Followers

Thursday, April 2, 2015

Loving You... Again Chapter 10 - Fast Break





  



Author's note...

Hello ulit guys. Ren... Seyren... here again... whatever haha. Unang-una sa lahat, nagpapasalamat ulit ako sa mga may-ari ng blog, sir Michael at kay sir Allan, sa mga kaibigan kong CO-Author na sila kuya Carlos, kuya Rye, kuya Jace and... kuya Alvin! Also nga pala sa mga readers ko na si Ashigawa, Alfred of T. O., Gilrex, Jharz, 44, Marc Abellera, Summer Rain, Lantis, Joey, VK TREBB, Lantis at sa BASHERS haha. Bakit ngayon lang sila dumating?

So heto na naman iyung... another boring chapter? HAPPY APRIL FOOL'S DAY! Dapat kahapon pa ito na post ehh kasi walang kinalaman sa main story. Haha... Tribute ko nga pala ito doon sa kaibigan ko na hindi naging ganito ang love story nila dahil huli na ang lahat. Ang sad nu. Condolence nga pala kay Joseph dahil sa pagkamatay ni tita Myrna. Rest in PEACE.











Chapter 10:
Fast Break





























Marcaux's POV



          So meron pala talaga akong isang chapter sa kwento na ito na magsisimula sa POV ko... kahit mga minor characters lang kami haha. Wait, ulitin ko lang ang simula dapat ng POV kong ito. Ahem!



          Sa Schoneberg Academe, hindi lang sila (Aldred at Blue) at sila (Jonas at Nicko) ang masayang namumuhay sa eskwelahan na kasama ang mga minamahal nilang lalaki sa buhay nila. Kami din ng Keith ko. Ako si Marcaux Pascual. M-A-R-C-A-U-X ang spelling. Silent letter iyung 'X'.



          Teka, complicated ba kung paano i-pronounce ang pangalan ko? Just pronounce it like Marco. Ewan ko ba sa mga parents ko at ganito ang pangalan ko. Well wala akong magagawa.



          Ako ang kasalukuyang kapitan ng Basketball Team at nag-aaral ng BS Information Technology sa Schoneberg Academe. 3rd year na ako. Itong lalaking nakayakap sa akin ay si Keith Bernardo. Kasalukuyang Vice President ng Journalism Club at nag-aaral ng BS Business Administration. Kasalukuyan akong nasa bahay at kwarto Keith at... 9pm pa lang. Katatapos lang namin mag-niig.



          Teka, bakit nga pala ganito ang simula namin? 9pm? Hindi ba dapat sa umaga magsisimula ang isang POV? Wait, ganoon ba dapat? Kasi I swear na may nabasa akong libro na nagsisimula na Chapter 1 pa lang, trahedya na agad. Ay teka, POV pala ang pinag-uusapan haha.



          Well never mind that. Let me tell you guys our short love story... though this is irrelevant to the main title of the story. At isa pa, kahit ang mga minor characters ay may storya din. Depende nga lang sa mga nagsusulat sa kanila.



          Well actually, may storya si author about us na mas mahaba pa dito but I think that he will trash it. He needs to stick to his original plans. As you all know, our author just appeared out of nowhere. He was once a reader and then he read some series of stories and BOOM! His brain exploded. And thus, this boring story was born.



          Well tama na ang mahabang introduction and let our story be told in this chapter. This should be the Chapter 16.5 of the story pero since... tama na nga ang palliwanag at sa baranggay ko na gagawin iyun.



          「2 years ago...



          Ginamit ni coach ang huling timeout namin. Kasalukuyang nakikipaglaban kami para sa isang championship laban sa Saint Ambrose University. 10 seconds na lang ang natitira at ang score ay 125-124. Isang puntos pa para mag-overtime pero pagod na pagod na kaming lahat. Kailangan makadalawang puntos kami.



          Nakikinig ako ngayon sa mga sinasabi ng coach namin kung paano manalo. Natapos na ang timeout at pinagpatuloy na namin ang laro.



          "Prrt!" pito ng referee. "Charging foul! Blue no. 6." saad nito sa nagtumba sa akin.



          Ayos! May isa akong free throw! Nagreklamo naman iyung binigyan ng violation sa referee kaya ang nangyari, naging dalawa ang free throw ko. Ayos din!



          May tatlong segundo na lang at sigurado na ang panalo namin. Depende na lang ito sa akin kung mananalo kami or hindi. Pumunta naman kami sa basket ng kalaban at nagdi-dribble ako. Sa hindi kalayuan, may isang lalaking naka-upo sa gilid ng basketball stand. Teka, wala siya diyan kanina ahh. Ang alam ko ehh nasa kabilang basketball stand siya kanina. Teka, bakit ko nga ba iniisip ang mga ganitong bagay sa oras na kritikal na oras sa buhay namin?



          May itinaas naman itong cardboard.



          "GO SCHONEBERG! GO SCHONEBERG! GO MARCAUX PASCUAL!" ang nakalagay sa cardboard.



          Maya-maya ay binaba nito ang cardboard. Meron itong nakasabit na camera sa leeg. Ahh! Baka galing sa Journalism Club ito ng eskwelahan namin?



          "Pascual, mag-shoot ka na." untag sa akin ng referee.



          "Opo." sagot ko.



          Inayos ko ang aking posisyon para i-shoot ang bola nang ibinaba nung tao na tinitingnan ko ang kanyang cardboard at pumikit saka taimtim ata itong nagdasal. Huh? Bakit ako nakatingin sa kaniya?



          Hindi ko namalayan na hinagis ko na ang bola. Shit! Nabitawan ko ng maaga! Hindi papasok ang tira ko!



          Sa hindi inaasahang pangyayari ay pumasok ito. Nagbunyi naman ang lahat... na pumapanig sa eskwelahan pati iyung taong tinitingnan ko. Masayang-masaya siya. Pero hindi pa sigurado na mananalo kami ngayon dahil tabla ang score namin sa SAU. Kailangan mai-shoot ko ang huling free throw kong ito.



          Tumahimik muli ang lahat. Ang tinitingnan ko ay nakapikit na nagdadasal na naman. Marahil para manalo kami.



          Binuka nito ang mga mata niya at nagkatinginan kami. Bumilis ang tibok ng puso ko. Bakit kaya? Siya kaya ang lucky charm ko para manalo sa larong ito?



          Napangiti ako. Kung ganoon, magpapasikat ako sa kaniya. Hindi ako nagpahalata pero pumusisyon ako para sa huli kong free throw. Ida-dunk ko ang bola.



          Sinadya ko naman ibahin ng konti ang nakasanayan kong posisyon kapag nagfe-free throw. Habang nasa ere ang bola ay kumaripas ako ng takbo papunta sa ring. Gaya ng inaasahan, hindi ito pumasok at nai-dunk ko ang bola. Pagkatapos nun ay nakasabit ako ng ilang segundo sa ring saka tiningnan ko ng maiigi ang numero uno kong tagahanga. Sino ba siya? Gusto kong malaman ang pangalan niya.



          Bumaba na ako saka aktong lalapitan siya nang biglang dumating ang mga teammates ko at inakbayan. Nagbubunyi sa pagkapanalo namin dahil sa akin. Nakita ko naman ang taong ito na tumayo saka umalis sa lugar. Makikita ko kaya ulit siya? Pero sa tingin ko, wala lang iyun. Tagahanga ko lang iyun.



          Isang taon na ang nakalipas, ako na ang team captain ng basketball team sa Schoneberg Academe. Naulit ulit ang pangyayaring iyun sa buhay ko. Ganoon ulit. Ang pinagkaiba nga lang ay lagi ko na siyang nakikita sa mga laro namin. Isa lang ba talaga siyang tagahanga? O baka hindi ko lang talaga napapansin na nandoon lang siya palagi?



          Lagi naman akong nagpapasikat dito. Tuwing nakaka-shoot ako ay nginingitian ko siya at tuwing ginagawa ko iyun, sumasaya siya. Pero hindi saya na tulad na nangyayari sa aking mga tagahanga. Mangitian ko lang iyung mga babae ehh naglulupasay na. Siya, hindi. Sa halip ay tinataas niya ang kanyang cardboard at tinatago ang kanyang mukha.



          "GO SCHONEBERG ACADEME! GO SCHONEBERG ACADEME! GO MARCAUX PASCUAL!"



          Sa tuwing nakikita ko iyun ay sumasaya ako. May nagtse-cheer para sa akin. Alam kong may sarili akong cheering squad pero iba kapag nanggagaling sa kaniya. Bakit kaya? Hindi pa rin mawala itong mabilis na pagtibok ng puso ko sa tuwing nakikita ko siya. Akala ko dati ehh dahil sa laro ito. Pero hindi ganoon. I feel tranquility upon seeing him. I feel like my energy has been replenished. Ang oras sa pagitan naming dalawa ay humihinto sa tuwing nakikita ko siya. Pero bakit sa tuwing natatapos ang laro at sa tuwing tatangkain ko siyang lapitan ay nauunsyami? Bakit ba ayaw niyang lumapit sa akin? Baka nahihiya?



          May nag-interview naman sa akin at tinanong kung bakit mabilis daw akong nag-improve sa paglalaro ng basketball.



          "My inspiration was from a specific human being who refuses to come to me. I hope someday, that specific human being noticed me. Hindi niya ata alam na ang mga mata ko ay hinahanap siya."



          Ilang araw ang lumipas ay hindi talaga siya mawala sa isip ko. Ano ba Marcaux? Nasa Journalism Club lang siya. Dapat puntahan mo! Pero naatatakot ako. Baka nag-aasume lang ako. Pakiramdam ko kasi ay may gusto sa akin ang lalaking iyun. At ako, may gusto din sa kaniya. O baka pakiramdan ko lang iyun? Ito ang unang beses na tumibok ng mabilis ang puso ko. Sa isang lalaki pa. At ang good news, walang problema sa akin iyan... sana. He makes my heart beat like that, much more like how I feel when playing basketball, then he might be the one.



          "Captain, may naghahanap sa iyo." untag sa akin ni Allan.



          "Bakit daw?"



          "Isang interview daw galing sa Journalism Club."



          Hmm... siya kaya iyun? "Papasukin mo sa locker room. Didiretso na ako doon para magpalit."



          "Sige Captain!"



          Dumiretso na lang ako sa locker room at magpapalit sana ako ng damit. Ugh! Pawisan na ako! Bigla ko na lang naisip na paano kung 'siya' iyung magi-interview sa akin? Ipakita ko kaya ang angking kakisigan ko na exclusive lang para sa kaniya.



          Bumukas ang pintuan ng locker room at... nagliwanag ang paningin ko kung sino ang pumasok. SIYA NGA!



          "Umm... hello. Ikaw po si Marcaux Pascual right?" tanong nito.



          "Yeah. Maupo ka na lang doon sa table. Sandali lang ha." turo ko sa lamesa.



          Habang naglalakad papunta sa lamesa, mariin na sinusundan ko ito ng tingin. Sa malapitan, pakiramdam ko ehh matagal na kaming nagkita noon. Hindi ko alam pero... nagkita na ba kami? Don't be silly Marcaux. Malamang. Kapag naglalaro ka sa isang official match.



          Napansin nito ang tingin ko.



          "May problema po ba?" takang tanong niya.



          Umling ako. "Pasensya na. Sandali lang."



          Agad na lang akong lumabas ng locker room at pinatawag silang lahat. Nakakatuwa. Ang daga na mismo ang lumapit sa pusa.



          Hmm... medyo mahangin ngayon sa labas at hindi masyadong mainit dahil makulimlim.



          "500 laps. Buong school." turo ko sa labas habang ngumingiti.



          "HAAA?!" sigaw nila.



          "Anong kalokohan ito captain?!" reklamo ng isa.



          "Anong sabi niyo? 510?"



          "Okay guys. Tumakbo na tayo." pagsunod nila sa akin habang paalis.



          "Allan, bantayan mo ha." utos ko dito. "AT TEKA?!" sigaw ko sa kanila habang papaalis. "Tandaan niyo ito guys. Kapag masaya si Captain niyo at natuwa pa ako mamaya pagbalik niyo, may premyo kayo sa akin."



          "BEST CAPTAIN EVER!"



          "MABUHAY KA CAPTAIN!"



          "MAHAL KA NAMIN!"



          "O sige na. Takbo na."



          Lumabas na sila ng basketball gym at ako naman ay bumalik sa locker room saka ni-lock ito. Hindi kita ngayon pakakawalan.



          "Pasensya na sa paghihintay." pagdispensa ko.



          "Okay lang."



          Kinuha ko na lang ang damit na pampalit sa locker room ko at inilagay sa harapan niya. Naghubad ako sa harapan niya. Kita ko naman na napalunok ito sa nakita. Kumpirmado!



          "Anong mas prefer mo? Ang mag-interview ka sa akin na ganito lang or naka-damit?"



          Tumikhim naman siya. "Formal please." sagot niya.



          Ay sayang! Hindi niya ba gusto itong mala-atleta kong katawan? Sinuot ko na lang ang itim na tank top kong damit. Kapag ikaw hindi talaga tinablan, ewan ko na lang. Makukuha ko ang daga na gustong-gusto ko.



          Kumuha naman ako ng upuan saka umupo sa harapan niya.



          "Umm... bago ang lahat, ako nga pala si Keith Bernardo. Vice President ng Journalism Club." pakilala sa sarili niya.



          Pansin ko naman ang malikot niyang mata at ang maya't maya niyang paglunok. Ang kyut niya habang nagsasalita. So Keith Bernardo pala ang pangalan niya.



          Itinaas ko ng konti ang aking damit para makita ang abs ko saka inilagay ang nga kamay sa likod ko. Tinaas ko din ang aking paa at nilagay sa mesa.



          "Ako naman si Marcaux Pascual. Captain ng Basketball Club."



          Nagulat siya sa inasal ko. Nagpa-panik siya. "Umm... pwede bang umayos po kayo ng upo? Gawin naman po nating formal ang interview na ito."



          Nadismaya naman ako pero natutuwa sa narinig. Umayos na lang ako ng upo. "Ohh. Kung iyan ang gusto mo."



          May kinuha na lang itong mga papel mula sa kanyang bag. "Umm... salamat po sa kooperasyon. Magsisimula na po akong magtanong."



          "Anong mga tanong? Future about us?"



          "Future about u-- HINDI! HINDI GANOON!"



          Nagkunyari akong nadismaya sa narinig. "Ganoon ba? I was looking forward for our fu-"



          "FIRST QUESTION!" pagputol niya. "Bilang kapita-"



          "You are gonna ask me a boring question." pagputol ko din.



          "Please. Para po ito sa school paper ngayon." pakiusap niya.



          May naisip na lang akong ideya. "Ganito na lang. Bakit hindi ko na lang gawing assignment ang interview na ito? Most people maybe hate assignments. Pero mas prefer ko na assignment ko na lang ito kesa makipagsagutan sa mga boring questions na nagmumula sa iyo."



          Nalungkot siya sa narinig. "Ganoon ba?"



          "Ohh don't be sad. Going back to the topic..." Tumayo ako sa kinauupuan at agad siyang niyakap mula sa likuran. "Let's talk about our future."



          Nagulat siya sa ginawa ko. Sinubukan naman niyang kumawala sa pagkakayakap. "Pakiusap. Pakawalan mo ako."



          "Ano ba ang problema? Hindi ba gusto mo naman ako?"



          Napapitlag siya sa narinig. Pinaharap ko siya sa akin saka biniyayaan ng mapusok na halik sa labi. Hindi na ako magpabagal-bagal.



          Ramdam ko na sinasagot niya ang halik ko at nakaramdam ng kung anong boltahe ang pumasok sa aking sistema. Kasabay nun ay nakaramdam ako ng init sa aking katawan. Sabi ko na nga ba. May gusto nga talaga siya sa akin.



          Binuhat ko siya at pinaupo sa isang bench sa locker room at pinaibabaw. Sinimulan ko na lang na hubarin ang uniform niya. Bumaba ang halik ko sa leeg niya at kinakabisado ko ang kanyang pangangatawan gamit ang mga kamay ko. Nagpakawala siya ng maraming ungol sa ginagawa ko. Maya-maya tinulak na lang niya ako ng marahan nang naipatong ko siya sa ibabaw ng bench.



          "Umm... pwede po bang hinay-hinay lang? Hindi kasi ako... makapaniwala sa mga nangyayari. Masyadong mabilis ang development natin." nahihiyang wika ni Keith habang namumula.



          "You're worrying about our development? Hindi mo ata na-realize na bago pa ang tagpong ito, we already had a slow development."



          "We already had a development?"



          "Akala mo ata na hindi mo napapansin. Kada laro namin sa iba't ibang school, nandoon ka lagi sa gilid ng basketball stand kung saan namin ipapasok ang bola. Sa tingin ko ehh napapansin mo din kapag nakakapasok ako ng bola, nginingitian kita." Kinuha ko naman ang kamay niya at nilagay ito sa dibdib ko. "Ramdam mo ba ang bilis ng tibok ng puso ko? Kapag nakikita kita, bumibilis talaga ito. Hinahanap-hanap kita sa tuwing naglalalaro ako. Umaasa na nandoon ka sa parehas na lugar kung saan kita madalas nakita. At kahit kailan, hindi ako nadismaya. Dahil nandoon ka. Inspirado akong maglaro ng basketball dahil sa iyo. Iyun ang epekto mo sa akin." Inilipat ko naman ang kamay niya sa pundilyo ng shorts ko.



          "Umm... bakit mo pinapahawakan mo sa akin iyan?" nahihiya niyang tanong.



          "Ayaw mo ba?" pilyong pagimbita ko habang tinitingnan siya mariin.



          Bumangon siya at lumapit sa pagkalalaki ko at hinalikan niya kahit hindi pa ito nakalabas. Ay shit! Tigas na tigas na talaga ako. Ilang laps na lang kaya ang mga taong iyun?



          Hinubad ko naman ang shorts ko at ako na rin ang naghubad ng brief ko. Noong una ay nag-aalangan siyang gawin iyun. Pero masuyo kong hinawakan ang buhok niya at pinalapit ito sa kaniya. Dinilaan niya ito ng mga ilang ulit saka isinubo sabay labas-pasok. Ang sarap ng ginagawa niya.



          "Yan. Sige pa." pag-udyok ko na bumilis pa siya sa ginagawa niya. Napakagat-labi na lang ako habang tinitingnan siya.



          Wala na dapat akong sayangin na oras. Nang makuntento ako, pinatigil ko siya. Kumuha naman ako ng lube sa locker ko.



          "Y-You can't be serious?" pautal-utal niyang saad.



          Pinahiga ko siya ulit saka ibinaba ko na lang ang slacks niya pati iyung brief niya saka nilagyan 'ito' ng lube... at hindi siya pumalag. So rape with consent na to pero hindi na rape.



          "Ang lamig."



          "First time mo ba?" Tumango siya. Napangiti ako. "Mabuti naman. Ako din, first time ko."



          "Ehh bakit may lube ka?"



          "Boys scout ako. Laging handa." pagsisinungaling ko. Well actually, bumili lang ako for no reason at all noong isang araw... at baka magamit ko?



          "B-Baka ginagamit mo din iyan sa mga babae? B-Baka first time mo sa lalaki?" Napatigil ako sa sinabi niya. Nag-iisip ba ang taong ito? Lube sa babae? Pwede ba iyun? Baka nga.



          "Magse-selos ka ba kung sabihin kong oo?"



          Napatingin na lang siya sa ibang direksyon. Nagseselos nga siya. Hinawakan ko ang kanyang baba saka pinaharap sa akin. Nagkatinginan kami. Ahh! Bumibilis pa lalo ang tibok ng puso ko. Baka ma-ospital na ako sa ginagawa kong ito.



          Kinuha ko ang kamay niya saka inilagay sa tumitibok kong puso. "Ikaw lang ang gusto ko Keith Bernardo. Ikaw lang. Alam kong gwapo ako at maraming babaeng nagkakandarapa sa akin. Pero huwag kang mag-alala. Ikaw lang ang gusto ko. Hindi ko hinihingi na maniwala ka sa akin. Pero itong gwapo na ito sa harapan mo, gustong-gusto kita. Kung iniisip mo namang dahilan ay dahil parehas tayong lalaki, bakit ba? Maybe they hate us because they ain't us."



          Habang nagkatinginan kami, nilapit ni Keith ang mukha niya at hinalikan niya ako. Ang sweet ng halik na iyun. Sa halik na iyun, binigyan niya ako ng signal na mangyari ang dapat mangyari. Siyempre, hindi ako tatanggi sa grasya. Ipinosisyon ko ang sarili ko para pumasok sa kaniya.



          "Hmmppff..." pagpigil sa ungol niya habang dahan-dahan akong pumapasok.



          "Relax ka lang. Huwag kang masyadong gumalaw dahil nasa bench lang tayo."



          "Ehh bakit ba kasi dito agad ang unang- Ahh!"



          "Wala naman kasing difference kung saan mangyayari. Dito rin naman tayo mapupunta. At saka nakalagay ata iyun sa isa sa mga cosmopolitan tips."



          "Ahh... Anong cosmopolit- aghh!" papikit niyang saad.



          Nakapasok na ako ng tuluyan. "Hey, gagalaw na ako."



          Inilapit ko ang aking mukha sa mukha ni Keith para makita ang mga ekspresyon na gagawin niya. Nilagay ko naman ang isang kamay sa likod niya para suportahan ito.



          "Hindi ko alam kung tamang oras na sabihin ko ito kahit hindi pa tayo. Pero gusto ko talaga itong sabihin sa iyo Keith. Mahal kita Keith." Hindi naman siya sumagot. Sa halip ay may naramdaman ako sa pagkalalaki ko na humihigpit ang pagkapit dito.



          "Shit! Lumaki ka sa loob ko." reklamo niya.



          "Anong ako?! Ikaw kaya tong sumusikip."



          Dahan-dahan akong gumalaw para sanayin siya. Wala pa rin ang inaantay ko. Hanggang sa bumilis ako. Wala pa rin. Puro ungol lang ang maririnig ko sa kaniya at ang hininga ni Keith sa tenga ko. Pero kahit ganoon, ginawa ko pa rin. Okay lang.



          "Keith, malapit na ako."



          Wala pa rin talaga. Medyo disappointing iyun ahh. Hindi nya talaga sinabi ang mga salitang hinihintay ko. Hanggang sa lumabas na ang katas ko sa loob niya.



          Parehas namin hinahabol ang aming hininga dahil sa katatapos lang namin na ginawa. Kumalas ako kay Keith at sinigurado kong makakahiga siya sa bench ng maayos. Tumayo ako saka pinulot ang damit niya na kinalat ko saka inabot sa kaniya. Tumayo si Keith at agad na lang siyang nagbihis pero hindi pa rin niya sinasabi ang dapat kong marinig. Kinuha ko na din ang aking mga damit at sinuot.



          "Hindi mo ba sasagutin ang sinabi ko sa iyo?"



          Binigyan niya ako ng hindi makapaniwalang tingin. "Ang galing mo?" hindi sigurado niyang saad. Seryoso ba siya? Hindi niya alam ang tinutukoy ko?



          Napatawa na lang ako ng malakas. Hindi niya siguro talaga alam ang tinutukoy ko. Muli ay nagpatuloy siyang magbihis habang wala pa rin siyang clue sa sinasabi ko... o alam niya pero ayaw niya lang sabihin.



          "Bakit ka naman tumatawa ng malakas? Mali ba ang sinabi ko?"



          "Inaantay ko na magsabi ka din sa akin ng 'I love you too'."



          "Ano? Sasabihan ko ng 'I love you too' ang ari mo?"



          "PAANO KA NAGING VICE PRESIDENT NG JOURNALISM CLUB?!"



          Nagulat siya at nakikita ko sa kanyang mukha na nagpa-panic. Sandali lang? Sa tingin ko, alam naman niya ang tinutukoy ko. Baka ayaw niya lang talagang sabihin.



          Humugot ako ng buntong-hininga. "Okay lang kung hindi mo pa masabi iyun ngayon. Basta ako, nasabi ko na. Unless kung..." Tiningnan ko siya ng mariin. "May karelasyon ka na."



          "Hindi. Wala." he said while flustered. "Ano kasi. Iyung development nga natin, napakabilis talaga. B-Biruin mo, ni hindi ka pa nga nanliligaw sa akin tapos diretso na tayo sa paggawa ng kababalaghan. D-Dito pa talaga sa locker room niyo."



          "Ohh. So dapat manligaw muna talaga ako? Fine by me. Sandali nga, anong oras ka lalabas bukas? Or ngayon actually? Sabay tayo."



          "Teka, teka! Hayan ka na naman sa fast development mo."



          "Ano na naman ba ang problema?"



          "S-Sabay kasi kami ng best friend ko tuwing uuwi kami." Best friend? Mukhang hindi magandang pakinggan para sa akin.



          "Best friend? Lalaki or babae?" sabay bigay dito ng mariin na tingin.



          "Umm... babae. Bakit mo nga pala naitanong?"



          "Pagseselosan ko siya kung sino man ang best friend mong iyan."



          "Sandali nga? Hindi pa nga tayo ehh. Naseselos ka na agad? Bakit ba ang bilis mo?" hindi siguradong tanong niya.



          "Kasi sa larong basketball, kapag hindi ka mabilis mag-isip, matatalo ka."



          "Hindi ito basketball Marcaux."



          Inikot ko ang aking mata. "Fine. May point ka. Hindi ito basketball. I'm just making sure na clear na ang landing zone ko."



          "Clear na ang landing zone? Anong konek nun?"



          "I'm falling in love with you. And ohh, you look cute kapag baliktad ang uniform mo." Natawa na lang ako matapos niyang inayos ulit ang damit niya.



          "Wait, hindi baliktad. Niloloko mo ako masyado." simangot niya.



          Sinubukan kong lumapit sa kaniya para pisilin ang pisngi dahil sa kakyutan niya. Kaya lang ay lumalayo na siya. "Bakit ka lumalayo?" tanong ko.



          "Huwag. Lumayo ka muna. Hindi ba sabi ko sa iyo na hinay-hinay lang muna?" seryoso niyang sagot.



          "Pero-"



          "CAPTAIN!" tawag sa akin na boses ni Allan.



          Natigil ang pakikipag-argumento ko sa kaniya nang may kumatok sa pintuan. Oo nga pala. Kanina pa kaya sila tapos?



          Inayos ko na lang ang aking sarili saka kinuha iyung mga papel na nasa mesa. Oo nga pala no. Dapat sa mesa kami nag-sex kanin- SIGURADONG MASISIRA ANG MESA! Utak Marcaux! Gumana ka! Kalma lang. Hindi nila narinig ang mga ungol namin.



          Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan at dumungaw si Allan.



          "Tapos na ba?" mahinahon kong tanong.



          "Yeah. Katatapos lang namin Captain."



          Nakahinga ako ng maluwag sa narinig. Akala ko ehh nahuli kami. Napaka-exciting kasi ng ginagawa namin.



          Lumabas ako ng locker room at nakita ko naman na pagod na pagod silang lahat. Sumunod naman si Allan sa tabi ko.



          "Allan, ilang laps ba talaga ang ginawa niyo?" seryosong tanong ko.



          "Wa-100 lang captain." hindi siguradong sagot niya.



          Kita ko naman na dumungaw at lumabas na rin ng pintuan si Keith. Humarap naman ako sa mga miyembro ko.



          "Okay guys. Alam kong hindi niyo sinunod ang utos ko na tumakbo ng 500 laps sa buong school but I commend you people na naka-100 kayo. Let's not be absurd. Hindi naman ito isang sport-related story na kailangan ko kayong patakbuhin ng 500 laps para manalo sa isang patimpalak." Tumawa ng payak ang lahat saglit. "Okay guys. Mamaya na iyung premyo ninyo. Hindi pa ako tapos sa-"



          "Actually, tapos na." pagsingit ni Keith mula sa likuran ko. Lumapit naman ito at humanay sa amin ni Allan.



          Si Allan naman ay tingin ng tingin dito. "Allan, anong problema?" tanong ko.



          "Keith, marami bang insekto sa loob ng locker room? Iyung leeg mo kasi..." tanong ni Allan kay Keith na may tonong familiarity sa isa't isa. Huh? Magkalilala sila?



          Namula naman si Keith at tumungo. "Yeah. May malaki ngang insekto sa loob ehh."



          "Malaking insekto?" kunot noong saad ni Allan.



          "Sige po Marcaux, Allan. Aalis na ako." paalam ni Keith saka patakbong lumabas sa basketball club.



          Sinundan ito ng tingin ni Allan at maya-maya'y binigyan ako ng nagtatanong na tingin. "Totoo ba iyun? May malaking insekto sa loob ng club room? Ehh bakit ikaw Marcaux, wala man lang bakas na kinagat ka ng insekto."



          "Paano mangyayari iyun kung ako ang insekto?"



          "HUH?!"



          "Ang ibig kong sabihin, ayaw sa akin ehh. Baka ako ang hari ng mga insekto kaya hindi nila ako kinakagat." biro ko pa.



          Ilang araw ang lumipas ay hindi na kami nagkikita ni Keith. Sa tuwing nagkikita kami ay nag-iiba siya ng direksyon kapag nagkikita kami. Obviously, iniiwasan niya ako. May representative naman ng Journalism Club ang pumunta sa amin para kunin ang papel na pinapasagot sa akin ni Keith. Akala ko ehh siya mismo ang kukuha. Kapag nag-uuwian naman ay nakikita kong may kasama ito na pauwi. Ito siguro ang best friend niya.



          Pero ito ang nakaka-asar na parte. Naka-ankla ang babae sa kanya at minsan naman ay yumayakap. BWISIT! Mag-bestfriend ba talaga sila?!



          Hindi na ako nakatiis at nilapitan ko sila. Habang papalapit ako ay may lumipat din sa akin na grupo ng mga kababaihan. Ay shit!



          "Hi Marcaux. Pwede bang magpa-picture sa iyo?" tanong ng lider nila... sa tingin ko sa akin.



          "Sure." nakangiti kong sagot.



          Nagtilian sila saglit saka nag-groufie. Pagkatapos ay umalis. May lumapit pang ilang kababaihan sa akin. Ugh! Ginala ko ang tingin ko kung asaan na si Keith. Shit! Nawala sila sa paningin ko.



          Agad na akong tumakbo para umiwas sa mga kababaihan saka sinundan... sila. Great! Nawala na sila! Ugh! Saan kaya nakatira itong si Keith? Ehh kung tanungin ko ang ilang miyembro ng Journalism Club? Kaso sino nga ba ang mga miyembro ng Journalism Club? Wala rin akong alam.



          Sa sumunod na araw, kasalukuyang nagpa-praktis kami ni Allan na kami lang. Maaga ko kasing pinauwi ang iba pero si Allan ay sinamahan ako. Akala ko okay na ang lahat sa amin ni Keith nang...



          "Captain, may gusto ka ba kay Keith?" naitanong niya.



          "Bakit mo naman naitanong?" balik tanong ko.



          "Umm... kasi may gusto ako sa kaniya."



          Para namang paulit-ulit kong naririnig ang sinabi ni Allan. Kapareho ko siya na may gusto siya kay Keith. Nako! Problema ito. Ano kaya ang gagawin ko? Baka masira ang performance ng team namin. Maliban sa akin, ito kasi si Allan ay ace player ng team namin sa paglalaro ng basketball. Hindi matatawaran ang galing niya kahit baguhan na kasali sa Basketball Club.



          "Paano kung sagutin ko iyan ng oo?" seryosong saad ko.



          Nalungkot siya at tumungo saka pinatalbog ang bola ng ilang ulit. "Pero captain, hindi pa naman kayo hindi ba?"



          "Ehh paano kung sabihin ko sa iyo na kami na?" biglaang pagsisinungaling ko.



          "Talaga? Bakit hindi ko kayo nakikita na umuuwi na magkasabay? Gaya ng mga normal na magsyota?"



          "Well ayaw niya dahil ayaw pa niya. Nirerespeto ko naman ang desisyon niya kung ayaw niya."



          "Nagsisinungaling ka sa akin captain. Hindi pa kayo ni Keith."



          "Paano mo naman nasabi?"



          "Hindi siya nagpalit ng status. sa Facebook." Ano bang klaseng pagrarason to?



          "Allan, that's a lame reason. Ang status mo sa Facebook doesn't have to do anything with you in real life dahil internet yan. You can be anything in the internet."



          "Pero hindi ako naniniwala sa inyo captain. Hindi pa kayo."



          Galit na pinasa ko sa kaniya ang bola na hawak ko. "Alam mo, ganito na lang. Ikaw at ako, mag 1-on-1 tayo." hamon ko.



          "Bakit ka nagagalit ngayon sa mga tanong ko? Pinapahiwatig niyo lang na nagsisinungaling kayo."



          "Dahil kailangan. Malaman ko ba naman na may tao other than me ang may gusto kay Keith? May isang best friend na nakadikit sa kaniya na ewan ko kung best friend talaga ang pino-problema ko kung best friend lang ba talaga ang taong iyun tapos dadagdag ka pa. Furthermore, kanina pa itong si Keith na tumatakbo sa utak ko na kung literal na tumatakbo talaga siya ehh pagod na... or ewan ko. Hindi ko alam kung gaano kalayo ang kayang lakarin nun."



          "Sinasabi ko na nga ba." mahina niyang saad. Sinumulan naman niyang i-dribble ang bola at tumungo. "So hindi mo pala kilala si Katya? Ang President ng Journalism Club."



          Napatigil ako. "The sound of the name makes it even worst! Iyung bold star ang naiisip ko. Paano mo nalaman?"



          Pinatunog niya ang kanyang dila habang nagbigay ng isang iling. "Napaka-judgemental mo captain."



          "We are talking about the man I loved. Teka nga lang Allan, akala ko ba ehh ayaw mo sa mga homosexuals? Ngayon, sasabihan mo ako na may gusto ka kay Keith? Sounds fishy. Anong binabalak mo?"



          "It doesn't matter if I hate them or what. It's just... Keith. May gusto talaga ako sa kanya Marcaux." matapat na saad niya.



          He's serious now. Whenever he called me by my name, ibig sabihin ehh seryoso talaga siya. Kilala ko itong taong kaharap ko. Kapag mas matanda sa kaniya ay tinatawag niya ito na may respeto. Kuya, ate, captain, o kung ano-ano pa. Pero may pakiramdam ako na may tinatagong bagay itong si Allan. He's being nice to everyone. Paano ko nga ba nasabi na ayaw niya sa mga homosexuals?



          Isang araw kasi sa loob ng school, nakita namin sila Jonas at Nicko, mga bagong pasok pa lang sa eskwelahan. Usap-usapan sa school ngayon kung ano ba talaga ang relasyon ng dalawa sa isa't isa. May iba na nagsasabi na magkapatid sila. May iba naman na nagsasabi na magkasintahan sila. Pero ito lang ang reaksyon ni Allan sa usaping iyun.



          「"Huh? Palagay ko ehh mga bakla ang taong iyun. Nakakadiri sila. Kita ko nga kung paano magpasimple iyung... Jonas ba iyun?" saad niya na may tonong pagkadisgusto.」



          At ngayon na sinasabi niya na may gusto siya kay Keith ay mas lalo pang kahina-hinala. Pinasa naman niya sa akin ang bola.



          "Alam mo Allan, sabihin na natin na kilala na kita ng mga 75%. Pero itong sinasabi mo sa akin na may gusto ka kay Keith? Hindi kapani-paniwala."



          Tumawa siya ng payak. "Ganoon ba Marcaux? Unbelievable? Okay lang. Pero hindi iyun ang dahilan na pipigil sa akin na mahalin siya. Maaring ayoko talaga sa mga homosexuals. Pero siya... iba." Kumuha naman siya ng isang bola sa rack saka naglakad papunta sa isang ring at humarap sa akin. "Marcaux, naniniwala ako sa kapangyarihan ng pag-ibig. Kaya nitong mapabago ang pag-iisip ng tao. Kaya nitong gawin posible ang bagay na imposible. Maaring sabihin nila na hindi naman napipigilan ng pag-ibig ang isang missile na tatama sa iyo o isang trak na sasagasaan ka. Ibang usapan na iyun. Gago ba sila? Pero..." Ihinagis niya ang bola habang nakatalikod sa ring at... pumasok ito. "Ito ang nagawa ng pag-ibig sa akin. Nagagawa ko ang bagay na ito habang iniisip si Keith. Mahal ko talaga siya. Pakiramdan ko ay kaya kong mai-shoot ang bola kahit saan kapag iniisiip siya." Nababaliw na ang taong ito.



          "Ha! Ibig sabihin ba nito ay kaya mong mag-shoot mula sa kabilang ring?" turo ko sa kabilang dulo.



          "O-oo." hindi siguradong sagot niya.



          Pinatunog ko ang aking dila at umiling habang nasapo ng isang kong kamay ang ulo ko. "Magtapat ka nga sa akin Allan? Ilang gramo ng droga ang nilaklak mo? You are being ridiculous today. Well fine. Sasabihin ko sa iyo kung ano ang epekto ng pag-ibig ko kay Keith. Hindi iyung tipong kaya kong gawin ang lahat. Ang sa akin ehh nagiging inspirado ako maglaro dahil sa kaniya. Sa tingin ko, high ka lang ngayon. Naka-marijuana ka ata kaya kung ano-ano ang naiisiip mo. Hindi iyan pag-ibig Allan. High ka lang."



          "Ganoon ba Marcaux? Sige nga? Mag 1-on-1 tayo." paghahamon niya.



          "Sige ba." pagpayag ko. "Pero may kondisyon. Kapag nanalo ka, titigil ako kay Keith. Pero kapag nanalo ako, ikaw ang titigil." Hindi siya nakasagot. "Anong problema?! Ang kapangyarihan ng pag-ibig mo ba'y nabakla?! O ayaw mong matikman ang pagkatalong mapakla?!"



          Kinuyom nito ang kanyang kamao at tiningnan ako ng masama. "Game!" sigaw niya.



          "Tama iyan. Para magkaalaman na kung sino ba talaga ang pinakamagaling na basketball player ng Schoneberg Academe."



          At iyun nga. Nag 1-on-1 kami ni Allan. Best of 10. Habang naglalaban ay kahit isang segundo, hindi ko iniisiip na mas magaling ako sa kaniya o mas magaling siya sa akin. Nakasalalay dito ang pag-ibig ko kay Keith.



          Ilang minuto lang ang nakalipas at nagkaroon ng katapusan ang laban namin. 10-5. Nanalo ako. Pero naisip ko, titigil kaya si Allan?



          Kapwa hinahabol namin ang aming hininga habang siya nama'y nakapanikluhod at sinusuntok ang court. Naaawa ako sa kanya. Pero ibang usapin to. Akin lang si Keith.



          "10-5. Panalo ako, Allan."



          Tumigil siya sa pagsuntok at tumayo. "Sige na! Ikaw na!" sigaw niya. "Pero hindi ibig sabihin-



          "Hindi ka titigil alam ko." pagputol ko. "Inaasahan ko na iyan Allan. Isa sa mga katangian mo ay pagiging persistent. Bigla akong napaisip, ang sama ko atang tao. Nakipag 1-on-1 pa ako sa iyo para lang sa pesteng pustahan na ito. Hindi ko sinasabi na peste si Keith o kung ano pa man. I'm just saying, has anyone solved their problems just by this? Makipagpustahan ka na kapag nanalo ako, insert pabor na kondisyon sa akin. Then kapag nanalo ka, insert pabor na kondisyon sa iyo. Pero naisip ko, usaping pag-ibig to. Then I realized, kung mahal mo talaga si Keith, magbabago ka para sa kaniya. That is kung tunay talaga iyan. I mean who am I to stop you? Akala ko lang kasi, ako lang na lalaki ang nag-iisip na gusto ko si Keith. Kung ako nga naisip iyun, then sigurado na may ibang lalaki din na ganoon ang iniisip. That's cute."



          "Pagsisisihan mo ito na hinayaan mo ako."



          "Go ahead. Kung magiging maligaya sa iyo si Keith, fine. Hahayaan ko siya sa iyo. Pero that doesn't mean na hindi ako gagawa ng paraan. It looks like marami kang nalalaman sa kaniya. Fine by that. Ikaw na. Hindi mo alam kung hanggang saan ang kaya ko Allan. And I'm not threatened. May the best man win."



          Tinapunan niya ako ng tingin saka umalis ng court. Humugot na lang ako ng buntong-hininga. Tama kaya itong ginagawa ko? Hindi naman siguro ito makakaapekto sa team. Malayo pa ang susunod na liga.



          Uwian na nun at dire-diretso akong pumunta sa parking lot nang may napansin ako sa labasan. Magkasamang umuuwi sila Allan, Keith at ang babaeng pinangalanan niyang Katya. Seriously, I'm kinda alarmed na may kaibigan si Keith na ang kapangalan ay isang bold star. Pero hindi naman ata Santos ang apelyido nun. Well whatever. Mukhang may lamang talaga si Allan sa akin ngayon. Pero ano nga ba ang gagawin ko para makahabol?



          Napangiti ako sa naisip ko. Dumiretso na lang ako sa parking lot at sumakay sa motor saka dire-diretsong umuwi.



          Pagkarating sa bahay, napansin ko na naka-park din ang sasakyan ng mga magulang ko. That's rare. Gaya ng ilang... may kayang tao, lumaki ako na hindi nakasama ang mga magulang ko dahil sa work, work at work.



          Pagka-park ng motor ay pumasok ako sa loob at nadatnan sila mama at papa na nasa sala at may binabasa na ilang mga dokumento.



          "Na-realize niyo na ba na hindi kayo talaga para sa isa't isa at maghihiwalay na kayo?" pambungad na tanong ko dito.



          Tumingin naman sila saglit sa akin saka ibinalik ang atensyon sa dokumento at tumawa ng mahina.



          "Yeah right anak. Maghihiwalay na kami." saad ni mama.



          "Finally, na-realize na namin iyun anak. Thank you." dagdag ng papa ko.



          Napatigil ako. "Wait, alam niyo naman na nagbibiro lang ako hindi ba?" Tumawa naman sila ngayon ng malakas.



          "Ito talagang papa mo."



          "Ehh hindi ba sabi nila ma, if you can join them, join."



          "Walang ganoong kasabihan pa."



          Lumapit ako sa mga ito at binigyan ng isang yakap saka binati sila ng isang magandang gabi. Akala niyo isang break-up scene ng mga magulang ko ano? Nagbibiruan lang naman kami.



          Ibinaba ko ang aking mga gamit sa sofa saka dumiretso naman ako sa kusina para kumuha ng tubig saka uminom.



          "How's school anak?" tanong ni papa.



          Bumalik naman ako sa sala. "Everything is going smoothly. Hindi nga lang katulad sa mga typical college students na nagsasabi na impyerno ang college. Pero darating talaga ang panahong iyun." sagot ko.



          "That's good to hear anak." si mama.



          Tumingin si papa sa relong pambisig. "Ma, tara na."



          "Okay."



          Nagsimula na ang mga ito na iligpit ang mga gamit nila para pumunta sa trabaho. Paalis at handa na sila.



          "Umm, ma, pa, could you spare me a part of your time?"



          Tumingin ulit sa relong pambisig si papa saka ibinaling ang tingin ulit sa akin. "Sure anak. Bakit? May problema ba?"



          "First of all, pakibaba lang ang gamit niyo at umupo po kayo please?" Sinunod naman nila ako. Humugot ako ng isang buntong-hininga.



          "Mukhang malalim iyun anak." reaksyon ni mama.



          "Go ahead anak. Just tell us. We will listen. Medyo mahaba pa ang oras namin ng mama mo. Meron pa kaming isang oras pero for you, kaya naming gawin iyun ng isang oras at kalahati." si papa habang may tine-text sa phone.



          "Mama, papa, I think alam niyo naman na na-appreciate ko ang mga ginagawa niyo sa akin. Mahal na mahal ko kayo kahit na lagi kayong nasa trabaho at minsan ko lang kayo makasama dito sa bahay. Kapag noong mga araw na naging MVP ako sa basketball, wala kayo. Pero bumabawi kayo talaga sa akin. Gumagawa kayo ng paraan para ipagdiwang ang mga achievements ko. Kahit noong mga birthdays ko na wala kayo, okay lang sa akin. Not even once na inisip ko na hindi ako mahal ng mga magulang ko dahil alam ko naman kung gaano niyo rin ako kamahal. Kahit binibiro ko kayo palagi na maghiwalay na kayo, hindi kayo naghiwalay." Tumawa ulit sila ng payak.



          "Sanay na kami anak sa mga biro mong iyan." si mama.



          "Your jokes lighten up our mood you know."



          "So as we know, kapag ganito ehh dire-diretso kong sasabihin ang mga problema ko pero ngayon, marami pa akong sinasabi. Does this sound weird? Okay lang ba na makuha ko ang ilang time ninyo?"



          "Anak, okay lang. Ginagawan namin ng paraan kung kailangan mo ng oras namin. Ang totoo niyan, masarap pakinggan sa tenga namin ng mama mo ang mga sinasabi mo. Na na-appreciate mo ang mga ginagawa namin. It's rare nowadays kung hindi mo alam. Biruin mo ehh lagi kaming nasa trabaho. Tapos nag-iisa ka pa naming anak. Hindi kami mismo ang nagtuturo sa iyo ng mga tamang asal kung hindi ang mga katulong mo lang. And from the looks of it, we are proud na na-absorb mo ang mga itinuro ng mga katulong sa iyo. Naging isa kang mabuting anak sa amin."



          "I agree with your papa anak."



          "Thank you ulit mama, papa." Muli ay humugot ako ng malalim na hininga. Sana itong susunod na sasabihin ko ehh payag sila. "Mama, papa, I'm in love to a certain person in school."



          "At nabuntis mo siya?" gulat na sabat ni papa.



          "Pa!" saway namin dito ni mama.



          "Okay. Chill."



          Nagpalipat-lipat naman ako ng tingin sa kanilang dalawa. "Mama, papa, he's a guy."



          Nagkaroon ng ilang minutong katahimikan sa pagitan naming mag-anak. Wari'y pina-process pa ng mga ito ang sinasabi ko. Kaya nagtapat na agad ako sa mga magulang ko ehh para wala nang problema. Pero hindi ko alam kung matatanggap ba nila ito o hindi. Ang sa akin lang, naipaalam ko na ito sa kanila.



          "Anak, ang lalaki bang ito'y nag-aaral din sa Schoneberg Academe?" pagputol ni papa sa katahimikan.



          "Yeah."



          "Kelan pa to? Kayo na ba?" sunod-sunod na tanong ni mama.



          "Actually ma, hindi pa kami. Pero itong feelings ko sa kaniya, matagal na. And just now I realized, I'm in love with him."



          "Bakit mo naman ito hindi itinago anak gaya ng iba? Hindi na muna sasabihin hangga't hindi nahuhuli ng mga magulang na nagre-wrestling sa... kama?" Hala si papa? Gusto ng ganoong scenario?



          "That's an old cliche pa. At kasi po, naging honest kayo sa akin. Magiging honest din ako sa inyo."



          Nagkaroon ulit ng konting katahimikan sa pagitan naming tatlo.



          "Anak, kung biro lang iyan, sabihin mo lang. Wala tayong kamag-anak sa ibang bansa kung balak mong magpatapon." natatawang saad ni papa.



          "Seryoso ako doon pa."



          Nagkatinginan saglit ang mga magulang ko at binaling ulit ang tingin sa akin.



          "Okay anak. Kami ng mama mo, hindi kami tutol sa mga desisyon mo."



          Nabuhayan ako sa sinabi ni papa. "Totoo po ba iyan mama, papa?"



          "Oo naman anak. Ito ang magiging ganti namin sa iyo. Naging mabuting anak ka sa amin kaya magiging mabuting magulang kami sa iyo. Love really works in mysterious ways. Hindi namin gugustuhin na kontrolin ka kung sino ang mamahalin mo. Pero anak, siguraduhin mo lang na ang mamahalin mo ay mamahalin ka din para mapalagay kami ng mama mo. Lagi mong tandaan, nasa likod mo lang kami."



          Hindi talaga ako makapaniwala sa sinasabi nila. Payag sila. So wala ng problema. Nage-expect pa naman ako ng mga moment na magagalit sila to the point na lilipad ang mga gamit namin sa bahay. O kaya iyung ipapatapon nila ako sa ibang bansa.



          Lumapit ako sa kanila at niyakap. "Salamat ma, pa."



          Maya-maya ay kumalas sila.



          "At kung magiging tagumpay ang panliligaw mo sa lalaking iyan, kami na ang bahala sa mga magulang." Napa-isip naman si mama. "Teka, sino ang top?"



          "Ma!" saway namin ni papa.



          Ito talagang pamilya ko. Salamat naman at nabiyayaan ako ng ganitong pamilya. I'm grateful. Hindi lahat ng mga tao ay swerte sa kanilang mga magulang. I'm one of the chosen few.



          Pagkatapos ng usapan ay umalis na sila para pumunta sa trabaho. Ilang oras na ang nakalipas at masaya naman akong pumasok sa loob ng kwarto saka binuksan ang kompyuter ko. Ayos na ang lahat dito sa pamilya ko. Ngayon naman, kukuha ako ng lahat ng mga impormasyon tungkol kay Keith.



          Pagkabukas ng kompyuter ay hinanap ko ang chatbox ng mga kaibigan ko.



MarcoH has entered the room...



MarcoH: GOOD EVENING GUYS!

Ren: Magandang gabi din H.

MarcoS: Good evening H.

Yuuhi: Eve H.

Ren: Anong meron at lahat ay naka-caps iyan?

MarcoS: May maganda bang nangyari sa iyo?

MarcoH: I really feel good na hindi ko kailangan ng Marijuana.

Yuuhi: Well sino ba ang may kailangan.

Ren: Funny.

MarcoH: Now guys, let's play. :3

MarcoS: Will someone die?

Ren: Anong laro ba iyan?

Yuuhi: S, tigilan mo iyan.

MarcoS: Kung hindi ko lang napanood kanina iyung movie. Natakot kaya ako.

MarcoH: Now guys, let's move on. Let's play a game.

Ren: Sabihin mo na. Excited ako.

Yuuhi: Oo nga. Sabihin mo na.

MarcoS: Excited na excited si Ren. Sabihin mo na kung anong laro iyan.

MarcoH: Okay. Ang pangalan ng game ay 'Gimme'.

Ren: Is this a term for an indirect request?

Yuuhi: Ano ba ang reward?

MarcoS: PANTSU!

Yuuhi: Oi, TIGIL! Pantsu talaga.

Ren: That's kuya S for you. :3

MarcoH: Ano ka ba S? Hindi Pantsu. Pambili ng Pulsfire Ezreal.

Yuuhi: [Hyperventilates]

MarcoS: [Internal screaming]

Ren: [Heavy breathing] GAME!

MarcoS: GAME!

Yuuhi: GAME!

MarcoH: Okay. Ready? Gimme an information.

Ren: Sandali lang. Anong klaseng impormasyon?

MarcoH: Impormasyon kung saan lang naman nakatira at iyung... impormasyon na rin ng mga magulang.

Yuuhi: Manliligaw ka?!

MarcoH: Hindi. Gusto ko lang malaman... ang ilang impormasyon.

Ren: Manliligaw si H.

MarcoS: May mga tao talagang ayaw maging habang buhay na single no?

Yuuhi: Bitter ka MarcoS.

MarcoS: SHATTAP!

Ren: So sino ang taong ito?

MarcoH: Heto na ang name. Keith Bernardo.

Ren: Keith Bernardo

Yuuhi: WTF!

MarcoS: WTF! ANG BILIS!



          Wow. Sino ba talaga itong si Ren? Ang bilis niya ahh. Hindi ko kilala ang mga pangalan ng mga kaibigan kong ito sa Internet pero mababait sila at maasahan... at hindi rin nila ako kilala.



          Pinindot ko naman ang link na binigay para makita ang mga impormasyon. Napangiti ako. Sa wakas. Alam ko na kung saan nakatira si Keith. Nakalagay din dito ang konti niyang family background. Okay. Kumpleto.



MarcoH: I guess we have a winner. :3

Yuuhi: BAH!

MarcoS: Ang bilis naman kasi ni Ren.

Ren: Sensya naman. Ganoon talaga.

MarcoH: So bibigay ko na iyung 900 na pambili ng Pulsefire Ezreal.

Ren: I decline. Ayoko ng skin. Mas gusto ko kung sa Veigar pa. Ibigay mo na lang sa dalawang ito. :3

Yuuhi: Ang bait naman ni Ren. Kaya lang, tatanggihan ko din. Kay S na lang. Kaya kong bumili ng isang trak niyan. :3

MarcoS: Kayo na ang mayaman pero hindi ko to tatanggihan. :3

MarcoH: Pero ang bilis mo namang nakuha ang impormasyon Ren. Paano mo pala nakuha to?

Ren: Well... sabihin na lang natin na... friend ko siya sa isa sa mga Facebook account ko?

MarcoS: Isa sa mga Facebook account?

Yuuhi: Parang sinasabi mo na marami kang Facebook account ahh. Ilan?

Ren: Anim?

MarcoH: ANG DAMI!

Ren: Swerte mo, iyung hinahanap mo ehh isa sa mga kaibigan ko sa Facebook.

MarcoH: Taga-Rizal ka ba Ren?

Ren: Secret.

MarcoS: Sikreto pa.

Yuuhi: Internet ehh.

MarcoS: So asaan na pala ang code sa load?

MarcoH: Na-PM na kita S.

Yuuhi: Oo nga pala guys. Sino pupunta sa Convention sa April?

MarcoH: Ugh. Pasensya na. Hindi ako makakapunta.

MarcoS: Ako pupunta kasama ang kaibigan ko. Salamat pala sa code H. :3

MarcoH: No problem. :3

Ren: Pasensya na guys. Tatanggi ulit ako. Hindi ako makakapunta.

Yuuhi: KJ! Ako naman, kasama ang future husband ko... I hope at ang ilang kong mga kaibigan.

MarcoS: May... future husband ka na Yuuhi?

Ren: Hindi ba lalaki ka?

MarcoH: Congratulations Yuuhi.

Yuuhi: Thank you H. Kung lalaki ako, bakit ba? Wala naman pinipiling gender ang pag-ibig hindi ba?

MarcoH: I agree.

MarcoS: Kayo na may lovelife.

MarcoH: Huwag naman ganyan S. Paano ba iyan guys, tutulog na ako.

Yuuhi: Magkita naman tayo guys kahit IRL lang. Hindi natin ginagawa iyun gaya ng iba. Ni mga selfie, wala. :(

Ren: Ganoon talaga. Well good night H.

MarcoS: Good night H.

Yuuhi: Nightie.



          Pagkapatay ng kompyuter ay agad na akong natulog para simulan na ang plano kong panliligaw kay Keith.



          Kinabukasan, maaga akong nagising. Nagpagwapo muna ako bago pumunta sa bahay nila Keith. Pagkatapos ay lumabas na ako ng bahay saka sumakay sa motor ko. Pagkarating sa bahay, may sasakyan naman na kararating lang at mula dito ay bumaba si Allan saka tiningnan ako. Kita ko naman sa mukha nito ang pagtataka. Hinubad ko ang aking helmet at nagulat siya dahil hindi niya inaasahan kung sino ang kaharap niya.



          "Magandang umaga, Allan." bati ko.



          May bumaba naman sa sasakyan mula sa driver's seat saka tumabi sa kanya.



          "Magandang umaga din manong driver." nakangiting bati ko din dito.



          "Hindi ako ang driver ng gagong ito. Kapatid niya ako." reply nito.



          "Huh? Tumigil ka Larson. Driver kita." baling ni Allan. "At himala naman na alam mo kung saan na ngayon nakatira si Keith? Huhulaan ko, nag-research ka ano?" sarkastiko niyang saad.



          Pinatunog ko ang aking dila. "Ano sa tingin mo ang ginawa ko? Pumunta sa manghuhula para malaman kung saan ang bahay niya? Teka? Mukhang ikaw iyung manghuhula na tinutukoy ko."



          "BOOM! Bara!" sabat nung Larson saka tumawa ng payak.



          "TUMIGIL KA NGA DIYAN LARSON!" sigaw ni Allan. "At ikaw diyan Marcaux, umalis ka na. Wala ka ng pag-asa. Maliban kay Katya, lagi kaming magkasabay ni Keith pumunta sa school."



          "Grabe ka pala Allan kapag nawalan ng respeto sa mas nakakatanda sa iyo."



          "Nako. Sinabi mo pa. Wala talagang respeto sa mas nakakatanda iyan kapag nagalit. At akala ko ba Allan ehh ayaw mo sa mga kauri namin? Pasigaw-sigaw ka pa noong isang araw na I hate-" sabat ng kapatid niya.



          "PWEDE BA LARSON! TUMAHIMIK KA NGA!" sigaw ni Allan. "Wala ka na doon kung bakit ginagawa ko ito kaya sumunod ka na lang sa mga gusto ko okay?"



          Nagkibit na lang ito ng balikat sa mga sinasabi nito. "Let's see."



          Wow. Kahit kapatid ehh hindi talaga pinapatawad ni Allan. Hindi naman ako maka-relate kung bakit sila nag-aaway... dahil nag-iisang anak lang ako.



          Mula naman sa loob ng bahay nila Keith ay lumabas ito... si Keith. Nagulat naman ito ng makita kaming dalawa.



          "Marcaux? Allan? N-Naparito kayo sa bahay?" nagtatakang tanong nito.



          Lumapit naman ako dito at hinawakan ang kamay nito. "Sinusundo kita. Tara na."



          Lumapit din naman si Allan saka hinawakan din si Keith sa pulsuhan. "Huh? Sinong nagsabi sa iyo na ikaw ang susundo sa kanya? Mas safe sa sasakyan ko kesa naman sa motor mo."



          "Tingnan mo ang mga kabataan ngayon. In a broad daylight, 2 guys fighting over a guy kung sino ang susundo sa kawawang binata na nakursunadahan ng mga leyon." natatawang saad ni Larson.



          "Umm... Allan, anong ibig sabihin na ito? B-Bitawan niyo akong dalawa."



          "Bitaw daw kayong dalawa." sabat pa ni Larson.



          "ISA PA LARSON! PUMASOK KA NA NGA LANG SA LOOB NG KOTSE!" baling ni Allan dito.



          Nag-taas ng kamay si Larson saka pumasok sa kotse.



          "No. Hindi ako bibitaw." pagmamatigas ko.



          "Kids, kung hindi niyo alam, ley-" sabat ni Larson.



          "SHATTAP!" muling pagputol ni Allan.



          May lumabas naman na medyo matanda... na mukhang bata na babae mula sa bahay ni Keith. She lools like 30-35 years old. Galit na papalapit ito sa amin.



          "Anong kalokohan ito mga bata? Bitiwan niyo nga ang anak ko!" sigaw nito sa amin. Kinalas naman naming dalawa ang mga kamay na nakahawak kay Keith.



          "Iyan! Tama iyan ma'am. Pagalitan niyo ang mga iyan." si Larson na naman. Hindi na ito pinatahimik ni Allan at sinisikap na hindi sagutin ito.



          "Anong ibig sabihin nito anak?"



          "Umm... hindi ko po alam ma." nininerbyos na sagot ni Keith.



          Nagpalipat-lipat naman ng tingin ang nanay ni Keith. Ilang segundo ang nakalipas at tinitingnan na ako ng mariin.



          "Teka? Magkakilala ba tayo? Hindi ko alam pero parang matagal na kitang nakita. Saan ba iyun?" nagtatakang saad ng mama ni Keith tsaka napa-isip ng malalim.



          "Magandang umaga po ma'am. Ako po si Marcaux Pascual." nakangiting pagpapakilala ko.



          "Ako naman po si Allan Mercer." nakangiti ding pagpapakilala ni Allan.



          Tumingin ng masama ang mama ni Keith kay Allan. "Hindi ako interesante sa iyo." saka binaling ulit ang tingin sa akin. Aray! "Siguradong nakita na kita. Hindi lang ako sure kung saan."



          Kita ko na lang na nagpalipat-lipat din ng tingin si Keith sa mama niya at sa akin. Maya-maya ay nilapitan ako saka hinawakan ang kamay ko. Pagkatapos ay hinila ako papunta sa motor ko.



          "A-Ano Marcaux, motor mo? Salamat sa pagsundo sa akin. Tara na at late na tayo." tarantang saad niya.



          Sa mga oras na ito, nagbunyi ang kaluluwa ko. Tiningnan ko si Allan at kita ko naman na napanganga ito sa nasaksihan. Panalo ako. Ako ang pinili.



          Pagkarating sa motor ko ay binigay ko kay Keith ang ekstrang helmet. Sumakay naman ako sa motor ko. Nakita ko na lang na papalapit na ang mama ni Keith sa amin.



          "Lagot! Si mama!" Pagkasuot ng helmet ay sumakay agad si Keith sa motor. "TARA NA DALI!" Ramdam ko naman ang mahigpit na pagyakap niya sa likod ko.



          "Okay."



          "Sandali?" tawag ng mama sa kaniya.



          Pinaharurot ko agad ang motor paalis. Habang umaandar ang motor, nararamdaman ko ang paghinga niya sa batok ko. Sinubukan ko naman mas lalong pabilisin ang takbo ng motor. Gaya ng inaasahan, mas lalong humigpit ang pagyakap niya.



          "M-Marcaux, ayoko pang mamatay." rinig kong saad niya at sa tono ng pananalita nito ay natatakot.



          "Ahh... Ganoon ba? Pasensya na. Humigpit kasi ang pagkakayakap mo sa akin kaya na-enganyo ako na pabilisin ang takbo ko. Sige. Babagalan ko." Binagalan ko naman ang takbo ng motor.



          "Ganoon ba iyun?" Nilipat niya ang kanyang mga kamay sa balikat ko. Nakakadismaya naman ako sa ginawa niya. Dapat pala nagkunyari na lang ako na hindi ko narinig iyun. "Sandali nga? Hindi ito ang daan papunta sa Academe."



          "Alam ko. May pupuntahan tayo."



          "Saan naman?"



          "Basta."



          "Pero-"



          "Huwag kang mag-aalala. Makakapasok tayo niyan." pagputol ko.



          Imbes na sa eskwelahan kami, pumunta kami sa isang lakeside.



          "Dito sa lake side?" tanong niya habang bumaba sa motor at inalis ang helmet.



          "Oo. Tara. Mag-usap tayo." wika ko habang bumaba sa motor.



          Hinubad ko ang helmet ko saka nilagay ang mga helmet namin sa motor. Pagkatapos ay umupo sa isa sa mga bench na naroon. Ganoon din siya. Umupo kami ng tuwid habang hinihintay ko na masinagan kami ng araw... peste! Maulap. Sa totoo lang, bakit nga pala ako pumunta dito? Ano nga pala ang sasabihin ko? PATAY! Nakalimutan ko ang gagawin ko.



          "Marcaux, may problema ba?" tanong niya.



          "W-Wala. Ano... ano... grabe. Maulap pala kaya hindi tayo nasisinagan ng araw." nininerbyos kong saad.



          Bumaling ang tingin niya sa mga building. "Oo nga. Hindi tayo nasisinagan ng araw. Pero nakaharap tayo kung saan dapat lulubog ito." Teka? NAKAHARAP KAMI SA KANLURAN!



          Marcaux, calm down. Mag-isip ka ng mabuti. Ano nga pala ang sasabihin ko? Tumingin naman ako sa relong pambisig. Pambihira. Ilang minuto na lang at pasukan na.



          "Ano... Marcaux?" baling niya sa akin.



          "B-Bakit?"



          "Gusto ko sanang humingi ng patawad sa inasal ko sa iyo nitong mga nakaraang araw. Hindi ko kasi alam kung paano ang gagawin kapag nakaharap na kita. Tuwing nakikita kita kasi, naiisip ko iyung unang personal na pagkikita natin." Dahil ba doon? Wrong move ba iyun?



          "Sa totoo lang, ako dapat ang humingin ng pasensya sa iyo. Nagpadala ako sa bugso ng... damdamin ko... at ikaw." pakumpas kong saad.



          "B-Bakit ako? I-Ikaw kasi. B-Bakit kasi nag g-ganoon tayo?" pautal-utal na baling niya sa akin habang namumula.



          "Kasalanan ko bang may gusto ka sa akin?"



          "M-Malay ko b-bang may gusto ka din sa akin. F-Fan lang naman ako ehh."



          Tumungo ulit siya at nagkaroon na naman ng saglit na katahimikan. Bigla ko naman naisip iyung gusto kong sabihin sa kaniya.



          "Gutom ka na ba?" tanong ko.



          Nag-angat naman ito ng tingin. "Huh? Nag-breakfast na ako sa bahay." sagot niya. "Teka, a-ano ba talaga ang gusto mong sabihin?"



          "A-ang ibig kong sabihin, mamaya... sa school... kumain tayo... sa labas. Mag-date tayo."



          "Heh?"



          "Let's start... over. Tama bang term iyun? Wala namang naging tayo. Makagamit naman ako ng salita." saka tumawa ng payak. "I mean, iyung nangyaring sex sa atin noon, kalimutan natin. Pero wait, I mean that one. No, ang ibig kong sabihin, wait."



          "Ang gulo mo." naguguluhan niyang saad.



          "Ehh kasi naman baka magkaroon pa ng maraming misunderstanding sa mga sasabihin ko. Ganito iyun. Iyung sex na nangyari sa atin noon, ginusto ko iyun and I mean it. Ngayon, gusto kong sabihin na kalimutan muna natin iyun and let's start anew. Mag-date tayo and let's get to know each other more. Let's start the beginning of our forever."



          Napalunok siya sa sinabi ko. "Well sige ba. Iyan din naman ang gusto ko. Pero hinay-hinay lang ha. Masyado kang mabilis. Beginning of forever talaga."



          "Oo. Sure na talaga ako dito. This is the beginning of our forever."



          "P-Paano naman sa mga magulang mo kapag nalaman nila ang relasyon natin?"



          "Bakit ganyan ang tanong mo? Ibig sabihin ba nito ehh okay sa magulang mo?"



          "Huwag mong ibahin ang tanong."



          "Ano ka ba? Okay na sa kanila. Teka, does it mean na sinasagot mo na agad ako kahit hindi pa ako nagsisimulang manligaw? Ang bilis mo din pala ehh no." pisil ko sa pisngi niya.



          "Tumigil ka. Hindi ako katulad mo na masyadong mabilis." simangot niya.



          Pumasok sa utak ko si Allan. "Sandali nga Keith? Iyung si Allan ba ehh nagpaparamdam sa iyo ng... kung ano?" tanong ko.



          "Tingnan mo to. Kasasabi lang, nagseselos agad sa ibang tao."



          "I just want to be sure."



          Nag-isip naman ito saglit. "Si Allan, mabuting kaibigan ko lang naman iyun. Bakit ba?" Kawawang Allan. Friendzoned.



          "So ako na ang magiging forever mo. At ikaw ang magiging forever ko, Keith Bernardo." ngiti ko.



          Kita ko na namula siya. "Huwag ka ngang magsabi ng mga ganyang nakakahiyang bagay. Makasabi naman ito ng forever. Akala mo ehh wala tayong mga problema na darating. Ang tunay na pagmamahal, maaaring matagpuan mo ito sa una o baka sa pangalawa, o baka sa pangatlo. Hindi natin masasabi iyun ngayon."



          "Alam ko. Pero gagawin ko ang lahat para ang una ko ang magiging una't huli. Nasa atin naman iyun kasi. At alam ko naman din na ako lang ang sinisigaw ng puso mo."



          "Tumigil ka. Paano kung iba talaga at pinipilit mo ang sarili mo na mahalin kita?" pagtanggi niya.



          "Basta. Alam ko lang. Mamaya mo na iyun malalaman dahil malapit na tayong ma-late." tingin ko sa relong pambisig. "Tara na Keith. Pumasok na tayo." baling ko sa kaniya habang inabot ko ang aking kamay.



          Napalingon siya sa ibang direksyon at namumula pa rin. Maya-maya ay kinuha niya ang kamay ko saka tumayo.



          "Teka nga, holding hands pa tayo ehh hindi pa nga tayo."



          Agad kong kinuha ang kamay ko. "Sorry. Nadala lang sa moment. Tara na."



          Sumakay na kami at umalis papunta sa Schoneberg Academe. Maaring hindi tayo sigurado na ang tunay na pagmamahal ay hindi natin matatagpuan agad. Maaaring nasa unang pag-ibig, pangalawa, pangatlo o pang-apat o... mas higit pa. Pero nasa atin pa rin o kaya nasa kay destiny. Pero ako, sigurado na sigurado ako. Mahal ko si Keith. Mahal din niya ako. Grabe ako makapagsalita. Sure na sure. Game ka na ba? Kahit na may mga hadlang pa sa pagmamahalan namin, I'm really 100% na ako pa rin hanggang sa huli... ang pipiliin niya. For that, I will not falter to prove him na siya lang din hanggang sa huli.



          Masayang-masaya ako ngayong araw na ito. Hindi na umiiwas sa akin si Keith. Nakapag-date kami ng maayos. Mas lalo ko pa naman siyang nakilala ng lubusan... kahit na alam ko na lahat ng impormasyon tungkol kay Keith na binigay sa akin ng cyber friend ko na si Ren. Sasabihin ko ba sa kaniya na ni-research ko siya? Sa tingin ko huwag na lang.



          Nasa basketball gym naman ako at nagpa-praktis mag-isa habang hinihintay ang oras ng pag-uwi ni Keith. Wala namang praktis ang Basketball Club dahil sa nalalapit na Christmas Break.



          Bumukas naman ang gym at niluwa nito si Allan.



          "Congratulations." walang siglang bati niya. Suko na ba siya?



          "Ano iyun Allan? Ganoon lang iyun? Hindi ka ba magpapatuloy bilang kontrabida ng pagmamahalan namin ni Keith?"



          "Move on na ako." saad niya habang binababa ang gamit saka lumapit sa akin. Agad-agad? Ang bilis naman... at kahina-hinala din.



          "Hindi ako basta maniniwala diyan Allan."



          "Then don't." kibit-balikat niya. "Ayaw mo nun? Lahat ng mga magkasintahan sa isang love story ay humihiling na mawala na ang mga balakit sa pagmamahalan nila. Tapos ikaw, gusto mo na hindi ako tumigil? Iba ka din ano."



          "Seryoso ka ba talaga... na may gusto ka kay Keith?" sabay pasa ng bola na hawak ko.



          Muli ay ginawa na naman niya ang ginawa noon. Ang pag-shoot nang hindi nakatingin sa ring... na worth of 2 points lang.



          "Maaaring oo, maaaring hindi." makahulugang saad niya habang nakatingin sa akin... na may demonyong ngiti.



          Nakaramdam ako ng kaba sa sinabi niya. Ang taong ito. Sino ba talaga si Allan Mercer? Pinakamatalino sa klase niya at higit sa lahat, isa sa mga pinakamagaling sa team namin. Maliban doon, wala na. Paano kung magpahanap ako ng mga impormasyon sa mga kaibigan ko? Pero huwag na. Pag-aabuso na iyun.



          Lumakad siya papunta sa gamit niya at kinuha ito. "Sige captain. Congratulations ulit. Kita na lang tayo ulit sa bagong taon. Merry Christmas and Happy Holidays."



          Naiwan na akong mag-isa sa gym. Hindi ko alam kung magiging balakit si Allan sa akin o hindi. Pero bakit ko ba inaalala iyun? Paano kung totoo talaga na sumusuko na siya? Hindi ba maganda iyun? Celebrate.



          Uwian na nun at nasa harap ako ng Journalism Club. Lumabas naman mula dito sila Keith... at ang best friend niya na si Katya.



          "Marcaux, nandito ka na pala." nakangiting saad ni Keith.



          "Huh? Siya ba talaga?" nagtatakang tanong ni Katya.



          "Oo Katya. Siya si Marcaux Pascual. Ang boyfri- I mean future boyfriend ko." Oi Keith. Narinig ko iyun.



          "Ohh. Hi. I'm Katrina Yam Beatro. Call me Katya for short." pakilala nito. What? Katrina Yam? Inabot ko ang kamay niya saka nakipag-kamay. Maya-maya ay kumalas siya at kinikilig. "Hindi ako makapaniwala na kinakamayan ko ang isa sa mga gwapong tao sa school."



          "Tanong ko lang. Bakit Katya imbes Katrina ang palayaw mo?" tanong ko. Ayoko kasi iyung Katya. Tunog porn star. Nakadagdag pa dito ang cleavage niya. Peace sa mga taong Katya din ang pangalan.



          "Marcaux, tumigil ka." saway ni Keith.



          "Ano ka ba Keith? Okay lang. Sanay na ako sa mga tanong na ganyan." nakangiti nitong baling kay Keith.



          "Pero..."



          "Ayoko kasi na palayaw na Katrina dahil sa Hurricane Katrina." sagot ni Katya sa tanong ko.



          "Ohh. Ganoon ba?"



          "Threatened ka pala sa akin. Pasensya na." natatawa niyang wika. "Pero try mong lokohin itong best friend ko at aakitin ko siya." pagbabanta nito. Nako. Kailangan kong isa-isip iyung banta niya dahil mukhang seryoso.



          "Huwag kang mag-alala Katya. Hindi ka aabot sa ganoon."



          Lumawak ang ngiti ng babae na umabot sa tenga. Hinatid naman kami nito sa parking lot at nakipagkwentuhan habang naglalakad. Nakarating na kami sa parking lot.



          "Katya, sabay ka na sa amin." yaya ko.



          "Oo nga. Sabay ka na sa amin." dagdag ni Keith.



          "Hindi na kailangan. Kaya ko namang mag-isa." pagtanggi niya.



          "Pero best friend kita."



          "Okay lang ako Keith. Tsaka iyun din naman ang gusto ng future boyfriend mo ehh."



          Bumaling sa akin si Keith. "Wala akong sinabi sa kanya. Sa totoo lang, gusto ko siyang ihatid... at ayaw ko din na sumama siya." pagdipensa ko.



          "Katya, hindi pa naman kami. Future boyfriend ko pa lang naman siya."



          Umiling ang babae. "Kahit na. Dapat maaga pa lang, masanay na ako. Na hindi kasabay ang best friend ko pauwi."



          "Katya."



          "Huwag kang mag-alala Keith. Best friend mo pa rin naman ako. Hindi mawawala iyun."



          Nagyakapan ang dalawa. Nakikita ko ngayon na pinapahalagahan ni Keith ang pagkakaibigan niya kay Katya.



          Pagkatapos ng yakap ay binantaan na naman ako ng best friend niya. Dapat masanay ako na binabantaan ako nito.



          Nakarating na kami sa tapat ng bahay nila Keith. Bumaba naman siya at halatang malungkot ang mukha habang hinuhubad ang helmet. Hinubad ko na rin ang sa akin.



          "Nag-aalala ka pa rin ba kay Katya?" tanong ko.



          Tumango siya bilang pagtugon. "Ano... Marcaux, may gusto akong sabihin sa iyo. Magpapakatotoo na ako."



          "Wait lang, nasa labas tayo ng bahay. Doon na lang sa confession room."



          "Confession room? Sa bahay ni kuya? Ang layo nun."



          "Bakit pa sa bahay ni kuya? Meron naman sa bahay ko. Sa kwarto ko." pilyong saad ko sabay kindat. Agad akong sinuntok ng mahina sa appendix ko na nagpa-igik sa akin.



          "Ang libog mo." saad niya habang namumula.



          "Sa iyo lang naman. At saka gusto mo rin naman iyun ehh."



          "Tumigil ka!" asik niya. Ang cute. Sumeryoso ulit ang mukha ni Keith at tiningnan ako ng mariin. "Oo. Inaamin ko. Gusto kong mangyari ulit iyun. Noong una, akala ko ehh dala lang ng libog mo iyun kaya may nangyari sa atin. Na pinaglalaruan mo lang ako, na lahat ng sinabi mo ay hindi totoo, na sex lang iyun para sa iyo. Walang pagmamahal. Bigla kong naisip, ang tanga-tanga ko. Bakit ko ba hinayaan ang sarili ko na mangyari ang bagay na iyun? Iyun ang isa sa dahilan kaya iniiwasan kita."



          "Ang harsh mo naman magsalita. Hulaan ko. Dahil ba sa gwapo kong ito at naisip mo na baka iyung mga sinasabi ko ay hindi totoo?"



          Nagulat siya. "Huh? Tama ka. Teka nga, sigurado ka bang hula mo lang iyan?"



          Pinatunog ko naman ang dila ko saka nagtaas ng isang daliri. "Hashtag, pogi problems." diretsong saad ko. Talaga naman. Parang common knowledge lang iyun. Hindi kasama iyun sa mga binigay na impormasyon ni Ren.



          Humugot siya ng buntong-hininga. "Ayoko sanang magpadalos-dalos. Pero Marcaux, gustong-gusto mo ba talaga ako?"



          Naiintindihan ko ang nararamdan ni Keith sa mga oras na ito. Siguro ay isa siyang klase ng tao na takot masaktan... ng sobra. Naisip ko na ang ibang tao kaya? Kapag pumasok sila sa isang relasyon, handa na rin ba silang masaktan? Dapat kasama iyun kasi hindi maalis ang ganoon posibilidad.



          Ngayon, tinatanong ako ni Keith... ulit. Kung baga sa korte ay cross examination. Sinagot ko na ang tanong ng lawyer ko at kinukumpirma naman ito ng kalaban kong lawyer kung magtutugma ang mga sagot ko sa nauna. Kung hindi, mahahanapan ng butas ang mga sworn statement ko. Ano ba ang dapat kong sabihin sa tanong ni Keith? Haixt! Bahala na.



          Kinuha ko ang kamay niya saka inilagay sa tumitibok kong puso. "Ikaw lang ang gusto ko Keith Bernardo. Ikaw lang. Alam kong gwapo ako at maraming babaeng nagkakandarapa sa akin. Pero huwag kang mag-alala. Ikaw lang ang gusto ko. Hindi ko hinihingi na maniwala ka sa akin. Pero itong gwapo na ito sa harapan mo, gustong-gusto kita. Kung iniisip mo namang dahilan ay dahil parehas tayong lalaki, bakit ba? Maybe they hate us because they ain't us."



          Biglang binawi niya ang kanyang kamay. "Parang copy-paste lang iyung sa sinabi mo noon ahh!" aniya habang namumula. Pero namumula.



          "Ano naman kung copy-paste sa nauna kong statement? Tapos namumula ka pa? At tsaka ano ang gusto mong marinig? Kukunin ko ang bituin, araw o kaya buwan para lang mapatunayan ang pag-ibig ko sa iyo." Pinatunog ko ang aking dala. "Let's be straight and not be ridiculous... though hindi na nga tayo straight. Overused words or phrases na ang mga iyun. Kahit sabihin natin na classic, still mas maganda iyung unique. Iyung binuo mo lang. Ako mismo bumuo nun at hindi lang dahil sa nag-sex lang tayo." paliwanag ako. "Ikaw ba Keith. Gustong-gusto mo ba ako?" naitanong ko.



          Nag-iwas siya ng tingin dahil namumula siya at wari'y nag-iisip. "Yeah. Gustong-gusto kita." matapat na sagot niya saka binalingan ako ng tingin. "Dati pa lang, gustong-gusto na kita. Nagsimula iyun noong 1st year high school pa lang tayo." 1st year high school?! "Noong intrams at sumali ka noon sa Basketball Competition, humanga ako sa galing mo mag-basketball. Pero hindi pala paghanga iyun. Bumilis ang tibok ng puso ko at kahit may ibang players na naglalaro, ikaw lang ang nakikita ko... noon pa. Pesteng kupido iyan. Ka bata-bata ko pa ehh! Pero pinigil ko ang nararamdaman kong iyun kasi alam kong hindi tama at wala sa panahon. Lumipas ang ilang taon at 4th year na tayo. Valentine's day noon at gusto kong ipagtapat ang nararamdaman ko dahil malapit na tayong magsipagtapos sa paaralang iyun."



          Teka? 4th year high school? Valentine's day?



          「2 years ago...



          "A-ano, Marcaux." nahihiyang saad ng isang lalaki na nagpahinto sa akin.



          "Bakit?"



          Hindi ko alam kung ano ang gustong gawin ng taong ito. Palipat-lipat ang tingin niya sa akin at sa ibaba niya. Bakit kaya?



          Maya-maya ay inangat niya ang kamay niya habang nakatungo. May parang supot ng... mga tsokolate. Para saan?



          "Para sa akin?" tanong ko. Tumango siya. Hindi nga? Siguro ay baka wala siyang mapagbigyan ng tsokolate o nabasted ang taong ito at hindi tinanggap ang tsokolate na gawa niya. Pero sayang naman ang tsokolate.



          Walang pag-aalangan ko itong kinuha.



          "Marcaux, tara na!" tawag ng kaibigan ko sa akin mula sa likuran ko.



          "Salamat sa tsokolate." saad ko na binigyan ko pa ng ngiti.



          "W-Walang anuman." wika niya na parang... namumula?



          Tumalikod ako saka patuloy na nilapitan ang aking mga kaibigan.」



          Hindi ako makapaniwala sa mga naririnig ko. Kaya ba parang pamilyar talaga siya sa akin? At saka anong nagtapat ng nararamdaman?! Hindi ko nga alam na nagtatapat na pala siya ng nararamdaman noon sa akin!



          Parang gusto kong iuntog ang ulo ko sa lupa dahil sa mga sumunod na nangyari.



          「2 years ago...



          "Oi Marcaux, ano iyan?" tanong ng isa kong kaibigan.



          Kinuha naman ng isa ko pang kaibigan ang supot mula sa akin. "Wow! Chocolates iyan ahh." natutuwang saad nito habang binubuksan.



          "So Marcaux, may taong nagtapat ng nararamdaman sa iyo?"



          "Wala naman." sagot ko.



          "Pero may tsokolate ka. Oi. Tatlong piraso. Kainin ko na ang isa." saad ng isang kaibigan ko saka kinain ito.



          "Ako din. Pahingi." sabay kuha ng isa ko pang kaibigan saka kinain ito.



          "ANG SARAP! LASANG PAGMAMAHAL!" reaksyon ng dalawa.



          "Mabuti naman at nasiyahan kayo." ngiti ko.



          "Sa sobrang sarap, ayokong mamigay. Akin na itong isa."



          "Hoy, kay Marcaux iyan." saway ng isa.



          "Okay lang." pagpayag ko.



          "Talaga Marcaux?"



          "Kung ganoon, kakainin ko na ito." sabay lamon ng kaibigan ko sa natitirang tsokolate.」



          Hinayaan kong tumulo ang luha ko. "Isa itong trahedya."



          "B-Bakit ka umiiyak?!" natatarantang tanong ni Keith.



          "Tandang-tanda ko pa noon. Wala kang sinabi na nagtatapat ka ng nararamdaman sa akin." malumanay kong wika.



          "Ehh? Ehh kasi, naunahan ako ng takot. Okay lang iyun." Okay lang daw iyun?



          "At hindi ko nakain iyung tsokolate na bigay mo."



          "O-Okay lang iyun."



          Bumaba ako sa motor at gigil na gigil na hinawakan siya sa magkabilang braso saka tiningnan ng mariin. "ANONG OKAY DOON? SABI NG MGA KAIBIGAN KO EHH ANG SARAP DAW NUN! TAPOS NI ISANG PIRASO EHH HINDI KO NAKAIN! KUNG SAYO EHH LANG OKAY IYUN, SA AKIN HINDI!"



          "B-Bakit ka nagagalit?"



          "NAGAGALIT AKO DAHIL HINDI KA NAGSALITA NA NAGTATAPAT KA NA PALA NG NARARAMDAMAN SA AKIN NOON!"



          "HINDI MO AKO MASISISI!" sigaw niya at nagsimula ng tumulo ang luha ni Keith saka tumungo. "Pasensya na. Nadala ako ng aking takot. Isipin mo nga Marcaux. Sa tingin mo ba, kung nagtapat ako sa iyo noon, magkakaroon ba ng 'tayo' sa panahong iyun?! Sa tingin mo ba, handa ako na i-reject mo ako?" Napatigil ako. "Hindi ko kaya. Hindi ko kayang ma-reject noon. Kahit nga ngayon ehh. Kaya hindi ako nagtapat ng nararamdaman. Naisip ko, mas mabuti na lang na ganoon. Iyung kapag makikita mo ako, okay lang. Hindi iyung tipong kapag nakita ako ehh may halong disgusto. NAISIP MO BA IYUN MARCAUX?!"



          Nakuha ko ang punto niya. Kung nagtapat nga ba talaga siya ng nararamdaman noon sa akin, ano ang magiging reaksyon ko? Malamang, tatanggi ako. Uuwi siyang luhaan lalo. Hindi ko kayang suklian ang nararamdaman niya. Mamarkahan ko siya na isa sa mga taong nagtapat sa akin ng nararamdaman at malamang... hindi ko mararamdan ang ganitong klase ng pag-ibig sa kaniya.



          Nagsimula siyang humagulhol ng iyak. Agad ko na lang siyang niyakap. Hindi ko alam pero nasasaktan ako. Ako ang dahilan ng pag-iyak niya. Wala akong pakialam kung may taong makakita sa amin. Kami talaga ang itinadhana. Baka kaya ganoon ang nangyari sa amin ay dahil hindi pa iyun ang panahon para sa amin.



          "Tama na iyan. Tahan na." pagpapatahan ko sa kaniya saka hinagod ang likod ni Keith. "Alam mo, nagalit lang naman ako sa iyo dahil lang sa tsokolate. Hindi ko kasi nakain." paliwanag ko. Kumalas ako saka kumuha ng panyo sa bulsa at pinunasan ang mga luha niya. "Huwag ka ng umiyak."



          Maya-maya ay tumigil na siya sa pag-iyak. "Pasensya na."



          "Okay lang. Naiintindihan naman kita. Hindi ko naisip iyang naisip mo. Akala ko lang kasi talaga, noong binigyan mo ako ng tsokolate noong Valentine's Day, hindi para sa akin iyun. Akala ko, na-reject ka ng kung sino at binigay mo na lang sa akin para hindi iyun masayang. Kaya kinuha ko. At tama ka nga. Baka kung noon ka talaga nagtapat, nangyari iyung kinatatakutan mo. Pero hindi na importante ang nangyari noon sa pagitan natin. Keith, isipin na lang natin ang ngayon. Ngayon, may nararamdaman na talaga ako sa iyo. Totoong-totoo na ito. Hindi na ito lokohan. Hindi naman tayo nagkakantu- UGH!" Naputol ang sasabihin ko nang sinuntok na naman niya ako sa appendix. Nasapo ko na naman ang parteng sinuntok ni Keith. Paboritong target talaga ang appendix ko?



          "Ang libog mo." nanggagalaiti niyang saad.



          "Figure of speech ko lang naman kasi iyun. Tsaka kung sex ba ang ginamit kong term, hindi mo na ba ako susuntukin sa appendix ko?" reklamo ko.



          Sumeryoso ang mukha niya. "Ngayong sigurado na ako na may gusto ka na rin talaga sa akin, hindi ko na ito patatagalin. Marcaux Pascual, sinasagot na kita." nakangiting saad niya.



          Tumigil ang mundo ko sa sinabi niya. Sinasagot na niya ako? Nag-echo pa sa tenga ko ang sinabi niya.



          "Marcaux Pascual, sinasagot na kita."



          Para namang may bumaba na ilaw mula sa itaas niya. ISA SIYANG ANGHEL! O baka galing lang ang ilaw mula sa poste kung saan kami nakatayo?



          Walang anu-ano'y niyakap ko siya. Ang saya ko! Mag-party tayo! Mag-fiesta tayo! Magkantu-



          Naputol na naman ang iniisip ko at muli, sinuntok na naman niya ako sa appendix. Nasapo ko ulit ang parteng sinuntok ni Keith. Paano niya nahuli iyung iniisiip ko?!



          "B-Bakit sinuntok mo na naman?"



          "Intuition." sagot niya.



          Nagkaroon ulit ng katahimikan sa pagitan naming dalawa. Pagkatapos ay tumawa kami ng bukal sa puso namin.



          "Tapos na ba kayo anak?" tanong ng mama niya na nasa di kalayuan. Lagot!



          "Mama!" masayang tawag ni Keith dito. Kinuha ni Keith ang kamay ko saka lumapit kami sa mama niya. Teka? "Mama, ipapakilala ko po sa inyo ang boyfriend ko. Si Marcaux Pascual." pagpapakilala ni Keith sa akin sa mama niya. Ano ba ang ginagawa ni Keith? Kailangan ba talagang malaman ng mama niya ngayon na mismo? What a bold move.



          Tumingin ako sa mama niya. Masama ang tingin nito sa akin. Maya-maya ay ngumiti.



          "Ahh! Naalala ko na din hijo. Ikaw pala ang laging kinekwento sa akin ng anak ko na gustong-gusto niya." masayang saad nito. Wait? Wala bang kahit isang kontrabida sa kwento kong ito? Kahit isa lang, bigyan niyo ako? Iyung matagal. Si Allan, saglit lang ehh!



          "Magandang gabi po." magiliw na bati ko.



          "Magandang gabi din hijo. Call me tita na lang." saka tumawa ng payak.



          "Sige po tita." nakangiti kong saad.



          "Pasok ka at maghapunan ka sa amin." yaya ng mama ni Keith.



          "Pasensya na po pero tatanggihan ko po ang alok niyo ngayon tita. May mga katulong pong naghihintay sa akin sa bahay. Lagi po kaming sabay kumain ng hapunan." Kita ko na lumungkot ang mukha ni Keith sa pagtanggi ko. Bumaling ako ng tingin kay Keith. "Pasensya na muna Keith. Don't misunderstand ha. Kasi iyung mga katulong sa amin ay itinuring kong pamilya. Sila kasi ang nagpalaki sa akin habang wala ang mga magulang ko. Gusto ko na magkaroon kami ng parang huling hapunan dahil mukhang araw-araw na ata akong maghahapunan dito."



          "Ganoon ba hijo, sayang naman." malungkot na saad... ni tita.



          Nagliwanag ang muka ni Keith. "Huh? Ganoon ba? Naiintindihan ko."



          "Sige na Keith. Pumasok ka na sa loob. Sa susunod na lang."



          "Sige. Mag-iingat ka Marcaux."



          "Mag-iingat ka hijo ha."



          Sinundan ko ng tingin ang dalawa. Grabe. Wala talagang problema kapag naging kami.



          Tumalikod ako papalapit sa motor ko.



          「"Teka? Magkakilala ba tayo? Hindi ko alam pero parang matagal na kitang nakita. Saan ba iyun?" nagtatakang saad ng mama ni Keith tsaka napa-isip ng malalim.」



          Napatigil ako nang maalala ko ang sinabi ng mama niya kaninang umaga. Siguro ay padadalhan ko na lang ng mensahe ang mga katulong sa bahay na hindi na ako makakasabay ng kumain sa kanila.



          Tumalikod ako at hindi pa sila nakakapasok ng bahay ng tuluyan.



          "Pasensya na po pero nagbago na ang isip ko. Pwede ko po bang ipasok ang motor ko?" paghingi ko ng approval na gawin iyun.



          Napalingon ang dalawa sa akin.



          "Pwedeng-pwede hijo." pagpayag ni tita.



          Dali-dali ko namang ipinasok ang motor sa loob ng bakuran nila Keith. Gusto kong makita 'iyun'.



          Pumasok na kami sa bahay nila Keith. Katamtaman lang ang laki nito kumpara sa bahay namin.



          "Mabuti naman at pinaunlakan mo ang paanyaya ko hijo. Ano ang nagtulak sa iyo na dito na lang maghapunan?"



          Ngumiti ako. "Gusto ko pong makita ang kwarto ni Keith. Asaan po iyun?" agad kong tanong.



          "HA?! K-Kwarto ko? Hoy, teka! M-Mama, huwag k-kayong pumayag." natatarantang saad ni Keith.



          Itinuro ni tita ang kwarto ni Keith na nasa pangalawang palapag ng bahay.



          "M-Mama!" namumulang wika ni Keith.



          Walang paalam na pinuntahan ko ito at hinabol naman ako ni Keith para pigilan ako sa binabalak ko. Naabot ko din sa wakas ang door knob ng pintuan niya... at hindi ito naka-lock. Pagkabukas ko ay hindi nga ako nadismaya sa nakita ko. May mga litrato na naka-korteng hugis puso na nakadikit sa pader malapit sa higaan niya. Lumapit ako para makita kung sino ang nasa litrato. Walang iba kung hindi ako. Kaya pala pamilyar sa mama niya ang mukha ko. Sabi ko na nga ba. Meron siyang ganoon sa kwarto niya. December ngayon at palagay ko, ito na ang maagang pamasko sa akin ng Panginoon. Na maging kami ni Keith. Sisiguraduhin ko na mamahalin kita Keith... hanggang katapusan ng aking buhay... magpakailanman.



          Tumalikod ako at sinunggaban siya saka agad kong pinahiga sa kama at umibabaw dito. Walang anu-ano'y binigyan siya ng mapusok na halik at ramdam ko na sinasagot niya ito. Naging malikot ang kamay ko at ipinasok ito sa damit niya. Naghiwalay ang labi namin at idinako ang halik ko sa leeg niya.



          "Marcaux... Ahh! Shit!" ungol niya habang hinahawakan ang ulo ko.」



          "KRIIIIING!"



          Nagising na lang ako sa ingay na nagmumula sa alarm clock ni Keith. Bumangon agad ako para patahimikin ito. Kinusot ko naman ang aking mga mata at nag-unat muna.



          "Keith, gising na. Papasok na tayo o papasok ako sa iyo." pilyong saad ko saka hinalikan siya sa noo.



          "Hmmppfff..." ungol niya saka hinigpitan pa ang pagyakap sa hubad kong katawan. Shit! Tumigas! Hindi pwede to.



          "Tara na. May imbestigasyon pa tayong gagawin. Hindi ang Journalism Club ang lalapit sa atin kung hindi tayo. Tara na. Bangon na."



          Kumalas na siya sa pagkakayakap at sa wakas ay bumangon din siya. "Magandang umaga Marcaux." bati niya habang kinakamot ang mata.



          "Magandang umaga din Keith."



          Umalis ako sa kama at kumuha ng ilang tuwalya saka binuhat si Keith para maligo kami ng sabay. Sumunod nito ay dali-dali ko siyang binibihisan. Pagkatapos naming magbihis dalawa ay sabay kaming bumaba para kumain.



          Marahil ay nagtataka kayo kung bakit sa bahay ni Keith na ako nagbibihis at naliligo. May ilang damit na ako sa bahay niya at umuuwi lang ako sa bahay ko kapag nandoon sila mama at papa at kapag niyayaya ko si Keith na maglaro ng 'games' doon. Huwag niyo ng alamin kung anong mga games iyun.



          Halos simula ng araw namin ay laging ganito ang eksena sa pagitan naming dalawa. Sanay na akong gawin ito at masaya naman ako. Gusto ko na ako mismo ang nag-aalaga sa kaniya ng mabuti para ipakita ang aking pagmamahal. Sa una, ayaw ito ni Keith. Ayaw niyang mai-spoil kasi hindi naman kasi iyun ang ginagawa ng mga magulang niya. Hindi siya sanay. But I insist. Wala na rin siyang nagawa kung hindi hayaan lang ako.



          Marahil ay anim na buwan pa lang kami. At so far, wala kaming kontrabida sa pagmamahalan namin. Well great!



          "Magandang umaga po tita, tito." bati ko sa mga magulang ni Keith.



          "Magandang umaga mama, papa." inaantok na bati ni Keith.



          "Magandang umaga din hijo. Mukhang pinagod mo ang anak ko  ahh." saad ni tito.



          Ultimo ang papa pala niya ay hindi tutol sa pagmamahalan namin. Pero medyo nahirapan ako sa pagsubok na binigay ng pala niya. Ewan ko ba pero pakiramdam ko na magkakaroon ata kami ng isang matinding pagsubok ni Keith dahil so far... wala pa kaming mga problema? Pero paghahandaan ko iyun kung ano man ito.



          "Ang aga niyo atang dalawa. Anong meron?" tanong ni tita.



          "May inimbestigaan kaming kaso po tita." sagot ko.



          "Murder case ba iyan?" tanong naman ni tito.



          "Hindi po tito. Sabihin na lang po natin na parang isa lang na simpleng treasure hunt."



          "Ohh kumain na kayong dalawa ng agahan para magkaroon kayo ng lakas mamaya sa imbestigasyon."



          Ilang minuto naman ang nakalipas ay paalis na kami. Nagpa-alam na kami sa magulang ni Keith na aalis.



          "Higpitan mo nga ang pagkakakapit mo sa akin at baka mahulog ka. Inaantok ka pa hanggang ngayon." nag-aalala kong saad.



          "Sino kaya ang may kasalanan?" rinig kong bulong niya saka humigpit sa pagkakayakap sa akin sa motor.



          "Alam ko." ngiti ko.



          Pinaharurot ko ang takbo ng motor saka dumiretso sa eskwelahan. Pagkababa namin ay medyo nagigising na siya pero nahihikab pa rin. Naglakad kami ng sabay at magkahawak-kamay na tinahak ang daan papunta sa Journalism Club. Maraming tao ang nagtitinginan sa amin pero wala akong pakialam doon.



          Nakapasok na kami sa loob ng Journalism Club. Naabutan naman namin sila Katya, Arielle, Martin at Alexa.



          "Magandang umaga." bati naming dalawa dito.



          "Magandang umaga din." balik-bati nilang lahat.



          Pumunta naman agad sa desk niya si Keith. Palabas namang lumapit sa akin sila Alexa at Martin.



          "Hindi kayo sasama?" tanong ko dito.



          "Oo. Pasensya na Marcaux. Kailangan kasi naming pumasok talaga ehh." sagot ni Martin.



          "Okay lang."



          "Sige Marcaux. Good luck na lang sa inyo. Kita na lang tayo mamaya. At isa pa, balitaan niyo kami kung ano ang naging bunga ng imbestagasyon niyo." si Alexa.



          "Makaka-asa ka Alexa."



          "Sige. Alis na kaming dalawa. Good luck sa inyo." paalam ni Martin saka lumabas ng silid.



          Ilang minuto din ang hinintay namin. Bumukas naman ang pintuan at niluwa nito si Keifer. Agad itong pumunta sa pwesto niya.



          "So guys, handa na ba kayong malaman kung sino itong si 'Mystery Man'?" masiglang tanong ni Katya.



          "Oo." masiglang sagot ng lahat.



          "EXCITED NA AKO!" hysterical na pagkakasabi ni Arielle.



          "Kaya bago matapos ang araw na ito, kailangan malaman na natin kung sino itong si 'Mystery Man'!" masiglang dagdag pa ni Katya.



          "Magsimula na tayo." masigla kong saad.



ITUTULOY...






Bonus






Marcaux's POV



          Halos maabot ko na ang rurok ng tagumpay at ganoon din si Keith nang biglang bumukas ang pintuan ng kwarto niya.



          "NANDITO NA SI PAPA ANAK!" masiglang wika na palagay ko ehh papa ni Keith. Sa pagmumukha nito, mukhang naglalaro ang edad na ito sa 30 to 40 years old. Lagot!



          Natigil ako ako sa paggalaw at nagkatinginan kami ng papa niya. Lagot! Hindi magandang simula ito upang makuha ang approval ng papa niya.



          "Ay. Pasensya na kung naistorbo ko kayo." saad nito habang kinakamot ang ulo niya saka sinara ang pintuan. "HONEY, MAY TAONG NAKAPATONG SA ANAK NATIN! RAPIST ATA! ANONG GAGAWIN KO?! ASAAN NGA PALA ANG BARIL KO?!" rinig kong sigaw pa nito.



          "Huminahon ka diyan honey. Iyan iyung matagal na niyang gusto na lalaki. Boyfriend na ng anak mo iyan." rinig kong sigaw ni tita.



          "HUH?! BAKIT NGAYON KO LANG TO NALAMAN?!"



          "Ngayon pa lang naman niya sinagot iyan honey. Huwag mo muna istorbohin ang mga bata at dito ka muna sa baba."



          Narinig ko na lang ang pababa na yabag ng mga paa ng papa niya marahil. Hindi ako maka-react sa mga naririnig ko.



          Kapwa nagkatinginan na lang kami ni Keith at parehas na naguguluhan.



          "Umm... itutuloy pa ba natin? Nawala ang momentum ko ehh. Mukhang umurong kaya uulit tayo? Gusto mong ulitin natin?" tanong ko kay Keith.



          "Umm... bahala ka." nahihiyang tugon niya. Shit! Ang cute!



          Agad naman akong na-turn on dahil sa ginawa niya at mapusok na hinalikan ang hubad niyang katawan habang gumagalaw. Naramdaman ko na lang ang higpit ng pagkakahawak ng kamay niya sa batok at sa katawan ko.



          "Shit! Malapit ka na ba Marcaux? Ahh!"



          "Oo. Malapit na ako. Bibilisan ko pa."



          Nang maabot ko ng ang rurok ng tagumpay, bumukas ulit ang pintuan ng kwarto niya at HETO NA NAMAN ANG PAPA NIYA!



          "PA, PWEDE BA!" sigaw dito ni Keith.



          Makalipas ang ilang minuto, kasalukuyan kaming kumakain ng hapunan kasama ang pamilya ni  Keith. Hindi ko naman masagot ng maayos ang tingin na binibigay sa akin ng papa niya na katapat ko lang ng pwesto. Ikaw ba naman na makita ng magulang ng minamahal mo na ma-caught in the act? Buti na nga lang at tapos na kami.



          Natapos na ang hapunan at kumakain na kami ng panghimagas. Milkshake ang panghimagas namin na paborito ni Keith. Wala pa ring nagsasalita sa aming apat. Ang bigat pa ng atmosphere sa paligid. Nakatingin pa rin sa akin ng masama ang papa niya. Magsalita na po kayo dyan hoy?! Kanina na busy kami, nagsasalita kayo. Tapos ngayon na hindi busy ehh saka ka na lang mananahimik? Pero at least, mukhang kontrabida ata itong papa niya sa relasyon namin.



          Sa wakas ay tumikhim naman ang papa niya na hudyat na may sasabihin ito. "Bueno hijo, maaari ko bang malaman ang pangalan mo?"



          "Ako nga po pala si Marcaux Pascual. Ang spelling ng pangalan ko po ay letter M-A-R-C-A-U-X. Marco po ang pronunciation. Kasalukuyan po na ako ang kapitan ng basketball team ng Schoneberg Academe." pagpapakilala ko sa sarili with corrections and informations.



          "Basketball huh? Bueno hijo, ako naman ang papa niya. Sa totoo lang, pinayagan ko ang anak ko na kung sakali na magiging boyfriend ka niya sa hinaharap, hindi ako tututol. Alam ko na matagal ka ng crush ng anak ko simula noong high school pa kayo." Nakahinga naman ako ng maluwag sa sinabi ng papa niya. "Pero dahil sa nakita ko kanina, nagbago ang isip ko." At hindi ako ulit makahinga ng maluwag. "Hindi ako makapaniwala. Unang araw pa lang na naging kayo, nagse-sex na kayo agad?"



          "Umm... opo. Dalawang beses na po iyun."



          "ANO DALAWANG BESES?! NAKA-DALAWANG ROUND KAYO SA ISANG ARAW LANG?!" nagulat na reaksyon ng papa ni Keith.



          "Umm... ehh... hindi po. Pangalawang sex na po namin iyun." pagko-correct ko.



          "Hoy Marcaux." saway ni Keith.



          "Alam mo ba na kapag naging kayo ng anak ko, sinabi ko sa kaniya na dadaan ka muna sa akin. Pero ano itong ginawa mo?" emosyonal na wika ni tito... kahit hindi niya sabihin.



          "Nag-breakthrough po?" hindi ko siguradong sagot. Siniko naman ako ni Keith na katabi ko. "Aray."



          "So ngayon, hindi ako papayag na may pangatlo o higit pa na mangyayari sa inyo. Kailangan ay dumaan ka muna sa isang pagsubok?"



          "Pagsubok? Uso pa po ba ang mga ganoon? Di bale na. Tinatanggap ko po kung ano pong pagsubok iyan."



          "Ha! Huwag kang magpapakasiguro sa mga sinasabi mo hijo. Parang alam mo na ang magiging pagsubok mo ahh? Nakikita mo ba iyun?" turo nito sa mga napakaraming trophy sa sala. "Bago ako nag-asawa, naging isang magaling ako na basketball player noon. Ako ang alas ng team namin at wala pang nakakatalo dito sa aming lugar. Ngayon bata, susubukan ko ang galing mo sa pamamagitan ng pakikipag-1-on-1 sa akin ngayon din mismo!"



          Tumayo naman ako para tingnan ang mga trophy at baka bluff lang ito. Hindi nga nagbibiro ang papa niya. Naging MVP ito sa team niya at laging nananalo sa mga patimpalak. Wow! Magandang challenge ito!



          "Sige po. Tinatanggap ko po ang hamon ninyo. Kung para po sa ito sa pag-ibig ko kay Keith. Gagawin ko."



          "Honey, sigurado ka ba diyan? Paano iyun..." rinig kong bulong ni tita.



          "Huwag kang mag-alala honey. Kaya ko ito." malakas na loob na wika ni soon-to-be-tito.



          Lumabas kami ni soon-to-be-tito para gawin ang pagsubok niya sa amin.



          "Best of 10 okay. Kapag nanalo ka, nararapat kang maging boyfriend ng anak ko. Pero kapag hindi, subukan mo na lang ulit sa susunod dahil uuwi kang luhaan." saad ni soon-to-be-tito habang dini-dribble ang bola. Mukhang sa pananalita niya ay isang siyang magaling na basketball player noon. Kailangan ay ibigay ko ang lahat para sa labang ito at para sa pagmamahal ko kay Keith.



          "Go honey." cheer dito ni tita.



          "Go papa." cheer pa ni Keith sa papa niya.



          "Hoy, paano ako? Hindi mo ba ako itse-cheer?" reklamo ko.



          "Natural lang iyun Marcaux. Papa ko iyan." Agh!



          "Humanda ka sa akin talaga Keith. Iisa pa tayo mamaya at papagurin kita ng sobra-sobra kapag nanalo ako dito."



          "Iyun ay kung manalo ka kay papa."



          "Ahh ganoon ha! Sige po tito. Game na po!"



          "Saka mo na ako tawaging tito kapag tinalo mo ako. At sisiguraduhin ko na hindi ka na makakaisa sa anak ko." sabi ni soon-to-be-tito. "Game na!"



          Makalipas ang ilang minuto, natapos na ang laban namin sa pagitan ko at ni... tito. 10 to 0. Flawless victory for me.



          "H-H-Honey? A-Ang buto ko." nakaka-awang saad ni tito habang nakaupo sa konkretong lupa.



          Lumapit na lang ako kay Keith at walang kahirap-hirap na binuhat ito. "Kukunin ko na po ang premyo ko." masayang saad ko habang naglalakad papunta sa loob ng bahay ni Keith. Yes! Nakuha ko na ang approval ni papa.... ng walang kahirap-hirap.



          "Keith anak, pasensya na at hindi ka na naipagtanggol ni papa." rinig kong naiiyak na wika ni tito.



          Nang makarating na kami sa kwarto niya, ihiniga ko siya at pinatungan ko agad. Pagod na pagod ako.



          "Nahirapan ka kay papa ano?" tanong ni Keith habang hinihimas-himas ang buhok ko.



          "Oo. Magaling talaga na basketball player ang papa mo. Nahirapan ako. Iyung moral support mo pa sa kaniya. Pero dahil mahal na mahal kita, ginamit ko ang buong galing ko para lang matalo siya kasi alam kong wala talaga akong pag-asa na manalo sa papa mo. Iyun nga lang ay kung hindi dahil sa arthritis niya, talo ako."



          "So isang round pa?" natatawang tanong niya.



          "Nang-aasar ka ba? Pagod na pagod nga ako ehh." naiirita kong wika. "Paano nga pala kung natalo ako? Tapos na kaya ang pinangako ko sa iyo na ikaw lang ang magiging una't huli?"



          "Huh? Susukuan mo ba ako agad?"



          "Parang. Wala akong pag-asa na manalo sa papa mo no. Uuwi akong luhaan. Siguro kahit mag-ensayo ako ng mag-ensayo, talo pa rin ako. Masyadong determined ang papa mo kung alam mo lang."



          Tumawa na lang siya ng payak. "Ang humble mo naman. 10-0 nga ang score ehh. Mahal na mahal kasi ako ng papa ko at ng mama ko. Ikaw ba Marcaux? Mahal na mahal ka ba ng magulang mo? Oo nga pala? Paano nga pala magulang mo? Problema ba natin sila?"



          "Mahal na mahal ako ng magulang ko kahit hindi ko sila palaging nakakasama. At saka huwag ka ng mag-alala. Okay na sa kanila."



          "Huh? Hindi nga? Paano?" hindi makapaniwalang tanong niya.



          "Kinausap ko na sila noong isang araw. Wala ng problema. Ayan Keith. Wala ng balakit sa relasyon natin kung hindi ang hinaharap."



          "Mabuti naman. S-So dadaganan mo lang ba ako diyan Marcaux? Gusto mo ba na dito ka na din matulog? May ekstrang damit pa ako diyan."



          Agad na bumangon ako at hinubad ang damit ko saka naghalungkat sa mga damitan niya saka sinuot agad. Medyo kapos ang damit niya sa katawan ko.



          "T-Teka Marcaux, hindi pa ako nago-offer na suutin mo ang mga damit ko." nahihiyang wika ni Keith.



          "Doon din pupunta iyun."



          "Hayan ka na naman sa fast development mo."



          "Tara. Matulog na tayo Keith. Gusto ko ng magpahinga sa una nating araw bilang tayo. Nakakapagod."



          "Yeah."



          Pinagkasya ko ang mga katawan namin sa kama niya. Medyo masikip pero gusto ko ito na malapit na malapit sa kaniya. Medyo nakapatong siya na nakahiga aking dibdib.



          "Makakatulog ka ba sa posisyon nating ito?" usisa ko.



          "Alam mo, baka nga natutulog lang ako at baka isa lang itong magandang panaginip ang nangyari sa atin ngayon. Masayang-masaya ako Marcaux. Hindi ako makapaniwala. Dati, araw-araw akong nag-iisip kung kelan ba talaga ako magtatapat sa iyo. Marami akong 'paano kung' sa utak ko."



          "I'm pretty sure na meron pa ring 'paano kung' sa utak mo ngayon."



          "Yeah. Ang hinaharap natin. Paano kung..."



          "Shh... Huwag kang mag-isip ng ganoon. Alam kong hindi maiiwasan lahat ng tao na mag-isip ng mga bagay na ganoon. Okay lang iyan. Pero sisiguraduhin ko na gagawin ko ang lahat na sinabi ko sa iyo. Ikaw ang una't huli. Mahal na mahal kita Keith."



          "Tama ka diyan. Mahal na mahal din kita Marcaux."



          Tinignan ko na lang ang kisame ng kwarto niya. Maya-maya ay naramdaman ko na lang ang kamay niya na nakahawak sa mga kamay ko at hinawakan ko din. Ang sarap hawakan nito. Kakaibang feeling ang mararamdaman ko. Ganito ba talaga ang pakiramdam kapag kamay ng mahal mo ang nahawakan mo? Naka-marijuana ata ako. Di bale na.



          Kahit kailan, hinding-hindi ko siya ipagpapalit. Siya lang at wala ng iba. Una't huli kong pag-ibig. I must act because actions speaks louder. Ito ang kwento ng Fast Break na development namin ni Keith Bernardo.

5 comments:

  1. Nakakakilig naman pala ang love story ba ito o sex story nina Keith at Marcaux?? Pero ang ganda at ang haba kumpleto hindi ako nabitin!!! :))

    thank u mr.author dito!!! :))

    -44

    ReplyDelete
  2. Well, natawa lang ako duon sa papa mode niya kasi hindi tlga maging reality iyong ganung reaction.

    Though nice job. I can't wait for REN TO DO IT I GUESS? :)

    ReplyDelete
  3. woow! haha bawing bawi for this chapter author hahaha

    ReplyDelete
  4. Ganda naman ng love story nila... Puro walang hindrance. Salamat sa magandang side tract.....More power to you.

    ReplyDelete
  5. I just love it



    VK

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails