Followers

Wednesday, May 2, 2012

Sa Muling Pagkikita Chapter 6


Author's Note:

Maraming salamat kay Kuya Mike na ilathala ko ang aking kwento dito sa msob na hango sa tunay na buhay. Nagpapasalamat din ako sa mga admin na ipagpatuloy ko ang paglalahad ng aking isinusulat especially kay Kuya Justyn Shawn.


"Sa Muling Pagkikita"
Chapter 6
By: wwjd_ar26

Umuwi ako sa amin na di nagpaalam kay Yves.

Nakarating ako sa amin na malungkot at parang walang tulog dahil namamaga ang aking mga mata sa kaiiyak.

Nakita ako ng aking Ina.

"Wala ka ba pasok iho?" tanong ni Inay sa akin.

"Wala po Inay" tugon ko naman kay Inay

"Kamusta naman ang thesis ninyo?" tanong sa akin ni Inay

"Inaasikaso pa rin po namin" tugon ko naman sa tanong niya

Alam ng aking Inay at Tatay na thesis ang akin pinagkakaabalahan dahil minsan na ginawa ang encoding sa bahay namin. Magastos kung sa labas gagawin ang pag-type at malalayo ang mga tahanan ng akin ka-grupo.


Di rin maiwasan na matulog ang mga ka-grupo ko sa amin dahil kailangan pagpuyatan minsan nga salitan kami sa pag-type habang ang iba kailangan magpahinga ang iba naman inaasikaso ang thesis


Dumiretso na ako sa aking kwarto


Habang ako ay nakahiga dumadaloy sa akin pisngi ang aking mga luha 

Dalawang linggo di ako nakipagkita at nakipagusap kay Yves. Sa pangungulila ko kay Yves ibinuhos ko lahat ito kay Heart. 


Ngunit ito ay napansin ni Heart.

"Hon may problema ka ba?" tanong ni Heart sa akin.

"Ah, eh...wala" tugon ko kay Heart.

"Spill it out" sabi ni Heart sa akin.

"Wala talaga, busy lang ako ilan buwan na lang at magtatapos na ako inaasikaso ko pa ang Student Council" sabi ko na lang kay Heart.

Di na ako kinulit ni Heart at tinulungan niya na lang ako sa akin ginagawa.

Hinatid ko si Heart sa kanya huling subject sa kanilang classroom at ng paalis na ako.

"Hon, wala ka ba nakalimutan?" tanong ni Heart sa akin.

Napa-isip ako sa tanong ni Heart pilit na inaalala kung ano ang nakalimutan ko, anniversary ba namin? Birthday ba niya? Ano okasyon?.

"Ano nakalimutan ko?" pabalik na tanong ko kay Heart.

Lumapit siya sa akin na sobra lapit at pilit na dinampi ang kanyang labi sa akin labi.

Iyun ang nakalimutan ko ang halikan siya sa labi, madalas ay ganun ang ginagawa ko sa kanya pag hinahatid ko siya kanya klase or sa kanilang tahanan. Wala ako pakialam kung marami tao nakapaligid sa amin or marami tao nakatingin sa amin.

Sa pagdampi ng aking labi sa kanya labi isang malakas na sampal ang kasunod...(ang sakit kaya)

"Ano ginawa ko?" tanong ko kay Heart

Pero di niya ako sinagot patakbo siya pumunta sa kabila classroom na wala tao at umiiyak. Sinundan siya ng bestfriend niya.

Naiwan ako nabigla sa hallway at binalikan ako ng bestfriend niya.

"Bakit mo sinaktan ang bestfriend ko?" tanong sa akin ng  kaibigan ni Heart.

"Wala ako ginagawa na ikakasakit ni Heart" tugon ko sa tanong ng kaibigan ni Heart.

Sumunod ako sa kinaroroonan ni Heart at kami ay nag-usap.

"Bakit mo ako sinampal?" tanong ko kay Heart.

Umiiyak pa rin si Heart at napaiyak na rin ako.

"Naging malamig ka na sa akin" sabi ni Heart sa akin habang tumutulo ang mga luha niya.

"May third party ba?" tanong ni Heart sa akin.

"Wala, busy lang talaga ako" tugon ko sa kanya.

Alangan naman na sabihin ko sa kanya na meron at lalaki ang karibal niya.


Ayaw ko ulit masampal ng babae nakakahiya na, madami pa naman nakakita sa amin sa ginawa niya 
pagsampal sa akin at totoo masakit.


Nagka-ayos din kami ni Heart pero din rin ito nagtagal.


Nakipaghiwalay ako kay Heart dahil gusto ko siya lumigaya, ayaw ko ipagpatuloy ang kasinungalingan sa amin relasyon, nasasaktan ako sa bawat araw na kami ay nagkikita iba ang nasa isip at puso ko.


Pinuntahan ko si Yves sa kanila tahanan at ng kami ay magkita.....










1 comment:

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails