Followers

Tuesday, July 23, 2013

Wrong Belief (Chapter 3)

Hi po sorry po kung nalate pag post ng chapter 3 nagloko po kasi internet namin kagabi kaya ayun d ko napost pero eto na po enjoy!!

By: Mark Magat

----------------------------

Chapter 3


Paul's POV

Maiyak iyak akong nasa sasakyan ngayon papuntang hospital na kung saan andun si tyron, tinawagan ko na din parents ni tyron upang ipaalam ang mga nangyari.

Nang dumating kmi ni coach sa hospital ay nasa ER na sya at kasalukuyang tinitignan na sya ng doctor, habang sa pag hihintay namin ay di ko talaga maiwasan sisihin ang sarili sa mga nangyari, msyado akong naging mababaw, kung bkt d ako nakinig sa mga paliwanag nya,wala ako magawa ngauun kung di umiyak

Nakalipas ang ilang oras ay dumating na mommy at daddy ni tyron halata sa mga mata nito ang pagaalala..

Tita angel(mama ni tyron): paul anong nangyare?!asan ang anak ko?okay na ba sya?!halatang nagpapanic na si tita sa pagkakasabe nito..

Tito Welcy(daddy ni tyron): Honey malakas anak natin di yan basta basta tutumba..pagpapakalma ni tito kay tita.

Akmang magsasalita ako ng bigla sumingit samin si coach..

Coach: Pare!....Mare!

Tito Welcy: Pre!andito ka pla...ano ba nangyari sa inaanak mo bat na hospital?mejo kalma na sinabi ni tito sa coach namin...

Pero wait....inaanak??sinantabi ko muna mga tanong ko sa coach kodahil mas importante si tyron.

Coach: kasalanan ko pre pasensya na...pinilit ko maglaro si tyron ng basketball...pasensya pre...maiyak iyak na sinabi ni coach kila tita..

Tita Angel: alam ko di kasinisisi ng anak namin sa nangyari, wala syang sinisisi pare, alam mo kung gaano kabait si tyron kaya pagdasal nalng natin kalagayan nya..mejo kalma na na sinabi ji tita kay coach..

Kasulukuyang naguusap sila tita ay bigla lumabas na ang doctor...

Doc: kayo po ba magulang ni tyron sebastian?

Tita: opo kami po doc... Ah doc kumusta po anak namin?mejo kabado na sabi ni tita.

Doc: no need to worry misis, kanina ay mataas ang lagnat neto pero naagapan naman na, buti nlng at agad agad pinunta dito ang anak nyo kung di ay bka anu pa ang mangyari sakanya kasi nga may lagnat ang bata at halatang pagod na pagod..pero he is okay naman na po. lilipat na po namin sya sa isang room...osige po mr.&mrs. Sebastian una na po ako...

Tito: thank you po doc..ang masayang pagpapasalamat ni tito.

Nakahinga naman kami ng maluwag dahil buti nlng naagapan at ligtas na si tyron, nang marating namin ang room ni tyron ay nakita namin na wala parin itong malay, kaya kinuha ko tong oras na to para magtanong kila tita at coach.

Ako: ah..ehhh..coach inaanak nyo po si tyron?pano nyo po nalaman na magaling maglaro si tyron?sunod sunod kong tanong kay coach..

Nagkatinginan naman sila tita at coach at tinanguan nlng nila tita si coach..

Tito: "tutal ikaw ang pinakamalapit na kaibigan ni tyron siguro kailangan mo tong malaman"..pagninimula ni tito..

Ako: ano po kailangan kong malaman sakanya??

Uminom muna si tito ng tubig bgo ito magsalita..

Tito: bata plng si tyron ay nakikitaan namin siya ng potensyal sa ibat ibang sport....kahit ano palaro mo sakanya ay nagagawa nya to ng maayos...hindi lng maayos..kahanga hanga nya to nagagawa..mapa volleyball,tennis o basketball yan name it kaya nya yan. Kaya kumuha kmi ng trainors of each sport, isa na nga dun si ninong nya at coach nyo din. Nagbago ang lahat ng iniwan sya ng kababata nya, tumtong ito ng high school.. Hindi na ito sumasali kahit anong sports,...kapagtinatanong naman namin bat ayaw nya sumali lagi nyang sinasabi ay nahihiya lng daw sya. Di naman namin ito pinilit dahil patuloy padin naman sya nag trtraining..mahabang salaysay ni tito..

Namangha naman ako kay tyron dahil sa kagalingan nya.Patunay na nga dun ang basketball ni wala samin makakita kung pano nya ginagawa ang mga yon...pero bkt kaya sya tumigil?bakit kaya tinatago nya ang kagalingan nya sa paglalaro?yan ang mga katanungan sa isip ko sa oras na yon.

Ako: pero bakit po wala syang binabangit sakin na nagtrtraining sya?halatang iteresado ako malaman...

Natakot na sya...mahinang sabi ni tita angel...

Honey!!maypagkalakas na sabi ni tito na ikinagulat ni tita angel....

Takot?bkt sya takot?anu ba nangyari sa nakaraan nya?gulong gulo na ako ang dami ko pa palang hindi alam kay tyron..

Mayamaya pa ay nagpaalam na si coach samin at uuwi na daw, ako nmn ay nagpaiwan dahil gusto ko talaga batayan si tyron.

Habang kasalukuyan kumakain nila tito....

Tita ok lng po ba if kwentuhan nyo dun sa kababata nya?halata talagang interesado sakanya noh?haha!

Nagkatinginan naman si tita at tito...bumwelo muna si tita bago msgsalita...

Meron kasi  dati kasama si tyron dati pangalan nya ay Tecson hindi mo na nga yan mapaghihiwalay eh gaya ni Tyron isa rin din yan talented sa sports si tecson, lagi kasama nya tuwing training nya parehas mga trainors nila, pero niminsan hindi natalo ni Tyron si Tecson kahit san na laro kaya todo training tlga si Tyron pero kahit anung gawin nya hindi nya matalo tlga si tecson...pero isang araw habang naglalaro sila ay natalo ni tyron si tecson pero sa pagkatalo na yun ni tecson ay bihira nlng sya sumama kay tyron, tapos isang araw may nagsabi nlng samin na umalis na daw sila tecson sa tinitirhan nila, di mo maipinta ang mukha ni tyron noong nalaman nya...pero isang araw paguwi ni tyron sa bahay galing training, duguan ito, madaming galos agad agad nmn namin nagamot yon,naki naman namin na napilay din ang kanang kamay nya.. Tinanong namin kung ano nangyari , sabi nya ay nabangga daw sya ng sasakyan at di sya tinulungan. Mejo tumagal bago nakarecover sa mga sugat nya pati narin sa kanyang kababata si tyron, pero simula nun, hindi na sya sumasali sa mga sports event.

Wala naman ako masabi sa narinig ko, parang di ko pa maabsorb ang lahat, pero atleast nasagot na ang mga iba kong katanungan, pero tyron bkt ka natatakot? Saan?kanino? yan ang isang katanungan na gusto kong malaman.

Pagkatapos namin kumain ay hinitay pa namin si tyron magising pero wala parin, nakatulog na sila tita at tito, hangang ako ay nakatulog nadin hawak hawak ang kanyang kamay.

-----------------------------
Tyron's POV

Maskit...ni kamay ko ay di ko magalaw....sobra akong nanghihina, kaya minulat ko nlng ang aking mga mata, ng maka adjust na ang mga mata ko ay nakita kong natutulog sila mom and dad pero mas kinagulat ko ay andun sa may gilid ko si paul habang hawak hawak ang kamay ko..ang cute nya kapag natutulog grabe!naglalaway!haha!..yun nlng natandaan ko hangang lamunin na uli ako ng kadiliman.

Nang magising ako ay mejo ayos na pakiramdam ko pero nakita kong wala na sila mom and dad kaya ang naabutan kong andun ay si paul, pero grabe ah di pa din nya tinatangal ang kanyang kamay..nu meron? yan tuloy kinilig ako.

"Ahh..ku..kumusta na bes?"ma utal utal nitong sabi sakin.

Imbis na sagutin ko ang tanong nya ay bigla akong nakaramdam ng pagkauhaw.

Tu...tubig...sabi ko dito, At agad agad naman itong kumuha at pinainom sakin..

Ku..kumusta na bes?pag uulit ng tanong neto...

Ayos nmn! Ako pa?! Si naruto ako no!magiging hokage pako!haha!pagpapatawa ko dito.

Hokage pla ah!sabay kiliti nito sakin...

Hahaha!!!.....paullll!!!!...hahaha!!!!!tama na paulll!!!hahaha!pero laking gulat ko nlng ng bigla itong tumahimik..

Sorry.. sabi neto ng mahina pero tamang tama lng para marinig ko..nakita ko nlng syang umiiyak at biglang yumakap sakin..

"sorry....sorry bes di ko sinasadya....so...sorry di ko tlga sinasadya...so..sorry kasi di ako nakinig sa paliwanag mo..sorry...sorry nadala ako sa galit ko..sorry tyron..hagul gul na parang bata na sabi sakin.

Shhhhhh....tama na...pagpapakalma ko dito.....akong may gusto non kaya wag mo sisihin sarili mo...dahil ako wala akong sinisisi sa nangyari..

Tumigil naman ito sa kakahagulgol nya at sabay sabing...salamat bes!!!nang mahimasmasan sya ay nagsalita na si loko.... 

Paul: ou nga pla galing mo pla magbasketball di mo man sinabi!tamputapuhan na sinabi neto.

Sa pagkasabi ni paul nun ay gusto ko mawala ng parang bula nun dahil ayoko ko talaga pinaguusapan ang mga yon, kaya sinakyan ko nlng sya..

"Ako pa!"sorry po nahihiya kasi ako ehh.. Sabi ko dito at ngiting pa cute.

Di nagtagal ay nakaalis nadin sa hospital pero grabe ah yung mga araw na yun hindi pumasok si paul talagang binantayan lng talaga ako.

Hangang sa nakauwi ng kami ng bahay, naging normal ulit ang lahat..

Summer 2012 niyaya ako ni paul mag sports training...hindi naman ako makatangi sa loko dahil buong month ng feb at march ay kinukulit ako neto...

Mejo naiinis ako kasi ayaw ko talaga sumasali sa mga ganito..

Cute talaga ng Baby ko. Sabi ko naman, Baby ka jan.?

Oo, Baby naman talaga kita eh, Baby brother, ang sabi ni Paul, di ko alam pero na lungkot ako ng sobra dahil ganun baby Brother lang.? Gusto kong sumigaw!

Bakit Baby brother lang, kala ko sweet pa naman ang tawagan namin. Baby...kinimkim ko na lang ang nararamdaman kong sama ng looob dahil gusto ko magenjoy si Paul sa Training..

Nagenjoy naman ang loko kakabasketball..ako?nanunuod lng sinabi ko nlng masama pakiramdam ko. Walang sawa kakalaro si paul, hangang sa mapagod at nagyaya na kumain,  Habang papunta kami sa room na sinabi ng mga coach, may nasalubong kming 3 babae at obvious na nagpapacute kay Paul, eto namang
Mokong na ito, tuwang tuwa sa paghangang binibigay ng mga babaeng un, infairness magaganda ang babae at makapal din ang mukha dahil hindi na nahiyang lumapit kay Paul at sinabing, Pede makipagkilala?, sabay ngiti at pacute!!!!sa isip isip ko.. Lalandi nyo!.. Eto nman c gago ngpakilala.. at nakipagkamay pa!

Medyo dumistansya ako ng konti at nakita ko na sumisenyas si Paul, pero di ko matukoy kung anu ang sinasabi nya.. Sa pagkairita ko at siguro dahil sa Selos na rin.. Iniwan ko ang Mokong na yun at diresto tinungo ko ang room namin.. Mga ilang minuto sumunod na rin sya, kinuha ang pinggan ko at dinagdagan ng 3 klaseng ulam at maraming kanin, na para bang wala ng bukas para kumain. Sabi ko, “bakit mo nilagyan ng sangkatutak na pagkain yang pinggan ko”, sabi
nya, “eh gutom ako eh”, nakakapagod pala maglaro.. Sabi ko naman, “eh bakit di ka kumuha ng sarili mong pingang, kumakain ang tao inistorbo mo!”

Napatingin sa akin si paul at sinabing ng pabulong, “galit ba ang mahal kong Baby sa akin.?”

Tinaasan ko lang sya ng kilay at kumain na rin.. Kwento sya ng kwento about sa babae na nakilala nya. Ang ganda daw talaga, binigyan pa ng landline number ng Bruhang yun si paul. Ito naman si Mokong kala mo manhid, di na nga ako nakikinig kunwari tuloy parin ang kwento. Maya maya di ko napansin na tumutulo na pala ang luha ko..

Hindi naman yon napansin ni paul kaya kunwari napuwing ako..

Kumain ako ng mangang hilaw na sobrang maasim at may bagoong pa na maanghang na manamis namiss, kasi yun ang favorite ko.. Aalukin ko sana si paul pero di ko sya natagpuan sa pwesto namin, tinanong ko ang mga kasama namin kung nakita nila si paul sabi nila baka nandun sa court at naglalaro nanaman.. sa isip isip ko, excited talaga ang loko sa Court na yun... dali dali kong inubos ang mangang hilaw na maasim na maasim at sinimot ang bagoong na maanghang na manamis namis.. Tumungo ako sa court at hinahanap ko si paull, una di ko Makita. Patuloy ako ng paghahanap, hangang sa makarating ako sa isang court na konti lang ang tao dahil nasa tagong lugar ito, nagbakasali akong nandun si paul pero alam kong mposible na pumunta sya dun dahil ayaw nya dun dahil boring daw sabi nya nung nilibot ko sya sa court. Pero check ko parin.. iilan nga lng ang tao less than 10 person siguro, unang tingin ko di ko sya nakita, pero nung nilibot ko ang mata ko naghina ako sa nakita ko, nandun sya sa pinakasulok ng court at kasama ang babaeng nagpakilala sa kanya, wari mo tinutulungan maglaro ang malditang babae na yun!

Sa isip isip ko ang taeng mga un may ganun moves pang nalalaman, di pala marunong maglaro.. Bigla napatingin sa direksyon ko si Paul at tinawag ako, Tyron halika pakikilala kita sa Girlfriend ko. Para akong binuhusan ng kumukulong tubig, nag init ang tenga ko sa narinig, Girlfriend. Sa isip isip ko mga taksil ilang minute lang kayo nagkakilala GF na? Tae itong babae na to. Pahada cguro, Galit na galit ako parang umuusok ang tenga ko sa galit.

Nagbingi bingihan ako kunwari di ko sya narinig kung kayat patakbo akong lumayo, at dumiretso sa banyo... Binuksan ko ang shower at dun ako nag iiyak. Sabi q sa sarli ko, mga hayup kayo sana di na ko sumama sa training na to, instead na mgenjoy ako, sinaktan mo ko, gusto kitang maging happy. Tapos yan kapalit.. Iyak talaga ako ng iyak.. Hala, ilang minuto na ang lumipas di man lng sumunod ang Gagong yun, kayat napagpasyahan kong silipin ulit ang kinalalagyan nilang court, mas lalo akong nasaktan ng nakita ko si paul na hinalikan ang Babae, sabi ko sa sarili ko,gusto ko ng magwala. Bakit ako magwawala, eh di naman kami.. Sinisi ko si paul sa isip isip ko, walanghiya Ka, pa Baby Baby ka pa jan, un pla makakita ka lng ng babae tsk.

So dahil sa wala akong magawa kundi umiyak na lng, tumungo ako ulit sa CR na unang pinuntahan ko at dun humagulgol.. Kasabay ng pagluha ko ang shower na bumubuhos sa gripo.. Di ko pansin na meron palang nakakarinig ng pagiyak ko. At bigla nagsalita, sige iiyak mo lang yan..

Dahil siguro sa galit ko kaya napa ulol ako.. pero sadyang makulit ang lalaking ito, ayan sige ilabas mo ang galit mo, alam ko galit ka kaya mo nasasabi yun.. Tapos sabi ko sa kanya, ano bang alam mo sa nararamdaman ko, bruho ka.. Napatitig ako sa kanya, dun ko lng napansin na si James pla! Gwapo pala ng loko.. Medyo mataas ng konti sa akin at , kilay pa lng nakakainlove na.. Kaya gumaan ang pakiramdam ko..


Itutuloy...

13 comments:

  1. Wapak ang story. Galing simple pero malaman ang kwento. Tnx sa update

    Randzmesia

    ReplyDelete
  2. selosan na agad agad? ang mga batang ito may gatas pa sa labi at humaharot na! kakaloka!

    ReplyDelete
  3. I really like this story.. cant wait for the next chapter. Go lang mr. Author. Galing mo. Salamat.

    Sana pala si james na lang at tyron para marealize ni paul na mahalaga sa knya si tyron. O kaya naman bumalik sana si tecson. Hehe

    ReplyDelete
  4. Kuya pam bawi posa promise mo kahapon yung chapter 4 nlang c yam to

    ReplyDelete
  5. Kaibigan lng gnyan n mgselos? Kya mdalas nsisira friengship dhil s gnyang ugali, ang babaw nmn.. Kkwalang gana

    ReplyDelete
  6. Bakit naging ganyan ang takbo ng kwento? Ang ganda p naman sana ng umpisa

    ReplyDelete
  7. Ang ganda ng story. Kakakilig! Pero nakakabitin ng husto, sana po mabilis yung update. Unlike sa ibang story! Gusto ko na mabasa ang kabuuan ng storya. Hoping na magkaroon na ng update, mga 2 or 3 chapters :) (demanding) wahaha... Anyway, keep up the good work & more powers.

    ReplyDelete
  8. gamit gamit din ng "quotation marks" pag may time

    ReplyDelete
  9. kalilan po ang susunod na update

    ReplyDelete
  10. update antagal! Ganda ng story! Tagal naman ung update! Please! >:-[

    ReplyDelete
  11. Author please update na naman!! Continue on what you've started!! I like the story. Go go go!!!

    -WM

    ReplyDelete
  12. admin...ung mga tamad jan ....wag na lang i-invite d2...

    nkaka walang gana......

    ReplyDelete
  13. Anonymous: October 2, 2015... hehehe. ganda sana ang kwento, kaso July 23, 2013 pa nalathala ang chapter 3, hanggang ngayon wala pa ang kasunod na chapter

    ReplyDelete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails