Followers

Sunday, September 20, 2015

Loving You... Again Chapter 28 - #0000FF, Learning To Love Again




  



Author's note...

Hello ulit guys. Andito na naman ako haha. Unang-una sa lahat po ulit, nagpapasalamat ulit ako sa mga may-ari ng blog, sir Michael at kay sir Ponse sa mga kaibigan kong CO-Author na sila kuya Carlos, kuya Rye, kuya Jace and... kuya Alvin!

Pasensya na po pala sa mga nag-aabang at sa mga hindi nag-aabang. Na-delay na naman ako dahil sa ilang dahilan na ayoko ng idahilan at baka nagpapalusot lang ako. Well, ang chapter na ito ay magiging bitin dahil isa po itong Side Story ni Kurt Lee. At dahil dito, expect na medyo mapapabilis ko ang pag-a-update. Sensya na po talaga.


Blue, Learning To Love Again by Bluerose... again. Ang pangalawang istorya sa parang Phase 1 ng Bluerose Universe pagkatapos ng Bliss. Dito nakilala sila Aldred, Blue, Chris, at Geo. Dahil baka may nagbabasa pa ng kwento, ayoko na muna mag-spoil pero maganda ang storya dahil sa walang hanggang pagmamahal ni Aldred kay Blue. Kahit na nagkahiwalay daw sila, ipinaglaban ni Aldred ang pagmamahal niya at nangangakong si Blue lang hanggang wakas.
 











Chapter 28:
#0000FF, Learning To Love Again


















































Kurt's POV



          「1 month ago...



          “3am na pala," saad ko sa aking sarili habang nakaupo ako sa labas ng isang computer shop na tinatambayan ko.



          Madalas ko itong ginagawa. Ang tumambay ng ganitong oras habang naka-headset at nagmumuni-muni... hindi, hindi, hindi. Hindi ako nagmumuni-muni at wala akong suot na headset.



          Nag-e-emo ba ako? Hay! Grabe naman kasi. Bakit ba ako nag-e-emote? Hindi. Hindi ako brokenhearted. Mamaya na iyung naging dahilan ng pagiging brokenhearted ko kasi may iba akong iniisip. Nagpapahinga muna kasi ako dahil naii-stress ako sa mga kalaro ko ngayon sa Dota 2. Puro naman kasi mga bano ang mga kakampi ko. Naiisip ko tuloy na may sumpa kaya na nakapataw sa akin na puro bano ang magiging kakampi ko? Ano bang katarantaduhan ang ginagawa ng matchmaking system ng Dota 2? Sayang naman iyung mga larong buhat na buhat ko ang aking mga banong teammate tapos matatalo lang.



          Humugot na lang ako ng buntong-hininga at tumingala sa mga stars. Halos ibinigay ko lahat sa mga larong iyun. Sayang talaga. Hindi ko tuloy matapos ang mga compendium challenges ko. Hindi naman ako si Superman the Dota 2 Cyber version. Sana isa lang itong panaginip para paggising ko, hindi ako stressed sa mga bagay-bagay.



          Muli lang akong humugot ng buntong-hininga at tumingala ulit sa mga stars. Umaasa na sana may gawing intervention ang mga stars para sa akin. Gaya nang bagsakan nila ang mga banong manlalaro ng Dota 2. Sabi nila lahat daw ng gusto mong mangyari, pwedeng gawin ng mga stars. Pero alam ko naman na isa iyung malaking kalokohan. Hay nako! Ang hirap tanggapin.



          Habang nakatingala ay nahagip naman ng mga mata ang isang falling star. Napatayo ako at pumikit agad para humiling.



          “MAHULUGAN SANA NG BULALAKAW ANG MGA BANONG DOTA 2 PLAYER SA MUNDO NA ITO! AT TSAKA SANA AY MAGKAROON AKO NG TAONG MAKAKASAMA KO PARA MAABOT ANG PINAKAMATAAS NA MMR RATING! AT SANA AY UMAYOS NA DIN ANG MATCHMAKING SYSTEM NG DOTA 2!" sigaw ko. Caps lock para intense.



          “Hoy! Tabi!" sigaw ng isang tao na nakamotor na mukhang babangga sa akin.



          Pumikit na lang ako at baka sakaling panaginip lang ang mga nangyayaring ito sa akin. Nakakasilaw kasi ang liwanag mula sa ilaw ng motor ng kung sino man itong nakasakay. At tsaka hindi niya ako mababangga dahil nakahinto na siya.



          “Okay ka lang diyan? Ano ba kasing pinagsisisigaw mo dito sa labas?" tanong ng taong ito na kilala ko sa tawag na Larson.



          “Pwedeng patayin mo muna ang ilaw? Nakakasilaw," pakiusap ko habang nakapikit.



          Pinatay ni Larson ang ilaw. Sa wakas ay nakakita na ulit ako.



          “Wala. Talo na naman ako sa isang ranked match. Ang babano kasi ng mga kakampi ko," paliwanag ko.



          Hinubad ni Larson ang kanyang helmet at nilagay sa lalagyan. “Ganoon ba bata? Nako! Normal lang iyan. Minsan talaga ay panalo tayo, minsan naman ay talo. Ganoon ang buhay."



          “Alam mo ba kung gaano kalaki ang win rate ko Larson? 21.25% lang. Laging dahilan ng pagkatalo ko ay dahil sa mga banong kasama ko. Kaya MMR ko, hindi ko man lang mapaabot ng isang libo."



          “Chill lang naman kasi bata. Siguro, matulog ka na muna at magpahinga. Huwag ka kaya muna maglaro. Baka matalo ka na naman sa susunod na maglaro ka."



          “Bakit hindi mo kasi ako tulungan? Nakikipaglaro ka sa mga suki ng shop. Meron ka pa ngang dummy account para sa pagtulong. Tapos ako na suki din, ayaw mong tulungan?" reklamo ko.



          “Hindi kasi ako nakikipaglaro sa mga bata. At tsaka kasama kasi sa service ko iyun," saad ni Larson habang nakangiti at hindi pa rin siya bumababa sa motor niya.



          “Magkano ka ba nang sa ganoon ay ma-avail ko iyang punyetang service mo?"



          “Ay! Grabe ka naman. Bibilhin mo ako? Nako. Para sa mga batang katulad mo, malaking-malaki ang presyo ko," pagtanggi niya.



          “Ahh! Okay! Pero punyeta! Pwede bang tigilan mo ang pagtawag sa akin ng bata?!"



          Bumaba na siya ng motor. “Ayoko. Ang saya kayang asarin ka. Naiinis ka talaga kapag tinawag kang bata? Baka naman kasi totoo." Payak siyang tumawa.



          “Hindi nakakatuwa," walang amor kong tugon. Iniinis talaga niya ako.



          Lumapit siya sa akin at hinawakan ang aking kamay. “Halika na at pumasok na tayo sa loob. Delikado kapag sa labas ka tumambay. Mamaya ay maholdap ka nung kilalang holdaper sa lugar natin. Bata ka pa para mamatay." Naglakad kami papasok ng shop.



          “Teka? Hindi mo pa ba narinig ang balita? Mga anim na buwan na din iyun nang matagpuan iyung bangkay ng pinaghahanap na notorious na holdaper na iyun. Patay na po siya kung hindi mo pa nakita ang balita na mga magulang ko pa ang mismong nag-report."



          “Alam ko bata. Pero hindi lang naman siya ang natatanging holdaper sa mundo. Gets mo ba ang punto ko bata?"



          Naikuyom ko na lang kamay ko sa inis dahil sa pagtawag niya sa akin ng bata. “Okay. Nakuha ko ang point mo. At pwede bang itigil-"



          “Bata. Bata. Bata," pang-aasar pa ni Larson.



          Siya nga pala si Larson Mercer. 28 years old. Bata ang tawag niya sa akin dahil bata pa daw ako. Maliban lang sa kapatid niyang si Allan. Hindi naman bago sa akin na bata ang tawag niya sa sa akin dahil bata din ang tawag niya sa mga taong mas mababa pa sa edad niya. Medyo matagal na din kaming... magkaibigan... at hindi nga ako sigurado kung naging magkaibigan kami. Ang tanging naalala ko lang, pumasok ako sa shop, lagi akong pumupunta sa shop, at naging magkaibigan kami? Ganoon kaya iyun?



          Kahit na may computer ako at my internet connection pa sa bahay, pumupunta pa rin ako dito. Gusto ko kasing may kasamang maglaro ng Dota 2 pero sa kasamaang palad, wala ni isa. May nga nagtuturo nga lang sa akin ng mga tricks kung paano gamitin ang mga hero pero hindi ako tutulungan na umangat. Ang dahilan ay dahil kay Larson! Huwag daw akong tutulungan dahil kung hindi, hindi din daw niya tutulungan ang mga tinutulungan! Ano bang klaseng bantay to ng shop? May galit ba ito sa akin?!



          Pero wala na akong magagawa. Nasanay na ako. Siguro ganito lang makipagkaibigan ang ibang mga tao. Medyo magulo pero ayos na rin. At tsaka mababait din naman sila. Sila Larson kasi ay magaling magbigay ng advice pagdating sa maraming aspeto ng problema. Nakikipagpalitan pa sila ng mga impormasyon tungkol sa mga magagandang babae na available sa lugar namin, mga magagandang babae na mababaw ang lipad, iyung syota ni ganito at ganyan, at marami pang iba. Nagbibigay pa nga sila ng tips at paraan kung paano masisira ang isang napakagandang relasyon. Ewan ko lang kung naging effective ba iyung mga suggestion nila dahil malimit lang namin pag-usapan iyun dahil karamihan sa mga kaibigan namin ay may sari-sariling mga pinagkakaabalahan maliban sa paglalaro ng Dota 2.



          Ngayon, 20 years old na ako. Kahit na ganoon, hindi pa rin ako makaalis sa sumpa ni Larson na tawagin akong bata! Ano ba?! Nakakairita kaya na tawagin akong bata! Noong isang pagkakataon nga na sinabi ko sa kanila ang naging takbo ng relasyon namin ni Colette, sabi naman ni Larson ay hayaan na lang iyun dahil masyado pa akong bata para mag-handle ng isang relasyon.



          “Argh!" sigaw ko na naman na umalingawngaw sa shop. “Bakit nawala na naman?! Nakakainis!"



          “Anong problema bata? May problema ka ba?" tanong ni Larson mula sa counter.



          Humugot na muna ako ng buntong-hininga para kumalma. “Allan, may nakita ka bang tao na lumapit sa PC ko at may kinalikot na kung ano-ano?" kalmadong tanong ko sa kapatid niya na katabi ko lang.



          “Huh? Wala naman," tugon niya na nagkibit-balikat pa at pinagpatuloy na ang paglalaro.



          “Ano ba kasi ang nangyari bata ha?" tanong ni Larson.



          “May file na nabura. Nabura na naman iyung file na pinaghirapan ko," sagot ko. “Check mo nga sa CCTV? Baka may ninja na nagbura nung file."



          “Sige, sige, sige bata. Titingnan ko sa CCTV. Sa ngayon, maglaro ka muna ng isang game o gawin mo ulit mula sa umpisa iyung ginagawa mong file. Pwede rin na maghanap ka sa Google ng file recoverer na application at i-download mo."



          “Hindi mo ba titingnan agad?"



          “Kahit na gustong-gusto ko na tulungan kita bata, kailangan ko pang mag-antay ng 30 minutes para mapanood iyung CCTV footage kanina dito sa shop. Kaya magpalipas ka muna ng oras."



          “Bakit kasi hindi ka na lang na lang gumawa ng CCTV na instantaneous makita iyung nangyari kanina?" singit ni Allan na may mapang-asar na tono.



          “Tumahimik ka diyan Allan at maglaro ka na lang diyan!" asik ni Larson.



          Sinunod ko na lang ang sinabi ni Larson na maghanap ng isang file recovery application. Medyo mabagal ang download kaya sinimulan ko ulit sa umpisa ang ginagawa ko. Ang ginagawa ko, ang siraan sila Aulric, Zafe at Ricky.



          Marahil ay may katanungan kayo sa isip niyo na bakit nga ba nandito ako sa isang computer shop gumawa at hindi na lang doon sa bahay ko? Hanggang ngayon, sinubukan kong gumawa ulit ng isang mapanirang mga presentation sa kanilang tatlo. Natatandaan niyo naman na sinabi sa akin ni Ricky na binabantayan niya ang mga ginagawa ko at buburahin niya ito. At kahit na sa ibang PC ko pa ito gawin, mabubura niya ito. Sa hindi ko kasi maipaliwanag na dahilan, naging totoo ang mga sinasabi niya. Paano nangyari iyun? Kaya pala ni Ricky gumawa ng ganoon? Baka hindi ko lang talaga kilala sila kaya hindi ko alam ang mga kaya nilang gawin.



          Nang matapos na mag-download ang file recovery application, binuksan ko ito at ipina-recover ang ginagawa kong file. Nako! Sinasabi ko na nga ba! Gaya sa bahay, nabura ng tuluyan ang file na ginawa ko. Hindi ko ma-recover ang file. Ang galing ni Ricky ahh! Binabantayan niya ako 24/7. Kahit na sa oras na ito ay dapat tulog na ang mga tao, nakabantay pa rin siya sa akin. Ano na ang dapat kong gawin? Hindi ako matatahimik hangga't hindi pa ako nakakaganti sa mga taong iyun.



          “Bata, walang taong lumapit diyan sa pwesto mo," saad ni Larson nang mappanood niya marahil ang CCTV footage ng shop.



          Tumango na lang ako at ibinalik ang mukha sa monitor. Posible ba talaga na 24/7 akong binabantayan ni Ricky? Kaya niyang mapuyat para lang sa akin?



          “Bakit hindi ka na naiinis nang malaman mong wala naman palang pumunta sa puwesto mo at may kinalikot? Ano nga pala ang file na ginagawa mo?" untag sa akin ni Larson. Bigla akong nagulat nang nilapat pa ni Larson ang kamay niya sa balikat ko.



          “Wala. Hindi na kasi ako nagtataka na mabubura iyung ginawa ko," sagot ko.



          “Hindi ka na nagtataka? So expected mo na mabubura iyun? Pero paano naman mangyayari iyun?"



          “May ginawa na naman kasi akong kalokohan sa mga dati kong kaibigan na niloko ako. Kaya gumagawa na naman ako ng kwento para siraan sila. Isang gabi, pumunta ang mga dati kong kaibigan sa bahay ko at may ginawa sa PC ko. Mukhang may pinasok sila na parang virus para bantayan ang ginagawa ko at nang mabura nila ito kahit saan ko man ginagawa ang kalokohan ko."



          “Wow! Kaya ng kaibigan mo na gumawa ng ganoong virus? Mukhang ang galing naman niya."



          “Pero nakapagtataka kasi ito Larson. Kahit sa anong oras ko ginawa ang file, nabubura at nabubura nila ito. Hindi ko alam pero parang binabantayan nila ang ginagawa ko 24/7."



          “Paano ka ba nakakasiguro na binabantayan ka nila 24/7? Sinabihan ka ba?"



          “Ganoon na nga." Kinuha ko ang phone ko at tinawag si Ricky. “Kung totoo iyun ay dapat gising na gising ang kaibigan kong ito."



          Nakarinig lang ako ng ilang ring at sinsgot ito ni Ricky.



          “Hello? S-Sino itong tumatawag? M-Masyado pang maaga ahh! A-Ang himbing pa naman ng tulog ko," saad ni Ricky na base pa lang sa boses na ito, naiirita dahil sa ginising siya ng maaga.



          Magsasalita na sana ako nang biglang naputol ang linya. Nakakapagtaka. Hindi ugali ni Ricky na babaan ang kausap niya sa phone sa gitna ng isang pag-uusap. Naging kaibigan ko naman iyung tao kaya alam ko ang ugali niya. Nawalan kaya siya ng signal sa gitna ng pag-uusap? Mukhang napakaimposible naman ata nun.



          At ang isa pang nakapagtataka, hindi ako binabantayan ni Ricky. Kanina pa ata siya natutulog ng mahimbing. Weird. Binabantayan ba talaga niya ako?



          Sinubukan ko ulit tawagan ang cellphone ni Ricky. Pero mas nakakapagtaka na hindi ko na matawagan ang cellphone niya dahil hindi na daw nag-e-exist ang number ni Ricky.



          Sinubukan ko namang tawagan ang phone ni Zafe at baka siya ang nagbabantay sa akin ngayon imbes na si Ricky. Ilang ring din ang narinig ko at sinagot ito ni Zafe.



          “K-Kurt? Kaaga-aga ehh. Mahimbing akong natutulog. Dapat mamaya mo na lang ako awayin Ano ang atin?" tugon ni Zafe na halatang ginising ko mula sa kaniyang mahimbing na pagkakatulog.



          Gaya ng nangyari kay Ricky, naputol din ang linya. Okay. Coincidence ba ang mga nangyayaring ito? Okay. Hindi si Zafe ang nagbabantay sa akin. At willing naman na makipag-usap sa akin si Zafe. Bakit biglang naputol?



          Sinubukan ko ulit siyang tawagan. Pero gaya ng nangyari kay Ricky, hindi na din nag-e-exist ang cellphone number niya. Anong kalokohang nangyayari ito? Hindi na 3am dahil ekstaktong 4am na kaya wala ng mahiwagang shit na mangyayari sa oras na ito. Si Aulric kaya.



          Nagbukas naman ako ng browser at binuksan ang aking Facebook account. Balak ko kasing gumawa ng status ita-tag ko sana sila Zafe at Ricky. Alam kong hindi na kami magkaibigan sa totoong buhay pero magkaibigan pa rin kami dito sa Facebook. Huwag na kayong magtanong kung bakit.



          Ita-tag ko na sana sila pero hindi ko naman sila ngayon mai-tag. Tiningnan ko naman ang mga profile nila pero kagaya ng cellphone number nila, hindi na nag-e-exist ang account nila. Naka-block na ba ako sa kaniya?



          “Larson, pwede mo bang i-search ang mga kaibigan ko gamit ang Facebook account mo diyan sa server?" hiling ko dito na nasa counter ng shop at may pinapanood na isang TV series. “Hindi daw nag-e-exist ang account nila sa akin. Baka naka-block na sila sa akin."



          “Baka naka-block ka na talaga? Ang sama pa naman ng ginagawa mo. Tama ba naman iyung pinaggagagawa mo na siraan sila? Baka umiiwas na sila sa iyo para sa kabutihan nila," saad pa niya habang nagta-type. “Ano ang pangalan nila?"



          Tumayo ako at lumapit sa counter. “Zafe Neville."



          Tumalima agad si Larson at hinanap ang profile ni Zafe. “Wala."



          “Wala? Subukan mo nga na lagyan ng zafetylock pagkatapos ng Facebook URL?"



          Nag-type ulit si Larson. “Wala din."



          “Seryoso?"



          “Wala nga," giit pa ni Larson.



          “Ricky Rizal. Subukan mo nga ngayon."



          Nag-type ulit si Larson. “Wala din."



          “Wolfgangster?"



          Nag-type na naman si Larson. “Wala."



          Napaisip tuloy ako ng malalim. Bakit naging ganito? Una, ang cellphone number nila. Ngayon naman, ang Facebook account nila? Paano nangyari iyun? Hindi kaya dahil ito sa virus na nilagay nila Ricky? Pero sa bahay ko lang naman nakalagay ang virus.



          “Larson, posible ba na kumalat ang isang virus?" tanong ko.



          “Siyempre. Pero dipende kung paano naipakalat. Pwede mong ipakalat via internet o kahit sa tulong ng USB," paliwanag ni Larson. “Bakit? May virus ba iyung PC mo?"



          “Yeah. May nilagay silang virus sa PC ko na burahin daw iyung mga files na gagawin ko patungkol sa kanila. Binabantayan daw nila ako 24/7. Pero ang nakapagtataka, mahimbing silang natutulog kanina. Paano naman nila nabura iyun? Iniisip ko nga na manually iyun ginagawa. Paano kung automatic?"



          Napangiti si Larson. “Hmm... interesante. Gusto mo tanggalin ko iyung virus sa PC mo? Libre na iyun para sa mga batang katulad mo."



          “Talaga? Sige Larson," pagpayag ko. “Magiging convenient para sa akin kapag naalis mo ang pesteng virus na iyun."



          Makalipas ang ilang oras sa, nakarating na kami kwarto ko kasama si Larson.



          “Welcome sa bahay ko." Walang amor kong ipinakita ang kabuuan ng kwarto ko.



          Sa kwarto ko, marami kang makikitang mga poster. Karamihan dito ay mga poster na pinirint ko galing sa Dota 2. Iyung loading screen nila Mirana, Shadow Fiend, Invoker, Slayer, at marami pang iba.



          “Ano ba namang kwarto to. Halatang bata talaga iyung nakatira," pang-aasar na naman ni Larson. Huwag kang maasar Kurt. Subukan mong huwag maasar.



          “Fine," nasabi ko na lang at bahagyang itinaas ko ang aking mga kamay.



          Binuksan ko ang PC ko para sa kaniya. Maya-maya ay bumukas na din ito. Umupo naman siya ngayon sa harapan ng PC ko habang humiga naman ako ngayon sa aking kama.



          “Medyo matagal-tagal ito kaya umidlip ka muna bata," wika ni Larson habang nagsisimula na siyang mag-type sa keyboard.



          “Gaano ba iyan katagal?"



          “Kasingtagal ng idlip ng isang batang katulad mo." Buti at tumaas ang pasensya ko sa taong ito tuwing tinatawag niya akong bata.



          Humugot na lang ako ng buntong-hininga at pabagsak na humiga sa kama ko.



          “Huwag kang mag-alala bata. Hindi ito aabot ng pasko. Basta idlip ka na muna okay?" pahabol pa niya na nakatuon pa rin sa ginagawa.



          “Hay! Magandang umaga na lang Larson."



          “Ikaw din bata. Tulog na."



          Dahan-dahan na pumikit ang aking mga mata dahil sa pagod. Gising ba naman ako ng halos isang buong araw. At ang score ko ngayong araw sa Dota 2 ay 1-13. Isang panalo at 13 na talo. Grabe! Ang sarap matulog na may treseng talo sa record ko. Bwisit! Hindi pa ako nasanay.



          “Kurt," tawag sa akin ng isang pamilyar na boses.



          Lumingon naman ako kung saan nanggaling ang boses. Kilala ko ang boses na iyun. Si Colette.



          Dahan-dahan na lumapit ako sa kaniya at binigay ko ang aking pinakamagandang ngiti. “Bakit Colette?"



          “Halika Kurt. Maglaro tayo." Kinuha niya ang aking kamay at tumakbo.



          “Teka lang Colette? Pwede bang dahan-dahan ka lang maglakad?"



          Natatandaan ko. Ito ang parte ni Colette na gustong-gusto ko. Masyado siyang masayahin at kapag nakangiti siya'y animoy wala siyang problema. Wala naman talaga.



          Lagi kaming naglalaro sa kung saan-saang parte ng parke noong mga bata kami. Takbo dito, takbo doon, talon dito, at talon doon.



          Habang naglalaro ay may nakilala kaming dalawang bata. Sila Zafe at Ricky. Magkakatulad kami noong mga bata pa kami. Masyado kaming maligalig. Gusto ni Ricky at Zafe na maglaro ng basketball. Habang ako naman ay gusto kong gayahin ang mga magulang ko na isang magaling na newscaster. Si Colette naman ay gusto niyang magdisenyo ng mga damit na susuutin namin. Kahit pa iyung basketball attire pa nilaa Zafe at Ricky.



          Isang araw, naging kami ni Colette. Bata pa lang kami, gustong-gusto ko na siya. Kaya laking tuwa ko nang naging kami.



          “Ang swerte mo naman Kurt at naging kayo ni Colette. Ang gwapo mo kasi," pamumuri ni Ricky sa akin. Pauwi na kaming tatlo sa aming mga bahay.



          “Talaga. Wala na akong mahihiling pa bukod sa maging kami hanggang sa huli," sagot ko.



          Tinapik ni Zafe ang balikat ko. “Magiging masaya kami ni Ricky para sa iyo kapag nangyari iyun."



          “Basta Zafe, huwag mo siyang agawin mula sa akin," pang-aasar ko.



          Natawa ng payak si Zafe. “Ako? Aagawin si Colette sa iyo? Baka si Ricky? Grabe! Balita ko, tinira niya iyung babaeng top 1 sa klase namin."



          “Reward niya iyun sa pagiging top 1. Nangako kasi ako," dahilan ni Ricky. “Siya nga pala Kurt. Naiskoran mo na ba si Colette?"



          “Naiskoran? Ano iyun?" inosente kong tanong.



          “Iyung ginagawa ko. Masarap iyun," kulang-kulang na paliwanag ni Ricky.



          “Hoy Ricky, huwag ka nga! Dinudumihan mo ang pag-iisip ni Kurt!" asik ni Zafe dito.



          “Tss! Huwag ka nga din! Virgin ka kasi kaya hindi ka maka-relate sa mga sinasabi ko. Kaya itong si Kurt, tuturuan ko para naman maka-relate sa mga sinasabi ko at nang maitsapwera ka Zafe."



          “Heh! Tumahimik ka!"



          “Punta ka sa bahay ko Kurt. Tuturuan kita kung paano iskoran si Colette," yaya ni Ricky. “Sigurado akong masasarapan ka dahil virgin pa si Colette."



          “Ano ba iyang pinagsasasabi mo Ricky?!" pagsingit ni Zafe.



          Na-curious naman ako sa sinasabi ni Ricky. “Sige ba," pagpayag ko.



          “Magaling. Magaling, magaling, magaling," paulit-ulit na sinasabi ni Ricky na animo'y parang isang guro.



          Sa bahay ni Ricky, nanood kami ng isang malaswang palabas. Ako lang at si Ricky. Hindi na kasi sumama si Zafe dahil may iba pa daw siyang gagawin. Habang nanonood ay pinapaliwanag sa akin ni Ricky ang mga nangyayari. Ako naman ay mabilis na nakuha ang mga pinagsasasabi niya at nasabi ko sa aking sarili na handa ko nang gawin ang bagay na iyun kay Colette.



          Isang gabi sa bahay ko, mapusok kong hinalikan si Colette. Ito daw kasi ang unang dapat gawin sabi ni Ricky.



          Hindi naman siya umalma dahil sa mga ungol na ginagawa niya at dahil sa paggalaw ng mga kamay niya sa katawan ko. Kahit na napakalamig sa kwarto ko, ang init ng pakiramdam namin. Kung ganoon, ito pala ang nararamdaman ni Ricky tuwing ginagawa niya ito sa mga babae. Ang sarap-sarap nga ng ginagawa namin.



          Pero biglang nagbago ang pangyayari. Nakaluhod ako sa sarili kong kama at may parang taong nakapatong sa likod ko. Nararamdaman kong ikinikiskis ng tao ang aming mga balat. Hinahalikan pa ako nito mula sa aking likod.



          “Ang sarap mo talaga bata," anang boses ni Larson.



          Bigla akong napadilat sa narinig ko. Hinabol ko pa ang aking hininga. Napakasama naman atang panaginip iyun. Alam kong nag-reminisce ako sa aking panaginip. Pero bakit naman naging isang wet dreams iyun? Alam kong ginawa namin iyun ni Colette. Pero bakit naman napunta kay Larson na may ginagawa sa likuran ko? Anong koneksyon nun?



          Nagulat na lang ako nang napagtanto ko na wala akong pang-itaas, at patay din ang kompyuter ko. Tumingin ako sa gilid at nakita ko si Larson na wala ding pang-itaas at natutulog. May nangyari ba sa amin kanina?!



          Mas lalo pa akong nanghilakbot nang itinaas ko ang aking kumot. Naka-boxer na lang din ako at ganoon din siya! Isa itong nakakaalarmang pangyayari sa buhay ko. Ang pinakapangarap ko pa naman ay isang maging batikang newscaster sa balat ng Pilipinas gaya ng aking maging magulang. Hindi ako isang bakla dahil wala namang sikat newscaster na bakla sa buong history ng Pilipinas! Importante para sa akin ang ambisyon ko. Kaya hindi ako papayag na si Larson lang ang makakasira ng pangarap ko!



          “Hoy Larson! Gumising ka diyan!" sigaw ko dito para magising.



          Biglang siyang nagising at pumorma na handa na siyang makipagsapakan. “Bakit?! May magnanakaw ba?! Asaan?! Ituro mo?!"



          Sinuntok ko siya ng malakas ng mukha! “Ikaw lang naman ang magnanakaw! Ninakaw mo na ang pagiging isa kong purong lalake, ninakaw mo pa ang aking mga pangarap!"



          Makalipas ang ilang minuto, nakaluhod ako sa sahig habang si Larson ay nakaupo sa kama ko at hinihimas-himas ang mukha niyang sinuntok ko. Paulit-ulit akong humihingi sa kaniya ng tawad.



          Ang totoo kasi na nangyari, aksidenteng namatay ang kompyuter ko habang kinakalikot ito ni Larson na gawa daw ng virus na inaalis niya. Sumunod naman na nangyari ay nasira ang air conditioning ng kwarto ko kaya uminit. Tagatak daw ang pawis ko ayon kay Larson. Kaya hinubad niya ang damit ko. Si Larson naman ay naghubad na din at natulog na lang sa tabi ko kesa antayin niya akong gisingin.



          “Pag-iisipan ko pa kung dapat pa kitang patawarin bata," persistent niyang pagtanggi sa pakiusap ko na patawarin niya ako.



          “Ano ba ang kailangan kong gawin para patawarin mo ako?! Nagsisisi na talaga ako sa ginawa ko."



          Napaisip si Larson. “Hmm... ano kaya? Ano ang kailangan mong gawin? Well, paano kung sundin mo ang mga sinasabi ko."



          “Sige. Payag ako sa kung ano ang gusto mong gawin."



          “Kahit ano?" paniniguro ni Larson.



          Napaisip naman din ako. “Teka nga lang? Pag-iisipan ko pa muna kung dapat ba akong pumayag sa sinasabi mo. Ano naman kasi ang ipapagawa mo sa akin kung sakali?" tanong ko.



          “Aba! Marami! Gaya ng paglalaro ng online games sa kwarto mo," sagot ni Larson.



          “Ohh! Iyun lang naman pala ehh."



          “Sira! Sa tingin mo, matatanggap ko ang sorry mo?! Iyung suntok mo, nakakabaog ehh!"



          Napatayo ako sa inis. “Nakakabaog? Hoy! Sa mukha kita sinuntok! Hindi sa itlog mo! Gusto mong suntukin talaga kita diyan sa itlog mo?!" Aambahan ko na sana si Larson nang makarinig kami ng katok sa pintuan.



          “Anak, Kurt, andyan ka ba?" tawag sa akin ni mama. Nakauwi na pala siya.



          Sinimulan ko ng kunin ang damit namin ni Larson na mukhang tinapon na lang niya kung saan-saan. “Sandali lang po ma. Bigyan niyo po ako ng ilang minuto para makapagbihis. Baka kapag pumasok kayo-" Biglang bumukas ang pintuan. “Ay baka magkaroon ng-"



          Naputol ang sasabihin ko nang sumigaw si mama ng pagkalakas-lakas. Umalingawngaw pa ito sa buong bahay. Malakas pa naman sumigaw at halos nabingi ako sa sigaw niyang iyun.



          Ilang minuto ang nakalipas, nasa hapag-kainan na kami at kumakain ng agahan na tanghalian. Mga bandang 1 o'clock na pala nang tanghali nang magising kami. Naghanda si mama ng mga sari-saring pagkain. Gawain niya kasi ito kapag umuuwi dahil minsan lang niya ito magawa bilang ulirang mama ko.



          Kanina pala, nagpakilala si Larson sa mama ko. Ipinaliwanag naman ni Larson sa kaniya kung ano ba talaga ang nangyari kanina sa kwarto ko na kung saan nadatnan kami ni mama na halos nakahubad.



          “Naku Larson. Pasensyahan mo na sa inasal ko," paghingi ng dispensa ni mama habang nagluluto pa siya ng pagkain. “Hindi ko lang kasi mapigilan na mag-isip ng kung ano-ano matapos makakita ng dalawang lalake na nakahubad sa isang kwarto."



          “Alam ko po ang sinasabi niyong iyan Mrs. Lee," tugon ni Larson.



          “Mabuti naman. Alam mo naman na nag-iisa lang naming anak itong si Kurt. Bilang isang ina, hindi naman ako papayag na mapunta siya sa isang lalaki. Gusto kong magkaroon ng isang apo. Iyun din kasi ang pangarap ng aking asawa. At gusto kong may magtuloy sa ginagawa namin. Inaasahan ko na magiging isang magaling na newscaster din itong anak ko."



          Tumawa ng payak si Larson. “Ako din po. Gusto ko rin pong makita ang anak niyo sa telibisyon na nagbabalita ng mga totoong balita na purong katotohanan lang. Parang kayo po na magaling magbalita ng mga makabuluhan at makatotohanang balita," saad ni Larson habang nakatingin sa akin.



          Parang namula si mama sa pinagsasasabi ni Larson. “Ohh! Salamat sa iyong papuri. Bago ko makalimutan itanong, naging mabait ba sa inyo itong anak ko? Wala ba itong ginagawang kabulastugan?"



          Napatingin ako kay Larson at tiningnan siya ng masama. Huwag na huwag niya lang akong ibubuking sa mama ko.



          “Nako! Kung ano po ang magandang iniisip niyo sa kaniya, kabaligtaran po iyun!" diretsong sagot ni Larson.



          Napatayo ako nang biglang humarap sa akin ni mama at nakatingin siya sa akin ng masama. Wari'y sinasabi niya na umupo lang ako.



          Sinunod ko ang kagustuhan ng mga tingin ni mama at umupo. Bumalik sa pagluluto si mama habang ako naman ay tumingin ng masama kay Larson. Ngumiti lang siya sa akin na may nang-aasar pa na tingin.



          “Hay nako! Totoo talagang ang hirap maging isang magulang na katulad na subsub sa trabaho. Siguro naman Larson, lagi mo akong nakikita sa TV kaya alam mo ang mga pinagsasasabi ko," stressed na saad ni mama.



          “Mama, hindi po nanonood ng balita si Larson," pagsingit ko.



          “Tumahimik ka anak! Si Larson ang kausap ko!" sigaw ni mama sa akin.



          “Mrs. Lee, totoo po ang sinasabi ng anak niyo. Hindi po ako nanonood ng segment po ninyo telibisyon kung saan po kayo nagbabalita," pag-amin ni Larson. “Pero alam ko po ang pakiramdam ng isang magulang na laging wala sa bahay at palaging nasa trabaho at hinahayaan lang mag-isa ang kanyang anak sa bahay. Ganoon din po ako pinalaki ng mga magulang ko."



          Nagliwanag ang mukha ni mama. Tinigil na muna niya ang kanyang pagluluto at palagay ko'y naiyak si mama sa sinabi ni Larson. Lumapit naman dito si Larson at niyakap si mama para pagaanin ang loob nito. Pero hindi ba alam ni mama na hindi din totoo ang mga sinasabi ni Larson? Sasabihan ko sana si mama pero alam ko na patatahimikin niya ako. Bwisit naman kasi itong si Larson! Sinumbong pa talaga ako kay mama.



          Nang lumipat na kami sa sala, sermon ng sermon sa akin si mama. Kahit hindi direktang sinasabi ni Larson kung ano ba ang masamang pinaggagagawa ko, kahit ano-ano na lang ang sinasabi ni mama. Masama daw ang ganito, ganyan. Hindi dapat ginagawa ang ganito, ganyan. Dahil may mangyayari sa iyong ganito, ganyan. Tango na lang ako ng tango para makaiwas sa mahabang sermon ni mama. Pero kahit anong gawin ko, sigurado akong magiging mahaba ang usapan naming ito.



          Ilang oras ang lumipas, may pinuntahan kaming isang lugar ni Larson gamit ang isa sa mga kotse namin. Si Larson ang nagmamaneho. May gagawin daw kaming importante sa lugar na ito.



          “Ang galing mo ring magsunungaling sa mama ko ano? Mukhang maparaan ka sa pagpasok sa mga puso ng tao," saad ko nang huminto na ang kotse.



          “Sa aling parte naman ako nagsisinungaling?" tanong niya. “Totoo lahat iyung mga salitang sinabi ko sa mama no."



          “Anong sinasabi mo na laging nasa trabaho ang mama niyo ni Allan? Wala ngang trabaho iyun. Ang trabaho niya lang ay pumunta sa computer shop niyo at makibantay din. Minsan pa nga, nandoon pa kayong lahat. Unless kung hindi talaga sila ang magulang mo... dahil adopted ka lang," paliwanag ko.



          Napaisip ako bigla sa sinabi ko. Si Larson kasi ay walang pagkakahawig kila Allan at sa mama nila. Iniisip ko dati na baka mana sa papa nila Allan si Larson. Pero ni hindi ko nakita ang papa nila. Hindi nga rin ito binabanggit nila Allan.



          “Ampon ka lang?" tanong ko sa kaniya.



          “Walang kaduda-duda bata," diretso niyang sagot.



          “Ano ba iyan?! Walang thrill. Dapat tumanggi ka man lang," naiinis kong saad.



          “Kung may isa pang tao na magtanong man ng parehas na tanong, iyun din ang isasagot ko. Oo at ampon lang ako sa pamilya nila Allan. Ano ngayon? Malaki bang kawalan ng kahit sino man ang malamang ampon lang ako? At least, mahal ako ng pamilya ko ngayon at mahal ko din sila. Kaya ikaw bata, swerte ka at may mga genuine kang magulang na nagmamahal sa iyo. Kaya sundin mo ang mga sinesermon sa'yo ng mama mo kanina dahil halatang-halata na hindi ka nakikinig." Lumapit pa siya sa akin at ginulo ang buhok ko.



          Hinawi ko naman ang kamay niya. “Itigil mo nga iyan! Kaya pala hindi mo matawag-tawag na bata si Allan dahil ampon ka lang pala."



          Napangiti si Larson. “Nako bata! Kung ikukumpara kita kay Allan kung sino ang mas bata sa inyo mag-isip, ikaw iyun. Hindi mo kilala si Allan kaya hindi mo alam kung bakit hindi ko siya matawag-tawag na bata. Hindi dahil sa alam kong ampon ako kaya hindi ko siya matawag-tawag na bata. Hindi mo pa siya kilala bata."



          “Sa tingin ko nga." Napatingin ako sa labas ng bintana. “Ano nga pala ang ginagawa natin dito sa lugar na ito? Nagsuot ka pa ng pormal na parang pupunta sa isang party nang dumaan tayo sa bahay ninyo. Bakit nga pala ganyan ang suot mo? Siguraduhin mong worth it ang hindi ko pagpasok ngayon sa eskwela."



          “Basta. May kukunin lang ako," saad niya na may kakaibang boses.



          Napalingon ako bigla sa kaniya nang napansin na nag-iba ang boses niya at baka isa palang alien ang katabi ko. Nakasuot na siya ng isang maskarang leyon. May suot din siyang mga kamay ng isang leyon. Namangha ako dahil mukhang nanggaling ata sa suot niyang maskara ang kakaibang boses niya.



          “Ang ganda naman niyan," puri ko.



          “Salamat sa papuri bata pero hindi ko na muna iyan kailangan. Kailangan ko ng magmadali. Wala na tayong oras. Tawagan mo ako sa phone kung may makita kang taong papasok sa bahay na papasukin ko."



          Mabilis na tumakbo si Larson sa isang bahay at pumasok. Saka ko lang napagtanto kung bakit ba siya pumasok sa loob ng bahay na iyun na may maskarang leyon? Mga masasamang tao lang naman ang gumagawa ng ganoon. Magnanakaw kaya siya sa loob ng bahay at ako ang kanyang magiging lookout? Teka? Ito ba ang gusto kong gawin para mapatawad niya ako sa pagsuntok ko sa kaniya? Samahan siyang nakawan ang isang bahay?!



          Napatingin ako sa itaas ng bahay nang may mapansin akong parang camera dito. May mga CCTV ang bahay! Kahit na magawa ni Larson ang gagawin niya, mahuhuli pa rin kami dahil sa mga CCTV sa bahay!



          Mabilis kong tinawagan si Larson sa phone niya. Dala kasi ni Larson ang susi sa kotse. Gagong taong ito ahh! Gusto niya bang masangkot ang isang anak ng kilalang magaling na newscaster sa Pilipinas sa isang nakawan? Nanakawin na niya ba talaga ngayon ang mga ambisyon ko sa buhay?! Hindi ako papayag! Hindi!



          Isang ring lang ang ginawa ng phone niya at sinagot agad ito ni Larson. Teka? Paano niya nakuha at nasagot ni Larson ang phone niya kung suot niya iyung mga kamay ng isang leyon? Pero hindi iyan ngayon importante!



          “Bakit? Andyan na ba?" tanong agad niya.



          “Ano ba ang ginagawa mo?! Ninanakawan ang isang bahay ng kung sino?! Hindi mo ba nakita na may CCTV ang bahay?! Baka kahit manakaw mo ang gusto mong nakawin, mahuhuli tayo dahil sa mga CCTV ng bahay niya! Ayokong masangkot sa isang malaking eskandalo Larson!" natatarantang sigaw ko.



          “Easy ka lang bata. Huminahon ka."



          “Huminahon?! Masasangkot ako sa isang malaking eskandalo Larson! Mapapahiya ako sa pamilya ko! Patawarin mo na ako at kahit ano, gagawin ko basta mapatawad mo lang ako. Huwag lang ito Larson! Malaking gulo ito!"



          Biglang ibinaba ni Larson ang phone niya. Mas lalo akong nataranta sa ginawa niya. Iniisiip ko ng tumakbo at isumbong na lang si Larson sa kinauukulan. Pero masasangkot ako kapag sinabi ni Larson ni kasama niya ako. Hindi ko iyun maitatanggi dahil ako mismo ay sumama. Anong gagawin ko?! Anong gagawin ko?!



          Biglang bumukas ang gate nung bahay na pinasukan ni Larson at lumabas siya mula rito. Pinaandar naman niya agad ang sasakyan pagkalabas.



          “Anong kagaguhan ito Larson?! Siguradong mahuhuli-"



          Natigil ang pagsasalita ko nang hinalikan ako ni Larson sa labi ko. Isang simpleng smack lang iyun at saglit lang na nangyari.



          Nagulat ako sa ginawa niya at natulala. Hindi ko aakalain na hahalikan niya ako. Sa kalagitnaan ng aking pagkatulala, may nakita akong isang tao na halos kaedaran ko lang habang umaandar ang kotse. Naka-bike ito at napansin kong may kamukha siya. Si Larson.



          “Kumalma ka na ba?" rinig kong tanong ni Larson.



          Lumingon ako dito at tumango. “Iyung dumaan kanina, kahawig mo. Kapatid mo?" mabagal ko namang tanong.



          “Oo," tipid niyang sagot nang hindi lumilingon sa akin.



          “Okay." Humugot ako ng buntong-hininga. “Teka? Ano ba ang uunahin ko itanong? Iyung kapatid mo? Iyung ginawa mo sa isang bahay na may CCTV na sisira sa pamilya namin dahil ang plate number ng sasakyan na ito ay nakarehistro sa pamilya namin? O iyung paghalik mo kanina?"



          “Ahh! Iyung paghalik ko kanina, ginawa ko lang iyun para matigil ka sa pagkataranta mo. Nabasa ko iyun sa isang site at napaka-effective naman," natatawa niyang paliwanag.



          Napailing ako. “Sino ba naman ang hindi matataranta? Malaking eskandalo ito sa pamilya namin kapag nalaman nila na ninakawan natin ang isang bahay. At sabihin mong hindi malalaman? May CCTV ang bahay Larson. Malalaman at malalaman nila kapag malinaw na nakuha ang plate number ng sasakyan natin," kalmado kong saad pero makakasapak na ako ng tao kapag nakakuha ako ng isang tarantadong sagot.



          “Bata ka pa nga talaga. Hindi ka ba nakakaramdam ng excitement sa ginagawa natin kanina?"



          Aambahan ko na sana siya nang maalala ko na siya ang nagmamaneho ng sasakyan. Baka mamatay ako kung papatulan ko ang sagot niya sa akin.



          Humugot ulit ako ng buntong-hininga at pinakalma ang aking sistema. Paulit-ulit ko pa na sinasabi sa aking sarili na magiging ayos lang ang lahat. Pero masyado akong realistic. Ilang minuto o oras na ang nakalipas, siguradong magiging impyerno ang buhay ko.



          Ito na marahil ang pinakamatagal na byahe sa buhay ko. Dumaan kami sa isang fast food restaurant at bumili ng ilang pagkain. Pagkatapos noon ay huminto kami at pumunta sa isang burol na may puno ng duryan. Medyo madilim na ang langit at nagiging maliwanag ang lugar dahil sa ilaw ng mga kabahayan. Umupo na muna kami sa tabi ng puno at kumain. Hindi ko lang pinansin ang ganda ng lugar dahil lumilipad ang isip ko sa kung saan.



          “Ang ganda ng view dito no," saad ni Larson.



          “Oo nga. Ang ganda ng view. Magiging maganda kaya ang view na ito kapag naging impyerno na ang buhay naming mag-anak?" wala sa huwisyo kong tugon.



          Tumawa ng payak si Larson at may itinuro. “Sabihin mo nga sa akin bata. Bakit ang bahay na iyun ay may makikita kang iba't ibang kulay?"



          “Dahil christmas lights ang mga nagliliwanag na iyun. Diyembre na kaya."



          “Mali."



          “Bakit mo nasabi?"



          “Dahil telibisyon nila ang nagliliwanag na iyun na paiba-iba ng kulay at hindi christmas lights," paliwanag niya.



          “Paano mo naman nasabi na telibisyon iyun? Ehh ang layo-layo natin doon."



          “Bakit ang buwan? Sigurado tayo na iyan ang buwan kahit napakalayo?" Tinuro naman niya ang buwan na kalahati lang ang nagliliwanag.



          “Ayoko na ngang makipag-usap sa iyo."



          “Ito? Ano naman kaya ang paiba-ibang kulay na nagliliwanag sa bahay na iyun?" tanong niya sabay may itinuro na naman.



          “Liwanag ng telibisyon ang nagliliwanag na iyun," napapagod kong sagot.



          “Mali na naman bata. Party lights iyun."



          “Sige na. Panalo ka na. Grabe ka naman kasi Larson. Kailangan mo pang sirain ang buhay ng pamilya ko para lang mapatawad mo ako," naiinis kong saad.



          “Bakit pinapatanong ko sa iyo kung bakit paiba-iba ng kulay na nakikita natin sa mga kabahayan?" tanong pa niya.



          “Para lang pagtripan ako."



          Pinatunog ni Larson ang dila niya. “Mali ka na naman. Dahil bawat bagay ay may eksplanasyon. Iyung ginawa ko kanina, may kaakibat iyun na eksplanasyon. Kaya pinapatanong ko sa iyo kung bakit ganoon ang nakikita nating ilaw sa kabahayan na paiba-iba ang kulay, dahil meron itong eksplanasyon. Baka christmas light lang iyun dahil malapit na ang pasko, maaaring tama ka doon kung iyung ilaw ng bahay na iyun ang pinapatanong ko." Tumuro na naman siya sa isang kabahayan.



          “Kung ganoon, bigyan mo ako ng maayos na paliwanag sa nangyari kanina kung bakit chill ka lang kahit na iniisip ko na magiging impyerno na ang buhay ng pamilya ko?!" nagagalit kong tanong.



          Bumuntong-hininga si Larson. “Unang-una, may mga bagay-bagay ka na hindi nalalaman tungkol sa akin. Actually bata, pamilya kami ng mga matatalino. Magaling kami sa ilang field na pinag-aralan namin ng maayos. Ang field ng pamilya namin kung saan kami magaling ay Computer Science. Marami kaming alam pagdating sa teknolohiya. Kaya iyung mga nakita mong CCTV sa bahay nung bahay na pinasok ko, puro malilinaw ang kuha nun. Masisira talaga ang buhay ng pamilya niyo kung nakuhaan tayo."



          Napaisip ako sa sinabi ni Larson. “Ang ibig mo bang sabihin, sinabotahe mo ang mga CCTV sa bahay na iyun kaya iyung ginawa mo kanina, hindi malalaman ng kung sinong nakatira sa bahay na iyun dahil hindi niya makikita sa CCTV?" Nakahinga ako ng maluwag. “Okay. Magaling. Pero ano naman iyung ginawa mo sa loob ng bahay?"



          "Pangalawang bagay, bahay iyun ng kapatid ko. Iyung nakita mong naka-bike kanina. Kapatid ko iyun. Siya lang ang nag-iisang tao na nakatira doon. Ang ginawa ko naman sa bahay ay kumuha ng kopya ng virus na ginawa niya."



          “Sandali lang? Kapatid mo ang may gawa ng virus? Hindi iyung kaibigan kong si Ricky?"



          “Ang galing mo bata. Nasundan mo." Lumapit ulit siya saka ginulo ang buhok ko.



          Madali ko namang hinawi ang kamay niya sa ulo ko. “So ano ang gagawin mo doon sa virus na kinuha mo?"



          “Ang kalaban ng virus ay isa ding kapwa virus. Kaya gagawa ako ng anti-virus para doon sa virus na ginawa niya. Malaking gulo kasi ang ginawang virus ng kapatid ko kung hindi mapipigilan."



          “Ipaliwanag mo nga sa akin."



          “Iyung PC mo ba, kakakabit mo lang ng internet connection hindi ba?"



          “Oo. Nito kasing Hunyo, tinamad akong bayaran ang bill namin kaya pinutulan kami. Nitong linggo ko lang naipakabit ulit."



          “Ang ginagawa ng virus na ginawa ng kapatid ko ay burahin ang laman ng mga impormasyon tungkol sa mga pangalan na nilagay niya. Aulric, Melville, Zafe, Nelville, Ricky, Rizal. Iyan ang mga keywords na buburahin ng virus sa PC mo. Kahit anong file pa iyan basta nandoon ang mga keywords. Kaya lang, hindi ata alam ng kapatid ko na gumawa siya ng virus na makakatulay sa internet. Kaya nung nagkaroon ng internet connection ang PC mo, kumalat na iyung virus. Magiging malaking gulo ito kapag hindi naagapan. Lahat ng impormasyon tungkol sa mga tao, bagay, o kahit ano man na may pangalang Aulric, Melville, Zafe, Nelville, Ricky, Rizal, mabubura sa mga computer. Walang sasantuhin ang virus na ginawa ng kapatid ko. Kahit nga siguro ang impormasyon ng lugar natin, mabubura din sa internet. Nasa Rizal kasi tayo. At baka pati na rin ang impormasyon tungkol kay Jose Rizal sa Wikipedia, mabubura din. Ito din ang posibleng eksplanasyon kung bakit nabura ang files na ginawa mo doon sa shop namin dahil infected na din ang shop."



          Naalala ko naman iyung nangyari kaninang umaga. Kaya pala wala ng Facebook account sila Zafe dahil nabura ito ng virus na gawa ng kapatid ni Larson. At pati iyung mga phone number nila na hindi na daw nag-e-exist.



          “Tara na. Umuwi na tayo. May mga trabaho pa akong gagawin," nasabi niya nang natapos niya kainin ang kinakaing burger.



          “Teka. Pag-usapan naman natin iyung kapatid mo. Bakit mukhang magkahiwalay kayo? At ano ang nangyari sa iyo kung bakit napunta ka sa pamilya nila Allan?" sunod-sunod na tanong ko.



          “Nice try bata. Saka ko na iyan sasagutin kapag kapag hindi ka na bata," natatawa niyang tugon.



          Bumalik ulit ang inis ko sa taong ito. “Pwede bang tigilan mo na nga ang pagtawag sa akin ng bata?! At ano ba ang kailangang kong gawin para hindi mo na akong tawagin na bata?!"



          “Kapag hindi ka na bata mag-isip."



          “Bakit hindi mo na lang sabihin sa akin kung ano iyun?!"



          Pinatunog ni Larson ang dila niya at umiling. “Hindi maganda kasi iyun. Kailangan na ikaw mismo ang sumagot sa tanong mong iyan. Ano nga ba ang dahilan kung bakit patuloy pa rin akong tinatawag ni Larson na bata? Ano nga ba?"



          Kasabay ng pagkatahimik ng paligid, umihip din ng katamtaman ang hangin. Napaisip din ako ng malalim sa sinasabi ni Larson. Ano nga ba ang dahilan kung bakit patuloy pa rin akong tinatawag ni Larson na bata? Bata ba talaga ako mag-isip?



          20 na ako at Presidente ng Journalism Club sa eskwelahan. Maayos naman ang lahat sa akin. Maliban lang sa patuloy pa rin akong nagbabalak ng masama kay Aulric, Zafe, at Ricky. Bakit nga ba ako patuloy na nagbabalak ng masama sa kanila? Dahil ba sa hindi ko pa rin matanggap hanggang ngayon na wala na si Colette sa akin? Dahil ba sa nainis ako sa sinabi ni Aulric na malandi talaga si Colette?



          “Larson, malandi ba talaga iyung ex-girlfriend kong si Colette?" naitanong ko.



          “Oo. Malandi iyun," diretso niyang sagot na natatawa pa.



          Bigla akong nakaramdam ng inis sa sinabi niya. Gusto kong sapakin si Larson sa mga oras na ito dahil sa sagot niya. Pero kailangan hindi na niya ako matawag na bata. Paano nga ba?



          “Paano mo nasabing malandi siya?" mahinahon kong tanong.



          “Siyempre. Nagkwento ka nun sa amin sa nangyari sa love story mo. Kaya ang masasabi ko na lang, malandi kasi siya masyado. Biruin mo, pinagpalit ka pa niya kay Zafe? Kapag nagbalikan ulit kayo ng babaeng iyun, sigurado ako na mauulit lang ang mga mangyayari. Hihiwalayan ka niya ulit. Baka nga iniisip na pampalipas ka lang ng oras para sa kaniya. Nako! Kapag iyun ang narinig mo, tapos nagmula pa sa kaniya at harapan na sinabi, ewan ko na lang kung hindi ka mag-iiiyak sa kwarto mo ng matagal. Alam mo bata, maraming babae sa lugar na ito!" Itunuro pa niya ang kamay sa lahat ng direksyon. Ini-emphasize na marami talagang babae sa lugar na ito.



          Napatayo din naman ako at tiningnan din ang buong lugar. Tama si Larson. Maraming babae sa lugar na ito.



          “Maraming babae sa lugar natin na hindi ka pagsasabihan ng masama, hindi ka lolokohin, hindi ka gagawing pampalipas oras! Isipin mo, maraming babae diyan na mas maganda pa kay Colette! Mas sexy, mas mabait! Karamihan sa populasyon ng mundo natin, mas marami ang babae! At malay mo! Wala sa Pilipinas ang babaeng para sa iyo! Baka nasa ibang bansa gaya ng America, Africa, Europe, Russia, Japan, New Zealand, England, Australia, Spain, Mexico, o hindi naman kaya sa Canada! O baka malay mo! May tao pala na umaaligid-aligid sa tabi mo at hindi mo lang napapansin na may gusto pala sa iyo ang taong iyun! Give chance to others! May kasabihan nga, bawat isa sa atin, tuldok lang sa mundong ito! Iyung Colette na iyan, tuldok lang din iyan! Ikaw, ako, tuldok lang din sa mundong ito! Kaya mag-move on ka na sa babaeng iyun! Normal lang iyan na may isang babae na sasaktan ka! Bata ka pa talaga bata!"



          Sa sinabi ni Larson, parang lumaki ang mundo sa paningin ko. Tama siya. Hindi lang si Colette ang babae sa mundong ito.



          Naputol ang magandang moment na iyun nang umubo bigla si Larson. Bakit nga pala siya sumisigaw kanina pa?



          “Bakit ka ba sumisigaw habang nagsesermon sa akin?" tanong ko. “Ayan tuloy. Inubo ka."



          “Para pumasok sa utak mo at hindi lumabas sa kabilang tenga mo," sagot niya nang mahimasmasan. “Kung iyung kanina nga, hindi ka nakikinig mo sa mama mo, sa akin pa kaya? Baka hindi ka nakikinig kanina." Umubo pa siya ng ilang beses.



          Bigla namang kumulog. Ngayon ko lang napansin na hindi ko nakikita ang mga bituin sa kalangitan. Hudyat ito na maulap ang kalangitan. Naramdaman ko naman na may nag-iba sa ihip ng hangin. Naaamoy ko na may bubuhos na malakas na ulan.



          Hindi nga ako nagkamali nang biglang bumuhos ang malakas na ulan. Nabasa kami agad ni Larson sa sampung segundong nakatayo lang kami doon. Ang lamig ng bawat patak na dumadampi sa balat ko.



          “Tara na Larson! Bumalik na tayo sa kotse!"



          “Huwag na muna!" pagtanggi niya. “Naranasan mo na bang maligo sa ulan bata?"



          Napailing ako. “Hindi pa. Hindi pa kahit kailan. Magkakasakit daw ako kapag naligo ako sa ulan."



          “Maligo ka na muna. Kapag nagkasakit ka, sagot kita sa mama mo. Dapat maranasan mo ito bata. Ang sarap sa pakiramdam ng maligo sa ulan."



          Tumingin ako sa aking sarili. “Aba! Heto na nga at ginagawa ko na. Tingnan mo nga at basang-basa na ako."



          Sumunod na segundo, hinawakan niya ako at nagsabi ng taya. Nakikipaglaro naman siya ngayon ng tayaan. Naghabulan kami sa palibot ng burol habang bumubuhos ang ulan. Naiinis naman ako dahil sa tingin ko, plano niya na makipaglaro ako sa kaniya na maglaro sa gitna ng ulan para matawag na bata.



          Nang tumila na ang ulan, bumalik na kami sa kotse. May dala palang twalya si Larson at iyun ang ginamit namin para magpatuyo. Pagkatapos magpatuyo ay umuwi na kami sa bahay ko. Sesermonan na sana ako ni mama nang nakialam si Larson. Pero iba ang sinabi niya. Nagkaroon na daw kasi siya ng pasaway na kapatid na hindi sumusunod sa mama niya. Mukhang si Allan ngayon ang tinutukoy niya.



          Si mama naman? Hayun! Natuwa dahil sa may nakakaintindi sa kaniya. Ibinilin naman ako ni mama kay Larson na maging pasensyoso sa akin. Humingi na din ito ng tawad dito sa kung anong gagawin ko na magiging sakit sa ulo niya sa hinaharap.



          Akala ko dati, puro panloloko lang ang gagawin sa akin ni Larson. Totoo pala iyun. Isa siyang loko-lokong tao. Sabi niya, siya ang bahala kapag sinesermunan ako ni mama. Oo. Siya talaga ang bahala tapos pinasama pa niya ang imahe ko kay mama at nagmumukha talaga akong masamang anak.



          “Salamat Larson," nasabi ko na lang nang habang nasa kwarto ko siya at inaantay ang kanyang damit na matuyo sa drier.



          “Saka ko na lang tatanggapin ang pasasalamat mo kapag nakita kong masaya ka na bata. Sa totoo lang, hindi ko nga alam kung nakatulong ba ako o hindi sa iyo. Hindi ko pa masabi ngayon. Pero marahil bukas, sa makalawa, susunod na buwan, susunod na taon, makikita ko iyan at saka ko na matatanggap ko iyang pasasalamat mo," paliwanag ni Larson.



          “Umm... iyung ano... tungkol sa kapatid mo, kelan mo ikikwento sa akin? Gusto kong malaman kung ano ang dahilan kung bakit magkahiwalay kayo? Bakit at paano ka napunta ka sa pamilya ni Allan?"



          Biglang nag-iba ang timpla ng mukha ni Larson. Wari'y ayaw niyang ikwento sa akin ang parteng iyun. Marami siyang buntong-hininga na pinakawalan at mukhang ibubuka na niya ang kanyang bibig.



          “Hindi ba sinabi ko sa iyo kanina na siya ang may gawa ng virus na ipinasok ng dati mong kaibigan? At magaling kami sa isang field na pinag-aaralan namin ng husto? Bihira lang ang mga katulad namin sa mundo. Alam mo ba na may mga taong pinaghahanap kami at may balak kumuha sa amin para sa kanilang pansariling interes? Ay mali. Ang kapatid ko lang iyun pala."



          “Bakit iyung kapatid mo lang?"



          Tumayo si Larson para kunin ang kanyang walet sa bulsa. May kinuha siyang kung ano sa kanyang walet. Isa pala itong lumang litrato. Mukhang bata pa sila dito. Napansin ko naman ang dalawang bata na may parehas na mukha. Magkakambal sila. Ang isa ay may hawak-hawak na maliit na bata, ang isa naman ay may bitbit na sanggol na mukhang mga ilang buwan na mula nang ipinanganak ito.



          “Sa tingin mo, saan ako diyan?" tanong ni Larson sa akin.



          Tumingin muna ako sa kaniya at sa litrato. Tinuro ko naman iyung lalaking may hawak na sanggol.



          “Mali. Ako iyung cameraman," sarkastiko niyang sagot. Tumawa pa siya ng payak.



          “Ay! Ayoko na nga kitang kausapin! Niloloko mo ako." Ibinalik ko na lang sa kaniya ang litratong binigay niya. Pambihira naman kasi! Magkikwento lang tungkol sa setup ng pamilya niya, lolokohin pa ako.



          “Ano ba iyan! Napikon kaagad? Bata ka pa nga."



          “Kung lolokohin mo lang ako, huwag ka na lang magkwento. Tsaka mukhang ayaw mo naman talagang ikwento sa akin hindi ba?" nayayamot kong saad.



          Ibinalik ni Larson ang litrato sa walet niya at ang walet sa bulsa niya. “Oo nga. Mabilis kang maasar kaya huwag na lang. Siguro kapag hindi ka na bata, maiintindihan mo ang kwento ko."



          Sumunod na araw, ang aga-aga ko na pumasok sa eskwelahan. Pakiramdam ko ay ang saya-saya ko ngayon. Marami akong babae na nakikita sa eskwelahan. Napakadami. Hindi ko nga lang alam kung sino sa kanila ang single at sino ang hindi. Siguro ay ang una kong gawin ay dapat makilala ko sila. Pero habang naglalakad sa eskwelahan, may mga babaeng pinagtitinginan ako. Nako! Mukhang nase-sense nila na handa na akong magmahal muli.



          “Mr. President, mukhang napakasaya natin ahh," saad ng Vice President ng Journalism Club na si Kian.



          Ngumiti ako. “Yeah. Masaya ako ngayon. Masayang-masaya."



          Napangiti ng hilaw si Kian. “Okay. Pero sa totoo lang, napaka-weird mo ngayon. Hindi ako sanay na palagi kang naka-poker face."



          “Kian, hindi ba single ka?" tanong ko.



          “Huh? Ako? Hindi mo ba alam na hindi na ako single?"



          “Alam ko na hindi ka na single. Si Alexa ng Schoneberg Academe tama ba?"



          “Tama. Siya nga. Bakit? Ano naman?"



          “Paano kayo naging kayo ni Alexa? Paano nagsimula ang love story ninyo?"



          Napaisip siya saglit. “Nagkita kami sa isang mall. Nagkangitian at kinilala ang isa't isa. Teka nga? Bakit mo ba tinatanong?"



          “Kian, single at naka move on na ako sa ex kong si Colette. Siyempre, ano ang ginagawa ng mga single na katulad ko? Maghanap ng bagong pag-ibig. Tingin mo ba, may nakakakita ng bagong pag-ibig sa pamamagitan ng pagsimangot sa mga taong nakakasalamuha mo sa eskwelahan? Wala."



          “Actually, meron din," pagko-correct ni Kian.



          “So kailangan na maging charming naman ako sa kababaihan sa school natin. Nako! Napakadami pala ng magagandang babae dito sa eskwelahan natin. Tapos nagbabalak pa ako ng masama sa taong pinagpalit sa akin ni Colette? How unpractical."



          “Natutuwa ako para sa iyo Kurt. Kung naghahanap ka ngayon ng bagong pag-ibig, baka pwede kitang ireto na naghahanap din," yaya niya.



          “Ay! Ayoko naman ng ganoon Kian. Gusto ko na ako ang mahanap. Salamat na lang," pagtanggi ko.



          “Well, okay. Good luck na lang sa paghahanap Kurt. Siya nga pala Kurt. Dito na rin pala nag-aaral iyung isa pa sa mga anak ng Bourbon Brothers. Si Sharina Bourbon."



          Nabuhayan ako na dumating ang isa sa mga anak ng may-ari ng eskwelahan. “Sharina Bourbon? Teka? Hindi ba single siya? Malapit na ang pasko. Baka hindi ako masali sa mga taong malalamig ang pasko kapag naging kami. That is kung maging kami." Natawa pa ako ng bahagya.



          Napansin kong napalipat-lipat ang mga tingin ng mata ni Kian. “Ahh... ehh... taken na po siya."



          “Ano ka ba naman Kian. Magsisinungaling ka na nga lang, hindi pa pulido. Hindi mo ata napansin na paiba-iba ka ng tingin kapag nagsisinungaling ka. Hindi pa siya taken. At dahil diyan, ako na mismo ang magsasagawa ng interview sa kaniya."



          “Hindi ako nagsisinungaling Kurt. May kumakalat kasi na usap-usapan na taken na talaga si Sharina. May nakita kasi akong litrato na dine-date ni Zafe talaga ang taong ito. Baka kasi sasama ang araw mo kapag nalaman mo kung sino ang boyfriend niya," paliwanag ni Kian.



          “Bakit? Sino ba ang boyfriend niya?"



          “Si Zafe Neville." Ibinigay sa akin ni Kian ang litrato nakuha niya.



          Nawala na naman ang ngiti sa labi ko. “Hay! Dapat hindi na lang ako nagtanong. Nakakasama nga ng araw. Naunahan ako ni Zafe sa isang babae lang. Well, wala akong magagawa kung hindi ang maghanap ng iba. Para namang katapusan na ng mundo. May iba pang babae hindi ba Kian?"



          Ngumiti din si Kian. “Tama ka diyan Kurt. Gusto mo magpa-audition tayo para sa susunod mong girlfriend?" natatawang biro niya.」



ITUTULOY...

3 comments:

  1. Salamat sa update. Maganda ang attitude change ni Kurt. Ingat.

    ReplyDelete
  2. Still waiting for development kay aulric and stuffs.


    I alrdy commented a lot in the previous chapter.

    ReplyDelete
  3. I feel sad for Kurt's mmr hahaha. Fall compendium is up, wanna play? ;)
    Sana mag lvl up n si Zafe at Aulric.

    -RavePriss

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails