Followers

Thursday, March 31, 2016

Enchanted (Book 2): Child of the Light -- Chapter 22 - 26


Nasa Chapter 54 na tayo sa Wattpad. Hanapin niyo ako doon. Ang username ko ay PeterJDC. Follow niyo ako doon para updated kayo lagi. Nasa profile ko ang mga stories, kasama ang Child of the Light. Hihintayin ko kayo doon. 






















Chapter 22

Mag-isang umuwi si Cindy. Bumuntong-hininga ito habang inaalala ang alitan nila ng nobyo. Naging mas abala kasi ito dahil sa mga dagdag na gawaing iniatas sa kanya ni Mr. Imperial, bagay na hindi naunawaan ni Bryan. Hindi niya mahindian ang matandang lumpo. Masama na ang lagay ng kompanya. Iilan sa mga empleyado ay nagresign na rin dahil sa mga problema. Si Miss Sandy naman ay palaging wala. May mga linggong hindi ito nagrereport.

Nasa gitna ng malalim na pag-iisip si Cindy nang makaramdam ito ng mahinang pagyanig ng lupa. Agad itong napakapit sa malapit na puno. Tumigil din sa pagyanig ang lupa. Nagpatuloy siya sa paglalakad hanggang may mapansin siyang dalawang lalaking sumusunod sa kanya. Nilingon niya ang mga ito. Binilisan niya ang paglalakad. Ngunit maya-maya pa ay nasa gilid na niya ang mga ito.
“Sino kayo?” Magkabilang nilingon ni Cindy ang mga ito. “Ano’ng kailangan ninyo?”

“Sorry, miss ganda, napag-utusan lang,” saad ng lalaking nasa kaliwa.

“Wag kang papalag kundi bubutasan ko ang tagiliran mo,” saad ng nasa kanan.

Kinakabahan si Cindy. “Sino nag-utos sa inyo?”

“Tumahimik ka!” pagaralgal na bulalas ng isang lalaki.

Maya-maya pa ay may pumaradang van. Hinila ng dalawang lalaki si Cindy papasok.

Nagpumiglas si Cindy. “Bitiwan niyo ako!” Hinila niya ang mga kamay na hawak ng dalawang lalaki sa magkabilang gilid. Nang ipapasok na siya ng mga ito ay inapak niya ang mga paa sa apakan ng sasakyan at nagpumiglas.

Sinuntok ng isang lalaki si Cindy sa sikmura at nawalan ito ng malay dahil sa sobrang sakit.


Nagising si Cindy sa maliit na kama sa isang bodega. Nagkalat ang mga karton at sirang mwebles sa sulok ng amoy usok at amag na silid na naiilawan ng iisang bombilyang nagbigay ng mapusyaw na maladilaw na liwanag dito. Maliban sa sikmura ay wala namang sumasakit sa kanya. Natatakot ang dalaga. Sa pakiwari niya ay hindi naman siya namolestiya. Tumayo siya mula sa kama, ngunit lumapit ang isa sa tatlong lalaking nakabantay sa kanya.

“Gising na pala si miss byutipul,” saad ng lalaking mukhang manyak kay Cindy. Lumapit ito sa kanya.

Naramdaman ni Cindy ang kamay ng lalaki sa kanyang pisngi. Nanginginig siya sa takot. “Ano’ng gagawin ninyo sa akin?” Nanginginig ang mga labi ng dalaga.

“Wag ka mag-alala. Hindi kita sasaktan. Paliligayahin lang kita,” saad ng lalaki habang ngumunguya ng bubble gum. Nilapit nito ang mukha sa leeg ni Cindy. “Ang bango mo. Nakakalibog. Tinitigasan ako sa’yo.” Ngumisi ito.


Chapter 23


“Umalis ka sa harapan ko!” Tinulak ni Cindy ang mukha ng lalaki.

“Magugustuhan mo rin ‘to.” Lumapit muli ang lalaki.

Umatras si Cindy at umiling.

“Nanding, parating na si boss!” bulalas ng kasama nila.

“Mabilis lang ‘to. Pagbigyan niyo na ako. Minsan lang tayo makatikim ng ganito.” Hinaplos ng lalaki ang braso ni Cindy.

“Lumayo kang manyak ka!” sigaw ni Cindy.

“Ano’ng sabi mo?” Hinila ng lalaki ang buhok ni Cindy at tinulak ito sa kama. Agad na niluwagan nito ang kanyang sinturon at binaba ang kanyang pantalon.

Tumambad kay Cindy ang matigas na ari ng lalaki. Hilakbot ang nadarama ng dalaga. Nanlaki ang kanyang mga mata, nakaangat ang mga palad paharap sa kalapastanganang iyon. “Wag, please wag! Ibibigay ko lahat ng pera ko sa inyo.” Tiningnan niya ang dalawang lalaki ngunit nakangisi lang ang mga ito. Naiiyak na ang babae.

“Sige, Nanding. Pagkatapos mo kami naman. Bilisan mo bago dumating si boss!” bulalas ng isa sa kanila.

“Maawa naman kayo...” Mangiyak-ngiyak si Cindy habang nakita niyang papalapit ang lalaking nakababa ang pantalon at pilit siyang hinalikan habang pinapasok nito ang isang kamay sa loob ng kanyang suot. Naramdaman niyang nilalamas ng lalaki ang kanyang suso. Umiiyak si Cindy. “Wag please, tama na...” Ngunit pinatungan siya ng lalaki at hindi na siya nakagalaw. Naramdaman niya na lang na tinataas ng lalaki ang laylayan ng suot niyang palda at binababa ang kanyang panty. Ramdam niya ang pagtama ng matigas na ari ng lalaki sa kanyang hita malapit sa kanyang pagkababae.

“Ang lamig mo naman, miss byutipul. Pero paiinitin kita.” Ngumisi lang ito na tila hayok na hayok. “Tagal ko na di nakakatikim ng ng katulad mo.”

Nagpupumiglas si Cindy. Gamit ang anumang lakas na natitira sa kanyang katawan ay hinawakan niya ang lalaki sa magkabilang braso upang itulak ito. Nakita niya ang malademonyo nitong mukha na nakangisi sa kanya. Alam niyang anumang segundo ay mapapasok na siya ng demonyong ito.

“Ano’ng ginagawa mo!” sigaw ng lalaki sa kanya.

Nakita ni Cindy bigla itong napangiwi.

“Aaaarrggg!” Biglang kumalas ang lalaki mula kay Cindy at hinawakan nito ang magkabilang brasong kanina lang ay hawak ni Cindy.

“Hoy, Nanding, napa’no ka?” tanong ng isang lalaking nakangisi.

Nang tanggalin ni Nanding ang mga kamay sa mga braso niya ay tumambad sa kanila ang maputing parte ng kangyang braso. Nang hinawakan ito ng isa sa kasamahan niya ay -- “Ang lamig. Parang yelo!” Tiningnan ng tatlong lalaki si Cindy na nanginginig pa rin sa takot at pagkatuliro.

“Hoy, miss, ano’ng ginawa mo dito?” tanong ng lalaking kasamahan nila.

Umiling lang si Cindy. “Wala akong ginagawa! Pakawalan niyo na ako!” Pawis na pawis ang mukha ng dalaga. Tinaas niyang muli ang kanyang salawal at inayos ng nagusot na suot.

“Pa’no ba yan, Nanding, ako na lang siguro mauuna dito.” Agad sinunggaban ng lalaki si Cindy.

“Get away from me! Mga hayop kayo!” Hinawakan ni Cindy ang mukha ng lalaki upang ilayo ito sa kanya ngunit nagulat siya ng biglang tumigas ang mukha nito. Nakita niyang napadilat ang lalaki sa pagkabigla hanggang sa balutin ng puting yelo ang mukha nito. Gumapang ang yelo sa buong katawan ng lalaking nakadilat at nakanganga. Dinig niya ang paglagiti ng balat ng lalaki habang tumitigas ang mga kalamnan nito.

Napadilat si Cindy. Kumunot ang kanyang noo. Hindi niya maintindihan ang nangyari. Ang sunod niyang nasaksihan ay umuusok sa lamig ang lalaking hinawakan. Hindi niya alam kung patay na ba ito. Pinisil niya ang mukhang hawak pa rin niya. Matigas na ito. Nang bitawan ito ni Cindy ay bumagsak ito sa semento at nabali ang kamay nito at nabasag ang ulo nito. Napaigtad ang babae at napahawak sa nakabukas na bibig at ngumiwi. Umiling na lang siya at napaatras, hindi maarok ang pangyayari. Napatay niya ang lalaki na hindi sinasadya.

Nagulantang ang dalawang lalaki sa nasaksihan.

“May sa demonyo pala itong babaeng ito eh.”

Gulat na gulat si Cindy sa nangyari. Tiningnan niya ang mga palad na umuusok sa lamig. Hindi niya maintindihan kung paanong... Naramdaman niyang hinawakan siya ng isa pang lalaki.

“Ano’ng ginawa mo!” sigaw ng lalaki. Ngunit paghawak nito sa kamay ni Cindy ay gumapang din ang yelo mula sa kamay nito patungo sa kanyang buong katawan.

Nakita ni Cindy kung paano sumigaw at napangiwi ang lalaki sa sakit habang dumadaloy ang yelo papunta sa kanyang leeg. Hanggang sa natahimik na ito at nagyelo na rin ang buong mukha. Nagulat si Cindy sa nangyari at agad na inalis ang matigas na kamay ng lalaking kanina ay nakahawak sa kanya. Gaya ng naunang lalaki ay bumagsak ito sa sahig at nabali ang mga nagyelong kamay nito.

Hindi niya maintindihan ang nararamdaman. Tama ba itong ginawa niya? Pero hindi niya ito sinasadya. Kusang dumaloy ang lamig mula sa kanya patungo sa mga salaring hayok sa laman. Hindi siya ang nag-umpisa nito. Hindi siya ang pwedeng sisihin. Sa kabilang banda hindi niya maintindihan kung paano, kung ano ang nangyayari sa kanya. Tiningnan niya ang mga palad. Umiiling siya. Hindi niya gusto ito. Sinulyapan niya ang dalawang basag na katawan sa sahig. Kinilabutan siya sa tanawin, tanawing nagpatindig ng kanyang balahibo. Napaatras siya habang sapo ang bibig. Hindi niya alam kung masusuka o mahihimatay. Napahawak siya sa dulo ng higaan habang napapaiyak.

Nataranta si Nanding. Sa taranta nito ay hindi pa nito naiangat ang pantalon. Hinanap nito ang kanyang baril.

Napansin ng babae ang naiiwang buhay na lalaki sa silid na iyon. Halata sa kilos ng lalaki ang pagkataranta. Alam niyang babarilin siya nito. Lumapit ito sa kanya, iniwasan ang mga nagyeyelong basag na katawan ng kasama sa sahig. Hawak nito ang baril sa isang kamay, ang isang kamay naman ay pilit tinataas ang pantalon nito.

“Bitiwan mo yan!” matigas na saad ni Cindy.

Nanginginig ang kamay ng lalaking nakahawak sa baril na nakatutok kay Cindy. “Anong klaseng halimaw ka?” Nanlilisik ang mga mata nito.

Naghalo ang ngitngit at taranta sa babaeng muntik nang magahasa. Tinitigan niya ito. Naalala niyang muntik na nitong maipasok ang ari niya sa kanya. Lumakas ang kabog sa kanyang dibdib. Hinawakan niya ang kamay ng lalaki. Nabitawan ng lalaki ang baril. “Manyak ka. Ito ang bagay sa iyo.” Binalot ni Cindy ang matigas pa ring ari ng mama sa kabilang kamay. Dinig niya ang pangingisay ng lalaki habang nagyeyelo ang ari nito. Pinutol ni Cindy ang nagyeyelong ari at pinakita ito sa lalaki. “Ito ba ang pinagmamalaki mo?” Hinulog ni Cindy ang bagay na iyon sa sahig at inapakan. Nabasag ang bagay na iyon. Nang ibalik niya ang titig kay Nanding, mangiyak-ngiyak ito at nanginginig.

“Hayop ka! Papatayin kita!” Sinunggaban ng lalaki si Cindy at agad na sinakal ito nang mahigpit.

Hindi makahinga si Cindy at tila mababali na ang mga buto niya sa leeg. Hinawakan niya ang mga bisig ni Nanding. Ilang saglit pa lang ay sumigaw ito at binitawan ang leeg ng dalaga. Hinabol ni Cindy ang kanyang paghinga. Nakita ni Cindy na nanlalaki ang mga matang tiningnan ni Nanding ang mga bisig. Naging kulay lila ang mga kamay nito, marahil bunga ng pagkakatigil ng suplay ng dugo papunta sa mga kamay niya.

“Ano’ng klaseng demonyo ka!” Nakadilat sa kanya ang napangiwing lalaki.

Dahil sa galit ay hindi na napigilan ni Cindy na hawakan ang mukha ni Nanding. “Mas demonyo ka!” Agad na nagyelo ang mukha nito at ang buo nitong katawan. “Kayo ang nag-umpisa nito!”

Nang makita ang mga nagyeyelong basag na katawan ng tatlong tao sa loob ng silid na iyon ay biglang nahimasmasan ang dalaga. Tiningnan niya ang kanyang mga palad. “Ano’ng nangyayari sa akin?” Napaiyak si Cindy sa kalituhan at takot. Lumabas ito ng bodega. Doon niya lamang napansin ang isang bahay sa di kalayuan na halos lamunin na ng punong acacia. Sa tingin niya ay walang tao iyon dahil walang nakasinding ilaw sa labas.

Ilang minuto ng naglalakad si Cindy sa hindi pamilyar na lugar na iyon na malayo sa lungsod nang makaramdam siya ng pagkahilo marahil sa gutom at pagod. Bumagsak ito sa lupa.


Chapter 24


“Ate Cindy!” Nakadilat si Errol sa babaeng nakahandusay. Hinawakan niya ang pisngi nitong maputla. Dumako ang tingin niya sa mga galos niya sa braso at hita. “Lo, kilala ko siya.”

Nakakunot ang noo ni Melchor habang tinitingnan ang babaeng nakahandusay. Dahan-dahang inangat ng matanda ang tingin sa kanyang apo. “Ang nakasaad sa alamat ng mga bato...”

Nakasimangot si Errol. “Ate Cindy!” Niyuyugyog niya ang braso nito. Kinuha niya ang kamay nito upang pulsuhan at pagkatapos ay tumingala sa kanyang lolo. “Nasa kanya ang isang hiyas? Pa’no nangyaring...” Binalik niya ang tingin sa maputlang dalaga. “Ang lamig ng kamay ni ate.”

“Maaaring tama ang nakasulat sa alamat.”

“Ano’ng ibig mong sabihin, lo?”

“Bilis, buhatin natin. Dalhin natin sa hospital.” Pinagtulungan ng dalawang buhatin ang babae at agad silang binalutan ng mga ilaw.

Nang idilat ni Errol ang mata ay nasa gilid sila ng isang hospital. “Lo, baka may makakita sa atin.”

“Hindi na mahalaga yan. Ang mahalaga mabigyan siya ng lunas.” Dinala nila si Cindy sa emergency room.

“Kaanu-ano niyo ang pasyente?” tanong ng nurse na tumanggap sa kanila.

“Natagpuan lang namin siya,” mahinang sagot ni Melchor.

“Ah, ano, kasi...” Hinila na siya nang kanyang lolo.

“Sandali lang po...”

Nilisan nila ang hospital at nanatili sa labas.

“Hindi ba natin siya sasamahan?” tanong ni Errol na tinatanaw ang gusaling iyon habang may pinapasok na mga pasyenteng naka-stretcher.

“Kapag nagising siya, magtataka siya kung paano natin siya nakita.” Seryoso ang mukha ng matanda.

“Pero, pa’no si ate?”

“Magmamasid ako dito. Wag kang mag-alala.”

“Eh di dito na rin ako.”

“Umuwi ka na.” Pinatong ni Melchor ang kamay sa balikat ng apo. “Kailangan mo na magpahinga.”

“Di pa naman ako pagod.”

“Pero may trabaho ka pa bukas, apo. Sige na. Kaya na ito ng lolo.”

“Sigurado ka, lo?” Napakamot ng ulo si Errol. Nagdadalawang-isip kung susundin ang lolo niya o mananatili sa lugar na iyon. “Lo, kasi natatakot ako para kay ate.”

“Ako na ang bahala. Sige na.”

“Di ba di pa kayo kumakain? Dalhan ko na lang kayo dito ng pagkain para naman --” Naramdaman niyang hinawakan siya ng matanda at nakita niya na naman ang mga pamilyar na orbeng pumaikot sa kanila.

“Matigas talaga ang ulo mong bata ka. Kanino ka ba nagmana?”

“Eh di sa inyo.” Nanunuya ang tingin ni Errol na umirap lang nang makitang nasa tapat na siya ng kanyang tinutuluyan.

Bumuntong-hininga ang matanda. “Bueno...”

“Lo, kumain ka muna.” Hinila ni Errol ang kamay ng matanda, ngunit naglaho na rin ito. Napakamot na lang siya sa ulo. “Madaya talaga, o.”


Chapter 25


Nang idilat ni Cindy ang mga mata ay nasa isang hospital ito. Tinanong niya ang nurse na nag-aadjust ng kanyang IV fluid kung pa’no siya napunta doon.

“Hinatid kayo kanina ng isang matanda at isang lalaki.”

“Sino?”

“Hindi ko po natanong ang pangalan nila kasi biglang umalis.”

“I need to get out of here!”

“Ma’am, hindi pa pwede kasi oobserbahan ka pa.”


Mahigit isang linggong nagkulong si Cindy sa kanyang kwarto. Tuliro ito. Hindi niya maintindihan ang nangyayari sa kanya. Nakapatay siya ng tatlong tao. Ngunit ang iniisip niya ay masasamang tao naman ang napaslang niya. Hindi mawaglit sa isip niya ang mga pangyayari -- ang muntik niyang pagkakagahasa at ang kung anong kapangyarihan meron siya na hindi niya maintindihan.


Isang umaga laking hilakbot ni Cindy nang magising siya na nasa tapat ng kanyang kama ang isang matanda. “Sino ka! Ano’ng ginagawa mo dito?”

“Wag kang mag-alala. Hindi ako masamang tao,” saad nito sa namamaos nitong boses.

“Ako si Melchor. Ako ang tagaingat ng mga mahiwagang hiyas.”

“Pa’no ka nakapasok dito?” Nilapit ng babae ang mga binti sa kanyang katawan. Nanginginig siya sa kaba. Ngunit nakita niya lang na ngumiti ang matandang masangsang ang amoy at madungis.

“Hindi na importante iyon. Ang importante ay kung ano ka.”

“Ano? Hindi kita maintindihan. Umalis ka na kundi sisigaw ako!” Nagulantang si Cindy nang magliwanag ang katawan ng matanda at naglaho ito. Sinampal-sampal niya ang sarili. Nababaliw na ba siya? Biglang napaiyak ang babae. Natatakot siyang baka nasisiraan na siya ng bait.

Lumitaw muli ang matanda sa gilid ng kama niya. “Gusto mo bang malaman ang nangyayari sa iyo?”

Napaigtad muli ang dalaga. “Sino ka ba? Paano ka nakapasok dito?” Maluha-luha na siya.

Ginalaw ni Melchor ang mga palad sa harap ng dalaga tanda na huminahon siya. “Ako si Melchor. Hindi mo ako kilala --”

“Talagang hindi kita kilala! Kaya umalis ka na, kundi sisigaw ako.” Matalim na tinitigan ng umiiyak sa tarantang dalaga ang matanda.

Naglakad ang matanda patungo sa gilid ng bintana at dumungaw. “Ikaw ang pinili ng hiyas ng tubig na humawak sa kapangyarihan nito.”

“Ano? What are you talking about?” Sumimangot siya. Yakap pa rin niya ang mga binti.

“Ikaw ang nakatakdang piliin ng hiyas ng tubig,” saad ng matanda na nakadungaw pa rin sa bintana na tila malalim ang iniisip.

Kahit nagtataka at natatakot ay pinakinggan ni Cindy ang matandang kanina’y nagpakilala bilang si Melchor. “Hindi kita maintindihan. Bakit ako?”

“Hindi ko alam. Hindi ko batid ang diwa ng mga elemento.”

“Teka, ano’ng hiyas?”

“Wala ka ba noong napapansing kakaibang bato?”

Naalala ni Cindy ang isang bato na kulay asul. Madalas niya itong nakikita ngunit hindi niya masyadong pinapansin. Ilang beses niya na itong tinapon sa basurahan. “Ibig sabihin...”

“Iyon ang hiyas ng tubig.”

“Pero mukhang ordinaryong bato lang yon sa pagkakatanda ko.”

Tumangu-tango si Melchor. “Walang bahid na espesyal na itsura ang mga batong iyon.”

“At,” dugtong ni Cindy, “hindi ko na rin nakikita yon.”

“Hindi mo na makikita iyon dahil sumanib na ito sa iyo.” Lumingon na ang matanda.

“Paano? Wala naman akong naramdamang sumanib sa akin.” Kahit nagtataka ay medyo kumalma na ang dalaga. Napagtanto niyang mukhang wala namang gagawing masama ang mukhang ermitanyo.

“Pero lumalabas na ang kapangyarihan nito. Hindi ba?”

“Pero yelo, hindi tubig.”

“Hindi ba ang yelo ay isang anyo ng tubig?” Ngumiti si Melchor at humakbang malapit sa dalaga.

“Pero, manong, ayoko nito!” Umiling si Cindy at ngumiwi. “Pa’no ito mawawala?”

“Wala ka ng magagawa. Ikaw ang pinili ng kalikasan na humawak sa hiyas ng tubig. Hindi ba’t nailigtas ka nito sa kapahamakan?”

Naalala ni Cindy ang muntik nang pagkakagahasa sa kanya. Tumango ito.

“Iilan lang tayong may kakaibang kakahayan.” Pinakita ni Melchor ang nagsasayaw na mga butil ng ilaw sa paligid ng kanyang kamay. “Hindi sumpa ito. Bagkus ay gantimpala. Pero dapat gamitin sa tama.”

Namangha si Cindy sa nakita. “Pero, manong Melchor, paano ko ito makokontrol?”

“Hindi mo pa ba kayang kontrolin?”

Umiling si Cindy. Kinuha ni Melchor ang plorera sa mesang nasa gilid ng higaan ni Cindy. Tinanggal niya ang mga bulaklak dito. Biglang tinapon ng matanda ang lamang tubig nito kay Cindy, ngunit maagap ang dalagang inangat ang mga kamay nito upang masangga ang tatamang tubig. Ginulat at minangha siya ng sunod na nasaksihan. Tumigil ang mga tilamsik ng tubig sa ere.

Natigilan si Cindy. Tinitigan nito ang mga butil at globo ng tubig sa ere at pagkatapos ang kanyang mga kamay.

“Buuhin mo ang mga patak ng tubig sa iyong isipan,” saad ni Melchor.

Yun nga ang ginawa ni Cindy. Inimagine niya na nagsasasama-sama ang mga butil. At nakita niyang unti-unting nagkumpulan ang mga butil at globo ng tubig sa ere at naging isang gumagalaw-galaw na bilog ng tubig na sinlaki ng suha. Nagulantang ang dalaga.

“Isipin mong nagyeyelo ito.”

Ganun din ang ginawa ni Cindy. Unti-unting pumuti at tumigas ang bolang tubig sa ere. Kinuha ito ni Melchor at iniabot kay Cindy na nanlalaki ang mata sa mangha.

“Isang gantimpala ang kapangyarihang ito. Gamitin mo ito sa tama.”

Hinawakan ni Cindy ang bolang yelo. Sa mangha ay napangiti siya. “Pero, teka. Dun sa bodega wala namang tubig nung naging yelo ang mga lalaki.”

Ngumiti ang matanda. “Hindi ba’t mahigit sisenta porsyento sa katawan ng tao ay tubig?”

Napakunot ng noo ang dalaga. “Oo nga,” bulong niya.

“May isa ka pang dapat malaman,” saad ni Melchor.

“Ano ‘yon?” tanong ni Cindy habang nilalaro ang bolang yelo.

“Kontrolin mo ang iyong emosyon. Ang iyong kapangyarihan ay nakatali sa iyong emosyon. Maaaring may magawa kang pagsisihan mo kapag ginamit mo ang kapangyarihan mo sa bugso ng matinding emosyon.”

Nakatuon lang ang atensiyon ng dalaga sa bolang yelo na nilalaro niya sa kanyang higaan. Napangiti siya. Nawala na ang pangamba. Nang iangat at igala niya ang kanyang tingin ay -- “Manong, asan na kayo?”

Nawala na si Melchor sa silid ni Cindy, ngunit gumaan ang kanyang pakiramdam. Kung anu man itong kakaibang kakayahan niya ay sinalba nito ang kanyang buhay. Iyon ang tumakbo sa isip kaya lumakas ang kanyang loob. Habang nilalaro ang yelong unti-unti na ring natutunaw sa kanyang kamay ay nakapagsalita siya, “I know who sent those guys to get me. Humanda ka sa akin.”

Kinabukasan ay pumasok na ito sa trabaho. Binati naman siya ng mga kasamahang inakalang nagkasakit lang ito. Nakita ni Cindy na masama ang tingin ni Sandy sa kanya. Sinuklian niya ng matalim na titig ang mga tinging iyon.


Chapter 26


Naalimpungatan si Ivan sa mga ingay na narinig. Nagulantang siya sa mga kalabog at sa marahas na katok sa kanyang pinto. Napalakas yata ang buga ng air-conditioning system. Nahawi rin ang kanyang kumot, dahilan upang makaramdam siya ng labis na lamig. Kinusot ni Ivan ang mga mata at doon niya lamang napansin ang kalat sa kanyang kwarto. Ang mga kurtina ay natanggal. Bukas ang bintana. Nahulog sa sahig ang dalawang speakers.

Nakakunot ang noo ang bagong gising na binata habang ginagala ang tingin sa buong kwarto. Dumako ang kanyang tingin sa bintana na wala ng salamin. Natanggal ang curtain rod mula sa itaas ng bintana. Ang kalat ng kwarto niya. May mga basag na salamin, nagkalat na damit, natumbang cabinet, at kung anu-ano pa.

Narinig niyang muli ang mga katok sa kanyang pinto kasunod ang pagpihit sa doorknob. Bago pa man mabuksan ang sariling pintuan ay nabuksan na ito ni Manang Jean na sinipat siya mula ulo hanggang sa...

Umiwas ng tingin ang may edad na kasambahay. “Takpan mo nga muna ng unan yang ano mo. Di ka na nahiya, dalawa kaming babae dito.”

Nasa gilid ni manang si Lindy na nakatulala’t nakangangang nakatitig sa bahaging iyon. “Manang, wag na. Ser, pwede pasilip.” Isang hampas mula kay manang. “Aray! Manang Jean naman.”

“Ikaw, kababae mong tao.” Umirap na lang ang nakatatandang kasambahay.

Medyo nahiya na rin ang binatang doon lang napagtantong ikubli ang bukol na iyon na bunga ng tinatawag nating morning wood. Dinig niya ang bulong ni Lindy kay Manang Jean habang pinipilit na ikubli ang bukol gamit ang dalawang kamay.

“Ang laki pala, manang, ‘no?” Marahan itong humagik-ik habang binabatukan ni Jean. Tumambad na sa dalawa ang kalat sa kwarto nang tuluyang makapasok.

“Diyos ko, Ivan, ano’ng nangyari dito?” nanlalaki ang mata ni Manang Jean habang ginagala ang tingin sa buong silid.

Hindi alam ni Ivan ang isasagot. Maski siya ay nagtataka at nahihiwagaan rin.

“Ivan, ano’ng nangyari?” tanong ulit ni Manang Jean.

“Hindi ko alam.” Nagtataka pa rin ang binata.

“Lindy, kumuha ka ng walis at dustpan,” utos ni Manang Jean. Agad namang lumabas ng silid si Lindy.

“Pinasok yata tayo ng magnanakaw.” Sinuot ni Ivan ang kanyang tsinelas at tinungo ang bintanang basag.

“Dahan-dahan, iho, baka masugatan ka.”

Hindi pinansin ni Ivan ang babae at tumanaw mula sa bintana. May umakyat kayang magnanakaw? Imposibleng manggaling ito sa pinto dahil nakalock ito. Pero paano siya nakaakyat sa mataas na bintana? Wala naman siyang mahahawakan sa pader para makaakyat. Walang malapit na puno. At kung tumalon siya, malamang napilayan iyon at di kaagad makakatakbo.

“Uminom ka ba kagabi?”

“Ho?” Lumingon siya kay Manang Jean na hawak ang bote ng alak at baso. Hindi niya alam kung yuyuko o tatango. Umiba na lang siya ng tingin.

“Alam mo, bilin sa akin ni Ma’am Daniella na sabihan ka na wag masyadong nag-iiinom.”

“Manang, kagabi lang naman.”

Bumalik na si Lindy na may dalang mga gamit panglinis. Nagsimula silang magwalis at magtapon ng mga basag na salamin sa maliit na basurahan.

“Wala ba kayong napansing kahinahinalang tao?” tanong ni Ivan habang palinga-linga sa labas ng tindahan.

“Wala naman, iho. Ikaw, Lindy, may napansin ka ba?”

“Nako, manang, alam niyo namang naglalaba ako,” sagot ni Lindy habang inaayos ang mga natumbang gamit sa loob ng kwarto.

“Yung gate...”

“Ser, sarado po ang gate. Alam ko, kasi sinara ko yun matapos mamalengke,” sagot ni Lindy.

“Ano ba nangyari?” nakakunot na noong tanong ni Manang Jean.

Nakakunot din ang noo ni Ivan na halatang nairita na. “Hindi ko rin alam. Baka hinangin lang. Nakalimutan ko sigurong isara ang binata kagabi. O baka naman may pumasok na aswang at gusto akong lapain.” Dumako ang tingin niya kay Lindy.

“Ay, grabe si ser, o.”

“Wala bang nawawala sa mga gamit mo?” tanong ulit ni Manang Jean.

“Teka.” Tinungo ni Ivan ang aparador. Binuksan niya ito, mukhang wala namang nagalaw. Ang pitaka niya ay nasa side table pa rin. Ang kanyang tablet ay naroon din. “Mukhang wala naman eh.”

“Sige, sige, maglinis na lang tayo. Iho, baka nagugutom ka na. May pagkain na sa baba.”

“Mamaya na, manang.”

“Ivan,” saad ni manang.

Bahagyang lumingon ang binata dito. “Ano po?”

“May problema ka ba?”

Umiling si Ivan, ngunit di siya humarap sa nagtanong. “Kuha muna ako ng piraso ng plywood sa likod para matakpan yang nasirang bintana kahit papano. Papaayos ko na lang yan.” Nang makabalik dala ang isang piraso ng plywood ay sinalubong muli siya ng kasambahay na tinuturing niya na ring pangalawang ina.

“Kung may problema ka, wag kang mahihiyang magsabi.” Ngumiti ito. “Alam mo naman kahit di ako parte ng pamilya ninyo, naging malapit na rin kayo sa akin.”

“Manang, part na kayo ng family. Kahit yang si Lindy. Tagal niyo na po sa amin eh. At ikaw lang naman nag-alaga sa amin nina Jed, sa akin.” Ngumiti si Ivan. “T’saka, wala akong problema.”

“Alam mo, nitong mga huli lagi kitang napapansing tulala. Kaya di ako naniniwalang wala kang iniisip.”

“Manang, kasi...” Naramdaman niya ang kamay nito sa kanyang balikat.

“Di kita pinipilit na magpaliwanag kung ayaw mo. Pero kung gusto mo ng kausap, nandirito ako.”


* * *


Buong araw na pinagtakhan ni Ivan ang pangyayari sa kanyang kwarto. Naisip niyang ireport sa pulisya ang pangyayari pero naisip niya ring aksaya lang ito ng panahon. Maaga siyang umalis sa convenience store matapos dumating ang bagong supplies. Mag-aalas singko na nang baybayin niya ang daan, paminsan-minsan ay tumutungga ng alak. Alam niyang pwede siyang hulihin ng pulis kapag nakita siya, pero wala siyang pakialam. Iniwasan niya ang mga matatrapik na lugar hanggang sa makarating sa paborito niyang tambayan, ang Baywalk.

Maulap ang himpapawid. Hindi niya tanaw ang paglubog ng araw, ngunit nakikita niya ang makulay na kalangitan, ang mga ulap na ang ilang bahagi ay kulay dilaw habang ang iba ay kulay abo. May iilang taong naroroon, ang ilan ay halatang mga magkasintahan. May mga iilang naglalakad paroo’t parito. Nakasandal si Ivan sa kanyang kotse habang tinitingnan ang tanawin at hinahayaang haplusin ng banayad na maalat na simoy ng hangin ang kanyang pisngi.

Bumuntong-hininga ang binatang mamula-mula ang mata habang naaalala ang huling tagpo nila ni Errol sa lugar. Hindi niya alam kung kanino sasama ang loob niya, kay Errol na hindi man lang siya binigyan ng isa pang pagkakataon o sa kanyang sarili sa ilang beses na niyang pananakit sa damdamin ng binatang iyon.

Hawak ang bote ng alak ay bumaba siya ng kotse, di alintana ang tingin ng mga taong nagtataka sa kanyang ayos. Lumakad siya papunta sa dalampasigan at napasipa pa sa puno ng niyog na nandoon. Napadako ang tingin niya sa isang taong naglalakad at sandali itong tinitigan. Bigla niya itong hinila at niyakap. “Errol.” Tiningnan niya ito sa mata.

“Dude, bakla ka ba?” Pinandilatan siya ng estranghero.

Dahil sa pagkabigla ay naitulak niya ito nang malakas.

“Nong problema mong bakla ka?” sigaw ng muntik ng mawalan ng balanse na lalaki.

“Ano sabi mo?” Tinutok ni Ivan ang bote ng alak sa lalaki.

“Kung gusto mo mamik-ap, dun ka sa Malate. Tang ina kang bakla...” Isang sapak sa panga ang natamo niya.

“Gago! Muka kang tae!” Nanlilisik ang mata ni Ivan sa estranghero.

“Nong problema mo?” mangiyakngiyak na tanong ng lalaki habang hawa ang magkabilang kamay na nakahila sa kwelyo niya.

“Problema ko? Yang tae mong mukha!” Tinulak niya ang lalaki na napadausdos sa sahig. Nagtinginan ang mga nasa paligid. Sinigawan pa niya ito na nagmamadaling umalis. Pagkatapos ay binasag ang bote ng alak sa kanina’y kinatatayuan ng lalaking nakaalis na.

Habang iniisip ni Ivan na suntukin ang sarili ay dahan-dahang lumakas ang ihip ng hangin. Unti-unting nagsilapitan ang mga tao papunta sa gilid ng Baywalk na pinagtaka ni Ivan. Ang iba ay nakahawak sa kanilang mga cellphones na tila may kinukunan. Nang iangat niya ang tingin ay doon niya nakita ang isang namuong ipo-ipo sa ibabaw ng look.

Noong una ay mapusyaw na puti ito na banayad na umiikot at tila humihigop ng tubig alat mula sa dagat. Sa itaas ay kita ni Ivan ang umiikot na ilalim ng isang ulap na kumunekta sa ipo-ipo. Dumami ang mga ususerong nagmasid. Habang nakatingin sa laot ay hindi pa rin mawaglit sa isipan ni Ivan ang galit sa sarili. Bigla niyang naramdamang may humawak sa magkabilang niyang braso.

“Sumama ka sa amin,” saad ng isa sa mga pulis.

“Boss, wala ho akong ginagawa.” Sumimangot siya, ngunit natatakot din. Unti-unti siyang nahimasmasan. Biglang tumakbo sa isip niya ang magiging reaksiyon ng kanyang ina kapag nalamang nakapiit siya.

“Wag ng marami pang tanong.” Hinila na ng mga pulis si Ivan.

“Wala nga sabi akong ginagawa eh!” Nagpumiglas siya.

Kumapal at lumakas ang ipo-ipo. Ang kanina’y maputi at marikit na ipo-ipong bumabaluktot habang nasa ibabaw ng tubig ay unti-unting naging kulay abo at lumawak. Ramdam ng mga nasa dalampasigan ang paglakas ng hangin at paglapit ng buhawi sa lupa. Kaya naman ang iba ay umalis na sa lugar.

Naramdaman niyang tumigil ang mga pulis. Nang tingnan niya ang isa ay tila natulala ito sa nakikita sa laot. Kaya naman ay napalingon din siya. Namangha siya sa pambihirang tanawin ngunit kaagad ding nabahala nang makita ang kumakapal at mas umiitim na buhawing tinutumbok ang dalampasigan. Nagsigawan na ang ibang tao. Bigla siyang binitiwan ng dalawang pulis na tumakbo papalayo.

Habang natutulala sa nasaksihan ay nabangga si Ivan ng isang ale na nagmamadaling umalis sa lugar. Tumatama na sa balat niya ang tilamsik ng tubig-alat na iniikot ng buhawi sa ere at tinatangay pahimpapawid. Nagtakbuhan na ang mga tao.

Kinabahan na si Ivan. Pinagmasdan niya ang papalapit na buhawi na tila nagsasayaw patungo sa kanya. Isa itong pambihirang tanawing nagbigay sa kanya ng ibayong kilabot. Lumakas pa ito at sa paglakas nito sumabay ang paglakas ng hanging nagpadapa sa mga puno ng niyog sa lugar na iyon.

“Hindi!” Iyon na lang ang tangi niyang nasambit nang makita ang isang tinderang nakahandusay sa semento. Napakapit ang sumisigaw na babae sa semento habang hinihila ng hangin ang kanyang katawan na dumudulas sa banketa. Kumaripas si Ivan na tinungo ang ale at tinulungan itong makatayo. Hindi alintana ng binata ang bugso ng hanging tila ay hindi nakakaapekto sa kanya, ngunit ramdam niya ang bangis nito.

“Dali!” sigaw niya sa babaeng hinila niya patayo. Akmang tatakbo na sila nang maramdaman niyang humihina ang hangin. Nang lingunin niya ang buhawi ay naging manipis na ito na animo’y ahas na bumabaluktot sa ere hanggang sa maglaho. Ilang puno ng niyog ang naputol. Ilang poste ng ilaw ang natumba.

Unti-unting nagbalikan ang mga tao sa banketa malapit sa dalampasigan. Dinig ni Ivan ang ingay ng mga ususero. Kinalabit siya ng babaeng tinulungan kanina lang.

“Salamat ha.” Kahit nakangiti ito ay bakas sa kanyang mukha ang nerbyos.

Tumango na lang siya dito. Nakita niyang pinahiran nito ang mga mata habang tinitingnan ang nagkalat na paninda.

Nagtataka man sa nangyari ay nilisan na rin ni Ivan ang lugar dahil dumidilim na. Naghanap ito ng makakainan, at matapos kumain ay tinungo nito ang isang pamilyar na bahay sa Sampaloc, ngunit laking pagtataka niya nang makitang bakante ang lote. Kinusot niya ang mata. Unti-unti siyang kinain ng panlulumo at takot, takot na tuluyan niya nang di makita si Errol at maputol ang kanilang ugnayan.

Bumaba siya ng kotse at tinanaw ang bakanteng lote. Baka lumipat na ng bahay sina Aling Celia at pinagiba ang lumang bahay na iyon. Sinisi niya ang kanyang sarili. Maaring siya ang dahilan.

May mangilan-ngilan din siyang ala-ala sa bahay na iyon, mga ala-alang nagpangiti, ngunit maya-maya ay nagpaluha rin, sa kanya. Sumisinghot si Ivan na pinahiran ang kanyang mga mata gamit ang mga hinlalaki. Sandaling dumako ang tingin niya sa isang ale na nakakunot-noong nagpalipat-lipat ng tingin sa kanya at sa bakanteng lote habang pinapaypayan ang mausok na barbecue. Maya-maya pa ay pumasok na siya ng kotse at umalis.

Friday, March 25, 2016

Unconditional - Chapter 10

Hi, guys!


I know, I know. Sorry sobrang late update. Sadyang busy lang talaga. But don't worry. Tatapusin ko talaga 'to kahit anong mangyari. This story is so special to me, hindi ko siya pababayaan ng ganon-ganon na lang. :)



I apologize kung meron mang grammatical and typographical errors. I wrote this chapter in one go after I found the time and the right dose of inspiration to start this. :D



Let me know your thoughts through the comments section!



Happy Reading!



- A



--


Chapter 10

Kyle

Day before outreach

Makailang araw na rin ang nakalipas simula ng first day of classes namin. Masasabi ko namang naging maayos ang mga pangyayari. Medyo nagiging sanay na rin ako sa presensya ni Marco sa buhay ko, at maging kay Isaac bilang roommate ko. Nabawasan na ang intimidation at pagkailang na nararamdaman ko sa huli. Nawala rin ang ilusyon ko na napakalayo o napakaperpekto nitong tao, narealize kong gaya ko rin naman siyang ordinaryong estudyante.

"Samahan mo naman ako bumili ng gift para kay mama," pagyaya sa akin ni Luke matapos ang huli naming klase nang araw na iyon. "Sige, saan ba?" tanong ko rito. "Diyan na lang sa SM San Lazaro," sagot nito na siyang tinanguan ko na lamang.

"Sama kayo?" pagyaya ko sa iba naming kabarkada.

"Hmm, hindi muna beh. Magdate muna kami nitong mokong na 'to, medyo nagtatampo na sa akin recently," pagdadahilan ni Janine na siyang dahilan para mamula ang mga pisngi ni Benj. "Huy hindi ah. Sinasabi ko lang masyado ka ng ginagabi sa dance practices niyo," depensa niya sa sarili niya. "Wooshoo, kaya ko naman ginagawa 'yon para sexy ako for you," biro nito na siyang ikinatawa na lamang namin.

"Marco?" tanong ko rito.

"Sorry may aasikasuhin rin ako eh," ngiting pagtanggi nito. Napansin kong medyo busy nga siya nitong mga nakaraang araw, pero dahil sa kilala ko naman siya ay alam kong wala naman iyong kinalaman sa amin.

"Sige sige, so tayong dalawa na lang," baling ko kay Luke bago kami magpaalam sa mga kasama namin.

"Hindi ko naman sila niyaya, ah" medyo inis na sagot niya na siyang ikinataka ko. "Hala, bakit ano bang meron?" nalilitong tanong ko rito. Napansin ko kasing medyo may mood swings siya nitong mga nakaraang araw. Bumuntong-hininga siya. "I don't know... huwag na nga, aasarin mo lang ako," pag-iwas nito sa usapan. Natawa naman ako dahil sigurado akong napaka-childish ng dahilan niya. Bihira ko lamang makita ang ganitong side ni Luke kaya naman kapag lumalabas iyon ay nilulubos-lubos ko na.

"Ano nga kasi?!" pangungulit ko na siyang dahilan kung bakit kalaunan ay umamin na rin ito.

"Wala, napapansin ko lang na hindi na tayo nakakapag-bonding nitong mga nakaraang araw simula ng dumating 'yang si Marco. Parang dati na naman, out of place na naman ako. O sige na, nang matapos na! Tumawa ka na!" pagsuko nito. Natuwa naman ako at naguilty sa naging sagot niya dahil totoo naman ang sinabi niya. Masyado akong naging busy sa mga pinagkakaabalahan ko sa school at sa org na hindi na namin nagagawa iyong mga traditions namin bilang magkaibigan

Nagtaka naman ito kung bakit napangiti na lamang ako imbes na tawanan siya.

"Sorry na! Sige na, libre na lang kita para makabawi kay bespren," asar ko rito.

"Sabi mo 'yan ah! Gutom pa naman ako..." nahihiyang sagot niya. Pabiro ko na lamang itong sinuntok sa braso bilang tugon.

--

Pagdating namin sa mall ay agad itong naghanap ng mga maaaring iregalo para sa birthday ng mama niya. Matapos naming maikot ang kahabaan ng mall ay napagdesisyonan na lamang ni Luke na bigyan ng painted portrait ang nanay niya. Matatapos daw iyon sa loob ng isang linggo na sakto naman sa birthday ng nanay niya kaya naman pumayag na ito sa ganoong ideya.

Matapos niyang magdown payment ay niyaya ko siyang kumain ng dinner sa isang pizza parlor sa loob ng mall. At hindi nga ito nagbibirong gutom siya dahil mula side dish hanggang dessert ay may inorder ito. Ayos lang namans akin iyon bilang medyo tinamaan ako sa sinabi ko sa kanya kanina kaya naman gusto ko ring makabawi kahit papaano sa kanya.

"Salamat dito," pahayag ni Luke matapos dumating ang mga inorder namin.

"Wala iyon," sagot ko lamang.

Mataman ako nitong tiningnan bago magsalita.

"All truth and honesty, Kyle?" panimula nito. Tinaas ko ang isa kong kilay at inintay ang sagot niya. "Hindi naman talaga ako nagtatampo. Pinapa-guilty lang kita para makalibre ako." pag-amin nito na siyang sinimangutan ko. Kilala kasi ako nitong may soft spot para sa mga kaibigan ko. Madalas ko ring gawin ang manlibre upang makabawi sa anumang nagawa o di ko nagawa.

"Pero seryoso na. How are you after what happened to Seb?" concerned na tanong niya sa akin.

Napaisip ako.

"I don't know," honest kong sagot sa kanya. "I mean...may mga times pa rin na sobrang natatameme na lang ako, na wala akong masabi tuwing naririnig ko iyong pangalan niya. Ang sakit lang kasi na alam ng lahat naghiwalay lang kami so hindi ko masabi bukod sa inyo ang mga nararamdaman ko kasi nga ang alam nila buhay pa siya. Pero to be honest, medyo napapansin kong bumubuti na rin naman ako. Iyong pagkawala ng mga bangungot ko is I think a good sign na medyo papunta na nga ako sa tamang direksyon," pagkkwento ko.

"How's Isaac?" tanong niya na siyang ikinataka ko.

"Okay naman siya? Why? Anong kinalaman niya dito?" tanong ko rito. Ngumiti ito ng payak. "Napansin ko lang rin kasi na nakabuti sa'yo iyong pagiging roommates niyo. I've been thinking real hard kung ano nga ba ang mga posibleng dahilan kung bakit kahit papaano ay nakakangiti ka na ngayon. At first, naisip ko si Marco pero kahit pa nagkapatawaran na kayo, medyo ilang ka pa rin. And then naisip ko si Isaac na lagi mong kinukwento sa akin. So doon ko naisip na baka nga may kinalaman siya kung bakit ka masaya ngayon," pagpapaliwanag niya.

"Hala, hindi ah. Medyo nawala na nga pagka-crush ko sa kanya eh. Nakikita ko na mga imperfections niya," depensa ko sa sarili ko dahil ginagawan ni Luke ng issue ang isang bagay na hindi naman dapat talaga bigyang-pansin.

"Weh? Eh si Marco? Kamusta naman ang love of your life? Bumabalik na ba feelings mo?" patuloy pa nitong pang-aasar.

"Tangina mo, ang ulol mo talaga kahit kailan. Hindi ko alam kung bakit kita kaibigan," ganti ko rito na siyang sinagot niya sa pamamagitan ng pagbigay ng middle finger.

--

"Sorry hindi na ako nakapagtext na di na kita masasabayan magdinner. Nagdinner na ako kasama ni Luke kasi ibibili iyong mama niya ng--" dirediretso kong dakdak pagpasok ko ng dorm hanggang sa maikandado ko ang pinto. Naputol ang kwento ko nang makita ko ang balisang mukha ni Isaac at ang bote ng Black Label na nasa tabi nito. Medyo namumula na rin ito at nang makita kong malapit ng mangalahati ang bote ay hindi na ako nagtaka kung bakit ganito ang ayos niya.

Hinarap ako nito at nagulat akong mugto ang mga mata nito na siyang ikinagulat ko.

"Uy, anong nangyari?" tanong ko sabay upo sa sahig sa tabi ng kama niya. Banaag ang concern sa tono ng pananalita ko. Umiling ito at biglang naiyak.

"Sabayan mo na lang ako uminom, Kyle," simpleng utos nito. At dahil nga first time ko itong makita sa ganitong ayos, at bilang hindi ko rin naman alam ang dapat kong gawin sa ganitong uri ng sitwasyon, ay walang sabi-sabing tinanggap ko na lamang ang alok niya.

"Kunin mo na lang yung baso sa sink," malat na utos niya. Agad naman akong tumalima at matapos kong makha ang baso ay siya pa mismo ang naglagay ng alak roon.

"Cheers!" mapait nitong pahayag. Para naman akong tangang sumunod kahit pa alam kong wala naman talaga dapat i-celebrate base sa ayos niya.

"Masakit din pala masyadong mag-invest kung iyong binibigay mo hindi katumbas ng natatanggap mo," malalim nitong usal habang iniikot-ikot ang baso niya. "Unfair na, masakit pa," dagdag pa nito.

"Makikinig ako," sagot ko sa kanya.

"Huwag na, kahit naman ikwento ko wala rin namang mangyayari. Nagsasayang lang tayo ng oras. Masyado na ako maraming nasayang na oras sa kanya," sagot niya.

Kahit pa mayroon na akong ideya kung tungkol saan ang dahilan ng pagiging ganito niya ngayon ay hindi ko pa rin siya pinilit na magkwento at imbes ay nanahimik na lang ako at inintay siyang magsalita kung may gusto pa siyang sabihin. Makalipas ang ilang minuto ay di ko napansing medyo nakarami na rin pala ako ng nainom. Hindi pa naman ako lasing pero ramdam ko ang alkohol sa sistema ko.

Nagulat na lamang ako nang bigla niyang idantay ang noo niya sa dibdib ko.

"Sorry kung ang awkward, kailangan ko lang talaga," natatawa niyang sambit. Kahit pa gulat ako ay inintindi ko na lamang siya. "Ang bading naman natin uy," biro ko rito para naman medyo matawa pa ito at hindi nga ako nabigo.

"Sus, masyado ka talagang conscious sa sarili mo. Wala nga sa akin iyon," pagdismiss muli nito sa akin.

"Hug na lang kita," pagpapatuloy ko pang biro na siyang ginawa ko. Buong akala ko ay tatawa ito ngunit mas ikinagulat ko nang bigla siyang maiyak na naman kaya naman inalo ko ito.

"Uy, sige na. Huwag ka na umiyak. Sayang lang luha mo. Sinayang mo na nga oras mo, sinayang mo pa luha mo," pagpapatahan ko rito. "Masakit kasi," bulong niya. Hinagod ko naman ang likod niya para maibsan kahit papaano ang nararamdaman niya. Kung noon ay kikiligin ako sa prospect na mayakap ang crush ko, ngayon ay mas nangingibabaw ang pagiging kaibigan ko para sa kanya.

"Salamat talaga, ha? Alam kong maaasahan kita," sabi niya matapos siyang mahimasmasan.

"Okay lang," ngiting sagot ko.

At tila ba bigla itong natauhan at napabalikwas. Agad itong pumunta sa closet niya at tiningnan ang mga laman nito.

"Bukas na nga pala iyong outreach, no?! Bakit ko nakalimutan?" tanong niya sa akin at sa sarili niya. "Oo nga, nakapag-impake na ako kaninang umaga," sagot ko sa kanya.

"Fuck, fuck, fuck!" pagpapanic nito.

"Relax, alas dies pa lang. Marami ka pang oras. Anong oras ba call time bukas?" tanong ko.

"Five a.m.," sagot niya. Matapos noon ay nilabas niya ang isang gym bag at isa-isang inayos ang mga gamit niya.

"If you don't mind, matutulog na ako. Okay lang ba? Medyo pagod na kasi ako," nahihiya kong pagpapaalam rito. Ngumiti naman siya. "Okay lang. Thanks! Gisingin nalang kita ng 4am," pag-aasure niya sa akin.

--

"Sorry nga pala nilasing kita kagabi. Hindi ko naman alam na hindi ka pala mahilig uminom," nahihiyang sambit ni Isaac matapos ilapag ang order namin. Nagpunta muna kaming McDo para magbreakfast bago pumunta kung saan naghihintay ang van na sasakyan namin patungong Tarlac. Napahawak ako sa sentido ko nang maamoy ko ang amoy ng kape.

"Ayos lang iyon. Maaga pa lang kasi. Hindi lang ako sanay," sagot ko rito.

"Kain ka lang. Mabubusog ka na ba sa pancakes at hashbrowns lang?" tanong nito. Alam kasi nitong mahilig akong magkanin tuwing agahan. "Okay na muna 'to. Hindi rin kasi ako sanay ng kumakain ng ganitong kaaga," pagdadahilan ko na siyang tinanguan niya na lamang.

"Ikaw naman. Okay ka lang ba?" tanong ko rito. Alam kong ayaw pa nitong magkwento pero gusto ko rin namang malaman kung medyo bumubuti na ang lagay niya. "No, but I'll try to be," ngiting sagot niya which is a good sign. "Tama 'yan, may mga taong hindi naman dapat talaga iniiyakan," sagot ko rito. "Ganon rin ba 'yung nangyari kay Seb?" tanong niya na siyang ikinagulat ko. Naramdaman ko bigla ang pagtense ng mga muscle ko sa katawan.

"No, what happened between me and Ethan is different," matigas kong sagot rito.

"Sorry," nakayuko niyang paghingi ng paumanhin.

We ate our breakfast in silence bago namin namalayan na alas singko na pala ng umaga. Niyaya ako ni Isaac na pumunta na kung saan naroon daw ang van. Nang marating namin kung saan nakaparada ang van ay nadatnan naming may mangilan-ngilan na ring mga volunteers ang nandoon.

"Good morning," ngiting bati ni Isaac sa mga ito. "Uy, Isaac. Napaka-consistent mo talaga," ngiting bati ng isang babaeng tingin ko ay ka-edad lang namin. "Nga pala, heto kaibigan ko and kasama ko sa dorm, si Kyle. Kyle, ito si Miles, Kara, Derrick, Enzo, Jestine, Carmela," pagpapakilala niya sa akin sa grupo. Ngumiti naman ako at kinamayan ang bawat isa. Mukha namang mababait at masayang kasama silang lahat.

"O, bakit ka lumipat? Graduate na ba sila Jerome?" tanong ni Carmela kay Isaac.

"Hindi pa. Ayoko na. Hindi ko na sila kaibigan," matipid na sagot ni Isaac na siyang nakapagpa-curious sa akin. Naalala ko ang usapan namin noong first day of classes kung saan tinanong ko rin siya ng tulad ng tinanong ni Carmela. Talaga namang nahiwagaan ako sa sinagot nito sa akin tungkol sa totoong rason ng pag-alis niya ng dorm nila. Nakalimutan ko na iyon ngunit ngayon ay bigla na namang bumalik ang intriga sa kung bakit nga ba iniwan ni Isaac ang mga kaibigan niya.

"Si Patrick na lang hinihintay natin tapos pwede na tayong lumarga," saad nitong si Miles na medyo nagulat rin sa naging sagot ni Isaac. Nang dumating iyong sinasabi nilang Patrick ay dali-dali na kaming umalis papuntang Tarlac.

--
Maga-alas siete na nang makarating kami sa Tarlac, ngunit dahil medyo malayo sa bayan ang komunidad na pupuntahan namin, eh medyo natagalan pa ng kaunti ang byahe namin. Malapit ng mag alas otso ng umaga nang tumigil ang van at pababain kami ng mga kasama namin.

Medyo inexpect ko ng sa isang rural na komunidad ang pupuntahan namin, at hindi nga ako nagkamali. Kitang-kita ang kapayakan at kasimplehan ng pamumuhay base sa mga itsura ng bahay roon. May mga alaga ring hayop tulad ng baboy at manok ang ilan sa mga pamilyang una naming nadatnan roon.

"Lakad lang tayo ng konti papuntang barangay hall then we can start," pag-explain sa akin ni Isaac na siyang tinanguan ko na lamang. "Taon-taon mo talaga 'tong ginagawa?" tanong ko rito na siyang nakapagpangiti sa kanya. "Oo, third year ko na. Iyong ibang mga batang una kong na-meet dito ngayon nagbibinata na. Mahilig kasi talaga ako sa mga bata. Oo, hassle iyong pagpunta at pag-organize pero kapag nakita mo iyong itsura nila na masaya at alam mo sa sarili mong isa ka sa mga dahilan ng mga ngiti nila dahil natulungan mo sila, parang nawawala lahat ng pagod mo. Kaya hindi ko rin ito matigilan eh. Napamahal na talaga ako sa kanila," masayang pagkkwento niya. At dahil doon ay hindi ko na naman mapigilang lalong humanga dito kay Isaac.

"Malapit na pala tayo, eh. Sabi ko sa'yo sandali lang," dagdag pa nito sabay turo sa harap namin kung saan naroroon ang barangay hall at isang maliit na basketball court. Doon ko rin nadatnan ang lupon ng mga pamilya na naghihintay para sa amin. "Ang dami nila," komento ko. "Yup, pero hindi lang naman tayo ang volunteers, meron pang iba na hindi natin kasabay galing sa ibang lugar," pahayag niya. Napansin kong may isang batang lalaki ang tumatakbo patungo sa direksyon namin.

"Kuya Sacsac!" masayang-masayang tawag ng bata bago tuluyang yakapin si Isaac. "Uy, Tantan!" natatawang pagbati rin nito sa bata bago ito tuluyang buhatin. "Kamusta ka na?! Ang laki mo na, ha?!" galak na galak na sabi nito sa buhat na buhat na bata. "Oo, kuya umiinom ako ng gamot at kumakain ng gulay gaya ng sabi mo," masigasig na sagot ng bata. "Ang galing naman talaga nitong si Tantan!" sabi nito bago kurutin ang pisngi ng bata. "Nasaan na si Tenten?" tanong niya. Tinuro naman ni Tantan ang isang batang babae na naroon sa may harap ng barangay hall. "Ito nga pala si Kyle, kaibigan ni Kuya Sacsac. Mag-hi ka naman!" utos nito sa bibong bata na siyang kinawayan naman ako na dahilan para mapangiti ako. "Sige, maglaro ka muna doon. May aayusin lang si Kuya, ha?" ngiting pahayag nito bago tuluyang papuntahin ang bata sa mga magulang niya.

"Sacsac," asar ko rito. "Nako, noong una ko kasing pagpunta rito hindi pa siya nakakapagsalita ng maayos. Hindi niya ma-pronounce iyong pangalan ko. Kaya ayon, pero kahit medyo malaki na siya ngayon hindi ko na rin pinabago tawag niya sa akin," pag-explain niya. "Mahilig ka nga sa bata," ang tanging naisagot ko na lang. "Oo, sobra. Kita mo naman kay Tantan. Ayon, si Tenten iyong ate niya. Mabait rin iyon pero mahiyain," sagot nito.

"O, Kyle basta sundan mo lang iyong instructions ko. Basta kailangan lang may assembly line tayo sa pagserve ng lunch at sa pagbigay ng groceries para mabilis tayong matapos at hindi magulo," pagpapaliwanag nito sa akin. "Okay, makikinig na lang ako sa'yo," sagot ko. "Sige, halika na. Marami pa tayong gagawin," saad nito sa akin na siya namang sinunod ko na lang.

--

Naging maayos naman ang pamamahagi namin ng groceries para sa mga pamilya at ang feeding program para sa mga bata. Mayroon lang isang insidente na nakapagpa-stress sa aming mga volunteers. Ito ay noong mag-away at mag-iyakan ang dalawang bata habang kumakain ng lunch. Agad namang inaksyonan ni Isaac ang sitwasyon at hindi mapigilang manlambot ng puso ko tuwing naalala ko kung paano niya pinatahan ang mga ito.

"O, anong nangyari Mico?" concerned na tanong niya doon sa isang umiiyak na bata. "Kuya Sacsac ito po kasing si Raffy inagaw ang laruan ko," pagsusumbong nito kay Isaac habang umiiyak. Binaling naman ni Isaac ang tingin sa isang bata. "O, Raffy totoo ba iyon?" kalmadong tanong niya rito. "Kuya, hindi po hinihiram ko lang po pero iyang si Mico ayaw magpahiram," sagot niya. Bumuntong-hininga si Isaac at tumawa ng mahina.

"Grabe naman kayo. Para kayong hindi magkaibigan. Nag-aaway kayo dahil lang sa laruan? O, Mico hinihiram lang pala ni Raffy eh. Dapat matutunan mong magshare kasi masama ang pagiging madamot. Magagalit si Papa Jesus sa'yo. Di ba ayaw mo non?" pangaral nito kay Mico na siyang tumango. "Ikaw naman, Raffy huwag mo na ring awayin si Mico. Kung hihiramin mo, tanungin mo siya ng maayos. Tapos ikaw rin kung may masshare kang laruan, ishare mo kay Mico. Palitan kayo para pareho kayong happy. Okay ba 'yon?" tanong niya sa dalawa. Para namang natauhan ang dalawang bata at tumango.

"O, magsorry na kayo sa isa't-isa. Magkaibigan kayo. Ang magkaibigan, dapat nagbibigayan. Sige kayo kapag nagkagalit kayo, wala na kayong kalaro," dagdag pa nito. Kaya naman sumunod ang dalawang bata at nagsorry na siyang ikinatuwa ni Isaac. "Sige, ha. Iwan ko na kayo. Kumain na lang kayo para lumakas pa kayo," ngiting bilin niya bago tuluyang bumalik sa ginagawa niya.

"Ang galing niya, no?" tanong ni Miles sa tabi ko. "Oo nga, eh. Kuyang-kuya," sagot ko rito. Doon ay mas lalo ko pang naappreciate itong pagkatao ni Isaac. Napaka-genuine, napakabait...napaka-makatao. Natawa naman siya. "Si Isaac talaga ang pinaka-idol ko sa lahat ng mga volunteers. Grabe ang pasensya niya at kita naman talagang gusto niya yung ginagawa niya," saad niya. "I think he'll make a great dad someday," sagot ko rito na siyang sinang-ayunan ni Miles.

"Pero parang may iba sa kanya kaninang umaga. May problema ba siya?" tanong ni Miles. Doon ay naalala ko ang naging estado niya kagabi ngunit mas minabuti kong hindi na lamang iyon ikwento. "Wala akong alam, ate," sagot ko. "Okay, pero at least mukha na siyang happy ngayon," pahayag nito.

--
Matapos ang lahat ng aktibidades ngayong araw ay hindi ko maiwasang hindi makaramdam ng isang napakalaking sense of achievement sa loob-loob ko. Kung tutuusin ay bago ang mga ganitong gawain sa akin dahil sa totoo lang ay hindi naman talaga ako mahilig sa mga ganitong activities. Kung dati ay wala akong pakialam sa sitwasyon ng mga tao sa mga komunidad na gaya nito, ngayon ay namulat na ang mga mata ko sa kung gaano ako kaswerte sa mga bagay na meron ako ngayon. It kind of put things into perspective, na dapat ay bigyang-pansin natin ang buhay ng mga taong gaya nila hindi lang para matulungan natin sila ngunit para na rin sa mga sarili natin-- para maappreciate natin lahat ng kung ano ang meron tayo.

Ngayon ay magkashare kami ni Isaac ng isang kwarto sa loob ng bahay ng isa sa mga volunteers na taga-Tarlac. Hindi ko ikakailang talagang napagod ako buong araw at marami talagang pagkakataon na tila ba ay hindi ko talaga alam kung ano ang dapat kong gawin kanina, ngunit nalampasan ko naman iyon na siyang ikinagpasalamat ko. Kanina ko pa inoobserbahan si Isaac at napapansin kong pagod nga ito, ngunit higit pa roon ay kitang-kita pa rin sa mga mata nito ang ibang klase ng pagod, isang uri ng pagod na hindi lamang makukuha sa mga pisikal na gawain.

"Okay ka lang?" pagbasag ko sa kanina pang nakakailang na katahimikan.

"Yup, pagod lang siguro. Thanks nga pala sa pagsama sa akin dito. It was nice having someone with me for a change," sambit nito. "Okay lang. Masaya nga ako na nakasama ako. Ibang klaseng experience pala talaga. Kaya medyo naiintindihan ko na kung bakit ka bumabalik-balik dito," sagot ko sa kanya. Ngumiti lamang ito ng payak at tumayo papunta sa kama ko.

"Halika, punta tayo sa terrace," paanyaya nito sa akin na siya ko namang sinang-ayunan.

Nang marating namin ang balkonahe ay bumulaga agad sa amin ang presko at malamig na simoy ng gabing hangin. Umupo kami sa bench na naroon at ilang minutong pinagmasdan ang kalangitan.

"Did you see and Enzo and Derrick?" tanong niya. "Yup. Uhm, sila ba?" nahihiyang tanong ko rito. Ngumiti ito at tumango. "Yup. Grabe nakakainggit sila. Medyo naalala ko nga kayo ni Seb sa kanila, eh," tugon nito. Nanatili na lamang akong tahimik. "Heto ako ngayon, nag-iisa," malungkot nitong saad. At ang gago kong sarili ay biglang nakaisip ng isang biro.

"Naglalakbay sa gitna ng dilim," pagkanta ko. Napalingon ito sa akin at biglang napahagalpak ng tawa. "Gago ka! Seryoso kasi ako! Naninira ka ng moment," natatawang protesta nito. Kahit pa gusto ko na ring matawa ay hindi ako nagpatinag at pinagpatuloy ang pagkanta. Nang kalaunan ay wala na ring nagawa si Isaac at maramdamin ding sinabayan ang pagkanta ko.


Lagi na lang akong nadarapa
Ngunit heto, bumabangon pa rin

Heto ako, basang-basa sa ulan
Walang masisilungan, walang malalapitan
Sana'y may luha pa, akong mailuluha
At ng mabawasan ang aking kalungkutan

"Fuck para tayong mga timang! Baka magising natin sila Miles!" humahagikgik na komento nito matapos ang aming munting jam session. "Masyado ka kasing seryoso!" balik ko rito. Natahimik ito at malalim akong tiningnan. Panandalian akong nakipagtitigan rito hanggang sa hindi ko na kinaya at tinalo na ako ng pagkailang. Naramdaman ko na lamang ang pamumula ng mga pisngi ko na siyang lalo ko pang ikinahiya.

"Can I be honest with you?" tanong nito matapos nito akong suriin.

"Sure," nahihiyang sagot ko.

"I'm really glad you're my roommate, na mas nakikilala pa kita ngayon. Dati kasi sobrang tahimik mo lang. Napapansin ko rin na mahiyain ka sa akin, pero sa iba naman nating common friends parang normal naman ang pagtrato mo sa kanila. So masaya talaga ako kasi parang medyo nag-open ka na sa akin. And masaya ako kasi pinapasaya mo ako ngayong malungkot ako. So thank you, Kyle... for being my constant these past few days," honest at nakangiti nitong pahayag.

At kung posible pang pumula ang mga pisngi ko dahil sa mga narinig ko ay malamang iyon na nga ang nangyari.

"Wala iyon..." nahihiya kong tugon sa mga sinabi niya.

At doon ko biglang naalala ang dati ko pang gustong itanong kay Isaac.

"Can I ask you something?" panimula ko.

"Tungkol ba ito sa akin? If yes, oo break na kami ni Charie. Iyon ang ikinaiiyak ko kagabi. Pero medyo okay na ako. Salamat sa mga bata at sa'yo..." pangunguna nito.

"Hehe, not that... Bakit nga ba umalis ka sa condo nila Jerome? You used to be close friends tapos parang biglang hindi mo na sila sinasamahan ngayon?" tanong ko. Doon ko napansin ang pagbabago sa reaksyon nito. Tila ba biglang may isang kung anong emosyon ang bumalot sa mga mata nito bago siya magsalita.

"I don't want to be with people who don't like the people I care about," matigas na sagot nito.

"Pwede bang mas maging specific ka?" tanong ko sa kanya.

Bumuntong-hininga ito.

"Ayoko ng idamay ka with my issues with them, pero since honesty hour naman natin ito, ikkwento ko na," pagsisimula nito. Doon ay pinili kong makinig ng mabuti sa ikkwento niya. "Alam ko namang ayaw mo sa kanila, eh. They verbally harass you, binubully ka nila because you're gay. And frankly, I really don't like that. I mean, alam ko na naman eh. And naiinis ako kung bakit ba kasi ang tagal kong walang ginawa about it. I could've saved you from my friends..." at doon ay tila ba nag-init ang tenga ko sa narinig ko.

"Hindi ko kailangan. Kaya ko ang sarili ko," matalim kong sagot sa kanya. Agad naman niyang pinabulaanan ang sagot niya.

"No, no. Let me finish. Ginawa ko iyon dahil mali sila. Alam ko namang kaya mo ang sarili mo, pero kasi kung nasaan ako, from where I stood na nakikita ko na ang mali. Naffrustrate lang ako na wala akong ginawa para itama iyon... And then I realized that you've had enough. Kaya kinausap ko sila. Nag-away kami. They asked me why was I defending someone like you? Ang dami nilang sinabi and nagulat na lang rin ako sa sarili ko on how much I wanted to defend you. That's why I left. Hindi ko kayang makipagkaibigan pa ng tuluyan sa mga taong sinasaktan ang mga taong mahalaga sa akin.

"Kyle, special ka sa akin. Kahit ano gagawin ko para lang hindi ka masaktan. You're one of the few people I trust in a sea of fake friends. At ngayong mas nakikilala na kita, lalo kong nakikita na tama iyong ginawa ko, na tama iyong pag-alis ko. I don't need them in my life. I have you and my other friends whom I trust. So don't feel guilty, huwag mong isipin na kasalanan mo na umalis ako, na nasira ang friendship namin ni Jerome at ng iba ko pang barkada dati. Hindi sila worth it, dahil hindi nila nakikita kung gaano ka kagandang tao sa loob at sa labas. Had I only seen what they've been doing to you earlier, kung narealize ko lang ng mas maaga, eh di mas maaga pa ako umalis. And what did I get? Good karma. Naging roommate kita, ang dami kong natutunan sa'yo. The break-up with Charie became bearable because of you. So salamat," mahaba nitong salaysay.

"O, bakit ka umiiyak?" concerned na tanong nito sa akin.

At nang mapagtanto ko kung ano ang sinabi niya ay agad kong pinahid ang mga luhang sunud-sunod na nagbabagsakan mula sa mga mata ko.


"Tangina sorry... Uhm, wala pa kasing tao na gumawa para sa akin ng ganyan. Nao-overwhelm lang siguro ako. Haha. Pucha, sorry," natatawa kong paghingi ng paumanhin dito.

"Halika nga!" sigaw nito bago ako yakapin.


"Thanks for today, thanks for last night. Since honesty hour pa rin naman tayo, maraming salamat sa pagpapasaya mo sa akin since nakilala kita. Alam kong... may mga dinadala ka pa rin, so huwag kang mag-alala. Mula ngayon, gagawin ko lahat para ako naman magpasaya sa'yo." bulong nito na siyang nakapagbigay sa akin ng isang pakiramdam na akala ko ay matagal ko ng nakalimutan.

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails