The Wind, The Leaf and The Tree
Chapter 12
“The Leaf on The Tree”
By: Jace Knight
https://www.facebook.com/jace.pajz
Author’s
Note:
Good day sa
lahat. Alam nyo, honestly, pressured na pressured na ako sa ginagawa kong to.
Daming what if’s na dumadaan sa kokote ko. Pero anyways, since ramdam ko naman
ang pagtangkilik at suporta nyo sa seryeng ito, push nalang! And I love you
guys for that. Maraming salamat!
Welcome po
pala sa mga bagong minions ni Jace. Sina grey, brix, ruhtra, siule, si jm from
calapan, red 08, natsu19, at sa isang anonymous na nagsabing feeling nya
mamamatay si jayden. Hahahaha. Natawa ako dun. Pero sige, pag-iisipan ko yan.
Hahahaha. Maraming salamat mga new minions.
May ginawa
nga pala akong group sa facebook (https://www.facebook.com/groups/theredink/),
kung san ko ginawang member ang mga existing minions ni Jace. Dun ko din
nilalagay ang mga trailers at quotations ng mga susunod na updates. Kaya kung
gusto nyo, kung gusto nyo lang naman, you can add me on Facebook and join our
group.
Salamat sa
BABY ko na nagbibigay ng inspirasyon sa akin para magsulat. Mwaaah! :)
Eto na mga
kuya, ang 12th chapter ng TLW. Enjoy, I love you guys! :D
==================================================
== The LEAF
==
That kiss is
so passionate. Wala na akong nagawa kundi tugunin ang mga halik na yun.
Mumunting boltahe ng kuryente ang naramdaman ko na umalipin sa buo kong
katawan. Ang lambot ng mga labi niya. Masarap. Unti-unti na akong nalulunod sa
kiliting dulot ng halik nito.
Dumilat ako
ng matapos ang halik na yun. Nakita ko si Yui na nakapikit pa. Teka, what just
happened? Hinalikan ko ba sya? O ako nanghalik sa kanya? Pero papano yun? “Wake
up, Jayden!” Nasabi ko sa sarili ko. Bestfriend kayo ni Yui. At lalong hindi
kayo talo. “Isa pa, lasing lang yan. Di nya alam ginagawa nya.”
What’s
happening with you Jayden? Nasaktan ka lang kay Karin kaya ka naaaliw sa
pinapakitang kabutihan ni Yui sayo. Wag kang tanga. Kasi kapatid ka lang para
sa kanya. Wag kang assuming.
Oo nga pala.
Lasing lang si Yui. Haay. Sana bukas, di ito makaalala sa ginawa ko, sa ginawa
niya, namin. Haaay. “Praning ka Jayden! Matulog ka na.” Sabi ko sa sarili.
Kinabukasan,
gising na ako pero si Yui ay mahimbing pang natutulog. Haaay. Napapatitig na
naman ako sa mukha niya. Tsk. Makaligo na nga. Agad naman akong kumuha ng
tuwalya at pumasok sa banyo. Nagtaka ako nung dumaan ako sa salamin sa banyo
ko.
“Wait.
Something’s wrong.” Bumalik ako at humarap sa salamin. “Awts. This can’t be
happening.” Kitang-kita ko ang pamumugto ng mga mata ko. “Tsk! Pano ako
makakapasok nito? Anak ng kwek kwek naman o!” Reklamo ko pa.
Matagal
akong naligo. Siguro mga isang oras. Nakatulala lang ako habang nasa ilalim ng
shower. Pilit na winawaksi sa isipan ko ang mga nangyari kagabi. Ang dami-dami
kong nalaman. Parang sasabog na ang utak ko sa pag proseso ng mga bagay-bagay.
“If knowledge
would taint the minds of people, then I’d rather be innocent.” Ang nasabi ko
pagkatapos magtuyo ng katawan at humarap ulit sa salamin. Putek. Di pa naaayos
ang mata ko. Tsk! Di nalang muna ako papasok. Total, mukhang ang lakas-lakas ng
ulan sa labas.
Pagkalabas
ko ng banyo, wala na si Yui sa kama. Oo nga pala, antagal ko naligo. Nagbihis
na agad ako at tumingin sa labas ng bintana. Haaay. Umuulan nga. Sige. Di muna
ako papasok. Bumaba na ako sa may kusina at naabutan ko si Yui na nagluluto.
Nakita ako
nito. Binigyan ko lang ito ng pilit na ngiti. “Haay, sana wala syang naalala sa
nangyari kagabi.” Nasabi ko sa sarili. Umupo naman ako sa may lamesa at nakita
ko itong nakangiti lang habang nagluluto.
“Good
morning Yoh. Gutom ka na?” Ngiti nito habang nilalagay sa lamesa ang omelet na
niluto nito. “Ang sakit ng ulo ko. Andami kong nainom kahapon. Wala pala akong
dinner.”
“Ayan!
Iinom-inom ka, tas wala palang laman ang tiyan mo.” Simangot ko dito. “Yoh, y-yung
kagabi?” Alanganing tanong ko dito. Naku. Sana wala siyang naalala talaga. Pag
nagkataon, sobrang awkward na nito.
“Yung alin?”
Nakangiti pa rin sya.
“Yung kagabi
ba..”
“Ah yun?
Wala yun. Ikaw pa.” Ngiti nito.
“Wala?”
Pag-uulit ko sa sinabi niya sa sarili ko. Kumuha lang ito ng tinimplang iced
tea sa ref at umupo na sa lamesa.
“Naiintindihan
kita sa lahat ng pinagdadaanan mo. Kung ako nga ang nasa kalagayan mo, baka
makapatay pa ako ng tao eh. Basta Yoh, kung may problema ka, andidito lang ako
para sayo. Bespren kita eh.” Ngiti nya pa na ubod ng tamis.
Haay salamat
naman at mukhang wala siyang naalala sa nangyari. “Kaya ikaw Jayden, tigilan mo
na yang mga ilusyon mo.” Ang pangaral ko sa aking sarili. “Yoh, nakakahiya
pumasok ngayon. Nasobrahan ata mata ko. Teka, si Nanay pala?”
Pinagsandok
na nya ako ng kanin at nilagay sa plato ko. “Ay oo nga pala. Kumatok sya sa
kwarto mo kanina para sana magpaalam, eh mukhang nagbabahay-bahayan ka pa sa CR
kaya ako nalang ang kinausap. O, let’s eat?” Ngiti nya pagkatapos lagyan ng
omelet at hotdog ang plato ko. Napaka maasikaso nito.
“O, anong
sabi daw?”
“Uuwi muna
sya ng probinsya kasi nga daw nakatanggap siya ng tawag mula sa apo niya.
Emergency daw eh. Tatawagan ka nalang daw niya mamaya. For the mean time, ako
muna bahala sayo.”
Napangiti
naman ako sa huli nyang sinabi. “A-ahh. Okey. Pero Yoh, di na muna ako papasok
ngayon. Yung mata ko.” Nakatungong sabi ko.
“Yan? Ayos
lang yan. Maganda pa rin tignan kahit namumugto.” Napatawa siya. Aba’t
nang-aasar pa? “Oh sige, dito nalang tayo sa bahay. Tas mamayang hapon,
ihahatid na kita kela Alfer.”
“Bakit?
Bakit ihahatid mo ko dun?” Nakakunot ang noong tanong ko sa kanya.
“Thursday
ngayon diba? First day mo sa trabaho bilang tutor.” Sabi nya pagkatapos sumubo
ng pagkain.
Patay!
“Ngayon ba yun?” Napatango naman ito. “Haaay, ayoko muna lumabas ng bahay
ngayon.”
“Oh, e di ba
nga sabi mo sakin kagabi na tapos ka na sa parte ng buhay mong yun? Move-on
kapatid. Sabi nga ni Sir Ramon Bautista, forward ang direksyon ng buhay. Kung
di mo haharapin yang nararamdaman mo ngayon, kelan pa?”
Tama si Yui.
No pain, no gain ikanga. “O sya, mahal na Yoh. Pupunta na ako sa kanila.” Ngiti
ko pa dito at hinarap ito. Nakita kong natigilan ito sa pagsubo ng pagkain.
“Mahal?”
Mahinang saad nito, pero narinig ko pa rin.
“Oo. Mag
bespren nga diba? Kulit nito. Kumain na tayo.” At sabay naming pinagsaluhan ang
agahang iyon. “Wow. May bespren at kapatid na ko, may yaya at cook pa ako.
Swerte!” Sabay bunghalit ng tawa.
Kita ko
naman itong napasimangot pero maya-maya’y napangiti na rin. “I-enjoy mo lang
yan, while supplies last.”
Wala lang
kaming ibang ginawa sa buong umaga kundi magkulitan, manuod ng movies, at
maglaro ng PS3. Pakiramdam ko, pag kasama ko si Yui, nawawala lahat ng problema
ko. Maraming mga bagay na nagpapabigat ng utak at puso ko, ang sandaling
nawawala dahil sa kakulitan ni Yui. Ganito pala pag may bespren?
“Yoh, if you
don’t mind, ano na plano mo sa Papa mo?” Tanong ni Yui habang nagpapahinga kami
sa may sala. Kakatapos lang namin kumain nun, at dating gawi, si Yui na naman
ang nagluto ng tanghalian.
“Sa ngayon
Yoh, ewan ko. Di pa ako handang bumitaw sa galit na nandidito sa dibdib ko.
Masyadong mabibilis ang mga pangyayari kagabi. I don’t know what to do. Maybe I
just need some space, for now.” Nakatingala lang ako sa may kisame habang
magkatabi kami ni Yui na nakaupo sa may sala. Umuulan pa rin at ang lamig ng
panahon. Ang sarap magsenti.
“In time
Yoh, alam kong mawawala din yan. Giving-up our pride is just a small price for
us to be happy Yoh. Minsan, kelangan lang natin babaan ang pride at ego natin
para makita natin ang kagandahan ng buhay.” Napapangiti talaga ako sa mga words
of wisdom na nakukuha ko kay Yui.
“Ikaw ba
Yoh, namimiss mo ba Papa mo?” Alanganing tanong ko.
“Oo naman.
Mahal na mahal ako nun. Naalala ko dati, dinala niya ako minsan nung bata pa
ako para mangisda. Sa sobrang laki ng isda na nabingwit ko, nahulog ako sa
tubig, at muntikan ng malunod. Matanda na nun si Papa, pero tumalon sya sa
tubig para lang mailigtas ako. Akala ko talaga, mamamatay na ako nun, pero buti
nalang andun si Papa. Nung tinanong ko sya kung bakit pa nya ako iniligtas, eh
ang tanda na nya, isa lang sagot niya..”
Nakita ko si
Yui na maluha-luha na. Umusog naman ako ng upo papalapit sa kanya, at
tinapik-tapik ang balikat niya. First time ko siyang nakitang malapit ng
umiyak.
“Ang sagot
nya, pagmamahal daw. Kasi sabi pa niya, kung mahal mo talaga ang isang tao,
makakaya mong isuko ang buhay at kaligayahan mo, makita lang ang ngiti ng taong
minamahal mo.” Lumuluha na si Yui nuong tiningnan ko siya.
“Mahal mo
talaga si papa mo no?” Ngiting tanong ko sa kanya.
“Oo naman
Yoh.” Ngiting pilit nito habang pinupunasan ang mga mata. “At kahit wala na si
Papa, binubuhay ko parin ang mga salita at alaala nya sa puso ko.” Bumaling
naman ito sa akin. “Kaya ikaw, mag-isip-isip ka na Yoh. Baka pagsisihan mo yan
sa huli. At sabi mo nga, humingi naman ng patawad ang papa mo, nagpabugbug pa
nga sya sayo eh.” Ngiti nito.
Napangiti
naman ako sa payo nito. Bakit ba kung si Yui ang nagsasabi ng isang bagay,
nape-pressure ako? “Mamaya ko na iisipin yan Yoh. Sa ngayon, pahinga na muna.
Sa mga nangyari kagabi, di ko pa mai-proseso sa isip ko. Siguro, sooner or
later, baka magkaayos kami.”
Ngumiti
naman ito sa akin saka ginulo ang buhok ko. “That’s the attitude Yoh. Wag
magsalita ng tapos. And always be open for possibilities.”
Nagpatuloy
lang kami sa kulitan namin habang sumapit ang hapon. Nagbihis lang ako, dinala
ang mga kinakailangang dalhin, at nagpahatid na kay Yui sa bahay ng mga
Samonte.
“Basta kung
gagaguhin ka ulit ng Alfer na yun, itawag mo agad sakin ha?” Sabi ni Yui nang
marating namin ang bahay ng mga Samonte. Napangiti naman ako.
“Sira! O
sya, dito nalang ako. Salamat Yoh!” At nginitian nito ng ubod-tamis. Lumabas na
ako ng sasakyan at humugot ng isang malaking buntong-hininga. “This is it,
Jayden.” Saka pumasok sa malaking bahay.
========================================
== The TREE
==
Thursday.
Ang unang araw ng pagiging tutor ni Jayden sa akin. For some reasons, naeexcite
ako sa mga mangyayari mamayang hapon. Ewan ko kung bakit.
Nakaupo lang
ako mag-isa sa cafeteria nung araw na yun. Lunch break. At hanggang ngayon,
hindi ko pa nakikita ang anino ni Jayden. Si Yui naman, di na ako magtataka
kasi magkaiba kami ng college.
Hanggang ngayon, napapangiti pa rin ako sa
ginawa nitong pagsuntok sa akin. Kakaiba kasi ito e. Sa halip na magalit ako at
gumawa ng hakbang para gantihan ito na normal kong ginagawa, ewan pero parang
gusto ko pa atang i-congratulate si Jayden.
Yung suntok
na iyon. Inalog na nito ang utak ko, pati ang puso ko. For the first, I’m in
good mood. Good mood ako kahit may namahiya sa akin sa buong campus. Ganito ba
pag-inlove ka? Ganito ka ba baguhin ng pag-ibig?
Maya-maya,
natigilan ako. “Anong pag-ibig ang sinasabi mo Alfer? Ok ka lang? Patingin ka
sa doktor hoy! Baka nagka-internal hemorrhage ka na’t anu-ano na iniisip mo!”
Galit na sabi ko sa aking sarili. Kahit ako, natatawa ako sa sarili ko. Ano ba
tong nangyayari? Nababaliw na ako.
“Alfer?”
Napatingin ako sa gilid ko. Napasarap ata ako sa pag-iisip at hindi ko nakita
ang paglapit ni Sheena sa akin.
“Hi.” Bati
ko dito.
Umupo naman
ito sa tabi ko at pinulupot nito ang mga kamay niya sa mga braso ko. Tsk.
Naasiwa tuloy ako. “So, ano na balak mo for Gonzales?” Nakangisi lang ito.
“What about
Gonzales?” Nag-iwas lang ako ng tingin dito.
“Alam mo na,
yung nangyari kahapon. Aren’t you going to make ganti?” Maarteng saad nito.
Napakunot naman ang noo ko. “Why? What’s wrong Alfer?”
“Wala
naman.” Saka tumayo ako at aktong aalis na ng magsalita sya.
“Alfer,
konektado na ang The League sa sorority namin. Kaya kung kelangan mo ng back-up
para sa hinayupak na Gonzales na yun, sabihan mo ko ha?” Sabi pa nito habang
nakatalikod na ako.
Hinarap ko
ito at sinamaan ng tingin. “Wag na wag kayong kikilos hangga’t di ko alam.”
Malamig pero matigas na sabi ko dito. Napakurap-kurap naman ito ng mga mata at
napatango.
Lumabas na
ako ng cafeteria. Pumasok sa mga klase, pero hindi ko pa rin nakikita si
Jayden. Pupunta kaya sya sa bahay namin mamaya? Teka. Ba’t ba ako naeexcite
makita ito?
4pm. Nakaupo
lang ako sa may bleachers ng gym. Wala kaming practice ngayon pero gusto ko
lang tumambay dito sa gym ng school. Maya-maya pa’y tumunog ang phone ko.
Kumunot ang noo ko ng makitang tumatawag si Mom.
“Hello Mom?”
Bati ko dito nang sagutin ang tawag nito.
“Hello son.
May klase ka pa ba?”
“Wala na po.
Inaantay ko pa pong magtext si Jayden para sabay na kaming umuwi jan.”
Pagsisinungaling ko, pero ang totoo, ayoko muna umuwi.
“Nagtext na
si Jayden sakin. He’s on his way. So umuwi ka na dito. Ingat son. Be here
before 5pm. Please.” Sabi nito, saka pinutol ang linya.
Umuwi na nga
ako. Pagkarating ko sa bahay, naabutan kong nagkukwentuhan si Mom at si Jayden.
Sabay-sabay namang napalingon ang dalawa ng makita nila ako.
“Here comes
the late, Alfer Samonte.” Sarkastikong sabi ni Mom.
“The late?
Ano patay na ko?” Tanong ko habang napapatawa naman ng mahina si Jayden.
Sinamaan ko lang ito ng tingin. Lumapit naman si Mom sa akin, humalik lang ako
sa pisngi nito. Pero nagtaka ako ng
hawakan ni Mom ang pisngi kong nagkaron ng pasa sa suntok ni Jayden.
“Ouch. Mom?”
“See? You’ve
done a great job Jayden. Anak ka talaga ni Gary.” Natatawang saad ni Mom na
bumaling kay Jayden. “I just know it na ikaw lang ang makakapagpatino nitong
hard-headed mammal kong anak.” Natatawa na si Jayden. Ganun na ba sila ka close
ni Mom? Mas close na ata sya dito, kesa sa akin e.
Naalala ko
pa kagabi, nung umuwi ako sa bahay. Pinagtatawanan ako nina Mom at ng mga
kapatid kong sina Brenna at Brent.
“Sa wakas anak! May kumalaban na rin sa
iyo.” Natatawang saad ni Mom.Nakaupo na kaming lahat sa dining table at
nagdi-dinner na. Wala si Papa. As usual, overtime na naman sa office.
“Himala nga kuya, at for the first time,
umuwi ka ng may pasa sa mukha.” Si Brenna.
“This is a rare view kuya. Idol ko na kung
sino man yang nakasuntok sayo.” Pang-aasar pa ni Brent.
“So, si Jayden nga ba ang may gawa nyan
Son?” Si Mom. Hindi na ako magtataka kung panu nya ito nalaman. May mga mata
rin naman si Mom sa school.
Nag-iwas lang ako ng tingin sa tatlo.
Natatawa pa rin si Mom at si Brenna.
“Wew. Sabi ko na nga ba. Kuya Jayden’s
something out of this world.” Pati si Brent, nakita din yun? Kakaiba nga si
Jayden.
Iniwan na kami
ni Mom at maghahanda lang daw ito ng meryenda. Pasalampak naman akong naupo sa
sofa katabi si Jayden. Katahimikan lang ang namayani sa aming dalawa.
“So what
now?” Pagbasag ko sa katahimikang iyon. Di naman ito umiimik. Tiningnan ko lang
ito. “Don’t worry, wala pa naman akong planong gumanti eh. Pero baka sooner or
later.” Ngisi ko pa dito.
“Nakahanda
naman ako e. Anytime. Anywhere.” Malamig na tugon nito, habang nakatanaw lang
sa ibang direksyon. “Anyways, magbihis ka muna.”
What?
Inuutusan pa ako nito? Grabe talaga. Umakyat naman agad ako sa kwarto ko at
nagbihis na nga. Pagkababa ko, nagsimula na kami ni Jayden. Nagsimula kami sa
Taxation na subject, kung saan kami magkaklase. Sa una, nagkakailangan pa kami.
Pero maya-maya, medyo gumagaan na ang tensyon sa pagitan namin.
“Ganito lang
yan i-solve.” Sabi ni Jayden at kinuha ang papel at ballpen sa kamay ko ng
mapansing nahihirapan ako sa pagcompute ng isang formula.
Umusog naman
ako palapit dito para makita ang ginagawa nito. Naamoy ko ang mabangong amoy ni
Jayden. Tsk. Bakit sa lahat ng bagay na pwedeng maamoy, yun pa ang napansin ko?
Tsk.
“Yan. Ok
na!” Sabi nya ng nakangiti lang syang tumingin sa akin. Natulala naman ako sa
mga ngiting iyon. Ang sarap titigan, pati yung mga mata niya. Haaaay. What’s
happening Alfer?
“Aray!”
Nasigaw ko ng hawakan nya ang pasa ko sa mukha.
“Gusto mo sa
kabila naman? Umayos ka nga. Focus.” Bumalik naman ang mga mata nito sa mga
pinag-aaralan naming lessons.
Ilang oras
pa kaming nag-aaral at nagrereview ng dumating na si Dad. Kita ko naman na
napangiti ito ng makita si Jayden. Bakit ba sa tuwing andidito si Jayden,
parang buhay na ulit si Dad?
“Good
evening po Sir Raphael.” Masiglang bati ni Jayden kay Dad.
“Good
evening din hijo. Naku, just call me Tito Raf.” Ngiti pa ni Dad dito.
Lumabas
naman mula sa kusina si Mom. “Yan nga sinasabi ko sa kanya kanina pa Hon. Good
evening.” Humalik si Mom dito. “Jayden, Tita Diana at Tito Raf ang itawag mo sa
amin. Anyways, kaibigan namin si Mama mo. At welcome na welcome ka sa bahay na ito.”
Ngiti pa nito. “The dinner is ready. Hon, bihis ka na muna. And Jayden, dito ka
ulit magdidinner ha?” Tumango naman ito kay Mom.
Hinila ko
naman si Jayden sa may pool area habang hinihintay naming makapagbihis si Dad.
Kita ko lang sa kanya ang pagtataka ng hawakan ko ang kamay nito para dalhin
sya sa may pool ng bahay.
“Bakit ganun
ka sa Dad mo?” Kunot-noong tanong nya. Umiwas naman ako ng tingin. Nanduduon na
kami sa may pool area ng bahay at nakaupo lang kami sa kahoy na mesa na
nandudun.
“What do you
mean?”
“Wala naman.
Mukhang ilang na ilang ka sa kanya.” Napatawa naman sya ng mahina.
“May pagka
tsismoso ka rin no?” Simangot ko sa kanya. Nakita ko lang itong napangiti.
“Akala ko ba
gusto mo akong maging kaibigan? Bakit napaka sarkastiko ng tono mo ngayon?”
“I just don’t
want to talk about my dad, ok?” Saka nag-iwas lang ako ng tingin. Tumayo naman
ito at nagpunta sa gilid ng pool.
“Kaya ka ba
ganyan dahil nagrerebelde ka sa Dad mo?” Nakatalikod lang ito sa akin habang
nakatanaw sa malayo. “Alam mo, may nagsabi sa akin na ang pride daw ay isang
maliit lang na kabayaran upang matagpuan natin ang tunay na kaligayahan.”
“Let me
guess. Si Yui right?” Natawa naman ito. “Nasabi na rin nya sa akin yan.”
“Kagabi,
hinarap ko na ang malaking bangungut ng buhay ko. Siguro, kundi dahil kay Yui,
siguro di pa ako mapapangiti at mapapatawa ngayon. Ibang klase din kasi si Yui.”
Hinarap ako nito.
“Close na
talaga kayo no?” Pilit na ngiti ko.
“Iniiba mo
naman ang usapan eh.” Naiiling na saad nito. Umupo siya ulit sa upuang kahoy na
katabi nung inuupuan ko. “Mukhang okay naman ang Dad mo ah? Bakit mukhang di ka
close sa kanya?”
“Si Dad.
Ewan. Eversince bata pa ako, di na ako close sa kanya.” Napapailing nalang ako
sa pagkukwento ko. Bakit nga ba ako nagkukwento sa kanya?
“Kaya ba
ganyan ka kabulakbol at kapasaway dahil nagrerebelde ka sa kanya?” Hindi naman
ako makaimik. “Alam mo, nararamdaman ko namang okey ang Dad mo eh. Baka ikaw
lang tong ayaw mag reach-out sa kanya? Pride and Ego? Babaan mo kasi yang mga
yan.” Humarap naman ako dito at nakita ang ubod-tamis na ngiti nito.
“Bakit? Ikaw
ba? Ano kwento nyo ng Papa mo?” Balik na tanong ko kay Jayden. Nakita ko lang
itong naging malungkot ang ekspresyon ng mga mata. “So nagbibigay ka sa akin
ngayon ng mga unsolicited advices, pero ikaw mismo, may problema din sa tatay
mo?”
“Iba naman
ang problema namin ng Papa ko sa problema nyo ng Dad mo.”
“Wushuu.
Palusot ka pa.” Napangiti ako sa nangyayari sa amin. Kung dati, mukhang aso’t
pusa kami, pero ngayon, nag-uusap na kami ng ganito kasensitibong usapan.
“Honestly,
ibang-iba talaga.” Nakatungong sabi nito. “And I could definitely say that you
are in a better situation than me. Yung Dad mo, nakasama mo parin sa paglaki
mo. Siguro busy sa negosyo, pero atleast nakikita mo pa sya.”
“Eh yung
Papa mo ba?”
“Bata pa ako nung iniwan nya kami ni Mama. Siguro magdadalawang-taong gulang pa
ako nung umalis sya at ipagpalit nya kami sa iba.”
Kita ko sa
mga mata nito ang kalungkutan at sakit ng kahapon. Nung nakita ko ulit ang mga
mata niya, habang nakikinig sa istorya ng buhay nya, para akong nagising sa
isang malalim na pagkakatulog. At nasabi ko nalang sa sarili ko na kahit
papaano pala, mas maswerte pa rin ako kesa sa mga pinagdaanang hirap ni Jayden.
“Dinner is
ready. Kuya Jayden, Kuya Al, kain na tayo.” Napalingon naman kami at nakita
lang namin si Brent na nag-aaya ng kumain. Nginitian lang ito ni Jayden saka
lumapit dito.
“Hi Brent!”
Bati nito kay Brent.
“HI kuya!
Naks. Galing mo pala sumuntok ah? Papaturo ako sayo kuya ha?” Lumapit naman ako
sa dalawa at binatukan si Brent. “Arekop. Kuya!” Sigaw nito sakin.
“Yang bibig
mo kasi.” Natawa naman ang dalawa. Sabay na naming tinungo ang dining room at
napangiti nalang ako ng makita si Jayden na ngumingiti na din. “Haaay. Anu ba
nangyayari sayo Alfer?”
==========================================
== The WIND
==
Thursday ng
hapon. Kakagaling ko lang ihatid si Jayden sa bahay ng mga Samonte. Pagka-uwi
ko ng bahay, agad naman akong naglinis ng kwarto kong makalat. Ilang araw na
din akong di nakakapaglinis. Buti nalang at di pa nakakapasok si Mama dito,
kundi patay na naman ako.
Pagkatapos
maglinis, nahiga na ako ulit sa kama ko.
Haaay. Yung
nagyari kagabi? Sinadya ko yun. Nagtutulug-tulugan lang ako pagkatapos aluin si
Jayden. Naramdaman ko lang itong nakatitig sa mukha ko habang nakapikit na
nahiga sa kama. Hanggang mukhang palapit na ng palapit ang mukha nito sa mukha
ko.
Nagtaka
naman ako. Pero pasalamat ako at nalasing ako. Sinamantala ko na ang
pagkakataong iyon at ako na mismo ang lumapit upang salubungin ang mga labi ni
Jayden. Nakapikit pa rin ang mga mata ko, pero damang-dama ko ang gulat sa
reaksyon ng katawan nito.
Ang sarap ng
halik na iyon. Sa unang pagkakataon, nakahalik ako ng kapwa ko lalaki. Ang
sarap sa pakiramdaman na naglapat ang mga labi ko at ang labi ng pinakamamahal
ko.
Masuyo lang
ang halik kong iyon ng una, pero naramdaman kong unti-unti namang tumutugon si
Jayden sa halik na yon. At sa pagtugon niyang iyon, umasa ako. Umasa ako na
pupwede kami. Na pupwede ko syang mahalin, at mahalin din nya ako pabalik.
Ang halik na
iyon ay ang unang halik na nagdala sa akin sa langit. May mga babae na akong
nahalikan noon, pero iba ang kiliti na dulot sa akin ng halik ni Jayden.
Inakala ko
nung gabing iyon ay yun na ang magiging sagot sa katanungan ko. Kung iyon na ba
talaga ang sign na hinihingi ko sa langit. Kung ipagtatapat ko na ba kay Jayden
ang nararamdaman ko para dito.
Pero
kinaumagahan, ayun na naman ang takot ko. Nilamon na naman ako ng takot at
kaduwagan ko. Ang takot ko na baka kung sabihin ko sa kanya, baka mawala na sya
ng tuluyan sa akin. Natatakot ako na kapag nag confess ako ng nararamdaman sa
kanya, baka pandirihan nya ako at hindi maintindihan. At ang takot na iyon ay
parang mumunting daga na naghahabulan sa aking puso.
Hindi. Hindi
ko kayang mawala sa akin si Jayden. Hanggang ngayon, di ko pa natatagpuan ang
lakas ng loob na ipaalam sa kanya kung gaano ko siya kamahal. Haaay. “Jayden,
mahal na mahal kita.”
Pagkatapos
ng hapunan, tinawagan ko si Jayden.
Gusto ko siyang
samahan ngayon habang wala pa si Nanay Nimfa. Ayoko naman syang mag-isa sa
bahay nila.
“Yoh?
Kakatapos lang namin mag dinner. Bakit?” Sabi nya pagkasagot ng tawag.
“Ako na
susundo sayo ha? Tapos ka na ba jan?” Tanong ko sa kanya. Demanding bigla.
Nyahahaha.
“Patapos na
kami Yoh. O sige, nakakahiya naman kasi kay Alfer. Hintayin kita ha?”
“Sige Yoh.
Be there within 15 minutes.” Sabi ko at pinutol na yung linya.
Agad ko
namang inihanda ang kotse ko. Gusto ko sana mag-motor, kaso mahamog na sa
labas. Ayoko namang magkasakit ang pinakamamahal kong Yoh.
Nakarating
na din ako sa bahay ng mga Samonte. Di na ako bumaba, kasi tinawagan ko naman
si Jayden na on the way na ako. Hinintay ko lang sya sa may labas ng gate.
Maya-maya ay nakita ko na si Jayden na lumabas, kasama si Alfer. Hinahatid lang
siguro. Pero nagselos ako bigla ng biglang akbayan ito ni Alfer.
Nakita naman
ako ng dalawa. Tumapat ang mga ito sa kotse ko. Binaba ko naman agad ang
bintana sa may front seat.
“Magandang
gabi sayo dude. Sunduin ko lang si Jayden?” Bati ko kay Alfer.
“Ok dude.
Ingatan mo tong tutor ko ah?” Sarkastikong saad ni alfer. Natawa lang ng hilaw
si Jayden tsaka binuksan ang pintuan ng kotse ko.
“Salamat sa
dinner Alfer. Pakisabi narin kina Tita na salamat. Una na kami.” Ngiti ni
Jayden dito.
“Sige. Sige
dude.” Bumaling pa ito sa akin at sumaludo.
Pinaandar ko
na ang kotse. Kita ko naman sa mukha ni Jayden na parang wala namang nangyaring
problema sa unang araw nito bilang tutor.
“So, how’s
your first day? Di ka ba inaway ni Alfer?” Natatawang tanong ko dito habang
tinatahak na namin ang daan pauwi.
“Okay naman.”
Simple lang itong ngumiti.
“And by okay,
you mean?” Kumunot ang noo ko ng makitang tumatawa si Jayden. “What?”
“Wala
lang. Okay naman. Nakausap ko na din ng
matino yung hambog na yun. Hindi naman pala sya ganun ka sama.” Ngiti pa nito.
“Wait. Iba
yang mga ngiting yan ah? Anong meron?” Curious na tanong ko.
“Wala. Mag
drive ka na nga lang.” Ang mga ngiting yun. Hindi naman kaya…?
No. Di
pwedeng mangyari to. Hindi. Nanghina lang ako sa nagging usapan namin. Jayden,
bakit mo ba kasi ako pinapahirapan? At Alfer, bakit nandidito na naman tayo sa
ganitong sitwasyon?
Gustung-gusto
ko na talagang sabihin kay Jayden ang lahat. Pero sa nagging takbo ng usapan naming,
at sa mga ngiting iyon, nanghina na naman ang mga tuhod at puso kong sabihin sa
kanya ang totoo. Nagseselos ako, pero hindi ko naman magawang ilahad dito ang
nararamdaman ko. Putek!
“Jayden,
gusto mo ba si Alfer?”
- Itutuloy -