Followers

Thursday, February 14, 2013

Bawal na Pag-ibig: Astig Kong Mahal - 14

Astig Kong Mahal - 14


Bawal na Pag-ibig: Astig Kong Mahal
By Prince Sky
(Part 14)
------------------------------------------------------------------------------------------------------------ 
Pagkadating ni Prince ay ikinuwento na rin ni mama ang tungkol sa tunay na pagkatao naming dalawa. Niyakap rin namin si Prince dahil alalang-alala kami ni mama. Mabuti nalang at natanggap rin ni bunso.

"Patrick, anak.. isa lang ang mapapayo ko sa iyo"

"Ano poi yon ma?"

"Sundin mo ang inuutos ng puso mo. Huwag mong pairalin ang iyong utak. Kapag nagmahal ang isang tao, ibinubuhos niya ang lahat kahit walang kasiguraduhan"

"Ano ang ibig niyong sabihin ma?"

"Patrick! Piliin moa ng taong makapagpapasaya sa iyo"

"Hay naku ma! Ikaw na ang ikatlong tao na nagpayo sa akin niyan"

Tumingin ako kay Prince at nakita ko namang ngumiti siya. Nginitian ko rin si Prince at inakbayan.

"Bunso. Ang galing mo nang magbigay ng payo"

"Syempre! Ako pa!"

"Prince. Bunso! Galingan mo sa biyernes ha?"

"Sure! Para sa inyo ni Naks. Ay sorry!"

"Speaking of Naks. Kuya, hindi mo pa rin ba siya nacontact?"

"Hindi eh. Tinatawagan ko na siya kanina pa pero hindi ko macontact. Nagsend nalang ako ng mensahe sa kanya. Sana mabasa niya iyon at bigyan niya ako ng pagkakataong maipaliwanag ang saloobin ko"

"Tama iyan anak. Suportado ko ang kasiyahan mo"

Pagkatapos naming mag-usap ay kumain na rin kami. Pinagusapan rin namin ang magiging plano ko. Itutuloy ko nga ba ang kasal? Bahala na. Basta isa lang ang hihilingin ko sa Diyos. Kahit isang sinyales lang galing kay Naks. Iiwanan ko ang pinangarap na buhay para lang sa kanya. Peksman!

Gumala kami buong maghapon at ipinasyal namin si mama sa mga tourist spots dito sa amin. Umuwi rin kami ng gabing iyon. Patuloy pa rin ako sa pagtawag kay Philip pero ganoon pa rin. Hindi ko siya macontact. Doon na ako natulog sa room ni Prince at si mama naman sa kwarto ko.

Kinaumagahan…

"Ma, alis na kami ni Prince. Maaga pa ang kanilang practice at may class rin ako."

"Sige mga anak. Mag-ingat kayo sa daan. Dito nalang muna ako. Makikipag kita rin ako kay Jessice. Patrick hihintayin kita. Mas mabuting mag-usap kayo ni Jessica tungkol dito."

"Bahala na ma. Sisiputin ko naman siya sa kasal"

"Ha? Talaga Kuya? Paano si Naks mo?"

Ginulo ko nalang ang buhok ni Prince. (Bahala na. Basta! Isang sinyales lang sa iyo Philip)

Pagkadating namin sa skul ay dumiretso na rin si Prince sa covered gym. Dumiretso na rin ako sa class. 8AM na at absent pa rin si Philip. Sinubukan ko siyang tawagan ngunit hindi ko pa rin siya macontact. Nag-alala na talaga ako. Sisimulan ko n asana ang aking class ng biglang may kumatok sa pintuan.

"Excuse me!" sambit ng secretary ni Mrs. Cheng"

"Yes"

"Sir Sandoval, pinapatawag po kayo sa office. Emergency po"

(Ha? Bakit? Ano kaya iyon) sa isip ko lang.

"Class excuse me for awhile. May emergency meeting lang kami. For the meantime, please review your notes. I'll give a quiz afterwards"

Lumabas na ako ng classroom at tinungo ang office ni Mrs. Cheng. Pagpasok ko ng office ay nagulat naman akong naroon si Sir Silverio ang chancellor namin.

"Mr. Sandoval, please have a seat"

Umupo ako ng biglang nagsalita ulit si Mrs. Cheng.

"I called your attention dahil emerge…" naputol na sambit ni Mrs. Cheng ng biglang nagsalita si Chancellor.

"Mr. Sandoval! How dare you!"

"Ha? Why sir?"

"I went back here at the soonest possible time! ipinagkatiwala ko sa iyo si Philip pero ano ang ginawa mo?!" galit na sambit ni Chancellor

"What do you mean Chancellor?"

"What do you mean! I trusted you Patrick!"

Magsasalita pa sana ako ng ipinakita ni Chancellor ang litratong kinuha niya. Sigurado akong kay Philip iyon. Nagulat lang ako dahil  maraming sugat ang tinamo ng kanyang forearm. Pero ang mas ikinagulat ko ay ang mga salitang "PATRICK SANDOVAL.. BAKIT?"

"Don't you know that my son nearly died?"
Napatayo ako sa kinaroroonan ko dahil sa balitang iniabot ng Chancellor, ang ama ni Philip.

"Sir I didn't do anything?"

"Oh really! I know everything! I know there is something between you and my son!"

"Chancellor.. let me exp…" naputol kong sambit ng biglang nagsalita ulit si Chancellor

"Kaisa-isang anak ko lang si Philip. Kaya nga pinauwi ko nalang siya dito sa pilipinas dahil muntik na rin siyang mawala sa akin noon. OO aaminin ko, alam kong ganyan si Philip at tanggap ko iyon. Pero natatakot ako nab aka mangyari sa kanya ulit ang nangyari noon. Binigo mo ako Mr. Sandoval!"

"But Chance.."

"Stop it! I don't want to hear any of your excuses! See the HR department and submit your resignation letter asap!"

Lumabas si Chancellor sa office ni Mrs. Cheng. Umupo ako at natulala. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko ng nagsalita si Mrs. Cheng

"Mr. Sandoval, pasensya na. pilitin ko mang ipaliwanag ang lahat kay Chancellor pero wala akong kaalam-alam dito. You disappoint me. Of all, student mo pa! Ang mas masaklap Mr. Sandoval anak pa ni Chancellor! I need your resignation at my table tomorrow!"

"Pero Mrs. Cheng. Hindi mo naiintindihan"

"Gusto kitang tulungan para diyan pero wala na akong magagwa. Dean lang ako. Chancellor ang kinontra mo"

"But Mrs. Cheng wala naman tala…" naputol kong sambit ng nagsalita ulit si Mrs. Cheng

"I'm sorry Patrick."

"Okay Mrs. Cheng. Sorry if I disappoint you, kung pinakinggan lang sana ni Chancellor ang side ko."

"I'm so sorry Patrick Sandoval"

"Okay lang po Ma'am. Sige po ma'am aalis na po ako"

"By the way, before you leave Mr. Sandoval. Please kahit papaano, umattend ka na ng acquaintance party bukas"

"Sige po ma'am. I'll try. Hindi naman po mababago ang desisyon ni Chancellor kahit umattend pa ako ng acquaintance party"

Lumabas na ako ng office ni Mrs. Cheng. Masakit para sa akin ang natanggap na balita. Sunod-sunod ang mga masaklap na pangyayari. Una, nawala bigla si Philip, pangalawa, ikakasal na ako sa sabado, pangatlo, hindi ko pala tunay na ama si papa, pang-apat, muntik ng mamatay si Naks at ang huli, pinareresign na ako.
Siguro nga ito ang sinyales na ibinigay sa akin ng Panginoon. Mas tama na nga sigurong magpapakasal na lang ako kay Jessica at hanapin ang aking sarili sa Americe. Masakit man isipin at tangapin pero ito na ang tadhana ko.

Bumalik ako sa classroom at kahit papaano ay pinagpatuloy ko na rin ang exam. Pagkatapos ng exam ay pumunta na ako ng faculty room. Gumawa ako ng resignation letter at ibinigay kay Mrs. Cheng. Ibinigay ko na rin ang mga records ng students. Bumalik ulit ako sa faculty room at kinuha ang mga gamit ko. Bago pa naman ako umalis ng faculty room ay pinagmasdan ko ang bawat sulok nito. Naalala ko tuloy ang mga kagaguhan na ginawa namin ni Philip. Pumasok ako sa comfort room at naalala ko rin ang nagyari noon. Natawa ako at napaluha rin.

Lumabas ako ng faculty room at nakasalubong ko si Prince.

"Kuya? Bakit ka umiiyak?"

"Prince. Pinareresign na ako"

"HUH! BAKIT?!"

"Nalaman na ni Chancellor ang lahat-lahat"

"SHIT! Paano niya nalaman kuya?"

"Muntik ng magpakamatay si Philip, bunso"

"Hah? Ano ang nangyari Kuya?"

"Hiniwa ni Philip ang kanyang forearm, ang masaklap lang kasi ay iginuhit niya ang pangalan ko. Kaya iyon tuloy, akala ni Chancellor, ako ang dahilan ng kanyang pagpapakamatay"

"My GOD! Asan na si Philip? Asan si Chancellor, ako ang magpapaliwanag"

"Huwag na Prince. Hindi nga ako pinakinggan ni Mrs. Cheng at ni Chancellor. Ikaw pa ka ya na estudyante lang"

"Kahit na Kuya. Paano iyan? I'll quit then!"

"HUWAG! Okay lang ako. Siguro ito ang sinyales na ibinigay ng Diyos sa akin bunso. Mali nga talaga ang Bawal na Pag-Ibig"

"Hindi KUYA! Walang mali diyan! Nagmamahal ka at alam natin na mahal ka rin ni Philip!"

Kinuha bigla ni Prince ang phone ko at sinubukang tawagan si Philip pero nabigo rin siya. Hindi macontact si Philip.

"Kuya! Hindi pwede. Hindi tama to! Alam kong nagkamali lang si Chancellor ng akala!"

"Sige na Prince. Hayaan mo nalang sila. Pagbutihin mo nalang ang pag-aaral mo. Tutulungan kita."

"Kuya. Sasama ako sa iyo. Kung magreresign ka, eh di aalis na rin ako. Kukuha na lang ako ng ibang kurso sa ibang skul"

"NO! Don't do that! Mas lalong akong magagalit!"

"Pero Kuya"

"Wala ng pero, pero Prince! Please.."

Hindi na rin nagsalita si Philip. Umalis na rin kaming dalawa sa skul. Hindi na rin siya pumasok ng class niya sa hapon. Ikinuwento ko rin kay mama ang balitang natanggap ko. Mabuti na lang at hindi ako pinabayaan ni mama.

Umalis kami ni mama at prince. Nakipagkita kami kay Jessica.

"Honey! I miss you so much!" sambit ni Jessica at niyakap niya ako.

Niyakap ko rin siya. Hinalikan niya ako sa bibig at kitang-kita ko naman reaksyon ni Prince na parang masusuka. Kaya sinapak ko siya sa ulo.

"Aray! Hmmmm. Sapakan marathon na!"

"I miss you too honey" matamlay kong sagot

Tumingin ulit ako kay Prince at umakting ulit na parang masusuka kaya lumanding ulit ang kamay ko sa ulo niya.

"Are you ready on Saturday honey?"

"Ah……"

"Honey? Ready ka na ba sa sabado?"

"Yes honey…"

"Oh, bakit parang ayaw mo"

"Hindi honey. Pagod lang ako"

Sinabi ko na rin kay Jessica na nagresign na ako at ikinatuwa naman niya ngunit hindi ko na ikinuwento ang dahilan ng pagresign ko. Mahirap na at baka magkaproblema pa. Pero kahit ganito, masakit pa rin sa akin ang mga hakbang na ginagawa ko. Hindi pa rin maalis sa isip ko ang mga nangyari. Nagalala pa rin ako kay Philip. Wala na akong pakialam kung nawalan ako ng trabaho, mas importante sa akin gang kalagayan ni Philip. Nasa ganoon akong pag-iisip ng bigla namang nagsalita ulit si Jessica.

"Honey.. ano baa ng nangyayari? Parang wala ka naman sa sarili eh"

"Wala hon, napagod lang talaga ako"

"Eh gusto mo, umuwi nalang tayo?"

"Ha?"

"PATRICK! Ano ba?!"

"Sorry Honey"

"Hay naku! Nakakainis naman. Pero okay lang, na miss kita kasi eh!"

"Hon, pwede bang umuwi nalang tayo? Napagod kasi ako"

"Gusto mo doon ka nalang sa hotel?"

"Ha? Sorry Hon walang kasama si mama at Prince"

"Ganoon? Okay. By the way, naka ready na ang lahat. Ipinadala ko na rin ang susuotin mo sa sabado."

"Okay…"

"Hmmmmmmmmmmm. Bahala ka na nga honey!"

Lumabas na kami sa restaurant at hinatid ko na rin si Jessica. Gusto pa sana niyang doon na ako sa hotel pero mabuti nalang at nakahanap ako ng alibi. Kaya pumara na kami ng taxi at umuwi na sa apartment.

"Hay naku Kuya! So YUCKY!"

Sinapak ko ulit si Prince

"KUYA NAMAN! Mama si Kuya hu. Ginagawa akong punching bag!"

"Prince, maiba lang ako, bukas na ang contest. Ready ka na ba?"

"Well, kahit ngayon pa!"

"Lakas ng loob mo tol!"

"Hindi k aba manonood Kuya?"

"Ano kaya sa tingin mo? Gusto mo bang masipa pa ako doon?"

"Okay! But I'll assure you Kuya na mananalo ako!"

"Mabuti naman! Siguraduhin mong hindi ka papalpak sa interview!"

"Hahahaha! Given kaya lahat na questions!"

Itutuloy…

4 comments:

  1. bakit bglang naging BOBO si Pat? Imbis na harapin at lutasin,tinakasan? Halos mamatay na nga c Philip itutuloy pa din nya kasal? Now questionable na sa akin ang pagmamahal ni Pat kay Philip tsk! Kung mahal nya si Philip,kht anung gawin at sbhin ng chancellor hndi sya papa apekto at titigil,bagkus gagawa sya ng paraan dapat! What a coward action! Tsk.

    ReplyDelete
  2. Since Valentines ngayon. I'll be posting the rest of the chapters. Happy Heart's Day Everyone!

    ReplyDelete
  3. To tzekaaaii.

    Kung marunong ka ring umintindi sa sitwasyon ni Sir Patrick, mailalagay mo rin sarili mo sa kanya. For me, it's not questionable. Unang una, it's his first time to indulge himself in a same-sex relationship na hindi pa masyadong accepted sa society kaya ganun.
    Madali lang kasi nating sabihin ang mga bagay-bagay dahil wala tayo sa sitwasyon na 'yan. Pero sa totoo lang, mahirap 'yan.

    ReplyDelete
  4. tagal n pla tong story n ito tgal q kc ndi nakakadalaw s blog n ito bc s work,anyway thanks po for sharing your story nalibang ako at natuwa tlga q s mga rule ng major character......

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails