318 (My Second Attempt to Love)
By: ImYours18/Niel
Email and FB Account:
nielisyours@yahoo.com.ph
Wattpad Username: Nyeniel
Authors Note:
Hello guys! Chapter 5 is here.
Sorry guys kung late posting again. Medyo busy lang sa mga school works especially
sa programming na ansakit sa bangs haha joke lang! So yun, heto na po pala ang
chapter 5 ng aking kwento. Hopia like it! ^_^
“Ang Valedictorian ng Puso Ko”
Story status: ONHOLD. May mga nirerevise lang po ako sa pilot part at may mga
iniisip pa po akong mga events na pwedeng ipasok sa story. Intay lang po.
And, maraming maraming salamat po
sa mga patuloy na sumusuporta at naghihintay ng mga updates ko. Maraming
salamat guys! Labyah all :*
-nieL
PS: Pa-add naman po sa facebook ^_^ (nielisyours@yahoo.com.ph) Talamats!
XD
Warning: Some words used in
the story are foul words. Also, there are scenes which are seductive and not
appropriate to the minor readers. This story is a work of fiction only and any
parallel scenes, places and names to the reality are absolutely unintentional.
Any reaction, praise, violent reaction, complains and
comments regarding to my story, please contact me:
Email and facebook account: nielisyours@yahoo.com.ph
About
the cover photo:
I do not own this image. Any complaint arising out of
its use, please contact (nielisyours@yahoo.com) and the image will be
immediately removed.
ENJOY READING =)
Chapter 5.
Xander’s Point of View:
Sabado ng umaga. Balak namin pumunta ni bes sa mall dahil
nagpapasama siya na bumili ng bag nya. Syempre, kung mahal at ang taong
iniikutan ng mundo mo ba naman ang magyaya sayo? Tatangi ka pa ba? Kaya naman
madali nya akong napapayag na samahan siya. Ang cute nya kaya kapag nagmamakaawa
at kapag namimilit. Haha!
So, dahil excited ako na mamasyal kasama si Colby ay maaga
pa lang ay gising na ako. At dahil walang mapaglibangan ay kinuha ko ang gitara
ko upang tugtugin ang kantang inaalay ko para sa kanya – Ikaw Lamang. Sa isang
buwan na lumipas ay lagi kong tinutugtog ang kantang to lalong lalo na kapag
hindi ako busy sa mga ginagawa ko sa school. Ewan ko ba kung bakit hindi ko
makuhang magsawa sa tuwing pinapakinggan at tinutugtog ko ito. Gustong-gusto
kong kantahin to sa harap ni bes ngunit hanggang ngayon ay takot pa rin akong
umamin ng tunay na nararamdaman ko sa kanya.
Sa umagang iyon ay walang ibang laman ang isip ko kung hindi
ang mga nangyari isang buwan ang makalipas pagkatapos ng nangyari sa amin ni
Colby. May mga pagkakataong natutuwa ako sa tuwing naiisip ko at naalala ko ang
mga kilig moments namin sa isang buwan na iyon ngunit nalulungkot naman ako
kapag napagtatanto ko na hindi ko pa pala naamin sa kanya ang nararamdaman ko
at wala pa akong balak sabihin.
Sumagi rin sa isipan ko si Trina. Oo, si Trina na classmate
kong na parang isang lintang dikit ng dikit sa akin. I don’t know what she
wants, kinakaibigan ko naman siya at pinapakisamahan ng mabuti pero this past
few weeks? Hindi ko na alam kung kaya pa ng pasensyahan kong pagpasensyahan ang
mga taong katulad nya. Ginagambala nya ang taong mahal ko. At ang mas masama
hindi lang sya dahil sinasama nya pa ang mga kaibigan nya upang maresbakan si
Colby. Kaya naman hindi na ako nagatubili pa once I caught her on act na inaaway
si Colby at ang mga kaibigan nito.
Sa classroom ay naging kilala na rin ako. Syempre, isang
kalapastangan kung may isang estudyante sa school na to ang hindi nakakakilala
kay Xander James Villanueva (Hangin! XD) Haha! Biro lang. Basta ako? Pinakakasamahan
ko lang naman ng maayos ang mga tao sa paligid ko at totoo lang ako sa sarili
ko kaya naman naging popular na rin ako sa classroom at college namin, siguro
ay dagdag points na lang ang itsura ko.
Isa pang problema ay pagusbong muli ng mga haters sa
boyfriend ko este bestfriend ko. Bukod kasi kay Trina ay may iilan na namang
estudyante ang palihim siyang tinitirada at ang ikinababahala ko na naman ay
mayroon na namang mga taong nagpapadala ng treat note sa kaibigan ko at
sinasabing “Lubayan mo si Xander kung hindi kami ang makakabanga mo.”, syempre
lubos akong nagalala ngunit lalo akong humanga sa kanya dahil nakita ko kay
Colby ang courage nya sa paghandle ng mga bagay na ganito. Ang laging dahilan
nya ay “Sus, bes? Napagdaanan na na’tin yan! Maning-mani ko na yang ganyang
problema..”, alam ko deep inside ay nasasaktan sya ngunit iba talaga si Colby.
Siya kasi yung taong kahit mabasag ay kayang pulutin ang nabasag na sarili
upang buuin muli at magsimula ng bagong buhay. Masasabi ko pa ngang mas lalaki
si Colby sa pinapakita nyang katapangan e. Proven na yan noong break-up nila ng Tristan.
And speaking of Tristan, nagkausap kami ng masinsinan at
usapang lalaki one time noong hinihintay ko si Colby na matapos ang last
subject nya. Nakaupo ako noon sa park malapit sa school ng bigla syang tumabi
sa akin.
“Pare.” Approach ni Tristan sabay tapik sa balikat ko.
Nagtaka ako sa mga oras na iyon. Anong ginagawa nya rito?! Masama pa ang loob
ko sa lalaking to dahil sa ginawa niyang kagaguhan at pagtataksil sa
bestfriend
ko.
“Anong kailangan mo sa akin?” Malamig kong pagtatanong.
“Ahmmm. Pwede ba kita makausap ng masinsinan Xander?”
Sincere nyang paghingi ng pabor. Nagulat naman ako, masinsinan? Para saan? Wala
na sila ni Colby di ba? Bukod kay Colby ay wala na kaming ibang connection pa
ni Tristan.
“Para saan naman?”
“Tungkol kay Colby..” Nahihiya nyang sagot.
“Tungkol kay Colby? Ano pa bang kailangan mo sa kanya? Hindi
pa ba sapat ang saktan mo sya? Ha?!” Medyo may pagtataas ng boses kong tugon.
“Huminahon ka Xander. Wala na akong intensyon na saktan pa
syang muli. At nandito lang ako upang ibilin si Colby sayo. Ka-kasi.. Aalis na
ako sa school na to..” Sagot nya na tila may lungkot sa mukha.
“Huh! Talagang hindi mo na siya masasaktan muli dahil
sinasabi ko sayo, once na saktan mo pang muli ang bestfriend ko? Hindi ko na
alam kung anong magagawa ko sayo Tristan..” Buong tapang kong sabi sa kanya. “Ano
bang gusto mong sabihin?” Tanong ko sa kanya.
“Xander..” Pagtawag nya sabay hugot ng isang malalim na
buntong hininga. “Una sa lahat, gustong gusto kong humingi ng tawad sa kanya,
pero hindi ko magawa dahil kahit ako alam ko kung paano ko nasaktan at
nasugatan ang puso nya.”
“Alam ko napatawad ka na nya. Kahit anong sakit at kahit
gaanong kalaking sugat ang binuo mo sa puso nya, alam kong napatawad ka na nya.
Ganyang kabuti ang bestfriend ko, ganyan ka nyang kamahal dati. Na sinayang
mo..”
“I know..” Malungkot nyang tugon.
“Alam mo naman pala e. ikaw ang hirap kasi sayo pare, hindi
mo iniisip ang mga risk ng ginagawa mong desisyon. Hindi mo alam kung may
masasaktan basta ikaw masunod lang kung ano ang gusto mo. Hindi mo muna iniisip
ng mabuti kung tama ba ang desisyon mo at makikinabang ka ba sa ginawa mong
desisyon in future. Masyado kang nagpa-resist sa temptation. Sagutin mo ako?
Diretsuhin mo nga ako? Pumunta ka ba dito para..” Napatigil ako at humugot ng
isang malalim na paghinga. “Para bawiin muli sya dahil hindi ka na maligaya sa
taong pinaglaban mo noon?” Tanong ko sa kanya. Tumaas na ang tono ng boses ko.
Shit! Bakit nya sinasabi to?!
“Aaminin ko Xander. Oo, gustong-gusto ko syang balikan. Ang
tanga tanga ko na binitawan ko siya. Ang tanga-tanga ko na hindi ko narealize
at nadama ang pagmamahal nya sa akin noon. Ang tanga-tanga ko na tinangap ko si
Rafael at binalikan kahit na alam ko naman ang maaring kahantungan namin.” Sabi
niya na may pagtataas ng boses. Tumungo siya at napansin ko ang pagtulo ng luha
sa kanyang mga mata. “At ngayon, pinagsisihan ko ang lahat. Ngayon ko
nararamdaman ang sakit sa tuwing nakikita ko siyang masaya sayo. Nasasaktan ako
sa tuwing nakikita ko siyang masaya at nalimutan na ako na tuluyan. Nasasaktan
ako Xander.. Oo na, ako na ang pinakatangang tao sa buong mundong to Xander
pero mahal ko pa rin siya. Gustuhin ko man siyang balikan ngunit wala na akong
mukhang ihaharap at… masaya na siya..”
“Mahal.. mahal..” Iiling-iling kong sabi sa kanya. “Pasensya
ka na Tristan, pero mahal ko si Colby.. Mahal ko siya ng higit sa kaibigan.
Minamahal ko siya ng parang isang kasintahan.. Pasensya na pero, yan ang
katotohanan. Binitawan mo siya dahil sa taong alam mo naman palang sasaktan ka.
Ngayon, ito na ang oras ko para aminin ang nararamdaman ko. Hindi ko na papalagpasin
Tristan. Sinuko mo na siya, pinaasa mo siyang mahal mo siya.. And I don’t think
na enough na yung reason mo para mahalin ka ulit nya, mapatawad maari pa..”
Nasabi ko na lang kay Tristan. Napabuntong hininga ako. Sincere ang pagkakasabi
ko sa kanya. Bukod sa sarili ko ay siya ang taong napagsabihan ko ng
nararamdaman ko para sa bestfriend ko. Selos ba? I don’t know. Ang alam ko
natakot ako sa sinabi ni Tristan na pinagsisihan niya na ang lahat. Natakot ako
na mawala sa akin si Colby.. “Tristan, natututo ang tao. At sa kaso ni Colby
dati? I’m sure nadala na siya..” Dagdag ko pa sabay tayo upang umalis na.
“Xander saglit..” Pagtawag sa akin ni Tristan. Huminto ako
upang pakinggan ang sasabihin niya. Kahit nakatalikod ako sa kanya naririnig ko
at nararamdaman ko ang paghikbi at kalungkutan sa kanyang boses.
“Alagaan mo
siyang mabuti. Kung mahal mo siya, aminin mo sa kanya. Maging masaya kayo.. pasayahin
mo siya sa piling mo. Sa paraang yun mapapanatag na ako. Siguro, kailangan ko
ng kalimutan siya at kalimutan ang lahat sa amin. Maging ang sa amin ni Rafael.
Basta ang hiling ko lang Xander ay.. alagaan mo siyang mabuti..” Sincere nyang
sabi sa akin. Ewan ko ngunit para hindi ito ang Tristan na nakilala ko. Kitang
kita at damang dama ko ang sincerity sa kanya. I don’t know, but nakikita ko sa
kanya si Colby during their break up. Dinapuan ako ng awa sa kanya. Parang
sinasabi ng utak ko na isuko ko na lang kaya si Colby sa kanya gayung hindi ko
naman kaya panindigan si bes. Hindi ko kayang umamin sa kanya at ayokong maging
selfish, ngunit kinokontra naman ito sa puso ko na sinasabing ipaglaban ko si
Colby dahil mahal ko naman talaga siya at masasaktan lang ako kapag sinuko ko
siya.
“I will, salamat..” Nasabi ko na lang kay Xander. Tumayo na
din siya at nag part ways na kami. Nilinga ko siya at napansin kong panay pa
rin ang punas nya sa kanyang mata. Syempre, nakaramdam ako ng awa ngunit sa
kanya na rin galing ang desisyon.
Iyon lang at pagkatapos ng usapan naming yun ay halos may
ilang araw ko nang hindi nakikita si Tristan sa school na to.
Alas-11 ng tanghali noong naisipan kung pumasok na ng banyo
upang maligo at maghanda sa pamamasyal namin ni bes. Ewan ko ba pero
nakakaramdam ako ng exciting tong araw to para sa amin ni bes. Syempre,
makakapagbonding na naman kami at makakasama ko na naman siya at makikita ang
mga ngiti nya.
Mga dalawampung minuto din akong namalagi sa banyo upang
maligo at ayusin ang sarili. Bubuksan ko na sana ang pintuan ng banyo ng kwarto
ko ng bigla akong nakaramdam ng kakaibang kaba. Ang weird nga e, basta-basta na
lang akong kinabahan sa hindi malamang dahilan.
Pagkabukas na pagkabukas ko ng pintuan ay laking gulat ko ng
makita ko si bes na nakaupo sa kama ko at tinitignan ang cellphone ko. Oo,
normal lang sa amin ang magtinginan ng cellphone pero hindi ngayon. Baka makita
nya nag video na ginawa ko noong inaaral ko pa lamang ang paboritong kanta ni
bes. Shit!
“Bes?! Anong ginagawa mo sa cellphone ko?!” Tanong ko sa kanya
ng may pagtataas ng boses. Lumapit ako sa kanya at hinablot ko ng madalian ang
cellphone ko sa kanya. Noong tinignan ko ang cellphone ko ay laking gulat ko ng
nakaopen na ang video folder dahilan
upang maginit ang ulo ko.
“Shit! Bes ano bang pinakikielaman mo sa cellphone ko?!”
Galit kong tanong sa kanya.
“Ahh.. Ehhh.. Sorry bes. Hindi ko naman sinasadya saka
normal lang naman sa atin ang magtinginan sa atin ng content ng cellphone di
ba?” Hindi ko naman aakalaing magagalit ka e..” Sabi niya sa akin.
“Tsk. Sa susunod bes ipaalam mo muna ah?”
“Okay! Sensitive naman nito! Ano bang tinatago mo dyan?
Siguro may love-life ka na noh? Ayyiiee!” Pangaasar nya sa akin.
“Wala ah? May mga pictures lang akong hindi maganda ang kuha
dito..” Pagmamangmaangan ko.
“Wala daw. Pero tignan mo to..” Sabi nya sabay lakad papunta
sa cabinet ko at tinuro ang.. Shit! Yung gitara ko nakita niya. Badtrip! Ang
sabi ko pa naman sa kanya dati ay ilalabas ko lang gitarang yun kapag may
tinitibok na muli ang puso ko. Baka magsuspetsa pa tong si Colby sa akin. Shit!
“Di ba sabi mo ilalabas mo lang ulit itong gitarang to kapag may liligawan ka
na ulit? Now tell me. Who’s that girl?!” Tanong nya sa akin.
“Ahh e wala yan bes! Na-tripan ko lang kasing tumugtog ulit
ng gitara kaya nilabas ko yan..” Pagdadahilan ko sa kanya. Ewan ko ba, gustong
gusto ko nang aminin ang nararamdaman ko sa kanya ngunit lagi akong inuunahan
ng hiya.
“Okay!” Sarkastiko nyang sagot sa akin.
Bago kami umalis papuntang mall ay nag-lunch muna kami
kasama ni mama sa bahay. Buti na lang ay nakapaghanda si mama ng makakain dahil
hindi ko naman akalain na pupunta ng ganung kaaga si bes. Masaya kaming
kumakain ng lunch. Nakakatuwa naman makitang masayang kumakain at close na
close sa isa’t isa ang magbyanan ay este si mama at si bes. Napagkaisahan pa
nga akong asarin e.
“Xander? Shades ka ba?” Tanong ni Colby habang kumakain
kaming tatlo nila Mama. Aha! Pi-pick up to.
“Bakit?”
“Nagdidilim kasi paningin ko kapag nakikita kita e! Boom!”
Pangbabasag ni Colby. Makaganti nga!
Wahaha!
“Bes? Ice cream ka ba?”
“Bakit?” Pagtatanong nya.
“Mukha ka kasing rocky road! Bwahahaha! Boom!”
Alas-12 na noong umalis kami sa bahay. Di kalaunan ay
narating na rin namin ang mall at pumunta agad kami ng timezone upang maglaro
ng arcade. Tulad ng dati ay para kaming mga bata na naglalaro ng mga arcade
games.
Grabe! Ang saya talaga kasama ni bes. Lagi kong nakikita ang
mapupugay nyang mga ngiti na hindi ko magawang pagsawaan. Aalis na sana kami sa
timezone upang mag-shopping muna ng bigla kong maisipang yayain sa Dance
Revolution si bes.
“Bes! Sayaw tayo dyan..”
“Adik! Alam mo namang hindi ako masyadong marunong sumayaw
e. Wag na!” Pagtangi nya.
“Dali na bes! Please?” Pangungulit ko sa kanya. Ang ending
ay napapayag ko din naman siya. Haha!
Hinulugan na namin ng token ang dance revo machine ng
biglang may mga naglapitang mga naglalaro sa amin upang panuorin kami. Yes!
Masaya to haha! Actually, gusto ko lang din talaga siyang asarin e kasi ang
cute nya kapag nagtatampo at kapag nayayamot sa akin.
Syempre, nakaramdam siya ng pagkailang ngunit hindi na lang
namin ito pinansin at nagsayaw na lang kami sa dance revo machine. Ang cute nya
pala kapag nahihiya! Ang feminine ng itsura nya kapag nahihiya. Hihi!
Pagkatapos ng dance revo namin ay pinaghahampas nya naman
ako dahil sobrang nakakahiya at nakakailang daw. Niyaya ko pa kasi siya dun.
Ayan! Umepekto ang plano ko na yamutin siya and fortunately nakita ko na naman
ang kanyang cute na expression. Ang swerte ko talaga.
Pumunta muna kami ni bes sa department store upang tumingin
ng mga bag. Hindi nagtagal ay nakakita rin siya ng maganda ganda bag sa fit sa
kanya. Nakakatuwa dahil ang cute nya noong sinukat nya ang bag sa kanyang
likuran. Lahat na lang ata ng nakikita ko kay Colby ay cute. Haayyysst! Bes!
Nagayuma mo ata ako. Haha! Ang lakas ng tama ko sayo.
“Bes tara na..” Pagyayaya ko sa kanya upang lumabas na sana
ng department store.
“Wait lang bes.”
“Oh bakit? May bibilhin ka pa ba?”
“Basta bes, sumama ka na lang sa akin..” Sabi nya sabay hila
sa mga kamay ko dahilan upang mamula ako sa sobrang kilig. Buti na lamang ay
hindi siya nakaharap sa akin dahil makikita niya ang pamumula ko.
Nagulat naman ako ng bigla kaming pumunta sa shoes section
ng department store. Teka? Ang dami-dami nang mga sapatos ni Colby sa kwarto
nya ah? Don’t tell me bibili na naman siya ng bago?
“Bes? Anong gagawin na’tin dito?” Curious kong tanong.
“Obviously bibili..” Pamimilosopo ng cute na nilalang na to.
“Ah sabi ko nga! Pero ang dami nang sapatos ah? Bibili ka na
naman? Collector ka ba?”
“Hindi! Hindi para sa sarili ko. Para sayo..” Pagkasabi nya
nun ay namula na naman ako dahil sa pagkabigla at sa kilig. Syempre, nakaramdam
naman ako bigla ng hiya dahil ayoko nang magabala pa si Colby at dapat ako ang
nagbibigay sa kanya ng mga ganitong stuffs at mga regalo.
“Bes, wag na lang. Ayos pa naman tong ginagamit ko sa ngayon
e..”
“Sige na bes, I insist.”
“Nakakahiya kasi bes e. Ang mamahal ng rubber shoes dito
oh?” Sabi ko kay bes.
“Kung presyo ang iniisip mo bes wag mo na isipin yun. Regalo
ko lang din sayo to.. Kaya sige na bes..” Pag-iinsit ni bes sa gusto nya.
Kinalaunan ay napapayag nya na rin ako.
Isang nike na rubber shoes na kulay green na may combination
na white color ang binili sa akin ni bes. Nahihiya man ay tinangap ko na dahil
ayaw naman paawat nitong si bes. Kaya naman tinangap ko na lang ito at
nagpasalamat sa kanya.
Maaga pa naman at walang pasok bukas kaya naman naisipan
naming pumunta ng cinema ni bes. Nooong tinignan namin ang screen kung saan
pinapakita ang mga showing ngayong araw na to ay parehas naman kaming napakunot
ng noo dahil walang mga bagong movie. Puro nga nag-showing na dati at
pinapalabas lang muli ngayon. Aalis na sana kami noong makita namin ang isang
movie na sa palagay namin ay year 2010 lang pinalabas. Yung title ng movie is, “paano
na kaya” kung saan ang bida ay si Kim Chui at si Gerald Anderson.
“Bes yan na lang kaya panuorin na’tin?”
“Uhmmm??? Okay lang. Hindi ko pa naman napapanuod yan e.
Pero bes hindi na bago yan? Ayos lang sayo?” Pagtatanong nya.
“Oo naman! Mukhang maganda naman ang istorya nyan e. Tara
na..” Pagyaya ko.
Pumila kami sa ticket booth ng sinehan upang bumili ng
ticket bumili na rin kami ng popcorn and drinks upang may makain kami sa loob
ng sinehan habang nanunuod.
Pumasok na rin kami ng sinehan. Dahil napalabas na noon ang
pelikulang ito ay wala ng masyadong tao ang nanonood sa sinehan. Sa aking
palagay ay maibilang na lang ito sa aking mga kamay. Syempre kapag konti ang
tao ay mas malamig ang temperature sa loob ng sinehan.
Nagsimula na ang palabas. Hindi ko naman akalain na inlove
with bestfriend ang theme ng palabas na to. Kaya naman labis akong natatamaan sa
bawat scenes ng pelikula. Si Kim Chui kasi ay inlove kay Gerald Anderson na
bestfriend niya eversince. Dumating yung time na nagkaruon ng lovelife si
Gerald at noong nakipagbreak ito ay nasaktan si Kim at siya ang laging nandyan
upang damayan ang bestfriend niya na kaagapay nya. Pareho ng scenario namin
noon noong sila pa ni Tristan kung saan sa labas ay tangap na tangap ko ang
relasyon nila ni Tristan pero sa loob-loob ko ay ang sakit-sakit na ngunit
dahil kaibigan ko siya ay tinangap ko ang relasyon nila.
Napansin kong tutok na tutok lang si bes sa movie. Hindi ko
alam kung ano ang iniisip nya pero napapansin kong nakikiagos ito sa emosyon na
nakapaloob sa pelikula.
Ang katotohanan pala ay walang ibang nararamdaman si Gerald
kay Kim. Ngunit, nagawa niya ring mahalin si Kim noong umamin ito. Katulad sa
nararamdaman ng bidang babae ay nararamdaman ko rin ang takot na baka hindi ako
mahal ni bes tulad ng nararamdaman ni Gerald. Kaya heto, tinatago ko ang
nararamdaman ko sa kanya. Pinagkakasya ang sarili bilang isang kaibigan lang
but my heart is always asking more from him.
Natapos ang pelikula at kumakain naman kami ni bes sa KFC.
Chicken burger lang ang kinain namin dahil busog pa nga kami dahil sa kinain
naming popcorn kanina.
Hindi namin namalayan na alas-8 na pala ng gabi kaya naman
umalis na kami ng mall. Ngunit bigla ko namang naisipang tumambay muna sa plaza
dahil maganda roon kapag ganitong oras dahil kakaunti lang ang mga tao na
namamasyal, may mga makukulay na ilaw, pwedeng mag-picknik at pwedeng
magmunimuni kung mag isa ka lang.
“Bes, daan muna tayo sa plaza?”
“Ano namang gagawin na’tin dun? Ang daming mga couples dun
sa ganitong oras. Mao-O.P. lang tayo bes..”
“Wala lang, maaga pa kasi e. Wala namang pasok bukas e.”
“Oh siya sige na nga!” Pagsasangayon ni Colby.
So, pumunta nga kami ng plaza habang maaga pa. Kumain kami
ng fishballs, at kung ano ano pang mga streetfoods na binebenta sa tabi-tabi.
Hindi man namin sigurado kung malinis nga yung mga yun, but one thing is for
sure. Masaya ako na kasama ko at napasaya ko si bes sa araw na to.
Pagkatapos namin kumain ng mga streetfoods ay umupo namin
kami sa isang bench sa plaza. Kitang-kita sa ngiti ang saya ni bes. Ewan ko ba,
pero yung matatamis niyang mga ngiti ang nakapagpakumpleto ng araw ko. Tumingin
siya kalangitan. Napakaganda ng kalangitan sa mga oras na iyon. Walang
mabibigat na mga ulap, nagkalat ang mga makikinang na bituin sa kalangitan, ang
buwan na cresent ang hugis at ang taong pinakamamahal ko na katabi ko lang.
Wala na ata akong hihilingan pa. Kung ako lang, ayoko nang umuwi pa o pauwiin
si bes sa bahay nila. Ang gusto ko sana ay dito sa plaza na to kung saan
kakaunti na lang ang mga tao, mapayapa, at kasama ang taong mahal ko.
Ngunit, simbilis naman ng kidlat ang pagkagising ko sa
katotohanan na wala kaming relasyon ni bes, na hindi ko alam kung mutual ba ang
nararamdaman namin. Kaya naman hindi ko maiwasang malungkot rin.
“Bes?” Pagtawag ko sa kanya habang tahimik kaming nakatingin
sa kalangitan.
“Uhm?”
“Bes? I have a question?”
“What is it?”
“Uhm? Mahal mo pa ba si Tristan?” Natigilan ako at humugot
ng isang malalim na buntong hininga. “Wh-what I mean is nakapag-moveon ka na ba
sa break up niyo ni Tristan?”
“Why are you asking?”
“I’m just curious..”
Humugot ng isang malalim na buntong hininga si bes. Tumingin
siya sa akin. Tinitigan niya ako. “Bes. Hindi ko na siya mahal. Tama na ang
isang pagkakataon para matuto ako at matuto siya. At sa-saka..”Sabi niya na
tila nahihiya.
“At saka ano?”
“At sa-ka.. Ahh.. Ma-dedepressed lang kasi ako kapag hindi ako
nag-move on sa kanya. Siguro nga hindi kami para sa isa’t isa. Kaya okay lang
sa akin. Tinangap ko na ng maluwag sa dibdib ko.” Pagpapaliwanag niya. Syempre,
nakaramdam ako ng tuwa na hindi niya na nga mahal si Tristan, pero dapat ba
akong matuwa kung hanggang kaibigan lang naman ang karapatan ko sa kanya?
“Ah ganun ba?” Ang nasagot ko na lang sa kanya. Gusto ko
sanang sabihin na ‘buti naman at wala na akong kalaban’ ngunit lagi naman akong
inuunahan ng hiya.
Pagkatapos namin mapagusapan ang tungkol kay Tristan ay
nagusap pa kami ng Colby at nagbanatan ng kung ano-anong mga pick-up lines. Oo,
pauulit ulit na pero one thing to describe this day is just I’m glad.
Alas-10 na ng gabi noong maisipan naming umuwi ni bes.
Nagpresinta na akong ihatid siya sa kanila dahil gabi na nga at delikado na
magbyahe ng magisa ng ganung kagabi.
Hinatid ko si bes hanggang sa gate ng bahay nila.
Magaalas-onse na ng gabi nang marating namin ang subdivision kung saan sila
nakatira. Inaanyayahan pa nga ako ni bes na pumasok sa loob ng bahay nila kahit
sandali lang ngunit tinangihan ko ito dahil nga gabi na masyado.
“Bye bes..”
“Bye din bes..”
Nakatagilid na ako at akmang tatalikod na sana nang
maramdaman kong may papalapit sa aking mukha. Lumingon ako upang tignan kung
ano yun ng biglang..
“Uhmmmppp” Naglapat
ang mga labi namin ni bes pagkalingon na pagkalingon ko. Parehas kaming nanlaki
ang mata at nagulat sa pagdampi ng aming mga labi!
-
I T U T U L O Y.
-Kamusta yung chapter na to guys?
Bitin ba? Hihi. Comments, votes, feedbacks and reads are appreciated. Thanks
guys! :*
Parang first time maghalikan? Haha
ReplyDeleteKakakilig nman haha..nxt ud na pls :)
ReplyDeletegood as nothing ang chapter na ito. i was so bored. yong last part lang ang nagspark at bitin pa. tsk tsk tsk
ReplyDeleteAng t0rpe talga ni xander.,,hahaiz mako galing na bitin ako .,,karma ni tristan pero naawa ako sa kanya.,
ReplyDeleteJulmax
Bitin! I want moar!
ReplyDeleteMy gosh! Kinikilig ako sa mga scenery!
ReplyDeleteGanda m0h din Colby noh?
Nxt chap. na! So bitin! Go! Go! GO! Karakaraka!
Gusto kong umepalparin si tristan sa lovestory nla ni xander!
ReplyDelete-Kyo
Oy Xander, umamin ka na kasi!
ReplyDeletenag kang kangan na kayo tapos pa shy shy ka pang feeling weii!!!
ReplyDeletesalahat ng nabasa ko masasabi kong ito ang pinaka maganda, to think na walang halong kalaswaan.. nababagay to sa paperback..kudos!
ReplyDeletesa lahat ng nabasa ko ito ang pinaka maganda to think na walang love scene, pang paperback ..kudos to the author and Godbless
ReplyDeletesalahat ng nabasa ko masasabi kong ito ang pinaka maganda, to think na walang halong kalaswaan.. nababagay to sa paperback..kudos!
ReplyDelete