Followers

Sunday, January 19, 2014

ME AND MY SATURDAYS (Short Story)





ME AND MY SATURDAYS



by: crayon



AUTHOR'S NOTE: 


Hi readers! Eto na po yung short story na pinangako kong isusulat ko. Katulad ng sinabi ko, sa kwento kong ito ibinase ang LSI, so you may find some scenes somehow similar to Kyle's story.

This is something really intimate and personal, but i'd gladly share it with you guys for the sake that you learn something from this colofully twisted experience. I almost stopped witing the story halfway kasi baka wala ng magbasa ng mga susunod na story ko, hahaha! Lol


Disclaimer : This story is FICTIONAL. Yes, let's put it that way! Gusto ko sana siyang isulat ng katulad talaga sa tunay na nangyare but i decide not to para na din sa kapakanan ng ibang taong involve sa kwento na walang ideyang isinulat ko to hahaha! But its based on a true story, and 95% of the story is true. :)) The other 5% goes to the names of people, places, and events that needs to be altered to keep their anonymity.

Pangalawa, sa mga may ayaw po ng R-18 na mga scenes na story, i wouldn't recommend reading this one, sorry...:)) i tried to remove those 'sexually explicit contents' but i realized na hindi kwento ng buhay ko ang kalalabasan nito kung tatanggalin ko yung mga R-18 na part. Lol!


Ayun lang naman! I hope you enjoy reading this story. Comments, suggestions, criticisms are all welcome...


Live. Love. Smile.



-----crayon :))





Paano mo ba malalaman kapag in-LOVE ka na sa isang tao?


Kapag gusto mo na siya laging kausap o kasama?


Kapag parang lumulutang ka na sa ulap dahil sa mga simpleng bagay na ginagawa niya para sayo?


Kapag siya na ang naiisip mo sa mga love songs na pinakikinggan mo?


O kapag umiiyak ka na at nasasaktan ng dahil sa kanya???






7:42 pm, Saturday
March 30



"Saan ka bababa?", tanong sa akin ng kundoktor ng bus na sinasakyan ko.


"Cubao po manong.", sagot ko sa kundoktor. Agad naman nitong inabot sa akin ang tiket at hinintay na iabot ko ang bayad. Matapos kong makuha ang sukli ay lumisan na ang may-edad na ring kundoktor.


Walang masyadong sakay na pasahero ang bus na iyon palibhasa ay Sabado at mostly lahat ng taga-Bulacan ay pauwe ngayon at hindi paluwas ng Maynila. Lumingon ako sa may bintana at pinanood ang mga kaganapan sa labas ng bus habang binabaybay namin ang daan papuntang NLEX.


Ako nga pala si Sebastian, Seb ang palayaw ko. I just turned 18 last April at kasalukuyan akong nagtatrabaho bilang isang call center agent sa QC. Hindi ko maipagpatuloy ang aking pag-aaral dahil natigil sa pag-aabroad si Papa at bilang panganay ay ako ngayon ang nagpapaaral sa kapatid ko sa college. Supposedly ay third year college na ako sa Unibersidad ng Pilipinas sa Los Baños.


Kahit na natigil ako sa pag-aaral ay masaya naman ako sa mga ginagawa ko ngayon. Masarap din naman kasing kumita ng sarili mong pera at magawa ang mga bagay na matagal mo ng gustong gawin, mga bagay na matagal mo ding ipinagkait sa sarili mo, mga bagay na akala mo ay hindi mo kailanman magagawa.


Kaiba kasi ako sa mga kabataang ka-edaran ko, iba ang sexual orientation ko. Nagkakaroon ako ng pagtatangi sa kapwa ko lalaki. Noong una ay natatakot ako dahil alam ko na oras na mag-give in ako sa sinasabi ng utak ko ay marami akong problemang kakaharapin. Nandyaan yung pangamba na baka hindi ka matanggap ng mga magulang mo o kaibigan mo, yung mga maririnig mo na di magandang bagay mula sa mga taong nakapaligid sayo. In other words, i am afraid that the whole world might reject me for what i am. Ayaw ko naman na mabuhay ng mag-isa at walang nagmamahal.


Dahil doon ay nabuhay ako sa loob ng madilim kong aparador sa loob ng labing walong taon. Pilit na nakikibagay sa mga kapwa ko lalaki, ginugusto ang mga gusto nila, nakikisakay sa mga trip nila at kung anu-ano pa. Nakuha ko pa ngang magka-girlfriend ng dalawa nung HS, una ay dahil nagbabaka-sakali ako na baka maging straight pa ako, pangalawa ay para hindi ako paghinalaan. 


Sa kabutihang palad ay hindi naman nabunyag ang aking lihim pero di ko rin masasabing lubos akong masaya dahil alam kong hindi naman ako yung taong tinatanggap ng mga tao sa paligid ko.


Tanda ko noong mag-college ako ay medyo nabuhayan ako ng loob dahil malayo sa lugar na kinalakihan ko ang lugar na pag-aaralan ko, ibig sabihin ay pagkakataon ko na iyon na ilabas o gawin ang mga bagay na matagal ko ng itinatago. Sinabi ko noon na oras na tumuntong ako ng edad na dis y ocho ay ipapakita ko sa mundo kung ano talaga ako. Hindi ko naman gustong maging cross dresser o maging tunay na babae, ang gusto ko lang ay makahanap ng mga taong tatanggap sa akin sa kabila ng kaibahan ko. Gusto kong makakilala ng lalaki na mamahalin ako. Gusto kong makasama ang mga katulad ko na iba ang pananaw sa buhay.


Kahit na desidido ako noon ay hindi pa rin naging madali para sa akin ang umamin. Mahirap pala sabihin sa harap ng mga tao na 'i'm gay.' kahit na hindi mo naman sila kilala. Hindi pa rin kasi mawala sa isip mo yung ideyang baka bigla ka na lang pandirihan at kutyain. 


Dahil doon ay naging discreet pa din ako tungkol sa aking sexual preference thru out college. Dahil sa ilang taong pagpapanggap ay naging madali lang sa akin na umaktong tunay na lalaki. Hindi pumipilantik ang aking daliri, buo ang aking boses, at may angas ng isang lalaki sa tuwing gumagalaw.


Dahil di natuloy ang plano kong paga-out nung college ay nakuntento na lamang ako sa mga clan na sinasalihan ko noon. Uso pa ang mga clan ng mga panahong iyon at may isa akong clan na nasalihan na puro bi ang members. Somehow i got that feeling of belongingness in being part of that group. Hindi ako natatakot na maging ako sa tuwing kausap ko ang mga miyembro ng aming clan. I started to have virtual friends.


Minsan ay nagkaroon ng isang grand eyeball sa QC ang clan namin,  iyon ang unang pagkakataon na aattend ako sa ganung klase ng gathering. Medyo kinakabahan ako pero nanaig pa rin ang excitement sa puso ko. Sa aking pagkakatanda ay ilang linggo lamang iyon pagkatapos ng aking 17th birthday.


Sa isang hotel room ginanap ang aming geb. Maraming tao at tahimik ko lamang silang pinapanood sa isang tabi. Masaya na akong pinapanood sila dahil kahit di ako nagsasalita ay labis ang aking galak. Yung pakiramdam na wala kang kinakatakutan, na alam mong tanggap ka nila, na hindi ka mahihiyang maging ikaw.


Sa party ko ding iyon nakilala ang unang lalaking nakakuha ng aking gay virginity pero ang higit na di ko malilimutan ay nung isama nila ako sa isang bar sa Cubao. Starlites. Iyon ang pangalan ng bar, puntahan daw talaga iyon ng mga lgbt. Nang makarating kami sa bar ay di ko mapigilang mamangha sa lugar.


Hindi naman mukhang sosyal yung lugar pero ang pumukaw sa aking atensyon ay ang dami ng taong nandoon. Karamihan ay lalaki na ayon sa kasama ko ay puro bi o bading. Para sa katulad kong laki sa isang probinsya kung saan ang pagiging bakla ay kadalasang pinandidirihan o di kaya'y pinagkakatuwaan, paraiso ang tingin ko sa bar na iyon sa Cubao. Bukod sa marami kang kauring nandoon ay di maikakailang marami ding gwapo at seksing lalaki na sumasayaw sa dance floor. Noong mga sandaling iyon ay ipinangako ko sa sarili ko na babalik ako sa lugar na iyon kapag nakapagtrabaho na ako.






Naputol ang aking pagbabalik-tanaw ng mapansin kong malapit na pala ako sa Cubao. Nang makababa ay naglakad na ako patungo sa likod ng Gateway mall. Day off ko ngayon sa trabaho at katulad ng palagi kong ginagawa ay pumupunta ako rito sa Cubao para magsaya. 


Dumaan muna ako sa Chowking bago dumiretso sa bar. Saglit akong nanalamin sa cr para siguruhing maayos ang aking itsura bago tuluyang lumabas. Pasado alas-nuwebe na ng gabi at medyo madami na ding tao sa bar, masuwerte naman akong nakahanap ng bakanteng lamesa at duon ako umupo. Kapag kasi ganitong araw ng Sabado ay mahirap maghanap ng bakanteng puwesto dahil punuan talaga sa loob ng bar. Ilang buwan na din simula ng makabalik ako muli sa lugar na ito. Starlites.


Noong una kong punta rito ay tahimik lamang akong umiinom at nanunuod sa mga kaganapan sa loob ng bar hanggang sa natuto ako kung paano makipag-flirt sa mga umiinom din doon. Observant naman kasi akong tao kaya mabilis akong naka-pick up kung paano ang kalakaran dito. First pay ko pa sa trabaho ko as a call center agent ng bumisita ako noon dito. Mula noon ay halos every day off ko ay pumupunta na ako dito para magsaya at maaliw.


Hindi ko rin itatangging may ilang lalaki na mula sa bar na iyon ang naka-sex ko. Marahil sa pagkasabik sa tawag ng laman ay di ko naiwasang maging pakawala. Isama pa ang mga aktibong hormones ng isang nagbibinata. Hindi ko iniinda ang panganib ng pakikipag-one night stand, basta ang gusto ko ay mag-enjoy at ma-satisfy ang cravings ko for sex.


Nang dumating ang order kong beer ay agad akong nagsalin sa baso. Saka ko pinagmasdan ang mga tao sa aking paligid, naghahanap ako ng prospect para sa gabing ito. May ilan ring nakatingin sa aking direksyon, pero hindi muna ako nagpakita ng interes. The night is young and i know that more guys will be coming later. Kahit kasi hindi ako gymfit, alam kong may itsura ako at ilang tao na ang nagsabing gwapo ako. Iyon ang panlaban ko sa tuwing nakikipaglandian ako sa mga lugar na ganito. Singkit ang aking mga mata at matangos ang aking ilong. Medyo maputi din ako pero di ganoon katangkad. Manly kumilos at game makipaglaro. 


Muli akong tumungga ng beer bago nagsindi ng yosi. Naalala ko kung gaano ako ka-wild sa tuwing nalalasing ako. Nakikipaghalikan ako sa di ko kakilala at magigising na lang sa di pamilyar na kwarto. Hindi sumasagi sa isip ko ang salitang pag-ibig, masaya na ako sa kung ano ang mga ginagawa ko ngayon. Though gusto ko din namang magkaboyfriend sa hinaharap, sa tingin ko kasi ay hindi pa ako handa sa ngayon dahil sa nageenjoy pa ako sa aking kalayaan. 


Pasado alas dose na ng hating gabi ng magsimulang magsayawan ang mga tao sa bar. Iniwan ko na ang aking lamesa at nakisaya sa mga taong nagyuyugyugan sa dance floor.


Matapos ang mahigit isang oras ko na pagsasayaw ay nagpasya akong lumabas na muna ng bar at magpahangin. Sobrang init na kasi sa loob, idagdag pa ang pagpapawis ko dahil sa pagsasayaw. Bitbit ang aking sigarilyo ay tumambay ako sa gilid ng bar. Noon ko lang napansin ang lalaking nakasunod sa akin palabas ng bar. Hindi naman ganoon ka-gwapo ang lalaki sakto lang pero halata mong nagbubuhat sa gym dahil sa magandang tikas ng katawan. Matangkad din ito sa akin at ang higit na kumuha ng aking atensyon ay ang kanyang maninipis na labi na parang ang sarap halikan. Nagsalubong ang aming tingin pero agad din akong yumuko, medyo nahiya ako na nahuli akong pinagmamasdan siya.


Nagsindi ako ng yosi at kaswal na tumayo lang sa isang tabi. Nararamdaman ko namang nakatingin sa akin yung lalaki kanina. Sa ilang buwan kong pagpunta rito ay alam ko na ang ganung klase ng tingin, kadalasan ay nagbibigay lamang ako ng enough na cues para lumapit sa akin ang lalaki. Wala kasi akong sapat na lakas ng loob na lumapit sa isang di kakilala.


"Brad, pwede pasindi.", bati nito sa akin. Walang kibo ko namang inabot yung lighter ko. 


"Wala ka bang kasama?", tanong sa akin nung lalaki nang ibalik niya ang aking lighter. 


"Wala ako lang mag-isa.", tipid kong sagot.


"Hmmm, kanina ka pa kasi namin tinitingnan nung kasama ko. Kala ko may inaantay ka. Matt nga pala.", pagpapakilala nito sabay lahad ng kamay. Natuwa naman ako dahil kinausap ako ni Matt kung nagkataon kasing nanatili lamang siyang nakatitig sa akin ay malamang sa hanggang tinginan na lang mangyayari sa aming dalawa.


"Seb.", nakangiti kong sagot habang nakikipagkamay.


"Nice to meet you Seb. Pwede bang makuha yung number mo? Hinihingi kasi nung kasama ko.", tanong ni Matt na medyo ikinadismaya ko dahil mukhang hindi naman pala sya ang interisado sa akin.


"Sige, walang problema.", sagot ko, saka ko idinikta ang aking number.


"Salamat, nga pala gusto mo ba sumama kasi mag-iinom kami nung kasama ko sa condo niya.", imbita sa akin ni Matt. Lihim naman akong napangiti dahil alam ko na ang kahihinatnan ng mga ganoong linya. Agad din umakyat ang lebel ng libido ko sa katawan at agad na nag-imagine ng mga bagay na maari naming gawin ni Matt at ng kasama niya.


"Sige ok lang.", kaswal kong sagot. Ayaw ko naman kasing mahalata niya ang mga malilikot na isiping tumatakbo sa aking ulo.


"Ok wait lang, text ko lang yung kasama ko.",  nakangiti niyang sagot sa aking pagpayag.


Maya-maya lamang ay may lumapit sa aming lalaking naka-cap. Mukhang ito na yung kasama ni Matt. Medium built ang pangangatawan at mas matangkad ako. Maputi ito at singkit ang mata. Mas type ko si Matt kaysa sa isang ito.


"Seb si Raymond, Ray si Seb.", pagpapakilala ni Matt sa amin. Nakipagkamay naman ako kay Ray at tipid na ngumiti.


"Saglit lang ah CR lang ako sa loob.", paalam ko sa dalawa para makapag-bill out na din ako.


Agad akong pumasok sa bar at nagsabi sa waiter na bill out na ako. Nang makapagbayad ay dumaan muna ako sa CR saka dumiretso palabas. Nang bumalik ako sa pinag-iwanan ko kela Matt ay si Ray na lamang ang inabutan ko. Ayon dito ay nauna na daw si Matt na umuwi, medyo nainis naman ako sa ginawang pang-iiwan ni Matt sa ere.


"Tara na?", lihim naman akong napamura. Mukhang naisahan ako ng magkaibigang ito. Dahil sa naka-oo na ako ay wala na akong nagawa kundi sumama.




Alas syete na ng umaga ng makauwi ako sa aming bahay sa Bulacan. Pagod akong nahiga sa aking kama. Hindi rin naman kasi ako pinatulog ni Ray. Naisipan kong itext si Matt. Nagpalitan din naman kasi kami ng number kagabi.


Ako: Bakit bigla ka na lang nawala?

Matt: Sorry lasing na din kasi ako tsaka inaantok na din.

Hindi ko na nagawa pang magreply dahil sa antok. 



*********************************




7:27 am, Saturday
April 6


Mabilis na lumipas ang isang linggo sa akin. Ang nakakapagtaka lamang ay paulit-ulit na sumusulpot sa isip ko si Matt. Mukhang nabitin ako sa ginawa niyang pang-iiwan kaya ganun na lamang ang dalas ng pagpasok niya sa aking isipan. Iniisip ko kung makikita ko pa siyang muli sa bar na iyon sa Cubao.  Hindi ko din naman kasi siya tinext o tinawagan buhat ng huli naming pagkakausap sa text. Pero malakas ang bulong ng tinig sa aking isip na i must have a night with him. Itinigil ko na ang pag-iisip at pinasyang itulog na lamang ang maghapon para may lakas ako mamayang gabi kapag gumimik ako.


Nang magising ako ng kahapunan ng Sabadong iyon ay nakatanggap ako ng text mula kay Matt.


Matt: sama ka sa amin mamaya ni Ray. Inom kami, game?


Bago pa man makapag-isip ay awtomatiko nang tumipa ng reply ang aking mga daliri at sinabing OO sa imbitasyon ni Matt.


Pasado alas-nwebe ay nagkita-kita kami sa Chowking na malapit sa bar na pinuntahan namin last week. Pinasya namin na sa ibang bar na lamang kami pumunta dahil sobra daw madaming tao ngayon sa bar na madalas kong pinupuntahan. Sumangayon naman ako at nakarating kami sa P2 (Palawan2). 


May event ng gabing iyon sa naturang bar, mayroon ata silang ginaganap na bikini contest. Madami ding tao sa bar na iyon at marami ring promising na mga mukha. Di katulad ng starlites ay isang comedy bar ang P2 at ng makapasok kami ay kasalukuyang naglalaitan ang mga baklang nasa stage.


Di tulad ng aking inaasahan ay di ko rin masyadong nakausap si Matt dahil nakasiksik sa akin si Ray. Ayaw ko namang basta na lamang itong sungitan dahil mabait naman ito kung tutuusin. Isa pa ay walang tigil din naman kami sa katatawa kaya wala din masyadong pagkakataon para makapagkwentuhan.


Nakakaramdam na ako ng pagkahilo ng simulan ang bikini contest. Pansamantala ko ding nakalimutan si Matt dahil madaming gwapo sa paligid na sumusulyap sa aming direksyon.


Dahil sa tama ng alak at pag-iinit na nadarama dahil sa pinapanood na palabas ay tila nagliliyab ako sa libog na nararamdaman. Nagpasya akong mag-cr na muna. Hindi na bago sa akin ang eksena sa mga cr sa ganitong mga lugar, sanay na akong makakita ng mga umiihi sa urinal na nakatingin sa kanyang kaliwa o kanan.


Matyaga naman akong naghintay na matapos sila sa kanilang pagpapanggap na pag-ihi. Nang ako naman ang iihi ay agad-agad kong binuksan ang aking zipper dahil naiihi na talaga ako. Napahinga pa ako ng malalim ng maginhawaan ang pakiramdam, noon ko lang din napansin ang mabilis na kilos ng kamay ng lalaki sa aking kanan. Halatang nilalaro nito ang kanyang alaga habang nakatingin sa akin. Bahagya pa nitong kinagat ang kanyang labi na parang nang-aakit. Nang ibaba ko ang aking tingin sa kanyang kaselanan ay malaya naman niyang ipinakita sa akin ang gusto kong makita. Lumingon ako sa aking paligid at noon ko lamang napagtanto na tatlo lamang kaming nasa cr ng mga sandaling yun at yung isa ay nanalamin sa may lababo. Nagulat na lamang ako ng hawakan ng aking katabi ang aking kamay at ilagay sa kanyang galit na alaga. Dahil sa nagwawala na ang aking mga hormones sa katawan ay nagpaubaya na din ako sa gusto ng lalaki. 


Maya-maya ay lumapit sa amin yung lalaking nanalamin at pumuwesto sa aking kaliwa. Kinuha nito ang aking kamay at ipinanghimas sa kanyang kargada. Iyon ang unang beses na gumawa ako ng ganoon sa isang public na CR pero hindi ako gaanong natatakot dahil sa lakas ng loob na bigay sa akin ng alak. Ilang minuto din kaming nasa ganoong posisyon hanggang sa may pumasok sa loob ng CR. Kusa namang inalis nung nasa kaliwa ang kamay ko at nagpanggap na umiihi. Nang subukan kong hilahin ang kamay ko na nakahawak sa alaga ng lalaking nasa aking kanan ay pinigilan ako nito at iginiya pa akong lalo na laruin ang kanyang kargada.


"Baka mahuli tayo tol...", bulong ko sa lalaki. 


"Hindi yan malapit na ako.", pagpupumilit ng estrangherong nagpaparaos sa aking palad.


Hindi na ako umimik at pinagbuti na lamang ang ginagawa para matapos na.  Nagulat na lamang ako nang may biglang bumatok sa ulo ko. Paglingon ko ay si Ray pala iyon at nakangisi sa akin. Tumawa lamang ako ng mahina. Pagkalabas ni Ray ay may pumasok na naman sa CR, katulad kanina ay hindi na kami tumigil pa sa ginagawa. Ilang sandali lamang ay nilabasan na ang lalaki sa aking kanan at kaswal na lumabas.


Ititigil ko na sana yung ginagawa ko sa lalaki sa aking kaliwa ng magulat ako ng may biglang humawak sa aking kaselanan. Yung lalaking bagong pasok pala iyon at walang anu-ano ay lumuhod sa aking harapan. Hindi ko mapigilan ang mapaungol dahil sa kanyang ginawa. Hinayaan ko lamang siya na gawin iyon sa akin hanggang sa makatapos ang lalaki sa kaliwa ko. Nang maramdaman kong tapos na siya ay inawat ko na din ang lalaking nakaluhod sa harap ko. Mahirap nang ma-eskandalo kung patatagalin pa namin lalo ang mga ginagawa namin.


Nang makabalik ako sa aming lamesa ay halata ang malapad na ngiti sa mukha nila Matt at Ray. Mukhang naikwento na ni Ray kay Matt ang dinatnan nitong eksena sa CR kanina.


"Solve na?", nakangiting biro ni Matt.


"Hahahaha lul!", natatawa kong sagot.


Matagal din pala akong nawala dahil nang makabalik ako ay ina-awardan na ang nanalo sa bikini contest ng gabing iyon. Nag-bill out na din kaming tatlo nang matapos ang bikini contest. Akala ko ay uuwi na kami pero nag-aya pa ang dalawa sa P1 (Palawan1), isa iyong bar na pang LGBT din na kalapit lamang ng bar na madalas kong pinupuntahan.


"Ano bang meron sa P1?", taka kong tanong kasi hindi pa ako nakakapunta sa lugar na iyon.


"Basta masaya don.", paniniguro ni Matt.


"Ayaw ko na uminom ha, nahihilo na ako.", wika ko.


"Hindi tayo iinom, magsi-sight seeing lang tayo.", sabi naman ni Ray na ikinatawa ni Matt.


Pagpasok naming tatlo sa P1 ay bahagya akong nagtaka dahil wala na halos sumasayaw sa dance floor at iilang lamesa na lamang ang may mga nag-iinuman. Alas-dos pa lang naman at karaniwang madami pang tao ng mga ganitong oras sa Starlites. Tahimik ko lamang na sinusundan sila Matt habang dire-diretso silang naglalakad papasok sa bar. Pumunta kami sa parang storage area ng bar kung saan nakatambak ang mga case ng beer.


Kataka-taka namang mas maraming tao sa storage area na iyon kumpara sa dance floor. Wala man akong makita dahil sa dilim ay naririnig ko naman ang maraming boses na nag-uusap sa bahaging iyon ng bar. Tanging liwanag ng buwan ang tanglaw ng mga nandoroon at napakapit na lang ako sa balikat ni Matt para di ako mapahiwalay sa kanila.


"Anong meron dito?", puno ng pagtataka kong tanong.


"Basta sunod ka lang.", wika sa akin ni Matt. Habang naglalakad ay may mga kamay na humihila sa akin papalayo kay Matt, may mga naliligaw rin na dumadapo sa aking bukol o di kaya'y pumipisil sa aking puwet. 


Nang makapag-adjust ang mata ko sa dilim ay noon ko lang napansin ang tumpok ng taong tinutumbok namin nila Matt. Nung una akala ko ay nagchochongke o kaya'y may ilegal na sugal na nagaganap. Nang makalapit kami ay noon ko narinig ang mga impit na ungol mula roon, sa kakarampot na sinag ng buwan ay naaninag ko ang dalawang lalaking nakaluhod sa harap ng isang lalaki habang malaya silang pinapanood ng mga tao sa kanilang paligid.


Ilang minuto lamang kaming nanatili roon ni Matt at inaya na ako nitong maglibot-libot pa. May ilang pang ganoong eksena akong nasaksihan sa aming paglalakad. Hindi ko na namalayang napahiwalay na pala ako kay Matt. Habang palinga-linga ako sa paghahanap kay Matt ay may lalaking lumapit sa akin. Ang sunod kong natatandaan ay naglalakad kami nung lalaki patungo sa CR ng bar, may mga lalaki ring nakapila sa labas ng cr. Nang makapasok kami sa CR sa likod ay walang tao kaya mabilis na ni-lock ng kasama ko ang pinto at doon kami naglabas ng init ng katawan. 


Nang makatapos kami ay kaswal kaming lumabas ng Cr at naghiwalay na ng daan. Hindi na kailangan pang alamin namin ang pangalan ng bawat isa, alam naman namin pareho kung ano lang ang habol namin ng gabing iyon. Sinubukan ko muling hanapin si Matt pero di ko na talaga siya makita kaya nagpasya na akong lumabas ng bar. Sakto namang nakasalubong ko si Ray sa entrance ng bar.


"Asan si Matt?", tanong ko kay Ray.


"Umuwi na eh, tara uwi na din tayo.", aya sa akin ni Ray. Tumango lamang ako. Nagulat na lang ako ng bigla akong hilahin ni Ray habang naglalakad. Katulad nung isang linggo ay nag-ckeck in muli kami sa isang motel at nagparaos sa buong magdamag.


Kinabukasan ay hindi ko mapigilang isiping muli ang nangyari sa magdamag habang nakasakay ako sa bus pauwi ng Bulacan. Hindi ako makapaniwala sa lalaking nagsaya at nag-inom kagabi, malayo kasi ito sa tahimik at good boy na bata nung highschool na laging pinupuri ng mga guro. 


Ilang lalaki nga ba ang nakadaupang palad ko kagabi? Kung tama ang aking bilang ay lima ata silang kalaro ko kagabi. Mula nang tumuntong ako sa edad na labingwalo, ilan na nga ba ang lalaking nakasama ko sa makamundong gawain na ito? Hindi ko nasagot ang tanong na iyon dahil hindi ko na din mabilang. Sa edad na dis y ocho ay ilang beses na akong naikama.


Napaisip din ako sa naging eksena ko sa CR ng bar kasama ang dalawang lalaking kunwaring umiihi. Akala ko ay sobrang liberated o wild na yung ginagawa namin pero wala iyong sinabe sa mga eksenang dinatnan ko sa imbakan ng case ng beer sa P1. Sa harap ng mga taong nanunuod ay malaya nilang ginagawa ang mga bagay na dapat ay pribado. Hindi naman ako nandidiri sa mga ginawa nila pero aaminin kong hindi ko inaasahan na may mga tao pa lang gumagawa ng ganoong ka-wild na bagay.


Napabuntong hininga naman ako ng maisip kung gaano na ako kalulong sa ganitong gawain. Parang maya't-maya ay gusto ko ng kaulayaw. Nababasa ko sa libro noon na ang pagtaas ng libido ay parte ng pagdevelop ng katawan mo. Natural lang na makaramdam ka ng libog sa ganitong edad. Pero ang kapusukang ginagawa ko ay batid kong malayo sa normal. Sa kabila noon ay di naman sumagi sa isip ko na itigil ang lingguhang bisyo ko na ito.


*************************


Lumipas ang ilang buwan at ganoon pa din ang gawi ko. Sa pakiwari ko nga ay parang mas lumala pa nga ako kung ikukumpara dati. Kung anu-anong klaseng bagay na ang nasubukan ko. Hindi na ako ganung kadalas na pumunta sa mga bar dahil kahit saan ay may nakikilala ako na willing makipaglaro ng apoy.



Halos isang taon na din simula ng huli kong makita sila Matt at Ray. Napilitan akong iwasan si Matt dahil kay Ray. Naging mapilit na kasi ito at gusto na lagi kaming nagtatalik. Mula nung gabi ng bikini contest ay lagi na ako nitong kinukulit sa text at tawag, walang ibang bukambibig kundi sex na labis ko namang ikinayayamot.


Sa totoo lang ay mabilis din kasi akong magsawa at hindi na ako na-eexcite na isiping makasama muli sa isang kama si Ray. Gusto ko ay papalit-palit ng putaheng tinitikman. Matagal na yung dalawa o tatlong beses kong ulitin na makipag-sex sa isang tao, pagkatapos noon ay hahanap na akong muli ng bagong kalaro.


Sa lumipas na isang taon ay wala pa din akong nagiging ka-relasyon. Nagawa ko ding sabihin na sa mga malalapit kong kaibigan ang sexual preference ko at tanggap naman nila iyon. Sa tuwing tinatanong nila ako kung may boyfriend na ako ay 'wala' ang lagi kong sagot. Hindi pa ako nagkakaroon ng boyfriend since birth. Iba kasi ang pananaw ko sa pag-ibig. Hindi ako takot sa committment o sa pag-ibig, bagkus ay gusto kong maging special at memorable ang una kong relasyon sa kapwa ko lalaki. Naisip ko kasi na ibinigay ko ang aking virginity sa taong di ko naman halos kilala at walang anumang espesyal na nangyari buhat doon. Ayaw ko na ganun ang gawin ko sa puso ko. Gusto kong tatatak sa aking isip at puso ko ang unang gay relationship na magkakaroon ako.


Dahil doon ay naging mapili ako. May mga nanliligaw pero kadalasan ay hindi ko pinapansin. Hindi dahil sa pangit sila o sa panglabas na anyo, pakiramdam ko kasi ay sex lang naman ang habol nila. Iyan ang mahirap sa gay community, mahirap maghanap ng taong seryoso pagdating sa pag-ibig, parang ang tanging mahalaga sa iba ay ang tawag ng laman. Ang nakakainis pa ay ginagamit pa ng iba ang salitang pag-ibig para lang matikman ka. Naiinis ako sa mga lalaking sasabihing mahal ka na niya matapos kayong magtalik, hindi ako naniniwala na mapapamahal ka agad sa isang taong kakikilala mo lang at nakasex mo lang ng isang gabi. Hindi ganoon ang pagkakaintindi ko sa pag-ibig. Kaya kapag umabot na sa ganoon ang linya ng taong nakaulayaw ko ay agad ko ng nilalayuan.




********************


9:53pm, Saturday
January 16




Isang araw ng Sabado ay naisipan kong muling bumisita sa Cubao. Matagal na din kasi mula ng huli akong maka-gimik dito. Ngayon lang ako uli nakakuha ng weekends off kaya medyo excited ako na mag-inom.


Katulad pa din ng dati ang Starlites, wala halos pinagbago. Parang ang mga pumupunta lang doon ang nagbabago. Mag-isa lang akong uli dahil balak ko talagang maghanap ng kasiping ngayong gabi. May kakapalan na ang mga tao ng dumating ako sa naturang bar.


Hindi ko namalayan ang pag-lipas ng oras dahil sa nag-eenjoy ako. Pasado alas dose na at may kaunting tama na ako ng alak. Naisipan kong pumunta ng banyo para umihi.


Palabas na ako ng CR ng may makasalubong ako na pamilyar na mukha. 


"Huy...", tawag ko sa atensyon ng lalaking nakasalubong ko.


"Oy! Kamusta?", gulat na sabi nito.


"Ok lang naman.", tipid kong sagot habang nakangiti. Walang gaanong pinagbago ang kanyang hitsura parang kahapon lang mula ng huli kaming magkita.


"Hintayin mo ko, mag-cr lang ako saglit.", matyaga kong inantay si Matt na matapos na mag-CR. Nang makabalik siya ay nakangisi siyang nakatingin sa akin.


"Sinong kasama mo?", tanong niya sa akin ng makalapit.


"Wala ako lang, ikaw? Kasama mo si Ray?", tanong ko naman kay Matt.


"Hindi mag-isa lang ako. Hindi na din kami nakaka-gimik nun.", paliwanag niya. "Tara, dun tayo sa lamesa ko."


Kinuha ko lamang ang beer na iniinom ko at nagbill out, matapos iyon ay sinundan ko si Matt sa lamesang kinauupuan niya. Ipinakilala niya ako sa mga kasama niya. Ayon dito ay nakipagkilala lamang ang mga ito kanina at inaya siyang sumali sa umpukan nila.


Masaya namang kausap yung mga kainuman ni Matt pero makalipas ang higit isang oras ay nagpaalam na ang mga ito na uuwi. Naiwan kami ni Matt na nag-iinom.


"Bakit hindi mo isinama si Ray?", tanong ko sa kanya para lang may mapag-usapan.


"Miss mo na ba?", biro ni Matt.


"Pinagtataguan ko nga yun eh.", natatawa kong sabi.


"Bakit?"


"Mukhang sex eh, wala ng ibang alam itanong sa akin kundi 'pwede ka ba?'.", paglilinaw ko. Natawa lamang si Matt.


"Ganun talaga iyon. Nag-threesome daw kayo last time ah?", tanong ni Matt.


"Haha, nung galing tayo nun sa bikini contest sa P2. Nahuli niya ako sa CR di ba? Hindi ko alam na nakuha niya pala yung number nung isa sa mga kalandian ko nun. Tapos nung pauwe na kami galing P1 dinala niya aka sa motmot. Nagulat na lang ako may tinetext siya tapos pinapunta dun sa kwarto namin. Ayun...", pagkekwento ko sa nangyari nung gabing iyon.


"Tindi mo. First time mo?",sunod pa niyang tanong.


"Yung threesome? Hindi naman, pangatlo ko na ata yun.", kaswal kong sagot. Balewala naman kasi sa akin yung mga ganung tanong. Hindi naman ako nao-offend at hindi ko din naman itinatanggi na liberated ako.


"Eh sa akin kelan ka magpapa-bottom?", diretsang tanong ni Matt. Para naman akong sinilyaban sa tanong na iyon. Na-turn on ako sa pagiging aggressive niya. Alam kong lasing na siya dahil kita iyon sa pamumula ng kanyang mukha.


"Ikaw, kelan ka ba pwede?", walang kaarte-arte kong sagot.


"Lasing na ako ngayon eh, next week may lakad ka?"


"Wala naman."


"Yun pa din ba number mo?"


"Oo."


"Sige. Tawagan na lang kita.", sabi ni Matt.


Ilang minuto pa kaming nag-inom bago kami nagpasya na umuwe. Hindi na ako naghanap pa ng kalandian ng gabing iyon dahil inaantok na din ako. Aaminin kong nakakaramdam ako ng excitement sa pagkikita namin ni Matt sa isang linggo. Maaaring dahil sa matagal nang naudlot ang aking planong matikman siya ay lalo akong nanabik sa mga maaaring mangyari next week.


*************************




10:27 am, Wednesday
January 20



Araw ng Miyerkules habang nasa bus ako pauwe galing sa trabaho ay nakatanggap ako ng tawag mula kay Matt.


"Napatawag ka?", bungad ko kay Matt.


"Namiss lang kita.", napakunot naman ang noo ko dahil ayaw ko sa mga ganoong klase ng linya. Hindi masyadong makatotohanan.


"Uguk! Bakit nga?", pambabara ko kay Matt.


"Masama bang ma-miss ka?", natatawang sabi ni Matt.


"Ewan ko sayo, inuuto mo pa ko.", naiinis kong sagot. Narinig ko naman ang pagtawa niya sa kabilang linya.


"Anung ginagawa mo?", pag-iiba niya ng topic.


"Eto nasa byahe pauwe, galing work."


"Hmmm, saan ka ba nagtatrabaho?"


"Sa Mandaluyong ako, ikaw nasan ka ba ngayon?", usisa ko.


"Andito ko sa branch namin sa Taguig. Sa Ford ako nagtatrabaho, nagbebenta ng kotse. Ikaw anong trabaho mo?"


"Sa call center ako nagtatrabaho."


"Ah, ilan taon ka na uli?", tanong ni Matt.


"19, ikaw?"


"Wow, ang bata mo pa pala. 26 na ako eh.", sagot ni Matt.


"Tanda mo na pala.", panggagaya ko sa tono ni Matt sabay tawa.


"Sobra naman makatawa. Ayaw mo na sa akin?", wika nito sa nagtatampong tinig. Hindi ko naman mapigilang mapangiti sa kaartehan nito.


"Mas gusto ko naman yung mas matanda sa akin eh.", bawi ko para hindi naman siya malungkot.


"Naku, sabe mo lang yan."


"Bahala ka, di wag ka maniwala.", natatawa kong sagot. "Sige na ba-bye na ma-low batt na kasi ako.", paalam ko kay Matt.


"Sige, ingat ka pag-uwe. Miss you. See you sa Saturday.", paalam ni Matt.


"Sige, bye.", hindi ko alam kung bakit ako nakangiti ng mga oras na iyon. Para akong tanga, iniisip ko lamang na marahil ay excited lang talaga ako.




*******************************



10:05 pm, Saturday
January 23



Kapansin-pansin ang madalas na pagpaparamdam ni Matt sa text at tawag. May sense naman siya kausap at nag-eenjoy din naman ako sa mga bagay na pinag-uusapan namin.


Dumating ang araw ng Sabado at umaga pa lamang ay kinumpirma na ni Matt ang aming lakad ng gabing iyon. Napagkasunduan namin na sa Chowking na, na malapit sa Starlites magkita. Nauna akong dumating roon at ilang minuto lang ay dumating na din si Matt.


Agad kaming nagpunta sa Starlites at umorder ng isang bucket ng beer. Hindi ko alam kung bakit ako biglang nakaramdam ng hiya sa kanya. Wala akong maisip na sabihin para may mapag-usapan kami. Tahimik lamang akong uminom ng beer habang siya naman ay pinapanood ang kumakanta sa maliit na stage ng bar.


"Wala ka pang boyfriend?", maya-maya ay tanong ni Matt sa akin.


"Wala naman, ikaw wala kang partner?", balik kong tanong sa kanya.


"Wala din. Bakit wala kang boyfriend? Wala bang nanliligaw sayo?", usisa ni Matt.


"Meron.", maiksi kong sagot.


"Wala kang nagugustuhan?"


"Wala eh. Mas gusto ko muna na mag-enjoy. Masaya naman maging single eh. Tikim-tikim lang. Bata pa naman ako, hindi ko pa kelangan na magseryoso.", sabi ko. Iyon ang lagi kong isinasagot sa mga lalaking nagtatanong tungkol sa aking buhay pag-ibig. Katulad ng sinabi ko noon ay gusto ko naman magka-boyfriend pero sa tamang panahon at tamang tao, sa pakiramdam ko ay hindi pa ito ang panahon na iyon dahil labis pa akong nag-eenjoy sa aking mga ginagawa at alam ko na oras na makipag-committ ako ay mawawala itong ganitong klase ng kalayaan na ine-enjoy ko. Pangalawa, ay hindi ko pa nakikilala yung tamang tao para sa akin.


"Hindi ka natatakot magkasakit sa ginagawa mo?", nag-aalalang tanong ni Matt.


"Hahaha tsambahan lang yun. Kung oras mo, oras mo na.", natatawa kong sagot.


"Sira ka talaga.", di makapaniwalang sagot ni Matt.


"Eh ikaw bakit wala kang boyfriend?", balik kong tanong sa kanya.


"Mahirap kasi maghanap ng taong magse-seryoso. Yung iba sex lang ang habol sayo. Gusto ko yung pang-matagalan.", seryosong sabi ni Matt habang umiinom ng alak. Naka-dagdag naman sa pogi points niya ang kanyang sinabi. Mukhang seryoso din naman kasi talaga pagdating sa relasyon itong si Matt.


"Sabagay, tama ka. Kahit naman ako, nung minsang sinubukan kong mag-boyfriend nabuwisit lang ako.", pag-oopen ko sa kanya. Hindi ko normally kinukwento ang mga ganitong bagay sa mga lalaking nakikilala ko dahil pakiramdam ko ay hindi naman nila kailangan pang malaman ang mga ganung detalye ng aking buhay. Pero iba ang nararamdaman ko kay Matt. Sobrang komportable akong magkwento sa kanya ng mga pribadong bagay tungkol sa akin.


"Bakit anong nangyari?", curious niyang tanong.


"May nanliligaw sa akin noon, akala ko seryoso siya tas naisip ko na sagutin na siya kasi may dalawang buwan na din siyang nanliligaw at ilang beses na din kaming nagkita at okay naman ang ugali niya. Nung araw na sasagutin ko na siya nalaman ko na dalawa pala kaming nililigawan niya. Tinanong ko siya at umamin naman siya pero ako daw talaga ang mahal niya.", pagkekwento ko.


"Iniyakan mo?", tanong ni Matt.


"Tarantado ba ko? Bakit ko iiyakan yun? Ginago na nga nya ko, iiyakan ko pa? Tangina nya! Haha.", malutong kong sabi. Natawa na din naman si Matt sa aking naging reaksyon.


"So lagi ka bang nangunguha ng number dito?", tanong ko kay Matt ng maalala ko yung una naming pagkikita.


"Hindi. Si Ray talaga ang may pakana non. Mahilig kasi iyon na kukulitin ako na hingin yung number ng mga nagugustuhan niya, eh nung nakita kita non. Sabi ko gwapo ka naman kaya kinuha ko na din number mo.", sagot naman ni Matt. Parang lumulutang ako sa simpleng papuri na sinabi niya.


"Nagmalinis pa! Mukhang madalas ka nga sa P1 eh!", pang-iinis ko.


"Adik! Nagpupunta lang ako dun para manuod ng mga nag-aano pero hindi ko pa yun nagawa kahit kelan.", sabi ni Matt.


"Weh? Mamatay na?", para kasing hindi ako kumbinsido sa sagot niya.


"Oo nga promise!", sagot nito sabay taas ng kanang kamay.


Nagpatuloy lamang kami sa pag-inom at pagke-kwentuhan. Hanggang sa magsimula na ang sayawan, nanatili lamang kami sa tapat ng aming lamesa at duon kami nagsayaw ni Matt.


Nang matapos kami mag-inom ay umalis na kami ni Matt sa bar. Nagtungo kami sa isang motel malapit roon at nag-check in. Pagkapasok ng kwarto ay agad akong dumiretso sa banyo upang maligo at nang mabawasan rin ang tama ng alak sa akin. Sumunod namang naligo si Matt habang ako ay nahiga na sa kama.


Nang makalabas si Matt ay nahiga na siya sa tabi ko. Kapwa kami balot ng damit. Pareho pa kaming nakasuot ng pang-itaas at pantalon. Nakatihaya kami pareho at nagpapakiramdaman. Para akong virgin na hindi alam ang gagawin sa unang gabi niya ng pagtatalik, samantalang dati ay pagkapasok pa lang ng kwarto ay sinisimulan ko na agad ang aksyon. Hindi ko alam kung bakit ako nahihiya ng mga oras na iyon. Basta ang alam ko ay hindi ako ang gagawa ng unang hakbang. Hihintayin kong si Matt ang mag-initiate ng aming gagawin.


Mahigit tatlumpong minuto na simula ng kami ay mahiga pero wala pa ding nangyayari. Nakapikit ang aking mga mata at hindi ko alam kung tulog na si Matt. Naramdaman ko na lang ang unti-unting pagbalot ng mga braso ni Matt sa akin.  Hinihintay ko na may gawin pa siya ngunit wala na ata siyang ibang balak kundi ang yakapin ako. 


Hindi ko na namalayang nakatulog na din pala ako. Nagising na lamang ako ng maramdamang parang may nakatingin sa akin. Ramdam ko pa din ang nakabalot na braso sa akin ni Matt, nang ibaling ko ang tingin sa kanya ay nakadilat na ang kanayang mata at nakatitig sa akin.


"Goodmorning! Tagal mo magising.", bati nito at napangiti na lamang ako.


Bigla naman siyang pumatong sa akin at niyakap ako ng ubod ng higpit. Ramdam ko ang katigasan ng kanyang sandata ng umagang iyon. Bigla akong nag-init dahil sa aking napansin.


"Nakakapanggigil ang taba mo! Hmmmmmp!!!", sabi ni Matt habang lalong hinihigpitan ang yakap sa akin. "Tara na uwe na tayo.", wika ni Matt habang bumabangon mula sa pagkakadagan sa akin. Tinungo niya ang banyo at narinig ko ang pagbukas ng gripo.


Nanatili lamang akong nakatitig sa pinto ng banyo. Hindi ako makapaniwala sa nangyari. First time ito. First time na walang nangyari sa akin sa loob ng isang kwartong ganito. Sa lahat ng lalaking nakasama ko sa ganitong klase ng kwarto namumukod tanging siya lamang ang nakasama kong matulog na walang sex na naganap. Naisip kong baka hindi niya ako type pero salungat iyon sa katigasan ng kanyang sandata kanina lang.


Naguguluhan may ay bumangon na ako sa kama at nagsimula na ding gumayak para makauwi na.


Bago umuwi ay napagkasunduan namin ni Matt na magkita muli sa isang linggo. Sumangayon naman ako agad sa kanyang suhestyon.


Hanggang sa daan pauwe ay iniisip ko ang mga nangyare sa nagdaang gabe, bago kasi para sa akin ang ginawang pakikitungo ni Matt.


*******************


Naging mas madalas ang aming pag-uusap ni Matt sa text o sa tawag. Kalimitan ay tinatawagan niya ako kapag alam niyang pauwe na ako galing sa trabaho at siya naman ay papasok pa lang. Minsan akong nagulat sa kanyang imbitasyon sa text.


Matt: Punta ka dito sa office namin sa Taguig.

Ako: hahaha. Anong gagawin ko dyan? Wala naman akong pambili ng kotse.


Hindi ko mapigilang mapangiti sa kanyang imbitasyon dahil hindi ko naman talaga afford ang kotse lalo na't may kamahalan ang brand ng kotse na kanilang binebenta.


Matt: hindi ko naman sinabing bumili ka eh. Pwede ka namang tumambay dito.

Ako: baka makita pa ako ni Ray dyan.


Base sa mga napagke-kwentuhan namin ni Matt ay nalaman kong sa parehong kumpanya pala sila ni Ray nagta-trabaho. 


Matt: hindi na dito sa branch na to naka-assign si Ray. Sige na punta ka na, bottomless ang iced tea dito. :))


Muli akong napangiti sa kanyang pangungulit at ginamit pang panuhol ang ino-offer nilang iced tea sa mga kliyente.


Ako: sira! Nakasakay na ako ng bus papasok na kami sa Nlex.

Matt: hmp! Sunget.

Ako: hahaha! Alangan namang bumaba ako sa NLEX?

Matt: Basta sa sat ah? Kita tayo.

Ako: Oo sige, tulog muna ako dito sa bus. Ingat na lang dyan sa work.


***********************************



8:57 pm, Saturday
January 30




Katulad ng napag-usapan ay nagkita kaming muli ni Matt nang sumunod na Sabado. Dating gawi pa din, nag-inuman kami sa paborito kong bar sa Cubao.


Sa puntong iyon ay parang matalik na kaibigan na ang tingin ko kay Matt. Nagustuhan ko naman ang isiping iyon dahil kung tutuusin ay wala akong masyadong ka-close na bi o gay friend. Karamihan sa mga matalik kong kaibigan ay babae na mga kaklase ko pa nung HS.


Si Matt ang unang lalaking nakilala ko rito sa Cubao na sobrang naging komportable ang loob ko. Nang gabing iyon ay kung anu-ano pa ang aming napagkwentuhan. Karamihan ay mga kalokohan ko dito sa Starlites. Mga lalaking nakilala ko, o kaya ay mga naging sexcapades ko. Hindi ko naman naramdaman na pinandidirihan ako ni Matt. Bagkus ay tawa lang siya ng tawa at siya pa mismo ang nagtatanong sa akin.


Dahil sa isiping matalik na kaibigan na ang tingin ko kay Matt ay pansamantalang nawala sa aking isip ang pagnanais na makasiping siya. Hindi ko naman kasi ugali na makipag-sex sa kaibigan.


"Matt, ang gwapo nun oh.", wala sa sariling wika ko kay Matt sabay turo sa lalaking namataan ko na papunta sa CR. Nilingon naman ni Matt ang lalaking itinuturo ko.


"Hindi naman, maputi lang. Mukha ngang bakla eh.", walang kaamor-amor nitong sagot.


"Eh tisoy naman talaga ang gusto ko eh, tsaka lahat naman ng nandito bakla. Wala tayong magagawa don.", sagot ko.


"Kahit na, halata naman masyado yung tinuturo mo. Mas okay yung medyo moreno.", depensa ni Matt. "Katulad nun oh.", sabay nguso niya sa isang lalaking naka-green na tshirt di kalayuan sa amin.


"Mukha namang madumi eh.", reklamo ko.


"Haha tado! Hindi naman."


Luminga-linga akong muli at naghanap ng maaari naming magustuhan na pareho. 


"Eh yung naka-red na yun.", turo ko kay Matt.


"Bakla.", tipid na sagot ni Matt.


"Choosy mo naman.", maasim kong komento.


Nagpatuloy kami sa tila laro naming ginagawa ni Matt. Bawat ituro niya ay lalaitin ko at ganun din ang gagawin niya sa mga ituturo ko. Para kaming tanga na tumatawa sa mga tinitingnan naming lalaki. Maya-maya ay may dumaan sa harap ng aming lamesa na lalaking nakasuot ng long sleeves at nakasalamin. Sabay pa naming sinundan ng tingin ni Matt yung lalaki.


"Gwapo nun."


"Yun ang gwapo."


Sabay naming wika ni Matt na ikinatawa naming muli.


"Sundan mo, tanung mo pangalan.", udyok sa akin ni Matt. 


"Ayoko, nahihiya ako. Ikaw na lang.",pagtutol ko. Mahiyain kasi talaga ako, hindi ako sanay na lumalapit at nanghihingi ng pangalan o ng number, mas gusto ko na ako ang nilalapitan. Hindi dahil sa maganda ako kundi wala lang akong sapat na lakas ng loob na gumawa ng first move. Kapag naghahanap ako ng kasama sa gabi ang madalas ko lang ginagawa ay makipagtitigan hanggang sa lumapit yung tinitingnan ko.


Dahil sa ayaw ring lapitan ni Matt ang lalaki ay nagpatuloy na lang kami sa pag-inom. Matapos uminom ay tumungo kaming muli sa P1. Sa kabutihang palad ay wala namang nangyari sa aking anuman ng gabing iyon. Magkasama lamang kami ni Matt na nagmamasid sa mga gumagawa ng kababalaghan sa mga sulok-sulok ng bar.


Nang magdesisyon kaming umuwi ay sabay kaming naglakad papunta sa sakayan ni Matt. Dahil sa crossing lang naman ng Cubao sasakay si Matt ay hinintay ko na siyang makasakay ng bus bago ako maglakad patungo ng terminal pauwing Bulacan.


"Ihahatid na kita sa may Terminal.", suhestyon ni Matt habang naghihintay kami ng masasakyan niyang bus.


"Huwag na, andito na tayo eh. Isasakay na kita bago ako umuwe.", sagot ko. Binigyan lamang ako ni Matt ng isang malungkot na tingin at hindi na nagsalita pa. 


Nagsalita lamang siya ng may matanaw na siyang byahe ng bus na pwede niyang sakyan.


"Umuwi ka na ha, wag ka nang bumalik don. Please?", pagsusumamo ni Matt.


Nagulat naman ako sa kanyang pakiusap at napatango na lang ako. Mukhang nababasa niya ang aking nasa isip.


Nang masiguro kong hindi na ako tanaw ni Matt mula sa bus na sinakyan niya ay nagsimula akong maglakad pabalik sa bar na pinanggalingan namin. Naisip ko kasi habang naglalakad kami ni Matt kanina na bumalik sa Starlites matapos ko siyang ihatid.


Bigla ko namang narinig muli ang tinig ni Matt sa aking ulo na binibilinan ako na umuwi na. Wala sa sarili akong napangiti at naglakad na lang patungo sa terminal ng bus pauwe.


'Sweet...'


Hindi ko alam kung bakit iyon ang salitang naisip kong gamitin para ilarawan ang ginawang pag-aalala sa akin ni Matt.


Another first para sa akin iyon. First time na may pumigil sa akin na pumunta o bumalik sa bar. Hindi ko man siya boyfriend ay ramdam ko naman ang kanyang concern para sa akin.



*********************


7:06 pm, Saturday
February 06




Masaya ako sa mga panahon na pinagsasamahan namin ni Matt. Hindi na gaanong sumasagi pa sa isip ko na matikman siya o maka-sex siya dahil kaibigan na ang turing ko sa kanya at hindi kung sinong lalaki lang na nakilala ko sa bar.


Aaminin ko na minsan ay kinikilig ako sa pagiging maaalalahanin ni Matt. Naging constant ang komunikasyon namin sa tawag at sa text. Hindi ko sigurado kung sadyang ganito lang siya sa kanyang mga kaibigan o kung may iba siyang motibo. Hindi din naman kasi siya nagsasabi na gusto niya ako o na nanliligaw siya.


Ngunit kung sakaling manligaw man si Matt ay hindi malayong mapaibig ako nito. Sa pagkakakilala ko kasi sa kanya ay importante para sa kanya ang relasyon at siya yung tipo ng tao na sa tingin ko ay faithful sa partner. Mga katangian na mahirap hanapin sa mga taong nakikilala ko sa Cubao.


Hindi ko alam kung bakit ko naiisip ang mga bagay na iyon ngayon samantalang dati ay wala akong naiisip na ganito sa mga nakaka-one night stand ko. Marahil ay nakuha lang talaga ni Matt ang atensyon ko dahil nagkakasundo kami sa maraming bagay.


Hindi ko naman mapigilang pakiramdaman kung umiibig na ako sa kanya. Sa tingin ko naman ay hindi pa, mas tamang sabihin na nag-eenjoy lang ako na kasama siya. Mahirap kung bigla na lang akong mapapamahal sa kanya lalo na't hindi malinaw ang estado naming dalawa.


Bumalik na lamang ako sa pag-aayos ng aking buhok sa harap ng salamin kesa ubusin ko ang oras ko sa pag-iisip ng mga walang kwentang bagay na iyon. Sabado nang muli at tulad ng nakagawian ay magkikita kaming muli ni Matt.


Matapos kaming uminom ni Matt ay nagyaya muli itong mag-check in na sinangayunan ko naman. Katulad ng huling beses kaming pumasok sa motel ay natulog lamang kaming dalawa. Nakayakap lamang siya sa akin, ako naman ay nakatalikod sa kanya. Ramdam ko ang katigasan ng kanyang alaga pero wala siyang ginagawang anuman para mag-initiate na magtalik kami.


***********************


Ilang beses na nangyari ang ganoong eksena sa amin ni Matt sa hotel. Hindi naman ako nagrereklamo o nag-aasam ng anu pa man dahil nasisiyahan din naman ako sa simple naming pagtulog ng magkayakap.


Nang sumumod na linggo ay hindi kami nagkita ni Matt. Ayon dito ay pupunta raw sila ng kanyang mga ka-opisina sa Puerto Princesa sa Palawan. Ilang araw rin ako nitong kinulit sa tawag na sumama pero tumatanggi ako. Hindi ko naman kasi napaghandaan ang ganoong lakad at kukulangin ang aking budget kung pipilitin kong sumama.


Kahit na nasa bakasyon ay halos buong araw din kaming magkausap ni Matt habang nasa Palawan siya. Lagi ako nitong binabalitaan tungkol sa mga activities na ginagawa nila. Sa tuwing tinatanong ko siya kung may nakipagkilala na ba sa kanyang pogi ay naiinis lang niya akong susungitan at sasabihing wala.


Hindi rin kami nagkita ng sumunod na Sabado dahil may pinuntahan naman akong birthday party ng isang matalik na kaibigan. Panay naman ang paalala ni Matt na huwag akong magpakalasing at maghinay-hinay lamang sa pagyoyosi.


*****************


10:42 pm, Saturday
March 27



"Parang tumaba ka ng konti.", bati sa akin ni Matt nang muli kaming magkita sa Cubao.


"Yabang nitong nognog na to.", ganti kong biro ng mapansin ko ang bahagya niyang pag-itim


"Haha, namiss lang kita.", hindi ko naman nagawang sumagot dahil hindi ko inaasahan ang ganoong klase ng reply mula kay Matt. Bahagyang nag-init ang puno ng aking tenga habang nakatitig ako sa nakangising mukha ni Matt.


Buti na lamang at may lumapit na waiter para kunin ang aming order. Kahit papaano ay nakalusot ako sa bigla kong pagkawala sa ulirat.


Kadalasan, kapag umiinom kami ni Matt ay magkatapatan lang kami sa lamesa kaya nagulat ako ng tumayo siya at inilipat ang kanyang upuan sa aking tabi.


Ipinagsawalang bahala ko na lamang iyong kanyang ginawa pero muli akong nagulat ng hawakan niya ang aking kamay.


Hindi ko mawari kung anung tumatakbo sa kanyang isip, sigurado akong hindi pa siya lasing dahil hindi pa naman kami nagsisimulang uminom. Nilingon ko siya ngunit nakangiti lamang siyang nakatingin sa akin.


Hindi ko mapigilang mailang dahil sa pagkakahawak ng aming mga kamay. Oo, marami na akong nakasiping na mga lalaki pero bihira lang ang mga gumagawa sa akin ng ganito. Idagdag pa na kahit kailan ay hindi pa ako nagkaka-boyfriend at ang kiliti na nararamdaman ko sa pagkakahinang ng aming mga palad ang siyang nagdudulot ng di maipaliwanag na pakiramdam sa akin.


Ini-straight ko na lamang ang laman na alak ng aking baso para pakalmahin ang aking sarili. Para kasing bumibilis ang tibok ng aking puso.


"Hinay-hinay lang para ka namang sabik na sabik sa alak.", wika ni Matt na sobrang lapit sa aking tenga. Ramdam ko ang init ng kanyang hininga habang nagsasalita siya. Hindi na ako sumagot at tipid na lamang na ngumiti.


Hindi na pinakawalan pa ni Matt ang aking kamay sa buong magdamag. Kahit na noong nagsasayaw na kami sa dance floor ay magkahawak pa din ang aming mga kamay. Unti-unti naman akong naging komportable sa pagdidikit ng aming mga palad. 


Nang mapagod kami sa pagsasayaw ay nagpatuloy na lamang kami sa pag-iinom. Ramdam kong nakatingin na naman sa akin si Matt kaya pinipigilan kong tumingin rin sa kanya dahil sa tuwing nagtatagpo ang aming mga tingin ay hindi ako mapakali. Para akong highschool student na di mapakali kapag tinitingnan ng crush niya.


"Alam mo, pwede ka sana kaso....", rinig kong sabi ni Matt sa kabila ng malakas na tugtog sa loob ng bar. Hindi ko lubos na maintindihan ang ibig niyang sabihin dahil hindi naman niya tinapos yung ibinubulong niya. Pinasya kong wag na lamang itong pansinin dahil baka dala na lamang iyon ng kalasingan niya dahil nakakailang bote na din naman kami ng beer.


Alas tres na kami ng umaga natapos na uminom ni Matt. Kapwa na kami lasing, at nakaakbay siya sa akin habang naglalakad kami pauwi.


"Hahatid na kita sa terminal baka bumalik ka pa dito eh.", wika ni Matt.


"Hindi pa ako uuwe, mag-check in muna ko kasi baka masuka ako sa bus. Nahihilo na ko eh.", sagot ko. Alam ko kasing hindi ko na rin kakayanin pang umuwe at ayaw kong sumuka o lumagpas ako ng bababaan, byaheng Cabanatuan pa naman ang sinasakyan ko kapag ganitong oras.


"Pwede ba kitang samahan?", paghingi ni Matt ng permiso.


"Bahala ka.", sagot ko.


Nang makarating kami sa kwarto ay agad akong napahiga sa kama dahil umiikot na ang aking paligid. Nakita ko naman si Matt na nagtanggal ng pang-itaas bago humiga sa aking tabi. Hindi siya karaniwang naghuhubad ng ganoon kapag magkasama kaming natutulog. Dahil sa kalasingan ay mabilis din akong nakatulog.


Makalipas ang tatlong oras ay nagising ako. Nang lingunin ko si Matt ay nakadilat na din ito at nakatingin sa akin. Hindi ko inaasahan ang dahan-dahan niyang pagdunggol ng kanyang harapan sa akin. Napatingin naman ako sa kanyang mata at di makakailang uhaw siya ng umagang iyon sa laman.


Hindi na ako nagpakipot pa at pinagbigyan ko siya sa kanyang nais. Para akong isang alipin na pinapaligaya ang kanyang amo. Ang bawat ungol at daing ni Matt ay tila mga papuri sa aking tenga na lalong nag-engganyo sa akin na pagbutihin ang ginagawa. Nang makaraos siya ay muli akong nahiga sa tabi niya. Muli niyang ibinalot ang kanyang kamay sa akin at sabay kaming natulog.


Nagising ako kinabukasan na nakabihis na si Matt at nagsisintas na ng kanyang sapatos.


"Alis ka na?", tanong ko dahil pansin ko ang kanyang pagmamadali.


"Oo eh, may lakad pa kami ngayon ni Mama. Late na nga ako eh.", paliwanag niya.


"Ingat ka.", sagot ko habang nakahiga pa din.  Nagulat ako ng bigla muli siyang dumagan sa akin at mabilis na humalik sa aking noo.


"Salamat kagabi.", wika niya habang nakadagan sa akin at nakatitig sa aking mata. Ngumiti lamang ako.


"Magpakabait ka na ha. Sayang ka, pwede ka sana eh...", sabi ni Matt saka tumayo at nagpaalam nang lumabas ng kwarto.


Naiwan akong nag-iisip at naguguluhan sa loob ng kwarto.


"...pwede ka sana eh..."



********************************


6:16 pm, Saturday
April 4


Isang linggo din akong ginulo ng mga nangyari sa amin ni Matt noong nakaraang Sabado. Madaming tanong ang nagsulputan sa isip ko na hindi ko naman mahanapan ng sagot. Sa tuwing magka-text o magkausap kami ni Matt ay hindi ko naman magawang itanong sa kanya ang mga bagay na bumabagabag sa akin.


Hindi ko alam kung masasabi kong masaya ako dahil sa wakas ay naka-sex ko na din si Matt. Kadalasan ay nagdidiwang ang damdamin ko sa tuwing nakakasiping ko ang lalaking gusto ko. Pero iba ang nararamdaman ko sa pagkakataong ito. Pansin ko ang pagbabago noon pa, ipinagsasawalang kibo ko lamang.


Hindi ko alam kung ano pero parang may kulang sa nangyari sa amin ni Matt. May bagay ako na gustong makuha pero hindi ko alam kung ano. Akala ko ay makukuntento na ako oras na magkasiping kami pero hindi ganoon ang nangyari.


'Pwede ka sana eh....'


Isang palaisipan sa akin ang mga sinabing iyon ni Matt. Hindi ko maunawaan kung ano ang gusto niyang iparating. Ayaw ko naman na gumawa ng mga assumptions dahil baka mapahiya lamang ako kung kabaligtaran pala ang ibig sabihin ni Matt.


Pero kung iisipin ko ang naging pakitungo ni Matt sa akin ng gabing iyon ay di ko maiwasang isipin na baka gusto nga niya ako. Mahirap kasing hindi mapansin ang kanyang biglaang pagiging sweet, ang pagtabi niya sa aking upuan, ang pagkakahawak ng aming mga kamay, ang akbay niya sa akin habang naglalakad, at ang mga titig niya sa akin.


Maaari din namang ginawa niya lamang iyon para maka-iskor sa iyo, bulong ng isang parte ng aking isip. Posible naman iyon, o baka maaring nagkataon lang na sa parehong gabi may nangyari sa pagitan naming dalawa.


Batid ko na kahit anong pag-iisip ang aking gawin ay hindi ako makakakuha ng konkretong sagot kung hindi ko kakausapin si Matt. Sa kasamaang palad ay wala akong sapat na lakas ng loob para kausapin siya tungkol sa mga bagay na gumugulo sa aking isip. Parang masyado pang maaga para mag-assume ako na gusto niya ako. Tama lang siguro na pakiramdaman ko muna siya.


Katulad ng aking inaasahan ay inimbitahan akong muli ni Matt na uminom ng Sabadong iyon. Dating gawi pa din, dating tagpuan, dating oras. Ang naiba lang ay mas pinili ni Matt na sa P2 na lang kami uminom dahil masyado raw madaming tao ngayon sa Starlites na sinang-ayunan ko naman.


Naghinay-hinay lamang ako sa pag-inom sa pangambang baka maulit na namang ang eksena ko sa cr ng bar na iyon. Hindi ko alam kung bakit pero parang bigla akong na-concious sa maaaring isipin ni Matt sa akin.


Sa isang iglap ay ayaw kong maging mukhang liberated sa paningin niya. Parang gusto ko biglang baguhin ang image ko at magmukhang matinong tao. Parang gusto kong makita ni Matt na kaya kong magseryoso at maging faithful.

Kung ako ay naghihinay-hinay sa pag-inom ay kabaligtaran naman ang nakita kong ginagawa ni Matt, tila uhaw na uhaw ito sa alak at maya't-maya ang tungga niya mula sa kanyang baso. Nang pansinin ko siya ay nginitian niya lamang ako.


Katulad ng nakagawian ay naglaro kami muli ng hanapan ng gwapo. Lahat ng ituturong kong type ko ay lalaitin niya at sasabihang bakla, ganun din ang gagawin ko sa bawat taong matipuhan niya.


"May gwapong nakipagkilala sa akin sa cr.", pagbabalita ni Matt pagkagaling sa cr ng bar.


"Weh? Gwapo ba talaga?", diskumpyado kong tanong sa kanya.


"Oo nga! Semi kalbo tsaka mukang lalaking-lalaki.", paniniguro niya. Ganun naman kasi ang pansin kong tipo niya talaga, yung kasing tikas niya kumilos at hindi mapaghahalata na bading o bi.


"Nasaan?", tanong ko.


"Dun oh.", turo ni Matt sa akin. Nakita ko ang semi-kalbong lalaking natitipuhan ni Matt. Pero hindi ko masabi kung gwapo nga ito dahil hindi ko maaninawan ang mukha nito dahil nasa medyo madilim silang parte ng bar.


"Hindi ko makita madilim."


"Mamaya magpapakilala tayo.", nakangising sabi ni Matt. Napangiti na lamang ako dahil alam kong hindi ito seryoso at dala na lamang ng kalasingan ang mga sinasabi nito.


Matapos ang palabas ng mga komedyante sa bar ay nagsimula na ang sayawan. Nagpaalam si Matt na magbabanyo habang ako ay masayang nakikipag-usap sa katabi naming table. Nang makabalik si Matt ay nagyaya na itong mag-bill out.


"Uwi na tayo?", taka kong tanong.


"Hindi, nakita ko uli yung tinuturo ko sayo. Kasama pala niya yung boyfriend niya. Inaaya tayong mag-check in.", maligalig na kwento ni Matt.


"Eh bakit kasama pa ako?", medyo naiinis kong tanong. Hindi kasi kaaya-aya sa akin ang ideyang mag-check in na may kasamang iba maliban kay Matt. Ang isa ko pang ikinaiinis ay ang excitement na nakikito ko sa mukha ni Matt sa ideya nung semi kalbong lalaking nakilala niya.


"Basta, masaya yun.", pangungumbinsi nito.


"Mag-foursome pa tayo ganon?", diretsa kong tanong.


"Hindi kayo lang, manunuod lang ako.", nakangising sagot ni Matt.


"Ayaw ko, ikaw na lang. Uuwi na lang ako."


"Korni naman neto eh, sige na sumama ka na please.", para naman akong ginayuma sa paraan ng pakikiusap ni Matt. Hindi ko alam kung bakit hindi ko matanggihan ang mga matang nakatitig at nangungulit sa akin. Bago pa man makapag-isip muli ay kusang tumango ang aking ulo at nagsimula nang gumayak palabas ng bar.


Paglabas namin ay dinatnan ko ang mga makakasama namin ng gabing iyon. Nakita ko din sa wakas ang mukha ng semi-kalbong lalaki na kinagigiliwan ni Matt. Para sa akin ay hindi naman ito gwapo dahil hindi ito tisoy. Idagdag pa ang parang daga nitong mga tenga. Dala ng pagngingitngit ay umani ng mga lait ang lalaking iyon sa aking isip. Ang boyfriend naman nito ay di gaanong nalalayo sa itsura niya, ang pinagkaiba lang ay halatang maganda ang katawan ng boyfriend niya na nakasuot lamang ng sando ng gabing iyon. 


"Seb si Mark", pakilala sa akin ni Matt sa semi-kalbong lalaki. "Eto naman boyfriend niya si Vincent.", pansin ko ang titigan nila Mark at Matt gayundin ang malagkit na tinging ibinabato sa akin ni Vincent. Nakipagkamay ako sa dalawa at matapos iyon ay nagpatuloy na kami sa paglalakad patungong motel na aming tutulugan.


Pagdating sa motel ay nagkwentuhan ang tatlo habang ako ay tahimik lang na nakikinig. Nagsindi na din ako ng yosi dahil nagyoyosi din naman ang mga kasama ko. Matapos manigarilyo ay nagsipaghiga na kami sa kama.


Iisa lamang ang kama at nagsisiksikan kaming apat roon. Nasa dulo ako ng kama at katabi ko si Matt habang nasa kabilang gilid niya si Mark at nasa kabilang dulo si Vincent.


Tahimik lamang kami at walang indikasyon na may nangyayari na sa mga katabi ko. Dahil hindi din naman ako interesado ay pinilit ko na lamang matulog. Makalipas ang mahigit tatlumpong minuto ay nagising ako sa pagyaning ng kama. Nang lingunin ko si Matt sa aking tabi ay nakita ko siyang may pinapanood sa aming paanan. Nang idako ko roon ang aking tingin ay nakita kong nakahiga si Vincent habang nakahawak sa ulo ni Mark na nagtatas baba sa kanyang alaga.


Rinig sa apat na sulok ng kwarto ang pagkaduwal ni Mark habang marahas na binabayo ni Vincent ang kanyang bibig. Halata din ang ibayong sarap at libog na nararamdaman ni Vincent habang nagpapakasasa sa bibig ng kapareha.


"Ganyan ang gusto mo di ba? Yung nabubulunan ka.", wika ni Vincent sa kanyang boyfriend.


Nang mga sandaling iyon ay alam kong hindi lamang sila Mark at Vincent ang nag-eenjoy. Batid kong maging si Matt ay nasisiyahan sa live show na nagaganap sa kanyang harapan. Marahil ganito talaga ang kanyang fetish, ang manuod ng mga taong nagtatalik sa kanyang harapan.


Nakita ko ang dahan-dahang paglapit ng kamay ni Mark sa may zipper ng pantalon ni Matt. Gusto ko sanang tadyakan sa ulo ng hitad kaso alam kong wala akong magandang rason para gawin iyon.


Nagpaubaya lamang si Matt sa gusto ni Mark. Ako naman ay umupo ng patalikod sa kanila at nagsindi ng yosi dahil hindi ko gustong mapanood ang mga susunod na mangayari. Parang gusto kong mag-walk out na lang.


Nangangalahati na ako sa aking yosi ng makaramdam ako ng pagdila sa may puno ng aking tenga. Alam kong hindi si Matt yon dahil may balbas ang lalaking humahalik sa akin. Hindi ko nililingon ang taong humahalik sa akin at nagpatuloy lamang ako sa pagyoyosi. 


Nakumpirma ko kung sino ang humahalik sa akin ng makita kong dumaan sa aking harapan sila Matt at Mark saka nag-lock sa loob ng cr ng kwarto. Tila nawala ako sa katinuan ng maisip ang mga bagay na maaaring gawin ng dalawa sa CR. 


Wala namang tigil sa pagromansa sa akin si Vincent. Para mawala ang atensyon ko sa pag-iisip sa ginagawa nila Mark at Matt sa banyo ay si Vincent na lamang ang hinarap ko. Wala sa sarili akong sumunod sa mga nais niyang gawin hanggang sa lumabas na sila Mark at Matt.


Pagkalabas ng dalawa ay agad naman akong hinila ni Vincent papuntang banyo, kanina pa ako nito kinukulit na pasukin sa likod pero tumatanggi ako. Wala pa kaming sampung minuto sa loob ng banyo ng pabalibag na buksan ito ni Mark na tila gustong iparating na hindi nito gusto ang anumang ginagawa namin ni Vincent sa loob.


Lalo naman akong nainis sa magulong baklang iyon, kanina lang ay wala siyang reklamong sumuso ng ibang lalaki pero ngayon ay nag-iinarte siya dahil may ibang rumoromansa sa kanyang boyfriend. Sugapa much lang ang peg.


Hindi ako tumayo mula sa pagkakaluhod at hinayaan ko lamang si Mark na makita ang ginagawa ko sa boyfriend niya. Ilang saglit lang ay nakaraos na din si Vincent. 


Matapos iyon ay nahiga muli ako habang naririnig ko ang timping diskusyon ng magkasintahan. Mukhang tama ang aking hinala na nagseselos si Mark, at dumepensa naman si Vincent na ganoon din naman ang ginawa ng kanyang kasintahan kay Matt. Nilamon na ako ng antok at ng magising ako ay medyo maliwanag na sa loob ng kwarto. Ramdam ko ang mabilis na paggalaw ng mga kamay ni Matt habang pinapaligaya ang sarili. Muli na naman palang nagso-show ang mag-syota sa harap ng kanilang audience.


Sinubukan kong hawakan ang kargada ni Matt para ako ang magpaligaya sa kanya pero marahan din niya itong hinawi palayo. May naramdaman naman akong kirot sa rejection na iyon mula kay Matt.


Nang masawa si Mark sa ginagawa sa kanyang boyfriend ay si Matt naman ang binalingan nito at malugod namang nagpaubaya ang huli. Lalo lamang kumirot ang munting sugat na nararamdaman ko sa aking dibdib. Lumapit sa akin si Vincent at ang bibig ko naman ang pinagdiskitahan niya. 


Maya-maya lamang ay nakahiga na sa aking harapan ang tatlong lalaki. Niroromansa ni Mark ang dibdib ni Matt habang ako ay nakaluhod sa paanan ni Vincent at nagtataas baba sa kanyang sandata. Ilang saglit lang ay iginiya ni Vincent ang aking ulo sa alaga ng kanyang kasintahan at iyon naman ang aking trinabaho. Nang lingunin ko si Matt ay tila aliw na aliw ito sa pagpapaligayang ginagawa ko sa magkasintahan. 


Nang subukan kong isubo ang alaga ni Matt na nilalaro ng kamay ni Mark ay agad-agad na iniwas ni Matt ang kanyang sandata saka umiling sa akin. Para akong sinampal ng tagpong iyon. Pakiramdam ko ay nandidiri sa akin si Matt at ayaw niyang masayaran ng laway ko ang ang kanyang katawan. Tila noon lang nag-sink in sa akin ang ginagawa ko ng gabing iyon.


Pilit kong kinokontrol ang aking emosyon para maiwasan kong tumulo ang aking luha. Naramdaman ko na lang ang kamay ni Vincent na iginigiya ang aking ulo pabalik sa kanyang kahindigan. Wala sa sarili ko na lang tinapos ang aking nasimulan. 


Ramdam na ramdam ko kung gaano ako ka-puta ng gabing iyon. Ramdam ko rin ang namumuong bigat sa aking dibdib at ang nakakahilam na tubig sa aking mata.


Nang makatapos sila ay bumalik ako sa aking pagkakahiga at sinubukan ko na ring iwasan na madikit sa katawan ni Matt. Ayaw kong maramdaman muli na siya mismo ang naglalayo ng kanyang katawan sa akin.


"Grabe tong kasama mo pre, ang galing.", wika ni Vincent kay Matt. Nakapikit ako ng mga sandaling iyon at hindi na ako nag-abala pang tingnan ang reaksyon ni Matt dahil nakadapa ako at nakabaling sa ibang direksyon ang ulo ko. Siniguro kong walang makakakita kung sakali mang biglang may tumulong luha sa mata ko.


"Oo nga, parang andame mo ng experience. Dami mong alam gawin eh, ilan taon ka na ba Seb?", tanong sa akin ni Mark.


"19.", bulong ko.


"Tangina! Ang bata mo pa pala, andami mo ng alam. Totoy bibo pala to eh.", komento ni Vincent habang tumatawa.


"Napagod ka ba? Mamasahehin na lang kita.", mungkahi ni Mark, bago pa ako makatanggi ay nagsimula na si Mark na hagurin ang likod ko.


"Ang gwapo ng batang 'to, tiyak na pipilahan to ng mga lalaki.", saad ni Vincent. Wala na akong pakialam sa mga sinasabi nila dahil abala ang aking sarili sa pag-iisip sa inasta ni Matt at sa pagpipigil ng aking mga luha.


Nagpatuloy lamang ang tatlo sa pag-uusap habang ako ay tahimik lamang na nakikinig. Nalaman ko na isang nurse pala si Mark at si Vincent ay isang accountant. May girlfriend din daw si Vincent pero mas mahal raw nito si Mark. Hindi ko naman lubos maintindihan ang kanilang set up. Masigasig din namang nagke-kwento si Matt sa dalawa at tila nakalimutan na niyang kasama niya ako sa kwartong iyon.


Kahit sa elevator pababa ng motel ay wala kaming imikan ni Matt. Iniwan na namin ang dalawa sa kwarto at nagpaalam na kami ni Matt na uuwi. Naghiwalay kami ng landas na walang pag-uusap na naganap.


Nang makasakay ako sa bus pauwi ay nakatanggap ako ng text mula kay Matt.


"Ingat ka pauwi.", tila gusto kong ibalibag ang cellphone ko ng mga oras na yon. That's all he can say to me.



********************


5:38 pm, Saturday
April 28



Dalawang linggo din kaming hindi halos nagkausap o nagkatext ni Matt. Hindi rin naming nagawang magkita ng dalawang sunod na Sabado. 


Aaminin kong iniiwasan ko si Matt dahil kahit hindi dapat ay nasaktan ako nung huling gabi na magkasama kami. Umaasa ako na mapapansin niya ang paglayong ginagawa ko pero mukhang kahit napansin niya na ito ay wala siyang balak na gawing anuman para amuhin ako.


Bakit nga ba niya ako aamuhin? Kung tutuusin sa pagkakaalam niya ay wala naman siyang ginawang masama o makakasakit sa akin? Ano bang alam niya sa tunay na nararamdaman ko? Sa pagkakakilala niya sa akin ay malamang sa iniisip niya na labis akong nag-enjoy sa foursome na nangyari sa amin dahil iyon lang naman ang alam kong gawin. I know nothing about love, all i'm capable of doing is to fulfill a man's sexual desire.


Gusto kong magalit kay Matt pero alam kong hindi tamang ibaling sa kanya ang sisi. Katulad ng sinabi ko ay wala siyang ideya sa nararamdaman ko. Pero, anu nga ba ang nararamdaman ko?


Selos?


Selos dahil mahal ko na ata si Matt. 


Kung mahal ko nga si Matt, anu na ang dapat kong gawin? Alam kong hindi ko naman na maari pang tanggalin ang aking nararamdaman dahil huli na para gawin iyon. Ang problema ay kung paano ko ito haharapin ngayon. Hindi malinaw ang estado namin ni Matt. Oo, magkaibigan kami pero kung mayroong namamagitan sa aming higit pa roon ay hindi ko alam. Hindi naman kasi namin kahit kailan napagusapan ang ganoong mga bagay kahit na kapansin-pansin ang dalas ng pag-uusap namin, ng sweetness niya, at ang pag-aalala niya para sa akin.


Isang bagay lang ang naiisip kong gawin. Sa pagkakataong ito mukhang ako ang dapat na gumawa ng paraan para magkaroon ng linaw ang relasyon namin. Natatakot man ako sa mangyayari ay wala naman ako masyadong pagpipilian. Katulad ng nasabi ko ay hindi ako sanay na gumagawa ng first move, idagdag pa na wala naman ako gaanong alam pagdating sa pag-ibig.


Nang hindi ako makatiis ay tinext ko din si Matt. Hindi ko kayang hintayin na siya ang unang magtext sa akin dahil sobra na akong nahihirapan sa sitwasyon ko at namimiss ko na din siya. Matapos ko siyang i-text ng kamusta ay agad nag-ring ang phone ko at rumehistro ang numero ni Matt na tumatawag sa akin.


"Hello?", bungad ko. Pilit kong itinatago ang tunay kong nararamdaman. Kaswal lamang ang aking tono.


"Kamusta tol? Tagal walang paramdam ah?", sagot naman ni Matt sa kabilang linya. Namiss ko ang boses niya. 


"Busy lang sa trabaho, dalas kelangan mag-OT eh.", palusot ko, nais kong harapan siyang kausapin tungkol sa nararamdaman ko. Ang balak ko lamang ay imbitahin siya ngayon para makapag-usap kami.


"Ah ganun ba? Kala ko galit ka eh.", sagot ni Matt. Medyo nakaramdam naman ako ng tuwa sa isiping napansin niya pala ang pagkawala ko at iniisip niya rin ang nararamdaman ko. Akala ko kasi ay bigla na lang siyang nawalan ng pakialam sa akin.


"Hindi ah, bakit naman ako magagalit?", natatawa kong pagsisinungaling. Inayos ko ang pagkakahiga ko sa aking kama at inenjoy ang muli naming pag-uusap ni Matt.


"Wala. Kalimutan mo na yung sinabi ko. Anung balita sa'yo?", tila bumalik kami sa dati naming gawi na pag-uusap ng ilang oras sa cellphone. Unti-unti namang nabawasan ang mga alalahanin ko.


"Wala naman masyado ganun pa din. Stress lang sa work, ikaw anong bago?"


"Hehe eto nagpapakabait na.", natatawa niyang sagot na di ko gaanong maintindihan.


"Bakit?"


"Wala, nagseseryoso na ako. Tanda mo si Mark? Yung kasama natin last time?", nagbigay lamang ako ng verbal nod at hinayaan siyang magpatuloy sa pagkwekwento.


"Nagkita kami 3 days after natin mag-check in tapos kumain kami sa labas. After that we're constantly seeing each other. And i realized na gusto ko siyang seryosohin dahil napapamahal na ako sa kanya.", pagkekwento ni Matt.


Parang tumigil naman ang pag-ikot ng mundo ko, pansamantalang tumigil ang pagtibok ng puso ko, tila nawala ang lahat ng ingay sa aking paligid, pati ang paningin ko ay tila nag-black and white.


"Uy!", wika ni Matt nang walang makuhang reaksyon sa akin. Nakaramdam naman ako ng pagkataranta dahil hindi ko alam kung uunahin kong mag-isip ng isasagot kay Matt o kokontrolin ko muna ang aking emosyon para hindi niya marinig ang mga hikbing nagbabadyang kumawala sa aking bibig.


"Andito pa ako.", yun lang ang nagawa kong sabihin dahil pinipigilan ko na mag-crack ang boses ko.


"Ah ok, kala ko naputol yung call. Dapat last week ko pa sasabihin sayo kaso hindi ka nagtetext."


"Ok, co-congrats tol...", hindi ko na naiwasang mautal habang pilit na inilalabas sa aking bibig ang mga salitang iyon. "Iinom natin yan mamaya, celebrate natin.", dugtong ko.


"Sige, magpapaalam ako kay Mark. May pagka-seloso kasi yon eh."


"Ok sige, text-text na lang."


"Sige, bye na.", paalam ni Matt.


Matapos ibaba ni Matt ang tawag ay naiwan akong nakatingin sa kisame ng kwarto ko. Pilit kong hinaharangan ang mga luhang kanina pa gustong pumatak. Pinaalalahanan ko na lamang ang sarili ko na magkikita pa naman kami mamaya ni Matt baka sakaling mabago ko pa ang isip niya kapag nagkausap na kami.



************************


I tried to do everything to look my best. Inubos ko ang buong hapon ko sa pagpili ng damit na susuotin, pag-aayos ng buhok, at pagsisigurong mabango ang aking amoy.


Hindi ko alam ang kalalabasan ng magiging pag-uusap namin ni Matt pero nagsusumamo ako na mabago ko sana ang isip niya.


Saktong alas nuwebe ay nasa Chowking na ako malapit sa Starlites. Itinext ko na din si Matt para ipaalam na nandoon na ako. Pumasok na din muna ako sa loob ng store at doon inantay si Matt habang umiinom ng milk tea nila.


9:38 pm


Tinext kong muli si Matt dahil may katagalan na din akong naghihintay at hindi naman normally ganito siya katagal na nala-late.


10:15 pm


Lumabas muna ako ng Chowking para magyosi at tinext muli si Matt.


11:00 pm


Pumasok muli ako ng Chowking dahil nakaramdam na ako ng pagkagutom sa paghihintay.


11:27 pm


Sinubukan ko ng tawagan si Matt pero cannot be reached ang phone niya.


11:45 pm


Naubos ko na ang isang pakete ng yosi na baon ko.


12:07 am


Tumunog ang aking cellphone at rumehistro ang pangalan ni Matt.


"Hello?", medyo malungkot kong pagsagot sa tawag. Hindi ko alam kung paano pero somehow ay ramdam kong wala ng pag-asa pang mangyari ang ninanais ko.


"Sorry hindi ako pinayagan ni Mark eh.", sagot ni Matt.


"Ok sige, salamat. Next time na lang.", pagkasabi noon ay binaba ko na ang tawag at bagsak ang balikat na nagtungo sa bar na pinagsimulan ng lahat.


---------------



Sa kabila ng dami ng tao sa bar na iyon pakiramdam ko ay mag-isa lamang ako sa mundo. Ang malakas na tugtog ng nakakaindak na kanta ay balewala sa nakabibinging katahimikan ng aking kalooban.


Muli akong tumungga sa ika-anim na bote ng beer na iniinom ko. Ramdam ko ang pamamanhid ng aking mukha dahil sa epekto ng alak tanda na lasing na ako pero ayaw ko pang tumigil sa pag-inom, ayaw kong tumigil hangga't hindi inaabot ng pamamanhid ang sakit na nasa dibdib ko.


Alam kong pinagtitinginan ako ng mga katabi ko, may ilang naglakas ng loob na lumapit kanina, ngunit wala akong kinausap ni isa man sa kanila. May mga nag-iwan ng panyo para ipampahid ko raw sa mga luhang hindi ko namalayang tumutulo na pala mula sa aking mata. If i was a little sober, i would've run away because i know how pathetic and foolish i look right now.


I tried to think things over. I met Matt a year ago. I was the usual bitch i love to be. All i was hoping then was to score a night with him, which did not happen till a few weeks back. I thought he was just like the guys i met here, all just after a night of fun and lust. Until we became friends and i started to know him. How he values love and relationship. How he can be sweet and caring. How he can put a smile on my face even after a stressful day at work. How he can be Mr. Right.


Little did i know that i was already secretly hoping that we are walking towards the road to happily ever after. But life ain't a fairytale. He may be the sought after prince charming but i am not the prince or princess he is meant to save. To him i'm just another friend he likes to take on his adventures. 


I remembered the night in that motel room when we were sleeping with Mark and Vincent. I remembered the way he yanked my hand away when i try to touch him. I can paint a picture of how he stares at Mark. I can recall how i played the role of a slut as i pleasure them that night. Most of all, i still ache the same pain i felt that night when he made me see how he doesn't want me to touch him.


Paanong nangyaring nasasaktan na ako? Tanong ko sa aking sarili. Hindi naman kasama sa plano ko ang ma-inlab sa kanya. Ang gusto ko lang magsaya. Makipagsiping sa mga lalaking magugustuhan ko. Makipagsayaw at makipaghalikan sa dance floor habang pinapagaan ng alak ang aking pakiramdam. 


Gaano katagal ko nga ba siya katagal na hinintay kanina? May tatlong oras ba akong nagmukhang tanga don? Hindi ko na matandaan. Another first yon, unang beses akong may hinintay na lalaki ng ganung katagal dahil lang sa gusto ko siyang makasama. Pwede naman akong dumiretso na sa bar at doon maghintay pero pinili kong hintayin siya bago pa man uminom. Kahit kasi matagal umaasa ako na baka sakaling maisipan niya na pumunta, baka sakaling makiayon ang tadhana at hayaan kaming magkita ngayon gabi, baka kapag pinalagpas ko kasi yung pagkakataon na to ay hindi ko na siya makausap muli. Kaya kahit para akong nauupos na kandila habang naghihintay ay tiniis ko hanggang sa tumawag siya at sabihin niyang hindi na siya makakapunta.


Nang mapagod ako sa pag-inom ay umalis na ako sa bar na iyon. Pagewang-gewang akong naglakad patungo sa terminal ng bus, para naman akong tangang iniisip ang mga umagang sabay kaming naglalakad ni Matt pauwi habang pareho kaming lasing mula sa magdamag na pag-iinom. Naalala ko pa yung pagkakataon na pinakiusapan niya akong umuwi na at wag nang bumalik pa sa bar.



---------------


Paborito kong tumingin sa labas ng bintana ng bus sa tuwing bumabyahe ako pauwe dahil nagagawa kong mag-isip sa ganoong paraan katulad ng ginagawa ko ngayon. Ang kaibahan lamang ngayon ay may mga butil ng luha sa aking pisngi habang ako ay nag-iisip. Pinapagpasalamat ko na lang na wala gaanong tao ng mga oras na iyon sa bus kaya nabawasan ang kahihiyan ko ngayong gabi.


Kasalukuyan kong iniisip kung napamahal nga ba ako kay Matt o baka naman pride ko lang ang nasasaktan kaya nagkakaganito ako. Umaasa akong pride lang na nasaktan ang dahilan pero batid kong mas malalim pa doon ang sugat na mayroon ako ngayon. Hindi ko gawaing umiyak ng ganito kalala kung dahil lang sa pride o ego. Isa pa ay kung pride o ego ko ang nasaktan dapat ay may nararamdaman akong konting inis o galit sa taong nakasakit sa akin. Pero iba ang nararamdaman ko. Lungkot, ibayong kalungkutan, at panghihinayang.


"Pwede ka sana eh..."


Tila may demonyong nagbulong noon sa aking tenga habang nag-iisip ako. Sinubukan kong dagdagan ang mga salitang iyon hanggang sa maintindihan ko ang ibig sabihin ni Matt.


Pwede ka sana eh kaso ang taba mo ang gusto ko yung gymfit katulad ko.


Pwede ka sana eh kaso ang bata mo pa ang gusto ko yung ka-age ko lang.


Pwede ka sana eh kaso ang kati mo, puro sex lang ata nasa isip mo.


Pwede ka sana eh kaso parang takot ka sa commitment.


Pwede ka sana eh kaso mukhang di mo kayang magseryoso.


Pwede ka sana eh kaso parang di mo alam kung paano magmahal.


Pwede ka sana eh kaso may nakita na akong mas gusto ko.


Napapikit na lamang ako dahil para akong sadista na lalo lang sinasaktan ang sarili. Nakuha ko pang isipin ang mga bagay na maaaring hinahap ni Matt sa isang nobyo. Gymfit na tulad niya, seryoso, faithful, mature mag-isip, higit sa lahat yung hindi putang katulad ko.


How can i be the man he loves when i introduced myself as the complete opposite of his ideal guy. Dun pa lang talo na ako. Lalo lang akong natalo nung umasa pa ako. At ngayon nasasaktan ako kasi hindi ko napigilan ang puso ko na magmahal.


Another first, first time kong tunay na ma-inlove at masaktan. 


Katulad ng sabi nila, love comes to you when you least expect it. Tama naman sila doon, wala naman akong inaasahan sa lahat ng nangyayari ngayon. I barely noticed it coming, i didn't realize i was falling and there's no one there to catch me.



***************************************



Lagi kong sinasabi sa sarili ko na magiging maingat ako sa pagpili ng unang lalaking mamahalin ko kasi gusto ko maging memorable sakin ang taong pagbibigyan ko ng puso ko. 


Mukhang nagawa ko naman iyon dahil after 2 years ay natatandaan ko pa din si Matt, yung unang lalaking minahal ko ng totoo. Hindi nga lang katulad nung love story na nasa isip ko yung nangyare sa amin.


Hindi man ganun kasaya yung ending ay madame namang magandang naidulot sa akin yung mga napagdaanan ko. Naging mature ako mag-isip. Naging mas maingat din ako sa sarili ko, natanggal ko na yung pagpunta ko sa bar linggo-linggo. Hindi na rin ako gaanong active sa casual sex, though minsan kapag hindi talaga mapigilan ay nagigising pa din ako sa piling ng mga lalaking di ko gaanong kilala. Pero madalang na talaga mangyare iyon like 7 times in a year kumpara sa dati kong gawi. Yung pitong beses na iyon ay isang buwan ko lang na rasyon ng sex. Fortunately, negative pa naman ako sa STD. LOL!


Hindi rin naman naging madali sa akin ang maka-move on. Nung unang mga buwan ay may mga instances na bigla na lang pumapasok sa isip ko si Matt at bigla na lang akong malulungkot. Nandyan yung para kang tangang titingnan pa yung facebook account nila kahit na alam mong hindi mo naman magugustuhan yung mga makikita mo. Pero hindi na ako muling umiyak buhat nung gabing iyon.


Dalawang taon ko na ding hindi nakikita o nakakausap si Matt. Hindi naman na siya nagtetext o tumatawag pa. Wala naman akong sama ng loob sa kanya, i just thought it will be better for me not to see him.


"The pain never goes away, you just learn to live it..." I think it was Magnus Bane, high warlock of Brooklyn, who said that from one of the novels i was reading but i'm not a 100% sure. Anyway, parang ganyan kasi yung estado ko ngayon may katiting pa din akong kurot na nararamdaman sa tuwing naiisip ko yung mga nangyare, nasanay na lang ako sa kurot na iyon hanggang sa hindi ko na iniinda. That's why i choose not to see Matt till now. 


Nevertheless, i know for sure that im so much better now. I even wrote a story about us, Love.Sex.Insecurity. Doon ko ibinuhos yung mga what if's ko sa nangyare sa amin ni Matt. Yung mga bagay na gusto ko sanang nangyare. Doon ko tinama yung mga maling nagawa ko noon. Doon ko rin sinulat yung mga bagay na hiniling kong sana ginawa ni Matt. Doon ko ginawang happy yung love story namin.


Haaayyyy.... 


Love is simply complicated. 
-sobrang komplikado hindi siya naintindihan ng mura kong isip noon. It's as complex as the universe can be. We are not meant to understand it but rather feel it.


Love is harsh.
-alam na alam ko yan. Being in love does not promise a thousand happy memories. It may give you a year of blissful joy then a decade of pain and misery. It asks you to give when you feel like you're left with nothing. Its absence makes you feel empty when you thought you have everything.


Loving is a risk.
-to venture something you don't fully understand just to get a chance for uncertain happiness, is taking a risk. Love dares you to bet your heart in a game where only fate knows who win or lose.


Despite the complexity, harshness, and uncertainty, i know i'll never be afraid to take the risk again cause i know it's always worth another try.






The end....

26 comments:

  1. I don't usually comment, I just read.. Pero napa comment mo ko. lol. Good Job.. Isipin mo na lang everything always happens for a reason


    mike

    ReplyDelete
  2. Ang bigat ng storyang ito..

    Jan santos

    ReplyDelete
  3. this is a great story mr author, and i'm sure that this story has a connection to your next story? may similarity si Seb kay Kyle.. :) na miss ko tuloy sina kyle, aki, and renz.. hehehe... :) can't wait for Renz's story.. Renz-Kyle kc ako kaso si aki and kyle pla nagkatuluyan.. And d ko nmlayan kanina na deretchong dumaloy na ung luha ko.. :) good job!! :) waiting for the next story..

    ReplyDelete
  4. Nasa huLi ang pagsisisi. Yan Lng ang masasabi ko.. Good Job Author! Nga pLa update nnaman po nung story nyo.. Tagal ko ng inaabangan yung ending nun ee more powers!

    ReplyDelete
  5. Ang masasabi ko lang if u love someone tell the person how u feel para di mo pagsisihan sa huli na wala kang ginawa. This is a lesson for all of us. Ok lng yan author. Minsan talaga dadaan tayo lahat sa ganyan, yung mabigo sa pag-ibig. Ang mahalaga may natutunan ka para sa susunod di mo na mapakawalan yung taong mahal mo. Good job author! Magaling ang pagkakasulat, as always. Medyo nadala lang ako. Nakakalungkot. 😊😭

    ReplyDelete
  6. Ang bigat sa pakiramdaman. Naasar ako kay matt. Dun ka na lang nga kay mark tiyak iiwanan la din nyan gaya ng pang iiwan kay vincent.hehe. seb dapat kahit paano, nagtapat ka din kay matt. Anyway, taon na ang dumaan, maayos na ang lahat. Thanks mr. Author.

    ReplyDelete
  7. ang hirap idegest ng story pagkatapos basahin...
    ang bigat :(

    grabe hugot dito mr. author, galing, nice one

    -dephilia

    ReplyDelete
  8. Now, LSI is a sublimation of this story. Defense mechanism which you put your negative emotions into writing. I always admire your skills in writing crayon/seb! A bucket full of emotions and who-knows-what stuff. Continue writing ha!

    - James

    ReplyDelete
  9. Nakakalungkot....
    Related ako sa story....
    Ganyan din nangyari sa akin
    dyan sa cubao...
    Kaya tinigilan ko na tumambay dyan...
    Nakakalungkot isipin na yung taong minahal mo at nakasama mo sa lahat ng bagay cya pa yung mananakit sa damdamin mo...

    Kian of cavite...

    ReplyDelete
  10. Grabe ang bigat... May pinaghuhugutan talaga.... Hayyyst reality bites talaga :((

    ReplyDelete
  11. Napakasarap magmahal... Sana kung pwde lang turuan ang puso ng STOP or GO lang sana walang nasasaktan. Dumarating kasi ito sa hindi natin inaasahan at pag tinamaan na tayo mahirap nang kumawala...

    ReplyDelete
  12. Grabe. Sana mahanap mo na yung taong susunod mong mamahalin. Makaka-move-on ka rin.

    ReplyDelete
  13. Ang ganda ng story, bagamat di cya happy ending! nalulungkot tuloy ako!

    Ben

    ReplyDelete
  14. May the author and all those who experience these kinds of emotions find their way towards their 'meant to be' happiness.
    And I pray when you find that person, you be mindful and do your best to make the moment a happy one and seize it.
    In this world where you may treat everything like a test and every answer results to an outcome, I pray that you visualize yourself as someone who is happy and believe me, you will.
    Thank you author for your story makes me appreciate the love I have now and will always treasure...
    Always know that you are meant for someone and the greater the fall the greater the bounce.
    Keep loving and growing.
    May you always be aware of the infinite blessings around you, God bless

    ReplyDelete
  15. Nga pala, babasahin ko ang Love Sex Insecurity, :) It looks promising, just finished chapter 1. Great way of writing, I am able to visualize the emotions the characters convey... Great writing Crayon. Masingit lang, you might be a Mike Juha fan too, dami ko na din nabasa na likha niya, isang magaling na manunulat din... tagal ko na hinahanap karugtong nung Munting lihim but can't find it... tried podium but wala sila stuck. Any ideas where to find the book? :) Thanks and God bless

    ReplyDelete
    Replies
    1. Thank you for reading my story sir and taking time to comment... As for kuya mike's book, im not sure where you can get one, i will try to ask him and ill get back to you on that.. :)

      Delete
    2. Salamat Tol, your creations really deserve reading and experiencing... Thank you for asking Kuya Mike about the book Tol, I'll wait for your reply. God bless and May you have the happy life all of us deserves

      Delete
    3. Hey! :) i asked kua mike about the book, it seems that he's not yet done writing it, so u certainly wont find the book in any store hehe but they are working on it... I think we have something here on the site where it shows all the published books of kua mike, you can check on that so you can keep tabs on that story... :))

      Delete
    4. Thank you tol :) 2:15 AM message a, aga, Salamat Tol for messaging me, I really appreciate it. Ganda ng LSI Tol just finished reading Book 2 bago ako naglunch... hehehe.

      Salamat Ulit Tol and Advanced Happy Chinese New Year

      Delete
  16. Hello guys! I just want to thank you people for appreciating my story... Hindi ko na kau iisa-isahin, hehe... Salamat din sa concern, dont worry about me though, im so much better now...


    In case you are wondering about Renz's story; i wont be able to post it until March... :( sorry...

    ReplyDelete
  17. hay nako mr. author, may mga faces na akong nabubuo sa mga characters mo ng LSI. ang naiisip ko talaga kay Aki is si Xian Lim. kay renz wala pa e. masaydo kasing lalaking lalaki dating. and kay kyle, may classmate ako na chinito na gwapo feeling ko siya yung itsura na yun. his name is paul gino javier. si kyle talaga naiisip ko sa kanya kapag nakikita ko siya sa class. cguro gwapo ka na chinito, sabi mo kasi base ito sa true story MO. heheh.

    ReplyDelete
  18. Haaaaay Mr. Author gawa ka ng FB kahit dummy lang para chat naman tayoo minsan para naman makilala kita ayieeeeeeee

    ~Reagan

    ReplyDelete
  19. antagal nmn author nung kwento ni renz. march na po. lol

    ReplyDelete
  20. nasan na yung next story mo?

    ReplyDelete
  21. Dearest Author,

    Thank you. I felt this kind of melancholy before and tried to still exist on that same melancholic world. But one day, one has to realize when to give up.

    I'm glad to know I was able to do the right thing.

    Sincerely,
    Reader

    ReplyDelete
  22. Hi author.. Lungkot ng story pero may maraming lesson ka namang na learn. Hintay lang, makikita mo din yung para sayu. Baka bukas na hahahaha.
    Wala ka paring kupas. Sarap basahin ang mga akda mo. Tsaka kaka nspire.. Ung starfish mo din, update na huh? Lol. Sorry. Demanding. Mgnda kasi haha

    -Kevin

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails