Followers

Monday, July 14, 2014

Palagay Ko Mahal Kita 3

Sa aking paglingon ay inaasahan kong si Bell ang aking makikita. Subalit mali pala. Pero bawi naman. Hahaahha. E sino pa ba ang lalaking super-duper crush ko. Edi si Marvin. Naka ngising parang aso ang kumag. Kala nya close na kame.hahahaha. Ngumiti nanaman ang kumag…. Napatulala nanaman ako. Pero sa pag ngiti nya mas lalong lumutang ang kanyang kagwapuhan. Nakadagdag din sa kanyang kagwapuhan ang kanyang matikas na tindig at suot na fitted shirt na bakat na bakat ang katamtaman nyang pangangatawan. Skinny jeans na kapansin-pansin ang malaking hinaharap nito. Habang pinagmamasdan ang kabuoan ni Marvin.
“Michael nasaan si Bell? Bakit hindi siya pumasok” ang pagtatanong niya na hindi ko narinig.
“ui! Michael!” sabi nyang muli
Pinisil nya ang aking ilong at saka lang ako natauhan. Sobrang nakakahiya kitang kita nya ang mga reaksyon ng aking mukha habang pinagmamasdan siya. Hindi agad ako nakapagsalita parang may bumara sa aking lalamunan.
“e…ewan ko.. hi… hindi ko alam” sabay alis dahil sa sobrang hiya sa kanya. Mabilis kong tinungo ang elevator para makarating sa 5th floor para sa susunod kong klase. Dahil nag hihintay ako tumingi ako sa bandang kaliwa at nakita kong nakatingin pa rin siya sa akin.
“MICHAEL!”



Nabigla ako dahil halos dumagundong ang sigaw nya sa buong gusali. Halos lahat ng istudyante na naroroon ay napatingin sa kanya at ganun din sa akin.
“Mamaya susunduin ka daw ni Bell” si Marvin
Ang huling salita na narinig ko mula sa kanya. Dahil bumukas na ang elevator at agad akong pumasok dito. Napaisip ako sa sinabi niya. Akala ko ba ay hindi nya alam kung nasaan si Bell. May pagtanong tanong pa siya sa akin. Maghapong kong hindi naramdaman ang prisensya ni Bell. Maghapong Tahimik ang aking paligid. Syempre si Bell palang naman ang kaclose ko. Nang matapos na ang last subject ko. Napagdisisyonan kong pumunta muna sa tapat na plaza n gaming iskwelahan. Sa aking paglalakad habang kumakain ng fishballs narinig kong tumunog ang cellphone ko. KInuha koi to mula sa bulsa ng aking bag at nakita ko kung sino ang tumatawag. Si Bell! Mat cellphone nga pala ako bakit hindi ko naisipang itxt ang luka. Sinagot ko agad ang tawag.
“Hello Bell o bakit hindi ka pumasok?”
“wow naman hinahanap ako ni Bebs! Namiss mo ba agad ako?hahahah” syempre tama si Bell namiss ko rin sya. Hahahaha
“Naku Bell tigilan mo nga ako jan.! Nagtanong lang ako”
“si Bebs mahal na mahal talaga ako! Ahahahaha..” hindi ko alam kung nambubwisit lang ba sya o hindi.
“OO na Bell namimiss kita. Syempre ikaw lang naman ang lagi kong kausap at kasama diba wala pa naman akong ibang ka close”
“Wow naman ang sweet naman ni Bebs! Hahaha e meron ka naman gustong maging ka close pero ayaw mo syang kausapin ata lapitan.. hahaha!” si Belle
“Huh! At sino naman?”
“Sino pa edi si Papa Marvin! Ok lang naman sa akin e. hahaha.. Ok lang may kahati ako basta ang Bebs ko. Hahaha ako ang legal girlfriend at ikaw ang kabit hahahaha!”
Naku Bell tumigil ka jan kung anu anu sinasabi mo!”
“Wew! Hahahaha.. oo nga pala mamaya mga 7 sunduin kita huh..mag dadate tayo mamaya hahaha”
“Huh sorry Bell! Kailangan kong mag review”
“Nanaman? Naku ikaw Bebs huh. Sige ka sasabihin ko kay Marvin na may gusto ka sa kanya!”

“binoblockmail mo ba ako Belle?”  ako
“huh ako mamboblockmail? Hindi ah. Concern lang ako sa Bebs ko hahahah! Basta mamaya susunduin kita o baka naman si Marvin ang gusto mong sumundom sayo hahahaha. “
“Naku Belle  sige ka talagang hindi ako sasama mamaya. Saan ba tayo pupunta?”
“SECRET! O yan huh deal mamaya. Hahaha sige Bebs ingat bye. I LOVE YOU!
Sabay patay ng linya. Naisip ko anung gagawin ko. Ayaw kong Makita si Marvin nakakahiya sobra. Mag aalasingko na nang hapon nang ako ay makauwi sa inuupahan ko. Nahiga ako at binuksan ang radio na tanging libangan ko. Wala naman kasing tv dun hahaha.. napakaswerte ko naman talaga. Ang paborito kong kanta ang sunod na ipeplay ng Dj. Hahahah.. mag sisimula na ang kanta ipinikit ko ang aking mata at dinaman ang mga salitang ibig ipahiwatig ng kanta.

Maniniwala ka ba kung malaman mo
Ikaw yata ang tinatangi ng puso kong ito
Iisipin mo nga kayang
nagbibiro lamang ako
Mahal kita mahal kita
Palagay ko
Palagay ko mahal kita
Ikaw na nga walang iba
di pa kase masabi
ng puso ang nadarama
pansinin mo rin kaya
mahalin mo rin sana
kasi na nga
palagay ko mahal kita
maniniwala ka ba kung malaman mo
ikaw ata ang nagpatibok ng puso kong ito
panaginip kita lagi kahit gising ako
mahal kita mahal kita
palagay ko
palagay ko mahal kita
ikaw na nga walang iba
di pa kase masabi
ng puso ang nadarama
pansinin mo rin kaya
mahalin mo rin sana
kasi na nga
palagay ko mahal kita
sige lang
hihintayin kita
sige lang
sa tingin ko'y malapit na
kung nagmamahal ka na
maalala mo ako
maalala mo ako
palagay ko...
palagay ko mahal kita
ikaw na nga walang iba
di pa kase masabi
ng puso ang nadarama
pansinin mo rin kaya
mahalin mo rin sana
kasi na nga
palagay ko mahal kita

Habang nag peplay ang kanta. Naramdaman ko parang may ibang tao sa lood ng aking inuupahan. Nag isip ako kung isinara ko ang pinto. Ang tanga ko hindi ko nga pala naisara ang pinto. Dahan dahan kong iminulat ang aking mata para Makita kung sino yung nasaloob. At laking gulat ko sa aking nakita.


6 comments:

  1. Asan po ang chapter 2?

    ReplyDelete
  2. Nice story.. However if you are not sure with the spelling, you can use microsoft word spell check; "blockmail" should read as "blackmail."..

    ReplyDelete
  3. San po ang chapter 2?

    ReplyDelete
  4. Short and sweet. Hehehe. Kakabitin.

    ReplyDelete
  5. Bkit po chapter 3 agad, wla pa po ung 2nd.

    Macky

    ReplyDelete
  6. Sana talaga mahaba nakaka biten ang sarap basahin xD sana po mahaba talaga ung update pls pls

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails