Followers

Tuesday, May 1, 2012

Beautiful Liar Part 7



by:Emirp

~♥~

Prime: sige intayin mo kuya John, sabihin mo pag dumating na. (pang aasar ko)

John: ang kulit talaga ng Prime ko.

Masaya kaming naglakad yun nga lang medyo nauuna ko kahit hirap akong maglakad. Kasi nahihiya akong maglakad kasabay siya. Baka kung ano ang sabihin ng mga tao.

Prime: sige kuya dito na ko dadaan, wag ka ng sumunod.

John: kiss muna?

Prime: bukas promise (joke lang. haha)

John: aasahan ko yan ha. Kita tayo dito sa kapilya.

Prime: okay kuya.

Hay naku. Ang saya. Tinawag ako ni Anti pag kauwi ko. Isasama daw nila akong maligo sa resort bukas (ako lang talaga. haha. hindi kasama sila Mama) edi ang saya ko kasi sigurado ako kasama si Mark (2 timer? hindi naman, di ko pa naman sinasagot si Kuya e)

Kinabukasan tinawag na ko ni Anti. Ang suot ko light Violer, parang lilac. Nag baon na din ako ng twalya at damit pamalit.

Pagkakita ko, oh my, pareho kaming naka light Violet ni Mark. Soulmate?

Pagdating namin sa resort kumain muna kami. Konti lang ang tao kaya hindi masikip.

Pag katapos kumain naisipan kong maligo na. Kaya ayun ang naligo na ako. Nakakainis kasi ayaw pang maligo ni Mark. Kaya umisip ako ng paraan. Pumunta ako sa pinakamalalim na part ng pool. At sumigaw.

Prime: tulong! ehem ehem! tulong!

Mamu: dali! dali! si ku.an nalulunod! (eksaherada talaga siya haha)

Kunyari nawalan na ko ng malay. Naramdaman ko nalang na may nagligtas sakin at bumuhat papunta sa gilid ng pool.

Mamu: i se pe ar (CPR. Haha) mo Mak bilis!

Si Mark pala ang nag ligtas sa akin. Jackpot to! Sabi ko sa isip ko. Ang landi mo Prime! haha.

Naramdaan ko na nga lumapat yung labi niya sa akin. Sa pangalawang magkakataon. Parang may hinihigop pero hindi pa rin ako gumalaw. Gusto ko pang patagalin.

Mark: ayaw naman magising Ma, Pa.

Mamu: ako nga! pano ba gawin, bilis!

Pag ka rinig ko nun nagulantang ako kaya maya maya.

Prime: uhu uhu! (napagpasya na kong gumising, haha ang gusto ko lang si Mark no! landi talaga sinungaling pa, okay lang its worth it naman haha)

Papu: salamat sa Ginoo!

Mamu: ikaw namang bata ka di ka nagsabi hindi ka pala marunong lumangoy.

Hindi na ko sumagot. Ngumiti nalang ako. At nag emo sa isang side ng pool.

Mark: di ba marunong kang lumangoy?





Prime: ha? (nagulat kasi ako bigla siyang sumulpot)

Mark: may sirena bang nalulunod? (may bahid ng galit)

Prime: oo meron, ako! (nilakasan ko nalang ang loob ko para makasagot ako sa kanya.)

Mark: anu ba kasi nangyari sayo? nakakalangoy ka naman di ba? o umaarte ka lang?

Prime: (ang o.a ah) over ka naman, ano ang mapapala ko kung aarte ako ha? napulikat kasi ako.

Mark: sensya na, malay ko ba kung gusto mo lang mahalikan. (okay na ang mood nya)

Prime: over ka talaga! Ikaw nga yung humalik dyan e, may mahigop higop ka pa, feeling ko mahihigop yung kaluluwa ko. (nawala sa isip ko na nagpapanggap lang pala ko)

Mark: oh bakit mo alam? sinungaling!

Prime: (palusot ako agad) nananaginip kasi ako nun, akala ko si ano...

Mark: sino? yung boyfriend mo no? (feeling ko talaga may alam siya)

Prime: wala akong boy friend bakulaw!

Nag dive na ko sa pool kasi baka kung anu pa yung masabi niya. Dahil sa totoo lang, ayokong malaman na may alam siya tungkol kay kuya John.

Naging masaya naman ang pag su swimming.

Habang nagbibihis ako. Binuksan ko yung drawer ko kasi kukunin ko ang suklay ko. Nung makikita ko yung mga sulat ni kuya John bigla ko siyang naalala.

Patay! May usapan nga pala kaming magkikita kami ngayon sa kapilya. Kaya kahit masakit pa ang sariwang sugat ko dulot na rin ng pagkakabasa, nagmadali akong umalis. At pag dating ko sa kapilya. Nakita ko siyang nakaupo sa may upuan bato sa tapat ng kapilya. Lumapit ako.

Prime: kuya sorry

tumingin siya ng blanko ang mukha.

John: kailangan ba talaga lahat gawin mong biro.

Prime: kuya nakalimutan ko kasi, sorry. (hindi ko alam madamdamin pala siya)

John: kalimutan mo na din ang lahat ng sinabi ko sa yo! (may bahid ng galit sabay alis)

Hindi ko alam na magiging ganun lang kabilis ang lahat sa amin. Hindi pa nga nagiging kami pero tingnan mo wala na siya.

Bigla tuloy pumasok sa isip ko ang mga sinabi niyang ''mamahalin kita hanggang sa mamatay ako''. Tama nga na hindi ako naniwala sa sinabi niya dahil ngayon pa lang wala na siya.





Nag simula na kong maglakad paalis ng chapel. Naisipan kong pumunta sa park. At ng makarating ako ay agad akong tumungo sa duyan. Biglang may kantang pumasok sa isip.

Who would've thought that you could hurt me?

The way you've done it
So deliberate so determined


And since you have been gone




I bite my nails for days and hours

And my question my own questions on and on

so tell me now, tell me now

Why you're so far away?

When i'm still so close

You don't even know the meaning of the words ''i'm SORRY''

You said you would LOVE me until you DIE

And as far as i know you're still alive baby

you don't even know the meaning of the words im sorry

i'm starting to believe it should be ILLEGAL to deceive by a womans heart.

Pumunta ako sa seesaw (siso) pagka tapos kong mag duyan. Ayokong umiyak pero nakaramdam pa rin ako ng lungkot. Yumuko ako at dumukdok sa hawakan ng siso.

Maya maya nagulat ako dahil bigla akong umaangat. Naisip ko na may tao sa kabilang parte. Pag tingin ko ay si...

John: sorry (nakangiti pa ang bakulaw, unti unti ng itinaas ang parte ko sa siso)

Prime: ibaba mo nga ako.

John: patawarin mo muna ko, please.

Prime: hindi ako tindera ng baboy sa palengke para magbigay ng tawad.

John: niloloko lang naman kita kanina e, sinusubukan ko lang kung ano magiging reaksyon mo.

Prime: so ngayon alam mo na? ibaba mo na nga!

Dahan dahan na nga niyang ibinaba, at umalis na ko. At sumusunod pala ang bakulaw.

John: wag ka ng magalit oh

(hindi ako sumagot)

Nagulat nalang ako ng bigla niya kong buhatin (yung pang baby, ganun)

Prime: anu ba yan kuya!

John: sorry na please.

Niyugyog ko talaga yung katawan. Hindi ko naman inaasahan pero dahil dun parang nabitawan ako ni Kuya John at sa pagkabigla napahawak ako sa leeg niya kaya sabay kaming bumagsak sa madamong park.





Feeling ko nasa isa akong love story na movie. Nakahawak pa din ako sa leeg niya habang nakahiga sa damuhan. Nagkatitigan kami pero umiwas ako. Naramdaman ko nalang na humalik siya ulit sa akin. Hanggang sa naging mapusok na siya.

Prime: (kumalas ako, siyempre public place yun, baka ma dyaryo pa ko. haha) kuya uwi na ko.

John: hmmm (nabitin?) s.sige

Nauuna akong maglakad kasi naiilang ako sa nangyari. Kaya hindi ko inaasahang may sasakyan palang padating. Madilim na kasi nun.

John: PRAAYYMMMM!!!

Buti nahila ako ni kuya kundi nasagasaan ako. Niyakap niya ko ng mahigpit. Ramdam ko ang pagmamahal sa pamamagitan ng tibok ng kanyang puso. At naramdaman kong may basang pumatak sa aking balikat.

Prime: kuya umuulan ba o umiiyak ka. (tumingin ako sa kanya at nakita ko umiiyak nga siya)

John: kasi naman hindi ka nag iingat, pano kung ma aksidente ka, ang kulit mu kasi. (naawa ako sa kanya at bakas sa mukha niya ang pag aalala)

Prime: kuya napatawad na po kita.

John: (ngumiti siya at nag pahid ng luha) mahal kita Prime, sasagutin mo na ba ko?

Prime: uhmm sige na nga!

John: yes! i Love you Prime! (sabay kiss)

Prime: oo na po kuya, nakailang kiss ka na.

Pumayag na akong pasanin niya nung pauwi. Madilim na naman saka sa short cut kami dumaan para walang makakita.

Napakasaya ko nung gabi na yun. Akala ko sa isang pagkakamali matatapos ang lahat sa amin, yun pala dito pa lang mag uumpisa ang lahat.

Kinabukasan, araw ng Linggo, wala akong trabaho kay Anti, masaya ako, nag suot ako ng kulay pula para buhay na buhay at masaya ang kulay.

Wala naman akong ginawa, bumili lang ako ng candy kela anti. Tao po ako ng tao po kaya lang wala pang lumalabas na tao. Kaya nalibang ako kakanod ng basket balls (ang harapan kasi ng tindahan nila Anti basket balls kaya laging may mga naglalaro). Nung oras na yun naglalaro yung mga ''rainbow colors". Habang nanonood ako biglang may nagsalita.

Mark: ehem!

Prime: ay may tao na pala, yakee sakin yung Green (favorite kulay ko kasi)

Mark: oh (sabay abot)





Wala naman akong masyadong ginawa ng araw na yun. Wala din kaming usapan ni kuya John, kasi ayokong maging masyadong halata. Saka Linggo, nag lisaw lisaw ang mga tao, baka may makakita sa amin.

Natulog ako ng mga ala una. Nagising ako ng mga alas kwatro. Nag soundtrip ako (i love music po talaga especially Dance, Pop, Latin sometimes Rock or RnB. I pretty hate Rap lalo na pag filipino, sorry po. Kanya kanya naman po tayo ng taste di ba). Nung hapong iyon mga pam pagana yung pina tugtog ko. Ojos Asi, La Tortura, ''Beautiful Liar'' basta something like that.

Nung gabi sabay sabay kaming kumain. Kasi halos every day kela Mamu na ko kumakain, kaya Sunday lang ako nakakakain sa balay.

Nung mga 8pm nag pasya akong mag computer rent (wala kasi kaming computer). Ako lang mag isa. Nung papaliko na ko nakita ko si Mark. Tapos may nag salita. Si Anti pala.

Mamu: oh san ka pupunta?

Hindi ko kasi napansin si Anti kasi madilim na saka si Mark lang ang nakita ko.

Prime: dyan lang po.

Kaya magkasama silang mag ina kasi sinundo niya si Mark sa computer shop. Kahiya noh? 16 years old na binatilyo laging sinusundo ng Nanay sa computer shop. Pasaway kasi talaga si Mark minsan e.

Nag download lang ako ng mga kanta sa USB, tapos facebook. Pag kauwi ko nood ako ng PBB at GGV.

Kinabukasan...

Pagka punta ko kay Mamu may nakita akong bulaklak gawa sa Straw. Sabi ni Anti may nag bigay na bata. At alam ko na kung kanino galing.

Nung gabi pag uwi nakita ko si Kuya John.

John: hello Prime ko. (masaya niyang bati)

Prime: hi kuya. Salamat kuya sa bulaklak ha. (todo kilig)

John: ha? (may bahid ng pag tatataka)


Itutuloy...

2 comments:

  1. ay sino kaya nagbigay ng bulaklak?
    anu b un role ni mark s buhay ni prime?
    thanks.....next part n.
    ...yamiverde

    ReplyDelete
  2. pinsan ni prime si mark heheh san nakaya ung kasunod na chapter....

    cute sarap magmahal ng tao sa ibang lugar hehehe...
    "LHG"

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails