad.



          "So wala po ba kayong naiisip kayong tao na gagawa sa inyo noon?" patuloy na pagtanong ni officer Geoffrey.



          "Wala talaga officer," iling ni Marcaux.



          "Kung ganoon po, aalis na kami. Salamat po sa inyong kooperasyon," saad ni officer Christian saka tumayo at nakipagkamay kay Marcaux..



          Tumayo naman si officer Christian at nauna nang umalis sa amin. Nakita ito ni officer Geoffrey at napangiti. Kinalas ni officer Christian ang kamay niya kay Marcaux at sinundan ang kapareha.



          "Cute. Siya nga pala pinsan. Matapos malaman ni papa na nagkita na tayo, pinapayaya ka ni papa sa akin na mag-lunch sa-"



          "Sandali! Sandali!" pag-aburido ko. "Huwag mong sabihin na sa Sabado magaganap."



          "This... Saturday," sinabi pa rin niya.



          Nasapo ko na lang ang ulo ko. "Wow naman. Iyung totoo? Mayroon ba akong hindi nakikitang puwersa ang nagbabawal sa akin na i-date si Gerard?"



          "Bakit? Hindi ba matutuloy ang date niyo sa araw ba iyun? Pwede pa naman ahh. Mas sweet nga kapag gabi. I-set mo na lang ang date niyo sa susunod na sabado sa bandang gabi. Siguradong makakaabot ka naman kung saan kayo pupunta."



          "Yeah. Tama ka. But it seems na hindi mo kilala ang papa mo. Kapag nakipagkwentuhan ay aabot ng hating-gabi."



          "Ganoon? Aabot ng ganoong oras?"



          "Sa tingin mo, sa ilang taon akong hindi nagpaparamdam sa inyo, hindi pa ipapakwento sa akin ng papa mo ang mga nangyari sa pamilya namin?"



          "Magpaalam ka na lang kapag aalis ka na."



          "Ugh! Hindi rin pwede," iling ko. "Mukhang magiging rude ako nun at baka gumising ang spiritu ni papa at batukan ako."



          "So hindi matutuloy?"



          "Huwag kang mag-aalala. Tuloy." Sabay tapik ko sa balikat niya. "Sige. Aalis na ako."



          "Mag-ingat ka."



          Wow! Dapat pala hindi ako nagpakita sa long lost pinsan ko. Pero ano pa ba ang magagawa ko? Nakita na ako. Hindi ko naman pwedeng i-revert iyun. Pambihira! Hay! Hindi bale na nga.



          Habang papalabas sa bahay, kinuha ko na lang ang cellphone ko at nag-text kay Gerard.



          "Pasensya na. Mukhang hindi din pwede sa susunod na Sabado. This time, niyaya ako ng pamilya ng pinsan ko na maglinner sa kanila. Sana naman sa susunod pa na Sabado, hindi ka magdadahilan na may lakad. Sa susunod na talaga wala na to. Matutuloy na talaga tayo."



          Nang nakapasok na ako sa mobile, umandar na agad ito para pumunta sa rendezvous point namin nila Ren.



          "Linner? Anong linner? Tela ba iyan?" reply ni Gerard sa text ko.



          "Linner. Lunch at dinner."



          "Imbentor ka ba ng salita? Dami mong alam."



          "Brunch nga, breakfast at lunch."



          "Whatever."



          Humugot na lang ako ng buntong-hininga. Buti na lang at hindi ko fully boyfriend itong si Gerard. Kung totoong boyfriend ko talaga ito, baka magtatampo na dahil ilang beses ng na-delay ang date namin.



Ren's POV



          Nakarating na kami ni Harry sa bahay ni Blue. Pagkababa namin sa sasakyan, nag-doorbell kami. Bumukas ang gate at pinapasok kami ng mama ni Blue nang malaman na kaibigan ako ni Blue. Pagdating sa sala, pinaupo naman kami ng mama niya sa sofa.



          "Pasensya na kayo ha. Tulog pa kasi si Blue," paghingi ng dispensa ng mama niya. "Magagalit kasi kapag ginigising. Alam niyo na. Pagod na pagod kagabi dahil andito si Aldred kagabi."



          "Okay lang po iyun."



          Nakangiting kumunot and noo ng mama ni Blue at papalit-palit ng tingin sa akin at kay Harry. "Kayo ba, mag-boyfriend din ba kayo?"



          "Ho?"



          "Nako po. Hindi po," pagtanggi ni Harry.



          "Alam niyo, bagay kayong dalawa." Naging fujoshi na rin ata ang nanay ni Blue ahh.



          "Oo nga po ehh. Bagay kaming dalawa. Kaya lang hindi po pwede. Hindi pa po pinapayagan itong si Ren na magkaroon ng boyfriend o girlfriend," paliwanag ni Harry.



          "Ay sayang! Hay nako! Grabe. Napakamasunurin mo palang bata kung ganoon." May boyfriend na po ako kung alam niyo lang. "Ano ba itong ginagawa ko? Hohoho~! So ano? Gusto niyo ba ng inumin? Kape? Tsaa? Ice tea?"



          "Ren. Nandito ka pala," tawag sa akin ni Blue habang pababa ito sa kwarto niya.



          "Gising ka na pala anak." Baling ng mama niya sa kaniya.



          "Umm... oo nga pala. Kahit anong inumin na lang po. Hindi naman po kami magtatagal," saad ni Harry.



          "Ahh! Sige."



          Pumunta na sala ang mama ni Blue.



          "Anong meron?" tanong ni Blue saka umupo sa sofa.



          "Nag-iimbestiga kami ng mga pulis tungkol sa nangyaring aksidente noon sa atin at naparito ako para magtanong sa iyo," sagot ko.



          "Ano naman?"



          "Umm... kasi..."



          "Heto. Iced tea para sa inyong tatlo," pag-abrupt ng mama ni Blue saka nilapag sa maliit ng mesa ang mga baso.



          "Umm... salamat."



          "Sige. Usap lang. Doon na muna ako sa kusina para magluto ng hapunan. Dito ba kayo maghahapunan Ren?"



          "Hindi po. Aalis din po kami," pagtanggi ko.



          "Okay."



          Muli ay iniwan kami ng mama ni Blue papunta sa kusina. Tinitigan lang ako ni Blue habang si Harry ay ine-enjoy ang kanyang iced tea. Kinakabahan ako kung sasabihin ko ba ang iniisip.



          "Ohh! Nandito ka pala Ren," rinig kong boses ni Aldred NA MAS LALO PANG NAGPAKABA SA AKIN! Wrong timing.



          Nilingon ko si Aldred at pababa din ito mula sa kwarto ni Blue. "Y-Yeah nandito kami. Siya nga pala guys. Aldred, Blue, si Harry. Harry, siguro naman, hindi na kailangan kasi kilala mo naman sila."



          "Nice to meet you pare," ngiti pa ni Aldred saka umupo sa tabi ni Blue. Tumango naman si Harry.



          Ilang minuto naman ang lumipas at nagkatinginan lang kaming tatlo. Walang nagsasalita. Hindi ako sira para sabihin ang bagay na ito sa harap ni Aldred.



          "Umm... may sasabihin ka ba Ren?" muling tanong ni Blue.



          "Yeah. Ang kaso..." Tinikom ko ang bibig ko saka pasulyap-sulyap na nililipat ang tingin ko kay Aldred.



          "Ohh. Ako ba?" turo ni Aldred sa sarili. "Hindi ko ba dapat ito marinig?"



          "Hindi sa ganoon Aldred pero kailangan ehh. Pero sigurado naman ako na malalaman mo iyun mula kay Blue," paliwanag ko.



          "Umm... okay. Sige. Maliligo na muna ako," paalam ni Aldred at bumalik sa taas ng kwarto ni Blue.



          "Ano ba iyun at kailangan na hindi malaman ni Aldred?" tanong ni Blue.



          "Sa tingin mo Blue, sinong taong may galit sa iyo ang maaaring makagawa ng ganoong bagay sa iyo? Iyung sa aksidente?"



          Natahimik si Blue at nag-isip. "Sa totoo lang, meron. Pero hindi na niya ngayon gagawin."



          "Sinong tinutukoy mo?"



          "Umm... si Irene. Half-sister ko siya. Kababalik lang niya mula sa ibang bansa. Nagbalak siya ng masama sa akin noon pero nagbago na siya. Nangako siya na hindi gagawin iyung mga ganoong bagay sa akin. Sigurado akong hindi niya magagawa ang bagay na iyun sa akin."



          "Ganoon ba? Pero Blue, may naiisip akong... posibleng gagawa sa iyo ng ganito."



          "Sino?"



          "Si Chris?" mahina kong saad.



          "Buti nga at pinaalis mo si Aldred bago mo sinabi iyan. Pero isa pa iyan... sa mga imposibleng tao na gagawa sa akin ng masama. Hindi pwede si Chris dahil busy siya ngayon sa ibang bagay."



          "Kanino?"



          Lumingon-lingon si Blue sa paligid na parang may sinisigurado. "Busy si Chris sa pinsan ni Aldred na si Geo."



          "Okay. Ganoon ba? Sige Blue. Iyun lang. Aalis na kami."



          "Sige."



          Tumayo na ako sa sofa at nagpaalam na aalis na kami ni Harry. Wala din kay Blue.



          Habang pumapasok papunta sa loob ng kotse ni Harry, nahagip ng mata ko ang bahay ni Allan.



          "Umm... Harry, pwede bang dito ka muna sa loob ng kotse? May pupuntahan lang ako diyan lang sa malapit na bahay."



          "Samahan na kita."



          "Hindi na kailangan," pagtanggi ko.



          "Ano ka ba? Magkaibigan tayo? Hayaan mo. Kung may sikreto kang tinatago, hindi ko ipagkakalat," makahulugang saad niya.



          "Sikretong tinatago? Wala ha," pagtanggi ko. "Bahala ka nga. Kung gusto mong sumama, eh di sumama ka."



          Tumuloy ako sa tapat ng gate nila Allan. Pinindot ko lang ang doorbell at may dumungaw na isang matandang babae. Sa pakiramdam ko, parang mga 40 years old. Ito marahil ang mama ni Allan.



          "Magandang araw po. Nandyan po ba si Allan?" tanong ko.



          "Nandito nga. Ano ang kailangan mo sa anak ko?" gentle na wika ng baka mama ni Allan.



          "May kailangan lang akong sabihin po sa kaniya."



          "Nasa loob siya. Pasok kayo mga hijo."



          "Salamat po."



          "Bahay pala to ni Allan? Magkaibigan ba kayo?" tanong sa akin ni Harry.



          "Hindi ahh," pagtanggi ko. "Acquaintance ko lang siya. Ganoon. Since classmate natin siya at katabi ko, hindi naman masama hindi ba?"



          "Sa bagay. Pero sa nature mo, parang kahina-hinala."



          Pumasok na kaming dalawa sa loob ng bahay. Pagkapasok ay nagulat ako sa aking nakita. Si Allan talaga si Mr. Lion. Nakaupo ito sa sofa at hawak-hawak nito ang ulo ni Mr. Lion.



          "Mga classmates. Naparito kayo sa bahay?" pagsalubong sa amin ni Allan saka nilapag ang ulo ni Mr. Lion sa center table.



          "Ipaghahanda ko-"



          "Ahh! Hindi na po kailangan," pagpigil ko sa mama ni Allan. "Salamat po sa hospitality. Naparito lang po ako para kausapin saglit si Allan."



          Ngiti lang ang sinagot ng mama ni Allan at umalis ito.



          "Umm... Allan, sa iyo ba iyang... bagay na iyan?" tanong ni Harry sabay turo niya sa maskara ni Mr. Lion.



          "Yeah. Bakit?"



          "Pwede ko bang mahawakan?"



          "Sure."



          Lumapit si Harry at mukhang sinusuri ang ulo ni Mr. Lion.



          "Ngayon ka lang ba nakakita ng ganyang bagay at kung maka-usisa ka naman ay may itinatago ako sa bagay na iyan?" kunot noong tanong ni Allan.



          "Umm... wala lang." Binitawan ni Harry ang kanyang hawak. "May naalala lang ako. Favorite animals mo ba ang mga leyon?"



          "Tiger ang favorite ko."



          "Ako, favorite ko ang lion," sabat ko.



          Tumango na lang si Harry. "Sige. Maiwan ko na kayong dalawa dito. Ren, aantayin na lang kita sa sasakyan," paalam ni Harry saka lumabas.



          "Anong nangyari sa taong iyun? Parang nakakita ng multo," komento ni Allan.



          "Umm... oo nga pala Allan. Hindi pa pala ako nakapagpasalamat sa ginawa mo nitong huli nating major exam. Maraming salamat dahil niligtas mo ako."



          "Hindi mo kailangan magpasalamat sa akin at hindi ko kailangan ang pasasalamat mo," ngiti niya. "Hindi mo ako kaaway, hindi mo din ako kakampi. Tandaan mo iyan Ren."



          Natawa ako sa sinabi niya. Si Mr. Lion nga talaga siya. "Ikaw nga talaga iyan."



          Napahinto lang ako saglit at naisip ang ilang bagay tungkol sa aking nakaraan. Sasagutin niya kaya ako? Kaya lang, baka sabihin na naman niya na hindi niya sikreto ang bagay na iyun at wala siyang karapatan para sabihin iyun sa akin. Bigla ko ding naisip, si Allan o Mr. Lion kaya ay nagplano na maaksidente ako? Pero bakit? Ano namang dahilan kung gagawin niya iyun sa akin? Sabi niya, siya ang magiging susi ng aking kasiraan o hindi kaya kaligtasan. Wala pa siyang ginagawang kung ano sa akin matapos siyang magpakita noong kaarawan ko. Ano kaya ang binabalak niya?



          "Makikipagtitigan ka lang ba sa akin?" untag ni Allan.



          "Ahh! Pasensya na. I was in deep thought about something hoping na mahanap ko ang kasagutan. Pero mukhang hindi naman iyun masasagot."



          "Alam mo, kung hindi mo mahanap ang sagot sa iyong katanungan, why don't you just drop it already... for now. Malay mo, mahahanap mo din ang kasagutan sooner or later. Merong ganyan sa mga mystery novels kung nagbabasa ka. Halimbawa na lang ay may isang tanong sa isip mo na naiwan sa isang chapter. Basa ka ng basa hanggang umabot ka na lang sa halos last chapter ng libro, hindi pa rin nasagot. Pero nung nabasa mo ang huling chapter, nagkaroon iyun ng kasagutan bigla. Tinuturo lang nito na sadyang may mga bagay na hindi agad-agad mabibigyan ng kasagutan. Pero nung binigay ng author ang kasagutan sa last chapter, ipinapakita nito na nasa utak niya lagi ito at hindi kinakalimutan. Nakakapagod kayang mag-isip na hanapin mo ang isang kasagutan na hindi mo mahanap-hanap. Kaya bakit mo pa ba papagurin mo ang sarili mo sa isang tanong? Some people say na it's worth it kapag nahanap mo ang kasagutan na hinahanap mo. Paano kung hindi? May mga darating pang tanong sa ating buhay Ren. Hindi lang isa kung hindi literal na marami pa. Malay mo. Isa doon ay magkakaroon ng koneksyon sa tanong mong iyan at mabibigyan ito ng kasagutan," mahabang advice ni Allan.



          "A-Ang haba naman. May pinanghuhugutan ka ba Allan?"



          "Kahit ako Ren, may tanong din sa isip ko. Sino kaya ang papa ko? Lagi ko iyang tinatanong kay mama. Kaya lang, hindi niya sinasagot. Kaya tumigil ako sa pagtanong. Tumigil na ako sa paghahanap ng kasagutan. Umaasa na lang ako sa sana, mahanap ko din ang kasagutan balang araw."



          "Sana nga mahanap mo."



          "Just joking. Kilala ko kung sino ang papa ko," mabilis niyang saad saka tumawa.



          Natigil ako saglit. Niloloko na naman niya ako. Tinikom ko na lang ang aking bibig at itinaas ang aking mga kamay habang tumalikod at patuloy na lumabas ng bahay. Naririnig ko pa rin ang pagtawa ni Allan sa labas. Paglabas ng bahay niya, napalingon ako ulit dito. Somehow, parang may sense ang sinasabi ni Allan sa akin. He is really not helping me... and helping too at the same time.



          Sumakay lang ako sa sasakyan ni Harry. Naabutan ko lang ito na nakatulala na nakatingin si manibela.



          "Harry, okay ka lang?" untag ko dito.



          "Yeah. Okay lang. Grabe. Masisiraan ata ako ng bait."



          "May nangyari ba doon kila Allan?" usisa ko.



          "Wala naman. May naalala lang ako tungkol sa leyon. Favorite animal ng kababata ko." saad ni Harry saka nasapo ang ulo. "Huwag na nating pag-usapan Ren. Seryoso. Nakakasira talaga ng ulo."



          "Okay. Tara na at makipagkita na tayo kila Gerard."



          Ilang minuto ang nakalipas, nakarating na kami sa isang fast food chain. Nandoon na pala sila Gerard at sila officer Geoffrey at Christian. Kumain na muna kami dahil sa nakakagutom talaga ang ginawa namin. Pagkatapos kumain ay nagpalitan kami ng mga nalalaman namin sa aming pinuntahan.



          "Itigil na natin ang pag-iimbestiga sa kasong ito," seryoso kong saad.



          Kumunot ang noo ng lahat sa narinig.



          "Ren, sigurado ka ba dito?" tanong ni Harry.



          "Walang kwenta din Harry. Doon din patungo ang takbo ng imbestigasyon. Sa sasakyan na nga lang ehh wala tayong makuhang ebidensya. Wala din naman tayong nakuhang lead mula sa iba. Kapag ang isang kaso ay hindi umuusad, mauuwi din iyun sa pagsara nito."



          "Pero Ren, tandaan mo na nasa labas lang ang taong ito. Inalis niya ang mga ebidensya na magtuturo sa taong ito. Paano ko ito ipapaliwanag sa benefactor mo? Sa tingin mo ehh tatanggapin niya iyung eksplanasyon mong iyan?" saad ni Edmund.



          "Siguro mabuti ngang isara na natin ang kaso. Pero para makasiguro, kailangan na magkaroon ka ng mga personal bodyguards." mungkahi ni officer Geoffrey.



          "Hindi dapat ganoon ang mangyari. Ayokong mas lalong maghigpit ang mga benefactor ko dahil may isang tao dito sa labas na biglang nawala at hindi naman talaga natin alam kung pinupuntirya ako ng taong ito. May ebidensya ba tayo kung ako ba talaga ang puntirya niya maliban lang sa muntikan niya kaming banggain? Kaya ito ang gagawin natin. Pagkatapos natin isara ang kaso, dalhin niyo iyung sasakyan sa bahay ko. Kung ang taong ito ay may masamang binabalak sa akin at sa mga kaibigan ko, mag-aaksaya ito na pupunta sa bahay ko para makita ang sasakyan niya kung sino man ang taong ito, o kung hindi naman, hahayaan na lang niya ito. Basta! Para hindi na niya magamit sa mga susunod na krimen ang sasakyan. Palagay ko, may iba pang binabalak ang taong ito kung meron man. Edmund, ako na ang magpapaliwanag sa benefactor ko sa desisyon kong ito. Officer Christian, officer Geoffrey, salamat po sa serbisyo niyo. Pero ako na mismo ang magpapasara ng kaso."



          Umalis na ang dalawang pulis at naiwan kaming tatlo. Sumunod na rin kaming lumabas at papunta na sa kotse ni Harry para umuwi.



          "Ren, pwedeng mag-usap tayo saglit?" pagpapatigil sa akin ni Edmund.



          "Sige. Aantayin ko na lang kayo sa sasakyan," pag-una ni Harry.



          "Bakit Edmund? Ano iyun?"



          "May tinatago ka ba?" diretsong tanong niya.



          "Huh? Anong tinatago?" maang ko.



          "Bakit ayaw mong pataasin ang seguridad sa bahay mo?"



          "Well... ayoko lang talaga."



          "Aside sa amin ng mga known mong kaibigan, si Janice, Keifer, Harry at ang mga Schoneberg, may iba pa bang pumapasok sa bahay mo?"



          "Si Allan. Iyung classmate ko na may alam ng sikreto ko. Pumasok na din iyun doon."



          Napatigil siya saglit. "Aside pa sa kaniya."



          "Wala na," diretso kong sabi.



          "Sigurado ka?"



          "Wala na."



          Hindi ito makapaniwala kung makatingin sa akin. Maya-maya ay inilagay sa likuran ng ulo ang kanyang mga kamay at napailing. "Ren, kapag may nangyaring masama sa iyo, alalahanin mo lang na ako..." turo niya sa sarili. "Ay siguradong madadamay dahil sa kagagawan mo. Hindi nga lang ako ehh. Sila Jasper at madam Veronica, madadamay din. Huwag kang magpaka-V. I. P. na naman sa pamilya Schoneberg. Itong mga aksyon na ginagawa mo, pakiramdam ko talaga ay may sikreto kang tinatago sa amin."



          "Wala akong tinatago."



          "Pwede bang makita ang mga CCTV footage mo sa bahay?"



          Bigla akong kinabahan sa sinabi niya. "Huwag," agad kong pagtanggi.



          "So meron nga?"



          "Wala."



          "Bakit parang bigla kang kinabahan? Oh wait no! Bigla ka talagang kinabahan nang tinanong ko sa iyo kung pwede kong tingnan ang mga CCTV footage. Ngayon pa lang Ren, sabihin mo na sa akin kung may tinatago ka!"



          "Wala akong tinatago," mahina kong saad.



          "Wow. Humina ang boses. Asaan ang tapang mo?! Bakit ba ayaw mong sabihin kung ano ang tinatago mo?!"



          "Ayoko kasi ayoko."



          "Alam mo Ren, dapat magpasalamat ka na itong taong ito sa harapan mo, nag-aalala para sa iyo. Isa lang akong hamak na kasambahay ng mga Schoneberg. Alam mo kung bakit nag-aalala ako, hindi ko alam kung paano mamuhay ng mag-isa lang sa buhay at sa bahay mo ng literal. Hindi dahil sa trabaho ko ito dahil hindi iyun kasama sa mga dapat kong gawin. Kung may sikreto ka, pakiusap naman. Pagkatiwalaan mo ako."



          "Iyan nga ang problema Edmund. Hindi ko alam kung dapat ba kitang pagkatiwalaan. Dahil hati ang loyalty mo sa amin ni ninong kaya hindi ako nagtitiwala sa iyo."



          "Am I not that trusted? Noong nakita ko iyung ginawa sa iyo ni Harry, inutusan mo ba ako na hindi dapat ako magsumbong sa ninong at ninang mo? Hindi naman di ba? Nagsumbong ba ako? Hindi di ba."



          "Hindi lang basta ganoon na makukuha mo agad ang pagtitiwala ko Edmund."



          "Fine! I am not a trusted person then. Ako na nga mismo ang titingin."



          Inis na umalis ito sa lugar at nagtawag ng taxi... pauwi? Hind! Pupunta siya sa bahay ko!



          Dali-dali akong pumunta sa sasakyan ni Harry at sumakay.



          "Harry, sa bahay ko dali."



          "Si Edmund? Hindi ba siya sasabay?"



          "Nauna na siya Harry! Dali!"



          Pinaharurot agad ni Harry ang kotse pauwi sa bahay ko. Nang nasa kalagitnaan ng byahe, tumunog ang phone ko at pagkatingin ko, nakapasok na si Edmund sa bahay. Shit!



          "Dali Harry!"



          Nakarating din ako sa wakas sa bahay. Bumaba agad ako sa kotse at dali-daling ginamit ang override command ng gate. Dumiretso ako sa bahay at nadatnan diya na naka-upo sa tapat ng PC.



          "Sino ito?" turo pa ni Edmund sa PC.



          Lumapit ako sa PC para makasigurado kung sino ang nakita niya. Si Mr. Lion. Napaiwas lang ako ng tingin at nakita si Harry na papasok ng bahay.



          "Harry, rapist, o kung sino ka man, diyan ka lang muna sa labas pwede ba?" paggalit na pakiusap ni Edmund.



          Kumunot ang noo niya. Hindi na lang umimik si Harry at lumabas.



          "Tatanungin ulit kita? Sino ang taong ito?" muli niyang tanong.



          "Mr. Lion," mahina kong sagot ko saka tumingin ng diretso.



          "Mr. what?"



          "Siya si Mr. Lion. May alam siya sa nakaraan ko. Marami siyang alam na bagay tungkol sa akin pero hindi niya sinasabi."



          "Kelan pa?"



          "Since nag-college ako." Napailing ako dahil sa mga sinagot kong tanong sa kaniya. "Look Edmund. This is the reason why I don't want to raise any sense of security sa akin. Aside sa kaniya, wala namang iba tao ang nakakapasok sa bahay ko."



          "Paano siya nakapasok sa perfect mong security system kuno? Pinapasok mo o nakapasok siya?"



          "Nakakapasok siya. Nakakapasok talaga siya. Kahit anong subok ko sa pag-upgrade ng security system ko, nakakapasok talaga siya. Hanggang sa wala na akong maisip na paraan at hinayaan na lang siya."



          "Pinagkakatiwalaan mo ba talaga ang taong ito?"



          Hindi ako sumagot ng ilang segundo. "Oo Edmund. Pinagkakatiwalaan ko siya."



          Nasapo na lang ni Edmund ang ulo niya. "Okay. So ganito pala. Now I know. Fine. It seems na hindi ito alam nila madam Veronica at Jasper. So I assumed na ako lang pala ang nakakaalam nito. Okay."



          "Edmund pakiusap. Keep this one. Ayoko na malaman ito ng iba."



          "Fine," ngiti niya. Pumayag ata siya. "So, may pera ka pa ba diyan?"



          "What?" gulat ko. "Iba-blackmail mo na lang ako?"



          "Tanga! Hindi." Sabay bigay sa akin ng hindi makapaniwalang tingin. "So ano? May pera ka ba diyan?"



          "Meron akong ten thousand na pocket money."



          "Okay. Pwede na iyan. Kaso may pera ka pa bang natitira kapag binigay mo iyan lahat?"



          "I can handle myself. Teka nga? Ano ba ang gagawin mo sa pera?" tanong ko.



          "Kailangan natin makahanap ng taong magbo-volunteer na makulong sa kasong ito. Siguradong hindi tatanggapin ni sir Simon ang paliwanag mo kung bakit mo ipapasara ang kaso. So para matigil siya sa marami pang tanong, iyun nga. Ipapakita natin na nahuli natin kunyari ang dapat managot sa insidente," paliwanag ni Edmund. "Ang problema nga lang ay..."



          "Ay ano..."



          "Kung kasuhan ito ni sir Simon."



          Napaisip ako. Ang risky ng plano ni Edmund. Kailangan ba talaga ganito para hindi taasan ni ninong ang seguridad ko? Pero baka ito lang ang paraan.



          Pumayag na ako sa plano ni Edmund at binigay sa kaniya ang perang hinihingi niya. Lumabas agad siya ng bahay para puntahan ang taong uupahan niya para magkunyari na siya talaga ang may sala sa insidenteng nangyari.



Harry's POV



          "Alam mo, nag-enjoy ako sa lakad nating ito. Not a typical kind of weekend," ngiti ko. Nasa labas kami ng bahay ni Ren at nag-uusap habang nakaupo sa hagdanan.



          "A-Anong ibig mong sabihin?" tanong niya.



          "Naging part ako ng iniimbestigahan mong kaso. Iyung ganoon. Kaya lang, mukhang wala akong naitulong," sagot ko.



          "Hindi naman ako nag-require na tumulong ka. Okay na iyung sinamahan mo lang ako."



          "Pero sana, mahuli na iyung may sala ano. Kakasuhan talaga natin iyun. Sayang lang sinara mo na ang imbestigasyon dahil wala kang mahanap na iba pang ebidensya."



          "Umm... ang totoo niyan Harry, pinabuksan ko ulit ang imbestigasyon."



          "Maganda iyan. Tapos kapag mahuli na, kasuhan natin."



          "Huwag na Harry," iling niya. "Wala namang namatay ng tuluyan sa nangyari. Pero kung meron, baka... nga."



          "Oo nga ehh. Baka mapatay ko," bulong ko.



          "Huwag ganyan huy!" siko niya sa akin.



          "Oo nga. Biro lang iyun," ngiti ko.



          Natawa na lang kaming dalawa ng tuluyan. Sana nga ay biro ko nga lang talaga ang sinabi ko kanina. Mukhang nag-iba talaga ang ugali ko simula nang pinatay ko ang kumitil ng buhay ni Garen. Ganito ba talaga kapag nakapatay? Pakiramdam ko kasi ay parang napakadali na ang pumatay ulit. Pero kailangan kontrolin ko ang sarili ko.



          "Sa uulitin ulit kung merong time," ngiti pa niya.



          "Sure."



          Masaya akong umalis sa bahay ni Ren. Ang babaw ng kaligayahan ko. Kahit na hindi natuloy ang plano ko na makipag-bonding sa kaniya, masaya naman ako. Okay lang. At least, nagkaroon kami ng konting development sa isa't isa. Patuloy pa rin talaga akong umaasa na magkakaroon kami ni Ren ng 'kami' sa isa't isa.



          Pero hindi lang kasiyahan ang nakuha ko ngayon kung hindi mga ilang katanungan. Iyung kotse na bumangga kila Ren. Parang pamilyar sa akin. At ang isa naman ay parang maskara ni Mr. Lion na hawak ni Allan. Alam ko naman na posibleng normal na maskara lang iyun. It's just pumasok talaga sa isipan ko nang makita ang maskara ehh si Mr. Lion na alam kong ako lang. Hmmm... May iba pa kayang Mr. Lion maliban sa akin? Pero imposible.



          Nakauwi na rin ako sa wakas sa apartment namin. Maghahapunan na din nang nakabalik ako. Naabutan ko naman si Kei na nakaupo sa sofa at nagbabasa ng isang libro... tungkol sa mga gamot... base sa nakikita ko sa cover ng libro.



          "Mukhang masaya ka ngayon ahh? Saan ka galing?" agad na tanong niya habang nakatuon pa rin ang atensyon sa libro na binabasa.



          "Okay lang naman. Sinamahan ko si Ren sa pag-iimbestiga niya sa aksidente na nangyari sa kaniya noong isang araw," sagot ko habang pabagsak na umupo sa sofa.



          "Ohh! May balita na ba kung sino ang may kasalanan?"



          "Wala pa," iling ko. "Mukhang magaling magtago ang suspek nila dahil wala itong iniiwan na bakas. Nakita kasi namin iyung kotse at sa kasamaang palad, wala man lang fingerprints o kahit anong clue. Pinapasara na nga agad ni Ren ang kaso dahil hopeless na kasi doon din naman daw pupunta iyun. Pinaaga lang niya."



          Naibaba tuloy ni Kei ang binabasa niyang libro. "Mukhang delikado ata iyang hinahanap niyang suspek."



          "Ganoon din ang iniisip ko. Pero binuksan ulit ni Ren ang kaso. Baka may naisip siyang paraan para mahuli ang may sala."



          "Sana nga, mahanap nila."



          "Oo nga pala Kei. May itatanong ako sa iyo."



          "Ano... naman?"



          "Kapag ba sinabi kong Mr. Lion, sino ang pumapasok sa utak mo?"



          Binigyan niya ako ng hindi makapaniwalang tingin at nag-isip saglit. "Ikaw at si kuya Lars?" Sagot ni Kei. "Bakit mo naitanong?"



          "Wala lang," kibit-balikat ko.



          Ipinagpatuloy ni Kei ang pagbabasa sa libro habang ako ay tumayo sa sofa at pumunta sa kwarto para magpalit ng damit. Pagkatapos ay lumabas ako ng apartment para pumunta sa apartment nila Gerard. Naabutan ko si Gerard na nanunuod lang ng TV.



          "Anong kailangan mo?" tanong niya habang nakangiti sa pinapanood.



          "Asaan nga pala iyung... Mitsubishi Lancer LX na kulay asul na sasakyan mo dati? Iyung binigay ni papa sa iyo dati?"



          "Bakit? Sasakyan mo? Huli ka na. Pinagpira-piraraso ko na ang sasakyan. Maraming beses ko ng sinubukan na ayusin iyun. Pero hindi na talaga siya gumagana. Wala ng pag-asa," paliwanag ni Gerard.



          "Okay. Isa pang bagay nga pala. Umm, ayoko sanang sabihin ito. Kaya lang, gusto kong magtanong. Hindi ba kayo lang ni kuya Lars ang gumawa kay Mr. Lion at... kayo lang ang may blueprint hindi ba?"



          Nawala ang ngiti sa labi niya at diretso na kung makatingin sa akin. "Oo. Kami lang. Pero alam naman natin na sinunog ko ang blueprint. Bakit mo pala naitanong ang bagay na iyan?"



          "May nakita lang akong leyon na mas-"



          "Hindi porket may leyon na maskara ka lang na nakita, hindi ibig sabihin noon ay iyung tao ay si Mr. Lion din," pagputol ni Gerard. "Ikaw lang naman ang nag-iisang Mr. Lion. Ibalik mo sa mundo ng mga buhay si Lars at magkakaroon ng maraming Mr. Lion."



          "Ch-Chill lang pwede ba?"



          Nasapo ni Gerard ang ulo niya. "Pasensya na sa inaasal ko ngayon. Pakiusap lang pwede. Huwag mong babanggitin si Lars. Hindi sa dahil hindi ko minahal ang taong iyun. Masakit pa rin Harry. Tingin mo, paano mawawala ang sakit na iyun?"



          "Uhh... okay. Pasensya na talaga sa istorbo Gerard. Aalis na ako."



          Lumabas ako ng apartment at bumalik sa apartment namin pagkatapos makuha ang mga sagot sa kaniya. Dumiretso na lang ako sa kwarto ko at nilabas ang maskara ni Mr. Lion. May hinanakit pa rin si Gerard sa pagkawala ni Lars. Ang totoo niyan, magkasintahan sila. Sila ang gumawa kay Mr. Lion. Hindi ko alam kung paano sila naging magkasintahan. Basta! Malalim na ang pinagsamahan ng dalawa sa tingin ko.



          Kanina, iniisip ko na baka hindi talaga sinunog ni Gerard ang blueprint at ibinigay niya ito kay Allan. Pero bakit naman niya ibibigay doon? Ano ang magiging gamit ni Allan doon? Magkaaway sila. At ang sasakyan ni papa na binigay sa kaniya. Sigurado ako na sa kanya ang sasakyan na iyun. Pero bakit naman? May galit kaya si Gerard kay Ren? Ano ang tinatagong lihim ng mga tao sa akin?



Edmund's POV



          Ilang araw na din ang nakalipas, nakahanap na din ako ng tao na willing na maging suspek kuno sa aksidente na nangyari kay Ren. Naayos na ang lahat. Mga ebidensya at confession, naayos na. Hindi ko na sasabihin ang pangalan ng tao dahil napaka-brave niya para mag-volunteer na maging suspek namin which is obviously magre-reflect sa job records ng taong ito na sangkot siya sa isang insidente na hindi naman niya ginawa. Eitherway, Ren will deal with it. Ngayon, huwag sanang magsampa si sir Simon sa taong ito.



          Kasalukuyang nasa opisina ako ni sir Simon at pinapakita sa kaniya ang llitrato ng taong nag-volunteer sa plano namin ni Ren.



          "Magaling Edmund. Nagawa mo ng maayos ang trabaho mo," pagpuri sa akin ni sir Simon.



          "May bagay pa po ba kayong ipapagawa? Gaya ng sampahan ng kaso ang taong ito? Tinanong ko po kasi si Ren at ang ibang tao na biktima ng aksidente kung kakasuhan nila ang taong ito. Wala po silang balak na gawin iyun. Kayo po?"



          "Hindi na. Hindi na ako mag-aaksaya ng panahon na kasuhan ang taong iyan. Hindi siya ang taong inaakala ko. Buti na lang at ginawan mo ng background check ang taong ito. Sigurado na ako na nasa mabuting kalagayan na si Ren."



          "Hindi sa nakikialam po ako sir Simon. Pero nais ko pong malaman kung may mga kinakatakot po ba kayo para kay Ren?"



          "Bakit interesado ka?"



          "Balang araw po kasi, lilipat po ako sa puder niya. Siya po ang magiging amo ko. Napag-usapan na po namin iyun. Gusto ko pong malaman kung sino po ang mga posibleng kaaway niya balang araw kung meron po. Mga bagay na dapat kong malaman."



          Bumuntong-hininga si sir Simon. "Kung ganoon, sasabihin ko sa iyo. May mga grupo ng tao na kaaway ng mga magulang ni Ren ang naghahanap sa kaniya. Ang mga taong ito ay alam ang mga bagay-bagay tungkol kay Ren. Nais nila itong makuha para sa pansarili nilang kagustuhan. Ang pamilya na ito ay nasa dilim ng mga pulitiko sa bansa natin. Hindi dapat nila mahanap si Ren. Delikado kasi kapag napunta siya sa maling kamay. Pinaliwanag sa akin ng ama niya ang mga bagay-bagay na mangyayari sa hinaharap. Gaya ng magiging sistema ng eleksyon sa ating bansa. Hindi ba automated na nga ang botohan natin sa pagboto?"



          "Yeah."



          "Kaya ni Ren na madaya ang mga resulta na iyun. Mawawalan ng saysay ang kasabihang 'Ang boses ng tao ay boses din ng Diyos'. Paano kung boses ito ng mga masasamang tao sa mundo natin?"



          "Pero kahit noon pa man, may dayaan namang nangyayari sa ating bansa hindi po ba?"



          "Kahit na Edmund. At isa pa, kapag nalaman naman ito ng mga masasamang tao sa buong mundo, magiging kalaban ni Ren ang buong mundo at wala siyang magagawa kung hindi ang tumakbo."



          "Pero marami naman pong ibang kilalang tao diyan na kaparehas ng kakayahan ni Ren. Bakit hindi nila ito habulin?"



          "Iyun ay dahil kilala sila at ang buong mundo ay nakabantay sa kanila. Sakaling may mga taong gusto silang gamitin para sa masama nilang pansariling kapakanan, magiging gulo ito. Iba naman ang kaso ni Ren kapag inilabas natin siya sa buong mundo. Kung tutuusin, ang mga katulad ni Ren ay dapat mawala na sa mundo dahil magdudulot lang sila ng kaguluhan sa mundong ito." Ang harsh naman ng sinasabi ni sir Simon. "Pero pamilya ko siya. Hinding-hindi ko siya pababayaan. Nangako ako sa papa niya na hindi ko siya pababayaan. Utang ko sa papa niya ang posisyon kong ito ngayon. Kaya nga sinabihan ko siya na itago ang kanyang kakayahan hangga't maaari. Hindi pa handa ang mundo sa mga kaniya. Baka magkaroon pa ng World War 3 when things get out of hand. Naiintindihan mo na ba Edmund kung ginagawa ko ang bagay na ito para sa kaniya?"



          "Opo. Naiintindihan ko po. Salamat po sa pagtitiwala sa akin."



          "Salamat din sa pagsisilbi mo Edmund. Hindi sa ayokong makialam sa mga gusto mo pero bakit patuloy ka pa ring naglilingkod sa pamilya namin? Tapos ka na ng pag-aaral sa tulong ko. Wala ka bang pangarap o ano pa man?"



          "Sarili ko po itong kagustuhan. At tsaka po, ang pangarap ko lang po sa buhay ay mabuhay ng payak. Hindi po ako lalampas doon dahil masaya na po ako sa buhay," matapat kong sagot.



          "Sir, malapit na po ang oras ng meeting niyo," saad ng isang boses na marahil ay sekretarya ni sir Simon.



          "Kung ganoon Edmund, hanggang dito na lang. May mga ibang bagay pa akong dapat asikasuhin."



          Tinapos ko na ang tawag. Sa totoo lang, alam ko naman ang kakayahang iyun ni Ren. Pero hindi ko naisip ang mga bagay na iyun na delikado pala ang buhay niya dito sa mundo.



          Nag-unat muna ako ng konti saka tumayo sa kinauupuan. Kailangan ko ng pumunta kila tito para makipag-kwentuhan sa kanila.



Keifer's POV



          Araw ngayon ng Sabado at nandito kami sa isang shooting range. Tinuturuan kasi kami ni Gerard kung paano gumamit ng baril. Ang bagay na kung saan hindi naman talaga ako magaling.



          Sinusubukan kong asintahin ang target sa ulo. Kaya lang, laging mintis. Hindi naman ako kagalingan gumamit ng baril.



          "Ang bano mo talaga gumamit ng baril," remark ni Gerard. "Buti pa itong si Harry. Magaling umasinta."



          Tiningnan ko ang target ni Harry at nakakatama nga ito sa ulo.



          "Aba! Pasensya na ha! Hindi ako sanay gumamit ng baril. Wala naman kasi ako balak mamaril ng tao sa hinaharap."



          "Hindi ba Gerard, tinuturuan mo siya dati noong nasa Cebu pa kayo?" tanong ni Harry.



          "Tinuturuan ko nga siya," sagot ni Gerard. "Pero wala talaga. Wala siyang kakayahan gumamit ng baril. Kaya nga mas inuna ko siyang tinuruan bago ikaw Harry. Inaasahan ko na baka marunong na siya kapag ikaw na ang tinuruan ko. Kaya lang, sa nakikita mo ngayon, wala pa rin."



          "Pero nakakatama naman siya."



          "Hindi dahil nakakatama ka ay marunong ka ng gumamit ng baril. Iba ang definition ko ng marunong. Kaya ikaw Kei, mag-praktis ka pa."



          Umalis sa lugar si Gerard. Patuloy ko namang sinisikap na tamaan ang ulo ng aking target. HINDI KO TALAGA MATAMAAN!



          "Relax ka lang Kei," saad ni Harry.



          "Harry, hindi ako makakapag-relax kapag may hawak ako na baril. Hindi niyo ba alam na may hoplophobia ako?" inis kong saad.



          "Hindi... dahil ngayon mo lang sinabi. Bakit hindi mo ito sabihin kay Gerard para tumigil na siya sa pagtuturo sa iyo kung paano bumaril?"



          "Hindi iyun titigil. Mag-iinsist pa rin siya na kailangan kong matuto para ipagtanggol ang sarili. Hindi kasi sapat na marunong ako mag self-defense."



          Patuloy ko pa ring inaasinta ang target at sinusubukan pa ring tamaan. Pero wala talaga.



          "Umm... Kei, pwede ba kitang makausap nang masinsinan?"



          "Bakit naman?" inis na tanong ko saka binaba ang baril na hawak ko.



          "Napapansin ko lang nitong mga nakaraang araw. Pakiramdam ko, hindi mo na ako masyadong kinakausap. Pakiramdam ko lang ba iyun?"



          Natigil ako sa napansin niya sa akin. Tama. Lately, iniiwasan ko talaga siyang kausapin. Natatakot ako. Nakita ko siya na pumatay ng tao sa harapan ko at wala man lang akong magawa.



          Tumingin ako ng diretso sa mga mata ni Harry. "Yes. Tama ang pakiramdam mo. Hindi kita masyadong kinakausap. Siguro naman, alam mo kung bakit."



          Bumuntong-hininga si Harry. "Pasensya na talaga. Nadala lang ako ng galit. Imagine kung paano niya pinatay si Garen?"



          Tumingin ako sa paligid kung may nakikinig sa usapan namin. "Pero hindi sapat iyun Harry upang patayin mo ang tao sa ganoong paraan. Justice ba ang binabalak mong gawin? Walang justice doon sa ginawa mo," asik ko sa kaniya sa mahinang tono.



          "Pero can we please set aside that reason na hindi mo ako masyadong kausapin dahil lang doon?"



          "Harry, I am scared sa ginawa mo. Sabihin mo nga sa akin? Iyung tao b-"



          "Ano iyang pinag-uusapan ninyo?" biglang sabat ni Gerard na kararating lang sa lugar namin.



          "Wala," nasabi ko na lang saka binalik ko ang atensyon sa pagsasanay.



          "Wala daw?"



          "Personal na bagay Gerard," saad ni Harry. "Mukhang sa apartment na lang namin pag-uusapan."



          Habang bumabaril, sumagi na naman sa isipan ko ang boyfriend kong si Ren. Okay pa naman ang tagong relasyon namin. Kaya lang, may ilang bagay na hindi ko na alam. Isa na dito ay nagiging malapit na si Harry at Ren sa isa't isa. Bilang tao na umagaw kay Ren mula kay Harry, nababahala ako.



          Nakauwi na din kami sa apartment.



          "So about sa sinabi ko kanina, Harry, I am scared sa ginawa mo. Sabihin mo nga sa akin? Iyung tao ba na iyun, siya pa lang ba ang unang pinatay mo sa buhay mo?" agad na tinanong ko pagkasara nang pintuan ng aming apartment.



          Hindi siya nakasagot ng ilang segundo at nag-iwas ng tingin at nasapi ang ulo. "Wala," sagot ni Harry.



          Hindi ako makapaniwala sa ginawa niyang gestures. "So meron nga?"



          "Are you guessing based on my gestures? Masakit ulo ko at-" Hindi na niya natuloy ang sinasabi at bumagsak. Nako po!



          Dali-dali ko siyang nilapitan at inihiga sa sofa na malapit sa kaniya. Masakit lang pala ang ulo niya. Akala ko nakapatay na pala siya before.



          Kumuha ako ng gamot para sa sakit ng ulo at tubig. Pagkatapos ay hinubad ko ang kanyang damit para gumaan ang pakiramdam niya.



          "Harry naman! Buti na lang at masakit lang pala ang ulo mo. Akala ko ehh totoo na iyung tinanong ko sa iyo kanina."



          "Pabatok nga sa iyo pwede? Gagawa ba ako ng ganoon?" mahinang asik niya.



          "So wala talaga?"



          "Wala. Iyung tao lang iyun na pumatay kay Garen. Siya pa lang."



          Nakahinga ako ng maluwag. "Okay. Alam mo, natakot talaga ako sa iyo na kausapin ka. Mamaya, bumunot ka na lang ng baril at barilin mo ako."



          "Binaril ko ba iyung tao na pumatay kay Garen? Sinunog ko lang naman."



          "Walang pinagka-iba iyun Harry," iling ko. "Pumatay ka pa rin. Sa hinaharap, mas marami pa diyan ang papatayin mo kung sakali na ikaw ang magiging lider ng pamilya. Teka, bakit ba sakali? Ikaw talaga ang magiging lider."



          "Naiintindihan ko ang sinasabi mo Kei. Pero relax. Ako pa rin ito. Pwedeng huwag na natin pag-usapan muna ang mga bagay na iyan? May ibang bagay na mas mahalaga pa diyan."



          "Ohh! Ano? Ano na ang development ninyo ni Ren? Napapansin ko nagiging close na kayo ni Ren. Nagkakamabutihan na ba kayo? May pag-asa bang maging kayo?" pag-iiba ko sa usapan.



          Ngumiti ng makahulugan si Harry. "Paano kami magkakaroon ng 'kami' kung ngayon pa lang ay meron ng humahadlang?"



          "Sinong humahadlang?" cool kong tanong para hindi halata na kinakabahan.



          "Siyempre pa. Iyung benefactor niya. Ayaw talaga siyang payagan. Niloloko nga siya ng mama ni Blue na bagay kami. Teka nga? Bakit hindi ka kontra ngayon sa development namin at nagtatanong ka pa sa akin? Na-reject na ako Kei at mag-aantay talaga ako hanggang sa makatapos kami ng pag-aaral. Pero malabo na ata. Magiging lider na rin ako ng pamilya natin sa panahong iyun."



          Nakahinga ako ng maluwag. "Alam mo, tama ang ginawa mo kung tutuusin. Sa ngayon, enjoyin mo na itong buhay na ito. Dahil pag naging lider ka na, hindi mo na mararanasan ang ganitong buhay."



          Tumayo na lang ako at pumunta sa kusina para maghanda ng pagkain namin.



          "Kei, wala ba kayong balak ni Gerard na pabagsakin ang pamilya natin?" tanong ni Harry.



          "Bakit pati si Gerard? Hindi ba dapat ako lang?"



          "Sa inyo si Gerard hindi ba? At isa pa, mukhang hindi pa kasi naka-move on kay kuya Lars. Alam mo iyun. Mukhang mahal na mahal niya talaga. Ikaw Kei, wala ka bang balak?"



          "Wala kaming balak. Magiging loyal na lang kami sa iyo. Go with the flow. Ano pa ba ang magagawa namin?"



          "Pero paano kung bigla na lang akong magising na may binabalak na pala kayo at wala akong kaalam-alam sa mga nangyayari? Ako din Kei, gusto kong pabagsakin din ang pamilya natin. Gusto kong mamuhay kami ng maligaya ni Ren. Labanan natin ang nakatadhana sa atin."



          Napatigil ako sa ginagawa. "How can we fight back kung ngayon pa lang ay hindi na natin kaya?"



          "Bakit? Nagsimula na ba kayo kaya nasasabi mo ang bagay na iyan? Hindi pa naman 'di ba? Kaya natin Kei kung tutuusin."



          Pinagpatuloy ko na ang aking ginagawa. "Nakakalimutan mo ata? Ni baril nga, hindi ako makaasinta ng maayos."



          "Pero may paraan naman na hindi aabot sa ganoon hindi ba?"



          "There is no other way."



          "Well then, ako. Asintado ako."



          "How can you be so sure about that Harry? Range practice pa lang iyun. Wala ka pang actual combat experience. At tsaka kaya mo bang barilin ang sarili mong magulang?"



          Wala akong nakuhang sagot mula sa kaniya. Hindi nga niya kaya.



          "Kaya ko," sagot niya.



          Natigil na naman ako sa ginagawa at tiningnan siya mula sa kusina. "Blood is thicker than water. Hindi mo makakaya iyun. Sigurado ako na magdadalawang isip ka kapag itinutok mo ang baril sa kanila. At kapag kakalabitin mo na ang gatilyo, mangingibabaw pa rin sa isip mo na ito ang mga magulang na nagpalaki sa iyo."



          "In order to free ourselves, why not?"



          Pinagpatuloy ko na lang ang aking pagluluto. "Alam mo, huwag nating pag-usapan ang bagay na iyan. Ayoko. Delikado. Ibang bagay na lang pwede? Change topic pwede?"



          Nagkaroon ng saglit na katahimikan sa pagitan namin. Marahil ay nagpapakiramdaman kung sino ang magsasalita. Wala ka lang maririnig kung hindi ang tunog ng kawali dahil sa niluluto kong pritong isda.



          "Pakiramdam ko, may ginagawa si Gerard na hindi natin alam," saad niya.



          "Ano naman?"



          "Mukhang may galit siya kay Ren?"



          "Ha? Bakit naman?" gulat ko. "Sigurado ka ba diyan sa sinasabi mo na may galit siya kay Ren? Paano mo naman iyun nasabi?"



          "Pakiramdam ko kasi, si Gerard ang may pasimuno ng bagay na iyun. Hindi ako sigurado pero iyun ang kutob ko. Mas lalo pang tumama ang kutob ko nang nakita ko ang sasakyan na bumangga kay Ren. Siguradong-sigurado ako na sasakyan iyun ni Gerard na binigay sa kaniya ni papa. Mitsubishi Lancer LX ang modelo."



          "At bakit naman niya gagawan ng masama si Ren? May atraso ba ito sa kanya o kung ano? It doesn't make sense. At saka alalahanin mo Harry. Common na model ang Mitsubishi Lancer LX."



          Tumunog naman ang phone naming dalawa. Isang mensahe galing kay Ren. Mukhang nag-GM siya.



          "Guys, nahuli na po pala iyung tao na pasimuno ng aksidente na kinasangkutan namin nila Blue, at ang kaibigan namin na si Keith. Salamat po sa mga tumulong na nag-dasal para mahuli namin ang salarin." saad ng text ni Ren.



          "Imposible," rinig kong bulong ni Harry habang binabasa ang text ni Ren.



          "Hindi ba dapat ay masiyahan ka Harry? Mali ang hinala mo na si Gerard ang nasa likod ng aksidente na nangyari kila Ren."



          "Yeah. I guess dapat matuwa ako kasi mali ang hinala ko. Sana lang."



          Humugot na lang ako ng  buntong-hininga at pinagpatuloy ang ginagawa. Si Harry naman ay patuloy pa rin siyang nakatutok sa phone at marahil ay nire-replayan si Ren. Pero ang mukha niya ay parang hindi masaya. Bakit kaya? Hindi ba siya natutuwa na nahuli na talaga ang may kasalanan? Pero first of all, buti naman at nahuli na talaga ang taong may kasalanan sa nangyari.



Ren's POV



          "So guys, may gig tayo sa loob ng dalawang linggo sa isang mall," pag-anunsyo ni Blue sa mga plano namin ngayong buwan. "Inaasahan namin na in perfect shape kayo. Sa gig na ito, okay lang kung hindi niyo ibigay ang best ninyo dahil hindi pa naman ito ang actual nating performance pagdating natin sa Battle of the Bands."



          Kasalukuyan kaming nasa Music Room at nakikinig sa mga plano at activity ng club namin. Naka-upo naman ang banda sa sofa habang kami ni Blue ay nakatayo sa harapan nila.



          "Durugin na lang kaya natin sila ng tuluyan?" suhestyon ko.



          "Harsh naman nito," ani Ethan. "Durugin! Durugin! Durugin!"



          "Game ako diyan! Durugin natin sila," ngiti ni Paul.



          Tumawa si Joseph. "Bitter ka lang Paul. Iyung mahal mo, mahal ang kalaban natin."



          Nainis si Paul sa sinabi ni Joseph at binatukan niya ito. "Gusto mong hindi na magustuhan ni Franz ng tuluyan?"



          "Aray!"



          "Ano ba? Huwag nga kayong magharutang dalawa?" reklamo ni Jonas.



          "Ewan ko lang kung madudurog niyo sila Chris ng tuluyan," wika ni Blue.



          "Tingnan mo itong si Blue. Kampi pa sa ex niyang ubod ng yabang," duro ni Joseph sa kaniya.



          Sumagi sa isipan ko ang panaginip ko noong isang araw. Pulsar. Paul, Justin, Chris, at Joseph. Mukhang imposible. Ngayon pa nga lang ehh ang laki ng galit ni Joseph kay Chris. Paano kaya kung sa iisang banda ba kami? Anong mangyayari? Unlimited away o gulo? Pero ano ba itong iniisip ko. Panaginip pa lang iyun. Hindi pa naman magkakagulo. Pero sana, walang mangyaring masama sa banda dahil sa papalapit na Battle of the Bands. Pakiramdam ko kasi, may masamang mangyayari. O pakiramdam ko lang iyun. Epekto siguro ito ng kababasa ko ng mga Shounen Manga lately.



          "Jonas, bawasan ang ice cream," pagpapaalala ko sa kaniya.



          "Ano ka ba Ren? Tigilan mo nga ang pagpapaalala sa akin niyan," medyo masungit na sagot ni Jonas.



          "Pagpasensyahan mo na si Ren, Jonas. Kung alam mo lang," mahiwagang saad ni Blue.



          "Kung alam ni Jonas ang alin?" tanong ni Joseph. "Siya nga pala Ren. Nakita kita na kinakausap ka ng Jasper na iyun. Close ka ba sa mga taong iyun? At ano ang tinatanong niya sa iyo? Tinatanong ba niya kung bumigay na ako sa kaniya? Hinding-hindi ako bibigay sa kaniya! Ulol! Buti na lang at siya lang ang Schoneberg sa eskwelahang ito at nabawas-bawasan ang tsansa na mabangga ko siya dahil sisiguraduhin ko na hindi siya uuwi nang walang black eye sa mukha." Umm... affiliated ako sa mga Schoneberg? Is it counted? At isa pa...



          「Some days ago...



          Naglalakad ako sa isang hallway pauwi nang nadaanan ko si kuya Jasper.



          "Ren? Kumusta?" untag ni kuya Jasper sa akin.



          Nagpatuloy kaming dalawa sa paglalakad. "Kuya? Okay pa naman."



          "Buti na lang at nahuli ninyo iyung bumangga sa inyo dito sa school. Balita ko kay Edmund, hindi niyo kinasuhan." Not really necessarily lalo na't hindi naman namin talaga nahuli iyung may kasalanan.



          "Yeah. Wala namang napahamak kuya."



          Bigla kaming natigil dalawa nang nakita namin si Joseph na masama kung makatingin kay kuya Jasper sa hindi kalayuan.



          "Nako! I have to go Ren. Ingat ka." paalam niya agad saka umalis.」



          So yeah. Hindi si Joseph ang topic namin.



          "Huwag ka naman magsalita ng ganyan Joseph. Tandaan mo. Nasa eskwelahan ka ng mga Schoneberg," pagpapaalala ni Blue.



          "Hayaan niyo na iyan. Bitter lang iyan sa mga Schoneberg," kumento ni Jonas.



          Patuloy naman silang nagkulitan sa sofa na parang mga bata.



          "Okay. Dismissed na kayo o mag-praktis pa kayo. Kayo ang bahala," saad ni Blue habang pumapalakpak.



          Lumabas na ako ng Music Room para umuwi. Naging ayos naman ang school life ko nitong nakaraang araw. Love life, still complicated. At may dumagdag pa.



          "Ang tagal mo naman!" sigaw ni Allan habang nakatayo malapit sa motor ko.



          Nakasuot siya ng sando at naka-jersey shorts. Buhat pa nito ang kanyang maliit na bag. Umm... parang ayokong i-describe kung ano ang nakikita kay Allan ngayon. Importante ba iyun? Basta! Halos parehas ang body composition nilang dalawa ni Marcaux dahil parehas silang basketbolista.



          "Anong kailangan mo Allan?" napapagod kong tanong.



          "I wanna have fun 'yanno. Bored ako."



          "Hindi ba, may practice pa kayo ngayong araw na ito sa Basketball Club?"



          "Yeah. Pero masyado na akong magaling kaya hindi ko na iyun kailangan. So now, bakit hindi ako makipagbonding sa boyfriend ko?" Mr. Lion please.



          "Ano?" sigaw ng boses sa likod ko. Si Harry.



          Niyakap ako ni Allan ng mahigpit at pinaharap kay Harry. "Tama ang narinig mo Harry. Boyfriend ko si Ren."



          Naguluhan ako sa sinabi niya. Mas naguluhan pa ako nang makita ko sila Kei at Janice sa likod ni Harry. Patay!



          "Umm... guys. Magpapaliwanag ako."



          "Yeah. Magpaliwanag ka sa kanila kung paano mo natagpuan ang tunay na pag-ibig sa akin," passionate na wika ni Allan sa tenga at mukhang kinagat niya ata ang leeg ko. The HELL!



          "Tumigil ka! Nakikiliti ako," kulang sa kumbiksyong kong saad dahil sa emosyon na pinapakita ko na mukhang masaya pa sa ginagawa niya.



          "Congratulations!" bati ni Kei na agad niyakap si Janice mula sa likod. "So I wonder kung paano naging kayo ni Ren. Would you mind to tell us a story Allan?"



          Kita ko sa labi ni Janice na tuwang-tuwa sa ginawa ni Kei while si Harry ay binibigyan si Allan ng hindi makapaniwalang tingin dahil hindi naman talaga kapani-paniwala na may relasyon kaming dalawa. Kilala nila ako... at dahil si Kei lang ang boyfriend ko.



          "Well, mas maganda kung dapat magkwentuhan tayo sa bahay ng boyfriend ko nang sa ganoon ay makapag-bonding pa kami... deeper?"



          Hindi ako nakatiis sa ginawa ni Allan dahil sa pinasok na niya ang isang kamay sa damit ko. Tinapakan ko ang paa niya gamit ang paa ko... obviously. Hindi ko kasi magalaw ang katawan ko dahil mahigpit ang pagkakayakap sa akin.



          "Aray!"



          Hindi siya natinag sa ginawa ko at mas lalong humigpit ang pagkakayakap niya. Shit! Gaya ng inaasahan ko kay Mr. Lion. Amoy na amoy ko pa ang ginamit niyang sabon na mukhang Safeguard. Kaliligo lang niya pala? At bakit ko ba siya inaamoy?



          Natawa ng payak si Harry. "Tumigil ka nga Allan. Wala kang maloloko dito. Kumpara naman sa iyo ay mas kilala namin si Ren. Hindi ka niya papatulan." Salamat at hindi ka naniniwala.



          "Ang ganda ng katawan mo Harry. Magkaparehas tayo. Pero nayayakap mo ba ng mahigpit gaya nito si Ren?" Naramdaman ko na bigla na lang bumigat ang likod ko at binubuhat ko na pala si Allan.



          "Tigilan mo iyan Allan!" Nawalan ako ng balanse sa ginawa ni Allan at muntikan na akong madapa kung hindi lang ako sinuportahan nila Kei at Harry.



          Bumaba na rin sa wakas si Allan sa likod ko. "That was really fun."



          "Pwede bang tumigil ka na Allan? Pinapahirapan mo si Ren," saway ni Harry. "Okay ka lang ba? May nabali bang buto sa likod mo?"



          "Ang bigat ng katawan niya."



          "Sino ba siya? Classmate niyo ba siya Harry?" tanong ni Janice.



          Nakangiting nilapitan ni Allan si Janice at nakipagkamay. "Allan Mercer. Such a beautiful lady. Magpakilala ka naman."



          "Umm... thanks for the compliment. Janice Marasol ang pangalan ko. Ako ang fiancee ni Kei," nahihiyang pagpapakilala ni Janice.



          "Aha! So you are really open and available now, huh?" Sabay tapon sa akin ng makahulugang tingin at kay Kei.



          "Ano ba ang pinagsasabi mo?" kunot noong tanong ni Harry.



          "Bored lang naman ako guys," sagot ni Allan. "Kaya let's not waste time and have some real fun shall we? Kaya tara na!"



          Lumapit sa akin si Allan at hinawakan ang kamay ko paalis ng lugar na iyun. Nakita ko naman sa isang kamay niya na hawak ang susi ng motor ko. Kinapa ko ang aking sarili kung saan ko nilagay ang susi pero wala na ito sa pinaglalagyan ko. Wait? Ano ba ang nangyayari sa kaniya ngayon? At bakit nga pala ako sumusunod sa ginagawa niya?



          Hindi ko namalayan na nakasakay na ako sa motor ko at si Allan ang nagmamaneho. ANO BA ANG GINAGAWA KO SA BUHAY KO?!



          "Andito na tayo," untag ni Allan nang nakarating na kami sa bahay ko.



          Hindi ko namalayan na tinatanggal na ni Allan ang lock ng gate.



          "May lahi ka bang magnanakaw at ang bilis gumalaw ng kamay mo? Bakit mo kinukuha ang mga bagay-bagay mula sa akin na hindi naman sa iyo?" naiirita kong tanong.



          Natigil siya sa ginagawa at humarap sa akin. "I do have a lineage of a thief as far as I know. Para sa pangalawa mong tanong, let me do what I want. I am bored for some reasons. Haven't you noticed that? Routine ko lang araw-araw ay practice, uwi, practice, uwi and so on. Furthermore, andoon sa gym si Keith at hindi makaya ng mga mata ko panoorin na ang taong mahal ko. At wala man lang exciting na nangyayari these late days. Pagbigyan mo ako. Ngayon lang naman kung maaari. Or kung gusto mo ehh isumbong ko kayong dalawa ni Kei kay Harry?"



          Natakot ako bigla sa maaaring gawin ni Allan. Nakakaasar! Kung hindi ko lang siya kailangan para malaman ang ilang bagay tungkol sa nakaraan ko. Pero totoo naman ang sinasabi niya. Wala pa siyang kabaliwan na ginagawa. So sa tingin ko ay naiingit din si Mr. Lion kung paano kami mag-bonding kaming tatlo at naisipan niya na sumali. Sana lang ay walang mabasag na bagay habang nandito sila sa bahay ko.



          Ilang minuto ang nakalipas, nakarating na din ang iba sa bahay ko. Naging mahinahon naman ang lahat dahil dapat, maging mahinahon ang lahat. Nasa bahay ko sila at dapat lang kasi 'My House, My Rules!'.



          Napapansin ko naman ang mga nakaw na tingin sa akin ni Kei. Hindi ako makatingin sa kaniya dahil sa nangyari kanina sa pagitan namin ni Allan. Bakit ba para akong malanding tao na nasisiyahan sa ginawa ni Allan? At bakit ko ba inaamoy ang katawan ni Allan?



          "Ako lang ba o pakiramdam ko ay gusto kong sapakin ang taong iyun?" tanong ni Harry.



          Nasa likod bahay kami at umiinom ng juice. Sila Allan at Kei naman ay busy sa game room habang si Janice ay busy manood sa TV.



          "Hayaan mo na Harry. Huwag mo na lang patulan. Nagpapapansin lang iyan dahil walang magawa sa buhay."



          "So ano? Totoo ba na boyfriend mo siya?"



          "Ano ka ba? Hindi," iling ko.



          "Pero bakit tuwang-tuwa ka nang niyakap ka ni Allan?"



          "Nakakakiliti kung yumakap. Lalo na noong hinalikan ako sa leeg."



          "Weh?" Mukhang hindi naniniwala si Harry sa sinasabi ko. "Gawin mo nga sa akin iyung ginawa ni Allan para makumbinsi ako?"



          Nainis ako sa sinabi ni Harry at nilapitan siya sa likod saka niyakap mula sa likod at ginaya ang ginawa sa akin ni Allan.



          "Shit! Nakakakiliti nga!" natutuwang saad ni Harry.



          "Sali din kami," saad ng boses ni Allan sa likod. Sandali lang? Kami?



          Kumalas ako kay Harry at nakita ko na nakatayo si Allan at Kei. Umm... pakiramdam ko ay masama ang ginagawa ko sa harap ng boyfriend ko.



          Nakangiting umiling si Allan habang pinapatunog ang dila. "Nako Ren. Hindi matutuwa ang boyfriend mo niyan."



          "Umm... Si-Sinong boyfriend? Si Kei-" NADULAS AKO!



          "Yeah. Magagalit ako dahil may relasyon tayo pa man din." ngiti ni Kei saka lumapit sa akin at niyakap ako sa likod.



          "Anong nilalaro niyo diyan? Bahay-bahayan?" tanong ni Janice na kararating lang. "Sali naman ako diyan? Ako iyung asawa ni Ren." Lumapit din si Janice at umangkla sa isa kong katawan.



          "Okay! So ako naman iyung pasaway na anak!" saad naman ni Allan at umangkla sa kabilang kamay. Ay ang mga batang ito!



          "Talaga Janice? Ikaw ang asawa? Manigas ka! Ako ang kabit!" sigaw ni Harry sa likod namin... at walang pumapansin sa kaniya.



          Ilang minuto ang nakalipas, pauwi na silang lahat. Nasa sasakyan na sila at handang umalis subalit hindi pa sila ata umaalis dahil si Allan, dala ang kanyang bag, ay nakatayo lang na nakatingin sa kanila.



          "Bakit hindi pa kayo umaalis?" tanong ni Allan.



          "Pwede kang sumabay sa amin Allan," yaya ni Harry.



          "Hindi na," pagtanggi niya. "Si Ren ang maghahatid sa akin hindi ba?"



          "Bakit ako? Tigilan mo ako Allan. Pagod ako sa kakalaro ng bahay-bahayan sa inyo. Iyung pasaway na anak, laging nagpapabuhat sa kanyang maliit na ama na hindi siya kayang buhatin. At mukhang nabali ata ang buto ko sa inyo!" reklamo ko.



          "Relax Ren. We had fun naman. Sana itong si Allan ay makasama natin sa mga susunod na araw," wika ni Janice.



          "Hindi!" pagtutol nila Kei at Harry.



          "Come on guys. Killjoy kayo. Masaya namang kalaro si Allan."



          "Thank you Janice. Ang cute mo kapag namumuri," ngiti ni Allan dito.



          "I know right Allan."



          "Parang gusto kong magpahilot. Ang sakit talaga ng likod ko," saad ko habang inuunat ang sarili.



          "Well pwede akong maghilot sa likod mo," pagprisinta ni Allan.



          "At bakit naman ikaw?" tanong ni Kei.



          "Umm... kasi ako ang boyfriend niya?"



          "Tigilan mo iyan Allan. Alam namin lahat na hinding-hindi papatol si Ren kahit kanino man," naiiritang saad ni Harry. "Kaya Allan, sumabay ka na kung ayaw mong matagpuan ang katawan mong sunog sa isang dumpster."



          "Harry, tumigil ka na," siko ni Kei.



          "Speaking of that, may balita tungkol diyan. Isang sunog na bangkay na natagpuan sa isang dumpster," wika ni Janice.



          "Grabe naman! Malaki siguro ang galit ng kung sinong tao ang gumawa noon. Nakakatakot," kumento ni Allan na naginig sa huling salita. "Baka ikaw iyun Harry?"



          "Halika dito at gagawin natin iyan," seryosong saad ni Harry.



          "Ano ba?" muling siko ni Kei.



          "Tigilan niyo na iyang pag-aaway niyo at pagpahingahin niyo ako. Seryoso. Pagod na pagod talaga ako." Humikab ako pagkatapos magsalita.



          "Bye babe," paalam ni Allan at humalik sa pisngi ko.



          "Oo na Allan. Umalis ka na," naiirita kong saad.



          Sumakay na si Allan at umalis na sila pagkasakay niya. Kita ko naman ang tingin sa akin ni Kei na matalim habang umaalis. May ginawa ba akong masamang-masama?



Allan's POV



          Pasado 8 o'clock na ata at madilim na. Tahimik naman ang lahat sa sasakyan habang bumibyahe kami nila Kei, Harry at Janice pauwi sa bahay ko. Nang maaninag ko na ang aking bahay, pinatabi ko ang aking sasakyan.



          "Salamat sa paghatid guys. Sa uulitin," ngiti ko at bumaba ng sasakyan.



          "Sandali lang," pagpapahinto sa akin ni Harry na mukhang bumaba din ng sasakyan.



          "Bakit?"



          Pagkalingon ko, sinalubong ko ang kamao ni Harry at napatumba ako sa suntok niyang iyun. Hindi nakuntento si Harry at pumaibabaw sa akin saka pinag-uulan ako ng suntok. Hindi naman ako makailag at nasalo ko lahat ang suntok niya.



          "Harry! Tumigil ka na!" awat ni Kei dito at pilit na pinaglalayo kami.



          "Huwag niyo akong pakialaman!"



          Narinig ko naman bumukas ang gate ng bahay namin.



          "Hoy! Ano ang ginagawa niyo sa anak ko?!" rinig kong sigaw ni mama.



          Sinubukan kong labanan si Harry subalit hindi ako makaganti.



          "Aray!" daing ni Harry sa sakit marahil na nadarama.



          "Lumayo ka sa anak ko!" rinig kong sigaw pa ni mama at mukhang may ginagawa si mama dito para matigil si Harry.



          Naramdaman ko na lang na umalis sa pagkakapatong si Harry sa akin. Nahawakan ko lang ang mukha ko na masyadong nasaktan sa ginawa. Sinubukan kong bumangon pero sobrang nahihilo ako. Bwisit iyun ahh! Pinaulanan talaga ako ng suntok.



          "Sige! Subukan niyo pang saktan ang anak ko at ang kotse niyo ang susunod na hahampasin ko! Gusto niyo?!" banta ni mama.



          "Harry naman kasi! Dapat hindi mo na pinatulan!" pagpipigil pa rin dito ni Kei.



          "Hoy, Allan, subukan mo lang talaga na halikan si Ren ng ganoon ulit. Subukan mo lang! Hindi lang iyan ang aabutin mo!" pagbabanta ni Harry.



          "Ahh! Binabantaan niyo pa ang anak ko? Hoy, lalake, gusto mong umuwing sira-sira ang kotse?" birada pa ni mama.



          "Harry! Halika na!" pagpigil pa rin ni Kei. "Ma'am, pasensya na po sa nangyari. Aalis na po kami."



          Hinila na lang ni Kei si Harry papasok ng kotse at umalis.



          "Anak, ayos ka lang?" usisa ni mama. "Ano bang pinagsasabi ng taong iyun? Halika sa loob at gamutin na natin iyang sugat mo."



          Inalalayan ako ni mama papasok sa loob at para gamutin ang natamong pinsala sa mukha ko. Grabe ang galit ni Harry sa akin ahh? Paano kaya kung malaman niya na si Kei ang boyfriend ni Ren? Haha.



          "Ma, ang sakit!" reklamo ko.



          "Ikaw naman kasi anak! Ano ba iyung ginawa mo at ganoon kung magalit sa iyo ang taong iyun? Alam mo naman na nag-iisang anak lang kita tapos makikipag-away ka pa." sermon ni mama. "Buti na lang at natinag iyung umaway sa iyo nang pinagpapalo ko siya. Huwag mo ng uulitin ang ganoon anak ha?"



          "Opo ma. Hindi ko naman kasi expected na seseryosohin iyung ginawa ko," depensa ko.



          "Kahit na anak!" Idiniin ni mama ang mukha ko.



          "Aray ma!"



          "Tigilan mo iyan at mag-tiis ka! Nako! Magang-maga ang mukha mo anak. Gwapo ka pa man din."



          "Teka lang ma? Si Larson?" naitanong ko.



          "May lakad," sagot ni mama.



          "Saan naman?"



          "Ewan. Basta. Inutusan ko."



          "Mama, may alam po ba kayo sa mga bagay na ginagawa ni Larson nitong mga nakaraang araw?"



          "Siyempre, alam ko. Anak ko iyun Allan kaya imposible na hindi ko alam."



          "Pwede niyo po bang sabihin sa- ARAY MA!"



          "Ay sorry. At hindi. Hindi ko pwedeng sabihin."



          "Bakit ayaw niyo sa akin sabihin ma? Para saan ba iyung ginagawa niya?"



          "Para sa atin."



          "Gaya ng?"



          "Hindi ko pa rin sasabihin."



          "Oh, come on ma! Trust me."



          "Then trust us. Wala kaming ginagawa ni Larson na hindi para sa iyo naiintindihan mo?"



          "Okay. Fine. Whatever."



          Maya-maya ay nakarinig na lang ako ng tunog ng motor.



          "Speaking of Larson."



          "Good evening people," saad ni Larson habang pumapasok. "Ohh, hindi ata good ang evening ng isang tao dito. Anong nangyari?" Humalik si Larson sa pisngi ni mama.



          "Well, napaaway dahil sa hinalikan niya ang kapatid mo?" sumbong ni mama.



          "That was a joke ma. Hindi ko naman aakalain na seseryosohin nila ang bagay na iyun."



          "That was a joke ma," natatawang paggaya ni Larson sa sinabi ko. Umupo naman siya sa sofa. "Mukhang may kaibigan ang kapatid ko na hindi tumatanggap ng jokes. Dapat nag-inggat ka."



          "Pagkalabas ko, pinatungan siya at pinag-uulan ng suntok. Pumasok nga ako sa bahay at kumuha ng pamalo saka pinagpapalo ang lalaki," kwento ni mama.



          Pinatunog ni Larson ang kanyang dila. "Sana maging lesson sa iyo ang nangyari ngayon Allan."



          "Okay lang naman sa akin. And you know, it's totally worth it naman kahit papaano. Ikaw, saan ka nanggaling?"



          Tumayo si Larson at nagsalita habang paakyat sa kwarto niya. "None of your business. Now if you will excuse me people, kailangan kong magpahinga."



Keifer's POV



          "Bakit mo naman kasi siya pinatulan pa?" naiirita kong tanong kay Harry habang nagmamaneho.



          "Bad trip kasing Allan iyun." sagot ni Harry.



          "Sa alin? Sa sinasabi niyang may gusto siya kay Ren?" tanong din ni Janice.



          "Oo. Halatang-halata naman na may gusto talaga si Allan base sa kanyang galaw." Alam ko.



          "Pero hindi na dapat umabot kasi sa ganoon. Binugbog mo iyung tao."



          "Harry, you need to sort things out differently. Professional and personal. Alive and dead. Inside and outside. Truth and joke," paliwanag ni Janice.



          "Ohh! So sinasabi mo na joke lang ang ginagawa ni Allan? Fine! Let's see. Joke is half-true and half-lie. Hindi ako aasa sa half-true kasi kalahati din naman iyun ay kasinungalingan," sarkastikong saad ni Harry. "Give me a break Janice!



          "Noun. Something said or done to provoke laughter."



          "Fine! So iyan ang sinabi ng dictionary? Puwes, hindi nakakatawa ang ginawa niya!"



          "Kei, how many times na nahalikan ko si Ren sa cheeks niya? Hindi ba okay lang sa iyo iyun?" baling ni Janice sa akin. Hindi kamo okay sa akin sa totoo lang.



          "Maraming beses na ata. Nakakatamad magbilang. At saka, hindi naman ako apaketado dahil alam kong friendly kiss lang naman iyun," sagot ko.



          "See? Si Kei nga, naiintindihan. Ikaw pa kaya Harry?"



          "Kasasabi lang ni Kei na okay lang sa kaniya dahil alam naman niya na friendly kiss lang iyun. How about Allan? Paano ko malalaman kung friendly kiss lang naman talaga iyun?" depensa pa ni Harry.



          "But the point is, hindi naman kayo ni Ren. Hindi rin naman sila ni Ren. Wala kang karapatan na bugbugin mo si Allan."



          "Pero tama naman ang ginawa ko hindi ba?" tanong ni Harry.



          "Mali!" sabay naming sagot ni Janice.



          Nakarating na kami sa apartment. Umuna naman si Janice papunta sa apartment niya. Bababa na sana si Harry nang pinigilan ko itong umakyat.



          "Bakit na naman?" naiiritang tanong niya.



          "Harry, pwede mo bang i-manage mo iyang galit mo?"



          "At bakit naman ako magma-manage ng galit ko?! Sabihin mo nga sa akin kung bakit?!" pasigaw niyang tanong.



          "Ayokong ipaalala sa iyo pero nakapatay ka na. Hindi na ako papayag na may isa na namang patayin na gaya ni Allan ngayon. Kaya sinasabi ko sa iyo na i-manage iyang galit mo dahil hindi ko na alam kung saan iyan mapupunta."



          "Ano bang alam mo?! Doktor ka ba?!"



          Nagbigay na lang ako ng hindi makapaniwalang tingin. "Sa tingin mo, hindi ako magsasalita sa iyo ng ganito kung wala akong alam? Sa tingin mo ba na sila, alam nila ang nangyayari sa iyo ngayon? Sabihin mo? Sino ang makakapagsabi sa iyo ng ganito bukod sa akin? Teka nga, ikaw pa ba ang mabait kung pinsan noon? Sino ka?"



          "Alam mo Kei, ikaw dapat ang magtanong sa sarili mo niyan. Sino ka? Ikaw ba ang matapat kong pinsan noon?"



          "Ako pa rin naman ito Harry. Bakit? Pinagkakalat ko ba ang sikreto mo ngayon?"



          "Pero bakit alam ni Ren? Paano nangyari iyun?"



          Nagtaas ako ng boses. "Aba! Ako pa ngayon? Hindi ba nga, nadulas ka?"



          "Pero pwede naman kasi na sabihin mo sa kaniya na hindi na niya kailangan malaman."



          "Alam kong mabait na tao si Ren kaya sinabi ko. Hindi rin naman siya nagkakalat ng sikreto."



          Nakarinig kami ng katok sa binatana ng sasakyan. Si Gerard. Mukhang kararating lang niya. Binuksan ko naman ang bintana ng sasakyan.



          "Mukhang nag-aaway kayo diyan sa loob? Pwede bang ipagpaliban niyo na iyan at matulog na kayo?"



          "Magandang gabi Gerard. Alam mo ba na kanina, binugbog niya si Allan dahil nagseselos siya sa ginagawa nito sa kaibigan naming si Ren?" sarkastiko kong saad.



          "What?"



          "See? Iyan daw ang mapagkakatiwalaan. Sinusumbong mo na nga ako kay Gerard," wika ni Harry.



          "Bakit hindi? Eventually, malalaman niya iyun dahil magkaklase kayo. At ngayon Harry, magdasal ka na hindi magsumbong si Allan kay Ren dahil kung sinumbong ka ni Allan, sisira pa lalo ang imahe mo kay Ren. Nakadalawa ka na kay Ren. Paano ka niya magugustuhan kapag ganyan ang naririnig niya sa iyo?"



          "Guys, enough!" sigaw ni Gerard.



          Inis na binuksan ni Harry ang pintuan ng kotse at dali-daling umakyat sa taas. Kasalanan ko ito. Bwisit! Bakit ko ba hinayaan siya noon na pumatay?



Ren's POV



          "Nagseselos ako." Ito ang unang mga salita ang narinig ko kay Kei nang tinawagan niya ako ngayong gabi.



          "Umm... joke lang naman ang ginawa sa akin ni Allan."



          "Joke? Talaga?"



          "Si Keith pa rin... daw ang gusto niya."



          "Paano ako maniniwala?" Rinig ko na humugot siya ng buntong-hininga. "Pasensya ka na Ren at hindi ako palaging nasa tabi mo. May karapatan pa ba akong magselos?"



          "Umm... siyempre kasi boyfriend kita?"



          "Yeah. Oo nga pala. Boyfriend mo ako." Sa tono ng boses niya, parang may problema siya na dinadala.



          "May bagay ka bang hindi sinasabi sa akin Kei? Sa tono ng boses mo, parang may problema ka.



          "Umm... wala naman. Dahil pa rin ito sa ginagawa ni Allan sa iyo kanina. Apektado kaya ako. Gusto kitang hawakan sa lahat ng parte ng katawan mo. Tapos siya, sige lang ng sige. Noong birthday ko nga, hindi natupad iyung wish ko." natatawa niyang paliwanag. "Pero magtiwala ka lang sa akin. Matatapos din ito. Malapit na."



          Humikab ako. "Sige na Kei. Maaga pa tayo bukas. Matutulog na ako. I love you."



          "Matutulog na rin ako at I love you too."



          Binaba ko naman ang phone at nag-isip ulit. Dapat pala, hindi ko hinahayaan si Allan sa mga gusto niyang gawin. Dapat naman, lumaban ako kahit papaano kahit na siya pa si Mr. Lion. Si Kei ang boyfriend ko. Iyung mga bagay na nangyari sa amin, wala iyun. Bahala siyang umasa.



          Umagang-umaga ay nakatanggap ako ng tawag mula kay Blue.



          "Hello."



          "Ren, may nangyari kay Ethan," agad na saad niya.



          "Huh? Anong nangyari sa kaniya?" natataranta kong tanong.



          "May mga taong bumugbog sa kaniya. Pinupuntirya pa ang kamay ni Ethan."



          "Ano? Hindi pwede iyan. Malapit na iyung gig natin sa mall."



ITUTULOY...

4 comments:

  1. Hallaaaaaaa!!! Ang daming revelations hahaha.

    -44

    ReplyDelete
  2. Replies
    1. So magkaiba po talaga si sir Allan at si sir Ponce?
      *shocks*

      Delete
  3. Anu name mangyayari my ten at kei kung makikigulo pa si Allan sea buhay nilang dalawa

    Jharz

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails