Author's note...
Hello ulit guys. Andito na naman ako haha. Unang-una sa lahat po ulit, nagpapasalamat ulit ako sa mga may-ari ng blog, sir Michael at kay sir Ponse sa mga kaibigan kong CO-Author na sila kuya Carlos, kuya Rye, kuya Jace and... kuya Alvin!
So I'm back... again. Well, kung napapansin niyo ay Chapter 24 ito pero hindi po ito story ni Ren. Story na po muna ito ni Aulric na naging ANTAGONIST sa Just For a Moment ni sir Bluerose. Originally, sa kaniya po iyung OC pero ako iyung bahala... sa napakakumplikadong kwento ni Aulric. So about naman sa story at plot ni Aulric, I'm afraid na hindi pa talaga ako handa dahil nabigla talaga ako na kailangan kong gawin ito... at tinanggap ko naman ng maluwag sa aking puso. So medyo matatagalan ang bawat chapter pero susubukan kong pabilisin.
So as you can see, iyung subtitle is naging kwento ni kuya Bluerose na kakatapos lang. I was thinking na i-promote iyung mga nabasa ko ng mga story sa blog na ito. Wala lang. Share lang.
So I'm back... again. Well, kung napapansin niyo ay Chapter 24 ito pero hindi po ito story ni Ren. Story na po muna ito ni Aulric na naging ANTAGONIST sa Just For a Moment ni sir Bluerose. Originally, sa kaniya po iyung OC pero ako iyung bahala... sa napakakumplikadong kwento ni Aulric. So about naman sa story at plot ni Aulric, I'm afraid na hindi pa talaga ako handa dahil nabigla talaga ako na kailangan kong gawin ito... at tinanggap ko naman ng maluwag sa aking puso. So medyo matatagalan ang bawat chapter pero susubukan kong pabilisin.
So as you can see, iyung subtitle is naging kwento ni kuya Bluerose na kakatapos lang. I was thinking na i-promote iyung mga nabasa ko ng mga story sa blog na ito. Wala lang. Share lang.
Just
For a Moment. Ang pang-anim na kwento ni kuya Bluerose. Ito ang love story nila
Chris at Joseph. Katatapos lang ng kwentong ito kaya sigurado akong nabasa niyo
ang storyang ito. Ang kwento ng aso... at aso... obviously. Parehas silang
aggressive. Kaso naging versa silang dalawa. Haha... Gusto ko sana na isa sa
kanila ang pure top at pure bottom pero never mind dahil natapos na ang kwento
nila. Sa mga hindi pa nakakabasa, basahin niyo iyun kaso kailangan niyong
basahin ang mga naunang storya. Blue, All I See is You at Geo - Mr. Assuming.
Parehas na brokenhearted ang dalawa dahil sa mga nangyari sa kwento nila. Si
Chris, dalawang beses nabigo sa pag-ibig dahil pinili ni Blue si Aldred, at si
Paul kay Geo. Sa totoo lang, okay na ako kay Geo noon pero nangyari iyung
malaking twist sa kwento. Pero ayos na rin iyun. Nagkaroon kasi ng appearance
ang OC kong si Ren sa kwento. Ang masasabi ko lang sa kwento ay napakaganda
talaga. Napakaganda... o baka wala na akong ibang masabi dahil iyun lang talaga
ang masasabi ko... maganda talaga... lalo nung naging versa sila pareho. Ewan
ko ba kung bakit may part pa na ganito sa Author's note kung hindi pala ako
magaling magbigay ng eksplanasyon.
So guys, ito na po ang simula ng story ni Aulric. At huwag niyo pong alalahanin iyang picture sa taas. Magustuhan niyo sana... ang kwento.
Chapter 1 | Chapter 2 | Chapter 3 | Chapter 4 | Chapter 5 | Chapter 6 | Chapter 7 | Chapter 8 | Chapter 9 | Chapter 10 | Chapter 11 | Chapter 12 | Chapter 13 | Chapter 14 | Chapter 15 | Chapter 16 | Chapter 17 | Chapter 18 | Chapter 19 | Chapter 20 | Chapter 21 | Chapter 22 | Chapter 23
Chapter 24:
The Originals Just For a Moment
Aulric's POV
Sandali, sandali, sandali. Okay. Wait! Iniisip ko kung
paano ko sisimulan ang kwento ko. Sisimulan ko ba ito sa pagtunog ng alarm
clock ko at maiinis dahil naimbento pa ang bagay na ito? Sa pagbangga kaya sa
akin ng isang sasakyan habang umuulan? Sa paghina ng aking mga paa nang
natuklasan ko na ang minamahal ko ay may kasiping na iba? Sa pagkalam kaya ng
aking sikmura? Sa paghikab kaya sa kahabaan ng isang kalye habang papunta sa
eskwelahan? Sa pagpapakawala kaya ng buntong-hininga at titingala ako sa arko
ng aking bagong papasukang eskwelahan? Sa pag-e-emo sa labas ng bahay habang
nakatingin sa mga bituin? Sa pagkanta ng silent night sa isang payapang gabi?
Sa pagpapakilala kaya sa taong katabi ko na natutulog na mahal ko pero it turns
out na hindi kami magkakatuluyan? Sa pagtitig sa isang litrato sa phone ng
taong mahal ko pero hindi na naman kami magkakatuluyan ulit? Sa pagtingin sa
buwan kasama ang iyong minamahal? Sa pakikipag-argumento sa magulang ko kung
bakit sa isang public college ako mag-aaral? Sa pagtitig sa kisame? Sa
pagre-reminisce na sumali ako sa isang club o team? Hayaan ko kaya na sigawan
ako ni nanay na gumising? Sa paggising kaya sa umaga at mapapansin na umuulan?
O maalimpungatan dahil sa may nagsisisigaw na may sunog daw? Sa pagpapakilala
sana sa sarili pero mauunsyami dahil may kumausap-
“Ricky, ito iyung notes na naisulat ko noong absent ka,”
saad ni Zafe na idinaan pa talaga ang magandang bisig niya na masarap dilaan-
na BINABASTOS ako actually. Mamaya na nga ako magpapakilala sa mga tao. Bwisit.
“Ahh! Salamat Zafe. Buti at pumapasok ka araw-araw. At
parehas tayo ng professor sa isang subject,” tugon ni Ricky.
“Ricky, bakit hindi na lang iyung notes ko ang hiniram
mo?" tanong ni Shai.
Napakamot sa ulo si Ricky. “To be honest Shai, hindi ko
mabasa ng maayos ang notes mo,” pagtatapat niya.
“Tabi nga diyan,” saad ni Zafe sa akin na pinapausog ako.
“Nakikita mo bang may space pa?" reklamo ko.
“Tama na nga iyang reklamo mo at kumandong ka na lang sa
akin.”
Mag-isang tumayo ang katawan ko nang hinawakan niya ang
bewang ko. Pumasok siya at umupo saka pinakandong ako. Biglang uminit ang
pakiramdam ko dahil nararamdaman ko ang pag-amoy niya sa likuran ko- HINDI
PWEDE!
“Salamat sa concern Zafe pero mukhang mas maganda na umalis
na ako sa upuan na ito at umupo na lang sa kabila,” kalmado kong saad... pero
gustong-gusto ko na siya sipain.
Tumayo ako para umalis. Nakaalis naman ako pero hinabol pa
niya ang puwet ko ng isang banayad na sampal. Ano ba itong taong ito?
Biglang umusog si Shai sa tapat ni Ricky. “Excuse me Shai.
Pwede bang bumalik ka na lang sa dati mong pwesto kanina?"
“Ay! Pasensya na. May pag-uusapan kami ni Ricky. Tuturuan
ko siya sa ilang mahihirap na aralin pwede ba?" pakiusap ni Shai.
Wala na akong nagawa kung hindi ang umupo sa tapat ni Zafe.
Tiningnan naman ako nito ng nakakaloko habang may inilalabas siyang baon sa
kanyang bag. Nang buksan nito ang baon, hotdog ang ulam niya.
“Gusto mo Aulric?" yaya ni Zafe sa akin.
“Ayoko,” pagtanggi ko. “Kahit subuan mo pa ako, ayoko.”
“Great!"
Naglabas siya ng tinidor at tinusok sa isa sa mga hotdog at
pumunta sa likod ko.
Hinawakan ni Zafe ang baba ko. “Say ahh,” bulong niya sa
tenga ko.
Mag-isa na naman gumalaw ang baba ko. Dahan-dahan na sinubo
ni Zafe ang hotdog niya sa bibig ko. Dinila-dilaan ko pa ito at... marahas na
kinain!
“Yan! Very good. Nakakain na si Aulric. Hindi kasi iyan ang
tunay mong ugali kong hindi ka nakakakain,” masayang saad ni Zafe. Bumalik
naman si Zafe sa kinauupuan niya.
“Alam niyo guys, kumuha nga kayo ng classroom niyo para sa
mga ganyang bagay. Pinagtitinginan kaya kayo ng mga tao,” sita ni Ricky.
Lumingon kaming dalawa ni Zafe sa paligid. Nakatingin nga
sa amin ang mga tao.
“Ricky, tayo kaya ang kumuha ng classroom para sa ating
dalawa?" sabat ni Shai.
“No,” pagtanggi ni Ricky. “Ipagpatuloy na nga lang natin
ang pag-aaral Shai.”
“Okay.”
Binaling ulit ni Zafe ang atensyon sa akin. “Ang galing mo
kumain ng hotdog. Kahanga-hanga sa totoo lang. Ano Aulric? Gusto mo pa ba ng
isa pang hotdog?"
“Salamat na lang Zafe pero okay na ako,” pagtanggi ko.
“Sige. Sabi mo ehh. Napaka-generous ko pa naman ngayon para
mamigay ng hotdog.” Isinubo naman ni Zafe ang hotdog at napaka-majestic ng
ginagawa niya para sa mga taong tumitingin sa kaniya sa paligid!
“Hi Zafe,” bati ng isang babae sa kaniya. “Pwede bang
makahingi sa iyo ng autograph?"
“Hmm... okay.” Ibinaba ni Zafe ang kinakagat niyang hotdog
at binigyan ng autograph ang babae sa isang notebook.
“Umm... pwede bang patikim din ng kinakain mong
hotdog?" malanding request ng babaeng ito!
“Ay! Pasensya na pero hindi ko ginagawa iyan,” pagtanggi ni
Zafe.
“Ehh? Bakit siya? Nakakakain ng hotdog mo?" Tinuro ako
ng malandi niyang tagahanga.
“Dahil kaibigan ko siya. Never let your friends go hungry.”
“Zafe, kailan ba tayo naging magkaibigan?!" naiirita
kong tanong.
“Bakit? Hindi ba? Umm... gusto mo ba ulit kumagat sa hotdog
ko? Mukhang gutom ka na naman kasi. You are not you when you are hungry sabi
nga nila.”
Binalingan ko ang kanyang tagahanga. “Babae, kung sino ka
man, pwede ka ng umalis. Kakain lang ako at ayokong may maraming audience na
nanonood sa akin. As for Zafe's actions towards me, isipin mo na ang gusto mong
isipin pero hindi kami magkaibigan. Sinasamahan ko lang itong best friend ko na
turuan ang bobong best friend ni Zafe. So get lost please?" kalmado kong
pakiusap. Ang sarap kaya sapakin ng mga tagahanga ni Zafe sa totoo lang.
Nagkibit-balikat ang kanyang tagahanga at umalis. Kinuha ko
naman ang aking baon sa bag at inilabas ito. At ang ulam ko ay hotdog din.
“Wow! Gusto mo, palit tayo Aulric? Hotdog mo para sa hotdog
ko?" tanong ni Zafe.
“Umm... guys, pwedeng tumigil kayo sa sexual innuendos
niyo? Nag-aaral kami dito ni Ricky kung hindi niyo alam?" naiiritang sabat
ni Shai. “Bad influence talaga itong si Zafe.”
“Narinig mo ang best friend ko? Kumain ka na lang diyan at
kakain din ako dito,” seryosong saad ko. Nagsimula naman akong kumain.
“Hi Ricky,” malanding bati ni Isabela na lumapit sa side
nila Shai. “Anong ginagawa niyo?"
“Hi Isabela,” bati din ni Ricky. “Heto. Nag-aaral.”
“Talaga? Tapos si Shai ang nagtuturong sa iyo? Siguro,
nabo-bored ka na ano? Ako na lang kaya ang maagtuturo sa iyo?"
“May isa pa talaga,” naiiritang wika ni Shai. “Excuse me
Isabela. Pasensya na ha kung boring ako magturo kay Ricky. Hindi naman kasi sex
education ang subject na ibinagsak ni Ricky. Math. At iyun ang isang subject
kung saan bagsak ka din. May maitutulong ka ba dito?"
Nagtaas ng kilay si Isabela. “So what naman kung bagsak ako
sa Math? Para namang nagagamit ko iyan sa araw-araw na buhay ko.”
“Aba! Pasensya na kung hindi mo nagagamit ang Math sa
araw-araw mong buhay. Sex lang naman ang isasagot mo sa mga prof natin kapag
bumagsak ka hindi ba? Isabela, bagsak ka sa subject na ito. Pumunta ka na lang
kaya sa faculty room at makipag-usap ka sa professor mo saka gamitan mo ng
matinding body language.”
“How dare you talk to me like that?! Hindi totoo iyang
pinagsasasabi mo!"
“Umm... girls, please,” pagpapatigil ni Ricky. “Isabela, go
on your way na. Shai, please. Ipagpatuloy na natin.”
“Buti naman Ricky at gusto mong ipagpatuloy ang boring na
pag-aaral natin ng Math. Kasi kung babagsak ka, yari ka sa mga magulang mo
hindi ba?" sarkastikong saad ni Shai.
Naiinis namang umalis si Isabela habang sila Shai at Ricky
ay bumalik sa pag-aaral. Ang ganda pa naman ng makeup ni Isabela sa mukha pero
wala namang utak.
“Good job Shai. Keep up the good work,” puri ko sa kaniya.
“That will always be my pleasure,” tugon ni Shai.
Hay nako! Sana naman na kahit konti, magbago naman ang
ugali ng ilang mga tao sa school na ito. Bagong taon na kaya dapat bago na din
ang ugali. Ito naman si Isabela, dumating nga ang bagong taon, hindi pa rin
nagbabago. Malandi talaga.
Teka lang, first thing first. Pasensya na kung ganito ang
simula ng kwentong ito. Hindi nagpapakilala ang bida at ang mga ekstra at kung
ano-ano pa. Bago ang lahat, iyung sinasabi ko kung paano simulan ang kwento ko,
mga ilang ideal na ideas ko lang iyun. Pero hindi pwede. Ang mga dahilan ay
lagi akong on time kapag pumapasok sa eslwelahan. Hindi ako careless para
magpabangga sa isang sasakyan, at hindi naman umuulan. Wala pa akong minamahal,
kasalukuyang kumakain ako kaya hindi kakalam ang sikmura ko. Hindi ako antukin
para maghikab habang papunta sa eskwelahan. Enero ngayon at hindi Hunyo kaya
hindi ako magpapakawala ng buntong-hininga at titingala ako sa arko ng aking
papasuking eskwelahan. Hindi ako nag-e-emo. At hindi ngayon pasko o gabi para
kumanta ng Silent Night. Muli, wala akong minamahal na natutulog para
ipapakilala siya at ang phone ko ay hindi kayang mag-store ng litrato. Third
time na sasabihin kong wala akong minamahal. Makikipag-argumento naman ako sa
magulang ko kung bakit dito sa isang prestiyosong school ako papasok pero wala
siya dito. Hindi ko gawain na tumitig sa kisame. Hindi naman ngayon ang panahon
para mag-reminisce noong sumali ako sa isang club. Muli, wala dito si nanay at
nasa eskwelaham na ako. Hindi din ako tulog kaya hindi ako maaalimpungatan. Sa
pagpapakilala sana sa sarili pero mauunsyami, ughh! Nangyari nga kanina.
So, ipapakilala ko na ang sarili ko. My name is Aulric
Melville. Iyung lalaking nang-aasar sa akin kanina, siya naman si Zafe Neville.
Magkaklase kami sa kursong Business Management. Si Shai Lyn naman ang best
friend ko. Education ang course niya. Si Ricky Rizal, ang best friend ni Zafe.
Architecture naman ang kinukuha niya. Si Zafe at Ricky ay sikat sa aming school
dahil magagaling sila na basketbolista. At ang cute pa nilang dalawa lalo na
ang mata ni Zafe, nakakakilig... para sa iba at hindi para sa akin. Matangkad
at matipuno si Zafe dahil sa pagiging basketbolista nito habang si Ricky naman
ay matipuno lang pero hindi gaano katangkad kagaya ni Aulric. Ang dalawang ito
ay crush ng bawa't kababaihan sa school. Pero hindi gaya ng mga karaniwang
babae, hindi gaanong nagwawala ang mga babae dito sa eskwelahan kapag nakikita
sila. Babatiin lang nila ito ng hi na may ngiti sa labi, iwawagayway ng konti
ang kanilang buhok, at nanghihingi ng autograph. May class sila... aside sa mga
babaeng may hidden intentions talaga kagaya ni Isabela... at marami pang iba.
Ipapakilala ko naman ang school namin. Ito ang Bourbon
Brothers University na pag-aari ng magkapatid na Bourbon. Ka-level ito ng Saint
Ambrose University, Schoneberg Academe na pangmayaman. Sa school na ito, isa
ako sa mga taong hindi mayaman. Nakapasok lang ako sa eskwelahang ito dahil sa
meron akong special invitation... mula sa school na ito. Ewan ko ba. Dapat nga
ay sa URS ako magkokolehiyo pero dahil sa binigyan ako ng espesyal na
imbitasyon ng school na ito, na hindi ko alam kung bakit, tinaggap ko na rin.
Magaling daw kasi magturo ang mga professor sa school na ito. At tsaka may
special benefits ang special invitation ng school. Wala na akong babayaran na
bayarin gaya ng libro, field trip, at marami pang bagay na kailangan mong
bayaran. Except sa mga pagkain at tsitsirya na binebenta sa kantina nila.
Parang scholar lang pero mukhang hindi ganoon. Puro line of 85 lang naman kasi
ang grades ko. Matalino na ba ang ganoong grades?
Pag-usapan naman natin ang relasyon ng mga tao sa isa't
isa. Kami ni Zafe ay frenemies. Magkaaway kami na magkaibigan, kung baga sa
facebook status, it's complicated. May gusto ba si Zafe sa akin o may gusto ba
ako sa kaniya? Ewan ko. Malay ko ba. Si Shai naman ay crush si Ricky pero hindi
siya nagpapahalata. Si Ricky naman ay may... konting crush ata kay Shai pero
hindi din nagpapahalata. Kami naman ni Zafe ay hindi napag-uusapan ang bagay na
iyan dahil kami lagi ang topic sa tuwing nag-uusap kami.
Iyung Isabela ba kanina? Crush lang naman iyun si Ricky o
baka higit pa doon ang kanilang relasyon. Hindi ko alam. Maganda kasi ang babae
at magaling maglagay ng makeup sa mukha kaya wala ka na lang ibang masasabi na
isa siyang puta... na totoo naman.
“Umm... Zafe, ipapaalala ko lang sa iyo na magre-report na
tayo mamaya at tayo ang pinapauna,” pagpapaalala ko. “Handa ka na ba para sa
report natin mamaya?"
Nginitian niya ako ng matamis. “Lagi naman akong handa kung
handa ka na rin.” May tiningnan pa ata itong ilang bagay sa kaniyang bag para
makasigurado sa mga sinasabi niya.
Hay nako! Ang malas ko naman kasi. Bakit ba kasi laging
tumatabi ang taong ito sa akin? Wala naman akong magawa dahil wala naman akong
kaibigan sa klase kaya wala akong choice kapag tinabihan na niya. Kami tuloy
lagi ang pinagpa-partner kapag gagawa ng report, project, at kung ano-ano pa.
Hindi naman ako makapalag kasi. Ayoko naman na publicly sigawan siya dahil
hindi magandang ugali iyun at isang paraan iyun para kainisan ka pa lalo ng mga
tao sa paligid mo. Hindi ko naman kaya na awayin ang mga tao sa eskwelahang ito
maliban lang kay Zafe kapag nandito sa labas.
“Alam mo Aulric, kahit na magkalayo ang unang letra ng mga
pangalan natin, magkalapit naman ang unang letra ng apelyido natin. Parang may
something talaga sa pagitan nating dalawa,” saad ni Aulric. Bwisit! Nakakairita
iyung mga sinasabi niya.
“Walang sense ang mga sinasabi mo,” naiirita kong saad.
“Please do me a favor? Huwag mo ng gawin iyan pwede?"
Sa hindi kalayuan, may lalaki naman na papalapit sa amin.
Nakasalamin ito at maayos ang pagkakasuklay ng buhok. Si Jin Bourbon. Medyo
matagal ko na siyang kaibigan at anak siya ng isa sa mga may-ari ng school.
“Aulric, buti naman at nakita kita dito sa cafeteria,” saad
ni Jin.
“Bakit Jin? May problema ba?" tanong ko.
“Ipinapahanap ka sa akin ni sir Arthuro. Iyung tungkol sa
meeting ng Drama Club mamaya.”
“Ahh! Okay. Salamat sa pagpapaalala. Pero sana, dapat
nag-text ka na lang Jin. May phone number mo ako hindi ba?"
“Nagtitipid kasi ako. Alam mo na. Hindi porke't mayaman
kami ay basta na lang ako gagastos ng piso para lang sabihin sa iyo ang isang maliit
na balita.”
Tiningnan ko ang kulay sky blue na uniporme niya. “Mukha
kasing sinuyod mo ang buong eskwelahan para lang mahanap ako. Hindi halata
dahil basang-basa ng pawis ang uniporme mo sa kahahanap sa akin.”
“O baka may gusto siya sa iyo,” sabat ni Zafe.
“Shut up!"
“Hay nako Aulric. Huwag mo ng intindihin iyun. Basta. Bago
umuwi, daan sa Drama Clubroom okay?" wika ni Jin.
“Okay.”
Pagkatapos sabihin ang kailangan niya, tumakbo na naman ito
paalis. Grabe! Hindi pa ba siya pagod? Paano kung tumatakbo din siya sa isipan
ng ibang tao?
“Halatang may gusto si running man sa iyo,” saad ni Zafe.
“Ohh! Sana nga Zafe. Kung sana isa itong story sa Wattpad,”
sarkastikong tugon ko.
“Hindi ba naging kaibigan mo iyun noong high school? Parang
laging nakadikit sa iyo ang taong iyun. Nakakaselos.”
“Zafe, saan mo ba nakukuha ang mga impormasyon mong iyan?
Anong laging nakadikit sa akin? Hindi naman kami masyadong nagkikita at hindi
kami parehas ng section. At nakakaselos ba Zafe? Hindi nga? Sana iyung taong
nagsabi sa iyo ng mga maling impormasyon na iyan ay sumakit ang tiyan!"
“Aw! Ang sakit ng tiyan ko,” biglang saad ni Ricky. Nasapo
pa nito ang tiyan dahil sa... nararamdamang sakit.
“Aulric, ang sama mo naman. Bakit mo sinumpa si Ricky?
Bawiin mo ang sumpa kung ayaw mong masira ang pagkakaibigan natin,” nagagalit
na saad ni Shai.
“Hindi Shai. Gutom na ako. Pwedeng kumain na muna tayo ng
lunch?"
“What a coincidence Ricky. Ikaw din ba ang nagkakalat ng
tsismis na may relasyon daw kami ni Zafe?" tanong ko.
“Hindi naman tsismis iyun Aulric. Totoo iyun,” sabat ni
Zafe.
“Zafe. Frenemies with Aulric. Relationship. Totoo pala ang
mga tsismis,” sarkastikong gatong ni Shai.
“Sige. Kunin mo pa iyung literal meaning Shai at may
mawawala sa iyo,” banta ko.
“Tara na nga Ricky at mag-last lunch na tayo.” Inilabas ni
Shai ang kanyang baon.
“Nakakarami ka na talaga Zafe. Hindi ko alam kung maaasar
ako sa mga sinasabi mo o maiinis. Ay teka, parehas lang pala iyun. At ikaw
Ricky, tumalino ka na nga sa Math nang sa ganoon ay maputol na ang ugnayan ko
sa taong ito?"
“Ipagpatuloy mo lang iyan Ricky. Gusto ko kasi na magkaroon
pa kami ni Aulric ng mas malalim pa na relasyon.” Shit! Hayan na naman siya sa
mga hidden innuendo niya.
Hay nako! Gusto kong maghukay ng sarili kong libingan at
ilibing ang sarili ko sa butas na iyun. Bakit kasi sa dinami-dami pa ng
nagugustuhan kong tao, itong Zafe pa talaga? Yes, I like Zafe. And yes. I am
gay or whatever you call to a guy who simply likes a guy. And everyone will
make an issue about it. Pero ngayon, hindi na. I don't like Zafe anymore
because he don't love me. Damn it expectations! Paano nga ba ito nagsimula?
For starters, pasensya na kung mapuputol muna ang
kasalukuyang kwento para bisitahin natin ang nakaraang kwento ko with Zafe, at
sa mga tao sa paligid ko na nakikita ko pa rin hanggang ngayon sa eskwelahang
ito.
Well, high school pa lang ako noon, crush ko na talaga ang
Zafe na ito. Grabeng mga high schooler to. Kalandian na ang iniisip. Well, wala
akong magagawa. Hindi sa bored ako kaya nagustuhan ko si Zafe. Ang ibig kong
sabihin, ano bang pakiramdam ito na kapag nakikita ko si Zafe na naglalaro ng basketball,
gusto kong huminto muna saglit sa aking ginagawa at panoorin siya? Is this
love? Kalandian ba ito? Hindi bale na. And life goes on for me dahil hindi
naman kami parehas ng eskwelahan. At habang ganoon, wala naman akong ginagawang
nakakatawa gaya ng pagbibigay ng regalo sa kaniya ng patago o kung anong
kababalaghan na masasabihan ka na isa kang stalker.
「2
years ago...
Napanood ko na naman siya sa isang street basketball game
sa pagitan ng school namin at sa school niya. Siyempre, dumaan na naman ako
para panoorin siya sa kanyang paglalaro. Sa tuwing nakaka-shoot siya ng bola,
nagwawala ang mga kababaihan. Nakakarindi. Gusto ko tuloy sigawan ang mga
kababaihan na akin lang si Zafe. Na hanggang tingin lang sila sa kaniya. Pero
hindi ko ginawa. Hayaan ko na lang sila. Hay! Ang galing niya maglaro ng
basketball. Kung marunong sana akong mag-basketball, makikipaglaro ako sa
kaniya ng 1-on-1 pero hindi ko makaya dahil ayoko ng larong basketball. See?
Isa na namang wonder kung bakit gusto ko si Zafe na nilalaro ang pinakaayaw
kong sport na basketball. Noong unang beses kasi akong naglaro ng basketball,
lagi akong natatamaan ng bola sa ulo. Hindi kasi ako coordinated sa mga
teammates ko dahil hindi ko sila kaibigan at ayaw din naman nilang
makipagkaibigan sa akin. Dahil siguro sa kilala kasing nagtutulak ng droga ang
tatay ko sa lugar namin pero that's a different issue for now.
Habang pinapanood siya na naglalaro ng basketball,
napapansin ko na tumitingin siya sa direksyon ko. Ako ba ang tinitingnan niya?
Tumingin ako sa likod ko at nasa likod ko lang pala ang mga
babaeng nagsisigawan. Malamang, hindi. Mas kapansin-pansin kasi ang mga babae
sa likod ko kesa sa akin. Isa lang naman akong average guy na mababa ang
confidence sa sarili. Tapos may gusto pa ako kay Zafe? Sarap manuntok ng buwan.
Makalipas ang ilang araw, naulit na naman ang pangyayaring
ganoon. Sumunod na araw, ganoon ulit. At ng sumunod na araw, ganoon na naman
ulit. Habit niya kaya ang ginagawa niyang iyun? Imposible naman kasi na ako ang
tinitingnan niya. Hmm... isa lang ang paraan para malaman iyan.
Sumunod na araw na nakikita ko siyang naglalaro, umupo ako
malayo sa mga kababaihan. Yes. Nitong mga nakaraang araw, umuupo ako sa harapan
ng mga kababaihang nagsisisigaw sa tuwing naipapasok ni Zafe ang bola. At
na-confirm ko nga na nakatingin siya sa akin. Nagwala tuloy ang puso ko sa
bagay na ito... at nakakairita din. Siguro ay dapat umalis na ako sa court.
Hindi kasi maganda ang pakiramdam ko sa mga nangyayaring ito.
And welcome sa maliit na bahay namin ng nanay ko. Mahirap
lang kami kaya ganito lang ang bahay namin. Tapos may gusto pa talaga ako kay
Zafe? Ang sarap talagang manuntok ng buwan.
“Anak, pwede bang bumili ka muna ng sampung kilong bigas sa
tindahan?" utos ng nanay ko. Great. Kapapasok ko pa lang ng bahay, utos
agad?
Dumiretso ako sa kwarto ko at nagmamadaling maghubad ng
uniporme. “Sure naman nay. Magpalit lang ako ng damit.”
“Dalian mo lang bago pa dumating ang tatay mo.”
“Bakit? Kailangan na naman niya ba ng ilang pera mula sa
inyo para sa puhunan ng kanyang rice cooker?"
“Anong rice cooker? Nagbebenta na ba siya ngayon ng rice
cooker?" naguguluhang tanong ni nanay.
“Shabu nay. Shabu,” sagot ko. “Rice cooker ang ginagamit
nilang term para hindi halata. Pero kapag laging ginagamit at sinasabi,
mahahalata na sooner or later.”
“Ay nako anak! Magmadali ka na nga magbihis diyan. Tama na
ang daldal at bumili ka na ng bigas. Pasensya na kung ikaw ang pinabibili ko
ngayon dahil masama ang pakiramdam ko.” Kaya pala nagpapabili.
“Opo nay. Nagmamadali na po. Hindi naman po ako si Sailor
Moon kung magpalit ng damit.”
Nang natapos na ako sa pagpapalit ng damit, sinunod ko ang
utos ni mama na bumili ng bigas. Napakadali naman bumili ng bigas dahil
napakalapit lang ng... bilihin... at sarado na sila.
Pumunta naman ako sa isa pang tindahan na alam ko... pero
sarado na din. Tiningnan ko kung anong oras na. 6 pa lang ng gabi. Ano ba itong
mga may-ari ng tindahan? Chinese? Ang aga-aga naman magsara.
Medyo malayo na ang nilakad ko at sa wakas, may nakita na
rin akong tindahan na pagbibilhan ko ng bigas. Sa wakas. At nandoon din si Zafe
na umiinom ng soft drinks kasama ang kanyang mga kaibigan. Pawis na pawis ito
at malamang, katatapos lang makipaglaro ng basketball kasama ang mga kaibigan
niya. What's the worse the could happen?
Aulric, masyado ng malayo ang nilakad mo para makakita ng
tindahan na pagbibilhan mo ng bigas. Hindi mo na kayang lumayo pa. Kaya mong
bumili ng bigas habang umiinom si Zafe ng soft drinks. Umakto ka lang ng
normal.
Humugot ako ng buntong-hininga at inipon ang lakas ng loob
ko. Basta tumingin ng tuwid at huwag makipag-eye contact sa kaniya, magiging
ayos ang lahat. Bakit ba kasi na ang isang napakadaling bagay ay naging mahirap
dahil nakita mo ang crush mo at nahuli mo pa ito na nakatingin sa iyo? May
gusto si Zafe sa akin? Imposible. Hindi na ako umaasa ngayon pa lang.
Lumakad ako papalapit sa tindahan. Nararamdaman ko naman na
parang bumibigat ang pressure sa paligid. Pailalim ba ako kung maglakad papunta
sa tindahan o baka dahil sa nasa tindahan si Zafe?
Nang nakalapit na ako, mabuti naman at pinansin agad ako ng
tindero na nagbabantay sa tindahan. Siyempre, wala na akong sinayang na oras at
sinabi na ang aking kailangan na bumili ng sampung kilong bigas. Good job
manong tindero.
“Sandali lang hijo ahh. Kukunin ko lang ang sako ng bigas
sa likod at para makapag-restock,” saad ni manong tindero. Sana naman po,
bilisan niyo po ang pagkuha ng bigas. Mamamatay po ako dito sa tindahan niyo
dahil sa pressure kapag hindi po kayo nagmadali.
“Okay lang po manong. Please take your time,” tugon ko.
Habang naghihintay sa tindero, hindi ko tuloy maiwasan na
makinig sa pinag-uusapan ng mga kaibigan niya. Nag-uusap sila tungkol sa mga
babaeng gusto nila na gusto nilang iskoran at mapakasalan hanggang sa pagtanda?
Wow! Ang mga taong ito, ang bibilis. Mauunahan pa si Flash kung makapagplano.
“Ikaw Zafe. May babae ka na bang nagugustuhan?" tanong
sa kaniya ni Ricky na best friend niya. Hindi ako nag-research pero base sa
gestures na pinapakita ni Ricky kay Zafe, masasabi ko na best friends sila.
Para namang lumaki ang tenga ko sa itinanong ni Ricky sa
kaniya. Hindi sumagot si Zafe ng ilang segundo. Ano kaya ang isasagot ni Zafe?
Sana bagalan pa ni manong tindero ang pagre-restock ng bigas na ngayon pa lang
niya ginawa kung hindi pa ako bumili.
“Nako guys! Pasensya na sa pananahimik ko. Medyo kasi
kumplikado kaya hindi ko masagot,” sagot ni Zafe. Gaano naman kakumplikado?
“Gaano naman kakumplikado?" tanong ni Ricky. Psychic
ba siya kaya iyun din ang itinanong niya?!
“Basta guys. Kumplikado.”
“Hindi ka pa siguro nakaka-move on kay Colette ano?"
anang isa pa niyang kabarkada. Huh? Sinong Colette? Baka dating girlfriend
siguro. Isa na namang nadagdag sa aking rason kung bakit hindi magiging kami ni
Zafe.
“Labas na si Colette dito guys. At tsaka iyung balak ko na
bago, nakita niyo na siya. Dumaan pa nga siya dito para bumili ng bigas.”
Nagulat ako at ang mga kaibigan niya sa sinabi ni Zafe.
Nakaramdam naman ako na pinagtitinginan ako ng mga kaibigan niya. Ako ba talaga
ang tinutukoy ni Zafe? Ako ba?
“Para malinaw Zafe. Lalake ba ito o babae?" tanong ng
isa pa niyang kasama.
“Nako guys. Baka kapag sinagot ko ang tanong na iyan,
maging issue sa atin,” pagsagot ni Zafe sa tanong.
“So lalaki nga?" tanong naman ni Ricky. Ako ba talaga?
“Kapag hindi ba muna ako magsasalita, iisipin niyo ba na
lalake ngayon ang napupusuan ko?"
Humugot ng buntong-hininga si Ricky. “A-Ako ba iyun
Zafe?" Ambisyoso naman itong si Ricky!
“Nagpapatawa ka ba Ricky? Ehh kung lalake nga, ano naman?
At tsaka bumili siya ng bigas dito kanina. Bumili ka ba?" Lalake? Ako?
Ako?
“Okay. So, kilala ba namin ito?" tanong ng isa pa.
“Hindi,” mabilis na sagot ni Zafe.
“Dahil ba ito sa ang papa mo lang ang nagmamahal sa iyo
kaya lalake ngayon ang napupusuan mo?" tanong ni Ricky.
“Siguro. Iyung nangyari kay Colette, naging factor ata iyun
kaya ayoko ng magmahal ng mga babae. Binigay ko sa kaniya ang lahat pero wala
pa rin. Umalis pa rin siya papuntang ibang bansa. Kaya ngayon, paano kung
lalaki naman?"
“Teka, teka lang Zafe ha? Kung social experiment mo lang
iyan, tigilan mo na. Hindi maganda iyan at baka mapasubo ka pa,” advice ni
Ricky.
“Ako? Susubo? Hindi. Iyung lalaking iyun ang susubo ng
hotdog ko.” Bigla naman akong na-turnoff sa sinabing iyun ni Zafe.
“Alam niyo guys, hindi ko na kaya ang usapang ito. Mas
mabuti pa na basketball na lang ang pag-usapan natin sa susunod pwede ba? Kung
saan-saan na kasi tayo napupunta. Zafe, gutom lang iyan. At hindi porke't
dinurog ni Colette ang puso mo ay gawin mo na iyung dahilan para sa lalaki ka
naman magmahal. Hindi maganda talaga iyan. Hindi sa homophobe ako o kung ano pa
man, dahil mukhang biro na lang sa iyo ang pagmamahal,” mahabang salaysay ni
Ricky.
“Himala. Kelan ka pa naging seryoso sa usaping pag-ibig
Ricky?"
Natawa naman ng payak ang lahat ng kasamahan niya sa sinabi
ni Zafe. Siguro, chickboy itong si Ricky.
“Tara na guys! Magsiuwian na lang tayo,” yaya ng isa niyang
kasama na sinang-ayunan ng lahat.
“Hijo, heto na bigas mo,” untag sa akin ni manong tindera.
“Ay salamat po!"
Kinuha ko na ang sampung kilong bigas at nagmadaling umuwi
ng bahay. Hay! Na buildup na ang mga rason ko kung bakit hindi ko na dapat
gustuhin si Zafe. Kaya Aulric, kapos kapalaran. Humanap ng iba.
Habang nagmamadali ako na umuwi ng bahay, bigla akong
nakaramdam ng kaba dahil pakiramdam ko ay may sumusunod sa akin. Ano kaya kung
komprontahin ko ang taong ito? Pero napaka-assuming ko naman. Baka naman
pakiramdam ko lang iyun? Maraming tao sa paligid Aulric. Pwede mo iyan
ipabugbog. Taong bayan attack!
Nilingon ko naman ang likod ko para malaman kung sino ang
nag-trigger ng pakiramdam ko na may sumusunod sa akin. Hmm... wala... naman.
Pero parang may nakita akong may nagtago sa kanto na iyun. Huh? Baka guni-guni
ko lang iyun. Baka naman kasi nagkataon na pauwi din ang tao at doon siya
nakatira. Hay! Kailangan mag-ingat ako. Hindi ko afford na makipag-away ngayon
habang may hawak akong bigas sa mga kamay ko. Hindi pa naman NFA ang mga bigas
na ito.
Nagpatuloy ulit ako sa paglalakad at parang tanga na
nag-iisip na okay lang ang lahat. Nagsimula ba ang kwento sa
pakikipag-argumento sa magulang ko kung bakit sa isang public school ako
mag-aaral? Sa totoo lang, ang argumento namin ng magulang ko ay kung bakit
nakatanggap ako ng espesyal na imbitasyon na mag-aral sa Bourbon Brothers
University na isang pangmayaman na unibersidad dito sa lugar namin. Ano ba ang
nagawa ko at nakuha ko ang espesyal na imbitasyon? Pero dapat, patulan ko na
rin. Kahit kasi sa URS ako mag-aral, hindi pa rin sigurado na makakatapos ako
dahil hindi ko alam kung kakayanin ni nanay sustentuhan ang pag-aaral ko doon.
Pero ayon sa espesyal na imbitasyon ng Bourbon Brothers University, libre daw
ang lahat ng expenses ko. Pamasahe na lang ang problema ko at ilang gamit.
Well, sa huli ay pumayag si nanay dahil isa itong magandang oportunidad para sa
amin. Sana nga lang ay may class ang mga tao doon na hindi ka mamatahin kapag
nakatapak ako sa school grounds nila. Malaking problema iyan kapag parang
naging unang parte ng Hana Yori Dango, na mas kilala bilang Meteor Garden sa
bansa na ito, ang magiging kwento ng buhay estudyante ko doon. At sana naman,
walang F4. At masasabi kong nagiging maganda na ang takbo ng buhay ko.
Sa wakas ay nakauwi na din ako sa bahay. Napagod ang mga
maliliit kong muscles sa braso ahh. Malayo-layo din ang nilakad ko para bumili
ng bigas.
“Nay, nabili ko na po ang pinapabili niyong bigas!"
sigaw ko dahil hindi ko nadatnan si nanay sa bahay.
“Salamat anak. Pakilagay na lang sa lalagyan,” sigaw ni
nanay mula sa kwarto.
Habang nilalagay ang bigas sa lalagyan, naalala ko na may
mga kailangan pa akong gawin. Gagawa pa ako ng visual aides para sa report ko,
which is actually a group report pero mukhang ako lang mag-isa ang gagawa, at
wala pa akong materyales.
“Nay, lalabas lang po ako para bumili ng kakailanganin kong
mga materyales para sa group report ko!" sigaw ko para marinig ito ni
nanay mula sa kwarto niya.
“Group report? Uso ba sa iyo iyan anak?" tanong ni
mama na lumabas na sa kwarto niya. Kilala talaga ako ni nanay.
“Ano ba ang bago?"
Natawa na lang ang nanay ko. “May pera ka pa ba anak para
bumili ng materyales na kailangan mo?"
“Huwag ka ng mag-alala nay. May pera pa ako,” pakumpas kong
saad.
Lumabas na naman ulit ako ng bahay. Kung sana may lakas
akong buhatin ang bigas at bumili ng materyales, siguro hindi na ako
pabalik-balik. Pero this time, hindi na ako maglalakbay ng malayo dahil may
nakita na akong malapit na tindahan na pagbibilhan ko. At ang swerte ko dahil
narito din si Zafe na umiinom ng soft drinks... teka? Ano ang swerte doon? Si
Zafe, nandito?! At bakit umabot siya dito?! Hindi kaya walang sense of
direction ang taong ito at naligaw?! Teka, teka?! Ano ang gagawin ko ngayon?!
Didiretso na naman ba akong titingin at hindi siya pansinin?! Ano ba sa tingin
mo Aulric?! Iyung katulad ng dati!
Pero delikado ang mga katulad ni Zafe sa lugar namin. Hindi
siya zafe.
Para naman akong tanga na natawa dahil sa naiisip kong
iyun. Puns. Pero seryoso?! Hindi siya safe dito sa lugar namin! Baka
mapagdiskitahan siya ng mga adik sa lugar namin at bugbugin! Halata kasi sa
kutis ni Zafe na mayaman at may kaya na tao. Magiging kasalanan ko pa kapag
nangyari iyun! Ayoko naman at hindi niya deserve mabugbog ng mga tagarito dahil
wala naman siyang ginawang masama. Teka? Baka may kasama siyang kabarkada dito
sa lugar namin? Pero napakaimposible! Puro mayayaman ang mga kabarakada niya. O
baka kaibigan ng kabarkada niya kaya? Pero mukhang nag-iisa si Zafe at umiinom
pa ito ng soft drinks. Nawawala kaya talaga ang taong ito sa lugar namin o siya
talaga iyung taong sumusunod sa akin kanina? Hindi bale na Aulric. Tigilan mo
na ang pakikipag-away sa sarili dahil may mas mahalaga ka pang bagay na
kailangan gawin.
Bumuntong-hininga ako at diretsong naglalakad papunta sa
tindahan. Kagaya sa naunang tindahan, bigla na namang tumaas ang pressure sa
paligid ko. Kinakabahan na din ako dahil nakatingin na siya sa akin. Focus
Aulric. Diretso lang ang tingin.
Dahil ako lang ang taong bumibili, inasikaso na agad ako ng
tindera. Naghintay ako ng ilang saglit para kunin ng tindera ang binibili ko
nang naramdaman kong may nakahawak sa puwitan ko. Dali-dali akong lumingon saka
sinamaan siya ng tingin.
Nagulat si Zafe sa reaksyon ko. “Ay! Pasensya na. Hindi
kita napansin,” paghingi agad niya ng dispensa sa akin.
Nilagay ni Zafe ang hawak niyang bote ng soft drinks sa
isang case at naglakad na paalis. Ano ba iyung ginawa niya? Nananadya ba iyun?
Aksidente ba talaga? Para kasing pinisil pa niya ang puwitan ko kanina.
Naramdaman ko talaga iyung pagpisil niya. Hindi ako maaaring magkamali. Teka?
Tao nga pala ako at nagkakamali din. Sana naman, hindi na maulit ang tagpong
ito sa amin. Nadagdagan na naman kasi ang mga rason kung bakit hindi ko na
dapat gustuhin si Zafe.
Sumunod na araw, papunta na ako sa papasok ng eskwelahan
nang napansin ko ang isang pamilyar na estudyanteng nakatayo sa gilid ng
tarangkahan. Si Jin Bourbon ito ahh? Sino kaya ang inaantay ng taong ito?
“Aulric, nandyan ka na pala!" masayahing tawag niya sa
akin. Lumakad naman ito papunta sa akin at sumabay sa akin. Hindi ko expected
iyun na ako pala ang hinihintay niya.
Lumapit ako sa kaniya. “Jin, bakit mo ako hinihintay?"
direct to the point kong tanong.
“Ahh! Wala naman,” sagot niya. “Nag-aalala lang ako dahil
mag-isa ka kasing gumagawa ng group report ninyo. Gusto ko sanang tumulong sa
susunod.”
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. “Ha? Paano mo nalaman na
ako lang ang gumagawa ng group report ko?"
Napakamot siya ng ulo. “Ahh, ehh, pinagmamalaki ka kasi ng
titser natin sa English.”
“Pinagmamalaki ako ng titser natin sa English? Bago iyun
ahh! Hindi ba magkaiba ang section natin? Ahh! Iisa lang pala ang titser natin
sa subject na iyun. Na-gets ko na. So, ano ba talaga ang kailangan mo Jin? Hindi
mo naman ako siguro gustong tulungan nang walang kapalit hindi ba?"
“Ano ka ba naman? Masyado kang direct to the point kung
makipag-usap sa akin. Well, wala naman kasi akong hinihinging kapalit. Tutal,
kaibigan mo naman ako. At tsaka, ikaw ang laging ginagawang leader ng kagrupo
mo. Tapos ikaw lang ang gumagawa ng mga visual aides at kung ano-ano.”
Napahinto ako at hinarap si Jin. “At kelan kita naging
kaibigan?" tanong ko. Sinamaan ko pa ito ng tingin. “Wala akong
natatandaan na nakipagkaibigan ako sa iyo.”
“Hah? Hindi mo pa ba pala ako kaibigan sa kalagayang ito?
Halos apat na taon na kitang nakakausap... ng madalas nga lang. Hindi ba isang
sign iyun na magkaibigan... na tayo?"
“Anong kasinungalingan ang salitang kaibigan?" tanong
ko sa sarili.
“Anong sabi mo?"
“Wala Jin. Hindi ko alam na sa mga aksyon na ginagawa mo sa
akin, nasasabi mong magkaibigan tayo. Alam mo kasi, may trust issues ako
pagdating sa pagkakaroon ng kaibigan. Kung hindi mo kasi naitatanong-"
“Naloko ka ng maraming beses sa mga naging kaibigan mo,”
pagputol ni Jin.
“Paano mo nalaman iyun?"
“Dahil kinekwento mo sa akin?" pahula niyang sagot.
“Ohh? Nagkikwento pala ako sa'yo? Hindi ko alam. Hindi bale
na nga.” Nagpatuloy na lang akong pumunta sa klase ko.
“Teka? Magkwento ka pa. Mukhang may masasabi ka pa.”
Mukhang sumunod pa rin siya sa akin.
“Gusto mo bang hindi ko pasukan ang unang klase ko? Hindi
ko afford ang mag-cutting class.”
“Ehh, kung mamaya? Sa oras ng recess natin. Pwede naman
siguro hindi ba?"
“Aware ka naman siguro Jin na may mga babaeng gustong-gusto
makuha ang atensyon mo para sa pansarili nilang kapakanan. Ayoko. Baka dumagdag
lang ang mga taong ayaw sa akin. Ayoko ng ganoon,” pagtanggi ko.
“Uwian? Pwede ka ba?"
“Jin!" rinig kong sigaw ng grupo ng mga kababaihan
marahil.
“Hindi pa rin pwede. Busy pa rin ako. Salamat sa concern.”
Binilisan ko na ang aking paglalakad at iniwan si Jin. Hay
nako! Parang may oras naman akong makausap si Jin ng pribado at walang mga
matang nakatingin sa amin. Si Jin kasi ay anak ng isang mayamang tao ng
papasukan kong eskwelahan kapag nag-college ako. Hindi ko nga lang mapagtanto
kung bakit ang isang taong mayaman na katulad niya ay napiling mag-aral dito sa
isang public school gayong sabi ko nga kanina, mayaman sila. Kaya tuloy,
hinahabol siya ng ilang mga babaeng ka-section niya, na puro masasama ang
ugali. Nako! Nakita kaya ako ng mga babaeng iyun? Baka kausapin ako nito
pag-uwi sa school. Bukod sa mayaman si Jin, gwapo kahit na nakasalamin at maganda
ang complexion ng kanyang kutis. Mayaman ehh. Medyo mahaba at makapal ang buhok
ni Jin at magaling siya mag-ayos ng buhok. Added information, iyung mga babaeng
nagsisisigaw kapag nakaka-shoot ng bola si Zafe, sila din iyun.
Moving on, nagpatuloy ang buhay ko. Nagawa ko ng maayos ang
report namin ng mga ka-grupo ko. At dahil biniyayaan ng utak ang mga walang
puso kong miyembro, nagawa nila iyung report ng maayos. Mabuhay! Pero kahit
ganoon, wala akong natanggap na thank you mula sa kanila. Nako! Sanay na ako.
Lagi namang nangyayari iyun. Pero ilang buwan na lang Aulric. Ang walang
kwentang high school life na ito, matatapos din.
Sabi daw nila, ang high school life daw ang
pinaka-memorable sa buhay ng isang teenager na katulad ko. Yeah right.
Napaka-memorable talaga ng high school life ko. Palakpakan! Bigyan din ng noble
prize award ang taong nagsabi niyan. Ilagay na rin natin sa walk of fame at
sabitan na rin ng sandamakmak na medalya.
Natapos na din ang mga klase namin sa araw na ito. Ang oras
na pinakagusto ko.
Habang naglalakad pauwi, nadaanan ko na naman ang court
kung saan karaniwang naglalaro ng basketball si Zafe. Nadadaanan ko na naman o
lagi talaga akong dumadaan dito? Hay!
Umupo na lang ako para manuod. Hindi pala naglalaro ngayon
si Zafe dahil nakaupo siya sa bench. Halos naliligo na siya sa sariling pawis
at umiinom ng tubig. Parang gusto kong lumapit at punasan ang mga pawis sa
katawan niya. Pero oo nga pala. Hindi ko na dapat gustuhin si Zafe. Hindi siya
para sa akin. Sayang naman.
Biglang may lalaking tumabi sa akin. “Nandito ka na naman
pala,” saad nito sa akin.
Napatingin ako kung sino ang lalaki na ito dahil sa
pamilyar ang boses niya sa akin. Si Jin.
“Jin, bakit nandito ka?" nagtatakang tanong ko.
“Hindi ba sabi ko sa iyo kanina na gusto kitang
kausapin?"
“Hindi ko nakakalimutan na sinabi mo iyun. Pero ang pagtabi
mo sa akin habang iyung mga fans mong babae ay narito, gusto mo bang awayin ako
nila kinabukasan?"
“Pakialam ko ba sa kanila. Halika na.” Hinawakan ni Jin ang
kamay ko.
“Teka? Saan tayo pupunta?" tanong ko.
Hindi umimik si Jin at basta na lang akong hinatak. Hindi
naman ako pumalag at nagpadala. Napatingin naman ako sa mga mean girls ni Jin. Masama
kung makatingin sa akin. Marahil ay kilala din ako ng mga babaeng ito. Pero
ako, hindi sila kilala. Parang artista lang.
Pinasakay niya ako sa mamahaling niyang kulay pula na sasakyan. Mukhang Mercedez-Benz ang modelo.
“Wow! Ito ba iyung ibinalita sa TV na kalalabas lang?"
namamangha kong tanong.
“Yeah. Ibinili ako ni-"
“Ni daddy I know,” pagputol ko. “May driver's licence ka
ba? May dala ka bang pera? Wala akong dalang pera dito kapag nahuli tayo.”
“Yeah. May driver's lisence ako, may dala na din akong pera,
at may koneksyon ang pamilya namin sa mga pulis kaya hindi tayo nahuhuli.”
“So totoo pala talaga ang selective justice pagdating sa
mga mayaman?"
Sinimulan ni Jin paandarin ang kanyang sasakyan. “Aulric
pwedeng bang huwag na natin pag-usapan ang mga bagay na hindi natin kailangan
pag-usapan?"
“Pasensya na. Pero I thought na pag-uusapan natin ang mga
bagay na gusto kong pag-usapan kung tama ang pagkakaintindi ko sa mga sinabi mo
kanina.”
“Umm... pero...”
Hindi nakapagsalita si Jin at tahimik na lang na
nagmamaneho ng kanyang sasakyan matapos ayusin ang posisyon ng salamin. Teka?
May nagawa o nasabi ba akong masama? Hay nako! Ikaw naman kasi Aulric.
Dire-diretso ka lang kasi magsalita nang hindi ka man lang nakikiramdam sa
pakiramdam ng iyong kausap. Natakot ko ata si Jin sa ugali ko. Ito ba ang
dahilan kaya wala akong mga kaibigan? Nako! Gustong-gusto ko naman ito para
wala ng taong trumaydor sa akin.
Kadalasan kasi na kapag kinakausap ako si Jin, nagtatanong
siya ng subject-related na mga tanong. Then matatapos na ang usapan namin. Then
makalipas na araw, makikipag-usap na naman siya sa akin na may kinalaman sa
subject ng pinag-aaralan namin. Ahh! Ngayong naaalala ko na.
“Pasensya na kung ganito ako makipag-usap sa iyo Jin. Pero
akala ko kasi ay nasanay ka na dahil sabi mo nga, nakikipag-usap ka pala sa
akin ng madalas. Kaya akala ko, normal lang para sa'yo. Naalala ko bigla na
kapag kinakausap mo ako ay laging may kinalaman sa subject ng pinag-aaralan
natin.”
“Sino ba ang mga kaibigan mo na trumaydor sa'yo?"
seryosong tanong niya. “Ipapa-salvage ko.”
“Kung ganoon, kaya mo bang ipa-salvage ang tatay ko?"
seryosong tanong ko din sa kaniya.
“Huh? Bakit ang tatay mo?"
“Bakit? Kasi sa tatay ko naman nagsimula ang lahat kaya
naging ganoon ang pakikitungo sa akin ng mga kaibigan ko daw sa school. Siguro,
narinig mo na ang tatay ko ay kilalang tagabenta ng rice cooker. Alam mo dati,
palakaibigan naman akong tao. Pero dahil sa kumalat ang ginawa ng tatay ko,
nag-iba din ang pagtingin ng mga kaibigan ko. Iniisip nila na baka ako ay
magiging ganoon din. Nice genetic fallacy. Mapanghusgang mga mangmang. Kaya
wala akong nagawa kung hindi magpalit na din ng ugali para hindi ako masaktan
sa mga mapanghusgang mangmang sa lipunan,” mahabang paliwanag ko.
“Wow! May bago na naman akong nalaman tungkol sa ilang
bagay-bagay. Masama pala ang magbenta ng rice cooker. Ang babaw naman ng mga
naging kaibigan mo.”
“Oo. Sobrang babaw nila dahil lang doon. Masama talaga ang
pagbebenta ng rice cooker," pagsang-ayon ko.
“Ano ba ang ginagawa nila sa rice cooker? Pinakamarami ba
ang tanso na nakukuha sa rice cooker lang?" Hindi niya alam ang
pinag-uusapan naming rice cooker?
“Jin, shabu ang pinag-uusapan natin.”
Natahimik si Jin ng ilang segundo. “Pasensya na. Hindi ko
talaga alam. Alam mo, nagutom ako bigla. Anong gusto mong pagkain?"
Huminto kami ni Jin sa isang drive thru ng isang fast food restaurant.
Humugot na lang ako ng buntong-hininga. “Wala akong pera.
At hindi pa ako gutom.” Bigla naman tumunog ang sikmura ko. Nako naman!
“Alam kong nagsasabi ka ng totoo. Pero ang katawan mo ay
iba ang sinasabi. Sige na. Treat ko naman.”
“May kapalit?"
“Wala.”
“Dalawang burger na may cheese.”
“Apat nga po na cheeseburger tsaka dalawang malalaking
drinks,” order ni Jin.
Hay nako! Kung hindi lang sana tumunog ang tiyan ko, hindi
ako ililibre ng taong ito. Nagkaroon pa ako ng utang na loob at labas sa kaniya.
Ayoko pa naman ng ganoon. Pero maiisip ba ni Jin na may utang na loob at labas
ako sa kaniya? Palagay ko, hindi. Rice cooker na nga lang ehh, hindi niya alam
na shabu ang pinag-uusapan namin.
Dahil diyan, naisip ko tuloy na kaibiganin si Jin. Well first
of all, tanga siya. Hindi naman siya katulad ng mga taong nakakasalamuha ko sa
eskwelahan na ginagamit talaga ang utak. At least, safe ako na hindi gagawa ng
kalokohan si Jin. Mukhang hindi naman siya gullible na tao na basta-basta lang
maniniwala sa pinagsasasabi ng mga mean girls niya. Kaya lang, malalaman ko pa
iyan bukas. Kapag kaibigan ko pa rin si Jin bukas, magandang sign iyun. Paano
nga kaya ako kokomprontahin ng mga mean girls niya bukas? Sigurado ako na iyun
ang unang to-do list ng mga babaeng iyun pagkapasok ng pagkapasok nila ng
school.
Nang nakuha na namin ang inorder niya, dali-dali nitong
kinain ang burger. Mga ilang segundo na ang nakalipas, ubos na ang dalawang
cheeseburger niya habang ako ay inuubos pa lang ang aking unang burger.
“Minamaltrato ka ba sa inyo kaya ganyan ka kumain?"
naitanong ko kay Jin.
“Huh? Ph-mmono mmo noshobi?" Punong-puno ang kanyang
bibig.
“Mukha kasing hindi ka pinapakain sa inyo at ang gana mo
kasing kumain para sa isang mayaman. Gusto mo, kainin mo na rin ang isa pang
burger ko.”
“Ahh! Shholommot-"
“Huwag ka na nga lang magsalita. Puno pa iyang bibig mo,”
pagputol ko sa paghihirap niya.
Nilunok na ni Jin ang pagkain sa bibig niya. “Salamat na
lang Aulric. Busog na ako. Saka tinuruan ako ng tatay ko na huwag magsayang ng
pagkain. Dati kasi sa bahay, kapag may natitirang pagkain, hindi kami
pinapaalis ng papa namin hangga't hindi nauubos ang pagkain. Kapag hindi ko
kasi siya sinunod, may masamang nangyayari. Kinabukasan, biglang mawawala ang
mga tao sa bahay pati na ang pagkain sa refrigerator namin.”
Naubos ko na din ang unang burger ko. “How strict. Naging
mahirap siguro noon ang papa mo.”
“Hindi Aulric. Iyung lolo ko ang naging mahirap noon.
Ginawa na kasi ng lolo ko noon iyun sa papa ko na ipinasa sa akin.”
“Wow! Hard worker siguro sila noon.” Bumuntong-hininga ako.
“Hay nako! Ako kaya, kelan at paano ako yayaman para maiahon sa hirap ang
pamilya ko? Alam mo Jin, bago pa mapunta sa kung saan ang pag-uusap natin, iuwi
mo na ako sa bahay ko.”
“Sige ba. Ituro mo na lang sa akin kung saan.” Pinaandar ni
Jin ang sasakyan. “Siya nga pala. Iyung isa pang burger mo, hindi mo pa
kinain.”
“Bakit? Hihingin mo ba?" tanong ko. “Pwede ko namang
ibigay sa'yo tutal ikaw naman ang bumili.”
“Hindi sa ganoon. Sinasabi ko lang na hindi mo kinakain.”
“Ohh! Balak ko kasing ibigay ito sa nanay ko. Minsan lang
siya sa isang taon makakain ng ganitong pagkain.”
“Napakabait mo naman.”
“Sa nanay ko. I know. Sa ibang tao, hindi ko alam.”
“Ehh, sa akin?"
“Next question please.”
Natawa na lang siya sa isinagot ko. “Expected ko iyung
sinabi mo kanina ahh.”
Habang nagmamaneho siya, napansin kong malapit na kami sa
amin.
“Dito mo na lang ako ibaba Jin. Kapag pumasok ka pa, baka
magkaroon pa ng malaking issue.”
“Bakit ayaw mo?" tanong niya na hindi pa rin hinihinto
ang sasakyan.
“Para sa akin, isang kang naglalakad na asungot na
magpapahirap lang ng buhay ko. Malawak pa naman ang imahinasyon ng lipunan
namin. Baka isipin nila na sa iyo nanggagaling ang mga rice cooker na binebenta
ko daw. Buti sana kung papakasalan mo ako para matapos na ang lahat. Pero
lalake ka. Lalaki ako. Pwede ba iyun? Pero hindi naman matatapos ang issue
doon. Hindi bale na nga lang.”
“So kapag ihininto ko ang kotse sa tapat ng bahay ninyo,
pinapalala ko lang ang takbo ng buhay mo?"
“At bababa pa ang tsansa mo na maging kaibigan mo ako.”
Biglang huminto ang sasakyan. “Very good Jin. Mag-ingat ka na lang sa byahe mo
pauwi. Salamat sa oras mo.”
“Ikaw din. Mag-ingat ka.”
Bumaba ako ng kotse at hindi nagpahalata na sumakay sa
isang bagong modelong kotse. Karaniwan pa naman sa mga hampaslupa, nagsisisigaw
at kinikilig kapag nakakasakay sa ganoong kotse. Parang papakasalan ng mga
mangmang iyung kotse.
Si Jin naman, mabuti at sinunod niya ang mga sinasabi ko
dahil mas mapapalala talaga ang lahat. Totoo naman kasi na ang lipunan sa
komunidad namin ay malawak ang imahinasyon. Parang mga writer lang pero hindi
sila nagsusulat ng kwento. Impromptu na pagsasabi ng kwento. Kahanga-hangang
abilidad sa totoo lang. At hindi ko din afford na may mas lalala pang sitwasyon
sa buhay kong ito ngayon.
Habang dumadaan ako pauwi sa bahay, may isang pamilyar na
mukha na naman akong nakita sa isang tindahan. Si Zafe ulit. Mag-isa naman
itong umiinom ng soft drinks sa tindahan. Ano na naman kaya ang ginagawa ng
taong ito? Medyo kahina-hinala na ang pinaggagagawa ng taong ito sa buhay niya.
Baka naman naparito si Zafe para bumili ng rice cooker dahil isa din siyang
user? Nako! Isang point na naman para ma-turnoff ako sa kaniya.
Nagpasya na lang ako na hindi pansinin ang presensya ni
Zafe at dali-dali na akong umuwi ng bahay.
“Anak, nandito ka na pala. Bilhan mo nga ako ng mantika sa
labas?" salubong sa akin ni nanay.
“Wow! Kakapasok ko pa lang sa bahay, utos agad. Na naman.”
Diretso na pumasok ako sa kwarto ko at nagpalit ng damit.
“Nagrereklamo ka ba anak?"
“Hindi po nay. Pero salamat at inutusan mo akong bumili ng
mantika sa labas para mabigyan ko ng dahilan ang aking sarili na makita si
Zafe.” Natutop ko ang aking bibig. Nadulas ako. Dapat hindi ako nagsasabi ng
mga ganoong bagay kay nanay. Ayokong malaman niya ang napakagulo kong puberty
life.
“Sinong Zafe iyan anak?"
“Umm... isa pong bagong kaibigan ko sa eskwelahan nay.
Mabait po siya... at mabait... at mabait.” Damn! Napakapangit namang palusot
iyung sinasabi ko kay nanay.
“Sinong Zafe iyan anak?" muli na namang tanong ni
nanay. Hindi nga siya naniniwala sa palusot ko.
Bumaba ako nang natapos na akong magbihis. “Nay, asaan na
iyung pambili ng mantika?"
“Heto.” Binigay ni nanay ang pera sa akin. “Iyang bagong
kaibigan mo anak, pag-usapan natin iyan. Baka lokohin ka na naman gaya ng mga
nakaraan mong mga kaibigan. Naniniwala ka na naman ba ngayon sa salitang
friendship at camera degree? Camera diri? Kamara degree?"
“Camaraderie iyun nay,” pagko-correct ko.
“Basta kahit ano. Kailangan, ang mga bagong kaibigan mo ay
dadaan na sa akin mula ngayon.”
“Ano sila nay? Mga nililigawan kong babae?"
“Anak, ayoko lang kasi na masaktan ka at isumpa mo na naman
ang salitang pagkakaibigan at kung ano-ano pa. Hindi ko gusto iyun dahil hindi
naman dapat ganito ang buhay teenager mo. Kung alam ko lang, hindi ka
sumasang-ayon na ang high school life ay ang pinaka-memorable na buhay ng isang
teenager.”
“Okay nay. Pag-usapan natin iyan mamaya. Bibili na po ako
ng mantika. Tsaka kainin niyo na po iyung burger na binili ko po sa inyo. Nasa
bag ko lang nakalagay.”
Lumabas ako ng bahay at voila! Nandoon pa nga si Zafe sa
tindahan. Katatapos lang niya uminom ng soft drinks. Bigla naman nagkatagpo ang
paningin namin at naghuhurumentado ang puso ko. Ha! Ako ba talaga ang
tinitingnan niya? Guni-guni ko lang ba talaga ito o ako talaga ang tinitingnan
ni Zafe?! At ngayon ay naglalakad siya papalapit sa akin. Isa itong malaking
ilusyon.
Ngumiti naman ito ng matamis sa akin. “Hi,” bati niya.
“Pwede bang magtanong sa iyo ng ilang direksyon sa iyo? Nanliligaw kasi ako
este- naliligaw ako at hindi ko mahanap ang daan paaalis sa lugar na ito.”
Isa kaya itong trick question na karagatan na ekspresyon
ang kailangang sagutin? Marami namang paraan para masagot ang tanong niya.
Pwede naman na kay manong tindero siya magtanong dahil alam nun ang
pasikot-sikot sa lugar na ito. At sa akin pa talaga nagtanong. Kahina-hinala.
At ano ba ulit iyung mga sinasabi niya kanina?
“Umm... kapapasok ko lang sa lugar na ito. So I assume na
ang hinahanap mong daan papasok ay nasa likuran ko lang,” sagot ko.
“Ahh! Salamat! Pwede ko bang malaman ang pangalan mo?"
Wow! Ano to? Isang tanong, isang sagot?
“Aulric Melville.” Bakit mo ba sinagot ang tanong niya? Nakakainis ka
Aulric!
Lumawak ang ngiti niya sa labi. “Zafe Neville naman ang
pangalan ko. Sige. Aalis na ako.”
Nilampasan naman niya ako at naramdaman ko na naman na
mukhang pinisil niya ang puwitan ko. Aba! Bastos ang taong ito ahh! Ganito ba
siya magsabi ng salamat sa pagbibigay ng direksyon sa akin? Teka? Ang mas
mahalagang tanong may nakatingin ba sa akin nang ginawa niya iyun?
Lumingon na muna ako sa paligid. Hmm... walang nakatingin.
Okay lang na hawakan niya ako sa puwitan ng paulit-ulit. Ay! Aulric, magtigil
ka sa mga iniisip mo! Anong okay lang na paulit-ulit niyang hawakan ang puwitan
mo? Binastos ka niya ng dalawang beses. Okay lang iyun? Pero sa bagay. Si Zafe
lang naman iyun. Zafe naman ata na gawin niya iyu- tumigil ka!
Hay nako! Humihingi ako ng tawad sa dapat hingan ko ng
tawad dahil sa lapastangan kong utak. Grabe! Kinilig kasi ako sa ginawa niya.
Pero, duh! Hindi ko na siya gusto at sigurado naman ako na hindi mauulit ang
bagay na iyun kahit kailan... Or so I thought...
Ang isang love story daw ay binubuo ng dalawang bida... at
napakadaming ekstra actually. Saka lang sila nagiging kontrabida kapag ginawa
nilang ambition ang taong gustong-gusto nila. O baka may ginawa ka lang na
masama sa mga taong iyun kaya magkakagulo na ang love story mo. What a happy life!
Teka? Love story nga ba ito?
Sisimulan ko ang isang panibagong araw na ito sa pagtitig
ko sa kisame na nakangiti. Hindi ko ito masyadong ginagawa pero
napaka-interesting naman pala ng bagay na ito. Alam niyo kung bakit? Finally!
Isang report na lang sa punyeta kong high school life. Matatapos na din ang
impyerno kong high school life.
“Anak, bago iyan ahh! Sino ba talaga ang bagong kaibigan
mong ito?" nagagalit na tanong ni nanay. Ay! Nahuli ako!
“Nay, pwede bang baliw lang ako na nakatitig sa kisame ng
bahay natin? Malapit ng matapos ang high school life ko. Papasukin ko na naman
ang isa pang impyerno na tinatawag na college life. Pero kahit ganoon, excited
ako sa kung anong maaaring mangyaring masama kung sakali. Kaya hangga't maaari
daw, ngumiti lang kasi mawawala din iyan."
“Hay nako anak! Halika nga at yumakap ka kay nanay."
Bumangon ako at niyakap si nanay. “Konting taon na lang
nay. Makakapagtapos na ako ng pag-aaral. Matutupad ko na ang pangarap ninyo na
pagtapusin ako. Kahit walang gawing tulong ang tatay kong tagabenta ng rice
cooker."
“Oo nga. Konting taon na lang. Ang swerte mo naman at sa
sikat na eskwelahan ka mag-aaral sa susunod na taon. At higit sa lahat,
makapagkolehiyo."
Kumalas ako ng yakap kay nanay. “Siya nga pala nay. Ngayong
summer, balak ko sanang mag-apply sa isang summer job. Nababayaran pa ba natin
ang upa sa bahay?"
“Anak, hindi ba napag-usapan na natin ito? Huwag kang
mag-summer job. Kapag ang katawan mo ay makatikim ng trabaho, hahanap-hanapin
mo na iyan," tugon ni nanay.
“Nay, gusto ko pong tumulong pansamantala. At ano pong
sinasabi ninyo na kapag nagtrabaho ako, maaadik ako at hahanap-hanapin iyun?
May rice cooker po ba sila na libreng pinapamigay kapag nagtrabaho ka?"
“Hindi ganoon anak. Alam mo ba na may kakaibang pakiramdam
sa mga katulad niyo na nag-aaral pa lang kapag nakatanggap ng pera galing sa
pagtatrabaho? Maiisip mo na nakakawalang gana na mag-aral at mas mabuti na
magtrabaho na lang. At iyan ang ayokong mangyari sa'yo. Sinasabi ko ang bagay
na ito dahil naranasan ko ang bagay na iyan."
“Nay, ayoko naman na magdoble kayod na naman po kayo para
mabayaran ang renta natin sa bahay. Hindi niyo po ba natatandaan ang nangyari
sa inyo noong nagtrabaho talaga kayo ng maigi? Nagkasakit po kayo at gumastos
po tayo ng maraming pera dahil po doon. Marami nga pong pera ang nakuha ninyo,
marami din pong pera ang nagastos. Wala din," paliwanag ko.
“Nag-aalala lang kasi ako Aulric. Baka kapag nagtrabaho ka
na, kakalimutan mo na ang mag-aral."
“Nay, gusto niyo ba na mangako ako sa inyo na hinding-hindi
ko po kakalimutan ang pag-aaral ko para lang po payagan niyo ako na
makapagtrabaho?"
“Nako anak! Siguradong hindi matutupad iyan dahil
nanggaling ka sa akin. Kung mga pangako ko nga ay halos hindi ko na matupad,
ikaw pa kaya?"
“Nay, magtiwala ka sa akin. Kahit na ayaw na ayaw kong
pumasok sa eskwelahan dahil sa mga kaklase ko na ayaw sa akin, mag-aaral at
mag-aaral pa rin po ako. Parte na po sila ng buhay ko at wala na akong magagawa
doon."
“Sige anak ha. Aasahan ko iyan," pagpayag ni nanay.
“Isa pang yakap diyan nay." Niyakap ko ulit si nanay
na ginantihan niya.
“Basta ha! Kapag naisip mo na tumigil ka sa pag-aaral,
babatukan talaga kita," banta ni nanay.
“Sige nay. Game ako diyan."
“So ano anak? Hindi mo pa rin ba pinapakilala sa akin ang
bago mong kaibigan?" muling tanong ni nanay.
“Ay! Nay, hindi na kami magkaibigan. Alam niyo po iyung
isang oras lang ng pagkakaibigan? Ganoon po kami," palusot ko.
“Hmm... totoo ba iyan?"
Humikab na lang ako. “Nay, matutulog na po ako. Inaantok na
po kasi ako at kailangan maaga pa ako bukas sa eskwelahan."
“Ahh! Iniiwasan mo ang tanong ko. Hindi bale na nga."
Tumayo si nanay at umalis ng kwarto.
Kinabukasan, habang naglalakad ako papasok sa eskwelahan,
wala naman akong Jin na nadatnan na nag-aantay sa akin. Sa halip, iyung mga
mean girls ni Jin ang nakatayo sa gilid ng gate. Malamang ay inaabangan nga ako
ng mga taong ito. So nakita pala nila ako habang hinahatak ni Jin papunta sa
kotse niya. Pwede ko kayang kasuhan si Jin ng kidnapping para bayaran niya ako
para iurong ang kaso? Parang gagawa naman ako ng ganoong kabulastugan.
Tatlong babae ang mean girls ni Jin. Lahat ng mga babae na
ito ay may tali sa ulo. May kumakalat kasing tsismis na gustong-gusto ni Jin ng
mga babaeng nakatali ang buhok. Pero nakakapagtaka lang dahil ni isa sa mga
babaeng ito ay hindi naging girlfriend ni Jin. O baka dahil sa leader nila na
naka-filter ang pagmumukha?
“Hoy! Lalakeng anak ng rice cooker!" tawag ng
pinaka-leader ng mean girls.
Hindi ko ito pinansin at tuloy-tuloy na naglalakad papunta
sa aking classroom. Parang isnaberong artista lang ako.
“Hoy! Lalakeng anak ng rice cooker, kinakausap kita!"
Nainis siguro ang isa sa mga mean girls at hinawakan ang balikat ko para
harapin ang mga babaeng ito.
“Hello. Ano ang maitutulong ko sa inyo?" sarkastiko
kong tanong.
“Bakit pinasakay ka ni Jin sa kanyang kotse? Binebentahan
mo ba siya ng rice cooker?" tanong ni mean girl number 2. For the record,
hindi ko kilala ang mga babaeng ito. Alam ko lang ang term na tinatawag sa
kanila.
“Yeah. Sa katunayan, interested siyang bumili ng maraming
rice cooker mula sa akin," sarkastikong sagot ko. “Kayo, interesado din ba
kayo na bumili ng rice cooker?"
“Damn it! Bad influence talaga ang lalaking ito. So
binebentahan talaga niya ng rice cooker si Jin?" saad ni mean girl number
1. Napaka-gullible pala ng mga taong ito. Nakakatawa.
“Oh no! Sinisira niya ang kinabukasan ni Jin,"
naghuhurumentadong saad ni mean girl number 2.
“Hey! Layuan mo si Jin ha! Ayokong makita kita na
kinakausap siya. Kung hindi ka lalayo sa kaniya, ako ang makakalaban mo!"
banta sa akin ng leader nila.
“Okay. Pero dapat, kay Jin kayo magsabi niyan. Wala akong
magagawa kung si Jin mismo ang lumalapit sa akin. Tandaan mo babae. Ang sabi mo
ay layuan ko si Jin. Paano kung habulin niya ako habang nilalayuan? Tapos may
hindi inaasahang mangyari sa pagitan namin? Gaya ng naging best friend kami
bigla dahil sa pinaggagagawa ko?" pananakot ko sa kanila. Seriously,
nakakatakot iyung mga sinasabi ko para sa kanila.
“Fine! Mas mabuti nga na pagsabihan ko si Jin at sisirain
kita sa kaniya."
“Do whatever you want! Parang ano naman ang pakialam ko sa
inyo? Siya nga pala. Hindi niyo ba alam na mahilig si Jin sa mga babaeng
kakulay ng buhok ni Hayley? Iyung vocalist ng Paramore. Favorite niya iyun.
Sinabi pa nga niya sa akin. Sino bang bobo ang nagpakalat ng tsismis na
gustong-gusto niya ang mga babaeng may tale sa ulo? Iyun nga actually ang
pinakaayaw niya ehh. Nakatali ang buhok. Kaya kung ako sa inyo para mapansin ni
Jin, kukulayan ko na ang buhok ko."
Napanganga ang mga babae at nahawakan nila ang kanilang
buhok ng wala sa oras. Oi! Mukhang maganda ang kalalabasan nito kapag ang
tatlong babaeng ito ay magiging kakulay ng buhok ni Hayley. Ang tanga-tanga
naman nila at napakadaling paniwalaain. Ay nako! Ito ata ang isa sa mga rason
kung bakit kinaaayawan ako ng mga tao. Dahil isa akong sinungaling. Pero hindi
naman ako masyadong kilala sa pagiging sinungaling. Bahala na nga lang sila.
So gaya ng dati, natapos na ang klase. Pumunta ulit ako sa
pinakamalapit na basketball court kung saan naglalaro ng basketball si Zafe. At
wala akong Zafe na nakita. Si Ricky lang. Baka naman busy o nagpapahinga ang
tao kaya hindi nakapaglaro?
Bigla naman akong may napansin sa tingin ng mga teammates
ni Zafe. Nakatingin ba sila sa akin? May ginawa ba akong masama sa mga taong
ito? Naging famous na ba ang mga paninirang sinasabi sa akin ng mga tao sa
eskwelahan ko?
Para makasigurado, tumingin na muna ako sa likod ko kung
may kakaibang bagay na naging dahilan para makuha ko ang atensyon ng mga
teammates ni Zafe. Wala naman. Pero nakakatakot iyung mga tingin nila sa akin.
Siguro ay dapat umalis na ako dahil wala naman si Zafe dito.
Nang naglalakad na naman ako pauwi, may nangyari na naman
na hindi ko inaasahan. Ewan ko nga lang sa iba kung hindi nila inaasahan ito.
Sa tingin ko, mahuhulahan niyo talaga kung sino ang nakita ko ngayon dahil sa
paulit-ulit na itong nangyayari. Si Jin na umiinom ng soft drinks sa tindahan
na malapit sa amin! Joke. Si Zafe talaga iyung nakita ko.
Nako ha! Iisipin ko na talaga na lagi niyang nililigaw ang
sarili dito sa lugar namin para makita lang ako. Pero hindi naman ako assuming,
so ang posibilidad na iyan ay wala na!
Napatingin naman ako sa puwitan ko. Ano bang meron sa
puwitan ko at gusto niyang hawakan ito? Malaki ba o kung ano? May special
properties ba o ano? Wala naman. Siguro, hindi niya lang iyun sinasadya dahil
paalis na siya nun at baka hindi naman talaga niya intensyon ang gawin iyun...
or so I thought.
Dumiretso na ako sa bahay at hindi pinansin si Zafe.
Nag-check in na muna ako sa bahay kung may utos si nanay. Wow! Walang mag-uutos
sa akin? Wala ba?
Pumunta ako sa kwarto ni nanay. Mahimbing itong natutulog.
Napagod marahil sa kakabenta ng isda sa palengke.
Nakarinig naman ako ng katok sa pintuan ng bahay at pinagbuksan
ito. Ahh! Si Randolf lang pala. Ang trabahador ni nanay. Medyo magkalapit ang
edad namin pero malayo sa pisikal na agwat. Malaki din ang katawan sa
kakabuhat. Perks. Added information, hindi kami masyadong close at hindi kami
magkaibigan.
“Randolf, naparito ka? Halika. Pumasok ka," yaya ko.
Pumasok ng bahay si Randolf. “Salamat Aulric. Naparito pala
ako para bayaran iyung utang ko sa nanay mo."
Nagulat ako. “Wow! Nagpapautang na pala ang nanay ko. Hindi
ko alam."
“Ohh? Hindi mo pa pala alam? Hindi mo ba alam na marami
kaming nangungutang sa nanay mo?"
“Marami? Mga ilan?" tanong ko.
“Lima?" hindi siguradong sagot ni Randolf. “Pero higit
sa limang libo ang inuutang nung apat."
“Napakarami namang pera iyun. Galing ba talaga iyun sa
nanay ko?"
“Baka dahil sa matagal na niya itong ginagawa."
“Kelan pa Randolf?" tanong ko.
“Mga anim na buwan nang nakakaraan?"
Nagulat ulit ako. “Anim na buwan na? Hindi man lang
sinasabi ni nanay sa akin? Hay nako!"
“Ehh, bakit ba kailangan pang sabihin sa iyo?"
“Aba Randolf! Mamaya, iyang negosyong pautang ni nanay,
malugi dahil sa may mga taong hindi nagbabayad ng utang agad-agad. Siyempre,
madadamay ako. Teka nga lang? Nagbabayad ba ng mabuti ang mga pinapautang ni
nanay?"
“Oo naman. Kahit ako. Kaya nga ako naparito para bayaran
ang utang ko sa araw na ito."
“Ahh! Hulug-hulugan pala. Dapat naman kahit papaano, sinabi
ni nanay sa akin ang tungkol sa matagal na niyang tinatago na bagong negosyo
para naman makatulong ako kahit papaano. Siya nga pala, tulog pa si nanay.
Pwedeng ako na lang ang magbibigay sa kaniya."
“Sige," pagpayag ni Randolf. “Pero ilista mo na din
para makasigurado. May maliliit na notebook ang nanay mo na may pangalan ko.
Ilagay mo doon ang binayad ko para sa araw na ito."
“Sandali lang."
Pumasok ako sa kwarto ni nanay at naghalungkat sa bag niya.
Nakita ko ang mga maliliit na notebook na sinasabi ni Randolf. Hinanap ko dito
kung kanino ang kay Randolf at isinulat ang dapat isulat sa maliit na notebook.
Logbook pala ang mga maliliit na notebook ng mga umutang kay nanay.
Niligpit ko na ang mga notebook at nilagay sa pitaka ni
nanay ang pera. Pagkatapos ay lumabas na ako.
“Okay na Randolf. Salamat at binayaran mo ang isang parte
na utang mo sa nanay ko," pagpapasalamat ko.
“Walang anuman. Siya nga pala. Napapansin mo ba iyung isang
lalake diyan sa labas? Iyung matangkad, maskulado, gwapo, medyo maputi na
lalaki na tumatambay sa tindahan sa labas?" Si Zafe?
“Hindi," pagtanggi ko. “Bakit? Ano bang meron sa
lalaki?"
“Isang araw, nilibre kaming lahat ng soft drinks sa
tindahan. Hindi kami makapaniwala nang nilibre kami ng mayaman na lalaki.
Tatakutin sana namin para umalis dahil akala namin ay isang masamang tao pero
hindi na namin nagawa dahil sa mabait pala iyung lalaki. Napansin lang namin
iyung lalaki nang tumatambay lagi iyun doon bandang gabi," kwento ni
Randolf.
“Talaga? Kilala niyo ba ang lalaki? Ano ang pangalan?"
Napaisip si Randolf. “Safe. Parang ganoon ata ang pangalan
niya." Walang kaduda-duda na si Zafe nga ang pinag-uusapan namin.
“Alam mo, para sa akin, kahina-hinala ang taong iyan. Ewan
ko ba. Baka hindi kayo Zafe sa taong iyan?" pabiro kong saad.
Natawa naman si Randolf. “Ikaw talaga Aulric. Nagbiro ka pa
gamit ang pangalan ng tao. Sige na. Aalis na ako at tuturuan niya daw kami
mag-basketball." Naglakad siya palabas.
Pinatigil ko muna si Randolf na umalis at huminto naman
siya. “Sandali. Tuturuan kayo? Saan naman?"
“Ohh? Bakit bigla kang interesado na tuturuan niya kami
magbasketball? Hindi ba ayaw mo ng larong iyun?"
“Oo. Alam kong ayoko ng larong iyun. Pero malay mo. May
matutunan ako at maging isang magaling ako na basketball player. At matatalo pa
kita siguro Randolf."
Tumawa ulit ng payak si Randolf. “Nako Aulric. Okay lang na
managinip ka. Hindi iyan masama. Tuturuan niya kami doon sa court nila Nestor.
Iyung mga siga."
“Hoy, hoy, hoy, magtigil kayo. Lumipat kayo ng ibang court.
Huwag doon. May sarili kayong court kaya doon na lang kayo magpaturo.
Pambihira! Baka mapasubo sa bugbugan iyang bagong kaibigan ninyo,"
nag-aalala kong saad.
“Ano ka ba?! Ang liit ng home court natin dito. Doon kila
Nestor, malaki. At kung magbugbugan man, kami ang backup niya."
“Iyan! Diyan kayo magaling Randolf. Sa pakikipagbugbugan.
Pero Randolf, tandaan mo. May trabaho ka pa bukas. Huwag mong pahirapan ang
nanay ko kaya huwag kang makikipagbugbugan doon," pagpapaalala ko sa
kaniya.
“Wow ha! Magkaibigan ba tayo Aulric? Parang hindi iyan
ikaw. Masyado ka namang concerned para sa akin."
“Hindi ako sa iyo concerned," pagtanggi ko. “Concerned
lang naman ako para sa nanay ko. Tsaka ikaw lang ang kargador na
mapagkakatiwalaan niya. Natatandaan mo pa ba noon nung umabsent ka? Nanakawan
kami ng malaking halaga ng pera. Buti na lang at nabawi namin." At
siyempre, concerned ako para kay Zafe. Katunog nga ng salitang safe. Mukhang
lapitin naman ng gulo.
“Oo na. Pero susubukan pa rin namin talunin iyung team ni
Nestor."
“Ewan ko lang kung mananalo ang bago niyong kaibigan na
iyan. Handa kaya iyun sa makakalaban niya? Ang dumi pa naman makipaglaro ang
team ni Nestor."
“Hindi lang naman siya ang maglalaro. Kami din." Mas
lalo pa tuloy akong nag-alala sa sinasabi ni Randolf. Bahala na.
“Sige na Randolf. Umalis ka na at ipagdadasal na lang kita
na makita mo pa ang bukas."
Lumabas na ng bahay si Randolf para puntahan si Zafe sa
court nila Nestor. Ilang santo kaya ang tatawagan ko para lang masigurado ang
kaligtasan ni Zafe?
“Anak, si Randolf ba iyung narinig ko na kausap mo
kanina?" tanong ni nanay sa akin na mukhang kakagising pa lang. Humikab pa
ito. Pagod na pagod talaga si nanay.
“Opo nay. Naghulog na pala siya kanina. Nilagay ko na rin
po sa pitaka ninyo."
“Ahh! Buti at... alam mo ang kailangan mong gawin kapag may
naghulog sa akin."
“Siya nga pala nay. Lalabas lang ako at manonood sa
paglalaro nila Randolf sa court nung team nila Nestor."
“Anak? Ikaw ba iyan?" nagugulat na tanong ni nanay.
“Ako nga po ito," sagot ko. “Dahil lang po ba ito sa
manonood lang ako ng laro na hindi ko gusto? Naman nay. Manonood lang ako.
Hindi maglalaro."
“Ewan. Basta! Mag-ingat ka. Umuwi ka bago pa lumalim ang
gabi."
“Sige nay. Aalis na ako," paalam ko.
Malayo-layo ang nilakad ko para makapunta sa court na
paglalaruan nila Zafe. Pagdating ko, nakita ko lang score na 30-20. Second
quarter pa lang at may oras pa. Ang galing. Tambak sila Zafe. Sila iyung sa 20.
Umupo lang ako sa tabi at pinapanood ang team ni Zafe na
matalo. Pero nakakaasar lang kapag matatalo dito sila Zafe. Gaya ng sinasabi ko
kanina, madumi maglaro ang kalaban nila na team ni Nestor. Magaling na magaling
nga sila sa field na iyun. Nakakapandaya kasi sila dahil sa biased ang mga
referee. Siyempre, kila Nestor iyan papabor at hindi kila Zafe.
Natapos na ang second quarter. 46-31. Mukhang masisira ang
pangarap ng mga taong ito na talunin ang mandarayang kalaban.
Nakita ko naman na papalapit sa akin si Randolf habang sa
likod niya ay nakatingin... sa akin... si Zafe. Ay ewan!
“Aulric, bakit nanonood ka?" tanong ni Randolf.
“Dahil hindi naman ako naglalaro? Randolf, mukhang naaamoy
ko na ang magiging talunan dito. Malas niyo nga lang at madudumi talaga maglaro
sila Nestor," sarkastiko kong saad.
“Hay! Nakakainis kasi! Mga mandaraya talaga."
“Wala na kayong magagawa maliban sa pagsuko."
Napansin ko naman na may pumasok sa court na parang kilala
ko. Si Ricky? Pinatawag siya ni Zafe.
“At ginamit na niya ang kanyang lifeline na call a friend.
Pero bale wala pa rin iyan dahil matatalo na kayo."
“Randolf, halika dito," rinig kong tawag sa kaniya ni
Zafe.
“Mukhang may plano siya. Sige Aulric. Baka hindi kami ang
nangangamoy talo." Bumalik si Randolf sa banko nila Zafe. Sana nga ay may
plano talaga itong si Zafe kung paano talunin ang madaya niyang kalaban.
Ilang minuto na ang nakalipas, natapos na sila magpahinga.
Kasama na rin pala ni Zafe si Ricky para maglaro. Hmm... interesante. May
pagkakataon pa kaya silang manalo?
Natapos na ang laban. At ang score ay 74-101. WHOAH! Nanalo
nga talaga sila. Sa tulong ni Ricky, nakakapuntos talaga sila. Lagi kasing
lumalayo si Ricky para mag-shoot mula sa 3-point border. Kapag may humahabol
kay Ricky, hinaharangan ni Zafe ang mga humahabol kay Ricky para hindi masayang
ang pagkakataon na makapuntos. Hindi lang iyun. Magaling umagaw ng bola si
Ricky. Lahat ng binabantayan niya ay naaagawan niya ng bola. Ang galing.
Ngayon, ano kaya ang gagawin ng natalong team nila Nestor? Gagawin na ba nila
ang kanilang last resort? Ang makipagbugbugan?
Kita ko naman na tinuro ni Nestor ang daliri niya sa mga
mata ni Zafe at pagkatapos ay sa sarili niya. Magkikita pa tayo ulit ang ibig
sabihin nun hindi ba?
At umalis na si Nestor kasama ang kanyang ka-team sa court.
Hay nako! Makaalis na nga din!
Pero habang naglalaro si Zafe, biglang lumiwanag ang mukha
niya. Napapansin ko din na tumitingin siya saglit sa akin. Sapat na para
maghurumentado ang puso ko sa mga pagkakataon na iyun. Grabe! Hindi ko nga
dapat gustuhin si Zafe. Pero ang puso ko... Hay nako! Ewan! Basta, hindi!
Siguradong hinding-hindi na kami magkikita. Hindi ko naman mababangga si Zafe
habang naglalakad ako pauwi ng bahay.
Dineretso ko ang tingin sa kalsada. Ano na iyan! Parang
gusto kong mabangga ko siya habang naglalakad. At hindi siya agad makakapunta
dito sa nilalakaran ko dahil injured na injured si Zafe. Makipaglaro ba naman
sa madayang team ni Nestor.
Ilang araw ang nakalipas, naglalakad ulit ako papunta sa
eskwelahan. Katulad ng inaasahan ko, hindi ko nakita si Zafe na naglalaro ng
basketball sa court na pinapanood ko kapag pauwi ako ng bahay. Ganoon din si
Ricky. Iyung mga mean girls naman ni Jin ay mga uto-utong sinunod ang sinabi ko
na gusto niya ang mga babaeng katulad sa buhok ni Hayley Williams. Nakakatawa
talaga nang sinunod nila ang sinabi ko. Siyempre, sisitahin sila ng mga guro
dahil sa kulay ng buhok nila. O ang mas malala, hindi sila papayagang
maka-graduate. Nakakatuwang manira ng buhay ng buhay nang katulad sa kanila.
At ngayon ay inaantay ako ng mga mean girls sa entrada pa
lang ng eskwelahan. Ako naman, diretso lang ang tingin at hindi sila pinansin.
Nakakatawa talaga kapag tinitingnan ko ang buhok nila dahil mga uto-uto silang
sinunod ang mga sinasabi ko na magugustuhan sila ni Jin. Ngayon, nagustuhan
kaya sila?
“Hoy! Lalake!" rinig kong tawag ng isa sa mga mean
girls. Ultimo pangalan ko, hindi nga ako kilala. Kilala lang ba ako dahil sa
nagbebenta ng rice cooker si tatay? Aba'y para pala talaga akong isang artista.
Ako naman, pinagpatuloy ko ang aking paglalakad. Tinatawag
ako ng tatlo kong fan pero wala akong pakialam. Karirin ko na ang pagiging
artista.
“Hoy! Humarap ka sa amin!"
Tinapik ng isa pang mean girl, marahil, ang balikat ko para
iharap sa kanila. Pagkaharap ko ay nakatanggap ako ng isang malutong na sampal
mula sa kanila. Hindi naman napigilan ng katawan ko na gumanti sa babae at
binigyan siya ng isang suntok sa sikmura. Nasapo ng kawawang babae ang tiyan
niya at napaupo sa sahig. Ay! Lumabas na naman ang aking worst behavior! Nabaog
kaya siya sa ginawa ko? At ang mga estudyante sa paligid ay itinuon ang
atensyon sa amin.
“Valerie, okay ka lang?" nag-aalalang tanong ng leader
nila. Tanga ka ba? May tao bang magiging okay matapos masuntok sa sikmura?
“Bakla ka ba? Bakit ka nanununtok ng babae?" galit na
tanong nung isa pang mean girl.
“So bakla agad ako nang sinuntok ko iyang kasama mo?
Kasalanan niya iyan at hindi siya handa sa makukuha niya nang sinampal niya
ako. Makinig kayo mga babae. Ingat lang sa mga taong balak ninyong sampalin.
Huwag kayong maging kampante na porke't babae kayo, hindi na kayo gagantihan.
Kagaya ngayon. Pasensya na. Nadulas kasi ang kamay ko kaya nasuntok kita sa
sikmura," sarkastikong saad ko.
Tumayo bigla ang kanilang leader. “How dare you do this to
her?! Ni hindi nga siya pinagbubuhatan ng kamay ng kanyang mga magulang?! Tapos
ikaw, sinuntok mo siya?! Walang hiya ka!" Tinaas ni leader ang kanyang mga
kamay.
Wala lang naman akong ginawa kung hindi samaan siya ng
tingin. Pero hindi niya itinuloy.
“Bakit hindi mo ituloy?" tanong ko. “Naghihintay ako
babae. Kaya lang, dapat handa ka kung saan tatama ang suntok ko kapag itinuloy
mo. Sisiguraduhin kong malakas ang pagkakasuntok ko sa iyo dahil handa ako.
Saan kaya maganda? Sa maganda mong mukha? Sa malaki mong boobs? Sa sikmura mo?
Hmm... saan ba?"
Kita ko na nagalit siya sa mga sinabi ko at bumwelo siya
para lang sampalin ako. Kaya lang, bago pa ito tumama sa akin, may pumigil sa
kamay ng babae. Sayang! At isa pang sayang! Sayang at may pumigil sa kaniya!
Sayang at nasasayangan ako sa moment! Hindi para mas lalong sumikat though
dahil bad fame ang makukuha ko.
“Ms. Dominguez, ano ang ginagawa mo? Ikaw din Mr. Melville?
Ang aga-aga, nag-aaway na kayo agad?" tanong ng princpal namin. Ibinaba ni
leader ng mean girls ang kanyang kamay. Pasensya na. Hindi ko talaga siya
kilala.
“Pasensya na po Mr. Principal. May pinapraktis po kaming
performance para sa final project namin sa Values Education. Ang title po ay
mga do's and don't na gawin sa isang babae. Masyado po bang makatotohanan kaya
nakuha po namin ang atensyon ninyo?" palusot ko
“Huwag mo nga akong lokohin Mr. Melville. Hindi kayo
magkaklase ni Ms. Dominguez. Pumunta kayo ngayon din sa Principal's
Office."
Naunang lumakad si Mr. Principal papunta sa kanyang
opisina. Nakatayo naman maayos ang babaeng sinuntok ko at papunta na din sa
Principal's Office habang inaalalayan pa siya ng kaibigang babae. Kami naman ng
leader ng mga mean girls, o Ms. Dominguez na nga lang, naglakad na din. Mukhang
nagiging maganda ang tagpo ng mga pangyayari.
Sa kalayuan naman ay nakita ko si Jin na nakatayo lang at
balak pa atang sumabay sa amin. Sinenyasan ko naman ito na okay lang ako at
tumigil din siya.
Sa Principal's Office, wala akong naiintindihan sa mga
sinasabi ng principal. Hindi ako interesado sa mga sinasabi niya. May mga
tanong siya na tinatanong sa akin si principal at sinasagot ko naman ng maayos.
Pero hindi ito interesanteng pakinggan. Ang mas interesanteng pakinggan ay ang
tungkol sa graduation.
“Ms. Dominguez, at iba pa, nanganganib na hindi kayo
maka-graduate ngayong taon," pagtatapat ni principal. Hindi ba
interesting? Music to my ears.
“Ho? Bakit po?" tanong ni Ms. Dominguez.
“Dahil sa kulay ng buhok ninyo, nilabag niyo ang patakaran
ng eskwelahan," paliwanag ni principal. “Hindi ba nakalagay sa rules and
regulations ng eskwelahan na bawal magpakulay ng buhok?"
“Pero isa lang naman po iyung minor offense hindi po
ba?"
“Yes, isa nga iyung minor offense. Pero dahil sa
pakikipag-away niyo pa dito kay Mr. Melville, nadagdagan pa ang kasalanan ninyo
to major offense. Kaya delikado kayo na hindi maka-graduate ngayong taon."
“Mr. Principal, hindi niyo po ba alam na kagagawan po ito
ni... ni... anak ng isang rice cooker dealer kaya naging ganito ang buhok
namin?"
“Aba? Ano ang ginawa ko? Binuhusan ng pangkulay ang buhok
mo? Hindi tayo close. Mukha bang kaya ko talagang gumawa ng ganoong kasamang
bagay? Hindi kapani-paniwala," pagdipensa ko sa sarili.
“Hindi nga ikaw ang naglagay pero sinabi mo kasi na gusto
ni Jin ang mga ganitong kulay at style ng aming buhok."
“So ano? Nagustuhan ba kayo ni Jin?" sarkastikong
tanong ko.
“Hindi," nahihiyang sagot ni Ms. Dominguez.
“Tapos, kayo pa talagang tatlo ang nagpakulay ng buhok.
Really? Magugustuhan kayong tatlo ni Jin? Wala bang may gusto sa inyo na
solohin si Jin? Ano ba ito si Jin? Muslim kaya pakakasalan niya kayong lahat? Magtrayduran
naman kayo. Kill the spirit of friendship and camaraderie dahil, iisa lang ang
magugustuhan ni Jin."
“Mr. Melville, tumigil ka! Hindi nakakatulong ang mga
sinasabi mo!" sabat ni principal.
“Since kelan po ba ako tumutulong sa mga sinasabi ko?"
sarkastiko kong tanong.
“Alam mo, tama ka," sabat naman ng isang mean girl na
hindi ko sinuntok. “Balang araw, mag-aahasan kami para kay Jin. Narinig ko ito
si Valerie na kapag isa sa atin ang magugustuhan ni Jin, aahasain niya
tayo." Nako! Mas lalong naging interesante ang usapang ito. Mukhang may
pagkakaibigan na magwawakas. At Valerie pala ang pangalan ni Ms. Dominguez.
Hindi ko talaga iyun alam. Asaan na pala ang baon kong popcorn?
“Ha? Parang kayo ni Isabela, hindi nag-iisip ng ganoon ahh!
Balak niyo rin namang ahasin mula sa akin si Jin hindi ba Audrey?"
pagdipensa ni Valerie sa sinasabi ng naunang nagsalita. So Audrey pala ang
pangalan nung nagsalita kanina at Isabela naman ang pangalan ng leader nila.
Habang naghahalungkat ako sa bag, nakita ko din ang binaon
kong popcorn. Binutas ko ang plastic at kumuha ng ilang piraso habang
pinapakinggan ang pag-aaway ng tatlo. Nagkakasiraan na po mga kaibigan ang
tatlong mean girls. Ang sarap talaga kumain ng popcorn sa mga pagkakataong ito.
“Everybody, enough!" sigaw ni principal. “Mr.
Melville, tigilan mo ang pagkain mo ng popcorn!" Ay! Nahuli ako!
“Pero ang sarap-sarap po kumain principal. Gusto niyo po
bang bigyan ko po kayo?" yaya ko. Itinali ko ang butas na ginawa ko sa
plastic ng popcorn.
“Salamat na lang. Ngayon naman, ano ang gagawin ko sa
inyong apat na pampasakit lang ng ulo sa eskwelahang ito?" tanong ni
principal.
“Magandang tanong na kailangan ng magandang sagot. Bakit
hindi niyo na lang po kami hayaan na grumadweyt?" sarkastikong sagot ko.
“Pambihira naman po principal. Ilang araw na lang at graduation na tapos hindi
kami masasama? Para po makalaya na po kayo sa inyong sakit sa ulo, i-let go
niyo na po kami sa pamamagitan ng graduation. Kapag naka-graduate kaming apat,
wala na po kayong aalahaning mga sakit sa ulo dahil sigurado po ako na may
panibagong darating. Kung hahayaan niyo pa po kaming mga sakit na ulo dito sa
school ng isa pang taon, baka mamatay na po kayo principal. At isa po ako sa
mga taong abstained ang nararamdaman pagdating ng panahong iyun."
“Tama na ang paliwanag mo Mr. Melville at manahimik ka na
pwede?" pakiusap ni principal.
“Sige." Tinikom ko na ang aking bibig.
Muli ay hindi ko na naman pinakinggan ang mga sinasabi ni
Mr. Principal dahil hindi naman ganoon ka interesante ang mga sinasabi niya.
Pagdating kasi ng mga sinasabi ni principal sa utak ko, BLAH! BLAH! BLAH! lang
ang naiintindihan kong mga sinasabi niya. Iyan ang process ng utak ko sa mga
basura. Pero hindi naman lahat ng sinasabi ng principal ay basura lahat. Sa
katunayan nga, naintindihan ko ang part na pinapayagan na niya kaming
makapagtapos. Isang magandang balita!
Lumabas na kaming lahat sa opisina ng principal dahil sa
wakas, napansin niya na kinuha ni principal ang buong oras ng first period sa
mga sermon niya na hindi pumapasok sa utak ko. Kasabay ng paglabas namin ay ang
pagkasira ng pagkakaibigan nila Isabela, Valerie, at Audrey. Palakpakan! Isang
pagkakaibigan na naman ang nawasak! Ang ganda ng tagpong ito!
Hiwalay na ang direksyong tinatahak ng tatlo paalis papunta
sa kanilang classroom. Ang leader naman nila na si Isabela ay lumapit sa akin.
May kailangan pa ang taong ito sa akin?
“Ikaw? Ano ang pangalan mo?" seryosong tanong ni
Isabela.
“Wow! Bakit mo naitanong? Tawagin mo na lang akong anak ng
rice cooker dealer," sagot ko. “Doon ka naman komportable hindi ba?"
“Kung ganoon, magpapakilala ako. Ako si Isabela
Dominguez," pagpapakilala ni Isabela sa sarili.
“And I'm leaving! May klase pa ako!" Nagpatuloy na
akong maglakad papunta sa pangalawa kong klase. Nako naman! Sasayangin ko pa
ang 2nd period ko sa pagpapakilala sa kaniya? Huwag na.
Nang oras na ulit ng uwian, nakaparada ang sasakyan ni Jin
sa entrada ng eskwelahan. Lumabas pa siya sa sasakyan at kinawayan ako. Ako
naman ay binalewala iyun at dumiretso na sa ruta ko pauwi ng bahay. Ginawa ko
ang lahat para hindi niya ako masabayan. Dahil sa ginagawa niya kanina,
pinapalala ni Jin ang aking kasalukuyang sitwasyon. Papansin pa doon sa harap
ng school.
May huminto namang sasakyan sa harapan ko. Mukhang
nakasunod talaga sa akin si Jin.
“Aulric, bakit ba bigla mo akong iniwasan kanina?"
agad na tanong ni Jin pagkabukas niya sa bintana ng kotse.
“Pinapalala mo ang aking sitwasyon. Iyung lang. Sa tingin
ko ay alam mo na kung bakit," diretso kong sagot.
“P-Pasensya na sa ginawa ko," paghingi niya ng
dispensa. “Pangako. Hindi ko na iyun uulitin."
“Hindi na ako aasa na hindi mo iyun gagawin ulit para hindi
na lang ako madismaya."
“Sige. Aalis na lang ako. Salamat na lang sa oras Aulric.
Bye," malungkot na paalam ni Jin.
Medyo naalarma ako sa inasal niya. “Sigurado bang makikita
pa kita bukas na buhay at buo pa?" tanong ko.
“Bakit? Ayaw mo na ba akong makitang buhay bukas?"
“Wala akong sinasabi na mamatay ka na o ano man. Masasamang
tao lang ang mag-iisip ng ganoon. At tsaka baka mamaya, mabalitaan ko na
nabangga ka ng isa pang sasakyan dahil hindi ka makapag-focus sa pagmamaneho
mo. Ano ba kailangan mo sa akin? Sabihin mo na."
“Umm... gusto lang naman kitang makausap. Pero dahil ininis
kita, sa tingin ko, makikipag-usap na lang ako sa pader."
“Sige. Sasama na ako sa iyo. Sabi ko naman sa iyo. Huwag mo
akong pansinin sa harap ng maraming tao sa eskwelahan na iyun dahil magiging
kasalanan ko pa kapag may nangyaring masama pa sa iyo. At tsaka study shows na
tatalino ang isang tao kapag nakipag-usap sa pader. At iyan ang ayokong
mangyari sa iyo," paliwanag ko habang pumunta ako sa kabilang pintuan ng
kotse niya.
Binuksan ni Jin ang pintuan para sa akin. “Ang
tumalino?" tanong ni Jin.
Pumasok na ako sa kotse niya. “Ang makipag-usap ka sa pader
obviously," sagot ko. “Hindi kaya healthy ang makipag-usap sa pader.
Mamaya niyan ay may history ang mga magulang mo ng sakit sa utak at maging
ganoon ka din. Ngayon, saan tayo pupunta?"
Nagsimula ng umandar ang sasakyan ni Jin. “Wala namang
history ng sakit sa utak ang mga magulang ko. At sa totoo lang, wala naman
tayong pupuntahan. Gusto lang naman kitang makausap dahil sa isang bagay."
Napangiti ako dahil sa alam ko na ata ang pag-uusapan
namin. “Teka, mukhang alam ko na itong pag-uusapan natin. Gusto mo hulaan
ko?"
“Huh? Sige nga? Hulaan mo?" paghahamon ni Jin. Inayos
pa ni Jin ang salamin niya sa mata.
“Iyung mga mean girls mo kung bakit ganoon ang kulay ng
buhok nila?"
“H-Huh? Anong meron sa kulay ng buhok nila? Hindi naman
tungkol doon ang pag-uusapan natin."
“Ahh! Ganoon ba? Okay. So ano ang pag-uusapan natin?"
“Iyung kakaibang nangyayari sa buhok nung mga babae na
nakasunod sa akin." Bakit parang nagsisisi na ako na kinakausap ko ang
taong ito?
“Ibaba mo na ako. Makipag-usap ka na lang sa pader at baka
tumalino ka."
“Ha? Ano na naman ang ginawa ko?"
Habang nasa sasakyan, pinag-usapan namin ang nangyari sa
mga mean girls niya kung ano ang nangyari sa amin habang nasa Principal's
Office kami. Inamin ko na ako ang nagpasimuno na maging ganoon ang buhok nila.
“Pero hindi bagay ang ganoong buhok sa'yo Aulric,"
bigla niyang nasabi.
“Anong sinasabi mo?" tanong ko.
“Wala naman. Ahh! Mukhang dito na kita ibababa."
Ihininto ni Jin ang sasakyan.
“Salamat sa paghatid. At sana hindi na maulit muli,"
pagpapasalamat ko sa kaniya. Bigla naman akong may naalala. “Oo nga pala Jin.
May koneksyon ba ang pamilya mo sa mga resto, pagawaan, mall o kung ano-ano pa
na pwede kong mapasukan? Naghahanap kasi ako ng mapapasukang trabaho ngayong
summer."
Napaisip si Jin. “Mukhang meron naman. Tanungin ko na lang
ang magulang ko kung saan pwede." Ang swerte naman na kaibigan ko ang
taong ito.
“Salamat naman. In case na i-background check nila ako,
sabihin mo ang totoo. At huwag mong sabihin na magkaibigan tayo. Sabihin mo na
isa akong mabait na uportunista na naghahanap ng trabaho kaysa naman ikaw ang
akitin ko."
“Ano iyun Aulric? Akitin ako? Grabe! Sa bagay, kaakit-akit
ka naman. Seryoso ka ba diyan sa mga sinasabi mo?" natatawa niyang tanong.
“Salamat sa pambobola Jin. Pero kasi, alam mo na.
Nag-iisang anak ka lang hindi ba?"
“Oo."
“Iyan ang sinasabi ko na isa sa mga factor na kino-consider
ko. Nag-iisang anak ka lang. At ang makakuha ng request sa isang katulad ko,
kahina-hinala talaga. Baka may masama akong binabalak. Pero sa mga takbo ng
pangyayari, mukhang hindi masyadong protective ang mga magulang mo."
“Si papa na lang kasi ang natitira kong magulang. Tapos
laging busy pa siya sa kanyang mga business. Hindi na niya ako
naaasikaso," malungkot na saad ni Jin. May malungkot na istorya din pala
itong mga mayayaman.
“Wow! Kaya pala napakalaya mo. Dapat kasi sa mga katulad
mo, may overprotective na mga magulang. Pero iyang kabobohan sa utak mo,
mukhang mas lalala pa."
“Ang harsh mo naman magsalita."
“Natural Jin. Hindi tayo magkaibigan," nakangiti kong
saad. “Moving on, kapag may nakuha akong trabaho sa tulong mo, hindi pa rin
tayo magkaibigan Jin."
“Pero pwede kitang kausapin para sa ilang mga bagay hindi
ba?"
“Well, dipende. Pero since may malungkot kang family
background, hindi ko naman gagawing sobrang lungkot iyang buhay mo. Ayoko na
ako ang pumatay sa'yo."
“Siya nga pala. May cellphone ka ba? I-text na lang kita sa
response ng papa ko."
“Hindi mo ata ako narinig Jin. Hindi tayo magkaibigan para
magpalitan ng cellphone number."
“Pero paano kung halimbawa, pumayag na si papa. Tapos
sasabihin ko sa iyo. Pero hindi kita makita kahit saan. Kahit na maghintay pa
ako sa gate, baka nakapasok ka na sa eskwelahan sa pagkakataong iyun. Tapos
nakita na kita sa bandang uwian. Then bumaba ako ng sasakyan at hinabol kita.
Tapos nabangga ako ng sasakyan. O kaya habang nakasakay sa sasakyan, dahil wala
na ako sa focus, nabangga naman ako ng isa pang sasakyan. Tapos namatay
ako." Ginagamit din pala ni Jin ang utak niya.
“Okay. Okay. Tama na iyang pag-iisip mo ng mga worst case
scenarios kapag hindi ko binigay sa iyo ang cellphone number ko. Akin na ang
phone mo."
Binigay ni Jin ang phone niya sa akin. Una kong tiningnan
siyempre ay ang contacts niya. Wala ngang halos laman kung hindi numero lang ng
kanyang mga kamag-anak. Iyung ibang number ng kanyang mga kaibigan na kaklase,
hindi sila relevant para sa akin. Bakit ganito pa rin kalungkot ang buhay ni
Jin kung may mga kaibigan din pala siya sa kanyang mga kaklase.
Hindi na ako nagsayang ng oras at nilagay na ang number ko
sa phone niya. Pagkatapos nilagay ang number ko, binalik ko na ang phone ni
Jin.
“Sige. Aalis na ako," paalam ko. “Mag-ingat ka sa
pag-uwi mo."
“Bye."
Pinagpatuloy ko na ang aking paglalakad pauwi. Natawa na
lang ako dahil sa mga pinagsasabi ko kay Jin. May matino ba talagang tao na
nagsasabi ng ganoon? Matino pa ba ako? Mukhang hindi na ata.
Bago dumiretso pauwi, dinaanan ko na muna ang court kung saan
na tumatambay sila Zafe at Ricky. Sila lang. Baka kapag sinama iyung iba niyang
kaibigan ay magkakagulo. Hay nako! Bakit pa ba ako pumunta dito? Sasabihin ko
lang naman kung bakit hindi ko dapat gustuhin si Zafe. Pero iyung mga tingin
talaga sa akin ni Zafe... baka assumptions ko lang talaga iyun?
Ilang araw na ang nakalipas nakapagtapos na rin ako ng high
school. At hulaan niyo kung sino ang Valedictorian namin. Si Isabela. Pakinggan
natin siya sa kanyang graduation speech. Pwedeng hindi niyo na ito basahin at
dumiretso na lang sa mahabang speech niya.
“Magandang hapon sa lahat ng nandito ngayon sa paaralang
minamahal ko. Sa mga pinuno, guro, magulang at higit sa lahat sa mga kapwa ko
magsisipagtapos ngayong hapon. Hayaan niyo muna akong makapagpasalamat sa
pamunuan ng aking minamahal na eskwelahan sa pagbibigay sakin ng magandang
kalidad na edukasyon. Isang karangalan po na ako ay nakatayo sa inyong harapan
upang ihatid ang aking pagbati sa kapwa ko magsisipagtapos. Muli, maraming
salamat po. Sa mga magulang na naririto ngayon upang saksihan ang pagtatapos ng
kanilang mga anak, isang pagsaludo po at pagpapasalamat. Dahil saksi po ako na
hindi biro ang pagbibigay ng magandang edukasyon sa panahon ngayon. Sa puso
namin, kayo ang tunay na mga magsisipagtapos. Kay mama at papa, salamat po sa
pagmamahal at suporta niyo po sa akin. Sa mga oras po na hindi ko masyadong
nagagawa ang mga pinapagawa niyo sa akin dahil pagod po ako sa pag-aaral,
salamat po sa pag-iintindi. Pangako ko po sa inyo, hindi ko po kayo bibiguin.
Nakatayo ako sa inyong harapan dahil marahil sa sipag, tiyaga, at talino ko. Sa
totoo lang po, hindi ko po inaasahan na ako ang magiging Valedictorian. Marami
naman po kasing mas karapat-dapat kesa sa akin. Pero ako po ang napili dahil sa
marahil ay mataas ang grades ko?"
Natawa naman ang lahat sa sinabi ni Isabela. Kahit ako ay
natawa. Para kasing double entendre joke ang sinasabi ni Isabela.
“Kapag nililibot ko po ang aking paningin ngayon at
nakikita ko ang bawat sulok at mukha ng taong naging parte ng aking high school
life, masaya at malungkot po ako. Masaya dahil isang parte ng yugto na naman
ang aking napagtagumpayan sa aking buhay. Parang isang libro na natapos na ako
sa isang chapter, iyung susunod na chapter na ang aking babasahin. Sa minamahal
ko namang eskwelahan, paalam na sa iyo. Marami-rami ring mga alaala na naibigay
mo sa akin at mananatili ito sa aking puso. Salamat at naging parte ka ng aking
buhay. Sabi nila, ang Graduation daw ay pagtatapos at bagong simula. Ngayon,
lalabas tayo sa paaralan na ito bitbit ang diploma na ating pinagsikapan.
Haharap na naman tayo sa panibagong pagsubok ng buhay natin. Mga minamahal kong
estudyante, huwag na muna tayo magpapakampante. Marahil ay kolehiyo na lang ang
problema natin. Pero sasabihin ko na sa inyo ang totoo. Mas marami pang
pagsubok ang darating kapag dumating tayo sa pagtatapos ng ating pagtakbo
patungo sa ating hinahangad. Hindi pa ito tapos. Warmup pa lang ito. Ako po si
Isabela Dominguez, taas-noong kumakatawan sa mga magsisipagtapos. Binabati ko
kayo aking kapwa mag-aaral!"
Pumalakpak ang lahat sa napakagandang speech na binigay sa
amin ni Isabela. Wait? Sinabi ko bang napakaganda?
Matapos ibigay sa amin ang mga diploma, nagtipon-tipon na
ang lahat ng mga estudyante sa labas. By the way, hindi ko ngayon kasama si
nanay. Nasa palengke pa rin siya at naglalako ng isda. Hindi naman sa hindi
niya talaga ako mahal pero napag-usapan na namin iyan ni nanay. Okay lang na
hindi siya pumunta sa graduation. Hindi pa naman ito ang pinakahuling
graduation na mapapalampas niya dahil may college pa. Iyun ay kung
makakapagtapos talaga ako ng college. Kung pumunta kasi ngayon si nanay sa
graduation ko, wala siyang benta sa palengke, walang kita.
Nakita ko naman si Isabela na pagkatapos makipagbeso sa
kanyang mga magulang, pumunta muna ito sa kung saan. Marahil ay pupunta ito sa
kanyang classroom.
Pinuntahan ko nga ang building kung saan ang classroom niya
at hindi nga ako nagkamali. Nakaupo siya at nakatingin sa mga estudyanteng
nagbubunyi dahil nakapagtapos na sila sa high school.
“Napakaganda namang speech ang binigay mo," bati ko
kay Isabela. “Kulang nga lang ay iyung tungkol sa pagkakaibigan at kung ano-ano
pa. Break na ba talaga kayo ng mga friends niyo?"
Hinarap ako ni Isabela. “Salamat sa papuri. At para sa
tanong mo, unfortunately, oo. Pero okay lang iyun. Hindi ko naman
makakasalubong ang mga taong iyun. Hindi ko naman sila makikita kapag
nag-college ako dahil hindi na nila ako maaabot kapag nakapagkolehiyo na
ako."
“Napansin ko lang at gusto ko na rin itanong. Iyung
graduation speech mo, copy-paste ba iyun o original work?" tanong ko.
“Kapag sinabi ko naman na original iyun, alam mo naman na
hindi iyun totoo hindi ba?"
“Meron lang kasi akong mga bagay na hindi nagustuhan doon
sa graduation speech mo. Pero ayoko ng i-point out dahil magmumukha lang akong
bitter na hindi ako ang gumawa ng graduation speech. Oo nga pala. Gusto mong
malaman ang pangalan ko hindi ba?"
“Oo. Gusto ko pa ring malaman ang lalaking sumira ng buhay
ko."
“Wait, huwag na lang pala. Baka bigla tayong magkatuluyan
sa huli."
“How rude! Magpakilala ka na."
Nginitian ko siya. “Ang pangalan ko ay Aulric. Aulric
Melville."
“Mabuti naman at sinabi mo rin ang pangalan mo. Tatandaan
kita Aulric."
“Dapat lang. Paano ba iyan. Uuwi na ako dahil may munting
selebrasyon pa akong pupuntahan," paalam ko sa kaniya.
Nang nakauwi na ako, nagkaroon kami ni nanay ng isang
munting salo-salo. Tama na iyung hindi pagpunta ni nanay sa graduation ko. Pero
ang magsalo-salo kami ni nanay, hindi. Ipinagluto niya ako ng paborito kong
bulalo. Mukhang marami-rami ang makakain ko ngayong gabi.
Habang kumakain ay may kumatok sa pintuan. Pinagbuksan ito
ni nanay at niluwa nito si Randolf. Napansin ko na may dala-dala siyang maliit
na regalo.
“Randolf, saluhan mo kami sa pagkain," yaya ni mama.
“Nako! Pasensya na po pero naparito po ako para maghulog sa
inyo," pagtanggi ni Randolf.
“Ahh! Ganoon ba? Ehh iyang regalo, para saan? Hindi naman
siguro para sa anak ko iyan," nagbibirong saad ni nanay.
“Ang totoo po, para sa kaniya ito."
Kumunot ang noo ko habang kumakain. “Ha? Bingi na ba ako?
Para sa akin?"
“Mukha nga. Nakita ko kasi sa kard na para kay Aulric iyung
regalo. Siya nga pala. Nakita ko lang din po ang kahon sa labas ng bahay,"
paliwanag ni Randolf.
Itinigil ko muna ang pagkain at lumapit kay Randolf.
“Talaga?"
“Mukhang may tunay ka ngayong kaibigan anak ahh?" saad
ni nanay saka pumasok siya sa kwarto niya para hanapin ang maliit na notebook
marahil.
Binigay sa akin ni Randolf ang kahon. Una ko munang
tiningnan ang card.
“Happy Graduation Day! Mr. Wolf." basa ko sa sulat.
“Happy graduation din pala sa'yo Aulric," bati ni
Randolf.
“Salamat Randolf."
“Anong laman ng kahon? Buksan mo na," wika ni nanay na
kalalabas lang ng kwarto para kunin ang hulog ni Randolf.
Binuksan ko naman ang kahon. Naglalaman ito ng isang
kwintas na may wolf na disenyo. Mukhang mumurahin lang naman pero ayos na din.
Sino kaya ang taong nagbigay sa akin nito?
“Mukhang authentic iyang kwintas na binigay sa'yo anak ahh?
Sandali nga, kaibigan mo ba talaga ang nagpadala sa'yo ng regalong iyan? Baka
wrong address," pagbibiro pa ni nanay.
“Sa totoo lang nay, hindi ko po maisip kung may magbibigay
ba sa akin ng ganitong regalo. Wala po talaga akong ideya," pagtatapat ko.
“Isuot mo na kaya iyan?" excited na request ni
Randolf.
“Randolf, umamin ka na hindi ito galing sa'yo,"
seryosong saad ko sa kaniya.
“Hindi no. Bakit naman kita bibigyan ng kwintas? Para saan
naman?!"
Sinuri ko ang kwintas na. Mukhang mamahalin dahil parang
yari ito sa silver. O baka ignorante lang ako at hindi ko alam ang pinagkaiba
ng isang authentic na silver at peke.
“Ayokong suutin. Nakakapangilabot na may tao na lang na
basta-basta mamimigay ng kwintas sa akin pagkatapos kong maka-graduate sa high
school. Pero hindi ko naman itatapon. Itatago ko na lang."
“Randolf, nailista ko na," saad ni nanay.
“Salamat po. Sige po. Alis na po ako," paalam ni
Randolf ba lumabas na ng bahay.
“O anak? Hindi mo pa ba iyan susuutin?" tanong ni
nanay.
“Huwag na lang muna nay. Hindi pa kasi ako sigurado kung
kanino galing ang kwintas. Baka wrong address nga talaga," sagot ko.
“Kanino ba daw galing?"
“Galing kay Mr. Wolf. Sa matanda kaya ito galing o sa
kaedad ko? Eitherway, nakakatakot dahil may nalalaman pa silang Mr. Mr. Mr.
Wolf. Pero mas nakakatakot kung Mr. Satan o Mr. Devil ang nakasulat. Siguradong
itatapon ko talaga ang kwintas na ito." Binalik ko ang box sa dapat nitong
kalagyan. “Nako. Ang mga pagkain natin.
“Oo nga. Tapusin na natin ang pagkain anak para
makapagligpit."
Natapos na ang araw ng pagsasaya namin ni nanay. Buti naman
at hindi nagpakita si tatay. Siyempre, hindi naman niya bahay ito kaya wala
siyang karapatan. Pero iyung nagbigay sa akin ng regalo. Mr. Wolf huh?
Nakakatakot pala. Pwede namang Mr. Zebra, Mr. Hippopotamus, Mr. Donkey, o hindi
naman kaya Mr. Koala. Wolf talaga? Hay nako Aulric! Wala kang panahon sa mga
bagay na iyan. Bakit ba kasi hindi na lang tahasang magpakilalam? May mga alias
pa na ginagamit. Wala sigurong balls.
Tumilaok na ang manok matapos akong makapagbihis para sa
papasukin kong summer job. Salamat kay Jin. Pero hindi ako makapaniwala kung
paano pumayag ang papa niya na tulungan akong makahanap ng trabaho. Hindi naman
kaya hindi talaga sinabi ni Jin ang mga pinapasabi ko? Hindi bale na nga lang.
Basta ang importante ay makahanap ako ng trabaho ngayong bakasyon para tulungan
si nanay.
Umalis ako ng bahay at pinuntahan na ang trabaho ko sa
isang reataurant. Ginawa nila akong waiter. Siya nga pala. 18 years old na ako
kaya legal na magtrabaho ako. Nitong Enero lang ang aking kaarawan.
Mabuti naman at mababait ang mga tao dito sa akin. O baka
dahil hindi nila kilala ang tawag nila sa akin. Pero ayos na rin ito. Trabaho
lang naman.
Hindi naman pala mahirap maging waiter. Kailangan mo lang
na focus ka sa ginagawa mo at maayos ang tindig ng iyong katawan. Kailangan na
parang mahal mo ang iyong trabaho. Parang gusto ko na nga itong ginagawa ko.
“Waiter!" tawag ng isang pamilyar na boses. Nako!
Mukhang mawawala ako sa focus nito ahh.
Lumapit ako sa taong ito para ibigay ang menu. Magalang ang
pagkakabigay ko na parang hari ang aking binibigyan. Actually, ginagawa ko
talaga ito sa lahat. Hindi lang naman para kay Zafe.
Mga ilang minuto lang ako na nakatayo habang hinihintay
siya na umorder. At nag-iisa lang siya. Walang kasama. Alone. Unless kung gusto
ni Zafe na samahan ko siya.
“Pwede bang umorder ng waiter dito?" tanong niya
habang nakatingin sa akin ng diretso. I changed my mind. Ayoko sa taong ito.
“I'm sorry sir. Ano po iyun?" maang ko.
“Wala." Tumingin ulit siya sa menu. “Gusto ko iyung
specialty ng chef ninyo na spicy chicken adobo, chicken soup, at ikaw."
Ako na naman daw.
“I'm sorry sir. I am currently unavailable if you want me
to say that. And please sir. Please work with your sense of humor. I don't know
what you are getting by talking to me like that."
“Neither am I. Don't worry. I'll work with my sense of
humor next time. You work with my order right now please?" tugon ni Zafe.
Umalis na ako para kunin ang mga order niya. Anong meron sa
mga sinasabi ni Zafe? Parang hindi talaga niya ako nakilala noong isang buwan.
Nang bumalik ako dala ng mga order niya, hindi ko na lang
siya tiningnan sa mata at baka mahulog ng tuluyan ang puso ko. Iyung tingin
niya kasi sa akin, nakakairita. Nang paalis na ako, naramdaman ko naman na
marahan niyang tinapikan ang puwet ko. Habit? Wala ba siyang magawa sa buhay
niya at nananapik siya ng puwet ng ibang tao? Wala ba siyang puwet para tapikin
ni Zafe ang sarili niya?
Pagsasabihan ko sana si Zafe dahil sa kalapastanganang
ginawa niya sa akin nang nakita kong pumasok si Jin sa restaurant. Oo nga pala.
Chill lang Aulric. Nasa trabaho ka. Dapat lumayo ka na lang sa kaniya. Pero
kasuhan ko kaya itong si Zafe? May makukuha kaya akong pera sa kaniya?
Nginitian ako ni Jin at sinenyasan na kausapin ata ako sa
kusina. Oo nga pala. May kailangan akong tanungin kay Jin dahil wala akong
maisip na pwedeng magbigay sa akin ng ganoong kwintas sa akin. Pakiramdam ko
kasi na custom made ang ganoong klaseng kwintas.
“Aulric, kumusta ka na?" agad na tanong sa akin ni Jin
nang pumasok ako sa kusina.
“Mabuti naman ang lahat. Hindi pa naman ako
nahaharas," sarkastikong saad ko. Nako! Kahit pa-sarcastic ko naman
sabihin, hindi naman niya malalaman iyun.
“Teka? Si Zafe ba iyung nasa labas kanina?"
“Sinong Zafe?" maang ko. Kilala pala ni Jin si Zafe.
“Hindi mo siya kilala? Iyung pinagsisilbihan mo
kanina."
“Magtatanong ba ako sa iyo kung kilala ko iyung tao?"
“Pasensya na. Akala ko kung kilala mo si Zafe Neville. Kung
tama kasi ang pagkakaalam ko, sikat siya dahil malapit sa school natin
naglalaro ng basketball school si Zafe."
“What about him?" malamig na tanong ko.
“W-Wala naman. Kahanga-hanga kasi sa totoo lang si Zafe
kapag naglalaro ng basketball. Gusto ko sana siyang makalaro kapag nagkaroon
ako ng pagkakataon," paliwanag ni Jin.
“Ohh! Idol mo pala siya. Lumabas ka na dito at humingi ng
autograph."
“P-Pwede ba? Pero kasi Aulric, kinakabahan ako. Huwag na
lang," nahihiyang tugon niya. “Pero gusto kong makakuha ng isang
autograph. Ikaw na lang Aulric ang humingi ng autograph niya." Sigurado
bang lalaki itong si Jin?
“Ayoko nga," agad na pagtanggi ko. “Hindi mo ako
kaibigan para gawin ang bagay na iyan. Bakit ka ba nahihiya sa kaniya? Huwag
mong sabihin na may tinatago kang nararamdaman para kay Zafe?"
Biglang nag-iba ang mukha ni Jin at sumeryoso ito.
“Hinahangaan ko lang siya. Hindi nagugustuhan," seryosong saad ni Jin.
“Whatever! Hindi ako interesado."
“Aulric, tandaan mo na ako ang nagpapasok sa iyo sa
restaurant na ito."
“Hindi naman kita pinewersa na ipasok ako dito ahh?
Nagtanong lang naman ako. Aalis na nga ako sa lugar na ito."
“Talaga lang Aulric? Hindi mo ba gusto sa restaurant na
ito? Minimum ang sahod, pwede pang magbigay ng tip ang mga tao dito, libre pa
ang pagkain, pwede ka pang mag-uwi ng pagkain. Saan ka pa? Wala ka ng
makikitang restaurant na katulad sa amin." Biglang tumatalino si Jin kapag
seryoso. Nakuha niya ang pressure points ko kung bakit gusto ko na sa
restaurant na ito magtrabaho... aside sa mababait ang mga katrabaho ko sa akin.
Itinaas ko ang aking mga kamay tanda ng pagsuko. “Okay.
Nakuha mo ang pressure points ko. Payag na ako."
Lumiwanag ang mukha ni Jin. “Salamat Aulric. Heto ang
notebook. Huwag mong sasabihin na ako ang humihingi ng autograph niya."
Binigyan ako ni Jin ng notebook at isang ballpen. Dapat pala, hindi ko
ginagalit itong si Jin. Nagagamit ang utak kapag seryoso.
Humugot na lang ako ng isang malalim na buntong-hininga at
lumabas sa kusina para hingin ang autograph ni Zafe para kay Jin. Kapag
minamalas ka nga naman. Hindi ko alam na fan pala ni Zafe si Jin. Dapat pala,
straight to the point na ako nagtanong kay Jin at baka sa haba ng pag-uusap
namin, umalis na rin ito si Zafe para hindi na mahingan ng autograph. Malas!
“Excuse me, can I get your autograph sir?" magalang
kong tanong na may medyo pagyuko pa.
“Autograph? Mula sa akin? Wow! Hindi ko pala alam na fan
pala kita," tugon ni Zafe. Yeah. Fan mo talaga ako noon pero hindi na
ngayon.
“I'm sorry sir, pe- I'm sorry," bigla kong paghingi ko
ng dispensa ng dalawang beses. Bigla kong naalala ang sinabi ni Jin na huwag
ipaalam na siya ang humihingi ng autograph.
“For what?"
“Your attitude mostly," seryoso kong saad.
“Hmm... you know, masyado ka namang arogante. Ikaw na nga
ang nanghihingi ng autograph, ikaw pa itong matapang."
“I'm sorry again sir. It won't happen again I guess,"
magalang na paghingi ko ng dispensa.
Nakangiti siya ng matamis. “Nice. I like that attitude.
Give me that."
Binigay ko sa kaniya ang ballpen at ang notebook sa kaniya.
Sinulat ni Zafe ang kanyang signature at may sinulat pa siya sa isa pang pahina
ng notebook. Pinunit niya ang isang pahina sabay tumayo.
“Meet me." Naramdaman ko na hinawakan na naman niya
ang puwitan ko. Dire-diretso naman siyang lumabas ng restaurant.
Nagtimpi na lang ako sa ginawa ni Zafe dahil ako pa ang
mapapahiya kapag nagalit ako sa ginawa niya. Kinuha ko na lang ang notebook at
ballpen na pinirmahan ni Zafe saka bumalik sa kusina. Tuwang-tuwa naman si Jin
na kinuha ang autograph ni Zafe at nagliwanag na naman ang mukha. Nagpasalamat
siya sa akin ng maraming beses dahil sa nagawa ko ang gusto niya.
“Hindi ko kailangan ang pasasalamat mo. Hindi naman kasi
tayo magkaibigan," nasabi ko na lang.
“Kahit ano pang sabihin mo Jin, salamat."
“Ngayon, ako naman. Umm... gusto kong malaman kung anong
hayop ang favorite mo?" tanong ko.
“Paborito kong hayop?" Napaisip si Jin. “Lobo ang
pinakapaborito ko. Alam ko naman na walang lobo dito sa Pilipinas. Pero kasi,
mahilig akong manood ng mga movies na may mga werewolf. Kaya gusto ko ang mga
lobo," paliwanag ni Jin. Napakababaw ng sagot niya.
“Okay. Makakaalis ka na."
Masayang-masaya si Jin na lumabas sa restaurant dahil sa
nakuha niya ang autograph ng iniidolo. Parang naiisip ko na siya si Mr. Wolf.
Hindi kasi konkreto ang paliwanag niya kung bakit gusto niya ang mga lobo.
Parang impromptu niyang naisip ang isasagot niya sa akin. Hindi pala matalino
itong si Jin kaya alam ko na kung sino si Mr. Wolf. Pero ano naman kaya ang
dahilan kung bakit hindi siya nagpakilala at binigyan ako ng regalong ganoon?
Baka nahihiya lang siya.
Ilang oras na ang lumipas, natapos na din ang shift ko.
Habang hinuhubad ang uniporme ko sa trabaho, may nakapa akong papel sa bulsa
ko. Ito iyung pinunit na papel ni Zafe.
“Nasa harapan lang ng restaurant ang sasakyan ko."
nakalagay sa sulat.
Ano to? Bilin ni Zafe na bantayan ko ang kotse niya? Hindi
ba trabaho ng guard iyun sa labas? Grabe naman! Uso na talaga ang ganito?
Pasahan ng trabaho?
Lumabas ako ng restaurant at nakita ang Chevrolet niya. Ang sasakyan ni Zafe. Nasa labas
siya ng sasakyan at mukhang may hinihintay. Pinili ko na lang na hindi siya
pansinin at dumiretso na lang sa paglalakad pauwi. Biglang sumulpot si Zafe sa
harapan ko at hindi ako naging handa sa susunod niyang ginawa. Niyakap niya ako
at hinalikan sa labi. Gumanti din ako ng halik at yakap kay Zafe. Ang first
kiss ko. Ang swerte ko naman at sa kaniya iyun napunta.
Naghiwalay naman ang labi namin sa napakagandang moment na
iyun. Sa pagitan lang naming dalawa. At bigla kong na-realize na hindi kaaya-aya
ang ginagawa namin sa harap pa ng restaurant at marami pang tao ang nakatingin
sa amin!
“Ang sarap mong humalik baby. Mukhang mapapadalas ako sa
restaurant niyo. Bye," paalam ni Zafe. Sumakay agad siya sa kotse niya at
umalis.
Hindi. Mukhang sirang-sira na ang buhay ko sa nangyari.
Hindi dapat ganito ang nangyayari sa buhay ko. Nagpatuloy ng maglakad ang mga
tao sa paligid habang ako ay ina-absorb pa rin ang nangyari sa pagitan naming
dalawa ni Zafe. Ang sarap niya talagang humalik. Pero hindi ito ang tamang oras
Aulric!
Tiningnan ko ng masama si manong guard na nagbabantay ng
restaurant. “Manong, wala po kayong nakita hindi ba? Kapag may sinabihan po
kayo sa nangyari, sisirain ko po ang buhay niyo."
Kainis! So may kung ano na kami ni Zafe ngayon? Hindi.
Ligawan niya dapat ako! Pero hinding-hindi ko siya sasagutin! Pangako iyan! Sa
susunod na magkita kami, kailangan may matinding resolve ako para i-resist ang
mga katulad niya sa buhay kong ito!」
ITUTULOY...