Followers

Thursday, November 26, 2015

Dear Stranger (Chapter 3) - Love, Stranger Book 2

AUTHOR'S NOTE (PLEASE READ!)
Medyo mahaba ang chapter na ito (mahaba na ito para sa akin). Isa kasi sa highlight ito kaya medyo mahaba at importante lahat ng mga mangyayari. Next time na lang po ang mga ibang bagay na sasabihin ko pa pati ang baitan portion. Enjoy reading! :-)


MARAMING SALAMAT PO!
MAY MGA TYPO'S AND PROBABLY GRAMMAR ERROR ITO. 'DI KO PA NA-EEDIT DAHIL MEDYO BUSY PO AKO. SA BOOK VERSION (SOON IN BUQO), NANDOON PO ANG EDITED VERSION AND BETTER VERSION. (May mga bonus clip and scenes din po akong balak idagdag doon so kung gusto niyo pong mabasa, I suggest you get a copy po once na available na.)

CHAPTER LINKS:


======================================================






DEAR STRANGER
(Book 2 of "Love, Stranger")

CHAPTER THREE
RAY:
Anong ginagawa niya dito? Puno ng tanong ang isip ko.
“Jess?”
“A-ako nga.” Nauutal niyang sabi. “Kamusta? Long time no see ah.” Bakas sa boses niya ang pagkailang. Okay naman kami noong kausap ko siya sa chat the other day.
“Eto naman parang hindi tayo magkausap noong isang araw.” Sabi ko sabay tukod ng kamay ko sa dark-brown na pinto ng kwarto ko.
Nagbitiw siya ng isang pilit na ngiti. Ang weird niya ngayon, hindi siya ganito. Matagal ko nang kilala si Jess, classmate ko siya noong highschool at barkada niya si stranger. Hay, naalala ko na naman. Kaya nga ako lumabas ng kwarto dahil ayokong pag-usapan namin ni Bae ang taong iyon eh. Parang nananadya ang pagkakataon. Tsk!
“’Dyan ka nag-stay?” Turo ko sa katabing kwarto. “Eh ‘di ba malapit lang dito ang tinitirhan at work mo?” random question ko.
“Ah... Eh... Hindi, may binisita lang akong kaibigan. Sige Ray, una na ako. Chat tayo mamaya. Kailangan ko nang umuwi eh.”
“Okay. Ingat ka.”
Tumango siya at nagmamadaling umalis. Rinig ko ang halik ng swelas ng sapatos niya sa brown karpet ng hallway. Napakunot ako ng noo. Weird. Hindi siya ganito. Nakakapanibago.
Nasa ganoon akong pag-iisip nang bumukas ang pinto ng kwarto ko. Linuwa nito si Bae.
“San ka pupunta?”
“I’m thinking, baka naabala na kita. Sorry for asking too many questions about him.” Sabi niya sabay ngiwi. Mukhang affected siya.
“It’s fine. Don’t think about it.”
Tumango siya. Tahimik. “So... I’ll see you tomorrow then.”
“Hatid na kita sa baba.”
“Magpahinga ka na lang.” Sabi niya na may pagka-slang. American-British-Filipino kasi siya at laki sa US. Hindi na ako nagpumilit pa dahil alam kong hindi naman siya papayag. Yinakap niya ako at pagkatapos ay tumalikod, tinahak niya ang kahabaan ng hallway. Unti-unti, nawala siya sa paningin ko.
Papasok na ako sa kwarto ko nang maramdaman ko ang isang hindi maipaliwanag na bagay na humampas sa utak at puso ko. Napatingin ako sa katabing kwarto kung saan nanggaling si Jess.
“Sino kaya ang binisita niya?” isip ko. Ewan ko, ‘di naman ako chismoso at walang pakielam sa mga ganoong bagay, pero may parang kung anong pwersa ang nag-uudyok sa akin na alamin ang taong naka-stay rito.
Naghikab ako. Bigla kong naramdaman ang pagod. I think it’s time to sleep. Tinulak ko ang naka-awang na pinto ng kwarto ko at sinara ito.

ROME:
Lumabas ako ng kwarto. Narinig ko ang pagsara ng pinto ng katabing kwarto. Inikot ko ang mga mata ko. Parang may pamilyar na boses akong narinig kanina. Tumunog ang iPhone na hawak ko. Tiningnan ko ito, nag-chat sa messenger si Jess.
“Sorry pare, may emergency. Hindi ko na mabibili yung pinabibili mo. Ibalik ko na lang bukas yung pera.” Napakamot ako ng ulo.
“Okay lang. Bukas na lang, pagod na rin ako eh.” Reply ko.
“Pasensya na talaga. Dapat hindi na ako nag-volunteer.”
“Okay lang.”
Bumalik ako sa kwarto ko at pagkatapos ay sinara ang pinto. Oras na para matulog.

***

ROME:
Maliwanag ang lugar na kinatatayuan ko. Nag-umpisa akong maglakad, tinahak ko ang isang daang hindi ko makita nang malinad dahil nababalutan ito ng petals. Tumingala ako, nakita ko ang dahan-dahang pagbagsak ng petals mula sa Sakura Tree. Ngumiti ako. Ngayon ko pa lang na-experience ito.
Isang lalaki ang napansin kong kasabay kong naglalakad. Inakbayan ko siya. Tumingin siya sa akin, blurred ang mukha niya. Nginitian ko siya, gumanti siya. Para kaming naglalakad sa isang paraiso. I feel an unexplainable bliss. Parang totoo ang lahat.
Isang ingay ang narinig ko. Dinilat ko ang aking mga mata, madilim ang kwarto ko. Wala pang araw. Patuloy ang ingay na umaalingawngaw sa kwarto ko. I realized na alarm ito ng iPhone ko. Inabot ko ito at pinatay. Inhale, exhale. Naalala ko ang panaginip ko. Napangiti ako. Ewan ko kung bakit ang gaan ng pakiramdam ko.
Naalala ko ang nabasa ko noon, panahon ng spring ang pagbloom ng cherry blossoms, and Spring is a symbol of hope and new beginning. Maybe this is a good sign. Kung sa bagay, patapos na ang winter dito sa Japan at papasok na ang spring.
Tiningnan ko ang cellphone ko, I saw the date today. Ito yung araw na umalis ka Ray pauwing pinas, one year ago, nawasak ako noon. Ngayon I will change this day, ito ang araw ng pagbabago. It’s going to be a great day. Ito ang meeting day ko with Mr. Kyou.
Tumayo ako, nag-inat. Hinubad ko ang lahat ng suot ko at dumiretsong CR para maligo.

***

ROME:
“Pare, after ng meeting mo magkita tayo, may sasabihin ako.” chat ni Jess sa messenger.
“Sige pag bakante ako.”
“Okay. Ganbatte!” pag-goodluck niya sa akin sa meeting with Mr. Kyou.
Sinuksok ko ang iPhone sa bulsa ko. Umupo ng diretso sa kulay cream na sofa. Inhale, exhale. Ilang saglit na lang ay papasok na si Mr. Kyou sa katabi kong pinto. Inikot ko ang mata ko sa meeting room. May mahabang makintab na lamesa at mga upuang itim na gawa sa leather. May walong bonsai na nakatanim sa rectangle na paso na nakalagay sa iba’t-ibang sulok ng kwarto. May mga maliliwanag na LED lights ding nakakabit sa ceiling at nakatago sa corner. Napaka-professional ng dating.
Ilang saglit pa’y bumukas ang pinto. Linuwa nito ang isang lalaking nasa 50’s, naka-coat and tie itong itim, nakita ko na siya sa picture, siya si Mr. Kyou. Tindig pa lang, napaka-powerful na. Bagay na bagay sa malaking pangalan na mayroon siya.

RAY:
Tumatakbo ako. Ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso ko. Of all days na sasakit ang ulo ko ay ngayong araw pa. Hindi ako agad nakabangon at nahirapang makapag-ayos. Narating ko ang pinto. Pinihit ko ang rectangle-shaped na doorknob at tinulak ito. Pumasok ako at agad kong sinara ang pinto.
Pagkasara ng pinto ay tinaas ko ang ulo ko. Natigilan ako sa aking nakita. Hindi ako makakibo. Nanigas ang buong katawan ko. Gumapang sa katawan ko ang kilabot na hindi ko mapaliwanag, inis ba ito o galit? Ewan ko. Nagtama ang aming mga mata. Bakas sa mata niya ang pagkagulat. Inalis ko ang tingin dito at inikot sa kabuuan niya. Siya ba talaga ito? Linilinlang ba ako ng aking paningin? Hindi ako makahinga. Hindi ko alam gagawin ko. Anong ginagawa niya rito!?
“Anata wa osoi.” Matigas at seryosong tono ng boses ni Chichi na gumising sa pagkatuliro ko sa lalaking kaharap niya. Ang ibig sabihin nito sa Japanese ay “You’re late!”
Tumingin ako sa kay Chichi. Bakas ang galit sa mga mata niya, sigurado akong ito’y dahil na-late ako ng ilang segundo. Kilala ko siya, tatay-tatayan ko ito eh. Ayaw niya ng nale-late, never akong na-late, ngayon lang!
“Sumimasen. Atama ga itai desu.” Sabay bow, humingi ako ng paumanhin at sinabi kong masakit ang ulo ko. “Nahirapan po akong bumangon at mag-ayos.” Dugtong ko, nawala na ako sa wisyo at tagalog ang nasabi ko, buti na lang at nakakaintindi ng tagalog at english si Chichi.
He gave a deep sigh. “Daijoubu.” Sabi niya, na ang ibig sabihin ay “Alright”, naging kalmado ang tono ng kanyang boses. Alam niya kasing inaatake ako ng matinding migraine minsan.
Muli akong napatingin sa lalaking kasama niya. Parang lalong sumakit ang ulo ko sa nakikita ko. Hindi ko alam ang gagawin ko! Putangina talaga anong ginagawa niya rito!?
“Rome San, kochira wa Ray Remigio desu.” Pinakilala ako ni Chichi kay stranger. Nagtama ang aming mga mata. Bumilis ang tibok ng puso ko. Ano itong nararamdaman ko ngayon? Oo nabubwisit ako sa kanya, sariwa pa sa memorya ko ang lahat ng sakit na ginawa niya sa akin. Pero ano ito? Hindi ko mawari ang nararamdaman ko.
“Hajimemashite. Rome Parrilla desu. Douzo yoroshiku onegaishimasu.” Pagpapakilala niya na parang isang totoong stranger na ngayon ko lang nakilala. Napansin kong inabot niya ang kamay niya. Napangisi ako. Sa Japan kasi ay dapat nagba-bow at hindi inaabot ang kamay pag nakikipagkilala.
Nanginginig ako. Inhale, exhale. Business ito, kailangan professional ako. Walang personalan.
“Ray Remigio desu.” Nabulol ako sa sarili kong pangalan. Tangina napahiya ako! Napalunok ako ng laway. Mabilis akong nag-bow. “Douzo yoroshiku onegaishimasu.”
Tumayo ako ng diretso. Binaba ni Rome ang kamay niya, bakas sa mukha niya ang hiya. Siguro ay narealize niyang mali ang ginawa niya. Ngumisi ako.
“We’re even. Hehe.” Isip-isip ko na may pang-iinis.
“Let’s start the presentation.” Sabi ni Chichi.
Dumiretso si Rome sa harap katabi ng white screen. Umupo ako sa pinakamalapit na upuan, lumilipad pa rin ang isip ko.
“Ray, watashi no isu.” Sabi ni Chichi na ang ibig sabihin ay “upuan ko iyan.”
“Sorry!” Sabi ko at mabilis akong tumayo. Mabilis kong hinakbang ang paa ko, sumabit ito sa paa ng long table. Mabilis ang sumunod na nangyari, nakita ko ang black leather chair sa aking harap, tatama sana ang mukha ko rito pero buti na lang at mabilis kong naitukod ang kamay ko rito.
“Ray!” si Rome sabay lapit at alalay sa akin. “Okay ka lang?” bakas sa boses niya ang pag-aalala.
Tumingala ako. Nagtama ang aming mga mata. After one year, muli kong nakita ang napakagandang niyang mata. Pakiramdam ko’y nakuryente ang aking katawan, hindi ako makagalaw. Ramdam ko ang biglang bilis ng tibok ng puso ko. Naging irregular ang aking paghinga. Para akong nalulusaw. Naalala ko noong unang beses na nagtagpo ang aming mga mata. Ganitong-ganito, walang nagbago.
“Ehem. Shall we begin?” boses ni Chichi na gumising sa tuliro kong sarili.
“Yes.” Si Rome. Inalis niya ang tingin sa akin at bumalik sa harap. Agad naman akong umupo sa tabi ni Chichi.
“Daijoubu?” tanong ni Chichi kung okay lang ako.
“Hai.” Sagot ko na ang ibig sabihin ay “Yes”. It’s a lie, kasi hindi naman talaga ako okay. Hindi ako handang makita si stranger, at hindi ko alam kung magiging handa pa ako.
“I’m sorry... Hindi pwede ito.” Umecho sa utak ko ang katagang iyon mula sa kanya. Napakalinaw. Parang kahapon lang ang lahat. Bumigat ang dibdib ko. Muli ko na naman naramdaman ang galit.“Ray, lalaki ako. Hindi kita kayang mahalin bilang isang kasintahan. I’m sorry.” Sunod kong naalala na sinabi niya rin. Tangina niya talaga! Paasa!
Isang malakas na bagsak at ingay ang gumising sa lumilipad kong utak. Napansin kong nakatingin si Rome at si Chichi sa akin. Na-realize ko na bumagsak ang kamay ko sa long-table gawa ng inis. Nakakahiya. Tsk!
“Sorry... Please continue.” Pautal-utal kong sabi.
Nagbitaw siya ng isang matamis na ngiti, naalala ko ang ngiti niya sa akin noong magkasama kami sa Tokyo. It’s the same smile, walang nagbago. Ang ngiti niyang ito ang nagdudulot ng matinding kilig sa buo kong katawan. Napangiti rin ako. Biglang gumaan ang pakiramdam ko.
Patuloy siyang nagsasalita, wala akong naiintindihan sa sinasabi niya dahil lumilipad ang utak ko. Ang alam ko lang ay napaka-confident at napaka-strong ng dating niya sa akin ngayon. Lalaking-lalaki. Dagdag pa na naka-formal attire si gago.
Napansin ko na lang na abot-tenga ang ngiti ko. Natauhan ako nang mapansin kong nakatingin na pala siya sa akin at nakangiti. Putangina kinikilig ako! Nanginginig ako. Nanlalamig. Para akong naiihi at natatae, ano ba ito! Paulit-ulit na imahe niyang nakangiti ang aking naiisip. Naalala ko rin ang buhay na buhay niyang mata habang nakatingin sa akin. Shit! Nakakapanlambot. Isang taon na pero bakit ganito pa rin ang nararamdaman ko?
Ngayon ko lang siya nakitang ganito at ngayon ko lang naramdaman na ganito ka-intense ang nararamdaman ko sa kanya. Ewan ko ba, maybe because hindi ko pa talaga siya kilala, he's still a stranger, kahit nakasama ko na siya noon. At ngayon ay nabigyan ng pagkakataon na masmakilala ko siya. Para siyang iceburg na tuktok niya lang ang nakita ng mga mata ko, there's so much more to him. Napaka-mysterious, nakakamangha, nakakainlo... Ah... Nakakaintriga! Tama nakakaintriga. Hehehe. Ano bang nangyayari sa akin? Tsk.
Nasa ganoon akong kalutangan nang marinig ko ang salitang “Trust” mula sa kanyang bibig. Hindi ko naintindihan ang sinasabi niya pero natigilan ako sa salitang iyon. Mula sa pagkaka-slouche ay dumiretso ang pagkakaupo ko. Parang nag-init ang tenga ko sa narinig, muli kong naalala ang mga kasalanan niya sa akin. Ang lakas ng loob niyang sabihin ang salitang iyon gayong napakalaking kasalanan ang nagawa niya sa akin.
“Trust? Okay let’s talk about that. So tell me Rome, how can we trust you?” biglang kong sabi, medyo matigas ang tono ng boses ko.
Natigilan siya, natigilan din ako. Nagtama ang aming mga mata. Napansin kong tumingin sa akin si Chichi. Naku po! Ano bang sinabi ko? Why am I so transparent? Na-address ko rin siya sa first name niya. Shit naman Ray!
“I mean, why should we trust your company?” pagbawi kong medyo nabulol pa ng kaunti.
Kinain kami ng katahimikan.
“Ray, he already mentioned it kanina. And besides, you of all people should know that.” Sabi ni Chichi. Tumingin ako sa kanya. He signaled me to look at the presentation, sinunod ko siya. Parang akong binuhusan ng malamig na tubig sa nabasa ko. Ang company na rinerepresent pala ni Rome ay ang company na inapplyan ko three years ago, iyon ang kumpanyang tumulong sa akin na makapasok at makapagtrabaho ako dito sa Japan.
My jaw dropped literally. Nanigas ako sa kinauupuan ko. Kinain ako ng hiya, parang gusto kong maglaho nang parang bula. Hindi ko alam ang gagawin ko. Grabeng katangahan ang nagawa ko ngayong araw.
“I’m sorry. Please continue the presentation.” Bakas sa boses ko ang matinding hiya. Tumango si Rome. “Shachou, sumimasen, dete mo ii desu ka?” nagpaalam ako kay Chichi lumabas. Tumango siya.
Agad akong tumayo. Nagmamadali kong tinumbok ang pinto at lumabas ng meeting room. Naglakad ako, napansin ko na lang na nasa CR na ako.
Tinukod ko ang dalawang kamay ko sa pintong kulay itim. Pumikit ako. Nahihirapan akong huminga. Inhale, exhale. Lalong tumindi ang migraine ko sa mga nangyari. Dumiretso ako sa puting lababo at naghilamos. Tiningnan ko ang itsura ko sa salamin. Maputi at maliwanag ang ilaw sa gilid ng salamin kaya kitang-kita ko ang mukha ko. Namumutla ako. Muli kong naalala ang kahihiyan na nangyari kanina.
“Tanginaaaaaa!” sigaw ko. Wala akong pakielam kung marinig ako sa labas. Wala namang makakaintindi sa sinabi ko.
Nagbitiw ako ng isang malalim na hinga. I think I need to rest. This is too much. Kinuha ko sa bulsa ang cellphone kong Galaxy Prime, tinext ko si Chichi.
“I’m not feeling well. I’m sorry. Babawi po ako next time. Promise.”

***

RAY:
“Shachou, kore wa repooto desu.” Sabay patong ng black folder na hinihingi niya sa akin. It’s getting late, pero urgent kasi at kailangan na niya ang mga report na ito ngayon. Kaya kahit masama ang pakiramdam ay pinrint ko ito at tinakbo rito sa opisina niya. Shachou ang tawag ko kay Chichi kapag nasa trabaho. Ang ibig sabihin ng Shachou ay chairman.
Kinuha niya ito at binuklat.
“O genki desu ka?” tinatanong niya kung kamusta ako.
“Genki desu.” Sabi ko ay okay lang ako.
“What can you say about Mr. Parrilla’s presentation?” bigla niyang pag-divert sa english language. Ganito kami ni Chichi, kailangan kasing ma-practice namin ang mga alam naming lenguwahe para hindi namin ito makalimutan lalo na’t marami siyang negosyo sa iba’t-ibang parte ng mundo.
Literal akong nasamid, para kong nalunok ang dila ko. Nanigas ako sa kinatatayuan ko. Hindi ko inexpect na tatanungin niya ako tungkol sa presentation ni Rome.
“Ah... eh... M-maganda naman.” Nabubulol kong sabi.
“Ang alin?”
“Presentation.” Medyo dumiretso ang pagsasalita ko.
“Hmmm... Halata ngang nagandahan ka eh, ngiting-ngiti ka kanina. Ngayon na lang kita ulit nakitang ngumiti ng ganyan.” Diretsong sabi ni Chichi habang tinitingnan ang report na nasa kamay niya.
Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. Kilala ko si Chichi, something is wrong. Hindi kaya nahalata niya ako? Naku po, tsk.
“Ah eh... Ewan ko, hindi ko rin gaano na-gets. Masama talaga pakiramdam ko." Biglang bawi ko. Hala! Ano bang nangyayari sa akin?
"But you like it?” mabilis na tanong niya.
“Yes.” Mabilis kong sagot.
“Na-amaze ka?" mabilis niya ulit na tanong.
"Hai." Mabilis kong sagot na ang ibig sabihin ay “yes”.
“Kanino?”
“Sa kanya.” Sabi ko. Napatakip ako ng bibig. Putragis saan nanggaling iyon!? “Eh... Shachou sa presentation ako na-amaze, bakit naman magiging kanino ang question word niyo? ‘Di po ba dapat saang parte ng presentation o sa presentation? Masakit na rin po ba ulo niyo? Hehe.” Biro ko. Napansin kong medyo nagwe-wave ang katawan ko dahil sa sobrang tense na nararamdaman ko.
“Then why did you answer?”
“Eh... mali nga po. Sorry, I’m not feeling well.”
“I see.” Bahagyang napangiti si Chichi. Patay na. “Samahan mo ako bukas sa lunch anak.” Biglang nagbago ang tono ng boses niya, parang nasa bahay na lang kami.
“Okay po. Otousan, una na po ako. I need to rest na po sumasakit na naman ulo ko.”
“Okay.”
“Good night!” Mabilis kong tinumbok ang pinto at lumabas, tumakbo ako papuntang elevator. I need to get to my room. I need to rest, this day is too much.

***

ROME:
“I like your proposal. That’s the reason why I want to meet you personally. And now, looking at your plan and presentation, I would say that I’m impressed. The thing is, someone is offering me the same kind of partnership. Both are manpower business. So I guess we’ll meet more often? Then let’s see what happens next.” Iyan ang sabi ni Mr. Kyou after ng presentation ko. Chinat ko ito kay Papa.
“Kailan mo raw ma-memeet ulit si Mr. Kyou?”
“Tomorrow.”
“Anak, hindi enough na business lang ang inaaral mo, kailangan aralin mo rin ang kultura at lengwahe nila. Bakit kaya hindi mo ituloy ang nihongo na naumpisahan mo noong umuwi ka galing Tokyo?”
Napaisip ako sa sinabi ni Papa. Pagkauwi ko kasi noon one year ago ay nag-aral ako ng basic nihongo language, isa sa inspirasyon ko ay ikaw Ray.
“Sige po. I’ll find time to do it.”
“Kailangan iyan anak, kasi ikaw ang nanliligaw kay Mr. Kyou, malaking pangalan siya sa Japan at sa iba’t-ibang parte ng mundo. Dati ko pa inattempt na makakuha ng meeting sa kanya, pero hindi ko magawa, ikaw lang nakagawa niyan anak. Kahit naman ako noong makita ang project mo ay namangha rin ako sa ganda ng plano.”
Napangiti ako. Totoo lang, noong narinig ko na may isa pang tao na kino-consider si Mr. Kyou ay medyo nanlambot ako. Bago lang ako sa bagay na ito, I have zero experience, pero hindi ko maikakailang nandito ang motivation ko.
Nasa ganoon akong pag-iisip nang maalala kita Ray. Naalala ko rin ang sinabi ni Mr. Kyou kanina sa kanya na dapat alam mo na trustworthy ang company namin.
“Pa, can you send me all the profiles of people na nag-apply sa atin at nakapasok sa Japan? Lalong-lalo na yung mga taong nagtrabaho sa mga business ni Mr. Kyou.”
“Sige anak. Isesend ko mamaya bago matulog. O siya, balitaan mo ako agad ah. Good night!”
“Good night!” reply ko sabay patay ng messenger. Linapag ko ang iPhone ko sa end-table katabi ng puting kama ko.

***

ROME
Alas dose na ng madaling araw, hindi pa rin ako dinadalaw ng antok. Nakatatak sa kadiliman ang mukha mo.
You didn’t expect to see me, I know. Halatang-halata ang pagpapanic mo kanina. Kung sa bagay, halos isang taon mo rin akong iniwasan eh. Pinuntahan kita sa workplace, business, and kahit sa bahay mo. Alam ko nandoon ka, pero hindi ka lumabas. Hindi naman kita masisi kasi alam kong nasaktan kita.
Umayos ako ng higa, nakikita pa rin kita. Nagbitiw ako ng isang malalim na hinga. Napangiti ako.

RAY
It’s midnight. Hindi pa rin ako makatulog. Madilim man ay nakikita ko ang mukha niya.
I didn’t expect to see him. Alam kong naging obvious ako sa mga kinilos ko kanina, pero wala na akong pakielam.
Sa loob ng isang taon, maraming pagkakataon na muntik na kaming magkita. Nakarating sa akin na tinanong niya mga kaibigan ko na schoolmates namin noon kung saan ako nagtatrabaho, saan bahay ko, at kung anu-ano pa. It came to a point na nasa labas siya ng office ko, bahay ko, and even sa isang establishment na pagmamay-ari ko. Pinagtaguan ko siya dahil ayoko siyang makita. Hindi ko na mabilang kung ilang beses nangyari iyon, wala rin akong balak bilangin kasi gusto ko siyang kalimutan at lahat ng mayroon kami. Masyadong masakit sa akin ang mga nangyari.
Umayos ako ng higa. Hindi ka mawala sa isip ko. I gave a deep sigh. Napansin ko na lang na nakangiti ako. Hala!

ROME:
Ramdam ng katawan ko ang lamig ng kwarto. Ganito rin siguro kalamig ang nararamdaman mo ngayon sa akin. Sa totoo lang, I want to say sorry. I want to ask for another chance para sa ating dalawa. But things are different now, kailangan ako ng pamilya ko.

RAY:
Tumutusok sa balat ko ang lamig na umiikot sa kwarto ko. Kasing lamig ng pinapakita ko sa kanya.
Totoo lang, sinasabi ng puso ko na kausapin ko siya. Pero linabanan ko ito. Sinasabi ng puso ko na bigyan siya ng isang pagkakataon. Pero hindi pwede. Sorry but not sorry. Things are different now, kailangan ko namang mahalin ang sarili ko.

ROME:
Naalala ko ang mga nangyari sa atin kanina. Para kang tanga kanina. Pero ang cute mo pala pag ganoon itsura mo, iyon bang hindi mapakali at natataranta. Hindi ko napigilang ngumiti. Pinuwesto ko ang dalawa kong kamay sa likod ng aking ulo.
Pumikit ako. Naalala ko ang matamis mong ngiti habang ako’y nagpe-present, lalo tuloy akong ginanahan. Gusto kong magpaimpress hindi lang kay Mr. Kyou, kundi pati sa iyo. Naalala ko noong linapitan kita at tinanong kung okay ka lang. That time, I find you very attractive.

RAY:
Muli kong naalala ang nangyari kanina. Ano ba itong araw na ito! Hindi ko mabilang ang mga kahihiyan na nagawa ko! Tsk!
Pinakatumatak sa akin ay ang tungkol sa salitang trust. Hindi ko kasi napansin na ang kumpanyang rinerepresent ni Rome ay siya ring kumpanya na tumulong sa akin makapasok sa Japan. Ganoon ako ka-lutang at ka-sabog kanina, punyemas naman kasi hindi ko ineexpect na siya ang ka-meeting ni Chichi.
“Tanga mo Ray!” sigaw ko sabay paling pakaliwa.
Pumikit ako. Naalala ko ang ngiti niya sa akin. Naalala ko rin noong lumapit siya sa akin at tinanong kung okay lang ako. Noong oras na iyon, napaka-lakas ng dating niya akin.

ROME:
You’re a guy. I know. But I find you very attractive. Weird man pero ang tingin ko sa iyo ay parang isang babae na gusto kong ligawan. Hindi dahil cute ka, attractive ka, o gusto kita. Pero kasi mahal talaga kita. Napakaganda mo sa paningin ko.

RAY:
Noon sinabi kong hindi siya gwapo. Pero ang lakas ng dating niya. I think it’s a lie, kasi ang gwapo pala talaga niya. Napakaganda ng mata. Nakakapanlambot. Nakakapanghina. Putragis puro siya ang nakikita ko!

ROME:
Yinakap ko ang unan sa tabi ko, inisip kong ikaw ito. Napangiti ako. Hinalikan ko ito, thinking that you’re the one that I’m kissing.
Hindi naman siguro masamang aminin ko ang totoo. Binulong ko ang katotohanan mula sa puso ko.
“I love you Ray.”

RAY:
Bakit ganito nararamdaman ko?
Yinakap ko ang unan na hinihigan ng ulo ko. Naisip ko siya. Napangiti ako. Inisip ko na lang na nakahiga ako sa dibdib mo kagaya noong natulog tayo ng magkatabi noon.
Kahit ngayon lang magpapakatotoo ako. Binulong ko ang laman ng puso ko.
“I love you Rome.”

ITUTULOY



25 comments:

  1. Thanks for reading in advance!
    This weekend ang Chapter 4. I hope nagustuhan niyo ang muling pagkikita ni Rome at Ray. ^_^

    ReplyDelete
    Replies
    1. This comment has been removed by the author.

      Delete
    2. Comments and suggestions are welcome! Maraming salamat po! :-)

      Delete
  2. Replies
    1. Next week pa 'yan. Chapter 4 muna. Thanks for reading.

      Delete
  3. Silent reader ako. Pero hindi ko napigilan mag-iwan ng comment dahil napakaganda ng chapter. I like how the author write Ray when he saw Rome again. But what I like the most is the kwarto scene. Iba ang pagkakasulat nito kumpara sa mga nabasa ko dati. Simple story but extraordinary execution.

    Looking forward to the next chapter. Kudos whitepal!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Thanks for reading! Comment ka lang po ng comment kasi pwedeng makatulong iyan para maimprove ko ang pagsusulat ko. Lalo na irerelease ko ito sa eBook sa BUQO. :-D

      Delete
  4. Silent reader ako. Pero hindi ko napigilan mag-iwan ng comment dahil napakaganda ng chapter. I like how the author write Ray when he saw Rome again. But what I like the most is the kwarto scene. Iba ang pagkakasulat nito kumpara sa mga nabasa ko dati. Simple story but extraordinary execution.

    Looking forward to the next chapter. Kudos whitepal!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Thanks for reading! Comment ka lang po ng comment kasi pwedeng makatulong iyan para maimprove ko ang pagsusulat ko. Lalo na irerelease ko ito sa eBook sa BUQO. :-D

      Delete
  5. I will probably like this more than the First one.. Nice story.. Hopefully, the ending will be nice too.. No more sad endings please.. Very good narrative and concept!.. Keep up the good work author..

    ReplyDelete
    Replies
    1. Thanks sa compliment. Masaya akong nagustuhan mo.
      Thanks for reading! :-)

      Delete
  6. Killig pa more ♥♥♥♥

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ako rin kinilig nung sinusulat ko 'yan. Hahaha! <3
      Thanks for reading. Take care. ^_^

      Delete
  7. Wow as in wow, npkalaki ng imorovement from the 1st book, ang galing ng sequence and humaba na din sya, i appreciate you trying to listen to your readers suggestions and feedback and apply them in your work, that is a sign that you are a good author, keep it up.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Salamat. Masmaganda rin sana kung bawat chapters may mga feedbacks and suggestion kung papaano maiimprove ang pagsusulat ko. (except the plot kasi naka-set na ang ending eh)
      Thanks for reading. ^_^

      Delete
  8. 4-5 years mo na akong reader since "Love Me Like I Am" days. And I would say that you showed a lot of growth and improvement in your craft. You're not perfect, all your reader knows that but the strength that you showed in this chapter is amazing. Iba ka sa ibang writer Gab, you know how to play with your characters and your characters is cooperating with you that's why the output of your story is great. That is rare talent! At first, I'm thinking kung ano ang specialty mo as a writer and I think this is it. Your characters is your strength.

    I love the scene where they first met after one year, and of course I love how you execute the last scene, it's my favorite in the whole story kahit hindi sila magkasama kasi kahit magkalayo sila ramdam mo yung connection nila.

    The story is good as it is, but if you will ask me the points of improvement, I think it’s the details and ambiance of the place. The good thing is, hindi na ito halata kasi napakaganda ng pagkakalahad ng thoughts ni Rome at Ray. Besides I'm not the kind of reader who's after these things. Mas gusto kong mabasa ang tungkol sa story at characters.

    - Zefyr

    ReplyDelete
    Replies
    1. Thanks Zefyr. :-)
      Actually agree ako 'dun sa kailangan kong iimprove. Medyo mahirap sa akin ang bagay na iyan or in technical terms eh "imagery" kasi bilang mambabasa ng mga nakakahiligan kong libro, I use my imagination sa mga ibang bagay na hindi nakalagay sa libro. So pag writer mode on na ako, it's hard for me to put all the details or do over detailing, ayokong ibigay sa inyo lahat kasi gusto ko makita niyo rin sa sarili niyong point of view. Hehehe. Anyway, I'll try to improve it pa rin naman, tingnan ko kung ano magagawa ko. Hehe.
      Salamat uli!

      Delete
  9. Rome Parilla ahahah!
    nice one!!!! :)
    nakakamiss! :)
    -ar

    ReplyDelete
    Replies
    1. Thanks for reading Ar.
      Ano pong meron? What's with the name? Hehe. Actually May / June ko pa naisip ang mga pangalan ni Rome at Ray and I'm thinking to change their surname's din kasi matagal pa ang Book2, but during that time wala talaga ako maisip na iba. Pangit po ba? (Please be honest maaapprecite ko 'yun)
      I want to hear your opinion and your side po, medyo naintriga ako sa comment mo. Hehehe. Ano rin yung sinabi mong nakakamiss? Ang alin po?
      Hope magreply po kayo, :-)

      Delete
  10. Grabe ang pagkikita ng dalawa kaso my malaking hadlang sa kanilng dalawa sana matunaw ito ng pagmamahalan nila

    JharZ

    ReplyDelete
    Replies
    1. Thanks for reading!
      I'll try to update tonight. Kakauwi ko lang po eh. Have a great day! ^_^

      Delete
  11. ang ganda ng execution ng conversation...
    no dull moments and i find it very realistic...
    kakilig and i love it!
    kudos to whitepal and im luking forward for an update...

    super thanks for mking me believe in forever...
    i TRUST you...

    #LSDee

    ReplyDelete
    Replies
    1. Thanks for reading and sa feedback LSDee!
      Totoo niyan talagang ingat na ingat ako sa chapter na ito at nagspend ako ng masmahabang oras para rito. Isa po kasi ito sa highlights ng story eh since ito yung official na unang pagkikita nila ulit.
      Mamaya na po ang Chapter 4. :-)

      Delete
  12. Bakit b nung isang arw ko lng sinimulan basahin to,. Pero ok lng dn kasi dire-diretso ko mababasa yung mga updates, haha

    Nagconment na ko Sir White_Pal kasi nakakatuwa tong chapter na'to. Nakaktuwa ung reactions ni Ray, pati rn yung k Chichi na parang my alam sya tungkol kina Rome at Ray, haha.

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails