GEO
"MR. ASSUMING"
By: Bluerose
CHAPTER 7
AUTHORS NOTE: maraming thank you talaga sa lahat ng suporta.. Hehe.. Mwuah mwuah.. Sana lang guys.. Sa mga nakakabasa.. Kung gusto niyo ipost yung stories ko sana lang wag palitan yung title at lalo na yung author hehe.. Ok naman na ipost niya pero sana wag niyo angkinin hehe.. Yun lang mabait ako promise.. Pero punyemes kayo wag niyo ko galitin hahaha joke.. Yun thanks sa patuloy na suporta.,. Gusto ko kayo isa isahin pero kasi kulang ako sa time eh.. Mejo busy talaga.. So super thanks to all nalang hehe.. Mwuah mwuah..!
Kung ok lang sana comment kayo.. Sabi ko nga dont be just a silent reader we need your views, reactions for us to give you a good stories.. Sa inyo kami humuhugot so bigyan niyo kami ng mahuhugot hahahaha
Kay sir michael juha super thanks sa pagsali sa group.. The best talaga ang astig..! Hehe sali kayo sa group.. More pictures of the characters.. And kwentuhan.. Close close tayo..!
Or add me sa fb
SI GEO
" geo bahala na.. Gusto ko na rin sumaya si chris eh.. Gusto ko makita na nagmamahal sya at minamahal. Deserve niya kasi yun.. Geo nasa likod mo ko.."
"talaga blue..?"
" yeah.. Bahala na. Akong bahala kay aldred.."
" seryoso blue huh.."
" oo nga.." ngiti niya.. Agad ko naman syang niyakap. " ang higpit geo.?"
" sabi na eh.. Maiintindihan mo ko."
" bitawan mo na ko.,. Baka biglang dumating si aldred eh.. Alam mo naman na selos na selos yun sayo eh.."
" ay oo nga pala.." humiwalay lang ako sa kanya.. " blue Friday ngayon.?"
" and so.?"
" may tugtog si chris sa bar di ba..?"
"yeah.." saad niya..
" samahan mo ko..?" ngiti ko sumimangot naman sya.
" gusto mo ba magaway kami ni aldred..?"
" uhm please..? Hindi ko kasi alam kung saang bar sya tumutugtog eh.. Samahan mo na ko..?"
" ayoko.." nangalumbaba naman ako sa kama niya.
"never ko pa nakita kumanta si chris eh.. Sige na blue oh.. Maganda ba boses niya..?"
" maganda boses niya.. Ikaw nalang pumunta tuturo ko sayo kung saan.."
" nakakahiya pumunta magisa eh..?"
" sabagay.. Uhm wait I have an idea.." ngiti niya saka kinuha yung cellphone niya at nagdial.. " hello paul.." napangiwi naman ako ng marinig yung pangalan na yun.. Si paul ano kinalaman niya dito.. ?" samahan mo naman si geo oh.?.. Yeah.. Ngayon gabi.. Ok sige sige.." saad pa niya saka binaba yung cellphone.. " sasamahan ka ni paul."
" sinong paul..?"
" paul.. Member ng the antagonist..?'
" what..?!!"
" why.?"
" bakit sya.. Saka tinanong man lang ba niya kung saan niya ko sasamahan.?"
"hindi." ngiti ni blue napakamot naman ako sa ulo.
" alam mo mejo tanga yang paul na yan.. Apply kaya akong teacher niya ng makaIQ naman sya kahit konti..?"
"wala naman daw syang gagawin mamayang gabi eh.."
" eh di ba puyat kayo..? Edi matulog nalang sya..? Ang dali ng problema niya huh hindi niya ko kailangan bwisetin.. Matulog nalang sya!."
" hindi antukin yun.. I think ok lang beside kailangan din namin makita kung pano tumugtog sila chris para mapagaralan namin."
" ah ganun.. Para matalo niyo sila..?"
"parang ganun..?"
"ang sama mo blue pagkatapos mong saktan yung tao pati sa pagbabanda gagawin mo syang loser.. Ay grabe ka wala kang kunsensya..ang demonyo mo."
" demonyo agad..?"
" edi demonya.. Sus.." saad ko sinimangutan naman niya ko. "Ang sama mo blue.. Parang wala kayong pinagsamahan nung tao.."
"uhm kailangan kasi geo.. Yung school ang nakataya dito. Labas yun kung ano man yung past namin ni chris.."
" nakataya..? Sugal ganun..?"
" hindi.. Pride ng school namin to.?"
" eh sa URS ako magaaral ah..edi kalaban mo na ko..?"
" geo."
" ewan ko sayo.."
"di ba ok kayo ni paul.. Magkasama nga kayo nung nakaraan di ba.?"
"hindi kami ok.. Positive ako negative sya.. Langis sya tubig ako.. Hindi kami ok.. Hinding hindi.. ang hangin nun eh."
"why.?"
" eh may gusto sakin yun eh... At hindi ko sya gusto.." simangot ko.
"seryoso.?" kunot ang noong saad niya.
" hindi joke lang.. Si joker ako di ba..?" sarkastikong saad ko.
" seryoso nga.?"bumuntong hininga lang ako saka tumango..paulit ulit lage. " ayaw mo sa kanya.. Alam mo ba break na sila nung girlfriend niya..?"
" paki ko.. Buti nga sa kanya yun..I don't like him kahit gusto pa niya ko.."
"pero di panget si paul di ba.?"
"may sinabi ba kong panget sya..? Ang Totoo nga.. Ang gwapo niya.. Alam mo yun blue para syang babae sa kinis.. At ang puti ng balat niya at yung ilong niya.. Totoo ba yun bakit ang perfect..? Then yung lips niya na parang ang sarap halikan.. Hindi yun tao blue.. Promise..wait yung mata pa pala niya.. Gusto ko matunaw kapag tinitingnan niya ko eh at yung smile niya blue..??? Nagbubukas ang kalangitan at feeling ko lumiliwanag ang paligid!" inis na saad ko natigilan lang ako ng makita yung tingin sakin ni blue habang nakakunot ang noo. " what.?"
" hindi mo nga sya gusto..naniniwala na ko sayo.."
"huh..?"
" sure ka ba talagang si chris ang gusto mo..?"
"oo naman.. Si paul.. Hindi ko sya gusto pwera nalang kung.."
"what..?"
"no.." iling ko.. " never ko sya magugustuhan.."
" sabi mo eh.. Pero sasamahan ka ni paul mamaya huh.."
" bakit kasi sya..?"
" ayaw mo nun magbubukas ang kalangitan at liliwanag ang paligid everytime na ngingiti sya sayo.. Palabiro pa naman yun.." ngiti ni blue natawa naman ako ng payak.
" blue hindi ko sya gusto huh.."
"may sinabi ba ko..? Tingin ko naman totoo yung ilong niya.. Ang perfect di ba.? Ang tangos.."
" talaga..? Mukha namang totoo pero ang perfect talaga eh."
"at yung lips niya na sabi mo na parang ang sarap halikan..?"
"yeah.. Ang pula kasi eh.."
" yeah.." natatatawang saad niya. " wait meron pa pala yung mata niya na feeling mo matutunaw ka tuwing titingnan ka niya..?"
" kaya ayoko sya tingnan eh.. Haixt.."
"hindi mo nga sya gusto..end of the story.." bato ni blue ng unan sakin. Natigilan naman ako.. Nasabi ko ba yung mga salitang yun..? Aixt pakshet pero hindi ko talaga gusto si paul noh.. Naaaa!! Never.. Oo gwapo sya saka .. Aixt naa! Ano ba kasi.. Kainis naman.. "alam mo geo ingat ka.. Kasi once you start loving someone.. Its really hard to stop.."
"blue I dont like him..?"
" sabi ko nga hindi mo sya gusto di ba..?" ngiti niya.
" hindi nga talaga..? Eh bakit ganyan ka.?"
"alam mo naman magkaiba yung love sa like di ba.. Hindi mo nga gusto si paul. Malay mo love mo pala sya..?"
"naaa!!?" nanlalaki ang matang saad ko habang hinihimas yung braso ko.. Shet nakakakilabot... "NAa!! Blue kinilabutan ko.."
" what.?" natatawang saad niya.
" love..? Yuck..!"
" ewan ko sayo.. Labas ka na nga matutulog na ko.."
" hindi ko sya gusto.. End of eternity.. Kahit end of forever pa.. Naaa! Blue yuck.."
"oo na labas na ang defensive mo."
" defensive.. Ako..?"
"ay ako pala ang defensive.. Labas ka na nga..?"
" blue baka ikalat mo na gusto ko yun eh hindi naman eh."
"chismoso ba ko geo..? Isa lang pagsasabihan ko.. Si aldred.." ngiti niya sumimangot naman ako. " bakit..?"
" blue naa!! Noo.. Hindi ko nga gusto si paul..?"
" hindi gusto ni geo si paul... Yan ba gusto mo marinig.. Fine.. Labas na..?" simangot niya.
"blue I'm serious hindi ko talaga sya gusto..?"
" oo na nga di ba..?"
"hindi ka kasi naniniwala eh..?"
" naniniwala ako..?" ngiti niya bigla naman nagring yung cellphone niya binigyan niya lang ako ng makahulugan tingin ng makita kung sino yung tumatawag.. " oh paul.. Why..?" sinamaan ko naman sya ng tingin. " Sa Maysha Bar.. Yeah saka wala kasi syang kasama eh saka di ba plan na rin natin to kailangan meron man isa satin makapanuod kay chris.. Yeah... Uhm Si geo may gusto kay chris..??" nakangiting saad pa ni blue habang nakatingin sakin. " alam ko na yun.. Nasabi niya na sakin.. Ok basta later sunduin mo nalang sya kala aldred.. Ok.." saad niya saka binaba yung cellphone..
"sumbungero ng gagong yun.." inis na saad ko.
"alam niya.?"
"eh kasi.. Hindi ko naman sinasadya na masabi..?"
" ah ok.. Goodluck geo.. Yung lovelife mo putok na putok.. Namumukadkad.. Are you ready..?"
"para saan..?"
" to love ..to be happy.. And specially to be hurt.."
"masasaktan agad..? Wala pa nga..?"
" well maybe wala pa.. Pero dapat handa ka.... Ang love parang parang buble gum.. Dapat alam mo kapag wala ng lasa.. dapat alam mo kung kailan na to dapat iluwa.. Or isuko.."
" buble gum..? Ano konek ko dun..?" ngiwi ko natawa naman sya.
" wala.. Labas ka na nga..matutulog pa ko."
" dito ba matutulog si kuya aldred..?"
"siguro.. Walang pasok bukas eh.." ngiti niya.
" mali pala.. Hindi pala natutulog si kuya dito noh.. Gising na gising kasi kayo pag magkatabi.. Pwede naman kasi akong referee.. Bang dadamot niyo lang.."
" gago ka geo.. Labas na." simangot niya.
" referee lang eh..?"
" ewan ko sayo.. Kadiri ka..labas.."saad niya skaa nagtalukbong ng kumot napabuntong hininga lang ako saka tumayo at lumabas ng kwarto.. Si paul kasama ko nanaman mamaya.. Kainis talaga.. Pagdating ko sa bahay naabutan ko lang si kuya aldred habang may inaayos na cake sa mesa..
"ano meron kuya..?" usyoso ko sa sa ginagawa niya.
" marunong ka naman siguro magbasa noh.?" simangot niya.. Aixt sabi ko nga..
"monthsary niyo..?"
" abvious ba..? Ang ganda noh."
" kuya dapat ang icelebrate niyo nalang lage monthsary..wag na kayo magaaniversary ni blue.."
" why..?"
"eh kasi di ba ang panget lagi ng anniversary niyo.. Monthsary nalang ok.."
" ewan ko sayo.."
"aalis ako mamaya kuya.."
" saan ka pupunta..?"
" somewhere.."
"somewhere..?"
"down the road kuya.." ngiti ko..
" lumayo ka nga sakin baka mangudngod kita dito sa cake ko eh.."
" kuya anong naramdaman mo nung nainlove ka kay blue.?" seryosong tanong ko saka umupo sa upuan sa tapat ng mesa.. Kita ko naman na natigilan sya saka ngumiti.." why kuya.? Nakakabwiset yung ngiti mo..?"
" naramdaman ko..? Natakot.. But eventually yung takot na yun napalitan ng saya.. Ganun naman talaga sa love geo.. Hindi lahat madali.. Pero kung magiging matapang ka you'll be happy..courage para ilaban yung pagmamahal mo at lumaban para sa mahal mo... Yun lang yun."
" tingin mo kuya matapang ako..?"
" fuck you ka.. Kung hindi ka matapang sana wala kang lakas ng loob agawan ako ng girlfriend before...?"
" sabagay..?"
"kuya aldred pano kung yung mamahalin ko ayaw mo.?"
" inlove ka ba.. Kay paul..?"
"sapakan nalang kaya tayo.. Gago ka kuya hindi noh.."
" ok lang sakin si paul.. Nakwento sakin ni mommy yung pagamin mo sa kanya.." natatawang saad nito. " kaya kung kay paul. Ok lang sakin mabait naman yun.."
" si tita talaga nakakainis.."
"ok lang yan bro.. Naiintindihan naman kita eh.. Kung gusto mo magmahal at mahalin.. Trust ang importante.. Magtiwala ka na yung relationship na bubuuin mo.. Maglalast forever.. Trust paul...mabait sya."
" yun mabait..? Eh basagulero daw yun ah.?"
" sabi nga nila. Pero ang alam ko nagbago na yun..people change and its always a choice.."
" aixt bakit ba kasi si paul.. Hindi ko nga yun gusto.? Halimaw yun.. Tapos ako gwapo kuya cannot be kami.."
" eh di ba sabi mo gusto ka nun.. Why not give him a chance.?"
" ayoko kuya may mahal na ko noh.." simangot ko saka tumayo..
" hui sino mahal mo.?"
" mahal ko..? I so love myself kuya..!" natatawang saad ko...
" layo.. Saan ka nga pupunta mamaya.?"
"haixt somewhere down the road nga kuya.." saad ko.
" saan naman yun..?" sarkastikong saad niya.
" gusto mo malaman kuya.?"
" yeah.. Saan nga sabi eh."
" gawin mo muna akong referee niyo ni blue sa kama.?" ngiti ko sumimangot naman sya.." jokie!!" saad ko saka tumakbo papunta sa kwarto ko.. Love.. Love love.. Mararanasan din kita.. At sisiguraduhin ko kay chris yun at hindi kay paul.!
SI PAUL
" so may lakad ka mamaya..?" lingon ni sarah sakin pagbaba ko ng cellphone.. Nasa kotse kami nun papunta sa airport.. ngayon yung flight niya papuntang hongkong para sundan yung ex niya.. Ang tanga ko noh.. Dadalhin ko yung ex ko sa isa pa niyang ex.. Ang gulo aixt..
" yeah.." ngiti ko.
" date.?"
" bakit kung date ba yun magseselos ka.?" biro ko sa kanya natawa naman sya.
" Paul si dennis lang ang mahal ko kaya kung date yan.. I'll be happy for you..?" saad niya napabuntong hininga naman ako.
" nope.. Hindi yun date.. Sasamahan ko lang yung pinsan ni aldred.."
" pinsan..?"
"yeah.. Beside lalake yun.."
"oh really so you're into guy na..?"
"No i'm not.. Nababaliw ka na ba..? Well sabagay baliw ka naman pala talaga.."
" gwapo ba yung pinsan ni aldred..?"
"yeah.. Why.?"
" physical atraction.. Wala ka bang naramdaman..?"
" sarah.. Straight ako.."
" eh alam ko kasi paul.. Bukod sa mga kabanda mo, kay blue and aldred.. Ako lang yung sinasamahan mo.. So sino para sayo yung pinsan ni aldred.?"
"nakiusap lang sakin si blue..?"
" kilala kita.. Kahit may maglupasay pa sa harap mo.. Hindi ka sasama kung kani kanino..?"
" sarah. Ano ba iniisip mo.. Na si geo gusto ko..?" simangot ko nagkibit naman syang balikat. " absurd.. Hindi mangyayareng magugustuhan ko yung assuming na yun... Malabo yun and im not gay."
" eh bakit mo sya sasamahan..?"
"look.. Kailangan namin pagaralan yung pagtugtog ng kabilang grupo so yun yung reason.."
"pero nung unang tawag ni blue.. Nagyes ka agad.. Ni hindi mo nga tinanong kung saan kayo pupunnta eh..? napangiti ka pa kanina..?"
"uhm.." iwas ko ng tingin bakit nga ba hindi man lang ako tumanggi muna..? Aixt ang nasa isip ko lang kanina maasar ko nanaman yung assuming na yun.. Yun lang talaga aixt.
" sarah mali ka ng iniisip.."
" whatever paul.. Basta sana pagbalik ko may lovelife ka na.." napakamot naman ako sa ulo.
" hindi ko gusto si geo.."
" alam mo ba na ang pagibig na tinatago..nagiging tigyawat..?"
"sarah..?"
" oo na nga.. Wish me luck paul.. Kinakabahan ako eh.. Hindi ko alam magiging reactions ni dennis kapag nakita ako.. Kung mahal pa ba niya ko."
" mahal ka pa nun.."
"pano kung mamamatay na sya..?"
"hey don't say that.. "
"alam mo kung mamatay sya.. Sasama ako sa kanya.."
" sarah baliw ka talaga....?"
" kung mawawala lang din sya paul.. Mas mabuting mawala na din ako.. Kahit ano mangyayare hindi ako papayag na iwanan niya ko.."
" sarah baliw ka talaga eh noh.?"
"baliw na kung baliw.." ngiti niya.
" aixt.."
" don't worry paul.. Hindi kita dadalawin..alam ko naman na takot ka sa multo eh.."
"buti alam mo.." simangot ko ilang sandali kaming walang imikan hanggang makarating yung kotse sa tapat ng airport.. Ng lingunin ko si sarah nakatanaw lang sya sa labas ng kotse.. " sarah we're here.."
"paul.. Sana makita pa uli kita.."
" magkikita pa tayo.."
" sana nga.." ngiti niya sakin.. Humugot lang ako ng buntong hininga saka tinggal yung seatbelt ko at bumaba ng kotse para ibaba yung maleta niya.. Nakita ko naman na bumaba sya.. Ilang sandali ko syang pinagmasdan habang hinahangin yung mahaba niyang buhok. Minahal ko talaga sya dati.. Minahal.
" bye sarah.." untag ko sa kanya.
" bye paul.. Pangako mo sakin yung lovelife mo huh.. Gusto ko makita kita na magmahal at mahalin.. Gusto ko makita yung smile mo.. Gusto ko makita na masaya ka paul.." saad niya kasabay ng pagpatak ng luha sa mata niya. " paul gusto ko makita lahat yun." napangiti lang ako.
" makikita mo kong masaya sarah. Kung babalik ka..kayo ni dennis..kahit maging bestman pa ko sa kasal niyo eh."
" kasal..? Sana ikasal kami.." naluluhang saad niya pinunasan ko naman yung mga luhang tumulo sa pisngi niya.
" ikakasal kayo don't worry..sige na.. Malelate ka na."
" bye paul." yakap niya sakin pilit ko naman pinipigilan yung luha ko.. "paul.. Mamimiss kita."
"goodluck sa inyo.." saad ko humiwalay lang sya sakin saka ako hinalikan sa pisngi.. Ngumiti lang sya saka hinila yung maleta niya..
"see you again paul.." lingon niya..I smile.. she'll be happy I know.. Nagwave lang ako ng kamay sa kanya..hanggang makita ko sya na pumasok sa main entrance ng airport.. Ilang sandali pa kong nakatayo dun.. Hanggang isang buntong hininga yung pinakawalan ko.. Pagkagaling ko sa airport ay dumeretso na ko sa school para tumambay lang sa music room.. Naabutan ko lang dun si jonas ang vocalist ng banda kasama si joseph ang lead guitar namin.
" wheres ethan..?" bungad ko sa kanila.
" may tugtog ata sa lamay.." ngiti ni jonas..
" ah i see.."
" ang japorms mo ngayon ah san ka galing.. Or saan ka pupunta.?" tanong ni jonas.. Tiningnan ko naman yung damit ko.
" hinatid ko lang si sarah sa airport.."
"hinahanap ka ni ethan eh.. Kung pwede ka daw magdrums dun sa lamay Kailangan ata nila..?" natatawang saad ni joseph..
" sana tinanong mo din joseph kung kailangan din nila ng lead guitar.. Para mapagluksa mo naman yung puso mo.." natatawang saad ko.
"gago.. San ka ba galing.?"
"hinatid nga si sarah.."
" sa huling hantungan.?"
"sapak gusto mo joseph..? Hinatid ko sa airport.. Papuntang hongkong.." saad ko saka kinuha yung stick ko at lumapit sa drums.
"hongkong..?"
" wow hongkong din..?" saad ni jonas.
" ay oo nga pala andun si franz noh.." ngiti ko.
"yeah.. Nevermind..wala na kong paki sa bulag na yun..pupunta ka daw sa Masya Bar mamaya sabi ni blue.?"
" yeah.. Sama kayo..?"
" ayoko.. Nangako ako ng dinner kay nicko ngayon eh.."
" dinner date..wow sweet.. Eh ikaw joseph.. How about dinner date with erika.?"
" haha nakakatawa.." sarkastikong saad ni joseph. " eh balita ko may kadate ka daw Mamaya ah.."
" date mo mukha mo.!" simangot ko saka pinalo yung drums.. Rinig ko lang yung mahina nilang tawa.
" eh sino kasama mo mamaya.?" nangaasar na saad ni joseph..
" oo nga sino naman ang mahiwagang taong kasama mo mamaya.. Bago yun huh.. May iba ka ng sinasamahan bukod samin.?" ngiti din ni jonas muli ko naman pinalo yung drums..
" tigilan niyo ko.. Pupunta ako dun para pagaralan yung banda nila chris."
"pero may kasama ka..?"
" joseph.. Gusto mo ba mabasag yung mukha mo..?" simangot ko.
" sapakan.. Game..?"
" really.. Sure ka baka pag nabasag yung mukha mo hindi ka na magustuhan ni franz at ng mga fans mo na patay na patay sayo...?"
" fuck you ka.!" inis na saad ni joseph natawa naman ako.
" tigilan niyo kasi ako..!"
" edi tigilan..!"
" good.. Takot ka pala eh.." simangot ko.
" pag nainlove ka.. Saka ko babasagin yang mukha mo.." simangot ni joseph natawa naman ako.
" love..? Para lang yun sa mga tanga.. At hindi ako tanga.."
"bitter..?" lingon sakin ni jonas..
" hindi noh...people say we cannot live without love..I think oxygen is more important.." seryosong saad ko. " joseph note mo sa utak mo yun.!"
" mukha mo!"
SI GEO
" blue wala pa sya dito.?" inis na saad ko habang kasuap sa cellphone si blue.
"anong oras na ba..?"
"8pm na kaya..?"
" geo 10pm pa yung first set nila chris.. Ang aga pa..?"
" alam na alam mo huh . Tumatambay ka siguro dun noh.?"
" weeh.. Maaga pa nga kalma ka lang.."
" pero..?"
" antayin mo nalang tatawagan ko.. Si aldred hindi ba sya pupunta ngayon dito..?"
" si kuya..? Tulog na pagod daw sya.." pagsisinungaling ko..
"ganun..?"
"sige na blue..tawagan mo huh.."
" yeah sure.." nakasimangot ko lang na binalik yung cellphone ko sa bulsa.. Kainis..
" si blue ba yung kausap mo..?" bungad sakin ni kuya aldred paglabas niya ng kwarto..
" nope .. Si satan.."
"mukha mo..! Si blue nga yun..?" Nakasimangot naman akong tumango. " ang ganda ng suot mo.. may date ka ba.?"
" wala.."
" bakit ka nakasimangot..?"
" wala nga kuya.. Or kung gusto mo pasok ka sa utak ko then ask my brain cells bakit ako nakasimangot.."
"ewan.. Sinabi mo ba kay blue na tulog na ko..?"
" oo na.. Ang corny mo kuya.. Layuan mo ko.."
"pag nainlove ka magiging mais ka din tandaan mo yan geo.."
" hindi ako kumakain ng mais kuya.." simangot ko.
" wehh.."
"oo nga.. Penge akong cake.?"
" sayong monthsary.? Bumili ka ng sayo.."
" damot..!" inis na saad ko saka lumabas ng bahay.. Humalukipkip lang ako dun habang inaantay si paul dumating.. Yung idea palang na kasama ko si paul ngayon nababadtrip na ko.. Bwiset naman kasi for sure pumayag lang yun na samahan ako para lang mangasar.
" una na ko geo.." saad ni kuya aldred saka tumuloy sa gate.
" madapa ka sana kuya..!" asar ko.
" madapa ka rin sana mamaya. Gago.." natatawang saad niya saka lumabas ng gate..napabuntong hininga naman ako.. Ilang minuto na kong nanduon ng makita ko yung kotse ni paul na pumarada sa harap ng gate.. Finally.. Nilock ko lang yung pinto saka walang ganang tumuloy sa gate.. Aktong bubuksan ko na yung gate ng matigilan ako ng makitang bumaba ng kotse si paul.. Shet! Ilang segundo ko pa syang tinitigan.. Damn it.. Hindi talaga tao tong bwiset na to eh.
" ano tutulala ka lang ba sakin jan..?" simangot niya.. Natauhan lang ako saka umiling.. Aixt bakit ba ko natutulala..
" bakit ba ang tagal mo..?!"
" kanina ka pa ba nagaantay..?"
" kahapon pa..?"
" wow excited ka makita ako noh..?"
"paul .. Di kita gusto pwede ba..?"
"wow may sinabi ba kong gusto mo ko..?" ngiti niyA.
" wala.. Aixxtt.. Aasarin mo lang ba talaga ko huh.?"
" gusto ko lang linawin huh.. Hindi to date..?"
" kung hindi to date bakit bihis na bihis ka.. Paul you really like me..?"
" pano kung gusto kita.." ngiti niya.. Natigilan naman ako saka tinitigan yung mukha niya..ano daw.. " ASA..!" simangot niya saka sumakay sa kotse.. Sinipa ko naman yung gulong ng kotse niya. " hoy bakit mo sinipa..?" sigaw niya.
"hindi ko sinipa.. Uhmm nagkamot lang ako paa.."
" abnormal! Tara na."
" hindi ako abnormal!" inis na saad ko pagpasok ng kotse niya.
" edi baliw..?"
"gaya mo pa ko sa girlfriend mo hindi ako baliw noh."
" panget!" lingon niya natawa naman ako.
"sigura ka.. Panget ako.. Gusto mo ba mamatay na..?"
" panget ka naman talaga ah..?"
"sino nagsabi..?"
" ako.. Bobo.."
" hindi ako panget! Paul.. Kung may gusto ka sakin.. Sabihin mo na.. Para mabustred na kita!!"
" wala akong gusto sayo noh.." ngumiti lang ako saka nilapit yung mukha ko sa kanya.
"kahit titigan kita ng malapitan..?" hamon ko sa kanya.. Lumingon naman sya saka tinitigan din ako.. Napalunok naman ako.. putek ang gwapo talaga..
" kung sino ang unang umiwas ng tingin.. Sya ang may gusto.." sarkastikong ngiti niya.. Aixt lunok.. " ano lalaban ka..?" saad pa niya saka nilapit pa yung mukha niya para naman akong naestatwa halos magdikit na yung mukha namin.. Aixxt agad ko lang syang tinulak.
"fuck you gusto mo lang ako titigan eh."
"so sino ngayon ang may gusto satin dalawa huh.."
" ang baho ng hininga mo..!"
" gusto mo lang ako makiss.. Hindi mo matitikman laway ko.. Wag kang umasa."
"yuck! Baboy..bakit ko titikman laway mo...?"
" malay ko sayo.. At isa pa mabango hininga ko noh.." ngiti niya.. " amuyin mo pa.." saad niya aktong bubuga sya sa mukha ko ng takpan ko ng kamay ko yung mukha niya.. Agad naman niyang tinaggal yung kamay ko. " ang baho ng kamay mo."
" anong amoy..?"
" amoy.. Zonroz..nagano ka pa noh.. Wag mo kasi ako masyadong isipin para hindi ka nalilibugan." napanganga lang ako sa sinabi niya.." ano lalaban ka pa.?" sarkastikong ngiti niya.
" tara na nga pwede ba.?"
" talo ka lang eh.."
" nakikipaglaban ba ko sayo..?"
" uhmm hindi.." ngiti niya.. Wait bumubukas nanaman ang kalangitan. Shet talaga oh. " so may gusto ka talaga kay chris..?"
" ano ba paki mo..?"
" wala lang..? Sayang ka kasi.. Ang gwapo mo para maging bakla.?"
" mind your own life kung nagagwapuhan ka sakin at gusto mo magapply na boyfriend ko.. Sorry busted ka na.."
" baka nga ikaw pa may gusto sakin eh.."
" ikaw may gusto sakin.. Wag mo nga baliktarin paul.. I don't like you.."
" may sinabi kasi sakin si blue kanina.."
"ano..?"
"uhm secret.." ngiti niya..
" tigilan mo nga kakangiti mo..?"
" sabi kasi ni blue ayaw mo daw ng nakangiti ako eh..?"
" sinabi ni blue yun.?"
" at ayaw mo daw ng tinitigan kita.." saad niyang nakangiti habang nakatitig sa mata ko umiwas naman ako ng tingin.. Isa pang badtrip yun si blue ah.. Sinabi pa talaga sa kanya.. Kainis naman..
" hindi totoo yun.."
" may I know why..? Bakit ayaw mo ng nakangiti ako..?"
" uhm aixt paul.. Tara na pwede.. Gusto ko na makita si chris..!"
" maaga pa.. Tititigan muna kita.."
" ang lakas mo mangasar grabe.."
" may gusto ka ba sakin geo..?"
" huh..? Baliw ka na ba..?"
" uhm oo o hindi lang naman ang sagot sa tanong ko..?" humugot lag ako ng malalim na hininga saka lumingon sa kanya kita ko lang yung ngiti na nakakabwiset sa mukha niya.. Aixt badtrip naman oh. " oo o hindi.." saad pa niya.
"hindi.. Hindi kita gusto.. Si chris sya lang ang gusto ko.."
" ok.. Mabuti na yung malinaw.. Baka kasi isipin mo na may gusto ako sayo eh.."
" may gusto ka naman talaga sakin..?"
" ang kapal..!"
" sus.. Kunware ka pa..paul kita sa mga tingin mo na gusto mo ko wag ka ng magdeny.."
" saan mo naman napulot yan.?"
" sa mga tingin mo.?" seryosong saad ko natawa naman sya. " si chris mahal ko sya kaya wag ka ng umasa... Porket break na kayo ng girlfriend mo lalandiin mo na ko.. Layuan mo ko paul hindi kita type." lalo lang syang natawa sa sinabi ko.
" hoy hindi kita nilalandi.."
" ano tawag mo sa ginagawa mo..?"
" nangaasar.. Laki ng difference nun huh.."
" nakakaasar ka..? Yan ba gusto mo sabihin ko.. Fine.. Naasar ako.. Ngayon gusto ko na pumunta kay chris.. Pwede ba dalhin mo na ko sa kanya..?"
" haixt sabi ko nga.." ngiti niya umiwas naman ako ng tingin.. Badtrip na ngiti yan oh.. Pagdating namin sa bar na tinutugtugan ni chris nilibot ko lang yung tingin ko sa lugar.. Ang ganda.. Mukha ngang sosyal. " wait.." pigil sakin ni paul ng aktong bababa ako ng kotse,
" why..?" simangot ko.
" navaccine ka na ba..?"
" huh.?" kunot ang noong saad ko.
" bawal kasi hayop jan baka mangagat ka eh..?" asar niya nilapit ko naman yung mukha ko sa mukha niya saka sya gigil na tiningnan.." what..?" hamon niya na hindi iniwas yung mukha niya.. Shet.. " gusto mo ng kiss..?"
" fuck you..!" saad ko pero nagulat ako ng biglang maglapat yung labi naming dalawa ilang sandali akong parang naging estatwa.. Putekkkk..waaahh Ano to.. Agad lang akong humiwalay sa kanya saka sya nagtatakang tinitigan pero isang ngiti lang yung binigay niya.
"masarap ba..?" tanong niyang may matamis na ngiti sa labi.
" aaiiixx shit!!!" gigil na saad ko saka bumaba ng kotse niya.. Tambling!! Napapakit lang ako.. Damn it! First kiss.. Sa lalake..? Si paul.. How come para kay chris dapat yun ah! Gigil lang akong naglakad papunta sa entrace do or die.. Dapat makiss ko si chris ngayon.. Naa! Hindi ako papayag.. Hindi!! Malapit na ko sa pinakaentrace ng makita ko si chris na palabas.. Tumigil naman ako sa paghakbang.. Ikiss ko na ba sya.. Magisa lang naman sya eh.. Aixt.. Ngayon na ba.. ? Galaw geo..ano ba.,
"geo..?" tawag ni chris sakin..
"uhm eh ah chris.." tarantang saad ko.
"manunuod ka..?" ngiti niya nakagat ko naman yung labi ko saka tinitigan yung lips niya.. Aixtt Im sorry.. Pero aaahhh
ITUTULOY