Followers

Friday, July 26, 2013

Si Louie At Ang Aking Mga Ala-Ala 8

Si Louie At Ang Aking Mga Ala-Ala
Written By : Baste31 - j.a.c.
Chapter 8 : Sharing
Please Click The Link For Previous Chapters COMPILATION



After namin magdinner at medyo pagod na ang lahat nagprepare ang isa naming teacher na lalake ng isang maliit na siga sa may tabing dagat at may gagawin daw kaming bonding.
So nagform kami ng circle na nasa gitna ang siga. Nangdumating ang teacher may dala na itong gitara at isang plastic.
"attention." ang sabi nya samin sabay hagod sa strings ng gitara.
At pinamigay nya sa amin ang mga panyo na nakalagay sa plastic maliban kay Louie. Sinabihan kami na piringan ang mga mata namin, lahat naman ay nakikooperate. Nang nakablindfold na ang lahat wala nang nagsalita sa amin at nakinig lang sa boses ng teacher namin. "
gusto ko, pagkatapos ng gagawin nating ito mas maging close ang buong klase natin. Gusto ko mag isip kayo ng mga problems, secrets na gusto nyong ishare, mga gusto nyong sabihin sa buong klase o kahit kanino! Maipapangako ba ng lahat na kung ano man ang maririnig dito ay hindi na makakalabas rito?"
"opo Sir!" ang sabay sabay na sagot namin.
Medyo kinabahan nga ako at nag-alangan dahil hindi naman ako sanay sa mga seryosong usapan. Ang dami tuloy pumasok sa isipan kong mga ala-ala.
"bibigyan ko kayo ng pagkakataong makapag isip, at pagkatapos kapag tinanggal ko ang piring ninyo its your turn to share something ok?" matapos sabihin yon ni Sir kasunod non ay ang pagtugtog ng gitara.
 "itong kantang to.. Ay para sa mga kaibigan ko at mga bago kong mga kaibigan.." nakilala ko agad yung boses na yon, dahil boses iyon ni Louie.
Mukhang naanyayahan ni Sir para magbigay ng kanta para sa amin. Para makasiguro inangat ko pa ng konti ang blindfold ko at sinilip si Louie. Nakangiti sya habang naggigitara sa may loob ng circle na binuo namin, nakaupo sa isang maliit na upuan at nakatingin sakin. Napangiti na rin ako at binalik yung blindfold sa mata ko.
So lately, been wondering Who will be there to take my place When I'm gone you'll need love To light the shadows on your face If a greater wave shall fall And fall upon us all Then between the sand and stone Could you make it on your own? If I could, then I would I'll go wherever you will go Way up high or down low I'll go wherever you will go And maybe, I'll find out A way to make it back someday To watch you, to guide you Through the darkest of your days If a great wave shall fall And fall upon us all Well then I hope there's someone out there Who can bring me back to you If I could, then I would I'll go wherever you will go Way up high or down low I'll go wherever you will go Run away with my heart Run away with my hope Run away with my love I know now, just quite how My life and love might still go on In your heart, in your mind I'll stay with you for all of time If I could, then I would I'll go wherever you will go Way, way up high or down low I'll go wherever you will go If I could turn back time I'll go wherever you will go If I could make you mine I'll go wherever you will go I'll go wherever you will go..
Hindi ko akalaing may itinatagong talent si Louie sa pagkanta.
Hindi naman ako nabigla na marunong maggitara si Louie dahil may nakita akong gitara na nakasabit sa kwarto sa bahay nila.
Humiyaw pa nga ang iba naming classmate, yung iba naman ay pumalakpak pa sa pinarinig na pagkanta ni Louie.
Ako naman ay tahimik lang na humanga kay Louie. Nag iisip ako kung ano ang iseshare sa grupo nang may nag umpisa nang magsalita.
"kuya Louie ang galing mo, crush na kita! Heheh.. Kaso mukhang naunahan na ko sayo ni Christian eh, JOKES! Hehehe!" Sabi ni Faye na palaging hyper active.
Sino ba naman ang hindi makakakilala e sya pinakamaingay sa klase.
"uhm, hindi ko alam kung pano uumpisahan yung ise-share ko sa inyo.." seryoso na agad ang boses.
"alam naman nating lahat, specially ako, na hindi naman ako kagandahan. Hindi ko din alam kung may lalake talagang magkakagusto sa 'kin, ewan ko ba. Sadya atang malas ako pagdating sa love, nandyan na pera lang pala ang gusto sa akin." napakalungkot ng boses ni Faye.
Hindi mo akalain na ang isa sa pinaka maingay at pinaka masiyahin sa min ay may itinatagong mabigat na problema.
"hindi ko alam kung seseryosohin ko pa ba ang lalakeng sasabihing mahal ako, pero sana naman noh! I WISH!!" pilit pinapasaya ang sarili kahit tunog umiiyak na.
"i wish makilala ko na yung right man na mamahalin ako at mamahalin ko. Thanks nga pala Bes, palagi kang nandyan in good times and in bad kaw lang ang nag iisang nahihingahan ko kapag inabot na naman ng kabiguan yung puso ko. Heheh.. Tama na nga drama, ayaw ko na next na nga pinapaiyak nyo ko eh! Heh-e" lalo naman akong kinabahan dahil baka ako na ang next.
Lalo tuloy lumakas ang kabog nang dibdib ko nang matapos magsalita ni Faye.
Inabot ng mahabang oras ang kaba ko dahil tuwing matatapos ang isa akala ko ako na ang kasunod. Iba iba rin pala ang pinagdaraanang problema ng mga classmates ko.
Yung iba tungkol sa pamilya, tulad ko dati. Yung isa ko namang classmate na babae inamin na buntis sya, hindi pa alam ng parents nya humahanap pa raw sya ng tyempo, iba naman away magkaibigan at yung iba pag ibig rin tulad kay Faye.
Lagpas kalahati na yung mga nakapagshare ng mga thoughts nila nang marinig ko ang boses ni Paul.
"hi classmates.. Ehem.. Haay.." halatang kabado rin si Paul sa lakas ng bugtonghininga nya.
"alam ko wala ni isa sa inyo ang may alam na.. Adopted child lang ako." nawala ang isip ko sa focus nang marinig ang sinabi ni Paul.
Sa tagal naming magkasama at magkaibigan hindi sya nagku-kwento sa akin ng kahit ano tungkol dun. M
edyo nagtampo tuloy ako sa kanya pero inisip ko na lang na siguro hinihintay lang nya ang tamang chance para sabihin sakin yun o nahihiya lang sya, hindi ko alam.
"i was 6 nung i adopt ako nila Mama at Papa sa isang ampunan. Malamang, kung hindi matalas ang isip ko wala ako dito sa harap nyo ngayon. Nandoon pa rin ako sa ampunan o tumakas na doon. Ang hirap kasi.." natigilan si Paul dahil nagc-crack na ang boses nya.
"Ang hirap kasi, may isip na ako noon. Hindi naman naging masama ang trato sakin nila Mama at Papa, ang totoo talagang tunay na anak ang turing nila sa akin. Si Mama always supportive yan sa mga gusto ko, si Papa..
Si Papa talaga ang may gusto na kunin ko ang course natin, ang hirap basahin ng isip ni Papa. Hindi ko alam kung ano ang gusto nya na maging para sa akin, hindi nya rin tinatanong kung ano ang gusto ko. Kaya hanggang maaari sinusubukan kong maging perfect child para sa kanya. Pero nagpapasalamat na rin ako dahil sa pagpili ni Papa sa corse ko, nakilala ko ang bestfriends ko sila Ian at Louie." akala ko ay tapos na magshare si Paul dahil tahimik na pero may ishinare pa sya.
"mayron pa palang isa, maynakilala na pala akong tao na nagpatibok ng puso ko.. Kaya lang hindi ko pa masabi sa kanya. Siguro masasabi ko na hindi kami bagay at hindi ko rin alam kung ano magigingreaksyon nya kapag nalaman nya. Hindi ko na muna sasabihin kung sino sya, kapag may lakas na ako ng loob kayo unang makakaalam kung ano nangyari! Yon lang thank you." at may nagugustohan na palang chick si Paul hindi man lang nagsasabi, yari ka sakin pagkatapos natin dito loko ka.
At umulit na ulit ang kaba ko dahil iba na ulit ang mags-share. Dumaan ulit ang turns ng iba kong classmates at palagay ko iilan na lang kaming hindi pa nagsasalita sa harap ng may magtanggal ng blindfold ko.

Sure sa isip ko na ako na ang bangka ngayon. 


To Be Continued 

5 comments:

  1. Ang ganda ng flow ng story... Kaso bitin ako lagi dito... Di ba tapos na tong story na to... San ko ba mababasa ng buo ang story na to... Help me naman... Addict ako sa pagbabasa nito... Thnx!

    -psyken-

    ReplyDelete
    Replies
    1. Abangan mo na laang at every other day ang posting ng story ni Baste. Mawawala ang thrill mo kapag binsa mo siya ng isang bagsakan. Promise!!! Maganda ang story na ito. :)

      Delete
  2. Kuya Ponse, sana i-post nyo rin po dito yung Bus Seatmates. Maganda rin po kase yun, kaso hindi na tinapos sa BOL. Thank you po. ;)

    ReplyDelete
    Replies
    1. That i can't do kuya Bleep at hindi tapos at sa may-ari ng BOL ipinagkatiwala ang story na yun kasi at hindi sa kuya Ponse mo kasi eh.

      Delete
    2. Sayang naman po. Pero thank you pa rin. :))

      Delete

FOLLOW US

Follow us in
- Friendster: www.friendster.com/msob
- Twitter: twitter.com/msoblue
- Facebook

Add michaelshadesofblue as your friend in facebook, friendster, and twitter: juha.michael@gmail.com

Disclaimer

All images and videos in this site are copyrights of their respective owners and "MSOB" claims no credit unless otherwise acknowledged. If you own the rights to any of the images or videos and do not wish them to appear on this site please, contact us at getmybox@hotmail.com and the items in question will be promptly removed.

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails